2
DISYEMBRE 13 -19, 2009
Asset ng CIDG pinagbabaril, patay CAVITE CITY – Isang hinihinalang asset ng pulis ang pinagbabaril kamakailan matapos na ito ay bumili ng sigarilyo sa isang panaderya. Kinilala ni P/Supt. Simnar Semacio Gran, hepe ng kapulisan sa bayang ito ang biktima na si Rodolfo Avellanoza y Gumpal, a.ka. “Bong Talahib”, 37 taong gulang, binata, walang trabaho, residente ng 592 Mateo St. Sta. Cruz, Cavite City. Subalit mabilis naman tumakas ang suspek matapos ang pangyayari sa di malamang direksyon. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite kay PO1 Nick Balberan, nangyari ang pananam-
bang sa asset ng pulis na si Bong Talahib noong Dec. 5, 2009 sa panulukan ng Ronquillo St. dakong alas 8:45 ng gabi
matapos na ito diumano ay bumili ng sigarilyo sa bakery. Nakuha sa crime site ang 6 na basyong baril at 1 slug ng kalibre
NI OBET CATALAN
.45. Ang biktima ay mabilis na isinugod sa Dra. Salamanca Hospital subalit idineklara na itong patay. Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pangyayaring ito para sa ikalulutas ng kaso.
Pulis, patay sa riding in tandem NAIC, CAVITE – Isang pulis ang pinagbabaril kamakailan ng mga di nakilalang salarin na mabilis na tumakas matapos ang krimen. Kinilala ng P/Supt. Tita Fernandez, hepe ng bayang ito, ang biktima na si
PO3 Ferdinand Tibayan Baquiran, 48, nakatalaga sa NCR, may-asawa, at residente ng Capitol Hills, Phase Apple Blossom St., Trece Martirez City. Sa pakikipag-ugnayan ng Responde Cavite kay PO1 Alfred Guevarra,
may hawak ng kaso nangyari ang krimen noong Disyembre 9, 2009 dakong alas 8:30 ng gabi habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. Sabang sa bayang ito. Sakay ng motorsiklo na Honda Wave 125 motorcycle habang kaangkas ang driver nito at anak na lalaki na si Franz Baquiran na himalang nakaligtas sa pangyayari. Sinasabing kasunod lamang ng mga biktima ang dalawang salarin at ng mapalapit na ang mga ito ay walang sabi-sabing
Ang bangkay ni Bong “Talahib”, na aktuwal na nakuhanan ng larawan ni Responde Cavite Lensman Obet Catalan matapos paslangin ng hindi pa nakikilalang salarin. pinagbabaril ang pulis. Sa pag-iimbestiga ng pulisya ay target lamang ng mga suspek ang pulis dahil hindi naman nila pinaputukan ang dalawang kasama nito na kung saan ay pitong balang basyo ng kalibre .45 ang nakuha sa lugar ng insidente.
Hinihinala namang may kinalaman din ang mga suspek sa pag-ambush sa biktima na may tatlong taon na ang nakakaraan, kung saan ay himalang nabuhay ang pulis habang namatay ang asawa nitong buntis at isang anak. Sid Luna Samaniego
DISYEMBRE 13 -19, 2009
3 pang gantimpala para kay Kuya Ef MAKALIPAS ang dalawang linggo mula nang magawaran ng award si Efren Peñaflorida bilang CNN Hero of the Year ay patuloy pa din ang paggawad sa kanya ng iba’t ibang recognition at suporta galing sa mga prominenteng personalidad ng ating bansa. Isa ang Coca-Cola Foundation at Ten Accomplish Youth Organization (TAYO) sa mga nagkaloob ng bagong award kay Kuya Ef. Ang awarding ceremony ay naganap nitong nakaraang Biyernas sa Pasig City. Isa ang TAYO, na pinasimulan ni Senator “Kiko” Pangilinan, sa mga organisasyon na humihikayat sa kabataang Pilipino na maging kapakipakinabang sa kuminidad na kanilang kinabibilangan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng recognition at award sa mga kabataang karapatdapat na mabigyan ng recognition. Sa naganap na Awar-
ding Ceremony, ay nagpahayag si Senator Pangilinan ng kanyang paghanga sa naturingang CNN Hero of the Year. Ipinagkaloob kay Kuya Ef ang isang kopya ng Senate Resolution 217, na kumikilala sakanyang natatanging kontribusyon sa edukasyon ng kabataang Pilipino. Hindi lang isa ang natanggap na award ni Kuya Ef sa awarding ceremony na ito kundi tatlo. Isa pa sa mga ito ay ang TAYO Kasama Award para sa KKK: Kariton, Klasrum, and Klinik program ni Kuya Ef, kung saan ay nililibot niya kasama ng iba pang volunteers ang mga
lugar sa Cavite upang makapagturo sa mga batang hiindi nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng matinong edukasyon. Samantalang binigyan naman ng Coca Cola Foundation ng plaque kasama ang isang painting na pinamagatang “Sa Isang Musmos”, na nagpapahayag ng pangarap ng isang bata. Pinangunahan ni Coca Cola foundation President Cecil Alcantara ang paggawag ng award kay Kuya Ef. Naging madamdamin naman ang speech ni Pres. Alcantara kay Kuya Ef. Ayon kay, Pres. Alcantara, kahanga-hanga ang kababaang loob ni Efren Peñaflorida sa kabila ng kanyang pagkapanalo sa CNN Hero of the Year ay hindi daw ito makikitaan ng pagyayabang. Kasama ni Kuya Ef sa nasabing awarding ceremony ang kanyang men-
NI OBET CATALAN
Efren Peñaflorida
tor na si Bon Manalysay, founder ng Club 8586 na kung saan kabilang ang DTC na nagbibigay ng dedekasyon sa pagpapanatili ng Cavite bilang tahanan ng mga bayaning Pilipino. Kasama din sa awarding ceremony ang ilan sa mga bata na naging parte ng DTC project at si Emmanuel Bagual, na siyang presidente ng DTC at naging nominado sa Nobel Peace Prize for
Children sa Europe para sa kanyang proyekto na “My rights”, na nagbibigay ng kaalaman sa mga bata sa pediatric wards tungkol sa kanilang mga karapatan. Kahanga-hanga nga talaga ang mga taong katulad ni Kuya Ef, at nakapagbibigay ng karangalan sa ating mga Pilipino, at nagkapagbibigay ng inspirasyon sa kapwa niya mga Caviteño.
3
Samasamang saya sa Salinas, sa Dis. 17! ISANG selebrasyon para sa kapaskuhan ang ilulunsad sa darating na December 17, 2009 (Huwebes) sa dakong alas 5 ng hapon sa Uno de Pebrero Camalig restaurant sa Pandawan, Rosario, Cavite. Ang nasabing selebrasyon ay pinamagatang “Paskuhan 4s2k9: Sama-samang saya sa samahang Salinas” na humihikayat sa mamayan ng Rosario na magkaisa at magsama-sama sa araw na ito. Ang selebrasyon ay pinangungunahan nina Mayor Nonong Ricafrente at Vice Mayor Jhing-Jhing Hernandez na nagnanais na magkaron ng libre at magandang selebrasyon ng pasko para sa mamayan ng Rosario, Cavite. Na dadaluhan nina Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Cavite City Mayor Totie Paredes, Dino Chua at marami pang iba.
ISANG KANDIDATO LANG ANG WALANG KALABAN SA CAVITE ROSARIO, CAVITE – Sa talaan ng mga listahan ng mga tatakbong pulitiko ng Commision on Election (COMELEC) ay pinangalanan ni Comelec Asst. Ma. Rowena Jarin si Vice-Mayor JhingJhing Hernandez ng bayan ng Rosario, Cavite na natatanging kandidato na walang kalaban. Si Hernandez ay incumbent Vice-Mayor at kandidato ng Nacionalista Party-Partido Magdalo. Nagsimula ang political
career ni Hernandez ng siya ay maging SK Chairman ng Brgy. Ligtong III hanggang sa magtuloytuloy na ito na hindi nakalasap ng anumang kabiguan. Samantala sa pagkaMayor ay dalawa lamang ang maglalaban sa pwesto na kinabibilangan ng kanyang Mayor Nonong Ricafrente at ng isang independent na si Melly Pulido. Sa pagsasalaysay ng isang residente ng bayan ng Rosario na si
Superlita Enriquez sa Responde Cavite ay sinabi nitong ang pagkakaroon ng isang katangian ni Hernandez ay sapat ng dahilan upang patuloy nitong pamunuan ang pagiging isang Bise-Mayor. “Tapat, Matulungin, at Masipag kasi iyang si Vice kaya walang nagtangkang lumaban sa kanya, lahat ng mga tao dito ay kaibigan siya lalo na ng mga bata”, pagtatapos ni Superlita. WILLY GENERAGA
VICE-MAYOR JHINGJHING HERNANDEZ
4
DISYEMBRE 13 -19, 2009
Martial Law
SINISULAT natin ang artikulong ito ay balot pa rin ng pangamba at takot ang buong bansa sa maaaring kahinatnan ng Martial Law sa Maguindanao. Ayon kasi sa lumabas na talakayan sa joint session ng dalawang kapulungan, hinahanap ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangang magdeklara ng Martial Law sa nasabing bayan-- ang rebelyon! Rebelyon kasi ang pangunahing sangkap na naaayon sa ating Saligang Batas upang maideklara ang Executive Order (EO) 1959 o Martial Law. Maging tayo o ang nagmamasid na mamamayan ay nagtatanong kung may rebelyon nga ba? Sino ba ang kalaban ng mga Ampatuan? Bago isigawa ang masaker na pinag-uusapan ngayon sa buong mundo, away politika ang dahilan. Nahuli naman si Mayor Ampatuan ng walang dumanak na dugo. Nahuli rin si Gob. Ampatuan. Nahalughog ang mga mansion ng Ampatuan ng wala namang anumang gulo. Sa madaling salita, lahat ng mga dapat gawin ay nagagawa ng pamahalaan, lalo na ng mga militar at pulisya ng walang anumang balakid. Sinasabing may dalawang libong hukbo o private army ang mga Ampatuan (kahit duda tayo kung mayroon ngang ganoong karaming bilang sa hukbo dahil alam naman natin na mabibilang lang sa daliri ang mga tao sa mga sitio, barangay o nayon sa Maguindanao), kung sinasabi nilang nilang private army ang mga ito, sapat na ba para maituring rebelyon? Kinakalaban ba ng mga ito ang pamahalaan? Nag-aaklas ba sila laban sa gobyerno at nanggugulo sila sa mga operasyon militar? Ang sympatizer ba ay isa ng pagrerebelde? Kung walang masilip na rebelyon ang pinagsanib na dalawang kapulungan, maging ang taong bayan, higit na nakakatakot kung bakit nagdeklara ng Martial Law. SUNDAN SA PAHINA 5
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1, 2 district coordinator rex del rosario
nadia dela cruz
6, 7 district coordinator 3, 4, 5 district coordinator
melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com
Kupal o Epal?
Mga Security sa Opis ni Mayor Jon-Jon Ferrer, Kupal o Epal? KAMAKAILAN, nagpadala tayo ng kopya ng Responde Cavite sa opisina ng butihing Mayor ng Gen. Trias. Papalapit pa lang ang mga tao natin, nang isa sa mga security ni Mayor Ferrer ang nagsabing “uy, dyaryo, panibagong raket na naman.” Hoy! Kung sino ka mang nagmamarunong, hindi ko alam kung likas kang kupal o epal. Paano mo naman nasabing raket? Bakit, nakita mo na ba kahit isa sa mga taga-Responde Cavite ang pumila sa amo mo o sa PIO at nangongolekta? HINDI KAMI KASAMA SA PAYROLL NYO. Hindi kami kagaya ng ibang dyaryo na laging nakatanghod sa opisina ng mga mayor at PIO. Ipagtanong mo sa lahat ng munisipyo hanggang sa kapitolyo kung may taga-Responde Cavite na nasa payola. Hindi kami pipitsuging dyaryo. Pakibisita ang profile ng mga writer at staff namin sa www.respondecavite.com... Yun ay kung marunong kang mag-computer. Pag hindi, punta ka sa opis namin. Tuturuan ka namin. Hindi ka namin sisingilin. Hindi ka rin namin aangasan. Attention Mayor Jon-Jon Ferrer, naibulong sa atin ni Vice-Mayor Jhing-Jhing Hernandez na hataw daw kayo sa serbisyo at iniidolo ng inyong mga nasasakupan. Pero baka ikasira ninyo ang mga kupal o epal na tauhan
nyo. Kung ang mga taga-Responde Cavite ay inaangasan ng mga tao nyo, paano pa kaya ang karaniwang tagaGentri na lumalapit sa inyong opisina? Lapit pa naman po ang eleksyon. Hala! Konsehal na Kupal o Epal, Walang Inatupag kundi alak at sugal Kaya madalas kantyawan na Bedroom City ang Cavite City dahil sa matamlay nitong ekonomiya. Hindi makapagbigay ng hanapbuhay at kabuhayan sa lunsod. Saludo tayo sa pagsusumikap ni Mayor Totie Paredes na iahon ang lunsod. Pero para maisakutaparan ito, kailangan ni Mayor ng mga astig na konsehal na makapagpapasa ng batas, resolusyon at ordinansa. Kaso, ang konsehal na ito ay laging abala. Hindi sa session hall. Hindi rin sa public hearing at networking kundi sa alak at sugal. Madalas itong makita sa mga bahayalak at bahay sugalan. Naku po, sa halip na magsunog ng kilay para sa konseho, ang inaatupag, pagsasalat-salat ng pitsa ng madyong. Sa halip na makipagbalitaktakan sa konseho, ang inaatupag, mamam ng er-bi at alak. Wala naman palang matinong nagawa, gusto pang tumakbo uli. Kakahiya. Tapos, nang may ipakilala sa kanyang isang kandidato sa pagkakonsehal, ngiting aso si konsi. Pag talikod ng kandidato, nilait-lait nya ito sa harap ng kapwa nya ring walag kwentang konsehal na classmate sa inuman at sugalan. Hindi ko alam kung likas itong kupal o epal.Gusto nyong makilala? Itanong nyo sa isang tv personality na si Shivaker. Kalahi nya rin ang isang bumbay.
SA kasalukuyang panahon, marami sa institusyong pampulitika ang nagsimula noon pa mang nagdaang panahon. ‘Historical Legacy’ ang tawag sa ganitong ‘Political Development’. Sa panimula pa lamang ng ‘15th century’, sa impluwensya ng ‘Madyapahit Empire’ ng Java ang Islam ay natanim na sa Mindanao at Sulu Archipelago. Hindi kataka-taka na ng simulan ni Miguel de Legaspi ang pagkubkob sa Pilipinas noong 1571 ang ‘datu system’ ng pamamahala ang umiiral hanggang sa Maynila na kinatakpuan Kila Raha Lakandula at Soliman. Ang datu ang’economic at political’ lider sa Muslim Mindanao magpahanggang ngayon. Magandang halimbawa ang kasalukuyang estado ng polotika sa Maguindanao. Kaakibat ng paglaganap ng Islam ang pangangalakal ng China sa bansa. Sa pagsulpot ng Filipino-Spanish ilustrado noong Revolutionary period ay sumilang din ang Filipino-Chinese mestiso na ngayo’y tinatawag natin na ‘taipan’ ng industriya at landlord ng agricultura na namiminuno o nag-mamayari ng asukal at bigas na pananiman. Ang datu na umiiral sa Mindanao at Taipan sa Luzon at Visayas ay humuhubog sa pinagsanib na political at economic development. Ang mga lider ay nasasalang sa magkaibang layunin na ‘public welfare at private interest’. Kasaysayan na ang maghuhusga
kung ang mga halal ng bayan ay maka-tao o maka-sarili. Ano naman ang iniwang pamana ng Kastila sa pagsulong ng pulitika? Ang ‘Union of Church and State’ ay sagrado sa pamamahala ng isang sentral administration. Salamat na lamang at kasabay ng pagpapalaganap ng Kristyanismo ay pagsapit ng Masonry na pati rirual ay sinunod ng Katipunan ni Andres Bonifacio at mga katulong ni Jose Rizal sa La Liga Pilipina. Nagsimulang gumiwang ang ‘Union’ na ito noong mag-alay ng kanilang buhay ang mga pareng GOMBURZA noong 1872 na sa pag-alala sa kanilang kabayanihan ay inihandog ni Rizal na kanyang NOLI na ang tunay na kahulugan ay ‘huwag mo akong hawakan’ sapagkat ang pananampalataya ay tila naging kanser ng lipunan. Sa kabila ng katotohanan na ang Iglesia Pilipina ni Gregorio Aglipay ay ang state religion ng Revolution ni Emilio Aguinaldo, nagawang paghiwalayan ang ‘church and state’ sa Malolos Constitution at mga salin-saling Saligang Batas ng Pilipinas. SUNDAN SA P.5
MARAMI na tayong natatanggap na reklamo ukol sa diumano’y mga kotongan na nagaganap sa lugar ng PalaPala, Dasmariñas. Sa tapat mismo ng SM at Robinson Dasma nangyayari ang milagrong ito na sangkot daw ang Dasmariñas Traffic Management Office na Wilson Andres Yee sampu ng kanyang mga alipores. Base sa naging pahayag ng nagrereklamo sa atin na isang tsuper ng jeep ay ganito ang naging senaryo: Papunta sana ang tsuper sa bayan ng Silang upang dalawin ang kanyang kamag-anak. Nang mapadaan sila sa gawing bahagi ng PalaPala ay bigla na lamang daw silang pinara ng isang nagpakilalang Bantay-Trapiko sa di malamang dahilan. Kaya’t laking mangha nito ng parahin sila ng di nagpakilalang alagad ni Yee bagama’t kumpleto naman at legal ang kanyang mga rehistro at lisenya. Ipinatabi ng magaling na Bantay-Trapiko ang sasakyan sa isang madilim na lugar upang usisain sa naging paglabag diumano sa trapiko. Sa unang kibo, matatakot ka sa mamang ito na ubod daw ng lakas ng boses kung makipag-usap
animoy isang kriminal ang kinakausap. Kinuha ang lisenya ng pobreng tsuper kasunod ang pag-usisa sa rehistro at plaka. Na ang lahat nito ay legal at wala namang sabit. Tumagal ang pakikipag-dayalogo ng Bantay-Trapiko ng kulang isang oras. Nang walang makitang butas, ayun na lumabas din ang tunay na motibo. Para daw di na sila maabala ay bigyan na lamang siya ng pangkape at makakaalis na sila. Ayun lumabas din ang tunay na kulay... isa pala siyang kotongero, hanep ang istilo mo bata. Ang pobreng tsuper napilitang dumukot ng pera sa halagang isang-daang piso na sana’y pambili sana niya ng bigas at ulam. DTMO Wilson Andres Yee, ang dapat sa bata mo sibakin kundi man ilipat sa magandang pwesto. Bigyan kita ng tip kung saan mo ipupwesto itong magiting mong tao. Iposte mo bilang bantay-sementeryo ng samahan siya ng kanyang mga kaibigang maligno. Kung wala kang magawang aksyon dito, sumunod ka na rin sa tao mo. Mayora Jenny Barzaga, sa magandang imahe ng iyong lugar ay nahaluan ka pala ng anay. Para di na dumami ang mga ito, ang dapat dito ay sibakin. Anak ng pesteng hunyango ka...asta pipityuging tsuper di mo pinatawad. Ang perang pambili sana ng ulam at bigas ay pinatos mo pa. Kinakaya-kaya mo yata ang makokotongan mo bata? Wala kang patawad...dapat sa’yo pinatutuwad! Buwisit...Pwe!
Pulitikang Pino y Pinoy
Talamak na kotongan sa Pala-Pala, Dasmariñas
DISYEMBRE 13 -19, 2009
5
Dinaluhan nina Mayor Strike Revilla at Lani Mercado
MSCCP CHRISTMAS PARTY 09’
IDINAOS ang taunang Christmas party ng buong network ng Mutual Savings and Credit Cooperatives of the Philippines kamakailan sa rooftop ng gusali ng MSCCCP main office. Ang naturang Christmas party ay pinasinayaan ng lahat ng bumubuo ng MSCCP management and staff kasama rin ang mga hinirang na mga opisyales ng ba-
wat sangay ng MSCCP. Pinangunahan ng kanilang General Manager Pierre Coupard, kasama ng buong operations department sa pangunguna ni Ms. Therese Vina T.
Caintic, ang Operation Manager at Mr. Ronelo Dumaguing, Board of Trustee Chairman. Naging mas makulay at mas maigting ang selebrasyon nang dumating
Mula sa kaliwa: Operations Manager Ms. Therese Vina T. Caintic, General Manager Pierre Coupard, the awardee, Mrs. Elizabeth Nazareno, MSCCP Naic Branch Officer, Marilyn Roxas, and Branch Staff, Ms. Madelyn Nones.
SENIOR... mula sa p.4 Kung mayroon pa mang boses sa pulitika ang Catholic Bishop of the Philippines, Kapatiran at iba pang sekta ng relihiyon ito ay nanatiling boses na lamang maliban na lamang kung ang kaparian o pastor ay lumahok at maging kandidato sa eleksyon. Ang sumusunod na ‘American Period’ ay nagiwan ng mga pamanang ‘political party popular election and strong presidency’. Sa katunayan, ang kauna-unahang halal na legislatura sa Southeast Asia ay naganap sa Pilipinas noong 1907. Ang ating ‘Foreign Relations’ ay kabit sa Estados Unidos na ang ebidensya ay Bell Trade Act, Parity
Rights, Military Bases Agreement na pinalitan ng non-combatant Military Assistance. Hindi natin maikakaila na pati si Presidente Ubama, sa pamamagitan ni Secretary Hilary Clinton at Ambassador Kenney na magbabala sa ating pamahalaan na alisin ang makamandag na ‘graft and corruption’ upang mapanatili ang daloy ng U.S. ecomonic assistance. Hindi nga tuwirang nakikialam ang America sa ating ‘domestic politics’ pero ang politika na ito ay patuloy nakasalalay sa pandaigdigan na layunin na protektahan ang democratic governments, itaguyod ang human rights movements, laba-
DOS POR DOS mula sa p.4 Lumalabas na kaya palang magdeklara ng Martial Law ng Malakanyang nang walang sapat na kadahilanan at hindi sinusunod ang Saligang Batas! At ginagamit at pinapalaki lamang nila ang mga nangyayari sa Maguindanao para makapagdeklara ng Martial Law. Sa Maguindanao ngayon, ang buong bansa bukas! Totooong alyansang tunay ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga Ampatuan. Pero ngayon, sila ay mga tupang isinasakripisyo para sa hangarin ng Malakanyang-- ang mapanatili sa puwesto ang Panggulo ng Pilipinas!
nan ang madugong operasyon ng mga terorista at magsagawa ng mga hakbanging makakabawas sa hapdi ng sakunang dulot ng ‘climatic change’. Kahit na ano pa ang sabihin ng mga makakaliwa’ tuloy pa rin ang pagbibigay benepisyo sa mga beterano ng Second World War, sa mga pamilyang Pilipino na may mga ama at anak na na sa U.S. Navy, Airforce at Army at mga doctor, nurses, propesyonal at karaniwang manggagawa nasa California at iba pang sulok sa Amerika. Puwede na sigurong tanggapin na ang ating bansa kung wala rin naman tayong maipapalit ang mga tulong na nabanggit. Ang konsepto ng nasyonalismo ay paunlarin ng internasyonalismo alangalang sa kapakanan ng ating mga mahihirap na mamamayan na wala namang hinahangad pa kundi ang pamumuhay ng tahimik. Ang ‘postwar politics’ ay salit-salit na panahon ng pagsulong at pagkakaantala. Lumago at lumakas ang middle class, nagkaroon ng agrarian reform, ang rural elite ay naging political elite at namulat ang tao sa kanilang mga karapatan na
Mula sa kaliwa: Hon.Mayor Strike Revilla, MSCCP Gen. Mngr. Mr. Pierre Coupard,. Panauhing Pandangal, Hon. Lani Mercado Revilla, MSCCP sina Bacoor Mayor Strike punyagi para sa ikalala- ted officer ng MSCCP Naic na nakatanggap hinRevilla at Ms. Lani Merca- go ng buong MSCCP. Kabilang na ang Top di lamang ng certificate of do – Revilla. Ipinahayag nila ang kanilang suporta Branch Performer award, appreciation kundi ng repara sa mga adhikain ng Millionaire Cooperative galo ring isang brand new kooperatiba lalo na sa la- award, Top Performer for 21” television. Pumili rin ng isang naCommercial yunin at hangarin ng MSC- Special CP sa darating na taon Campaigns award, Top tatanging pares sa gaMember Referror of the bing iyon bilang male at 2010. Nagsilbi ring gabi ng Year award para kay Mrs. female stars of the Night parangal sa lahat ng nag- Elizabeth Nazareno elec- award. ibinabandila ng mass media sa radio, telebisyon at dyaryo. Ang pagsulong ng pulitika ay mayroon ding negatibong bunga. Ang mala-diktador na pamumuno ni Presidente Quezon ay nasundan ng pamumuno ni Presidente Roxas na sa kabila ng hinahing para sa agrarian reform ay pinili ang pagsugpo sa HUKS na kumakatawan sa mga magsasaka na sikil na sikil ng ng mga politikong nagmamay-ari ng mga lupain. Ang sumunod na pamamamahala ni Presidente Quirino ay sinasabing ‘corrupt and unpopular’. Ang pandaraya sa 1949 eleksyon ay tinugon ng pananandaliang Batangas ‘Insurrection’ bilang protesta para kay Presidente Laurel. Napilitan tuloy ang American CIA na patakbuhin ang dating Secretary of National Defense Ramon Magsaysay laban kay Pres. Quirino. Lumipat si Magsaysay sa Nationalista Party at ito na ang hudyat ng pangyayari na pinamagatang ‘Political Butterfly’. Nanalo si Pres. Magsaysay at nagsimula ang ‘Homesteading’ bilang pangunang hakbang para sugpuin ang lumalalang HUK rebelyon. Ma-
rami sanang magagandang plano si Magsaysay kaya lamang ay sinamangpalad na nasawi siya sa ‘airplane crash’. Ang mga sumunod na Pangulo ay may kanyakanyang slogan na hindi naman naipatupad. Si Pres. Garcia ay may ‘First Filipino Policy’, Pres. Macapagal ay sinambing ‘Nemesis of import and foreign exchange controls’.At dumating na ang rehimeng pinakamagulo sa kasaysayan ng politika ng Pilipinas. Ang panunungkulan ni Pres. Ferdinand Marcos. Marahil dahilan ang may limitasyon ang paglilingkod ng isang Pangulo hanggang sa walong taon lamang at mapagtakpan ang ‘political at socio-economic problem ‘ kaya nagdeklara si Pres. Marcos ng Martial Law noong September 20, 1972. Sa basehang may rebelyon at kailangang pangalagaan ang seguridad ng mamamayan idiniklara ang Martial Law. Nagsimula na malawakang pag-aresto sa mga katunggali ni Pres. Marcos, pagkawala ng ibang pinaghihinalaang kasangkot sa pag-aaklas, pagsuspindi ng ‘Writ of Habeas Corpus’ at pagkawala at pagyurak sa la-
hat halos ng Karapatang Pantao. Ang Matial Law ay walang pagsangguni sa Legislatura at sa Supreme Court. Walang pakialam ang lahat. Kaiba sa Martial Law sa Maguindanao ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Ang Martial Law na inalis ng People Power I ay sinabayan kasabay ng pagpapatalsik kay Pres. Marcos sa poder ng kapangyarihan. Ang pamamahala ni Pres. Cory Aquino at Pres. Fidel Ramos ay may mga pagsusuri na ng mga iskolar na pinangungunahan ni Dr. Jose Abueva. Hinihintay naman ang tugon ni Pres. Joseph Estrada sa alok ni Dr. Abueva na masuri rin ang kanyang dalawa at kalahating taong panunungkulan. Ang Pres. GMA ay wala pang sinasabi tungkol sa kanyang pagbaba sa Malacanang. Anong antas na kaya, kung mayroon man, ang Pinoy Pulitika? Ang ibang bansa ay may malinaw na ‘Stages of Economic and Political Development’. Masasabi kaya nating mayroon na tayo sa ating kasaysayan na nakasalalay sa Muslim, Chinese, Spanish, Japanese at American cultures?
6
DISYEMBRE 13 -19, 2009
P10K na cash gift sa empleyado ng gobyerno
CAVITEÑO: MALIGAYA ANG PASKO?
MAAARING maging ‘maligaya’ talaga ang Pasko at ‘masagana’ ang Bagong Taon ng mga Caviteño matapos maihayag ni Budget Secretary Rolando Andaya Jr. ang P7,000 hanggang P10,000 cash gift na tatanggapin ng mga empleyado ng gobyerno bilang pamasko. Nanggaling ang P7,000 mula sa pondo ng national government samantalang P3,000 naman mula sa saving ng iba’t ibang ahensya. Binigyang diin ng kalihim na ilalabas agad ng kanyang tanggapan ang guidelines upang nang sa gayon ay matanggap agad ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang Pamasko. Kasama sa mabibiyayaan ang mga casual at contractual. Samantala, posibleng madelay ang pagdating ng pondo mula sa national government tungo sa mga local government dahil sa tagal ng proseso. Posibleng hindi ito matanggap agad ng mga empleyado ng gobyerno at malamang, sisihin ng mga ito ang lokal na pamahalaan. “Maawa naman sana sila sa amin. Paano namin ipapa-
liwanag sa aming mga anak na wala muna silang damit, sa pamilya na wala mu-
nang noche buena at wala munang aguinaldo sa mga inaanak dahil na-delay ang pagbibigay ng aming regalo mula sa pamahalaan.” Himutok ni Mang Rolly, isang street sweeper sa isang tanggapan ng gobyerno sa Unang distrito ng
Cavite. Ayon naman ng isang budget officer
na ayaw magpakilala, kadala-
sang kung anu-anong masasakit na salita ang kanilang naririnig mula sa mga empleyado kapag hindi naibibigay sa oras ang kanilang cash benefits. Akala daw kasi, pinapatubuan pa o iniipit lang ang pera. Pero hindi alam ng karamihan, wala sa lokal na pamahalaan ang problema. “Kami rin naman ay empleyado rin, syempre, gus-
to namin na matanggap agad ang incentives. Kaso, ano naman ng gagawin namin.” dagdag ng budget officer sa upland. Sa ilang obserbasyon ng ilang kritiko, mas mainam sana kung maaga-aga matatangap ng mga empleyado ang kanilang benepisyo upang hindi na maranasan
ng mga ito ang Christmas Rush at mas may panahong mamili, tumawad at makagawa ng matalinong pamimili. Kaugnay ng eleksyon at s a sinabi ng
Supreme Court na wala talagang“ premature campaign” at hindi na bawal ang pagsasabit ng tarpau-
lin, flyers, print at broadcast advertisement na nagpapaabot ng pagbati sa darating na Pasko at Bagong Taon, inaasahan na babaha ang biyayang matatanggap ng mga manggagawa at ang pamilya nito. Posibleng makadagdag ang biyayang ito habang naghihintay ng cash incentive ang mga empleyado ng gobyerno. Bagamat natanggap na n g m g a empleyado ng gobyerno ang kanilang 13th month pay, malaking tulong pa rin ang extra cash gift na ito dahil sa mataas na presyo ng bilihin, gasoline at iba pang pangunahing kakailanganin ngayong Kapaskuhan.
Er rata Err Issue no. 14 vol. 1 in P.6 includes ROMEO G. RAMOS and BUENAVENTURA RUSIT in Mayoralty race in City of Cavite.
8
DISYEMBRE 13 -19, 2009
Martial Law…Sa Maguindanao Ngayon, Sa Pilipinas Bukas
DAINE, INDANG, CAVITE – Kamakailan lamang ay idineklara ang PD 1959 Batas Militar o Martial Law sa Maguindanao ng para sa kanila ay Pangulo raw ng bansa na si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. (Inuulit ko paumanhin sa mga tagasubaybay at mambabasa kung hindi ko matanggap na siya ay tawaging Pangulo sapagkat para sa akin ay kwestiyonble pa rin magpa hanggang ngayon ang kanyang pagkapanalo sa halalan noong 2004 dahil sa naganap na malawakang dayaan kung saan maliwanag pa sa sikat ng araw ang nagdudumilat na ebidensiya ng katotohanan sa tape o CD ng Hello Garci Scandal). Layunin daw ng pagdedeklara ng Martial Law na masugpo ang napipintong pag-aaklas sa Maguindanao. Sa isinasaad ng batas ay maaari lamang magdeklara ang isang Pangulo ng Martial Law kung may nagaganap na pagkilos o pag-aaklas ang sinumang grupo na nagnanais na agawin ang kapangyarihan o gobyerno kung may tangka ng invasion o rebellion upang sugpuin ito at sagipin ang republika sa sinumang grupo na magnanais na agawin ang pamahalaan o ang estado. Walang malinaw na anyo ng invasion o rebellion sa Maguindanao, at ang tanging nangyari roon ay ang karumal-dumal na pagpaslang sa maraming buhay kasama na ang mga kapatid sa hanapbuhay (mamamahayag). Katawa-tawa ang pagsakay ng gobyernong Arroyo sa pangyayari para lamang makapagdeklara ng Martial Law, parang ipinakita lamang ng gobyernong ito na mahina ang PNP at AFP ng ating bansa sa pagaksiyon at pagresolba ng mga kaso. Hindi ba maaaring magawa ng gobyernong ito sa tulong ng PNP at AFP na mahuli ang mga may sala at suspek, madisarmahan at mabuwag ang mga private armies?
Kapag-Martial law lamang ba maaaring habulin, arestuhin, ikulong at kasuhan ang mga nagkasala ng pagpatay? Kapag-Martial Law lamang ba maaaring sugpuin at tapusin ang mga private armies? May pagkakaiba ba o may limitasyon ba sa paggampan sa mga gawain, tungkulin at trabaho ang ating PNP at AFP kung may Martial Law at pag walang Martial Law? Hindi ba maaaring tupdin ang nakaatang na responsibilidad o trabaho at hindi ba ito magagawa kung hindi magdedeklara ng Martial Law? Kung ganun yun ay para na nilang sinabi na para masugpo maging ang matagal ng problema sa mga bandidong Abu Sayyaf ay dapat magdeklara rin muna ng Martial Law sa lugar ng pinagkukutaan ng mga ito. Datapwat sa kabilang pahina ng kasaysayan ng bansa ay bakit ng magdeklara ng Martial Law ang dating Pangulong Ferdinand Edralin-Marcos noong 1972 ay hindi rin naman nabuwag ang mga separationist group na MNLF, MILF at leftist group na CPPNPA-NDF, at sa halip ay lalo pang lumakas at lumawak ang mga ito magpa hanggang ngayon. (Binibigyan ko kayo ng mga palaisipan sa mga kaganapan sa noon at ngayon at sa maaaring mangyari bukas o sa makalawa. Kataka-taka na kasong rebelyon ang tampok na ikinaso sa mga Ampatuan at mga tauhan nito gayong wala namang tangka o naganap na pag-aaklas at ang tunay na naganap ay massacre o pagpatay sa mahigit sa 50 katao. Samantala, ako naman ay may natitira pang tiwala sa kakayanan ng PNP at sa tulong ng AFP na makapagresolba ng mga krimen katulad ng nangyaring pagpatay o massacre sa Maguindanao, dahil sa paniwala ko ay maaaring maresolba ang pangyayari o mabigyan ng hustisya ang mga nasawi at kapamilya nito ng hindi na kailangan pang magdeklara ng Martial Law. SUNDAN SA PAHINA 12
Ano Ang Pwedeng Ipang-Exchange Gift na Hindi Ka Malilimutan
KAPAG ganitong nalalapit na ang Pasko, kung anuanong pakulo ang naiisip ng mga opisina, eskwelahan at iba pang establisyemento para di umano’y maramdaman ang diwa ng Pasko. Isa na rito ay ang exchange gift sa mismong Christmas Party. Pero, bata pa lang ako, namumrublema na ako sa exchange gift sa Christmas Party. Unang una, walang pera. Ikalawa, exchange gift na, pero dapat, halos di nagkakalayo ang presyo. May ilan na magtatakda na dapat mula ganitong hanggang ganitong presyo lamang.
Halimbawa, mula 200300. Pero kapag tinanong mo na “Pwedeng mga 400?” Mabilis na “Oo” ang sagot. Eh, ba’t magtatakda ng range ng presyo gayong pwede palang lagpasan. At ang mas okay, pwedeng lagpasan o higitan, wag lang mas bababaan. Parang ikapu na ipinagpipilitan ng mga Pastor. Wag daw bababa sa ikapu. Pero pwedeng higit pa sa ikapu. Anak ng baka talagang buhay ‘to. Balik tayo sa exchange gift. Bakit pa ako makikipagpalitan ng regalo kung ang matatanggap ko ay alam ko na ang presyo (batay sa itatakdang range ng promoter o pasimuno) kung mabibili ko rin naman pala yung ireregalo sa akin. Baka yung matanggap ko ay hindi ko pa gusto? Pasimple pa akong magrereklamo. Baka masira pa ang diwa ng Pasko. May ilang magsasabi na, ang maganda sa exchange gift, hindi mo alam kung ano ang makukuha mo. Alam ko na. Makukuha ko ang
bagay na nagkakahalaga sa itinakdang range. Halimbawa, kung ang itinakda ay 200-300, natural na hindi ako makatatanggap ng Swiss Watch na nagkakahalaga ng PhP 150, 000.00, ‘no? Tapos, ang pinakapanalo sa lahat, matapos ang exchange gift, maghahanapan kung sino ang nagbigay at napagbigyan ng regalo. Magpapasalamatan at magbabatian ng “Merry Christmas. Salamat, nagustuhan ko itong blha,blah,blah (kahit hindi). Kaya nga, namumrublema ako ngayon kung ano ibibigay ko sa exchange gift. Kaya eto’t iisip ako na pwedeng gamitin na tiyak na hindi ako makakalimutan ng pagbibigyan ko. Narito ang ilan: 1. Gift check or gift certificate na pasok sa itinakdang range ng presyo. Ilalagay ko sa sobre. Tapos yung sobre, ilalagay ko sa kahon. Sa loob ng kahon, may mga batong binilot sa makakapal
na dyaryo. Tapos, sa ibabaw ng box, may nakalagay na “Handle With Care.” 2. Mamiso, tigbente singko o tig dyis sentimo na barya na nagkakahalaga sa range ng itinakdang presyo. Ibabalot ko na pagkahigpit-higpit at pagkasikip-sikip. Tapos, ilalagay ko sa box. 3. Since Metro Manila Film Festival ng mga panahon na Disyembre, bibili ako ng ticket (isa o dalawa depende sa range na itinakda) ng pelikulang pinakapangit sa lahat ng entry tapos ilalagay ko sa sobre ng Intsik. 4. Bibili ako ng paputok na malalakas gaya ng Plapla, Superlolo, Thunder, Piccolo at iba pa batay sa halagang itinakda. Ilalagay ko sa kahon na may nakasulat na “Bubuksan Lamang sa Enero 2.” Ayan belabed readers. May idea na kayo kung ano ang ilalagay nyo sa Exchange Gifts ha? Balitaan nyo na lang ako kung may magiging kaibigan pa kayo next year.
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
CAPRICORN –Huwag mawawalan ng pag-asa. Kung patuloy ang iyong pagsisikap, magtatagumpay at kakaingggitan ng iba. May gustong sabihin ang iyong minamahal na hindi niya kayang isatinig. Lucky Days/No/Color: Tue/Wed 10-15-20-25-3845 Green AQUARIUS – Walang sinumang may kakayahang pumigil sa mga swerteng nagdaratingan sa iyong buhay. Dahil ang magtangka ay langit mismo ang makakasagupa. Lucky Days/No/Color: Mon/Tue 2-33-36-40-4145 Orange PISCES – May makakaribal ka sa iyong minamahal, ngunit walang dapat ikatakot dahil mananatili ang kanyang katapatan sa iyo. Lucky Days/No/Color: Fri/Sun 1-19-25-28-30-36 White ARIES – Makakamit ang inaasahan subalit dapat kumilos, nasa likuran mo pa rin ang mga magulang para subaybayan ka. Pahalagaan ito at huwag ikagalit. Lucky Days/No/Color: Tue/Wed 10-20-28-37-3941 Silver Blue TAURUS – Iyung-iyo ang araw na ito. Sa muling pag-ikot ng gulong ng kapalaran ikaw ay matatagpuang yakap-yakap ang mismong mga malalaking swerte na nais mong sumaiyo. Lucky Days/No/Color: Mon/Fri 3-8-11-21-26-39 Yellow GEMINI – Sobrang sasama ang loob mo pero sobrang suswertihin ka rin. Dahil ayaw ng langit na makita ang iyong saya kaya ang mga sunud-sunod na buenas ay sasaiyo. Lucky Days/No/Color: Tue/Sun 1-11-21-34-2635 Pink CANCER - Matalas na pakiramdam at matalinong pakikibagay ang kailangan para hindi madehado sa samahan. Hindi mapagsasamantalahan ng mga tuso kung pahahalagahan ang talento. Lucky Days/No/ Color: Wed/Fri 2-13-24-26-2934 Black LEO - Marami kang dapat isipin bago gumawa ng desisyon. Huwag mong pabayaang ubusin ng ibang tao ang iyong pasensya dahil ikaw din ang mahihirapan. Magaan ang dating ng pera ngayon, huwag ubusin sa mali. Lucky Days/No/Color: Tue/Wed 12-15-21-26-2936 Violet VIRGO - Sa araw na ito makakakita ng magagandang palatandaan para sa katuparan ng mga pangarap. Kung handa na ang sarili huwag ng maging hadlang sa pagsasakatuparan ng mga balak. Lucky Days/No/Color: Mon/Thurs 4-12-13-24-2530 Brown LIBRA - Maraming akala na hindi tama kaya iwasan mo ang manghusga ng ibang tao lalo na kung hindi mo siya nakakausap. May mga disappointment na darating sa iyo pero okay lang gamitin mo ang mga ito upang maging leksyon ng buhay. Lucky Days/No/Color: Sun/Mon 4-11-16-22-2331 Red SCORPIO - Tila may solusyon na ang problema mo. Subalit hindi pa rin magiging smooth ang kalutasan nito dahil may mga sagabal na magpapainit ng ulo mo at susubok sa iyong pasensya. Kailangan ay matibay ka dahil susubukan ka nila kung hanggang saan ang kaya mo. Lucky Days/No/Color: Fri/Sat 5-10-15-18-21-31 Green SAGUITAURUS – Marami kang hinahangad na magandang bagay para sa iyong pamilya. Hindi ka titigil hangga’t hindi mo ito natutupad. Lucky Days/No/Color: Sat/Sun 8-10-24-28-38-40 Maroon
DISYEMBRE 13 -19, 2009
Isang Kabataang Pagtugon sa Eleksyon 2010
KILOS KABITENYO!
GREETINGS!!! Pagbati kay Bb. Analyn Canaleta ng Bacoor National Highschool na nagdiwang ng kanyang kaarawan noong Ika- 9 ng Disyembre, 2010. Pagbati mula sa Kampay ng Rabay
Ni Goldy Baroa
NOONG nakaraang Nobyembre 20, 2009, ang Kilos Kabitenyo: Be Part of the Revolution ay opisyal na idineklara
bilang makabagong programa ng gobyerno ng Cavite. Ito ay isang kampanyang naglalayong
himukin ang mga kabataang kabitenyo sa pakikisangkot sa mga mahalagang kaganapan sa lipunan, partikular na sa darating na eleksiyon. Ito ay sa pamamagitan nang paglulunsad mga Voters Education Campaign na magtuturo sa mga mamamayan ng Cavite ukol sa makabagong proseso ng eleksyon, mga dapat tandaaan sa pagboto, at gayundin ang mga panuto sa tamang pagpili ng kandidato. Ang kampanya ay nagsimula nang ang ilan sa mga mag-aaral sa Pamantasan ng De La Salle sa Dasmariñas ay lumahok sa isang National PR Competition noon lamang Septyembre 6, 2009, at nagwagi laban sa mahigit 20 paaralan sa buong ban-
sa na sumali sa kompetisyon. Sa kasalukuyan, ang kampanya ay sinusuportahan ng maraming kolehiyo at unibersidad sa kalakhang probinsiya, bilang tugon na rin sa panukala ng responsableng pagkamamamayan. Ang Kilos Kabitenyo: Be Part of the Revolution ay isang kilusan kung saan ang mga kabataang kabitenyo ay inaanyayahang makibahagi sa mga programa ng lokal na pamahalaan. Naglalayon din ang kampanya na ipakita ang partisipasyon ng mga kabataang kabitenyo sa mga sumusunod na agenda tulad nang pangangalaga sa kalikasan, pagtaguyod sa karapatang pangkababaihan at nang kabataan at marami pang iba.
Belated Happy Birhday to Beverly “Ate Bebang” Sy last December 10, 2009. Greetings coming from Ronald Verzo and Responde Cavite Family.
KAILANGAN KO NG KAKAMPI! (2) KAYA hindi kataka-taka na kung matino ang guro ng Filipino at nag-aambisyong itaguyod ang sariling wika at panitikan, asahan mong marami sa kanyang mga estudyante ang bumabagsak at umaani ng markang palakol. Masakit ito sa mata ng mga magulang na nagbabayad ng P40,000 sa matrikula sa mga private schools. Kung kaya sa parent-teacher conferences ay hindi iilan ang mga magulang na nanunumbat sa akin at nagsasabing “Bakit mo ibinagsak ang anak ko e Filipino lang ang itinuturo mo?” Anong klase kang teacher at hindi mo mai-motivate ang anak ko na magbasa ng Noli?” Saan ba gagamitin ang El Fili kapag nasa abroad na ang anak ko?” Naiintindihan ko ang mga damdamin ng mga magulang subalit mahirap ipaliwanag sa kanila na ang Filipino (kasama ang Araling Panlipunan at Values Education) ang pinakamahalagang mga aralin na siyang pundasyon ng paghubog sa ating lipunan. Ang Filipino at Araling Panlipunan ang instrumento upang matuklasan natin ang kahinaan at kalakasan ng ating lahi. Ang pananampalataya naman sa Diyos at ang paghubog sa makatarungang pag-uugali ay pinatitingkad ng mahusay na pagtuturo ng Values Education. Totoong ang ekonomiya natin ay umaasa
sa mga dayuhan subalit kung babaklasin ang kolonyal na sistema ng edukasyon at patatatagin ang mga araling tuntungan ng tunay na nasyonalismo ay makaliliha tayo ng henerasyong may malasakit sa lahing kanilang kinabibilangan. Mag-abroad man ang ating mga kabataan, kung bitbit nila ang matibay na pagpapahalaga sa kanilang pagka-Pilipino, sila rin mismo ang hahango sa ating bayan sa kumunoy ng kahirapan. Sa ngayon, nagkakanya-kanya tayo. May mga nag-aabroad ay permanente nang hindi bumabalik sa lupang tinubuan. May iba na ikinahihiya ang lahing pinanggalingan at walang malasakit sa kanilang kababayan. Kailangang ibasura ang pekeng MAKABAYAN. Kailangang ibasura ang E.O 210. Kailangang baguhin ang pananaw na ang Filipino ay walang katuturang aralin. Mainam na palakasin ang pagtuturo ng Araling Panlipunan gamit ang mga katutubong wika ng ating bayan. Kailangang mabago ang ating pananaw na palaging umasa sa dayuhan. Gabayan natin ang ating mga kabataan na gamitin ang internet sa pagpapalaya ng isipan. Mag-aral tayo ng tamang English ngunit huwag higit na pahalagahan ang sariling wika. Buwagin natin ang kolonyal na sistema ng edukasyon na malaon nang umaalipin sa ating kamalayan. Ordinaryo lamang akong guro at hindi ko ito kayang mag-isa. Kailangan ko ng mga kakampi na kikilos. Sana ay isa ka!
9
Happy 17th Birthday to DESIREE ANN CRESINO on December 15, 2009. Belated Happy 8th Birthday to you Laura Jane F. Cayas last December 9, study hard! Greetings coming from Papa J.R Cayas and Mama Lhen Jhen.
Belated Happy Birthday to mama Alice Lara last December 10 from Camille, Cheenee, Calvin and Responde Cavite Staff
Want overlooking property? Lots and house and lots Contact - Cely Buhay 0910-608-5896
10
DISYEMBRE 13 -19, 2009
ANG KUWENTO NG PAGKAMATAY NI GERVASIO E. PANGILINAN Ayon sa kanyang apo na si Wilfredo, ang pagkamatay ni Gervasio E. Pangilinan, itinuturing na kauna-unahang local na historyador ng lalawigan ng Kabite, ay isang malungkot na karanasan para sa kanyang naiwang kabiyak na si Pascuala Herera de Pangilinan. Sa praktikal na kadahilanan, napagdesisyunanan nito na ipalibing agad kinahapunan ang bangkay ng kanyang asawa na namatay noong umaga. Ang katwiran daw ng nasabing biyuda, “patay na ito kaya ililibing na...” ang mga kapatiran ng nasirang Gervasio ay nangangalap pa lamang sa pantyon dala-dala ang koronang bulaklak para sa namayapa nang mabalitaan ang madaliang pagdedesisyon sa paglilibing. ANG PANGANGALULUWA Isa sa namamatay na tradisyon sa Kabite ang pangangaluwa. Ayon sa isang panayam kay Luisita “Uchie” Viniegra delos Santos, anak ni Bernardi-
no “Nanding” Custodio delos Santos Sr. na nagmula sa angkan ng mga musikong pawang kasapi ng Banda Matanda, ang pangangaluwa ay dating popular sa Heneral Trias. Ayon sa kanyang naalala, ang tradisyong ito ay isinaagaw sa unang araw ng Nobyembre, ang mga nangangaluluwa ay binubuo ng apat na manganganta at anim na musiko, nagsisimula ang pananapatan sa mga bahay-bahay sa ganap na ika-anim ng gabi at madalas inaabot ng madaling araw. Kadalasang binibigyan ang mga nangangaluluwa ng pera o suman. Batay pa rin sa naaalala ni Unchie, ang isang halimbawa ng isa sa tatlong awit na kinakanta nila tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay ang komposisyong isusulat ng kanyang ama: Matandang ugali ang siyang nakagisnan Kung ganitong Undras Libutin ang bayan Manghingi ng limos sa ganitong araw Sapagkat ito ang siyang nakasanayan Sa mundo’y salawa ang nilikha ng Diyos: Manghingi ang isa at
ang isa ay manglimos Ikaw ay pinalad kinalinga ng Diyos sa ganitong Araw sana’y maglilingkod. IBA PANG MGA PAMAHIIN AT KINAGISNAN Isang paniniwala kapag binata o dalaga ang namatay ay ang pagtugon. Mayroon daw susunod na dalaga kapag binata ang namatay o may susunod na binata kapag dalaga ang namatay. Maraming senyales ang panaginip na may ngiping nabunot. Ito’y nangangahulugang may mamatay na kamaganak. Dapat na ikagat sa isang halaman ang ngipin upang hindi ito magkatotoo. Hindi rin dapat na mabasag ang salamin ng kabaong ng yumao. Masusundan pa raw ito ng isang kaanak na mamamatay. Ang mga pagkaing natira sa bahay na pinagburulan ng bangkay ay ipinamimigay sa mga kapitbahay at mga nakiramay. Ang mga tolda na ginamit sa panahon ng paglalamay ay dapat na naalis sa harapan ng bahay na pinagbuburulan bago muling dumaan ang libing (kung ito ay magdaraan na muli matapos na pagmisahan, patungo sa pantyon). Kailangang may maiwang kamag-anakan sa bahay ng pinabuburulan sa oras ng paglilibing. Masamang magpunta sa lamay ng patay ang isang buntis dahil mahihirapan ito sa panganga-
nak. Hindi rin pinapapunta sa lamay ng patay ang isang taong maysakit dahil lalong lalala ang karamdaman nito. Ang mga ambag o abuloy na ibinigay pagkatapos ng libing ay hindi na maaring tanggapin. Hindi kanais-nais ang pagsusuot ng kulay pulang damit kapag nakikiramay sa namatayan, sapagkat masayang kulay ito at hindi angkop sa okasyon. Ang ulunan ng bangkay ang unang dapat ipasok sa nitso. Dapat daw kasing nakaharap siya sa mga kamag-anak na dadalaw sa kanya sa pantyon. Sa paglilista ng mga pangalan ng mnamatay sa babae, ang apelyido niya noong dalaga ang itinatala sa listahan kung siya’y nakapag-asawa. Nakagisnan na ito ng mga sekretaryang kinapanayam ng may akda sa Parokya ng Heneral Trias. Sa araw ng mga patay, isa sa mga paraan upang malaman kung dumadalaw sa bahay ang isang yumao ay ang paglalagay
ng abo sa sahig sa may harapang pintuan o sa harap ng silid tulugan sa oras ng pamamahinga na lahat ng namayapang kamag-anak na dumalaw. Ang pagtitirik sa may halamanan ng bahay ng kandilang may sindi (nakasindi mula sa pantyon) na ginamit sa Araw ng mga Patay ang magpapayabong sa mga tanim na halaman. Ang anarillo (Tagales ercta L.), kalatsutsi (Plumera acuminate W.T.Ait), palong-manok (Celosia argents L. forma cristeta (L.) Ktze), rosal (Gardeniajasminoides Ellis), at
Publication: RESPONDE CAVITE
tumbong-aso (Morinda California L. var. bracteata Hook f.) ang ilan sa mga popular na bulaklak na inaalay sa mga yumao kapag Araw ng mga Patay. Ang tumba, isang uri ng pagbibiro ng mga tao na ang mga gamit sa bahay (silya, mesa, mga paso ng halaman, at iba pang mga naiwan sa labas ng bahay) ng kanilang mga kapitbahay ay itinutumpok nila sa kanto ng kanilang barangay. Ginagawa sa hatingbagi ng pagdiriwang ng Undas ang kasayahang ito (tawag sa Undas ng mga taga Kabite).
Dates:December 6 & 13, 2009
DISYEMBRE 13 -19, 2009
11
ILANG TULA NI ALEJANDRO G. ABADILLA MISYON SA PAGSULAT Misyon sa pagsulat? Talaga pong wala Sa aikin ang hangad Bumuo ng sira ANG TAONG 1964 Itong taong ito Ay s’werte ko yata, Aklat doon, dito’t Magkabi-kabila. Nar’yan ang Parnasong Edisyong Segunda’t Pangalawang tomong Tanagabadilla. Nar’yan ang aklat Naming ni A. Dizon, Na ang unang hangad, Magkalat ng dunong. (Doring, ang singk’wenta Pesos mo’y dumating Na umaawit pa, At tumataginting!) Ano pa ang aking Mahahangad ngayon, Kundi ang magiting Sa paglilimayon, Ang swerte ko’y iyan, May mga ksamang Sadyang dumadaramay Sa pangungulila, Ang mga sinundang Kapalarang akin Ay palatandaang Ang ako’y darating.
Iyang ipukrisyang Lipunang marupok Ay hindi ko linya: E’no kung malagot? Napako ng minsan Si Kristo sa kurus, Tama nap o iyan – Ang minsang pagtubos! Hindi ako si Marx, Lenin, ni Amado: Ako? Kung may hangad Ay ang reporma ko! Sarili kong renda Ay lagging maagting, Bakit ang sa iba’y Aking rerendahin? Timawa ang taong Ibig bumsabos Sa kahit sino, Sa ngalang pagtubos. Buhay na binuhay: Iyan ang misyon ko, Iya’y panitikan Na walang reklamo!
Youth Media Conf er ence Confer erence ence,, idinaos sa Baste Media ethics, media trends, at media killings. Ilan lamang ito sa mga paksang pinagtuunang-pansin sa katatapos lamang na “1st Sebcom Youth Media Conference” na nilahukan ng iba’t ibang high school sa lalawigan at idinaos sa San Sebastian College Main Campus Auditorium sa Cavite City, ika-7 ng Disyembre. Isang proyektong media literacy ng College of Mass Communication at ng organisasyong pangmag-aaral na Sebastinian Communicators, ang pagtitipon ay kinatampukan ng mga itinatanging tagapagsalita sa pahayagan, telebisyon, radyo at online journalism gayun din sa malayang pagsasapelikula. Ang pagdiriwang ng media conference ay may kaugnayan sa kapapanimula pa lamang na ispesiyalisayong pangMass Communication na Broadcast Journalism sa San Sebastian College. Kasali sa komperensiya ang Holy Nazarene Christian School, St. Peregrine Institute, Rosario Institute, San Sebastian College, Sangley Point National High School, at Colegio de San Francisco. Pinuri ni Dr. Maria
Theresa S. Giron, Dekana ng College of Arts and Sciences ang napapanahong pagpupulong. Nabigay komentaryo rin ito tungkol sa pagiging laganap ng iba’t-ibang uri ng media at sa hindi maitatangging epekto ng media sa tao. Ibinahagi ni G. Romel Sanchez, Managing Editor ng Responde Cavite, ang kanyang mga karanasan bilang isang print journalist. Nagsalita ito tungkol sa print basics, ipinakita ang kaibahan ng print sa ibang uri ng media, at pinayuhan ang mga dumalo na magbasa upang maging mahuhusay na mga manunulat. “Ang utak natin ay parang bangko... 'pag may dineposito meron kang mawiwithdraw,” sabi ni Sanchez. Matapos ang isang pamagitang bilang, si G. Mark Salazar ng GMA News and Public Affairs ang sumunod na nagsalita. Tinalakay niya ang tungkol sa television production at nagkwento rin ng mga karanasan bilang reporter para sa 24 Oras. Naniniwala si Salazar na pinakaayon sa katotohanan ang telebisyon at dahil dito inaasahang mas responsable ang mga tagapamalitang pangtelebisyon. Ipinaliwanag din niya na laging
kailangang may video upang mapatunayan ang isang balita sa telebisyon. Inihambing ni Salazar ang camera sa isang sandata na “...habang hawak namin 'to hindi kami lilikutin.” Ayon sa kanya, ang mga media killings sa Maguindanao ay nakapagdulot sa kanya at sa kapwa journalists ng “wakeup call” na ang camera ay hindi na lubos na pananggalang sa peligro. Inilahad din niya ang metikulosong proseso ng television news coverage, ang papel ng media sa pagtatanggol sa dignidad at integridad ng publiko, at ang mga panganib na kinahaharap ng mga mamamahayag na katulad niya. “Mas nalalagay sa alanganin ang nasa TV... Kailangan namin videohan... We really need to be where the action is.” Sumunod si G. Jun Del Rosario ng DZMM na nagsalita tungkol sa radio journalism. Isang magaaral ng St. Peregrine Institute na binigyan ng pagkakataon na maging tagapamalita sa radyo noong araw na iyon ang nag-cover ng mga pangyayari sa likod ng intablado. Ikaapat na tagapagsalita si G. Jayson Ber-
nard Santos ng GMA News.TV. Nagbanggit ng mga estadistika si Santos na nag-highlight sa “digital divide” sa ating bansa. Ayon sa kanya, sa halip na kaisipang “journalism versus blogging” ang pairalin, isang “journalism and blogging” framework ang dapat subukan. Dagdag nito, dapat na maging maalam sa mga makabagong teknolohiya ang sinumang nais maging mamamahayag sa Internet. Isang independent filmmaker, si G. Ronald Verzo II ng Mediamonsters Productions, ang huling tagapagsalita. Nagpakita siya ng mga maiiksing klip mula sa iba’t ibang pelikula at pagkatapos ng bawat isa ay hiningan ng insayt ang mga kinatawan ng bawat paaralan tungkol sa kanilang napanood. Winaksan ni G. Dante N. Peralta II, Mass Communication Department Head, ang pagdiriwang sa pamamagitan ng paghihikayat sa mga magaaral ng iba’t ibang high school na maging “active media consumers with a critical mindset as opposed to passive media recipients.” Binati niya ang working committee sa mahusay na pagsasagawa ng kumperensiya at
NI DANTE N. PERALTA II
inanyayahan ang mga kalahok na pag-isipan ang isang karera sa journalism. Lalong naging makabuluhan ang pagtitipon dahil sa mga Q&A sessions kung saan direktang natanong ng Sebastinian Communicators at ng mga panauhing magaaral ang mga tagapagsalita. Ginawaran ang bawat tagapagsalita ng plak ng pagpapahalaga na galing sa mga bumuo ng programa; sertipiko naman ang natanggap ng bawat nakibahagi sa kumperen-
siya. Nagsilbing gabay sa mga mag-aaral ng Mass Communication na nagorganisa sa kumperensiya sina Bb. Wella Ricafrente, Senior Segment Producer ng Imbestigador at isang guro ng San Sebastian College Cavite; at Bb. Viccia Andrea Lampas, tagapayo ng Sebastinian Communicators. Mga maestro ng seremonya sina Bb. Lizzeth Asistores at Bb. Joana Gale Pacion, parehong fourth-year na mag-aaral ng Mass Communication.
Si Board Member Jun Del Rosario habang nakikipagkamay kay Wella Ricafrente.
Reader s’ Cor ner eaders’ Corner ner:: 1. Lipad IsipMabagal nga ba ang hustisya sa ating bansa? O sadyang kakarampot na lang ang nalalabing dignidad ng pagkatao ng ilang tinaguriang Pilipino at mamamayan ng ating bansa. Nasaan na nga ba tayong mga Pilipino? Kung kaylan lang ay may napabalitang masaker ng isang pamilya , kung saan ay napatay sa taga ang ina at ang anak nitong dose anyos.... wala na bang takot sa Panginoon ang taong ito? o pinagtatawanan lang niya ang hustisya sa ating bansa? At heto, isa na namang malagim na masaker ang naganap sa Maguindanao, kung saan ay mahigit 50 ang kumpirmadong patay... diumano’y karamihan sa napatay ay tadtad ng bala ang mga ulo at talagang halos di na makilala ang mga ito. May sinasabi pa na may mga babae na nilapastangan muna ang mga katawan nito bago pinatay. Tama ka! malayo nga sa ating bayan {dito sa Cavite}ang naganap na masaker.. pero ako ay apektado, nakaramdam ako ng takot at alam kong marami sa atin ang apektado rin. Sabi nga ng mga European Union na Barbaric ang nangyaring pagpatay na ito. Talaga bang lahing Pilipino ang gumawa nito? Di yata ako makapaniwala!!! Sila ba ang mga taong walang dignidad at gutom sa dugo? O dili kaya’y biktima din sila ng kahirapan at di malirip na pagkagutom... na handa silang pumatay kapalit ng salapi at pantawid gutom ng kanilang pamilya? Nagkataon bang may handang pumatay upang masolusyunan ang pagkalam ng kanilang mga sikmura at may mga taong handang magbayad para sila’y pumatay??? Ahhh, nasaan na nga ba tayo....at sa’n na patungo... del_feranil via email 2. Maraming salamat po at nakaarating na ang Responde Cavite dito sa Mendez. Sana po, mai-feature nyo ang mga kandidato dito sa amin. Kasi po, gusto namin silang makilala nang lubusan. More power sa Responde Cavite. Ty po. Nestor G. Anuling, Mendez via email 3. Mga idol, mabuhay po kayo. Iba talaga ang dating ng Responde Cavite. Kayo lang po ang dyaryong sumisita sa saklaan dito sa Kawit. Garapalan na po ang saklaan dito. Hindi ko alam kung nagkakaroon dito ang opisina ni Mayor Tik Aguinaldo at P/ Insp. Momerto Malubay. A.G.P. Wakas, Kawit via email 4. Mga sir, sana po wag kayong tumulad sa mga dyaryong bayaran. Dati po kasi akong empleyado sa Munisipyo ng _____. Kabisadong kabisado ko po kung paano nababayaran ang mga dyaryo dito sa Cavite. Undergrad po ako ng Mass Com sa PLM, idealist po ako sa field ng journalism. Hindi ko po masikmura na ginagatasan ng mga journalist ang mga munisipyo para lang magpapogi ang mga namumuno. Nabasa ko po kung paano nyo tinanggihan ang malaking halagang panunuhol sa inyo. Saludo po ako. Keep up the good work. God bless po. Mae R. of Dasmariñas 0927833***
Sa 7 distrito ng Cavite...
NI SHIELA SALUD
21 TATAKBONG KONGRESISTA
DALAWAMPU’T isa ang kandidatong tatakbo para pagkakongresista sa bagong mga distrito ng probinsiya ng Cavite. Inilabas ni Atty. Juanito V. Ravanzo Jr., Supervisor ng Commission on Elections (COMELEC), ang listahan ng 21 na magsisitakbo sa pagkakongresista pagkatapos maaprubahan ang kani-kanilang Certificate of Candidacy. Ayon kay Ravanzo, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng botohan sa pagitan ng mga magiging panalo sa eleksyon sa Cavite na bumuto ng isang miyembro ng House of Representatives at dalawang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (provincial board) sa bawat isa sa pitong distrito ng Cavite. Kinumpirma din ni Ravanzo na mayroong 83 na kandidato na tatakbo sa 23 na munisipalidad ng Cavite, kabilang dito ang 6 na tatakbo para sa pagkagobernador, 7 para sa pagka bise-gobernador, 49 para sa 14 na Sangguniang Panlalawigan at 21 para sa pagkakongresista. Narito ang pangalan ng 21 na kandidato na magsisitakbo para sa pagkakongresista: 1 st District: Rep. Joseph Emilio A. Abaya (LP),
Adel C. Dinero (Independent), Cavite City Mayor Bernardo S. Paredes (Lakas-Kampi-CMD); 2nd District: Plaridel M. Abaya (LP), Gerbie P. Ber Ado (Independent), Lani Mercado-Revilla (Lakas-Kampi-CMD); 3rd Distict: Eric A. Cerojano, Kilusang Bagong
Lipunan (KBL), incumbent Governor Erineo S. Maliksi (LP), Nelia C. Servada (Alpha Omega 9K) at Lawyer Albert T. Villaseca (Lakas-KampiCMD), 4 th District: incumbent Rep. Elpidio F. Barzaga Jr., (Lakas-Kampi-CMD), Fernando C. Campos (Independent),
Ramon N. Campos (Nacionalista Party (NP) at Editha G. Doroteo, Alpha Omega 9K); 5th District: Armando A. de Castro (Lakas-Kampi-CMD) and Roy M. Loyola (LP); 6th District: Hermogenes F. Arayata Jr. (LP), Antonio A. Ferrer (LakasKampi-CMD), Rosario C. Gonzales (AO 9K); 7th District: Representative Jesus Crispin Remulla (NP) and Laureano S. Mendoza (LP).
Masayang nagpakuha ng larawan sina MR. AND MS. CAVITE GLOBAL ’09 Rafael Montesines ng Bacoor at Reiko France Dumadag ng Dasmarinas (ikatlo at ikaapat sa kanan), kasama ang ibang kalahok na nanalo (mula kaliwa) Kristine Paola Alberto ng Rosario , 2nd runner-up, Lendel Mei Saradpon ng Kawit, 1st runner-up, Rellie Nicky Natividad ng Alfonso, 1st runner-up at Louie Denver Coyoca ng GMA, 2nd runner-up sa pageant night na ginanap kamakailan sa Gov. Ayong Maliksi Gymnasium sa Trece Martires City. Ang patimpalak ay naglalayong mahubog ang mga kabataang Kabitenyong magiging kinatawan ng pamahalaang panlalawigan na magsulong ng bagong adbokasiya ng lalawigan, “Cavite: Be Part of the Revolution!”
SULONG BAYAN... mula sa pahina 8 Masyadong OA naman ang gobyernong Arroyo, sa tingin ko sa kanyang pagdedeklara ay sinusubukan lamang niya at ng kanyang mga alipores kung ano ang magiging senaryo kung sa kabuuan ay ideklara niya ang Martial Law sa buong bansa para makapanatili pa siya sa poder ng kapangyarihan hangga’t gusto niya. Sa mga sumunod pang pangyayari ay nito lamang mga nakaraang gabi ay may natuklasang abandonadong behikulo o sasakyan sa di kalayuan sa NBI sa Maynila kung
saan nakaditene ang ilan pang Ampatuan. Ang behikulo ay naglalaman ng matataas na kalibre ng armas at granada. Ayon sa gobyerno ay malamang na mga tagasuporta ng mga Ampatuan ang may kagagawan noon. Datapwa’t para sa akin, sa naganap na malawakang pag-aresto sa mga Ampatuan at mga tauhan nito sa balwarte na nila sa Maguindanao ay hindi na sila nakaporma pa. Kaya saan pa kukuha ng lakas ng loob ang mga Ampatuan at mga tauhan
nito para kumilos pa hanggang sa Maynila na hindi naman nila lugar o kaharian, wala ng kakayanan pa ang mga ito. Ang nakitang behikulo na naglalaman ng mga matataas na kalibre ng armas at granada ay maaaring planted o pakana lamang ng gobyerno upang palabasin sa mga tao na ang banta ng sinasabi nilang rebelyon ay nasa Metro Manila na at kaya naman bukas makakalawa ay huwag na tayong magtaka pa kung sa muling paggising natin ay naideklara na rin sa buong Pilipinas ang Martial Law ng pekeng Pangulo, pwe!!!