2
OKTUBRE 25 - 31, 2009
Vice Mayors ng Cavite nagpunta ng Macau at Hongkong? Gusto ko lang po makumpirma, kung totoo pong nagsipuntahan ng Macau at Hongkong ang mga Vice Mayors ng Probinsya ng Cavite nung nakaraang Martes hanggang Biyernes? Kung may Katotohanan po ito, di po ba parang mali na sila ay umalis sa panahon na kung saan napakalaking bahagi ng ating mga kababayan ay lubog sa baha, walang makain at tunay na naghihirap? Kung ito man po ay totoo at personal na pera nila ang ginamit, hindi po ba isa itong luho sa panahon na marami ang nagugutom at naghihirap sa dalampasigan ng Cavite at ibat ibang lugar ng ating bansa? At kung eto man ay supportado ng pondo ng gobyerno, totoo po ba na ang per diem ng isang naka official business ay $300 each day? Kung ito man po ay totoo ... nakakalungkot. Mabuti po at natagpuan ko ang inyong site, para kahit man lang dito masabi ko ang reklamo ko sa mga nanunungkulan sa ating lugar. Maraming salamat po, at sanay makapagmulat po ng mata itong katanungan kong ito kung totoo po. Mabuhay po ang Responde Cavite ***
Buhos system sa Bacoor Pwede ba natin ipatigil na yung Buhos System sa me SM Bacoor kasi nale-late kami sa pagpasok. Paki kalampag naman ang mga kinauukulan para maganda ng aksyon ang sobrang trapik.
30 katao, nadakip sa serye ng operasyon kontra shabu NI WILLY GENERAGA TATLONG pinaghihinalaang bigtime pusher kabilang ang dalawang babae at anim na iba pa ang nadakip ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bayan ng Imus, Cavite kamakailan. Ang pinagsamang operatiba ng pulisya sa barangay Poblacion 4-A na nakilala sa tawag na “Halang” ay may kabuuang isang daan na miyembro ng pulis na ang kumurdon sa nasabing lugar na nagresulta ng pagkakadakip ng 36 na katao. “Parang kendi lang na ibinebenta dito ang shabu” sabi ni Supt. Steve B. Ludan Hepe ng Cavite Police Provincial Office Intelligence branch and Anti-Drug Enforcement Team. Kunumpirma naman ni Kagawad Emilson Figueras na matagal ng kalakaran sa Brgy. Halang “Marami ng nahuhuli dito na pusher sa anumang kadahilanan ay na-
kakalaya sila at bumabalik sa aming lugar”. Ang operasyon ay isinagawa ng Special Operation Group ng Philippine National Police, Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force,Philippine Drug Enforcement Agency Region 4-A Office at ng Imus Police Station. Kinilala ang mga naaresto ng Ogie Alcaparas Alyas Francisco Libunao at Kalbo 30,
Janice M. Lugao Alyas Janice M.. Dadag 29, at Rochelle M. Santander Alyas Pilay 28. Ang pangapat na suspek ay James S. Magno Alyas Nonoy. Libunao, Dadag, Santander at Sarao ang mga pinaghihinalaang drug operators sa lugar. Nakumpiska sa mga suspek ang mga sachet na naglalaman ng mga hinihinalang shabu at
paraphernalia’s. Samantala anim na katao pa ang naaktuhan ng pulisya habang nagsasagawa ng Pot Session na sina Richard Medina 32, Danilo L. de Guzman 29, Arthur P. Maniego 42, Arthur M. Pascasio 38, Anthony I. Rojo 40, at Rodrigo I. Santos 40. Ang tatlumpung naarestong suspek ay nadakip sa isinagawang magkakasunod na operasyon sa Bacoor, Dasmariñas, Naic at General Trias at Cavite City .
Bangkay, natagpuan sa poso negro DASMARIÑAS, CAVITE – Isang hindi pa nakikilalang bangkay ang natagpuan sa poso negro kamakailan sa isang barangay sa bayang ito. Natuklasan ang bangkay noong Oct. 21, 2009 sa poso negro na pagaari ng isang ginang na nakilala sa pangalang Natividad Lloren, 48, residente ng Blk. 33 Lot 31 Brgy. Zone 4, Bautista Property sa bayang ito. Sa inisyal at ipinada-
lang report ni PO1 Ronel Abas sa Responde Cavite , inilarawan ang natagpuang bangkay na lalaki na may edad na 4550, may magandang pangangatawan, may taas na 5’6 hanggang 5’8 at nakasuot ng itim na brief na nababalutan lamang ng dahon ng saging ang buong pangangatawan. Nang dahil sa pagbabara ng poso negro na pag-aari ni Lloren ay pi-
nasuyo niya ito sa kanyang kapit-bahay upang alamin kung ano ang dahilan ng pagbabara. Ngunit laking gulat na lamang nila ng matuklasang isang bangkay pala ang dahilan ng pagbabara ng poso negro. Na agad namang ipinagbigay alam sa mga awtoridad. Kasalukuyan pa ring kinikilala ang bangkay ng mga awtoridad. OBET CATALAN
TRIPLE R PR SPECIALIST
For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209
OKTUBRE 25 - 31, 2009
3
Doktor ninakawan
KAWATAN INARESTO NG JANITOR
CAVITE CITY – Isang doktor ang nanakawan kamakailan na ikinadakip ng suspek matapos ang pagnanakaw. Kinilala ang biktima na si Dr. Erwin Jay P. Dela Cruz, 35 taong gulang at isang OB Gynecology, may-asawa, kasalukuyang residente ng 10 Cresini St., Caridad, Cavite City. Habang kinilala naman ng kapulisan ang suspek na si Rommel M. Jahnke, 41 taong gulang,
may-asawa, residente ng 544 M. Reyes St., San Antonio, Cavite City. Sa ipinadalang report ni PO2 George Lapidario, imbestigador, kay P/Supt. Simnar Gran, Chief of Police at kay P/Insp. Starlight L. Rivera, Deputy Chief ng Cavite City Police Station, naganap ang pagnanakaw noong Oct. 19
2009 sa ganap na humigit-kumulang alas 6:oo ng gabi sa loob mismo ng ospital ng Dela Cruz Maternity Hospital. Sa inisyal na report na nakuha ng Responde Cavite kay PO2 Lapidario ng araw ng naganap ang pagnanakaw sa gamit ng biktima ay dumalo pa umano ito sa isang
birthday party na di naman kalayuan sa ospital. Laking gulat na lamang umano ng biktima ng tawagin ito ng kanyang kapatid na si Joy Grace Dela Cruz- Permel at sabihing may nahuling magnanakaw sa kanilang ospital. Na agad niyang pinuntahan at doon nga at nakita niya ang suspek na kumuha ng kanyang mga gamit. Na kinabibilangan
ng 2 pares ng sapatos na nagkakahalaga ng Php 25,000, mga gamit sa panggagamot, at isang laptop. Ayon sa nakakita na si Zenon C. Ordoñez, isang janitor ng nasabing ospital, nakita niya ang suspek na mabilis na bumababa sa hagdan galing sa ikalawang palapag ng ospital na may bitbit diumanong isang plastic box na naglalaman ng mga
gamit ng biktima. Hindi kilala ng janitor ang suspek at kahina-hinala ang kilos nito ng mga oras na iyon kaya dali-dali niya itong hinabol hanggang sa makatawag pansin na ito sa mga tanod ng barangay na ikinahuli ng suspek. Kasalukuyang nakakulong ang suspek habang hinaharap ang kasong Qualified Theft. SID LUNA SAMANIEGO
AQUA 2599
Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1 PAGBANGON SA KALAMIDAD-Umabot sa 200 piraso ng sari-saring uri ng lambat ang ipinamigay ni Rosario Mayor Nonong Ricafrente sa mga mangingisdang nasalanta ng magkasunod na bagyong “Ondoy” at “Pepeng”. Matatandaang kinansela ni Mayor Ricafrente ang lahat ng klase ng pagdiriwang o selebrasyon, partikular ang Araw ng Rosario, upang mapagtuunan ng higit na pansin ang pagbangon sa kalamidad.
Airgym Fitness Center
Cavite City Branch We’re open to serve you If you want to feel healthy and fit come and visit us at 2nd floor of 7 Days Pawnshop Dra. Salamanca Road San Antonio Cavite City WE OFFER WEIGHT TRAINING PROGRAM FOR: 1. Body Building 7. Body Toning 2. Advance Body Building 8. Body Shapping 3. Lose Weight 9. Taebo / Aerbo 4. Gain Weight 10. Karate 5. Power & Bulk Routine 11. Ballroom 6. Exercise for Sports Improvement MONDAY TO SUNDAY (8:00 am – 9:00 pm) For more inquiry pls. look or call: Ms. Chai S. Burgos / Melchor / James Tel. Nos. (046) 431-0515 / (046) 438-2226
4
OKTUBRE 25 - 31, 2009
Usapang bayag Ni Mahalina Mahadera y Mahablangka
Ay naku, mga sisteret, may bago na naman akong chika. Alam nyo vah, may chika sa akin ang isa sa mga junakis ng aking kumare. May isang jowaers ng isang politicians to the max ng lowland ang nalolokah sa casino! Kakalokah! Winner ang lola koh! Hmm, at ang lola mong crazy lalooh sa pag-churva sa casino ay may julalay at chuchuwariwariwap. Winner ang PR ng lola ko kahit laging luz valdez sa casino ang hitad! *** Pangalawang chika! Darna! Sines itetchiwang konsehal ng 1st District ng Cavite ang lukresia to the max sa pagsasabong! Yes… terday, today ang tomorrow mga sisterata. Kahit always absent si konsehal sa session ay always present naman si papa konsehal sa pagsasabong. Ay ang papa ko, mahilig sa cock… fight! Papa, pahipo nmaman ng manom mo. Daku ba yan? Matapang ba yan? Baka walang iubra? *** Pangatlong chika! Bongga talaga ang lola Kapitana koh! Avah, avah, avah! Hindi nya lang ginagamit sa pang-shopping to the max ang service vehicle ng barangay… mga sisteret maloloka talaga kayo dito… ipinanghahakot nya rin ng kalakal sa Maynila ang jajaktyan ng barangay! Winner ka lolah! *** Pang-apat na chika! Sines itets na Chief of Police sa upland ang always present sa mga dead. Yes, always present sa lamayan ang lolo mo. Not bekez he always lamay to the family ng mga najulilah… but, hmmm! Orbit-orbit to the max sa saklaan. Heard pa nga natin na 1k ang fayola ni lolo sa mga operator ng sakla. Kaya richy rich ang lolo mo kasi sa nasasakupan nya, almost 10 lamayan bawat gavih ang koleksyones nya. Wow! Winner! 10k isang gavih! Papa, balato naman. Pantaya lang sa sakla. Pag tumama ako, hahada naman ako.
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario
nadia dela cruz
3rd district coordinator
2nd district coordinator
wilfedo generaga melvin ros circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 5270092.
ONLY the weak are cruel. Gentleness can only be expected from the strong. –Leo Buscaglia Sa panahong bayag ang sukatan kung gaano kalalaki ang isang lalaki, hindi nakapagtatakang barakuhan ang wika ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Malaki ang insecurities ng mga lalaki sa kanilang pagkalalaki kaya’t ang gusto nila, sila ang pinakalalaki sa lahat ng mga lalake. Kaya nga usong uso ang ekspresyong. “Tang na ka, nakakalalake ka ha?” At para ipangalandakan nya na lalake talaga sya, ilalabas nya ang simbolo ng produksyon ng kanyang semilya, ang bayag. Kaya’t maririnig din natin ang ekspresyong “Dala ko ang bayag ko” o “Wala ka yatang bayag.” May mga pagkakataon na kinakapos ang isang lalake sa tapang kaya’t maririnig natin ang ekspresyong “napunta ang bayag sa lalamunan.” Dahil lalake ang may control ng mundo mula sa ekonomiya hanggang poltika, mula siyensya hanggang relihiyon, hindi nakapagtataka na ang depenisyon at halaga ng lahat ng mga bagay ay nagmumula sa mata ng isang lalake. Lalake ang nagdidikta ng magiging takbo ng isang
sambahayan dahil lalake ang bumubuhay sa pamilya. At dahil mga lalake ang may kontrol ng bawat pamilya, kontrolado ng mga lalake ang buong sambayanan. Ang pinakamalapit na katunggali ng lalake sa kapangyarihan maliban sa kanyang sarili ay babae. Kaya naman, pilit na isinasailalim ng mga lalake ang babae sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. Mahina at mas mababa ang turing ng mga lalake sa babae. Sa maraming aspekto ng buhay, laging lamang ang mga lalake sa babae. Ang lalakeng maraming babae, macho. Ang babaeng maraming lalake, pokpok. Ang lalakeng maraming sinasabi, matalino. Ang babaeng maraming sinasabi, mabunganga. Ang lalakeng nagyoyosi at nakatambay sa kanto, siga. Ang babaeng nagyoyosi at nakatambay sa kanto, pakawala. Pisikal na lakas ang isa sa pinakaprominenteng kalamangan ng mga lalake sa babae. Kaya ito ang madalas na kayang gamiting sandata ng mga lalake sa isang babae. Gapiin sa lakas. Daanin sa dahas at lakas ang usapan. Kaya’t maraming mga kababaihan ang araw-araw na nagiging biktima ng pandarahas at pagsasamantala ng kalalakihan. SUNDAN SA PAHINA 10
ABS-CBN, Kingmaker? ANG “television channel” na ito’y dati nang pag-aari ng mga Lopez na kinabibilangan ng namayapang BisePresidete ng Pilipinas na si Fernando Lopez. Dating Pangalawang Pangulo siya ni Presidente Marcos at hindi isinaalang-alang ng huli ang dating samahan at kinumpiska niya ang ABS-CBN ng ideklara ang “Martial Law” noong 1972. Upang lalong mapadali at sumang-ayon ang mga Lopez, si Geny Lopez, isa sa mga anak at heredero, ay dinakip at bininbin sa Camp Bonifacio, pagbagsak ng “martial rule” ni Marcos. At kinasangkapan niya ang pagkakapiit ng batang Lopez upang mapilit ang mga ito na kunway ipinagbili sa mga Marcos ang buong istasyon, bagaman hindi tuwirang kay Marcos inilagay ang pangalan. At nang mapilitang sumang-ayon ang mga Lopez ay kunway nakatakas si Geny papuntang Hongkong sakay ng eroplano at tumuloy sa Amerika sa kalaunan. Luha at pighati ang kanilang inabot sa kamay ng mga Marcos. Nang bumalik ang demokrasya sa Pilipinas ng mapatalsik si Marcos at umupo na ang kauna-unahang babaeng Pangulo ng bansa, na si Presidente Corazon C. Aquino, isa sa mga una niyang ginawang batas sa ilalim ng “revolutionary government” ay ang pagbalik ng ABS-CBN sa mga tunay na may-ari, ang mga
Lopez. At nagpatuloy ang gawaing demokratiko sa bansa. Lumipas ang panahon, nanatili ang ibang empleyado, “broadcasters” at iba pang “executives” ng “TV network” na ito, at pumalit ang iba matapos ang kanilang “stint” dito ay nagpatuloy ang layunin at adhikaing makapagbigay ng wasto at patas na balita. Napilas man ang mga dahon ng panahon, at nagpapalit-palit ang iba pang mga personalidad na nakikita sa telebisyon, patuloy pa rin ang “network” sa paghubog ng mga taong nababanaagang makakatulong sa taong-bayan. Si Loren Legarda, galing sa “channel 2” bago lumipat sa iba, naging Senador. Sa pagtulong na rin ng istasyong ito. Si Mayor Mon Ilagan, Mayor ng Cainta, Rizal. Ted Failon, naging Congressman ng Leyte o Samar. Ang pinakamalapit na husto at isang hinga na lang sa pagka-Presidente ay ang Pangalawang Pangulo ng bansa, si Noli de Castro. SUNDAN SA PAHINA 12
Konsehal ng Rosario, pinahiya sa sarili niyang balwarte PINAGPIPITAGANG konsehal at ginagalang na mambabatas sa bayan ng Rosario ang nalagay sa kahihiyan sa sarili niyang balwarte habang isinasagawa ang isang maliit na programang paghahandog ng lambat sa mga mangingisda. Sa umpisa ng programa walang ibang pulitiko maliban sa kanilang mayor at isang konsehal na alagad ng simbahan. Nagtalumpati ang mayor sa kanyang mga nasasakupang mamamayan. Ibinahagi ang mga natatamong tagumpay ng bayan na pwede naman palang gawin, bakit hindi ginawa noon? Ang buong pagmamalaki ng mayor, kaya palakpakan ang mga tao. Sa kalagitnaan ng programa, marami ang humabol na pulitiko. Bagama’t hindi taal na imbitado ay na-
kisawsaw na rin ang mga ito. Iyon nga lang kapuna-puna sa ilang mga manonood ang isang bagitong konsehal, napapa-iling ang mga ito sa mga binibitawang salita ng pulitiko. Maaaring hindi nasisiyahan ang kanilang mamamayan sa mga salitang binibitawan nitong konsehal ng bayan. Kaya’t sa katapusan ng programa, eto na ang naging eksena. Tama nga ang hinala natin bilang mata at tainga ng balita. Nagpasyang magsalita ang sinasabing sekretarya ng samahang pamalakaya. Pinuri ang Mayor at ang bise-mayor sa kanilang di matatawarang kakayahan pagdating sa proyektong pang-bayan. Maging ang mga konsehal ay pinuri din maliban sa isang konsehal. Hayagang sinabi sa mikropono na ang kanilang sariling kanayon na konsehal ngayon ay di nila makita-kita sa tuwing pupuntahan ito sa kanyang tahanan. SUNDAN SA PAHINA 12
OKTUBRE 25 - 31, 2009
Nakatatanda : Dangal ng Bayan noon at ngayon NOONG October 1-7, 2009 ay ipinagdiwang ang bansa. Sa Cavite, ito ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office at ng Provincial Federation of Senior Citizens Associations ( PFSCACI ). Isang magandang pagkakataon na ang 2009 sa Provincial Capitol noong October 5, 2009. Namulaklak ang yellow t-shirts na suot ng mga Barangay Health Workers , Senior Citizens, empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan at delegasyong nagmumula sa dalampu’t tatlong pamahalaang lokal ng lalawigan . Kaya naman pala dilaw ang kulay ng pagsasaya ay dahil si Senator Noynoy Aquino, kasama si Sen. Mar Roxas, ang panauhing pandangal. Si Noynoy na anak ng yumaong President Cory Aquino na siyang nagsuot ng yellow T-shirt at nagpasabit ng mga yellow ribbon sa kamay, punong kahoy, poste at gusali bilang pagluluksa sa biglang kamatayan ng dakilang Ninoy Aquino. Nasapawan ng husto ang selebrasyon ng Senior Citizens bagamat marami sa kasapi nila ang dumalo sa pagtitipon na nauwi sa pagpapakilala ng mga magiging kandidato ng Partido Liberal sa Cavite sa nalalapit na eleksyon. Umagos ang pagkaing pang-almusal, merienda mula sa Legislative Building. Marami ngang pagkain, ngunit higit na marami ang taong nagsidalo. Ang mga Senior Citizens hindi nabigyan ng pagkain, kaya umuwi silang may gutom sakay sa dala nilang minibus at jeepney. Ang dahilan pala naman ay maling impormasyon ( ang imbitasyon para lamang sa ilang opisyal ng PFSCACI at hindi panlahat). Nag-siuwian silang may taglay ng kaunting pagdaramdam. Huli na ng makapanayam namin si Mr.Guillermo Vidamo ng Tagaytay City, ang Federation President. galing pala sa selebrasyon ng Senior Citizens sa Naic na kung saan ay isa siya sa Panauhing Pandangal. Dito na nagsimula ang aming maikli , datapwa’t makabuluhang talakayan. Ipinaliwanag ni Mr. Vidamo na sa loob ng isang linggo, ay iba’t ibang uri ng pagdiriwang ang isinagawa ng municipal at city federations. Mayroong nagsisimula sa pagsisimba , sa paglilinis ng kanya-kanyang barangay at pagsasagawa ng palatuntunang pagpapatunay na masigla pa lang hanay ng mga Senior Citizens. Nalipat ang aming usapan sa tema ng selebrasyon , “Dangal ng Bayan Noon” ngunit hindi “Ngayon”, ang daing niya, “Noon” ay may sigla at malalakas pa ang Senior Citizens sa pangangatawan , kaisipan at gawain. “Ngayon na matatanda na sila mahina ang tuhod, hindi na kumikita dahil walang hanapbuhay at pasanin pa ang kanilang pamilya, mukhang hindi na itinuturing na Dangal kundi problema na at pwede ng balewalain o ietsa-puwera”, patuloy ni Mr. Vidamo. Ang sagot ko naman, “Kaya nga may taunang pagdiriwang ay upang ipaabot sa lahat na ang Senior Citizens ay may pambihirang kaalaman at karanasan sa mga gawaing pangkabuhayan at paglilingkod sa bayan na pwedeng ibahagi sa mga sumusunod na salinlahi”. Kailangan at mahalaga ang paggabay ng Senior Citizens sa pagsisinop at paglilinang ng kalikasan at yaman nito , sa paghahanda at pagsisikap ng pamahalaan at pribadong sektor na mabawasan ang sakit at hapding mga kalamidad tulad ng bagyo at baha. Dapat na ipaalala na ang Senior Citizens ay dangal ng bayan “Noon, Ngayon at Bukas”. SUNDAN SA PAHINA 12
5
Bakit ako mahihiya? –To Love Again (Tatlo, Dalawa, Isa…) ANG paggawa ng mabuti ay inaasahan sa bawat tao. Likas sa atin ang kabutihang taglay ng pag-ibig ng Diyos. Pagiging tama at matuwid ang hatid ng isyung ito ngayon. Bakit ka mahihiya kung nararapat ang nais gawin? Bakit mo ikakahiya ang tumulong sa iyong kapwa? Bakit ka nahihiya kapag ilalapit mo ang isang pagkilos na alam mong para sa ikabubuti ng nakararami? Bakit ako mahihiya? Tatlo, Dalawa, Isa…ang pagbilang ng naaayon sa ulat ng pagkilala at karangalan sa kontribusyong alay para sa tao, bayan at Diyos. Tatlong mahahalagang pagdiriwang ang naganap sa buhay ng mga taga-Rosario, Cavite. Sa delubyong dumating sa buong bansa, ang aming bayan ay naging mapalad sa pangyayaring ito. Di namin dinanas ang mga hirap, pagtitiis, gutom at kawalan ng pagasa. At ‘yan ay sa paniniwalang di kami pinababayaan ng Panginoong Diyos sa patnubay ng Mahal na Ina ng Santo Rosario. Kung kaya’t amin pa ring ipinagdiwang ang Kapistahan ng Santo Rosario sa isang simple ngunit sagradong paggunita sa Dakilang Araw na ito ng Oktubre 7. Tuloy ang Karakol na tradisyon na naming isinasagawa taun-taon –ang pagsayaw sa indak ng kasiyahan at kapayapaan. Dalawang TESDA short term courses ang muli na naming nakamatan ng mga kabataan at ilang interesadong mamamayan ng Rosario –Baking and Pastry Production at Massage Therapy. Isinagawa ang pagtatapos ng mga estudyante ng mga nabanggit na kurso. Maluwalhati at matagumpay nitong naipasa ang Assessment Exam na ibinigay ng TESDA. Tumanggap sila ng biyaya sa isang Dakilang Tao na inialay ang tulong pinansyal para sa pagsisimula ng Bagong Buhay, Bagong Pag-asa para sa mga Baking Students. At cash incentives para sa Limang Natatanging Mag-aaral ng Massage Therapy. Salamat po sa inyong suporta at buong pusong pagtitiwala sa pagkilos na ito. Mabuhay ka, Hon. Dino Chua ng Cavite City. Isang katangi-tanging pagsasagawa ng tungkulin ang ipinamalas ng Kapulisan ng Rosario, Cavite. Isang Tawag Lang, Simbilis ng Kidlat ang pagtugon sa reklamo. Aksyon Agad ang responde ng mga pulis sa nasabing bayan. Partikular kong babatiin ng buong puso at kagalakan si PO2 Dario O. Carangalan sapagkat siya po ang aking nakausap at nag-asikaso sa akin noong gabing ako’y nagsadya upang i-report ang di kanais-nais na insidente sa tapat ng aming bahay noong Oktubre 15. Isang grupo ng kabataan below 18 years old, mga minors ‘ika nga ang aking napansing nag-iinuman,
Hard pa (take note) naglalambingan at may kakaibang amoy ng usok sa loob ng jeep. Tinanong ko kung mga taga-saan sila, Feeling ko nagsisinungaling ang mga binabanggit na kabataan. At totoo nga, mga Dayo ang mga ito, ayon na rin sa aking mga kapitbahay at mga pulis na rumonda nang gabing iyon. Ngayon ay tahimik at payapa na palagi ang gabi sa aming lugar. Hats off ako sa mga pulis-Rosario, lalo’t higit sa aming Chief of Police, na siyang lider para sa security, peace and order ng aming bayan –Kudos and laurels to P/Supt. Manuel A. Placido. Hangad ko ang patuloy ninyong paglilingkod ng tapat sa ating bayan. Tunay na ang buong puso at totoong serbisyo para sa tao, bayan at Diyos ay kumikinang. Nangingibabaw ‘to sa lahat ng bagay. Dahil ang nasa likod nito ay ang patuloy na Gabay at Tanglaw ng Poong Maykapal. Bakit ako mahihiya? Wala akong ginagawang masama. Wala akong tinatapakan. Higit, pagtulong ang aking naisin para sa aking kapwa. Patuloy akong tutungo sa mga kinauukulan upang ilahad ang mga gawaing tulad nmg mga ito: Serbisyong Pagtuturo ng Libre ng Pedicab Teacher; TESDA support system; pagpapataas ng antas ng de kalidad na edukasyon sa ating bayan at pagsusulat ng katotohanan. Sa Dyaryo ng Tao –Responsible, Risonable ang Responde Cavite. To Love Again –Ang bago kong pag-ibig ay sa mga gawaing nabanggit. Ito na po ang aking hangarin at dapat isakatuparan habang ako’y nabubuhay. Muling tumibok ang aking puso sa serbisyong totoo; That’s final, turuan ang mga streetchildren, bigyang pag-asa ang mga kabataang mag-aaral kahit mga short term courses ng TESDA at itaas ang antas ng pamumuhay ng tao. I’m back! Back to limelight –hawak ang pag-asa sa muling pagbangon at pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. Di na ‘to dapat palampasin pa. Tuloy ang Laban! Isulong ang “advocacy”. Bakit ako mahihiya? Tatlo, dalawa, isa… Good Morning Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kay Ganda at bagong Pag-asa. Edukasyon…Kahit Saan…Kahit kailan, katuwang sa Karunungan at Kaunlaran.
Vertical Clearance Sa isang iglap nilalagom ng iglap na naglalagos ang layo't layon ng lagusan. Laging mula sa itaas ang bungad na babala: pagninilay bago ang takda
Pagpapatuloy Kung sakaling wala na ako nawala na ako sa silid na iyon na iyo ring silid huwag mo na akong hanapin hanggang sa dulo ng ating daigdig tibagin mo ang dingding sa pagitan ng silid at ng sala nang lumuwang ang sala di ba’t mas maluwag na sa loob ang sala para sa pagbisita natin sa isa’t isa at sa dating langit nating daigdig
ng tahak sa loob na madalas wala sa loob na pagnilayan ang sukat o sukatin ang pagninilay ng pagitan ng daang paloob at hanggahan ng tuktok na mekanikal at nakatutok lagi't lagi sa pagsulong ng oras sa lagusang di dapat mabutas ang batas na di dapat maantala. Ngunit, hintay! May naliligaw na bulaklak ng ligaw na damong sumupling sa kongkretong tuktok. Magdahan-dahan pa at tumingala dahil may nasiraan yata
-Erwin C. Lareza
ng tuktok at tatalon mula sa hanggahan ng ating bumbunan, babara sa lagusan ng ating malay. -Erwin C. Lareza
8
OKTUBRE 25 - 31, 2009
Panig sa katotohanan, panig sa bayan! (2)
Sa kabilang banda humahanga naman ako sa mas pinaayos, mas pinaganda at mas pinatapang na pagbabalita ng ABS CBN sa mga news program nito katulad ng BANDILA at ang pinakamatagal na primetime news sa kasaysayan ng bansa ang TV PATROL, sapagkat kapansin-pansin ang kanilang pagwawasto at pagbabago sa pamamaraan at batayan ng paghahatid ng balita. Kung noon ay medyo sumama ang imahe ng ABS CBN dahil umano sa pagkiling nito sa administrasyong Arroyo lalo na raw noong kasagsagan ng kampanyahang pampanguluhan ng 2004, ngayon naman ay kitang-kita ang pagwawasto, pagbabago at pagdistansya nito. Ang kagandaghan pa ay hindi lang basta pagdistansya o pagpunta sa gitna kundi ang dumiretso na nga sila papaunta sa katotohanan at sa mamamayan kaya lagi nilang ipinapahayag ang ka-
nilang bagong batayan ng pagbabalita, "ABS CBN News and Current Affairs: Panig sa Katotohanan, Panig sa Bayan." Batid kong nakuha ng ABS CBN ang hinahanap, gusto at tamang timpla sa pagbabalita ng masa o ng mamamayan. Lalo pa ng kalimitan ay nauuna at eksklusibong naihahatid ng mga ito ang sariwang balita. Batid ko rin na muling nagbalik ang tiwala ng sambayanan sa kanila sapagka’t kung natatandaan pa ninyo noong Pebrero 2006 ay tanging sa kanila lamang ipinagkatiwala na ibigay at ibalita ang makasaysayan at kontrobersyal na video tape na nagpapakita ng withdrawal of support ni B/Gen. Danny Lim ng Magdalo kay Gng. Arroyo. Tandang-tanda ko pa rin na noong kasagsagan ng pagkilos ng mamamayan noong Pebrero 24 hanggang sa pagdeklara ng administrasyong Arroyo ng Presidential Proclamation 1017 or State of National Emergency (mini Martial Law) at hanggang sa muntikang pag-aaklas ng mga Marines sa Fort Bonifacio noong Pebrero 26 ay tanging ang ABS CBN lamang ang nagsakripisyong pansamantalang hindi i-ere ang kanilang mga regular TV programs para lamang mula umaga hanggang gabi ay makapagbalita
‘Ang ospital na may gulong!’
STUDENT WRITERS CORNER
ANG ospital na may gulong umarangkada sa UmaSa pangunguna ni Dr. Nerio Emelo na siyang iningang Kay Ganda! terview sa naturang segment ng Umagang Kay GanNakakatuwang malaman na ang mga natatanging da, kasama na din si Dra. Carlson at apat na nurse ay serbisyo sa mga lugar dito sa atin naipakita natin ang mga serbisyong sa Cavite ay naipagmamalaki at naibibigay ng libre ng Hospital on maaaring makapgbigay ng inspiWheels, katulad ng libreng pagpaparasyon sa iba. check-up at marami pang iba. Ang buong staff ng Hospital on Saan ka pa nga naman makakakWheels pagkatapos ng interview ita ng Ospital na libre na, e literal na kay Dr. Emelo sa Umagang kay lalapitan ka pa. Tunay nga na dapat Ganda. ipagmalaki ang mga ganitong serbisNitong miyerkules, Oktubre 15, yo na lubos na nakakatulong sa mga naanyayahan ang Hospital on mamamayan, lalo na kung kalusugan Wheels ng Rosario, Cavite sa Uang pag-uusapan, hindi lang upang magang Kay Ganda upang ipakilaipagyabang ngunit higit sa lahat ay la at ipagmalaki ang serbisyong na- Ang buong staff ng Hospital on Wheels upang magbigay inspirasyon at magagawa ng Hospital on Wheels sa pagkatapos ng interview kay Dr. Emelo ging modelo ng tunay na serbisyo sa mamamayan ng Rosario. Ang Hos- sa Umagang kay Ganda. masa. pital on Wheels ay proyekto nila Kaya ospital na may gulong,, ituloy Mayor Nonong Ricafrente at Vice Mayor Jhing-jhing mo lang ang pag-arangkada! Hernendez at ng mga Konsehal ng bayan ng Rosario. SHIELA MARIE G. SALUD
Ang Magdalong Administrasyon at Magdiwang bilang Oposisyon
ILANG buwan na lang ay eleksyon na naman. Gusto man natin o hindi maglulutangan ang mga isyu ng dayaan at mas madadagdagan ang mga nakabinbing kaso sa korte, sa loob at labas ng Cavite na may kinalaman sa halalan. Isang bagay na nakasasama sa ating ekonomiya. Mga pangyayaring kakambal na ng ating panahon maging nung unang eleksyon sa Pilipinas. Ang eleksyon sa pagitan ng Magdalo at Magdiwang nina Hen. Emilio Aguinaldo at Supremo Andres Bonifacio. Dahil sa eleksyon o kasunduang pag-isahin ang dalawang paksyon ay nasira ang magandang pagsasama ng dalawa. At bukod pa roon ang eleksyong iyon na ginanap sa Casa Hacienda sa Tejero ang siyang naging ugat ng pagbagsak ng buong katipunan at pagsakop ng mga kastila sa bayan ng Imus, Bacoor, Dasmarinas, atbp. Ang bayan ng Naic, Cavite. Bukod sa tala ng kauna-unahang bayan kung saan dinesenyuhan at naaprubahan ang pinakaunang bandila ng ating bansa na “Sun of Liberty”. Sa makasaysayang bayan ding ito naganap ang Acta de Naic isang resolusyon nagsasaad ng pagtalikod sa pamahalaang nabuo sa Tejero sa pangunguna ng nanalong Presidente doon, Emilio Aguinaldo. At siyang naging takbuhan ng mga naghihimagsik ng unti-unting bumagsak ang Kabite. Sa loob ng Casa Hacienda de Naic naganap ang makasaysayang pirmahan ng resolusyon, kung saan
nilagdaan ito ni Andres Bonifacio at 41 mga kasama kabilang sina Hen. Artemio Ricarte (nanalo sa eleksyon sa Tejero) at Heneral Mariano Noriel at Heneral Pio del Pilar.(Mga Heneral ni Emilio Aguinaldo.) Abril 19,1897. Sa ikalawang palapag ng nasabing Hacienda. Nagpupulong ang mga kasamang matataas ni Andres Bonifacio tungkol sa pagtalikod nila sa pamahalaang naitatag sa pamumuno ng noon ay presidente na Emilio Aguinaldo. Pero hindi nila alam na sa siwang ng pintuan ay nakikinig na pala ang pinag-uusapan nilang Presidente, na hindi sana agad mabubuko kung hindi dumating si Procopio Bonifacio na noon ay papasok sa nasabing pagtitipon. Nagulat lahat ng naroon sa kuwarto ng nalaman nilang nakikinig na pala si Heneral Emilio Aguinaldo sa kanila. Patay malisya nila itong Inanyayahan upang sumama sa pagtitipon pero nagpaalam din agad ang isa. At ilang sandali lang ay nag-alisan na din sina Bonifacio at mga kasama sa Naic ng walang paalam. Nang dahil sa pulitika napabayaan ang bayan. Unti-unting nasakop at Kabite at ibang bayan sa kagustuhang madakip at mahuli si Andres Bonifacio. Nang dahil sa isang eleksyon. Ang Acta de Naic na iyon ang naging ugat ng kamatayan ni Supremo Andres Bonifacio sa pamamagitan mismo ng baril ng kapwa niya Katipunero at Pilipino. Nahirapang bumangon si Heneral Emilio Aguinaldo sa pagbagsak ng Kabite. Tuluyang humingi ng tulong at nakipagsundo ang mga Pilipino sa Amerikano na siya ring sumakop sa atin ng huli. Lahat ng dahil sa pulitika. Lahat ng dahil sa isang eleksyon.
at maihatid sa mamamayan ang mga kaganapan. Hindi nga ba at binalaan pa sila ng Malacañang ng oras na iyon na maaari silang maipasara kung laging kakapanayamin ang mga nag-aalburutong mamamayan at mga kawal. Muli pang naulit ito noong 2007 ng mag-walk out ang mga lider ng Magdalo na sina Sen.Antonio Trillanes at B/Gen.Danny Lim mula Makati Trial Court hanggang sa mapayapang pagpoprotesta sa Manila Peninsula ay tanging ang ABS CBN lamang ang kilalang istasyon ng TV (kasama ang ilan pang maliliit na media groups sa bansa) na hindi lumabas at nanatiling sumama sa loob kahit na pinamamaril at tinitear gas na sila ng mga militar ni Gng.Arroyo at ng lumaon nga ay kasama sina Ms.Ces Oreña Drilon sa naaresto at binitbit sa kampo-militar para iditene. Matatandaang si Ces at ang ABS CBN lamang ang tanging kinontak, kinapanayam na at ini-ere ng mga bigatin at respetadong media group sa international community ng mga oras na iyon para maihatid ang mga kaganapan noon. Datapwat hindi sila nagpasindak at ipinagpatuloy pa rin nila ang sa kanila ay paghahatid lamang ng katotohanan para sa bayan. Ang ABS CBN para sa akin ay subok ng matatag at handang harapin ang ano mang tangka ng pag salangsang sa kanila at ito ay napatunayan ng kasayasayan ng sila ay maipasara ng dating administrasyong Marcos noong panahon ng batas militar. Kumbaga ihahatid nila ang balita dumaan man sila sa butas ng karayom, manganib man ang kanilang mga trabaho at buhay at hanggang sa kamatayan. Yan ang ABS CBN...PANIG SA KATOTOHANAN, PANIG SA BAYAN."
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
CAPRICORN: Tingnan mo ang buhay sa positibong anggulo at ang lahat ng plano mo ay magkakaroon ng kanais-nais na resulta. Lucky days and nos. – Tuesday / Friday / 7-30-40- 25-8-13 AQUARIUS: Magsikap ka upang marating mo ang iyong mga pangarap. Marami man ang hadlang ay mas kailangang maging buo ang loob mo sa mga pagsubok. Lucky days and nos. – Monday / Sunday / 8-39-27-10-141 PISCES: Ito ang araw na kung kailangan ay hahamunin ka ng iyong kapalaran! Ilitaw mo ang iyong magagandang katangian. Matutuwa ang langit at pagkakalooban ka ng matagumpay na pamumuhay. Lucky days / nos. – Thursday / Friday / 10-29-13-6-5-2 ARIES: Kailangan nang magdesisyon habang maaga pa. Buksan ang isip sa magagandang oportunidad na dumarating. Lucky days and nos. – Friday / Sunday / 11-3126-25-11-14 TAURUS: Ito ang araw na magsisimulang magsidatingan sa iyo ang mga biyaya at pagpapalang kaloob sa iyo ng langit bilang gantimpla sa mga kabutihan ginagawa mo sa iyong kapwa. Lucky days and nos. – Wednesday / Friday / 5-8-40-29-30-16 GEMINI: Ito ang araw na susuwertehin ka pagkatapos na pagkatapos na ikaw ay magkawanggawa sa mga walang-wala, api sa mundo at uhaw sa kalinga. Lucky days and nos. – Thursday / Saturday / 10-18-24-36-37-3 CANCER: Hanggang ngayon ay nakabukas pa rin ang tainga ng langit at hinihintay ang iba mo pang mga kahilingan. Tandaan mo, ang mga suwerte ay kadalasan sunud-sunod kung dumating. Lucky days and nos. – Wednesday / Friday / 15-4-9-18-21-37 LEO: Huwag maging emosyonal kung may problema dahil ang solusyon ay nasa tabi lamang kung pagsisikapang hanapin. Kung magpapakahinahon at magiging kalmante, maraming solusyon ang maiisip. Lucky days and nos – Monday / Tuesday ? 1-10-19-22-33-34 VIRGO: Huwag mangarap nang gising. Magpakatotoo. Iwasan ang mayabang dahil ang balik nito ay kahihiyan. Mag-ingat dahil ang tinatago ay malamang matuklasan. Lucky days and nos. – Wednesday / Thursday / 2-6-13-39-28-40 LIBRA: Huwag pigilan ang sarili. Kung may desisyon ka gawin mo. Hindi lahat ng panahon ay magtitiwala ka sa iba. Maganda ang tinatahak ng iyong landas. Lucky days and nos. – Monday / Tuesday / 1-9-12-26-35-39 SCORPIO: Maging tapat sa minamahal. Iwasan ang bawal na pag-ibig sa may pananagutan na sa buhay. Iwasang mamangka sa dalawang ilog kung gustong lumigaya. Lucky days and nos. – Wednesday / Thursday / 610-14-29-28-36 SAGITARIUS: Nagmamalasakit lang siya. Huwag isiping nangingi-alam siya sa buhay ng may buhay. Dito mo mapatunayan kung sino ang iyong tunay na kaibigan. Lucky days and nos. – Tuesday / Friday / 3-11-27-32-33-38
OKTUBRE 25 - 31, 2009
Sa ibang pagkakataon, dahil sa kanyang angking kakisigan, ang mga kababaihan ay madaling napapasang-ayon sa lahat ng kanyang naisin subali’t marami sa mga relasyong ito ay panandalian lamang. Sa katunayan ay hindi iilan lamang ang kuwento ng mga babaing nag-aangkin na sila ay naanakan ni Nardo. Ang mito ng buhay ni Nardo sa pagsusuri ng may-akda ay bunga ng mga naisulat sa pahayagan, ng mga pelikulang lumabas tungkol sa kanya at ang mga tungkol sa kanyang pagkatao na kumalat sa mga kuwentuhan. Sa kabilang banda, ang kanyang bisa ay nakaugnay sa pagsasapelikula ng kanyang buhay.
Nardong Putik Malakas ang naging impluwensiya ng pagsasapelikula dahil lumaki ang imahe ni Nardo bilang isang tao. Ang mga pakikipagsapalaran ni nardo ay nabigyan ng kasagutan dahil ito raw ay bunga ng kaapihan. Ang popularisasyon ng kanyang sinasabing taglay na antinganting ay sa dahilang siya nga raw ay matapang at walang kinatatakutan. Ang paniniwala sa mga anting-anting na pinagmumulan ng kapangyarihan ni Nardo sinusugan din ng kanyang anak na si Esther at ni Aling Bating. Totoo man o hindi
Gustong palitan ang g.f. Dear Ate Bebang, Meron na po akong girlfriend pero tuwing makakita ako ng ibang babae ay gusto ko na siyang palitan. Bakit po kaya ganito ang nararamdaman ko? -Art ng Brgy. Cabilang Baybay, Carmona, Cavite
Para sa panitikan, para sa bayan 0919Mahal kong Art, 3175708 / 3814592 Dahil napakabebang_ej@yahoo.com strong ng mga salitang ginamit mo, "tuwing makakakita ako ng ibang babae ay gusto ko na siyang palitan," sa tingin ko ay hindi ka na masaya sa inyong relasyon. At kapag hindi ka na masaya, hindi na 'yan dapat pinagtatagal pa. Pareho lang kayong mas masasaktan kapag pinaasa mo pa siya. At lalo namang mas mahirap iyong di mo na mapigilan ang sarili mo't may iba ka na pala habang girlfriend mo pa siya, di ba? Kasi, alam mo, Art, kaya tayo nakikipagrelasyong romantiko ay para 1. higit nating makilala ang ating sarili 2. sumaya tayo at 3. maging mas mabuting tao. Pag sumapit ang pagkakataong ang isa sa tatlong iyan ay hindi na nangyayari sa atin, ibig lang sabihin niyon ay panahon na para hiwalayan ang ating karelasyon. Maaaring may iba pang inilaan para sa atin ang tadhana. At kung sino man iyon ay siya namang makakatulong sa ating higit na kilalanin ang ating sarili, maging mas masaya at maging mas mabuting tao. Pero ang nakakatakot sa sitwasyon mo, Art, ay baka ikaw ang may problema. Kasi sabi mo, sa tuwing makakakita ka ng ibang babae, gusto mo nang palitan ang girlfriend mo. Ibig sabihin, kahit sino, basta babae. Ni wala kang pamantayan. Baka naman pag nagkaroon ka na ng bagong girlfriend ay ganito uli ang iyong maisip: gusto mo na naman siyang palitan. Kapag iyan ang nangyari, sumulat ka ulit sa akin. Parang pang-beer kasi iyan, pangmahaba-habang usapan. Ako lang ito, Ate Bebang
Huling Bahagi
ang bisa nito, bahagi na ito ng mito ni Nardong Putik. Nagwakas ang buhay ni Nardo sa panahong ang lalawigan ng Kabite ay tumutuntong na sa in-
dustriyalisasyon. Maraming pagbabago ang nagaganap noon lalo na sa larangang pang-ekonomiya. Ito ay nasasakupan ng panahon ng pangalawang termino bilang pangulo ni Ferdinand E. Marcos – isang bagong lipunan, maraming reporma para sa taong-bayan ang ipanatutupad. Doon ay natapos ang kanyang kuwento kagaya ng marami pang katulad niya sa kasaysayan ng Kabite. Ang kamatayan ni Nardong Putik ay isang hudyat ng pagtatapos ng isang makulay na panahon sa lalawigan ng Kabite.
9
Ang pamilya ni Eliodoro “Doring” Bergado kasama si Ramon Revilla sa kanyang tahanan.
TEO S. BAYLEN TRADISYON at RELIHIYON UGAT AT PAKIKITUNGGALI NI BAYLEN Nang isilang si T.S.B. sa Noveleta noong Enero 24, 1904, hindi pa rin napapayapa ang kalooban ng kanyang mga kababayan dahil katatapos pa lamang ang digmaang Pilipino-Amerikano. Anim na taon pa lamang naibebenta ng mga Kastila sa mga Amerikano ang Pilipinas sa isang kasunduang tinaguriang Tratado sa Paris. Sa totoo, kailangan pang madakip si Heneral Macario Sakay na tinaguriang tulisan at mapilitang manirahan sa Hapon si Heneral Artemio Ricarte bago pa nawala ang mga balakid sa isang sibilyang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas. Nang panahong iyon, ang kanyang amang si Tiburcio Torres Baylen na naging kapitan sa rebolusyon laban sa mga Kastila ay matahimik nang namumuhay bilang isang kilalang kutserong nagyayao’t dito sa Noveleta at Cavite El Viejo (Kawit). Noon din, ilang taon nang itinakwil ng mga magulang ang ina ni T.S.B., si Eladia San Miguel Seneca, na nagbakasyon lamang sa Noveleta mula sa maalwang pamumuhay sa Bacolod. Umibig ito kay Tiburcio at tinalikuran ang lalaking napili ng mga magulang nito upang pakasalan. Isang maliit na loobang malapit sa ilog at isang munting sakahan din ang naging saksi ng kamusmusan ni TSB at ng kanyang dalawang kapatid – sina Artemio (panganay) at Soledad (bunso). Isang kalesa’t isang kabayong kinukutsero ng kanyang ama ang nag-agdon ng pamumuhay ng kanilang pamilya. Mataas na lupa ang Noveleta, kaya tinawag ito noong araw na Hulo at ng mga Kastila na Tierra Alta. May mga sapa at malaking ilog ito na dinadaluyan ng malinaw na tubig. Nakapagitan ito sa Cavite El Viejo (Kawit) at sa Rosario at pasukan patungo sa Cavite Nuevo (Siyudad ng Cavite). Sa ganitong kapaligiran binuhay ang magkakapatid na Baylen ng kanilang ama’t ina. Si Mang Tiburcio ay nangungutsero at nananakag ng mga hipon at isdang tabang sa ilog, bukod sa kubrador sa huweteng. Samantala si Aling Adiang ay nagtitinda ng ginatan sa kanilang silong na regular na pinupuntahan ng mga kostumer na Amerikano. Tulad ng kabataan noong panahon ng mga Amerikano, masuwerte bilang batang mag-aaral si TSB. Binigyan din ng administrasyong Amerikano ang mga Pilipino ng libreng pag-aaral para sa lahat sa elementarya–bilang isang mabisang hakbang ng pasipikasyon ng mga Pilipinong nag-aalab pa rin ng kalooban dahil sa pagsupil ng mga dayuhan sa kanilang paghahangad ng kasarinlan. Natapos ni TSB sa Noveleta Primary School ang kanyang pag-aaral noong 1917, nakapagpatuloy ng pag-aaral sa Cavite High School, ngunit dahil talagang hikahos sa pamumuhay, nakadalawang taon lamang siya roon. Gayunman, hindi lamang listong bata sa TSB, matalas din ang kanyang ulo. Nakadalawang dekada na noon ang mga Amerikano sa Pilipinas at inihahanda na ang pagtatayo ng Pamahalaang Komonwelt. Kailangan sa burukrasya ng pamahalaan ang mga Pilipinong tatanggap ng mga posisyong mababa sa hawak ng mga Amerikano. Kabilang dito ang mga tinatawag na maestro sa mga mababa’t mataas na paaralan. Samantala’y ibini-
gay naman ang pagtuturo sa haiskul at kolehiyo sa mga pensyonadong pinapag-aral sa wikang Ingles ng iba’t ibang kurso sa Amerika. Ang mga hindi nakatapos ng haiskul ay pinagturo sa mga mababang paaralan. Nakabilang si TSB na nagturo sa elementarya mula 1922 hanggang 1927. Samantala, sa pagsisikap ng mga Amerikanong magkaroon ng base ang kanilang ekspansyon sa Timog-Silangang Asya, ginawa nilang gateway ng seguridad ang Pilipinas. Nagtayo sila ng pangunahing basemilitar ng hukbong panghimpapawid sa Fort Stotsenberg (Clark Field) sa Pampanga noong 1918 at Subic Bay noong 1901. Bukod dito, ang makasaysayang arsenal sa Fort San Felipe sa lungsod ng Cavite ay ginawa nilang gawaan at kumpunihan ng bapor-pandigma. Ginawa naman nilang airfield ang Sangley Point . Sa huling lugar na TSB sa edad na 23 (1927) hanggang sa maging cost accountant ng U.S. Air Force doon. Pagkaraan ng mahigit na 30 taon, naging pensyonado siya nang magretiro. TINIG NG DARATING Ang guniguni mo’y paglakbayain doon Sa madugong landas ng ating dantaon; Masasalubong mo ang isang panahon Na pumaparitong dala’y ilang tanong; -Ito ba ang lupang aking aangkinin Na tira-tirahan ng apoy at talim? Ito ba ang manang aking bubungkalin Na sambuntong abo at nangangang libing? -Ito ba ang mundong hinila kung saan Ng Gulong ng inyong hidwang Kaunlaran? Ito ba ang bunga ng Sining mo’t Agham? Ito ba ang aking manang Kalinangan? -Iyan ba ang parang at iyon ang bundok Na aking daratnang uling na at tuod? Iyan ba ang wakas ng layon ng Diyos Nang ang unang tao’y abutan ng dulos? -Iyan ba ang bukid na walang naimbak Kundi mga bungo ng mga kaanak? Binaog ng inyong punlong makamandag At wala ni damo na diya’y mag-ugat? -Kahubdan at gutom, isipang salanta, Bigong pananalig at pag-asang giba; Ito ba ang aking manang mapapala Na labi ng inyong taniman at sumpa? O Sangkatauhan ng Dantaong ito Na dapat sisihin ng mga inapo; Ano sa darating ang isasagot mo Sa sumbat ng lahing susunod sa iyo?
10
OKTUBRE 25 - 31, 2009
ni eros atalia
Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006) (Ika-8 SYOYOTAIN nya rin kaya si Doray tulad ng ginagawa ni Berto? At pagsyota na, gagawin rin kaya nila ni Doray ang ginagawa ni Berto kina Jenny Kikay, Cheche Tatse, Neneng Bayag at Selyang Kuto? Ayaw pa nyang isipin ‘yun. At hindi pa sya marunong, tuturuan kaya sya ni Doray? ‘Yun ang lalo nyang ayaw isipin. Pero paano nga nya sasabihin kay Doray? Gusto nya ba itong mahalin o anuhin lang. O mahalin at aanuhin din pagkatapos. Kagabi lang, nang hihilahin ni Intoy ang mga inorder na kawayang ibinagsak mula sa Maragondon sa barahan ng basnig, nakita nya doon si Doray. Kausap ang ilang mambabasnig. Iniwasan nya ng titig ang kababata. Bagamat alam ni Doray na alam nya at ng buong taga-Kalye Marino ang trabahong pagbebenta ng tilapya sa mga mamabasnig, ano’t parang nahihiya pa rin sya para dito? Sige ang tali nya sa mga kawayan para hilahin ng bangkang de motor at ilalagay sa silong ng kanyang pantalan. Binayaran nya ang nag-deliver ng kawayan. Inabutan sya ng singkwenta pesos. Parang komisyon na yun sa kanyang pagorder sa kausap. Intoy! alam nyang si Doray ‘yun. Kunwa’y di nya narinig. Pandalas sya ng lakad papunta sa bangka.
labas) Tinawag syang muli ni Doray, Sunud-sunod na. Di na nya maiiwasan. Anyong sinino nya pa ang tumatawag. Maliwanag ang kalangitan. Bilog na bilog ang buwan at waring nagbubunyi ang lahat ng mga bituin. Nasinagan ng liwanag si Doray. Puting t-shirt at shorts na dilaw ang soot nito. Nakatsinelas. Bahagyang pinapula ang labi at litaw ang layo ng kulay ng mukha sa leeg gawa ng kulapol ng pulbos. Basa pa ang buhok. May labi pa ang bango ng shampoo at sabong pampaligo. Inihatid sa kanya ng hanging habagat ang samyo ng bagong paligong kababata. Di magkandatuto si Intoy sa pagbatak ng tali para magstart ang motor ng bangka. Uy, ‘kaw pala. Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha? Sino naiwan sa mga kapatid mo? repeke ng kanyang tanong. Kahit alam nya ang sagot sa kanyang mga tanong. Ano kaya’t sumagot si Doray ng ganito: “Kabron ka talaga. Alam mo naman na nandito ako para magpakangkang. Natural gabi. Gabi lang naman bumabara ang mga basnig. At alam mong walang naiiwan sa mga kapatid kong natutulog na.” Mahina ang huli. Bilog ang buwan. Wala akong maiuuwi. Di bale, baka bukas, siguro. Di nakapagsalita si Intoy. May naglaro sa isip nya. Ano kaya kung sabihin nya kay Doray na sya
SUNDOT LAPIROT
MULA SA PAHINA 4
Napakadali para sa isang lalakeng pumatay ng isang babae. Pero pinakamahirap sa isang lalake na hindi daanin ang lahat sa lakas at dahas. Madaling bumawi ng buhay. Mahirap ang magdugtong at magpaayos ng kalidad ng buhay. Kalahati ng buhay ang babae. Kalahati ng daigdig ng tao ang babae. Ang igalang ang karapatan at ipagtanggol sa oras ng pangangailangan ang kababaihan ay singkahulugan din ng paggalang sa karapatan at pagtatanggol sa sangkatauhan. Kayat sa mga lalakeng walang ibang alam kundi ang mandahas ng mga babae… ang payo ko sa inyo, mag-ingat-ingat. Baka ang babaeng ngayon na inyong inaapi, ginigipit o dinadahas, ang syang sa inyo’y mambabayag! Kaya ang headlines bukas: “Abusadong Kelot sa Bebot, Binayagan… Tigok!”
na lang magbabayad? Pero di nya aanuhin si Doray. Pauuwiin nya lang ito. Para bang gusto nyang iligtas si Doray mula sa mga asal pating na mambabasnig. Mga pating na basta’t makakuha lang ng tyempo, sasakmalin agad ang malilit na isda. Pero alam nyang ilang ulit nang nasakmal ang tilapya ni Doray. Paulit-ulit. Minsan nga, ayaw na ng ibang mambabasnig. Paitlugan na raw ang tilapya ni Inday. Gusto nila ng mas sariwang tilapya. Mas mahal nga lang. Okay lang daw, sulit naman. Habang tumatagal ay pababa nang pababa ang presyo ni Doray. Noong una, hanggang limang daan nabibili ang kalakal ni Doray. Pero makalipas ng dalawang taon, swerte na ang tatlong daan. Kaya doble ang kayod nito. Mula alas sais hanggang mga alas dose. Sa barahan, marami ang tulad ni Doray. Alas sais ay labasan na ng mga paninda. Inilalako sa mga parukyano. Pag may bumili, ayos na. Boundary na. Yung iba, uulit pa. Pangreserba ‘ika nga sakaling tumumal ang bentahan kinabukasan. Pagsapit ng mga alas nwebe, alas dyes, pababa ng pababa ang ka-
nilang presyo sa paniniwala ng mga basnig na bilasa na sila. Nakailang pisil at pindot na sa kanilang tilapya ang mga mambabasnig. Kung talagang matumal, dumadayo pa ang mga ito sa Villamar Beach sa Noveleta. Mga magpupukot naman ang aalukan ng tilapya. Kaso, mas nakakatakot daw dun. Marami sa tulad nila ang nagkasakit. Na-red tide ika nga. Wala pang ganoong tapang si Doray. Pasabay naman, kung uuwi ka na. Oo ba. Sa loob ni Intoy, sayang din ang ang kinse pesos na ibababayad ni Doray sa dyip. Isang sakay mula barahan hanggang sa may simbahan. Tapos mula simbahan, isa pa uling dyip paSangley. Kung lalakarin, mga medya oras din. Delikado, gabi na. Ibinaba nya si Doray sa kanyang pantalan. Bandang bukana ng iskinita ang bahay ng kababata. Naberdyin ka na ba, Intoy? Balita sa ‘kin ni Berto, di pa raw. Sya daw madami na. Yabang nun ‘no? Madami na raw syang na-ano. Eh, kung sinu-sino lang naman ang mga ‘yun. Sina Jenny Kikay na inanakan ng mga kundoktor at dray-
ber, si Neneng Bayag na pekpek palit-bato, si Selyang Kuto na tinatanggihan na sa basnig at si Che-Che Tatse, ekskyus lang ‘no, mas mataba pa sa akin ‘yun. Ang mga type talaga ni Baka… ‘la pala sya. ‘Kaw, type mo
ba ang tulad ko? ang parang walang anong tanong ni Doray. Alam ni Intoy na si Bertong Baka ang nagnguso kay Doray. Di nya alam kung matutuwa sya o magagalit sa kaibigang washer. ITUTULOY
SUL AT PPARA ARA K AY ASYONG LIGALIG (3) SULA KA
MERON tayong isang sulat na kinamulatan. Ang mabuti nating gawin ay i-multiply ito—ipa-xerox! Hindi ‘yung ginaya nga natin ‘yung sulat, pero kaiba naman sa thought ‘nung original. Forgery ‘yun. Pagkatapos, sumulat nga tayo pero hindi na nagkaroon pa ng lakas na ipagpatuloy. Cowardice ‘yun. At ang tanging makakapag-broadcast lang ng sound bytes ng ating mga ninuno— tayo ‘yun, wala nang iba. Ikaw ang kamay at paa, ako ang papel at tinta. Magiging malakas na duo tayo. Kung magtitiwala ka, makagagawa tayo ng mga bagong sulat— ‘yung hindi lang red ang tinta. ‘Yung mababasa at maintindihan na ng lahat. ‘Yung makahihikayat ng panibagong mga kamay at paa, at panibagong papel at tinta. Para sila din ay makagawa nang mga sulat na hindi lang pula ang kulay ng tinta, pati ang damdamin, pula. Sa pagkakataong ito, makaka-score na tayo. Papa-
sok na ang three-points throw ni Sakuragi. Mauuga na natin ang mga kulungan ng mga askal at pusakal sa likod-bahay ni Aling Bebang—pero hindi para palayain sila. Ipapatuka natin sila sa mga alagang itik ni Aling Juana. At pagkatapos, puwede na tayong magdaos ng fiesta. Siguradong papayag nang mag-concert ng libre si Bamboo. Sasabayan nating siyang sumigaw ng Halleluiah dahil tapos na ang pagkagapos natin sa tatsulok. Tiyak na tiyak na din ang pagpapa-inom ng libreng beer si Manny, kasama pa niya si Kris at Jet Li. Mangyayari ang lahat ng ‘yon, pero may kailangan lang tayong baguhin—ang mga sulat mo. Hindi ko naman sinasabing tumakbo ka sa 2010 election; magpaadvertise sa TV o magendorse ng commercial products para basahin ng madla ang mga isusulat mo. Ang nais ko lang, imulat mo ang mga mata mo; takpan mo ang mga bul-
NI GOLDY O. BAROA
sa mo; mag-gym ka para lumakas ang mga paa at mga kamay mo at tumakbo ka nang hubad sa oblation celebration ng UP. Ako naman ay bibili sa National Bookstore ng mga bagong ballpen; pipiliting ‘wag matulog ng 24 oras—magmamasid ako. At kailanman ay hindi papatalo sa karimlan ng kamangmangan,kaya naman mag-aaral ako ng mabuti. Hindi ako magbubulakbol, kahit wala na akong pang-tuition fee. Magtutulungan tayo. Mananalangin at maninikluhod, at sasabihing makakaya natin ito. Ang kailangan lang ay tapusin natin ang plano nang hindi naduduwag. Ipipinta natin sa lahat ng dingding ang lahat ng ating hinaing, kahit pa mahuli tayo ng MMDA. Patuloy nating tutugunan ng pagkain ang mga kumakalam na bituka ng ating mga kaibigan, kahit pa pumila tayo para sa NFA rice. Kailangan nating ga-
win ang lahat ng ito, ‘wag lang masabihang “You’re such a loser!” ni Angelina. At dito, dito na natin pupuwedeng ilagay sa mga liham natin ang mga katagang, greetings of peace. So, papano? Taralets na ba? Ikaw nalang ang hinihintay ko, dahil liban sa akin, ikaw ang may malaking magagawa dito. Hihintayin ko ang reply mo sa sulat kong ito. Kung gusto mo naman akong i-text para high tech, tanong mo nalang sa poging editor ng Responde Cavite ‘yung cellphone number ko. Maghihintay ako. Nagmamahal, Juan Megaphone P.S. Pare, miss na kita at ang lahat ng pinagsamahan natin. Lahat ng pakikipagsapalaran na ginawa natin dati para sa pagbabago. Sana may next time pa…tc mwuaahh…
OKTUBRE 25 - 31, 2009
11
LIHAM PAUMANHIN NG ISANG GURO SA PRIVATE SCHOOL PARA SA MGA MAG-AARAL NG PUBLIC SCHOOL (1) Minamahal kong mga mag-aaral, Katulad mo, ako man ay nag-aral din sa pampublikong paaralan magmula sa elementarya hanggang sa kolehiyo. Iginapang ng aking mga magulang ang aking pagaaral sa paniniwalang edukasyon lamang ang tanging maipamamana nila sa akin. Tulad mo, nasaksihan at naranasan ko ang mga limitasyon ng pag-aaral sa isang paaralang pampubliko. Ang kakulangan sa aklat, silid-aralan at iba pang kagamitan ay sadyang kabahagi ng pag-aaral sa paaralang pampubliko. Bumibili rin ako ng ice candy at yema sa aking guro noong ako ay grade 4. Masikip na tulad ng isang sardines ang aming klasrum at may mga pagkakataong halos wala kaming klase kapag dumaraan ang malalakas na bagyo at binabaha ang aming paaralan. Sa kabi-
la nito ay masaya ang mga gunita ng aking pag-aaral sa elementrya. Pero nangangarap pa rin akong makapag-aral sa private school, bagay na hindi naman kaya ng aking mga magulang. Sa hayskul, salat pa rin sa pasilidad ang aking naging paaralan. Ganoon pa man, ang buhay sa Don Severino Agricultural College (DSAC) ay naging kawili-wili lalo pa sa panahon ng mga intramurals at sa mga kompetsiyon gaya ng Future Farmers of the Philippines (FFP) kung saan naglalaban-laban ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Pilipinas sa larangan ng agrikultura, sining at musika. Ngayon ay Cavite State University (CvSU) na ang dating DSAC at di ko alam kung may mga kompetisyon pa kagaya ng FFP. Sa kabila ng limitasyon ng paaralan, nalampasan ko
ang buhay hayskul nang handa sa hamon ng buhay. Muli, nangarap akong makapag-aral sa private school ngunit noong panahong iyon,lalong hindi kaya ng aking magulang ang gastusin sa matrikula. Sa CvSU pa rin ako bumagsak. Sa pagpapatuloy ko ng kolehiyo sa CvSU ay alam kong salat ang aking naging pagsasanay lalo pa sa larangan ng teknolohiya. Bagu-bago pa lamang ang kompyuter noon at ang naging bisyo naming noon ay ang paglalagi sa mga bilyaran at halos linggu-linggong pakikipag-inuman. May mga mahuhusay na guro sa paaralan subalit batid kong iwang-iwan ang aming paaralan kung ikukumpara sa mga bigating unibersidad gaya ng DLSU, UST at Ateneo. Kahit wala sa plano ay naisipan kong kumuha ng units sa education upang maging isang guro. Dito nabuo ang pangrap kong makapagturo sa pribadong paaralan. Ang
mga karanasan ko sa pampublikong paaralan magmula sa elementarya hanggang kolehiyo ang nagtanim sa aking utak na dapat akong magturo sa pribadong paaralan. At natupad ang aking pangarap. Nakapagturo nga ako sa private school. Tunay na malaki ang pagkakaiba ng pag-aaral sa paaralan ng mga mayayaman. Kumpleto ang pasi-
ALAM na nating lahat na dati pang problema ng Pinas ang kawalan ng trabaho. Yun ngang mga nagsipagtapos ng kolehiyo ay walang mapasukan, e, ano pa kaya yung mga bahagya lang nakasilip ng classroom noong elementarya. At syempre, kung walang disenteng trabaho at nagugutom ang tao… pinakamagandang maging dahilan ang mga ito para gumawa ng krimen. Nakaisip ang mga henyo sa gobyerno na magbigay ng trabaho sa mga nakapagtapos ng kolehiyo kahit pansamantala lang (6 mos lang yata). Inuna na yung mga nursing graduate at nakapasa na ng board exam pero tengga pa rin sa mga bahay. Ang plano, dalhin ang mga ito sa iba pang mga lugar sa bansa na higit na nangangailangan ng serbisyong medical. Hmm…okay rin ano po?
2. Snatcher- wala pang sayantipikong datos at pag-aaral ang aktwal na tulin ng mga snatcher. Pero kadalasan, pinapakain nila ng alikabok ang mga humahabol na pulis at barangay tanod. Kaya, naisip ko na pwedeng gawing runner at messenger ng mga kumpanya ang mga kamag-anak ni Flash na ito. ‘Ba, halimbawa na lang sa mga ospital, kapag may kailangang bilhin na gamot, utusan lang ang mga ito, presto! Nandyan na agad ang gamot. Pwede rin tagakuha ng gamot o resulta sa laboratoryo. Tagakuha ng dugo. Sa mga opisina, pwedeng tagabili ng kape, yosi, miryenda at kung ano pa mang iutos na kailangan ng mabilisang resulta. 3. Holdaper- Naku, bwisit na bwisit tayo sa mga ito dati kapag hinoholdap ang mga bus at jeep na ating sinasakyan. Kapag may pumalag o sumigaw, papatayin nang walang tanong tanong. Bwisit na bwisit din ang mga fx, jeepney at taxi driver sa mga ito. Yung mag-
ang magiging instrumento sa paghubog ng lipunang maunlad, makatarungan at mapayapa. Naniniwala ako na mas malaki ang tsansa ng mga anak ng mayayaman na umasenso at makapag-ambag ng pagbabago sa ating naghihirap na sambayanan. ABANGAN ANG KARUGTONG SA SUSUNOD NA LINGGO
G R E E T I N G S ! ! !
Tinatawagan ang lahat ng talentadong kriminal Pero paano naman ang mga walang pinagaralan? Hindi ba’t posible silang maging kriminal? Kapag lumalala ang kahirapan ng bansa, kakambal nito ang paglala ng kriminalidad. Kaya naman, naisip ko na bigyan rin ng trabaho ang mga kriminal na ito para hindi na sila makaperwisyo pa sa bayan. Gamitin natin ang mga talent nila: 1. Akyat Bahay- dahil sa kanilang kahusayan umakyat sa bahay ng may bahay, maaari silang mapakinabangan ng lipunan. Pwedeng sila ang tagatanggal ng mga saranggolang nabuhol sa mga kable ng kuryente. Pwede rin maging tagatanggal ng mga banderitas na naiwan. Tagaayos ng antenna ng tv, tagakabit ng mga nalagot na linya ng telepono, tagabaklas ng mga illegal na streamer at banner. Pwede rin pala sila tagawalis ng mga bubungan. Tagakolekta ng tae ng pusa sa bubong. Tagabilad ng mga damit, sapatos at unan sa bubong. Tagadaing ng isda.
lidad ng paaralan, hindi masikip ang klasrum at higit sa lahat, may aircon. Dalawampung taon ang ginugol kong pagtuturo sa private school sa paniniwalang malaki ang aking magagawa sa pagbabago ng lipunan. Kung magtatagumpay akong magtanim ng binhi ng nasyonalismo, ang mga anak ng mayayaman na estudyante ko
hapon ba namang pinagpaguran, sukat mong hingin na parang humihingi lang ng candy. Baril nga lang at kutsilyo ang nanghihingi. Kaya naman. Pwede itong gawing tax collector ng gobyerno. Maamoy ng mga ito ang mga establisyementong may malaking benta pero walang maipakitang benta sa mga resibo. Paano, hindi nag-i-isyu ng resibo ang mga magugulang na ito. Naku, yan ang trabaho ng mga holdaper. Aamuyin nila ang mga magugulang na establisyemento. Mahihingi nia ang resibo at iba pang ebidensya ng pagbebenta nang hindi nag-eeskandalo. At ang papalag, may paglalagyan. Kita nyo na belabed riders, wag nating husgahan ang ating mga nagagawa lamang ng krimen dahil kumakapit sa patalim. Kaya naman, bigyan natin sila ng legal na mapagkakakitaan. Pero dapat, swelduhan natin sila nang tama. Alam nyo naman na alam nila na “crime Does Not pay”. Try nyo! Gudlak!
Ang Cavite City Vikings Riders Inc., habang nagsasagawa ng lingguhang pagpupulong, para sa kanilang taunang X-mas Party. Ang programang gagawin ay alay para sa mga bata. Happy 18th birthday to EVA ALERA ARELLANO, October 24, 2009. Katawan mong pinagpala, tunay ngang kahangahanga. Pagbati mula sa iyong tagasampalataya, Papa
TEXTPAL
tahlyn - 09167840372 dimple 09295103442 edward - 09152635682 franklyn- 0927644-
Bonjz and Brod Christian. *** Happy birthday to ALFRED CALLE JR. October 24, 2009. More birthdays to come. Greetings coming from Responde Cavite. 2827 jazmin - 09153493994 keysha - 09277972982 utara - 09055135636 yhumie - 09168858365 janneth - 09219892519 justin - 09056556043 lea - 09204550695 amy - 09056428835 melca - 09207436907 marjorie 09177611723 radz - 09204825718 bading n matrona magnet- 09155595208 tarzan- 09064095719
OBITUARY
ADELAIDA ESTACIO KARANGALAN Isinilang: June 11, 1931 Pumanaw: October 18, 2009 Naulilang mga anak: Delfin Estacio Karangalan Rolando Estacio Karangalan Emelita Karangalan Darag Alfredo Estacio Karangalan Bella Luz Karangalan Barte Sonia Estacio Karangalan Redentor Estacio Karangalan
PANAWAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipagugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 / 0916-1215880
SENIOR CITIZENS...
MULA SA PAHINA 5
Nabanggit ang mga tulong na ipinapangako ni Atty. Godofredo Arquiza, Senior Citizens partylist representative sa Congress. Isa rito ang pondo upang itatag ang isang Comprehensive Senior Center sa lalawigan. Muli tuloy nabanggit ang Cavite Geriatric Center na nagastusan na ng humigit-kumulang na pitong milyong piso. Isang proyekto na special health care para sa nakatatanda na sa isang kumpas ni Senior Citizen Ayong Maliksi ay pagtutulungang tapusin ni Prov. Engineer Mario Silan at Prov. Planning and Development Coordinator Eden Austria. Hindi na masasayang pa ang kaalaman ni Dr. Ma Vilma Diez, Prov. Health officer na isang mahusay na “Geriatrician”. Ayos na, Mahal na Gobernador Ayong Maliksi.
IN A NUT SHELL
MULA SA PAHINA 4
Marami pang opisyales ng gobyerno na nailuklok dahilan sa ABS-CBN. Sa pangyayari sa ngayon ang tungkol kay Noli, marami ang nagtatanong kung bakit parang walang pagtulong na ginagawa ang “network” sa ikauunlad niya upang tuluyan ng maging Pangulo ng bansa. Maraming dahilan ang nangyayaring “personal” na suliranin ng Pangalawang Pangulo. Nariyan ang kakulangan marahil ng salapi na maaaring itustos sa pangangampanya. Ang higit na malaking problema ay ang kanyang tunay na asawa na una niyang pinakasalan at ang balita ay bilyong piso ang kinakailangan upang matapos ang suliraning ito. Hindi natin gaanong nanamnamin kung ano mismo ito. Maaaring ito’y isang gimik pulitika o may katotohanan. Ang katanunga’y, bakit nagsawalang kibo ang ABS samantalang sila mismo ang gumawa ng paraan upang maging Bise-Presidente si De Castro. Magkagayon man, palibhasa’y mula umaga hanggang umaga pa man din ay bukas ang telebisyon at marami ang nakatutok sa “channel” na ito, na maihuhubog nito kung ano ang magiging opinyon ng masa. At karaniwa’y tugma sa kalakaran ng buhay ang kanilang konklusyon.
SISID
MULA SA PAHINA 4
At kung may sesyon man sa munisipyo ay dali-dali itong umaalis. Di malaman kung ano ang dahilan. Pagtaguan ba naman ang taong-bayan? Sabi ng isa nitong kanayon, “magsaya ka na ngayon, siguradong iiyak ka sa araw ng eleksyon”? Naku!!! Mukhang di ako makapaniwala ahhh. Ang alam ko kasi at ayon sa sabi-sabi…..mabait at madaling makita itong si konsi…. Kung sabagay, mas paniniwalaan mo ang mga taong malapit dito dahil sila mismo ang magsasabi sa iyo ng totoo. Payong kaibigan lang sa iyo konsehal, alalahanin mong dalawang semplang ang inabot mo bago mo narating ang iyong ambisyon? Iyan ay kung naaalala mo pa? Kung mananatili sa isip ng tao ang mga negatibo mong ugali, syento-porsyento sa kangkungan pupulutin ang magiging boto mo. Di ko papangalanan ang konsehal na ito pero bibigyan ko kayo ng ideya. Ano ready na ba kayo? Ready…get set…GO!
Magnanakaw ng kable ng kuryente, tiklo CAVITE CITY – Isang magnanakaw ng kuryente ang nahuli ng isang tanod matapos na mag-blackout ang kanilang mga street lights. Kinilala ang suspek na diumano’y nagnakaw ng kable ng kuryente na si Nestor P. Dela Peña, 29 taong gulang, binata, naninirahan sa F. Dela Cruz St., Caridad, Cavite City. Habang ang nagrereklamo na si Eduardo M. Vidal, isang Brgy. Captain ng Brgy. 15 – Kilyawan. Sa ipinadalang report ni PO2 George Lapidario, imbestigador kay P/Supt Simnar Gran at P/Insp. Starlight L. Rivera, nangyari ang krimen noong Oct. 21, 2009 sa humigit kumulang alas 4:30 ng madaling araw sa panulukan ng Espiritu St., Sta. Cruz. Na nakatawag pansin sa isang brgy. tanod ni Vidal. Habang naka-duty bilang tanod si Elmer R. Samson ng mga oras na iyon ay napansin niyang
biglang nawalan ng liwanag ang mga street lights na inakala niyang nag-black-out lamang. Pero ng tanawin niya ang ilang bahagi ng kaniyang kapit-bahay ay may ilaw naman, kaya’t naghinala ang huli na may nangyayaring anomalya sa kanilang lugar. Nagulat na lamang ang tanod ng may makitang isang lalaking may bitbit na kable at nasa
isang sulok na nagtatago. Sinita ng tanod ang suspek, nang tangkang tatakas ito ay agad na itong sinunggaban. Kaya kaagad na ipinag-bigay alam ito sa kapulisan upang masampahan ng kasong pagnanakaw. Laking pasasalamat naman ng Brgy. Captain sa kanyang tanod sa pagkakahuli sa magnanakaw. Umabot sa 100 metro
ng kawad ng kuryente ang nawawala na may halagang Php 5,000 kasama pa ang mga nasirang instilasyon ng street lights. Na maaaring unti-unti na itong nakuha at nabenta ng suspek. Kasalukuyang nakahimpil ang suspek sa Cavite City Police Station habang hinaharap ang kaukulang kaso laban dito. SID SAMANIEGO
Si Mayor Enrico ‘Boy’ Alvarez habang mataimtim na nagdarasal sa pagpapasinaya ng Mercury Drug Noveleta Cavite. Si Mayor Alvarez ang pangunahing pandangal at nag-ribbon cutting sa nasabing okasyon.
Sa kamay ng sariling kamag-anak
3 patay, 1 kritikal sa kagawad ng Brgy. Ni Rex Del Rosario
TAGAYTAY, CAVITE – Sa punerarya ang bagsak ng tatlong matandang magkakapit-bahay at kritikal naman ang isa matapos sugurin ng isang kagawad ng barangay. Sa nakalap na istorya ng Responde Cavite nakilala ang mga biktimang nasawi sa krimen na sina Domingo Fajardo, 64; Lamberto Fajardo, 62; at Alberto Parducho, 44; pawang mga residente ng Brgy. Calabuso, Tagaytay City. Ang mag-amang suspek naman ay kinilala ng pulisya na sina Semproso Terible, isang kagawad ng barangay at Philip Terible. Nangyari ang pamamaslang noong Oct. 20, 2009 dakong alas 4:30 ng hapon dahil sa matandang alitan na ng kanilang pamilya. Pinagbabaril at inundayan ng saksak ang mga biktima ng nagtata-
go na ngayong magamang suspek. Nakuha pang maisugod sa Tagaytay Medical Hospital ang mga biktima
subalit magkakasunod din itong namatay. Kritikal naman ang kalagayan ngayon ng isa pang biktima na nakilala
sa pangalang Magno Fajardo. Patuloy pa rin ang paghahanap sa magamang suspek at nagsasagawa na ng operasyon ang mga awtoridad para sa ikalulutas ng kasong ito.