Responde Cavite Issue 23

Page 1


2

PEBRERO 07 - 13, 2010

Calabarzon, may 6 na ‘private armies’

MINAMANMANAN ng pulisya ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang anim na mga pulitiko na mayroong “private armies”, mungkahi ng pulisya. Ayon kay Chief Superintendent Rolando Añonuevo, Calabarzon police director, ang anim na mga pulitiko ay kabilang sa mga lugar Laguna, Cavite, Rizal, Batangas, at Quezon. Ayon pa kay Añonuevo, minomonitor din nila ang 10 lugar sa region na ito na itinuturing na “hot spot” kung saan pinagbasehan ng mga ito ang kanilang listahan sa dalawang kategorya na ibinigay ng national headquarters. Dagdag pa ni Añonuevo, na hindi nila maaaring ilabas ang mga pangalan ng mga pulitikong kanilang minamanmanan para na rin

sa ikabibilis ng pagkuha ng kanilang mga ebidensya. At pag natapos na ito at nakapagsampa na ng kaso sa mga sangkot na pulitiko ay maaari na nilang ilabas ang mga pangalan sa publiko. Kamakailan ay nagpahayag din si PNP Chief Director General Jesus Verzosa na mayroon silang napagalamanana na 68 “private armies” sa buong bansa. Ayon kay Verzosa, ang Ilocos Region ang itinututring na may pinakamaraming “private armies” sa bilang na 11, sumunod ang Northern Mindanao sa bilang na 9, Eastern Visayas na may 8 at Calabarzon na mayroong 6.

Ang “private armies ay binubuo at pinangungunahan ng mga pulitiko tuwing darating ang eleksyon upang mapalawak ang kanilang hangaring manalo. Ang sinumang mapatunayan na may kinalaman dito ay maaaring sampahan ng kaso at makulong. Sinigurado naman ni Añonuevo na ipinatutupad ng pulisya ng Calabarzon ang gun ban sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pagkakaroon ng checkpoint. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 91 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa ipinatupad na gun ban, kabilang dito ang 2 pulis, 2 opisyales ng gobyerno. ANDY ANDRES

Ipinagkaloob ni Cavite Gov. Ayong Maliksi, sa pakikipagtulungan ng Provincial Housing Development Office at R-II Builders, ang ceremonial key kay Tasiana Samaniego, nanalo ng bahay at lupa sa Pamayanang Maliksi Mass Housing Project sa pagdiriwang ng Maliksing Pasko, Handog ng Caviteno. Nasa larawan din sina Supervising Cooperative Development Specialist Khervy Reyes at Jennith M. Dayrit ng R-II Builders Inc. Makikita rin sa larawan ang mga nanalo sa Mr. and Ms. Cavite Global (mula kanan) Kristine Paola Alberto ng Rosario at Louie Denver Coyoca ng G.M.A., 2 nd runners-up, Rafael Montesines ng Bacoor at Reiko France Dumadag ng Dasmarinas, Mr. and Ms. Cavite Global 2009.

‘Kurapsyon’ sanhi ng pagbagsak ng eroplano TINANGGIHANG sagutin ni Deputy presidential spokesman Ricardo Saludo ang paratang ni Cavite Representative Joseph Emilio Abaya patungkol sa pahayag nito tungkol sa corruption. Ayon kay Joseph Emilio Abaya, graft and corruption ng naging dahilan kung bakit bumagsak ang Philippine Air Force (PAF) plane na nagsanhi ng pagkamatay ng 9 na katao kabilang ang isang PAF general. Dahil di umano sa “poor maintenance”.ng gobyerno sa mga kagamitan ng ating bansa, katulad ng mga eroplano ay nagkakaroon ng

mga ganitong sakuna. Ang tanging iniwang sagot ni Saludo sa isang panayam sa radyo, ay dapat magkaroon muna ng basehan ang congressman bago sagutin ng Palasyo ang mga paratang nito. Dagdag pa niya ginagawa ng PAF ang lahat upang magawa nito ng mabuti ang kanilang tungkulin at sinisiguro nila ang kaligtasan ng bawat manggagawa nito pati na ang publiko. Samantala, habang ginagawa ang balitang ito ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng PAF ang sanhi ng pagbagsak ng nasa-

bing eroplano. Ang mga biktimang namatay ay kinilala na sina: PAF Major General Mario “Butch” Lacson, Captain Genaro Gaylord Ordonio, 1st Lieutenant Angelica Valdez, Major Prisco Tacuboy, Lieutent Alexander Ian Lipait, Staff Sergeants Ronaldo Mejia, Ianne Christy Marose Llamera, at Jeffrey Gozon. Kabilang din sa mga nasawi ang isang civilian na si Inday Mondrano. Matatandaang bumagsak ang Nomad plane ilang minuto pagkatapos nito mag take off sa Awang Airport. NADIA DELA CRUZ

CARMONA, CAVITE – Umalma si Mayor Loyola at iba pang opisyales ng Carmona sa anunsyo ng Cavite Provincial Police na isa ang kanilang bayan sa itinuturing na “hot spot” sa darating na eleksyon. Ayon sa kay Alda Lou Cabrera, head ng Provincial Information and Community Affairs Department, kinuwestiyon ni Loyola at mga kasamang opisyales ang pahayag ng

pulisya patungkol sa kanilang lugar, gayong kilala ang Carmona sa pagiging payapa at maayos na lugar partikular kapag dumarating ang elekyon. Humihingi di umano ang mga opisyales na ito ng paliwanag kung bakit kabilang ngayon ang kanilang bayan sa mga lugar na “hot spot”. Si Loyola ay nahirang na bilang Mayor ng Carmona ng tatlong beses at ngayong elek-

syon ay tumatakbo siya sa pagkakongresista sa ika-5 distrito ng Cavite. Kabilang sa mga lugar na itinuturing na “hot spot” na inilabas ni Chief Insp. Milagros Sanchez, CPPO Public Information Officer, bukod sa Carmona ang dalawang lungsod na Trece Martires at Bacoor, kasama din dito ang anim na bayan: Silang, Alfonso, Amadeo, Rosario, at Tanza. ANDY ANDRES

Carmona kabilang sa ‘hot spot’


PEBRERO 07 - 13, 2010 2 pang bangkay, natagpuan sa MV Catalyn B LIMBONES, ISLAND, CAVITE – Nagpahayag ang Philippine Coast Guard na dalawa pang bangkay ang natagpuan ng kanilang mga tauhan mula sa lumubog na MV Catalyn B sa islang ito. Sa ipanasang ulat ni Lt. Commander Arman Balilo, spokesman ng PCG, umabot na sa kabuuang 24 katao ang narekober. Inilarawan nito ang nakuhang bangkay na may mahabang buhok, at may suot na heart-shaped na relo sa kaliwang braso. Habang ang pantalon naman nito ay may tatak na Lee, kulay maroon ang suot na pang-itaas at dark green naman ang sweater. Mayroon pang kabuuang 3 katao ang nawawala na masusing pinaghahanap pa rin ngayon ng awtoridad. Kaagad naman dinala ang 2 bangkay sa Ambasador Funeral Homes. Magugunitang lumubog ang MV Catalyn B noong Disyembre 24, 2009. OBET CATALAN

Sa pagkakapalit ng Prov. Director…

GOV. MALIKSI NAGHAYAG NG SAMA NG LOOB NI WILLY GENERAGA

HINDI nagustuhan ni Cavite Gov. Erineo “Ayong” Maliksi ang pagkakaalis ni Senior Superintendent Alfred Sotto Corpus bilang Police Provincial Director sa Cavite. Ayon sa pahayag ni Gov. Ayong Maliksi, sa kabila ng pag-atas ng Temporary Restraining Order (TRO) na nagsimula noong nakaraang Enero 10 ay inalis pa rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Philippines (PNP) sa pwesto ang Police Provincial Director. Matatandaan na nitong nakaraang Enero 11 ay opisyal na hinalinhinan si Col. Corpus dahil na rin sa ibinabang utos ng Malacañang na magkaroon ng reshuffle ng mga police director sa paghahanda sa darating na eleksyon. Hinaing pa ni Maliksi, ang pangyayari ay nagpapatunay na minaliit ang awtoridad nito patungkol sa pagpili at pag-

papalit ng police provincial director. Dagdag pa ni Maliksi, ang pagkakaalis ni Corpus ay maaaring may kinalaman sa pulitika. At ipi-

nagmamalaki rin ng gobernador na si Corpus ay epektibong police director. Ayon naman kay Bukidnon Representative Teofisto Guingona III, ang pagrereshufle na ito ay isang paghahanda sa isang malawakang pandaraya sa darating na eleksyon.

3

Binaril sa sintido…

Tricycle driver, patay CAVITE CITY – Isang lalaki ang binaril sa sintido ng hindi nakilalang salarin na mabilis na tumakas matapos ang pamamaslang. Kinilala ni PO1 Nick Balberan, imbestigador, ang biktima na si Roberto Santos y Algora, 44 taong gulang, may asawa, tricycle driver, residente ng 252 H. Del Trabajo St. Brgy. 44, San Antonio, Cavite City. Nangyari ang pamamaslang sa panulukan ng M. Gregorio St. corner Calpo St. San Antonio sa humigit kumulang alas 3:45 ng umaga. Nagtamo ng isang tama ng baril ang biktima sa kanang sintido. Nakuha pang maisugod sa Dra. Salamanca Hospital ang biktima subalit idineklara na itong patay ni Dra. Roda Perez. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang krimeng ito habang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen. JUN ISIDRO

Ugaliing makinig sa 91.9 The BOMB FM upang magkaroon ng CD copy ng 2009 TOP TEN HITS


4

PEBRERO 07 - 13, 2010

Ang putang amang Valentine’s Party ng CNHS! WALA na nga sigurong sasarap pa para sa isang magulang na makita ang kanyang anak na umaakyat sa entablado ng paaralan bilang pagtatapos. O kung hindi man ay maluwalhati nitong naipasa ang isang taon ng pagsabak sa magulong mundo ng buhay-high school. Sa kalagayan ng ating lipunan ngayon na maituturing nang isang luho ang pag-aaral kaysa pangangailangan, suwerte nang maituturing na makatapos ng sekundarya ang ating mga anak. Alam natin ang hirap na pinagdadaanan ng bansa ngayon, marami ang walang trabaho. Kung mayroon man, malaki ang posibilidad na hindi ito permanente at hindi sapat ang kita. Kaya naman kahit sabihin pang sa pampublikong paaralan napasok ang ating mga anak ay iginagapang ito ng mga magulang. At mula nang ako’y magkaisip, pilit na isinisiksik sa atin ng mga guro na ang paaralan ang ating pangalawang tahanan at mga guro ang siya nating pangalawang magulang. Pero parang hindi ito ang panuntunan ngayon ng aking alma matter na Cavite National High School (CNHS)! Sino kaya sa Math Department ang sinaniban ng masamang ispiritu na nakaisip na mag-daos ng umano’y JS Promp o Valentine’s Party sa Chua’s Pavillion at singilin ang mga bata ng halagang P400 bawat isa. Opo! Maliwanag po ang iyong nabasa, P400 bawat isa! Kung talagang itinuturing nilang ang paaralan ang pangalawang tahanan at ang guro ang pangalawang magulang, matino ba nilang maiisip ang proyektong ito kung proyekto mang matatawag. Hindi ba nila naiisip na kaya sa pampublikong paaralan ipinasok ng mga magulang ang kanilang mga anak ay tiyak na marami sa mga ito ang hindi kayang pag-aaralin ang mga anak sa pribadong paaralan dahil wala silang kakayahan sa gastusin. SUNDAN SA PAHINA 5

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1, 2 district coordinator chief reporter nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Kung makapatay ka ng lamok, para ka lang pumapatay ng tao, ha? DON’T use a cannon to kill a mosquito (Huwag gumamit ng kanyon sa pagpatay ng lamok).- Lao Tse Ganito na ngayon sa Cavite City. Tumunganga ka sa tapat ng isang convenience store, may babaril sa iyo. Tumambay sa kanto o sa sabungan, may papatay sa iyo. Sa harapan ng bahay o kahit sa loob mismo ng iyong bahay, may papatay sa iyo. Sa palengke o kahit sa anumang mataong lugar... may papatay sa iyo. Umaga, tanghali, hapon, gabi, madaling araw... turingan mo ang panahon at lugar... may papatay sa iyo. Naging bukambibig ng mga tao kung, saan at kailan pinatay si ganito at si ganyan. At sino ang pumatay? Ano ang motibo? Maraming nagdunung-dunungan ang nagbigay ng kuru-kuro at opinion. At may ilang makakapal ang mukhang magsasabing si ganito ang pumatay kay ganyan dahil... Pero kapag kukuhanan mo ng opisyal na pahayag, tikom ang bibig. Umid ang dila. Walang nakita. Walang narinig.

Natural, sisihin ng ilan ang lokal na pamahalaan. May maninisi sa pulis. May maninisi sa mismong biktima. May maninisi sa mga saksi na ayaw magsalita. Ganito na ngayon sa Cavite City. Ang patayan... parang Next Attraction o Coming Soon na palabas sa sine na inaabangan ng lahat. Yun bang tipong paggising sa umaga, ang unang itatanong ay, “sino na naman ang pinatay ngayon?” Ganito na ngayon sa Cavite City, ang kamatayan ng mga biktima ay idinadaan na lamang sa anunsyo sa huweteng. Anong numero ang swerteng tayaan,3829 ba? 4-5 kaya? Baka naman, 4-30? May ilang kritiko ang nagsasabing gingawa ito upang pulaan at siraan ang kasalukuyang pamahalaan at kapulisan sa Cavite City. Gustong guluhin ang di umano’y matahimik na lunsod (lalo na’t may Comelec Gun ban). May ilan ding nagsasabi na ang mga pinaslang ay may kwestyunableng personalidad at sangkot sa ilang kwetyunableng pamumuhay kayat nararapat lamang kalusin ang mga ito. Hindi kasi di umano makalos ng nasa kapangyarihan ang mga nag-aastig-astigang pinaslang. SUNDAN SA PAHINA 12

Paano Ba Kita Mapapasalamatan? (Ang aking paraan ng pagtanaw ng utang na loob) AKO ay naging bahagi sa isang malaking pagtitipon ng mga principals at supervisors ng DepEd saDivision of Cavite. Ibinahagi ko ang aking advocacy bilang inspirasyon sa isang proyektong kanilang ilulunsad sa darating na mga araw. Ipinakita kong muli ang kakaibang karanasan ng aking pagtuturo sa pamamagitan ng LCD presentation – Pedicab Teacher featured sa Rated-K ni Korina Sanchez; Wanted: Ang mga bagong bayani sa isang episode ng Correspondent ni Karen Davila; Heroes Section ng Readers Digest, November 2009 issue bilang Teachers on Wheels. Lalo po akong nagsusumikap na ipagpatuloy pa ang nasabing pagkilos. Sa kanilang magandang tugon sa aking pagbabahagi, halos mapaiyak ako sa tuwa. Tanggap na tanggap nila ang aking pagtitiyaga at dedi-

kasyon sa larangan ng pagtuturo. Utang na loob ko po ang tagumpay na ito sa mga taong ito. Sa walang kapagurang pagsuporta at malaking tiwala ni Mayor Nonong Ricafrente; sa walang hanggang paniniwala ng pamilya ni Vice-Mayor Jhingjhing Hernandez kasama ng maybahay niyang si Ms. Mimie; sa pagtitiwala ni Rev. Fr. Ollie Genuino; sa aking mga estudyante na patuloy na nakikinig at nagsusumamo sa pagkatuto at sa lahat ng mga tumulong para sa advocacy. Isang pangakong bibitawan ang aking hatid; hangga’t kaya ko, hangga’t ako ay nabubuhay, patuloy kong papaandarin ang aking pedicab dala’y mga aklat at pisara upang magturo ng nararapat at matuwid. oOo Ipinakikilala ko po ang isang organisasyon na nagnanais tangkilikin at suportahan ang mga kakayahan at kagalingan ng Rosario Youths. Ito po ay ang FAV Foremovers Society Inc. na may panimulang slogan na “Where your talents come to the fore”. SUNDAN SA P.5

Tatakbong konsehal, nuknukan ng yabang sa kwentuhan PALAPIT na nang palapit ang eleksyon kaya naman kaliwa’t kanan ang batuhan para lamang masira ang kredibilidad ng isang politiko lalo na sa nasyunal. Maging sa lokal ay hindi magpapahuli ang mga ito. Kaya naman kanya-kanyang payabangan ang mga konsehal sa kanilang mayor. Mayroon tayong nalaman na isang tatakbong konsehal dito sa Cavite na nuknukan diumano ng kayabangan lalo na sa kwentuhan. Halos siya na lamang ang laging laman ng kwentuhan ng mga kapwa niya tatakbong konsehal. Paano ba naman, sa tuwing magkakaroon ng pagpupulong ang kanilang partido ay walang bukang bibig itong nuknukan ng yabang na tatakbong konsehal kundi sila daw umano ay malakas sa tao. Kanila na raw si ganito..kanila na raw si kapitan...kanila na raw si pare...lahat kanila na lang! Sana kwentuhan na lang ang eleksyon at siguradong sa kwento lang nitong nuknukan ng yabang na tatakbong konsehal ay siguradong panalo na silang lahat. Ang hindi niya alam, kahit kasama niyang tatakbong konsehal ay halos kainisan siya dahil sa sobrang hambog niya sa kwentuhan. Halos hindi na nga sila makapagsalita kapag naumpisahan na nito ang pagbibida. Kaya ang mga kapwa niya tatakbong konsehal

ay kanya-kanya ng senyasan. Kalabit dito...kalabit sa katabi. Kundi man, idadaan na lang sa text. Siguradong kapag natapos ang bulong este ang pulong pala ay siya ang laman ng kwentuhan. Bagama’t kasama nila itong tatakbong konsehal ay hindi naman nawawala sa kanila na ito ay kainisan. Minsan nga habang nagkokober kami ng isang crime news habang abala kami sa pagkuha ng litrato at impormasyon ay may nakatawag pansin sa amin na may biglang umeksena. Pinaghahawi at pinagtatabi ang mga taong nakiki-usyoso. Ang dahilan, para lamang pala makapasok siya sa eksena. Kaya naman, nang magkita-kita na naman sila...bida na naman si kuya. Naku sir, kung nais mong maging bida sa iyong mayor ay sabihin mo ang totoong kalagayan niya. Ako na ang magsasabi sa iyo ng totoo, hindi naman kahinaan ang iyong mayor at hindi rin naman kalakasan. Malayo sa tunay na buhay ang kwento mo na malakas ang partido ninyo sa bawat barangay. Kung ako sa iyo kuya, konting preno lang sa pagkukwento dahil ang mismong kaalyado mo ay naiirita sa iyo. Sayang ang gandang lalaki mo dahil siguradong pag-akyat mo pa lang sa entablado ay magtitilian na sa iyo ang mga kabadingan at mga kababaihan, dahil sa malago at mapang-akit mong bigote. Ibig ba ninyong malaman kung sino itong nuknukan ng yabang sa kwentuhan? Magpalaki ka lamang ng katawan siguradong makikilala mo na siya. Naku KUYA, ayaw ni A-ling betya ng ganyan!


PEBRERO 07 - 13, 2010

Parks And Open Spaces

ANG liwasan at lantad na alangaang (open space) ang magsisibilisa (civilize) sa mga lungsod o kabayanan. Sa gitna ng hirap at kagipitan ng buhay, gulo sa mga lansangan, tindi ng problema at kumpitisyon, ang mga liwasan ang nagbibigay ng laya at guinhawa sa kapaligiran. Ang kalikasan ang nagdudulot ng lugar na may libreng hangin, tanawin hanggang sa himpapawid, patak ng ulan at liwanag ng araw sang-ayon sa salita ng tag-init at tag-ulan. Bata o matanda, karaniwang empleyado o manggagawa, kapamilya o kahanggan—walang pinipili ang gumagamit sa liwasan sa lahat ng panahon at pagkakataon. Totoo ngang ang liwasan ay para sa tao at sa kanyang ikasisiya at sa ikakalugod at kabutihan ng lahat ng mamamayan. Pinagdadausan ito ng iba’t-ibang uri ng kasaya-

DOS POR DOS Ang P400 ay dalawang araw ng kita ng isang ordinaryong piyon, apat na araw na kita ng isang tricycle driver at isang linggong kita ng padyak ng pedicab driver. Bukod pa dito ang gagastusin ng mga bata sa susuotin, pagpapaparlor, pamasahe at baon. Makatwiran ba ito? Habang sinusulat ko ito ay hindi ko mapigilang hindi magngitngit ang aking bagang sa isang malaking kaputahang amang proyekto ito! Marami nang nagtangkang pigilan ang proyektong ito, pero pinipilit pa rin ng Math Department ang kanilang kagustuhan (kumita?). Bakit Math Department? Ano relasyon ng departamentong ito sa mga party-party? Simple-- Kabisado nila ang pagkuwenta at magaling sa division-magparte-parte! Paano? Ang magbabayad ng P400 ay exempted na sa periodic

(Ang lantad na alangaang ay katulad ng isang birhen, Minsan lang abusuhin, Nawala na ang pagka-birhen magpakailanman) han, paghehersisyo para na pamahalaan bilang nasa loob ay maliliit na sa kalusugan at pagpa- plasa o laruan habang ‘open spaces, squares, paayos ng pamumuhay may mga organisasyon markets, pizzas and garsa pamamagitan ng e- na namamahala o nag- dens’. Naandiyan ang mosyonal, pisikal at pang- mementuna ng mga mga pamayanan sa Mekaisipang ginhawa. kasangkapan ng mga sopotamia, sa Ehipto oOo mumunting espasyong noong panahon ni RameAng pagtatalaga ng ito. sis III na naghandog ng kalupaan sa ‘open space’ oOo mahigit na limang dahong ay may tatlong category: Sa mga bansang hardin sa mga templo, 1. Permanente na may mahaba ng karana- hanggang sa panahon ni binubuo ng mga pampub- san sa pamamahala ng Julius Caesar na nagliko at pribadong liwasan mga liwasan, katulad ng iwan ng mga ‘orchards na itinalaga ng batas para Estados Unidos at United and pleasure spaces’ sa sa nasabing layunin. Kingdom, dalawang uri na mga mamamayan ng Kasama ditto ang pam- may kanya-kanyang ka- Roma. bansa at relihiyong li- tangian ang liwasan. Ito ay Maging sa disenyo ng wasan na tinatawag na ang panglungsod (ur- siyudad ay nakaloob ang ‘protected forests and ban) at panglalawigan element ng ‘open space’ wildlife sanctuaries’ at (country side or rural). kasanggi ng sa pabahay, mga pribadong kalupaan Ang liwasan daw ang komersyo, institusyonal na ipanamamahala sa pinakamatandang lugar at mga pang-suportang mga kinikilalang (conser- kung san ginagamit ng insprastractura. Halimvation) ng kagubatan. tao ang kanyang mala- bawa ang libro ni Ebene2. Semipermanente yang oras. Sa mga komu- zer Howard na ‘Garden na sa kasalukuyan ay gi- nidad noong unang pana- Cities of Tomorrow (1902) nagamit bilang ‘water- hon ay palaging may at Frederick Gibberd na shed areas, military res- isang maaliwalas na es- ‘Urban Design’ na isiervations and academic pasyo na pinagpupulu- nakatuparan sa proyekinstitutional lands’. Isina- ngan ng mga tao, pinag- tong ‘Harlow New Town’. sama rin dito ang mga pri- papahingahan, pinagla- Ang Harlow ay hinati sa badong palaruan ng golf, laruan at pinagmamas- limang bahagi ng bukirin. sementeryo at mala-pub- dan ang mga libreng paAng ating panahon, likong ‘recreational ar- labas na itinatanghal na. madadama natin ang kaeas’ tulad ng Boy Scout Sa kasalukuyan ay halagahan ng ‘open Camps, YMCA at pag-aari nakatala na ang matatan- space’ sa lahat ng sulok ng mga relihiyosong or- dang sosyeded na ng bayan. Sa mga ganisasyon. tinaguriang ‘city-states’ ay paaralan ay lagging may 3. Temporary na pina- natatanuran ng matataas nakahandang lugar sa hihintulutan ng mga local at matibay na pader at labas ng mga silid-aralan upang mapaglaruan ng Galang, Ph D, kahit Mula sa pahina 4 mga bata o mapagdauanong pagpe-play safe san ng mga selebrasyon. ang gawin niya, comtest! Sa elementary pa lamang mand responsibility niya Ganyang kalupit! may mga bahagi ng kamang kahihinatnan ng Maliwanag na po ang ‘science Garden, diskriminasyon, ang may proyektong ito. Math Garden’ at ilan pang pera ay pa-enjoy-enjoy! At malamang na patungkol sa mga natitiPa-relax-relax! isiping kasama siya sa rang kurso. Ang mga osHabang ang hamak pital ay may mga espaspartihan. ay magsusulit! yong natatamnan ng mga Si Crecensiana Ganito na ba kalupit damo, bulaklak at mga Funcuvilla, Ph, D, ang ang mundo? Sa high punongkahoy na nagdistrict superintendent school pa lamang ay bibigay guinhawa sa mga ng Cavite City? dadanas na ang mga hapong paningin ng pasKapag natuloy ang kabataan ng kaibahan yente at bisita. Ang mga proyektong ito.... sa mataas na pader sa institusyon ay may gusaMalaki ang posibilpagitan ng proletaryo at ling nasa gitna ng lunidad na kasama siya sa burges? tiang kapaligirn. Pati na party-parte! At sa kamay pa ng kanilang mga guro? Good Morning Teacher Mula sa pahina 4 Parents Teachers Bilang inisyal na magiging finalist sa final Association (PTA) and proyekto, ilulunsad po round na gaganapin sa federation President namin ang On-the-spot Feb. 21, 2010 sa SM RoJasmin FernandezPoster Making Contest. sario Activity Area. Ang pakGilera, na noong Dahil na rin sa pagdiri- sa ng paligsahan ay “Ang panahon niya bilang wang ng National Arts Bagong Mukha ng Rosakonsehal ng lunsod ay Month ngayong Pebrero rio”. kilala sa kanyang kung kaya’t ito po ang Sa susunod na isyu ay adbokasiya at krusada naging simula. Humingi ibabahagi ko po sa inyo sa pakikipaglaban ng kami ng tulong sa ating ang lahat ng detalye ukol tama at mali. Lalo na sa mga school administra- dito partikular ay profile ng mga makatwirang tors, public and private isang aabangang grupo proyekto ng lunsod. upang ang mga estudy- sa bayan ng Rosario - uuNgayon, konsehal, ante nila ang lumahok bi- litin ko po – nagpapakilala tama ba ito o mali? lang mga contestants. “FAV Foremovers Society”. Makatwiran nga ba ang Magkakaroon po muna Hanggang sa muling proyektong ito? ng school competition at pagbabalita! Ang principal ng ang magwawagi sa baoOo wat paaralan ay siyang Isang paanyaya ang CNHS na si Victoria

mga lansangan ay natatamnan sa tabi ng mga punongkahoy o mga bulaklakin na nagbibigay sigla sa mga motoristang nababagot sa mabagal na daloy na trapiko. Ang ‘plaza complex’ na nagsimula noong panahon ng Kastila ay patuloy na nakatanghal sa harapan o paligid ng mga munisipyo, siyudad, probinsya at pati na ng gusali ng mga pamahalaang ba-

5

rangay na may kakayahan magbigay ng ‘open space’. Ang dating ‘neighborhood open space’ ay naging ‘community open space’. Tunay ngang ang komunidad ang kloyente ng liwasan. May kasabihan na ang tanging layunin ang lantad na alangaang ay tugunan ang pangangailangan ng mamamayan. (MAY KARUGTONG)

LETTER TO THE EDITOR Reklamo sa isang kapitan ng brgy. Magandang araw po! Isa po ako sa mga masusugid na mambabasa ng inyong pahayagang Responde Cavite. Mapalad po tayong mga Caviteño na may isang pahayagang katulad ninyo na nababasa hindi lamang dito sa lalawigan ng Cavite maging sa buong mundo sa pamamagitan ng inyong website. Ako po si Roselie P. Manongsong, residente ng Brgy. 34, Caridad, Cavite City. Nais ko pong isalaysay sa inyo ang aking naging karanasan sa isang kapitan ng barangay dito sa Cavite City. Ako po ay isang dealer ng Personal Collection. Para pos a inyong kaalaman an gaming produkto ay Personal Care, Home Care etc. May isa po kasi akong dealer sa Brgy. 62 Cañacao Bay St. Kangkong. Hindi ko pa po siya nakikita ng personal kaya’t nagpasya po kaming pumunta sa kanya (Marivic Escario) upang magdeliver ng nasabing produkto. Nagpasama po kami sa aking bayaw (Alvin Manongsong) na siyang nakakakilala kay Marivic upang magpasama, subalit hindi namin siya natagpuan sa kanyang bahay. May ilan pa kaming nakausap na interesado rin sa negosyong ito. At habang kausap namin ang babaeng gusto ring maging dealer may isang babaeng lumapit sa aking bayaw. “Ikaw ba si Alvin Manongsong?” “Opo”, sagot ng bayaw ko. “Ipinapatawag ka ni Kapitan Bong”, wika ng babaeng inutusan. “Sige po”, sagot ng bayaw ko. Di pa sila nakakalayo mga 3-4 na hakbang mula sa aking kinatatayuan ay dumating na ang nasabing kapitan. Pakiramdam ko’y galit siya. At sinabi, “may isa akong kagawad na pumunta sa akin at nangunguha ka raw ng tao sa lugar ko!” “Ay kap, hindi po! Nag-aalok lang po kami ng negosyo na Personal Collection”. At kahit anong paliwanag ng bayaw ko’y parang wala siyang naririnig. Nagulat talaga ako kasi ang lakas ng kanyang boses na nakatawag pansin sa mga residente ni kapitan kaya’t naglabasan silang lahat. Narinig ko pa ang paliwanag ng aking asawa. “Nagdedeliver lang po talaga kami ng Personal Collection”. “Dapat bago kayo pumasok dito sa teritoryo ko ay nagpapaalam muna kayo sa akin”, pasigaw na sabi ni Kapitan. Kaya’t ang paliwanag ko kay kapitan ay nagdeliber lang po kami at nag-aalok ng Personal Collection, kailangan pa po bang humingi ng pahintulot sa inyo? Ang tanong ng aking asawa. SUNDAN SA PAHINA 12 aking hatid sa lahat ng mga book enthusiasts at sa lahat ng mahilig sa pagkatuto. February 8, 2010, magkakaroon po ng Book-Fair ang Municipality of Rosario na gaganapin sa Rosario Town Plaza. Ito po ay may temang “Reading Makes You A Better Person”. Magkita-kita po tayong la-

hat dito. Tangkilikin natin ang karunungang hatid ng mga aklat. Siyanga po pala, muli po naming ibabalik ang Readers Digest, November 2009 issue na kung saan ang inyong lingkod ay naifeatured sa Heroes Section bilang Teachers on Wheels. Tangkilikin po natin ang advocacy. Get your copy!


6

PEBRERO 07 - 13, 2010

DAHIL sa nalalapit na ang eleksyon, nagdeklara ang pamahalaan ng gun ban. Ito ay upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bansa habang naghahanda tayo sa pagboto. Sa bawat sulok ng isang bayan o lungsod ay makakakita ng naka-unipormeng pulis, may hawak na flashlight, baril at papel na kanilang ginagamit sa inspeksyon ng mga dumadaan sasakyan: motor, kotse, jeepney, at iba pa. Bawat parte ng sasakyan ay sinisilip, tinitingnan dahil baka may mga kanina-hinalang bagay na nasa loob nito tulad ng baril.

Nagiging sanhi na nga ito ng traffic dahil sa mga sasakyan pampubliko man o pribado na pinapara ng mga pulis para sa kanilang ginagawang inspeksyon. Subalit, marami din naman ang natuwa kasi, sabi nga, mababawasan na ang krimen sa isang lugar. Sa naturang batas kasi, walang sinuman ang maaaring magdala ng baril, hanggang sa dumating ang araw ng eleksiyon. Pero kabaligtaran nito ang nangyari sa lungsod ng Cavite, sa halip na mabawasan lalo

pang dumami at sunud-sunod ang insidente ng pamamaril sa lugar. Mas lalong dumami ang kaso ng patayan sa lungsod gayong nagdeklara na ng gun ban ang pamahalaan dahil sa nalalapit na eleksyon? Hinihinalang posible ring kagagawan ito ng mga vigilantes. Kamakailan ay isang tricycle driver ang namatay makaraang pagbabarilin ito ng di pa kilalang lalaki sa lungsod. Ang biktima ay kinilalang si Rodolfo Andrade Jr., 31, resident eng Arcedera St., San Antonio,

Cavite City na agad na binawian ng buhay sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 3:15 n.u. Enero 31, nang maganap ang insidente habang nakasakay ang minamanehong tricycle ang biktima. Sa panulukan ng Coquico at Manipis St., biglang lumabas ang suspek at walang-awa nitong pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas palayo sa lugar ng insidente. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa motibo ng pagpatay. Ang biktima na kasuluyang nilalap-

atan ng lunas ay kinilalang si Vicente Boter, 49 at residente ng Bagong Pook ng nasabing Lunsod, dahil sa tama ng bala sa kaliwang braso habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala sa alyas Joybert Garde. Batay sa ulat ng pulisya, nagkaroon ng simpleng pagtatalo ang dalawa na ikinagalit ng suspek. Posibleng gumanti ito sa biktima kaya nagawa niyang barilin ito. Mabilis naming tumakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya. Samantala, isang retired Philippine Navy ang walangawang binaril sa ulo ng di pa kialalang suspek kamakailan

sa nasabing lungsod. Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Arturo Banaag, 62, ng San Antonio, Cavite. Ayon sa ulat ang insidente ay naganap dakong 1:00 n.h. sa loob Sports Complex. Habang nakatayo ang biktima, bigla itong nilapitan ng di-kilalang suspek at binaril sa ulo saka mabilis na tumakas. Kung susundin natin ang batas dapat ay wala nang nagaganap na patayan sa isang lugar. Kung vigilante ang gumawa ng krimeng ito, matatawag ba natin itong paglilinis ng lipunan o di kaya isang pang-iinsulto lamang sa kakayanan ng pulisya sa pagpapatupad ng gun ban?


PEBRERO 07 - 13, 2010

7


8

PEBRERO 07 - 13, 2010

Di Naman Tungkol sa Valentines ang Kolum ko

LINGGO papatak ang Feb. 14 o Valentines Day. Sakto sana sa mga sumusweldo ng akinse’t katapusan. Biyernes a dose ang sweldo (parang nangangamoy mamalasin ang maraming magsecelebrate ng dalawang araw bago ang Valentines). Kaso, sa hirap ng buhay ngayon, parang gusto mong magdalawang isip kung magsecelebrate pa kayo ng Valentines day. Alam kasi natin na mas marami pang gastusin ang naghihintay at tiyak na lalo pang sasama ang buhay sa mga susunod na buwan. Baka bukas-maka-

la, matanggal kayo sa trabaho, tutunganga na lang ba sa langit at aalalahanin kung gaano katamis ang ginawang pag-alala sa Araw ng mga Puso. Pero tiyak na aawayin ka ng karelasyon mo kapag hindi mo nagawang ipagdiwang ang Valentines Day. Ngayon, paano mo matatakasan ang pagsecelebrate nang hindi halatang umiiwas ka lang. Testing lang. Sa mismong araw ng Valentines, ganito ang gawin: 1. Sabihin sa partner na may malaking malaking surpresa kang ibibigay sa kanya. Kaya lang, ang pag-ibig ay pinagpapaguran at pinagtyatyagaan. Kaya bago mo ibigay ang iyong surpresa, bigyan sya ng SUDOKU. Yung pinakamahirap sa lahat. Mga 30 set ng puzzle na pang-professional. Kung isang oras isang puzzle, aabutin sya ng mga dalawang araw. Kapag na-solve nya na,

POBLACION UNO, INDANG, CAVITE – Time out muna sa usaping pulitika, next issue na lang ulit. This time usapang business muna tayo. Sa mga readers na naaabot ng aking pitak na ito mula sa aming dakilang pahayagang Responde Cavite ay inaanyayahan ko kayo na bumili ng produktong aming sinisimulan ngayon. Sa mga may sakit sa puso, sa mga high blood, sa mga nakatatanda sa ating lipunan at sa mga nagpapapayat o nagdadiet ay subukan ninyo ang aming napakasarap na mga produktong fish fillet, fish ground, fish hotdog, fish nuggets at fish longganisa na talaga namang masustansiya na ay malinamnam pa. Ang aming fish hotdog hindi mo iisiping isda dahil halos pumantay na rin ang lasa sa tunay na hotdogs sa market ngayon. Ang fish fillet naman namin ay isawsaw lang

sa binating itlog at pagulungin sa chicken breading at iprito ay talagang napakasarap ring meryendahin o kaya ay i-ulam sa tinapay at sa kanin. Para naman sa mahihilig sa dimsum at dumplings ay mayroon kaming pork siomai, bola-bola siopao at asado siopao. Ilan pa sa mga produkto namin ay dried noodles, fresh noodles, french fries, mayonnaise at banana catsup. Sa mga nagnanais namang magnegosyo lalo pa ngayong nalalapit na ang summer ay masarap ang mga flavors ng aming shake powders katulad ng avocado, banana caramel, banana mocha, banana, buko lychees, buko pandan, dalandan, four season, grape, green apple, guyabano, halo-halo, langka, lychee, mango, melon milk, melon, orange, pineapple cherry, pineapple orange, pineapple, strawberry banana, strawberry melon, strawberry, sweet corn, ube langka, ube macapuno, ube at water melon para sa shake fruit flavors. Para naman sa iced tea shake flavors ay ice tea, strawberry at lemon ice tea. Para naman sa chocolate shake flavors

tapos na rin ang Valentines. Kapag tinanong nya kung ano ang surpresa mo, ibigay ang solusyon sa SUDOKO. Yun kamo ang malaki mong surpresa. 2. Dalhin ang karelasyon sa Luneta. Sa ganitong panahon, katakottakot ang mag-partner na nandito para magdiwang ng Araw ng mga Puso. Sabihin mo, magtataguan kayo. Pupuwesto sya sa gawing Mapa (near Taft Avenue), tapos ikaw naman ay magtago kunwari malapit sa Grand Stand. Kapag nahanap ka nya, may surpresa ka kamo. Kasi ganoon kamo ang talagang wagas na pagmamahal, masikap na hinahanap. Kapag nagkita kayo, (matapos siguro ng kalahating araw) ibigay mo ang surpresa mo sa kanya. Binaculars o Larga Vista. Para sa susunod na magtataguan kayo, hindi na sya mapapagod. Ganyan kamo ang tunay na pag-ibig, ka-

hit gaano kahirap, nagagawan ng paraan. 3. Dalhin ang ka-partner sa Premiere Night. Makipagsiksikan at makipagbalyahan. Hintayin ang pagdating ng mga bidang artista. Usually mga 2 oras na late ang mga ito. Hindi naman kayo manonood ng pelikula. Mas importante kamo ang gagawin nyo kesa manood. Kapag dumating na ang mga artsita, lalong makipagsiksikan. Tapos biglang tawagin yung bida sa una nyang pangalan. Gaya ng :”Hoy KC/Sarah!”... tapos sabihin ito… “hindi ko ipagpapalit ang GF ko sa iyo.” Di ba sweet? Panalo! So belabed riders, marami namang paraan ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso na di masyadong magastos pero patok at kakaiba. So, ano pa ang hinihintay ng ating mga Kasundot at Kakalikot… go! Happy Valentines sa ating lahat.

○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○

PAGKAING IWAS HIGH BLOOD, ORDER NA! ay black forest, choco crunch, choco hot fudge, choco kisses, choco kringgles, choco marble, choco milk, choco mousse, choco sundae, cookies and cream, double dutch at rocky road. Para naman sa coffee shake flavors ay café latte, cappucino, coffee crumble, coffee supreme, mocca crumble at mocca. Para naman sa creamy milk shake flavors ay leche flan, cream burlee, quezo real at vanilla. At para naman sa candy shake flavors ay bubble gum, honey dew at tutti fruity. Mayroon din kaming styro and plastic packaging katulad ng disposable clear cup, shake cup, zagu cup, black hard straw, brown paper, siopao pouch, burger pouch, hotdog pouch, laminated paper tray, paper bowl, chopstick at regular precut tissue. Mayroon ding dishwashing liquids at fabric conditioners na magandang ipangligpit at ipangbanlaw na pabango sa mga nilabhan. Lahat ng iyan ay napakamura at abot kaya talagang halaga para sa mga nais na magsimula ng negosyo. Maaaring wholesaler

at retailer ang proseso ng pag-order at pagbili sa amin. Kapag nalaman ninyo ang halaga ng mga produktong ito ay tiyak kayong magugulat sa sobrang bagsak na presyo. Kaya sa sinumang mga may negosyong groceries, sari-sari stores, restaurants, fast food chains, burger stands, shake stands at sa mga nagbabalak pa lamang na magtayo ng negosyo ay huwag ng magdalawang-isip pang makipagugnayan sa akin sa pamamagitan ng pag-email sa akin sa aking e-mail address na: cuteboy102279@ yahoo.com o tumawag sa numerong 09285749600. Tara na, magnegosyo na!

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: Makakatagpo mo ngayon ang iyong katapat. Isang tao ang magiging dahilan upang mailitaw mo ang iyong buong galing at talino. Lucky Days/No/Colors: Mon/Wed 6-20-24-40-4547 Green AQUARIUS: Binabalaan ka! Na kapag nagpatangay ka sa iyong damdamin, isang malaking pagkakamali ang sasaiyo. Gamitin ang iyong ulo at hindi puso. Lucky Days/No/Colors: Tues/Wed: 2-18-29-3041-49 Yellow PIECES: Maging reyalistiko sa iyong pgdedesisyon. Malaki ang mawawala kung tatanggihan ang inaalok ng isang kaibigan. Lucky Days/No/Colors: Fri/Sun: 1-10-22-28-3940 Pink ARIES: Kung sa palagay mo na naguguluhan ka ay ipahinga ang iyong isip at humingi advice sa iyong matalik na kaibigan. Lucky Days/No/Colors: Sat/Sun: 9-19-26-39-4445 Peach TAURUS: Ito ang araw mo! Ibig sabihin, aayunan ng langit ang bawat layunin mo, ito rin ang araw upang malaman ng lahat na ang magandang kapalaran ay iyo rin namang kakambal. Lucky Days/No/Colors: Mon/Tues: 7-14-30-3842-43 Violet GEMINI: Magkakaroon ng malaki at magandang pagbabago sa iyong buhay na may kaugnayan sa pananalapi. Lucky Days/No/Colors: Wed/Fri: 4-9-25-37-41-44 Beige CANCER: Gawin muna ang nararapat bago magreklamo. Hindi makakatulong sa iyo ang pagiging reklamador. Lucky Days/No/Colors: Thur/Sun: 2-19-21-28-3337 Red LEO: May magandang bagay na darating sa iyong buhay na di makakalimutan at magsisilbing inspirasyon. Lucky Days/No/Colors: Fri/Sun: 7-11-19-24-2840 White VIRGO: Sabihin ang iyong nararamdaman kung hanggang sa pakikipagkaibigan lang. Huwag paasahin sa bagay na hindi mo kayang ibigay. Lucky Days/No/Colors: Tues/Thur: 6-9-30-36-3947 Blue LIBRA: Lihim na humahanga sa iyo ang isang nilalang na desididong umasenso sa buhay pero ang alam niya, ikaw ay kailangan niya sa kanyang buhay dahil ikaw sekreto upang siya ay umunlad. Lucky Days/No/Colors: Wed/Thur: 4-21-36-38-4142 Black SCORPIO: Humanda ka! Ang kataas-taasan na nasa langit, bababa sa iyong harapan sa anyong ng isang mukhang kaawa-awa at nangangailangan ng tulong. Buksan mo ang iyong puso para sa kanya. Lucky Days/No/Colors: Fri/Sat: 1-22-27-29-39-41 Purple SAGITAURUS: Mahina ang damdamin mo kaya mas madalas na maawa ka sa iyong mahal. Ito rin ang sanhi kaya paulit-ulit siyang nagkakamali. Tibayan ang dibdib ng di ka abusuhin. Lucky Days/No/Colors: Mon/Wed: 10-19-39-4041-43 Black


9

PEBRERO 07 - 13, 2010

WALA NI ISANG BITUIN Maikling kuwento

“HINDI na ba talaga kita puwedeng pigilan?” Katahimikan. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ko mapigil na tumulo ang luha sa aking mga pisngi. Basa ang aking mga mata, namumula sa kaiiyak. Ngunit kahit na ako ay lumuluha, hindi ko pa rin nabasag ang katahimikan. “Sagutin mo ‘ko.” Nagsalita kang muli. Hindi ko alam kung ikaw ay nagagalit o nalulungkot. Walang emosyon ang iyong boses. Ang iyong mukha ay mistulang sa patay. Hindi pa rin ako makasagot. “Wala ka na bang pakialam sa akin?” ○

tang kausapin, gusto kong sabihin ang mga saloobin ko. Ngunit hindi pa rin ako nagsalita, hindi pa rin ako umimik. “Hindi mo na ba ako mahal?” Mahal. Mahal na mahal kita. Higit pa sa iyong nalalaman, lampas sa iyong pag-aakala. Mahal kita, sobrang mahal kita. Hindi ko lang kaya na mabuhay nang ganito. Hindi ko kaya ang mapanuri nilang paghusga, ang masakit na pagbubulungan ng mga taong hindi alam ang nararamdaman natin. Ayoko na sa mga mata ng tao na hindi ako normal, na hindi ako sumusunod sa canon, na lumalabag ako sa batas ng kalikasan. Hindi ko

Tumulo ang iyong luha, ngunit patay pa rin ang iyong mukha. Mas lalo akong naiyak. Hindi ko masagot ang mga tanong mo, hindi ko alam kung ano ang sasabihin sayo. Para bang wala akong bibig. Nakalimutan ko nang magsalita. Tiningnan kitang muli, ang maganda mong mukha, at tumingala ako sa langit. Maitim ang buwan at maraming mga ulap. Walang mga bituin. “Dahil ba sa parents ko? Puwede naman natin ‘tong isikreto ah?” Malungkot na ang iyong tinig at hindi ka nakatingin sa akin. Gusto ki○

“Gina,” nagsimula akong magsalita. “I love you. Mahal na mahal kita. But society doesn’t want us to be together. Kinamumuhian nila tayo dahil hindi tayo sumusunod sa gusto nilang makita. Wala tayong karapatang...” “Anong wala tayong karapatan? You’re telling me that we don’t have the right to love, the right to express our feelings? Sabihin mo sa ‘kin kung ano ang mali nating ginagawa!” “For Christ’s sake, Gina, we’re both girls!” Luha. Namumula na ang mga mata ko sa kakaluha. Tumayo ka na muli, at sa huling pagkakataon, tinignan ko ang iyong magandang muk-

matitiis na pati ang relihiyon ko ay kanilang hahamakin. “Kung ito ang gusto mo, sige. Wala nang kibuan. Wala nang mga pagkikita, wala na tayong relasyon!” Mabigat ang mga salitang iyong binitawan. Lumuha pa ako ng lumuha at nagsimula ka nang tumayo. Tinalikuran mo ako ngunit pinigilan kita. Hinawakan ko ang iyong mga kamay, at iniharap ka sa akin. Isang halik. Isang halik na puno ng luha, isang halik na puno ng hinagpis. Isang halik na hindi ko kailan man kakalimutan. “See, I knew that you still want me.” ○

RAMIL SALONGA –IV del Pilar University of Perpetual Help System Dalta Molino Bacoor ha. Nagsimula kang maglakad papalayo. Katahimikan. Nakakabingi ang katahimikan. Naiwan akong mag-isa sa gitna ng football field, umiiyak. Naisip ko ang iyong ngiti, ang hubog ng maganda mong mukha, at tumingala ako sa langit. Maitim ang buwan, maraming mga ulap. Wala pa rin ni isang bituin. ○

Kay Ian Dorado, Tanya Domingo at Kemberly Jul Lana HINDI ko naman kilala sina Ian Dorado at Tanya Domingo. Batay sa nabasa ko sa google, mga mag-aaral sila ng UP Diliman at kasapi ng LFS na sumapi sa NPA at napatay noong Enero 14, 2010 ng mga militar sa Bulacan. Sa internet ko rin lang nabasa ang sinapit ni

Huling hiling ng e x-bf ex-bf Tonton ng Bucana, Ternate, Cavite P.S. Girl po ako. Pangalan lang ang boy.

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com Dear Ate Bebang, Gusto ng ex-boyfriend kong magkita kami bago mag-Valentine’s Day. (Alam kasi niyang may iba akong ka-date sa 14.) Huling hiling na raw niya ito sa akin at hindi na niya ako guguluhin pagkatapos. Naaawa na lang ako kaya naiisip kong makipagkita pa rin sa kanya. Sasamahan ko pa ba siya?

Mahal kong Tonton, Tatlong puntos: 1. Kung makikipagkita ka sa kanya, malaki ang posibilidad na malito ka sa nararamdaman mo. May iba ka nang gusto at magde-date nga kayo sa Araw ng mga Puso pero baka rin magningas muli ang natitira mong pagmamahal sa iyong ex. Sino ngayon ang pipiliin mo? Nakow...pag nangyari iyan ay baka malambungan pa ng lukot-lukot na lungkot ang iyong VC as in Valentine Celebration dahil sa pagkalito. 2. Malaki rin ang posibilidad na mamisinterpret ng ex mo ang iyong

pagpapaunlak. Baka isipin niyang nagniningning ang pag-asang magkabalikan kayo. Kung ito ang nais mong iparating sa kanya ay agad nang humayo at makipag-date, now na. Yes, kay ex. 3. Mas nakakaawa siya kapag sinamahan mo siya dahil lang sa awa. Sa madaling salita, huwag ka nang makipagkita, Antoinette. Sigurado naman akong bago mo siya naging ex ay pinagisipan ninyo nang husto ang inyong sitwasyon, pagsasama, pag-iibigan at iba pa. Kaya naman ang ex ay ex ay ex. Period. Hindi ko rin type ang sinabi niyang hindi ka na guguluhin pagkatapos ng date. Ibig bang sabihin,

kapag hindi mo siya pinagbigyan ay guguluhin ka pa rin niya nang guguluhin? Bakit? Anong karapatan niyang manggulo o kahit man lang mang-istorbo? Kung ako sa iyo, hindi ko na ie-entertain ang ex ko, tatanggihan ko na siya nang bonggang-bongga at haharapin ko na lang ang mga taong nag-aalok sa akin ng sanlibo’t isang pagkakataon, pagkakataon para sa ilang pagbabago sa aking buhay. Magsuot ka ng pula sa Valentine’s Day, ha? Dahil ang pag-ibig ay pula, gayundin ang pagbabago. Hmmm...ito rin kaya ang dahilan kung bakit pula ang watawat ng Katipunan? Biglang napaisip, Ate Bebang

Kemberly Jul Lana, isang aktibistang napatay naman sa Bukidnon noong Disyembre 10, 2009. Sina Ian at Tanya ay kapwa nagtapos ng kursong fine arts habang si Kemberly naman ay isang iskolar sa Mindanao State University. Inihandog nila ang kanilang buhay upang pagsilbihan ang sambayanan. Nakadama ako ng lungkot at paghanga sa kanilang kabayanihan. Habang ako ay narito sa computer shop kasama ang mga kabataang maiingay na naglalaro ng DOTA at dalawang dalaginding nagtatanim sa farmville ay nakakadama ako ng sumbat. Bakit nagagawa kong manatili sa ligtas kong kalagayan habang ang bayan ay nagdurusa sa patuloy na kahirapan at paglabag sa karapatang pantao? Kung nagawang iwan nina Tanya , Ian at Kemberly ang komportableng buhay upang ang bayan ay pagsilbihan, bakit hindi ko magawa? Ang sagot ay batid ko rin naman. Mas pinili kong itaguyod ang sariling kapakanan kaysa ang kapakanan ng sambayanan. Mas pinili kong maghanapbuhay para sa pamilya kaysa ialay ang buhay at talino para sa bayan. Sino ba ang paglilingku-

ran ko? Ito bang mga kabataang walang pakialam sa nagaganap sa lipunan tulad ng mga kasama ko sa computer shop na naglalaro ng DOTA? Ito bang sambayanang abala sa panonood ng telenobela at nakakakita ng kaligayahan sa love team nina Gerald Anderson at Kim Chui habang patuloy ang pagtaas ng bilihin? Isasakripisyo ko ba ang aking buhay para sa kapakanan ng sambayanan na wala rin namang pakialam sa mga bayaning nagbubuwis ng buhay para sa kanilang kagalingan? Mapalad sina Ian Dorado, Tanya Domingo at Kemberly Jul Lana na pinili ang mas makabuluhang landas sa maikling pag-iral nila sa mundo. Ako at ang ang iba pang nanood lamang at nagmamasid sa nagaganap na tunggalian sa lipunan ay patuloy namang nagbabayad sa hindi pakikisangkot. At ang mga kabataang kasama ko dito sa computer shop ay tatanda rin balang araw at aanihin ang bunga ng kamangmangan at pasakit dulot ng kanser sa lipunan na nanatiling walang lunas.


10

PEBRERO 07 - 13, 2010

SANTISIMO SAKRAMENTO SA SIMBAHAN NG INDANG, NINAKAW ni Rex Avilla- Del Rosario

Halimbawa ng mga Awit sa Araw ng Pangangaluluwa sa mga bayan ng Cavite ALFONSO MASAYANG PAGDATING Masayang Pagdating Masayang Pagdating Sa mahal mong harapan Pinagsadya naming Pinagsadya namin Kahit malayo man Di ko alintana Di ko alintana Masayang tahanan ninyo Masayang tahanan ninyo Maakit ko lamang.

INDANG, CAVITE – Halos nagluluksa ang sambayanang Kristiyano sa bayang ito ng lapastanganing nakawin ang sagradong santisimo sakramento ng simbahang Katoliko sa Indang noong nakaraang Huwebes, ika-28 ng Enero, 2010 sa ilalim ng Parokya ni San Gregorio Magno ng hindi pa nakikilalang salarin. Ang nasabing santisimo sakramento ay dating nakalagak sa loob ng adoration chapel na nasa tagilirang silangang bahagi ng simbahan sa may parish garden. Ang mga mamamayan ng Indang habang taimtim na nananalangin upang maibalik ang ninakaw na sagradong Santisimo Sakramento. KUHA NI HERBERT HERNANDO

(Koro) Ang tala’t butuin Nagsilbing liwanag Nagsilbing patnubay Sa aming paglakad At saka sa ngayon At saka sa ngayon Dini sa lagay ko Dini sa lagay kong Laging nasa hirap. (Ulitin ang Koro) AVE MARIA I. Ave, Ave Maria simpecado consebeda Kaming mga kaluluwa Sa purgatoryong may dusa. II. Nang kami ay nabubuhay Dito sa mundong ibabaw Dati rin ninyong kinasamahan Mga kinamaganakan. III. Mula ng dito’y paalisin Ng Dios na poon natin Sa purgatoryo’y piniging Kami pinilit sa karsel. IV. Ngunit sa panahong ito fiesta ng Santa at Santo Utos ng Padre Eterno Ay dalawin naming kayo. V. At hingan ang nakayanan Limos na kaugalian Kandila o kaya’y dasal Ng kami’y kawasan naman. VI. Sa simbaha’y walong lahat Ang ititirik na dapat Sa bahay naman ay apat Kung mayroong ikasasapat. VII. Kung pobre’t walang magagasta Simbahan, bahay tig-isa Ang Dios ay bahala na Siyang bibihisan ng grasia. VIII. Yayaman pong natapos na Tayo ay nagkikita Kami po ay paalam na sa maybahay naming Ina.

Ayon kay Fr. Baas ang Kura Paroko ng Indang, ”Kalapastanganan ang ginawang pagnanakaw sa santisimo sakramento sapagkat ito ay simbolo ng katawan ni Kristo. Sa pangyayaring ito ay para na ring inalis sa ating bayan ang Diyos. Ang santisimo sakramento bagaman at isang tinapay na walang lebadura ay hindi maaaring maihalintulad sa mga ordinaryong tinapay na tasty, monay, spanish bread at iba pa. Ito ay sagrado, binendisyunan, binasbasan at dinasalan ng mga obispo at kaparian upang maging isang banal at sagradong tinapay na sumisimbolo sa katawan ni Kristo kaya nararapat na ito ay igalang at pahalagahan.” Samantala ng makaabot ito sa kaalaman ng nakatataas ay kaagad na ipinag-utos ng Lubhang Kagalang-galangang Obispo Luis Antonio “Chito” Tagle ng Diocese of Imus ang pansamantalang pagpapasara ng pinto ng simbahang Katoliko sa bayan ng Indang upang makapagnilaynilay at makapagbigay disiplina na rin sa sambayanang Katoliko sa Indang, idagdag pa rito ang hindi pagdadaos ng anu-

mang misa sa loob ng simbahan hanggat hindi binabawi ng obispo kung kailan matatapos ang kanyang kautusan. Ang pangyayaring ito ay nagluwal para sa isang malawak na panawagang prayer rally sa anyo ng penitencial assembly na nagsimula noong Lunes, ika-1 ng Pebrero, 2010 kung saan pagsapit ng ika-6:00 ng gabi ay nagtitipun-tipon ang mga mananampalatayang Katoliko sa harap o sa patyo ng nakapinid na pinto ng simbahan upang taos pusong manalangin at humingi ng kapatawaran sa Diyos. “Sa pagakakasala at kawalang-galang na ginawa ng sinumang gumawa ng pagnanakaw sa banal na santisimo ay buong sambayang Katoliko dito sa atin sa Indang ang umaako ng kasalanang hindi naman tayo ang may gawa, at sa pamamagitan naman ng ginagawa nating penitensiya at pananalangin gabi-gabi ay hinihiling natin sa Panginoon na tayo ay patawarin sa paglapastangan sa kanya,” wika naman ng concerned citizen na si Mr. Joey Villasis. Samantala nitong

Lunes, Miyerkules at Biyernes ay nagmartsa ang mga mananampalatayang Katoliko sa Indang bilang pagkundena sa pangyayari at pagpapakita na rin ng pagkilos sa anyo ng Daan ng Krus (Station of the Cross) sa mga pangunahing lansangan ng Indang. Sa dami ng mga sumasamang tao sa patu-patuloy na pagkilos na ito ay halos hindi mahulugang karayom at nagresulta ng bahagyang pagsikip ng daloy ng trapiko o saglit na pagkaantala ng mga motorista tuwing makalawa pagsapit ng ika-6:00 hanggang ika-8:00 ng gabi. Ilan din sa mga kilalang personalidad sa bayan ng Indang na sumasama sa mga pagkilos na ito ay sina Hon. Mayor Bienvenido “Benny” Dimero, Hon. Vice Mayor Perfecto “Pecto” Fidel at Sangguniang Bayan Members. Ang patu-patuloy na prayer rally at penitencial assembly na ginaganap tuwing ika-6:00 ng gabi ay naisasakatuparan ng mga aktibong manggagawa sa ubasan ni Kristo sa Parokya ni San Gregorio Magno katulad nina Sis. Florencia Tibayan, Sis. Anicia Babaan,

Sis. Flor de Guzman, Sis. Delia Avilla at iba pa sa tulong, suporta at pakikiisa ng iba’t ibang organisasyon katulad ng Apostolado ng Panalangin, El Shaddai, Knights of Columbus, Parish Youth Ministry, Couples for Christ, Concerned Citizens of Indang at ng The Fraternal Order of the Chevaliers, Inc. –Walang Tinag Comclave #5 Indang, Cavite. Sa pangyayaring ito, sari-saring espikulasyon ang lumitaw. Maaari umanong ninakaw ang santisimo sakramento ng isang mananabong para ipakain o ipatuka sa isang manok na tandang o sasabungin upang ito ay lumakas, gumaling at manalo sa sabong. May nagsasabi rin naman na maaring ito umano ay ninakaw para ipakain o isubo sa sinumang taong may matinding karamdaman o malapit ng mamatay. Datapwat para sa aking kaalaman ay sadya namang nagbibigay ng banal na eukaristiya o ostiya ang simbahan sa sinumang nakaratay sa banig ng karamdaman o yaong malapit ng mamamatay subalit ito ay ipinagbibigay-alam sa pari upang siyang maghatid nito sa bibigyan. Kaya hindi makatwirang dahilan na nakawin ng ganoon na lamang ang santisino sakramento. Kung kailan matatapos ang gabi-gabing pananalangin, pagmamartsa at pagsasakripisyo ng mga mananampalatayang Katoliko sa Indang ay walang nakakaalam, tanging ang obispo lamang ang siyang may kakayanang magpasya kung kailan muling mabubuksan ang nakapinid na pinto ng simbahan at kung kailan muli makakatanggap ng banal na santa misa ang bawat mamamayang Indangeño. Kaya naman sa kauna-unahang insidente ng ganitong uri ng pagnanakaw sa simbahan ay sadyang nalagay sa kahihiyan ang bayan ng Indang sa pagkakaroon ng imaturity ng ilang mga mananampalatayang Kristiyano na nakagawa ng ganitong uri ng pambabastos at paglapastangan sa banal na santisimo sakramento na sumisimbolo sa katawan ng ating Panginoong HesuKristo na siyang Diyos ng Kasaysayan.


PEBRERO 07 - 13, 2010

IL ANG TUL A NI LLORENZO ORENZO B. PPAREDES AREDES ILANG TULA MYPARTING WORDS To “Her” Come lay the dead love out, And close his vacant eyes, That once shone with the light And hope of Paradiza. Unbend the rounded limbs So perfect still in death, Lay by the harmless bow And poison harrow shealth. Fold back the broken wings That now shall mount no more, Though once beyond the stars The goldlike child they bore. Yes, take my hand again, Though we be parted wide, And far a moment’s space Go softly by my side. While once more, as of old, A common pain we brave, And bear our dearest dead Together to the grave.

11

Life’s fruitful vigor out of barren death, And roused, vast millions clap triumphant wings O’er the mean devils which have hindered faith; And men’s tall growths of excellence express Invincible, puissant nobleness. But let her do hallworthily; let not The foul contagions of our selfishness Stain her immaculate purity, nor blot The brightnes of her vesture, nor make less The marvelous divineness of her thought, Nor the rapt wisdom of her utterances, Nor that orbed splendor of her perfect light, Which is God’s morning promised to the night. And ye, o Sovran people of the land, Crowned with her benedictions, lifted up From chaos ang low tracts of shifting sand, And owlish places wherein ye did grope, To the delectable mountains which command Far visions of your sanctuaries of hope— Be yet to Mercy and to Love as true As Love and Mercy have been into you.

LOVE To the young ladies of my native town

Behold! The things are possible to these Which are not possible to wrath; they bear The secret of the laden mysteries Piled like packed doom in the thick-boding air; At their fair girdles hang the mystic keys Which unlock inmost meanings; their brows wear The sole serenities that consecrate The masters of the sublte sphinx of fate.

Let liberty run onward with the years, And circle with the seasons; let her break The tyrant’s harness, the oppresor’s spears Bring ripened recompenses that shall make The supreme amends for sorrow’s long arrears; Drop holy benison on heart that ache; Put clearer radiance into human eyes, And set the glad earth singing to the skies.

Clean natures coin pure statues. Let us cleanse The hearts that beat within us; let us mow Clear to the roots our falseness and pretence, Tread down our rank ambitions, overthrow Our baggart moods of puffed self-consequence, Pplow up our hideous thistles which do grow Faster than maize in May-time, and strike dead The base infections our low greeds have bred.

Let her voice thunder at the doors of kings And lighten in black dungeons, let her breath Stir the day bones of people till there springs

MABUHAY KA Sa kaarawan ng pagsilang ng isang mabunying diwata

I Halika at ako’y salubungin, Sa paglalakbay ako’y akayin At ng di sa hirap ay biglang hapuin. Masdan mo ang landas At pawing may bakas Ng di gaanong dusa’t hilahil Marating ka lamang, ng upang awitin Ang kaarawan mong dakila sa akin. II Narito ako ngayon’t nagsasaya, Oo, nalulugod yaring alaala Sa araw na itong lipos ng ligaya Laking pagka-aliw Ng aking panimdim O! araw na puspos ng giliw. Dakilang sandaling naka-aanyayang Kudyapi’y batingi’t himasin ang Musa. III Titigan ang araw mo sa masayang langit, Ang bukang liwayway na kaakit-akit, Ang huni ng ibon ngayo’y umaawit: Iyan ang tagumpay Niyang kaarawan Iyan ang dakilang araw mong sumapit Na naghihihiyaw ng paos kong tinig At nang buong tuwang: buhay mo’y lumawig IV Mga kaparangan, sampung panganorin, Samyo ng bulaklak at simoy ng hangin, Pawing bumabati ng puspos ng giliw: Mabuhay ang mithi! Gaya niring hingi. Datapwa’t maghintay, hayun at malasin Ang sikat ng araw, ating salubungin Manikluhod kita’t tuloy manalangin.

Greetings Happy 64th B-Day Romualdo A. Papa Pagbati mula kina: Juana Papa, Petty, Emie, Leony, mga manugang, tropang patis, at Brgy. 7 Kag. Cris Trinidad

Masayang nagpakuha ng larawan sina (mula sa kaliwa) Shiela Garcia – Chairman ng Lady Bikers, Col. Rustico Bascugin, Dindo Capili – Chairman ng PHMI Bacoor Chapter, at Lito Alforte – Chairman ng PHMI Cavite City Chapter.

GET WELL SOON FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY


SUNDOT LAPIROT May vigilante sa Cavite City. Ang palagay ng ilan. Ang hindi magawa ng mga nasa kapangyarihan, tinatapos ng indibidwal o grupo na nagmamalasakit sa higit na ikabubuti at ikatatahimik ng lunsod. Oo nga naman. Tatahimik ang lunsod. Sa takot ba naman ng mga tao, wala nang lalabas para mamalengke, makipagkwentuhan, tumambay, maglibang o magtrabaho. Hindi dahil may ginagawa silang kataranraduhan o kawalanghiyaan sa bayan at kapwa. Kundi takot na baka, mapagkamalan lang. Killer: Aha! Nandyan ka lang pala... taranta-

Mula sa pahina 4

dong kang... BANG! (ay mali, hindi pala sya yung target ko. Sori.) Biktima: (habang nagaagaw buhay) Okay lang boss, kasi kung nabuhay ako, tutuluyan mo pa rin naman ako kasi nakilala kita. Kaya minsan, napansin ko ang mga batang naglalaro sa gilid ng kanal. Walang sawa nilang pinapatay ang mga lamok. Pinuna ang mga ito ng ilang matatanda. At ang sabi, “Kung makapatay kayo ng lamok, para lang kayong pumapatay ng tao, ha?” Ang bayang natutulog at nagigising sa karahasan... naipagkakamali ang katahimikan sa kamatayan.

LETTER TO THE EDITOR

Mula sa pahina 5

“Hindi! Iyang kasama mo ang namumulitika dito”, pagalit at pasigaw na sabi ni kapitan. Kaya’t lumapit na ako at nagtanong sa kapitan. “Kailangan pa po ba talaga naming humingi ng authorization ninyo?” Marami nap o kasi akong dealer na iba’t ibang brgy pero ngayon lang ako nakatagpo ng ganito. Tinanong ko siya kasi “baka” nga kami ang mali. Pasensya na kayo, sige po punta kami sa brgy. hall ninyo! Patuloy kong sabi sa kanya na siguro’y medyo mataas na rin ang tono. Nanginginig kong sabi dahil nga marami ng tao ang nakatingin sa amin. Kaya’t ako po ay hiyanghiya dahil first lang itong nangyari sa akin. (Sinabi ko rin yun para sa brgy na nga lang kami mag-usap). Naiisip ko lang, paano ang mga magtataho, mga nagtitinda ng ice cream, kailangan ba talagang pumunta sa kapitan ng brgy para lang makapaglako? Halos wala akong pinagkaiba sa mga iyon na naghahangad na kumita kahit paano para sa aking pamilya. At dahil sa lakas ng boses ng kapitan na ito ay naitanong ko sa kanya na, “kap! di po ba ang kapitan ay nagpapatupad ng katahimikan? Eh pwede nyo naman kaming kausapin sa loob ng brgy hall nyo hindi yung sa harap ng mga taong ito”. Sabay turo ko sa mga taong nakapaligid sa amin upang maintindihan nyang marami na talagang nakapaligid dahil sa pangyayari. At laking gulat ko pa ng biglang umentra ang napakalaki niyang asawa. “Miss, wag kang magalit dahil iyang kasama mo

(sabay turo sa bayaw ko) namumulitika dito!!!” Kaya’t ang sagot ko naman sa kanya ay, “hindi po ate!” Ipinakita ko ang plastic kong dala na may lamang produkto ng Personal Collection. Subalit tuluy-tuloy pa rin ang kanyang bunganga sa katatalak, kaya’t napailing na lang ako at nasabi kong “grabe!” Kaya’t pumagitna na sa amin ang aking asawa kasi palapit na siya ng palapit sa aking kinatatayuan. At bahagyang itinutulak ako ng aking asawa upang kami ay umalis na. Hanggang malampasan ko ang bahay ng taong aking kausap upang magdealer. Ganun pa man, tinangka kong balikan upang makapagpaalam man lang. Pero nakita ko ang asawa ng kapitang ito na Makati pa rin ang dila sa kasasalita. “Huwag ka ng bumalik kundi sasampalin kita, ano?” Mas pinili na lang namin ang umalis at di ko nagawang magpaalam pa. Naapektuhan po talaga ako sa pangyayaring ito. Tama po bang maging ganito ang pagtrato niya sa amin? Ganun din kaya ang ginagawa niya sa mga ordinaryong tao na pumapasok sa brgy. nila upang kahit paano ay kumita? Wala man lang tanong muna? Wala po akong alam sa batas pero ang alam ko ay ang kapitan ang takbuhan kung may kaguluhan at namamagitan sa nagkakagulo? Pero tila kakaiba itong si Kapitan Caling, bastos! At walang respeto sa karapatan ng iba.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.