Responde Cavite Oct. 18-24

Page 1


2

OKTUBRE 18 - 24, 2009

1 kritikal, 1 patay sa hazing NI SID LUNA SAMANIEGO

ALFONSO, CAVITE – Namatay sa tindi ng sinapit na hazing ang isang binata habang nasa kritikal na kalagaan naman ngayon ang isa nitong kaibigan matapos ang pagsasagawa ng hazing ng mga kabataang kaanib di umano ng fraternity. Sa nakuhang report ng Responde Cavite kay Cavite Provincial Director P/S Supt. Alfred Corpus kinilala ang biktimang namatay na si Elvis Sinalia, 21 taong gulang. Habang ang kasama nitong nasa kritikal na kalagayan ay nakilala sa pangalang Criseno Paloma, 18, na kasalukuyang ginagamot sa UMC Dasmariñas, kapwa residente ng nasabing bayan. Kinilala naman ang mga suspek na sina Antonio Rosanes, 21;

Ricky Arga, 21; Rommel Pega, 26; na boluntaryong sumuko sa mga alagad ng kapulisan. Timothy Cruzada, 18; Paul John Caldit, 18; Aaron Amparo, 18; Jecel Alvarez, 22; at Aloja Vidallon, 17; pawing mga residente ng nasabing bayan. Sa inisyal na report na nakuha ng Responde Cavite , napagalamang nagsasagawa ng hazing ang mga kabataan para sa dalawang biktima na bagong recruit ng kanilang grupong Scout Royal Brother-

hood (RSG). Alas-10 ng gabi ng isagawa ang nasabing hazing sa isang liblib na lugar sa Alfonso na kung saan dumanas ng matinding bugbog at pasa ang mga biktima na hindi umano nakayanan ng dalawang biktima ang mga palong sinapit na naging mitsa ng kamatayan ni Elvis Sinalia habang nakuha pang maitakbo sa pagamutan si Criseno Paloma na nasa kritikal na kalagayan ngayon. Kasalukuyan pa ring pinaghahanap ang anim na suspek na sina Jay-

son Memrije, 24, residente ng Brgy. Poblacion; Paul Meo Cruzada, residente ng Brgy. Tayawak, at apat pang suspek na nakilala lamang sa kanilang alyas na RJ, Dominic, Black, at Snow na sinasabing residen-

teng Indang, Cavite. Nagbigay naman ng mensahe si Provincial Director P/S Supt. Alfred Corpus sa lahat ng mga magulang na maging alerto sa lahat ng kilos ng kanilang mga anak. Sa mga kabataan naman, pinapayuhan nitong huwag umanib sa mga ganitong samahan na kung saan kailangan pang dumanas ng matinding pagpapahirap ang mga bagong kasapi na nagiging sanhi ng kamatayan.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang paghuhukay na isinasagawa ng Maynilad, wala pa ring tulo sa gripo ng bawat sambayanang Caviteño. Magkaroon man ng tulo kundi may oras ay may amoy o maitim ang kulay.

Shabu Tiangge, sinalakay IMUS, CAVITE – Isa na naming hinihinalang shabu tiangge ang sinalakay ng mga awtoridad kung saan nahuli ang may 47 katao. Sa nakalap na balita ng Responde Cavite naganap ang pagsalakay noong Oct. 15, 2009 sa humigit kumulang alas 5:30 ng umaga. Sa pinagsanib na pwersa ng Cavite PPO, PDEA-AIDSOTF, at PRO-4A ang bahay nina Janice D. Lugao, Ogie Alcaraz, at Rochelle Santander, mga pawang residente ng Brgy. Halang Poblacion 4 sa bayang ito. Sa bias ng tatlong search warrants na inilabas ni Hon. Judge Mangrobang naaresto ang mga ito, kasabay ng dalawa pang hinihinalang look-out na sina Jose Panis at Dante Del Rosario. Nakatakas naman ang isa pang target sa search warrant na si James Magno. Habang naaresto naman ang 47 katao na nahuli sa loob ng bahay na hinihinalang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. OBET CATALAN

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209


OKTUBRE 18 - 24, 2009

2 hinihinalang tulak, tigbak sa Cavite DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng droga ang natagpuang patay kamakailan sa Aguinaldo Highway sa Imus, Cavite sang-ayon sa kagawaran ng pulis ng nasabing bayan. Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t bahagi ng katawan ang mga bangkay. Nakita rin na nasa pag-iingat ng mga ito ang ilang plastic na lalagyan ng droga at paraphernalia at hinihinalang marijuana. Sang-ayon kay PO1 Dennis L. Magsaysay, ang may hawak ng kaso, natagpuan ang dalawang bangkay mga 500 metro ang layo sa bakuran ng British International School sa Barangay, Anabu II. Kinilala ni Magsaysay ang isa sa mga ito na si Rhielvin C. Villazorda, 30, may asawa, walang trabaho at nakatira sa Riverside Zone 1A-B, Dasmariñas, Cavite. Sinabi rin ng nasabing imbestigador na pu-

munta ang mga kamaganak ni Villazorda sa himpilan ng pulisya upang patotohanan na mayroon ngang nakabimbin na kaso na may kinalaman sa droga si Villazorda sa bayan ng Dasmariñas. JUN ISIDRO

Dahil sa mabahong basura…

3

NI REX DEL ROSARIO

200 residente, naospital

SILANG, CAVITE – Umabot sa 200 residente ng Brgy. Maguyam, Silang ang isinugod sa ibat ibang pagamutan dahil sa tindi ng pagsusuka dulot ng “suffocation” dahil sa mabahong amoy na umaalingasaw sa lugar na ito. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite kay P/Supt. Danilo Buen-

tipo, hepe ng pulisya, nangyari ang pagsusuka noong Oct. 15, 2009 ng madaling-araw ng malanghap ang masamang amoy ng mga residente.. Ayon sa isang biktima

na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan, nagmula ang masamang amoy sa Cleanway Technology Corporation, isang waste treatment firm sa nasabing bayan kung

saan ang lahat ng nakakalanghap ng amoy nito ay dumadaing ng pananakit ng sakit ng tiyan. Labis naman ang pagtataka ng mga residente sa mga opisyal ng pamahalaang lokal sa pangyayaring ito na hindi man lang kumilos o imbestigahan ang kumpanyang ito.

CARMONA, CAVITE Dalawang hinihinalang kilabot na holdaper sa bayang ito ang napatay matapos na makipagpalitan ng putok diumano sa mga awtoridad. Naganap ang pangyayari noong Octubre 12, 2009 sa humigit kumulang alas 2:30 ng madaling-araw. Sa nakalap na balita ng Responde Cavite nakuhang holdapin ng

mga hindi nakilalang suspek ang isang Caltex Gas Station sa Brgy. Mabuhay. Habang nagpapatrolya ang mga kapulisan ng Carmona Police ay nakatawag pansin sa kanila ang isang humihingi ng tulong na kaagad naming nirespondehan ng mga pulis. Nang makita ng mga holdaper na may

parating na patrol car ay agad nagpaputok ang mga suspek at kaagad na kumaripas ng takbo sakay ng kanilang motorsiklo upang tumakas, subalit sinundan ito ng mga awtoridad hanggang magkaroon ng pagpapalitan ng putok ng baril hanggang sa bumulakta na ang dalawang di kilalang suspek. JUN ISIDRO

Holdaper, patay sa engkwentro

‘BER’ na nga!!! Nagkalat na sa mga bangketa sa anumang pamilihang bayan sa lalawigan ang prutas na sa kabila ng delubyo ni ‘Ondoy’ ay kinakaya pa rin ng mga fruit vendor na ibenta sa murang halaga.

Airgym Fitness Center

Cavite City Branch We’re open to serve you If you want to feel healthy and fit come and visit us at 2nd floor of 7 Days Pawnshop Dra. Salamanca Road San Antonio Cavite City WE OFFER WEIGHT TRAINING PROGRAM FOR: 1. Body Building 7. Body Toning 2. Advance Body Building 8. Body Shapping 3. Lose Weight 9. Taebo / Aerbo 4. Gain Weight 10. Karate 5. Power & Bulk Routine 11. Ballroom 6. Exercise for Sports Improvement MONDAY TO SUNDAY (8:00 am – 9:00 pm) For more inquiry pls. look or call: Ms. Chai S. Burgos / Melchor / James Tel. Nos. (046) 431-0515 / (046) 438-2226


4

OKTUBRE 18 - 24, 2009

Ni Mahalina Mahadera y Mahablangka Ay, olah, mga amiga at sisterata… bonggang bongga ang ating unang pasabog na mga intriga. Sa lahat ng mga badinggarzi at baklush na nasa likod ng mga avitoh at uniformeh ng mga kamachohan.. out na! Simulan na natin ang pagbobokelya mula sa ating mga ispiya kafatiran: *** KONSEHAL HIGAD Sines Itetsh? One konsehal na taga-Upland na madatung ang palaging rumarampa sa Maynila na laman ng videoke at ktv bar? Hmm, Papa… madatung ka pala, gibsing mo naman ako ng panghada. Charos! Itong konsehal na itetsh ay may higad sa nguso at bobondatski ang tyanda romero. Mindyu mga sisterata, ang alahas… bonggesious talaga. Hmm, Papa, kaya ka pala lagi wa appearance sa mga session kasi always present sa Manila… hala… nanghahala sa Maynila ang aking Papa. Mayganoon? *** KAPITAN VARYA Sines Itetsh? Ay naku, mga madir at mga padir… pagbawalan ang inyong mga dyunakish na magawi sa one barangay sa Tanza. Atseng mga ateng… may isang barangay dawz doon na may pa-video karera at fruit game. Nakuw ha, at ang tip sa atin ng ating sisterata, pag-aari daw itetsiwang makinah (tawagis sa mga video karera at fruit game) ni Kapitan. Ahahahay! Gustong himatyin ng byuti ko. Wa ako masabi. Winnie Cordero to the highest level si Kapitan. Ay, Luz Valdez ang image ng Tanza. At si Kapitan… richie rich dahil sa varya! Mula today, paghawak ko ng varya… sisigaw ako ng Kapitan Varya! *** Hanggang sa susunod mga ateng, mga koyang, mga siterets… hi pala kay Father ano ng parokya ano… minsan akong umatendance ng misa mo. Napick up ng radar ko… may kendeng father ang hawak mo sa kopita… may paltik ateng ang iyong bedroom voice at take note… puro kadatungan ang pinag-uusapan kapag koleksyon na ang segment. Sister father… it’s time na sumigaw na: Darna! SUNDAN SA PAHINA 12

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 5270092.

Yabang tao

PINALAKI tayo sa doktrinang “Man is the steward of Mother Earth” o tayong tao raw ang tagapangalaga ng kalikasan. Kaya nitong nakaraang bagyo at delubyo, sinisi ng tao ang sarili dahil pinabayaan daw ng tao ang kalikasan kaya sa isang banda, tuwiran at di tuwiran itong gumaganti. Sarap sanang maniwala. Pero alam nyo ba, mahigit apat na bilyong taon nang umiiral ang mundo sa uniberso? At ang tao? Wala pang isandaang milyong taon! Ibig sabihin, umiral ang mundo sa pagkatagal-tagal na panahon na wala ang sangkatauhan. Nakaligtas ang mundo sa libong ulit na pagsalpok ng mga meteors, asteroids at comets dito. Nakaligtas ang mundo nang ilang libong ulit na magyelo ang halos buong bahagi nito. Nakaligtas din ang mundo sa ilang libong ulit na nasunog ang halos buong bahagi nito. Nagawang lampasan ng mundo ang milyong ulit na pagputok ng bulkan, lindol, tsunami at iba pa. Kahit ilang ulit nang nagkaroon ng solar flare (biglang pagtilamsik ng apoy ng araw na posibleng ikasunog ng iba pang planeta o maghatid ng sobrang radiation). Maraming beses na

rin na binaha ang mundo. Ilang ulit na ring bumaligtad ang polarity ng mundo (yung north pole, naging south pole). Nagkawatak-watak ang mga kontinente. Ito pa rin ang mundo. Buong buo. Sabi nga ng mga scientist, dalawang klase lang ng mga nilalang ang kailangan ng mundo para manatili ang buhay… microorganism at insekto. Dahil mula sa mga microorganismo, makalilikha ng mga fungus at molds na pinagmulan ng halaman. At insekto ang tagakain at tagakalat nito. At sa susunod na daang milyong taon ay maaring maging hayop at halaman/ puno na gaya ng mga nakikita natin ngayon. Hindi kailangan ng earth o mundo ang tao. Tayo ang may kailangan sa mundo. Ibig sabihin ba nito, pwede na nating balahurain ang mundo? Hindi rin. Kasi kahit anong balahura natin sa mundo, hindi naman maaano ang mundo. Yung mga basura gaya ng plastic, Styrofoam, aluminum cans at iba pa (na hindi raw natutunaw sa loob ng 50 taon o higit pa) ay galing din naman ang mga ito sa earth. Hindi nalalason ang earth sa mga bagay na sa kanya galing mismo. Kaya lang, kaya hindi dapat natin binabalahura ang mundo kasi, tayo ang unang maapektuhan. Kapag marumi ang hangin, tayo ang magkakasakit. SUNDAN SA PAHINA 10

Eastern Samar, ibabalik ang mga ‘evacuees’ ng metro sa kanilang probinsiya ITONG nakaraang lingo, tinalakay sa kolum na ito ang katanungan, ang mga ‘professional squatters’ ba ang isa sa mga kadahilanan kung bakit bumaha ang Metro Manila nitong nakalipas na delubyo? Hindi naman sila ang tanging dahilan ng malaking pananagutan. Wala na tayong babanggitin sa mga ito at iiwan na natin sa mga namamahala ng gobyerno kung paano malulutas ang ganitong suliranin. Higit sa lahat, iaasa nating lahat sa mga inhinyero, arkitekto at ‘master planner’ ng mga siyudad kung paano talaga ang nararapat upang h’wag na muling maulit ang ganitong trahedya. Tulad ng Burham Park sa Baguio at mga parke sa Metro Manila na sa itinakbo ng panahon ay kinakailangan na ring ayusin kung hindi man tuluyang palitan ng lubusan ang mga ito. Nabanggit dito na hindi na papayagan ng lalawigan ng Bulacan na muli silang maging tambakan ng mga iskuwater na galing sa Metro na galing naman sa kung saan-saang lupalop ng Pilipinas. Lahat na yatang nasyon sa Pilipinas ay maging migrante na rito. Waray, Muslim, Ilokano, Bikolano, Ilonggo at sabihin pa na kahit ano, mayroon dito. Akala kasi, masarap ang buhay dito. May ilawdagitab, sine, malls, magagarang parke, kotse at kung

anu-ano pa na di matatagpuan sa kani-kanilang probinsiya. Ngunit paglipat sa Manila, bagsak ay kargador, atsay at iba pang mababang hanapbuhay. Titira sa barongbarong sa slum areas, ilalim ng tulay, ilalim ng overpass, riles ng tren at magpapakapagod upang makakain lamang sa maghapon. Kung minsan, ay sa kariton lamang nakatira, lima o walo pa ang anak. Kung paano nangyari ang ganito, sila lang nakakaalam. Sa katanungang ito ay biglang nagkaroon ng katugunan ang ginawa ng gobernador ng Eastern Samar. Ang unang tumugon sa ating mungkahi na tipunin ng mahinahon ang mga dumayong ‘turista’ sa Metro at ituloy ang binabalak na balik-probinsiya ay ang Eastern Samar. Naibando mula sa Tacloban City ang pag-imbita ng pamahalaang panlalawigan sa mga Samareño na dating tagaroon nanakipagsapalaran sa Maynila, nanirahan at nabigong makamit ang pangarap na magandang buhay muling bumalik sa Samar. SUNDAN SA PAHINA 12

Trauma Medical Clinic, ayaw sa pasyenteng mahirap SA tuwing may mga emergency, sakuna, aksidente na nagaganap una nating naiisip na isugod ang pasyente sa isang pinakamalapit na ospital mapapribado man o publiko upang mabigyang ng kaukulang lunas ng isang magaling na doctor na sinasabing taga-sagip ng buhay. Pero marami ng pagkakataon na tila pinagkakaitan ang mga mahihirap na mamamayang Cavitenyo sa mga ganitong senaryo lalo na’t isang pribadong ospital pa ang nais takbuhan ng pasyente. Marami ng kwento sa mga ganitong senaryo, dahil nagiging ningas-kugon lang naman ang kunwari-kunwariang imbestigasyon. At nang malingat ay nalimutan na ng mga awtoridad. Tulad ng nangyari sa isang pasyente na dumaing sa atin kamakailan. Sa di maiiwasang pangyayari ay naaksidente ito sa jeep na habang pauwi na sana sa

kanyang tinitirahang bahay. Dahil medyo masama ang tama ng pagkakabagsak nito ay kailangang maisugod ito sa isang pagamutan. Ang pinaka-malapit na ospital na kanilang pinuntahan ay ang pinagpipitagang Trauma Medical Clinic. Malinis, maganda, at bago. Ang problema sa bagong ospital na ito wala yatang alam sa batas? Biruuin mo, tanggihan ang isang pasyenteng nangangailangan ng kanilang tulong sa kadahilanang wala itong perang pambayad. Anak ng pesteng – hunyango naman ohhh…Anong klaseng pagamutan ito? Pera muna bago gamutin ang isang pasyente. Mga mukhang pera…..tamaan sana kayo ng kidlat sa mga pinaggagawa ninyo? Dahil bagong bukas lang daw ang pagamutang ito, di ba mas maiging isara na rin ito ng maaga? Tila walang alam ang mga namumuno sa mga bagay na ito? Kung may alam man, hindi pabor sa mahihirap! Pangalan pa lang ng pagamutan “Trauma” Medical Clinic ay matotroma ka na? Hanep na sistema….nakakasuka! Nakakatroma pa!


OKTUBRE 18 - 24, 2009

Bika, Bulkan at Lindol (Awit 46) 1 Ang Diyos ay lakas natin at kanlungan, at handang sumaklolo kung may kaguluhan. 2 Di dapat matakot, mundo’y mayanig man, kahit na sa dagat, ang bundok ay mabuwal, 3 Kahit na magalit yaong karagatan, at ang mga burol mayanig, magimbal. Sang-ayon sa kasaysayan ng mundo, ito daw ay binubuo ng kalaliman na tinawag na ‘core’, balot na metal ng ‘silicates and sultides’ natinatawag na ‘mantle’ at magaang-gaang na batuhan na pumaibabaw at tinatawag na ‘crust’! Sa pagitan ng tatlong bahaging ito ng mundo ay ang mga salansan ng lupa, lawa, bato, gas at iba’t ibang uri ng bagay na doo’y idiniposito ng kalikasan sa loob ng mahigit na tatlong bilyong taon na ang nakalilipas. Ang bantad sa paningin ng tao ay mga bundok, burol, gubat, parang, ilog, batis, dagat at iba pang anyo ng kapaligiran sa ibabaw ng mundo. Yaon naman pala, sa iba’t ibang dako ay may mga lamat, bika, guwang at puwang na ang lalim, haba at luwang ay itinakda ng Inang Kalikasan. Ang iba’t ibang anyo ng kapaligiran sa balat ng lupa ay may katumbas na ‘tectonic deformation’ sa ilalim na sa pamamagitan ng bitak at guwang ay nagbibigay-daan sa tinatawag na ‘earth movement or plate displacement’. Ang lindol ay may tuwirang kaugnayan sa ‘volcanic eruption’ and ‘earth movement’ sa ilalim man ng ‘Continental or Ocean Basin’. Isang realidad na ang mga islang nakapaligid sa Pacifice Ocean gaya ng Indonesia, Philippines, Japan, Kurile Island, Kamchitca Peninsula ay kinalalagyan ng mga aktibong Fault Line at bulkan. Gayundin ang Solomon at New Hebrides (hanggang New Zealand) na pawang nakakabit sa Pacific Ocean. Sa kabilang panig man ng Pacific na nagigiliran ng North at South America ay aktibo din ang mga bulkan at tuluy-tuloy ang pagyanig ng lupa. May sapat ng basehan kung kailan puputok ang bulkan. Kasi may matagal-tagal na panahon (Preparation phase) na makikitaan ng palatandaan gaya ng pag-akyat ng magma, pauntol-untol na pagyanig, pagtaas ng temperature ng tubig at pagbabago ng gas chemistry. Isang halimbawa ang nangyari sa Mount Pinatubo noong June 1991. Bago tuluyang sumabog ang bulkan ay nailikas muna ang may 80,000 mamamayan at mga eroplano, barko at mga kagamitang pandigma ng Clark Airforce Base at Olongapo-Subic Complex. Ito ngayon ang uri ng pagbabantay sa Mayon Volcano, pati na ng sa Taal Volcano at Caldera. Hindi lang kasali sa usapan ang pinsalang idinulot ng Mount Pinatubo eruption sa pamayanan ng Tarlac, Pampanga at Zambales. Ngunit kaiba ang kaso ng Tagaytay City. Simula pa ng 1929 ay natuklasan na ang Marikina Valley Fault System (MVFS) na parang humati sa Metro Manila at umabot hanggang sa Tagaytay Ridge. Tinataya na ang MVFS ay gumawa ng apat na malalakas na lindol sa loob ng nakalipas na 1,400 taon. Ang huling pagyanig ay inaakalang nangyari noong 18th Century. Sa isang mapa na nayari sa tulong ng UP Institute of Photogrammetry and Geodesy, ay malinaw na nailarawan ang Southern Tagalog Volcanic Field na kakakitaan ng Large Composite Volcanoes ng Taal, Makiling, Banahaw, Batulao at Malipunyo. Nakakalat din ang Scoria Cones (small volcanoes), craters at Maar Volcanoes sa Laguna at Batangas. Mayroon ding lumabas na Sibuyan Sea Faulth Line na diretso sa Taal Caldera at paitaas sa Tagaytay Ridge at Batulao. SUNDAN SA PAHINA 12

Totoo ba ang Tsismis?

5

(May tainga ang lupa, May pakpak ang balita)

Tinimbang ka, ngunit kulang… “MAY tainga ang lupa, may pakpak ang balita”. Ang kasabihang ito ay may kinalaman sa isa sa mga kaugalian nating mga Pilipino- ang pagiging mahilig sa mga usapang kung minsan ay walang sapat na batayan o tinatawag sa maikling salita na “Tsismis” kung may mga taong nalululong sa ipinagbabawal na gamot, sugal, pag-iinom at pambababae, marami ring mga tao ang totoong nahihilig sa pakikipagtsismisan at pakikisangkot sa mga usapang walang sapat na batayan. Para sa mga taong nasisiyahan sa ganitong gawain, nararamdaman nilang tila hindi buo o kumpleto ang kanilang maghapon kung hindi sila magbabalita o makaririnig ng nakaiintrigang mga tsismis. Para bang ito ay nagiging bahagi na ng sistema ng pang-araw-araw nilang buhay na kung mawawala ay mararamdaman nilang tila may kulang. Ngunit ano nga ba ang naidudulot o epekto ng gawaing ito sa ating personal na buhay at komunidad? Kapayapaan ba o Kaguluhan ang ihahatid ng gawaing ito sa mga taong nasasangkot sa usap-usapan at sa mga nakilalahok at nagpapakalat nito? Ang pakikisangkot at paghuhusga ukol sa walang batayang usap-usapan ay nagpapahayag ng paglabag sa ikalawang utos ng Diyos na may kinalaman sa tunay na kahulugan at kahalagahan ng “Katotohanan” at sa dignidad o reputasyon ng bawat indibidwal. Tungkulin ng bawat tao ang gumalang sa reputasyon at pangalan ng kanyang kapwa at karapatan din naman niyang mapangalagaan ang bagay na ito sa sarili niyang pagkatao kung masisira ang reputasyon ng iba bunga ng paniniwala sa walang batayang usapusapan, tiyak na sumasalungat ito sa tungkulin nating magmahal at mangalaga sa kapakanan ng ating kapwa. At kung pangalan naman natin ang maaapektuhan sa gawang ito, hindi ba’t winawasak o sinisira rin nito an gating pagkatao. Ang mga taong nakilalahok at naniniwala sa ganitong paraan ay maaaring mapahamak o maging bik-

CA VITE YOUNG CAVITE WRITERS CORNER Sumikad ang alimpungat sa kape kahit nag-iinat pa ang kutsara sa tasa. Kisapmatang napalusong ang paningin sa pantalan, sa pulutong ng dumadaong na mga lunday sakay ang kawang-kawang huli ng mga basnig, bakal, taksay. Iste-isterepon, banye-banyera kung iahon ang mga lamandagat na siyang kumikinang na hiyas ngayong madaling-araw. Sumunod ang daluyong ng mga tinig at larawan. Ibinubulong ang mga tawad kumalampag man at kumaskas ang mga hinihilang banyera. Bukas na ang likuran ng mga dyip at trak ng mga biyahero. Nakanganga ang mga timba ng mga mamamakyaw, tindera, mamimili, suki. Sumasagasa sa makaliskis na putik ang mga bota. Ang mga pahinante pumupuwesto— iniuumang, iniaalok ang kani-kaniyang kariton, serbisyo, presyo.

tima ng mga sumusunod: Una, tahasan o agarang paghuhusga at pagpapalagay na tama ang kanilang sinasabi tungkol sa isang tao nang wala namang matibay at sapat na pundasyon ng katotohanan. Ikalawa, pagbubunyag ng kamalian ng mga taong nasasangkot sa isyu kahit hindi nila tuwirang kilala ang mga ito at hindi rin naman nila nauunawaan ang konklusyon laban sa katotohanan na maaaring makasakit o makasira ng reputasyon ng taong sangkot sa usapin. Dahil dito, ang mga taong nakikilahok sa ganitong Gawain ay hindi nakapagbibigay ng katarungan sapagkat tinatanggal nito ang karapatan ng taong pinag-uusapan na maipagtanggol ang kanyang sarili sa mapanghusgang mga pahayag laban sa kanya. Kaya naman hindi kapayapaan kundi kaguluhan, hindi pagkakasundo kundi pag-aaway, at hindi pagmamahal kundi galit ang maaaring ibunga nito hindi lamang sa mga taong nakilalahok sa gawaing ito kundi pati na rin sa mga biktima ng usap-usapan at maging sa pamilya at komunidad nilang kinabibilangan. Ito’y parang isang sakit na mabilis kumakalat at sumisira sa relasyon o ugnayan ng mga taong nabibilang sa lipunan. “May tainga ang lupa, may pakpak ang balita”. Bakit hindi natin gawing bingi ang lupa at tanggalan ng bagwis ang mga maling balita upang hindi na ito patuloy pang kumalat at maminsala. Totoo ba ang tsismis? Good Morning, Teacher! Ang palaging pagbati ng Umagang kay Ganda at Bagong Pag-asa. Edukasyon… Kahit Saan… Kahit Kailan, Katuwang sa Karunungan at Kaunlaran. ACKNOWLEDGMENT to St. Bernadet Te Publishing house.

PAND AWAN PANDA Maya’t maya’y may pinapasan ang kilohan; sinusubuanbinubunutan ang mga kaha de yero’t belt bag; bumibigat ang mga delantar. Wala mang altar taimtim ang relihiyon ng tumatawad, nagbabayad, umuutang, tagakilo, tagatadtad, tagabalot. Lantaran ang pagsaksak ng icepick sa yelo habang may ipinupuslit ang paslit na mambabakaw. Sumisilbato ang nagtatrapik sa gitna ng mga sasakyang palusong, pauwi, aangkat, magdedeliber. Dito humaharurot ang oras dahil bawal mabilasa ang sandali. Dahil hinihingal ang hasang at natutunaw na ang kinaskas na yelo! Gayunman, kaysarap asnan ang bawat pumupusag na saglit at imbakin sa iyong dibdib. —Erwin C. Lareza Unang Karangalang Banggit 2009 Gawad Komisyon sa TulaGantimpalang Antonio Laperal Tamayo


6

OKTUBRE 18 - 24, 2009

LOVE AT FIRST SHOT

Photo courtesy of PO2 George Lapidario

SI Laine, habang nilulunasan sa Bautista Hospital.

ANG duguang sasakyan ng biktima.

ITINUTURO ng pulisya ang butas sa windshiled ng sasakyan ng biktima kung saan lumagos ang bala na tumama sa biktima.

“WALANG relasyon ang Ate Leynroll ko sa suspek!” Ito ang paglilinaw ni Loraine Cadaño y Alejo, nakababatang kapatid ng biktima nang magsadya ito sa tanggapan ng Responde Cavite matapos kumalat ang anggulo ng balitang love triangle sa naganap na pamamaslang kay Laine Bautista y Alejo, 25, dalaga, resident eng 1043 Cajigas St., Cavite City. Ayon sa ulat ni P02 George Lapidario kay P/Supt. Simnar Gran, hepe ng pulisya, naganap ang pamamaslang sa biktima dakong 1:10 n.u noong nakaraang Oktobre 15, 2009 sa Garcia St., Caridad, Cavite City. Samantalang ang itinuturong suspek naman sa pamamaslang ay si Joey F. Fojas nasa hustong gulang at residente ng Pulo 2, Dalahican ng nasabing lunsod. Sa salaysay ni Loraine, 19, dalaga, estudyante at kasalukuyang nanirahan sa 227 Cajigas St., ng nasabi ring lugar, na siya ring nagsisilbing saksi sa pamamaslang, tinawagan umano ng isang nagngangalang Joyce, kapatid ng suspek ang kanyang ate (biktima) at nagpapasundo sa bahay nito sa Brgy. Pulo dahil sa nasiraan umano ng sasakyan nito (suspek) sa Garcia Ext.. Sinabi pa ng saksi na ang ANG kapatid ng biktima na siya ring saksi sa pangyayari habang nagbibigay ng kanyang pahayag kay Responde Cavite Editorin-Chief Eros Atalia

kanila umano ina na si Ruby Alejo y Omnes, 43, may asawa at nakatira din sa nasabing address ang siyang sasama sa kanyang ate upang sunduin si Joyce, subalit dahil sa nawawala ang susi ng kanilang bahay ay siya na lamang ang pinasama. Matapos umanong sunduin si Joyce ay pumunta sila sa Gracia Ext., pero wala na umano doon ang suspek kaya hinanap nila ito hanggang sa makasalubong sa Garcia St. , sa tapat ng tanggapan ng Boyscout of the Philippines (BSP). Noon aniya ay napansin na nilang galit na galit ang suspek at may hawak itong baril. Pagtapat umano sa kanila ng suspek ay nagsisigaw ito at sinabing—‘Hindi ba kayo natatakot sa akin, ngayon?! Papatayin na kita!’ Nagpaputok pa umano ng ilang ulit ang suspek paitaas bago nito itinutok sa windshield. Nagulat na lamang umano ang saksi na nakababatang kapatid ng biktima nang Makita nitong tumimbuwang patagilid ang kanyang ate at duguan na ito. Sa taranta umano ng saksi ay nagsisisigaw ito at mabilis na bumaba ng kotse. Samantala, sa salaysay naman ng ina nito ng biktimang si Ruby, nagwawala pa lamang umano ang suspek ay nakapagtext na umano sa kanya ang kanNakipagugnayan si Rommel Sanchez, Managing Editor ng Responde Cavite kay P/ Supt. Simnar Gran hinggil sa kasong pamamaslang.

yang anak na si Loraine at pinapasunod siya sa Gracia St. , kung saan sila naroon. Habang papalapit umano siya sa kinaroonan ng mga anak ay nakita nito na nagpaputok ng baril ang suspek ng ilang ulit habang nasa gilid ng kotse ng kanyang anak. Nakita pa rin umano ng ina ng biktima na bumaba ng kotse si Joyce (kapatid ng suspek) at inaawat ang kuya nito. Pero sa halip na magpaawat, ay sinundan pa ng suspek ang pagpapaputok at ang pinakahuli nga ay tumama sa biktima. Sa puntong iyon, aniya, mabilis na tumakbong papalayo ang suspek habang pinagtulung-tulungan nilang ilipat sa likod ang kanyang anak na duguan at minaneho ni Joyce ang kotse nito papuntang Bautista Hospital na binawian din ng buhay matapos ang ilang oras. Responde Cavite Investigative Team Ayon sa sariling imbestigasyong sinagawa ng Responde Cavite, ayon sa isang saksi na ayaw magpakilala, nakita umano niya ang buong pangyayari. Mula umano bintana ng kanilang bahay ay kitang-kita niya ang buong kaganapan. Sinabi nito na nagising umano siya sa ilang putok, dahil sa pagaakalang wala lang iyon ay ma-


OKTUBRE 18 - 24, 2009 tutulog na sana uli siya pero di nagtagal ay nakarinig uli siya ng ilang putok. Dahil sa kuryosidad, sumilip siya sa bintana at nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa kanto ng A. Del Rosario samantalang ang isa namang lalaki ay tumatakbo palayo ng kotse. “Takbo na, pare! Takbo!” sigaw umano ng suspek sa lalaking nakatayo sa kanto ng A. Del Rosario. Sa takot umano niya, ay hindi na siya lumabas ng bahay at sa halip ay nanaog siya ng bahay at sumilip sa gate.

7

Noon ay wala na ang kotse ng biktima. At makalipas ang ilang minuto ay may isang tricycle na mabilis na dumating at mabilis ding pinulot ang mga basyo ng bala at agad na umalis. Sa isa pang pag-iimbestiga ng Responde Cavite, nagising umano ang isang kapit-bahay ng biktima na narinig niyang may kamurahan sa cellphone ang isang lalaki malapit sa labas ng bahay ng biktima. Matagal at malakas umano ang pakikipag-usap nito at may kasama pang pagmu-mura. RESPONDE CAVITE REPORTORIAL TEAM

ANG pulisya ng Cavite City habang nagsasagawa ng pagsasadula (re-enactment) sa pakikipagtulungan na kapatid ng biktima na siya ring nakasaksi sa buong pangyayari. SCOOP PHOTO BY SID SAMANIEGO

Nagsagawa ng relief operation ang grupo ng Our Lady of the Holy Rosary PARENTS’ ASSOCIATION OFFICERS sa Ligtong Elementary School kamakailan na pinangunahan ni Almie Rose Dazo Hernandez bilang pangulo ng nasabing samahan. Ayon kay Hernandez ang Ligtong ang napili nilang bigyan ng relief goods dahil nakita nilang higit na nangangailangan ang mga mamamayan nito. Para sa kumpletong talaan ng mga officers tignan ang www.respondecavite.com sa susunod na linggo.


8

OKTUBRE 18 - 24, 2009

Panig sa katotohanan, panig sa bayan! (1)

ABS CBN 2, QUEZON CITY -Sinasabing ang mga mamamahayag sa dyaryo, sa radyo o sa telebisyon ay nararapat na palaging nasa gitna at walang pinapanigan upang maihatid ng pantay sa mamamayan ang mga impormasyon, isyu, pangyayari at balita. Kaya naman laging ipinapahayag ng isang TV network ang mga pangungusap na "Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan serbisyong totoo lamang." Sa mga pangkaraniwang mamamayan ang mga pangungusap na ito ay maganda sa pandinig upang makuha ang atensyon at tiwala para makapagbasa, makapakinig at makapanood ng pantay na pagbabalita. Datapwat noong ako ay isang kabataan o estudyanteng mamamahayag pa lamang sa kolehiyo ay tandang-tanda ko pa ang pangungusap sa amin ng aming dating Pangulo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) na si Ms. Ruth Cervantes na ngayon ay Mrs. Ruth Casiño (may bahay ni Hon. Cong. Teddy Casiño ng BAYAN MUNA Partylist). Ayon kay Mama Ruth (nakasanayang tawag namin sa kanya noon) "Oo nga at nararapat sa ating mga mamamahayag ang pagiging patas o pantay sa pagbabalita subalit sa kabilang banda kung ang estado ay nasa kalagayan ng madilim na panahon katulad ng batas militar ng dating Pangulong Ferdinand Marcos ay nararapat at makatwirang pumanig ang mga katulad nating makabayang mamamahayag sa interes ng mamamayan." Ang mga pangungusap na iyon ni Mama Ruth ay sadyang tumanim sa aking puso at tumimo sa aking isipan magpahanggang ngayon. Ngayon ang ating minamahal na bansa ay tila bahagyang humaharap sa papadilim na mala-batas militar na panahon sapagkat talamak ang kabi-kabilang korapsyon, sobra-sobra ang katiwalian, supresyon at represyong ginagawa sa mga lehitimo at demokratikong karapatan katulad ng mararahas na pagbuwag sa mga legal na demonstrasyon, pagpatay

sa mga kapatid nating mamamahayag, mga aktibista, mga abogado at makabayang taong simbahan katulad ng mga pari at pastor, militarisasyon sa kanayunan kaugnay sa hindi makatwirang all out war policy ni Gng. Arroyo sa mga rebeldeng armadong komunista at idinamay na ang mga legal organizations katulad ng BAYAN, KMU, KMP, ANAKBAYAN. Umugong pa ang banta ng isa umanong coup d’ etat ng isang PMA Class kung saan adopted o honorary member si Gng. Arroyo, ito umano ay isang pag-aaklas na pabor sa

STUDENT WRITERS CORNER ‘BASAHIN MO’ Ilang tula na nga ba ang aking nagawa? Pero ni isa’y di pa nailathala, Ganun pa man patuloy lang sa pag-gawa, Hangga’t may pansulat at papel akong nakikita, Hindi ako titigil sa pagiging makata. Kailan nga ba ako nag-umpisa? Ang alam ko’y bata pa lang ay nagsulat na Mga gawa ko noo’y wala ngang halaga, Ang alam ko’y ito’y laro lamang. Pero ngayon, laro pa rin ba ang dapat itawag? Hindi ko naman gustong maging tanyag Gamit ang mga tulang aking naisulat, Pero hindi lang ito simpleng libangan Pagkat dito ko nailalabas ang mga katotohanan, Dito mo rin mababasa mga lihim sa aking katauhan. Sa mga malalalim at matatalinhagang salita, Dito mo lang tanging malalaman Na sa kabilang bahagi ng aking pagkatao, Kakaibang nilalang pala ang nakapaloob dito, Maniwala ka! Ako lahat ang sumulat nito. -- Shiela Salud *Ang pitak na ito ay bukas sa lahat ng mga estudyanteng gustong mailathala ang kanilang likhang pampanitikan. Maaaring ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com

Si Felipe Calderon sa Konstitusyon ng Malolos ANG EDSA 1 ang isa sa mga pinakamalaking isyu na kinaharap ng ating bansa matapos ang himagsikang ginawa noong 1896. Kung saan muling pinakita ng sambayanang Pilipino ang kapangyarihang kayang gawin ng nagkakaisang paniniwala laban sa namumuno ng bansa, makalipas ang siyam na dekada (1986 EDSA 1). Ang kaibahan nga lang ng mga tagpong naganap noong 1986 sa 1896, nito kasing EDSA 1 at 2 malaki ang naging partipasyon ng simbahan para mapaalis ang namumuno sa ating bansa, samantalang noong Himagsikan ng 1896, mga umaabusang taga simbahan ang pilit pinaalis ng mga naghihimagsik. Ang totoo’y di ko inabot ang parehong malalaking tagpong iyon sa ating bansa, yamang ngang tatlong taong gulang na ako nung naganap ang EDSA 1, wala namang alaalang iniwan sa akin ang nasabing pangyayari kung kaya’t sa mga telebisyon at computer ko na lang napapanood ang mga tagpong kagaya ng mga madre at pareng humaharang sa mga tangke at nagsusuot ng mga rosaryo sa mga sundalo. Nakakatuwa tuloy isipin na kung paanong tinanggalan dati ng lakas ang simbahan sa pamumuno sa bansa ay sila naman ngayon ang nagkakaroroon ng lakas at boses sa pagpapatalsik ng mga nasa pwesto sa ating bansa. Seperation of Church and States, ang isa sa mga batas na nagpapatunay sa ating tuluyang pagiging

malaya sa kamay ng mga prayle noong panahon ng kastila, na ang mismong gumawa at sumulat ay isang lehitimong kabitenyo, si Felipe Calderon na taga Tanza. Pinanganak si Felipe Calderon noong April 4, 1868 sa bayan ng Santa Cruz de Malabon(Tanza ngayon), pangalawa sa mga anak nina Jose Calderon at Manuela Roca. Una siyang nakapagtapos ng Bachelors of Arts sa Ateneo de Manila na sinundan naman niya ng pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan niya natapos ang Bachelor of Laws. Bukod sa pagiging isa sa mga delegado sa Malolos Congress, dahil sa pagiging magaling at bihasa sa paggawa ng batas, siya’y tinalaga rin ng noo’y Presidente Emilio Aguinaldo na delegadong magrerepresenta ng probinsya ng Paragua(ngayo’y Palawan). Si Felipe Calderon ay nakilala din pagdating sa larangan ng Edukasyon kung saan isa sya sa nagtatag ng Escuela de Derecho, na siyang unang paaralan na may kursong Law sa panahon ng pananakop ng Amerikano, at siya rin ang nagtayo ng eskwelahang Liceo de Manila. Pero ang tunay na nagpakilala ng katalinuhan at kagalingan ng kabitenyong ito ay ng mapili ang kanyang pinasang batas kay Emilio Aguinaldo noong panahon ng Konstitusyon ng Malolos, laban sa mga ilang nagpasa din ng batas gaya nina Mariano Ponce, Apolinario Mabini, Pedro Paterno, Felix Ferrer at Isabela Artacho. Dalawa sa mga batas na naipasa nya ay ginagamit pa rin magpasa-hanggang ngayon ng ating saligang batas, ito ay ang Seperation of the powers of the church and state, at ang provision for a more extensive legislative power.

pagpapanatili sa pwesto ng pekeng Pangulo at nang maisulong umano ang no election scenario sa May 2010. Kung ito man ay isang katotohanan o haka-haka lamang ay sa tingin ko ay nararapat tayong maging mapagbantay. Nararapat na panatilihing gising at patuloy na manindigan para sa interes ng mamamayan o ng bayan ang mga katulad naming makabayang mamamahayag. ITUTULOY

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT CAPRICORN: Maging listo at alerto sa lahat ng pagkakataon sa araw na ito, May mabuti at masamang mangyayari kaya maging maagap. Lucky days at Nos: Monday / Wednesday / 7.20.30.5.8.2 AQUARIUS: Magiging masayahin ka at halos lahat ng mga kakilala ay magugulat sa asal dahil hindi ito ang dating nakagawian, isa lamang ang dahilan nito at ito ay pag-ibig. Lucky days at Nos: Thursday / Sunday / 9.25.35.11.10.6 PIECES: Buong-buo ang loob mo ngayon kaya malaya kang magawa ang anumang maibigan mo, kahit ang mga panganib ay isa-isa at tila nag-mamadaling tatakas sa iyong harapan. Lucky days at Nos: Wednesday / Thursday / 10.15.8.2.3.13 ARIES: Kabilang ka sa mga papalarin, kaya wag mong pang hihinayangan ang anumang mababawas sa iyong pag-aari, sa maniwala ka o hindi doble-doble ang magiging kapalit. Lucky days at Nos: Friday / Saturday / 18.27.10.5.1.9 TAURUS: Isang taong masayahin, palabiro at ang mga ngiti niya ay nakahahawa, siya ang ipinadala sayo ng iyong tadhana bilang kasagutan sa minsang hiniling na makasama ang iyong tuwa at saya. Lucky days at Nos: Tuesday / Thursday / 4.9.14.18.22.1 GEMINI: Lalayo sa iyo ang mga hindi magagandang pangyayari at lalapitan ka naman ng mga oportunidad na nakapag-papaunlad sa kundisyong tutulungan mo ang isang kapamilya. Lucky days at Nos: Monday / Wednesday / 3.10.18.25.35.19 CANCER: Mapupuno ka ng pagdududa sa iyong kapareha, gayunpaman, kailangan kang gumawa ng paraan upang madiskubre mo ang totoo nitong nililihim. Lucky days at Nos: Saturday / Sunday / 1.6.15.29.20.11 LEO: Huwag mong hayaang maapektuhan ang trabaho dahil sa suliranin sa pag-ibig, mas mabuti pa na mag-usap kayo upang maayos ang problema. Lucky days at Nos: Friday / Saturday / 1.8.15.22.29.30 VIRGO: Sa negosyo mapalad ka at magtatagumpay ka, ngunit sa ngalan ng pag-ibig mabibigo ka pa rin. Lucky days at Nos: Thursday / Friday / 3.10.17.24.31.35 LIBRA: Tanggal lahat ng sama ng loob sa araw na ito, may darating na magandang suwerte sa iyo, lalo na sa pag-ibig. Lucky days at Nos: Monday / Wednesday / 29.16.28.25.10.1 SCORPIO: Malakas ang iyong dating matamis manalita ngunit may posibilidad kang mahuli ng iyong minamahal. Lucky days at Nos: Tuesday / Thursday / 40.35.29.11.2.10 SAGITARIUS: Makinig ka aking anak, kapag na duwag ka ngayon, ang suwerteng darapo sa iyo ay mapupunta sa iyong kaibigan, kapag buo ang loob mo, bubuhos sayo ang magagandang kapalaran. Lucky days at Nos: Wednesday / Sunday / 39.29.14.21.8.17


OKTUBRE 18 - 24, 2009

May kasamang ibang babae ang bf

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Nagloko po ang boyfriend ko noong panglimang buwan namin. Nakita ko po siyang may kasamang ibang babae. Nagalit po ako pero pinatawad ko pa rin siya at binigyan ng isa pang pagkakataon. Pagkalipas po ng apat na buwan, nakita ko na naman po siyang may ibang babaeng kasama. Dapat ko pa ba siyang patawarin at bigyan ng pagkakataon? Jod ng Panamitan, Kawit, Cavite Mahal kong Jod, Siguruhin mo munang may romantikong relasyon ang boyfriend mo at ang babaeng iyon. Kung wala, ipaalam mo kay boyfriend na mas magandang ipakilala sa iyo ang mga kaibigan niyang babae. Para na rin ito sa ikatatahimik ng loob ninyong dalawa. Pero kung meron nga, kung meron nga silang relasyon, aba’y makipaghiwalay ANG lumitaw na kuwento tungkol kay Nardo sa mga panayam ay isang kuwento ng isang pangkaraniwang tao na naging kaaway ng batas. Ngunit mas malalim pa rito ang kanyang pinasukang uri ng pamumuhay – bilang isang taong-labas na naglilingkod sa mga taong nasa matataas na kalalagayan sa buhay. Si Nardo ayon sa mga lumitaw na salaysay ng mga taong kinapanayam ng may-akda ay isang pangkaraniwang nilalang na mayroong mga sariling pangarap sa buhay. Ang mga kinapanayam tungkol kay Nardo ay nagsasabing ito ay mabuting asawa, ama, at matulunging kaibigan. Namuhay siya nang walang kasiguruhan ang bawat araw na dumarating. Hindi nito alintana ang mga

ka na. Now na. Kasi, Jod, ikalawang beses na iyan. Kung hindi pa siya nadala sa una, hindi na iyan madadala sa mga susunod pa. Huwag kang mag-alala, wala namang break up na masarap. Masakit talaga sa umpisa, lalo na kung mahal na mahal mo ‘yong tao. Normal iyan. Pero etong tandaan mo, kapag hindi mo iyan ginawa ngayon, kapag hinayaan mo lang siya na lokohin ka lang ulit, makakaramdam ka ng super-duper-ultra-mega-tinding hapdi sa puso. Kasi deep inside you, alam mong hindi lang siya ang nanloloko sa ‘yo kundi pati na rin ang sarili mo. Para makapagpatuloy ang inyong relasyon, lolokohin mo ang sarili mo na magbabago siya. Na ikaw ang tunay niyang mahal. Na hindi ka niya ipagpapalit kahit ilang trilyon na babae pa ang kanyang makasama. Na ikaw lang ang nag-iisa sa puso niya magpakailanman. O, mahapdi na bang pakinggan? Iyang hapdi na iyan ang gusto kong maiwasan mo saka iyong unang hapding nabanggit ko. Kaya, Jod, aksiyon na! Hangga’t maaga! Good luck sa iyo. Hangad ko ang iyong paglaya. Lagi’t lagi, Ate Bebang

Diego Moxica, Anak ng Gen. Trias MALIBAN sa Libro Casamiento (kasal), wala sa Libro de Bautismo (pagbibinyag), at sa Libro de Entierro (kamatayan) ang pangalan ni Diego Moxica sa simbahan o sa munisipyo ng San Francisco de Malabon (Gen. Trias ngayon). Ito’y matiyagang sinaliksik ng historyador na si Dr. Isagani Medina ng Cavite. Parang alamat tuloy ang mga salaysay tungkol sa kanya na nagpalipat-lipat sa bibig ng mga mamamayan, lalo na ang mga kumikilala sa kanya noong panahon ng rebolusyon. Sinasabing naging Tiniente Mayor siya ng Malabon at nahirang ng rebolusyonaryong Mariano Alvarez ng Noveleta na Ministro de Hacienda o Tagapangasiwa ng Kayamanan ng Magdiwang, isa sa dalawang sangguniang rebolusyonaryo sa Cavite. Ang isa pa’y ang Magdalo na pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo ng Kawit. Sinasabi rin (itinala ng manunulat na Caviteñong si Carlos Ronquillo) na ang tunay na nagsalin ng Mi Ultimo Adios ni Dr. Jose Rizal ay si Diego Moxica at inilagda lamang ni Andres Bonifacio ang pangalan nito sa hulihan. Ngunit siya’y naging totoo, hindi siya maaaring maging alamat lamang-maaari pa ang kanyang mga ginawa. Patunay nito, lumabas ang dalawa sa kanyang mga tula sa La Lectura Popular (Disyembre 1890, Blg. 13 at 14), isang pahayagang inilalathala sa Maynila tuwing Huwebes noong mga taong 18901891. Narito ang mga tula na nilagdaan niya sa kanyang sagisag-panulat: ang Dieguin, na sinasabi ni Ronquillo na malambing na tawag (palayaw) sa kanya ng mga kakilala. Nasangkot sa rebolusyon sa Cavite ang Tiniente Mayor ng San Francisco de Malabon na si Diego Moxica nang itatag ang dalawang Sangguniang Bayan sa lalawigan ng Cavite, ang Magdalo (sa Kawit) at ang Magdiwang (sa Noveleta). Umabot hanggang San Francisco de Malabon ang “pagrerekluta” ng mga kasapi nito at kabilang sa naakit si Diego Moxica. Nang malao’y pinamunuan niya ang Sangguniang Balangay Mapagtiis (o Mapagpasensya) sa San Francisco de Malabon. Kasama niyang nagpatakbo ng sanggunian sina Mariano Trias bilang piskal o taga-usig, si Artemio Ricarte (ang Maestro de Niños, isang ilokanong napadpad sa lalawigan) at si Nicolas Portilla bilang sekretaryo. Pagkaraang ibaba ng pamahalaang Kastila ang batas-militar, nakakuha ng impormasyon ang

Nardong Putik

peligrong lumalambong sa kanya ngunit sa kabila ng lahat ng ito, si Nardo ay namuhay ng may “kalayaan”. Sa kanyang pagiging isang mabuting kaibigan ay marami siyang natulungan. Ang mga itinutulong niya ay nagmumula sa panghihingi sa mga taong nakaririwasa. Hindi nagkakait ng tulong si Nardo sa mga taong mahihirap, mga taong katulad ng kanyang ama na inapi ng lipunan. Kahirapan ang ugat ng pagkamatay ng kanyang ama. Ang mga salarin ay mga taong walang hanapbuhay na napilitang magnakaw ng kalabaw, na siyang kumitil sa buhay ng isang walang kala-

9

Ikat-7 bahagi

ban-laban. Ang kapangyarihan ni Nardo ay nag-ugat na rin sa kanyang pagiging kaaway ng batas. Ito ang naging mabisang sandata ni Nardo upang pangilagan ng mga tao. Ginamit niya ito upang luma-

ganap ang pagkatakot sa kanya. Naging parang isang anting-anting ni Nardo ang kanyang pagiging matapang at marami ang nahihintakutan sa lalawigan marinig lamang ang kanyang pangalan. Ang kapalit ng kanyang paghihiganti sa pagkamatay ng kanyang ama ay ibayong kapangyarihan na kahit ang mga makapangyarihang tao ay nagsamantalang gamitin para sa kanilang pangsariling kapakanan. Kinanlong si Nardo ng mga may kapangyarihan dahil mabisa ang kuwento tungkol sa kanya: matapang at may taglay na anting-anting at kaaway ng batas. Mas lumakas ang kanyang kapangyarihan

Balangay Mapagtiis na sabay-sabay na salakayin ng mga Katipunero sa Cavite ang mga kwartel ng mga guardia civil at ang mga asyenda ng mga kura. Sinimulan ang paghihimagsik sa may Pinagtipunan (dati’y Manggang Bukol) sa Malabon Grande (Gen. Trias ngayon) noong ika-13 ng Agosto, 1896. Nasasandatahan lamang ng ilang baril, mga sibat na bukawe at mga gulok, sinalakay ng mga Katipunero ang kwartel at ang asyenda. Samantala, sa Pasong Kalabaw (Sta. Clara ngayon), nagtipun-tipon sa karihan ni Benigno Parot ang mga Katipunero, nagkunwaring naghihintay ng nilulutong pagkain. Napuna ng noo’y alkaldeng si Eugenio Viniegra ang pagtitipong ito. Ipinadala kaagad doon ang hepe ng kuwadrilyero (pulis). Pinagtulungan ito ng mga naroon, saka kasunod na sinalakay ang Tribunal (bahay-pamahalaan) at nakasamsam sila ng ilang baril at sibat. Pagkatapos, sinalakay din ang kwartel ng mga guardia civil na may 300 metro lamang ang layo sa Tribunal. Ang putukan na nagsimula nang ika-11 ng umaga ay umabot hanggang hapon. Naisip ng mga Katipunero na lunasan ang kakapusan nila sa mga sandata na sa Hapon pa bibilhin. Nangilak sila ng kontribusyon sina Diego Moxica, Ministro ng Kayamanan at Mariano Alvarez Pangulo ng Sangguniang Magdiwang ay gumala’t nanghingi sa San Francisco de Malabon at Noveleta. Ang iba’y nangolekta sa Salinas, Tanza, at Naic. May sumalida sa Maragondon, Ternate, Magallanes at Bailen. Ang iba’y nakarating sa Indang, Alfonso at sa iba pang lugar sa Cavite. Paaralang bayang iyon inilathala rin ng Palimbagang Mapagtiis ang Ultimo Adios na dala nina Trinidad at Paciano Rizal, at Josephine Bracken na tumakas mula sa Maynila at pansamantalang tumigil sa may asyenda ng Tejeros. Sinasabing ang tulang iyon ay isinalin ni Diego Moxica sa Tagalog at nilimbag ni Zacarias Fajardo ng nasabing palimbagan. At noong Enero, 1897, ayon kay Telesforo Canseco, sumulat ng may Kastilang pananaw na Historia de Insureccion Filipina en Cavite (1896), ay nagtalumpati sa harap ng maraming tao sa plaza ng San Francisco de Malabon si Diego Moxica noong Pebrero, 1897; nangyari ito, ayon kay Artemio Ricarte noong Enero ng nasabi ring taon. dahil kasangga niya ang dalawang panig: ang mga nasa batas at ang mga nasa labas ng batas. Namayani si Nardo sa lalawigan nang matagal na panahon. Ang kanyang pamumuhay ay isang uri ng pamumuhay na hindi kapos sa mga pangangailangan. Si Nardo ay napasangkot sa mga pinakamalaking kaso noong panahon niya. Noong siya ay kasalukuyan na-

Ang libingan ni Nardo

mamayagpag bilang isang taong-labas, marami ang umanib sa kanya. Si Nardo ang nagsilbing pinuno nila. Makulay ang kanyang buhay pamilya. Maraming babae ang dumaan sa buhay ni Nardo at ang mga ito ay nakukuha niya dahil sa kanyang bantog na katapangan at agresibong pamamaraan ng panliligaw. TATAPUSIN


10

OKTUBRE 18 - 24, 2009

ni eros atalia

Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006) (Ika-7 labas) SUKI ng mga ito ang mga kada galon ang benta nina puti lalong lalo na sa Mang Amor at Intoy sa malalaking isda, hipon, tahong kapag tingi. Sa alimasag, pusit, pating, mga walang-wala, ulam talaba at iba’t ibang la- na ito maghapon. Sabawan lang, tiyak mang dagat. Dumami ang tao sa pampang ng na may mahihigop at Kalye Marino. Dumami mailalaman sa kumakaang tao sa mga pampang lam na tyan at may pangng Lunsod ng Cavite. Du- ulam sa maghapon ang mami ang tao sa pusod, isang pamilya. Ibang udibdib at bituka ng lun- sapan at presyuhan kasod. Dumumi ang dagat. pag pakyawan. Ibig sabihin, lahat ng Pinalitan ng burak ang laman ng tahungan, aanidating buhangin. Sa paglisan ng mga hin. Libo ang turingan Amerikano at paglipat ng dito. Naging popular ang base sa Olongapo, marami ang naglupasay sa Cavite dahil sa tahong. lungkot at pagkalugi. Partikular ang Lunsod ng Nagsara ang maraming Cavite. Partikular ang Kabeerhouse, kainan, pata- lye Marino. Manamis-nahian, pasadyaan ng sapa- mis daw ang tahong hatos at iba pa. Nawalan ng ngo sa baybayin ng Kalye Marino. trabaho. Haka ng matatanda, Nawalan ng pagasang makapag-asawa dahil daw sa agos mula ng Amerikano ang mga sa Maynila-Bataan. Hula naman ng ibang lasengputa. Nabaling ang pansin gero ay dahil sa ebak ng ng iba sa dagat. Marami tao. Kunsabagay, lahat ang pumalaot. Ngunit naman ng idinideposito katagalan, mas marami sa banyo sa lahat ng pang plastik at basurang pampang ng Lunsod ng Cavite ay sa dagat ang nalalambat kesa isda. Sumasabit ang mga diretso. Maging ang tamkawil sa tela, sako at lata. bakan ng basurahan ng Pinalitan ng burak ang lungsod na ito, sa pamdating puting buhangin pang din sa likod ng sementeryo matatagpuan. ng pampang. Isinuot ni Intoy ang Kayat tahong ang pinagdiskitahan ng ibang salaming panisid at pamadyak. Mapapalaban dating mangingisda. Trenta’y singko pesos sya ng sisiran. May kalali-

SUNDOT LAPIROT

MULA SA PAHINA 4

Kapag nagputol tayo ng puno kinalbo ang kagubatan, mawawalan ng tirahan ang mga hayop (na pagkain natin), babahain tayo (na ikalulunod natin) at resulta, mawawalan ng balance ang kalikasan. Masisira ng food web (masalimuot na pinagmumulan at siklo ng pagkain). Kapag nalason ang dagat, mawawala na ang isda at masisisra ang pagpapakawala ng oxygen ng mga planktons (maliliit na halaman at hayop). Hindi dapat masira ang ozone layer kasi kapag pumasok dito ang radiation at natrap ang carbon dioxide, iinit ang mundo. Matutunaw ang mga yelo sa north at south pole. Babaha. Malulunod tayo. E, ano ang mangyayari sa mundo? Wala, ganoon pa rin. Dahil sa loob ng ilang libo o milyong taon, manunumbalik sa dati ang mundo. E, tayo? Bakit ba pilit nang pilit ang tao na sya ang tagapangalaga at tagaligtas ng mundo? Kasi nga, walang halaga ang tao sa mata ng mundo. Kaya pumapapel ang tao na napakaimportante nya. Sa ebolusyon nga, isa ang tao sa pinakahuling umeksena. Ibig sabihin lang po, hindi totoong kaya nating iligtas ang mundo. Hindi rin totoong tayo ang tagapangalaga ng mundo. Ang kaya lang natin iligtas at pangalagaan ay ang ating mga sarili. Kaya kung gusto nating tumagal tayo sa mundo… wag tayong magbalahura.

man ang pwesto ni Mang Amor. Nagdoble sya ng gwantes. Mas makapal ang taliptip sa kawayan sa laot. Higit ng hininga. Sisid. Sikad at padyak habang kagat-kagat nya ang kutsilyo. Binaybay nya ang mga bila. Niluluwa na ng mga tahong ang sarili nitong laman. Lumabusaw ang tubig. Binisita nya ang mga pabitin. Gamit ang kutsilyo, pinutol nya ang isa sa mga ito. Dumiretso sa isa sa mga palutang. Pinutol nya rin. Umahon. Ipinakita sa amo. Nakanganga ang balat. Wala na ang laman. Nadale ng alig. Sabi ng ibang beteranong magtatahong, kelan lang daw nagkaroon ng alig. Nagsimula lang daw ito nitong huling dalawang dekada. Ang paniniwala, dahil sa labis na dumi na ng dagat. Ang paniniwala ng iba, ang alig daw ay ang dumi, kemikal at lasong nakaimbak sa mga pusali, imburnal at kanal ng lungsod na nabasa’t natuyo sa loob ng ilang buwan. At kapag bumuhos ang malakas na ulan, iaagos ang ragasa ng tubig patungong pampang,

lilikha ito ng kawalan ng balanse ng lamig, init, alat at iba pang kemikal at mikrobyo sa dagat. Kung tuba ang ikinamamatay ng isda, at red tide sa tao, alig naman ang sa tahong at mga lamang dagat. Paano ba nya sasabihin kay Doray ang lahat? Na gusto nya ito. Kung mahal, hindi nya, di nya alam. Basta’t kung may magagawa lamang sana sya, ayaw nya na itong makikita sa barahan ng basnig. Kung pwede lang sana, sabihin nya na kay Doray na tutulungan nya na lang ito sa pagbuhay sa dalawa nitong kapatid. Kaso, alam nyang di sapat ang pagseserbisyo nya sa mga tahungan. At ang kaunti nyang tanim na tahong ay di rin uubra. Kada anim na buwan ba naman umani ng tahong at lagi pang inaabot ng alig, gaganahan pa ba syang magprisinta ng tulong kay Doray? Si Doray na nga lang yata ang ‘dalagitang’ may itsura sa kanilang looban. Kung hindi man mukhang sirena sa imburnal, madalas na mukhang igat ang mga kababaihan sa kanilang

eskinita. Minsan, kapag naliligo sila sa dagat ni Bertong Baka, makikisabay ito kasama ang dalawang kapatid. Tinuturuang lumangoy ni Doray ang mga ito. Sa laki ng tyan, ika nga ni Berto, para daw itong mga buteteng laot. Siyang siya si Intoy na makita ang pagkakahapit ng t-shirt sa may katabaang katawan ni Doray

tuwing aahon sa dagat at magpapahinga sa pantalan. May kung ano syang nararamdaman na di nya ginusto. Marapat sabihing ayaw nya nga. Pumapalag ang palos sa kanyang short pants. Kumikiwalkiwal. Kumikibot-kibot. Di nya alam kung dahil lang sa pagkakatuli nila ni Berto noong nakaraang taon. ITUTULOY

SUL AT PPARA ARA K AY ASYONG LIGALIG (2) SULA KA

—‘yung ikatutuwa ko. Para naman puwede ko nang ipabasa ang sulat mo sa mga Korean friends ko, pati sa Nigerian sweetie pie ko na nasa Australia ngayon. Pissed off din ‘yun sa lugar nila, kaya tumakbo sa ibang lugar—para magtago. Tumakbo siyang parang marathon star sa Olympics, para lang makatikim ng bagong beverage—Milo. Pero ‘nung dumating siya sa Pilipinas, disappointed siya, ‘yung umaapaw ng tubig-kanal lang pala sa may Navotas ‘yung nakita niya, akala niya Milo. Pareho lang naman sana kami ng hinihiling—pagbabago. Alam mo bang dahil sa nawalan ng kabuluhan ang mga sulat na sinusulat mo noon, kaya ang ibang tao ay nawawalan na ng ganang pansinin pa ang mga liham mo ngayon? Alam mo ba ‘yung isa pang dahilan kung bakit umalis sa bansa nila ‘yung sweetie pie ko? Akala niya, malupit ang mga letters dito sa Pilipinas; ‘yun pala, wala ring pinag-iba sa kanila—pula

din ang ginagamit na tinta pero “greetings of peace” pa rin ang mababasa. Di naman dapat talaga ‘yun lang ang nilalaman di ba? Dapat may madugong “WAAAAAAH!” malakas na “YUHUUUU!” at maka-laglag pant…along “KABOOM!” pang kasama. Para kumpleto; para may sense. Para maintindihan ko at nang nakararami. Sorry ha, pero I needed to be honest. Hindi ko na feel basahin ‘yung mga sulat mo ngayon. Wag sanang sumama ang loob mo, sabi nga ni Donkey sa Shreck, “Only true friends can be cruelly honest”. Paano ba naman friend, sino ba naman ang babasa ng sulat na hindi man lang kinumpleto? Sino ba naman ang mangangahas mag-reply sa sulat na wala man lang thought? ’Yung tipong parang sinulat lang sa lupa, para ipakahig sa manok. ‘Yung tipong sinilaban lang ang papel sa simula tapos binasa rin ng tubig pagkatapos. Di man lang hinayaang matupok ng apoy ang papel hanggang sa maging abo ito; hanggang sa sumabay ito sa paglipad sa

NI GOLDY O. BAROA

hangin; hanggang sa mapadpad ito sa kung saan-saan. Hanggang sa mapuwing nito ang dapat mapuwing at mabigyan ng libreng pulbos ang mga street children. Kaya sana, mag-practice ka nang maigi sa pagsusulat mo, sikapin mo. Pilitin mo. Isipin mong kaya mo. Kakayanin mo. Kaya mo nga kaya? May tiwala ako sa ’yo. Good luck! Hindi ko alam ang itinatakbo ng isip mo habang binabasa mo ang sulat kong ito. Pero hinihiling ko na sa halip mainis ka, ay maisip mo ang ibig ipahiwatig ko. Ang sulat kong ito ay parang tubig sa batis; malinaw, kaya akala mo mababaw. Ngunit malalim sa katunayan. Kasing lalim ng diwa kong isinilid ko sa katahimikan. Pero ngayon ay handa ko nang isigaw at ipamalas ang naudlot na himagsikang kumitil sa hininga ng mga katulad nating alipin ng reyalidad. Silang mga anak ng rebolusyong hindi magkamayaw upang maisakatuparan lamang ang kahilingan—pagbabago. Siyanga pala, may isa

pa akong request. Maari bang gaya ng dati, maging aktibo tayo sa pagpapalipad ng ating mga hinaing. Batid mong walang masama sa adhikain nating ito. Hindi ito bunga ng masangsang na kasakiman gaya nang naamoy natin ngayon. Hindi tayo gaya nilang mga balat-lacoste. Sana maalala mong ang lahi natin ay hindi mga alagad ng shitzu, kundi alagad ng papel at pluma at ang baril ni Aguinaldo ang ating ama— hindi ang kabayo niya. At kung sakali mang dumating ang pagkakataon na magkikita tayong muli sa Pugad Lawin, hindi ko na pipiliting punitin mo pa ang sedula mo. Marami na ‘yan sa munisipyo. Ang mabuti pa, pag-ibayuhin mo ang paggawa ng sulat, para hindi ko na maitranslate sa Filipino ang Mi Ultimo Adios ko. At ipromise mo, na walang tatakbo sa ibang lugar, kagaya ng ginawa ng sweetie pie ko. Di lang nakuntento sa mga sulat na nabasa niya sa ‘Pinas, tumakbo ‘dun sa may kangaroo. ITUTULOY


OKTUBRE 18 - 24, 2009

Magsipag-resign dapat ang inutil NAKAKAPANGGIGIL ang mga kinakatwiran ng mga nagpapanggap na ekspertong ito kaya paraanin na ninyo ako. Nung nagsimula ang sisihan makaraan sina Ondoy at Pepeng, maririnig mo ang mga linyang "Walang dapat sisihin dito sa sakunang ito... Sinong mag-aakalang ganito ang idudulot sa atin ni Ondoy?" Hindi dapat asahan ang mga palusot na ito sa mga itinuturing nating mga SIYENTIPIKO ng bansa. Hindi ata sila nagbabasa. Matagal nang panahong ibinababala ng Intergovernmental Panel on Climate Change (1988) ang ganitong senenaryo ngunit ewan kung bakit hindi ata ito nakarating sa pandinig ng mga EKSPERTO(?). Meron pa ngang popular na Docu si Al Gore, yung "An Inconvenient Truth" (2006), pero hindi rin ata nakapanood itong mga DALUBHASA natin. Noong 2007, sa isang Pulong ng IPCC, may ilang Pinoy pa ang nag-ulat ng kanilang pag-aaral ukol sa epekto ng Climate Change sa bansa. Hindi rin ata nabasa ng ating mga KINAUUKULAN. Nito lang March 10-12, 2009, nag-ulat din ang International Scientific Conference on Climate Change sa Copenhagen at mas itinaas pa rito ang babala pagkat ayon sa kanilang mga Pinakahuling Satellite picture at Ground Observations, mas mabilis ang pagdating ng epekto ng Climate Change at mas matindi kesa inaasahan. At syempre pa, hindi rin yun nakarating sa kamalayan ng ating mga PAN-

TAS. Nagkalat ang mga siyentipikong pag-aaral mula sa mga aklatan ng unibersidad hanggang sa internet at telebisyon. Nababalaaanan din ang mga kinauukulan. Ngunit naging pabaya sila. Tinamad mag-aral... Bagsak. Tinamad umaksyon...Tepok! Incompetent ata ang lalapat na tawag sa mga tagapamahala natin... Inutil. Ulitin natin ang tanong: Sinong dapat sisihin? Kayo! Sinong mag-aakalang ganito ang idudulot ni Ondoy at Pepeng? Madami na po for your information. kayo na lang po ata ang hindi. Inaaral nyo ba ang Climate Change? Kung hindi, o isinawalang bahala nyo ito, nakatitiyak ba kayong nasa tamang propesyon kayo? Ginawan nyo ba ng paraan para kayanin ng mga dam ang matagal nang tinatayang EXTREME WEATHER EVENTS?, Isinaayos ba ang mga kanal, lawa at dalampasigan? Kung hindi ninyo isinaalang-alang ang mga datos, anong klaseng siyentipiko kayo? paano kayo nagtataya o nagpe-predict? sa pamamagitan ng tawas? Tarot cards? Horoscope? Obligasyon ninyo ang patuloy na mag-aral at magbantay. Nakasalalay sa inyong karunungan ang buhay ng marami. Wag kayong magpalusot. Magsipagresign na kayo.

Calling All Tambay

GALIT na galit ang ilang mga matatanda at barangay-tanod sa ilang mga kabataang (minsan matatanda na rin) tambay. Maiingay at magugulo daw ang mga ito sa madaling araw (minsan kahit anog oras). Sinisisi ng ilan ang gobyerno kung bakit wala daw trabahong maibigay sa mga tambay (kahit na alam nating lahat na ang trabaho ay nasa tabi-tabi lang… hindi trabaho ang lumalapit sa tao). Ngayon, naiisip ko kung anong trabaho ang pwedeng ibigay sa mga tambay sa Pinas. Kasi kung sila ang magiging bantay-lansangan, di mga tanod naman ang mawawalan ng trabaho. Di mga tanod naman ang magiging

tambay. Kung maglilinis naman sila ng kalsada, di mga street sweeper/police oyster naman ang mawawalan ng kayod. Saka kaya nga busy ang mga tanod, sa kababantay at kahahabol sa mga tambay sa gabi. Kaya nga rin nagiging busy ang mga streetsweeper dahil sa iniwang kalat ng mga tambay. So, paano kaya? Hmmm, subok lang ang mga ito: 1. Gumawa ng award-winning body ang gobyerno. Tulad ng “The Search for Mr. Tambay of the Year.” 2. Lagyan ng hidden camera ang mga iskinita at kalsada. Tapos gawing parang reality show na isa-simulcast sa buong bansa ang drama at aksyon ng buhaytambay. Tapos, bigyan ng award ang mga tambay bilang: a. Pinakabayolente award- depende sa nagulpe, napagtripan o

nagulong lugar b. Best Dramatic Performance of an Actorito yung magaling umakting kapag nahuhuli ng mga pulis o tanod, at dahil sa kanilang pambihirang talento, hindi sila hinuli ng mga ito. c. Komedi King Tambay Award- sino sa mga ito ang pinakamahusay magpatawa, kwela at makulit d. Early Bird- tambay na pinakaunang dumating sa pwesto e. Puyat Award- Pinakahuling umuwi f. Storyteller of the Year- sino sa mga tambay ang pinakamahusay magkwento (totoo man o hindi), yung mahusay talagang bumangka 3. May mga special award din tulad ng: a. Best drinker- pinakamalakas uminom b. Pulutan Award- pinakamalakas kumain ng pulutan c. Gulang Award- pinakamahusay manggulang sa tagayan

d. Uwihi Award- eto yung ang paalam ay iihi, pero uuwi na pala e. Best Dressed Award-pinakamahusay pumorma f. Worst Dressed Award- pinakamasakit sa mata ang porma g. Best in Attendance- yung laging present syempre 4. Syempre, hindi dapat mawala ang special tribute sa mga tambay na nagbago na ng buhay, nagkatrabaho, nakulong o kinuha na ni Lord. At dapat lang magkaroon ng People’s Choice Award. Pwedeng gamitin ang teknolohiya ng texting at internet para dito. At ang mananalo, magkakaroon ng pagkakataon na maging tambay… nang libre. Kita nyo na belabed riders… walang imposible sa bansang ito. Kahit tambay.. may pagasa. Kaya ano pa ang hinihintay nyo… tambay na!

11

GREETINGS!!! Happy Belated 20th Bday to Gybby ‘Biboy’ Isidro last October 7, 2009 from your Papa Jun and Mommy Bhebot, Wife Eryll and Responde Cavite Happy 13th B-day to Victoria Leona ‘Inah’ Isidro on October 15, 2009 from your Papa Jun and Mommy Bhebot

Happy Belated 18th Bday to Baby Mabini from Tropang Gobingo *** Happy B-day to Rodel S. Aldonsa on

October 17, 2009 from Your Papa Rommel and Mama Jheng Jheng *** Happy 14th Wedding Anniversary to Mareng Jheng-Jheng and Pareng Rommel from Pareng Eros of Responde Cavite

Happy B-day to Rex del Rosario on October 22, 2009. Greeting coming from Papa Melvin, and Responde Cavite Family. Happy Birthday to SPO2 Raymundo Estoy (Oct. 28, 2009). Greetings from Cavite Component City

Happy 28th Birthday Ricky Hernandez from your family and Cathie.

Police Station. *** Belated happy birthday to PO2 Michelle Pillega (Oct. 4, 2009). Greetings coming from Responde Cavite. *** Happy 1st birthday and Christening to Jessa Dumo. Greeting coming from proud parents Tonton and Maricel. *** Happy reading to all MB Girls, especially to DIMPLE and MOMMY. Greeting coming from Daddy.

Happy birthday to Gilbert A. Potante (Oct. 21, 2009) RBS Security Agency Operation Manager / OIC - Rosario Traffic Dept. Greetings coming from Mayor Nonong Ricafrente, Vice Mayor Jhing-Jhing Hernandez and Responde Cavite

Happy 63rd Bday to Mother Luvinia Atalia on October 20, 2009 from your sons Rommel, Eros and Melvin


MULA IN A NUT SHELL SA PAHINA 4 At bilang tulong na rin sa panawagan na maibsan kahit kaunti ang dumaraming populasyon ng Metro na nakasama’ nang marami nitong nakaraang bagyo ay naglatag si Gob. Ben Evardone ng ‘back to the province scheme’ sa bayang ito. Sa ganitong programa, ang pamahalaang panlalawigan ay magbibigay ng libreng transportasyon sa lahat ng miyembro ng pamilya, pabalik sa Samar ay maglalaan ng pangkabuhayan at pagsasanay ‘Technical Education and Skills and Development Authority’ (TESDA) at Department of Trade and Industry (DTI). Matapos ang pagsasanay, ang simbahan naman ang tutulong sa pangangaral ukol sa kabuhayan. Paglipas ng seminar, magkakaloob ng P10,000 bawat pamilya, tulong panghanap-buhay bukod pa sa P20,000, pambili ng kawayan at nipa sa pagpapatayo ng kubo. Sa mga estudyante, ang inabot sa kolehiyo, libre na rin hanggang makatapos. Anupa’t wala na silang mahihiling pa. Nakahanda na rin ang mga lupaing pagtatamnan ng pagkain sa araw-araw. Sipag lang ang puhunan. Hindi ito makikita kailanman sa Maynila. Inihahandog pa ni Evardone ang kanyang isang buwang suweldo, isang libo bawat opisyal ng lalawigan at isang daang piso bawat empleyado bilang tulong sa mga magpapanimula. Sila ang halimbawa ng mga namumuno sa bayan na nararapat tularan lahat ng mga kawani sa buong bansa. Sana’y maging Evardone sa lahat ng lalawigan sa buong kapuluan. MABUHAY! MULA SENIOR CITIZENS SA PAHINA 5 Parang ‘Sword of Damocles’ na nakaamba sa Tagaytay City ang lindol na magmumula sa muling pagkilos ng MVFS o pagsabog ng Taal Volcano at Caldera. Siguro, ang kinakailangan ay isang detalyadong ‘Disaster Preparedness Plan’ na kinapapalooban ng ‘Contingency Measures’ kung sakaling dumating na ang kinatatakutang sakuna. Walang masama sa paghahanda. Huwag namang matakot ang lahat sa posibleng paglindol. Hindi ito matutuloy kung sama-sama tayong taimtim na mananalangin sa Poong Maykapal na iligtas tayo sa panganib. Katuwang natin sa pagdarasal ang mananamba ng religious institutions na ngayon ay nakakalat pa sa mga sulok ng lunsod, taliwas sa inaaasahan nating matipon sila sa ‘Special Institutional Area’ gaya ng isinasaad ng ‘Land Use Plan’ ng Tagaytay. Wala sa kaalaman at kapangyarihan ng tao ang pagpigil sa pagsabog ng bulkan at pagyanig ng anumang lugar sa mundo. Katulad din ng bagyo, buhawi kidlat at kulog—ang tanging makapag-uutos ay ang Dakilang Manlilikha. (Awit 95) 4 Nasa kanyang palad ang buong daigdig, pati kadiliman. Ang lahat ay sa Kanya, Maging ang mataas nating kabundukan. 5 Kanya rin ang dagat at pati ang lupa na Kanyang nilalang.

2 dedo sa shootout sa Cavite

CAMP VICENTE LIM, Laguna –Dalawang lalaking hinihinalang miyembro ng robbery gang ang napatay sa di umano’y pakikipagbarilan sa mga pulis ng Lalawigan ng Cavite nang madaling araw ng Lunes (Oktubre 12) sang-ayon sa opisyal ng pulis. Sang-ayon kay Senior Superintendent Alfred Corpuz, Police Director ng Cavite, ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ay napatay matapos pagnakawan ang Caltex Gas Station sa Barangay Mabuhay, Carmona ng mga ika- 3 n.u. Dagdag ni Corpuz,

ang mga suspek ay sakay ng isang motorsilklo na nakatangay ng mahigit P800 na pera at tumakas patungong Southwoods saka hinabol ng kapulisan. Tamang tamang naabatan ng Regional Mobile Group (RMG-Region 4A) at Pulis Cavite ang mga suspek sa isang checkpoint. Sa halip na tumigil, nakipagpalitan ng putok ang mga suspek. Nakakuha ang mga pulis ng kalibre .45 at .38 mula sa mga suspek. Sang-ayon kay Chief Inspector Egbert Tibayan, Carmona chief of police,

ang dalawang suspek ay maaring miyembro ng “Royal Blood Gangsta”, na di umano’y gun-for-

hire at robbery gang na nag-o-operate sa Laguna at Cavite. OBET CATALAN

PANAWAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipagugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 / 0916-1215880

Ministro ng Iglesia ni Cristo, nilooban Y GENERA GA NI WILL WILLY GENERAGA

STA. CRUZ, CAVITE CITY – Rehas na bakal ang sinapit na hinihinalang kilabot na magnanakaw matapos na ito ay aktong mahuli ng biktima na isang ministro ng Iglesia ni Cristo. Nakilala ang biktima na si Dante N. Parco, 42 taong gulang, may-asawa, ministro ng Iglesia ni Cristo, at kasalukuyang naninirahan sa compound ng Iglesia ni Cristo, Bautista St., Sta. Cruz,

Cavite City. Nakilala naman ang suspek na si Reynaldo S. Rafael, alyas “Rey”, 31 taong gulang, may-asawa, resident eng 851 Dra. Salamanca St., San Antonio, Cavite City. Sa ipinasang report ni PO1 Edgie B. Portacio, Imbestigador, kay P/Supt.. Simnar Gran, Chief of Police at P/ Insp. Angelica Starlight L. Rivera, Deputy Chief of Police. Nangyari ang krimen noong Oktubre 12, 2009 sa humigit

kumulang alas 7:30 ng gabi. Pauwi na ang biktima habang papasok siya sa kanyang bakuran ay nakita niyang bukas at sira ang pintuan ng bahay. Laking gulat nito ng makitang aktuwal na ninanakaw ang mga alahas ng biktima . Tinanong pa ng biktima ang suspek kung ano ang ginagawa nito sa lob ng kanyang bahay at kung sino ito. Ngunit imbes na

SINES ITETSH...

mag-i-station of the cross muna itets papa pulis ko sa mga beerhouse jaan sa Bacoor. Of course mga ate, kasama nya ang kanyang mga julalay na kapulisan. At take note, big note (ahahay… sarap) carry nila ang kanilang mga boga sa pagpasok mga beerhouse.

mula sa p. 4

PAPA PULIS BOGA DE KARGADA Sines Itetsh? Averkadebreh mga sisterata… iba naman ang pabongga ng Papa kong ito. Before gumarahe si Papa Pulis,

sagutin ang tanong ay mabilis itong tumakbo palabas dala ang mga ninakaw na mga alahas. Nakuha pang manglaban ng suspek sa biktima pero bigo ito dahil sa maagap na pagresponde ng mga alagad ng Brgy. Nakuha sa suspek ang mga ninakaw na 3 relo, 10 purselas, 5 kwintas, 6 na pares na hikaw, at 10 singsing na nagkakahalaga ng limampung libong piso (Php 50,000). Kasalukuyang hinaharap ng suspek ang kasong Robbery na naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. Ay naku papa ha? Baka pumutok yan. Buti sana kung isa mo pang kargada ang puputok… ahahahay! Type ko yan. But trulalu, baka pag boga mo papa ang pumutok… ay naku, headlines bukas, ngayon ang broadcast. Ayaw ni Mayor Strike nyan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.