Responde Cavite isyu 14

Page 1


2

DISYEMBRE 06 -12, 2009

NATAPOS na ang laban para kay Wesley So, pang-7 sa pinakabatang nakakakuha ng titulong Chess Grandmaster (GM) sa World Cup Chess Tournament. Sa ika-4 na round ng laro ay hindi pinalad na magwagi si Wesley sa laban nila ni Vladimir Malakhov ng Russia. Gayun pa man itinuturing pa rin ng bawat Pilipino na isang tagumpay ang nakamit ng batang GM para sa kanyang bansa. Isa pa rin itong karangalan para sa mga Pilipino at taas noo pa rin dapat si Wesley sa kanyang pagbalik dito sa bansa. Si Wesley ay hindi lamang Pilipino ngunit higit sa lahat ay Caviteño na talaga namang may mga natatanging katangian. Higit na mas mabato ang dinaanan ni Wesley

WESLEY SO, PANALONG CAVITEÑO NI SHEILA SALUD

bago marating ang nasabing World Cup kumpara sa ibang Pilipinong manlalaro ng chess. Hindi lamang dahil sa siya ay 16-taong gulang lamang ngunit dahil na din sa mga hinarap niyang laban na ikanatalo niya ngunit pinili pa din niyang sumubok sa ika-pangalawang pagkakataon. At ito nga ang naging mitya ng pagkabilang niya sa

World Cup. Si Wesley ay ipinanganak sa Bacoor, Cavite at nag-aral sa Jesus Good Shepherd School bago pa man siya lumahok sa World Cup, at ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa St. Francis of Assisi College System sa Bacoor. Sa ngayon ay nagkamit si Wesley ng $25,000 dahil sa Worl Cup, ngunit

ayon sa mga dalubhasa sa chess ay hindi imposibleng maging milyonaryo pa si Wesley bago pa man siya umabot sa edad na 21. Ayon naman sa interview kay Wesley sa Russia, kailangan daw niya ng trainer ngayon at suporta, isa daw kasing problema sa kanya ay ang hindi pagiging sikat ng larong chess sa Pilipinas kaya naman walang nakukuhang financial suport galing sa gobyerno. Ang National Federation ang nagbabayad para sa kanilang ticket sa mga laban nila sa laro. Dagdag pa niya ay ikagagalak niya kung merong mag-iisponsor sa kanya kahit $20,000 hanggang $30,-

WESLEY SO 000 sa isang taon para maabot niya ang professional level. Wagi pa rin si Wesley sa ating mga Caviteño, isang patunay at ebidensiya iyon na may mga natatanging katangian taglay ang mga Caviteño,

katulad na lang din ng pagkapanalo ni Efren Peñaflorida sa CNN Hero of the Year. At para kay Wesley, bata man siya ay hindi naman maitatanggi na siya ay talagang natatangi.


DISYEMBRE 06 -12, 2009 IMUS, CAVITE – Patay ang isang contructor matapos na ito ay barilin sa ulo ng isang guwardiya dahil lamang sa isang mainitang pagtatalo. Sa nakalap na balita ng Responde Cavite kay Col. Ulyses Cruz, hepe ng bayang ito, kinilala ang biktima na si Rodelio Punzalan, contructor/foreman, na kaagad binawian ng buhay matapos ang barilin sa ulo ng suspek. Mabilis namang tumakas ang suspek na kinila-

KONTRAKTOR, TEPOK SA SEKYU NI OBET CATALAN

la na si Sanjie Baquiran, isang secuirity guard, at tubong Maragondon, Cavite. Nangyari ang pamamaril sa biktima noong Dis. 1, 2009 dakong alas

10:00 ng umaga sa loob ng compound ng Real Palico, Imus, Cavite. Ayon kay PO1 Magsaysay, may hawak ng kaso, sa salaysay ng nakakita habang nasa loob ng

Kilala si Lambino sa pangangampanya sa taong bayan na baguhin ang kasalukuyang kontitusyon. Ayon kay Lambino, isa siya sa mga huling kandidato na nadagdag sa partido na tatakbo para sa pagkasenador. Dagdag pa niya, sakaling siya ay manalo sa eleksyon bilang senador ay ipagpapatuloy niya ang kanyang kampanya para baguhin ang 1987 Constitution

kung saan tanging makakamit lamang daw ang structural reforms kung ito ay mababago. Samantalang si dating Cavite representative naman na si Gilbert Remulla na tatakbo sa ilalim ng partidong Nacionalista ay ang environment protection at poverty allevation naman ang pagtutuunan ng pansin sakaling siya ay palarin bilang senador. Ayon kay Remulla, ay umaasa siyang makamit ang pagkapanalo sa eleksiyon upang mabigyan ng pansin ang advocacy niya na labanan ang kahirapan sa ating bansa. Nagsara ang pasahan ng CoCs nitong hating-gabi ng Disyembre 1 na may kabuuan na 99 presidential aspirants, 20 vice-president at 158 senatorial candidates. EWEL PEÑALBA

2 Caviteño, tatakbong senador

DALAWA sa kandidatong Caviteño ang tatakbo sa pagkasendor. Ito ay sina Lawyer Raul Lambino at Nacionalista Party spokesperson Gilbert Remulla na kapwa nagfile ng kani-kanilang CoCs nitong Martes (December 1) bago maghating gabi sa Commission on Elections main office sa Maynila. Si Raul Lambino ay tatakbo sa ilalim ng partidong Lakas-Kampi-CMD.

6 na kandidato para sa pagkagobernador ng Cavite TRECE MARTIREZ CITY Nitong nakaraang Martes (December 1) ang huling araw ng pasahan ng CoCs (Certificate of Candidacy) ng mga tatakbong kandidato para sa darating na eleksyon. Sa nakalap na balita ng Responde Cavite, ang mga tatakbo sa pagka gobernador ng Cavite ay anim sa mga sikat na politiko ng ating probinsiya. Nariyan sina Vice Governor Dencito “Osboy” Campaña, dating Vice Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla, Trece Martires City Mayor Melencio “Jun” De Sagun, Angelita “Lita” Monzon, Ma. Gloria Lebato, at Bonifacio “Ber” Berado. Si Remulla ay tatakbo

sa ilalim ng partidong Nacionalista na kinabibilangan nina Senador Manuel B. Villar Jr. at Loren Legarda. Si De Sagun naman ay sa ilalim ng Puwersa ng Masang Pilipino na kinabibilangan naman nina dating presidente Estrada at Makati Mayor Jejomar Binay. At si Campaña ay tatakbo sa ilalim ng partidong Liberal na kabilang naman sina Senador Noynoy Aquino at Mar Roxas. Si Tagle ay tatakbo sa ilalim ng partidong KBL, samantalang si Lebato ay sa ilalim ng partidong Alpha Omega 9k at si Berado ay piniling maging indipindyente. WILLY GENERAGA

AQUA 2599 Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite

Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail For dealers P20, 10 +1

compound ang dalawa ay lumapit umano ang biktima sa suspek ng ilang minuto lamang ang nakakaraan ay bigla na lamang itong nagtatalo at sa isang iglap ay bigla na lamang may pumutok at doon ay nakitang nakabulagta ang biktima. Mabilis naman tumakas ang suspek matapos ang krimen. Habang ginagawa ang report na ito ay kasalukuyang nagkakaroon ng follow-up operation ang awtoridad.

3


4

DISYEMBRE 06 -12, 2009

Kapamilya na rin ako HI! Tulad ni Dom, nandito na rin po ako sa RespondeCavite—Kapamilya na rin. Salamat kina kapatid na Kuya Rommel at Sid sa pag-invite sa akin na sumulat dito sa Responde Cavite. Ang higpit nila manligaw, talagang nakabakod. Kaya napa-oo na ko. Anyway, for a little bit info, madalas na beat ko po sa ABS-CBN ang CALABARZON, at ngayon ay cover ko na rin ang General Assigment beat. I started at ABS-CBN as a news researcher to acting head news researcher. And eventually, promoted as a writer/reporter. Nakasama ko na rin ang veteran broadcaster na si Ms. Korina Sanchez sa Balitang K as a writer on current events, politicel issues and others. Kabilang na dito ang apat na istorya sa Guam. Nang palitan ang Balitang K ng Balitang Kris, I covered one whole episode in Cavite, particular in Tagaytay with Ms. Aquino. Ilan sa ating mga hindi malilimutang exclusive stories ay ang carjackers caught on video na nasundan namin ng news team. Boy Jumper, isang autistic kid na binaril sa tower ng isang barangay official at isang tatlong taong gulang na batang pinatay ng sariling ama na nakitang palutang-lutang sa estero ng Pasig City. Kamakailan lang ay napasama tayo sa 26 bansa sa buong mundo para sa Study program or Workshop on Media Strategies for social change na sponsor ng Israel. At siyempre pa, dito sa Responde Cavite. Rerespondehan natin o tutugunan ang boses ng marami. Lalung-lalo na para sa kapakanan ng kababaihan at mga batang musmos sa abot ng ating makakaya. Ang kababaihan ang pinagmumulan ng ating lahi, at ang kabataan ang siyang magpapasigla at kinabukasan ng ating lahi, kaya atin silang pangalagaan. MABUHAY MGA KAPAMILYA SA CAVITE!

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief reporter rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Samut-sari, anik-anik

ETO na, Eto na, Eto na... bwahahahaha Sa wakas, nagkaalamalam na. Nagkakila-kilala na. Sino-sino ang bumaligtad? Sino-sino ang umangat? Sino-sino ang nilaglag. Ang mga umasa, nauwi sa wala. Ang mga patunga-tunganga, aba, biglang napasama sa intriga. Ang magkakaibigan noon, magkakaaway na ngayon. Ang magkakaaway noon,bati-bati na ngayon. Ngayon lang ‘yan. Kasi eleksyon. SAKLAAN SA KAWIT... MARAMING IDINADAWIT Naku po mga suki, may isa tayong masugid na mambabasa na tumawag sa ating opisina at nagsusumbong sa lantaran at talamak na saklaan sa Kawit (kahit walang patay). Minabuti po nating daanan at pasyalan... ay naku po... sya nga po.. amen! Kumusta po P/Insp. Malubay at Mayor Tik Aguinaldo. Bahay-Bastos sa Bacoor Nakatanggap po tayo ng email at may isang nagmamalasakit na mamamayan na inginuso ang kata-

kot-takot na bahay-bastos sa Bacoor partikular sa Habay at Mabolo, Bacoor. Di lang daw po sikat ang nasabing lugar sa mga naggagandahang tsising bagkus, madalas nakaparada doon ang mga sasakyan ng barangay at mobile car ng pulis. May bonus pa, yung mga nasa-gilid-gilid ng nasabing lugar, may mga neneng na mabango at bagong ligo. Handa rin di umanong magbigay ligaya sa mga lalaking nalulumbay sa gabi. Aba, saluduhan natin ang mga alagad ng batas at bantay-baranggay dahil nagagawa nilang protektahan ang mga batang-batang nagtatrabaho sa BahayBastos dahil kasama na rin ang maraming parokyano sa bumubuhay sa masiglang gabi ng Bacoor. Harharhar! P/Supt. Florencio Ortilla, mabuhay po ang mga bata nyo! Palakpakan sa tanggapan ni Mayor Strike Revilla. KAWIT BACOOR, REUNITED SA FRUIT GAME AT VIDEOKARERA Isang nagngangalang Allan M. Ang di umano’y protector/may ari ng nasabing mga illegal na sugal na fruitgame at Videokakrera sa mga nabangit na lugar. Sundan sa pahina 10

HAY!!! Maraming taon na ang nakakaraan nang walang pumansin kay Agapito Flores at sa kanyang imbensiyon. Ganun din kina Dinky, Trebel at marami pang iba. Kay Arnel Pineda, Rico Hizon at iba pa. Mga kababayan natin na hindi binibigyan ng pansin sa ating sariling bansa. Pero nang lumaon, naging matagumpay sa kanikanilang mga larangan at kinilala ng buong mundo ay saka nakikisawsaw ang marami sa atin. Lalo na ang mga pulitiko. Ganito rin ang nangyari kay Efren Peñaflorida, ang itinuturing na bagong bayani ng bansa. Noong nagtutulak sila ng kariton, laman ang mga gamit sa kanyang pagtuturo, walang napansin sa kanya. Maging ang lokal na pamahalaan kung saan niya isinasagawa ang kariton klassrum. Wala ni isang pulitiko o may kayang nakaisip na mag-donate kay Kuya Ef ng kahit na lapis o pad paper para magamit ng mga street children na kanyang tinuturuan. Tumayo sa sariling paa si Kuya Ef at ang kanyang Dynamic Teen Company (DTC). Kung may tumulong man, siguro ay iilan lang. Nadiskubre ang kabayanihan ni Kuya Ef nang minsang mai-feature siya sa isa mga programa sa ating Kapamilya Channel. Mula doon ay naging interesado ang CNN and the rest is history.

Ngayong napagwagian niya ang CNN Hero of the Year Award, maraming nakisawsaw sa popularidad ni Kuya Ef. Mga pakikisawsaw na nagkukunwaring proud sila sa natamong karangalan ni Kuya Ef. Mga pakikisawsaw na nagbibihis sa pagbibigay donasyon. Pagbibigay parangal at kung anu-ano pa na ngayon lang nila naisip gawin lahat dahil sikat na nga si Kuya Ef. Mga parangal at donasyon na ibibigay sa ibabaw ng entablado. Mga pagkilala na may magarbong pagsalubong at programa. Mga pamamaraan ng mga pulitiko na kitang-kita ang kanilang intensiyon na makisawsaw sa tinatamasang tagumpay at kasikatan ni Kuya Ef. Walang duda at kuwestiyon na kadakilaan ang ginawa ni Kuya Ef. Isang kadakilaan na kinilala sa buong mundo. Hangad natin ang kanyang lalong ikatatagumpay. Kilalanin mo lang Kuya Ef kung sino talaga ang tunay na kumikilala sa yo at kung sino ang kumikilala sa yo, para sila man ay kilalanin. Dominic Almelor—Patrol ng Caviteño!

Ug aling Pino y Ugaling Pinoy

Video Karera at Fruitgames sa Bacoor, talamak dahil kay “SPO3” Sa kung ilang beses na nating pagbatikos sa mga pasugalan sa bayan ng Bacoor ay tila walang pakiramdam ang mga kinauukulan sa lugar na ito. Walang paki-alam sa mga batikos na inaabot nila maging sa radyo man o telebisyon. Tuloytuloy lang sila sa kanilang mga kawalanghiyaan. Tila nagiging bingi at pipi ang mga kinauukulan? Kung ano ang dahilan, iyan ang ating ilalahad dito sa dyaryo. Isang pulis pala ang nagmamane-obra ng mga pasugalan dito sa Bacoor at malakas daw talaga sa itaas. Hindi kayang tinagin ang sinasabi nitong “amo”? Ang pangalan ng pulis na malakas diumano ang kapit sa itaas ay isang alyas “SPO3 Allan”. Papaanong nangyari ang ganitong klaseng sistema, habang abala sa kanyang mga pasugalan ay aktibo pa ring miyembro ng kapulisan? Ang sinasabing tagasugpo daw ng mga iligal ay tila nagiging baligtad ang kalagayan ngayon. Tagasugo

na pala ngayon! Kung totoo ang paratang sa SPO3 na ito, eh anong aksyon ang ginagawa ng kanilang mapagpalang hepe Col. Florencio Ortilla? Alam mo ba ang pinaggagawa ng bata mo sa iyong teritoryo? At kung gabundok na ang reklamo ng mga magulang sa lugar na ito eh ano naman ang masasabi ng kanilang mayor? Mayor Strike Revilla, paki-imbestigahan nga po ang pulis na ito na sumisira sa magandang imahe ng iyong lugar. Kung sinuman ang mga nakikinabang sa mga pasugalang ito ay hindi tayo mangingiming ilantad ang mga pangalan ng mga hunghang na ito. Alalahanin ninyong ang perang pinapakain ninyo sa inyong pamilya ay galing sa iligal. Mahiya kayo sa mga pinaggagawa ng pulis na ito. Huwag ninyong kunsintihin ang makapal na pagmumukha ng taong ito. Sa mga mamamayan ng Bacoor, ngayong nalalapit na ang eleksyon alamin ninyo kung sino ang nakikinabang sa pulis na ito? Kung mapatunayan ninyo, alam nyo na ang gagawin sa araw ng pagboto! Isulat ang buong pangalan at apelyido…isulat sa ilalim ng bangkito, pangontra sa mga insekto! SUNSAN SA P.5


DISYEMBRE 06 -12, 2009

Conjugality sa Politika

SA unang tingin ay mahirap unawain ang kahulugan ng salitang Inglis na ‘Conjugality’. Mas madaling maintindihan ang katangian ng Pilipino na kung tagurian ay ‘extended family system’. Isang maliit at simpleng pamilya sa loob ng tatlo o apat na dekada ay nagiging malahiganteng angkan na sa larangan ng politika ay sagisag ng kapangyarihang niyuyukuan ng mga nanatiling maliit at mahihinang pamilya. ‘Conjugality’ ang naging sandigan ng pambansang bayani na si Gat Jose Rizal kaya nga’t bilang bantayog ay nagkaroon ng Lalawigang Rizal sa katagalugan. Medyo naiiba ang nangyari kay Andres Bonifacio na nakasapi sa mga taga Noveleta at Cavite City at itayo ang Partido Magdiwang. Naging matapang at mapangahas ang mga taga Tondo na para bagang isang tunay na Caviteño kaya ito naging dahilan ng pagkaputi ng buhay nilang magkapatid at naiba ang direksyon ng kasaysayan mismo ng Pilipinas. Ang Katipunan ay naging matagumpay na Revolusyon. Ano naman ang naging alaala natin kay Bonifacio? Ang Andres Bonifacio Hospital na natatag kasabay ng Trece Martires City ay napalitan pa ng pangalan at tanging isang kaputol na lupa sa Limbon, Indang ang nilagyan ng Marker na Bonifacio Shrine at inaalayan ng bulaklak tuwing sasapit ang ika-30 ng Nobyembre, ang idineklarang ‘Araw ni Bonifacio’. Sa Pangulong Manuel Luis Quezon at kanyang

maybahay ay may itinalagang Quezon Province, Quezon City at Aurora Province. Wala ngang sumunod na kamag-anak sa yapak ng isang dakilang politiko datapwa’t ang kanyang pangalan ay nakatatak sa mga institutusyon pampulitiko at pribado magpahanggang ngayon. Ang ‘conjugality’ sa politika ay umiiral sa pamilya ni Pangulong Manuel Roxas na sa kanyang pagyao ay isinalin kay Senator Gerry Roxas at nagpamana naman kay Senator Mar Roxas na sa kasalukuyan ay kumakandidato bilang Bise Presidente ng Liberal Party. Hindi na rin pahuhuli ang sinundang Presidente Sergio Osmena ng Cebu. Ang mga sumusunod pang Presidente ng Pilipinas na si Quirino, Laurel, Macapagal,Garcia, Marcos at Ramos ay may mga kaanak na patuloy na namamayagpag sa politika ng bansa at may mga pamayanan na sa kanila’y nakapangalan at sumasagisag sa kanilang kadakilaan at kapangyarian. Hindi ako magugulat na ang bayan ng San Juan ay mapalitan ng Estrada sa kadahilanang ang pamumuno ay tuluyan ng nasa kamay ng mga anak ni dating Pangulong Joseph Estrada at sa kagustuhan ng mga mamayan nito ay hindi na maisasapagsapalaran pa sa ibang angkan. Tampok pa rin ang angkan ni Senator Ninoy at Presidente Corazon Aquino na ang anak na si Noynoy ay malaki ang posibilidad na maging Pangulo ng Pilipinas sa Taong 2010. Hindi pa natin batid ang kahihinatnan ng angkan ni President Gloria Macapagal Arroyo na ayaw pa ring bumitiw sa poder ng kapangyarihan. Marahil sa nagkakaisang tinig ng mga Kabalen ang

SISID... mula sa p. 4 Sa iyo hepe, ngayon pa lang sumasaludo na ako sa iyong gagawing aksyon sa bata mo. Kung maging ningas-kugon ito, sino ba ang niloko mo? Oo nga pala hepe, ihahabol ko lang sa iyo ang talamak na kotongan sa harap ng SM Bacoor sangkot uli ang ilang mga bata mo. Ang sinasabing head ng BTMO daig pa ang sasabak sa giyera. Hanep ang karakas ng taong ito, haharap lang sa tao itataas pa ang damit makita lang ang dalawang kalibre 45. Ano ‘to takutan…sindakan? Ang tawag dito ay hindi katapangan kundi kayabangan! Bwisit…Pwe!

5

Pampanga ay maging GMA Province. Who can tell? Ang Cavite Province ay huwaran ng maayos na paggalaw ng ‘Conjugality’ sa politika. Maayos at tahimik di tulad sa Maguindanao na tuluyan ng nabilad at dumagundong gawa ng nakaraang makahayop na masaker ng limapu’t pitong katao na kinabibilangan ng maraming mamamahayag at kababaihan. Ang angkang Aguinaldo ay hindi lamang panglalawigan at pambansa, pang internasyonal pa. Batid ng balana na si Pangulong Emilio Aguinaldo ay nagtatag ng kauna-unahang tunay na demokratikong Republika sa Silangang Asya. Ang puna ko lamang ay kung bakit ang Bailen ang ipinangalan sa kanya at hindi ang Kawit na ang alkalde ay pinagpapalitan lamang ng mga apo ng bayaning heneral. Ang Kawit ay nawawalan nang hugis na ‘Kalawit’ habang patuloy ang reklamasyon ng Cavite City, Noveleta at Binakayan na ang nagiging bunga ay pagkipot ng extension ng Bacoor Bay na sa simula pa ay naghihiwalay sa tatlong bayang nabanggit. SUNDAN SA P.12

Kilalanin at Kilatisin

INTEGRIDAD, KREDIBILIDAD AT DIGNIDAD

IPINAGKIBIT-BALIKAT ni Obet “Kap” Catalan ang pamumuna ng ilan sa kanyang kakayahan sa pagsabak sa bagong larangan ng politika matapos syang magpasa ng Certificate of Candidacy (COC) sampu ng kanyang mga kasamahan sa Partido Aksyon-Demokratiko noong ika-1 ng Disyembre 2009 sa Comelec Cavite City. Wika ng ilan, paano papalarin ang kagaya ni Catalan gayong wala itong pera at hindi dikit sa ilang maimpluwensyang tao at samahan sa Cavite City. “Ang tunay na lingkodbayan, sa taong bayan tumatalima at nagtitiwa-

la, hindi sa iilang makapangyarihang personalidad at samahan. Oo, wala akong pera. Hamak na sidewalk vendor lang ako sa palengke ng Cavite City. Kung may pagkakataon, dumadayo ako sa Batangas, Bicol, Laguna, Quezon at sa ilang lugar sa lalawigan ng Cavite para magtinda ng mantel, kutsara’t tinidor at kung anu-ano pa. Di ko ikinahihiya ito. Marangal at patas na hanap-buhay. Pero dito ko binubuhay ang pamilya ko. Napagtapos ang aking mga anak. Di ko kayang sikmurain na ipakain sa pamilya ko ang galing sa ilegal at kawalanghiyaan. Alam ko ang buhay-mahirap. Da-

hil haggang ngayon mahirap ako.” Kung tutuusin, ayaw ng kanyang pamilyang pumalaot sa mas malaking mundo ng politika. Sapat na yung nakapaglingkod sya sa kanilang barangay ng ilang panahon. Pero hinimok sya ng maraming sidewalk vendor, progresibong samahan at ilang organisasyong sibiko sa Cavite City na nangakong handa itong suportahan hindi man sa pera kundi sa pagbubuo ng malaking batayang masa. “Taas-kamay talaga kami kay Kap, walang wala na, tumutulong pa sa mahihirap na kagaya nya... naorganisa nya kaming mga tindero’t tindera, sidewalk dito sa palengke... nabigyan ng boses ang mga walang boses. Sa kanya kami... alam naming ang tulad nyang sidewalk vendor ang tunay na boses ng mahihirap... hindi yung may malalaking pwesto sa palengke at malalaking negosyo.” Ang wika ng isang tindera sa

palengke na muntik nang mawalan ng pwesto nang baguhin ang palengke. Tinulungan ito ni Catalan na magkapwesto kahit kapiraso sa sidewalk. “Kahit mahirap... pwedeng maglingkod sa bayan. Dahil ang kinatawan ng mahihirap, kapwa nya mahirap.” Pagwawakas ni Catalan.

O-rganisador ng B-bayan E-ehemplo sa T-ahanan


6

DISYEMBRE 06 -12, 2009

THREE KINGS NAGTAPOS na noong nakaraang Disyembre 1, ng taong kasalukuyan ang palugid na ibinigay ng Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng nagnanais tumakbo nakatakdang halalan sa Mayo 10, 2010 Elections, lokal man o nasyunal para makapag-file ng kanikanilang Certificate of Candidacy (COC). Sa kasalukuyan na pinal na ang lahat ng kandidato sa lalawigan ng Cavite mula gobernardor hanggang konsehal sa pitong lalawigan, malaya nang makakapamili ang mamamayan ng inaakala nilang karapat-dapat. Sinikap ng Responde Cavite na makakuha ng kopya ng lahat ng listahan ng mga kandidato upang mabigyan ng sapat na impormasyon ang buong lalawigan. CERTIFIED LIST OF CANDIATES FOR CONGRESSIONAL AND PROVINCIAL POSITIONS For the May 10, 2010 National and Local Elections For Provincial Governor 1. Berado, Bonifacio Balberan 2. Campaña, Dencito Presa 3. De Sagun, Malencio Jr. Loyola 4. Lebato, Ma. Gloria Mahilum 5. Remulla, Jaunito Victor Jr. Catibayan 6. Tagle, Angelita Monzon For Provincial ViceGovernor 1. Alegre, Domingo Buen 2. Bautista, Bernardo Michael Ignacio 3. Cantimbuhan, Recto menez 4. Del Rosario, Cesario Jr. Ramos 5. Garcia, Carlito Felizardo 6. Peji, Narciso Dionido 7. Pureza, Rogelio Abutan 1st District For Provincial Board Member 1. Areñas, Leonides Valerio 2. Chua, Dino Carlo Reyes 3. Enriquez, Ryan Reyes 4. Pakingan, Cresenciono Camantigue 5. Ricasata, Arnel Tirona 6. Rieta, Marina Macalad 2nd DFistrict For Provincial Board Member 1. Bautista, Miguel Navarrete 2. Malvar, Edwin Esteban 3. Navarrete, Aristarco Reyes 4. Pagtakhan, Luis Toribio 5. Remulla, Rolando sapanghila 3rd District For Provincial Board Member

1. Arguelles, Rodrigo Sr. Paredes 2. Cebu, Ronnie Amante 3. Cotoner, Rolando medina 4. Jamir, Chemilou Patricia Bidan 5. Minaldo, Lucius Lara 6. Nato, Larry Boy Sayas 7. Reyes, Rodney Encarnacion 8. Scheerer, John Paul Guido Boucher 4th District For Provincial Board Member 1. Bautista, luisito Macapagal 2. Carungcong, Roden Ilar 3. Corbes, Romeo Mentes 4. Del Rosario, Arnel Beltran 5. Lara, Teofilo Banda 6. Ilano, Miguelito macapagal 7. Mangubat, Raul Rex Del Rosario 8. Orejana, Nelson Carbonel 5th District For Provincial Board Member 1. Amutan, Marcos Cabrera 2. Barbudo, Edwin Fernando 3. Belamide, Ferdinand bueg 4. Echevarria, Walter Jr. Deparine 5. Medina, Gerald Valles 6. Velazco, Aristides Jose Virgilio De asis 6th District For Provincial Board Member 1. Ambagan, Albert Jr. Garces 2. Arayata, Hermogenes III Cruz 3. De Sagun, Romeo Alberto 4. Uckert, Madeline Erma 5. Mintu, Timiel Valenciano 6. Temelo, Erlinda Blancaflor 7. Tica, Roberto Jr. obaod 8. Tongson, Rene Rosales 9. Viniegra, Carlos II Sadsarin 7th District For Provincial Board Member 1. Abutin, Jualinio Rodil 2. Ambion, Virgilio Tolentino 3. Bencito, Irene De Padua 4. Mendoza, Romeo Cubillo 5. Panlilio, Jose Marcel Enriquez 6. Versosa, Norman Munoz 7. Wakay, Ferdinand Sison 1st district For Member, House of Representative 1. Abaya, Joseph Emilio Aguinaldo 2. Dinero, Adel Casiano 3. Paredes, Bernardo Sarmiento 2nd District For Member, House of Representative 1. Abaya, Plaridel madalang 2. Berado, Gerbie Fenequito 3. Revilla, Lani Mercado 3rd District For Member, House of Representative 1. Cerajano, Eric ardina 2. Maliksi, Erineo Saquilayan 3. Servida, Nelia Caravana 4. Villaseca, Albert Talosig 4th District For Member, House of Representative 1. Barzaga, Elpidio Jr. Frani

2. Campos, Fernando Campaña 3. Campos, Ramon nakpil 4. Doroteo, Editha Galicha 5th Distrct For Member, House of Representative 1. De Castro, Armando Avanceña 2. Loyola, Roy Maulanin 6th District For Member, House of Representative 1. Arayata, Hermogenes Jr. Figueroa 2. Ferrer, Antonio alandy 3. Gonzales, Rosario Canillo 7th District For Member, House of Representative 1. Mendoza, Laureano Santiago 2. Remulla, Jesus Crispin Catibayan 1st District Cavite City For Mayor 1. Angcanan, Augusto Jr. Portacio 2. Encarnacion, Timoteo Jr. Ordoñez 3. Enriquez, Restituto Trrijos For Vice-Mayor 1. Barron, Lino Antonio Salazar 2. Nazareno, Dominador Jr. Gonzales Rosario For Mayor 1. Pulido, Melly Esponosa 2. Ricafrente, Jose Jr. Marquez For Vice-Mayor 1. Hernandez, Jose Rozel Enriquez Noveleta For Mayor 1. Alvarez, Enrico Molina 2. Torres, Arlynn Alvarez For Vice-Mayor 1. Criman, Heraldo Buensuceso 2. Garcia, Eric Samson 3. Olaes, Joventino Lorenzo 4. Santamaria, Claro Jordan Manalo Kawit For Mayor 1. Aguinaldo, Reynaldo bautista 2. Poblete, Federico Aguinaldo For Vice-Mayor 1. Aguinaldo, Emilio, IV Mateo 2. Gandia, Gilbert Villanueva

2nd district Bacoor For Mayor 1. Castillo, Jessie Banayad 2. Revilla, Strike Bautista 3. Castillo, Alexander Maendoza For Vice-Mayor 1. Ortiz, Ma. Magdalena Gawaran 2. Fernando, Rosette Miranda 3rd District Imus

For Mayor 1. Dominguez, Lydia P. 2. Maliksi, Emmanuel L. 3. Saquilayan, Homer T. 4. Cuevas, Reynaldo M. 5. Astillero, Anthony A. For Vice-Mayor 1. Giron, Carmen J. 2. Ilano, Armando I. 3. Revilla, Ram A.

4th District Dasmariñas For Mayor 1. Barzaga, Jennifer Austria 2. Campos, Manuel Luis Nakpil 3. Moral, Rengie Rensal 4. Saulog, Severina Vinluan For Vice-Mayor 1. Balanzag, Richard Libay 2. Encabo, Valeriano Saraza 3. Remulla, Teodorico Satsatin 4. Suanino, Shirley Alteza 5th District Gen. Mariano Alvrez For Mayor 1. Alvaran, Rolando Dimalig 2. Torralba, Adelina Tisado 3. Zoleta, Arsie Quintana 4. Virata, Leonisa Joana Basa 5. Llanes, Meldean Pace 6. Sevilla, Bongbong Arandia For Vice-Mayor 1. Abueg, Alfredo III Lacson 2. Calix, Ruel Zata 3. Cabuhat, Percival Cruz 4. Barbudo, Merlita Fernando 5. Virata, Marebeth Valencia Carmona For Mayor 1. Camba, Rosalinda Cesmer 2. Hernandez, Anselmo Tenedero 3. Loyola, Dahlia Ambayec 4. restrivera, Ambrosio Diaz For Vice-Mayor 1. Hebron, Porfirio Jr. Ermitaño 2. Ines, Cesar Navarro Silang For Mayor 1. Anarna, Irineo Amerna 2. Poblete, Clarito Ambalada 3. Velazco, Aristides Carranaza For Vice-Mayor 1. Linaja, Hermingildo Monzon 2. Toledo, Gilberto Sayas 3. Zaragoza, Dante Pantaleon 6th District Amadeo For Mayor 1. Ambagan, John roque 2. Bebe, Augusto Jr. Dela cruz 3. Rozul, Reynante Peña 4. Villanueva, Benjarde Ambon For Vice-Mayor 1. Angcanan, Sanita Leachon 2. Bawalan, Elpidio De Grano 3. Legapi, Jose sr. Bay 4. Malabana, Michael Tibayan

Tanza For Mayor 1. Arayat, Marcus Ashley Cruz 2. Cervania, Macario Varias 3. Del Rosaro, Reymundo Arca 4. Luyong, Vicente Janopol 5. Matro, Arch Angelo Bacolod 6. Rodriguez, Lorena suano For Vice-Mayor 1. Bacolod, Teodora Bocalan 2. De Peralta, Sandy Salon 3. Dela Cruz, Francisco Cenizal 4. Honrado, Priscila Garcia 5. Pacumio, Yuri Alrca 6. Villas, Ma. Melanie Liantada Trece Martirez For Mayor 1. Colorado, Benigno Pangalinan 2. De Sagun, Melandres Granado 3. Dilag, Remigio Gatula 4. Mojica, Alvin Salazar For Vice-Mayor 1. Lubigan, Alexander Cruz 2. Octava, Gabriel Basiana 3. Panganiban, Noel Araracap

General Trias For Mayor 1. Ferer IV, Luis Alandy 2. Geda, Francisco Jardiniano 3. Nocon, Carmelito Briones For Vice-Mayor 1. Campaña, Fernando Presa 2. Grepo, Felix Asiman Ternate For Mayor 1. Bambao, Lamberto Dinglas 2. De Leon, Hermingildo Ilago 3. Lindo, Laurel Zapanata 4. Soberano, WIlfredo Diones 5. Sto Domingo, Josefina Del Rosario 6. Velasco, Rosario Antonio For Vice-Mayor 1. Abad, Alejandro Bendo 2. Bernardo, Mercedes Velasco 3. Cabaña, Jayson Dinglas 4. Diones, Genrico Punzalan 5. Diones, Lauro Sison 6. Federico, Rolando Angeles 7th District Naic For Mayor 1. Beltran, Salome Poblete 2. Mendoza, Edwina Poblete 3. Nazareno, Margarita Germar For Vice-Mayor 1. Carta, Anita Milay 2. Dualan, Junio Custodio Mendez – nuñez For Mayor 1. Aure, Jesus R. 2. Mendoza, Francisco Jr. T. 3. Romera, Manuel L. For Vice-Mayor 1. Sarmiento Ralph T. 2. Vida, Freddderick A.

Maragondon For Mayor 1. Andaman, Mon Anthony De Las Alas 2. Cabigan, Alex Zamora 3. Gulapa, Reagan Español 4. Rillo, Reynaldo Anglo For Vice-Mayor 1. Angeles, Ireneo Chong 2. Angon, Roselle Riel 3. Aquino, Raulito Anglo 4. Causapin, Felizardo Dinglasan 5. Riel, Manuel Diago 6. Santos, Efren Villanueva 7. Unas, Alejandro Cawalig Magallanes For Mayor 1. Bergado, Elvira, Antazo 2. Sisante, Edwin Villaran For Vice-Mayor 1. Maligaya, Jasmin Angelli Manalo 2. Mojica, Nerie Lamano

Indang For Mayor 1. Castillo, Eleuterio Sr. Pecho 2. Creus, Angeles Mojica 3. Dimero, Bienvenido Villa 4. Esfineli – Abutin, Lineth Fidel 5. Papa, Leonardo Herlan 6. Ramos, Constancio Jr. Sierra For Vice-Mayor 1. Cruzate, Leo Quibilan 2. Fidel, Perfecto Vidallon 3. Pinfin, Angel Sr. Vida 4. Rodillo, Carmen Cabuenas General Emilio Aguinaldo For Mayor 1. Angue, Anselmo Paiton 2. Belostrino, Bienvenido Papa 3. Malimban, Reynato Panganiban 4. Paiton, Gerardo Anciano For Vice-Mayor 1. Arcayos, Pacencia De Zosa 2. Beratio, Hajji Flor V. Ubaldo 3. Glean, Honorato Roberto 4. Golfo, Apolonio Angue Alfonso For Mayor 1. Jimeno, Amorliot Del Mundo 2. Peñano, Jose Dominguez 3. Varias, Virgilio Pineda For Vice-Mayor 1. Rosanes, Juanito Escover 2. Rosell Mario Aviñante 3.Vidallon, Agnes Cruz Tagaytay For Mayor 1. Taruc, Arnel Bagay 2. Tolentino, Abraham For Vice-Mayor 1. De Castro, Celso Parra 2. Tan, Ronald Colores Dahil sa kakulangan ng espasyo ay hindi na naisama ang listahan ng mga kandidato na tatakbo para sa councilor sa iba’t ibang bayan.


DISYEMBRE 06 -12, 2009

ROSARIO VICE MAYOR JHING-JHING HERNANDEZ

7

NI EROS ATALIA

MARAMING nag-aakala na ang bise-mayor ay parang spare tire lamang o pamalit sa mayor. Pero hindi iyan ang aktuwal na tungkuln ng isang bise alkalde. Ang bise-alkalde ang siyang puno o presiding officer ng konseho ng isang siyudad o munisipalidad. Siyang punong lehislatura sa bayang kanyang nasasakupan. Ang tunog ng pukpok ng kanyang malyete ay isang kautusan, pagtitibay at batas na dapat sundin. Magiging paralisa ang isang bayan kung ang bise-alkalde o punong lehislatura ay walang sapat na kaalaman sa kanyang tungkuling ginagampanan. Maaari ding malagay sa alanganin ang isang bayan o maging ang buong konseho kung walang sapat na kaalaman ang nagpapatakbo nito. Kasabihan ngang kahit sino ay maaaring maging mayor, pero hindi lahat ay maaaring maging vice mayor. Pero ganunpaman, maraming insidente sa maraming lugar na ang nahahalal na bise alkalde ay walang sapat na kakayahan upang pamunuan ang sanggunian. Kaya naman kadalasan ay naaantala ang mga serbisyong dapat sana ay maideliber agad sa mamamayan. Pero sa bayan ng Rosario, lahat ng karampatang batas at serbisyo na nangangailangang idaan sa konseho ay maibibigay sa tao ng maayos at naaayon sa panahon dahil sa kasanayan ng namumuno nito— si Vice Mayor Jose Rozel ‘Jhing-jhing’ E. Hernandez. Si Jhing-jhing ay nagsimula bilang Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa kanilang barangay. Nahalal bilang federation president at pinakabatang miyembro ng konseho. Hindi pa man natatapos ang kanyang termino ay hinimok na itong tumakbo bilang konsehal ng bayan noong taong 1995 at nagkamit ng pinakamaraming bilang ng boto. Napanatili niya ang pagiging topnotcher sa tatlong termino hanggang sa mahalal naman

siya bilang pangulo ng Cavite Councilors League (CCL), na siyang nagbigay naman sa kanya ng pagkakataon magsilbi bilang ex-officio provincial board member ng lalawigan. Sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng CCL na may katumbas na katungkulan ng isang board member, si Jhing-jhing ay nakilala sa buong lalawigan. Kaya naman lalong dumami ang mga institusyon na kanyang napaglingkuran. Sa kabila ng lahat ng iyon, kailanman ay hindi niya nakalimutan ang mga kababayan sa Rosario at hindi rin siya nakalimutan ng mga ito. Patunay ang dagsa ng mamamayan ng bayan ng Rosario sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo. Taong 2004 nang mapagkaisahan ng partido na isabak si Jhingjhing sa pagka-bise alkalde ng Rosario, at doon ay napatunayan niyang hinog na ang kanyang kaalaman at kakayahan laban sa kanyang mga katunggaling mas may edad sa kanya. Walang dudang tinangkilik at isinulong siya ng mamamayan ng Rosario. Lalo na ng dumanas siya ng panggigipit sa larangan ng pulitika at pinagkaitan ng pagkakataon na ganap na makatulong sa mamamayan ng Rosario dahil sa kanyang matapang na pagsansala sa Sangguniang Bayan ng mga proyek-

tong makasarili, hindi makatao at hindi makatwiran. Nakipaglaban at itinaguyod ang tama at naaayon sa isinasaad ng batas. Buong tatag ding tiniis ni Jhing-jhing ang ilang taong tiniis ni Jhing-jhing ang sakit ng pagkakait sa kanya ng anumang karapatan sa munisipyo. Ganunpaman, sa kabila ng lahat ng ito ay hindi hiniwalay si Jhing-jhing ng kanyang mga kababayang tunay na nagmamahal at nagtaguyod sa kanya. At hindi n’ya rin ito iniwan kahit sa panahon ng kalamidad. Dahil sa mga pangyayaring ito, nakuha ni Jhing-jhing ang puso ng kanyang mga kababayan. Lalo siyang minahal at tinangkilik ng mga mamamayan ng Rosario ng nakaraang eleksyon ng 2007. Sa ngayon, sa kanyang huling termino, walang sinuman ang nangahas na tapatan si Jhing-jihing. Isang malakas na indikasyon na patuloy siyang minamahal at tin a tangkilik ng kany a n g mamamayan. — Pagkain sa bawat hapag, dingding na may diploma at disenteng tahanan, iyan ang aking pangarap sa bawat sambahayan ng Rosario.— Vice Mayor Jhing-jhing Hernandez.


8

DISYEMBRE 06 -12, 2009

Walang Delicadeza

INDANG, CAVITE –Mula ng mapatalsik sa Malacañang si dating Pangulo Joseph Ejercito –Estrada noong Enero 2001 ay magsi-siyam na taon ng nakaupo sa poder ng kapangyarihan si Gng. Gloria Macapagal –Arroyo, paumanhin kung hindi ko siya matawag na Pangulo dahil para sa akin ay kwestiyonable pa rin ang kanyang pagkapanalo noong 2004 dahil sa maliwanag pa sa sikat ng araw ang nagdudumilat na katotohanan ng patunay ng pandaraya, at tanging bingi o abnormal lamang o yaong mga sipsip at alagad lamang niya ang hindi naniniwala sa tape o cd ng Hello Garci Scandal na buhay na buhay na ebidensiya. Datapwat kung mala-telenobela ang kanyang pagkakaupo noon sa Malacañang ay mistulang sa dramatikong pamamaraan din ang scripted na pagsugod ng mga binayarang tao papuntang palasyo para umano kumbinsihin si GMA na tumakbo bilang Kongresista ng Pampanga. Matapos iyon ay kunwari’y nag-isip pa si GMA bago nakabuo ng desisyon na tumuloy nga sa pagpa-file para kumandidatong representante ng kanyang distrito. Datapwat noon pa man ay malinaw na sa atin na ang napakaraming beses niyang pagbisita sa Pampanga partikular sa kanyang distrito dala ang sarisaring caravan katulad ng medical and dental missions, jobs fair, infrastructure projects at iba pa ay hudyat lamang ng pagpapabango sa kanyang mga cabalen para nga muling mapalapit sa mga taga-kanila at muling maiboto. Sabagay wala naman sanang masama kung siya ay kumandidatong muli sa mas mababa na lamang na pwesto, datapwat sinusuportahan ko ang panawa-

gan ni dating Pangulo Fidel Valdez –Ramos na dapat ay magbitiw na muna si GMA sa pagka-Pangulo kung may natitira pa itong delicadeza sa kanyang sarili. Alam naman natin na kung ikaw ay Pangulo at kakandidato ka ay napakasagwang tingnan na hindi ka man lang mag-resign o bumaba sa pwesto sapagkat bilang Pangulo ay ikaw ang Commander in Chief ng AFP, maging ng PNP at may kakayanan ka na makialam at maglabas ng mga pondo para sa kampanyahan. At ano nga ba ang nangyari noong halalang pampanguluhan noong 2004 hindi ba at hindi rin siya bumaba sa pwesto na kahit nangangampanya ay nanatiling Pangulo pa rin siya kaya naman pati mga pondo ng ibat-ibang ahensiya ng gobyerno ay naubos dahil ginamit sa kampanyahan. Ang successor niya noong panahong iyon ay si dating Vice President Teofisto Guingona na dapat sana ay siyang hahaliling Pangulo kung siya ay bumaba para muling kumandidato sa pampanguluhan datapwat sa binitawan na niya ngayong salita na hindinghindi siya bababa ay mukang hindi rin makakatikim ang kanyang successor na si Vice President Noli de Castro na humaliling Pangulo ng bansa ngayong siya ay nagdesisyon ng muling kumandidato bilang Kongresista naman ng Pampanga. Datapwat malamang na planado ang kanyang pagtakbo sapagkat kung siya ay magwawagi at magiging representante at muling maisulong pa rin ang charter change mula sa presidential form of government patungo sa parliamentary form of government ay maaari siyang makabalik sa estado poder bilang pinakamataas na Prime Minister, samakatuwid ay siya uli ang nasa tuktok at maghahari. Sapagkat napakadaming pagkakasala sa bayan ay malamang na natatakot sa senaryong sinapit noon ng dating Pangulong Estrada sapagkat mas mahihigitan pa niya ang dating Pangulo sa sandamakmak na nakaumang na maaaring ikaso sa kanya ng sam-

Mga Posibleng Sakit Ngayong Pasko

KAKATAPOS pa lang ng Pasko. Masaya ang karamihan sa mga bata. Naka-boundary ang marami sa kanila. Ang mga matatanda, parang nalugi ang lugawan. Paano ba naman, isang batalyong bata ang sumugod sa kanilang bahay. Laglag ang balikat at butas ang bulsa ng

mga ninong at ninang ngayon. Tiyak, abot-abot ang buntong hininga ng mga ninong at ninang dahil sa legal na panghoholdap sa mga panahong ito. Pero may mga ninong at ninang na laging nagkakasakit tuwing magpa-Pasko. Hindi maipaliwanag ng siyensya ang sanhi ng mga sakit na ito, pero parang may pattern ang sakit. Ang madalas na makitang sintomas ay ang pagiging makakalimutin at iba pa. At narito ang ilang dialogue: 1. Naku, inaanak ba kita? Sorry hindi kita naibilang sa listahan. Any-

way, pagtyagaan mo na lang muna itong bente pesos. Next year tatandaan na kita, ha? 2. Ay, naku nagkasalisihan kayo ng ninang mo. Papunta na sya sa inyo, dala yung pamasko mo (tapos, kapag bumalik yung inaanak at sinabing hindi nagpunta sa kanila ang kanyang ninang, ganito ang sagot) Ay oo nga, hindi nya na matandaan yung lugar nyo kaya umuwi na sya. Kaso, pagdating nya, nalaglag yung pitaka nya. Naku, malamang may nakapulot na nun. Isipin mo na lang napunta yun sa mas mangangailangan. Mabait ka naman hindi ba inaanak? Isipin mo na lang, ikaw ang nagbigay doon sa mas nangangailangan. 3. Balik ka na lang, mamaya, nawawala ang pitaka ko, hindi ko alam kung saan nabitawan. 4. Isanlibong buo, ang pera ko, hindi ako nakapagpapalit. May papalit ka rito inaanak? (natural wala). Ay, naku, balik ka na lang sa New Year ha? 5. Napagsarhan ako ng bangko kahapon inaanak? Tapos, holiday daw hanggang January 4. January 5 na ang bangko. Kaya, January 6 ka na lang punta ha?

6. Pasensya na inaanak, pasko nga pala ngayon. Dalawang buwan ko na palang hindi napapalitan ang kalendaryo ko. Kala ko, Oktubre pa lang ngayon. Ah, para sakto, balik ka na lang dito dalawang buwan mula ngayon ha? 7. Inaanak, alam ko na importante sa iyo ang pag-iipon ng pera. Kaya, inipon ko na ang Pamasko ko sa iyo. Parang time deposit. Makukuha mo sa akin after ten years. 8. Hindi ko pala nasabi agad sa iyo, nagpalit na pala ako ng relihiyon, kahapon lang. Hindi na pala ako Kristyano. Ipinagbawal na sa amin ang pagse-celebrate ng Christmas. Ligtas ka na ba inaanak? Narito ang mabuting balita ng kaligtasan. 9. Kagabi, namili na ako ng mga panregalo sa inyo. Kaso, naholdap naman ang sinasakyan ko. Kinuha lahat ng mga panregalo nang wala akong maibigay na pera. 10. Galing ako sa bangko kahapon. Hinoldap yung bangko kahapon. Tinangay pati yung mga pitaka namin. Nandoon pa naman ang pamasko ko sa iyo. Buti na lang hindi sinaktan

bayanan. Kung kaya para maiwasan o matakasan ang mga kaso at ang bilangguan ay muli siyang tatakbo para sa immunity niya sa mga ito. Kaya naman sari-saring senaryo ang maaaring maganap gaya ng pumutok noon na planong pagbaba ng batas militar, biglaang no election scenario at ang tangkang pagkilos o pagkudeta pabor kay GMA ng isang PMA Class kung saan adopted o honorary member siya nito. SUNDAN SA PAHINA 12

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN : Mahirap paniwalaan subalit tiyak na magaganap na di ka naman humhingi ng anuman. Ikaw ay bibigyan at ang ibibigay sayo at sobrang ikatutuw mo. Lucky days / nos. : Monday / Wednesday = 7 – 14 – 35 – 39 – 41 – 42 AQUARIUS : Ito ang araw na sa di sinasadyang pagkakataon, bigla-biglang makakaharap mo nang mukahaan ang iyong suwerte sa buhay. Nagsasabi ring sobrang gaganda ang iyong kapalaran. Luck days / nos. : Tuesday / Thursday = 1 – 10 – 16 – 28 – 31 – 34 PISCES : Ito ang araw na kahit saan ka pumunta nakasunod sayo ang saya. Ang magtangkang bigyan ka ng kalungkutan, sila o siya ang mismong darapuan ng lungkot at kabiguan. Luck days / nos. : Wednesday / Friday = 2 – 4 – 30 – 40 – 41 – 44 ARIES : Ang problema sa relasyon kung patuloy na magbubulag-bulagan ay walang solusyon mangyayari. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyong nanganganib masira Luck days / nos. : Thursday / Saturday = 9 – 14 – 28 – 29 – 30 – 40 TAURUS : Suwerteng-suwerte ka! Saan ka man magpunta, iisa lang ang magaganap sa iyo, ang kaligayahan at pagsasaya ay laging kakambal mo. Samantalahin ang araw na ito ang kagalakan. Luck days / nos. : Friday / Sanday = 1 – 3 – 36 – 39 – 40 – 44 GEMINI : Isang tao ang aakit ng atensiyon. Bago mahulog ng lubos ang kalooban, alamin muna ng kanyang pinang-galingan at pagkatao. Luck days / nos. : Wednesday / Friday = 5 – 18 – 20 – 35 – 38 – 41 CANCER : Mag-ingat ka! May palatandaan na ikaw ay pagtatangkaang lokohin ng isang taong ubod ng bilis magsalita. Kapag naniwala ka agad. Huli na bago mo matuklasan na nabola ka na. Luck days / nos. : Tuesday / Friday = 13 – 25 – 27 – 28 – 30 – 35 LEO : Hirap ang iyong kalooban kapag iniisip mong layuan na ang iyong kasuyo. Subalit, ang araw na ito, inilaan upang mabigyan ng tsansa na matupad ang iyog paghihiwalay Luck days / nos. : Thursday / Saturday = 15 – 18 – 19 – 22 – 36 – 39 VIRGO : Hindi mo magawa ang sinabi mo sa sarili mong di mo ipapahalata na mahal mo ang isang taong lagi mong nakakasama. Ito ang araw na ikaw at siya ay magiging kayo na. Luck days / nos. : Monday / Tuesday = 14 – 17 – 26 – 33 – 39 – 42 LIBRA : Hindi totoo ang bintang ng mga taong malalapit sayo na wala kang mapapala sa piling ng iyong mahal. Dahil hindi naman sila ang umiibig kundi ikaw. Luck days / nos. : Wednesday / Thursday = 2 – 16 – 11 – 19 – 38 – 42 SCORPIO : Nakabukas at maluwag ang pintun ng pagkakataong makaangat ka sa mapangit na kalagayan. Samantalhin at lakasan ang loob mo, ngayon ka kumilos upang umasenso. Luck days / nos. : Friday / Saturday = 1 – 19 – 16 – 20 – 38 – 44 SAGITTARIUS : Anong sarap ng pakiramdam kapag nagkakabati kayo ng mahal mo pagkatapos ninyong magkagalit. Gayon, muli kayong magkakasamaan ng loob upang muling lumigaya.

ang ninong mo. Pamilyar ba ang ilan? Naku kung hindi pa, pwede nyong gamiting palusot ang ilan sa susunod na pasko. O kung hindi makaisip ng kung ano pa man, madali rin magpalusot. Tumungan-

ga maghapon. Kuntsabahin ang kasama sa bahay. Sabihin na may sakit ka ng amnesia o Alzheimer— sakit sa pagkalimot. Sabi ng doctor, next year pa ang paggaling. Sino ka? Crispin? Basilio?


TAONG BAYAN Kilatisin... ANG YAMAN NI ROMEO RAMOS NI SID LUNA SAMANIEGO

BLACK is beautiful. Ito ang napatunayan ni Romeo Gaudier “Ohmee/Negro” Ramos, kasalukuyang Vice-Mayor ng Cavite City at nagtatangkang maging puno ng nasabing lunsod. Ginugol ni Ohmee Ramos ang kanyang panahon at talino sa pakikihalubilo sa iba’t ibang samahan sa Cavite City lalung-lalo na sa paglilingkod bayan. Ang kasalukuyang vice-mayor na ito na nagtapos ng Management sa PSBA noong 1983 na nakapasa sa Career Service Sub-Professional (1987) at Professional (1989) ng Civil Service ay binusog ng karunungan mula sa karanasan at pagsasanay gaya ng Leadership Training at Seminar sa Effective Local Legislation, Urban Basic Service Program at napakarami pang iba. itim at lalong umitim nang kanyang nagagawa. maging lingkod bayan. “Bilang Vice-mayor, Negro na kung negro ang kapos ang kapangyarikatwiran niya, kahit pa- han ko upang makapagpaano minahal siya ng hatid ng serbisyo. Isa pa, tao. alam naman ng lahat... “Kahanga-hanga si mahirap lang ako. Hindi Ohmee... nakukuha pinalad na isinilang sa nyang hatiin ang kanyang karangyaan. Nalulungkot oras at lakas sa pagtu- ako kapag may lumalapit long sa kapwa, pag-oor- at wala akong ganoon ganisa ng kabataan, pag- kalaking maitulong... perlilingkod sa bayan at higit sonal ko ng pera, o kaya sa lahat, paglilingkod sa ay tulong ng mga kaibigsimbahan.” wika ng isang an at kapanalig, basta’t OHMEE RAMOS kaibigan ni Ramos sa makatulong lang. Kaya kahit alam kong wala Hindi niya ikinahihi- Knights of Columbus. Aminado si Ramos na akong pera, at walang yang tawagin siyang negro katunayan ipinagma- hirap syang kumilos sa sapat na koneksyon o malaki niya ang kulay ng kasalukuyan dahil sa makinarya... itinulak ako kanyang balat paliwanag dami ng lumalapit sa kan- ng iba’t ibang samahan, niya, dati na siyang ma- ya, limitado lamang ang grupo at indibidwal na

DISYEMBRE 06 -12, 2009 kumakatawan sa kanilang pangarap para sa Lunsod ng Cavite.” pagkukwento ni Ramos. Alam nya na hindi biro ang sinusulong nya ngayon. Maraming taong sangkot na makakabangga at makakasundo. At makakapangyarihan at maiimpluwensya ang mga taong binabanggit na ito. Pero nanaig sa kanya ang hamon ng panahon at mamamayan. “Bukas na aklat ang buhay ni Ohmee Ramos. Madalas syang makitang palakad-lakad lang sa lunsod at sa iba’t ibang okasyon na walang bitbit na sangkatutak na bodyguard at alalay. Kaya, anumang oras, pwedeng makausap at makakwentuhan. Hindi na kailangan pang dumaan ng mga tao na nais syang makilala sa mga masusungit at matatapang na asungot.” ang pagkukwento ng isang kritiko at tagapagmasid sa politika ng Cavite City. Sa isang panayam kay Ramos, nabanggit nito na “Naniniwala ako na nag-iisip ang mga taga-Cavite City. Alam nila na ang paglilingkod-bayan ay hindi nakatali sa dami ng pera, koneksyon sa mga dambuhalang politiko... taong bayan ang amo ko, taong bayan ang kawal ko, taong bayan ang yaman ko.” Pagwawakas ni Ramos.

KAILANGAN KO NG KAKAMPI!

SA mahigit na labinlimang taong pagtuturo ko sa private school, iba’t ibang ugali na ng mga magulang ang aking nakasalamuha. Lalo na kapag kaharap ko ang mga magulang ng mga ibinagsak ko sa Filipino, hindi iilan ang nagtataka at nagsasabing “Filipino lang, ibinagsak mo pa ang anak ko?”. Minamaliit ng marami ang araling sa tingin nila ay hindi naman mahalaga sa pagkatuto ng kanilang anak. Kung sabagay, hindi lamang mag magulang ang bumabalewala sa araling Filipino kundi maging mismong ang mga paaralan na ang atensyon ng pagtuturo ay sa English, Science at Mathematics. Sabi kasi ng gobyerno at ng DepEd, ito raw ang kailangan ng ating mga kabataan para maging “globally competitive”. Ang totoo ay isa itong programa ng gobyerno upang ihanda ang ating mga propesyunal para sa mga call centers at sa pangangailangan ng dayong kapital sa lakas paggawa. Isa rin itong anyo ng pagtakas sa responsibilidad ng gobyerno na makapagbigay ng oportunidad sa ating mga kababayan na magkaroon ng disenteng trabaho sa sariling bayan. Ang solusyon ng gobyerno ay i-eksport tayong mga Pilipino. Kung kaya, ang kasalukuyang sistema n gating edukasyon ay preparasyon upang lahat tayo ay mangibang bayan. Habang nagpipiyesta ang mga dambuhalang kompanyang multinasyunal sa ating likas-yaman at murang lakas paggawa ay naghahanda naman ang ating mga kabataan na mag-abroad. Ang resulta, alipin tayo ng mga dayuhan sa ating sariling bansa at alipin din tayo ng mga dayuhan kahit saang panig ng mundo. Tambakan tayo ng mga surplus

products ng US, Japan, Korea at China at nagkakandarapa naman ang ating mga mamamayan na magtrabaho sa mga bansang nabanggit. Ang kasalukuyang kalgayan natin ay hindi ang pinangarap para sa atin n gating mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Macario Sakay at marami pang iba. Ika-22 ng Agosto, 2006 nang lumabas ang DepEd Order no.36 na naglalaman ng pamamaraan kung papaano ipatutupad sa mga paaralan ang E.O. 210. Sa ilalim ng E.O 210, 70% ng kabuuang oras ng pagtuturo sa lahat ng antas sa elementarya at hayskul ay dapat gugulin gamit ang English bilang medium of instruction. Sa hayskul, ang English ay dapat gamitin nang hindi bababa sa 300 minuto kada linggo. Ang Science ay dapat komunsumo ng 360 minto kada linggo habang ang Mathematics ay dapat ituro nang hindi bababa sa 300 minto rin kada linggo. Samantala, ang Filipino at Araling Panlipunan ay tig-240 minuto lamang kada linggo. Ibig sabihin, talagang priority subjects ang English, Science at Math. Mapaminsala rin ang bunga ng patakarang MAKABAYAN kung saan ikinabit ang Araling Panlipunan sa Music, Arts, PE at Technology and Livelihood Education. Dahil dito, kahit hindi mag-aral ng kasayasayan at heograpiya ang mga kabataan ay makakapasa pa rin sila sa grade ng MAKABAYAN kapag mataas ang grade nila sa Music PE at TLE. Pinalabnaw ng MAKABAYAN an gating pagpapahalaga sa kasaysayan na siya sanang mabisang pundasyon upang patatagin ang nasyonalismo sa puso at diwa n gating mga kabataan. Ang kolonyal na sistema ng ating edukasyon ay nanganak ng henerasyon ng kabataang tamad magbasa ng Ibong Adaran, Florante at Laura, Noli Me Tangere at El Filibusterismo ngunit masigasig na nagbabasa ng Lord of The Rings, Harry Potter at Twilight. ITUTULOY SA SUSUNOD NA ISYU

9

GREETINGS!!! Happy 5th Birthday to Akihero Jinzai H. Samaniego greetings coming from: Mama and Papa

Congratutions to Charleson S. Morapa board passer of Civil Engineer board exam.

Belated happy 43rd birthday to Oscar V. Dela Cruz last December 2, 2009, “have many more birthdays to come” from MRES PTA OFFICERS. Happy 4th birthday to CJ Trinidad (December 03, 2009) Greetings from Mama, Ate Kikay, Daddy, Tita Ruth, Lola Shierly, Lolo Cris Trinidad, Leony, Mae, Darren, and Trinidad Fam. Belated Happy 7th birthday to Joshua Emmanuel Samonte last December 5, may you have more birthdays to come. Greetings from Ate Chay and Mamang Mel Belated Happy Eidl Adha Celebration Greetings coming from Sokor M. TomaraPresident of Muslim Association and Sultan Ottowa Palantig Executive for Administration Affairs in Cavite City

Merry Christmas and Happy New Year to all the employees of Keansburg Marketing Corp. Greetings coming from the Market Territory Manager Jesus C. Hieras Jr. Happy Birthday to Mama “Alica Lara” We love you..from Camil, Cheenee, Calvin *** Happy 17th Birthday to Desiree Ann Cresino on December 15, 2009.

Belated Happy birthday to Wendy M. Collera last December 5, 2009 Greetings coming from Mama and Papa


10

DISYEMBRE 06 -12, 2009 may panahong ginagawa lamang ang kabaong ng sanggol na pinapalamutian ng bulaklak ng kalatsutsi.

ANG ROSARIO CANTADA Sa mga bayan sa Kabite ay ginagawa ang padasal sa mga namatay na tinataag na rosario cantada. Pag-awit ito ng rosaryo na sinasaliwan ng banda. Inaawit ito sa wikang Latin at ginaganap sa bahay ng namatayan sa mga araw ng tibao at ibis-lukha (tingnan ang mga ito sa susunod na pahina)inaabot ang nasasabing pagdarasal nang isang oras. Gingawa rin ito sa mga pantyon kapag araw ng mga patay katulad sa bayan ng Heneral trias. MGA SINAUNANG PAGLILIBING Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon, halos hindi na raw umaalis sa panyon ang mag-amang Gracias at kikoy. Ayon kay Mang Kikoy, tumutulong siya sa kanyang ama sa paglilib-

ing ng mga bangkay. Ayon pa sakanya, hindi ibinuburol nang matagalan noon ang mga bangkay, pinakamatagal na ang abutin ito ng dalwanag gabi. Pinagtutulung-tulungang gawin ng mga kapit-bahay ang kabaong at kinukulayan ito ng makintab na barnis. Nilalagyan ng apog (lime) ang loob ng kabaong upang ang likuran ng bangkay ay hindi magpawis at maiwasan ang madaling pangangamoy nito (Sa kalapit n lalawigan ng Batangas, sa bayan ng Tuy, kapeng barako ang inilalagay sa kabaong). Nang mga libangan noon ay sa lupa lamang kung kaya’t napakabilis ng pagkaagnas ng mga bangkay. Ang natatandaang punerarya ni mang Kikoy na nagseserbisyo matapos ang panahon ng Hapon ay ang Alvarez Funeral Homes. Sa ilang bayan ng Kabite, particular sa Imus,

MGA KASIYAHAN SA PANAHON NG PAGLALAMAY Tibao, ang tawag sa pagdiriwang sa ikatlo at ikasiyam na araw mula sa petsa ng pagluluksa sa bahay ng yumao. Ang panahon ng pagluluksang ito na tinatawag na sipa ay tumatagal ng siyam na araw matapos ang paglilibing. Sa loob ng panahong ito ang pamilya at mga kamag-anakan ng yumao ay nagdarasal at nagnonobena. Mayroong tinatawag ng libad, isang uri ng kasiyahan na may halong kantahan at sayawan sa bahay ng namatayan. Ang uri na palabas na ito at ginagawa ng mga kabinataan at kadalagahan. Ang mga lalaki ay magpuputong ng sombrero sa babaing nais niyang makasayaw, may musikong tumutugtog (ang tugtog ay parang sa karakul); at ayon kay mang kikoy, isa sa mga halimbawa ng inaawit dito ay : “Aburay, abarinding, isauli mo ang singsing kung di mo isasauli, magagalit ang may-ari…:”

Si Pound-for-Pound King Manny Pacquiao kasama si Partylist ng Bayaning Atleta (PBA) founder Dino Chua at former PBA player Chris Bulado nang magfile ng Certificate of Candidacy (COC) ang nasabing Partylist sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros, Maynila.

ginagawa ang pag-awit ng mga kalalakihan habang lumalapit sa kadalagahan na nais nilang patungan ng sombrero para isayaw, at pagkataps nilang putong ang sombrero, magsasayaw sila ng parang karakul. May mga kinagisnan ding laro sa panahon ng paglalamay ang mga kabataan sa Kabite kagaya ng Batis-batisan, juego de preneda, Larong singsing at larong Bote. MGA TRADISYON MATAPOS ANG PAGLILIBING Ibis-luksa o babang luksa, ang tawag sa pagdiriwang na ginaganap sa bahay ng namatay matapos ang isang taon mula sa araw ng kamatayan. Sa panahong ito hindi na magsusuot pa ng mga damit panluksa (mga itim na kasuotan). Kadalasang sa mga pagdiriwang na ito ay pansit at palutang. ISANG NATATANGING LIBING

Sa lungsod ng Kabite, may isang natatanging kuwento tungkol sa hiwaga ng pangyayari sa pagkamatay ni Kgg. Augusto Adriosola Reyes (Enro 31, 1892-Hulyo 3, 1925) kauna-unahang kinatawan ng buong lalawigan noong panahon ng Amerikano (bago ito naging lungsod). Namatay si Augusto sa edad na 33 taon pa lamang. Sinasabing sa libing ni Augusto ang isa sa pinakamaranyang libing na nasaksihan ng mga taga-Lungsod ng

Kabite. Ang kanyang bangkay ay inimbalsamo ng isang Aleman at hindi inililibing sa loob ng nitso ayon sa napagkasunduan ng mga kaanak. Tumagal ang bangkay sa musoleo (na nakalantad sa publiko) ng humigitkumulang sa dalawang taon bago ito nagsimulang maagnas. Sinasabing sa loob ng panahong ito, pinapalitan ng damit tuwing lingo ng kanyang kapatid na si Minerva, isang parmasiyutika ang bangkay ni Augusto.

SUNDOT LAPIROT... mula sa pahina 4 Sa pagkakaalam ng ating informant na nag-email sa atin, malakas ang kapit ng nasabing operator/protector dahil hanggang sa kaitaas-taasan ng mga bossing sa mga nasabing munisipyo ang kanyang kontak. Aba,aba, aba, ayaw nina Mayor Strike at Hit na madamay ang kanilang mga pangalan. Mga ser, may isang nag-aastig-astigan sa inyong lugar, pakisita lang po. Mula po sa inyong lugar ang nagsumbong... wag po nating kalimutan... malapit na ang May 2010. Salamat po! Sa inyong sumbong, reklamo, mungkahi at puna sa aking kolum o anumang bahagi ng Responde Cavite, maaari po kayong mag-email sa: ulat@ respondecavite.com at respondecavite@yahoo.com o bisitahin ang ating website na www.respon decavite.com upang makipagpalitan ng opinion sa discussion thread. Salamat po!

Publication: RESPONDE CAVITE

Dates:December 5 & 12, 2009


DISYEMBRE 06 -12, 2009

P ULO D AY DA

11

PINAGBABAWALANG MAGKA-BOYFRIEND Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Pinagbabawalan po akong makipagkasintahan. Hahaha! Ano po ang gagawin ko? Virgie ng Brgy. Biclatan, Gen. Trias, Cavite

Kinilala nina Prof. Fredirico Silao ng Responde Cavite at Barangay Pulo Capt. Rodolfo Peñalba ang ilang piling katandaan sa nasabing barangay para sa kanilang naiambag sa kultura at tradisyon.

Ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Pulo matapos ang isinagawang parada ng mga litson manok sa nakaraang Araw ng Pulo.

Mahal kong Virgie, Alamin mo muna kung bakit ka pinagbabawalan. Kung pinagbabawalan ka dahil sa edad mo, siguro ay nakikita nila, (halimbawa ng mga magulang,) na hindi sapat ang iyong gulang para pumasok sa isang relasyon. Ibig sabihin ng gulang ay taon sa edad, ibig sabihin, saglit ka pa lang na naninirahan sa mundong ibabaw at hindi pa ngayon ang panahon para asikasuhin mo ang pakikipagrelasyon. In other words, sa edad mong ‘yan, hindi pa pakikipagkasintahan ang dapat mong hinaharap. Ibig ding sabihin ng gulang ay iyong pagka“wais.” Marahil ay naiisip ng magulang mong naïve o wala ka pang muwang

Ilang tula ni Dr. Lorenzo B. Paredes Then, joyous, mark Time’s happy flight.

Our brigther day

But toiling, the radiant day May darken ere the noon be night; Clouds may cross the blue deep fly, Wild storm-winds sweep the blooms away, And drive the song-bird from the spray; Or rainy eye may give the lie To the sweet promises that lay At morn upon the earth and sky.

Oh, toiling one, it is the dawn Comes crimson, gold and amethyst, And silver cloud and purple mist Across the deeps blue are dawn The shadow hunted night is gone, For sweet Aurora’s lips have kissed The eyelids of the waking morn, And all the darkness id\s dismissed.

O soul, record not now hour; Wait thou, - the sun will shine again; Life shall not always walk with pain, Nor poverty be all they dower. Toil on for truth and right nor cower To evil and the mighty train; Thy work shall win the victor’s power And thou shall reap the golden grain.

Sunrise is on the hills; and no The world is full of golden light, The flowers in field, and wood are bright. And the birds sing on the mango bough. When labor whistle at his plow, And naught but beauty greets the sight, When gladness blooms on life and brow,

MY NATIVE LAND Dedicated to REM This is Philippines, ashen-gray, Deep-scored and scarred by the rough hand Of desolating Time-a land Of dead things, mournful in decay

sa maraming bagay na may kinalaman sa relasyon. Natatakot silang ikaw ay maloko lamang o di kaya ay masaktan. Ang pinakamainam na gawin kung nais mo talagang magkaroon ng kasintahan ngayon kahit sa tingin mo ay hindi pa sapat ang iyong edad, ay ipakita mo sa mga magulang mo o sa mga nakatatanda sa iyo na kayang kaya mong maging responsable sa lahat ng pagkakataon. At higit sa lahat, na ikaw ay marunong magtanggol sa sarili. Sumali ka sa mga usapin o suliraning may kinalaman sa inyong pamilya. Mas maging vocal sa iyong mga opinyon, nang hindi nawawalan ng respeto sa kausap siyempre. Ipakita ang tuloy-tuloy na pagtaas ng iyong grado. Panatilihin mo ang paguwi sa tamang oras. Patuloy mong gawin at tapusin ang mga pina-

gagawa at pinatatapos sa iyo sa takdang panahon. Ilan lamang iyan sa pagpapakita ng pagiging responsable at pagiging mature. Pagkatapos, kuwentuhan mo sila tungkol sa taong nagugustuhan mo. Ikuwento mo kung paano kang nai-inspire na paggihan pa ang lahat ng iyong ginagawa dahil sa kanya. Gawin mo siyang bukambibig mo. Tiyak na madarama nilang gustong gusto mo ang taong ito. Tiyak din na madarama mo kung papayagan ka na nilang makipagkasintahan sa kanya o hindi. Kung hindi ka pa rin payagan, sundin mo na muna sila. Alam mo kasi, mas kilala ka nila kaysa sa akin. Marami silang alam na hindi ko alam. Higit sa lahat, the best pa ring tagapagbigaypayo ay iyong mga taong nagmamahal sa iyo. Nagmamahal, Ate Bebang

Blue sea, blue sky, shut in storm-threshed ring, And they who endlessly go to and fro, The winds – the bitter from their bow. Long since died summer, long since pressure died; For hence August’s fled, with all its purple pride, Its gloom, its silence and its pain; And now on, on they press, The hordes of winter, wild and pitiless, Bringing the darkness once again. Yonder the village lies and weepsIts roofs, that from storm decline, Squalid and sad, in crouching heaps Like huddle kine; The night droops down, the horizon melts and fades, The thunder-clouds give tongue, and faint In answer one far bell from out the creeping shades Wails softly, like a little child’s complaint. And there, where in confusion lie The tresses of the land, With mourning measureless, go by The long, dim lines of ghostly sand; The shore is desolate, the birds are flown, On the salt flats a ship heels slowly, sinking down As ebbs the sea, so flows the night, The vacant, black and infinite.


SULONG BAYAN... mula sa pahina 8 Lahat iyan ay posible pa rin makapanatili lamang sa poder ng kapangyarihan at huwag lang makasuhan at mabilanggo sa pagkakasala sa bayan. Tatlo ang oposisyon o makakalaban ni GMA sa pagkakongresista sa kanyang distrito sa Pampanga, datapwat kung magiging malinis lamang ang magiging botohan doon ay malamang na may pag-asa naman ang alin man sa isa sa tatlong katunggali nito. Si GMA ay walang delicadeza at walang kahihiyan na tatakbo pa gayong dapat sanang una niyang atupagin ay ang resolbahin, papanagutin at bigyan ng hustisya ang naganap na Maguindanao Massacre. Sa kabilang banda ay batbat pa rin ng anomalya at katiwalian ang kanyang pamunuan, idagdag pa ang talamak na kagutuman at kahirapan sa ating bansa kung saan ang ating mga kawawang kababayan ay kapit na sa patalim makakain lamang pamilya at mabuhay lamang dangang magbenta ng laman o katawan at magbenta ng kanilang mga internal organs gaya ng bato o kidney at iba pa, grabe nakakalungkot talagang isipin na dinadanas ito ng ating mga kapwa-Pilipino sa ngayon sa ilalim ng administrasyong Macapagal – Arroyo at sa anyo ng kasalukuyang tipo ng pangekonomiya at pampulitikang sistema ng gobyerno na hindi na talaga angkop at ubra sa ating bansa ngayon.

SENIOR...

Katulad ng Bailen, ang dating kaputol ng Carmona ay naging Gen. Mariano AlMula sa pahina 5 varez. Di pa nararapat lamang na ang bayan ng Noveleta ang maging Gen. Mariano Alvarez katulad rin ng Kawit na ang pamumuno ay mananatiling buhay sa angkan ng Alvarez? Tapos na ang dating San Francisco de Malabon na naging Gen. Trias. Ang angkan ng Ferrer at Kampanya ay maghahanap na lamang ng barangay, paaralan o kalsada na maging matibay na alaala ng kanilang paglilingkod sa sariling bayan. Posibleng ang Dasmarinas na isa na ngayong Distrito ay maging ‘conjugal property’ ng Barzaga. Bahala ng humanap ng sariling bantayog ang angkan ng Catimbuhan, Carungcong at Campos. Puwedengpuwede din na ang Bacoor ay maging Revilla lalo na kung ito ang sang-ayunan ng mga mamamayan. Ang Mendez ay posibleng maging Mendoza, ang Magallanes ay Beratio at ang Bailen (ngayo’y Gen. Aguinaldo) ay Belustrino. Ang Indang ay maari ding isapangalan sa Remulla, sa kabila na mga national at local na bayani nito. Noong kapanalig pa ni Pres. GMA si Kinatawang Boying Remulla, isang dakot na proyekto ang iniregalo nito sa Indang. Lalong higit na kapanipaniwala ang paglilingkod ni Boying sa Indang ng gawin niyang residensya ang Queentown Farm ng Indang na siyang naging sentro ng mga tulong na pang-medical, pangedukasyon at pangkabuhayan sa Indang at ibang bayan ng Third District. Ang ‘Conjugality’ ay nagpapawalang bisa sa alituntunin ng Saligang Batas laban sa ‘family dynasty’. Maaring maganda ang hangarin ng isang pamilya na maipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa bayan,datapwa’t ito naman ang pipigil sa hangarin ng iba na tumakbo sa eleksyon at makapaglingkod din naman sa bayan. Kapit-tuko ang mga batikang politico sa mga poder ng kapangyarihan. ‘Conjugal Property’ ang maaring tawag sa mga puwesto ayaw nilang iwanan. Sa masama o mabuti, ito ang reyalidad sa kasalukuyang takbo ng pulitika sa Cavite at Pilipinas.

DASMARIÑAS, CAVITE – Inihatid sa tagumpay nina Wolfgang at Christine sa pagkapanalo ang kanilang mga guest partners sa naganap na 13th Founders Cup tournament kamakailan sa nasabing bayan. Ang naturang tournament ay ginanap sa ilalim ng Orchard Golf and Country Club sa Dasmariñas, Cavie. Sa tournament ay

Or char dF ounder s Cup Orc hard Founder ounders

naging tie ang laban sa pagitan nina Wolfgang at ng partner nito na si Dennis Reyes at Christine na partner naman Rita Horan sa puntos na 129, ngunit nagwagi pa rin ang tandem nina Christine at Rita pagkatapos manalo sa countback. Nakamit nina Christine at Rita ang Class A champion thropy.

Nakamit naman nina Ben Malcontento at Henrick Tan ang Class B division, sina Angelito Colona at Joel Bodegon naman sa Class C division, at Julio Javier II at Alfredo Cebedo ang Class D division. At nakuha naman Cesar Munoz at Lito Castrillo ang sponsors division. Ang tournamaent na-

man ay pinangunahan ng Honda Cars Cavite, Mizuno, Philippine Airlines and Sta. Lucia Realty & Development Corp. while BDO, Orchard Properties, Phil Ports Authority, Security Bank Corp., The Turf Company, at Trends & Technologies, Inc. bilang mga sponsors ng nasabing golf tournament. JUN ISIDRO

BUONG gilas na nagpa,alas ng kani-kanilang talento sa pagsasayaw ang mga mag-aaral ng School on Wheel ni Teacher Arnel Laparan. Ito ay isang paraan ng pasasalamat ng mga batang natuto sa proyektong school on wheels na itinataguyod naman ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosario sa pangunguna ni Mayor Nonong Ricafrente. Dumalo sa nasabing okasyon ang mga masugid na tumutulong sa programang shool on wheel na sina Vice Mayor Jhing-jhing Hernandez, Coun. Pio Vivo, former Vice Mayor Dino Chua, Readers Digest writer Rose Harper at pamilya ng Responde Cavite na kinabibilangan nina Prof. Frederico Silao at Prof. Eros Atalia. NI WILLY GENERAGA

Magnanakaw, tiklo sa unang pagtatangka ROSARIO, CAVITE – tiklo ang isang dayong babae dahil sa pagnanakaw sa SM Rosario, kamakailan. Kinalala ang suspek na si Grace dela Sabre, 28-taong gulang at kasalukuyang residente ng 133 Codima Malabon, Metro Manila. Ayon sa impormasyong nakalap ng Responde Cavite sa tulong ng

pulisya ng Rosario, Cavite: dakong 7:30 ng gabi nang mahuli ni Reynan A. Llagas, isang security guard ng SM Rosario, si dela Sabre na kumuha ng tatlong lata ng gatas na nagkakahalaga ng P3,837 na wala di umanong bayad o permiso sa SM Supermarket. Dinala sa presinto ang suspek upang la-

long maimbestigahan at upang masampahan ng karampatang kaso. Tinatayang ito ang kaunahang ulat ng pagnanakaw na naganap sa bagong tayong SM Rosario. Mas pinag-igting naman ng pulisya ng Rosario ang pagbabantay para sa siguridad ng mamayan ng nasabing bayan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.