Responde Cavite September 12, '09 Isyu No. 2

Page 1

CMYK


2

AUGUST 24 - 30, 2009

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

Bangkay ng senglot, natagpuan sa Kawit KAWIT, CAVITE – Isang lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Banalo ng makita ng isang basurero habang nangangalakal. Kinilala ang bangkay na si Aurello Teña y Gallano; 47 taong gulang; residente ng 990 Talaba 1, Bacoor Cavite. Ayon sa ipinadalang report ni PO1 Plaridel O.

Daprosa Jr; imbestigador; kay P/Insp. Mamerto Malubay; Chief of Police ng Kawit Station; Noong Sept. 10, 2009 sa ganap na alas 8:30 ng umaga na may natanggap sila, tawag mula

sa isang nagpakilalang si Michael dela Cruz na isang basurero. Base sa salaysay ni dela Cruz, habang siya ay nangangalakal sa ilog ng Banalo ay may nakita si-

Sa umano’y pagbubukas ng gate ng NIA sa Prinza…

yang lulutang-lutang na bangkay na inakala niyang isang basura lamang. Ngunit ng kanya itong siyasatin ay laking gulat niya ng makita niyang isang lumulobong bangkay pala ang kanyang nakita na nakasuot ng tshirt at short na puti, kayumanggi ang kulay, may kalakihan ang pangangatawan, at may taas na 5’4.

Kaya naman mabilis niyang ipinagbigay alam ito sa kapulisan upang ipabatid ang pangyayari. Sa isinagawang imbestigasyon ng Cavite SOCO Team sa pangunguna ni PS1 Oliver B. Dechitan walang nakitang anumang bakas ng pamamaslang sa katawan ni Teña. Sa pagtatanung-tanong, huling nakita noong

Sept. 8, 2009 ang biktima sa tapat ng SM Bacoor sa may 7-11 na nag-iinom at umihi sa tabi ng ilog habang kalakasan ng ulan na posibleng nahulog sa ilog at inanod ng malakas na agos. Nakilala ang bangkay sa nakuhang lisensya sa kanyang suot na short. Kaya naman ipinagbigay alam kaagad ito ng kapulisan sa pamilya ng biktima.

Maling impormasyon, nagdulot ng takot at pangamba sa Cavite NAGHATID ng takot at pangamba sa Caviteño partikular sa mga residenteng Rosario at Noveleta ang kumalat na text scare na umano’y magpapakawala ng tubig ang National Irrigation Authority sa Prinza, Malabon. Ayon sa naka panayam ng Responde Cavite kay Rosario Mayor Nonong Ricafrente, “Walang gate ang Prinza kaya walang Dam na bubuksan upang magpapakawala ng tubig. Hindi dapat mabahala ang mamamayan pagkat ito ay bineripika na natin sa

provincial engineer ng Cavite.” Gayun din ang naging tugon ni Nadia de la Cruz ng Provincial Disaster Coordinating Council. “Walang gate ang Prinza side ng NIA. Kung sakali mang umapaw ang tubig, dahil ito sa natural na volume ng ulan at hindi dahil sa nagbukas ng gate ang NIA.” “Pero pinapaalalahanan pa rin ang mamamayan na mag-ingat sa ganitong panahon ng kalamidad. Tama po na lagi ta-

yong magtanong at kumalap ng sapat na impormasyon para sa kaligtasan ng ating pamilya. Maging mapanuri rin tayo at baka lalo pa nating ikapahamak ang paniniwala sa sabi-sabi.” Matatandaang lumubog ang malaking bahagi ng Rosario, Novelata at Malabon noong nagdaang bagyong Milenyo (Setyembre 2006), kung saan maraming buhay at ari-arian ang tinangay ng baha na lumagpas sa mga kabahayan. SID SAMANIEGO

Airgym Fitness Center Cavite City Branch We’re open to serve you If you want to feel healthy and fit come and visit us at 2nd floor of 7 Days Pawnshop Dra. Salamanca Road San Antonio Cavite City WE OFFER WEIGHT TRAINING PROGRAM FOR: 1. Body Building 7. Body Toning 2. Advance Body Building 8. Body Shapping 3. Lose Weight 9. Taebo / Aerbo 4. Gain Weight 10. Karate 5. Power & Bulk Routine 11. Ballroom 6. Exercise for Sports Improvement MONDAY TO SUNDAY (8:00 am – 9:00 pm) For more inquiry pls. look or call: Ms. Chai S. Burgos / Melchor / James Tel. Nos. (046) 431-0515 / (046) 438-2226

SENGLOT SA ILOG- Ang natagpuang bangkay ni Aurello G. Teña sa ilog ng Banalo, Kawit Cavite. Kuha ni SID SAMANIEGO MUSIKA AT BALITANG PAMBATA IANA T. FAMY – Pres. Supreme Pupil Gov. Div. Level 91.9 BOMB FM Every Sunday 6:00pm – 7:00pm NATURE OF THE SHOW: With the station’s aim of airing balance programs, we are coming up with a show from students (Primary level). It aims to develop students skills in writing news and journalism. And also to make them informed and aware of what’s happening in our community today. It is also promotes camaraderie among elementary school leaders who would be joining IANA FAMY week after week in the question’s to be participated in by the students listener. There would also be a “letter sender” portion and a “kiddy singing contest” in the show. The music we would be playing would be the likes of Ms. Lea Salonga. HOST PROFILE: *Consistent SPED (Fast Learner) Student from Grade 1 to 6 *Candidate for Valedictorian, MRES *MATHRATHON Champion, 2005 *Modelong Ginto Quiz Bee Champion, 2007 *Math Challenge Champion, 2007 *MATHRATHON Champion, 2008 *National Gold Medalist, Kumon Phils. *Nutri Quiz Bee Champion, 2009 *President, Supreme Pupils Government, Div. Level (SPG) *Read-A-Loud, English Champion Division Level 2003-2004 *MATHRATHON Regional Champion 2004-2005, Tanza Cavite *MATHRATHON Champion Division Level 2007-2008 *MATHRATHON 1st Place Regional Competition 2007-2008 Sto. Tomas Batangas *MTAP Champion Division Level 2007-2008 *MATHALINO Champion Division Level 2008-2009


9002 ,03 - 42 TSUGUA

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

TRIPLE R

PR SPECIALIST For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209

3


4

AUGUST 24 - 30, 2009

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

Salamat sa pagpapasikat sa amin CAVITE-- Kasimbilis ng sunog na kumalat ang bali-balita sa unang isyu ng Responde Cavite, pinag-uusapan ito sa lahat ng sulok. Napalis ang bagsik ng bagyong si Labuyo sa lakas ng arrive. Excited ang lahat. Pati mga ahente, newstand at newsboy ay walang tigil sa amin ng kakatanong kung kailan lalabas ang unang isyu. Okey pati sa mga madlang Caviteño, halos mabali ang mga leeg sa paglingon sa aming mga naka-display na pabalat ng unang isyu. Inaalala nga namin na baka magkabanggaan, lalo na ng mga sasakyan. Sinabotahe pa nga ng mga walang magawa, nais sirain ang aming magandang simula. E, kaso hindi sila nagtagumpay. Bagkus ay lalo pang inabangan ang aming unang isyu. *** Pero siyempre, may kasabihan ngang “you cannot please everybody? Mayroon ding mga hindi natutuwa. May mga nagsabi pa nga na bakit daw kailangan may motorcade pa. Bakit daw nagsabit at naglagay pa ng kung anu-ano. Maraming balita din ang kumalat. Una ay si Vice Mayor Dino Chua daw ang financier ng aming pahayagan. Sumunod na araw, may bagong tsika na naman. Sina Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente, Oca Sabater at Jasmin Fernandez daw naman ang aming mga financier. Ha, ha, ha! Kung pagbabasehan ang balita, mukhang natatanging anak ng Diyos ang Responde Cavite-- ang daming financier, e. Obvious na ang gusto ng ilan nating detractors ay sirain ang kredibilidad ng ating pahayagan pati na ang mga taong nasa likod nito. Pero obvious din na hindi sila nagtagumpay! Lalo pang sumikat at pinag-usapan ang bagong pahayagang kinahuhumalingan ngayon ng mga Caviteño. Daig pa namin ang pulitikong tumatakbo sa kung anumang posisyon na mas una pang inintriga. Sabi nga, kapag daw hitik sa bunga ang isang puno ay binabato. Sa kaso ng Responde Cavite, na bagong hasik pa nga lang, pero masasabing maagang namunga, maaaring may katwiran na nga silang batuhin. Pero, hindi rin naman nila kasi masisisi kung pagkalumpunan kami ng mga totoo at dekalibreng manunulat. Totoo at dekalibre in a sense na mga multiawarded at duly recognize ng iba’t ibang samahan ng mga manunulat at mamamahayag. Pero may isang salita akong iiwan sa inyo! Brrrrrrtttt!!! Behhh, inggit lang kayo!

Mga Haw Shaw sa Cavite City NOONG araw, kapag gusto mo ng masarap na kainan, pumunta ka sa Cavite City. Sine? Cavite City. Mga batikan at iginagalang na statesman, intelektwal, pilosopo at politiko? Makipag-usap sa taga-Cavite City. Mga manunulat at mamahayag? Ah, taga-Cavite City sila. Ilang dekadang tiningala ng buong lalawigan ng Cavite bilang sentro ng kapangyarihang politikal at pang-ekonomiya ang Ciudad Cavite. Naging duyan din ng sining at pilosopiya ang nasabing lunsod. De kalibre, de kalidad at may dignidad ang taga-Cavite City. Noon yun. Kamakailan, nang piratahin ang dyaryo natin, nakakahiya mang aminin, parang binaboy ng mga tastarudong ito ang dakilang pamana ng ating mga ninuno. “Mga Trapo ng Cavite?” Ibig sabihin, inihihiwalay ng nagpakalat ng piniratang dyaryo ang kanyang sarili kina

Oca Sabater, makakatakbo ba? MAY paghahambing ang kandidatura nina Joseph “Erap” Estrada at ni Oca Sabater sa nalalapit na halalan. Hindi kaila sa lahat na sila ay kapwa nahatulan ng hukuman ng mabigat na parusa na ginawang habang-buhay na pagkabilanggo, bagamat may pagkakaiba ang dahilan ng kanilang pagkakapiit sa bilangguan at ang mga pangyayari matapos ng pagbasa ng hatol ng husgado. Kay Erap ay kaagad may kasunod na pagpapatawad ng Pangulo ng Pilipinas (Presidential pardon), kay Oca, ay pagbuno ng buong parusa sa bilangguan. Ang “pardon” na iginawad kay Erap ay “absolute” na ang ibig sabihin ay walang kahalong kondisyon o pasubali sa pagbaba ng kapatawaran. Taliwas sa “conditional pardon”, na kinakailangang sumunod sa pinaiiral ng pagpapatawad. At kung bumali o hindi sumunod sa mga kondisyon ay maaaring bawiin ang “pardon”. Sa “absolute”, ibabalik sa kanya ang lahat ng karapatang sibil at politikal, kasama rito ang bumoto at maiboto. Ang katayuan naman ni Sabater ay iba. Ayon sa asuntong PP vs Jacinto Reyes y. Ramirez and Oca Sabater G.R. no. L-41537. Feb 24, 1981, kinumpirma ng “Supreme Court” ang gawad sa hatol ng mababang hukuman sa mga akusado. Kung babasahin sa dating batas na ang mga nahatulan o nabilanggo “by final judgement for subversion, insurrection, rebellion, or any offense for which he has been sentenced to a penalty of more than 18 months or for a crime involving moral turpitude, shall be DISQUALIFIED to be a candidate or to hold any office unless he has been given plenary pardon or granted amnesty.” The disqualifications herein provided shall be deemed removed upon x x x x x or after the expiration of a period of five years of his service of sentence.

nadia dela cruz 2nd district coordinator

wilfedo generaga circulation manager

melvin ros digital media director

efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relation consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 527-0092.

Ayon sa Supreme Court, section 40 ng RA 7160 at hindi ang BP 881 ang siyang nararapat ipatupad na batas. Sa kadahilanang hindi lang ito ang huling isinabatas kundi ito ay mismong nagsasaad ng “local officials” o pamunuang lokal. Na hindi tulad ng pagbanggit sa isang batas (DP 881) na ang sinasakop ang paghalal sa lahat ng pamunuan sa bayan. Ito ay ayon sa naunang “ruling” ng COMELEC sa nabanggit na asunto. Ngunit ang nasabing “ruling” ay isinantabi ng “Supreme Court” ng idineklara nito na ang RA 7160 ang dapat na pairalin, (David vs COMELEC). Dagdag pa ng Kataastaasang Hukuman na hindi na kailangan pang ang asuntong kinasasangkutan ay “involving moral turpitude”, sapagkat ito ay nasusugan na ng nasabing huling batas. Ang katanungan na lamang ay kung lumipas na ang panahong itinakda ng batas upang ang akusado ay maaaring muling kumandidato.Sec. 40 Disqualification xxxxx (a) Those sentenced by final judgement for an offense involving moral turpitude or for an offense punishable by one (1) year or more of imprisonment within (2) years after serving sentence. At si Oca ay mahigit nang dalawang taong nabubuhay ng malaya. Kaya’t ayon sa batas na sinusunod sa kasalukuyan at walang bagong batas na pinaiiral ang “Supreme Court”, si Oca Sabater ay WALANG BALAKID upang maghain ng kanyang kandidatura bilang alkalde ng lunsod ng Cavite sa darating na halalan.

AYA” sa gitna ng kalsada UW “B UWA “BUW

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief of reporters rex del rosario 3rd district coordinator

Romeo Ramos, Resty Enriquez, Timoteo Encarnacion at Oscar Sabater, isama na rin sina Dino Chua at Jasmin Gilera… gusto nyang sabihin mas angat sya sa mga taong ito. E, palkups naman pala ang taong ito. Hindi ba’t mas Trapo ang nagsasabing Trapo sa isang politiko? Kadalasan, ang nagmamalinis, ang syang pinakamarungis. Haw Shaw. Wag lang magkapera, wag lang magkaroon ng ilang tsutsuwariwap… politiko na. Wag lang malapitan at mahingian ng kaunting pabor… nag-aasta nang lider. Haw Shaw. Dumarami sila sa Cavite City. Mahuhusay magbigay ng opinion at kuro-kuro sa kung anu-ano (lalo na sa larangan ng politika) at kung saan-saan (lalo na kung paano manalo) kahit na sa totoong mundo, ni hindi sila nakikita o naririnig. Ni hindi nga pinapansin ng anumang pambansang partidong politikal o pambansang personalidad ang mga haw shaw na ito. Pero kung makaasta at makapapel sa Cavite City… naku po… nuno ng dunong. Sundan sa pahina 14

SA pag-uumpisa ng ating pahayagan, dinagsa tayo ng sumbong ng mga driver at operator ng pampublikong saksakyan ng bumibiyahe patungong SM Bacoor at Zapote. Iba’t ibang hinaing at reaksyon ang ating nasaksihan ng makapanayam ang mga driver na ito. Kung sa pag-aakala mong sa gubat at Zoo mo lang makikita ang mga “Buwaya” nagkakamali ka. Dahil dito pa lang sa tapat ng SM Bacoor ay makikita mo na sila, kumakain ng barya-baryang pera na kinutkot sa pagod at pawisang tsuper. Lantaran daw ang panghihingi ng mga magigiting na alagad ng lansangan sa ating mga tsuper, na halos wala ng kitahin sa araw-araw nilang pamamasada. Dahil sa garapalang pangongolekta ng barya-baryang pera, lalo na sa mga sasakyang kung tawagin ay SIBAT pero kumukuha ng pasahero sa kanilang hawak na teritoryo.Kaya madalas ay nagkukulang pa ang kanilang pang-Boundary sa kanilang amo. Sa mga traffic enforcer diyan sa SM Bacoor, basahin ninyo ito: “ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA NINYO!” Kahit

batuhin ng DURYAN ang mga pagmumukha ninyo, di iyan mabubutas dahil sa TIGAS at ESPALTONG klase ng mukha ninyo, pero siguradong mangangamoy ang bahong itinatago ninyo. Para mapuksa ang mga “BUWAYANG” ito ang panawagan natin sa Bacoor Traffic Management Office Head Mr. Rodel Rosario, sir aksyon pronto! *** *** *** Video Karera at Fruit Games nagkalat sa bayan ng Kawit Isang alyas “Edward” daw ang humahawak ng mga video karera at fruit games sa bayan ng Kawit, Cavite. Ang nakapagtataka halos kalapit-bahay lang ito ng Police Station at munisipyo ang lungga ng Edward na ito. Parang walang nakikita? O baka naman kusang ipinipikit ni P/Insp. Mamerto Osea Malubay ang kanyang dalawang mata? Sir bangon na, mukhang tinatanghali ka na ng gising at di mo na nalalaman ang nangyayari sa paligid mo? Sir trabaho lang po, walang personalan! *** *** *** Marami pong salamat sa mga lahat ng bumubuo ng Cavite City Vikings, Cavite Pirates, PHMI, Racoda, Lady Bikers, Primo, Brgy. 7 ni Kag. Cris Trinidad, Gilbert Potante, E-Mar Prod’n, na naging bahagi ng aming programa. Mga sir/mam saludo po kami sa inyong lahat.


9002 ,03 - 42 TSUGUA

The Cavite Geriatric Center IT is the joint mandate of Republic Act no. 7432 of 1992, as amended by Republic Act no.7876 of 1995, and the Local Government code of 1991 for the devolution of major authority and responsibility the Local Government Unit (LGUs) in the creation of senior citizen’s centers and provision of integrated social and medical services to older persons. In recognition of and pursuant to the aforementioned directive, the Sangguniang Panlalawigan ng Cavite enacted on Jan. 21, 2002 Resolution no.032-5-2002 which authorizes the provincial governor to establish the Cavite geriatric center. Subsequently, the governor issued on Sept. 5, 2002 executive order no.20 providing for the establishment of the Cavite geriatric center, an office under the provincial department of social welfare and development. As contain in the premises, the center is envisioned to serve as a haven for the senior citizen of Cavite where they will receive high quality but low cost geriatric care. However, more than this specialized approach to combat elderly illness, the dormitory-type center will provide a comprehensive package of health, recreation educational, cultural and spiritual programs to make senior citizens feel and experience independence rather than reliance on others, hope than helplessness participation than abandonment and love, self–fullment and dignity during the twilight of their lives.The center undoubtedly, could serve as a model for the senior citizens center in the twenty-three LGUs of Cavite. While located in the municipality of Indang, it could extend outpatient services to the federation of senior citizens associations in the other municipalities and cities. Bigyan natin ng balik-tanaw ang maikling kasaysayan ng Geriatric Center. Matapos na makabili ng kaputol na lupa, maisa-ayos at mabakuran ang lote, makapagsimulang magtayo ng gusali at makapaglaan ng pondong kapupunan. Upang matapos ang pagawain, bigla nalamang nahinto ang proyektong ito. Ano nga ba ang nangyari sa center na ibinandilang priority project ng Provincial Administration? Hindi pa malinaw ang mga kadahilanan ng pagkakauntal o pagkakabinbin. Sa loob ng apat na taon kung kasalanan man ang nangyari, kanino kaya ito maipapataw? Sa ngayon ay mistulang “jungle” ang lugar ng center na posibleng pamugaran ng mga makamandag na ahas, ang gusaling hindi pa tapos ay kinakailangan ng kumpunihin, salamat sa pagbabantay ng isang pamilyang naninirahan dito sa kapahintulutan daw ng isang opisyal ng pamahalaan. It is not too late, yet. It is not the objective of this corner to blame or to cast aspersion to personages on whose capable hands rest the final destiny of Cavite geriatric center. We can only remind softly and humbly that a beautiful dream emanating from a UN Declaration, the Philippines Constitution, laws, resolutions and executive order “ay manatiling makabitin sa balintataw”. Kultura ng Pinoy na karamihan sa mga matatanda ay namumuhay kasama ng kanilang mga anak. Datapwa’t sa pag-inog ng panahon, isa na ngayong realidad na mainam ang mga magulang ng mga anak na lumilikas sa mga kabayanan at syudad at mamuhay na tuloy ng nagisa sa dating tirahan. Nangunguna ang “religious sector” sa paglingap sa mga matatandang alagad ng simbahan na tapos sa kanilang paglilingkod. Tampok ang pagtatayo ng mga tahanan ng katulad ng kadiwa sa pagkapari ng Antipolo City, San Vicente De Paul Home for the Aged ng Panay Island at ang itinatag ng Daugthers of Charity sa Lahug Cebu at Bacolod, Negros Occidental. Sa ating lalawigan, may mga ilan na ring institusyon na kumakalinga sa ating mga nakakatandang mamamayan. Halimbawa, ang Augustinian Recoletos Sister’s. Sa tulong ng isang Chairman Foundation ay nagtayo ng mga gusaling tirahan, pulungan chapel, lutuan at kainan. Hospital at Recreation Center para sa kanilang retiradong kasambahay at klinika naman sa mga di nila kasamahan sa paligid ay may mga hardin ng bulaklak at gulay, ubasan, at taniman ng mga prutas na pagkaka-abalahan ng mga kapatid nilang may kakayahan pang kumilos at gumawa. (Sundan sa P. 12)

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

5

Matutong mag-organisa HABANG naghihintay ng pagbabago (kung suswertihen tayo sa eleksyon 2010), ano ang dapat gawin ng taumbayan? MAG-ORGANISA. Kung kayo’y street vendors, halimbawa, paano ninyo mapoprotektahan ang inyong interes? Sabihin nang may okupado na kayong pwesto sa ating mga lansangan, papayag ba kayong matabihan ng isa pang ang ipinagbibili ay produktong tulad ng ibinebenta ninyo? Siyempre hindi. Paano nga kung kayo’y tabihan at maramdaman ninyong humihina ang inyong benta dahil may kakumpetensya na kayo? Aawayin ba ninyo ang vendor na iyon? Mag-ingat kayo. Matatalo kayo sa away, lalo’t mauwi iyon sa karahasan. Hindi inyo ang pwesto n’yo sa lansangan. Para iyon sa lahat. Basta’t pinapayagan ng inyong barangay o ng munisipyo, pwedeng mag-vendor ang taong iyon sa tabi ng pwesto n’yo. Pero alam n’yong ang kahulugan niyon, mababawasan ang kita ninyo, kakapusin ng gastos ang inyong pamilya at maaari pang magkautang-utang kayo. Lalo na kung five-six ang puhunan ninyo na inuutang lang sa Bumbay. Ano ang dapat gawin? MAG-ORGANISA. Ayain ang kapwa ninyo vendor sa abot ng inyong tingin mula sa pwesto n’yo na MAGKAISA, magkaroon ng mga opisyales, mag-usap at magkasundo tungkol sa mga regulasyon sa inyong pagtitinda. Ano ang BENTAHE nito? Maiiwasan ang di pagkakaintindihan na takaw-away. Pansinin na madaling maginit ang ulo natin kapag hindi nagkaliwanagan agad. Ano mang sigalot, lalo’t hindi makaya ng dalawang hindi nagkakaintindihan, ay may mamamagitan na samahan kung kayo’y organisado. Magiging malaki ang tsansa n’yo na kumita nang malaki. Bakit? Kung kayo’y isang samahan, maaaring LANSAHAN ang pagbagsak sa inyo ng mga produktong inyong ibebenta. At MURA ang pagbili nang maramihan

kaysa kayo ay isa-isang pumunta sa palengke, maagang gumising at makipagtawaran sa binibilhan n’yo. Magkakaroon pa tayo ng mabuting relasyon sa mga BIYAHERONG nagbabagsak sa inyo ng kanilang mga produkto. At ang mabuting relasyon ay nauuwi sa “swerte” at “makaibigang” paghahanapbuhay. Ang lansakang pamimili ng samahan ninyo ay magagawa rin sa pag-utang. IISA o ILAN lamang ang uutangan ng inyong grupo at magreresulta iyon sa mababang interes. Kung ORGANISADO kayo sa pag-utang, pagbebenta at pagbabayad ng inyong obligasyon, magiging “paraan” na iyon ng inyong paghahanapbuhay. Maraming posibilidad na mangyayari. Halimbawa’y mapalalawak ninyo ang pagbe-vendor ninyo. May mga “socially-oriented” na negosyanteng handang tumulong sa inyo. Maaari silang magbigay sa inyo ng mga seminar para maging “diversified o iba-iba” ang inyong pagbebenta at may mga istratehiya kayong matututuhan para kayo ay makakilala ng tamang daan patungo sa lalong progresibong hanapbuhay. Ginagawa na ito sa ibang mga lugar. Sa halip na tumunganga’t umasa sa “biyaya” ng eleksyon, kayo ang mag-umpisa ng pagbabago. Baguhin ang inyong sarili sa pamamagitan ng pagkilos. Turuan ang inyong sarili. Lagyan ng “gasolina” ang motor ng inyong pagkatao. Maging maparaan kayo. At magiging modelo kayo sa komunidad at makahahawa pa sa iba para magmasipag. Isang simpleng halimbawa lang ito ng pag-oorganisa na hindi naman mahirap gawin. (Susunod: Pag-oorganisa at Komunidad)

Inspirasyon, dala ng ‘Rated K’ Ako mismo! Di ko akalain na mapabilang ako sa mga nabigyan ng pagkakataon na maisama sa isang bahagi ng Rated K, Channel 2 at Ms. Korina Sanchez pa. Nakakagulat pa ang titulo ng episode noong Agosto 16 “And the winner is…” Feeling ko talaga, winner ako! Sabi ko pa nga, para na rin akong naparangalan sa ginawa ng Rated K. Imagine, napanood pala ako di lang sa bayan ng Salinas, di lang sa bansang Pilipinas, kundi buong mundo pa. That’s very touching and suprising! Plugging pa lang sa TV bago pa lang talaga ipalabas, nabigyan na ng “Hent” na kasama ako sa ipi-feature sa nasabing programa. Halos lahat ng nakakakilala sa akin ay nagtext, tumawag, at ini-inform ako sa kanilang nakita at nabalitaan. Kaysarap ng pakiramdam! Pati mga bata, magaaral na aking tinuturuan sa katesismo, kapitbahay, at kahit di ko kilala ay binabati ako. At noong mismong araw nang ito’y naipalabas, marami ang natuwa at halu-halong emosyon ang ipinapadama sa akin dahil sa naging “dating” at paraan ng palabas ukol sa akin. Iisa ang nababanggit: “Napaka-sincere ko daw, at dakila ang aking hangarin sa pagtulong sa mga bata!” Muli ay napaiyak ako sa sobrang tuwa sa pagtanggap sa kanilang napanood tungkol sa gawaing pagtuturo. Nagsimula ang pagtext, pagtawag, at pagbisita sa akin upang ipaalam ang kanilang suporta at tulong. Di ko na sila iisa-isahin, sa susunod po ng aking pagbabalita, inyo na pong mapapag-alaman ang mga buong pusong tumutulong sa aking nais para sa mga bata. Nauunawaan nila ang aking hangad. Tinanggap ang aking layunin at pagkatao sa paggawa nito. Di ko po ikinakahiya ang aking ginagawa para sa mga nagnanais na matuto. Sa halip, akin itong ipinagmamalaki at gustong ipagsigawan sa lahat. Kahit ano pa ang sabihin ng ilan, tuloy pa rin ang aking serbisyo para sa lahat ng nangangailangang mag-aaral upang maiangat nila ang antas ng kanilang pamumuhay. Naniniwala man o hindi, may duda man o walang bahid na paghanga, tumaas man ang kilay o sumaludo, lahat sila ay bahagi ng tagumpay ng isang malinis na hangarin para sa bayan. Alam kong mananatili ito sa

puso’t isip ng bawat tao higit sa aking mga estudyante na itinuturing nila akong isang inspirasyon. Salamat sa pagtitiwala! Alay ko ito sa Poong Maykapal na Siyang gabay ko sa aking buhay! Naging matatag ako, naghintay, at gumawa ng walang hinahanap na kapalit sa kapwa. Basta ang alam ko masaya at bukal sa aking kalooban ang gawaing ito. Itutuloy ko pa rin ang laban sa “kamangmangan”. Itataas ko pa rin ang antas ng kamulatan at karunungan ng mga bata! Isusulong ko pa rin ang pagkatuto at pagaaral para sa lahat. “Ang maging marunong at may pinag-aralan tiyak ang pupuntahan.” Para sa mga taong di nagsasawa at patuloy na naniniwala sa akin bilang tao, bilang guro, at bilang mamamayan ng Rosario, nandito lang ako palagi. Sakay ng aking pedicab – dala ay ang mga aklat, papel, lapis, at kabutihang-asal. Patuloy ko pa ring susuyurin ang buong bayan para ipalaganap ang “GMRC”, reading, writing, at arithmetic. Wika nga: “Back to basics”. Paninindigan ko pa rin ang pagiging “Pedicab Teacher”. Sa mga batang naniniwala sa akin, kay Rey, Len, Vicky, at Ms. Korina Sanchez at sa lahat ng bumubuo ng Rated K ng ABS-CBN channel 2, buong kagalakan po akong nagpapasalamat sa inyong pagtitiwala. Naging makulay at makabuluhan ang aking buhay sa pamamagitan ng inspirasyong dala ng Rated K. Nagbago nang tuluyan ang takbo ng aking buhay sa pangyayaring ito. Tunay na ginabayan ako ng Disyos sa lahat ng aking ginagawa. Ang mga ‘apportunities’ na inihain sa akin ay isang biyaya, regalo at milagro. Totoong kapag ikaw ay tapat sa iyong paglilingkod sa tao, bayan at sa Diyos, tiyak na ang panalo mo sa mata ng Diyos at ang gantimpala ay ipagkakaloob sa iyo ng buong-buo. Remember, someday, we’ll forget the hurt, the reason we cried and who coused us pain, we will finally realize that the secret of being free is not revenge, but letting things unfold in this own way and own time. Afterall, what matters is not the first but the last chapter of our life which shows how well we ran the race. So smile, laugh, forgive believe and love over and over again. Keep dreaming! Keep on keeping on! *** Good Morning, Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kayganda at Bagong Pag-asa. Edukasyon…kahit saan…kahit kailan…katuwang sa karunungan at kaunlaran.


6

AUGUST 24 - 30, 2009

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

PAGLULUNSAD NG RESPONDE CAVITE, TAGUMPAY CASA, HACIENDA TEJEROS CONVENTION, Rosario – “Kung ganito ang mga taong nasa likod ng isang pahayagan, hindi ito maaaring hindi maging tunay na boses ng mamamayan.” Ito ang naging pahayag ni Mayor Nonong Ricafrente sa idinaos na Launching ng Responde Cavite noong Sabado Sept 5, , ang pinakabagong tabloid pam-

probinsya ng Cavite. Panauhing tagapagsalita sina Ms. Lani MercadoRevilla at Mayor Nonong Ricafrente na kapwa naging mapagpasalamat sa pagkakatatag ng risonable’t responsableng pahayagan sa lalawigan. Umaasa si Revilla na kakatawanin ng Responde Cavite ang pagiging ikaapat na Estado (Fourth State) ng pahayagan. “Isabuhay nating

lahat ang pinakamataas na antas ng propesyunalismo at pinakamalalim na malasakit sa kapakanan ng ating bayan… ng ating lalawigan… na pare-pareho nating mahal.” ani Revilla. Ikinatutuwa naman ng alkalde ang pagiging respetado’t propesyunal ng mga nasa likod ng pahayagan na aniya’y magmumulat at huhubog sa kamalayan ng mamba-

basang Kabitenyo. Dumalo rin sa paglulunsad sina Provincial Sec. Jose De Castro, Ruben Quinto na Tourism Officer at executive Assistant ng Rosario, at Jerry Gracio na National Book Awardee. Nagpaabot din ng pagbati at bulaklak si Sen. Manny Villar. Binuhay naman ni Joel Costa Malabanan ang dugong makabayan ng mga dumalo sa pamamagitan

ng kanyang mga awit, at kinilig ang mga kababaihan sa alternatibong rock ni Ferdinand Jarin na isa ring manunulat at Palanca Awardee. Nakibahagi rin sa motorcade ang mga Bikers Association gaya ng Cavite City Viking, Cavite Pirates, Lady Bikers, Police Hotline Movement Inc., PRIMO, Brgy 7 na pinamunuan ni Kag. Cris Trinidad at Brgy

56 sa pamumuno ni Kag. Jimmy Adaya at Mark Hernandez. Ang Responde Cavite ay binubuo ng mga indibibwal na respetado’t kinikilala sa larangan ng pamamahayag. Matatandaang bago pa inilunsad ang pahayagan ay pinarata na ito at tinangkang isabotahe ng ilang di pa nakikilalang salarin.


9002 ,03 - 42 TSUGUA

1. Ang grupo ng NGO sa katatapos na motorcade 2. Police Hotline Movement Inc. 3. Cavite City Vikings 4. RACODA 5. Cavite Pirates 6.Ang Magarang ayos ng programa 7. E-MAR Production 8. Sandaling Panalangin 9. Cavite Lady Bi-

kers 10. Ang Multicab ng Brgy. 7 kasama si Kag. Cris Trinidad habang papasok sa Casa Hacienda sa katatapos na Motorcade 11. Ang masayang kainan ng ibat-ibang bisitang Print Media sa pangunguna ni Ms. Tess Leonillo ng Operation Expose. 12. Mula sa ikalawang palapag ng Casa. 13. Ang publisher/Edi-

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

tor-in-Chief habang masayang sinalubong si Mayor Nonong Ricafrente. 14. Nagkakatuwaan ang tatlong bata na ito na nahumaling basahin ang pahayagang Responde Cavite 15. Si Prof. Joel Malabanan habang kinakanta ang sarili niyang komposisyong “Napagtripan Lang” 16. Si Prof. Ferdinand Jarin, Palanca Awardee na nagpaunlak umawit ng

sarili niyang komposisyong “ Pahayagan” 17. Ang Cavite Young Writers President na si Ronald Verso na nagbigay ng inspirasyong pananalita 18. Ang panauhing pandangal na si Ms. Lani Mercado habang papasok sa loob ng Casa Hacienda. 19. Ang masayang kainan ng Responde Cavite 20. Masayang nagpa-

kuha ng larawan si Ms Lani Mercado at si Daniel Generaga, Videographer ng AAB Digital Video Production 21. Natatanging ina ng Cavite 22. Si Mayor Nonong Ricafrente habang nagbibigay ng inspirasyong pananalita 23. Si Ms. Lani Mercado na masayang nagtalumpati at nagbigay parangal sa lahat ng bumubuo ng pahayagang

7

Responde Cavite 24. Si Eros S. AtaliaPublisher/ Editor-inChief habang nagpapakilala sa mga bisita kung paano nabuo ang Responde Cavite 25. Ang bumubuo ng Responde Cavite 26. Ang paghahawi ng tabing na pinangunahan ni Ms. Lani Mercado, Mayor Nonong Ricafrente ng Rosario, Cavite at Eros Atalia, Editor-in-Chief / publisher.


10

AUGUST 24 - 30, 2009

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

HINDI ko masisisi na mag-alala sa akin ang aking mga magulang dahil alam nila ang mga nangyayari sa mga katulad kong nalilinya sa progresibo at makabayang manunulat o mamamahayag sa kasalukuyang panahon na minsan ay may kakambal na panganib sa buhay at kapag minalas pa ay nababawian ng buhay. Ngunit alam nilang ako ay nasa hustong gulang na at may kakayanang magpasya para sa aking sarili at naisin sa buhay datapwat patuloy ang lagi nilang payo at paalala na mag-ingat palagi, maging responsable sa lahat ng aking susulatin o gagawin at huwag kalilimutang tumawag sa Diyos ng Kasaysayan. Kaisa ako sa pagkundena sa lahat ng anyo at porma ng paglapastangan sa mga karapatan ng mamamayan at maging sa pagkitil sa buhay ng ilang mga progresibo at makabayang manunulat, mamamahayag at aktibista ng kasalukuyang gobyernong ito. Marami ang nagbubuwis ng buhay dahil sa paglaban sa katiwalian at pagsisiwalat ng katotohanan. Matagal pa ang itatakbo ng digma at kapag dumating na ang panahon ng pagpula ng silangan ay hudyat na ito ng katapusan ng mga tiwali at kurakot, ng mga mapagsamantala at mandaraya, ng mga ganid at mapangalipin at sa panahong iyon na bababa na ang langit sa sangkatauhan ay tinitiyak kong wala ng PULANG TINTA na guguhit sa bawat lansangan mula sa patak ng dugo ng mga manunulat, mamamahayag, aktibista, mandirigma at ng mamamayang handang magbuwis ng buhay para sa tunay at huling pagbabago ng bayan. Sa mga pahayagang aking pinaglingkuran sa mga nakalipas na taon gaya ng The Gazette, Students Chronicle, Movies & Friends, Liwayway at Operation Expose ay lubos kong ipinapaabot sa inyo ang aking pasasalamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin at sa masasayang panahon na ating pinagsamahan na kung hindi dahil sa inyo ay wala pa rin ako sa kalagayan ko

Greetings! Congratulations!!! Iany Famy – Sales Inventory, Champion Jenette Solis – Tie Dye, 1st Place Bernette Joy Causing – Flower Arrangement, 2nd Place 2009 Division Skills Development and Competition for Home EconomicsHeld at Julian Felipe Elem. School September 10, 2009Headed by Mrs. Violeta Francisco EPP Supervisor Greetings coming from: Manuel Rojas Elem. School Parents and Teacher HAPPY 19TH BIRTHDAY Sept. 11, 2009 Chucklyn Alera Familara

“Wish you all the best” From Your Papa Jun and Mama Malou “May the spirit of God’s love be with you on your natal day, Happy Birthday” From your family: Responde Cavite “Evang-eva ka na talaga, mahal kong pamangkin” From your Tita Eva at iba pa

HAPPY 18TH BIRTHDAY Sept. 13, 2009 Catherine “CATZ” Hernandez “Nawa’y lumigaya ka sa iyong kaarawan, dalangin namin ang malusog mong pangangatawan at kalusugan. Manatili nawang maging masaya ang huwaran nating pamilya” Greetings coming from your loving Papa Ricky, Ken2, Ajah

Pulang Tinta (2) ngayon bilang progresibo at makabayang manunulat o mamamahayag. Para naman sa lahat ng mamamayang aabutin ng RESPONDE CAVITE ay iniaalay ko ang bawat akdang aking isusulat sa bago kong pitak na SULONG BAYAN sa pahayagang ito. At para naman sa mga kasamahan ko sa dakilang pahayagang ito ng RESPONDE CAVITE ay maraming salamat sa inyong tiwala sa akin na ako ay mapabilang at mapahanay sa mga hindi basta-basta, pambihira, kilala, mahuhusay at pinagpipitaganang haligi ng kasaysayan ng pagsusulat sa ating bansa.

Maraming salamat, mabuhay & GOD Bless. SULONG BAYAN!!! *** *** *** *** *** Pagbati: Maligayang pagbati ng happy birthday sa aking pamangkin na si BIENCY JOSHUA DEL ROSARIO –FEROLINO ng Brgy. Daine 1, Indang, Cavite. God bless you & I love you. Pakikiramay sa lahat ng naulila, kapamilya at mahal sa buhay ng aking namayapang tito na si OSCAR SARNE –AMBAS, SR. ng Brgy. Poblacion 1, Indang, Cavite. Kakang Oscar salamat at paalam. Sumalangit ka nawa sa piling ng Maykapal.

Panulukang Bato (Ang kaibigan ni Aguinaldo) La Amiga de Aguinaldo. SINASABING namana natin sa mga kastila ang pagiging relihiyoso at pagsamba sa mga larawan at santo, at sa kagustuhan din ng mga kastila na tayo’y maging tapat sa kanila at magbigay ng karampatang buwis, ginawa naman nilang panakot sa atin ang simbahan at ang mga santo sa loob nito. Mayo 3, 1897, tuluyang nasakop ng mga kastila ang bayan ng Naik, Kabite, matapos ng pagsakop na ginawa sa karatig bayan nitong Santa Cruz(Tanza ngayon). Sa simbahan ng Naik naganap ang isa sa mga nagpapatunay na tumataliwas ang mga kawal-kastila sa mga bagay na mahigpit nilang ipinatutupad sa atin, ang paggalang sa mga rebulto at santo. Ayon sa isang kawal-kastila ng Regimiento 73, na nadakip naman ng bandang huli ng mga Pilipinong nagihihimagsik, kakatwa ang ginawang asal ng mga ilang kasamahan nila sa loob ng simbahan ng Naik. “Sa loob ng simbahan sa sandaling iyon at sa harap ng mga Puno(tawag nila sa mga santo), ay wala nang maririnig na hiyawan kundi ang tungayaw, salitang mahahalay at mga sabing dalahira.” kwento ng isang sundalong kastila. Ayon naman sa iba, nasa kampanaryo daw sila ng mga sandaling iyon at namamaril ng mga ilang nakikitang nagtatakbuhan ng makarinig sila ng putukan mula sa loob ng simbahan. Dali-dali silang bumaba sa pagaakalang nasa baba na ang mga naghihimagsik na Pilipino at nakalusot sa paningin nila, pero laking gulat nila

ng makita’y mga kapwa sundalong kastila na binubuhos ang galit sa ilang mga santo at larawan na nasa simbahan. Mula sa saling tagalog ni Carlos Ronquillo. Ani ng isang sundalong kastila sa larawan ni Birheng Marya, “Ha, Ha, Ha! Birheng p(uta)— asawa ng pendehong si San Jose. Ikaw ang tagapagsanggalang ng mga tulisan, eh? Ha, Ha, Ha. Ngayon, oo, magbabayad ka sa amin. Nasaan yaong iyong pinoprotektahan? Ah, tumakas gaya ng mga sungayan (usang lalaki)? Alam mo kung nasaan sila? Maliksing sumasayaw sa mga moteteng inaawit sa simbahan; ngunit hindi sila matagpuan dahilan sa ikaw ay aming bihag,” kasabay ng sunod-sunod na putok ng mauser na umugong sa buong simbahan. Bukod sa larawan ni Birheng Marya, mas lubos nilang pinag-initan ang patron ng Binakayan na pinagmulan ng mga Magdalo ni Aguinaldo, ang santong si San Miguel, at gayundin ang tinamo ng pinagmulan ng pangalang Magdalo na si Maria Magdalena, na pinaulanan din ng mga bala. Tumama ang isang bala sa kaliwang bahagi ng noo ni Magdalena na naging dahilan ng pagkakabuwal nito, kasabay ng isang daing ng isang sundalong kastilang namamaril din. Tumalbog ang bala sa noo ni Maria Magdalena at tumama sa sundalong iyon na agad ring naging sanhi ng pagkamatay. Wika nga ng ibang sundalong kastilang kasama sa loob ng simbahan, ang pangyayaring iyon daw ay isang milagrong matatawag.

HOROSCOPE

C a n c e r : Parating ang isang problema na possible mong ikasira o ikabuti. Magdesisyon nang tama at maganda ang kalalabasan nito. Lucky days – Wednesday / Sunday Leo: Pagtatangkaan kang akitin ng isang taong noon pa ay may gusto sa iyo sa pamamagitan ng regalo. Huwag mong patulan, sa simula lang siya magaling. Lucky days – Friday / Sunday Virgo: Suwerte ka ba? Oo ang suwerte mo hindi sa materyal na mga bagay, ito ay may kaugnayan sa pangdamdamin. Bibigyan ka ng tuwa at galak ng iyong minamahal. Lucky days – Saturday / Sunday Libra: Hindi ka magtatagumpay sa buhay kung puro ka hiya. Kailangan mo ng tapang at

NI MIDNIGHTJT Capricorn: Ka- – Monday / Saturday kailanganin ang Aries: Sa iyong piibayong pagnagdaanan na kasisikap upang lungkutan ituring makamit ang iyong mga mo na lang na pinapangarap.Hindi magisang masamang tatagal at matutupad na panaginip. Dahil may maito. Lucky days – Tuesday gandang bukas ang naghi/ Thursday A q u a r i u s : hintay sa ‘yo. Lucky days – Makikita mo Thursday / Friday Taurus: Muli kaang taong yong magtatagpo magpapaligaya sa ‘yo. ng taong nagkaBigyan lamang roon ng bahagi siya ng pagkakataon na sa iyong nakamapatunayan muna ang raan at ito ay hindi mo inkanilang pag-ibig. Lucky aasahan. Lucky days – Sadays – Thursday / Sunday turday / Sunday Pisces: I n g g i t Gemini: May lamang ang namga taong nais raramdaman nila samantalahin sa iyo. Huwag na ang iyong kabulamang patulan ang anumang naririnig. Ipagpatu- tihan. Maging maingat at taloy ang maayos na traba- lasan ang pakiramdam sa ho at matatapos din ang bawat sandali. Lucky days lahat ng gulo. Lucky days – Monday / Wednesday

kaunting kapal ng mukha. Lucky days – Wednesday / Friday Scorpio: Gawin mo ngayon ang gusto mong gawin dahil hindi ka pababayaang mabigo ng iyong kapalaran. Makasalubong ka man ng mabibigat na pagsubok, ikaw pa rin ay magtatagumpay. Lucky days – Tuesday / Friday Sagittarius: Ang kapakanan mo lang ang iniisip nila. Huwag mong masamain ang paghihigpit na ginagawa nito. Mas mabuting pairalin mo ang iyong pang-unawa. Lucky days – Friday / Saturday

Ang kapalaran sa mga bituin ay gabay lamang, wala pa ring pinakamabisa kundi ang panalangin.


9002 ,03 - 42 TSUGUA

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

Nardong Putik HINDI masyadong panatag ang loob ni Mang Lureng nang sabihin sa kanya na ang sadya ng may-akda ay magtanung-tanong tungkol sa kanyang mga alaala tungkol kay Nardong Putik. Naitanong niya kung papaano nalaman ng nagsasaliksik na kaibigan siya ng nasirang Nardo at binanggit ng may-akda na marami siyang napagtanungan nakapagsabi na siya ay isang malapit na kaibigan ng paksain. Maya pag-aatubili sa kanyang ekspresyon ngunit napapayag din siya na magpaunlak sa kondisyong hindi siya kukuhanan ng larawan. Sa kabila ng kanyang pag-ubo, patuloy pa rin siya sa paninigarilyo sa oras ng panayam. Paminsan-minsan ay uubo ng malakas at sesenyas na sya ay dudura (na parang may kabigatan ang kanyang dinaramdam sa katawan). Nahihiya man ang may-akda sa pang-aabala ay pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang sadya— ang makapulot ng pagkakakilanlan kay Nardo bilang kaibigan at taong labas. Unang Pagkikita Sa pakikipanayam kay Mang Lureng ay makikilala si Leonardo Manicio sa aspekto ng pagiging isang kaibigan at taong labas. Ayon sa kanya, nuong mga panahong si Nardo ay nagtatago sa mga alagad ng batas, nagkukuta ito, kasa-

ma ang ilang mga tauhan sa isang liblib na lugar sa Kabite. At isa rito ay ang baryo ng Sambal sa bayan ng Nobeleta kung saan sila unang nagkakilala. Umaakyat ng ligaw nuon si Mang Lureng sa isang dalagang nagngangalang Lourdes Caldejon ng nasabing baryo. Madalas siyang duon ay nalalagi kahit pa ang nilalakad lamanag ang pagpunta sa nasabing lugar mula sa bayan ng Heneral Trias kung saan siya naninirahan at naglilingkod bilang kasapi ng Philippine Constabulary. Inakala ni Nardo na siya’y isang espiya ng pamahalaan kung kaya hinarap siya nito kasama ang ilang mga tauhan upang kumpiskahin ang kanyang dalang baril. Di naman siya nagpasindak sa grupo nina Nardo kung kaya’t nagawa pa niyang ipaliwanag na hindi siya naparoon upang mag-espiya kundi upang manligaw lamang sa kanyang napupusuang si Lourdes. Subalit matapos makapagpaliwanag, kinuha pa rin sa kanya ang dalang baril na kanya ring ipanaubaya upang hindi siya mapahamak sa grupo ng mga taong karamihan ay may atraso sa batas. Gayun pa man, nakipag-kasundo si Nardo kay Mang Lureng na isasauli nito ang kanyang baril kapalit ng pagbibigay ng lugar ng kanyang tinitirhan sa Heneral Trias. Hindi niya inaasahan ang unang engkwentrong iyon ay madalas pang masusundan at magiging simula ng isang pagkakaibigan. Simula ng pagkakaibigan Makalipas ang ilang

DAVID T. MAMARIL (Anak ng Noveleta, anak ng Cavite) ISINILANG si David T. Mamaril sa Noveleta, Cavite noong Marso 17, 1918. Naging sentro ng rebolusyon ang bayang ito dahil dito isinilang ang paksyong Magdiwang ng Katipunan sa pangunguna ni Mariano Alvarez at ng kanyang mga kapatid. Nanguna rin ang bayan na ito sa kultura at sining dahil dito naging popular ang komedya (moro-moro) at sarsuwela. Itinatag dito bago magkadigma ang Ilaw at Panitik (o Inang Panitik?) at Kapisanang Kudyapi na nananatiling buhay at masigla sa mga taon ng dekada kwarenta at singkwenta. Nagluningning sa sining ng panitikan ang mga pangalang Miguel Luna (dula), Zoila Ricafrente (dulang pambata), Delfin Collado Baylen (tula), Rosendo Alvarez (tula), Jose Ma. Villena (tula), Ben Capri (?), Rufino Reyes (?), at Teo S. Baylen (tula at salaysay). Bago magkadigma, nagtipun-tipon ang mga manunulat sa mga bahay-bahay sa Noveleta, kasama

araw ay nasurpresa na lamang si Mang Lureng sa kanyang bahay ng may taong pumunta upang ibalik ang kanyang baril. Ayon sa di inaaasahang panauhin, ipinasasauli raw iyon ng isang taong nakikilalala niya sa lugar na kanyang pinuntahan sa Nobeleta. Iyon ang simula ng pagkakatuklas ni Nardo sa tirahan ni Mang Lureng na siya niyang naging madalas na panauhin. Sa kabila ng kanilang pagkakaibigan, labis na ikinabahala ni Mang Lureng ang kanilang madalas na pagkikita ni Nardo sa dahilang magkaiba ang kanilang katayuan sa lipunan, pinaghahanap ng mga alagad ng batas ang kaniyang kabigan, samantalang siya ay isang alagad ng batas. Hindi naman naging dahilan sa kanilang samahan ang magkasalungat nilang paniniwala at kinabibilangang antas ng pamumuhay. Si Mang Lureng ay sunod sa layaw sa kanyang mga magulang dahil sa ito’y solong anak. Mahirap para sa kanya ang makibagay sa isang taong hindi mauunawaan ang kanyang mga karanasan sa buhay. Si Nardo naman ay nanggaling sa isang mahirap na pamilya na walang permanenteng tirahan. Umaasa lamang si Nardo sa tulong ng mga taong kaniyang mga nilalapitan. Ngunit sadya yatang sila ay magkapalad na maging magkaibigan, nang lumaon ay napakinabangan nila ang isa’t isa sa mga hindi inaaasahang bagay, Napag-alaman ni Mang Lureng na maraming tao ang nahipo ng kaibigang si Nardo sa mga lugar na pi-

nagtataguan nito. Maraming tao ang tinutulungan ni Nardo na halos lahat ay umaaasa sa kanya ng mga pang-araw-araw na pangangailangan: mula sa pagkain hanggang sa mga gamot. Naantig ang damdamin sa kanyang natuklasang ito. Naunawaan niya ang malinis na hangarin ni Nardo na tulungan ang kaniyang kapwa mahirap. Bilang isang kaibigan, ipinaalam niya dito ang mga taong may-kaya sa buhay na maaaring mahingan nito ng tulong. May isang pagkakataon na nagkaroon ng hidwaan ang magkaibigan. Walang kapera-pera si Mang Lureng nang hingan siya ng tulong para sa isang

Secret luv Dear Ate Bebang, Gusto kong ligawan ang kasama ko sa trabaho. Guro ako sa Ekonomiks at siya naman sa Math. Magkasama kami sa isang grupo na laging sabay kung magtanghalian at magmeryenda. Itatanong ko sana sa ‘yo, paano ko ba siya liligawan? Pagatu ng Rosario, Cavite Mahal kong Pagatu, Kailangan mo munang malaman kung puwede kang manligaw. Baka may boyfriend na siya o kaya hindi pala niya type magpali-

ang mga kabataang dalaga’t binata, nagtutulaan, nagkakantahan, at nagtutugtugan. Halimbawa nito ang bahay ni Amanda Alvarez: may piano roon, kaya ganap ang kasayahan na ikinatutuwa naman ng mga magulang ng dalaga. Pagkaraan ng digmaan, nagpatuloy ang Kapisanang Kudyapi sa mga pagtitipun-tipong ito. Sabi ni DTM, “lalong masigla, maraming makakain, maraming pera ang tao, ginagasta agad.” Parang artists’ guild ang Kapisanang Kudyapi. Hindi lamang manunulat ang mga kasapi. “Pambayan din”, sabi ni Mamaril, kaya kasama ang mga prominenteng tao sa Noveleta sa mga kasayahang ito. Ang lolo ni DTM ay veterano de la revolution. Taal na taga-Noveleta ang kanyang ina at ang napangasawa nito’y isang taga-Pangasinan. Bago nagkadigma, ang tatay niya’y nagtatrabaho sa US Navy Yard (Sangley Point), kasama sa Medical Group na naging pribilehiyo ni DTM dahil naging empleyado rin siya sa Navy Yard, “naging clerk ako.” Ito’y nang makatapos na si DTM ng pag-aaral. Nagsimula siya ng pag-aaral sa primarya sa Noveleta, hanggang ikaapat na antas at nakatapos ng elementarya sa Cavite City. Nag-aral siya sa Cavite High School at nagtangkang mag-abugado sa Far Eastern University. Tulad ng ibang nahilig sa pagsusulat, nagsimula si DTM sa pahayagang pampaaralan. Nasa third year siya sa haiskul ng una siyang nagsulat sa wikang Ingles. “May lesson kami sa eskwela, sa pagtula. Mga tuntunin sa sukat at tugma, mga tayutay…” Iyon ang naging unang hasaan niya sa pagtula. Saka may mga kompetisyon sa

11

kaanak na may sakit. Ginamit niya ang lagda ni Nardo sa kanyang liham—pahingi ng tulong sa kababayang si Tinoy Granados na nanalo sa sweepstake. Dahil duon natulungan ni mang Lureng ang kaniyang kaanak. Ngunit nang dumating ang pagkakataon na ang tunay na Nardo na ang humihingi ng tulong kay Tinoy, hindi na nagbigay ang nanalo sa sweepstake sapagkat sinabi nitong siya’y nakapagbigay na ng tulong sa isang nagdala ng liham na may lagdang Nardo. Nagtapat si Mang Lureng sa kaibigan na siya ang gumamit ng pangalan nito at ipinaliwanag kung bakit niya ito nagawa. Na-

galit si Nardo pero pinatawad din naman siya nito at sinabihang huwag na lamang mauuulit ang gayong pangyayari.

gaw ngayon, di ba, tapos poporma-porma ka diyan. Kaya tanungin mo muna siya ng “puwede ba akong manligaw?” Kapag pumayag siya, heto: Kung wala kang budget: Batiin mo siya sa tuwing magkikita kayo. Kahit simpleng hi at hello lang, ayos na. Ibig lang sabihin ay ikinatutuwa mong makita siya nang sandaling iyon. Pasayahin o patawanin mo siya tuwing may pagkakataon ka. One joke a day keeps the doctor away. Kailangan lang, wholesome ang jokes, ha? Lumikha para sa kanya. Kung musikero ka, gumawa ng awit. Kung ikaw ay pintor, magpinta. At iparinig o ibigay sa kanya ang nilikha. Pamagatan ito gamit ang pangalan niya. Kung may budget ka: Alamin kung saan siya mahilig. Kung prutas, mag-umpisa ka nang magbaon ng papaya o saging. Maganda rin naman iyan para sa ‘yo. Kung kasabay mo siyang mananghali, bigyan mo siya ng ilang

hiwa o piraso ng prutas. Ikaw na mismo ang maglagay sa platito niya. Ihatid mo siya paminsan-minsan sa bahay nila o di kaya sa sakayan. May pogi points ka kung ililibre mo siya. Magastos ito kaya paminsan-minsan mo nga lang dapat gawin. Patunayan mong maaasahan ka sa oras ng pangangailangan. Kunwari, nabalitaan mong nagkasakit ang kapamilya niya, mag-alok ka ng tulong. Maaaring sa paghahanap ng ospital o doktor, paghahatid ng pagkain, pagbili ng gamot o pagbabantay ng maysakit. Pagatu, mga mungkahi lang ito. Siyempre sa panliligaw, kani-kaniyang diskarte talaga iyan. Kaya, good luck. Hangad kong magka-love life ka na. Ako pa rin, Ate Bebang 0919-3175708 3814592 beverlysiy@gmail.com www.liraonline.org www.panpilpipol.wordpress.com www.dagdagdunongproject.multiply.com www.dagdagdunong.blogspot.com

pagsulat ng tula. Isa sa mga lumahok si Tomas Gomez na malao’y naging milyunaryo, “magaling siyang tumula,” aniya. Kilala na niya si Teo S. Baylen noong nasa grade four siya. Ipinabasa niya rito ang kanyang mga tulang “sira-sira,e”, ngunit sinabi ng makatang labing-apat na taon ang tanda sa kanya. “Ang batang ito, kapag nagtagal, magiging makata.” Nasa ikatlong taon din siya nang unang malathala sa Taliba ang isa niyang tula. Pasingaw ang tawag doon. Akala roon, dati na siyang sumusulat, kaya ang sagot niya, “hindi baguhan lang ako.” Nagkataong maraming babasahin sa Tagalog bago magkadigma. Pinangungunahan ito ng Liwayway (1922) na buhay pa hanggang ngayon (2004). Sa pananalita ni Teodoro Agoncillo (1949), “sa ayos ng aklat-dasalan, yumukod sa madla ang Silahis na pinamatnugutan nina Teodoro Virrey at Domingo Raymundo”, lumabas ang Ilangilang (patnugot ni Inigo Regalado) na sadyang inangkop sa panlasa ng karaniwang mambabasa at nakiisang hanay sa mga babasahing nakipagngitian sa mga babaing palengke, gayundin ang Sinag-Tala ni Clodualdo Del Mundo na binalanse ang kagustuhang makaaliw at naging babasahin ng kabataang mga estudyante, Saga-Saga ni Pedro Reyes Villanueva, Pag-asa ni Jacinto R. De Leon, at Bulaklak ni Jose L. Santos. Sa dami ng babasahing ito, sinasabi ni DTM na nakasulat siya ng sanlibong tula. Kahit nangamatay ang karamihan sa mga babasahing ito, pagkaraan ng digmaan ay inilathala uli ng Liwayway, Ilang-ilang, at Bulaklak na pinaglabasan ng mga tula ni Mamaril.


12

ni eros atalia

Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006)

D

AUGUST 24 - 30, 2009

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

i hamak na mas malaki ang kikitain nya sa pagpapalinis ng mga baklad sa mga susunod na araw. Sapat na para makapagsimula syang muling magtanim sa kapiraso nyang pwesto. Sobra pa nang kaunti. Ngunit ngayon nya kailangan ang pera. Sa unang pwesto ni Mang Amor sila pumunta. Itinali ng matanda ang lunday sa isa sa mga nakausling tulos ng kawayan. Dalawa ang pwesto rito ni Mang Amor. Bawat isa ay may tiglimang bila. Ang bawat bila ay may di kukulanging trenta y sais na kawayan. Kung sisilipin mula sa itaas, maitutulad sa isang

malaking agaw-bitin. Yun nga lang, may mga paang nakatulos sa dagat. Marahan silang bumaba. Ramdam nya agad ang init ng alig. Malinaw-linaw pa rin naman sa ilalim kahit na namumuti ang ibabaw ng dagat. Inisa-isa nya ang haligi ng bila. Nandoon at nakakulumpon ang mga tahong na halos pambenta na ang laki. Nilapitan nya ang mga ito. Sa kaway ng kanyang mga kamay at sikad nya sa ilalim ng dagat, lumikha ito ng bahagyang pagkilos ng tubig. At iyun na. Lumuwa ang laman ng tahong. Naiwan ang mga balat na nakakapit sa kawayan. Naglabusaw ang tubig. Luman-

Kapistahan ng San Gregorio sa Indang, Ipinagdiwang INDANG, CAVITE – Sa taong ito ay naging simple subalit matagumpay at masaya ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Patrong San Gregorio Magno noong ika-2 at ika-3 ng Setyembre, 2009. Gaya ng inaasahan ay dinagsa ng mga mamamayan ng Indang at karatig bayan ang masayang karakol noong ika-2 ng Setyembre na nagsimula ganap na 2:00 ng hapon sa patyo ng simbahan at dumaan sa mga pangunahing lansangan ng bayan. Mahigit sa 20 grupo ng mga mananayaw o magkakarakol ang sumama sa pagdiriwang na ito suot ang kani-kanilang magagandang uniporme. Sa pagdiriwang ng karakol sa taong ito ay lumabas at sumama rin ang mga estudyante ng Saint Gregory Academy (SGA) at ang mga kaanib ng El Shaddai –Indang Chapter at The Fraternal Order of the Chevaliers, Inc. –Walang Tinag Conclave #5 Indang, Cavite. Kinabukasan ika-3 ng Setyembre ay isinagawa sa parokya ganap na 9:00 ng umaga ang isang misa konselebrada para sa mismong araw ng kapistahan ng patrong San Gregorio Magno na pinangunahan ng lubhang kagalang-galang Obispo Chito Tagle at tanang kaparian sa buong lalawigan ng Cavite. Sinundan ito ng pagsasagawa ng sakramento ng binyag o binyagang bayan ganap na 11:00 ng umaga. Kinagabihan ay muling nagsikip ang mga pangunahing lansangan ng bayan ng ganap na 7:00 ng gabi ay inilabas na ang inaabangang prusisyong bayan tampok ang ibat-ibang imahen ng santo o patron ng bawat baranggay sa Indang sa ilalim ng parokya ni San Gregorio. Mahigit sa 20 imahen ang isinama sa prusisyon at ilan sa mga ito ay ang imahen ng Birheng Maria, Pitong Arkanghel at si San Gregorio Magno. Kahit simple ay naging matagumpay at masaya ang pagdiriwang sa taong ito ng kapistahan ng patron dahil na rin sa patnubay ng parish priest at parish vicar at sa tulong ng masisipag na church workers ng parokya na sina Sis. Florencia Tibayan , Sis. Anicia Babaan sampu ng bawat Barangay Pastoral Council. –Rex del Rosario

Senior... mula P. 5 Sumunod na rin dito ang pagtatayo sa bayan ng Imus katabi ng simbahan ng Home for the Retired Priest para sa kapariang di na bumalik sa kanilang mga pinanggalingang pamilya. Ang barangay Kalachuchi sa Indang ay may ipinagmamalaking Bahay Kalinga. Tulong-tulong ika nga, kaya patuloy ang daloy ng bigas, pagkaing de-lata, gamot at iba pang pangangailangan ng kapus palad na Senior Citizen mula sa mga nilalang na may busilak na kalooban.

sa lalo ang dagat. Pinuntahan nya ang pabitin at palutang. Ang pabitin ay ang mga tahong na nakabitin sa pagitan ng mga tulos samantalang ang palutang ay tahong na nakabalot sa lambat na pinalulutang ng styrofoam na nakatali sa pagitan ng mga poste. Sinenyasan nya si Mang Amor. Ginilitan nya ang kanyang leeg sa pamamagitan ng hintuturo. Tila nagsasabing “Nasintesyahan na ang tahong”. Umiling si Mang Amor. Isinenyas ng matanda ang mas malalim na parte ng kawayan. Kahit parehas nilang alam na mas madaling mamatay ang tahong sa mas malalim, nagbakasakali pa rin sila. Umahon muna sya para kumuha ng hangin. Pinuno ang baga. At saka sumisid. Umahon na si Mang Amor. May edad na ito at hindi na kaya ang mas malalim. Si Intoy ang bihasa sa lahat ng magtatahong sa Kalye Marino. Kaya nga sya tinawag na ‘Intoy Syokoy’ dahil para nga raw itong syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat. Para bang may hasang ito tulad sa isda. Bagamat maipagkakamali na rin si Intoy sa syokoy. Sunog ang balat sa araw at asin. Maligasgas. Makapal.

At kahit bagong ligo pa sya ng tabang, ‘wag lang di pagpawisan ng kaunti ay amoy dagat agad sya. Kulay kalawang ang buhok. Di nya na kailangang magpa-highlights pa ng chestnuts o blond. Bilugan ang mga mata na pirming mapula dahil sa hapdi ng tubig-alat. Malalapad ang mga palad at mahahaba ang daliri. Payat na mahahaba ang mga braso’t kamay, hita’t binti. Madaling lumubog, madaling lumutang sa dagat. Mahahabang malalapad ang kanyang mga paa na kapag kanyang pinagdikit sa pagsikad ay aakalain mong buntot nga ng isda. Wala pang

ANG propesyon ng pagtuturo sa paaralan, kagaya ng isang sining ay kailangan ng dedikasyon. Anumang aralin ang itinuturo ng isang titser, mahalagang maipaunawa niya sa kanyang mag-aaral ang kabuluhan ng kanyang aralin sa pang-araw-araw na buhay. Ang kabiguan ng guro ng mailahad kung bakit niya itinuturo ang kanyang paksa at ang kakulangan ng pag-unawa ng magaaral kung bakit niya ginagawa ang isang proyekto o akdang sulatin ay isang pag-aaksaya ng oras at salapi. Sapagkat bakit pa natin pag-aaralan ang isang bagay na wala namang malinaw na paggagamitan? Nasa husay ng guro at sa kahandaan ng estudyante nakabatay ang pagkakaroon ng pagkatuto at mahalagang edukasyon. Subalit papaano kung ang edukasyon mismo ay itinuturing nang isang negosyo? Papaano kung ang pangunahing layunin na ng pagtuturo ay ang kumita ng salapi? Papaano kung ang mismong paaralan na ang nagbabago ng prayoridad at mas inuuna na ang kikitain ng kapitalista kaysa sa ang pagtataguyod ng mataas na uri ng edukasyon? Papaano kung tinatapakan na ang karapatan ng mga guro at niyuyurakan na ang pangangailangan ng mga estudyante para sa mas makabuluhang pagkatuto? Mahalaga na ang guro ay maging isang tunay na halimbawa ng katapatan at pakikibaka tungo sa katotohanan at katarungan. Sa sandaling ang isang guro ay maging bulag na tagasunod na lamang ng kapitalista ay nagsisimulang mawala ang kanyang pagkaguro. Siya ay unti-unting nagiging robot at nawawalan ng dangal ang kanyang propesyon. Kapag nawalan ng dangal ang propesyon, nawawala na rin ang esensiya ng pagiging guro. Kung kaya ang guro ay nananatiling guro habang kaya niyang lumaban para sa katwiran at manindigan sa kung ano ang makatarungan. Sa sandaling ang guro ay nagbulag-bulagan, nagbingi-bingihan at nawalan ng pakialam sa kalagayan ng kanyang paaralan at lipunan, ang guro ay isa nang alipin na tagapagtaguyod ng kamangmangan sa halip na ng kaliwanagan.

tumatalo sa kanya sa bilisan ng paglangoy, palaliman at patagalan ng pagsisid. Mapamatanda o mapabata panis lahat sila kay Intoy Syokoy. Sa edad nitong desisais, mukha na syang beynte singko pero parang katawan ng trese anyos. Unat ang kanyang mga kalamnan, balat, buto’t litid sa paglangoy at pagsisid. Ngunit walang makaing matinong sustansya ang mga bahaging ito kung kayat sila-sila na lang ang nagkakainan. Di tulad ng mga swimmer na atleta, bato-bato’t malalapad ang katawan na umbok ang masel. Si Intoy, bato nga. Pero

parang isang buhay na posteng kongkreto. Sisid si Intoy. Nangabay sa mga tulos ng kawayan. Hinihila ang sarili pababa sa pamamagitan ng pabaligtad na pag-akyat sa palosebo. Inuga nya ang mga pahalang na kawayan. Kinuskos ang mga nakakapit na tahong. Umalsa ang mga laman, lumabusaw lalo ang tubig. Wala syang gaanong maaninag. Ipinasya nyang umahon na. Isang sikad paitaas. Sisinghap-singhap syang umahon. Tinanggal ang salamin pandagat. Ano? (Itutuloy)

Ikaw, guro ka pa ba? Maaaring hindi sasang-ayon sa akin ang mga nakararami ngunit para sa akin ay hindi naman talaga ganoon kalaki ang naimbag ni Cory Aquino sa Pilipinas. Ang bigong CARP, ang Mendiola Masscare, ang paglobo ng utang sa IMF-WB at ang mga kudeta ang tanging nakatatak sa isipan ko na naganap sa panahon ng panunungkulan ni Cory. Ang sinasabi ng marami na demokrasyang diumano ay naibalik sa panunungkulan ni Cory ay hungkag at huwad. Totoong napatalsik sa poder si Marcos ngunit si Cory ay nagmistulang pawn sa labanan ng mga naghaharing uri. Ginamit si Cory Aquino ng mga kalaban sa pulitika ni Marcos upang sila naman ang maghari. At saka papaano masasabing naibalik ang demokrasya kung ang mismong hustisya para kay Ninoy ay hindi naman nakamit? Isang balintuna na nabigo ang mismong pangulo na bigyang katarungan ang kamatayan mismo ng kanyang asawa. At ano ang nangyari sa pamilya Marcos? Unti-unti silang nakabalik sa poder at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin lubusang nababawi ang mga nakaw na yaman ng mga ito. Totoong ang PEOPLE POWER ay nakaimpluwensiya sa mga pagbabago sa mundo. Ngunit hindi si Cory Aquino ang nagpasimuno nito kundi ang mga ordinaryong mamamayang Pilipino. At ang mga ordinaryong Pilipino ring ito ang umasa ng pagbabago ngunit nabigo. Ang kasaysayan ay umuusad hindi sa kapangyarihan ng iisang tao kundi sa pinagsama-samang pagkilos ng mamamayan. Kahanga-hanga ang katatagan ni Cory Aquino nang magsikap siyang tumayo at lumaban bilang balo ni Ninoy ngunit siya ay nabigo na baguhin ang kalagayan ng Pilipinas. Ginamit lamang si Cory ng mga naghahari upang itaguyod ang kanilang sariling interes. At ang mga naghaharing ito rin ang nasa likod ni GMA sa kasalukuyan. Ang tunay na lakas ng mulat na sambayanan ang magpapalaya sa Pilipinas. Kung kailan ito magaganap ay ang samabayan rin ang magtatakda. Ang ating papel ay magsuri at kumilos upang ang bayan ay ibangon!

AN GURO ANG GURO? KAIL AILAN


9002 ,03 - 42 TSUGUA

Isang sulyap sa Cavite Cavite City Kinilala bilang Tanguay o Tangway ang Cavite City noon bago pa man din dumating ang mga Kastila. Noong 1571, sinakop ito ng mga Kastila, at tinawag na Puerto de Cavite o Cavite Viejo. Bilang bagong capital (Kawit ang naging unang Kapital), naging himpilan at tahanan ito ng mga alkalde mayor, opisyal ng lalawigan, opisyal ng mga Spanish Navy at ng mga pamilya nito. Noong 1720, ang kinalalagyan ng imahen ng Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga na maunlad na distritong sentral ng San Roque, ay ginawang bagong bayan na binubuo ng mga baryo ng Rosario, San Jose (or Pulo Bunducan), Soledad, San Rafael (Cagayan), San An-

tonio at Estanzuela. Sa San Roque rin nakatira ang mga katutubong kawal, mga trabahador na sapilitan pinagagawa (polos y servicios) at ang kanilang mga pamilya. Pinalitan ng Caridad ang dating Estansuela noong 1868 at naging hiwalay na bayan. Sinasakop nito ang apat na barriong Mojon, Calumpang, Dalahican at Santa Cruz. Pinagsama ng Philippine Commission ang tatlong bayan ng Cavite Puerto, San Roque at Caridad noong 1903. At ang Cavite ay itinatakdang maging syudad noong 1940 (Unabia, T.P at Cuarto V.I. R. mga ed 2002). Bagamat napapaligiran ng dagat, ilang kilometro lang ang pagitan ng Puerto sa Maynila at

Parañaque. Maliit lang ang nasabing bayan. Katunayan, ito ang pinakadulo at loob. Sa sangandaan sa Noveleta (pinakamalapit na bayan bago ang Cavite City kung manggagaling sa Maynila), kapag kumanan na ang mga sasakyan, wala na itong ibang matutumbok kundi ang Cavite City. Kung magkakagulo sa Cavite City, wala itong ibang lalabasan kundi ang sangandaan ng Noveleta na patungong Rosario at Kawit. Kaya nga tinawag na tagaloob ang mga taong nakatira sa Cavite City. Dahil syudad, mas nauna itong nalinang kung ihahambing sa mga karatig bayan lalo na noong dekada 60 at 70. Nandito ang kauna-unahang sinehan sa buong probinsya ng Cavite na dinadayo ng

Drugs, drugs at drugs pa (at drugs pa uli) KAYA lagi kong inaabangan ang balita sa u m a g a , tanghali, gabi at madaling araw dahil tuwang tuwa ako makita ang mga eksena sa ating bansa. Para na kasi akong nanonood ng telenobela, pantaserye o pelikulang pang-box office sa ibinabalita kung gaano nagiging palpak pa ang dati nang palpak. Gaya ng usapin sa droga. Ang mga ahensya ng gobyerno ay nag-aagawan ng credit o papuri, nagtuturuan sa kapalpakan at higit sa lahat, nagsasalungatan sa tungkulin ng bawat isa. Maganda yan. Kapag ganito ang mga nangyayari, isa lang ang ibig sabihin nito, hindi alam ng gobyerno ang kanilang trabaho. Kasing kahulugan din ito na hindi alam ng gobyerno kung ano ang dapat gawin. At kapag ganito nang ganito, bwahahahaha… lalong babaha ng droga sa bansa. Ano nga kaya, higitan natin ang Columbia sa lala ng droga sa lipunan? Yun bang mga 80% ng mga mamamayan ay tumitira ng drugs (drugs ha? Ibig sabihin marami). Kung marami na ang adiktos sa bansa, ibig sabihin, mga adiktos na angat mananaig sa pagpapasya. Naku, ano kaya ang magiging plataporma de gobyerno ng mga politiko para makuha ang boto ng mga adiktos (kung hindi pa adiktos ang mga politiko). Ganito siguro: 1.Kapag ako ang binoto nyo, magpapasa ako ng batas na titiyak na hindi gagalaw ang presyo ng droga sa merkado nang sa gayon, maging accessible ang droga kahit na sa pinakamahihirap na adik sa ating bansa. 2.Kapag ako ang binoto nyo, titiyakin ko na hindi na natin kailangan pang mag-import ng mga paraphernalia tulad ng toother, aluminum foil, water pipe, burner at iba pa… ibig sabihin nito, local na industriya na ang magsu-supply ng mga ito. Nangangahulugan ito ng maraming trabaho.

13 Gimik sa Panaginip 2

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

Maraming trabaho, maraming kita. Maraming kita, maraming pambili ng droga. 3.Kapag ako ang ibinoto nyo, paiigtingin ko ang drugs education sa bansa. Sa elementarya pa lang, ituturo na ang wastong paggamit ng droga para naman hindi sila ma-estapa, maloko sa timbang, sukat at timpla. Ituturo din sa mga bata kung paano mag-recycle ng napkin, toother, water pipe, aluminum foil. Tandaan natin na kapag mataas ang demand sa paraphernalia, posibleng tumaas ang presyo. Kapag tumaas ang presyo, kakaunti ang makakagamit ng droga. 4.Kapag ako ang ibinoto nyo, bubuwagin ko ang monopolyo at cartel sa droga. Magkakaroon tayo ng open public bidding sa drugs. Kahit pa humantong tayo sa pag-import ng droga mula sa ibang mga bansa maturuan lang ang mga manufacturer ng droga ng kanilang leksyon. 5.Kapag ako ang ibinoto, titiyakin ko na matutupad ang aking slogan na: Sa bawat pamilya, may isang sugapa sa droga. 6.Kapag ako ang ibinoto, titiyakin ko na matutupad ang aking slogan na: Droga sa bawat hapag (sa halip na pagkain) ng pamilyang Pilipino. 7.Kapag ako ang ibinoto, titiyakin ko na matutupad ang aking slogan na: Aim High With God, But If You’re Into Drugs…You Are the God. 8.Kapag ako ang ibonoto, titiyakin ko na matutupad ang aking slogan na: Nasa Kabataan ang Pag-asa ng bayan, Nasa droga ang katuparan ng Pantasya ng Bayan. 9. Boto Mo Ko, Sagot Ko Ang Bato mo. 10.Ang Hindi Lumingon sa Pinanggalingan, Hindi Madadaya sa Tirahan. Kita nyo na mga belabed riders, ang sayang tanawin makita kung paano nagiging circus ang bansa kapag nagtagpo ang politiko at drugs sa iisang lugar di ba? Heaven pre!

mga‘tagalabas’,maraming libangan (beerhouse, sugalan, sabungan at iba pa), at ang Sangley Point Naval Base na dating base ng mga Amerikano. Hindi naman masyadong mabiyaya ang dagat sa Cavite City dahil sa limitasyon ng tubig na sakop nito. Dahil siyudad at maunlad (noong dekada 60 at 70), sa ibang hanapbuhay napaling ang atensyon ng karamihan. Gaya ng beerhouse, pangangamuhan/ paninilbihan sa mga Amerikano, pagtatrabaho sa loob ng base bilang civilian employee at iba pa. Dahil naging lupain ng oportunidad ang Cavite City noong panahon ng Base-Amerikano, dumagsa ang tao mula sa iba’t ibang lugar at kahit mula pa sa malalayong probinsya. Tanza Ang salitang “Tanza” ay may dalawang pinaniniwalaang pinanggalingan. Una, maaring ito raw ay ang kabaligtaran ng salitang ‘santa’ mula sa Santa Cruz de Malabon (na unang pangalan ng nasabing lugar). Ikalawa, maaring ito ay ang pinaikling “estancia” mula sa Estancia de Santa Cruz de Malabon. Ang estancia ay salitang Kastila na nangangahulugang buhanginan o hasyenda. Ang Tanza ay nakahimlay ang likuran sa malawak na karagatan. Binubuo ng mga barangay na pawang sa pangingisda nabubuhay. Pinaniniwalaan din na naitatag na ang lugar na ito noong 1770 pero noon lamang Agosto 29, 1880 nang ganap itong maihiwalay mula sa San Francisco de Malabon na dating sumasakop sa Tanza. Ilan sa mga barangay dito ay hango sa mga likas na halaman o kapaligiran gaya ng Barangay Santol, Julugan (pinaghuhulugan ng lambat ng mga mangingisda), Amaya (mula sa mamaya o maraming ibong maya), Calibuyo (sigarilyo na gawa sa dahon at apog). Pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Tanza. Napapaligiran ng malawak na karagatan ng Manila Bay at Bataan. Malapit ito sa pandawan (fishbroker). Istratehiko ang lokasyon na pwedeng pagtagusan ng mga daan patungong Noveleta, Rosario, Naic, Alfonso, Maragondon at iba pa.

HINDI lahat ng panaginip ay nangangailangan ng sikolohista upang maunawaan ang kahulugan. Tayo mismo ay kaya nating gawin ito sa paggamit ng lohika. Tandaan: ang panaginip ay hindi misteryo… at lalong hindi tinig ng alien na kumakausap sayo. Kung kaya naman hindi natin kailangan ng tawas o propeta sa bangketa para unawain ito. Walang mabuting magsusuri ng panaginip kundi ang mismong nanaginip. Sapagkat sya ang higit na nakakaaalam ng konteksto, simbolo, at damdamin sa panaginip kinakailangan lamang ang lohika at tapat na pagsusuri. Ang unang hakbang sa pagsusuri ng panaginip ay ang pagtatala. Sa sandaling magising ka, subukang isulat kaagad ang detalye ng iyong panaginip. Kung matutulog muna uli bago pa isulat, tiyak na may malilimutan ka na sa mga detalye paggising. Mas mainam ang voice record sa pagsasalarawan ng panaginip. Mas naitatala nito maging ang damdamin na mababakas sa tinig. Mas madali rin ito at mabilis kesa magsulat lalo’t kung madaling araw mangangapa ka pa ng bolpen at papel. Ang mga cellphone na karaniwang katabi natin sa pagtulog ay may mga feature na ng voice recording at madaling gamitin. Kapag handa ka nang suriin ang iyong panaginip, pakinggan o basahin muli ang naitalang panaginip at alamin ang namamayaning tema (theme) nito. Halimbawa, “nasa loob ako ng isang parang kweba o tunnel, madilim. Nakikita ko sa bandang bukana ng lagusan ang aking girlfriend…. Naroon sya sa malapit sa liwanag. Nakatayo, Lalapitan ko sana sya upang yakapin ngunit may malaking gagamba na nakaharang sa daraanan ko. Nalulungkot ako at alam kong nalulungkot din ang aking girlfriend.” Ang maaaring tema nito ay: hadlang sa pagitan ng minamahal habang ikaw ay nasa madilim na lugar. Tanungin mo ngayon ang iyong sarili, ano sa

“totoong buhay” ang impresyon mo o damdamin sa isang gagamba o insekto, lalo na’t nakita mo ito sa iyong dadaanan? Ano ang nangyayari sa yo unang ginagawa mo kapag nakaharang ito sa yong daraanan? (Natatakot ka ba? Nahahadlangan sa lakad? O agad mong pinapatay ang insektong ito? O nananalangin ka na magkaroon ng isang mas malaking insekto na kakain sa gagamba?) Ano sa “totoong buhay” ang impresyon mo o damdamin kapag ikaw ay nasa madilim na lugar o kweba o madilim na tunnel? (Natatakot ka ba sa dilim? Nabubuhay ba ang sense of adventure sa yo? O namamayani ang damdamin ng kawalang katiyakan?) Sa panaginip, ano ang pagkakaunawa mo sa ginagawa ng gf? (Palabas ba ng dilim since malapit sya sa liwanag? Nakatayo lang? Naghihintay sa iyo? Ganun ding pagsusuri ang gawin sa lahat ng karakter o detalye (kuweba o tunnel, gf, atbpa) na sangkap sa yong panaginip at saka mo pagtagni-tagniin… kailangan lamang na magpakatotoo ka sa sarili mo sa pagsagot. Ang susunod na hakbang ay ang pag-uugnay ng mga kasagutan. Kung ang sagot sa ating unang halibawa ay ganito: takot sa gagamba; ang impresyon sa dilim ay kawalang katiyakan o problema; at palabas ang GF. —Maaaring maging ganito ang pakahulugan: Na sa problemado o kawalang katiyakan (dilim o kweba) ka na sitwasyon at may bagay o pangyayari kang kinatatakutan (gagamba) na maaring humahadlang sa iyo sa relasyon mo sa iyong gf (gagamba sa pagitan o daraanan patungo sa gf). Alam mo na maaring lumabas o lumayo sa yo ang gf at hindi mo sya malapitan. Maaari din naman na hindi literal na “GF” mismo ang isinisimbolo sa panaginip kundi isang babae na malapit sa ‘yo. Maaring ang inilalalarawan ng panaginip ay “babaeng may malalim na kaugnayan.” Tandaan na ang laman ng panaginip ay proseso ng iyong isipan. Kung ganuon ay malaon mo ng alam ang mga bagay na ipinapahiwatig nito at maaaring iniiwasan mo lang isipin o kaya naman ay binabagabag ka nito kaya mo napapanaginipan. Hindi dapat katakutan o ituring na hiwaga ang panaginip… habang iniiwasan natin ang sinasabi nito, lalo lamang itong magpapaulit-ulit habang hindi natutugunan.


14

AUGUST 24 - 30, 2009

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

HINDI na nila ma-describe nang ayos ang itsura nya: maliit lang, angat ang kamay sa ilalim ng dibdib para masukat kung gano sya katangkad (marahil ganun nila kataas iangat ang kanilang kamay para haklitin ang bata). Wala ring nakatitiyak sa edad ng bata, sampu, otso, dose, naglalaro marahil ang edad ng bata sa mga bilang na ito (o marahil sa mga edad na ito nila tinuturing ang bata). Wala ring nakaaalam ng tunay na pangalan ng bata. Tinatawag nila syang Manlo. Kung tawagin man sya sa totoong pangalan ng ina, hindi naman sya lumilingon. Hinanap ko si Manlo sa mga kalye ng Tanza para sa ginagawa kong pelikula tungkol sa mga street children. Minsan, nakita syang nakatali sa poste sa aplaya, para hindi makalayo ng bahay sabi ng ina. Tatlong taong gulang na si Manlo nang matutong maglakad para manghingi ng pagkain

Sundot... mula sa pahina 4 Ang mga Haw Shaw, pag nagsama-sama… lahat sila, intelektwal. Naku po, sa dyaryo, marami rin nya. Wag lang hindi makahawak ng computer, pwede nang maging manunulat. Napag-utusan lang ng magsulat… pangangatawan nang magsulat kahit na… haw shaw. Kaya nga nagiging statesman, politiko, intelektwal, pilosopo, manunulat o mamamahayag ang indibidwal dahil may mga bagay syang nakikita na hindi nakikita ng karamihan. May masasabi sya na hindi masasabi ng karamihan. Sasabihing bago. Sasabihing kakaiba. Dahil kapag ang indibidwal ay ipinagsisigawan ang alam na ng lahat at sa pakiramdam nya ay monopolyo nya ang kaalaman at karunungan… ganoon din kalakas na ipinagsisigawan nya na isa syang sertipikadong haw shaw. Puhunan ng sinumang pumapalaot sa napiling larangan ang mahabang karanasan, pagsasanay, pag-aaral (pormal man o sa pamantasan ng buhay) at pagbabasa at pagbabasa at pagbabasa kasama ng replektibong sensibilidad. Kaya dito sa Responde Cavite (Risonable, Responsible) hindi pwede ang pwede na. Hindi pwede ang kung sino-sino lang. Piling-pili. Salang-sala. May pangalan sa napiling larangan. De kalibre, de kalidad at may dignidad. Dapat sa Cavite City… ipagbawal ang Haw Shaw.

Walang Tahanan Ni Ronald Verzo (President of Cavite Young Writers Association) sa mga bahay-bahay. Mula rin nuon, natuto na ang batang hindi umuwi parati sa tahanan. Makikita na itong madalas na natutulog sa bench sa parke ng bayan. Nakita ko sya dating natutulog sa ilalim ng mesa ng airconditioned na convenience store. Hindi bumabarkada sa ka-edarang bata si Manlo, matatagpuan sya kasama ang Tropang Hiphop sa bilyaran o sa Tropang Outlaw sa dating Celebrity Beach. Dun sya madalas nakikitang hinihithit pa ang tirang mga yosi o nagsisindi ng foil na may shabu. Mga kwento na lang tungkol kay Manlo ang natagpuan ko sa mga lugar na ito kasama ang aking film crew. Sa isang walang pangalang nitso ko na nakitang muli si Manlo nang samahan kami ng nakababatang kapatid na si Raffy. Namatay si Manlo sa kagat ng aso. Ang sabi ng marami ay sa kapabayaan. Binalot sya sa foil at sa mga kumot. Hindi na binurol. Sino ang nagpabaya kay Manlo? Sa gabi, sumasama pamalakaya ang ama nya para sa maliit na kita. Sa umaga, tulog ang ama. Madalas high sa shabu ang ina. Madalas kajamming din ang anak. Kung makasama man sa tropa, papupulutin sya ng limos na pisong pinahid sa dumi, o hahainan ng lugaw na puno ng dinikdik na sili. Napasasama pa syang magnakaw ng mga si-

nampay at muntikan nang mahuli ng mga tanod minsan. May mga pamilya mang umampon kay Manlo, bumabalik pa rin sya sa kalye. Kung mapirmi man sa isang tahanan, napaguutusang syang pagnakawan ang kumupkop na pamilya. Nagkanana ang di ginamot na sugat sa tengang hiniwahiwa ng blade ng isang katropang Hiphop. Pinagkatiwalaan syang magmasid ng mga shop-lifters sa isang convenience store kapalit ng mga pagkaing malapit nang mag-expire, aangkas sya sa tricycle pauwi bitbit ang pagkain, pasalubong sa pito pang mga kapatid. Walang matibay na haligi ang bahay ni Manlo na sinira ng dumaang Milenyo. Kinabitan lang ng pinagtagpi-tagping sako ang bawat poste. May bubong mang pawid, sila ay nababasa tuwing umuulan. Nagtitiis ang walong magkakapatid sa mga gabing walang ilaw at sa may dalawang dipang espasyong tulugan. Katuwaan na ng Outlaw na tabunan ng buhangin si Manlo sa tuwing matatagpuang tulog sa aplaya. Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang sitwasyon ni Manlo. Ginabayan na dapat sya ng barangay. Tungkulin ng bawat barangay magbuo ng council ng mga responsableng mamamayan na manga-

ngalaga sa karapatan ng mga bata sa kanilang lugar. Kasa-kasama ng tropang Outlaw si Manlo na nakikipagbatuhan sa aplaya sa tuwing kumakati ang dagat at nagdurugtong ang Wawa at Salinas. Nakagawian na raw ng mga taga-roon ang magbatuhan noong unang panahon pa. Wala nang makapagsabi ng dahilan ng away. Sa enkwentrong ito, maraming nasasaktan at namamatay. Nakwento ni Poklong Romero na minsang bumili sa tindahan ang nanay ni Manlo ng blade, bulak, at alcohol. Pumunta ito sa parehong aplaya, at dun pala manganganak magisa. Bumalik ang ina sa tindahan pagkatapos, bitbit ang sanggol, at bumili naman ng yosi. Mabuti na raw na namatay si Manlo hanggat maaga, tatanda lamang itong sanggano. Pangamba ni Piyong Sortijas, isa sa pinakamalapit na katropa sa Outlaw ni Manlo, baka balang araw ay matuto pa itong balikan ang tropa. Sa kabilang tropa ng mga Hiphop, patay na si Manlo at di na dapat pag-usapan. Huling nakita si Manlo sa parke na naghahanap

ng nawawalang pares ng tsinelas. Hinataw nya ng kawayan ang isang galit na galit na aso pagdating sa bahay. Nang hindi ito nanahan, pinulot uli ni Manlo ang binitiwang kawayan, at dun sya pinuruhan nito ng kagat sa braso. Mula nuon, nakaratay na uli si Manlo sa sahig ng bahay, madalas nanghahangkab. Magkakaiba ang salaysay ng mga pangyayari sa pagkamatay ni Manlo. Kwento ng ina nitong sinamahan nya ang anak sa children’s hospital. Kwento ng ama na hinihintay nito ang Lunes kung kailan nagbubukas ang center. Inabutan naman daw ng pagpapagamot ang bata ng may-ari ng asong nakakagat. Aso raw nila ang nakakagat, ako ng ina. Kung may tulong pinansyal naman daw na iniabot, mukhang napunta lamang iyon sa shabu. Baka naman daw maghihilom ang rabis ni Manlo tulad nang mahiwa ang kanyang tenga. Nanduon na ang barangay nang humingi ng tulong ang kaanak ni Manlo sa pagpapalibing. Katumbas ng perang nakolekta sa abuloy, ang pagrelease ng bangkay nito sa punerarya, at ang nitso sa libingan sa Amaya. Pilit mang pabendisyonan sa simbahan ng San Angustin, hindi na sya umabot sa oras ng pagbabasbas ng

mga patay. Sa tropang Outlaw, hindi na malaking puwang ang pagkawala ni Manlo, nanjan naman daw si Raffy, ang bago nilang laruan. Pagdating ng Pasko, siguradong-sigurado si Raffy, malalagyan na ng lapida ang libingan ng kapatid. Nakatingala sya sa ikaapat na apartment na pinaglagakan ng labi ni Manlo. Sapat na raw ang mapapamasko nya sa gagawing pagbabahay-bahay sa Julugan para makapagpagawa ng lapida. Tumigil na raw ang ina ni Manlo na magshabu mula ng mamatay ang anak. Makikita mo pa rin ang ibang mga anak nito na nagbabahay-bahay para manghingi ng pagkain o ng konting piso. Ang mundong ito ay iniwan na ni Manlo kay Raffy. Matatapos na ang tulay sa Longos, Bacoor na magdurugtong ng Maynila sa Cavite. Higit na malaki na ang porsiyento ng mga migrante kesa sa mga taal na Caviteño dahil sa malawakang pabahay sa probinsya. Nailipat na rin ang mga squatters sa mga riles ng Maynila sa mga relocation sites sa Trece Martires City at Imus. Pinagtitibay pa rin ang EPZA laban sa pandaigdigang recession. Tumataas na ang lupang binakuran ng breakwater sa aplaya sa Wawa. Nag-unahan ang mga taong magtirik ng bahay sa pinapalapad na pampang. Nanggaling na rin ang mga migrante sa dagat. Nagtatayo ng bahay sa aplaya ang mga Bicolano, Bisaya, at Badjao. Marami nang gumagawa ng tahanan sa Cavite. Kapag nakita raw ni Raffy uli si Manlo, yayayain nya ang kapatid na umuwi, at tumahan muna sa kanila.


9002 ,03 - 42 TSUGUA

SEPTEMBER 13 - 19, 2009

15

BASURA SA CAVITE, NAKAKAALARMA! NANAWAGAN si Carlo Dante “Cage” Filoteo, kasalukuyang namamahala ng Solid Waste Conversion Facilities ng Cavite City ng tamang pagsasaayos ng basura ng mamamayan ng lungsod. “Nakakaalarma na ang mga datos...” bungad ng tagapamahala. Base sa kompyutasyong ginawa ng General Services Office (GSO), tinatayang ang nalilikhang basura per capita ng lungsod ay 0.5 kg. nangangahulugan ito na sa bawat taong naninirahan sa lunsod, sya ay nakalilikha ng humugit kumulang sa kalahating kilong basura bawat araw. Sa pagtaya ng popolusyon ng kukulangin ng kaunti sa 105 libo (2007), ang solid waste ng Cavite City ay maaaring umabot sa 52.5 metriko tonelada bawat araw. O kaya’y 1,575 metriko tonelada kada buwan. O kaya’y 18900 metriko tonelada kada taon; hindi maitatatwa, napakaraming basura ang pinag-uusapan. Base sa pag-aaral ng Environmental Management Board (EMB), 73% lamang ng 52.5 metriko tonelada ng basura ang nakokolekta ng mga dump trucks na inuupahan ng ating lokal na pamahalaan

(huwag kalimutan ang daang pedicab na gumagala, kumakatok sa ating pinto upang kolektahin ang ating basura kapalit ng ilang barya). Iyan ay kung ipagpapalagay na ang mga truck ay tumatakbo at hindi masira, ipinapalagay din na kakayanin din ito ng Material Recovery Facility. Ang natitirang 27% ng ating

Baka

araw-araw na basura o halos 14 na metriko tonelada ay nauuwi sa kanal, bakanteng lote, sulok-sulok ng kalsada, pamilihan, tubigan, at iba pang lugar na kung saan, sa kasamaang palad, ay may nakapaskel na nagsasabing “HUWAG MAGTAPON NG BASURA DITO!” Bilang tugon sa suliranin, pinangunahan ni Mayot Totie Paredes ay ang investment sa construction ng isang Waste Conversion Facility—likha ng mga Filipinong inhinyero at en-

trepreneurs. Gayun din, ang pamahalaang lunsod ay magbibigay ng tuloy-tuloy na pagsisikap upang makatiyak na ang mamamayan ay up-to-date sa mga kasalukuyang polisiya ukol sa solid waste management. “Kinakailangan ng konting pasensya mula sa mamamayan… ngunit higit sa lahat, tayo mismo, magsikap na pabababain ang basurang naiaambag natin sa arawaraw.” Pagwawakas pa ni Filoteo. WILFREDO GENERAGA

Pila sa Noontime Show? Mistulang pila sa noontime show ang dagsa ng tao sa tahanan ni Mayor Nonong Ricafrente ng Rosario, Cavite upang magpatala nang sa gayon ay makatanggap ng tulong na bigas galing sa munisipyo dahil sa bagyong Labuyo. Happy reading to REV. FR. REDENTOR CORPUZ, MR. JOSE MOJICA, MS. JOY AÑONUEVO, Faculty & Staff of Saint Gregory Acadeny (SGA), Indang, Cavite. Greeting from Rex del Rosario & Responde Cavite Family. *** Belated happy birthday to MR. JUANITO S. MOJICA of Indang, Cavite. Greetings from George Mojica and Rex del Rosario.

Isang kwentong dagli ni Ayn Frances dela Cruz PAGKATAPOS hiwain ang malamyang tiyan ng baka, alisin ang mga lamangloob. Maari din naming hindi, depende sa trip mo. Puwede pa siyang gamiting baging sa tambol. Kailangan nga lang patuyuin para sigurado ang banat ng balat. Ang paghaplos sa tambol ay paghaplos sa minamahal, na maaari mo ring, sa oras ng hinahon at paghuhulagpos, sa oras ng

kilig at pangamba, maari mo ring, balatan. Sa katamtamang lutong, sa maingay na lasap, sa pagkabanas sa katawan, sa oras na ito na ang iyong nararamdaman, handa na ang tambol, dahil hindi ba’t sabi nila, pinapakawalan mo lamang ang ginawa mo, hindi mo talaga ito tinatapos. At ako, at ikaw, makikinig ng buong pangamba, sa unang ulinig ng huni, “baka”.

WILLY’S CATERING SERVICES 0926-9246847 / 527-0092 / 504-4294

CAGE “KADYO” FILOTEO Sa basura’t kalamidad dapat handa ang syudad. ANG PAGMAMALASAKIT SA BAYAN, NASA DUGO LANG ‘YAN


Published by VISPRINT 2007

Published by UST Press 2005

Ang pinakaaabangan na prequel na bestselling na Peksman (Mamatay Ka Man) Nagsisinungaling Ako ni Eros Atalia na Ligo Na U, Lapit Na Me ay ilulunsad na sa SMX Mall of Asia sa Setyembre 17, 2009, 11 AM kasabay ng Manila International Book Fair. Inaaanyayahan ang lahat na dumalo. May pagkakataon ding makausap, makakwentuhan at personal na makilala ng mga mambabasa ang ilang manunulat ng VISPRINT. Ang Ligo Na U, Lapit Na Me ay malapit nang ilabas sa inyong mga suking bookstore.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.