Responde Cavite isyu 9, Nov. 1-7

Page 1


2

NOBYEMBRE 1- 7, 2009

Manager tigok sa riding-in-tandem NI OBET CATALAN

Agad na sinadya ni Vice Mayor Omee Ramos ang mga nasunugan sa M. Castro, Caridad, Cavite City upang alamin ang kalagayan ng mga ito.

P170K na tupok, natupok, sa Ca vite City Cavite

CAVITE CITY – Isang bahay ang natupok sa sunog na mabilis na naagapan ng mga alagad ng bumbero kaya hindi na nadamay pa ang mga katabing kabahayan nito. Sa ipinadalang report ni FO1 Emmanuel C. Arcalla kay SFO3 Ferdinand De Guzman, Chief Investigator at sa Responde Cavite, nangyari ang sunog noong Oct. 26, 2009 sa humigit kumulang alas 9:40 ng gabi. Nagsimula ang sunog sa isang kabahayan na pagaari ni Octavio Isla na mabilis na nilamon ng apoy. Matulin itong nirespondehan ng Cavite City Fire Station sa pamumuno ni C/Insp Catalino C. Ramos Jr. matapos ang isang tawag mula kay Manny Calderon ng Radio Room. Humigit kumulang 170 libong piso ang sinasabing halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog na ito. Wala namang injured o casualty sa parte ng mga sibilyan o maging sa alagad ng bumbero sa sunog na ito. Habang patuloy pa ring inaalam ang dahilan ng sunog. Idineklarang fireout ang sunog sa oras na alas 10:16 ng gabi. SID LUNA SAMANIEGO

BACOOR, CAVITE – Patay ang isang lalaki na isang manager matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagaabang ng sasakyan sa waiting shed. Sa nakuhang report ng Responde Cavite kay P/Supt. Florencio Ortilla, Chief of Police ng Bacoor Police, ang napatay ay si Glenn A. Clemente, 50 taong gulang, residente ng Brgy. Molino 4, Bacoor Cavite. Sa inisyal na report ni PO2 Amelson Ortega, nangyari ang pamamaslang noong Oct. 27, 2009 sa humigit kumulang alas 7:30 ng umaga habang nag-aabang ang biktima ng masasakyang dyip. Papasok na sana ang biktima ng bigla itong tigilan ng dalawang magka-angkas sa motor at sabay baril sa biktima. Siniguro pang wala ng buhay ang biktima bago lumayo sa di malamang direksyon ang dalawang suspek na walang pag-

kakakilanlan. Inilalayo naman ang kasong pagnanakaw sa kasong ito sapagkat wala namang nawala kahit isa sa gamit nito. Masusing

iniimbestigahan ng kapulisan ang posibleng may kaugnayan ang pamamaril sa politika dahil ang kapatid ng biktima ay kasalukuyang

Bise-Mayor ng isang bayan sa Bicol. Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa krimeng ito para sa ikalulutas ng kaso.

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209


NOBYEMBRE 1- 7, 2009

Kelot, patay sa pamamaril CAVITE CITY – Isang binata ang pinagbabaril kamakailan ng di nakilalang salarin na tumakas matapos ang krimen. Nakilala ang biktima na si Noel Bernate y Vellarojo, 36 taong gulang, binata, walang trabaho, residente ng 311 Ronquillo St., Caridad, Cavite City. Sa inisyal na report na ipinadala ni PO1 Nick Balberan kay P/Supt. Simnar Gran, Chief of Police; at kay P/Insp. Angelica Starlight L. Rivera, Deputy Chief nangyari ang pamamaslang sa biktima noong Oct. 25, 2009 sa humigit kumulang alas 12:30 ng madaling araw sa panulukan ng Dela

Cruz St., Brgy. 39, Caridad Cavite City. Nagtamo ng tama ng baril sa binti ang biktima at isang tama ng baril sa ulo na ikinamatay nito.

Nakuha pang maisugod sa Dra. Salamanca Hospital ang biktima subalit idineklara na itong patay. Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang dala-

wang basyo ng kalibre 45 pistola. Samantalang ang suspek ang mabilis na sumibat matapos ang krimen. Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kasong ito. Lito Alforte/Danny Garcia, Dyaryo Patrol

Ang duguang bangkay ni Nilo Bernate y Vellarojo na binaril gamit ang kalibre 45 ng di nakilalang salarin na tumakas matapos ang krimen. SCOOP PHOTO BY SID SAMANIEGO

AQUA 2599

Water Refilling Stattion 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1

No. 9 sa watchlist ng illegal drugs sa Cavite

BEBOT TIKLO SA BUY BUST

CAVITE CITY – Isang babae ang natiklo ng mga awtoridad na diumano’y sinasabing no. 9 sa watchlist matapos ang isinagawang buy bust operation kamakailan. Kinilala ang suspek na si Gina Arayata y Sanchez, 36 taong gulang, dalaga, walang trabaho, at residente ng Brgy. 10, Bagong Pook St., Caridad Cavite City. Isang surveillance at buy bust operation ang isinagawa noong Oct. 23, 2009 ng mga alagad ng kapulisan sa pamumuno nina PO2 Marvin Agabin, PO2 Ronald Nabos, at PO1 Edgie Portacio sa direktibang utos ni P/Supt Simnar Gran at P/Insp. Angelica L. Rivera para sa ikakadakip ng suspek na sinasabing top ten target list of personalities involve in illegal drugs. Nakuha sa suspek limang daang piso na ginamit na mark money, 3 piraso ng heat sealed transparent plastic sachet,4 na bundle ng unused plastic bags na pinaghihinalaang ginagamit na lalagyanan ng shabu. Ang suspek ay kasalukuyan ngayong nakahimpil sa kostodihiya ng kapulisan habang inihaharap ang kasong paglabag sa droga. Sec 5, 11 and 12 Art. II of RA 9165. WILLY GENERAGA

Ni Alexander Joseph H. Samaniego Cavite National High School First Year Sampaguita

Gunita sa Undas PANINIWALANG katoliko ang pagdiriwang ng Undas sa Pilipinas. Ipinapaalala ng okasyon na ito na magnilay-nilay sumandali sa mga aktibidad para sa mga yumaong mahal sa buhay. Ang pagdalaw sa puntod ng patay, pagtirik ng kandila at taimtim na pagdarasal ang aking naiisip tuwing papalapit na ang buwan ng Nobyembre. Kadalasan, sa aming pagbisita sa sementeryong pinaglalagakan ng mga labi ng aming kamag-anak hindi ko maiwasan ang maging mapagmasid. Tambak na kasi ang namamatay at nagmumukha ng classified ads sa dyaryo ang mga nitso dahil kanya-kanya sila ng kulay, disenyo at laki. Madaling malaman kung sino ba ang “can afford” at pinaros lang ang pagkalibing. Nakakaawa naman ang mga kalansay na nakahambang sa paligid ng sementeryo. Nung una natatakot ako sa mga ito pero dahil sa nagmumukha namang ordinaryo ito, imbes na matakot ay awa na lamang sa may-ari ng bungo ang aking nararamadaman. Nakakaawa din ang mga taong hindi

3

na malaman kung saan nalipat ang kanilang kamag-anak na patay dahil sa hindi na nila mabayaran ang upa para sa puntod. Samantala, nakakaasar naman ang mga taga-pangalaga ng sementeryo na may kanyakanyang area dahil naniningil sila ng sobra pero hindi naman pinangangalagaan ang mga puntod. Subalit minsan humahanga din ako sa kanila dahil nakasanayan na nila ang mamuhay sa piling ng mga patay at ito pa ang ikinabubuhay. Ang iba pa nga sa kanila ay nakatayo ang bahay sa ibabaw ng mga nitso. Bukod sa mga puntod, kapansin-pansin din sa mga nagsisidalaw ang grabe nilang pagalaala sa Undas. Ibang klase ang mga dumadalaw dahil selebrasyon ang paggunita nila sa araw ng mga patay. May nagdadala ng radio, alak, patalim, baraha at mga pagkain. Ngunit sa ngayon ay pinagbabawal na ang pagdadala ng mga radio, alak, patalim, at baraha upang maiwasan na ang kaguluhan na hahantong sakitan ng bawat isa. Sa halip na simpleng pagdalaw lamang ng

mga kamag-anak na namatayan ang eksena ay nauuwi sa isang picnic. At nagkakaroon ng pagkakataon na magkitakita ang mga kamag-anak na matagal ng hindi nagkikita-kita. At marahl na rin sa usong kaugalian na ito, nagsulputan ang mga “foodstands.” Mahaba rin ang hilera ng mga nagtitinda ng kandila at bulaklak. Natural na rin ang masikip na traffic papunta at pauwi mula sa mga sementeryo dala na rin marahil ng bulto ng mga taong dumadayo sa mismong araw ng patay at mga nakahambang na naglalako ng paninda. Ganito naman ang senaryo kapag sa public cemetery, lalo na kapag nasa loob ng Metro Manila. May iba pa nga na lumulutang na ang mga kabaong dahil sa baha dulot ng nakaraang bagyo at may iba na sinasako na lamang ang mga bungo na nagkalat. Kapag parating din ang Holloween, ang mga Pinoy na mahilig sa suspense at horror ay iyak na natutuwa dahil maraming programa at palabas ang may halong katatakutan. Hindi ko makakalimutan na takot na takot ako sa panonood ng “Magandang Gabi Bayan” ni Vice President Noli De Castro noon. Taun-taon nagpapalabas sila ng special episode para sa Undas. Kahit alam kong ang mga nakikita kong multo o engkanto sa nasabing programa ay peke, natatakot pa rin ako dahil ang mga istorya naman ay hango sa mga salaysay ng mga nakakita.


4

NOBYEMBRE 1- 7, 2009

Ang putang amang sugalan sa peryahan BAKIT nga ba nagkakaroon peryahan o karnabal sa lunsod ng Cavite? Marahil, halos lahat tayo ay maliliit pang bata ay nakagisnan na natin ang peryahan sa lunsod ng Cavite. Dati ay sa PN ito nakalagay o nakatayo. Sa kinakatayuan ngayon ng San Sebastian 4th Centennial Gymnasium. Pero ngayon ay nakatayo ito sa bakanteng lote ng dating palengke. At ang peryahan ay itinatayo, ‘in honor’ o sa karangalan ng kapistahan ng Nuestra Señora Dela Soledad de Porta Vaga. Maliwanag po, sa karangalan ng Patron ng Porta Vaga. Isang kabanal-banalang nilalang ika nga ng mga relihiyoso dahil ito ay Ina ni Hesus! Pero ang karangalan para sa kanya ay sinalaula ng mga putang amang mala-demonyo ang utak. Isipin n’yo na lang, peryahan, pasyalan ng mga bata, nilagyan ng sugalan. Apat na mesang pula’t puti at dalawang mesa ng drop card ang nakaokupa sa isang malaking bahagi ng peryahan. At may nakatitik pa sa karatula na: BAWAL ANG BATA DITO!!! Anak ng putang ama talaga! Anong klaseng kabobohan, katangahan o katarantaduhan ito? Peryahan, bawal ang bata!!! Kung sinumang henyo ang naglagay at nakaisip ng karatulang ito, dapat siyang sumpain ng kanyang mga anak, apo at lahat ng paslit ng lunsod ng Cavite na tinanggalan niya ng karapatan sa kanilang mundo. Sa isang taong may matinong utak, mahirap isipin na ang minsan sa isang taong mundo ng mga bata ay salaulain ng matatanda. Ano maipapaliwanag natin sa ating mga anak na habang akay-akay sa pamamasyal ay isang bahaging ng peryahan na bawal nilang puntahan. At para sa mga batang may kamalayan na sa mundo, paano mo ipapaliwanag na may sugalan ang peryahan. Alam kaya ng mga putang-amang naglagay ng pasugalan sa peryahan ang kasabihang ang anumang ginagawa ng matatanda ay nagiging tama sa mata ng mga mata?

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Ang pagkakatulad ng Relihiyon at Fraternity WHAT you do not understand, you can not control —Herb Cohen Kamakailan, napaulat ang may napatay na naman sa isang hazing. Hindi na naman mapigilan ang alingasngas at bulong-bulungan… kala ko ba bawal na ang hazing sa fraternity? Hindi yata makukumpleto ang buhay estudyante sa Highschool at College (maniwala kayo’t hindi, maging sa elementary at kumukuha ng law at medisina) kapag hindi ka naimbitahang umanib sa isang fraternity. Ako rin naman, hindi pinalampas ng katakut-takot na pag-iimbita na sumali sa kanilang di umano’y kapatiran. Kahit na nitong propesor/manunulat/ mamamahayag na ako, sige pa rin ang pag-iimbita. Dahil sa likas akong maepal at maurirat, ganito ang kadalasang tagpo: T: Anong mapapala ko kapag sumali ako sa inyo? S: ‘Ba, sa oras ng pangangailangan mo, may tutulong at magtatanggol sa iyo. T: Ibig sabihin kapag hindi nyo myembro hindi nyo

tutulungan at ipagtatanggol? S: Hindi naman sa ganoon, kaso mas tutulungan namin at ipagtatanggol kapag myembro namin. T: Hindi ba mas lalo kayong nagiging dahilan ng dibisyon o paghahat-hati ng tao? May tinatangi pala kayo. Para rin kayong isang sekta ng relihiyon na mga myembro lamang nila ang pinakamabubuting tao at sumusunod sa Diyos kayat sila lang ang maliligtas. T: Ba’t kinakailangang i-paddle nyo pa ako bago nyo maging myembro? S: Ritwal ‘yun. Saka mas mamahalin mo ang mga brad kapag napalo ka. T: Mas mamahalin ko ang mga brad kapag sumali ako, kayong lahat ang papaluin ko. ‘Yun bang makapagrecruit lang ng bagong myembro willing tumanggap ng palo. Para rin pala kayong relihiyon, gustong gustong magpahirap ng myembro para lang masabing handang magpakasakit. Gaya ng relihiyon, para makakanib, kailangan ng bautismo o binyag. Kalaunan, kapag naging myembro na ng fraternity, gaya ng anumang relihiyon, obligado ring magbigay (hindi man sapilitan) ng kaloob/love offering o butaw. SUNDAN SA PAHINA 10

Sa Cavite City… ‘WALKWAY’ PAPUNTANG PALENKE, TULUYANG IBINIGAY SA ‘VENDORS’

SA Metro Manila, na sinimulan sa Baclaran ang paglilinis ng mga ‘sidewalk vendors’, napaalis at muling bumalik ang mga ito at paikut-ikot lamang ang problema na parang gulong. Lumalabas na larong bata lamang ito. Kung minsan ay hagaran-taguan, minsan ay patintero o tumba-preso o kung ano pa man. Ang mahalaga ay may ginagawa ang gobyerno upang maging maayos at guminhawa naman ang mga mamamayan. Hindi kaila sa lahat na ang kalsada’y para sa sasakyan, ang ‘sidewalk’ ay para sa taong dumaraan at naglalakad, ang palenke ay para sa mga nagtitinda at mamimili. At ito ay tahasang ipinatutupad sa Maynila at sa karatig Bayan. Totoong hindi lahat ay maisasakatuparan at mayroon pa ring manakanakang di sumusunod sa patakaran at nakikipaglaro at nakiki-sirit bulaga pa sa mga alagad ng batas. Kung mahuli, multa. Kung hindi, lusot. Ngunit ang importante’y may pinangingilagan. Hindi lamang sa Baclaran ito nangyayari. Sa paligid na ng Metro Manila, talamak na ang ganito. Sa Caloocan, Quezon, Pasig, Cainta, Tanay, Pasay, Marikina at iba pa, isa lang ang ganitong sitwasyon. Noon, sa ganda at maayos na palakad ng gobyerno, bawas

na bawas na ang ganitong problema. Sa ngayon, ay medyo mapayapa na ang lakad ng mga tao lalo na sa Baclaran. Nakikita na muli ang mga kalsadang dati’y pinamumugaran ng katakut-takot na ‘sidewalk vendors’ na lalong kilalang ‘sidewalk kings’. Dito sa lunsod, maikakaila ba ang gobyernong lokal na pinababayaan nila ang ilang tindahan sa kahabahan ng P. Burgos Ave., ang ‘downtown area’ na sakupin ang ‘sidewalk’ ng ilang establisyemento roon, gawing parang kanila. Na tambakan ng maraming paninda at nakukuha pang magalit at magmura sa mga taong nagdadaan kapag nakapagsasalita kung bakit sinakop ang bahagi ng daanan ng tao. Hindi lamang ilang ulit nangyari ang ganito. Nasangkot dito ang drayber ng isang kilalang opisyal ng City Hall ng dahil sa pagtupad ng kanyang dating tungkulin ay muntik ng patayin sa gulpi ng isang pulutong ng dayuhang nagsisipagtinda sa tabi-tabi. At kung hindi nakatakbo, nadisgrasya na. SUNDAN SA PAHINA 12

Arbee’s Meat Products, mandaraya SA produkto ng Pampanga, isa ang mga meat products tulad ng tocino, longganisa, ham, hotdogs at marami pang iba ang lubhang kilala sa kanyang imahe. Basta masarap at manamis-namis na tocino, diyan bihasa ang Pampanga’s Best. Ikinalat ang masarap nilang ulam sa agahan, tanghalian, at hapunan sa lahat ng dako ng Pilipinas maging sa ibang bansa ay tinatangkilik din. Dahil sa naging mabenta ang produkto, marami ang gustong gumaya. Kinopya ang sarap at lasa, kinapa ang bawat timpla. Lumabas ang sari-saring imitations ng produkto, bagamat galing din sa bayan ng mga tocino ay posibleng hilahin nila pababa ang orihinal na pinaggayahan nito dahil sa mga negatibo nitong natatang-

gap sa maraming mamimili. Marami sa ating mga kapwa Caviteño ang nahumaling na magtinda ng mga produktong ito kaya naman dagsa ang iba’t ibang ahente sa maliliit na tindahan para mailako ang produkto. Isa ang Arbee’s Meat Products ang pumasok sa negosyong ito sa ating bayan. Maganda at presentable ang pagkaka-alok ng produktong tocino at longganisa sa mga nag-aahente sa mga tindahan. Mag-aalok ang sinabing ahente ng Arbee’s Meat Products, matalas at matatamis din ang mga dila nito sa lahat ng kanilang aalukin. Mangangako ng mga gamit gaya ng cooler, refrigerator, gas stove sa pasimula ng inyong pag-uusap, subalit isa lamang pala itong sandata upang makahikayat ng magtitinda dahil ang pangako ay napako na ng lumaon. Isa ang Nilda’s Store, Padre’s Bread Factory, at isang nangangalang Nino Angelo Javier ang naging biktima ng mga ito. SUNDAN SA PAHINA 12


NOBYEMBRE 1- 7, 2009

Trying hard (Hebreo 4:16) “Kaya’t huwag na tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos at doo’y kakamnan natin ang habag at kalinga sa panahong kailangan natin ito.” Mga katagang simbolo ng simbahang katatatag lamang noong June 2008 at matatagpuan sa Anuling I, Mendez – Ang Jesus Christ: The Merciful God (JCMG). Ang panibagong sektang ito ay mapagmahal at masinop na itinayo ng mag-asawang Presidente Eduardo at Pastora Emily Samac. Sa ngayon ay binubuo ang sekta ng sandaang pamilya na nagmumula sa Mendez, Alfonso, at Mahogany Tagaytay. Mga pamilyang masasabi nating hindi nakakariwasa, ngunit namumuhay ng masasaya, nagtutulungan at sumasandig sa mga salita ng Diyos. Dalawang araw sa isang lingo ang services na binubuo ng pagbasa at pag-aaral ng “Mabuting Balita”. Tuwing Huwebes, 7:30-9:30 p.m. at Sunday, 9:30-12:00 a.m. ang palagiang pagsamba. Kung Linggo, ay Fellowship na may kaunting salusalo at may kasamang raffle ng 15 piraso na 5 kilong bigas bawat isa na handog ng pamilya ni Kuya Eddie Samac. Sa tuwing katapusan ng buwan ay may “Family Affair” na ang pinakatampok ay ang tinatawag nilang “Sacrificial Offering”. Ang mga bata ay may sariling palatuntunan dito. Tuloy-tuloy ang pasasalamat nila sa Diyos na kumakalinga sa may kalamidad man o wala. At sa unang Biernes ng buwan ay may “Overnight Program” na sinasalihan ng lahat halos ng miembro. May mga nakatakdang “Livelihood Program” ang simbahan upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng kanilang kasapi. Sa katunayan, ay katatapos lamang ng kursong “Reflexology” na dinaluhan ng tatlumpung katao na ngayon ay handa ng kumita na pandagdag sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Itong November ay isasali ang JCMG sa “Sports Fest” na dadaluhan ng ibat-ibang sekta at gaganapin sa Tagaytay. Noon namang October 25 at matagumpay na naidaos ang “Battle of the Band”. Layon ng mga pagtatagisang ganito na bigyan daan ang enerhisya at talent ng mga kabataan na magamit o maipakita at ng mailayo sila sa mga bisyong Gawain at aliwan gaya ng mga sugal, pagkagumon sa mga ipinagbabawal na gamot at masasamang pakikipagbarkada. Ano nga ba ang binibigyan natin ng diin at pagpapahalaga sa maikling kasaysayan ng JCMG? Ito ay ang katotohanan na ang bawat sektor ng lipunan, maliit man o malaki, ay may maidudulot na kontribusyon sa ikakaunlad ng buong sambayanan; na ang tagumpay ng sektor ay nakasalalay sa ipinakikitang halimbawa ng mga pinuno nito; at na ang bawat kasapi ay nakakaramdam ng ligaya at katiwasayan habang sila ay sumusunod sa mga utos ng Dakilang Diyos. “Be Blessed and Experience His Goodness”, iyan ang mataginting na panawagan ng JCMG. Handa ang Senior Citizens Corner na ang mga magagandang karanasan ilathala ang mga “religious institutions” at mga samahang sibiko na ang hangarin ay isang lipunang Maka-Diyos, Maka-Tao at Maka-Kalikasan.Tawagan lamang ninyo kami at matulin kaming darating upang kayo ay makapanayam. Isang paumanhin ang aming hinihingi sa pamunuan ng Exodus Village Phase 1-7 Neighborhood Associations Inc. na hindi agad na pagtugon sa hinihinging tulong tungkol sa problema sa lupa at pagpapatayo ng isang “Multipurpose Center.” Hindi pa natatapos ang pagkalap naming ng mga impormasyong magpapalinaw sa mga isyu na pinatingkad ng tamaan ang lugar ng bahang bunga ng bagyong Ondoy.

5

Ang Hari ng Sablay: Ikaw ba ang tunay na pasaway? PAKISUYO, pakiusap, parang awa mo na, please lang, ilayo mo sa akin ang mga taong pasaway – Ang Hari ng Sablay? Ilapit mo na kahit sino, ‘wag lang sila dahil sila’y: • Bastos at ‘di maginoo, mahilig makialam, di marunong makiusap at kahit kailan ay di man lang marinig na magsabi ng “Excuse me.” • Kumukuha’t nag-aangkin ng hindi kanila, gumagamit ng mga bagay na pag-aari ng iba kahit walang pahintulot, nagbabasa ng sulat at mga text messages na tinatanggap ng kapatid, pinsan, kabarkada, kaklase at kaibigan, kahit alam nilang pribado’t personal ang mga ito, nakikinig at sumasabat sa usapan ng iba, gumagawa ng tsismis at palaging nagtatangkang humanap at tumuklas ng mga lihim at sikretong tinatago at iniingatan ng iba. • Manhid, bato, walang pakiramdam, hindi marunong kumilala sa pangangailangan ng iba, malakas sumigaw kahit may natutulog, akala yata’y sila lamang ang tao sa mundo kapag nagpapatunog ng radyo, magulo, makulit at wala sa lugar kung magingay. • Hindi marunong makinig, sumasagot kahit ‘di pa tapos magsalita ang kausap, alaskador, magaling manlait, pinapahiya ang kahit sino, sagad sa buto kung mang-insulto, naniniwalang sila lang ang tanging tama, hindi nakikinig sa opinyon ng iba, ayaw tumanggap ng mungkahi at paliwanag mula sa kausap at nabubuhay sa ilusyong sila lang at wala ng iba ang tunay na mahusay at magaling. • Dominante parang bosing mag-utos, ang gusto ay sila lagi ang masusunod, di marunong makisuyo at magpasalamat, mataas magsalita at parang hindi tao ang kausap, palaging namimilit, gusto’y laging sila ang tularan at gayahin, kainin ang gusto nilang kainin, panoorin ang gusto nilang sine, at pilitin ang ibang manood ng gusto nilang palabas sa tv, isuot ang gusto nilang suotin kahit hindi ito ang gusto ng iba para sa kanilang sarili, namimilit na puntahan ang mga lugar na gusto nilang pasyalan at hindi kumikilala sa personal na hilig at panlasa ng iba. • Ganid, sakim, makasarili, di marunong magbigay o magparaya, hindi marunong umunawa, parang hindi nag-aaral, walang kultura, walang modo, at hindi iniisip ang kapakanan ng nakararami, abusado, walang pagpapahalaga sa kapwa, hindi marunong magmahal at palaging tumatapak sa karapatan ng

Letter to the Editor MAGANDANG araw po. Isa po ako sa mga magulang na nangagamba sa nangyayari sa mga kabataan sa Cavite City. Umuwi pong lasing ang 19 anyos kong anak kasama ng kanyang barkada. At habang naghahanda po ako ng pagkain ng anak ko at ng kanyang mga kasama, narinig ko ng di sinasadya ang kanilang usapan. Tuwang tuwa sila sa nasaksihang babaeng nagsasayaw ng hubo’t hubad sa isang bar sa San Antonio, Cavite City. Nangamba ako para sa anak ko. Opo, 19 na po sya. Nasa wastong gulang. Pero parang hindi pa sya handa makakita ng ganoong malalaswang pagtatanghal. Nag-aaral pa sya. Baka kung saan po mapapunta ang maganda sana nyang kinabukasan dahil lamang sa mga immoral na libangan. Tulungan nyo po akong manawagan sa kinauukulan. Salamat po. Mrs. Z San Antino, Cavite City

iba. Hindi ko alam kung alam nila ang kanilang ginagawa. Basta’t ang alam ko ay ayaw ko silang makita’t makasama. Hindi ko rin alam kung magagalit o maaawa ako sa kanila dahil sila ang mga taong di marunong magbigay ng respeto sa kapwa. Sila ang mga taong walang galang… ang tunay na pasaway. (Salamat po kay Mr. Benjie Amerillas para sa ideya.) * Sa katotohanang isyu, pasaway talaga ang mga ahenteng taga-Pampanga na parang kay bait sa pagaalok ng mga meat products gaya ng Tocino, Longganisa, Ham, Hotdog, etc. Kung anu-anong salita at pangako na kay tamis ang inilalahad sa mga kawawang biktima para lang makabenta. Actually, dun sa store ni Nilda Solis sa Muzon Rosario, Cavite ay naging saksi ako sa mga ginawa ng mga taga Arbee’s Meat Products at Omniku. Tingin ko’y maamong tupa sa pakikipag-ugnayan sa tao, e yun pala’y hunyango sa anyo at ahas sa pag-uugali. Kaya pala ayaw nilang magpa-advertise sa dyaryo, may gimik silang manloko ng mga tao. Lumantad na kayo! Sumagot na kayo ng ayos sa telepono at higit, umamin na kayong manloloko kayo! * Mayroon pala tayong isang grupo na dapat ikarangal at pasalamatan- Ang Seaborne, na siyang nangangalaga sa ating dagat at nanghuhuli ng mga illegal na gawain sa pangingisda. Tuluy-tuloy ang paninita nila at di sila tumitigil sa pagbabantay ng mga walang pusong tao na sumisira sa karagatan. Yun mga dakilang gawa na tulad nito ay dapat ipagmalaki. Mabuhay ka, Kap. Nomer Morabe ng Muzon II! Ikaw at ang grupo mo ang nararapat dito sa bayan ng Rosario upang patumbahin ang mga pasaway na kalaban ng mga yamang-dagat at karagatan. Ipagpatuloy ninyo ang hangaring ito. Saludo po kami sa inyong lahat! * Di pa rin tumitigil at ayaw paawat ng mga tamang duda sa aking “advocacy.” Whether you believe it or not, tuloy pa rin ang serbisyong hatid ng Pedicab Teacher! Pang-limang taon na ‘to, mga kapatid! Yehey! * Good Morning Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kay ganda at bagong pag-asa. Edukasyon…kahit saan…kahit kailan, katuwang sa karunungan at kaunlaran. Good day po Responde Cavite. Sa wakas, may astig na dyaryo na mababasa ang mga Cavtiteño. Number 1 po kayo dito sa Tanza. Sana po mai-feature nyo ang mga politico/leader dito sa Tanza gaya ng mga nagawa nyo sa past issues nyo. Salamat po and God bless. Jojo Amaya, Tanza Magandang araw po, Responde Cavite. Dito po sa Kawit, halos nasa gitna na ng kalsada ang sakla. Laging kinakatwiran, may patay daw po. Pero bakit po malayo ang sakla sa lamayan? Sinasadya po bang gawin ito para makita at dayuhin ng mga tao ang sakla? Salamat po Beth M., Kawit Mga bossing, saludo ako sa Responde Cavite. Keep up the good work. Request po mga bossing, pakihambalos lang ang mga abusadong Kapitan dito sa Salitran na nagpapa-operate ng videokarera at fruit game. Minsan, kahit naka-school uniform ang mga bata, pinapayagan nilang magsugal. Kapal talaga. Thank you po. Caloy Salitran, Dasmariñas


6

NOBYEMBRE 1- 7, 2009


7

NOBYEMBRE 1- 7, 2009 Jenielyn Mogayon

Jen Allen Espineli

2

4

Erica Ratchel Abas

Tricxie del Mundo

6

1 3

Ronaliza Rodil Jhoanna Romen

10

Ailyne Angeles

BINIBINI AT GINOONG ndang

Amiely Venus Notario

5

Abigail Suarez Regine Nica Garcia

I

8

7

13

Maika Nishi

Bea Katrina L. Ferre

11 9

12

Jacquelyn Ashley Williams 1

Christian Mark C. Bano

Bryan Philip C. Lagrama

Rhen Jeciel

9

8

7

4

3

2

Keanne Mervin A. Crystal

Richard Costa

COUPON ISYU 9

10

Eugene Co

Noel E. Hintog

11

12

Raymond H. Peji

Suportahan ang gusto mong susunod na Ginoo at Binibing Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite). Punan ang Kupon sa ibaba at ihulog sa Tourism Office sa Munisipyo ng Indang. Ang magwawaging Ginoo at Binibining Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite) ay tatanggap ng tropeyo at sash at magiging opisyal na tagapag-endorso ng Pahayagang Responde Cavite (Risonable, Responsible) sa ilang piling isyu.

100 pts Nathaniel Esguerra

6

5

NOVEMBER 1 - 7, 2009

CANDIDATE NO.______ NAME OF SPONSOR:___________________________________ ADDRESS:_____________________________________________ VOTE FOR

Bb. Indang

G. Indang

SIGNATURE: _____________________________________________ Dominic Feranil Feranil Dominic

John John Gregory Gregory Bago Bago

Jan Jerwin Cresino


8

NOBYEMBRE 1- 7, 2009

Ang pagbangon matapos ang unos; at PBB update

ANG mga Pilipino ay natatanging sa mundo dahil sa kahit anong trahedya at sakuna ang dumaan sa buhay ay magkakaisa, magdadamayan at magtutulungan tayo upang muling bumangon at humarap sa panibagong yugto ng buhay. Nakakataba ng puso na marami sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa at maging ang mga banyaga mula sa international communities ay patuloy na nag-aambag ng tulong sa lahat ng antas ng kaparaanan. Samantala kapuri-puri ang mga telethon na ginawa ng mga national tv stations sa ating bansa katulad ng ABS CBN 2, ABC 5, GMA 7 at NBN 4 na naging daan upang lalong mapabilis ang pag-aambag ng tulong at pagboboluntaryo ng maraming kapwa Pilipino. Kahanga-hanga rin ang mismong pagboboluntaryo ng mga big bosses ng ABS CBN 2 na sina Chairman & CEO Mr.Gabby Lopez, President Ms.Charo SantosConcio, VP for Entertainment Ms.Cory Vidanes at iba pa sa kanilang personal na pagsama at pagpunta sa mga apekatdo at binahang lugar na biktima ni Ondoy sa NCR at Southern Tagalog at sa mga biktima ni Pepeng sa Central Luzon at Northern Luzon. Hindi inalintana ng mga ito kasama ang iba pang artista at Sagip Kapamilya Volunteers sa paglusong sa mga baha at putik para lamang maabot ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. Sadyang kahanga-hanga, kapuri-puri rin ang napakalaking nai-ambag na suporta at tulong ng tinaguriang giant network para sa ikabubuti ng mamamayang naapektuhan, isa na rito ang bukod tanging proyekto ng tinaguriang Tambalang Failon at Sanchez

nina Mr.Ted Failon at Ms.Korina Sanchez-Roxas katuwang ang mga arkitektong kabitenyo na mas kilala sa tawag na United Architects of the PhilippinesCavite Chapter sa kanilang ginawang 20 foot container van na ikinonbert nila bilang mga instant paliguan. Ang proyekto ay tinawag nilang Shower na Kapamilya kung saan nakinabang ang may 5000 evacuees na nasa Ultra sa Pasig City . Sa kabilang banda, kapuri-puri at kahanga-hanga rin naman ang ginawa ng GMA 7 Kapuso Foundation at Haribon Foundation sa ginawa nilang Tree Planting sa Tanay, Rizal noong Oktubre 24 na may temang Target 2020 na ang layunin naman ay makapagtanim pa ng maraming halaman at puno sa sa may 100 ektaryang nakakalbong kabundukan sa buong Pilipinas bago sumapit ang taong 2020. Layunin nito na maiwasan ang pagbaha sa kapatagan at pag-guho ng mga kabundukan na nagiging sanhi ng mga aksidente at sakuna na humahantong sa kamatayan. *** Kapana-panabik naman ang mga kaganapan sa tinaguriang teleserye ng totoong buhay ang Pinoy Big Brother (PBB) Season 3 Double Up dahil nagdagdag si Big Brother ng 10 pang housemates na sina Johan ng Quezon City, Catherine ng Bohol, Tibo ng Cagayan de Oro, Hermes ng Pampanga, Patria ng Siquijor, Rob (half Filipino half Austrian) ng Austria, Patrick ng Baguio, Rica (isang Gay) ng Bacolod at mag-asawang Kath at Jimson ng Spain. Samantala natanggal na ang dalawang kambal na sina Tofi & Kenny ng Rizal at JM & JP ng Quezon City dahil bigo silang magawa ang kanilang task. Naevict na rin noong Sabado si Jimson na asawa ni Kath dahil sa nakakuha siya ng pinakamababang text votes mula sa televiewers. SUNDAN SA PAHINA 10

Mga maling gunita sa Hunyo 12, 1898. ISANDAAN at siyam na taong mahigit na ang lumilipas ng diumano’y ideklara ni Heneral Emilio Aguinaldo ang ating kasarinlan mula sa mapang-aping mga kamay ng mga mananakop na kastila. Isang siglo at kulang isang dekada ng mga kulang at maling paniniwala sa Hunyo 12, 1898. Isang bagay na dapat binigyang linaw sa mahabang panahon. Mga bagay na kasama sa historya na kailangang bigyan liwanag sa matagal na pagkakakulong ng mga ito sa paniniwalang nilinang sa ating mga kaisipan, mga bagay na umikot sa labas at loob ng tahanan ng ating unang presidente Hen. Emilio Aguinaldo ng araw na bumitaw tayo matapos ang ilang siglong pagkakapit sa mga kastila. Ang Balkonahe sa Aguinaldo Shrine. Ang balkonaheng tampok sa halos taun-taong selebrasyon ng “Araw ng Kalayaan” tuwing Hunyo 12, 1898, ay hindi ang mismong lugar ng pinagwagaywayan ni Heneral Emilio Aguinaldo ng ating bandila. Taong 1919, dalawampu’t isang taon na ang nakakalipas ng ideklara ang araw ng kalayaan, ng idagdag sa nasabing bahay ang balkonahe. Bagkus, sa dating bintanang pinagdugtungan ng nasabing balkonahe ang tamang lugar kung saan ang pagwawagayway ni Heneral Emilio Aguinaldo ng bandila ay naganap. Hunyo 12, 1898, hindi inaasahang deklarasyon ng kalayaan? Hindi biglaan ang nasabing deklarasyon ng ating kalayaan. Isang linggong preparasyon ang nasabing proklamasyon. Hunyo asinko pa lamang ng ipaalam ni Heneral Emilio Aguinaldo sa ibang mga lider probinsya ang nakaakmang kalayaan. Kaya naman kumpleto ang mga delegasyon ng walong probinsya(na sumasagisag sa walong sinag ng araw ng ating bandila.) Tuluyan na bang nakalaya sa Espanya ang Pilipi-

nas noong June 12, 1898? Hindi. Nakamit lang ang pagkakaisa at kalayaan ng Pilipinas noong August 1, 1898, ng magkaisa at sumangayon ang iba pang probinsya at bayan sa diktadurang pamamahala ni Hen. Emilio Aguinaldo. Hunyo 12, 1896, unang winagayway at lumantad sa paningin ng mga Pilipino ang bandila ng Pilipinas. Ang bandilang ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo at ng anak niyang si Lorena sa tulong ng pamangkin ni Jose Rizal na si Delfina Herbosa ay unang winagayway at ginamit sa isang labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898, bago pa man ang deklarasyon ng ating kalayaan. Ang Mayo 28, 1898 ay pinagdiriwang natin tauntaon bilang “National Flag Day.” Ang hindi malilimutang deklarasyon ng kalayaan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Taliwas sa ating mga pagkakaalam, ang kalayaan ng Pilipinas ay hindi dineklara at binasa ni Hen. Emilio Aguinaldo sa kanyang balkonahe(na wala naman noon) noong Hunyo 12, 1898 na siya din mismo ang nagsulat. Si Ambrosio Rianzares-Bautista ang siyang tunay na nagsulat at nagdeklara(bumasa) ng ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898 sa gitnang bintana ng tahanan ni Hen. Emilio Aguinaldo. Si Ambrosio Bautista ang tumatayong tagapayo ni Hen. Emilio Aguinaldo noong panahong iyon. Si Hen. Aguinaldo naman ang siyang nagwagayway ng bandila ng Pilipinas habang tinutugtog ng Banda Matanda ang Lupang Hinirang. Umaga ng Hunyo 12, 1898 ng basahin ang proklamasyon ng ating kalayaan. Hapon at hindi umaga binasa ang deklarasyon ng ating kalayaan sa bintana ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ang inaasahang maagang deklarasyon ay napalitan ng hapon matapos na tanghaliin(Pilipino time) ng dating ang ibang delegasyong galing ibang probinsya(kahit Hunyo 5 pa pinamigay ang imbitasyon). Ang proklamasyon ay tinatayang nangyari sa pagitan ng ikaapat at ikalima ng hapon.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

Capricorn - Minsan hindi naman ibang tao ang ating kaaway. Gaya ngayon, ang kalaban mo ay ang iyon sarili, dahil makikitang pinaghaharian ka ng katamaran. Lucky days/ Nos: Friday / Sunday – 4-19-26-3540-41 Aquarius – Tanggapin mo lahat ang mga hindi magaganap naririnig mo tungkol sayo wag kang aangal ni maghinanakit man, pagkatapos ng lahat ng yon gaganda na sang kapalaran. Lucky days/ nos. : Monday / Wednesday – 1019-22-25-39-40 Pisces – Kumuha ng dgdag na inspirasyon mula sa mga may gusto sa iyo, sa ganitong paraan itataas ang tiwala mo sa iyon sarili bukod pa sa lalapitan ka ng mga magagandang kapalaran. Lucky days/ nos. : Thursday / Friday – 5-8-1330-41-44 Aries – ito ang takdang araw na kung kailan ay di sinasadyang napangiti ka at nagkagusto sa iyo ang nginitian mo. Ito rin ang araw ng pagsisimula ng bagong kabanata sa lovelife mo. Lucky days/ nos. : Wednesday / Thursday – 1-418-14-17-30 Taurus – Lumayo ka at lalapit sayo. Siya ngayon ang magsisilbing pagsubok sa katatagan ng iyong pagkatao. Kapag na-inlove ka. Para na ring sinabing ikaw ay mahina. Lucky days / nos. : Tuesday / Thursday – 3- 611- 15- 20-25 Gemini – May mga problema na kaya mong lutasin pero mas marami ang hindi. Pakawalan mo na sila dahil nakakaabala lang sa iyo. Mag-focus sa pagpapabuti ng buhay mo dahil buwenas ang naghihintay sa iyo. Iwanan mo ang mga problema lalo na sa mga ibang tao. Lucky days / nos. : Monday / Wednesday – 9-1622-36-38-39 Cancer - Pilitin man, mahirap makalimutan ang ala-ala ng dating pag-ibig. Subalit wag mo itong gawing batayan kung paano mo haharapin ang bagong pag-ibig. Iba noon, iba ang ngayon. Romantic times ang November at December sa iyo. Lucky days / nos. : Saturday / Sunday – 14-2032-35-38-44 Leo – Anay kang mag-isa at ayaw mong pinakikialaman ka. Ikaw ang gumawa ng ikaliligaya mo o ikalulungkot kaya wala kang masisisi. Pero may mga pagkakataon na kailangan mo rin ang tulong ng ibang tao. Lucky days / nos. : Wednesday / Friday – 1-1018-23-35-39 Virgo – Maraming pagsubok ang darating sa iyo ngayon. Kaya kailangan bantayan ang mga salita upang hindi ka makasakit ng damdamin. May mga pagbabago kang dapat gawin na kung tama sa iyo ay magiging magaan ang takbo ng buhay mo. Lucky days / nos. : Monday / Wednesday – 2-7-920-24-27 Libra – Kalusugan ang dapat mong bantayan dahil nakakalimutan mo na tao ka lang at hindi isang makina. Ayusin mo ang iyong schedule. Matatag ang relasyon mo ngayon. Pamilya at significant other. Magaan din ang dating ng pera. Lucky days / nos. :Monday / Tuesday – 10-1727-30-38-40 Scorpio – Anuman ang gusto mong gawin, muli iyong madaliin, dahil kapag nakita ng langit na ikaw ay babagal-bagal, konting swerte lang ang sa iyo ay lalaan. Lucky days / nos. : Tuesday / Friday – 2- 20-3136-41-45 Sagittarius - Wag mong pang hihinayangan ang maaring mawala sa iyo ngayon. Tandaan mo, kapag tinalbugan ang halaman, lalong lalago at dumarami ag mga sanga at mga dahon. Lucky days / nos. : Tuesday / Saturday – 1-1724-37-39-44


NOBYEMBRE 1- 7, 2009

MERON NG IBA ANG BF?

Pag-iibis ng Pasan Oh!, bayang malabong Inang kinagisnan Nitong pagkataong maraltang buhay Kinanduan duka ng iyong kandungan Nang paglingkuran ka ng sintang dalisay!

Ang obra ni Diego Moxica

Ang imbing anak na iyong iniibig Na maging panganay sa pagtatangkilik Sagot Sa Nag-aanyayang Ginoong Taga Nobeleta Sa lahat ng anak na aking kapatid, Mabigat na pasan ngayo’y iibis Tinanggap ko irog ang mahal mong sulat Na sadyang anyayang pagkatimyas-timyas Talastas mo ina, yaring kamangmangan Dahilan sa pistang di matutuklas At ang pagkaripa sa salat na buhay Sa Disyembreng ito, na nagpupumiglas. Saan dudulangin yaong kabutihan Na igiginhawa ng nasasakupan? Kasanib ang sabong na siyam na araw, Marami ang taoo at sadyang malakasan, Malakhin mo ina ang munting panahon Sari-saring manok na naggagaraan At siyang nakaya ng anak mong gahol Ang lipad at hampas diya’y matatanghal. Parahing mabuti, kahit naging pusong Sa bakas ng yapak ay idinudungoy. Ang ayunmang palad, sa nagsisilayo, Ang bulsa ay bintad sa yabag ng piso, Mga kababayan: ako’y patawarin Ang porta-moneda’y sa “papel de banco” Sakaling sa inyo’y may nagawang linsil Nama’y makikisig, pati ng sombrero. Sa loob at labas nitong bayan natin Sigaw na pagsamo’y mangyaring tanggapin Kung gaya kong hirap na lagi ang buhay At saka palarin, aku, biglang yama!.... Naririto ako, Oh!, mga kapatid! Bahay ko’y dampa’t walang paglalagyan Ang lahat ng dusa’y minamatamis Kundi ihabilin sa mga mayaman. Lalo na’t king inyong ikapapalandit Ay paraiso ko naman ang magtiis. Sa kasabikan ko, irog ng kapatid, Na ako’y dumiyan sa anyayang talik Kayong kasama ko sa lahat ng hirap Nang utangan ako ng maliit Mga concejales sa pangal at puyat, Walang mag pautang sa mga inikit. Ang mga kapatid ninyo’y napapasalamat Sa inyong pagtulong sa wastong pagganap. Kahit patubuan ako’y lumuluhog, Ayaw ding totoo yaong mga kulog, Sa lahat nag oras bukas ang pintuan Baro’t salawal ko’y handa’t nakabalot Na talastas ninyong dampa kong tahanan, Tabako at hitso, saka ang sapatos. Magpithaya kayo ng makakayanan At ang kalahatang mga kababayan. Kalesa’y handa na’t ako’y inaantay Manok ay hawak na ng mga bataan, Tayo’y pasalamat ang una’y s adios Nagala ko halos itong buong bayan, At ang ikalawa sa lahat ng Santos Wala at wala rin akong mautangan. Abuloy sa abang imbing nakatapos Ng pasang mabigat luha at gipuspos. Gayon ma’y tuloy rin at napagayak Na at papasok ako ng pagsesekreta, -Poetry and Revolution: Alila ang bahala na walang confianza A Chapter of Philippine literary History To insurrecto’t galit si Moxica.

Ilang Tradisyon Noong Panahon ng mga Kastila at Amerikano Ayon sa aklat ni Teodoro A. Agoncillo, ang La Funeraria ay sinasabing pinakaunanang punerarya na itinatag sa Pilipinas. Ito ay nag-aanunsyo na ang kanilang mga kabaong ay yari pa sa Europa at sila ay nagsasagawa ng pag-eembalsamo. Ang nasabing establisyemento ay itinatag ni G. Carlos March sa May-

nila noong taong 1883. mayroong binanggit na kalakaran sa paglilibing noong panahon ng paghiwalay ng Pilipinas sa Espanya at pagpasok ng mga punerarya na pagaari ni G. Feliciano Quioge na matatagpuan sa kalye Salazar Trozo Blg. 2, ang nag-aalok ng marangyang paglilibing para sa yumao. Sinasabi sa aklat na binubuo ang serbisyo ng 85 piso at dagdag pa ng aklat, naayon sa halagang ibabayad ng namatayan ang kasuotan ng

pari at ang haba ng panalangin para sa yumao. Inililibing ang isang pangkaraniwang tao sa pantyon kapag nagbayad ang pamilya nito ng halagang 30 piso, bukod parito ang singil sa misa o pagdarasal (kasama ang pagkalembang ng kampana) sa bayad ng paglilibing. Matatandaang ang mga orden ng mga prayle ang may pag-aari at nangangasiwa sa mga pantyon noong unang panahon. Ang Mga Lepron ng Culion Sa pulo ng Culion na nasa Look ng Coron, isang bahagi ng kapuluang Mindoro-Palawan, na amy 200 milya ang layo mula sa Timog ng Maynila, ay mayroong isang komunidad ng mga taong may sakit na ketong na naitatag dahil sa isang batas noong 1905 na tinatawag na Culion Leper Colony Reservation.

Dalawang uri ng mamamayan ang nakatira doon: ang mga “leproso” (ketongin) at “sano” (mga tagapag-alaga ng mga ketongin). Dahil sa matinding takot ng mga Amerikano sa pagkalat ng nakahahawang sakit na ito, ang pamahalaan mula noong 1913 hnggang 1920 ay nagpalabas ng bukod na pananalapi sa nasabing lugar. At kahit sa huling hantungan, magkabukod ang pantyon ng mga maysakit na ketong sa ibang naninirahan dito. Ilang Popular na Pantyon sa Pilipinas: Sementeryo Del Norte Matatagpuan sa Lungsod ng Maynila, sa malawak na pantyon na ito makikita ang Mauseleo delos Veteranos dela Revolucion, isang natatanging musoleo para sa mga bayani noong panahon ng rebolusyon laban sa mga kastila. Sa panahon ng pananakop ng mga Ameri-

9

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Eight months na po kami ng BF ko pero bihira na po kaming magkita ngayon at once a day na lang siyang mag-text sa akin. Hindi naman po kalayuan ang bahay niya sa amin. Actually, isang kanto lang ang pagitan ng bahay namin. Laki na po ng ipinagbago niya kumpara noong first two months namin. Sa tingin ninyo po ba kaya siya nagbago kasi meron na siyang iba? Iyan po ang naisip ko kasi waiter po ang BF ko sa isang bar. Di naman po siguro lingid sa kaalaman ninyo na maraming mapanuksong babae sa bar. Pero may tiwala naman po ako sa BF ko. Kaya lang talaga hindi ko alam kung bakit malaki

kano sa Pilipinas, nagpadala sila ng gurong tinatawag na “Thomasites,” na siyang nagpasimula ng edukasyong pampubliko sa bansa. Sa panahon ng paglilingkod ng mga nasabing guro, marami sa kanila ang namatay at napalibing sa iba’t ibang dako ng kapuluan kung saan sila napadestino. Sa kabuoang tala ng mga namatay na Amerikanong guro sa Pilipinas, 63 sa kanila ang napalibing sa American Teachers Plot ng Sementeryo del Norte. Ilan sa mga naging pangulo at kilalang pulitiko ng Plipinas ang napalibing din sa Sementeryo del Norte katulad nina: Sergio Osmena, Manuel Roxas, Ramon Magsaysay, at Claro M. Recto; mga kilalang alagad ng sining tulad nina Felix Resureccion Hidalgo (pintor), Jose Corazon de Jesus (makata), Pascual H. Poblete (manunulat/peryodista),

ang ipinagbago niya. Parang wala na kaming time makapagusap at magkita. Masyado kasi siyang busy sa work niya. Mahal na mahal ko po ang BF ko kaya sobra po akong nahihirapan sa nangyayari. Tama pa po ba itong nangyayari sa relationship namin o dapat ko na siyang pakawalan? Mikz ng Cavite City Mahal kong Mikz, Mukhang busy lang talaga siya sa trabaho. Unawain mo na muna ito. Malay mo, naghahanda na siya para sa kinabukasan ninyong dalawa kaya mega kayod siya ngayon. Sayang at wala kang nabanggit kung may ginagawa ka para magkita kayong dalawa. Sabi mo nga, magkalapit lang ang inyong bahay. Dinadalaw mo ba siya pag may panahon ka? Dalhan mo kaya siya minsan ng pananghalian? O di kaya ipagluto mo siya! Kung siya pa rin ang namamalengke sa kanila, samahan mo siyang mamalengke. Ikaw ang tagapili ng kamatis at sibuyas, siya ang tagabayad. SUNDAN SA P.10

Alejandro G. Abadilla (makata). Manuel Conde (director ng pelikula), Amado V. Hernandez (manunulat), Honorata “Atang” dela Rama (reyna ng Zarzuela), Ruben Rustia (actor), Mike Velarde (kompositor). Pantyon at Kapilya ng Nagcarlan Ang pantyon at kapilyang ito’y itinuturing na katangi-tanging panahon ng Kastila sa Pilipinas dahil sa maliit na bahagi nito ang nakalubog sa lupa na parang katakumba sa Europa. Itinatag ang simbahan noong1752 (matatagpuan sa bayan), ang pantyon at kapilya naman ay ipinatayo noong 1845. Isa itong Pambansang Makasaysayan Lugar (National Historical Site) na pinangangasiwaan ng Pambansang Surian Pangkasaysayan (Natonal Historical Institute). ITUTULOY


10

NOBYEMBRE 1- 7, 2009

DI nya alam kung talagang nagmamalasakit sa kanya ang kaibigan o ibinubugaw lang talaga sya. Di nya alam kung nakikipagsyota na sa kanya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang sya ng tilapya nito. Sige, bukas, di ako pupunta sa barahan. Puntahan kita dyan sa inyo. Ha, a, e, si Berto, e… Sus, pakipot pa ‘to. Alam ko namang gabi ang alis ni Baka at umaga na ang uwi. Basta, mga ala una, baka may makakita sa atin, e. Iwan mong bukas ang pinto mo. May gusto rin ba sa kanya si Doray? O baka naman magpapaano

lang sa kanya? Kung magpapaano ito sa kanya, gusto ba talaga iyon ni Doray o may bayad? ‘Bisnes is bisnes’ ika nga ni Berto. Baka nga. Ampanget. May bayad. Ibig sabihin nun di rin sya mahal. Pero, nagbebenta naman ng tilapya si Doray sa kung sinu-sino lang, bakit hindi pa sya ang tumangkilik sa paninda ng kababata? Mabuti na yun, kung sya man ang kakain ng tilapya ni Doray, gusto nya talaga ito.O mahal na siguro. Halos hindi makatulog si Intoy nang gabing iyon. At napagpasyahan nya na kailangan nya ng pera. Kung sakaling humi-

SULONG-BAYAN

MULA SA PAHINA 8

Samantala nag-voluntary exit na si Princess ng Cebu dahil sa pakiramdam niya ay marami ng kapwa housemates ang hindi natutuwa sa kanya. At napatawan naman ng force eviction si Yhel ng Pampanga dahil sa maraming beses na nitong paglabag sa House Rules ni Big Brother. Patuloy na abangan ang mga kaganapan sa 3 times a day na pag-ere ng programa mula sa PBB 3 Double Up Uber ganap na 4:45PM, PBB3 Double Up Primetime Bida pagkatapos ng teleseryeng Dahil May Isang Ikaw, at PBB 3 Double Up Late pagkatapos ng ABS CBN News & Current Affairs Program tuwing hatinggabi. *** Personal: Happy birthday to the following: MR.GIBBY “Biboy” ISIDRO; MR.FELIX GUIAO QUIAMBAO; MR.DOMINADOR “Ninong Domeng” AVILLA; MR.WARREN RODIL; MR.VIRGILIO “Boknoy” BUHAY, JR.; MRS.LUVINIA “Mader” ATALIA; MR.BENJIE ROSANO and MR.NONILON “Ilon” SALAZAR.

SUNDOT LAPIROT

MULA SA PAHINA 4

At kapag hindi na aktibong dumadalo, nagbibigay ng butaw, at always absent sa mga official functions and events… gaya ng relihiyon, titiwalag ka. Gaya rin ng relihiyon, hindi pwedeng umanib sa ibang sekta. Tanging fraternity na lang yun doon ka dapat umanib. Sapagkat, sa iisang fraternity (tulad ng relihiyon) lang dapat ang iyong loyalty. Walang kaligtasan sa ibang relihiyon. Walang brotherhood sa ibang fraternity. Oo, tama rin ang ibang relihiyon. Pero pinakatama ang relihiyon natin. Oo, tama ang ibang fraternity. Pero pinakatama ang fraternity natin. At gaya rin ng relihiyon, ang fraternity, nagagamit din sa politika. Block voting. Straight voting. At gaya rin ng relihiyon, may panloob ding politika ang fraternity. Agawan sa pwesto, pataasan ng ihi. Paramihan ng kabig. Kaya sa loob ng isang fraternity, gaya rin ng relihiyon, may kani-kaniyang paksyon. Gaya rin ng relihyon, ang mga kasaping mas malapit sa puno, mas may biyaya. Ganoon din sa fraternity, ang mas malapit sa lider, mas may pagpapala. Siksik,liglig at umaapaw. Gaya rin ng relihiyon, napakadaling mangako ng puno ng mga fraternity. “Tulungan mo lang ako sa aking mithiin, pinapangako ko, dadaloy ang biyaya sa iyo at sa ating kapatiran.” At kapag sa oras na hindi dumating ang ipinangakong tulong o biyaya, gaya ng relihiyon, madaling sabihin sa kasapi ng fraternity na “Brad, hindi mo pa panahon. Kulang ka pa sa pananampalataya.” Ang simpleng kasapi (ng relihiyon o fraternity), tatanggapin na lang ng buong buo ang pagpapaliwanag ni lider. Dahil hindi nya na kailangang intindihin, kailangan lang sampalatayaan. Amen!

ngi ng kabayaran si Doray, hindi sya mapapahiya. At ang nasa isip nya nga ay ang hanguin ang lahat ng tahong nya at ipapakyaw sa mga nagtitinda sa kanilang kanto. Bagsak presyo na. Kahit tatlong daan, payag na sya. Bibili sya ng pandesal at mantikilya, kape’t asukal sa panaderya sa kanto para may pagkain sila. Bibili rin sya ng shampoo at sabong mabango. Puro sabong panlaba na lang kasi ang natitikman ng kanyang ulo at katawan. Bibili rin sya ng Colgate. Baka amoy dagat pa sya, nakakahiya naman. Baka maalat ang laway nya, nakakahiya naman. Pag-alis ni Berto, saka sya maglilinis ng bahay. Baka makahalata kasi ang kaibigan kung maaga nya itong gagawin. Maglalaba rin sya ng kumot at punda. Ibinibilad nya sa araw ang banig at unan. Magiipon sya ng tubig-tabang. Ngunit ngayon, pinatay ng alig ang sagot sa mahabang paghihintay ni Intoy. Itutuloy pa ba nya? Ano ang ikakatwiran nya kay Doray? Na wala syang pera? Paano kung gusto pala talaga sya ni Doray at hindi ito nagpapabayad? Baka naman magalit sa kanya ito at isiping itinutuiring niya rin tulad ng pagturing ng sa kanya ng mga mambabasnig? Sige ang murang paChavacano ni Mang Amor. Digrasyaw bo, kabron! Pinagpuputol ni Mang Amor ang mga pabitin at panabit. Si Intoy, kinayas nya ang mga bila at poste. Tinanggal ang mga balat ng tahong na wala nang laman. Lumalabo

ang tubig sa tuwing babagsak sa burak ang mga bungkos na patay na tahong. Awtomatiko at mabilis ang kilos ni Intoy kahit wala sa loob ang trabaho. Lalo pang lumalabo ang tubig sa mga laman ng tahong, lumulutang sa paligid na umaalsa mula sa kinayas na tahong sa mga bila at posteng kawayan. Ilang oras lang at malinis na ang dalawang pwesto ni Mang Amor. Bukas na nila itutuloy ang paglilinis sa iba. Pahapon na. Gutom na sila at giniginaw hatid ng hanging pasko. Nanguluntoy na ang kanilang balat sa kamay at talampakan. Sugatsugat ang kamay ni Intoy sa talim ng mga taliptip at tahong. Di sya naipagtangol ng manipis at magupok nyang gwantes. Gabi. May taklob ang nakahanda nang pandesal at mantikilya. Katabi ng kanin at ulam na ipinagtabi ni Berto kaninang hapon bago ito umalis para maghugas ng bus. May mainit na tubig sa termos. Nakahanda na rin ang tinging kape at

NUNO SA PUSO

ikaw ang magpiga. Produktibo na siya, nagkaka-bonding moments pa kayong dalawa. Dagdagan mo rin ang tiwala mo sa BF mo. Dahil sa tono mo, parang wala kang tiwala sa kanya. Kung meron, sandamakmak man na mapanuksong babae ang makaharap niya sa kanyang trabaho, kampante ka. Huwag ka na ring magtampo sa one text a day. Kung dati, one text a minute siya magparam-

MULA SA PAHINA 9 Alam mo, Mikz, hindi naman kailangang sine, mall at restawran lang ang puntahan para maging romantiko at memorable ang mga date. Ang mahalaga ngayon, napipiga ninyo ang oras para magkasama kayo. Kung ang pahinga na lang niya ay araw para sa paglalaba, samahan mo siyang maglaba. Siya ang magkusot at magbanlaw,

ni eros atalia

Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006) (Huling labas)

asukal. Salamat sa isandaang paunang bayad sa kanya ni Mang Amor sa paglilinis ng mga pwesto maghapon. Ngunit hindi sya nakapaglinis ng bahay. Hindi nya rin nalabhan ang kumot at punda ng unan. Di nya rin naibilad ang banig at unan. May tubig-tabang na naigib si Berto. Pero di pa sya naliligo. Nag-aasin na ang tubig-dagat sa katawan ni Intoy. Matigas na ang kanyang buhok. Naaamoy ni Intoy ang sarili na maalat. Nasa gawing pintuan lang sya. Nakaupo at nakaunat ang mga hita’t binti sa tulay na kawayan. Inaaninag sa liwanag ngmalamlam na bumbilya ang mga sugat ng kamay. Mahapdi. Pero di na kumikirot. Sanay na sya. Naramdaman nyang lumalangitngit

ang tulay na kawayan. Iniluwa ng dilim si Doray. Nanulay ang bango ng bagong paligong bagong dating. Naka-shorts at tshirt ito. Basa pa ang buhok. Inalig daw halos lahat? Oo e. Malas nga. Pati yung kapraso kong pwesto, di pinatawad. May pinaglalaanan pa sana ako nun. Sige ang kukot nya sa sugat. Gusto mong kumain? May kape dyan, pandesal at mantekilya. Hinawakan ni Doray ang kanyang kamay. Sinuri ang mga sugat. Hinalikan ito. Inakay sya paloob ng bahay. A, Doray, kasi… Hayaan mo na, makakabawi ka rin sa susunod. Pininid ni Doray ang pinto.

SIGNING OFMOA – Si Col. Simnar Gran, Chief of Police ng Cavite City at ang Chairman ng Police Hotline Movement Inc. na si Mr. Lito Alforte, habang isinasagawa ang signing of Memorandum of Agreement laban sa kriminalidad. OBET CATALAN dam sa iyo, iyon ay dahil bago pa kayo. Pero itong one text a day, katanggaptanggap na iyon. Sa umpisa, lahat ng tao, excited pa kahit hindi relasyon ang pinag-uusapan. Halimbawa, first few days sa eskuwela o sa bagong trabaho o di kaya, may bago kang alagang pusa, lagi kang sabik. Ibang iba ka kaysa kapag nakasanayan mo na ang isang bagay, sitwasyon o tao. Medyo nagiging at ease ka na kasi. Kaya sa tingin ko, hindi naman dapat

ikaalarma ang one text a day “na lang” na kanyang ginagawa. Iwasan mo na rin ang pag-iisip ng hiwalayan. Mukhang malayo pa ang mararating ninyong dalawa. Kailangan lang ay mas mahabang pasensiya at pag-unawa sa bahagi mo. O, dito na muna. Balitaan mo na lang ako sa bonggang bonggang bonding moments ninyo, ha? Nagmamahal, Ate Bebang


NOBYEMBRE 1- 7, 2009

11

LIHAM PAUMANHIN NG ISANG GURO SA PRIVATE SCHOOL PARA SA MGA MAG-AARAL NG PUBLIC SCHOOL (2) PAGKALIPAS ng dalawampung taon, mahigit apat na libo na ang naging estudyante ko at marami na rin sa kanila ang umasenso pero parang wala pa rin akong naimbag sa bayan. Alam kong nakapagtanim ako ng nasyonalismo ngunit hindi ko matiyak kung namunga na ang mga ito. Nasaan na ba ang mga estudyante ko? Ang iba sa kanila ay nasa ibang bansa, may mga nakapagasawa na at ang karamihan ay mga propesyunal na rin. Pero parang mabagal ang pagbabagong hianahanap ko. Parang wala naming nabuhay sa binhi na aking itinanim. Bigla, nakita ko ang katotohanan sa kasalukuyan kong pagtuturo. Lumalala ang kalagayan ng mga estudyante kong mayayaman. Karibal ko na sa kanilang atensyon ang internet at ang marami pang bagay. Tamad nang magbasa ng Noli Me Tangere ang karamihan. Pati ang mga magulang ay mahirap nang pakisamahan. Sapagkat nagbabayad sila ng malaki, ang tingin nila sa mga gurong tulad ko ay bayaran kagaya ng kanilang mga katulong sa bahay. “Kung hindi dahil sa matrikuluang ibinabayad naming ay wala ka riyan!” ang sabi pa ng isang magulang na minsang nagreklamo sa akin. At

ang principal, higit na ipinagtatanggol ang panig ng mga magulang sapagkat sila ang kliyente. Kahit pa maging arogante ang magulang ng batang mayaman ay walang magagawa ang abang guro na tumatanggapng buwanang sahod mula sa matrikulang ibinabayad ng mayamang magulang. Hanggang utak, naipararating ko pa rin sa mga estudyante ko sa private school ang kahirapan ng sambayanan. Subalit ngayon ko lang naisip na hindi naman nila ito nadarama. Malayung-malayo sa mundo nilang napapalamutian ng friendster, facebook, dota, mp4 at mamahaling cellphones ang paksang tinatalakay namin sa mga tula, awit at nobela. Nababatid nila ngunit hindi nadarama ang paghihirap ng m,ga magsasakang inagawan ng lupa, ang pagkontrol ng mga dayuhan sa ating ekonomiya, ang pagpaslang sa mga aktibista at iba pang mga isyung panlipunan. Kilala nila sina Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Pilosopo Tasyo at Elias ngunit hindi nila nararamdaman ang kahalagahan ng mga karakter na ito sa kasalukuyang tunggalian sa lipunan. Tulad ng mga datihan ko nang naging estudyante, karamihan sa kanila ay nangagarap na

magtrabaho sa ibang bansa o kaya ay mamasukan bilang call center agent. Paaano pa ako magtatanim ng binhi ng nasyonalismo? At ano ang garantiya kong may naitanim nga ako sa puso at diwa ng aking mga nagging estudyante sa nakaraang dalawampung taon? Noong minsang kumanta ako sa Bacoor National High School ay nakita ko kung gaano sila kainteresadong makinig sa aking awit. Noong minsang makakuwentuhan ko ang isang practice teacher na nagmula sa public school ay ipinaliwanag niya sa akin kung papaanong mas seryosong magpraktis ng Sabayang pagbigkas ang mga mag-aaral sa pam-

publikong paaralan kaysa sa nakita niya sa aking mga estudyante. Noong minsang makakuwentuhan ko ang isang kapwa gurong lumipat sa public school saka niya ipinabatid sa akin na kahit sikip ang kanilang klasrum sa dami ng estudyante ay walang natutulog sa pagtuturo niya ng “Florante at Laura”. Samantalang dito sa private school naman na pinagtuturuan ko ay animo caregiver ako na na may gayumang makapagpa-idlip ng mga estudyante sa kabila ng maaksyon kong pagtalaky ng Noli Me Tangere. Kung kaya, nabuo ang pasya sa aking isip na ako, bilang guro na nagmula sa antas ng mga mahihirap ay dapat magsilbi sa mga kauri kong mahihirap. Lub-

MALAKI ang hamon ng kagutuman sa kasalukuyang pamahalaan. Ikalima na raw ang Pinas sa nakakaramdam ng gutom sa buong mundo. Kung ganoon, malala na nga yata ang problemang ito. Pero sa kabila ng napakaraming pagkaing ipinakikita sa telebisyon, bakit marami pa rin ang nagugutom? Nakunsensya siguro ang mga network kaya bumabawi sila ngayon. May mga solusyon na sila sa gutom. Sa TV ipinakita na

Paumanhin sa inyo mga mag-aaral ng pampublikong paaralan. Lubhang matagal bago ako namulat. Nawa ay patawarin ninyo ako sa pagkakait ng paglilingkod na dapat ay noon ko pa ipinagkaloob sa inyo. Gumagalang, Jun Panganiban Austria

Belated happy birthday to LUCY G. SALUD last October 31, 2009. Greetings coming from your daughter Sheila Salud.

Masayang ipinagdiwang ni ALING LUVY ang kanyang kaarawan kapiling ang mga kamag-anak at mga kaibigan na idinaos sa Amy’s Pavillion. Mahigpit na ipinatutupad ng PNP Cavite City ang Operation Bakal kaugnay ng Election Gun Ban. Makikita sa larawan si P/Supt. Simnar Gran kasama ng kanyang mga tauhan ang biglaang pagbisita sa isa sa mga bar sa nasabing lungsod.

TV ang kasagutan sa gutom maraming solusyon sa gutom. Ipinakita sa TV na sarsa pa lang ay ulam na. Kamakailan, amoy pa lang ng toyo, pwede nang ulamin. Kaya hindi na tayo magtataka kapag bukas makalawa, picture pa lang ng pagkain, pwede nang iulam. Kung toyo ay sinasabing pwede nang ulamin, ‘ba, hindi magtatagal ay ipapaulam na rin sa atin ng telebisyon ang patis, suka at mantika. “Ba’t ka pa mag-aadobo, kung pwede mo nang ipang-ulam ang Negro Toyo?“ “Mahal magpaksiw. Iulam na lang ang Suka ni Terya. Sa kaunting asim maraming makakain.“ “Sa mahal ng bilihin ngayon, magastos ang paprito-prito. Subukan

hang matagal na akong naglingkod sa mga magaaral na mayayaman. Panahon nang gugulin ko ang aking panahon sa pagmumulat ng mga maralitang estudyante. Silang mas nakakadama ng hirap ang mas nasa posisyon para magkaroon ng malasakit sa bayan. Posibleng marami problema akong kakaharapin sa pakikisalamuha sa mga guro, magulang at sa pagangkop sa mga negatibong kultura ng pagtuturo sa pampublikong paaralan ngunit marahil ay hindi pa huli ang lahat.

ang Tintoy’s Cooking Oil. Ang kaning sinabawan ng mantika, magaang na sa bulsa, swak pa sa panlasa. Magmantika na!“ “Walang ulam? Wag magtiis! Mag-Aris Patis. Ito ang patis na walang kaparis. Di lang pansawsawan, pwede na ring pang-ulam.“ Tingin ko, sa mga susunod na panahon, may solusyon na rin ang TV kung paano makatugon sa maramihang pagpapakain. Tulad ng binyagan, kumpil, kasalan at iba pa ang karaniwang Pinoy na hindi kaya ang magastos na handaan. “Binyagan ba ng panganay mo? Wala kang budget? Sagot ka ng Magic Pansit Canton. Ibabad lang sa isang dram na tubig ang 200 gms ng

Magic Pansit sa loob ng limang araw. Magic talaga. Kakapal at hahaba ang noodles. Sabawan ng limang baldeng tubig, lagyan ng isang sakong asin at limang tasang vetsin. Presto. Kayang kaya mo nang magpakain kahit isandaang katao. Para murang panghandaan, mag-Magic Pansit Canton.” At kapag nangyari ito, tingin ko, lalong magiging abala ang gobyerno sa pagpapakain sa mga mahihirap. Pupunta ang mga henyo sa gobyerno sa mga mahihirap na eskwelahan, sa mga hikahos na barangay at bundok… maghahanda sila ng araw-araw ng Magic Pansit Canton. Mamimigay na rin ng Aris-Patis, Tintoy’s Cooking Oil, Suka ni Terya at Hegro Toyo.

Happy 42th birthday to KAG. CRIS TRINIDAD on November 01, 2009. Naway patuloy pa ring humaba ang iyong buhay para sa ikauunlad ng inyong barangay. Ang pagbati ay buhat sa iyong mahal na asawa at mga anak, buong angkan ng pamilya Patis at Solis, Cavite City police Station, Barangay 7, ‘D Captains at ng Responde Cavite.

Belated Happy 1st Birthday to KRISTIAN GEENE ‘KG’ RAMIREZ last October 29, 2009. Greetings coming from Loving Papa Thoper & Mama Ellen, Ate Kena Mae, Lola Rita, Tito Bien, Tito Dennis Pajardo, Lolo Wilson Cambarihan

09261106653 – Cheene

09266857820 – Tisoy 09279818912 – Diane 09057297811 – Joyce MnM 09359887700 – Tony 09268401777 – XXX 09052933510 – Xhet 09272199008 – Mitch 09292752137 – Neggy 09204825718 – Rad’z 09204825718 – Mccoy 09297836462 – Mccee 09217709611 – Noisee


KELOT NAENGGANYO SA FRAT, DEDO NI JUN ISIDRO

PATAY ang isang labing-walong taong gulang na lalaki na naengganyo na sumapit sa isang fraternity matapos siyang sumailalim sa isang hazing.

Ito na marahil ang pangalawang kaso dito

sa Cavite na mayroong namatay dahil sa hazing

IN A NUT SHELL

MULA SA PAHINA 4

Ano ang nangyari? Wala. Pinakialaman ng isang mataas na tao. Ang siste mo. Inalis pa ang taong gobyerno sa kanyang tungkulin at pinaburan pa mandin ng opisyal na nakialam, ang dayuhang mga ‘vendors’. Hindi ba, una sa lahat, ang mga taga-rito na tunay na Caviteño ang may higit na karapatan sa kanilang lunsod? Hindi ba sila ang may prayoridad kontra sa kanilang may iligal na hanap buhay ngunit kinukunsinti ng City Hall? Hindi ba’t kaawa-awa ang katayuan ng Caviteño na tunay kontra dayuhan? Hindi ba pang-aaping matatawag ito? Dadako naman tayo sa daang papuntang palengke. Lumayo ito sa daang P. Burgos at kinakailangan maglakad ng kaunti para marating ang pamilihan. Mag-sidecar ka naman, dagdag gastos na, eh baka masabihan ka pa ni Mar Roxas, ‚”anak itabi mo.”. at aminin na natin o hindi, wala halos naidudulot na kaginhawahan ang palengkeng ipinalit sa dati. (tatalakayin natin sa isang pagkakataon ang paksang ‘LUPA NG DATING PALENKE, SIYAM NA TAONG SINGKAD, ANO ANG NANGYARI?) Ang distansya mula sa babaan ng dyip kahit galing San Antonio o Sta. Cruz ay pareho. Magkatulad ding tatawirin ang kahabahan patungong pamilihan. Kung mainit ang araw, sabay ding masusunog ang balat bago ito marating. Kung naulan naman, sabay ding mababasa. Paabante at paatras, parehong perwisyo! Nasilip ng City Hall ang deperensya. Kaya naigawa ng ‘walkway’ ang daanan ng TAO. Gumanda ang daloy ng tumatawid. At naipagmalaki ng administrasyon ang maayos na proyekto. Ngunit proyektong hunghang! Panandalian lamang pala ito. Palabas lamang lahat. Sa huli ay dating kampeon pa din ang nagwagi… ang mga ‘sidewalk vendors’ pa rin. Malasin natin ng masinsinan. Ang pinapayungan ngayon ng lilim na ‘walkway’ ay mga nagtitinda ng buko, minatamis, kakanin, plastic na batya at palanggana, laruan ng mga bata at iba pang samu’tsamut. Ang mga tumatawid, tingan natin kung gamit ang lilim o anino ng ‘walkway’, na siyang dahilan kung bakit itinayo ito. Sila ang nasa INIT NG ARAW O ULANAN. Maling-mali ako. Akala ko talaga ay para sa mga mamamayan iyon. Hindi pala. Sana’y patawarin ninyo sila sa aking maling-akala. IISA LAMANG PALA ANG DAHILAN SA PAGGAWA NG ‘SIDEWALK AT WALK WAY’ ANG GINHAWA NG MGA DAYUHANG ‘VENDORS’ NG SIYUDAD. Ngayon, bilang tunay na residente ng siyudad, matutuwa ka bang manirahan sa sarili mong lunsod?

ngayong buwan, ayon na mismo sa tala ng pulisya. Kinilala ang biktima na si John Daniel L. Samparada, isang estudyante ng Lyceum of the Philippines sa Gen. Trias, Cavite at residente ng Velmont Hills, Pasong Kawayan II, Gen. Trias. Ang biktima ay nagtamo ng matinding bugbog sa hita at naisugod pa sa Estrella Hospital sa Silang ng kanya mismong tatlong kasamahan sa Tau Gamma Phi, na sina Joel A. Bandalan, Bartolome, at Carlo Paulo I na kapwa din mga estudyante. Ayon sa imbestigasyon na nakalap ng mga pulis, matapos diumano maganap ang initiation ng nabanggit na fraternity ay sinabi ng biktima sa mga kasamahan niya sa fraternity na nahihirapan ito sa paghinga, at doon na napagpasyahan nila Bartolome at Bandalan na dalhin ito sa ospital. Inaresto naman kaagad si Bartolome at Bandalan mismo sa Ospital. Ayon kay Inspektor Rolando Mapile ng Silang Police Investigation ay pinaghahanap pa nila ang labing-isa pang miyembro ng Tau Gamma Phi na sangkot sa naganap na hazing.

SISID Ang kanilang modusoperandi, babagsakan ka ng manlolokong ahente ng marami nilang produkto. Balut-balot na ito kapag ito ay binagsak sa kliyente, at sasabihing kung ilang kilo ang bawat balot ng produkto. Sa tamis ng produkto at sa tamis ng dila nitong ahente mahihikayat ka talaga nito. Walang ibang basehan ng kilo-kilong sinasabi ng ahente maliban sa kanyang matamis na dila. Matapos ang transaksyon, kailangan mong bayaran ng kabuuan ng iyong nakuha kapalit ng libreng paggamit ng cooler at refrigerator. Habang tumatagal ang sinasabing pangako ay tuluyan ng naglaho. Hindi na magpapakita ang manlolokong ahente sa kanilang nalokong kli-

MULA SA PAHINA 4 yente. Maaaring walang alam ang kumpanya ng Arbee’s Meat Product sa kalokohan ng kanilang mga ahente. Kaya kailangan nating maparating ang kalokohang ito sa kumpanyang pinanggalingan ng produkto at sa

lahat ng mga Caviteño. Sa kumpanyang Arbee’s Meat Product, marami na ang nagrereklamo dahil kulang diumano ang timbang ng bawat produkto ninyo. Aksyon na, pronto! Sa mga ahenteng manloloko, humanda kayo – alam na ang karakas ng pagmumukha ninyo.

Sa lahat ng walang magawa kundi ang manloko sa kapwa namin Caviteño, ang Responde Cavite ang hahatol sa inyo. Anak ng buwitreng unyango kayo, ang dami ninyong lolokohin kami pang mga Caviteño. Sipain ko kaya kayo ng kalyu-kalyo kong paa? Buwisit......

Ang pasugalan na pula’t puti at drop card sa loob ng peryahan ng Lunsod ng Cavite na nakuhanan ng Responde Cavite lens sa kanilang aktuwal na operasyon sa kabila na maraming mga batang paslit ang nasa loob ng nasabing peryahan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.