Responde Cavite

Page 1


2

NOB. 29 - DIS. 05, 2009

Velasco, hinatulan ng guilty HINATULAN ng walong buwan na pagkakakulong si Cavite Provincial Prosecutor Emmanuel Velasco na napatunayag guilty sa kasong libelo. Ang kasong isinampa kay Velasco ay nagsimula nong 2002, kung saan ay nagpahayag siya sa telebisyon na nakikialam di umano si dating Justice Secretary Artemio Tuquero sa kinakaharap na child abuse case ni Caloocan Judge Adoracion Angeles. Ayon kay Velasco, sinubukan daw ni Tequero na ayusin ang kasong child abuse sa Malacañang upang hindi na lumaki pa. Ito ang naging dahilan kung bakit hiniling ni Velasco na mailipat sa ibang korte ang kaso at

ipasuspende ng Supreme Court si Angeles. Kaya naman naghain ng kaso si Angeles ng libelo at napatunayang nagkasala sa ilalim ng hatol ni Manila Regional Trial Court Eduardo Pe-

ralta Jr. Bukod sa pagkakakulong ay magbabayad din si Velasco ng P50,000 at multang P1,000 para sa moral damages na nagawa niya kay Angeles. WILFREDO GENERAGA

PANAWAGAN

Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipagugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 / 0916-1215880

Selebrasyon ng 5th Asian Youth da y, ginana p sa Im us day ginanap Imus IMUS, Cavite – dumalo ang himigit-kumulang 2,000 na mga youth ministers, leaders at bishop galing sa iba’t ibang bansa sa loob ng Asya sa ginanap na selebrasyon ng 5th Youth Day kamakailan. Ayon kay Bishop Rolando Tirona, ang nasabing selebrasyon ay nagbigay ng hamon sa mga partisipante na magkaroon ng totoong eukarismong pagbabago. Ang Asian Youth Day

(AYD) ay pagsasama ng mga batang katoliko mula nga sa iba’t-ibang bansa sa Asya. Nahati sa dalawang bahagi ang walong araw na selebrasyon na nagsimula noong Nobyembre 20 at natapos nitong Nobyembre 27. Ang naging unang bahagi ay ang pagpapakilala ng mga delegante at kasama na din dito ang pagkilala sa kulturang Pinoy sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa mga

Pinoy at paninirahan sa sampung Dioces ng Imus. Ang opening ng selebrasyon ay naganap sa harap ng Imus Cathedral at ang pagtatapos naman ay naganap sa Rogationist College sa Silang. Ayon din kay Bishop Tirona, ang kabataang Katoliko ng Asya ay patuloy na magsasama sa para ipalaganap ang lakas at pag-asa sa salita ng Diyos. SHIELA SALUD

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209

AQUA 2599

Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1


NOB. 29 - DIS. 05, 2009

DODOK TIGOK NA!

TEJEROS, GEN. TRIAS– Nagtapos na ang maliligayang araw ang sinasabing no. 1 most wanted sa Cavite matapos na ito ay makipagbarilan sa alagad ng kapulisan ng Noveleta Police. Kinilala ni PO2 Melencio Malumay, imbestigador, ang napaslang na wanted ay si Rodolfo Quijano y Asercion a.k.a. “Dodok”, 30 taong gulang, naninirahan sa 1349 J. Felipe Blvd, Caridad, Cavite City. Napatay si Dodok matapos na makipagbarilan sa mga alagad ng kapulisan ng Noveleta bitbit ang kalibre 45 noong Nob. 23, 2009 sa ganap na humigit kumulang alas 9:45 ng umaga sa madamong bahagi ng lugar na ito. Sa naging pahayag ni S/Insp. Gil Toralba at P/Insp. Joel Palmares

sa Responde Cavite matagal na nilang minamatyagan ang mga lakad ni Quijano sa tulong ng isang asset. Pinag-aralan nilang mabuti ang mga lakad nito dahil masyado raw talagang madulas ang taong ito. Dahil sa kanyang pagkakakilala sa pangalang Dodok ay gumamit ito ng isa pang alyas ‘Totoy”. Magugunitang si Dodok ay hinabla sa patong-patong na kasong pagpatay sa mga babae. Kilala siya sa paglalaslas ng suso matapos na ito ay gahasain at patayin. Suspek din siya

sa pagpatay sa batang babae sa Noveleta na matapos nakawan ng laptop ay pinagsasaksak pa nito. Nakilala rin siya sa pagpapanggap ng bakala. Dahil sa tuwing papasok ito sa Cavite City ay nagbibihis babae ito sakay ng baby bus. Kung minsan ay tumatawid na lamang ito sa dagat gamit ang desagwang bangka. Ilang beses na rin itong nakipaghabulan sa mga alagad ng kapulisan sa tuwing makikita itong palakad-lakad sa bahaging lugar ng sementeryo ng Cavite. Subalit talagang mala-pusa ito kung

3

NI SID LUNA SAMANIEGO

kumilos kaya’t mabilis itong nakakatakas sa mga awtoridad. Ayon naman sa kaibigan nito ay pilit na umano itong nagbabago kaya matiyaga itong nagluluto ng mais sa kanya. Mabait naman diumano si Dodok lalo na sa mga kaibigan, lalung-lalo na kapag ito ay nilalapitan ng problema. Si Dodok ay matagal ng pinaghahanap ng mga awtoridad dahil sa dami ng kasong kinahaharap nito. Nakuha sa pinangyarihan ang isang kalibre (colt) 45 na may serial number 25815 at isang magazine na pagaari ni Quijano.

DODOK NATEPOK – Ang no.1 most wanted na si Rodolfo Quijano y Asercion na mas kilala sa tawag na “Dodok” na napatay matapos makipagbarilan sa alagad ng Noveleta Police.


4

NOB. 29 - DIS. 05, 2009

Let Na tur e Do Natur ture Its Own Thing

ANG ‘Ecology’ ng kalupaan ay isang pag-aaral ng pagkaka-ugnay ng lupa, halaman, hayop, tubig, hangin at gawain ng mga tao. Ang pinakamagandang halimbawa ng nasabing ugnayan ay makikita sa masalimuot na buhay ng ilog. Sa kasalukuyang panahon, marami sa mga daluyan ng tubig, malaki man o maliit, ay nasa hamak na kalagayan. May mga batis na puno ng mga basura, bumabaw gawa nga patuloy na pagguho ng lupa, nasalanta gawa ng rumaragasang agos ng baha kung may mga bagyo, nawalan ng mga punong-kahoy at mga damo at nasairan ng mga isda at mga pagkaing namamahay sa isang malinis na ilog at ilat. ‘Sobrang nasalaula, naabuso at napabayaan’ ika nga ng mga taong maka-kalikasan. Higit na malubha ang kalagayan ng mga ilog sa dakong kabayanan. Naririyan na ang mga basura ng mga factory at mall, mga mumunting bahay na umusbong sa mga pampang, mga matataas na gusali na kung may baha ay kanilang mga punong na palikuran ay kumakabit sa tubig ng ilog na naranasan natin ng kasagsagan ni Ondoy at Pepeng. Mas malala pa mandin ang sakunang dulot ng mga pagwasak ng dam at istrukturang depensa sana sa baha at siya pang naging sanhi ng malawakan at mapanganib na agos ng tubig na sumira sa mga pamayanang nasa gilid ng ilog. Nasa ganitong kaawa-awang kalagayan ang ating mga ilog kaya nararapat lamang ang ‘Pagpapanibagong-buhay’. Ibalik natin ang likas na anyo at antas ng ating mga ilog. Ibalik natin ang maramihang tungkulin ng ilog katulad ng libangan, mapamangkaan, patubig sa agrikultura, palaisdaan at pinanggagalingan ng inumin ng tao at hayop. Upang matagumpay ang ‘River Rehabilitation Project’ ay kinakailangang sundin ang mga sumusunod na hakbangin: SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief reporter rex del rosario

3rd district coordinator

nadia dela cruz

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

KUL TURANG EW AN KULTURANG EWAN

Everything is arranged so that it be this way, this is what is called culture. (Lahat ay inayos nang sa gayon ito’y maging ganito, ito ang tinawag na kultura) —Jacques Derrida Ang kultura ay hindi naman kasamang isinilang kasama ng tao. Bagkus, ito’y hinuhubog ng mga tao nang namamalayan o hindi, sadya o hindi sa isang partikular na panahon sa isang partikular na lugar. Ngunit hindi maiaalis na upang mahubog ang kultura, dumadaan ito sa napakahabang proseso. Mahabang panahon ang puhunan upang makabuo ng isang magkakatulad na pagpapakahulugan (common sense), magkakatulad na karanasan at magkakatulad na kamalayan. Ang magkakatulad na paraan ng pamumuhay ang nagtutulak sa mga mamamayan na kasapi ng isang lugar ang magkaroon ng magkakatulad na pangmalas o pagtingin sa daigdig (worldview). Isinaalang-alang din ng kultura ang pisikal na kapaligiran ng isang lugar. Pero dahil nakasalig ang tao sa kanyang kapaligiran, at ang kanyang kamalayan ay nakatali sa kapaligiran, ang una nating iisipin... kung ganoon pala,

ang may kontrol ng kapaligiran ay ang may kontrol ng kaisipan ng mga indibidwal. At ang may kontrol ng kaisipan ng mga indibidwal ay ang may kontrol ng kolektibong kamalayan. Ang may kontrol ng paraan ng pamumuhay. Ang may kontrol ng kultura. Ganyan ang gusto nating tumbukin. Dahil iilang tao lang ang may kontrol ng kapangyarihan at kabuhayan ng Cavite, iilan rin lang ang may kontrol ng kamalayan ng mga mamamayan. Iilan rin lang ang may impluwensya sa kultura ng mga Caviteño. At sino ang mga may kontrol nito? Sila ang nagbibigay ng hanapbuhay sa mga Caviteño na may hawak ng malalaking negosyo, lupa, palaisdaan at kabuhayan. Sila ang nagbibgay ng ikabubuhay ng mga mamamayan. Sila ang may impluwensya sa mga katulad nilang makapangyarihan kung sino ang bibigyan ng trabaho at hindi. Bibigyan ng tulong o hindi. Bibigyan ng kalinga o hindi. Sabwatan ng mga makapangyarihang iilan. Tutulungan ng mga makakapangyarihang negosyante ang isang politiko na maluklok sa pwesto. At kapag nailuklok na, ibabalik ng politikong ito sa mga pinagkakautangan ng loob ang mga nagawang pabor sa pamamagitan ng proyekto sa gobyerno o proteksyon sa mga ilegal o imoral na negosyo. SUNDAN SA PAHINA 12

GOOD day, mga kababayan kong Caviteño! Welcome to Dom’s Day! Ang bagong Kapamilya ng Responde Cavite. Hindi natin napahindiin ang paanyaya sa atin ng ating kaibigan na si Rommel Sanchez na magsulat sa ngayo’y number one na pahayagan ng mga Caviteño. Tulad n’yo, isa rin akong Caviteño, sa Tanza kami naninirahan ng aking mga magulang. Pero sa tuwing mapapadpad ako sa Cavite para sa iniatang sa aking coverage ng ABS-CBN news desk, si Pareng Rommel ang una kong kinokontak at sumasalubong sa akin. Bilang reporter ng ABS-CBN, marami na rin akong nai-cover sa lalawigan ng Cavite, lalo na sa Rosario at Cavite City. Isa sa mga pinaka-memorable na coverage ko ay nang gawin namin ang Busero ng The Correnpondents. Ang taas ng ratings namin noon. Tinalo namin ang dalawang show ng katapat. Sa Rosario, Cavite din kami nag-shoot ng entry ng ABS-CBN sa Malaysia-- ito ang Reef Buds. Bukod sa mga nabanggit na mga documentary, maraming news coverage din tayo na nagkita-kita sa Cavite. Isa pa, kaya din ako napasulat dito sa Responde Cavite, napabilib din ako sa lakas nito sa mambabasa. Plugging pa lang na magiging Kapamilya na ako ng pahayagang ito ay marami na agad ang

nakapagsabi sa akin. Isa pa, itong Responde Cavite pala ang libangan ng mga kababayan nating Caviteño sa abroad, lalo na sa US bukod sa TFC (The Filipino Channel). Totoong malaganap na ang Responde Cavite at nakabaon na sa puso ng bawat Caviteño, kaya naman proud ako at naging Kapamilya ako nito. Panibagong mundo kasi para sa akin ang pagsusulat sa pahayagan, nasanay tayo na mikropono ang hawak habang nakaharap sa kamera at nagbabalita. Samantalang ngayon, nakaharap ako sa computer at tumitipa ng aking isinusulat sa kolum. Kung sa telebisyon ay kailangang modulate ang boses at naka-poise, sa panulat ay kailangang pino at madulas. Ganunpaman, a journalist is still a journalist. Kaya konting adjustment lang, okey na. Nakakapag-istorya na rin, he, he, he! Kaya abangan n’yo sa mga susunod na isyu. Dominic Almelor, patrol ng Pilipino. ABS-CBN, este-- Responde Cavite pala!

KAP AMIL YA N AK O! KAPAMIL AMILY NA KO!

2 konsehal, hanep kung manukat HINDI pa man nag-uumpisa ang bangayan ng mga tatakbong pulitiko dito sa lunsod ng Cavite ay tila inuumpisahan na ng dalawang konsehal ang pagmemenos sa mga tatakbong konsehal na bago ang pangalan sa pandinig nila. Isang pangyayaring hindi malilimutan ng makita ng mapagmasid na mga mata ang patalikod na panghuhusga ng dalawang konsehal na ito sa bagong magpapakilala sa mamamayang Caviteño. Sa unang pagkikita sa lugar na pinangyarihan ay masayang nakipagkamay ang dalawa sa grupo ng tatakbong konsehal. Nakipag-kwentuhan at tawanan pa. Itong isang konsehal na kilala sa kanyang mga manok na paninda, napahiya sa kanyang tanong na: “hindi ba’t nasa ibang bansa ka?” He he he, konsehal si doktor po ang tinutukoy ninyo, kapatid ng minemenos ninyo. Si doktor na hindi pinalad sa kanyang ambisyong paglingkuran ang kanyang mamamayang

Caviteño, subalit punung-puno ng mga pangarap sa baguhin at ayusin ang imahe ng Cavite. Tinanggap nang maluwag ang pangyayari noon, tinanggap na hindi talaga ukol para sa kanya ang ambisyon. Samantala itong konsehal na may lahing Aprikano dahil sa kanyang kulay na taglay nito ay kunwari’y tunay na kaibigan dahil sa kanyang pagsasalita na ipakilala: “ang susunod na bagong konsehal ng lunsod ng Cavite si ______.! Nang pauwi na ang grupo ng inaapi ng dalawang konsehal ay magalang itong nagpaalam. Subalit laking mangha nang marinig ng naiwan nyang kasama ng grupo ay patalikod na nagwika ang dalawang pinagpipitagang konsehal. “Si ___ tatakbong konsehal, alam nya ba ang pinapasok niya, shit!!!’ Sa mga mamamayang Caviteño, bibigyan ko kayo ng konting kwento tungkol sa dalawang ito. Kwento lang naman ito, kung mapikon ang dalawang konsehal na ito kaagad kong ipapaalam sa inyo. Una, itong konsehal na kilala sa kanyang panindang manok ay minsan ng kinainisan ng kanyang kasama sa partido ng malamang nag-solo boto sa kanyang balwarte. Kaya ganun na lamang ang pagka-dismaya ng kanyang mga kasama. SUNDAN SA PAHINA 12


NOB. 29 - DIS. 05, 2009

SENIOR CITIZENS... Mula sa pahina 4 1.Linawin ang layunin Maraming kasapi sa Projekto ang may kanikaniyang asamin. Lubhang mahalaga na magkasundo ang lahat sa isa o ilang adhikain sa puwedeng makamit o maisakatuparan sa panahon na ginaganap ang proyekto at sumusunod na panahong matapos man ang proyekto. Kung ang layon ay ibalik ang ilog sa dating likas na estado, ang ibig sabihin pa nito ay ‘visual, ecological, water quality at biodiversity’? Huwag na huwag bigyan ng ‘false hope’ ang proyekto. 2.Isama ang Rehabilitasyon Sa Proseso ng Pagpaplano sa kabayanan o kanayunan, ang ilog ay mahalagang sangkap ng kapaligiran. Katulad din ng ‘land-use plan o tamang paggamit ng la-

hat ng uri o anyo ng lupa na sinusunod sa mahabang panahon at pundasyon sa mga sumusunod na panahon, ang buhay at kalusugan ng ilog ay pang-habang panahon din (sustainability). 3.Angkop na Laki at Panahon ng Proyekto Ang antas ng rehabilitasyon ay nakasandig sa kakayahan sa pondo at kaalaman ng mga ahensyang sangkot sa proyekto. Dito pumapasok ang konseptong ‘Leitbild’ (Vision) na binubuo ng piniling layunin at piniling lugar na may posibilidad ng kaganapan ng prinsipal na layunin sa resonableng halaga at ang pagmementina ng proyekto sa hinaharap ay hindi rin lubhang magastos. Ang pinakapraktikal na paraan ng rehabilitasyon ay ang tinaguriang

Bebot, 2 pa tiklo sa droga CAVITE CITY – Dalawang lalaki at isang babae ang nahuli ng mga alagad ng kapulisan dahil sa diumano’y pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa bayang ito kamakailan. Kinilala ni P/Supt. Simnar Gran, hepe ng kapulisan sa lunsod na ito, ang mga suspek na sina Wilfredo Cabading y Lupa, 24 taong gulang, may asawa, walang trabaho; Gilbert Flores y Salud, 36 taong gulang, barbero; at Jhona May Morena y Miranda, 29 taong gulang, may asawa, walang trabaho; mga pawang residente ng Brgy. 7 Alonzo St., Dalahican, Cavite City. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite kay P/Insp. Angelica Starlight L. Rivera, nadakip ang mga suspek noong Nob. 22, 2009 sa humigit kumulang alas 10:00 ng gabi nina PO2 Marvin Agabin, PO2 Ronald Nabos, at PO1 Edgie Portacio sa direktibang utos ni Col. Gran sa ginawang surveillance operation laban sa mga illegal na pagbebenta ng droga sa lugar na ito. Sa naging pahayag ni PO2 Agabin, habang sila ay naglalakad sa isang eskinita sa lugar na nabanggit ay nakita nito ang dalawang suspek na sina Cabading at Flores na nag-aabutan ng isang transparent plastic sachet na may lamang shabu. Kaya kaagad hinawakan ni Agabin itong si Flores upang sitahin at doon nga ay napatunayan nitong positibong shabu ang inaabot nito sa isang suspek. Nang mga oras na iyon ay nandoon din si Jhona May na nahulihan din ng shabu na inipit sa suot nitong pajama na naglalaman ng 5 pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman diumano ng shabu sa di mabilang na dami nito. Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek at hinaharap ang kasong paglabag sa Sec. 11 Art. II ng RA 9165. JUN ISIDRO

EBIDENSYA – Ang ilang pirasong shabu at parapharanalia na ipinakita sa Responde Cavite matapos na mahuli ang mga suspek kasama ang perang pinagbentahan ng shabu.

‘Autonomous ‘Nature Development’. Ang kalikasan mismo ang kusang magbalik ng kanyang nakaraang estado sang-ayon sa kasalukuyang katangian nito. Ang muling paggamit ng datihang pamamaraang pang-agrikultura ay sentral sa ‘Autonomous Nature Development’. Hindi masyadong pakikialaman ng tao ang ‘biotic process’ o sistema ng buhay ng halaman at hayop at ‘abiotic process’ o galaw ng tubig gaya ng pag-apaw, pagkatuyo at pagligaw. Babalik ang ‘biodiversity’ at natural na kalidad ng tubig. Ang mga susunod pangyayari sa kalikasan ng ilog at ng ‘catchment area’ ay bunga ng ‘self-regulation’. ‘Erosion and sedimentation’ na ‘abiotic process’ pa rin ay hindi pakikialaman ng tao at ang kahihitnan ay iba’t ibang porma ng istraktora sa kahabaan ng ilog. Ang kusang pagtubo o pagkamatay ng mga halaman, pagsipot o pagkawala ng mga kuhol, paete at pagkain ng isda sa ibang isda na sakop ng biotic process ay kusang nangyayari sang-ayon sa gawi ng kalikasan. ‘Let nature do it’s own thing’ ay isang mabisa at matipid na paraan upang mapanatili ang environmental quality at kalusugan ng mga ilog.

5


6

NOB. 29 - DIS. 05, 2009

CNN Her o of the Year Hero

EFREN, MABUHAY KA! ISA na namang karangalan ang natanggap ng Pilipinas sa pushcart classroom na mula sa lnsod ng Cavite. Mula sa simpleng adbokasiya na makatulong sa mga kabataang mahihirap at hindi nag-aaral o out-of-school youth.

Ang mga batang handang matuto sa kabila ng kasalatan sa pera at kagamitan sa pag-aaral. Para kay Efren “Kuya han at ilapit ang edumga kaEf” Peñaflorida”, itinang- kasyon sa hal na ‘CNN Hero of the bataang hindi nag-aaral Year 2009’ sa Hollywood, para sa libreng personal nasa puso ang pagiging tutorials. Edad 16 nang maisibayani. Kinikilala ding makabagong mga baya- pan niya ang naturang ni ang ating Overseas proyekto dahil sa persoFilipino Workers (OFWs) nal na karanasan niya dahil sa dolyar na ipina- noong kaniyang mga unang araw sa paaralan. pasok nito sa bansa. Sinasalubong aniya Nakatutulong sila sa ekonomiya kapalit siya at hinaharas ng mga ng pagkawalay sa sar- gang o kabataang tambay iling pamilya para ma- at walang pinagkakaabaiangat ang uri ng pam- lahan sa buhay. Sa kabila ng mga umuhay. Si Peñaflorida mula pagmamalupit, hindi ito sa Cavite City ay isang naging hadlang para hinguro at social worker. Ini- di makapagtapos ng ikot niya ang kaniyang pag-aaral. Itinatag niya kariton karga ang mga ang Dynamic Teen Comlibro sa iba’t-ibang lugar pany (DTC) sa tulong ng sa lunsod para punta- kaniyang tatlong kaklase

sa high school at nagsagawa ng libreng tutorials sa mahihirap at hindi nagaaral na kabataan tuwing Sabado. Makalipas ang 10 taon, umabot na sa 10,000 kabataan ang patuloy na natutulungan ng kaniyang pushcart classroom. Mula sa top 10 CNN heroes 2009 (kasama si Penaflorida) na pinagpilian ng Blue Ribbon Panel sa Hollywood, nakuha ng ‘pushcart classroom’ ang outstanding award. Mahigit sa 2.75 milyong boto ang nakuha ni Peñaflorida pagkatapos ng pitong linggong online voting sa CNN.com. Tumanggap siya ng $100,000 bukod pa sa $25,000 para sa bawat nakapasok sa Top 10. Para kay Peñaflorida, bawat isa ay may taglay na pagiging bayani sa puso. “Our planet is filled with heroes, young ang old, rich and poor, man, woman of differentr colors, shapes and sizes. We are one great tapestry. Each person has a hidden hero within, you just have to look inside you and search it in your heart,

and be the hero to the next one in need,” bahagi ng madamdaming talumpati ni Peñaflorida kasunod ng pagtanggap ng kaniyang parangal at pagkilala sa Kodak Theatre sa Hollywood. Samantala, dahil sa pagkakapanalo ni Efren Peñaflorida sa CNN Hero of the Year ay inatasan ni Pangulong Gloria Arroyo si Presidential Adviser on Education na si Mona Valismo na maghanap ng mga lugar na pwedeng maipalaganap ang kariton klasrum ni Efren. Efren Kasabay ng pag- Peñaflorida gawad sa Order of Lakandula kay Efren ang direktibang ito ni Pangulong GMA. Kahanga-hanga para kay Pangulong GMA ang ginawang proyekto ni Ka Efren na bigyan ng noy, ordinaryo man o opisedukasyon ang mga ka- yal ng pamahalaan na bataan na hindi na- nakapasaloob sa Execukakapag-aral sa mga es- tive Order 236 o Honors kwelehan. Code of the Philippines. Sinuportahan si Efren Ayon sa bahagi ng Orng kanyang buong pamil- der of Lakandula, “For ya at mga kasamahan sa deeds worthy of particuDynamic Teen Company lar recognition, including awarding ceremony na suffering materially for the naganap sa Kodak The- preservation and defense atre sa Hollywood nitong of the democratic way of nakaraang Nobyembre life and of the territorial in21. tegrity of the Republic of Ang iginawad na Or- the Philippines.” Kung der of Lakandula kay kaya naman mapapaEfren ay ang isa sa pi- tunayan na ni Efren na nakamataas na parangal karapat-dapat talaga na na ibinibigay sa mga Pi- gawaran ng ganitong

gantimpala. Ang parangal na ito ay itinuturing din na mas mataas pa sa parangal na natamo ni bagong welterweight champion Manny Pacquiao na Order of Sikatuna. Sa loob lamang ng pitong lingo ay umabot sa 2.75 milyon ang online votes kay Ka Efren. Ngayon ay naghahanda na si Efren, sa mga nakalinya niyang pagsasalita upang ilahad ang kwento ng panibagong bayani.

Masaker sa Maguindanao, kinondena ng Responde Cavite

Si Efren Peñaflorida at ang kanyang mga kasamahan habang nagtuturo sa mga kabataang kapus-palad ng Cavite City.

MARIING kinondena ng Responde Cavite ang nangyaring masaker sa Maguindanao na ikinamatay ng ating mga kapatid sa pamamahayag, na kinabibilangan nina: Ian Cubang (Dadiangas Times), Leah Dalmacio ( Forum), Gina Dela Cruz (Today), Marites Cablitas (Today), Joy Duhay (UNTV), Henry Araneta (DZRH), Andy Teodoro (Mindanao nquirer), Neneng Montaño (RGMA), Bong Reblano (Manila Bulletin), Victor Nuñez (UNTV), Macmac Ariola (UNTV), Jimmy Cabillo (UNTV). Kaya’t ang hiling ng Responde Cavite sampu ng mga mamamahayag sa Cavite ay mabigyan ng katarungan ang mga mamamahayag na kabilang sa mga naging biktima ng masaker sa Maguindanao. Hindi dapat madamay ang isang journalist sa awayang pulitika o sa anumang bagay dahil ito ang aming trabaho ang mangalap ng balita sa apat na sulot ng bansa. Karapatan ng bawat mamamahayag na ikober o ibalita ang isang istoryang pinag-uusapan ng mamamayan. Hindi kailangang busalan ang bibig ng katotohan… Hindi kailangang patayin… Dahil trabaho namin ang magbigay ng totoong balita…totoong pangyayari sa ating bansa. Kaya’t ang panawagan natin sa pangulo ng bansa ay mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga biktima.



8

NOB. 29 - DIS. 05, 2009

MAKATANG KATHANG KABITENYO

INDANG, CAVITE - Ipinapaabot ko ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayang patuloy na sumusubaybay sa ating pitak na Sulong Bayan at sa ating pahayagang Responde Cavite. Salamat din sa mga nakakataba ng puso na mga natatanggap kong liham at e-mail na naglalaman ng papuri at pagkilala sa inyong lingkod. Maraming salamat din sa mga ipinapadala ninyong mga tula, opinyon at kuwento. Gagawan natin ng paraan na mailathala ko ang ilan sa mga inyong ipinapadalang liham, e-mail at tula. Salamat sa inyong tiwala sa akin at sa patuloy na suporta sa pitak na ito at sa ating pahayagang ito. Sa pagkakataong ito ay matutunghayan ninyo ang ilan sa mga tula na ipinadala sa akin ng ilang tagasubaybay o mambabasa. KAIBIGAN ni Ms. Cherry ng Dasmariñas Ikaw ang daan Ng aking isipan Upang maunawaan Aking kalagayan Hulog ka sa akin Ng mahabagin Ating pagkakaibigan Lalong PAGTITIBAYIN. IBA SIYANG TALAGA ni Ms. Vanessa Cristal ng Indang Isang taong kahanga-hanga Na akala mo ay parang wala Walang pakialam sa buhay na dukha

Walang kibo sa ating bansa.

Namulat ang isip dahil sa magulong sistema Ibinuka ang bibig at naging aktibista Simpleng kabataan na palakaibigan Naghahangad ng pagbabago sa ating bayan. Di lang isa ang natulungan niya Pagkat siya ay laging sumusuporta Masasabi mong siya ay maka-masa Pagkat siya ay laging katropa. Para sa kabataan ang sabi nila Dahil siya`y makatao at makabayang talaga Ang iba ay huwag ng mag-alinlangan pang Lumapit sa lider ng kabataan ng Indang. Dati`y lider-estudyante na sikat na sikat Noon sa Cavite State University ay walang katapat Ngayo`y lider ng masa at manunulat ang gugulat Sa pamahalaang magulo`t walang angat. Di lang para sa kabataan ang ating kaibigan Tunay na makadiyos at makakalikasan Siya`y mabait at mapagmahal sa mamamayan Na walang hangad kundi ang ikauunlad. Di man kayo maniwalang siya ay aktibo Pinagmamalaki ko namang siya ay progresibo Kilalanin ninyo ang tinitingala ko siya`y Walang iba kundi si REX DEL ROSARIO. LASONG PANGAKO ni JAMP ng Alfonso Pangako sa bayan, hanguin sa kahirapan Ituwid ang sistema`t mali`y parusahan Bawat sabihin, sa isip ng masa`y tumanim Umaaasang sa susunod na araw na darating

Mga magagandang pangako`y tutuparin. Ngunit ano itong pangyayaring nasasaksihan Mga pangako sa bayan nabulid sa kawalan Pagkat masang nagpapahalaga ay tinalikuran Harapin ang problemang siya rin ang nagdala. Nais mang gumanti mga kawawang inapi Sa likong hustisya siya pa ang hinuli Kaya nga`t ngayon di mo masisisi Masang pinangakuan MAG-AKLAS GUMANTI.

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN : Sikaping baguhin ang pananaw mo sa buhay, ito ang paraan upang maging maganda at maaliwalas ang iyong pakiramdam sa araw-araw. Lucky days / nos. – Tuesday/ Thursday = 10 – 25 – 35 – 39 – 40 - 41 AQUARIUS: Pagpursigihan mo ang pagtratrabaho mo baka ito na ang tagumpay na matagal mo ng hinihintay at pinaka-asam-asam para sa iyong buhay. Lucky days / nos. – Monday / Tuesday = 2 – 16 – 8 – 33 - 36 – 39 PISCES : Buksan ang iyong mata at pag-aralan ang mga taong nakapaligid sa iyo. Baka sila ang taong magdadala sa iyo sa kapahamakan. Magingat sa kanila. Lucky days / nos. – Thursday / Sunday = 1 – 4 – 18 – 29 – 34 – 36 ARIES : Gumaganda ka at ikaw ay lalo pang gaganda! Ganun din ang mismong buhay mo. Papaunlad hanggang sa malubos ang iyong galak. Lucky days / nos. – Friday / Sunday = 3 – 9 – 15 – 40 – 41 – 42 TAURUS : Lagi kang nasa unahan dahil kahit kailan hindi ka pwedeng nasa hulihan. Ibig sabihin ang mga suwerte mula sa langit ay laging ikaw ang unang darapuan. Lucky days / nos. – Saturday / Sunday = 1 – 7 – 13 – 32 – 36 – 38 GEMINI : Suwerte ka ngayon! Sino naman ang malas? Walang iba kundi ang mga gagawa ng intriga laban sa iyo. Pagtatawanan mo sila dahil ang masisira ay ang kanilang pagkatao. Lucky days / nos. – Monday / Wednesday = 9 – 16 – 23 – 25 – 29 – 30 CANCER : Tatamaan ka ngayon ng isang di nakikitang liwanag na mula sa langit. Ang pangalan ng nasabing liwanag ay sinag na nakakapagpanalo. Lucky days / nos. – Tuesday / Friday = 11 – 20 – 36 – 37 – 39 – 40 LEO : Ito ang araw na hihilahin ka ng iyong mga paa sa labas ng bahay at dadalhin ka kung saan ay mismong mahahanap mo ang iyong tunay na suwerte sa buhay. Lucky days / nos. – Monday / Wednesday = 1 – 7 – 14 – 27 – 29 – 39 VIRGO : Kung may planong gawin, isipin munang mabuti kung ano ang dapat na unang ihakbang. Tiyaking magiging organisado ang bawat kilos dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Lucky days / nos. – Wednesday / Friday = 1 – 6 – 12 – 18 – 28 – 29 LIBRA : Gawan ng paraang maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi makabubuti kung palaging negatibo ang isip. Maging positibo at tiyak na maganda ang resulta sa ginagawa at gagawin. Lucky days / nos. – Tuesday / Saturday = 9 – 14 – 16 – 25 – 26 – 30 SCORPIO : Anuman ang desisyon na gagawin, ituloy ito basta nakatitiyak na hindi makakasagasa sa ibang tao. Ikaw ang higit na nakakaalam ng nais kaya huwag asahang may magdedesisyon para sa iyo. Lucky days / nos. – Tuesday / Wednesday = 3 – 5 – 18 – 16 – 19 – 26 SAGITTARIUS : Iwaglit sa isip ang nakaraan. Ituon ng pag-iisip sa hinaharap para dumaloy ang bagong swerte. Lucky days / nos. – Monday / Tuesday = 1 – 9 – 18 – 21 – 29 – 40


NOB. 29 - DIS. 05, 2009

NAIS MAGPALIWANAG NG GF ng Barangay Tua, Magallanes, Cavite

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Mayroon po akong exboyfriend na nakipagbreak sa akin dahil niloko ko lang daw siya. Pero ang totoo ay hindi naman at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ang problema, galit na galit siya sa akin ngayon at ayaw niyang makinig sa paliwanag ko. Hindi ko na hinihinging magkabalikan kami pero nais ko lang magpaliwanag sa kanya. Paano po ako magpapaliwanag? Grace V.

Mahal kong Grace V., Mukhang hindi ka matatahimik hangga’t hindi mo naipapaabot sa kanya ang iyong panig. Kaya kailangan mo talagang gawin itong sinasabi mo. Pero gusto ko lamang linawin na kaya ito ang ipinapayo ko ay para matulungan kang mapalaya ang iyong sarili sa nangungulit mong damdamin. Dahil galit siya sa iyo at baka mapahiya ka lamang kapag tinangka mong makipag-usap sa kanya nang harapan, ang pinakamahusay ay gawin mo ang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng ibang paraan. Sulat! Gumawa ka ng liham at doon mo ibuhos lahat ng naiisip at damdamin mo, noon at ngayon. Puwede mong i-email ang liham sa kanya o di kaya ay ipadala sa pamamagitan ng snail mail.

Tiyak akong makakadama ka ng ginhawa. Ngunit ihanda mo rin ang iyong sarili sa kanyang mga posibleng tugon. Ipagdadasal kong maging positibo ang kanyang reaksiyon. Anyway, ano man ang gagawin niya, ang mahalaga, nailabas mo ang gusto mong ilabas. Alam mo, Grace, mas madalas kasi, tayo ay nagsisisi dahil may mga bagay na hindi natin ginawa o sinabi. Good luck! Nagmamahal, Ate Bebang

GREETINGS!!! Happy Birthday to Meryll Rose Santillan, November 29, 2009. Many more birthdays to come. God Bless! From: Ate Shella and Jonathan

Ilang tula ni Dr. Lorenzo B. Paredes sa taas ng krus at ng bibitayan kung dahil sa mithi at banal na nasang sila’y makatubos ng buo’t lubusan. Sa kanila’y twa’t lugod ang maturing lumusong sa yungib ng mga libingan, dahil sa pag-usig niyong KALAYAAN dahil sa pagbali ng kukong halimaw at sa pagtatanggal ng SANTONG KATWIRAN.

ANG KALIWANAGAN Tanging handog sa mga kabataan ng giliw kong bayan Tayo ay tumanaw sa dakong kanluran ang mga lupa’y nangaglalakihan, libutin ang tanang baying mayayaman na nanagana sa kalwalhatian, at may mga lihim at akalang tunay na nagpapahirap sa nasasakupan; ngunit masdan naman ang kasilanganan ang mga lupa’y naliliitan, baybayin ang lupa at dalampasigan tinatanglaw pa ng sikat ng araw at manunuwang may mga paraang ikadadakila sa SANGDAIGDIGAN. Nariyan ang lawak ng mga bukirin, mga kaparangan at liblib ng bangin bundok, kagubatan na lalong malihim, batis, ilog, dagat na lalong malalim, latian, tubigan, patag ma’u pilapil, lamig, init, simoy, liwanag at dilim, galaw ng halaman at halik ng hangin; sila’y paraparang makapagtuturing at makasasaksi sa pagka-magiting ng mga bayan kong giliw maiwasak lamang ang ngalang alipin at pangbusabos ng mga MASAKIM. Sa lupa ko’y biro lamang mamatay kung sa pagliligtas ng linakhang bayan, sa lupa ko’y langit at kalwalhatian ng mga inanak, ang mapabayubay

9

Hindi na baguhan ang bayan kong ibig kung sa paglalantad ng ulo at dibdib bayan ko’y dati ng hindi nanganganib sumuung sa tabak at punglong mabilis; at ito’y minsan ng nangguho’t lumupis ng isang malaking Bansang pampang-amis. Nariya’t malasin sa lupa at langit at nasusulat ang tinagong bangis, ang tinagong tapang at lakas ng bisig, at namalas na rin na dito’y napatid yaong tinakala ng malupit, na may TATLONG DAAN TAONG NAGPASAKIT. Naiwagayway na dito ang watawat na likha ng tapang at lalang ng dahas, dito’y nadilig na ang parang gubat dito’y nakita ng nagsala-salabat ang tumulong dugo’t bangkay na nagkalat dito ay minsan ng araw ay sumikat sa gitna ng lagim at mga bagabag dito ay kung kaya maging alapaap ng langit na iyon, langit na mapalad ay kung nasaid na ang dugo at lakas ng mga bayani na tagapagligtas nitong aking bayan sa kukong marahas. Dito nga sa aking baying minamahal dito nga sa aking lupang tinubuan dito sa lupa ko na ang bawa’t galaw at mga pagkilos ng tanang nilalang ay naghihiwatig sa isang nasang magbango’t itaas ang noo’t magnilay mag-isa sa gawa’t mag-isang pang damdam piliting matamo yaong KALAYAAN,

Happy 20th Birthday to Mylene Grace Santillan, December 1, 2009. We miss you. From Pareng Shella and Jonathan.

Happy 18th Birthday to Dessiree Mena, November 29. Ang tanda mo na. Wish you old the best, happiness, health, and wealth. English..hehe. Merry Christmas! God Bless! From: Jonathan

Happy Birthday to Senio “Dedey” Baytan on November 29, 2009 From : loving wife, apo and E-MAR Production

Happy Birthday to Eid’l Adha. We wish you all the best things in life. Always take care of yourself. Greetings coming from Kag. Levi Serrano.

at bayang sagan sa dugo at buhay na laan ibubo; upang kahit minsan ang masayang sinag at gintong liwayway ng BAGONG PANAHON dito ay sumilang. Katunayan nito’y nariya’y pagmasdan malasin mabuti kung ano ang lagay ng mga kabata sa irog kong bayan kundi nagpupuyat sa gabi at araw na di iniinda ang paghihimagal, sa paghawan ng matinik na daang tungo sa pagsulong ng lahi ko’t angkan. Sulong kayo! Sulong huwag maglupaypay Hanggang di sapitin ang dakilang pakay, at king ngayon’y HIRAP ang pumapatnubay bukas ay GINHAWA an gating makakamtan, ang ating mithiin: ANG KALIWANAGAN. MGA BAYANI NG BAYAN Alay sa namatay na Heneral Baldomero Aguinaldo Pumanaw nanaman ang isang dakila, ang isang Bayani ng bayan kong aba, matibay na suhay ng ating bayang lumuluha. tanggulan ng lahi sa pakikidigma, Yumao na naman ang isang magiting, isang makabayang hindi nagmamaliw, ang kahapo’y taglay na mga layunin sa puso’y taglay rin hanggang sa makitil at sa mga wala’y muling makapiling. Unti-unti na ngang nangagsisiyao’t nangagsitalikod sa buhay na ito ang mga Dakila’t mga Matalino, matapos na sila’y makihalubilo at makitunggali sa palad ng tao. Dakilang bayani’t mabunying katoto: magmula nga dito’y pinasasapit ko hanggang sa hantungang kinalalagyan mo itong isang kumpol ng Sampaga’t Lirio na sadyang pinupol at alay sa iyo. Sa “Ang Mithi”, Pebrero 13, 1915


10

NOB. 29 - DIS. 05, 2009

PAG-AAYOS SA BANGKAY Sa isang aklat ni Vicante L. Rafael, tradisyon ng mga Tagalog bilang pagpapakita ng respeto sa yumao ang pagpapalamuti sa bangkay nito. Ang mga libingan noong mga ika-14 at ika15 dantaon ay nagpapakita na may malawakang pagsasanay ng pagpapalamuti sa mga ngipin lalong-lalo na ng ginto. Ang mga unang obserbasyon ng mga Kastila ay ang paglalamay ng pabango at pagbibihis ng pinaka-magandang damit sa bangkay. Noong mga nagdaang panahon, sinusuotan ang mga namatay ng salumbaba o isang panyo na nakasalo sa baba ng bangkay at nakatali hanggang ulo, ginagawa ito kapag ang yumao ay namatay nang nakabukas ang bibig. Ang kadalasang suot ng mga kalalakihan ay damit na puti (kung walang Barong Tagalog), ang mga kababaihan naman ay sinusuotan ng Kimona’t Saya (Barong Pambabae). Ang kabaong na paglalagyan ng bangkay ay hindi dapat malaki o mahaba sa sukat ng bangkay (pinaniniwalaan kasi na may susunod pang kamag-anak dahil sa sobrang espasyo na nakalaan). Mayroon ding nilagot na rosaryo na inilalagay sa kamay ng bangkay (nilalagot ang rosaryo upang hindi na raw masundan pa ang namatay) at naglalagay ng pera sa kamay nito na kinukuha kapag malapit nang ilibing (ito’y isinisilid sa isang pitaka upang maging suwerte raw sa hanap-buhay). Kapag bata naman ang namatay, inilalagay o inihihimlay ito sa isang puting kabaong na pinalilibutan ng bulaklak na papel na kulay bughaw kapag lalaki at kulay rosas naman kapag babae.

Ang sukat ng kabaong at petsa ng kamatayan ay kadalasang tinatayaan ng mga kapitbahay sa jueteng dahil madalas itong lumalabas. Binanggit sa aklat ni Regaldo Trota Jose, na ang pag-arkila ng ataud o ataul (kabaong) kasama ang mga aksesorya mula sa simbahan ay gawain ng mga Pilipino hanggang sa ika-19 na dantaon. Ang ibang simbahan ayon pa sa kanya, ay may iba’t ibang sukat ng kabaong, hanggang tatlo para sa matatanda at ganoon ding bilang para sa mga bata, na isang calanda o feretro ang ginagamit sa pagsuporta

ng pagbuhat dito. ANG PAGBUBURULAN NG BANGKAY Bahagi ng nakagisnan ayon sa aklat nina Fernando N. Zialcita at Martin I. Tinio, Jr., ang mga kulay itim at dilaw na kurtina sa may bintana ang nag-aanunsiyo na may namatay sa isang bahay na bato noong mga panahong nagdaan. Minsan, ang mga namatay sa kanilang huling habilin, ang humihiling na sila ay iburol sa kanilang may apat na posting kama na napapalibutan ng mga rosas, sa loob ng kanilang silid tulugan. Kadalasan, tumatagal ang pagbuburol ng mula dalawa hanggang tatlong araw lamang. Hindi dapat iniiwang nag-iisa ang bangkay sa lugar na pinagbuburulan nito, dapat daw na mayroon itong bantay sa lahat ng oras. Pinaniniwalaan kasi na baka raw ito “aswangin” (na ang bangkay ay kainin o kunin ng aswang). Dapat din na may mga sinding kandila

sa panahon ng burol, ang liwanag ng mga kandila ang magsisilbing gabay ng yumao papunta sa kabilang-buhay. Hindi dapat inihahatid ng namatayan sa paglabas ang mga bisita o nakikiramay dahil lilipat daw dito ang kamalasan o maaring sumama rito ang kaluluwa ng namatay. Ang mga kapamilya ng namatay ay hindi dapat maligo sa bahay na pinagbuburulan, bawal din na linisin o punasan ang kabaong ng yumao. Pinaniniwalaan ding naitataboy ang kaluluwa ng namatay o maaring umulan nang malakas sa araw ng paglilibing kapag nagwawalis sa bahay ng nakaburol. Sa panahong hindi pa nauuso ang pagkuha ng larawan, ipinipinta ang mga bangkay bilang alaala sa isang yumaong kamag-anak, na recuerdos de patay kung tawagin. Sa magasin ng El Renacimiento Filipino, maraming mga larawan ng mga yumaong rebolusyonaryo na katulad nina Emilio Jacinto at

Mariano Ponce noong sila ay nakaburol. Ang Dapit-Pari Isa sa mga ritwal ng simbahan na naglaho na ang tinatawag na dapitpari. Ito ang pagbabasbas ng pari sa bangkay bago ilabas ng bahay sa araw ng paglilibing. Sa una, susunduin ng mga musiko (banda) ang pari, kasama ang mga sacristan, sa simbahan. Magtutungo sila sa bahay ng namatay para basbasan ng pari. Ang pagbabasbas ay maaaring magkaroon ng ‘istasyon’ ayon sa katungkulan o propesyon ng namatay. Maaaring dumaan sa tapat ng isang klinika kung isang doctor ang yumao, magkakaroon doon ng pagdarasal at pagtitika. Pagkatapos pagmimisahan na ang bangkay sa simbahan at kasamang maghahatid ang pari sa paglilibing nito sa pantyon. Ang Dapit-Ciriales Sa ritwal na ito tatlong sacristan naman na may dala-dalang ciriales ang

pupunta sa bahay ng namatay. Susunduin nila ang bangkay na ililibing patungong simbahan upang pagmisahan ng pari. Tugto sa araw ng Libing Ang banda ang isa sa mga importanteng element ng paglilibing. Kapag matanda (o nasa hustong edad) mga pitong taon pataas, ang libing, ay malungkot ang tinutugtog (panubre o funeral march) at kapag bata naman, pitong taon pababa ang edad, masayang paso doble. Ayon kay Mari Perla R. Parin, ang mga komposisyon o musika na ginagamit sa paglilibing ng mga musikero mula sa pakikinig ng aktwal na pagtugtog ng mga ito sa araw ng libing. Ang mga piyesang “Anding” at “Doña julita” ang mga panubreng isinulat ni Delfin “Gardemit” Asercion, isang kilalang miyembro ng Bandfa Matanda, bilng alay sa kanyang dalwang kababayan na yumao sa Heneral Trias, Kabite.

MOA Nilagdaan!

Caviteño masigasig mag-impok MATAGUMPAY na nilagdaan ng mga opisyales ng Mutual Saving & Credit Cooperative of the Philippines ang kanilang Memoranduam of Agreement na sinaksihan ng mga kasapi at pinatnubayan ni

Pierre Coupard (General Manager, Federation of MSCCP) noong ika-24 ng Nobyembre sa GF Feona’s Bldg., A. Soriano highway Daang Aamaya 3, Tanza, Cavite sa ganap na ika-5 n.h.

Sa maikling pananalita ni Mr. Coupard, winika nito na ang kooperatiba ay isang mabisang kasangkapan upang turuan ang mga mamamayan na maging responsable sa kanilang buhay gaya ng

pagtatabi o pag-iipon at pagbabayad ng utang bilang obligasyon. Binigyang diin nito na ang kabutihan ng kooperatiba ay ibinabalik sa mga kasapi ang anumang kinikita nito at hindi lamang

Mula kaliwa, pakanan: Jelo Arvisu, Beth Aruta, Cynia Gayo, Nathalie Balao, Sir Pierre Coupard, Theresa Vina Caintic, Rodel Sarino, Irish Hicap, Capt. Orlando Gozo, henry Profeta at Pstr. Eduardo Gayo

iilang tao ang nagtatamasa gaya ng nakagisnang pagnenegosyo o pangangapital. Ibinahagi rin nito kung gaano naging napakamatagumpay ng kooperatiba sa Pransya at iba pang mauunlad na bansa dahil ang anumang paglago ng kooperatiba ay muli itong ginagamit sa pagpapaunlad ng samahan at ng mga kasapi. Ito nga di umano ay pagtulong sa tao sa oras ng kanilang kagipitan o pangangailangan at hindi pagsasamantala gaya ng ilang oportunistang indibidwal o korporasyon. Paraan din ito upang mahikayat ang mga kasapi na matutong magimpok at magpalago ng samahan. Sa pakikipag-ugnayan ng Mutual Savings and Credit Cooperative of the Philippines sa Responde Cavite, nabanggit nito na palago nang palago ang nasabing kooperatiba sa Lalawigan ng Cavite at magtatayo pa nga ito ng ilang sangay sa mga susunod na panahon. Layunin nitong mailahok ang mas maraming bilang ng mga Caviteño (at sa kalaunan ay mga Pilipino).


NOB. 29 - DIS. 05, 2009

11

ANG LABAN NI MICHELLE

MAGANDA at ismarte. Iyan ang una kong naging impresyon kay Michelle Saludo, taga Imus, nang maging estudyante ko siya noong isang taon. Sa mga talakayan sa klase, mahusay niyang nailalahad ang kanyang opinyon tungkol sa Noli Me Tangere o kahit ano mang paksa sa panitikan na aming pinag-uusapan. Minsan ay iniaabot niya sa akin ang kopya ng isang tula na sarili niyang likha at pinamagatan niyang “Guro”. Sapagkat mahalaga sa akin ang alinmang tula, binasa ko ito at saka itinago. Palagay ko ay inabot nang isang taon rin na nakasingit sa lumang lesson plan ko ang tula niyang ito: GURO Ikaw ay nagturo Sa amin para matuto Mababa mang sweldo Ang iyong natatamo Nasaan ang gobyerno Tulong ng Pangulo? Buhay ang sakripisyo Sa kahirapan pa rin lugmok Naglalakad ng malayo Sa mga liblib na baryo Pagod na parang kabayo Ang talampaka’y puro kalyo Sa walang humpay na sakripisyo Sa iyo ako ay “saludo”. Kahit na ikaw ay talo Sa aming puso ikaw ang panalo! Sa tingin ko ay guro sa pampublikong paaralan ang kaniyang inspirasyon sa kanyang nalikhang tula at ako ay natuwa dahil hindi naman lahat nang mahigit sa 270 kong estudyante sa batch nila ang mahilig gumawa ng tula. Mabibilang mo sa daliri ang estudyante kusang gagawa ng tula kung walang iniaalok na grade ang guro. Umakyat si Michelle sa 4th year hasykul at ngayong taong ito ay hindi ko na naging estudyante. Si Michelle hindi lamang magaling sa klase, siya ay talented din. Sa larangan ng palakasan o sport, si

Michelle ay ang team captain ng volleyball girls, high akala ni Michelle ay GSM sling school level at sa hangaring lalong ma-improve ang Kinabukasan, bandang alas siyete ng gabi mukanyang personalidad at malibang, si Michelle ay su- ling nagkita sina Aljur kasama ang kanyang kapatid maside-line sa iba’t-ibang malalaking kumpanya bi- na si Avin na tinatawag nila Michelle bilang “Vince”. lang fashion/product model. Niyaya nina Michelle sina Aljur at Vince na pumunta Noong Abril 10, 2009, habang nasa White Beach sa kanilang cottage upang bigyan ng produktong Resort sa Puerto Galera ang pamilya ni Michelle, siya ChillBev. Natuwa ang mga kasambahay ni Michelle at ang kanyang ate, ay tumulong sa pag-promote ng at ang nanay nito na nagluto ng kanilang midnight bagong produktong inumin, ang ChillBev flavored wa- snacks at inihahanda na ang almusal para kinater. Sa hindi inaasahan, nabigyan ng kanyang ate Mel- bukasan dahil maaga silang luluwas pauwi ng Carose ng product free taste sina Aljur Abrenica at James vite. Inalok nila ang na kumain at nagpaunlak naman ng Moymoy Palaboy duo kapwa talent ng GMA 7. Nakita ang magkapatid na Aljur. Hinatid nila Michelle, Melng nanay ni Michelle sina Aljur at nagpakilala ito sa rose, Jeka kasama ang kanilang fashion designer kanila na siya ay nagtatrabaho sa Journa si Eloi sina Aljur sa tinutuluyang nal Group of Publications. Pinaalala hotel resort bitbit ang dalawang kaniya kay Moymoy na nagkita sila sa hong ChillBev. press launch ng kanilang TV commerPagdating sa tinutuluyang resort cial. Dito na nagkapalagayan ang kaipapakilala ni Aljur sa kanyang mga nilang loob at pinakilala ang kanyang magulang at mga kapatid.sina mga anak na sina Michelle at Melrose. Michelle at mga kasama. Masaya siNagustuhan ni Aljur ang nasabing lang nagkuwentuhan, kantahan hainumin at nagtanong kung may mabibili bang naggigitara, at naglaro din ng ba sa gabi at ang sabi nila ay, wala, bilyard sina Michelle at Vince. Kammay booth kami sa dulo pero kung guspante at tiwala naman ang nanay ni to ninyo, dadalhan na lang namin kayo Michelle na masaya lamang sila nagmamaya at ibinigay ang lokasyon ng bobonding dahil kilalang artista si Alkanilang tinutuluyang hotel resort. jur. Nakita niya mismo na naglalaro Nang gabing iyon, muli nagkita ang gruang magkakaibigan ng beach volley po ni Michelle kasama si Rodfill na malapit lamang sa labas ng comkapatid ni Moymoy. Sa pagkakatong ito, pound ng kanilang tinutuluyang cotay pormal na pinakilala sila sa isa’t isa. tage. Kung gumimik man sila, ang Nang pinakilala si Michelle kay Alisip niya ay “clean fun” lamang dahil jur, nakipagkamay ito at bineso-beso kasama ni Michelle ang kanyang ate, sya ni Aljur sa magkabilang pisngi. si Jeka at ang kababatang kapatid ni Dahil nga artista ang binata, hindi na- MICHELLE SALUDO Aljur. Dahil sa palagay na ang loob nila man ni Michelle binigyan ng malisya ang pag-beso-beso ni Aljur. Niyaya sina Michelle, Mel- sa isa’t-isa, hindi binigyan malisya ni Michelle ang rose at Jeka ng grupo nila Aljur na sumama sa kanila at mga paghawak-kamay at pag akbay ni Aljur sa kanya pumunta sila sa tabing dagat para maka-bonding kasa- habang naglalakad o nasa beach. Ngunit, may ma ang magkapatid na Moymoy Palaboy at ang dala- pagkakataon naramdaman ni Michelle na kakaiba ang kilos ng artista habang magkatabi sila, Bukod wang miyembro ng Mocha Girls at marami pang iba. Nagpaunlak naman ang magkapatid at kaibigang sa pag-akbay ay may iba pa itong nais gawin sa kansi Jeka.. Bumili ng inumin ang grupo ni Aljur at “inalok ya kung kaya sa isang pagkakataon, habang naglasi Michelle na uminom. Dahil sa ayaw niyang isipin na lakad sila, kinikiliti at sinusundot-sundot ang kili-kili siya ay “kill joy”, tinanggap ang San Mig Light at sinabi niya ng magkabilang kamay ni Aljur, ay hindi ito nakay Aljur “sige hati na lang tayo”. Hindi naubos ni gustuhan ni Michelle kaya dinibdiban niya si Aljur at Michelle ang isang latang San Miguel Light. Bumili pa pinagsalitaan ng may pagkairita! Ilang metro ang ang grupo ni Aljur ng Bailey’s at isa pang alak na sa agwat ng ate niya sa kanila ni Aljur at ito ay abalang nakikipagkuwentuhan sa kapatid ni Aljur kaya hindi nito nalaman ang maling ginagawa ni Aljur kay Michelle. Sa kabila ng kahalayang ginawa ng binatang artista ay palalampasin na sana ni Michelle ang Nakatatawa. mae Pwede lahat. Sinarili at binale-wala ang nangyari. Inisip na -Walang Tawiran, -Bawal Umihi Dito, May laman niya na masayang alala na sila ay nagkakilala Problema Mo na ’yan. Baklang Nakaupong Han- at masayang nagkasama sa Puerto Galera. Nagulat 4. -Ang Bangketa ay dang Sumubo na lamang ang pamilya ni Michelle nang mga sumuPara sa Tao, Bawal 8. -Slow Down, Men at nod na araw. Magtinda Rito Work (Men Are Slowly Abril 15 may naglabasan na artikulo nagsasabi, (Tao Kasi Ang Itinitin- Working) “si Aljur may ka-date na 15 anyos sa Puerto Galera”. da Rito) -Slown Down, Men at Ang sumulat ng isang artikulo ay si Mr. Tonee Coraza 5. -Bawal Mag-abang Work (Arawan Kasi ang na mismong nakita si Alur na kasama si Michelle at ng Sasakyang (Pi-Pick up Bayad) nagpakuha pa ito ng picture. Hindi pinansin ng pamSa ‘Yo) Dito -Marahan, May Guma- ilya ni Michelle ang naglabasang artikulo ngunit nag-Bawal Mag-abang ng gawa (Marahan Kaming taka lamang sila noong May 2, matapos ang 17 na Sasakyan dito. Wala Kas- Gumagawa) araw, lumabas sa ininterbyu si Aljur sa isang panging Dumadaang Sasaky-Marahan, May Guma- hapong talk show. Ang hindi matanggap ni Michelle an Dito. gawa ng Sudoku ay nang sinabi ni Aljur na hindi niya kilala si Michelle 6. -Bawal Magtapon ng Hay naku belabed rid- at doon lang sila nagkakilala sa gimikan sa Puerto Basura Dito, Puno na (try ers. Nakakaaliw pagmas- Galera dahil kakilala sila ng kaibigan nila at pinakimo sa kabila). dan ang mga street signs lala ang mga ito sa kanila. At sinundan pa ng sinabi -Bawal Magtapon ng na ito sa ating paligid. La- niya, “hindi ko siya ka-date, ang totoo niyan, ang Basura Dito, Pwede Pag long lalo na sa kalunsu- kaibigan ko ang may gusto sa kanya”. Patay na Tao. ran. Mantakin nyo, sa lakiHindi naman kawalan kay Aljur kung aminin niya -Bawal Magtapon ng laki ng ginagastos sa pag- na nagkakilala sila doon at naging magkaibigan. Mas Basura Dito, Nang Hindi gagawa ng street signs, lalo siyang hahangaan ng kanyang mga fans kung Naihihiwalay ang Nabub- wa epek naman sa atin. pinoteksyunan niya si Michelle at binigyan galang ang ulok sa Di Nabubulok Pero isa sa mga street kaniyang pagiging non-showbiz personality at higit (Fund Raising Po Kasi Ito signs ang gusting gusto sa lahat ang pagiging “menor de edad”. Sa ganoong ng Barangay) kong iuwi sa bahay. Ito paraan siya ay nagpapakita ng kanyang pagiging “gentleman” dahil marunong siya mag alaga sa repu7. -Bawal Umihi Dito yun: (Bayad Muna ng P2.00) This Is Where Your Tax- tasyon ng kanyang mga tagahaga. SUNDAN SA PAHINA 12 -Bawal Umihi Dito, Tu- es go!

Str eet Signs R evisited Street Re

KUNG gaano daw karami ang street signs ng isang lugar, ganoon daw karami ang batas para umayos ang isang lugar o ganoon rind aw karami problema ng mamamayan o ng pamahalaan. Halimbawa sa Singapore, sangkatutak ang street sign pero kitang kita umayos ang kanilang lugar. Sa Pinas, sangkatutak din ang street sign at kitang kita rin ang laki ng problem ang mamamayan at pamahalaan.

Halatang wala namang sumusunod sa mga street signs na ito. Siguro, kung pasaway ang mamamayan, repleksyon lamang ito ng protesta o panggagalit sa nasa kapangyarihan. Obvious naman kasi na para sa maliliit ang mga street signs na ito. Kaya minsan, naiisip ko na paglaruan ang mga street signs na ito na sa halip na magbawal, pwedeng kapulutan ng bagong kaisipan, gaya ng mga sumusunod: 1. -Munting basura, basura pa rin yan. -Munting batuta, ibulsa muna. -Munting basura, lalaki rin yan. 2. -Hakbangang Pantao, Pwede rin ang aso -Hakbangang Pangholdap 3. -Walang Tawiran, Wala Kasing Kalsada -Walang Tawiran?


SUNDOT LAPIROT

Mula sa pahina 4

Ang mga ito ang lumikha ng kulturang labis na pag-asa ng mga tao sa politiko. Kaya mabuo sa isipan ng mga tao na, para makahingi sila ng kahit kaprasong tulong sa inihalal nilang lider, dapat ang mga ito’y mayayaman at makapangyarihan. Dahil nakita ng mga tao na kasal sa isa’t isa ang kapangyarihan at kayamanan, di bale nang hindi kinakatawan ng mga lider ang kanilang interes, basta’t kahit papaano’y maambunan ng grasya, okay na. Ngayon, nagtataka pa tayo kung bakit bibihira talaga ang mga lider na kumakatawan sa interes ng mga Caviteño, gayong pangitang-pangita na sa Cavite, sila lang ang may sinasabi. Kaya wag na rin tayo magtaka kung bakit bibihirang mahirap ang nasa munisipyo’t kapitolyo. Wag na rin tayong magtaka kung bakit bibihirang marinig ang tinig ng mga anakpawis. Simpleng aritmetik lang po. Kung ano ang interes ng ating lider, yun ang kanilang ipaglalaban. Siyempre, bago unahin ng isang hasindero ang kapakanan ng mga magsasaka at manggagawang bukid, uunahin muna nito ang interes ng mga panginoong may lupang kagaya. Ito rin ang natuklasan ni Eric Gutierrez sa kanyang dalawang aklat hinggil sa ugnayan ng pamilya, politika, negosyo at kapangyarihan sa bansa (All in the family: a study of elites and power relations in the Philippines. Quezon City : Institute for Popular Democracy, c1992) The Ties that bind: a guide to family business and other interests in the Ninth House of Representatives. Pasig, Metro Manila : Philippine Center for Investigative Journalism, c1994.) Sino ba ang gusto nating kumatawan sa mga mahihirap na mamamayan: • Ang karaniwang mangingisda o ang may-ari ng malalawak na palaisdaan? • Ang karaniwang karpintero o ang malalaking kontratista? • Ang karaniwang sidewalk vendor o ang may sandamakmak na pwesto sa palengke? Ang pipiliin natin, ang magpapatunay ng kung anong kultura mayroon tayong mga Caviteño.

1000 Voices ng Rosario, nanguna sa pagbubukas ng SM NI OBET CATALAN

ROSARIO, CAVITE - Pinangunahan ng choir ang pagbubukas ng ika-36th na SM mall sa ating bansa at ang ika-4 naman dito sa probinsya ng Cavite. Ang naturang choir ay ang ipinagmamalaking “One thousand voices” ng bayan ng Rosario, na pawang mga bata na

mga nasa elementarya lamang. Sila ay pinangunahan ni Ms. Amor Aguinaldo, ang conductor ng nasabing choir. Isa sa mga

SISID

Kaya’t nang maghapunan ang buong samahan para sa kanilang Mula sa pahina 4 pagkapanalo ay hindi inimbitahan itong si konsehal. Inilihim sa konsehal ang nasabing hapunan, dismayado kasi maging ang mga tauhan. Pangalawa, itong konsehal na may lahi yatang Aprikano dahil sa kanyang di makitang kulay ay kamakailan lang na kinainisan ng mga estudyante dahil sa kanyang masamang asal. Kinuhang maging guest speaker sa graduation day subalit sa harap ng entablado ay nagpakita ng masamang asal. Pasenya na raw dahil naiinitan siya at di siya sanay sa ganitong klima. He he he, taga North Poll pala itong si konsehal? Hanep kababayan pa ni Santa Claus! Kaso imbes na mamuti ay nangitim sa sobrang bangis ng ugali! Kaya isang nakakabinging buuuuuhhhhhhhhhh, ang isinigaw ng mga estudyante. Oh! ayan ha, tip ko lang sa inyo yan…kung may idadagdag pa kayo, sabihin nyo lang at ihahabol natin sa susunod na labas nitong dyaryo. Kaya tayong mga botante, piliin salain pigain, kung sino ang tunay na karapat-dapat sa konseho? Iboto ang tunay na may pusong Caviteño, ilaglag ang may ugaling demonyo! Buwisit…Pwe!

kinanta ng “One thousand voices” ay ang jingle ng SM mall. Nagkaroon ng maikling programa ang pag-

bubukas ng naturang SM mall noong nakaraang Nobyembre 20 at kabilang din sa panauhing pandangal si Mayor Nonong Ricafrente ng Rosario, Cavite. Ang bagong bukas na SM mall ay isang malaking opurtyunidad hindi lamang sa ikalalago ng ekonomiya ng bayan ng Rosario kundi higit na rin sa kabuhayan ng mamamayan ng bayan na ito. Nabigyan ng trabaho sa SM mall ang karamihan sa kabataan ng Rosario, na siyang nakalulugod dahil ito ay ikabubuti mismo ng bayang ito.

PISO PARA SA PAGBABAGO – Nagkaisa ang maralitang Caviteño higit ang mga sidewalk vendors sa palengke na maghahandog ng piso para sa pagbabago. Ang adhikaing ganito ay patunay lamang na sawa na ang mga Caviteño sa nakagisnang pulitika.

KAMPAY NG RABAY Sinundan pa nito nang maging ang kolumnistang si Lolit Solis ay inaakusahan si Michelle na “nanggagamit” lamang dahil gusto niyang maging artista. Marami na ang hindi magandang akusasyon sa dalagita at ang lalong ikinasama ng loob ng pamilya nito at ang pag-post nito sa iba’t-ibang website kung saan malayang nakapagkumentaryo ang kahit sinuman, mapa-ordinaryong tao, reporter, writers o fans. Kung may interes man si Michelle na mag artista hindi sa paraang gagamit pa siya ng iba at hindi sa paraang lilitaw na negatibo ang kanyang imahe. Bagkos, si Michelle pa ang ginamit para sa publisidad ng telenovela ni Aljur upang lalo pag-initin ang lab-team nila ni Kris Bernal. Sa akin paningin at pagkakailala kay Michelle, hindi niya kailangan ang ganitong publisidad dahil wala siya sa industriya ng showbiz. Ang kahihiyan na inabot ni Michelle bilang isang menor de edad na pinasama ng media, sa radio, TV, diyaryo pati na sa internet ay nagdulot ng trauma sa bata ay maituring natin na isang kasong “Child Abuse”. Ito ba ay makatarungan? Biktima si Michelle ng masamang bunga ng media. Ang magaling na manunulat ay kinukuha ang dalawang angulo ng istorya hindi lamang pabor kay Aljur dahil ba siya ay artista? Sino ngayon ang nagsamantala? Hindi alam ni Michelle na siya pala ay minolestya na ng isang artista dahil inosente siya sa masamang intensyon na ang akala niya ay natural lamang na kilos ng

Mula sa pahina 11 isang artista ngunit siya pala ay sinamantala na. Sa ginagawang pag-deny, at pagsira sa reputasyon ng isang menor de edad ay paglalagpasin na lamang ba natin dahil siya ay isang artista? Kung publisidad lamang ang gusto ng pamilya ni Michelle, sana ay nagpainterview na sila upang ihayag ang kanilang panig ngunit nanatili silang tahimik sa isyu at dinaan na lamang sa tamang proseso ang kanilang pinaglalaban. Noong Hunyo 1, 2009, ay nagsampa ng reklamong Acts of Lasciviousness laban kay Aljur Abrenica si Michelle na sinamahan ng kanyang ina sa National Bureau of Investigation. Sa kasalukuyan, nasa Department of Justice (DoJ) na ang reklamo at hindi pa nareresolba ang kaso. Ayon sa nanay ni Michelle, ang hinihingi lamang nila ay public apology mula sa binatang artista, bagay na hindi pa nito ginagawa. Ang nangyari kay Michelle Saludo ay isang paalala rin sa mga kabataan na huwag kaagad magtitiwala sa mga artistang ginagamit ang kanilang kasikatan upang makapagsamantala. Ang laban ni Michelle, ay laban din ng mga kababaihang patuloy na naapi sa umiiral na patriyarkal na lipunan. Sa aking klase sa Filipino ay hindi maiiwasang mabanggit ang isa sa aral ng Katipunan na nagsasaad na “Ang babae ay hindi dapat ituring na libangan bagkos ay katuwang sa hirap ng buhay”. Baka hindi ito naituro ng mga naging guro ni Aljur Abrenica. Bukas din ang kolum na ito sakaling nais ni Aljur na ipahayag ang kanyang panig.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.