Isyu 10

Page 1


2

NOBYEMBRE 8- 14, 2009

Driver sinalvage, himalang nabuhay

CARMONA, CAVITE – Isang driver ang himalang nabuhay ngunit nasawi ang kanyang pahinante matapos na ito ay isalvage na hindi pa nakikilalang kalalakihan. Kinilala ang driver na nakaligtas sa salvage na si Ryan Botun, 27 taong gulang, residente ng Brgy. Libod Kamalig habang

ang kasamang pahinante naman na namatay na si Rolando Saralde, 40 taong gulang, residente ng Brgy. Pulanggi.

Sa nakalap na balita ng Responde Cavite kay PO2 Marcelino Bersamina, may hawak ng kaso, dakong alas 7:00 ng

CAVITE CITY – Isang trabahador ng Metro Star Ferry ang nabaril ng isang guwardya ng nasabi ring kumpanya. Kinilala ang biktima na si Noel Ramos y Vales, 42 taong gulang, mayasawa, at residente ng Cañacao Bay, Samonte Park, Brgy. 62-A, Cavite City. Kinilala ang suspek na si Nick John Anas y Bonales, 32 taong gulang, may-asawa, kasalukuyang naninirahan sa 232 Paghanapin St., Tondo, Manila. Sa nakalap na balita ng Responde Cavite

nangyari ang pamamaril sa biktima noong Oct. 30, 2009 sa humigit kumulang alas 6:45 ng gabi sa loob mismo ng Metro Star Ferry. Habang nag-iinuman ang biktima at kanyang kaibigan na si Jerald Villacanas y Sullano ay dumating ang kanilang guwardya na si Anas at niyaya nila itong uminom. Pagkalipas ng isang oras lumabas ng opisina ang suspek at humiga sa duyan. Nilapitan ng biktima ang huli upang tanungin kung okay lang ito. Sumagot naman ang suspek na okey lang siya.

Sa kasayahan ng kanilang inuman ay nagpaputok ng piccolo ang isang kaibigan ng biktima na si Dalugdog na ikinabigla ng suspek, mabuti na lang at naunahan ito ng paliwanag kaya bumalik muli ang huli sa kanyang duyan. Kaya’t nagpasya ang magkaibigan na ituloy muli ang inuman. Subalit ilang minuto lamang ang nakakalipas ay may nagpaputok ng kwitis na ikinabigla uli nito kaya hawak-hawak nito ang dalang baril upang kausapin ang mga nag-iinuman. Ikinagulat ng magka-

umaga ng matagpuan ang dalawang biktima na nakahandusay sa madamong bahagi ng Brgy. Mabuhay. Dito ay nakita nilang buhay pa ang isang biktima na si Botun na may tama ng bala sa leeg habang si Saralbe ay may

tama naman sa ulo, kaya mabilis itong isinugod sa pagamutang bayan ng Carmona saka inilipat sa PGH. Sa impormasyong ibinigay ni Botun habang minamaneho niya ang isang tractor head na

kaibigan ng itutok ng suspek ang dala nitong baril at nagwikang “huwag kayong lalapit!!!”, hanggang sa magka-agawan na ng baril at pumutok sa kaliwa binti ng biktima.

Sa kabilang banda ay nagka-ayos din ang dalawa na sasagutin na lamang ng gwardiya ang lahat ng gastusin na inayunan naman ng biktima. OBET CATALAN

Guw ar diy a ng ffer er r y, naka baril Guwar ardiy diya err nakabaril

Almelor

ABANGAN... Dominic Almelor at Zyann Ambrosio ng ABS-CBN News and Current Affairs Team KAPAMILYA na ng Responde Cavite

may plakang ZDY-646 na may hilang trailer (EUA406) sa tabing kalsada ng Santo Tomas, Batangas ng lapitan ito ng apat na kalalakihan na armado ng baril. Laking gulat umano nila ng tutukan ito at talian saka binaril. Sa pag-aakalang patay na ang dalawa ay itinapon na lang ito sa madamong lugar ng Brgy. Mabuhay. Kasalukuyan pa ring inaalam ng awtoridad ang dahilan ng pangyayari habang patuloy pa rin ang paghahanap sa sasakyan ng driver na tinangay ng mga armado matapos ang pamamaril. SID LUNA SAMANIEGO AMBROSIO

AQUA 2599 Nagiba ang mga kabahayan sa Barangay 7, Cavite City matapos hagupitin ng bagyong “Santi”. Agad namang nailikas ng lokal na pamahalaan ang mga residente na nakatira sa nabanggit na lugar.

Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1


NOBYEMBRE 8- 14, 2009

3

Bebot, 2 beses hinalay ng textmate

CAVITE CITY – Isang 16 na taong gulang na dalaga ang itinago sa pangalang Jane (hindi tunay na pangalan) ang hinalay noong nakaraang Nobyembre 3, 2009 ng salaring si Rico Casil y Arteta, 20 taong gulang, binata at nakatira sa 12th St., C. Dones St., Brgy.42-C, San Antonio, Cavite City. Sa nakalap na balita ng Responde Cavite ay nagtungo sa himpilan ng pulisya noong Nobyembre 4, 2009 ang biktima kasama ang mga magulang nito upang magsuplong sa pangyayari. Ayon sa salaysay ng biktima kina P02 Michelle Sta Elena Pillega, P02 Marvin Agabin, P01 Edgie Portacio ng PNP Cavite City ay naganap ang panghahalay sa biktima ng anyayahan ito ng salaring si Rico na magpunta sa Cavite City. Ayon kay Lorena habang papauwi siya galing ng paaralan sa Taguig ay isang text message mula sa kanyang ka-clan na si Rico ang kanyang natanggap at inanyayahan siya nito na magtungo ng Cavite City para dumalo sa sinabi nitong pa-des-

pedida sa kanyang tahanan. Pagdating ng biktima sa tahanan ng salarin ay nagkuwentuhan sila at pagkatapos ay nagpabili ng alak ang salarin at niyaya nito ang biktima na mag-inom. Tumanggi si Lorena subalit pinilit siya ni Rico na uminom hanggang sa makaramdam ng pagkahilo ang dalaga at doon na naisagawa ang dalawang beses o magkasunod na panghahalay sa kanya sa buong gabi at magdamag. Matapos ang salaysay ng biktima ay kaagad na maagap na rumesponde ang PNP Cavite City na nagresulta sa pagkaka-aresto, pagsasampa ng kaso at pagkakapiit sa salarin. REX DEL ROSARIO

Airgym Fitness Center

Cavite City Branch We’re open to serve you If you want to feel healthy and fit come and visit us at 2nd floor of 7 Days Pawnshop Dra. Salamanca Road San Antonio Cavite City WE OFFER WEIGHT TRAINING PROGRAM FOR: 1. Body Building 7. Body Toning 2. Advance Body Building 8. Body Shapping 3. Lose Weight 9. Taebo / Aerbo 4. Gain Weight 10. Karate 5. Power & Bulk Routine 11. Ballroom 6. Exercise for Sports Improvement MONDAY TO SUNDAY (8:00 am – 9:00 pm) For more inquiry pls. look or call: Ms. Chai S. Burgos / Melchor / James Tel. Nos. (046) 431-0515 / (046) 438-2226


4

NOBYEMBRE 8- 14, 2009

Pangako Sa’yo (Ang Aking Susundan)

ALAM ko na hindi maaaring sabihin na alam ko na ang lahat ng tama at magaling para sa aking sarili at sa aking pakikipagkapwa. Kung ganito ang magiging panuntunan ko sa buhay, baka mahirapan akong kumilala at sumunod sa ibang tao lalo na sa nakatatanda at may awtoridad sa akin. Dapat kong isipin na hindi ako ang palaging tama at hindi pwedeng ako lang ang masusunod sa mga bagay na may kinalaman sa buhay at katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit may mga tao sa aking paligid na itinalaga para sumubaybay at gumabay sa akin. Nariyan ang aking mga magulang, guro, pinuno ng bayan, alagad ng simbahan at nakatatanda kong kapwa na maaaring makatulong upang malaman ko ang tama at mali sa mga bagay na aking sinasabi at ginagawa. Alam ko na mahirap sumunod sa kanila lalo na kung palagi nila akong pagbabawalan sa mga bagay na gusto kong gawin at subukan. Pero alam ko rin na may malalim at malawak silang karanasan sa buhay na siyang nagbibigay ng dahilan kung bakit nararapat ko silang sundin at tularan. Ang mga taong tulad nila ay may awtoridad at may karunungan sa mga katotohanang ngayon ko pa lamang natutuklasan at nararanasan. Hindi ko pwedeng ipagwalang bahala ang paggalang at pagsunod sa awtoridad. Kahit alam ko na ako ay malaya at nabubuhay sa lipunang may demokrasya’t kalayaan, hindi ko pa rin maisasantabi ang papel na ginagampanan ng mga taong nakatatanda at may awtoridad sa akin. Sila ang aking guro at gabay. Sila ang susundin ko sa patuloy kong paglalakbay sa dagat ng buhay. Pasasalamat sa St.Bernadette Publications, Inc. Good Morning, Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kayganda at Bagong Pag-asa. Edukasyon… Kahit Saan… Kahit Kailan, Katuwang sa Karunungan at Kaunlaran.

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

PS sa ‘Intoy Syokoy ng Kalye Marino’ “ANG hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan.” Walang makakatutol sa kasabihang ito. Kaya nga kapag ang isang tao na madaling makalimot kung saan sya nanggaling, kadalasang binibansagan nating ‘walang utang na loob’ dahil lahat tayo, kung anuman ngayon, ay utang natin sa ating pinagmulan. Kaya ako, kahit marami-rami nang lugar na nararating at taong nakaharap, litaw na litaw pa rin sa akin ang lugar na aking kinalakihan. Ang ‘Kalye Marino.’ Hinubog ng Kalye Marino ang pagtingin ko sa buhay. Tinulungan ako ng Kalye Marino na makita ang kagandahan ng buhay sa gitna ng karukhaan. Na ang karahasan ng buhay ay depende kung sino ang mandarahas at dinarahas. Na may kagandahan pa sa gitna ng masalimuot na daigdig. Tinuruan ako ng Kalye Marino na ngitian ang mga bagay na hindi maluna-

san. Na ang buhay ay hindi simpleng pagtugon lang sa kalam ng sikmura. At ang pinakamakahulugang itinuro sa akin ng Kalye Marino, lahat ng tao ay pwedeng mangarap. Wag tumigil mangarap. At isabuhay ang pangarp. Ang pangarap ng isang pinakasimpleng tao ay singhalaga rin ng pangarap ng pinakamakakapangyarihan sa mundo. At ang buhay ng pinakapayak na tao ay katumbas ng buhay ng pinakamayayaman sa lipunan. Kaya nang sumulat ako ng kwento na isinali sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, hindi ako nagdalawang isip na maging paksa ko ang Kalye Marino. Lahat ng manunulat ay pinangarap sa buong buhay nila na manalo sa Palanca. Ito ang pinaka-Nobel Prize in Literature. Nakatyamba naman tayo. At First Prize pa. ‘Ika nga, pwede nang magretiro sa pagsusulat. Napadpad ako sa larangan sa pagtuturo sa kolehiyo at graduate school, napasubong maging mamamahayag at kolumnista sa iba’t ibang tabloid… iba rin ang pagiging malikhaing manunulat. At ang lahat ng ito, ay utang ko sa ‘Kalye Marino.’ SUNDAN SA P.10

Panaghoy ng isang nagsusumamong anak NALULUNGKOT ako. Sa tuwing minamasdan ko ang aking sarili ay hindi ko maiwasang mabagbag ang aking damdamin. Hindi naman masasabing ako ay pangit. Masdan mo ako, ama, malasin mong muli ng masinsinan. Kung naging ‘creative’ ka lang sana, pinakamagandang ayusin ang aking angking ganda. Susuklayan at ilulugay ang aking mahabang buhok, pakikintabin at sasabitan ng masamyong bulaklak, ng sa gayo’y kaaya-ayang pagmasdan, tulad din na lalatagan mo ng masingsin na damong bermuda o ‘carabao grass’ na hindi lamang kagiliw-giliw pasyalan at gawing piknikan ng isang masayang pamilya kung saan mawiwiling paglaruan ng mga bata. Nang sa ganoon ay hindi gawing tulugan ng mga pulubi gabigabi, kasama ang maraming anak na walang saplot at naglalatag ng banig o kumot-tulugan sa paanan ng rebulto ng pambansang bayaning Rizal o sa plaza ng labintatlong bayani ng Kabite. Nang sa gayo’y hindi tigilan ng namamasyal doon kung ang kasabay ng asawa at mga anak ay nakahiga’t natutulog sa lugar na pasyalan at patuloy na hinahayaang yumurak sa dangal ng ating mga bayani. Maganda naman akong tunay. Kung naaayusan mo lang ako, tatay, disin sana’y maihahambing mo rin ako sa ibang dalaga na inaarugang mabuti ng kanyang ama. Titigan mabuti kung ayos ang aking kilay, pantay ang pagkakalagay ng pulbos o ang ayos

ng pagkakapula ng aking labi o sa kabuuan, maganda na nga ba? Ama, bakit mo ako pinabayaan? Gayong arawaraw, ako’y iyong natatanaw. Dyan ka lamang naman sa aking ulunan nag-oopisina. At halos isang poste lamang ang layo ng iyong tirahan. Hindi mo man lamang ako nabigyan ng kaunting pansin, kung ako man ay walang halaga sa iyo. Inamutan mo man lang sana ng kahit kapirasong kalinga. Alam mo tatay, naiingit tuloy ako sa ibang liwasan. Natamnan ng sari-saring makukulay na halaman na ang mga bulaklak ay namumukadkad na di mo man samyuhin ay humahalimuyak. Sagana sa alaga na patuloy ang pagpapantay o ‘trimming’ sa labis na tumutubo na parang maayos na ‘manicure at pedicure’ upang taas noong makapagmalaki sa mga bumibisita sa city hall ng lolo niya. Ngunit sa halip na ako’y manatiling maganda’t maayos upang maging presentable ay pinabayaan ng mangaluntoy ang kaunting halamang nakapaligid sa akin. Hindi mo man lamang nakuhang mapalitan ang mga punong naitumba ng bagyong nagdaan. Napabayaan mo na rin sila. SUNDAN SA PAHINA 12

Unipormeng walang bulsa SABI nila kapag matrapik daw sa isang lugar ay tanda ito ng maunlad na bayan. Kapag maunlad ang bayan, maraming bagaybagay tayong nakikita. Masaya ang bawat mamamayan, masaya dahil ito ang nais ng sinuman….Sa bayan ng Rosario kitang-kita ang patuloy na pag-ungos ng kaunlaran. Upang hindi mabahiran ang hanay ng mga trapiko may isang taong henyo ang naka-isip na baguhin ang kanilang uniporme. Ang dating maraming bulsa ngayon ni-isa ay wala na. Dagdagan pa ng naka-disenyong logo na “no kotong”. Hanep itong taong ito, ang galing mo bata! Walang ibang pwedeng bitbitin kundi ang kanilang paniket lamang at ang kanilang inaalagaang pangalan. At sa hanay ng mga trapiko, isang malaking hamon ang sistemang ito. Sa henyong tao na nakaisip nito, dapat ka lang na saluduhan. Sir, we salute you! Ichikawa Rubber Corp., inirereklamo Isang maingay na sumbong ang ipinarating sa atin ng ating mga mambabasa ukol sa pabrika ng Ichika-

wa na nasa loob ng Epza dahil sa mga sistemang pinaiiral ng mga nangangasiwa partikular ng mga “hapon”. Walang taunang pagtaas ng sweldo sa mga regular na empleyado, panggigipit sa pagpapaliban sa trabaho, pwersahang paggawa sa oras ng trabaho na higit na ikinaiinis ng marami. Paghahanap ng butas sa mga matatagal ng empleyado upang sapilitang mapatanggal sa kumpanya. Kung ganito ang sistema na pinaiiral ng kumpanyang ito, posibleng magkaisa ang mga tao. Magkaisa na ituwid ang lahat ng mga kamaliang pinaiiral, ituwid ang likong pamamalakad. Dapat ay patas para sa kumpanya at para sa bawat manggagawa. Sa pamunuan ng kumpanyang ito, basahin ninyo ito ng sabay-sabay: Sa iyo Ma’am Donna Antazo, Administrator ng Ichicakawa, ang tao po ninyo ay umiiyak dahil sa pwersahan ninyong paggawa. Kapwa ninyo rin Pinoy ang mga manggagawa ninyo, hindi ba’t mas marapat lang na ito ay inyong tulungan at hindi para ipagkaluno. Uso pa rin pala ang pagsusuot ng “bayong” na may dalawang butas na silipan ng mata? Akala ko noong unang panahon pa ito nangyari? Mr. Isao Kudo, Kaisha Ichikawa no, sacho minasama wa, Firipin ni situation wa hontoni musukashi desukeredemo assistance ga itadakimasen ka?


NOBYEMBRE 8- 14, 2009

5

Ang Matingkad na Araw ng Pasko SA November 30, 2009 ay ipagdiriwang ang ika-labing dalawang Anibersaryo ng itinakdang Araw ng Pulo. Ang kasaysayan ay magkatuwang na ipagaganap ng Barangay Council at Senior Citizens Association. Ang panig ng Barangay Council ay pamumunuan ni Kapitan Rodolfo Penalba, Jar, Kag. Roberto Novero, Kag. Evelyn Ferrer, Kalihim Marites Cortez at Ingat-Yaman Orsina Erse. Sa Hanay naman ng Senior Citizens ay malugod naming pangangasiwaan ni Presidente Reynaldo Gatdula, Kapitana Josefa Roderno at mga dating Kagawad Juan Villanueva, Macario Caballes at Candido Gatdula. Ang araw ng isang pagkakataon na pasinayahan ang mga natutupad na “Development Projects” ng barangay. Sa ating pagbabalik-tanaw ay naririto ang mahahalagang proyektong na tapos na: 1. Ang kauna-unahan sa Indang na 2-story Barangay Hall na naitayo sa pamamahala ni Maestro Karpintero Antonio Piones sa kaputol na lupang donasyon ni Ka Martin Villanueva (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). 2. Ang pagpapakonkreto ng kalsada na may sukat na 3.5 kilometro. 3. Ang pagpapatibay ng 165 na betang pababa sa pina-ayos na Sibul Spring na noo’y paliguan at piknikan, ngunit ngayon ay naging pinagkukunan ng patubig ng nayon. 4. Ang sementadong basketball court na nasa pagitan ng “marmolized” Catholic Chapel at Barangay Hall. Marami pang mga proyekto sa patubig, paghahalaman, paglilinis ng kapaligiran at pagtatanim ng kaong at punongkahoy na proteksyon sa dalawang ilog na pinamumugaran ng mga bukal ng tubig. Sa mga gawaing ito, ay ipinakikita ang pagtutulungan ng mga mamamayan ng barangay. Napakagandang tanawin na ang kabataan at matatanda, kababaihan at kalalakihan ay nag hahandog ng “Free Labor” at ang hindi makapagtrabaho ay naghahanda at nagdudulot pananghalian at meryenda sa umaga at hapon. Hindi nagkamali ang mga namayapa ng Senior Citizens na nagbunsod ng

“Araw ng Pasasalamat”. Katangi-tangi ang kontribusyon ni Maestro Apolinario Espiritu na bumuo ng tugtugin “Veterano dela Revolusion” na kinakanta ng “Choir ng Nakatatanda” tuwing sasapit ang Araw. Ang Ka Roman Espiritu na gitarista ng choir ay hindi mauunahan sa paghahandog ng tulong pinansyal tuwing may ipapatupad na proyekto. Ang magkapatid na Pio at Efren Caballes ang siyang pasimuno ng ideya ng Araw ng Pulo. At ang magkasunod na Camilo Feraer at Panfilo Espiritu ay bukas ang loob ang pagtulong sa kabila ng kanilang karamdaman sa pangangatawan. Naigawad sa Pulo ang karangalang “Most Outstanding Barangay ng Region IV” mula sa Malacanyang “Barangay Monitoring Committee” na ang Chairman ay dating NAIA Manager Edgardo Manda. Ito ay nangyari ng taong 2002 at ang plake ng katibayan ay tinanggap ni Kapitan Anacleto Montano mula sa sugo ni Chairman Manda sa katauhan ni Raul Funilas na Makata/Manlililuk na taga- UP Diliman. Noong taong 1991, ang Indang ay nagging “Recipient Center” ng World Bankassisted PREMIUMED Project. Sa pagpapagawa ng Public Market na pautang ng Project ay may panapat na DPWH na nakalaan sa libreng pagpapa-ayos ng “support facilities” tulad ng tulay at kalsada. Sa pakiusap ni Mayor Lumin Silao na inaprubahan naman ni Usec Teodoro Encarnacion, ang lansangan ng Pulo ay tuluyan nang napakonkreto. Naging kapartner din ang Pulo ng California Tecnological Care sa pagtatatag ng Computer Learning Centers magbibigay ng libreng pag-aaral ng Basic Computer Skills at pagsasanay sa paggamit ng System Hardware. Pagkatapos ng First Batch ng trainees, nahinto ang proyektong ito dahil sa kakulangan ng pondo na sanay magmumula sa pamahalaang local. Ilang taon ding naging host barangay ang Pulo ng mga estudianteng kumukuha ng kursong Master of Arts in Regional Development Planning na joint program naman ng Dostmund University ng Germany at UP School of Urban and Regional Planning. Ang mga iskolar nasa kalinga ng German Government ay mga planning officials na galing sa Sri Lanka, Indonesia, China, Taiwan, Nepal, Vietnam, India, Palestine, Pakistan, NEDA, UP, DTI at CVSU. Talagang internasyonal ang koneksyon ng Pulo. SUNDAN SA PAHINA 12


6

NOBYEMBRE 8- 14, 2009

PAGBOTONG RISONABLE BOTANTENG RESPONSABLE

ILANG araw na lang at maghahain na ang mga kandidato ng kanilang Sertipiko ng Pagkandidato sa iba’t ibang posisyong ibig nilang takbuhan. Ito ay sa kabila ng maraming bahagi ng bansa ang may naganap na kaguluhan dahil maraming mga botante ang hindi nakapagrehistro.

Nakipag-ugnayan ang Responde Cavite kay Atty. Sheryl Moresca, Election Officer IV ng COMELEC Cavite City hinggil sa automated election sa Mayo 2010. Samantala, sang-ayon kay Atty. Sheryl G. Moresca, Election Officer IV ng COMELEC Cavite City, wala pang guidelines na ipinalalabas ang COMELEC para sa automated election na magaganap sa ika- 10 ng Mayo 2010. Kasalukuyan naman ngayong umiikot ang guidelines mula sa COMELEC kaugay ng paghahain ng sertipiko ng kandidatura sa at nominasyon ng opisyal na kandidato ng rehistradong partido politikal. At para sa kabatiran ng madla at interes ng publiko, minabuti ng RESPONDE CAVITE na humalaw ng ilang mahahalagang impormasyon mula sa nasabing guidelines na binuo noong Oktubre 6, 2009 ang Resolution blg. 8678. At narito ang ilan: Bago tuluyang tumakbo ang isang kandidato, kinakailangan munang mag-file ng sinumpaang sertipiko ng pagkandidato na magmumula sa COMELEC ang sinumang kakandidato bago ito tuluyang mahalal. Hindi rin maaring tumakbo sa magkaibang po-

sisyon ang isang kandidato. Maaaring umatras ang sinumang kandidato bago pa dumating ang araw ng eleksyon. At ang paghahain ng setipiko ng pag-atras ng kandidato ay hindi maaaring sampahan ng kasong sibil, kriminal o administratibo. Matapos nito, dapat sinumpaan ang sertipiko ng pagkandidato at dapat maipabatid ang pagkandidato sa posisyon at nasasakupan, na siya ay maari sa nasabing posisyon, edad, kasarian, katayuang sibil, lugar at petsa ng kapanakan, nasyonalidad, maging naturalized o natural-born; partidong political na kinabibilangan, kung kasal, at ang buong pangalan ng asawa, ang eksaktong lugar na tinitirhan, at kung saan siya rehistrado, ang kanyang trabaho, na hindi sya permanenteng nakatira o immigrant sa ibang bansa, na kanyang susuportahan at ipagtatanggol ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas at ang buong katapatan dito, at susundin ang lahat ng mga batas, kautusan, resolusyon tuntunin at regulasyon binubo at ipinalabas ng

anumang awtoridad. Ang kumakandidato ay maaring gumamit ng isang palayaw o stage name na kung saan sya higit na kilala. Hindi rin sya maaaring gumamit ng palayaw, stage name o inisyal ng ibang kandidato, o ibang palayaw o stage names, ang bibilangin lang ay ang unang palayaw na isinulat. Limang kopya ang ipapasang sertipiko ng pagkandidato kasama ng mga tanggapan ng Komisyon para sa mga ss: A. Law Departement, Commission on Election para sa Presidente, Bise Presidente at Senador B. Regional Election Director, NCR Para sa mga Konggresista para sa legislatives sa National Capital Region (NC) C. Provincial Election Supervisor na kinauukulan: 1. Mga konggresista ng legislative districts sa mga probinsya 2. Para sa mga opisyal sa probinsya D. Para sa mga City Elec-

tion Officer para sa Regional Election Director 1. Mga Konggresista para sa legislative districts sa mga lunsod labas ng NCR, na bumubuo sa isa o higit pang legislative districts 2. Para sa mga Opisyal ng mga lunsod na may pa sa isang election officer E. Para sa City/Municipal Officials Ang sertipiko ng pagkandidato ay personal na ihahain ng kandidato o ng sinumang otorisadong kinatawan. Hindi pwedeng tanggapin ang certificate of candidacy na ipinasa sa pamamagitan ng sulat, telegrama o facsimile. Hindi maaring tanggapin ang certificate of candidacies na ipinasa sa tamang tanggapan. Hanggang ika-12 ng madaling araw sa Dec. 1, 2009 ang paghahain ng Certificate of Candidacy pero sa karaniwang oras ng opisina (8:00 am-5:00pm) tatanngap ng Cerificate of Candidacy mula Nobyembre 20, 2009. Masasabing Independent Candidate ang isang kandidato kapag hidni sya nominado ng anumang rehsitradong partido politikal o ng otorisadong kinatawan nito, na ang nominasyon ay di pinasa ng isang rehistradong partido political, na hindi tinanggap ang anumang nominasyon mula sa isang rehistradong partido politikal, na tumanggap ng nominasyon mula sa hgit sa isang partido politikal, maliban sa mga kaso ng mga koalis-

yon ng mga nabanggit na mga partido political o ang nominasyon ay inihain matapos ang huling araw ng paghahain ng sertipiko ng pagkandidato. Maaaring magkaroon ng pagpapalit/substitusyon ng kandidato kung sakaling may mamamatay, diskwalipikasyon o pag-atras na maaring gawin matapos ang huling araw ng paghahain ng sertipiko ng pagkandidato, basta’t ito’y galling sa at nominado ng gayon ding partdo politikal. Walang substitusyon para sa mga independyenteng kandidato. Ang papalit sa kandidatong umatras ay maaring maghain ng kanyang sertipiko ng pagkandidato hanggang ika-14 ng Disyembre, 2009. Ang papalit sa kandidatong namatay, o dumanas ng permanenteng inkapasidad o pinal na diskwalipikado, ay maaring maghain ng kanyang sertpiko ng pagkandidato hanggang tanghali sa mismong araw ng eleksyon. Sakaling mamatay o permanenteng maimbalido ang isang kandidato sa pagitan ng isang araw bago ang eleksyon at tanghali ng mismong araw ng eleksyon, ang papalit ay maaring magpasa ng kanyang sertipiko ng pagkandidato kaninoman sa board of election inspector sa political subdivision na kung saan sya kandidato, o sa pagka-Presidente o Bise-Presdente o Senador, ay sa Law Department of the Commission on Election sa Maynila.

Walang sinumang umatras sa pagkandidato para sa isang posisyon ay maaring maging pamalit na kandidato sa anumang posisyon matapos ang itinakdang araw ng paghahain ng sertipiko ng pagkandidato. Maaari naming ituring ng Commission ang isang tao na nuisance candidate (panggulo) kapag napag-alaman matapos ag masusing beripikasyon, na ang nasabing kandidato ay maglalagay sa Komisyon sa kaguluhan o katatawanan o magdudulot ng kalituhan sa mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng hawig na pangalan ng rehistradong kandidato, o kapag napag-alamang walang tunay na layuning tumakbo ang isang tao at pumipigil sa tunay na diwa ng eleksyon. Maaring magpasa ng petisyon ang sinumang rehistradong kandidato ng ituring na nuisance (panggulo) ang isang kandidato limang araw mula sa huling araw ng paghahain ng sertipiko ng pagkandidato. Bagamat naging kontrobersyal ang kauna-unahang Automated Election sa kasaysayan ng bansa, inaasahang magiging mainit pa rin ang darating na eleksyon dahil sa mga nagpaparamdam na mga kandidato sa lalawigan, lunsod at bayan ng Cavite. Dahil sa nasabing paggamit ng computer at makina sa darating na eleksyon, inaasahang mababawasan ang lansakan at lantarang dayaan.


7

NOBYEMBRE 8- 14, 2009 Jenielyn Mogayon

Jen Allen Espineli

2

4

Erica Ratchel Abas

Tricxie del Mundo

6

1 3

Ronaliza Rodil Jhoanna Romen

10

Ailyne Angeles

BINIBINI AT GINOONG ndang

Amiely Venus Notario

5

Abigail Suarez Regine Nica Garcia

I

8

7

13

Maika Nishi

Bea Katrina L. Ferre

11 9

12

Jacquelyn Ashley Williams 1

Christian Mark C. Bano

Bryan Philip C. Lagrama

Rhen Jeciel

9

8

7

4

3

2

Keanne Mervin A. Crystal

10

Richard Costa

COUPON ISYU 10

Eugene Co

Noel E. Hintog

11

12

Raymond H. Peji

Suportahan ang gusto mong susunod na Ginoo at Binibing Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite). Punan ang Kupon sa ibaba at ihulog sa Tourism Office sa Munisipyo ng Indang. Ang magwawaging Ginoo at Binibining Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite) ay tatanggap ng tropeyo at sash at magiging opisyal na tagapag-endorso ng Pahayagang Responde Cavite (Risonable, Responsible) sa ilang piling isyu. Maaari ring bumoto on-line sa www.respondecavite.com

100 pts Nathaniel Esguerra

6

5

NOVEMBER 8 - 14, 2009

CANDIDATE NO.______ NAME OF SPONSOR:___________________________________ ADDRESS:_____________________________________________ VOTE FOR

Bb. Indang

G. Indang

SIGNATURE: _____________________________________________ Dominic Feranil Feranil Dominic

Jan Jerwin Cresino

Kernell Warren Rodil


8

NOBYEMBRE 8- 14, 2009

Ang Mga Bayaning Magsasaka

NOONG nakaraang Oktubre ay muling ginunita ng uring magsasaka o magbubukid ang kanilang Peasant Week (every 3rd Sunday). Napakalaki ng halaga at importansiya ng sektor na ito sa ating bansa at maging sa buong mundo. Katulad ng mga sektor ng OFW, manggagawa, guro at iba pang aping sektor sa ating lipunan ay maituturing din ang mga magsasaka na mga bayani ng ating panahon. Kung ang mga manggagawa ang tinaguriang hukbong mapagpalaya, ay ang mga magsasaka naman ang tinaguriang pangunahing pwersa para sa pagkakamit ng tunay at matagalang pagbabago sa sangkatauhan. Bakit masasabing bayani ang mga magsasaka? Sapagkat sila ang tagapaglikha ng mga pagkain sa buong mundo. Kung wala ang mga magsasaka ay hindi tayo magkakaroon ng pagkain sa bawat mesa sa araw-araw. Datapwa’t alam ba ninyo na kahit sila ang tagapaglikha ng pagkain ng buong mundo ay nakakalungkot isipin na pagdating sa kanilang hapag kainan ay wala silang pagkain sa mesa? Sapagkat napakaraming usapin at problemang patuloy na ipinaglalaban ang mga magsasaka mula pa noon hanggang sa ngayon na hindi pa rin matugunan ng gobyernong ito. Nariyan ang problema sa mga ekta-ektaryang lupain na kahit na may batas na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang gobyerno ay tila walang itong pangil at bigo pa ring maipamahagi sa mga magsasaka ang mga hacienda na pag-aari ng iilang ganid na panginoong maylupa at mga asendero. Hindi natin dapat kalimutan ang naganap na Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987 kung saan siningil ng libu-libong magsasaka ang bagong talaga at tinaguriang revolutionary government ng namayapang Pangulong Corazon Cojuangco –Aquino upang ipatupad sana nito ang pamamahagi ng mga lupain (kasa-

ma na ang pagmamay-ari ng pamilya Cojuangco na Hacienda Luisita sa Tarlac) sa mga magsasaka na isinasaad ng batas na CARP subalit sa mapayapang protesta ng mga magsasaka sa paanan ng Malacañang ay bala ang isinalubong ng gobyerno na nagresulta ng pagkamatay ng 13 magbubukid na tagaCavite at Laguna. Sapagkat hindi na natuto ang gobyernong ito sa karanasan at kasaysayan ay naulit lamang na naganap sa gobyerno ng pekeng Pangulo na si Gng. Gloria Macapagal –Arroyo ang pangyayari noong Nobyembre 16, 2004 sa mismong lupain ng mga Cojuangco sa Tarlac ng mapayapang magprotesta para sa dagdag na umento sa pasahod ang mga manggagawa ng hacienda sa pangunguna ng Central de Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) at sa tulong ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) subalit gaya ng inasahan na sa gobyernong ito ay karahasan na naman ang isinagot ng paulanan ng mga bala ang nagpoprotestang magsasaka kung saan dugo ng 7 manggagawang bukid ang dumilig sa lugar na iyon. Ayon sa intelligence team ng PNP at AFP ay napasok na umano ng mga kasapi ng New Peoples Army (NPA) ang protesta at may mga nagpaputok daw ng baril mula sa mga nagpoprotesta. Ang anggulong ito ay hindi kapani-paniwala dahil malinaw pa sa sikat ng araw ang nagdudumilat na katotohanang matapos ang pandarahas na iyon ng mga kapulisan at militar ay ang hanay ng mga manggagawang bukid ang nasugatan at namatayan dahil sa tama ng mga bala, samantalang wala namang tama ng bala sa hanay ng mga kapulisan at militar. Sa ngayon, patuloy ang pakikibaka ng mga magsasaka para sa kanilang karapatan sa lupang sakahan, pagbasura sa mga may butas na batas o patakaran ng gobyerno at panawagan laban sa patuloy na militarisasyon na nagaganap sa mga kanayunan at kabukiran na nagdadala ng takot at pang-aabuso sa karapatan ng mga magsasaka at mamamayan. SUNDAN SA PAHINA 12

Ang Kuwitis at Ang katapangan ng mga Kabitenyo NUONG nag-aaral pa ako sa isang kilalang pamantasan sa Maynila, naaalala ko ang ilang mga grupo-grupong kalalakihang lumalapit sa mga freshmen student, ang mga ito’y miyembro ng mga kilalang fraternity sa buong kamaynilaan, kung saan nagrerecruit sila ng mga bagong miyembro, Kaya naman ako at ang aking mga kaibigan ay nagpapakahirap pang umiikot ng malayo wag lang madaanan ang mga grupong ito. Pero isang araw ay natyempuhan ako ng grupong itong nag-iisa, lumapit sa akin ang mga ito, tinanong ako ng taga saan ka, na sinagot ko namang “Cavite po,” tinapik ako sa balikat ng isa at sinabi sa kasama niyang, “di talo, brod!” at iniwan ako ng mga itong may pabaon pang ngiti. Ilang buwan na rin akong nag-aaral ng malaman kong ilag pala ang mga grupong ito sa mga Kabitenyo, dahil may mga grupo palang puro taga Cavite na pinuprutektahan ang iba pang mga kabitenyo, mga matatapang kung ganun. Inalam ko kung saan nga ba nagsimula ang pagiging matapang ng mga Kabitenyo at dinala ako nito sa petsang January 20, 1872. Isandaan at tatlumpung taong mahigit na ang nakakalipas, sa pamumuno ni Sgt. La Madrid ay nagawa nitong sakupin ang arsenal sa San Felipe(sa Cavite City). Nagsimula ang lahat ng malaman ng mga ilang manggagawa sa lugar ang panibagong dagdag singil sa kanilang buwis. Gaya ng mga pangyayaring nagaganap sa panahon ngayon, umugong ang balita sa malakihang pag-

aaklas sa Maynila(Intramuros ngayon), kaya naman naisipan ng mga Kabitenyong sabayan ang sinasabing pag-aaklas. Nagpadala ng tao si Sgt. La Madrid sa Intramuros, na magbibigay ng hudyat sa mga kabitenyo sa kanilang sabayang paglusob sa Arsenal at pagpatay sa lahat ng mga kastilang makakasalubong. Ang hudyat ay ang pakakawalang kuwitis sa Intramuros na tanaw sa pampang ng Kabite. Nangyari ang inaasahan, may nagsipagputukang kuwitis mula sa Maynila, na naging hudyat ng paglusob ng mga Kabitenyo sa pamumuno ni Sarhento La Madrid. Naging madugo ang pangyayaring iyon sa historya ng Kabite, pero sa likod noon ay nagawang sakupin nina Sarhento La Madrid at ng mga kasama niya pang ibang kabitenyo ang San Felipe. Isang tagumpay sa mga Kabitenyo. Pero sa likod ng mga pangyayaring iyon, dumating kinabukasan ang puwersa ng mga sundalo at muling napasakamay nila ang San Felipe, napatay ang ilang kabitenyo at ang iba’y pinatapon sa ibang lugar at ibang bansa. At ang pangyayari ding iyon ang siyang nagtulak sa garotte sa tatlong paring martir na sina Padre Burgos, Gomez at Zamora na silang sinasabing nagpasimula ng pag-aaklas na hindi naman malinaw na napatunayan. Ang pinaka-nakakahinayang lang sa lahat ay namatay si Sarhento La Madrid na hindi man lamang niya nalaman na hindi naman nagpaputok ng kuwitis ang mga pinadala niya noon sa Intramuros at hindi nagkaroon ng pag-aaklas sa Maynila. Lingid sa kaalaman niya at ng mga kasama, nagmula ang kuwitis ng hapong iyon sa paglabas ng imahe ni Nuestra Señora del Carmen sa simbahan ng Quiapo, dahil nung araw na yun ang kanilang kapiyestahan. Pero kahit papaano napatunayang matatapang ang Kabitenyo sa pangyayaring iyon.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: Sabihin kung ano ang gustong sabihin, makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy itong kimkimin. Lucky days/nos. Mon/Fri 7-11-15-30-34-40 AQUARIUS: Walang perfect love relationship, laging may mangyayaring hindi mo magugustuhan kaya wag mong sayangin ang relasyon. Kailangan mong magpasensya, maayos ang takbo ng iyong kapalaran kahit matindi ang kompetisyon. Lucky days/nos. Mon/Wed 1-8-15-34-39-45 PISCES: Para kang nasa ulap dahil sa tindi ng iyong romansa at parang ayaw mo ng matapos ang lahat. Walang masama sa gayon kaya lang kailangan mong rendahan ang sarili mo dahil baka mauna siyang magsawa sa iyo. Lucky days/nos. Thurs/Sun 2-9-14-20-25-41 ARIES: Isang tao ang aakit ng atensyon. Bago mahulog ng lubos ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Lucky days/nos. Fri/Sat 1-15-18-33-38-40 TAURUS: Mabilis tulad ng pagguhit ng kidlat sa langit na ang mga swerte ay papasok sa loob ng iyong katawan at ang lahat na gagawin mo ay magbubunga ng malaking pakinabang. Lucky days/nos. Tues/Wed 10-13-19-20-24-25 GEMINI: Iaangat ka ngayon ng iyong kapalaran kung saan ang iyong mga kaaway ay titingalain ka at sila ay unti-unting magnanais na mapalapit sa’yo dahil suko sila sa mga tagumpay mo. Lucky days/nos. Mon/Wed 4-16-21-33-34-40 CANCER: Ito ang araw na dahil sa mapagkumbaba ka, maliit lang ang iyong magiging kahilingan sa itaas. Pero dahil hanga ang langit sa mga mapagkumbaba malalaki ang ipagkakaloob sa iyo. Lucky days/nos. Tues/Fri 15-20-28-29-40-45 LEO: Iyo ang araw na ito. Sa muling pag-ikot ng gulong ng kapalaran ikaw ang unang-unang makikinabang, mapupuno ng husto ang kaban ng iyong yaman. Lucky days/nos. Fri/Sat 10-19-29-30-40-41 VIRGO: Masisilaw ka sa sobrang kagandahan ng mga pangyayari. Hangga’t maaari, alalahanin mo ang kasalukuyan ay paghahanda para sa kinabukasan. Lucky days/nos. Tues/Wed 2-8-11-30-39-42 LIBRA: Ito ang araw na mabibigla ka pero ikaw ay matutuwa dahil ang isang nilalang na malapit sa iyo kahit di mo lapitan ay pagkakalooban ka ng iyong mga kailangan. Lucky days/nos. Wed/Sun 17-29-36-38-39-40 SCORPIO: Swerte ka ngayon pero kailangan malaman mo na ang iyong mga swerte ay magmumula sa iyong mga bagong kaibigan at di sa ibang tao na dati mo ng kasama. Lucky days/nos. Thurs/Fri 20-29-30-33-39-42 SAGITTARIUS: Ito ang araw na aakalain mong nag-iisa ka lang at walang kakampi. Subalit ang totoo ang langit mismo ang nagtutulak sa katawan upang makayanan mo ang mga hamon ng iyong buhay. Lucky days/nos. Fri/Sun 9-19-23-36-38-39 Happy 23rd birthday to NICK MESA. From Dewdi

Belated happy birthday to “Gandang Lavly” Luvly Ann. Wish naming na tumangkad ka. From Dewmich “Generics”


NOBYEMBRE 8- 14, 2009

Maikling Kwento Ni Carlos V. Ronquillo 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista Aklat 1 ng dalawang aklat SI KAPITAN PEDRO, isa sa mga bayaning kawal na panghihimagsik, ay nasa bayang D, lalawigan ng K, noong isang araw ng Pebrero ng 1897. Nasa ulanan siya ng isang kompanya, isang kompanyang binubuo ng sampung barilan at dalawang daang guliuka; at kompanyang may angking kabansangang kilala pati sa mga bayan at lalawigang kanugnog ng K, at kabansangang nahihiyasan ng maraming kabayanihang ipinamalas sa labanan sa Talisay, Las Piñas, Binakayan, Pateros, atbp. Sa umaga ng araw na yao’y tumanggap ng isang mabilis na liham ng pangulong digma, na ganito ang titik: “…Ngayon di’y magmadalian kayong bumaba sa Zapote at tumanggap doon ng utos ni Tenyente Heneral Edilberto evangelista. Ang kaaway ay may tangkang pumunit doon…! Walang inaksaya ni munting sandali. Ang mga paghahanda ay ginanap noon din. At palakad na. Ngunit siyang pagsipot ng isang utusan, isang alila sa kaniyang bahay, at may taglay na isang pabiling mabilis din ng asawa, upang umuwi muna sa kanila’t dalawin ang naglulubhang irog. “Mabuti,” aniya, “ngayon di’y daraan ako.” *** Ang bahay nina Kapitan Pedro’y nasa nayon ng M, na sapilitang daraanan kung manggagaling sa D, patungong Zapote. At sa bahay na yaon, munti at dukha, ay naroon ang naghihintay na sing-irog. Malubha na; kalubhaang ipinakikilala ng kalinawang manalita, ng kaliwanangan sa isip, na karaniwang tanda ng malapit na pagpanaw ng isang hiningang nililingkis ng sakit. May ikasampu na ang oras sa gabi nang marinig sa bahay ang isang utos na nagpapahinto sa mga kawal na akbay. “Narito ang Tatay!” anangmga nag-iiyakang anak.

At kanilang sinalubong. “Bakit? Bakit kayo nagsisitangis?” “Ang Nanay ay tila…” Ngunit hindi natapos ang salita, pagkat si Kapitan Pedro’y nagmamadaling lumapit sa kinararatayang banig ng asawa. Ngunit hindi makapangusap ni munti. Parang binibiyak ang kanyang dibdib, karakang makita ang anyo ng kaniyang asawa. Nakaramdam nang ang hininga nito’y nagbabanta ng pumanaw. Ang asawa ang unang nangusap: “Pedro, huwag kang matilihan, huwag mong gunitain ang tayo ko; salamat at tila magaang na ang katawan ko’t ulo!...” Samantala’y hinihipo-hipo ni Kapitan Pedro ang mga paa’t kamay, hinahaplos ang mukha’t tagiliran at pinahid ang pawis na malamig ng asawa. At ito’y nagpatuloy ng pananalita: “ipinatawag kita, upang tayo’y magkausap ng saglit. Matagal ka ng di dumadalaw sa mga anak mo… at ako’y sabik na sabik ng mamalas ka.” Kasabay nito ang magiliw na halik, na idinampi ni Kapitang Pedro sa dibdib ng kaniyang irog. At ito’y patuloy: “Ang mga anak mo’y inip na inip na rin sa iyo; ang ngalan mo’y siya na lamang laging tinataguri nila! Tila may kasama kang kawal, saan kayo tutungo?” “Sa Zapote; narito ang kalatas ng pangulong digma, at… ibig mo bang basahin ko?” At sa tango ng asawa’y kagyat binasa ang atas. “Gayon pala! Bakit di mo sinabi kanina pa? Di hindi ka sana nabalam ni sumandali? Kung gayo’y tumulak ka na’t nang mabigyan mong kaganapan ang utos ng puno. Ang mga anak mo’y siyang bahala na sa akin, huwag kang manggunita. Unahin mong ganapin ang katungkulan mo sa Bayan… lakad na’t magkikita rin tayo!” “Kung gayo’y… kayo na muna ang bahala!” At nilingon ang mga anak at pinagbilinan: “huwag ninyong pababayaan ang inyong nana, hane?” At sa isang kisapmata ay nailagak na kagyat ni Kapitan Pedro ang pangalawang halik, halik na nasasaputan ng kalumbayan, kipkip ng mataos na dalamhati, ng lungkot at pamimighati; palibhasa’y nakikinikinita nila na niyang yaon ang pangwakas na oras ng pagkikita nilang magasawa. At sa kanila’y…anong hiwaga! Sabay na narinig ang panghuling paalam: “Irog…maligtas ka rin!” Ibig sabihin ni Kapitan Pedro’y “maligtas nawa sa sakit” ang asawa, at ito nama’y “maligtas nawa sa labanan” ang kaniyang irog. ITUTULOY

Simbahan ng San Agustin at Monasteryo Natapos noong 1607, kilala ang Simbahan ng San Agustin bilang isang himlayan. Sa mga sahig at pader ng loob ng simbahan ay matatagpuan ang mga pananda o lapida ng ilan sa mga ninuno ng pinakamayaman at maimplewensyang pamilya sa Pilipinas. Sa nabanggit na simbahan matatagpuan ang mga labi ng historyador na si Teodoro A. Agoncillo na yumao noong 1985. dagdag pa rito ang isang

Sementeryo ng Paco Itinatag noong taong 1823 sa dating lugar na tinatawag na Dilao, binuksan ang nasabing pantyon ilang taon bago kumalat ang epidemya ng kolera. Dahil sa mabilis na pagkalat ng sakit na ito, ang dating kinagawiang paglilibing sa loob ng simbahan ng mga kilala at mayayamang tao ng bayan at ang mga katutubong mahihirap naman sa labas na malapit sa may simbahan ay nabago dahil ang mga nasabing epidemya ay walang pinipiling biktima – mayaman o mahirap. At sa takot ng mga kaparian na maging musoleo ang mga simbahan dahil sa dami ng mga namatay ay pinahintulutan nila ang mga pagpapatayo ng isang pantyon sa labas at ito nga ang pinagsimulan ng Sementeryo ng Paco na itinatag ng mga paring Dominikano sa isang bayan na tinatawag na San Fernando

Irog, Maligtas ka rin!

pantyon sa may bandang kaliwang gilid ng altar kung saan na nakahimlay si Miguel Lopez de Legazpi, ang tagapagtatag ng Maynila. Sa Sala de Profundis, isang silid na pinaglalagakan ng mga buto ng yumao, matatagpuan ang mga labi ng dakilang pintor na si Juan Luna na inilagak doon noong ika-28 ng Marso 1953. ang nasabing huling hantungan ay mayroong pananda na nagsasaad nang ganito: Juan Luna y Novicio. Pintor y Patriota; N. Oct. 23, 1857 M. Dec. 7, 1889.

de Dilao na ngayon ay Paco. Ang “Paco” ay sinasabing nagsimula sa palayaw ng panaglang Francisco sa wikang Catalan, dahil nga mga Pransiskanong pari ang nagpapatakbo ng parokya ng Paco. Hugis dalawang pabilog na istraktura ang disenyo ng pantyon na yari sa bato, na napalilibutan ng mga nitso sa paligid. Nakalaan ang unang pader sa labas para sa mga Pilipino at ang ikalawa ay para naman sa mga Kastila. Mayroong isang kapilya sa likod ang nasabing pantyon kung saan matatagpuan ang lugar para sa mga bata o angelitos at isang bahagi naman para paglagyan ng mga hinukay na buto ng mga bangkay o osario. Sa nasabing lugar pansamantalang napalibing ang mga labi ng pambansang bayaning si Jose P. Rizal, bago ito inilipat sa kanyang monumento noong 1912. at makikita din sa

9

Ex-bf na nanligaw sa bestfriend

Mahal kong Cheska, Salamat sa iyong tanong. Tiyak akong marami sa ating mambabasa ang nakaranas o nakakaranas ng binanggit mong sitwasyon. Cheska, wala kang dapat gawin kundi hintayin ang hakbang ng iyong best friend. Kung hingiin niya ang iyong payo, go sago. Ganyan talaga ang mag-best friend, nagpapayungan at nagpapayuhan kung kailangan. Kung sa tingin mo ay hindi karapat-dapat si Ex para kay Best Friend, sige lang, i-discourage mo si Best Friend. Sa totoo lang, bad trip

ako sa mga lalaking ganyan. ‘Yon bang gegelprenin ang magkaibigan. Oo, kahit na hindi naman sabay, nakakainis pa rin iyon. Akala ba nila e hindi nakakaapekto ng friendship ang kanilang pinaggagagawa? Nguso nila. Di ba, kahit hindi mo na karelasyon ‘yong tao, kahit di mo na mahal ‘yong tao, kahit matagal nang wala kayong komunikasyon nung tao, kung makikita mo siyang may kasamang iba, masasaktan ka kahit kapiranggot at maaasiwa ka kahit katiting? E, lalong lalo na siguro kung best friend mo ang makita mong kasama ng ex mo! At siyempre, natural, aba, na ang mag-best friend ay nagkukuwentuhan tungkol sa lahat ng paksa sa mundo. At kadalasan ang numero unong paksa ay ang buhaypag-ibig, crush o manliligaw. Nakakakilig sanang marinig ang romantikong istorya at gimik ni Best Friend kung si Piolo o si Dingdong ang manliligaw niya. SUNDAN SA P.10

nasabing lugar, ang isang pang-alaalang pananda – alay sa kabayanihan ng tatlong Pilipinong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (GomBurZa) na inilibing doon, matapos tumanggap ng parusang kamatayan. Sa kasamaang palad hindi na matunton ng kanilang eksaktong lugar na pinaglibingan. Mga Pantyong Dambana Ilan sa mga dambanang pangkasaysayan na pinananatili ng Pambansang Surian Pangkasaysayan ay nagsisilbing mga huling hantungan din ng mga pambansang bayan ng Pilipinas. Ilang halimbawa ay ang Dambanang Emilio Aguinaldo sa Kabite, Dambanang Apolinario Mabini sa Batangas, at ang Dambanang Marcelo H. Del Pilar sa Bulakan. Ang Dambanang Jose Rizal naman sa Laguna ang pinaglipatan ng

mga buto ng mga magulang ng pinakapopular na bayani. Isang Natatanging Musoleo sa Maynila Ang Manila Film Center, isa sa mga gusaling ipinatayo ng rehimeng Marcos noong 1982 para sa Manila International Film Festival ay tinatayang nagkahalaga ng 25 milyong dolyar. Isang aksidente ang naganap dito habang ito ay itinatayo at upang hindi maabala ay iniutos daw ni Gng. Imelda R. Marcos na buhusan ng kongkreto ang mga katawan ng mga manggagawang naaksidente upang hindi maantala ang patrabaho. Sinasabi rin na ang gusaling ito ay ipinaexorcise ni Ginang Marcos at makalipas ang ilang taon ang gusali ay idineklarang kondenado dahil sa maling pagkakatayo. At ngayon ang nasabing gusali ay itinuturing na isang musoleo ng mga taong namatay at napalibing doon.

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Ate Bebang, ‘Yung ex ko, nanliligaw sa best friend ko. Anong dapat kong gawin? Cheska ng H. del Trabajo St., San Antonio, Cavite City


10

NOBYEMBRE 8- 14, 2009

SUNDOT LAPIROT Nang lumabas ang kwentong ito sa iba’t ibang babasahin at journal (naisama ko rin ito sa ikalawa kong aklat na ‘Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako) at kahit papaano, napansin naman ng mga kritiko. Naisip ko, i-serye ang kwentong ito sa Responde Cavite. Samut-sari ang naging raksyo ng tao. Bilang paglilinaw, wala ni isa mang tauhan sa kwento ko ang hinango ko sa isa man sa mga taga-Kalye Marino. Nagkataon lang ang mga pangalan na maaring may hawig sa ilan sa mga

personalidad ng Kalye Marino. Kung mayroon man pong nagdamdam, muli, humihingi po ako ng pasintabi. Ngunit hindi po layunin ng Intoy Syokoy ng kalye Marino na pasakitan o sagasaan ang sinuman o anuman. Kaya nga po, ang Intoy Syokoy ng Kalye Marino ay kwento lang. Kwento lang. Kwento lang. Naging karanasan ko sa pagtira sa Kalye Marino ang makasalamuha ang ilang kagalang-galang na mga indibidwal. Na bagamat salat sa buhay, puno ng kaalaman.

NUNO SA PUSO O di kaya si Oyo Boy o si Mark o si Dagul. Kahit na sino, nakakakilig talaga. Pero kung si Ex iyon, di ba nakakainis? Nakakasuya? Nakakabanas? Nakakangilo na ewan? Di ba? Pero, Cheska, hintay, kung hindi naman siya hihingi ng payo, huwag mo na lang pansinin. Kunwari, walang Ex na nanliligaw sa kanya para hindi magbago ang pakitungo mo sa iyong matalik na kaibigan. Tandaan mong

MULA SA PAHINA 4

MULA SA PAHINA 9

hindi ang isang tulad lang ni Ex ang maaaring magpabagsak sa friendship ninyo ni Best Friend. Ngayon, ano naman ang gagawin mo kung hindi nga humingi ng payo si Best Friend pero nagkukuwento naman ito nang nagkukuwento tungkol sa kanila ni Ex? Sabihin mo agad ang damdamin mo tungkol dito. Kung naiirita ka, sabihin mo. Kung nababagot ka, sabihin mo. Huwag na

May lalim. Natural, may ilan ding nagmamarunong sa buhay. Mahilig magpayo ng mali at salsi. Hindi natin sila masisisi. Dahil sa dilim ng kanilang daigdig, ang kapirasong liwanag ay madalas nakakabulag. Ang kalagayan ng Kalye Marino ay repleksyon ng kalagayan ng bansa. May mga nakikinabangan sa kamangmangan at kahirapan ng karamihan. Masayang mabuhay sa Kalye Marino. Makulay. Kayat kahit saan ako makarating, at kahit sino ang makakausap ko, lagi kong pinagmamalaki, laking Kalye Marino ako. huwag kang magtatago ng damdamin kay Best Friend. Mas malalim na sugat ang matatamo ninyong dalawa kapag ginawa mo iyan. Huwag kang mag-alala, hindi magagalit si Best Friend sa iyong pagiging bukas. Bagkus, mauunawaan ka pa nga niya, e. Alam mo kung bakit? Kasi that’s what best friends are for. Cheska, hihintayin ko ang pagsigaw mo ng BFF, ha? Best Friends Forever! Nagmamahal, Ate Bebang

Happy Monthsary para kay Sheena Joy Catalan at Leopoldo J. Noble “Sana magtagal pa kayo”


NOBYEMBRE 8- 14, 2009

Kung Bakit Hindi Pa Tayo Sasakupin ng Aliens

SA mundong ito, libu-libong milyun-milyong specie ang naglalaban-laban o nagsasama-sama para mabuhay. Sa batas ng agham…matira-matibay. Pero, mapapansin natin, sa lahat ng specie, tao ang pinakakakaiba. Kung ang ibang specie ay nagtutulungan laban sa iba pang specie, ang tao, may kakaibang pag-uugali. Sa lahat yata ng specie…sa tao lang uso ang siraan, tsismisan, sipsipan at palakasan. Wala kang nakitang aso na nanggulpe ng kapwa aso dahil may umaaligid na tsismis na pangit ang kahol ni ganitong aso. Sa lahat yata ng specie… sa tao lang yata uso ang pagsisinungaling, pang-uuto, pagbabalatkayo at pagpapakitang-tao. Wala kang nakitang aso na nagpapakitang tao. Pero maraming taong nagkukunwaring tao, mga politikong mababait, mga writer na kunwari ay maru-

Happy 71st Birthday to S.SGT. RONALDO ROGACION–DEL ROSARIO (PN) of Indang, Cavite on November 10, 2009. God bless you & we love you – greetings from your son Rex & Responde Cavite. *** Happy 13th Birthday Alexander Joseph H. Samaniego (November 7) Tanjoubi Omedito Gozaimasu Greetings coming from: Papa & Mama *** Belated Happy Birthday Lerma Jacla. From: Nica Jacla *** Happy Birthday Cavite City Police PO1 JR Cinco, Nov.5, 2009 PO2 Marvin Agavin, Nov. 5, 2009 PO3 Emmanuel Tero, Nov. 10, 2009

nong talagang magsulat. Tao lang yata ang may konsepto ng genocide (panlilipol ng tao sa iba pang lahi) at ethnic cleansing (panlilipol ng isang pangkat etniko sa iba pang pangkat etniko na nasa kanilang lugar o bansa), masaker at tortyur. Humanap ka ng ibang specie na gumagawa ng mga ganito… mabibigo ka. Tao lang ang nanggagahasa, nangmomolestya ng bata (wala ka pang nakitang aso na nanggahasa ng tuta o pusa na nanggahasa ng kuting) nantsa-chancing at naninilip (sabagay, wala nang ganang manilip ang mga daga sa kapwa daga, matagal na kasing nakabuyangyang ang kanilang mga pag-aari). Tao rin lang yata ang nagpauso ng inggit. At dahil inggit si ganito kay ganyan, pinauso rin ng tao ang demolition job at character assassination. Kaugnay nito, tao lang yata ang may insecurities at ayaw nilang may makitang mas mahusay sa kanila. Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung-bulungan o parinigan, upakan at bana-

tan na agad. Pero iba nga ang tao, naku, pinauso ng tao ang parinig, pasaring at patutyada. Dahil insecure ang mga tao sa kani-kanilang mga sarili, dapat may iba pang mga taong tulad nya na insecure din. Ay naku mga belabed riders, wag kayong magalala. Kung sakaling darating ang mga alien dito, hindi nila tayo sasakupin. Bakit ka nyo? Walang challenge! Hindi na nila tayo dapat didigmain para masakop. Kasi, tayong mga tao ang nagpapatayan, nagsisiraan at naggagaguhan sa isa’t isa. Kaya ang maiiwan sa mundong ito ay mga ipis, daga at bacteria kasama ng iba pang hayop na nilalait, inaapi, kinakain at nilalaro natin. Kung sakaling may alam kayong mga taong mahilig sa parinig, sipsipan, tsismisan, siraan, palakasan, utusan, pagsisinungaling, nagmamagaling at nagmamarunong at iba pa... ipagpasalamat natin ang gaya nila. Utang na loob natin sa kanila na sila ang dahilan kung bakit hindi tayo sasakupin ng mga alien. Alien? Alien!

Happy Birthday Nancy J. Lat

Belated Happy 21st Birthday (Nov. 1, 2009) Pareng Bienvinido De Guzman “Your wish is your command but blow first all the cande this day, magsawa ka” Greetings coming from: Cagayan Brotherhood Organization ang Porta Vaga Funeral

Happy 3rd Birthday to RAIA ALECHSIA DEL ROSARIO–GARCIA of Indang, Cavite on November 7, 2009. God bless you & we love you. –greetings from Tito Rex & Responde Cavite.

ANNOUNCEMENT: Rosario National High School (Formerly A. Abadilla Brgy. High School) KWARENTA NA, KLASMEYT! WER N U? MUZTA N U? GRAND ALUMNI HOMECOMING – 2010 MOTORCADE ON NOV. 15, 2009 SUNDAY, 1PM PLEASE JOIN… For details, pls contact: Mrs. Nenet Fabian – Buenviaje Tel. No. 438-3696 Cel. No. 0920-919-8657 Prof. Arnel Laparan Cel. No. 0919-376-9377

11


Motor vs bus, 3 patay NI WILLY GENERAGA

BACOOR, CAVITE - Pasamba sana sa Iglesia Ni Cristo ang tatlong katao na nakasakay sa motorsiklo ng mabangga at araruhin ito ng isang tourist bus sa kahabaan ng Tirona Hi-Way, Brgy. Habay 2, Bacoor, Cavite. Sa nakuhang balita kay P/Supt. Florencio Ortilla ng Responde Cavite kinilala ang mga biktima na sina Jimboy Salazar Aguila, 22 taong gulang, driver, may-asawa, mayari ng motorsiklo, mga angkas na sina Lia Patri-

cia SanMiguel, 18 taong gulang at Jayhe Ronne Greg Perez Jimenez, 14 taong gulang, kapwa mga estudyante at residente ng Family Village, Brgy. Panapaan 1. Habang ang driver naman ng tourist bus na si

SENIOR CITIZEN MULA SA PAHINA 5 Katulad ng naunang selebrasyon ng Araw noong November 30, 1997,ang tema ngayon ay “Araw ng Pasasalamat sa Panginoong Diyos”. Nakaukit sa alaala ng lahat ang mga makikisig na panauhing Pandangal na kinabibilangan ni Usec Teodoro Encarnacion, Gng. Sonia Roco, Governor Ayong Maliksi at Congressman Boying Remulla. Mga sikat na grupo ng mang-aawit ang dumadalo sa selebrasyon. Naririyan ang UP Madrigal Singers na kilala halos sa buong mundo, GEM 9 & 10 Choir ng Banlat, Quezon City, Indang Lyre Band at siempre, ang Kababaihan ng Pulo. Nagsisimula ang pagdiriwang sa selebrasyon ng Banal na MIsa na sa panahon ni Father Teby Nigoza ay nagiging Ekumenikal sapagkat dinadaluhan ng mga Pastor ng Church of Christ, Iglesia ni Cristo at UCCP-Pulo. Ang sumusunod na yugto ay ang parade ng mga tricycle na sinasakyan ng mga kababaihan na may mga dalang litsong manok na siya namang pagsasaluhan sa pananghalian. May kahalo na ngayong Street Dancing ng mga kabataaan. Ang ikatlong yugto ay ang palatuntunan na ang sangkap ay awitan, sayawan,mensahe at iba pang uri ng palabas. Dito na rin igagawad ang “Kabalaybay Award” kay Tatang Pedro Feraer at Ate Manuela Gatdula. Sa tuwina, ang guro Urseng Erse at Ruel Peñalba. Ang ikaapat na yugto ay ang masaganang salusalo. Simple lang daw sapagkat marami sa ating mga kababayan ang biktima ng trahedya dulot ng bagyo at baha. Simple rin ang panuntunang gagabay sa isip at gawain ng Senior Citizens ng Pulo- “Sambayanang Maka-Dios, Maka-Tao at Makalikasan”.

Cesar Guadalupe, 52 taong gulang, may asawa, residente ng B-23 L-67, Sterling St., Brgy. Lores, Antipolo City ay mabilis na sumuko matapos ang pangyayari. Sa imbestigasyon ni PO3 Dominador Termil, nangyari ang aksidente noong Nov. 4, 2009 sa dakong alas 5:30 ng madaling araw sakay ang tatlong biktima ng isang itim na motorsiklo (7922DS) at patungong kapilya ng INC na nasa panulukan ng Brgy. Habay 1 upang sumamba. Kaagad na isinugod ang mga biktima sa Las Piñas District Hospital sa Pulang Lupa, Las Piñas City, ngunit idineklara na itong patay.

SULONGBAYAN MULA SA PAHINA 8 At ang pakikibaka laban sa imperyalista at sa mga patakaran nitong makaisang panig na pumapatay sa mga produktong aning pananim, gulay, prutas, bigas, isda, karne at iba pa ng ating mga kababayang magsasaka, mamamalakaya at manggagawang-bukid dahil sa walang kontrol na pagpasok ng mga dayuhang produkto na nagpapahina sa ating produksiyon ng mga produkto na patay malisyang pinababayaan lamang ng gobyernong ito. Kaya patuloy na

Binata, nalunod sa pangingisda DASMARIÑAS, CAVITE – Isang binata ang nalunod sa ilog kamakailan ng tangayin ng malakas na alon habang kasagsagan ng bagyong ‘Tino’. Nangyari ang sakuna noong Nob. 04, 2009 sa

Brgy. Burol Main, Dasmariñas habang nangingisda kasama ang ilan niyang mga kaibigan. Nakilala ang biktima na si Amil Pollos, alyas “Totoy”, 22 taong gulang, resi-

ANNOUNCEMENT Barangay 47-A (PAGKAKAISA) CAVITE CITY PRESENTS… “Fiesta Night Talent Search” for (Singing and Dancing) November 15, 2009 7:00 P.M Kadakilaan St., San Antonio, Cavite City ikakawing ng uring magsasaka ang kanilang karit sa maso ng uring manggagawa sapagkat ang pakikibaka para sa pagbabago ay walang katapusan at ito ay isang tungkulin habang nabu-

IN A NUT SHELL

MULA SA PAHINA 4

Sana’y nasinop mo man lang ang aking kapaligiran. Tunay mo akong di binigyang halaga, ama ko. Pinili mong tuluyang malanta at mawala ang aking alindog. Kaya, tingnan mo, ang aking manliligaw na dati’y may dalang mga regalo, pawang nagsitigil na ng pagparito. Damhin mo ang San Antonio, dati’y puno ng sigla, ngayo’y parang sementeryo na. Dati’y puno ng liwanag, ngayo’y malamlam na ang mga ilaw. Dati’y kung galing kang San Roque, pagbaba mo pa lang sa tulay sa kahabaan ng Calle Marino hanggang Sangley Point, mamimili ka na ng mapupuntahang mapapag-aliwan. Ngayo’y makapagtitirik ka lamang ng kandila. Wala. Tuluyanng nagkawalan na ang sa aki’y namiminto. Bangkung semento, naaagnas na bakal, inoosdo, napuputol, nilalagare, at sa harapan mo mismo nangyayari ito. Ang tangi lamang pagbabago ay ang paglalagay ng ‘fountain’ na gawa sa lata at disenyong hagdanan papuntang langit. Na pagkaraan ng ilang panahon ay warat na agad. Tumigil na ang lagaslas ng tubig. Pundido na ang mga ilaw. Kapintasan ang inani sa halip na papuri. Marahil dala ng kahihiyang

buhay hanggang sa kamatayan hanggang sa makamit ang tunay at pangmatagalang pagbabago, kalayaan at pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba ng gobyerno na

dente ng Brgy. Pasong Bayog ng bayang ito. Sa nakuhang report ng Responde Cavite napagkasunduan ng magkakaibigan na maligo sa ilog habang kasagsagan ng bagyong “Tino” kasabay ng panghuhuli ng isda. Nang marating ng magkakaibigan ang ilog na sana ay kanilang pagliliguan ay bigla namang nadulas ang biktima at tuluyang bumagsak sa ilog. Nang mga oras na iyon ay malaki at matalas ang alon dala ng bagyo. Hindi na nakuha pang mailigtas ng mga kaibigan ang biktima dahil sa bilis ng pangyayari. Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng biktima at patuloy pa ring hinahanap ng mga awtoridad. SHIELA SALUD siyang tanging solusyon para magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa sangkatauhan na siyang nais ng ating Diyos ng Kasaysayan ayon sa isinasaad ng Banal na Kasulatan.

tinamo dahil sa kakatwang disenyo, pinadurog kapagdaka at pinalitan ng bagong kapalpakan. May isa pang ginawa sa liwasan. Isang kiosko na nagkakahalaga ng mahigit kalahating milyong piso na pinabayaan lamang na nakatiwangwang at tambayan lamang ng mga adik at mga babaeng pokpok sa gabi. Mula sa pagiging 2nd class city dahil sa income nito o kinikita taun-taon, sa loob ng 9 na taon, bagsak sa pagiging 4th class city. Hindi naalagaan ang pangkabuhayan ng lunsod. Kapag nagkataon babalik ang siyudad sa pagiging munisipyo at ang mga taga rito ang babansagang tagalabas. At tulad ng ‘fountain’ umabot na rin ang lungsod sa sukdulan at wala ng patutunguhan pa kundi ang dumausdos ng dumausdos hanggang sa sumayad sa pinakailalim. Bago ka nawa pumaimbulog sa susunod na antas, sana’y muli kang lumingon sa iyong iiwanan at mag-usad ng ganito “ano nanga ba ang aking nagawa sa aking siyudad upang ako’y maipagmalaki at mapuri ng aking kababayan”? Sino na nga ba ako? Ako, ang kais-isa mong napabayaang anak, na nagsusumamo… Ako ang liwasang bayan ng lunsod ng Cavite – ang SAMONTE PARK.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.