Responde Cavite issue 11

Page 1


2

NOBYEMBRE 15- 21, 2009

PISKAL NA NANGMOLESTIYA, KINASUHAN

IMUS, CAVITE- Tuluyan ng sinampahan ng Supreme Court ang isang assistant provincial prosecutor ng disbarment case matapos na ito ay kasuhan ng “sexual molestation� ng isang babaeng litigant. Kinilala ang piskal na inaakusahan ay si Prosecutor Emmanuel Rivera ng Bluefield Subd., Alapan I-B, Imus, Cavite, base sa nagreklamong si Mary Jane Poblete. Sa salaysay ni Poblete, nangyari umano ang pangmomolestiya sa

kanya ni Rivera ng magpa-follow-up ang complainant sa isinampang kasong concubinage laban sa kanyang asawa. Noong Hunyo 8, ng isummon ni Rivera si Poblete sa kanyang opisina sa Bacoor kung saan kaagad na pumunta si Poblete sa pag-aakalang may kinalaman sa kanyang isinampang kaso. Ngunit pagpasok nito sa tanggapan ni Rivera ay kaagad umanong isinara ang pintuan at sinabing mayroon umano itong pagnanasa. Tumanggi si Poblete sa balak ng huli dahil isa umano siyang

disenteng babae ngunit tumangging pauwiin ni Rivera ang babae at sa halip ay hinalikan ito sa pisngi at leeg. Pinilit din umano ng suspek ang babae na maghubad pero hindi niya ginawa laking mangha na lang ni Poblete ng buksan ng suspek ang kanyang pantalon at nag-musturbate sa kanyang harapan matapos siyang isandal sa pader. Nagawang utuin ni Poblete si Rivera para lamang na siya ay pauwiin kaya sinabi niyang sa susunod ay pagbibigyan diumano niya ito sa sandaling magpala-

bas ng pabor na resolusyon sa kanyang kaso. Iginiit pa nitong noong una pa man ay nakitaan

Almelor

na ito na may interes sa kanya si Rivera at nangako umano ang piskal na pagkakalooban siya ng

paborableng desisyon kapalit ng sexual na pabor. SHIELA SALUD

ABANGAN... Dominic Almelor at Zyann Ambrosio ng ABS-CBN News and Current Affairs Team KAPAMILYA na ng Responde Cavite

AMBROSIO

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209

AQUA 2599

Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1


NOBYEMBRE 15- 21, 2009

Holdaper-Killer sa NBI Agent, todas sa agaw-armas NI OBET TALAN CAT CA

BACOOR, CAVITE- Hindi na umabot sa pagamutan ang dalawang hinihinalang holdaper at suspek sa pagpatay sa NBI Agent sa Tondo, Manila matapos mang-agaw ng baril sa alagad ng NBI sa isinagawang follow-up operations sa San Nicolas, Bacoor kamakailan. Kinilala ang dalawa na sina Arnel Apolinar Marcelo, 29 taong gulang, at Arnel Restugese, 27 taong gulang, kapwa residente ng Mabuhay St., Tondo, Manila. Base sa nakalap na balita ng RESPONDE CAVITE kay SPO1 Dante Ordoro, may hawak ng kaso, nangyari ang pang-aagaw ng baril ng dalawa sa kagawad ng

NBI na ikinasawi rin ng magkatukayong “Arnel” noong Nob. 13, 2009 dakong alas 12:30 ng madaling araw sa Road 10 St. Greenvalley Subd, Bacoor. Habang nagsasagawa ang mga NBI Agents ng follow-up operations hinggil sa hideout ng grupo ng biglang agawin ng dalawa ang baril ng NBI Agent na sina Sixto

Ocampo at Rommel Vallejo. Nagawa umanong mabawi ni Ocampo ang kanyang baril kay Restugese at bago pa makapagpaputok si Marcelo ay binaril na ito ng mga NBI Agent. Sina Restugese at Marcelo ay unang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at NBI matapos holdapin at barilin si Spe-

cial Investigator III Gil Yaresa sa Tondo, Maynila. Magugunitang pinagtutulungang barilin at saksakin si Yaresa noong Nob. 11, 2009 ng dalawang holdaper habang nakasakay sa loob ng isang pampasaherong jeep sa tondo, na kaagad binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Gat. Andres Bonifacio Hospital si Gil Yaresa, Special Investigator III na nakatalaga sa Anti-Kidnapping, Hijacking and Armed Robbery Division ng NBI. Ayon naman sa isang residente na ayaw magpabanggit ng pangalan, may naririnig silang anim na magkakasunod na putok ng baril ay may nakita silang grupo ng kalalakihan na tumatakbo papasakay sa isang van na hindi naman nakuha ang numero ng plaka saka mabilis na nilisan ang lugar ng pinangyarihan.

KaGaw (Kaluluwang liGaw)

3

MABILIS ang kanyang mga hakbang. Walang lingon-lingon. Bakit ba parang nanlalaki ang kanyang ulo? Hindi naman gumagalaw ang mga sanga at dahon, pero parang malakas ang hangin. At malamig. Kahit hindi naman talaga madilim ang bukanang papalabas ng subdivision nila, marami pa rin ang natatakot maglakad kung gabi rito. May nagpapakita raw. Mga kaluluwang ligaw. “Naku, ba’t ngayon pa walang sidecar na dumaan?” bulong nya sa sarili. Ayaw nya nang maghintay pa sa tapat ng bahay nila. Baka may kung anong kumalabit o tumawag sa kanya, paniguradong tatalunin nya sa bilis ng takbo ang record sa Olympics. May ilan syang nakakasalubong sa daan. Malayo pa lang ay sinisino nya na ang mga ito. Tinitiyak nyang sumasayad ang mga paa ng mga ito sa lupa. May mukha at higit sa lahat, namumukhaan nya. Nagsubo sya ng sigarilyo. Pampaalis kaba. Kaso, ayaw sumindi ng kanyang lighter. Nakasalubong nya ang lalaking naninigarilyo mula sa kabilang kanto. Namumukhaan nya. May mukha. Sumasayad ang paa sa lupa. Ang kapitbahay nya. Madalas nya itong makasabay pumasok. Parehas sila ng building na pinapasukan. Magkaibang kumpanya nga lang ng call center. Nakahinga sya nang malalim. Nakisindi sya. At least may kasama na syang matapang. Subok nya na ang tapang nito. Nang holdapin ang bus nilang sinasakyan, pumalag ito. “Pasok ka na rin pala?” “Oo. Kaso last night ko na ito.” “Bakit? Lilipat ka na ba ng ibang kumpanya?” “Hindi. Libing na natin bukas, di ba?”

Airgym Fitness Center

Cavite City Branch We’re open to serve you If you want to feel healthy and fit come and visit us at 2nd floor of 7 Days Pawnshop Dra. Salamanca Road San Antonio Cavite City WE OFFER WEIGHT TRAINING PROGRAM FOR: 1. Body Building 7. Body Toning 2. Advance Body Building 8. Body Shapping 3. Lose Weight 9. Taebo / Aerbo 4. Gain Weight 10. Karate 5. Power & Bulk Routine 11. Ballroom 6. Exercise for Sports Improvement MONDAY TO SUNDAY (8:00 am – 9:00 pm) For more inquiry pls. look or call: Ms. Chai S. Burgos / Melchor / James Tel. Nos. (046) 431-0515 / (046) 438-2226


4

NOBYEMBRE 15- 21, 2009

Kapalar an palaran

(Bakit ba ganyan ang buhay ng tao?) KUNG babaliktarin ko ang takbo ng orasan at iuurong ko ang paglakad ng panahon, agad mong mailalahad sa akin ang mahabang listahan ng mga pagbabago na kasalukuyan mong napupuna sa pananalita, pag-uugali, pagkilos, pananamit, pananaw, istilo, at pamamaraan ng pamumuhay ng nakararaming Pilipi-

no.

Kung susubukan kong hanapin ang ugat ng mga pagbabagong ito, isa lang ang masasabi ko at naniniwala akong sasang-ayunan mo ako sa puntong ito: Sa landas na tinatahak ng sistema ng pagpapahalagang Pilipino, nagaganap ang pagsilang ng mga pagbabago. Ibang-iba na raw ang mga Pilipino ngayon. Sabi nga ng mga matatanda, hindi na raw sila makakita, liban sa gunita, ng mga batang tumitigil sa lansangan o kaya’y umuuwi sa bahay para magdasal ng orasyon kasama ng mga magulang at kapatid sa pagsapit ng ika-anim ng gabi. Wala na raw ang mga nakagisnang pag-igib, pagsisibak ng kahoy at panunuyo ng binata sa pamilya ng nililigawan niyang dalaga. Madalang na rin ang mga kabataang tumatayo at nagbibigay ng upuan sa mga matatanda at babaeng nakatayo sa loob ng sasakyan. Wala na rin daw silang maaninag na anino ng mga kabataang susunod sa yapak nina Rizal, Bonifacio, Mabini at iba pang mga bayani na nag-alay ng sariling buhay para sa Inang–Bayan. Ibang-iba na nga tayo. Matanda man o bata; lalaki man o babae; may pinag-aralan man o wala; mahirap man o mayaman; ay pawang nagbago na ngang lahat. Kasabay ng modernisasyon at pagsulong ng ating bansa ay unti-unti ring nagbago ang ating kapaligiran kasabay ng ating mga pinahahalagahan. SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief reporter rex del rosario

3rd district coordinator

nadia dela cruz

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Parang Gusto Ko Nang Maniwala ANG lahat ay nauuwi sa sarili. —Ayn Rand Gasgas na linya pero totoo pa rin. “Pag nanalo ang ibinoto mo, at pumalpak, wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo.” Tuwing eleksyon na lang kasi, ang bukambibig ng sinumang bagong kakandidato ay “Para sa Pagbabago” dahil alam ng lahat na napakadaling ibenta sa taong bayan ang pagkauhaw ng lahat sa pagbabago. Pero kapag ang humihingi ng pagbabago ay naupo, umasa tayo na ang kanyang makakalaban, ang sya naman magbebenta ng islogang “Para sa Pagbabago.” Kapag ang iniluklok natin ay pumalpak, lahat ay sisisihin ng ating ipinanalong kandidato. Isisisi mula sa konstilasyon ng mga bituin hanggang sa pagtilaok ng manok ang pagkadiskaril ng kanyang administrasyon. Mula sa ihip ng hangin hanggang sa mabahong paa ng kanyang kapitbahay, ibubunton ang kapalpakan ng kanyang panunungkulan. Pero ang kanyang ipambabawi “hayaan po ninyo, sa susunod kong termino blah blah blah.”

Lagi na ring sangkap ng pagtatalumpati ng sinumang kandidato ang “kung may kandidatong mamimigay ng pera, kunin nyo ang pera, pero iboto ang kunsensya.” Ang kadalasang nagsasabi ng ganitong linya ay 1. walang perang pansuhol sa mga tao (kung may pera ang politikong ito, malamang manunuhol din) at 2. nanunuhol din pero gusto nyang palabasin na hindi sya trapo at ang kalaban nya ay ginagamit ang pera para manalo. Pero kahit anong paikot-ikot natin, sabihin man natin na kasalanan ng mga politiko kung bakit nagkaganito ang ating kalagayan, na mahirap tanggihan ang suhol sa panahong lagi tayong nagugutom, na masarap manalig sa pangakong nakasulat sa tubig, na magandang iboto ang gwapo, artistahin (o artista na nga) at maraming hakot na artista kapag kampanya, na maraming naipapamigay na de lata at pagkain, na tinakot tayo ng politiko, na mahirap ipaliwanag kung paano babawiin ng mga politiko ang perang ginastos nila sa eleksyon, kung paano babayaran ng mga politiko ang hiningian nila ng pondo… sa dulo ang dapat managot ay tayo pa rin. Sarili natin. Ang nakaupong nanunungkulan sa ating lalawigan, distrito, bayan o lunsod ay repleksyon ng paguugali ng mga mamamayan. Ang ikinabuti o ikinasama ng ating mga buhay-Caviteño ay bunga ng mga pangalang isinulat natin sa balota. SUNDAN SA PAHINA 12

Gobyerno, nakuryente sa ‘price ceiling’ ‘OIL deregation law’, nagsimula noong panahon ni Pres. Fedel V. Ramos na ginawa upang mapagbigyan ang kagustuhan ng mga arabiyano, kasabay ng pagbebenta ng Petron, pag-aari ng gobyerno sa kanila. Kasama sa pagpapahinto ng kalayaan sa pagnenegosyo ang isinagawa kamakailan lamang. Ipaghalimbawa natin ang mga pangunahing bilihin, tulad ng bigas, baboy, baka, manok at iba pa. Ang pag-angkat nito ay gagamit ng mga sasakyan upang matawid mula sa pinagkukunan nito hanggang sa ‘end-user’ o mga mamimili. Lahat ng bagay tungkol sa pagnenegosyo ay gagamit ng mga gastusin, di man kalakihan, kung tutuusin, ngunit kung pagsasama-samahan ay mapalalaki ito at ang mga mamamayan ang siyang papasan ng lahat ng ipapataw na karagdagang presyo. Tunay namang walang magaling na negosyante na papasok sa isang hanap-buhay na palugi, lalo na marahil kung tulad ng langis na ang pinag-uusapan ay milyung-milyong piso ang nakataya. Nagkamahalan ang presyo ng gulay sapagkat kulang ang gas o diesel at dahil dito mabubulok ang mga gulay at di nakakarating sa paroroonan. Proclamation 839 ang pumapatay sa negosyo. Price ceiling. May mga diskuwento sa mga lugar na dinaanan ng bagyo at depende sa sitwasyon ng merkado. Anumang bagay sa pamilihan ang tumaas ang halaga sama-samang lahat ng nasa pamilihan ay hindi maaaring hindi. Pati ng negosyo sa asukal at tinapay ay nagbabala ng pagtaas ng presyong pandesal at ibang produktong tinapay. At natural lamang na maging kasama rito ang pagtaas ng presyo ng karne at baboy, manok at iba pa.

Ang babala ng mga negosyante na hangga’t hindi binabawi ang price ceiling ay patuloy ang pagkalugi nila at paghihirap ng mamamayang Pilipino. Ang dating 24 oras na serbisyo sa buong magdamag na mga gasolinahan na bukas, ngayo’y hanggang 9:00 na lamang ng gabi. Lalo na sa North and South diversion roads. Inihinto na rin ang pagbibigay ng mga gasolina sa mga galon at container na kinukuha upang maiwasan ang pagtatago o pagiimbak na maaaring gamitin sa ibang paraan. Iniiwas din ang maaaring panggalingan ng malaking sunog. Ninais ng pamahalaan ang mabigyan ng proteksyon ang mga umaangkat ng langis ng sa ganoon ay maging maganda sa paningin ng mga bansang pinanggagalingan upang patuloy ang dating nito ng walang katiting na problema sa hinaharap. Ngunit sa kalauna’y nakuryente ang mismong gobyerno sa ginawang ito. Sa pagpapapogi ng pamahalaan sa mga exporter ng petrolyo ay hindi naisip ang kahihinatnan na ang paghila sa lubid ay sama-samang aakyat kasama sa lahat ng mga nakasali dito. Dahil sa ganoon, lahat ng dumidepende sa petrolyo ay hindi mapipigilang umakyat din. Maganda man ang hangarin, kulang naman sa pagsasaliksik at pag-aaral ng kalalabasan ng itinakdang ito. Dahil dito, hindi lang nakuryente ang gobyerno, nasunog pa.

Fruit games at Video karera sa Bacoor ISANG alyas “Allan” diumano ang may hawak ng Fruit Games at Video karera sa Bacoor. At hindi matinag-tinag dahil malakas daw ito sa itaas! Mukhang may ipinagyayabang itong mamang ito hahh… Kaya walang katinagtinag ang pamamayagpag ng mga makina nitong “Allan” na ito sa buong bayan ng Bacoor eh! Sinu-sino kaya ang sinasabing padrino ng “Allan” na ito? Magkano ba ang lingguhan ninyong intelihensya sa “Allan” na ito, mga sir? Kaya pala kahit anong bilin ng mga magulang sa kanilang mga anak na huwag maglaro ng sugal ay

patago naman itong naglalaro sa ibang lugar dahil dagsa nga ang nasabing mga makinarya. Alam kaya ito ni Mayor Strike Revilla? At ng kanilang magiting na hepe na si Col. Florencio Ortilla? Mga sir pakisagot nga po! Nang maliwanagan ang lahat. Sa mga bahay na ginagawang pwestuhan ng fruit games at video karera, tama nga ang kasabihan, sa panahon ng pagkalunod, kahit sa tingting ay kumakapit sa pag-asang makakasalba. At totoong walang batas na kinikilala ang mga taong gutom. At totoong-totoo rin na gumagana lang ang utak kapag may laman ang sikmura. Kahit na ang mga bata ang nabibiktima ninyo. Payong kaibigan lang, alalahanin ninyong sa gitna ng dilim may liwanag. Kung may salitang “problema” na nakasulat sa diksyunaryo. Meron din namang nakasulat na “solusyon”.


NOBYEMBRE 15- 21, 2009

ANG Exudos Village I-VII Association Incorporated ay nagawaran ng Certificate of Incorporation (Sec. Reg. CN 2007162168) ng Securities and Exchange Commission noong October 15, 2007. Ang pamunuan ay binubuo ng President Jo Angelito Asares, Vice President Michael Coquia, Secretary Beverly Quilana, Treasurer Jeesebelle Herrera, Auditor Eddie Pones, Asst. Auditor Samuel Cabarda, PRO Susana Soriano at Ass. PRO Rafael Jacinto. Matagal ding nanirahan ang humigit kumulang na limang daang pamilya ng Exodus sa Purok Taiwan, Barangay Ligtong III ng Rosario, Cavite. Sa masama o kabutihang palad ang Taiwan ay naging extension ng Cavite Export Processing Zone (Cavite Economic Zone ngayon) at ang may-ari ng lupang kinalalagyan ng mga pamilya ay naipagbili nito sa Wu Kong Corporation, isang wood furniture factory ng Hapon, kaya napatalsik sila at napalipat sa Exodus Village noong taong 2007. Ang tindi ng baha na dulot ng bagyong Ondoy sa baryong Sta. Rosa I ng

Ma ta ta g na tir ahan Mata tata tag tirahan Noveleta at Exodus Village ng Ligtong. Yaon naman palang lugar na kinatatayuan ng Wu Kong ay dating lagusan ng tubig tuwing umaapaw ang Noveleta River. Kaya ang troso ng Wu Kong ay sumama sa rumaragasang agos ng baha at sumalpok at sumira sa ilang kabahayan. Bukod dito ay naging gabahay ang taas ng tubig na lubos na ikinabahala ng mga opisyal ng Exodus Village Association na naglikas ng mga bata at matatanda sa isang gusaling may second floor. Ang Responde Cavite ay isa sa nagbigay ng kaunting tulong sa pamamagitan ng isang hapunan para sa mamamayan ng Exodus Village. Dito nabuo ang isang panukala na pagpapatayo ng Multipurpose Center sa maliit na plaza ng pamayanan. Nauna na ang serbisyo ni Pedicab Teacher na si Prof. Arnel Laparan. Sumunod na rin ang pagtulong ni Mayor Nonong Ricafrente at Vice Mayor JhingJhing Hernandez.

GOOD MORNING TEACHER Mula sa pahina 4

Hindi ko sinasabing mali ang pag-unlad at modernisasyon at lalong ayaw kong hanapin ang paninisi sa sinumang dapat managot sa mga pagbabagong ito. Tanggapin na nating iba na ang ating henerasyon. Nasa Generation X na nga raw ang mga Kabataang Pinoy ngayon. Ngunit magbago man

ang panahon, iisa pa rin ang nais kong iparating Pilipino pa rin tayo. Tayo pa rin ang lahing makaDiyos, maka-kalikasan, makatao’t makabayan. (Isa pa rin pong pasasalamat sa St. Bernadette Publishing House dahil sa artikulong ito.) *** Lubos ang aking pasasalamat sa Rea-

Letter to the Editor Magandang araw kuya... Pasensya na po sa abala.. Hingi lang po sana ng pabor,, Pls. pki search naman po mga Topacio Family, near municipal po house. Don’t know the exact address.. haven’t met them ever since.. here are their possible names Lea Topacio ( kapatid ko po sa ama ) Dolly Topacio my father’s bro. & sis. My father’s name is Dante Topacio but he passed away.. pls look for them, especially Lea Topacio mga 34 yrs. Old na po sya now.. pls. help me find them. Thank you.. God bless Dane Topacio Nov. 11 at 8:37pm

Paghahanap pa rin ng mga sponsor sa ipapatayong center ang hinihingi ng Association. Nguni’t may bikig sa Proyekto ng Association. Ipinagpipilitan pa rin ng mga tagasunod ng masipag na Kapitan ng Sta. Rosa I na ang Exodus Village ay sakop ng Noveleta at hindi ng Rosario. Sa pakikipag-usap naman namin kay Mayor Ricafrente ay sinabi niyang ang may-ari na ngayon ng Exodus Village ay ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na hindi magbibigay ng pahintulot kahit na ang pagpapailaw lamang ng MERALCO sa lugar. Masinop at dibdiban ang ginawang pananaliksik nila President Asares. Sa Register of Deeds ng Cavite ay natuklasan ang Transfer Certificate of Title No. 149882 in the name of Rutyardo Bunda ng Noveleta noong April 12, 1983 mula sa Transfer Certificate of Title No. T-53935-361. Mayroon namang nakatala dito na noong April 30, 1910 ang lupa ay may Original Cerder’s Digest sa pagkilala nila sa akin bilang natatanging bayani dahil sa aking pamamaraan ng pagtuturo sa mga bata. Ako po ay nailathala ng nasabing babasahin sa kanilang November, 2009 issue, Asian Edition. Matatagpuan ang artikulo sa pahina 18-20. Maraming salamat po sa inyong pagtitiwala (special mention to the writer: Ms. Ross Hevyer-Alonso) Tulad ng aking nasabi na at palagian pa ring sinasabi, patuloy pa rin po ang tunay at tapat na paglilingkod ng Pedicab Teacher- Teacher on Wheels. Tangkilikin po sana natin ang nabanggit na magazine ngayong buwan na’to. Available na po ang kopya sa lahat ng branches ng National Bookstore. Bili na! Basa na! At kilalanin ang Teacher on Wheels. To God Be The Glory! *** Good Morning, Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kay Ganda at Bagong Pagasa. Edukasyon… Kahit Saan… Kahit Kalian, Katuwang sa Karunungan at Kaunlaran.

tificate No. 114. Sa Memorandum of Encumbrances ay nakasaad ang Deed of Sale in favor of Edilberto B. Tamis sa halagang P3,848, 200 kabayaran sa 24,988 SQ. M. na lupa. Ang date of inscription ay February 12, 1997, 2:45 P.M. Panibago na namang Transfer Certificate of Title No. T-639344 in favor of Mr. Tamis. Sa mismo namang Deed of Absolute Sale ang halagang kabayaran ay P8,745,800 na kaiba sa halagang P3,848,200 na nakasaad sa Memo of Encumbrances. Petsa Feb 12, 1997 nabili ni Mr. Tamis ang Exodus Village. Sa ganito ding araw naisanla ni Mr. Tami sang lupa sa Los Baños Rural Bank sa halagang P14,900.000. Hindi natin batid kung ano pa ang mga pangyayari na ang naging kahinatnan ay ang pagsasara ng Rural Bank. Ang naiintindihan ng lahat ay ang pagsaklolo ng PDIC sa

ganitong pagkakataon. Sa wakas iba na ang mayari ng Exodus. Tapos na ang issue tungkol sa kung anong bayan ang sumasakop sa Exodus Village. Ang halaga na lamang ng lupa ang may kaunting kalabuan. Noong 2008, ang price quotation ng PDIC ay P18,000,000 ngunit ngayong 2009 ay lumobo ito sa P29,000, 000. Hintayin na lang natin ang magiging pinal na halaga. Naging masaya at makulay ang general assembly at panunumpa ng mga halal na opisyal ng Association noong Nov. 07, 2009. Dinaluhan ito nina Mayor Ricafrente, Konsehal Mao Luna, Konsehal Pio Vivo, Vice Mayor Dino Chua ng Cavite City at Luz Abutin ng Urban Poor Office. Naandoon din si Kuya Pompy Enriquez kasama ang Urban Poor ng Brgy Sapa. Syempre naman, dumating din ang Editor-inChief at Publisher ng

5

Responde Cavite Eros Atalia, kasama si Managing Editor Rommel Sanchez. Mahiyain nga lamang si Chief kaya hindi pumustura sa entablado. Naging matagumpay ang “Paglalakbay” mula sa Taiwan, ang Ehipto ng Rosario, hanggang sa Exodus Village, Ang Lupang Hinirang. Wala nga si Moises, pero nanatiling taga-subaybay si Mayor Nonong na tahasang nagbadya ng kahandaan ng Pamahalaan ng Rosario na bilhin sa PDIC Ang Lupang Hinirang upang maganap ang tema ng selebrasyon: Katiyakan sa Paninirahan, Kaalaman, Kasanayan at Kabuhayan. Basbasan nawa tayong lahat ni Yahweh.


6

NOBYEMBRE 15- 21, 2009

SAGOT NI EX-MAYOR ARLYNN TORRES 1. Ang Noveleta ay isang bayan na patuloy sa pag-unlad. Nakikita natin ang pagdating ng mga namumuhunan. Ngunit kalakip ng pagunlad sa ekonomiya dapat din ay naibabalik sa mamamayan ang sapat na pagseserbisyo at hindi perwisyo. Hindi lingid sa ating kaalaman, pagkatapos ng kalamidad ang bayan ng Noveleta, tila basang sisiw na kawawang namamalimos ng tulong. Tunay nga na malaki ang pinsala na idinulot ang mga bagyo sa bayan ngunit hindi naman kailangan humantong sa ganitong sitwasyon. Kawawa ang ating mga kababayan, walang sapat na tulong na maibigay sa kanila. 2. Totoong malaki ang problema ng Noveleta sa basura sa kadahilanang hindi regular ang paghahakot ng basura sa mga kabahayan. Hindi rin nasusunod ang tamang paghihiwalay- hiwalay ng mga basura. Noong aking panunungkulan, ako ay may programang Material Recovery Facility o MRF ang layunin nito ay maihiwalay ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura upang mabawasan ang itatapon sa dump site. Ang nasabing progra-

mang ito ay hindi piniling ipagpatuloy ng kasalukuyang liderato, napili pa nilang itapon ang mga basura sa ginawa nilang open dump site malapit sa pampublikong sementeryo. Ang bagay na ito ay nakakaapekto sa kalusugan ng ating mamamayan. 3. Ika nga, “Give a man a fish and he will eat for a day. Teach a man to fish and he will eat for a lifetime.� Sa ganitong panahon, dapat ay tinutulungan nating mabuhay ang ating mga kababayan upang maging self-reliant. Matutulungan ko ang aking mga kababayan sa pagbibigay sa kanila ng sariling pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagaalok ng livelihood trainings and seminars. Kailangan din patatagin at madagdagan ang samahan ng mga kooperatiba. 4. Mababang bayan ang Noveleta, at napapaligiran ito ng mga ilog at dagat. Ang aking maihahandog ay ang patuloy na pagpapagawa ng river walls upang maprotektahan ang aming mga kababayan sa pagragasa ng tubig mula sa mga mataas na karatig bayan. Kailangan din ipagpatuloy ang pagsasaayos ng drainage system at pagtatapon ng basura. 5. Maraming mga hamon sa pang-araw-araw na hinaharap ang bayan ng Noveleta. Kailangan ay

maging handa sa mga unos at pagbabago na dala ng panahon. Basura, patuloy na pagbaha, kawalan ng trabaho, suliranin sa pangkalusugan, iilan lamang yan sa mga problema na hinaharap ng bayan. Isang malaking hamon pang hinaharap hindi lang ng bayan ng Noveleta kundi ng buong bansa ay ang darating ng halalaan, pumili ng mga namumuno na tutugon sa mga problemang ito. Isipin natin na ang darating na halalan ay hindi isang araw lamang, ito ang magtatakda sa takbo ng paglilingkod sa susunod na tatlong taon. 6. Sa panahon ngayon, ang ating kailangan ay ang tunay na makapagaalok ng taos pusong paglilingkod sa taong bayan at hindi paglilingkod sa sarili. Tumingin sa tunay na hangarin; maging bukas ang mga mata at huwag magpapadala sa mga mabubulaklak na pangako. Dito Lang Tayo, Aksyon, Agaran at Totoo. SAGOT NI MAYOR ALVAREZ 1. Sa ngayon ay nasa ayos naman ang ating bayan at ang number 1 na nagawa nating pagbabago ay ang maibalik ang tiwala ng mga tax payer natin sa ating pamamahala. Kung inyong mairerecall sa inyo, ito ay hindi naman tsismis - ito ay

katotohanan na hanggang ngayon ay un-accounted pa rin ang 13 milyon na nawala sa kaban ng bayan ng Noveleta during the time of administration of former Mayor Torres. At sa pamamagitan po ng ating paglilingkod ay nagkaroon po tayo ng transparency at ating inilahad ang lahat ng ating mga gastusin at napakaganda naman ng report ng Commission on Audit (COA). During my administration from 2008 at 2009. At ngayon ay pwede nyong i-check ang record natin sa treasurer office ay lumaki ang ating koleksyon compare sa mga nakakaraang administration. 2. Ang problemang basura ay hindi lamang problema ng bayan ng Noveleta. Actually, problema yan ng buong lalawigan ng Cavite. Kami ay umaasa sa magkakaroon ng common dumping site ang ating lalawigan. Sa kasalukuyan ay minamanage naming ang aming basura sa aming kakayahan lamang. Daily garbage collection at kasalukuyang iniipon muna sa aming MRF dito sa aming Public Cemetery. At ako ay nakikipagugnayan sa isang private citizen na may malawak na lupa upang ipagamit muna nila, at ito ay hindi ipatutupad kung walang pakikipag-ugnayan sa

DENR at PENRO. 3. Dalawang beses na kaming nagconduct ng training sa call center at makikita nyo sa aming record. Sa kasalukuyan at patuloy ang sewing program na nagtuturong manahi. At tulong ni Ma'am Lanie Mercado ay natulungan kaming makapasok sa Tesda tulad ng house keeping, welding, cellphone repair, care giver. Sa ngayon ay pinagaaralan nila kung paano pauunlarin ang tinatawag naming "Mais-Noveleta" na tunay nga naming ipinagmamalaki. Napabayaan lang iyan ng mga nakaraang administratibo. Kaya ang head department ng Agriculture na si Ma'am Ester Espeneli ay nakikipag-ugnayan na sa mga magsasaka at hiling nila na maibahagi ito sa aming magsasaka upang umangat ang ipinagmamalaking mais ng Noveleta. 4. Noong nakaraang bagyong Milenyo (2005), ang isang barangay na nasalanta ng bagyo ay hindi naman gaanong napinsala. At dito naman sa bagyong Ondoy ay baha lamang ang dumaan sa bayan ng Noveleta and out of 16 barangay ay 15 barangay ang apektado ng pagbaha. At ito ay hanggang baywang, ang iba naman ay lagpas tao na ang baha.

Kaya't napakabilis ng pagresponde ng Pamahalaang Munisipyo ng Noveleta and the following day ay nag-dispath ako ng pay loader, nagkakaroon ng clearing operation along national road ang barangay road and municipal road na maging possible ito sa aking mga kababayan. Two days after ay nag-umpisa na kaming mamigay ng relief goods at di lang once but twice and trice. 5-Ang nakikita ko dito sa aming bayan, maipagpatuloy lamang ang maayos na pamamahala, malinis na lansangan. For the next 5 years ay marami ng mikikitang pagbabago sa ating bayan at patuloy akong nakikipagusap sa mga investor na mamuhunan sila dito sa aming bayan upang mabigyan ng trabaho ang mga kababayan ko. 6. Sa aking mga kababayan, ako ay nagpapasalamat sa kanilag ibinigay na pagtitiyaga na mapaglingkod at makapagbigay na pagtitiwala na makapaglingkod at makapagbigay serbisyo sa aming bayan sa loob ng 3 taon. Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat ng pangangailangan ng aking mga kababayan. Sana maging mapagsuri po tayo. Huwag po nating ipagpalit ang lumang ginto sa bagong tanso.


NOBYEMBRE 15- 21, 2009 Jenielyn Mogayon

Jen Allen Espineli

2

4

Erica Ratchel Abas

7

Tricxie del Mundo

6

1 3

Ronaliza Rodil Jhoanna Romen

10

Ailyne Angeles

BINIBINI AT GINOONG ndang

Amiely Venus Notario

5

Abigail Suarez Regine Nica Garcia

I

8 Maika Nishi

7

13

Bea Katrina L. Ferre

11

9

12

Jacquelyn Ashley Williams 1

Christian Mark C. Bano

Bryan Philip C. Lagrama

Rhen Jeciel

9

8

7

4

3

2

Keanne Mervin A. Crystal

10

Richard Costa

COUPON ISYU 11

Eugene Co

Noel E. Hintog

11

12

Raymond H. Peji

Suportahan ang gusto mong susunod na Ginoo at Binibing Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite). Punan ang Kupon sa ibaba at ihulog sa Tourism Office sa Munisipyo ng Indang. Ang magwawaging Ginoo at Binibining Indang (Gawad Giliw-Madla Responde Cavite) ay tatanggap ng tropeyo at sash at magiging opisyal na tagapag-endorso ng Pahayagang Responde Cavite (Risonable, Responsable) sa ilang piling isyu. Maaari ring bumoto on-line sa www.respondecavite.com

100 pts Nathaniel Esguerra

6

5

NOVEMBER 15 - 21, 2009

CANDIDATE NO.______ NAME OF SPONSOR:___________________________________ ADDRESS:_____________________________________________ VOTE FOR

Bb. Indang

G. Indang

SIGNATURE: _____________________________________________ Dominic Feranil Feranil Dominic

Jan Jerwin Cresino

Kernell Warren Rodil


8

NOBYEMBRE 15- 21, 2009

Prinsipyo ng Pamamahayag

INDANG, Cavite -May mga hinahangaan o iniidolo rin naman ako, ilan sa mga ito ay sina Dr. Jose Rizal, Gat. Andres Bonifacio, Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Prof. Jose Maria “Joema” Sison, Bro. Eduardo “Eddie” Villanueva, Sen. Gregorio “Gringo” Honasan, Sen. Antonio Trillanes, B/Gen.Danilo “Danny” Lim at Mr. Eugenio “Geny” Lopez Jr. Si Eugenio Lopez Jr., na mas kilala bilang Geny Lopez ay isa sa mga pundasyon at haligi ng malayang pamamahayag sa ating bansa. Ako bilang manunulat, kolumnista at mamamahayag ay sadyang naging interesado sa kanyang mga nai-ambag para sa paglilingkod at pagpapalaganap ng malayang pamamahayag sa ating lipunan. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ABS CBN ay itinaguyod ng mga naunang Lopezes at ipinagpatuloy ni Geny Lopez kung saan umere ang pagkakaroon noon ng malayang pagtalakay at pamamahayag sa ating bansa kung kaya naman noong panahon ng diktaduryang dating Pangulong Ferdinand Marcos ay dinakip at ikinulong si Lopez at ang kanyang itinayong ABS-CBN na pundasyon ng paninindigan para sa katotohanan, katarungan at katuwiran ng lahi at ng lipunang Pilipino ay sinira at ipinasara ng diktadurya. Taong 1986 matapos ang rebolusyon laban sa diktadurya ay muling bumangon si Lopez kasama ang mga taong naniniwala sa kanyang magandang hangarin at prinsipyo para sa pagpapatuloy ng malayang pamamahayag at nagsama-sama sila upang sa ikalawang pagkakataon ay muling buksan ang ABS-CBN. Simula noon ay nagkaroon ng higit pang kulay at saya ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino sa paghahatid ng ABS-CBN ng mga makabago, maganda at naiibang istorya, kuwento, palabas at programa hindi lang sa telebisyon kundi maging sa radyo at pahayagan na nasa bakuran ng higanteng istasyong ito. Lumipas ang mga panahon at ang matandang Lopez ay namaalam sa ating lahat datapwat ang ma-

giting na anak na si Mr. Gabby Lopez na ngayon ay Chairman / Chief Executive Officer ng kompanyang ito ang siyang humalili at nagpatuloy sa magaganda at makabuluhang nasimulan ng kanyang butihing Ama na si Geny. Sa administrasyon ni Gabby Lopez ay lalo pang namayagpag ang mga palabas at programa ng ABS-CBN sa tulong na rin ng mga mahuhusay niyang katuwang katulad nina Ms. Charo Santos -Concio na siyang President at Ms. Cory Vidanes na siya namang Vice President for TV/Entertainment. Sa pagputok ng eskandalo ng Hello Garci at iba pang akusasyon ng katiwalian sa gobyerno ng administrasyon ni Gng. Gloria Macapagal –Arroyo ay nanawagan ang oposisyon kasama ang malawak na bilang ng mamamayan ng isa na namang People Power noong Pebrero 24-26, 2006 sa EDSA Shrine at Ayala Avenue hanggang sa Fort Bonifacio na layong mapatalsik ang tinaguraiang pekeng Pangulo datapwat bigo ang sambayanan dahil nanatili siya sa poder ng kapangyarihan sapagkat bigla at mabilis niyang idineklara ang State of National Emergency (miniMartial Law). Sa panahong yaon ay napansin kong tanging ang ABS-CBN News and Current Affairs lamang (sa pamumuno ng matalinong si Ms. Maria Ressa na siyang Head ng News and Current Affairs) ang nanindigan at walang takot na nagbalita upang maihatid sa mamamayan ang mga totoong kaganapan at pangyayari na para sa akin ay silang tunay na walang pinoprotektahan. Hanggang sa nagbanta pa mismo si Sec. Mike Defensor sa noon ay live na nagbabalita sa TV na si Henry Omaga -Diaz na maaaring maipasara ng gobyerno ang istasyon sapagkat ini-ere at kinakapanayam pa ng mga reporter ng ABS-CBN ang mga nag-aalsang mamamayan sa kalye at mga nag-aalburotong sundalo sa Fort Bonifacio. Datapwat palibhasa ay subok ng tagapamandila ng malayang pamamahayag at silang tunay na walang kinikilingan kundi ang katotohanan lamang ay hindi natakot ang ABSCBN kahit pa alam na nila ng mga sandaling iyon ay pinalibutan na ng mga sundalo ang paligid ng istasyon nila. Sapagkat ang kanilang prinsipyo ng pagbabalita

ANG LAHAT AY INAANYAYAHAN NG MGA SAKSI NA ‘PATULOY NA MAGBANTAY!’ LUNSOD NG TRECE MARTIRES - Ang mga Saksi ni Jehova ay magdaraos ng isang malawakang kampanya upang anyayahan ang lahat na makapakinig ng mga kapanapanabik na talakayan kung paano inilalarawan ng Bibliya ang tinatawag ng karamihan sa ngayon na katapusan ng daigdig. Ang mga Saksi ay naniniwala na bawat tao sa kanilang komunidad ay magiging interesado at mahihikayat sa ihaharap na mga programa sa 2009 taon ng pandistritong kombensyon na may Temang “Patuloy na Magbantay” na gaganapin sa Gov. Ayong S. Maliksi Provincial Gymnasium. Pasimula sa linggong ito hanggang sa susunod na tatlong linggo, ang mga Saksi ni Jehova ay magpapaabot ng personal na mga paanyaya sa lahat ng mga taga Alfonso, Carmona, Dasmariñas, Gen. Trias, GMA, Silang at Tagaytay na dumalo sa

tatlong-araw na kombensyon sa lunsod ng Trece Martirez na magsisimula sa Biyernes Ika-4 ng Disyembre 2009 sa ganap na 8:20 ng umaga. Ang tema ay hinalaw sa iba’t ibang teksto sa Bibliya kabilang na ang Mateo 24:42 at Marcos 13:37 kung saan si Jesu-Kristo ay nagbigay ng tagubilin sa kanyang mga alagad na “Patuloy na Magbantay.” Ang programa ay nakasentro kung paano pinaniningning at nililiwanag ng Bibliya ang kahalagahan ng mga salitang ito para sa mga mambabasa ng Bibliya sa modernong panahon. Ang pagdalo sa kombensyon ay walang bayad at walang koleksiyon. Kabilang sa kampanya ng mga Saksi ay ang pamamahagi ng mga imbitasyon na may nakapupukaw-pansin na mga larawan. Ito ay katulad ng kanilang ginawa noong taong 2007 para sa kanilang matagumpay na

pandistritong kombensyon na may temang “Sundan ang Kristo.” Sila ay umaasa na makapagpaabot ng personal na paanyaya sa pinakamaraming tao hangga’t maaari. Sa Kabite, 18 kongregasyon ng mga Saksi ang susuporta sa malawakang pagsisikap na maikalat ang kaalaman patungkol sa darating na kombensyon. Tinatayang 2,500 ang tutungo sa Governor Ayong S. Maliksi Provincial Gymnasium sa darating na dulo ng sanlinggo para sa kombensyon.

Ang mga Saksi ay umaasa na magiging matagumpay ang okasyong ito. Malugod nilang tatanggapin ang mga disaksi na dadalo sa kombensyon at sila ay naniniwala na ang lahat ng dadalo ay makikinabang mula sa mga praktikal at napapanahong impormasyong ihaharap. Sa buong Pilipinas ay magkakaroon ng 96 na kombensyon sa 69 na lugar. Sa buong daigdig naman ay mayroong mahigit 7,100,000 na mga Saksi sa mahigit na 103,000 kongregasyon.

Belated happy birthday to JERRY ‘GOODBOY’ GYANAN last November 14, 2009 Greetings from: Kag. Cris Trinidad, Panjo, Cojie, Ruben, Parko, Petty, Erning at Papa Family. *** Happy Bday Mr. Mike Giongco Civil Defense

Deputized Coordinator Of Rosario, Cavite Greetings coming from: Rosario Municipal Disaster Coordinating Coucil. *** Happy Bithday to Marith and Precy Jebulan Fr: Kuya Willy & Family And Staff Responde Cavite

ay “Panig sa Katotohanan, Panig sa Bayan” ay hindi inalihan ng takot sa bangis ng State of National Emergency (mini-Martial Law) ng pekeng Pangulo sa Malacañang ang higanteng istasyon at sa halip ay nanindigan sila na i-ere o ipalabas ang noon ay nagaganap na nakabatay sa totoong pangyayari. Sa kabilang banda at sa kasalukuyang panahon ay ang “Risonable at Responsable” ang binibitbit naman naming prinsipyo dito sa Responde Cavite kung kaya naman patuloy din kaming maghahatid ng mga makabuluhan, makatwiran at makatotohanang pagsusulat, pagbabalita at pamamahayag. Patuloy namin itong isasaisip at isasagawa upang laging ang inyong tiwala sa amin ay hindi mawala. Salamat sa inyong mga mambabasa sa patuloy na pagsuporta, pagbili at pag-ubos ng bawat sipi o kopya sa mga newstands ng ating dakilang pahayagang ito. Salamat at MABUHAY kayo!

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: Huwag kang mangamba at nalalapit din ang tagumpay sa iyo. Maging doble ang pagsisikap at pagtitiyaga. May regalong matatanggap. Lucky days/nos. Tues/Fri 7-20-25-36-39-43 AQUARIUS: Walang kahahantungan ang mga pangarap kung hindi mo ito pinaghihirapan. Ngayon pa lang doblehin na ang kasipagan sa trabaho. Lucky days/nos. Mon/Wed 14-18-21-31-33-40 PISCES: Susuwertihin ka pa rin ngayon kahit medyo hindi tama ang gagawin mong pagmamalas ng iyong kakaibang tapang. Wala pa rin mangyayaring hindi maganda sa iyo. Lucky days/nos. Thurs/Sun 2-6-14-30-39-41 ARIES: Paliligayahin ka ng mahal mo pero may kondisyon, ayon sa iyong kapalaran, kailangan na una mo muna siyang bigyan ng kasiyahan. Kahit ikaw ang unang ngumiti. Lucky days/nos. Wed/Fri 1-10-11-20-24-29 TAURUS: Di mo maiiwasang biglang manahimik kahit sa sandali ng iyong pagsasaya. Palatandaan ito na ipinaaalala sa iyo ng langit na marami ka pang gagawin upang umasenso. Lucky days/nos. Mon/ Tues 2-8-112-14-28-30 GEMINI: Ambisosyo kaya aayawan mo. Pero di naman mawala-wala sa iyong isipan ang kanyang pagkatao. Ang dahilan siya ay ibinibigay sa iyo ng langit upang ikaw din ay magtagumpay sa buhay. Lucky days/nos. Thurs/Sun 1-9-17-20-24-35 CANCER: Ito ang takdang araw upang seryosohin mo ang iyong love life. Kaya ang payo, dumistansiya ka sa mga mapagbiro, maharot, at kung anu-ano ang mga ikinukuwento. Lucky days/nos. Sat/Sun 11-15-22-27-30-31 LEO: Huwag magtiwala sa nararamdaman dahil mahina at mababa ang E.S.P. Kung ano ang iniisip, iwasang gawin dahil walang mapapala. Kung papatulan ang mag-aasar o makukulit. Tiyak may hindi inaasahang pangyayaring magaganap. Lucky days/nos. Fri/Sat 3-4-10-29-40-45 VIRGO: Lakasan ang loob sa mangyayari, makakaranas ng pangyayari na magiging memorable at hindi malilimutan. Kung naging magulo ang buhay sa nakalipas, ngayon mababalik sa normal. Makakaranas ng ginhawa sa pinansyal. Lucky days/nos. Mon/Tues 4-5-20-26-28-31 LIBRA: Magugulat sa makikita dahil hindi ito inaasahan. Isang dating insidente ang mauulit nang hindi sinasadya. Walang katiyakan ang takbo ng panahon kaya’t pag-iingat sa tuwina ang kailangan. Lucky days/nos. Wed/Thurs 1-6-22-28-33-41 SCORPIO: Huwag magsisi kung may nagawang pagkakamali. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating kusa ang solusyon sa tamang panahon. Iwasang maging emosyonal. Lucky days/nos. Tues/Wed 5-10-15-19-35-36 SAGITTARIUS: Simulan ang mga binabalak dahil may bungang mapapala. Huwag ipagbukas ang dapat gawin ngayon. Ang inaasahan mula sa iba ay walang katuparan. Ang sariling sikap ang siyang makapagliligtas sa pangangailangan. Lucky days/nos. Fri/Sun 1-4-6-19-29-39


NOBYEMBRE 15- 21, 2009

PAGKATAPOS mahagkan ni Kapitang Pedro ang kaniyang mga anak ay nanaog na sa bahay na parang nawiwindang ang kaniyang puso’t dibdib. Danagan lamang ay di na siya nakapagbanta man lamang manaog ng lupa! Parang tingga ang bigat ng mga paa niya. At sa likod ng isang mahaba ring lakbayin ay dumating sila sa Zapote nang hatinggabi na. Humarap siya, noon din, sa Tenyente Heneral Evangelista, at pagkatanggap ng utos ay nagtuloy sila sa tanggulang kanilang babantayan. *** Handa na ang lahat, maagang-maaga pa. Inaantay nila ang dating ng kaaway. Dumating ang tadhanang oras: ang karaniwang gamit ng mga Kastila, sa tuwinang lulusob. Hindi sumipot; ni anino’y di nakita. Nag-antay pa ng isang oras, dalawa… hindi rin sumipot. Inakalang hindi na marahil lilitaw. Ngunit parang talagang kinusa, parang nanlinlang na talagang handa, pagkapahinala’y di naglibang oras ang mga kaaway. Nabigla ang mga nagtatanggol. Subalit di sila nagipit upang unahan sa putok ang mga kalaban. Pinasimulan na ang pagbabaka; pagbabakang madugo, mahigpit, matagal, walang puknat ni sandal. Ang putok ng kanyon at baril sa magkabilang dako’y hindi nagtatantanan sa pagpugot ng hininga sa bawat kulanging palad. Siya na lamang naghahari noon. Sa mga sandaling yaon ay siyang pagsipot, digudugua’t may tama sa leeg, ng alilang utusan ng kaniyang asawa. “Kapitan!” anito, “Patay na ang inyong asawa!” Si Kapitang Pedro’y hindi man nainli sa kaniyang narinig, hindi nabalino, hindi man lamang napansin ni munti ang tawag sa likod ng alila. Taimtim na taimtim ang loob sa pamamaril sa mga kaaway.

Bakit na nga’t kung gayon-gayong salita lamang ay talagang hindi maririnig ng isang namumutok; palibhasa’y mistulang bingi na at tulig sa gawa ng abot-abot na putukan. Kaya ang alila’y napilitang magsamantala sa pagdukot ng bala ni kapitang Pedro, at kinawit ang kamay upang lumingon ito. “Aba!...Bakit narito ka? Bakit may tama ka sa leeg?” “Sinugba ko po ang ulan ng punglo’ makarating lamang ako rito sa inyo…” At sinipat ang isang titindig-tindig na tila pinunong kaaway. At pagkatambay sa pilapil na kinatatayua’y lumingon sa alila’t nagtanong: “Bakit ka naparito? Aniya sa alila, kasabay ang ganitong utos sa mga kawal’ “piliin ninyo ang mga pinuno!” “Inuutusan po ako,” anang alila, “patay na po ang inyong asawa…ipinasusundo kayo.” “ipinasusundo?...Sulong na!” “Ano po ang sasabihin ko?” Hindi na nasagot si Kapitang Pedro ang alila, dahil sa pumutok nanaman. “Ano po ang sasabihin ko sa nangag-utos sa akin?” ang ulit ng alila. Wala ring sagot. Sa gayo’y umalis na ito sa pag-aakalang nalalaman na rin lamang ng kaniyang sinundo. Tinahak niyang muli ang kabukiran, sa ilalim ng umuunos at sala-salabat na punglo. *** Samantala, ang nagsipag-antay sa alilang inutusan ay inip na inip na. Oras na ng paglilibing. Ni sumundo, ni sinundo, hindi sumipot. “Ang labana’y tapos na.” anila, “ang mga kaaway ay nagsitakbo na, bakit hindi pa sumipot ang dalawa?” Ginanap na ang paglilibing; tinapos na ang lahat. Wala na lamang nalalabi, kundi ang pagtatangisan ng nangulila, ang panglaw na naghahari, ang lungkot, hapis, dalamhati. At ni ang sinundo, ni ang sumundo, ay di pa rin sumisipot. At kaya pala’y…kapwa kinapos ng palad! Si Kapitang Pedro’y natimbuwang sa harap ng kaaway at ang tapat na alla’y sa gitna ng kabukiran. At kapwa naamis, alang-ala sa pagtupad sa kanikanilang tungkulin. Ang isa’y pagtupad sa utos ng Inang Bayan. Ang isa’y pagtalima sa atas ng mahal na panginoon. Kay-pagkaiinam na uliran!

Mga Pangitain ng Kamatayan Ang mga taga-Kabite ay may paniniwala tungkol sa mga pangitain ng kamatayan. Ang isa sa mga popular na pangitain kapag ang isang tao ay malapit ng pumanaw ay ang kawalan ng kanyang ulo habang naglalakad. Ang sinasabing pangontra dito ay ang pagbaliktad ng kanyang damit na suot o ang pagpansin (o gugulatin siya) ng taong makakakita na siya ay naglalakad ng walang ulo. Ang pag alulong daw ng aso ay isang senyal na

itim ay isang senyal din na isang kamag-anak o mahal sa buhay ang mamamatay o malalagay sa bingit ng kamatayan. Oras ng paghihingalo Ayon kay Dr. Oscar R. Malimban, isang doctor ng medisina, isa sa kanyang mga patakaran sa mga pasyenteng kanyang pinupuntahan na naghihingalo na ay ang alamin kung ito ay may iniingatang anting-anting (kilala rin sa Kabite bilang subo o gamit). Marami sa matatanda, lalo na sa mga bayan ng Maragondon, Hineral trias, Silang, Amadeo, Magallanes, at Heneral Aguinaldo (dating Baylen) ay nag-iingat ng mga ito, kung kaya sila ay hindi agad namamatay. Ang pagpapainom ng gatas ng isang ina o sabaw ng buko ay isang mabisang paraan upang tunawin ang iniingatang anting-anting at upang tuluyang pumanaw na at hindi na pahirapan pa ang pasyente.

Irog, Maligtas ka rin! (2)

Maikling Kwento Ni Carlos V. Ronquillo 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista Aklat 1 ng dalawang aklat

may mamamatay sa isang lugar. Ang asong umalulong ay binubugaw o sinasaway upang malihis ang pagdating ni Kamatayan. Ang amoy ng kandila ay isa ring hudyat nito. Pinaniniwalaan ding ito ay senyal ng pagpaparamdam ng isang kaanak na yumao na nalalapit na ang anibersaryo ng kanyang kamatayan o isang mahalagang okasyon sa nagdaang buhay ng namayapa. Kadalsang padasal o pamisa ang itinutugon dito na mga naiwang kamaganak. Ang paruparong

Sa Araw ng Pagkamatay Sa araw ng pagkamatay ng isang minamahal sa buhay, isang kapamilya ang magtutungo sa lalong madaling panahon sa pinakamalapit na simbahan upang ipaalam ang nasabing pangyayari. Ito ay para maianunsyo kaagad sa buong bayan ang pagpanaw sa pamamagitan ng agunyas o pagkalembang ng kampana. Ang tunog ng kampana ay ayon sa edad at kasarian ng yumao – ting o matinis ang tunog ng kampana kapag babae ang yumao, bang o buo ang tunog ng kampana kapag lalake, at pa-eskila o mabilis at sunud-sunod naman kapag bata ang namatay. Kapag ang namatay raw ay bukas ang palad, ang pahiwatig nito ay maraming abuloy na darating para sa naiwang kapamilya. Kapag nakatikom naman, hindi raw masyadong marami ang

9

Kailangan ba ang commitment?

Mahal kong Loraine, Puwedeng puwedeng enjoy lang at walang commitment. Pero siguruhin mo na alam at gusto rin ng iyong partner ang ganitong set up. Mahirap naman iyong ikaw lang ang nakakaalam na enjoy-enjoy lang at walang komi-commitment ang inyong relasyon at siya pala, sobrang seryoso sa inyong dalawa. Tipong nag-iisip na siyang magbukas ng joint account sa bangko, disenyo ng trahe de boda mo sa kasal ninyo, mga pangalan ng magiging panganay at bunso ninyo at educational plans para sa inyong magiging tsikiting. Pag ganito kasi ang sitwas-

yon, para mo na rin siyang niloloko. At alam ko, hindi iyon ang intensiyon mo, Loraine. Ngunit sa kabilang banda, tiyak akong mas masisiyahan kayong dalawa kung nagmamahalan na ay may commitment pa kayo sa isa’t isa. Hindi naman ganon kahirap magmintina ng commitment kapag mahal mo ang isang tao. Bagkus ikasisiya mo ito nang lubusan kasi panatag kang committed din siyang mapagyaman pa ang inyong pagsasama. Loraine, bago ako magtapos, may ibubulong ako sa iyo. Alam mo ba na ang mga babaeng gusto lang ay ang sinabi mong set up, ‘yong enjoyenjoy lang, ang siyang inspirasyon ng kanta ng isang boy band? Ang sabi: Don’t love me for fun, girl. Let me be the one, girl. Love me for a reason. Let the reason be love. Maganda namang maging inspirasyon pero huwag naman sana sa ganitong pagkakataon. Hangad ko ang enjoy at matamis na mga araw para sa inyong dalawa. Nagmamahal, Ate Bebang

abuloy na matatanggap ng pamilya ng namatayan. Sinasabing ang lubid na ginagamit ng mga taong nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ay madadalang suwerte sa buhay ng mag-iingat nito, kaya madalas hinihingi ito ng mga tao sa mga kamaganak ng nagpakamatay. Noong mga sinaunang panahon, ang mga namamatay ay hindi kaagad iniembalsamo o inililibing, lalo na iyong mga nabangungot, hinahayaan muna ito ng mga ilang oras o isang magdamag bago galawin. Naniniwala raw kasi ang matatanda na baka ito ay napaglalaruan lamang o ginagawaan ng kalokohan ng isang kaaway (kinulam) o isang engkanto. Maraming kuwento tungkol sa mga taong pinaglalaruan ng engkanto sa Kabite. Ang mga engkanto ay mga espiritu ng kalikasan. Sila ay kadalasang mabait sa mga tao, may mga pag-

kakataong kailangan ng mga ritwal ng pag-aalay sa mga ito. Ang makatuwaan ng isang tao ang kanilang mga lugar na tinitirahan ay nagiging dahilan ng kanilang pagkagalit o paghihiganti. Ayon pa rin sa matatandang kuwento, isang indikasyong hindi pa patay ang isang tao ay ang paglapat ng likuan nito sa higaan o iyong “nakakawang ang likod”. May sapi raw ito at kapag ganito ang sitwasyon o kalagayan ng katawan dapat bantayan itong mabuti dahil kung hindi ay tutuluyan itong patayin ng kaaway kapag iniwan ng nag-iisa lamang. Sa mga ganitong pagkakataon, biktima ng mangkukulam ang nasabing tao, mabagsika ng ginamit na uri ng pananakit kaya ang mga ganitong pangyayari’y madalas na nauuwi sa kamatayan dahil sa hindi pagbabantay sa katawan ng biktima. SUNDAN SA P. 10

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Kailangan po ba ang commitment kapag mahal mo ang isang tao at mahal ka din niya? Puwede namang enjoy lang di ba? Loraine Ng


10

NOBYEMBRE 15- 21, 2009

ADONIS -09266816377 PAPALICOUS 09276139796 DIOZA -09057526260 KARISMA -09283855759 LOVELY-09069715883 ANDREW-09274940769 DHONA-09213770-

113 JHENN-09083325923 JONALD-09215494261 MACOY-09203133410 MACEE-09297836462 PAOLO-09273053611 APRIL JHON-09089705387 TIZOY-09266857820 ADONIZ-09193827369

BERNIE-09276576942 JOEL-09197294403 BONJON09094903126 RUBEN-09284319667 ETHEL-09093322525 HUCK-09193486046 MARLON-09217709611 MILDRED-09297100291 NHEL-09216731235 B2Y-09228520975

PANTY ON ANTYON

Mula sa pahina 9

Sisiw sa Ibabaw ng Kabaong Sa mga taong namatay dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, halimbawa’y pinatay ng mga hindi nakikilalang tao, isang buhay na sisiw ang inilalagay sa ibabaw ng kabaong sa buong panahon ng burol. Isinasama ang sisiw na ito sa paglilibing ng yumao. Pinaniniwalaang ang taong pumatay o salarin ay hindi mapapakalli at makokonsensya sa kanyang ginawang kasalanan. Kapag ang Namatay ay Binata, Dalaga, O Bata Isang tradisyon sa pagkamatay ng isang binata, dalaga, o bata ang pag-aalay ng palma sa bangkay. Ito ay isang malaking kandila na napapalibutan ng bulaklak (artipisyal na gawa sa papel). Ang nasabing kandila ay inihahandog ng ninong o ninang ng yumao. Inilalagay ito sa ibabaw ng kabaong at sa araw ng paglilibing, iniiwanan ang kandila sa bahay upang sindihan at gamitin sa pagdarasal. Sabanas naman ang palamuting yari sa crepe paper sa paligid ng kabaong na inihahandog ng ninong o ninang. Sa araw ng libing ng isang binata o dalaga may parade ng mga kabinataan o kadalagahan sa unahan ng karo ng patay.

Nakikiramay ang buong grupo ng Police Hotline Movement Inc. at ang Responde Cavite sa pagpanaw ni kasamang DANNY VICEDO.

Si Bibiano Angio na mas kilala bilang ‘Bianong Bulag’ ISINILANG sa Maragondon, Kabite noong ika-20 ng Enero, 1926, si Bianong Bulag ay nakilala dahil sa kanyang pagkasangkot sa Don Vicente Araneta Kidnapping incident noong 1949 sa Maragondon, Kabite. Ang aking nakapanayam para sa kanyang naging buhay-tulisan ay ang kanyang asawang si Clarita. Makalawang ulit nang nabiyuda si Lola Claring (kanyang palayaw) at ayon sa kanya, siya ay biktima ng “gabot”, isang sapilitang pagpapakasal sa isang lalaki na kabaligtaran ng “pikot”. Ayon sa kanya, sa labis na takot ay napilitan ang kanyang mga magulang na ipakasal siya kay Bianong Bulag dahil ito ay nasasandatahan at maraming mga tauhan kapag umaaligid sa kanilang bahay. Ang kanilang pagsasama ay nagbunga ng dalawang anak na lalaki na sina Hilario (panganay) at Catalino (bunso), nguni’t nangamatay na ang mga ito. Ang kanilang mga naiwang pamilya ay naninirahan sa Labac at Malainen Bago sa Naik. Si Lola Claring ay disasais anyos nang gabutin ni Bianong Bulag na ayon sa kanayng natatandaang kuwento ay natusok daw sa kanang mata ng isang matulis na bagay kung kaya nabulag ito noong bata pa ito. Mahiyain si Biano Sa buong pagkakaalam ni Lola Claring, si Biano ay kaanib daw ng samahang Hukbalahap. Sa loob ng panahon na si Lola Claring ay inaaligiran ni Biano, hindi man lamang niya nasilayan ito. Gumagamit si

Biano ng isang kasamahan, na nagngangalang “Apolonio” bilang tulay sa panunuyo sa kanya, at noong siya ay sapilitang ipinakasal kay Biano ay nagpahaba siya ng kuko upang kanyang magamit kapag siya ay pinagtatangkaang tabihan ni Biano. Hindi kasi niya matanggap na may asawa na siya dahil hindi man lamang niya mararanasan ang magbuhay dalaga. Nang lumaon, pinayagan na rin niyang tumabi sa kanya si Biano. Mula noon ay nakilala na niya nang lubusan ang kanyang napangasawang kinikilalang sigasia sa kanilang lugar na kalaunan ay naging isang tulisan. Bakit naging tulisan? Matapang na lalaki si Biano at kahit tahimik, ito rin daw ay palakaibigan, at mahusay makisama sa kapwa. Noong mga panahong katatapos pa lamang ng pananakop ng mga Hapones at kapapalaya pa lamang ng mga Amerikano sa Pilipinas, napakahirap ng buhay sa kanilang bayan. Marami sa mga alagang hayop ng mga magbubukid ay ninakaw upang ang karne ay maipagbili sa palengke. Ang “cattle rustling” ay talamak sa buong lalawigan ng Kabite. Si Biano, bilang isang mabait na mamamayan ng bayan ay palaging nakatutulong sa pagbawi ng mga ninakaw na hayop sa kanilang lugar. Gayun pa man, napagbintangan pa siyang kasabwat sa mga nakawang nagaganap sa kanilang lugar kung kaya’t siya ay pinarusahan ng punongbayan. Isa pang insidenteng natatandaan ni Lola Claring na nagtulak kay Biano na maging tulisan ay ang pambabastos sa kanya ng isang Philippine Constabulary (PC) na tagabantay sa kulungan ni Biano sa Maragondon. Nakita ni Biano ang paghawak sa braso at paghimas sa ulo ng nasabing bantay kay Lola Claring, kung kaya nang makalaya ay binalikan ito ni Bia-

no at pinatay. Magmula noon ay dumalang na ang kanyang pag-uwi at tuluyan nang namundok. Nasangkot din siya sa isang malaking kaso na naging laman ng mga pahayagan. Totoo man o hindi ang mga bintang sa kanya, ang karanasang iyon ang nagpabago sa buhay ni Biano bilang kasapi ng Hukbalahap –siya ay naging tulisan o taong-labas. Iniingatang mga Gamit Ayon pa rin sa kwento ni Lola Claring, si Biano ay may iniingatang tsaleko (vest) at kuwintas na may maliit na rebulto ni Kristong ang mata ay kumikislap. Naniniwala silang mabisang sandata ang mga iyon sa kanyang yumaong asawa laban sa mga kaaway. Hindi na matandaan ni Lola Claring kung ano ang nangyari sa mga iniingatang anting-anting ni Biano pagkamatay nito, subalit naaalala pa rin niya ang hugis at hitsura ng mga ito. Matatandaang mahalaga sa pelikula ni Ramon Revilla ang konsepto ng anting-anting. Isa sa mga pelikulang katulad nito ay hango sa buhay ni Biano na lumabas noong 1977 sa ilalim ng Imus Productions na pinamagatang Bianong Bulag: (One Eyed Terror of Cavite). Ang Pagkamatay ni Biano Dahil sa hindi pagbabayad ni Biano sa taksing kanyang sinakyan sa may Baclaran, siya ay inireklamo ng tsuper nito. Sa kanyang pagtakas ay inabutan siyang nagtatago sa kisame ng isang bahay sa may Baclaran at doon siya napatay ng mga awtoridad. Ayon kay Lola Claring, ang kanyang asawa ay may tama ng baril sa ulo. Isang paniniwala sa mga anting-anting ay ang kawalan nito ng kakayahang proteksyunan ang ulo ng nag-iingat nito.


NOBYEMBRE 15- 21, 2009

Ang musika bilang tuntungan ng Nasyonalismo

MARAMING estudyante ko ang nagtataka nang unang magpatugtog ako ng mga kantang Tagalog sa klase.Ang iba ay nakornihan at nabaduyan habang may iilan din na tinawanan ang aking ginagawa. Marami ang walang pakialam at may iba na waring naiinis. Subalit iisa ang aking layunin sa paggamit ng mga awiting ito, nais kong makilala ng mga estudyante ang mga musika at musikerong kalahi natin na hindi nabibigyang pagkakataon na mapakinggan sa radyo o mapanood sa telebisyon. Tama si Norman Wilwayco nang sabihin niya sa kanyang isang artikulo na “kahit tenga ay may kinikilingan”. Bawat isa ay may sariling “taste” sa musika at sa totoo ay wala naman akong balak na baguhin ang “taste” ng mga mag-aaral. Pero naniniwala ako na kagaya rin ng ibang kabataan, ang ating pamantayan sa pagpili ng sining ay nabuo batay sa pagtatakda ng mass media. At sa likod ng mass media ay ang mga negosyante at mga naghahari sa lipunan na may sariling interes na itinataguyod. Bukod pa dito, napakalalim ng colonial mentality na itinanim ng mga dayuhan at ng mga naunang henerasyon sa ating kamalayan. Ito ang dahilan kung bakit mas gustong pakinggan ng mga estudyante ang alinmang musikang dayuhan (o kahit lokal) na nakasanayan ng kanilang tenga. Hindi kataka-taka kung ganoon na mas gusto ng mga kabataan ang mga kanta ng Air Supply kaysa sa mga kanta ng ASIN o ni Heber Bartolome. Alam nila ang mga lyrics ng kanta ni Britney Spears, Beyonce, Fergie, Westlife, Pearl Jam o kahit ang mga lumang grupo tulad ng Beatles, Bread, Carpenters, Eagles at iba pa pero hindi ang mga kanta ni Joey Ayala, Jess Santiago, Popong Landero, Musikang Bayan at marami pang iba. Sapagkat nagbabanda rin ako sa RABAY, naging krusada ko na sa matagal kong pagtuturo ang pagpapatugtog ng mga musikang sariling atin lalo pa kung ito ay makabayan o progresibo. Naniniwala akong ang makabuluhang musika ay hindi lamang nilikha upang mang-aliw kundi upang manggising rin sa ating natutulog na isipan. Sa local na music scene, nasanay tayo sa Parokya ni Edgar, Freestyle, MYMP, Eraserheads, Hale at marami pang iba dahil mga kanta lang naman nila ang

pinapatugtog sa radyo. Kokonti ang nakakakilala sa WUDS ni Bobby Balingit, The Jerks ni Chikoy Pura at sa YANO ni Dong Abay na di hamak na mas malalim at may kabuluhan ang lyrics ng mga kanta. Kung kaya, tipong POST-STRUCTURALISM o DECONSRUCTION sa nakagawian ng karamihan, ginagamit ko sa klase ang mga kantang di napapakinggan ngunit may makabuluhang mensahe. Taglay ng mga awit nina Gary Granada at Noel Cabangon ang mga SOCIAL REALISM na kung pagtutuunan lamang ng pansin ng bawat magaral ay makapagpapatalsa ng kanilang pagkaunawa sa mga nagaganap sa lipunan. Para saan ba ang panitikan tulad ng “Noli Me Tangere” at lahat ng akda na nasa teksbuk? Hindi ba para mamulat tayo sa mga nagaganap sa ating lipunan? Kapag nakasanayan ng mga mag-aaral na pakinggan si Lolita Carbon ng ASIN, si Eric “Cabring” Cabrera ng Datu’s Tribe o kahit si Bayang Barrios ay tiyak na unti-unting magkakaroon sila ng malasakit sa bayan. Ang kailangan lamang ay buksan ang isip at maging mapanuri hindi lamang sa melodiya ng kanta kundi lalo na sa lyrics. Kung kaya ang pagtuturo ng Filipino sa hayskul ay higit na maging makabuluhan kung matututunan ng mga mag-aaral na pahalagahan ang ating bansa—— at ang ating unang-unang sandata ay MUSIKA! Dito sa lalawigan ng Cavite, maganda sana ang Kaguluhan Music Festival na pinasimulan ng mga lokal na bandang Sin, Stagnant, and Starscream magmula pa noong 2004. Noong nakaraang Nobyembre 7, 2009 naganap ang Ikalimang Kaguluhan Music Festival sa ganap na Ika-7:00 ng gabi sa Cavite School of Saint Mark sa tapat ng SM City Bacoor.. Nagtitipon-tipon ang mga bandang Caviteño tulad ng Sin, Enfilade Sky Church, Balatek, Even, Deep Sleep, Langiz, Dr. Crowley, Kaikatsuna at marami pang iba. Ang tiket ay P75.00 lamang. Kaya lang, ikinukubli ng ingay ang liriko ng kanilang mga awit. Ang mga tugtugan ng ganitong banda ay mas nakapokus sa lakas ng gitara at hataw ng drums. Mainam sana kung ang mga kantang mapapakinggan mula sa kanila ay makatutulong upang imulat ang sambayanan hinggil sa mga isyung panlipunan, Sapagkat kung hindi, balewala rin ang musikang kumukunsinti sa pagdurusa at kawalang katarungang umiiral sa sambayanan at ang kanilang malilikha ay ingay at kaguluhan nga lamang.

Naranasan Nyo na Ba? (Kapag Ganitong Malapit na Ang Pasko)

KAPAG ganitong Paskong Tuyo ang karamihan, masarap sanang magwala o magsisigaw. Biruin nyo, samantalang may ilang abala na sa pagbili ng regalo, panghanda sa Noche Buena at Media Noche at kung saan gagastusin ang 13th month pay at bonus, ang karamihan ay hindi alam kung saan kukunin ang pambili ng sigarilyo o vestin man lang. Ito yung mga taong hindi na pinoproblema ang Pasko dahil wala nang mas lalaki pa sa pang-araw-araw na

problema. Pero hindi lang mga nakatira sa kalsada, squatter at palaboy ang nakararanas ng buhay na walang wala. Kahit na yung mga karaniwang empleyado o manggagawa, may mga pagkakataon na hindi makapasok dahil walang pamasahe. Hindi alam kung paanong 1,2,3 ang gagawin sa jeep dahil kulang o talagang walang ipambabayad. Abot-sa-langit na pakiusap sa empleyado ng MERALCO na wag munang putulan ng kuryente pero abot-langit-din ang paliwanag ng empleyado na kapag hindi nya puputulan ay baka mawalan sya ng trabaho at bukasmakalawa, sya naman ang maputulan ng kur-

yente. Kaya naman, naisip ko na magtala ng ilang pangyayari o katanungan para masukat ang kalalaan ng kalagayan nating karaniwang Pinoy, pakilagyan ng check ang kahon na tutugma sa inyong kasagutan. Tanong/Pangyayari Oo o Hindi 1. Naranasan nyo na ba na minsan, kapag may isang loko-lokong bilyunaryo ang magbenta ng kanyang brand new na BMW sa halagang sampung piso lang, tiyak na hindi mo mabibili? 2. Naranasan nyo na ba na minsan, mangungutang ka para may ipambayad sa utang? 3. Naranasan nyo na ba na minsan, palapit ka pa lang sa mga kaibigan

o katrabaho mo, sasabihan ka na nila na “Wala akong pera, may utang ka pa nga dati, eh.?” 4. Naranasan nyo na ba na minsan, nakikipagtalo ka sa jeepney driver na nakapagbayad ka na pero sa totoo lang ay hindi pa? 5. Naranasan nyo na ba na minsan, may manlilibre sa iyo ng miryenda, kain o inom, pero ang nasa isip mo ay sana perahin na lang? 6. Naranasan nyo na ba na minsan, kung anuano ang gusto mong bilhin kapag tumama ka sa lotto pero matapos mong mangarap ay maiiling ka kasi kahit pantaya sa lotto ay wala ka? 7. Naranasan nyo na ba na minsan, magsasanla ka ng gamit o kasangkapan sa kakilala, kaibigan o kamaganak sa malayong lugar

11

GREETINGS!!! Happy 18th Birthday Anak Nawa’y maging masaya ka sa iyong kaarawan. Ang pagbati galing kay Papa Ramir at Mama Chie at Aling Luvy at Responde Cavite.

TEAM AQUAMARINE From left to right: Efraim Tolentino, Daryl Von Mariano, John Christian Ochoa, John Lawrence Matel and Louiejo Alido . From: CNHS section IVAquamarine (also known as Mamot) Awards: Best in Uniform; Muse: Marjorie J. Salazar

Marjorie J. Salazar

Belated Happy B-Day to Carol Bondesto (Nov. 8, 2009). Greetings coming from Tatay, anak at mga apo & family

Happy 1st Anniversary sa CHEVALIERS WHEELERS CLUB headed by POC Bro. Bert de Jesus ng The Fraternal Order of the Chevaliers, Inc. (CHEVALIERS). Salamat din mga brads sa patuloy ninyong pagbili at pagbabasa ng pahayagang ito. Mabuhay kayo! greetings from: OC Bro. Rex del Rosario, POC Bro. Rommel Atalia, Bro. Erwell Peñalba & Responde Cavite.

na para kung may magtatanong kung saan dadalhin ang gamit o kasangkapan, ang ikakatwiran mo ay sira kaya mo ipapagawa? 8. Naranasan nyo na ba na minsan, sa dami-dami ng pinagkakautangan mo, iniisip mo kung sino pa ang hindi mo nauutangan? 9. Naranasan nyo na ba na minsan, nakadiskarte ka na ng perang pambili ng bigas at ulam, kaso paguwi mo sa bahay, walang gaas ang kalan? Wala ka ring pambili ng uling at walang magamit na kalan na pwedeng lagyan ng gatong? 10. Naranasan nyo na ba na minsan, papasok ka sa trabaho, eskwelahan o kung saan man na amoy panis na laway ka pa rin, amoy

banig pa rin at amoy pawis pa rin kasi ni pambili ng shampoo, toothpaste at sabon ay wala ka? Ito ang interpretasyon sa iskor. 0-2 na “Oo”— wala kang karapatang magbasa ng tabloid. Dapat, broadsheet ang binabasa mo. 3-6 na “Oo”, — wag kang mag-alala, hindi ka pa manghoholdap o mangingidnap 7-9 na “Oo” —simulan mo nang mag-isip-isip kung boboto ka pa sa susunod na eleksyon 10 na “Oo” —ipagbilin sa mga kamag-anak na itago sa lugar na di mo makikita ang kutsilyo o anumang sandata… baka kung ano pa ang magawa mo Teka, lalayo muna ako ha? Baka ako ang unahin mo.


PINATAY NG ‘ASWANG’

DASMARIÑAS, CAVITE – Patay ang mag-ina at sugatan naman ang ama dahil sa pananaksak ng isang lalaki na kinikilalang ‘Aswang’ kamakailan. Kinilala ang mga biktema na sina Maribel Quirante, ina, at Carl, ang anak na limang taong gulang lamang. Isinugud pa sa St. Paul Hospital ang mga biktima ngunit idineklara na rin kaagad na patay ang mag-ina dahil sa mga

saksak na natamo. Ang batang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa leeg na halos ikatanggal na ng kaniyang ulo. Samantalng ang livein partner naman ni Maribel, na kinilalang si Raul Obina, ay nagtamo la-

mang ng ilang saksak sa katawan ngunit naagapan. Ang suspek na kinilala si Claudio Orbista ay dinala ng mga otoridad sa De LaSalle University Hospital para malunasan.

NAKIPAGKAISA ang 20 na munisipalidad at tatlong lungsod ng Cavite sa ekolohikal na paligsahan ng Gawad Aguinaldo sa Kapaligiran na humihikayat sa mga lungsod at munisipalidad na ipamalas ang mga pamamahala nila sa kanilang mga historical places. Ayon kay Cavite Governor Irineo “Ayong” Maliksi, ang paggawad ng premyo ay magaganap sa Disyembre 2009.

Ang mga participants ay lumahok sa tatlong kategorya: Best in Recyclable Wastes Collection and Management (RWCM), Best in Biodegradable Wastes Collection and Management (BWCM) and Best in Ecological Solid Waste Management (ESWM). Ayon kay Gov. Maliksi ang paligsahan ay binuksan noong Hunyo 10, 2009 sa Taal Vista Hotel sa Tagaytay. Dito ipinahayag ang mga guidelines at criteria. Samantalang ang pagsasa-ayos at evaluation naman ay magaganap sa pagitan ng Oktubre 6 – 26. ang Pro-

vincial Technical Working Group (PTWG) ay pangunahan ni Engr. Rolinio P. Pozas. Ang mga munisipalidad at lungsod na katumbas o higit pa sa populasyon ng 90,000 ay kabilang sa category A, kabilang dito ang Bacoor, Dasmariñas, General Trias, Imus, Silang, Cavite City, Rosario, Trece Martires City, General Mariano Alvarez and Tanza. At ang mga hindi naman aabot sa 90,000 na populasyon ay kabilang sa category B, ito ay ang mga lugar na Kawit, Carmona, Tagaytay City, Alfonso, Indang, Naic, Novele-

Ayon sa impormasyon nakalap ng Camp Crame ang insidente ay naganap dakong 10:00 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng mga biktima na nasa Sitio Pitong Gubat, Bgy. Paliparan 3, Dasmariñas Cavite. Ayon di naman sa impormasyong nakalap ni Dasmariñas Chief Supt.

Marcos Padilla Jr, ang suspek ay armado ng karit at matalim na sandata nang ito ay pumasok at inaatake si Raul, ngunit nakatakas ito at tumakbo palabas ng bahay nila kaya naman ang biktima ay nagsimulang ibaling ang atensiyon sa magina, na siya na ngang naging dahilan ng pagka-

matay ng mga ito. Ngunit ayon din sa imbestigasyon, ay bumalik si Raul upang iligtas ang pamilya niya pero huli na rin ang lahat dahil patay na ang mag-ina niya at ang bunso nalamang nila ang naisalba niya. Sinasabing ang pInaka-ugat daw ng trahedyang ito ay ang pagtatalong naganap sa pagitan ni Orbista at Obina ngunit higit sa lahat ay ang pagtawag ng ama ng mga biktima na “Aswang” sa suspek. S.SAMANIEGO

Paligsahan para sa kapaligiran!

SUNDOT... MULA SA PAHINA 4 HINDI NA ITO MANGYAYARI SA SUSUNOD NA ELEKSYON. Automated na po kasi. Computerized na. Harharhar. Kaya, kanino mang mukha o pangalan ang kandidato ang mamarkahan natin sa susunod na eleksyon, ito ang repleksyon ng ating pagkatao. Kung gusto natin ng gagong lider, di iboto natin ang gagong lider, dahil pinatutunayan lang natin kung gaano tayo kagago. Sa nangyayari sa ating bayan ngayon… parang gusto ko nang maniwala na gago talaga tayo.

ta, Amadeo, General Aguinaldo, Magallanes, Maragondon, Mendez and Ternate Ang sinumang magwagi na Local Government Units LGUs ay magkakamit ng rocognition at cash prize galing sa Provincial Government ng Cavite. GABY ISIDRO

Repub lic Act No public No.. 9727

7 Distrito ng Cavite nilagdaan na ni PGMA NILAGDAAN na ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Republic Act No. 9727 na nagsasabing hatiin ang Cavite sa pitong distrito. At ngayon ang Cavite ay nahati-hati na sa pitong Distrito. Ang unang Distrito ay binubuo ng Cavite City, Kawit, Noveleta, at Rosario. Sa ikalawang Distrito ay Bacoor City. sa ikatlong

Distrito ay Imus. Sa ikaapat na Distrito ay Dasmariñas. Sa ikalimang Distrito ay Carmona, Gen. Mariano Alvarez (GMA) at Silang. Ika-anim na distrito naman ay Trece Martirez City, General Trias, Tanza at Amadeo. At sa ika-pitong Distrito naman ay Tagaytay City, Alfonso, Gen. Aguinaldo, Indang, Magallanes, Maragondon, Mendez at Naic.

Nakatakdang magpalabas ng guidelines ang COMELEC para sa implementasyon ng naturang batas. Matatandaan na ang Republic Act No. 9727 ay orihinal na akda ng House of Representative ng tatlong kongresista ng lalawigan ng Cavite na sina Jun Abaya, Pidy Barsaga at Boying Remulla na sinuportahan naman sa Senado nina Sen. Bong Revilla, Ping Lacson at Dick Gordon. J. ISIDRO

‘Justice on wheels’ ng Gen. Trias

MINSAN LANG SILA BATA- Binigyang kasiyahan ng Tutor ’R Us sa pangunguna ni Prof. Arnel Laparan at ng kanyang mga ka-batchmates ang ilang piling musmos mula sa Cavite City at Rosario.

GENERAL Trias, Cavite – isang bus ang nagsisilbing korte sa munisipalidad ng General Trias na tinaguriang “Justice on Wheels”, na nagnanais na makapaglapit ng hustisya sa mamamayan. Ang “Justice on Wheels” ay ginagamit bilang Mobile Philippine Mediation Center para sa

PHMI IMUS CHAPTER – Masayang nagpakuha ng larawan ang grupong Police Hotline Movement Inc., sa pangunguna ni Chairman Lito Alforte sa nakaraang unang taong anibersaryo ng Imus Chapter.

Court-Annexed Mediation (CAM). Isa sa mga namamahala ng programang ito ay sina Vilmi Quipit, mga court mediators na sina Arnold Guarin at Constancio Chico at tatlo pang mga staff. Ayon na din sa utos ng Supreme Court, ang “Justice on Wheels” ay sumasakop sa lahat ng civil cases. Kabilang din sa mga ito ang mga

kaso na sumasailalim Katarungang Pambarangay Law, Revised Penal Code, mga kasong estafa at libel, at mga kaso sa ilalim ng Family Code. Masaya naman si Gen. Trias Mayor JonJon Ferrer sa ipinapakitang katangian at serbisyo ng “Justice on Wheels” team. WILFREDO GENERAGA


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.