Responde Cavite Issue 24

Page 1


2

PEBRERO 14 - 20, 2010

‘The Transformers’, lumibot sa Cavite!

IMUS, CAVITE – Idinaos ang kick-off rally nina Sen. Richard Gordon at Bayani Fernando sa nabanggit na bayan kamakailan. Nitong nakaraang Martes ay nilibot ni Sen. Gordon kasama ng kanyang kaalyansa na si Bayani Fernando ang ilang bayan sa Cavite sakay ng isang 10-wheel truck na mistulang “opti-

mus prime” ng “Transformer” ito rin ang napiling taguri ng kanilang tambalan sa eleksyon. Sa ginawang paglibot ni Gordon ay kanyang ipinagmalaki ang kabayanihan ng kanyang ninuno

PANA WAGAN

Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipag-ugnayan kay dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 /0932-5567612

na si Jose Tagle laban sa mga Kastila. Ayon kay Gordon, nais niyang maging katulad ang kanyang ninuno dahil sa taglay nitong katapangan para lamang sa mamamayan ng Pilipinas. Habang sakay ng motorcade si Gordon ay dala-dala nito ang replika ng espada na di umano’y ginamit ni Tagle sa pakikipaglaban sa mga Kastila. Imus ang napiling lugar ni Gordon upang pagdausan ng munting rally dahil ito ang lugar kung saan nagkamit ng unang pagpupunyagi ang Pilipinas laban sa mga Kastila. Sa simula ng rally ay kumanta si Fernando ng

NI SHELLA SALUD

“Pitong Gatang” . Sa pahayag ni Gordon, sa panahon ngayon ng eleksyon, kinakailangan din di umano tayong makipaglaban sa mga naglalabasang survey. Ang mga survey ay popularidad lamang at hindi dapat bumoto base dito, ayon sa kanya. Dagdag pa nito, mamamayang Pilipino dapat ang magkaroon ng sariling desisyon sa kun sino ba ang kanilang dapat piliing maging karapat-dapat na lider ng bansa. Sa patutsada pa ni Gordon ay nabanggit nito ang istilong ginagamit ni Villar sa pangangampanya. Ayon dito ay kahit ang

Bumili ng nakaw na M16, tiklo! NOVELETA, CAVITE– Tiklo ang isang lalaki dahil sa pagbili ng nakaw na M16 kamakailan. Kinilalala ang suspek na si Joel Aguinaldo Matuguina, 44 anyos at residente ng San Rafael 3 sa nasabing bayan. Ayon sa impormasyon ng pulisya ng Noveleta, dakong 9:00 ng gabi ng pumunta ang grupo nina P/Supt. Simnar Gran at Lt. Col Fidel Cruz ng Philippine Armed Forces (PAF) upang makipag-koordinasyon patungkol sa isang M16 na ninakaw. Kinilala ang nagnakaw ng M16 na si Air-

man 2nd Class Mark Jyro F. Agbanlog na di umano’y ibinenta kay Matuguina ang M16 sa halagang P8,000. Agad namang pumunta ang pulisya ng Noveleta sa bahay ng suspek upang magsagawa ng surbeylans at operasyon patungkol sa pahayag ng PAF. Narekober naman ang M16 sa bahay ng suspek. Sa ngayon ay nakakulong sa istasyon ng Noveleta ang salarin. LITO ALFORTE/ DYARYO PATROL

mga magulang niya ay nakaranas magtinda sa at maglako ng bilihin sa kalsada ngunit hindi nito ginamit ang ina para sa kampanya. Dagdag pa niya ay hindi dahil sa nanggaling ka sa mahirap na pamilya ay magiging basehan

na ito na magiging maganda at maayos ang pamumuno mo sa bansa. Ang nasabing kick-off rally ay dinauhan ng iniistemang 5,000 katao na nakasuot ng kulay pula at nagtipun-tipon sa harap ng Nuestra Senora Del Pilar Cathedral.

Gordon Bayani


PEBRERO 14 - 20, 2010

3

Sa pagkakapalit ng Provincial Director…

MALIKSI MASAMA ANG LOOB HINDI nagustuhan ni Cavite Gov. Erineo ‘Ayong’ Maliksi ang pagkakaalis ni Senior Superintendent Alfred Sotto Corpuz bilang Police Provincial Director sa Cavite kamakailan. Ayon sa pahayag ni Gov. Ayong Maliksi, sa kabila ng pag-atas ng Temporary Restraining Order (TRO) na nagsimula noong nakaraang Enero 10 ay inalis pa rin ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Philippines (PNP) sa pwesto ang Police Provincial Director. Matatandaan na nitong nakaraang Enero 11 ay opisyal na hinalinhinan si Col. Corpus dahil na rin sa ibinabang utos ng Ma-

lacañang na magkaroon ng re-shuffle ng mga police director upang sa paghahanda sa darating na eleksyon. Hinaing pa ni Maliksi, ang pangyayari ay nagpapatunay na minaliit ang awtoridad nito patungkol sa pagpili at pagpapalit ng police Provincial Director. Ayon pa kay Maliksi, ang pagkakaalis ni Corpus ay maaaring may kinalaman sa pulitika. Si Corpus ay sa kabila ng magandang record ay naging biktima ng puli-

tika. PNP DEADMA SA ISYU Hayagang inihayag ni Philippine National Police Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina na nasa korte na ang usapin ng paglipat kay Sr. Supt. Alfred Corpuz, dating Provincial Director ng Cavite na pinalitan ni Sr. Supt. Primitivo Tabojara.

Cavite PNP: 144 napromote na pulis

IMUS, CAVITE – Mayroong humigit-kumulang 100 miyembro ng kapulisan sa Cavite PNP na napromote sa kanilang ranggo na isinagawa kamakailan sa Camp. Pantaleon Garcia Police Headquarters sa Imus, Cavite. Ang naturang programa ay pinangunahan nina Cavite Provincial Chief Supt. Primitivo Tabujara, P/Supt. Jose Marte Paras, Cavite Police chief for administration, at P/ Supt. Edgar Roquero, Cavite Police chief for operation. ANDY ANDRES

NI WILLY GENERAGA

Ayon kay Espina, hindi na siya magbibigay ng komento dahil maituturing na sub judice na kung pag-uusapan pa ito. Magugunitang tatlong buwan pa lamang si Corpuz nang magkaroon ng re-shuffle kung saan pinalitan siya ni Tabojara na galing naman sa Antipolo PNP. MAY DAGDAG NA ULAT SI JUN ISIDRO

Magsasaka, todas sa sumpak MARAGONDON, CAVITE – Patay ang isang magsasaka dahil sa sumpak sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ang biktimang magsasaka na si Rene Boy M. Aragon, 36 anyos at residente ng Sitio Vicente TulayA, Maragondon. Ayon sa ulat na nakalap ni PO2 Primitivo Cañete, na siyang may hawak ng kaso, dakong 7:30 ng gabi nitong nakaraang Martes sa nasabing barangay nang maganap ang pagbaril sa

“Bagong Taon, Bagong Pag-asa... Kayang-kaya, basta sama-sama!”

biktima gamit ang sumpak habang kasamang naglalakad ang kapatid nito sa sakahan. Ayon sa kapatid na naka-saksi, ang bumaril sa biktima ay ang kanilang kapitbahay na si Gery Reyes na agad namang umalis matapos ang pangyayari.

Di umano’y dahil sa namagitang di pagkakaunawaan ng dalawa kaya nahantong sa patayan ang pangyayari. Samantalang, pinaghahanap naman sa kasalukuyan ang suspek. NADIA DELA CRUZ

Retir adong etiradong Phil. Na vy ok! Navy vy,, tig tigok! TANZA, CAVITE – Isang dating miyembro ng Philippine Navy ang patay sa pamamaril ng di pa nakikilalang salarin sa nasabing bayan kamakailan. Kinilala ang biktima na si Armando Tamio, 56 anyos, may asawa at retired Phil. Navy, nagtamo ng tama ng baril sa ulo na agad nitong ikinamatay. Ayon sa ulat na nakalap ni Senior

Superintendent Primitivo Tabujara, nabaril ang biktima dakong 8:30 ng umaga nitong nakaraang Miyerkules sa Bucal Village, Tanza habang pauwi ito sa bahay sa pinangyarihang Village. Sa kasalukuyan ay pinaghahanap naman ng pulisya ang salarin upang masampahan ng karampatang kaso. SHEILA SALUD


4

PEBRERO 14 - 20, 2010

Lindol (3) ANG lindol ay mahina hanggang malakas na pagyanig o pag-uga dahil sa biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim ng lupa. May dalawang uri ng lindol ang Tectonic Earthquakes produce by movement of magna be-

sudden neath volcanoes. Ang mga pinanggagalingan ng lindol ay ang faults breaks or zone of weakness in rocks along which displacements had occurred or can occur again. They may extend hundreds of kilometers across the earth’s surface and tens of kilometers downward ex. Valley Fault Syatem (Marikina Fault). Trench plate boundaries, ex. Manila Trench, Philippines Trench. Ang pagkakakilanlan ng lakas ng lindol ay magnitude based on instrumentally derived information and correlates strength with the amount of total energy released at the earthquake’s point of origin. Intensity perceived strength of an earthquake based on relative effect to people and structure, generally higher near the epicenter. Philvolcs Earthquake Intensity Scale (PEIS) ang panukat ng pagyanig ng lindol. Maaaring malaman kung mahina, malakas, napakalakas, mapanalanta, at ang pinakamapanganib ay ang lubusang mapanalanta ang lahat ng istrakturang gawa ng tao ay maaaring masira. Dahil sa malawakang pagguho at liquefaction, malakihang paglubog at pag-alsa ng lupa, at napakaraming bitak ang masasaksihan. Nag-iiba ang daloy ng tubig sa mga bukal, batis, at ilog. Nagkaroon ng malalaki at mapinsalang alon sa mga lawa. Munting Paalala: Laging maging handa sa lahat ng sakuna na maaaring dumating.

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1, 2 district coordinator chief reporter nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, 5 districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 7 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg. (046) 5270092, CP# 0922-8197576, Email: ulat@respondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

Mahal ko ang Bayang ito… (weeehh, di nga, haler!) NGUNIT ang wika, nagbabagong kahulugan Sa dalas ng bigkas, unti-unting nawawalang kabuluhan — Gary Granada Valentine’s Day na. Araw ng mga Puso. Dapat wala tayong ibang iisipin kundi pagmamahalan lang. At dahil ang pagmamahal sa bayan ang isa sa pinakamataas na anyo ng pagmamahal (sangayon kay Gat Andres Bonifacio sa linya nyang: Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya/sa pagkadalisay at pagkadakila?/Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa, aling pag-ibig pa, wala na nga, wala) marapat lamang na ituon natin ngayon ang diskurso sa pagmamahal sa bayan. Syempre pa, alam na natin sa mga panahong ito ang parang sirang plaka na paulit-ulit na naglilitanya ang pagpapaniwala sa atin sa kanilang pagmamahal sa bayan. Sa dami ng mga lider at politikong nagsasabing mahal nila ang bayan at presto… ito ang kalagayan ng bayan natin, hindi kaya medyo makakapal ang mukha ng mga ito? Kung talagang mahal nila ang bayan, baka mas mainam na wag na muna silang magpasiklab at gustong mamuno. Baka mas magiging okay tayo… kung pasyal-pasyal muna sila. Sa dami ng mga gustong maglingkod sa mahi-

hirap… nakapagtataka, bakit ang mga lider ang yumayaman. oOo Papuri at pagpupugay sa tanggpan nina Mayor Strike Revilla at Col. Montilla sa pagpapatigil sa mga pwesto pio (permanenteng pwesto ng saklaan) sa Bacoor. Ganundin kina Mayor Tik Aguinaldo at Maj. Malubay ng Kawit… sa wakas, natigil na rin ang permanenteng saklaan malapit sa Aguinaldo Shrine. Klap…klap…klap! oOo Sino itong tumatakbong Konsehal sa District 2 ang may kakapalan din ang mukha. Akalain nyo, kwestyunable na nga ang kanyang reputasyon dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa ilang pwesto ng saklaan sa kanyang bayan… aba’y gusto pang panghimasukan ang panibagong illegal na trabaho. Kung anu yun… simple lang po… bookis. Kakalabanin ang STL. Ay naku po… pag nanalo ang taong ito… tyak ang una nyang isusulong na ordinansa ay bigyan sya ng prangkisa ng sakla at iba pang illegal na sugal. Anak ng Julugan talaga, oh! Sino ba itong anak ng dyos sa Julugan, Tanza ang may monopolyo ng Videokarera ar Fruitgame? Hindi matinag-tinag ha? May ipinakalat na tayong bubwit sa nasabing lugar… at kumpirmado… napakalakas sa itaas nitong kupal na ito Fruitgame at Videokarera King ng Julugan, Tanza… nilaglag ka na ng mga kasamahaan mo. Ihuhulog ka na nila.

May kinikilingan daw si Kapitan? SA barangay ng Muzon I na sakop ni Kapitan Andy Solis ay may mga reklamo tayong natanggap galing mismo sa bibig ng mga residente nito. Handang maglahad ng katotohanan alang-alang sa kanilang barangay na sinilangan. Dagat pa lamang ito noon at hindi naman ganoon karami ang mga naninirahan dito ay namulat na ang mga residente sa iba’t ibang kwento ng buhay. Habang tumatagal ay nagiiba ang direksyon ng buhay, mayroon patuloy na nabubuhay sa minanang hanap-buhay. Kalimitan ay ang pangingisda. Mayroon din namang pinalad at tuluyan ng nilisan ang pinagmulan. Ngayon tila sardinas silang namumuhay sa lugar na ito. Siksikan sa makipot na daanan. Nagsama-sama ang mga lihitimo at dayuhang mamamayan. Sa mga di sinasadyang pagkakataon ay hayagang nakikita ng mga bata ang mga nagiging away ng mga matatanda. Kaya naman ang bawat hinaing ay sa kapitan iaasa. Dahil tungkulin ng isang kapitan na pangalagaan ang katahimikan at kaayusan sa kaniyang sariling pamayanan. Kaya’t ang pagiging ama ng kanyang barangay sa bawat hinaing ng mamamayan ay dapat bang ibigay sa lahat? O sa mga sariling kamag-anak lamang? Mahigpit na ang alintuntunin sa pagkuha ng metro ng kuryente dahil kailangang mayroon ka ng sariling titulo ng lupa o dili kaya’y pagaari mo ang lupang kinatitirikan ng iyong ba-

hay. Kaya naman, ang hindi pinalad sa ganitong sitwasyon ay nalalagay sa alangan. Walang ibang pwedeng gawing paraan kundi makikabit sa kaniyang kakilala o kapit-bahay. At kung hindi mapagbigyan sa kapitan idadaing ang pangangailangan. Ang linya ng kuryente ng barangay ay bukas-palad na inaalok ni kapitan sa kanyang mamamayan subalit sa isang diumanong kondinsyon at kadahilanan? Ano kaya iyon kapitan? Sa reklamong ipinarating sa atin ay may isang panig lang diumano ang inaaniban nitong si kapitan. Kapag kamag-anak ka diumano niya ay malaya mong maikakabit ang linya ng kuryente patungo sa iyong bahay. Subalit ang nakakalungkot at ang nakakainis dito ay hindi pwedeng makikabit ang hindi diumano kamaganak ni kapitan. Naku ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit ang kamag-anak lang ni kapitan ang pwedeng kabitan ng kuryente at hindi pwede ang ibang tao? Kapitan, paki sagot lang po nang malinawan! oOo Unti-unti na pong nagkakaroon ng linaw ang pagkamatay ni Polompo-Guhit na diumano’y nabangga sa daang Marulas, Kawit. Lumalabas na ang tunay na kadahilanan ng pagkamatay nito. Ayon sa mga nakasaksi ng pangyayari na ayaw magpabanggit ng pangalan ay positibong namatay si Polompo sa pagkakabugbog ng ilang kabataan at hindi ng sinasabing pagkabangga nito sa isang bisikleta. Harinawa’y makamit nito ang katarungan na masusi na ngayong iniimbestigahan ng kapulisan.


PEBRERO 14 - 20, 2010

Parks and Open Spaces – 2

ANG ‘Country Parks’ ay maituturing na nagsimula sa pangmadlang lupain na malayang napupuntahan ng mga tao noong panahon ng Medieval Europe, mula ika–16 hanggang ika-19 na dantaon. Ang daanan (footpath) ay siyang ginagamit ng mga hari sa kanilang pangangaso sa kabundukan. Hanggang sa kasalukuyan, ang ‘rural parks’ ay ang basal na kagubatan o kaparangan, kaya lamang ay dagsa na ang mga taong dito’y dumadalaw at gumagamit. Kagubatan ay pook ng sari-saring tanawin na ang pinakatampok ay mga punongkahoy. Mga punongkahoy na nagbibigay sigla at ginhawa sa mga mamamayang nakapaligid sa kagubatan na manakanaka ay umiiwas sa kanilang magulong pamayanan. Punongkahoy pa din ang nagdudulot ng pagkakataon sa mga hayop at halaman na patuloy na mabuhay sa kabila ng diwastong pagtrato sa kanila.

Hindi maikakaila ang kahalagahan ng kagubatan bilang pook ng aliwan-pasyalan, bakasyunan, piknikan, pagkakampo akyatan at iba pang gawain na nangangailangan ng maluwag na espasyo. Bukod dito, ang mga kahoy na gamit sa paggawa ng mga bahay at mga gusali ay galing na sa mga matatandang puno na dapat ay putulin at palitan ng mga bagong punlang magpapatuloy ng buhay ng kakahuyan. oOo Mga ligaw na hayop at halaman ay isang mahalagang sangkap ng lantad na alangaang ng naglalakihan at pambansang liwasan. Ang mga maybuhay na bagay ay kinakailangang panatiliin sapagkat ang mga ito’y nagdudulot ng tuwa at interes sa mga bisita, huwag lamang umabot sa puntong malilimitahan ang mismong pagdalaw ng tao. Ang administrador ng liwasan ay may kautangan na timbangin ang iba’t ibang uri ng mga hayop. Minsan may mga panahon ang pagdami ng mga daga na nakakapinsala sa mga halaman. May mga halaman din na nakakalason oras na makain ng mga hayop at tao. Ang mga peste na nanggagaling sa kabun-

dukan ay pumipinsala sa mga halamang pribado na nasa paligid ng liwasan. Kaya nga ang pagtitimbang ng populasyon ng ibon, hayop at halaman ay nararapat upang patuloy na magdulot ng kasiyahan ang liwasan sa mga kliyente nito. oOo Isa pang sangkap ng liwasan ay ang tubig na bumibighani sa tao at nagbibigay-buhay sa sari-saring uri ng halaman, insekto at hayop sa kanyang nasasakupan. Ang mga pambansang liwasan ay karaniwang may ilog at madamong lupa na puwedeng magamit na pastulan ng hayop. Ang mga ilog ay maaaring likas na bahagi ng liwasan o dagdag na katangian lalo na kung ang liwasan ay kasangga ng dagat, lawa at malalaking lagusan ng tubig. Ang lawa o dagat-dagatan ay magagamit sa iba’t ibang paraan. Ang isang pamilya ay puwedeng mamansing habang nagpipiknik, yaong may kakayahan ay puwedeng maglangoy, at kung may kagamitan ay mamangka o magdaos ng karera ng mga laruang bangka.Kinakailangan lamang ang masusing pamamahala upang mapanatili ang kaayusan ng lawa at ilog at mabigyan

ng proteksyon ang mga pamilya o grupong dumadalaw sa liwasan. oOo Isa pang dapat bigyan ng pansin ay ang paggamit vehikulo na hindi maiiwasan sapagkat ditulad ng ‘urban park’, ang ‘rural park’ ay malayo sa kabahayan. Karaniwan ng nilalagyan ng hangganan na kung maari ay nasa paanan o bukana ng liwasan na siyaring himpilan ng mga sasakyan. Alalahanin natin na nasa simula, ang loob ng liwasan ay may mga ‘footpaths or mountain trail’ na pantao o panghayop lamang. Sa kasalukuyan, ang mga pambansang liwasan ay nilalagyan na ng sementadong kalsada na gagamitin hanggang sa

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501 NI REX DEL ROSARIO

Matatandaang sa pagkawala ng Banal na Santisimo Sakramento dahil sa insidente ng pagnanakaw dito sa loob ng altar ng Adoration Chapel na nasa gawing silangang bahagi ng Simbahan na nasa Parish Garden; ay kaagad na ipinagbigay alam ito ng Kura Paroko na si Fr. Baas sa Obispo sa Diocese of Imus. Sapagkat ang Banal na Santisimo Sakramento ay sadyang napakahalaga sapagkat sumisimbolo ito sa Banal na Katawan ni Kristo kung kaya bilang protesta sa pagkawala nito ay

ipinag-utos ni Bishop Tagle na pansamantalang isara ang buong Simbahan sa ilalim ng Parokya ni San Gregorio Magno sa Indang, idagdag pa ang walang magaganap na misa rito at kasama na ang pagpapasara rin ng Adoration Chapel na siyang dating pinagkakalagakan ng nawalang Banal na Katawan ni Kristo. Sa pangyayaring iyon ay nagsagawa ng pagkilos at protesta ang sambayanang Katoliko sa Indang sa pamamagitan ng gabi-gabing prayer rally at penitencial assembly sa

harap ng nakapinid na pinto ng Simbahan tuwing ika-6:00 hanggang ika8:00 ng gabi. Sa mahigit isang linggong walang humpay na pananalangin, pangingilin at pagpipinitensiya ng mga tao sa Diyos bilang paraan ng paghingi ng tawad ay nagbunga ang lahat ng ito ng dinggin ng itaas ang mga pagpapakasakit at pagsisisi ng ipag-utos muli ni Bishop Tagle na buksan na ang Simbahan. Ang seremonya ng pagbubukas ng Simbahan ay ipinagbunyi ng mga taga-Indang lalo pa ng pangunahan mismo ni

tas ukol sa tamang teknolohiya na gamit sa ‘logging and mining industries’. Sa mga ‘Western Countries’, ay may mga itinalagang ‘Areas of Outstanding Natural Beauty’ na di-magalaw o mapangahasan ng malikot na kamay nga tao. Ang administrasyon ay ibinaba sa mga pamahalaang lokal upang ang ‘citizens participation’ ay makuha sa pangangalaga ng mga kahalihalinang lantad na alangaang. ‘Sites of Special Scientific Interest’ ang ipinangalan sa mga lugar na may pambihirang halaman, hayop at forma (geological) na dapat ay mapanatiling ‘nature reserves’. Ang mga SSSI na ito ay para sa ‘Research and Study’ ng mga institusyon akademik o grupong pang-konserbasyon. MAY KARUGTONG

TRIPLE R PR SPECIALIST

SIMBAHANG KATOLIKO SA INDANG, MULI NG BINUKSAN INDANG, CAVITE - Matapos na ipag-utos ng Lubhang Kagalanggalang Obispo Luis Antonio “Chito” Tagle ang mahigit isang linggong pagpinid ng pinto sa lahat ng tao ng Simbahang Katoliko sa Indang dahil sa insidente ng pagananakaw sa Banal na Santisimo Sakramento; ito ay muling nabuksan sa mga tao nitong nakaraang Sabado (Pebrero 6) na sadyang ikinatuwa ng sambayanang Katoliko sa bayang ito.

loob o tuktok ng liwasan ng transportasyong panlupa. Kung minsan nga ang dating daanan ng tao ay siyang pinaluluwangan at kinokonkreto upang magamit ng mga vehikulo. Bahala na ang mga ‘Forest Rangers’ ang maglagay ng mga senyales upang ang ruta ay mapanatiling angkop sa hinihingi ng kapaligiran at di-makakasira sa yaman at ganda ng liwasan. oOo Sa Pilipinas, ay may mga deklaradong ‘protected forest and wildlife sancturies’. Ang ‘Department of Environment and Natural Resources’, kabilang ang mga ahensyang sakop nito, ang may responsebilidad sa pamamahala ng mga ito. Ang DENR din ang may sapat na kapangyarihan na magpatupad ng mga ba-

5

Bishop Tagle kasabay ang pagbabasbas muli rito at pinangunahan din niya ang Sakramento ng Banal na Misa na dinaluhan ng daan-daang mamamayan ng Indang noong Sabado (Pebrero 6), ganap na ika-6:00 ng gabi. Ang pangyayaring ito ay tumatak sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko sa Indang at sa kumintal sa bawat puso at isip ng mga mananampalatayang Kristiyano rito. Samantala nanatili pa ring sarado sa publiko ang Adoration Chapel na dating pinaglagakan ng ninakaw na Banal na Santisimo Sakramento. Kung kailan muli itong mabubuksan ay tanging nasa kamay at pasya pa rin ng Obispo ang kapasyahan upang muli itong masilayan.

Baril na ta gpuan nata tagpuan sa sabungan

CAVITE CITY – Sa pinaigting na programa ng Comelec at kapulisan ukol sa gunban ay isang kalibre .38 ang nakumpiska nito sa loob ng sabungan. Isang joint operation bakal ang isinagawa noong Peb. 9, 2010 sa ganap na alas-2 ng hapon sa loob mismo ng Cavite Sports Complex, Brgy. 42-B San Antonio, Cavite City. Sa pinagsanib na pwersa ng Cavite City Police sa pangunguna ni P/Insp. Angelica Starlight Lacson Rivera, RPSMB-4A sa pangunguna ni P/Insp. Ryan Ventura Escalona, at ng elemento ng PPSMC sa pangunguna ni P/Insp. Melanie Quinto Lobusta sa direktibang utos ni Col.

Simnar S. Gran, hepe ng lunsod na ito. Ang pinagsanib na pwersa ng mga ito ay naging matagumpay dahil sa pagkakatuklas sa kauna-unahang pagkakataon mula ng ianunsyo ng Comelec ang gunban na isang kalibre .38 rebolber, Smith & Wesson, na may serial number 10201 na may kasamang anim na basyo. Ayon kay PO1 Artemio Cinco Jr., ay ipinapalagay nito na kaagad itinapon ng may-ari ng baril matapos na makitang nagsasagawa ng operation bakal ang mga awtoridad. Hindi naman natukoy kung sino ang nagmamay-ari ng naturang baril. Ewel Peñalba


6

PEBRERO 14 - 20, 2010

NAITALA na ng kapulisan ng Cavite Component City Police Station ang ikasiyam na biktima ng sunud-sunod na pamamaslang mula ng buwan ng Enero ng taong kasalukuyan. Panghuli sa mga naging biktima ng patayan na kinilala ni PO1 Nick Balberan si Brgy. Capt. Reynaldo Domingo ng Brgy. 23 – Aquarius, 64, may asawa, naninirahan sa 354 Padre Pio St., Caridad Cavite City. Binalot ng sindak ang mga nakasaksi dahil pinaslang ang kapitan sa harap ng maraming tao. Walang pag-aalinlangan itong binaril sa kanang tiyan at ulo na naging hudyat ng kanyang pagkamatay. Nangyari ang

pamamaslang sa kapitan noong Pebrero 9, 2010 s ganap na alas-7:45 ng gabi sa panulukan ng Brgy. 24 Romualdo St., Caridad habang io ay may kinakausap na isang umanong kaibigan sa isang lamayan. Sa salaysay na inilahad ng isang kagawad ni Domingo sa Responde Cavite at sa ABS-CBN reporter Weng Hidalgo na kasama siya ni kapitan ng mga oras na iyon. Saglit lang umano nitong iniwan si Domingo na may

kausap na isang kaibigan upang bumili ng sigarilyo sa tindahan. Nang ilang minuto pa lamang ay bigla siyang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril. Dahil dito, nagtakbuhan ang mga tao sa lamayan. Kitang-kita ng isang nakasaksi ang buong pangyayari, naka-full-face na helmet umano ang salarin. Tila sanay at propesyunal ang suspek dahil matapos na makita na nitong nakabulagta si Domingo

ay hindi muna ito umalis na pinagmamasdan pa kung may kakasa at nang makita nitong wala ng balakid sa kanyang ginawa ay ipinanghawi nito sa mga tao ang hawak na baril. Ayon naman sa isang nakasaksi na ayaw magpakilala ay mabilis na sumibat ang suspek skay ng walang plakang motorsiklo. Nakuha pang maisugod sa Dra. Samanca Hospital si Domingo subalit idineklara na itong Dead-On-Arrival.

Samantala, noong Pebrero 11, 2010, dumalaw sa lunsod si Police Prov. Director Primitivo Tabujara kasama ang di mabilang na kagawad ng pulisya. Nang araw ding iyon ay nagkaroon ng malawakang “OplanSita at Oplan-Bakal” na isinagawa sa iba’tibang barangay sa lunsod ng Cavite. Eksklusibong inimbitahan ang Responde Cavite sa isinagawang checkpoint ng pulisya sa

pangunguna ni P/ Insp. Angelica Starlight Lacson Rivera katuwang ang Cavite Police Public Safety Management (CPPSM ). Sa panayam ng Responde Cavite kay Rivera, sinabi nito na magkakaroon ng police visibility at ang patuloy na pagsasagawa ng checkpoint kabilang na dito ang “oplan-sitabakal”.


PEBRERO 14 - 20, 2010

7

Ang pitak na ito ay bukas sa iba’t ibang sekta ng relihiyon. Layunin nito na maipaunawa sa madla ang batayan ng kanilang paniniwala nang hindi nakasagasa sa panniniwala ng iba. Sa panahon ng post modernismo – napakahalaga ng tolerance, acceptance, plurality at democratic space - editor

Ano ba ang tunay na buhay? Bago ang lahat ay nais kong magpasalamat sa pamunuan ng Responde Cavite sa pagbibigay nila ng pagkakataon sa inyong lingkod na maging bahagi ng lathalaang ito. Layunin ng artikulong ito na buksan ang ating isip at puso para sa Diyos at upang maging mabuting mamamayan tayo. Ang susi upang maging gayon ay ang pagsusuri ng ilang mga kaalaman sa Diyos na nasa Bibliya. Sa Awit 119:05, na kung saan hinango ang pamagat ng artikulo na ito ay nagbibigay ng liwanag sa anong bagay ang naidudulot ng Salita ng Diyos sa ating buhay: "Ang iyong salita ay lampara sa aking paa, at liwanag sa aking landas." Kung paano tayong sa isang madilim na dako ay mangangailangan ng liwanag upang makita ang daan na dapat nating lakaran, gayungayon ang ginagawa ng Bibliya. At makaasa tayo na gagawin iyon ng Diyos sa atin. Ganito ang kaniyang sinabi sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Isias: "Ito ang sinabi ni Jehova na inyong manunubos, ang banal na Israel: Ako si Jehova, ang inyong Diyos, ang isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran, o kung magbibigay-pansin ka lamang sana sa aking mga utos! Ang iyong kapayapaan ay magiging gaya ng ilog, at ang iyong katuwiran ay magiging gaya ng mga alon sa dagat." Napakagandang naturuan ng Diyos na Jehova sa daan na dapat nating lakaran! Sisimulan natin ang artikulong ito sa pagsagot sa karaniwang tanong ng mga tao. 'Ano ba ang tunay na buhay?' Angkop ito, yamang inaakala ng maraming mga tao ang nag-iisip na ang tunay na buhay ay magmumula lamang sa pagkuha ng higit na kayamanan, tagumpay sa pulitika, edukasyon, negosyo, at iba pa. Ngunit, sa mga ito nga ba makakamit ang tunay na buhay? Bigyan pansin natin ang mga una nating halimbawa, ang pagkakamal ng higit na kayamanan. Bagaman hindi naman masama ang magkaroon ka ng kayamanan, o gamitin ito upang tustusan ang mga pangangailangan ng ating mga kapamilya o ng ating sarili. Subalit ang masama ay kung uunahin mo ito sa iyong buhay at gagawin na iyong Diyos. Isa pa, tingnan ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng materyalistikong tunguhin sa bahay. Sa ulat ni Apostol Pablo para kay Timoteo, idiniin niya ang bagay na ito sa pagsasabing: "Gayunman, yaong mga determinadong maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming

hangal at nakakasakit na mga pagnanasa, na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkapahamak, sapagkat, ang pag-ibig sa salapi ay ugat na ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay, at sa pagabot sa pag-ibig na ito ang ilan ay maililigaw mula sa pananamplataya at napagsasaksak ng maraming kirot ang hanilang sarili." (1 Timoteo 6:9,10) Ipinakikita ng mga pananalitang ito, na ang pagiging materyalistiko, o maibigin sa salapi ay nagdudulot ng maraming "kirot" sa mga taong nakadarama nito maging ang mga mayayaman sa kasalukuyang panahon ay magsasabi na ang pagiging materyalistiko ay hindi siyang tunay na buhay. Halimbawa, ganito ang sinabi ng isang Amerikanong bilyonaryo at pulitikong si E. Rose Perot sa mga estudyante na magtatapos sa Harvard Business School: " Kung magkakaroon ka ng maraming pera, kung lalabas ka at bibili ng maraming bagay - ito'y masisira din...ang mga bagay-bagay ay hindi siyang pinagmumulan ng kaligayahan." (Fortune, Setyembre 11, 1989, p.50) Gayundin ang popular na siyantistang si Albert Einstein: "Ang mga tinataglay, panlabas na tagumpay, pagiging sikat, at mga luho - para sa akin ito ay hindi naman laging hinahatulan. Ngunit naniniwala ako na ang simple at hindi napipintang paraan ng pamumuhay ay ang pinakamainam sa bawat isa." (The New Dictionary of Thoughts, p.622) Kaya, kung hindi magmumula sa kayamanan at pagiging materyalistiko ang tunay na buhay, ano ang tunay na buhay at saan ito magmumula? Sa Bibliya, si Apostol Pablo din ang magpaliwanag ng sagot sa tanong na iyan. Nang payuhan niya si Timoteo na kanyang kasama nuon sa paglalakbay misyonero, kaniyang idiniin sa kanya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maka-Diyos na kagalingan, tingnan natin ito sa Bibliya sa 1 Timoteo 6:11, 12 "Gayunman, ikaw, o tao ng Diyos, tumakas ka mula sa mga bagay na ito. Ngunit, itaguyod mo ang katuwiran, maka-Diyos na debosyon, pananampalataya, pag-ibig, pagbabata, kahinahunan ng kalooban. Ipakipaglaban mo ang mainam na pakikpaglaban ng pamamanpalataya, manghawakan kang mahigpit sa buhay na walanghanggan na ukol dito ay tinawag ka at inihandog mo ang mainam na pangmadlang pagpapahayag sa harap ng maraming Saksi." Idiniin ng mga salitang ito ang pagkakaroon ng maka-Diyos na debosyon. Nangangahulugan ito na dapat isipin ni Timoteo ang Diyos na Jehova at unahin

siya sa kaniyang buhay, hindi ang pagsusumikap sa materyalistikong paraan ng pamumuhay na laganap sa kanyang panahon. Bukod diyan, sinabi rin ni Pablo na kailangan ni Timoteo na magtiwala sa Diyos, anupa't naglalaan siya ng pundasyon sa mas higit na magandang pag-asa para sa buhay na darating. Ganito ipinagpatuloy ni Pablo ang kaniyang payo: "Magbigay ka ng utos doon sa mga mayayaman sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip, at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang katiyakang kayamanan, kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan, na gumawa ng mabuti, na maging mayaman sa mainam na gawa, na maging mapagbigay, handang mamahagi, maingat na nag-iimbak para sa kanilang sarili ng mainam na pundasyon sa hinaharap, upang manghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay." Tunay na napakagandang payo, hindi ba? Nakukuha ninyo na ba ang sagot sa tanong na, ano ang tunay? Kung susuriin natin ang mga salita buhat sa dalawang tekstong binanggit makikita natin ang sagot. Sa unang teksto sa 1 Timoteo 6:12 sinabi: "Manghawakan kang mahigpit sa buhay na walang hanggan!" sa talatang 19 sinabi: "Upang makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay." Kaya, ang tunay na buhay ayon kay Pablo ay ang "buhay na walang-hanggan", taglay ang pagsang-ayon ng Diyos na Jehova. Ang buhay na walang-hanggan ay isang pagasang hindi nakasalig sa materyal na kayamanan ngunit ito ay nakasalig sa Diyos na Jehova. Subalit sino ang maaaring makapagkamit ng buhay na walang-hanggan? At anong paraan ang maaaring gawin ng isa para maging posible ito sa kaniya?


8

PEBRERO 14 - 20, 2010

10 tanong matapos ang Valentines day

BUTI na lang at Linggo pumatak ang Valentines Day. At least, Lunes ang sumunod na araw. Paniguradong hingal-kabayo ang karamihan. Nasaid. Nasagad. Har-harhar! At eto ang magiging alalahanin o palaisipan sa mga susunod na araw? 1. Saan kukunin ang

ipambabayad sa inutang para lang may maipandate, panregalo o pangano noong nakaraang Araw ng mga Puso? 2. Ano ang idadahilan kay Misis o kumander kung saan nagpunta noong Valentines day at madaling araw na umuwi? May lipstick sa kung saang parte ng damit at amoy pabangong di maipaliwanag kung saan nagsuot? 3. Ano ang ipapaliwanag sa Kumander kung bakit kulang ang iniuwing sweldo kasi nga, nagside line pa si Mister 4. Gusto pa ba ni Mister na si Misis pa rin ang makakasama nya sa mga

susunod na Valentines day? 5. Bakit puno ang mga biglang liko noong Araw ng mga Puso, kaya nauiwi na lang sa pamamasyal sa Park at baka may bakanteng lugar doon? 6. Magbubunga ba ang ang pinaggagawa nitong Araw ng mga Puso syam na buwan mula ngayon? 7. Ano kaya ang pinaggagawa ng mga anak nila nitong nakaraang Valentines Day? Ginawa rin kaya ng mga anak nila ang ginawa nya? 8. Kumita kaya ang mga dilag sa kahabaan ng Quezon Ave.? 9. 20 Valentines day

mula ngayon, baka mukha na lang ang magagalit, balahibo na lang ang tatayo at panga na lang ang titigas. Hindi kaya? 10. Bakit bawal magaway kapag Valentines day? Malamang na nagkaubusan ng Valentines card at bulaklak, puno ang mga restaurant, sinehan, parket at biglang liko, paniguradong bumaha ng text at e-mail messages nitong nakaraang Valentines Day. Pinagsaluhan kaya ang dugo at pag-ibig sa kapirasong banig? Abangan hanggang sa susunod na Araw ng mga Puso.

○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○ ○

Ang tunay na survey ay nakikita ng mga mata at hindi sa numero lamang

LUNETA PARK, MANILA Sumama at dumalo ako sa isinagawang Proclamation Rally ng Bangon Pilipinas Party noong Martes (Pebrero 9). Pinakamaagang gumising at nagsimula ang mga tagasuporta ng Bangon Pilipinas Party ni Presidential Candidate Bro. Eddie Villanueva na maagap na nagtungo sa 4 hectares na lawak ng open field ng Quirino Grandstand na dinagsa ng libu-libong taga-suporta ng tambalang Eddie-Yasay. Personal akong sumaksi sa kanilang unang patikim o show of force kung saaan napuno ng kulay dilaw at berde mula sa mga damit na kasuotan ng mga nagsidalong tao, ang dilaw at berde kasi ang siyang tatak na kulay ng partidong ito. Dalawang bus ang delegasyon ng Indang at sa kanila ako nakisakay. Nakakapagtaka ang pagiging masigasig at maagap ng mga tagasuporta ni Bro. Eddie sapagkat nalaman ko na ang kanilang pagpunta sa Luneta ay boluntaryo at walang kapalit na hindi katulad ng nakagisnan na nating matandang estilo o animo’y sirkus ng pamumulitika at pangangampanya sa bansa na ang mga dadalo sa isang political o proclamation rally

ay ginagastusan ng kandidato, pulitiko at partido na silang magpopondo at mag-aarkila ng mga sasakyan para hakutin ang mga tao. Pagdating sa lugar ay bibigyan ng mga t-shirt na may kulay ng tatak ng partido nila at pagkatapos ay pakain pa. Samantlang katakataka ang mga taga-suporta ni Bro. Eddie at partido nito dahil nagboluntaryo na ngang nagpatak-patak para sa bayad sa sasakyan nila papunta sa Luneta ay pagdating doon ay sila pa ang bumibili ng mga t-shirts at campaign materials katulad ng stickers, pins, flyers, banners, tarpaulins at iba pa na gagamitin nila sa pangangampanya pag-uwi sa kani-kanilang probinsiya, bayan at baranggay. Napakasaya ring tingnan na animo’y may picnic ang mga tagasuporta dahil sila-sila mismo ay may mga dalang baon ng pagkain at sabay-sabay na kumakain at nagbabahaginan pa ng mga pagkain sa isat-isa na akala mo ay matatagal ng magkakakilala kahit sa ang totoo’y noon lang sila nagkasama-sama. Kataka-takang bakit ibang-iba ang libu-libong tagasuporta ng tambalang Eddie-Yasay at ng Bangon Pilipinas Party sa ibang mga traditional politicians, traditional parties at supporters. Ang tanong ko ay nahanapan ko rin ng sagot; sapagkat sadyang iba, walang kapantay at malayo ang mga taong mulat, responsable at

naghahangad ng tunay na pagbabago. Pagdating namin ng Quirino Grandstand bandang 4:00 ng madalingaraw ay halos nasa kalahati na ng lugar na iyon ang dami ng mga tao na nanalangin at nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng mga praise and worship songs. Nakakakilabot ng manawagan ng ilang segundong katahimikan at pagkatapos ay umakyat sa entablado ang 7 kalalakihan na may dalang mahahabang tubo o yaong sinaunang trumpeta o pakakak. Animo’y mga sinaunang seserdote sa panahon ng lumang tipan at pagkatapos ng hudyat ay sabay-sabay na hinipan ng 7 ulit o beses ang mga tangang trumpeta kasabay ng malalakas na sigawan, palakpakan at pag-iingay ng lahat bilang pagsalubong sa bagong bukang liwayway ng pag-asa at tunay na pagbabago. Nang pumutok na ang haring araw ay iginala ko ang aking paningin sa kapaligiran at ako ay namangha ng makita ko na punung-puno na ng libulibong katao ang buong 4 hectares na lawak ng open field ng Quirino Grandstand. Nakakaantig naman ng puso ang sama-samang pananalangin ng iba’t ibang lider ng simbahan sa bansa mula sa Romano Katoliko, UCCP, Adventist, Born Again Christians at Muslim para sa isang malinis, mapayapa, maayos at matagumpay na halalan at

para sa tunay na pagbabago ng mga Pilipino at ng bansang Pilipinas. Dito ko rin nasaksihan ang hindi pa nagawa sa kasaysayan ng bansa kung saan dumalo ang iba’t ibang matataas na lider ng magkakatunggaling grupo na naghingian ng kapatawaran sa isa’t isa at nagkaisa para sa tunay na pagbabago. Ang mga ito ay isang mataas na obispo ng Kristiyano at isang mataas ng imam ng Islam; isang mataas na dating lider at kadre ng CPPNPA-NDF at isang mataas na retiradong opisyal ng AFP. Ang bawat isa sa kanila ay lumuluhang naghingian ng kapatawaran sa mga nagawang pagkakamali, pagkakasala at paglabag sa karapatang pangtao sa isa’t isa o ng kani-kanilang mga grupo. Ang makasaysayang kaganapan o programa ay sinadya pang isinabotahe ng mawalan ng kuryente ang lugar na tumagal ng 30 minuto datapwat patuloy pa rin ang programa kahit walang mikropono. Pasigaw at lalo pang nagpakita ng kasiglahan ang mga tao na naging sandata na panlaban sa kadismayahang dulot ng pananabotahe. Naituloy naman ng maayos ang programa ng paganahin na ng technical staff at crew ang generator, dito idineklara ni Bro. Eddie na tila kinatatakutan ng mga nasa kapangyarihan ang pagkilos ng Bangon Pilipinas

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: May nakaambang na problema sa iyong binabalak, huwag mo ng ituloy dahil magbibigay lang ito ng sakit ng ulo. Lucky days/nos/color: Tues/Thurs 21-28-36-3940-41 Yellow AQUARIUS: Hindi masama ang humingi ng tawad kung ikaw ang may sala, sa iyong sitwasyon wala kang kasalanan. Hayaan mo siyang humingi ng tawad sa iyo. Lucky days/nos/color: Mon/Wed 10-19-22-25-3545 Green PIECES: Hindi maiiwasang magselos at pagselosan. Mag-ingat dahil magiging dahilan ito ng sigalot sa relasyon, isipin ang kalusugan at gawin ang alam mong hindi makakasakit sa ibang tao. Lucky days/nos/color: Thurs/Fri 1-7-20-24-36-39 Pink ARIES: Huwag kaagad sumuko kahit pakiramdam mo ay nahihirapan ka sa iyong kasalukuyang tungkulin, huwag ka ring mainip. May mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng ilang sagabal ang ibang bagay. Lucky days/nos/color: Mon/Fri 6-28-29-37-3940 Beige TAURUS: Nag-uumapaw ang hangarin mong ikaw ay yumaman! Yayaman ka naman? Oo at ito ay tiyak na tiyak dahil ito rin ang kalakip na pangako sa iyo ng araw na ito ng iyong pagsilang. Lucky days/nos/color: 3-8-16-24-29-30 Pink GEMINI: Ito ang araw na mapapalaban ka sa mga hamon ng kapalaran. Pero iisa lang ang magiging resulta na nagsasabing lalo pang mapapalapit ka sa tuktok ng tagumpay. Lucky days/nos/color: Wed/Fri 1-8-26-33-44-46 Brown CANCER: Swerte ka ngayon! Di kalakihan at di rin gaanong karamihan ang mga swerteng magsisipasok sa iyong buhay pero lalong ikaw ay kaiinggitan. Lucky days/nos/color: Sat/Sun 6-27-35-39-4142 Cream LEO: Ito ang araw na kakaibang init ng katawan ang sasa’iyo na magsasabing ang iyong sarili mismo ay gustung-gusto na ikaw ay umasenso na tiyak namang magaganap o magkakatotoo. Lucky days/nos/color: 4-9-20-29-39-44 Blue VIRGO: Ito ang araw na ipakikita sa’yo ng langit na ang tao kapag malakas ang loob ay nagtatagumpay pa sa buhay, ibig sabihin wag kang maduduwag kahit kailan. Lucky days/nos/color: Thurs/Sun 2-11-21-3739-40 Violet LIBRA: Magiging malaking kapakinabangan sa araw na ito ang pagtataglay ng matalas at alistong isipan, maraming pang magagandang oportunidad ang darating sa’yo. Lucky days/nos/color: Fri/Sun 1-16-20-28-3639 Purple SCORPIO: Idagdag ang sipag at tiyaga sa lahat ng ginagawa. Ipanatag ang isip sa problema dahil darating kusa ang solusyon sa tamang oras at panahon. Lucky days/nos/color: Tues/Wed 1-3-26-38-4041 Black SAGITAURIUS: Huwag kang matakot, harapin mo ang araw na ito ng may tapang at hangaring ikaw ay yumaman, aalayan ka mismo ng makapangyarihang kamay ng langit. Lucky days/nos/color: 6-18-29-30-32-41 White

lalo pa at sinabi ni Bro. Eddie na hindi na matutuloy ang isa pang show of force sa Luneta ngayong Sabado (Pebrero 13) sapagkat ayon sa nangangasiwa o opisina ng Quirino Grandstand sa Luneta ay binilinan sila na isa o hanggang dalawang beses lamang ang permit na ibibigay sa Bangon Pilipinas Party ni Bro. Eddie. Humingi ng

paumanhin ang administrador o opisina at napaaming utos o atas ito sa kanila ng Malacañang. Kung kaya nagdesisyon na lamang ang partido na ireserba na lamang ang pangalawa o huling show of force ng mga tagasuporta para sa Final and Grand Political Rally ng Bangon Pilipinas Party sa Mayo 2010. SUNDAN SA P. 9


PEBRERO 14 - 20, 2010

9

Liham sa Bayan

Mahal kong Lunsod ng Cavite, Araw ng mga Puso ngayon. Gusto sana kitang alayan ng kung anu-anong matatamis na salita at sari-saring pangako para maangkin ko ang matamis mong “OO”! Kaso, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na mamanata sa kasinungalingan, makuha lang ang kagustuhan. Sya nga pala, pasensya ka na kung hindi ako makasabay sa ibang nanliligaw din sa iyo. Wala akong naireregalong samut-samot nitong nakarang Pyesta, Pasko’t Bagong Taon. Andami mong mga anak na lumalapit at nagpaparinig sa akin, na OBET ang ibang nanliligaw sa iyo, todo-buhos, todoCATALAN pasa, todo-bigay, todo-alay sa kung anumang okasyon at pagtitipon. Sensya ka na rin kung sa lamayan at burol, taos-pusong pakikiramay lang ang aking naiaabot. Sa mga paliga ng basketbol at iba pang kasiyahan, kahit wala akong maisobre, ngunit nandoon ako para pumalakpak at lumundag sa wagas na kagalakan. Sa mga ganitong panahon, bahagya akong nalulungkot… wala kasi akong madukot at maiabot. Pagkain nga sa araw-araw para sa aking pamilya, hinahanap ko pa, kaya hindi kita naliligawan sa nakagisnang paraan. Hindi ako mangangako sa iyo na kapag ako’y pinili mo, babaha ng biyaya at grasya sa iyong mga anak. Isa lang ang aking tinitiyak. Kakatawanin ko ang munting pangarap ng bawat

SULONGBAYAN MULA SA PAHINA 9 Sa dami ng dumalo noong Martes ay winika ni Bro. Eddie na, “Ang libolibong tao na nandito ngayon sa Luneta ang siyang tunay na resulta ng survey. Ito ang totoong resulta ng survey na nakikita ng ating mga mata. Hindi katulad ng survey sa TV na bilang o numero lamang ang ating nakikita. Dito buhay na buhay kayong mga saksi sa dami natin ngayon dito.” Samantala kung ikaw ay tunay na may malalim na pagiging makabayan ay sadyang makapanindig-balahibo at nakakadala ng emosyon ng

sabayang binuklat at inilatag na ng libu-libong tao ang siyang naitala sa Guiness Book of World Records na pinakamalaking bandila sa buong mundo, ito ay ang may 2 hectares na laki ng watawat ng Pilipinas. Nang mailadlad ito ay napaluha ang makabayang ekonomista at ebanghelista na si Bro. Eddie na dati ring radikal na aktibista at komunista, napaluha rin ang kanyang Vice Presidentiable na si Atty. Jun Yasay at ang bumubuo ng Senatorial Slate na tinaguriang APOINT V na bumubuo sa apilyedo ng 7 magigiting, matatalino, prinspiyado at makabayang sina Alonto, Princesa, Ocampo, Inocencio, Nikabulin, Tinsay at Vergines. Si Zafrullah

Alonto at Adz Nikabulin ay mga lider ng MNLF at MILF, si Atty. Rey Princesa naman ay ang abogado ni NBN-ZTE Star Witness Jun Lozada, si Ramoncito Ocampo naman ay ang pangalawa sa pinakamataas na lider ng may 8 milyong kasapian ng El Shaddai ni Bro. Mike Velarde, si Dr. Vergines naman ang mataas na lider ng may 3 milyong kasapian ng Seventh Day Adventist Church at sina Kata Inocencio at Alex Tinasay naman ay pawang mga mulat na broadcastjournalist. Sila ang bumubuo ng Bangon Pilipinas Party na naghahapag ng bago at alternatibong pamumuno na nagsasabing “ANIM NA TAONG PILIPINAS NA WALANG KORAPSYON.”

tahanang salat sa buhay. Pangarap na may disenteng trabaho at tirahan ang mga mamamayan. May ulam sa hapag kainan kahit hindi kasarapan. May mga anak na nakakatuntong sa matinong paaralan. At may kalayaang mabuhay nang tahimik at ligtas. Wala akong ibang yaman. Maliban sa aking hitik at hinog na karanasan sa pakikipaglaban sa parlyamento ng lansangan at unibersidad ng buhay. Natutulog at nagigising ako sa bangketa ngunit malinis ang kunsensya na ang ipapakain sa aking pamilya, galing sa pagpapatulo ng pawis. Nasanay na laging walang laman ang tyan at bulsa. Pero ayokong hanggang isang kahig isang tuka na lang ang mga kagaya kong patas at makatwiran sa laban ng buhay. Ayokong maging hadlang ang kahirapan sa mumunting pangarap. Ayokong may kagaya kong hindi naririnig ang tinig. Ayokong hindi pinapansin ang hinaing ng mga bumubuhay sa industriya ng bayan at bansa. Ayokong nagpapasasa ang iilan sa yaman at kapangyarihan, samantalang gipit at kapos ang karamihan. Kaya, mahal kong bayan… pasensya na at ni bulaklak ay hindi ako makapagsasaboy iyong lansangan. Pero lagi akong magiging laman ng lansangan upang ika’y bantayan at ipaglaban. Pasensya ka na kung ito lang ang aking kaya… ang katawanin ang mithiin sa buhay ng mga anak mong tulad ko ring salat sa pagkakataon at oportunidad ngunit pinalaki sa katotohanan at dignidad. Nagmamahal, Obet CATALAN

Grasya sa gitna ng disgrasya-OJY NGITNGIT na ngitngit ako noong isang araw. Paano ba naman, yung kotse ko, ka-bago-bago (kaya nga alalay lang ang takbo ko), napakaganda pa naman ng pagkakalagay ng istiker ng mukha ko at inisyal kong OJY… nang bigla akong binangga ng isang tricycle. Pagbaba ko para tignan, puro gasgas ang bumper sa likod at yupi ang insignia ng Toyota Vios. Uminit ang ulo ko. Sino ba naman ang hindi? Abut-abot ang hingi raan ng sasakyan? Wang dispensa ng dyarber lang madukot na pera. na nakabundol sa akin. Walang malapitan. WaSa paliwanag nya, nawa- lang mahingan ng payong lan sya ng preno. Kitang legal. Pag lumapit sa opkita ko sa mukha nya ang erator, sa halip na tulong, sinseridad ng paghingi ng sermon, suspension o paumanhin. Napagka- pagkasibak sa trabaho sunduan naming babaya- ang tugon. Kagaya ni Manong Drayber, hindi ran nya ang danyos. Pag-uwi ko, parang nya sinasadya. Kasalanmay kumurot sa puso ko. an ng preno. Maari bang Naisip ko, kung sisingilin ireklamo ko ang preno? ko ng pobre ng pagpapa- Preno ang magbayad ng gawa ng kotse ko, para ko damyos? Ako na nakapag-aral, na ring ninakawan ng pagkain ang kanyang ako na nakarating sa pamilya. Nang baon ang kung saan-saang sulok kanyang mga anak. At iikot ng bansa, kung sino-sisi manong drayber sa nong mga kilalang tao at paghahanap ng bound- artist ang nakadaupang ary. Naisip-isip ko, ano ba palad… kay Manong Drayang mas mahalaga, ber at sa mga katulad nya maayos ko ang aking palang mamumulat ang sasakyan, o maayos ko aking mga mata. Dinig ko ang isang sambahayan? ang kanilang daing. Ang Hindi ako nagdala- kanilang hiling. Ang pawang isip. Nang muli ka- ngangailangan. Tinawagan ko ang ming magkita ni Manong Drayber, sinabi ko, wag mga kaibigan ko sa Jaynya nang intindihin ang cees USA. Nangako sila magbibigay ng pinsalang naidulot nya sa na aking sasakyan. Paliwa- $20,000. ‘Ba, kulang-kunag ko, ang mga tulad nya lang isang milyong piso ay biktma ng mis-opor- yun. Ito ang kanilang magiging pondo sa binabatunidad. Ilang tulad ba nya ang lak kong KOOPERATIBA nakabangga, nakabun- NG MGA DRAYBER SA dol, nakasagasa at nasi- CAVITE CITY. Balak ko na

ROBERTO YAP iorganisa ang mga tulad ni Manong Drayber. Sa maliit na huhulugang halaga kada-buwan, may makukuhang pinansyal na tulong ang mga drayber sakaling mayroon silang nabangga, nasira o nasagi sa kanilang pagmamaneho. Magkakaroon din ng tindahan ng mga surplus na spare parts. Nakausap ko na rin ang mga kaibigan kong supplier ng spare parts… handa silang magbigay ng donasyon para sa pasimula ng kooperatiba. May kaibigan akong abogado na nag-alok ng tulong. Handa syang maging legal adviser ng mga drayber. Nang walang bayad. Sabi ko nga sa sarili ko, kung hindi pa mangyayari sa akin ang insidenteng iyon, hindi ko pa makikita ang reyalidad sa nakakalunos na kalagayan ng mga drayber sa Cavite City. Salamat sa kanila. Salamat at sa gitna ng disgrasya, may umusbong na grasya.


10

PEBRERO 14 - 20, 2010

KAUGALIAN: BAHAGI NG REKLAMO NI RONQUILLO HINGGIL SA MODERNISASAYON

GAYA ng patutsada ni Ronquillo sa trambiya, may mga reklamo siya ukol sa modernisasayon. Isa na rito ang waring pagwawalang bahala sa mga kaugalian na nagpapakita ng karakter na ga mamamayan bago dumating ang mga Amerikano. Sipiin natin si Ronquillo: Tao po… Sa lalawigan, o lalong maliwanag: sa may mga bahay na pawid doon ay buhay pa ang kaugaliang dadalirin ko ngayon, ay kaunti na lamang ang kailangang panahon upang lumipas na lubusan. Tila baga isang kugaliang di kasundo ng bahay na bato. Kaya, dito sa Maynila, isang malaking syudad na kaalit ng mga bahay na pawid, ay walang-wala na ang kaugaliang aking tutukuyin. Dili iba kundi ang kau-

galiang pagsagot sa pagpapataopu sa bahay na may bahay, bago pumanhik ng hagdanan. Sa bahay na pwid ay tuloy po ang kagyat na sagot sa tao-po ng nagbibigay galang. Ngunit sa bahay na bato ay ano? Hindi tuloy po agad kundi kinakailangan muna ng sino? O sino iyan? Na kung minsa’y malamlam at minsan ay mabalasik, at bago pa sinasagot ng ah, ikaw (o kayo) pala, kung sakaling dapat o ibig patuluyin ang nagpapatao-po. Gaya ng maluwang na namamalas, samantalang ang ugaling iyon sa bahay na pawid ay naghihiwatig ng kapanatagan ng loob, pagtitiwala at magandang kapalagayan sa kapwa tao, ang ugali naming ito sa bahay na bato ay nag-uulat ng isang pagwawalang tiwala sa

kapwa tao. Walang ibang ibig ituring ang ginagawang paunang pagsino. …Isang matapat na bunga, ang pagkakaganyan ng tinatawag na kabihasnanang europeo. Iyang ugaling iyan sa bahay na bato at saka ang kasabihang kastilang la confianza mata al hombre ay tunay na magkakambal, lubhang magkatuyap parang suman at

Mahal kong Ate Bebang, Pag po ba nagliligawan, kailangan po bang magkaroon na ng right sa isa’t isa? ‘Yong tipong pagbabawalan na

mangga, parang pulot at gata. Isa pang abot ng pamumuna ni Ronquillo ang isinulat niyang kaugaliang ito: Pag nag-uusap ang matatanda… Ito’y isang matandang turo o aral. Inuukit sa noong mga bata, sapul sa kamusmusan, na pag nag-uusap ang matatanda ay di dapat sumagot

ang mga bata. Ngayon ay pinagtatawanan na ito ng marami. Ang matwid ay sapagka’t ang gayon daw ay siyang ikinapagiging dungo ng mga bata. Kaya minagaling at kina gagalak pa ng maraming magulang ngayon ang pakikisabad ng kanilang mga anak sa mga salitaan ng matatanda. Ang ganito raw ay tanda ng kaalistuhan.

Maliwanag na pinagkakamalan ng mga magulang na iyan ang kabaitan at kadunungan. Akala nila’y lahat nang mabait ay pawing dungo, o tumbalik; samantalang ipinalagay nilang ang lahat nang kawalang Maging sa loob ng bahay ay may kaugaliang din, gaya ng mga sumusunod na walang kamatayang pamahiin at kasabihan.

o lilimitahan na ang kilos? Tama po ba yon o hindi? Marie ng Teachers Village, GMA, Cavite

demand ang babae, gayon din ang mga lalaki. Ito kasi ang stage kung saan kinikilala pa lang ninyo ang isa’t isa. Sa lipunan natin, demanding ang babae sa manliligaw. Hindi ba dapat isa lang ang nililigawan ng lalaki samantalang ang babae ay maaaring magpaligaw sa marami? Kung minsan nga, sasabihin natin sa manliligaw natin, “magpagupit ka bukas. Bawal ang mahaba sa paningin ko. Gusto ko isang kutsaritang buhok na lang ang matira sa bumbunan mo.” O kaya, “bawal kang luminga sa ibang babaeng makakasalubong natin. Bahala kang magkastiff neck, basta bawal.” O kaya, “hindi ka na puwedeng tumawag sa best friend mong si Rianne. Gumamit ka na lang ng telepathy.” Kung ganyan ka, masyado kang malupit. At pihadong gagantihan ka lamang ng manliligaw mo once na sagutin mo siya’t may relasyon na kayo. Gusto mo ba iyon? Siyempre, hindi. Kaya kahit okey lang at nakasanayan na iyan sa lipunan natin, iwasan mong maging ganyan. Kasi nga, mali. Ang lalaki naman, kung nanliligaw pa lang tapos sobra nang makapagbawal sa isip, salita at gawa ng babaeng nililigawan ay tiyak na malupit ding maging boypren. Malupit as in cruel. Siguradong mas marami na siyang ipagbabawal ngayong

boypren mo na siya. Kasinghaba ng buhok ng sirena ang listahan niya ng bawal mong gawin. Aasa kasi siyang mas malaki na ang karapatan niya sa iyo kapag may relasyon na kayo. Aasa siyang susunod ka sa lahat ng sasabihin niya. Kasi noong nanliligaw pa lang siya, sumusunod ka na sa listahan. Kung hindi ka sumunod, malamang ay hindi niya itutuloy ang panliligaw at hindi magiging “kayo.” Eto ang posibleng nasa listahan niya: Bawal ka mag-shorts. Dapat lagi ka lang nakapantalon. Kapag kasama mo ako, saka ka lang puwedeng magshorts. Bawal kang umalis nang hindi ko nalalaman. Bawal kang magtext sa mga lalaki. Bawal mag-isip ng iba, ako lang. Bawal magmura. Ulol-gago. Ulol-gago ang ganyang lalaki. Kung ako ang may manliligaw na ganyan, magpapaskil ako ng papel sa mukha niya. Sabi ng papel: BAWAL KANG MAKIPAGUSAP AT MAKIPAGKITA SA AKIN. PAGKABASA NITO, BAWAL KANG SUMIMANGOT. Ipaglaban mo ang karapatan mo, Marie. Dahil ang puwede lamang magbawal sa iyo ay ang iyong magulang. At saka, siyempre, ang mga sign board sa kalsada: bawal tumawid, bawal pumarada, bawal lumiko, bawal humin…. Ako pa rin, Ate Bebang

Ma y kar apa tan na bang May kara patan magbawal ang nanliligaw?

Mahal kong Marie, Hindi, dahil walang karapatan ang sinuman kapag nasa ligawan stage pa lang. Hindi dapat nagde-

Halimbawa ng mga Awit sa Araw ng Pangangaluluwa sa mga bayan ng Cavite Si Magdalena pong banal Nang una’y makasalanan Ang sala niyang pinagsisisihan Naging santang matimtiman

Sa pananalangin natin Ay ating sasambitin Kaluluwa’y idalangin Siyanawa, Hesus Amen

PINTONG SARADO Ang pinto mo pong sarado At matibay ang kandado Binuksan ng espiritu Nanggaling sa Purgatoryo.

Ang santa pong Magdalena Sa Kawit ay sinasamba San Agustin ay sa Tanza Sa Silang ay Candelaria

Sa tahimik na pagtulog Kami po ay dumudulog Sa harap mo’y lumuluhod Sa paa ng Poong tibobos

Concepcion po ay sa Mariñas Na sa paa ay may ahas Ito’y tandang maghahayag Magliligtas sa kamandag

ABA PO MAHAL NA BIRHEN Aba po mahal na Birhen Laking hirap ang narating Nang ikaw po’y palayasin Ni Herodes, haring taksil Ikaw po pala ay buntis Nang ika’y pa sa Nazaret Kasama mo si San Josef Esposo mo’t sintang ibig

May bahay na sinisinta Sandal at makinig ka At aming ibabadya Ang buhay ng santo’t santa

Ang isa pong kasaysayan Ang sa inyo ay tuturan Ang Birhen nating Del Pilar Pintakasi nitong bayan

Bawat bahay tinawagan Ang nais ay manuluyan Walang tumanggap isa man Palibhasa po ay bawal

Ang bawat aming tuturan Ay inyo pong tatandaan At kung ito’y magkulang Bayad ninyo’y karagdagan

Si Del Pilar na ating Santa Na anak ni Santa Ana Sa Diyos ay sumasamba Kahit siya ay bata pa

Eto na ang tatlong Maria May dalang dagon ng mangga Ibibilot, ikakama Sa sumilang na kometa

Ang bawat aming tuturan Doon sa malayong bayan Patron doo’y iginagalang San Francisco ang pangalan

San Josef na karpintero Na ama ni Hesukristo Kaya siya’y naging santo Masunurin siyang totoo

Eto na ang tatlong Maria May dalang dahon ng saging Ibibilot, ilalampin Kay Hesus na Poon natin

Sa Ligtong ay San Isidro Patrong magsasaka ninyo Sa Indang ay San Gregorio Sa basa ay Santo Niño

Dito ngayo’y tatapusin Itong aming pagtuturing At bago kao lisanin Tawad po ang hingi namin

Eto na ang tatlong Banal Tatlong haring mararangal Sila raw po ay dadalaw Sa mag-asawang timtiman

Santo Rosario po naman Sa Salinas nating bayan At ang santong pinugutan Sa Bautista, si San Juan

Maybahay na sinisinta Kami po ay paalam na Sa simbahan kung umaga Doon tayo magkikta

Yari na po at tapos na Ang buhay ng mag-asawa Kaya’t kami’y paalam na Paalam po sa kanila

IMUS


11 Greetings*Greetings*Greetings PEBRERO 14 - 20, 2010

Belated happy 1st birthday to YDNAR VILLANUEVA (February 2, 2010) Greetingsm from papa Randie and Mama Lotte.

Happy birthday to NANAY LOLLY H. GENERAGA (February 18, 2010). Greetings coming from Willy & Family.

Happy 1st birthday to CALLY VASTAGRAY V. FAMILARA (Feb. 19, 2010) Always be good & smart. We love you! From Papang June, Mamang Lou and Tita Chucklyn.

Adbokasiya, Teknolohiya, Reporma SI Arnel Tirona Ricasata na kasalukuyang Konsehal ng Bayan ng Rosario, Cavite ay isinilang sa bayan ng Rosario, Cavite at ipinanganak noong Hunyo 4, 1971. Nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science and Business Administration major in management sa San Sebastian Colege Recolletos sa Cavite City noong 1993. Nang makapagtapos ay nagtrabaho bilang isang empleyado sa bangko at kasabay noon sya rin ay nagsisilbing isang Barangay Kagawad sa kanilang barangay. Likas kay Arnel ang pagiging palakaibigan at ang tumulong sa abot ng kanyang makakaya sa mga taong nangangilangan at isang pagiging magaling na lider kaya naman siya ay nanguna sa barangay nila bilang kagawad. Dahil sa kanyang magandang record bilang kagawad ay nahalal si Arnel Tirona Ricasata sa mas mataas na posisyon, nanalo siya bilang Konsehal ng Bayan taong 2001 kaya naman naipagpatuloy nya ang hangarin na makatulong sa kanyang mga kababayan. Isa sa mga naging proyekto nya ang pagpapagawa ng mga kalye, pagpapatupad ng fogging sa mga barangay upang maiwasan ang sakit na dengue, pagsuporta sa mga feeding project para sa mga kabataang magaaral at pagsulong na makapag bigay ng libreng gamot para sa

mga mahihirap na hanggang sa ngayon ay patuloy nyang ginagampanan dahil patuloy syang iniluluklok ng mga mamamayan ng Rosario. Si Arnel ay naka-tatlong termino bilang konsehal ng bayan at sa kanyang termino ay naging isa syang magandang halimbawa sa mga kapwa pulitiko. Dahil sa magandang record ni Arnel bilang 3 termer Councilor sa bayan ng Rosario ay isa sya sa napiling kunin ng Liberal Party bilang kanilang kandidato sa pagiging Board Menber ng Unang Distrito ng Cavite at ito’y upang maipagpatuloy nya ang kanyang mga proyekto tulad ng pagdagdag ng mga computer sa mga pampublikong paaralan upang mas maging malawak ang kaalaman ng mga magaaral pagdating sa teknolohiya, paglilinis ng kalye sa pamamgitan ng pagtuturo at pagpraktis sa mga tao ng proper segregation of waste upang maiwasan ang matinding baha sa Cavite, pagkakaroon ng mas malaki at madaming benepisyo para sa mga senior citizen at madami pang ibang proyekto na mas makakatulong sa kanyang mga kababayan at higit sa lahat sa bayan... pagsisilbi bago ang sarili, ito ang magandang adbokasya ni Arnel Tirona Ricasata...

Yo, Cally Vastagray Ta si imbita con este na un ano di mio di asi na Pebrero disinueve dosmildies di asi na alas tres del taldinaCalleE. Mariano Sn. Roque Cuidad de Cavite. Inda ustedi aqui na cumpliano di mio... Happy birthday and Valentine’s day to MANANG MICHELLE this February 14, 2010. Greetings from Manong.

GET WELL SOON FROM YOUR RESPONDE CAVITE FAMILY


Mamamayan ng Rosario, dismayado kina Villar-Loren NI SHELLA SALUD

DISMAYADO ang mamamayan ng Rosario, Cavite matapos di sumipot sa ihihanda nilang munting programa sina Nacionalista Party Presidential at Vice Presidential bet Sen. Manny Villa at Loren Legarda. Itinakda ang pagbisita ng grupo ni Villar noong nakaraang Biyernes (Pebrero 12, 2010) sa Pandawan Fish Port sa bayan ng Rosario. Dakong alas singko pa lamang ng umaga ay nakahanay na ang libu-libong mamamayan ng Rosario na kinabibilangan ng UPAO, ROMECO, Lingkod-Bayan, Barangay Health Workers, Rosario Radio Communication Group, Guardians Brotherhood, Coral Reef

Watchman, Rosario Divers, barangay official at maging ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan. Sinasabing dakong 8:00 n.u. nang dumating ang convoy ng grupong Nacionalista papasok ng Pandawan. Tuwang-tuwang sinalubong ng mamamayan ng Rosario ang mga senador at miyembro ng partido na nagsidating. Mainit na tinanggap ng mga taga-Rosario ang

mga ito sa pamamgitan ng pakikipag kamay at pagsigaw sa pangalan ng mga kandidato. Kabilang sa mga nagsidating ay sina Adel Tamano, Pia Cayetano, Jonvic Remulla, Gilbert Remulla, Bongbong Marcos, Gwen Pimentel, Mon Mitra, Liza Masa, Satur Ocampo. at iba pang mga kasapi ng partido maliban sa dalawang pangunahing kandidato. Nagkanya-kanyang gimik ang mga kandida-

to sa kanilang pangangampanya tulad ni Sen. Pia Cayetano, na nakacycling gear at Arnel Querubin na bagama't nakakulong ay may mascot na kamukha niya na siyang nangangampanya. Malugod din na sinalubong ni Mayor Nonong Ricafrente kasama ang kanyang Vice Mayor na si Jhing-jhing Hernandez, mga konsehal kasama sina Jonvic Remulla at Bimbo Bautista ang mga kandidato. Ipinagmalaki ni Mayor Ricafrente ang coral reef na inaalagaan sa bayan nito. Sinasabing naging

VILLAR

matagumpay ang naganap na pagbisita ng partidong Nacionalista sa Ro-

sario sa kabila ng nabigong pagdating nina Villar at Legarda.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.