Anak ng Rosario: Alejandro G. Abadilla P.9
TA O N 1
BILANG 3
P10.00
SEPTEMBER 20-26, 2009
Mayor Paredes
Cong. Abaya
KANINO ANG CAVITE? Pamana ng liping Cavite単o sa lahing Pilipino PAHINA 5
PAH. 6-7
Sino ang karapat-dapat sa unang distrito?
Lintik lang AQUA 2599 ang walang ganti BASAHIN SA PAHINA 11
Water Refilling Station 118 Enriquez Compound Ligtong 3, Rosario, Cavite Free Delivery (046) 438-4119 P25.00 retail for dealers P20, 10 +1
Silang mga mararamot sa kapwa P.8
2
SEPTEMBER 20-26, 2009
2 patay, isa sugatan sa magkahiwalay na aksidente ISANG taong-grasa ang natagpuang sugatan at duguan na gumagapang sa tabing kalsada ng Barangay Amuyong sa bayan ng Alfonso, Cavite. Ayon sa report ni SPO1 Teodoro P. Malimban ang taong-grasa ay hinihinalang biktima ng hit-andrun. Ang taong grasang di pa nakikilala hanggang ngayon ay agad na isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital pero idineklarang dead on arrival. Samantalang sa Bayan naman ng Dasmariñas, isa ang patay at isa ang sugatan matapos ang salpukan ng isang pampasaherong jeep na may plakang UPF 238 at isang motorsiklo. Ayon sa mga nakasaksi sa nangyari ang salpukan ay naganap sa kahabaan ng Governor’s Drive at Molino Paliparan Road ng Barangay Paliparan,
kung saan sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang katawan ng driver ng motorsiklo na si Joselito Laurora at ng angkas nitong si Sophia Laurora na parehong taga Barangay Hukay, Silang, Cavite. Agad na sinugod sa San Jose Hospital ang dalawa pero idineklara ng dead on arrival si Joselito samantalang ang angkas naman nitong si Sophia ay malubhang nasaktan. Ang driver naman ng pampasaherong jeep ay agad na sumuko sa mga pulis na nakilalang si Moises V. Esculta, 41, ng 1406 Bangkal street, Carmona, Cavite. Sa report ng mga pulis lumalabas na ang Taong-grasa at si Joselito Laurora ay pangsiyam at pangsampu ng namamatay sa mga aksidenteng naganap sa kalakhan ng Cavite sa nakakalipas na sampung araw. TRELES MANDARIAN
Lalaki, tepok sa minamanehong motor, nadaganan pa ng sand bag IMUS, Cavite —Dobleng kamalasan ang sinapit ng isang lalaking matapos barilin ng di -nakilalang suspek habang nagmo-motorsiklo ay natabunan pa ito ng tambak ng sandbags na binangga ng sinasakyan nito na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay ka-
makalawa. Wala nang buhay nang idating sa ospital ang biktimang kinilala ng lokal na pulisya na si Irvin de Leon,20,residente ng Barangay Pasong Buwaya,2 ng bayang ito. Base sa report na dumating sa tanggapan ni Chief Supt.Perfecto P.
Bangkay, nilaslas ang tenga, binigti bago binaril Ni Lolit Romen
BRUTAL na pinaslang ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na matapos laslasin ang kanang tenga ay binigti pa ng alambre at pagkatapos ay saka pinagbabaril na agad nitong ikinamatay kamakalawa ng madaling araw sa Bgy. Pasong Buwaya 1, Imus, Cavite. Inilarawan ni PO2 Randy De La Rea, may hawak ng kaso, ang biktima na naka-short na kulay gatas, naka-t-shirt na kulay puti, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo na sputnik sa katawan at pangalan ng mga ba-
baeng naka-tattoo rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito at nasa edad 30 hanggang 35. Nadiskubre ang bangkay dakong 4:00 ng madaling araw ng mga nagpapatrulyang barangay tanod sa lugar at agad ipinagbigay alam
Palad.director ng PRO-4A 3:30 ng umaga sakay ng kaniyang motorsiklong walang plaka si De Leon mula sa karatig-bayan kung saan dumalo ito sa pabinyag ng kakilala at pauwi na sa kanilang bahay nang maganap ang insdente. Diumano,dahil malakas ang ulan ay mabilis ang takbo ng biktima at halos hindi nito maaninag ang daraanan nang barilin ito mula sa kaniyang likuran kaya natumbok nito ang patong-
patong ng sandbags sa tabing kalsada na bumagsak sa katawan ng biktima na una nang nahulog mula sa sasakyan nito dahil sa tama ng bala Diumano, naisugod pa ng mga nagrespondeng pulis at tanod si De Leon sa ospital ngunit patay na ito pagdating sa pagamutan habang tinutugis na ang posibeng pinuntahan ng mga suspek na hindi pa batid ang motibo sa pagpaslang sa biktima. LOLIT ROMEN
nila ito sa pulisya. Pinaniniwalaan ng pulisya na pinatay ang biktima sa ibang lugar at duon sa lugar na iyon itinapon ng mga suspek ang bangkay dahil wala anya silang nakitang bakas ng dugo sa lugar na pinagtapunan.
May teorya rin umano ang mga awtoridad na napagkamalang isang pulis asset ang biktima dahil hindi kilala at napagawi lang sa naturang lugar kung saan naman kilala sa pagiging pugad ng mga adik at tulak. Lolit Romen
Ang tunay na lider, wala sa papel E-mail sender #1 Binabati ko po kayo sa fair and balanced news ninyo lalo na sa isyu sa pagitan nina Mr. Ramos at Chua. Pero kahit na ano pong dokumento ang ipakita sa publiko ng nag-aakalang sya ay lider, ang pagiging public servant po ay hindi naman nagtatapos sa papel lang. Dapat naglilingkod kahit hindi pa nakasulat sa papel. Dapat nahi-hingian ng tulong. Dapat natatakbuhan ng mga kapus-palad nating ma-mamayan. Nagsasawa na po kami sa referral letter. Ang pagiging public servant ay hindi puro kaway at bati lang. Dapat may konkretong akyson. Dapat may direktang tulong. Gerry of Cavite City Ed: Opinyon nyo po ‘yan. Iginagalang po namin. Salamat po. Email sender # 2 May bago na po palang dyaryo sa Cavite. Congratulations po! Mabuti naman po at may bago kaming mababasa dito sa aming barangay at bayan sa Dasmariñas. Comment lang po, baka po pwede kayong magsama ng report sa aming taga-upland. Kasi napansin po namin, puro taga ibaba ang nababanggit.
Buti na lang po at ang asawa ko ay nagtatrabaho sa Noveleta at nakapag-uwi minsan ng dyaryo nyo. Salamat po. Micah of Salitran, Dasmarinas Ed: Hayaan nyo po. Itong isyung ito at mga susunod pa ay tinitiyak kong may mga balita at lathalain na may kinalaman di lang sa lowland pero maging sa upland na rin. Email sender # 3. Paano po kung gusto kong magpasa ng artikulo sa inyo? Hindi po politikal. Medyo may kinalaman po sa kaligtasan at kaluluwa ng tao. Maari po ba? Salamat po. Rose Mary of Rosario, Cavite Ed: Ipasa nyo muna po. Kung sa tingin ng board of editors ay maaari naming mailathala, wala naman po kami nakikitang problema. Email sender # 4. Kung sino man po ang namirata ng dyaryo nyo… pakisabi po sa kanya, para syang hindi Caviteño, walang bayag. Randy of Cavite City Ed: Agree! Amen! Aprub!
Ipinadala sa pamamagitan ng email. Kung kayo po ay may reaksyon, komento, opinion o mungkahi na may kinalaman sa aming isyu o sa anumang nangyayari sa Lalawigan ng Cavite, maari po kayong mag-email sa ulat@respon-decavite.com, respon-de_cavite@yahoo.com. Tinitiyak po namin na itatago’t poprotektahan ang inyong pagkaka-kilanlan. Salamat po.
SEPTEMBER 20-26, 2009
3
Mga Kaalaman ukol sa Ramadan
ANG ramadhan ang ikasiyam na buwan ng kalendaryong lunar. Sa buwan na ito isinasagawa ng lahat ng Muslim ang sawm o pag aayuno. Ang sawm ay ang di pagkain, pag-inom at pakikipagtalik mula bukang liwayway hanggang paglubog ng ataw. Ang mga araw ng Ramadhan ay ginugugol sa ayuno habang ang gabi ay para sa palagiang pag alala ka Allah, pagbabasa at pagaaral ng Maluwalhating Qur’an, at pagbabahagi ng mga biyaya sa iba. Sa banal na buwan na ito, ang mga Muslim ay inaatasang magpigil sa sarili. Ganito ang isinasaad ng Makapangyarihang Allah sa Maluwalhating Qur’an: “O kayong mga mananampalataya. Inaatas sa inyo ang pag-aayuno, gaya ng pag-aatas sa mga nauna sa inyo upang matuto kayong magpigil sa sarili.” (Sûrah alBaqarah 2:183) Mahalaga ang Ramadhan hindi lamang sapagkat inaatasang mag-ayuno ang lahat ng Muslim sa buwan na ito, kundi dahil sa buwan ding ito inihayag ang Maluwalhating Qur’an: “Ang Ramadhan ay bu-
wan ng paghahayag ng Qur’an bilang giya ng sangkatauhan at maliwanag na tanda para sa patnubay at pagkakaalam (sa masama at mabuti). Kaya lahat kayo na nasa mga taganan sa buwan na ito ay dapat mag-ayuno.” (Sûrah al-Baqarah 2:185) Batay sa tradisyon ng Banal na Propeta (mapasakanya nawa ang kapayapaan), may dalawang bahagi ang paghahayag ng Qur’an. Ang unang bahagi ay ang buong paghahayag mula sa Lawn Mahfuz (Guarded Tablet) patungo sa Baytu ‘I‘izzah (ang langit na malapit sa daigdig). Ang rebelasyong ito ay naganap sa buwan ng Ramadhan. ANg ikalawang bahagi ay ang paghahayag sa Banal ng Propeta nang pautay-utay sa loob ng dalawampu’t tatlong taon mula sa unang rebelasyon sa Yungib ng Hira na naganap sa buwan ng Ramadhan. Kaya, ang Ramadhan ay di lang buwan ng ayuno kundi ng paghahayag ng Maluwalhating Qur’an. Sa buwan na ito, natututuhan ng mga Muslim ang pagiging matiyaga, pagbabahagi, pag-aayuno, at pagdamay sa iba. Bu-
wan din ito ng tagumpay para sa mga Muslim upang isulong ang katotohanan laban sa mga kaaway na nagtangkang pumigil sa kanila, ay naganap din sa buwan na ito. Ang Ramadhan ay buwan ng pagsamba at pagalaala kay Allah, ng pagkatuto at pagbabao. Pagsasanay ito sa pagpigil sa sarili at diwang maka-Allah. Bawat taon, sinasanay ang bawat Muslim tuwing Ramadhan para sa muling pagpapanibago ng kanilang pagka –Muslim. Maaring i-summarize sa mga sumusunod ang mga aral na natututuhan ng mga Muslim tuwing Ramadhan: 1. Pinatitibay ng pag-aayuno ang pundasyong intelektwal ng isang Muslim sa pamamagitan ng panibagong bigkis ng Maluwalhating Qur’an dahil sa pagbabasa, pagaaral, pag-unawa at pagbubulay sa mensahe ng Banal na Aklat. Ang Ramadhan ay buwan ng paghahayag sa Maluwalhating Qur’an bilang patnubay ng sangkatauhan. Dahil ditto, ang isang Muslim ay humahanap ng patnubay sa kanyang Lumikha sa pamamagitan ng personal na komunikasyon sa kanya na ginagawa sa puspusang pag-
aaral ng maluwalhating Qur;an. 2. Binubuhay ng pag-aayuno ang pundayong ideolohikal ng isang Muslim sa pamamagitan ng diwang makaAllah. Tuwing nag-aayuno ang isang Muslim nang walang nagbabantay, muli niyang itnatalaga ang sarili sa kanyang patotoo sa pananampalataya na si Allah lamang ang Tagapagbantay ng kanyang diwa, salita at gawa, at Siya lamang ang nag-iisang pinaglilingkuran at sinasamba ng mga Muslim. 3. Sinusuhayan ng pagaayuno ang pagiging bahagi ng isang komunidad at diwang panlipunan ng isang Muslim. Sa buwan ng Ramadhan, inaatasan ang mga Muslim na magbigay at mag-aruga sa kanyang mga kapatid, kaanak at kapitbahay. Magiging tunay lamang siyang mananampalataya kung mamahalin niya ang iba tulad ng pagmamahal niya sa sarili. 4. Pinagpapanibago ng pag-aayuno ang komitment ng isang Muslim sa kahalagahang moral ng Islam. Ang mga halagahan tulad ng sabr o tiyaga, taqwa o disiplina sa sarili at diwang maka-Allah, rahmah o awa, ukhwah o kapatiran, itqan o kahusayan, nashat at juhd o pagiging aktibong pagsisikap, ‘ilm o pag-ibig sa karunungan, ay pawing natutuhan sa pag-aayuno. 5. Nabubuo ang diwang ekonomiko ng isang Muslim sa pamamagitan ng pag-aayuno. Isinasaisantabi ang pag-ibig sa yaman sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga Muslim na ibahagi ang anumang mayroon siya para sa iba. Natutuhan niya na ang yaman ay ka-
loob lamang ni Allah. Bagama’t pinahahalagahan ang pagunlad ng buhay, ipinauunawa sa mga Muslim na ang kayamanan ay instrumento lamang upang maging kalugod-lugod kay Allah sa pamamagitang ng paglilingkod sa iba. Itinuturo ng pag-aayuno sa mga Muslim ang halaga ng pagbabadyet. Sa mga ordinaryong araw, normal sa mga Muslim ang pagkain ng tatlong beses (agahan, tanghalian at hapunan) at dalawang merienda (banding alas (9:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon) samantalang tuwing Ramadhan, dalawang beses lamang ang pagkain (sahur o pagkaing ng madaling araw at iftar o matapos lumubog ang araw, at isang merienda pagkatapos ng dasal Tarawih. 6. Itinuturo ng pag-aayuno ang aktwal na pagsasagawa ng jihad. Sa panahon ng ayuno, natutuhan ng isang Muslim na ang kanyang panalangin at sakripisyo, ang buo niyang buhay at kamatayan ay para lamang kay Allah. Walang bantay o tagatingin, dinaranas ng isang Muslim ang dapdi ng tuom at uhaw,
Gud morning Teacher At dahil sa pagiging totoo ng proyekto, isa pang biyaya at regalo ang di inaasahang dumating sa aking buhay. Napansin at nabigyan ng “Break” ang “Advocacy” na aking ipinagmamalaki. Tumawag at ipinaalam sa inyong lingcod ng Reseacher na si Vicky, at Cameramanna si Rey, mula sa top-rating Sunday Magazine Show na Rated K at pinamamahalaan pa ni Ms. Korina Sanchez “approved” na ang istorya ng “Pedicab Teacher”. Nagsimulang gumiling ang kamera pero nais kong bigyang diin na walang arte, ilusyon, at kasinungalingan ang hated ng aking ginagawa. Ito’y totoo at pawing katotohanan lamang. Naipalabas ang bahaging ukol dito. Napaluha ako sa kinalabasan ng pagtatanghal ng programa. Positibo at marami ang nasisiyahan sa aking
ipinamalas. Ang sumunod na eksena’y may ilan na pong mga indibidwal, grupo, at organisasyon na nag-alay ng tulong at suporta para sa advocacy. Nakikita ko ang natutulungan mula sa hated nilang regalo. Hanggang ngayon, isang buwan na ang nakakalipas ay patuloy pa rin ang “pledges” ang mga bumibisita at tumatawag para ditto. Biyayang tunay, bigay ng Maykapal! Marami pong salamat at muli ninyong ibinalik sa akin ang dating ako. Ang tiwala ko sa aking sarili ang “Passion” sa pagtuturo at ang tunay na paglilingkod sa lahat.” Muli, para sa mga bata at kabataang taga Salinas, “Nandito po ako na palagiang bibisita at susuyurin ang buong bayan sakay ng aking Pedicab na ang hated ay Bagong Buhay, bagong Pag-asa
at nalalampasan ang hirap ng ayuno upang matuklasan ang pagpapala ni Allah. Sa panahon ng ayuno, ang nabubuo sa puso ng isang Muslim ang lubos na kapangyarihan at awtoridad ni Allah. Dahil dito, ang isang Muslim ay nagiging Malaya at di napapasakop sa anumang awtoridad at kapangyarihan maliban sa kapangyarihan ni Allah. 7. Sa pag-aayuno, nagiging ganap ang unibersalidad ng Islam at ang kaisahan ng Ummah. Sa pagdating ng Ramadhan, ang mga Muslim sa buong daigdig ay buong galak na sinasalubong ang buwan na ito nang buo ang pananampalataya. Ang lahat ng Muslim, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o wala, may kapangyarihan man o wala ay sabay-sabay na nararanasan ang hapdi ng gutom at uhaw. Sama-sama nilang hinahanap ang kaluwalhatian ni Allah sa pamamagitan ng panalangin, pagalaala sa Kanya, pagbabahagi ng biyaya, pagbasa ng Maluwalhatin Qur’an at pagbubulay sa kahulugan at mensahe nito.
mula sa pahina 5 at bagong Simulain, para sa Magandang Bukas. Nandito ako! *** Bakit kaya ganito ang takbo ng buhayng tao? Bakit may ilang “Crab Mentality” ang nasa puso’t isip? Bakit may masaya kapag napag-alamang ang isang tao’y bumagsak at nabigo? Bakit mas nais pa ng ilan na makitang nagdurusa’t naghihirap ang tao? Bakit naiinis o di nasisiyahan kapag ang isang tao’y umasenso o dili kaya’y nagbagong buhay? Bakit ka ganyan? *** Good Morning Teacher, ang palagiang pagbati ng Umagang kayganda at bagong Pag-asa. Edukasyon…Kahit saan…Kahit kailan… Katuwang sa Karunungan at Kaunlaran.
4
SEPTEMBER 20-26, 2009
Ang epekto kapaghindi natuloy ang redistricting NGAYONG malakas ang ugong na maaaring maisama na sa tala-talaksang mga hindi naipapasang bill sa Senado ang redistricting ng lalawigan ng Cavite, may malaking epekto ito sa pulitika sa lalawigan. Marami kasi sa mga umaasam sa mga posiposisyon sakaling matuloy nga ang paghihiwalay ng mga distrito. May mga bentahe at hindi bentahe. Sa kasalukuyan kasi ay mayroon lamang tayong tatlong distrito. Na kumakatawan sa tatlong congressional fund na P70-M bawat isa. At ang halagang iyon ang siya namang ipapamahagi ng mga kongresista sa kanilang mga distrito malaki man o maliit ang kanilang nasasakupan. Malaki kung titingnan ang P70-M sa mga ordinaryong mamamayan ang halagang ito. Pero kung susumahin, mahirap pagkasyahin to sa ilang bayan na nasasakupan ng bawat isang kongesista. Ilang kalsada lamang o classrooom lang ang mapapagawa nito ay lalos na. Isa pa, argabyado tayo sa ibang lugar na mas maliit sa atin ang populasyon pero mas maraming distrito. Kaya naman mas marami ang kanilang congressional fund na nakukuha. Kung sakalukuyan kasi na tatlo lang ang ating distrito, may kabuuang P210 milyon lamang na natatanggap tayo na hahati-hatiin sa buong lalawigan. At alam n’yo ba ang halagang ito ay halos katumbas lamang ng taunang income ng Cavite City. Sa kung Cavite City nga lang ay halos hindi na maibigay ang mga pangangailangan, sa buong lalawigan pa kaya? Samantalang kung natuloy ang redistricting, magiging pitong ulit ang congressional fund na sumatotal na P490- milyon. Maaaring sumapat ang halaga o hindi man ay mas mapapalawak ang serbisyo sa bawat Caviteño.
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro sid luna samaniego 1st district coordinator chief of reporters rex del rosario
nadia dela cruz
3rd district coordinator
2nd district coordinator
wilfedo generaga circulation manager
melvin ros digital media director
efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relation consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 5270092.
Mga multo ng Cavite PARANG Nobyembre Uno na, Todos los Santos na. Para kasing multo na nagpaparamdam ang ilang mga politiko at gustong maging politiko sa mga ganitong panahon. Makikita na naglipana na ang kanilang streamer, poster, tarpaulin at kung anu-ano pang ads na nagbabandera ng kanilang pagmumukha at pangalan. Panalo rin na gagawan nila ng mensahe o islogan ang inis-yal ng kanilang pangalan (kahit na minsan ay mukhang pilit at alangan). Makikita sila at always present sa binyagan, kasalan, pyesta at kung anu-ano pang okasyon. Parang sementeryo ang kanilang bahay na maya’t maya’y may dumadalaw, papasok ang mga taong luhaan at lalabas na nakangiti (Ba’t kaya nakangiti? Sino kaya ang nakapanggulang o nagulangan? Ang dumalaw o dinalaw?) Makikita rin sila sa mga umpukan at inuman. Nagpapainom, nagpapakain kahit walang
okasyon. Kahit walang dahilan. Mapapansin sila na wag lang umambon nang kaunti, handa silang mamudmod ng balot-balot ng bigas at de lata. Umeeksena rin sila sa mga medical at dental mission. Pinakapanalo, kapag may okasyon gaya ng paliga ng barangay… magpapagawa ng t-shirt at nakabandera’t naghuhumiyaw ang kanilang pangalan. Kayat dapat samantalahin ang pagpaparamdam ng mga multong ito. Dahil kapag sila’y naluklok na… gaya ng anumang multong nabasbasan na, tuluyan na silang mananahimik. Sumalangit nawa ang kanilang kaluluwa. oOo May isa pang nag-aalamultong bumubwisit sa araw-araw na buhay nating mga Caviteño. Sa kalsada, para silang mga kaluluwang ligaw. Pagala-gala. Now you see, now you don’t. Susorpresahin ka’t biglang lilitaw. Magugulat ka, biglang mawawala. At gaya nga ng anumang multong biktima ng krimen, ang pinepeste ay ang mga taong walang kinalaman (Sundan sa P. 12)
Ramos-Chua Controversy NAPABALITANG si Dino Chua ng Cavite City ay tuluyan nang nanalo laban kay Ohmee Ramos bilang bisealkalde, makaraang ibaba ng COMELEC ang desisyong magtagumpay na nga si Dino sa kanyang protesta sa asuntong isinampa ni Dino. Bukod pa rito, kumalat din ang balitang nakipagmatigasan si Ramos na hindi siya bababa sa kanyang puwesto bilang bise-alkalde. ANG KATOTOHANAN Hindi totoong tapos na ang asunto at tunay na si Dino Chua na ang tinanghal na tunay na vice-mayor. Ang asunto sa COMELEC ay tapos na at walang ng gagawin pa. Ang ‘motion for reconsideration’ na nai-file ni Ramos ay naresolba na ng komisyon at di ang mismong asunto ang naging ‘final’ dahil may panahon at pagkakataon pa ang natalong kandidato sa COMELEC na maghain ng petition for review or for certiorary with aplication for Temporary Restraining Order o TRO sa Supreme Court na siyang nangyari, tulad ng nasabi ng awtor na ito ng lumabas ang balitang nagtagumpay si Chua sa protesta. Nasabi rin ng awtor na ito na hindi ganoon lang iyon. May motion for reconsiderartion, may second motion, at may petistion pa sa Supreme Court. Lahat ng
prediksyon ay nangyari. Kasama roon ay nabanggit na matatagalan pa bago tuluyang makaupo si Dino. At lumipas na nga ang maraming buwan, hindi pa rin lehitimong umuupo si Dino. Si Chua, aniya, ay sa barangay hall ng 62-B sa tabi ng city hall nag-oopisina. Siya, sa ngayon ay isang pribadong mamamayan. Ang barangay hall ay isang maliit na gusali kung idinaraos ang mga pulong at iba pang maaaring pag-usapan sa barangay at hindi ito maaaring gamiting pansarili. Kung siya ay nakaupo bilang bise, posible pa. Kaya hangga’t hindi binabago ng Korte Suprema ang utos na ‘effective immediately and CONTINUING until further notice x x x x x for Dhino Chua to CEASE AND DECEASE from claiming, assuming and performing the duties or functions of Vice Mayor of Cavite City. August 25, 2009.’ ‘Yan ang hatol ng Kataas-taasang Hukuman, na h’wag umupo si Dino at tuparin ang mga katungkulan ng bise-alkalde ng Lunsod ng Cavite. Si Ramos pa rin ang bise-alkalde. Kayo, bayan, anong sey n’yo?
Isa pang buwaya sa gitna ng kalsada! ANG mga “Buwaya” nga naman tsk…tskkk… silasila ang nagtuturuan, matapos na malantad ang ginagawa nilang kalokohan sa gitna ng kalsada. Marami sa kanila ang nagmamalinis. Hindi raw sila ang tinutukoy na “BUWAYA” kundi isa lamang daw silang “BAYAWAK” he, he, he, dahil barya-barya lang naman daw. Akalain mo, talagang pinag-aadya talaga ng oras ang mga kulokoy na ito. Huling-huli sa akto ang ginagawa nilang kalokohan. Habang kami ay papunta sa Manila noong isang araw, mas minabuti naming sa loob ng Bacoor kami dumaan para maka-iwas sa trapik. Alas nueve ng gabi ng mapatigil kami sa tapat mismo ng munisipyo ng Bacoor dahil sa biglaang pagpreno ng sinusundan naming trak na kargado ng prutas na “santol”. May pumara, galing sa loob ng “waiting shed” . Nang makita ko, aba, naka-uniporme pa! Oyyyyy…. Ang tatlong buwaya nandoon pala. Mga sir, bakit po kayo diyan nagtatago?
Nagdulot ng trapiko ang pangyayaring ito, dahil sa laki ng trak eh halos sakupin na niya ang buong kalye kaya hindi ko magawang lagpasan. Opo, nagdulot ng mahabang trapik. Nang usisain ko ang driver ng trak kung bakit siya kinausap ng magiting na traffic enforcer ay walang kagatul-gatol na sinabi niyang nanghingi daw sa kanya ng “PANGKAPE”. He,he, he, pangkape pala ha! Mayor Strike Revilla, ang mga tao mo nanghihingi ng pangkape. BTMO head Mr. Rodel Rosario, kailangan pala ng mga tao mo ng pangkape, aba! Magsabi ka lang marami kami niyan dito. Masarap…Puro…dahil “Kapeng Barako”! oOo Ang kawalang MODOng pagmamaneho Sa parteng ilaya, o maging sa mga karatig nating probinsya tulad ng Laguna, Batangas, at Quezon madali mong makikilala ang di taal na driver. Sila na kapag ipinara at tumigil upang ibaba ang kanyang pasahero siguradong itatabi iyan hangga’t may itatabi huwag lang maka-abala sa likod na kasunod. Pero kung hindi taal at dayo asahan mong malayung-malayo sa klase ng pagmamaneho nito. Dito sa atin, mga baby bus ang hari ng kalsada. At may karera pa! SUNDAN SA P. 10
SEPTEMBER 20-26, 2009
Pamana ng liping Caviteño sa lahing Pilipino SAAN kaya nag-ugat ang paksang pamana na tatalakayin natin ngayon? Na sangkot sa “Cavite Revolt of 1892” ang mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ang kamatayan sa garrote ng GOMBURZA ang nagbunsod kay Gat Jose Rizal na ihandog ang akda niya Noli at Fili sa tatlong pari na naging biktima ng isang “binaluktot” ng katarungan ng panahong iyon. Ang mahinahong Crisostomo Ibarra ng Noli ay binigyan ng Fili ng panibagong katauhan bilang Simoun na maigting ang hangaring paghihiganti sa kaapihang tinamo ni Ibarra. Sa banding huli ay ninais ni Simoun na magpakamatay kaysa mapasakamay ng mga dayuhan nagpapahirap sa mga katutubong katulad niya. Ang pangalawang persona sa Noli, si Elias, na kabaligtaran ni Ibarra sa paraan ng paglaban sa pang-aapi ng mga kastila, ang siyang namatay maligtas lamang si Ibarra sa tiyak na kamatayan. oOo Sa aking pagsusuri ay nabuo ang isang opinyon ( pansarili lamang ito) na ang Ibarra ay si Gat Jose Rizal sa tunay na buhay at si Elias ay si Supremo Andres Bonifacio ng Katipunan. Si Rizal ay binaril sa Luneta noong Dec. 30, 1896 at si Bonifacio ay binaril din noong May 10, 1897 sa Mount Nagpatong ng Maragondon. Ang pagyaon ni Bonifacio ay matinding hudyat na pagsasanib ng pwersa ng Magdiwang at Magdalo sa iisang adhikain na pagpapalaya sa Pilipinas sa tanikala ng pagkaalipin sa kamay ng mga mapanglupig na dayuhan. Nagsimula na ang maningning na kasaysayan ng Cavite, ang yugto ng tinaguriang “Philippine Revolution of 1896”. Sa pamumuno ng matikas na Heneral Emilio Aguinaldo, ang dating Capitan Municipal ng Cavite El Viejo (Kawit), pinamalas sa buong mundo ang pagkakaisa at kabayanihan ng mga Kabitenyo sa pagpapalaya ng Pilipinas sa kamay ng mga banyagang matagal ding umalipin dito. oOo Ipinahayag na ang “Kasarinlan ng Pilipinas” noong June 12, 1898 sa Kawit, ang pinakamatandang bayan na natatag noon pang 1587. Sa pagkakataong ito, iniwagayway ang bandila ng yari ng mapagpalang kamay ni Marcela Agoncillo at tinugtog ng Bandang Matanda ng San Francisco De Malabon ang Pambansang Awit na gawa ni Maestro Julian Felipe ng Cavite City. Ang “Kasarinlan ng PIlipinas” ang katangi-tanging bilang bunga ng “Philippine Revolution of 1896”. Ito ang pinakatampok, pinakadakila, at pinakamahalagang “Pamana ng Caviteño” sa Sambayanang Pilipino. Ang bantayog ng Kasarinlan ay ang Aguinaldo Shrine na kung saan ginanap ang “Proclamation”. Dito inilagak ang labi ng namayapang Presidente Aguinaldo ng Unang Republika sa Continenteng ASIA. Talamak sa lahat ng sulok ng lalawigan ang mumunting dambana ng Kagitingan. Ang mga makasaysayang palatandaan ay masisilayan lalung-lalo na sa mga bayan ng Imus, Cavite City, Trece Martirez, Noveleta, Silang, Indang, Naic, at Maragondon. Tunay nga na ang Cavite mismo ang Pamana sa Lahing Pilipino. oOo Mayroong higit na malalim na kahulugan ang Pamana. Karaniwan ng pananaw na ang Liping Caviteño ay binubuo ng mga kilalang angkan. Datapwa’t sa katotohanan mas maraming “unsung heroes” na buhat sa mga maliit at di kilalang angkan. Sa madaling salita, an gating tutukuyin ngayon ay ang “human aspect” ng Pamana. (Sundan sa P. 12)
5
Pag-oorganisa at komunidad GAYA ng suhestyon na mag-organisa ang mga sidewalk vendor (basahin: ika-2 labas ng RESPONDE) , dapat mahawa ang komunidad sa kaabalahang ito. Naririnig natin na ang pag-oorganisa ay para sa mga “maykaya”, edukado (gradwet sa kolehiyo), pulitiko at propesyonal na lider sa komunidad (na nagiging pulitiko rin sa bandang huli). Kaya ang hindi kabilang sa mga binanggit, di interesado sa pag-oorganisa. Pagod, kabiguan, pagkapahiya (kung di matagumpay) at kung minsan, samaan pa ng loob ang sabisabing napupurbetso. Pero bakit ba laging iniisip ang sarili? Hindi ba’t pati sa pag-oorganisa para sa relihiyon ay dumaraan din sa ganyang mga negatibong reaksyon? Bakit hindi isaisangtabi ang mga iyan at ilagay na mas mataas ang kapakanan ng komunidad? Hindi ba’t ang sinasabing pag-unlad ng komunidad ay pag-unlad din ng bawat isa sa atin kung nagmamasipag tayo? Napakaraming pangangailangan ang komunidad. Itsurang pisikal, halimbawa—impra-istruktura, kalusugan, kalinisan, kaayusan at katahimikan, kaakit-akit na paligid, masayang mga naninirahan. Sa kalidad ng mga naninirahan, halimbawa—di kailangang laging maykaya o edukado kundi kinikilalang mabuting tao. Ano ba ang mabuting tao? Unang-una, may kooperasyon sa mga gawaing pinagkaisahan ng komunidad. Ikalawa, maasahang poprotektahan ang dangal ng kanilang lugar, sa halip na pintasan o siraan kaya ito. Ikatatlo, tutulan at hadlangan ang kasamaang nakasisira sa pag-unlad ng saklaw ng kanilang tinitirhan. Ikaapat, iugnay ang kabutihang ginagawa sa mga kalapit-komunidad—matiwasay kang mabubuhay sa lugar mo kung walang panganib sa nakapaligid doon. At ikalima, tandaang ang ginagawa mong mabuti sa iyong komunidad ay hindi lamang para sa
inyong mga naninirahan doon. Isiping ginagawa mo iyon para munti mong kontribusyon sa kagalingan ng buong bansa. Ang mga maralita’y nakikita na nating nagoorganisa. Ang kaso, laging palaban, laging sumisigaw at kumikilos ng inhustisya. Sa buong panahon ng kanyang buhay, iyon at iyon ang ginagawa. Hindi na tinitingnan ang mga “blessings” sa kanyang paligid. Igigiit na ang lahat ay biktima ng inhustisya (at iba pa). Okey lang na labanan ito, pero sabi nga don’t overdo it. May mabubuting bagay sa isang komunidad na dapat paramihin, palawakin at maging paraan ng araw-araw na pamumuhay. Tama—labanan ang masama, pero huwag pabayaan ang isang bagay na pwedeng pasibulin, palakihin, pabungahin. Kapag pinaligiran natin ang ating mga sarili ng mabubuting gawain, makahahawa ito. Kaya labanan ang masasama sa ating komunidad, sa mga pagkakataon. Pero alagaan araw-araw ang mabubuti nang nasa atin, kahit katiting iyon, para umusad tayo tungo sa ating mga hangarin sa buhay. Dami tayong problema sa araw-araw na pagsustine sa buhay—sa pagkain, sa kalusugan, sa hangad na makabasa o makasulat man lamang, at iba pa. Huwag laging umasa sa gobyerno (na laging kulang at binabawan pa ang maibibigay sa tao); magtiwala na may magagawa tayo sa pag-unlad ng ating sarili. Marami nang naikwento na pagtitiyaga para umunlad. Siguro, magkwento tayo tungkol doon sa susunod na labas.
Nandito ako
(Ang kuwento sa likod ng pedicab) ISANG paglilinaw ang aking nais ilahad at iparating sa inyong lahat. Ito ay ang tungkol sa aking “ADVOCACY” na maniwala man kayo o hindi , “ginagawa ko ang pagtuturong ito dahil masaya ako sa ganito. Nagkakaroon ako ng ligayang di pwedeng bilhin at isantabi lamang. Labis kong ikinagagalak dahil nakakatulong na ako, magaan pa sa aking kalooban at busog na busog pa ako sa pag-ibig ng Diyos.” Taong 2004, ng ako’y muling bumalik sa bayan ng Rosario. Nanatili lamang akong tahimik at walang gawa sa buhay. Nararamdaman kong ayaw sa akin ng tao at ako’y wala ng silbi sa lipunan. Ngunit, pagpasok ng taong 2005, para akong nagising sa katotohanan, walang mangyayari sa akin kung hanggang ganito lamang ang aking nais sa buhay. Ako’y namulat sa nagging pahayag ni Rev. Fr. Ollie Genuino na kahit luma at paso na ay tinamaan pa rin ako ng aking konsenya. Ang sabi niya: “Habang may buhay, may pag-asa. Naniniwala ako saiyong kakayahan at sa lahat na kaya mo pang ibigay. Hangga’t nandito ako, tutulungan at gagabayan kita.” Di na ako nagdadalawang-isip agad kong sinimulan ang nararapat at matuwid. Ito ay ang magturo ng buong puso para sa kaunlaran at ito nga ay naisakatuparan. Naitayo naming ang isang pre-school “Angels Garden School” na mura ang tuition fee pero de-kalidad ang pagtuturo. Ako ay sumulong pa sa larangang ito dahil nagturo pa rin ako sa mga out-of-school youths na nagnanais mag-aral pero walang kakayahan na magbayad. Binigyan ako ng pagkakataon ni Vice Mayor Jhing-jhing Hernandez noong panahong iyon. Muli niyang ibinalik sa akin ang mga salitang “tiwala” at “Pag-asa”. Pati ang maybahay niyang si Ms. Mimie Hernandez ay todo ang suporta, anuman ang narinig
at malaman niya tungkol sa akin; di sila tumitigil sa pagtulong sa aking hangarin. Taong 2006 at 2007, nagtuluy-tuloy ang aking Gawain. Sinuyod ko ang buong bayan upang humanap ng mga bata at kabataang maaari kong turuan ng libre. Sabi ko nga, masaya ako kahit walang perang ibinabayad sa akin. Ang mahalaga’y matuto sila sa aking pagtuturo. Maaking bagay na sa akin ang pagpapahalagang ito. Taong 2008, nabiyayaan pa ako ng isang “Center for Alternative Educatuion at Tutorial Services”. Pero hangad ko pa rin ang mga street children at ang mga batang Salinas na di kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang, kaya itinuloy ko pa rin ang gawaing ito. Maraming hamon ang aking naranasan. Ngunit ang mga ito’y isinantabi ko na lamang para sa mga bata at di para sa aking sariling interes. Patuloy kong binuksan ang pinto sa karunungan at pagkatuto. Ako ay naglalakad patungo sa mga lugar na aking pagtuturuan. Kung minsan ay nakikiangkas sa mga motor upang makarating din sa mga “venue” ng pagtuturo. Pagtitiyaga at determinasyon ang aing puhunan. Di ko na iniisip ang mga sinasabi ng ilan sa akin sa halip buong puso kong ginagawa ang pagtuturo. Hanggang isang araw sa taong 2009 ng Hunyo, ang mga pangarap ko’y natupad. Binigyan ako ni Mayor Nonong Ricafrente ng “Pedicab”. Ayon na rin sa aking “request”. Kais po, ito ang lagi kong sinasakyan papunta sa lahat ng mga barangay na aking pinagtuturuan. At ito na ang naging hudyat ng pagsisimula ng bagong kapalaran at bagong pag-asa. Tinawag naming “School on Wheels”. Ang mga pilot areas sa pagpapanibago nito ay ang mga sumusunod: Muzon I at 2 (Dreamland), Tramo, Silangan I at Ligtong 2 at 3. Akin itong pinagtitiyagaan at minahal. Lubos kong pinagbuti ang pagtuturo sa mga bata upang madagdagan ang kanilang kaalaman at magamit ito sa laban sa buhay. (Balikan sa P. 3)
8
SEPTEMBER 20-26, 2009
Ang mga bayaning manggagawa
NOONG nakaraang Mayo 1, 2009 ay ating ginunita ang ika-106 na Araw ng mga Manggagawa sa buong mundo. Ang uring manggagawa ay tinaguriang mga dakilang bayani sapagkat sila ang tagapaglikha. Alam mo ba na malaki ang ginagampanang papel ng mga mangggagawa sa ating mundo? Naisip mo ba na mahalaga sila? Isipin mong mabuti na kung wala ang mga manggagawa ay may damit ka kayang susuutin, may tahanan ka kayang titirahan, may mga pagkain, gamot at inumin ka kayang makakaain at maiinom, may mga behikulo ka kayang masasakyan, may mga gamit ka kayang mapagkakaabalahan gaya ng cellphones, mp3, i-pod, psp, computer, lap top at marami pang iba? Sana ay alam na ng lahat kung gaano kahalaga ang mga manggagawa sa pang araw-araw nating pamumuhay. Subalit lalong hindi marahil natin alam na ang mga manggagawa ay may mga mapapait na kinakaharap na problema at suliranin. Ang karapatan nila sa tamang pasahod ay hindi pa rin nila nakakamtan hanggang sa ngayon kung kaya patuloy silang nakikipaglaban para sa dagdag na P125 sahod across the board nationwide para sa mga manggagawa sa pribado at dagdag na P3000 naman para sa mga manggagawa sa gobyerno o pampubliko. Ilan pa sa mga problemang kinakaharap ng mga manggagawa ay ang patakaran ng gobyerno na casualization o contractualization na binibigyan lamang ng karapatang makapagtrabaho ang tao na gustong maging mangggagawa sa pabrika o enklabo ng 6 na
Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipaguganayan kay Dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 / 0916-1215880
Greetings! HAPPY BIRTHDAY TO MRS DALISAY SUBALDO matupad nawang lahat ang wish nyo greetings coming from aling Luvy and Responde Cavite
Happy 19th Birthday to ARLYN T. BACOLOR. Greetings from Mommy, Daddy, MB Girls and staff of Responde Cavite.
buwan at pagkatapos ng 6 na buwan ay finished contract na. Tinanggalan na ng karapatan ang sinumang manggagawa na ma regular sa kanyang trabaho at ito ay walang kaseguruhan sa kanyang trabaho para mabuhay, napakahirap na sitwasyon. Idagdaga pa sa problema ng mga manggagawa ang pagbabawal sa kanilasa pagtatayo at pag-oorganisa ng mga unyon kahit na ito ay ginagarantiyahan naman at nasusulat sa Saligang Batas ng Pilipinas ang karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon. Buhay na halimbawa nito ay ang pangyayari dito sa ating lalawigan ng Cavite na sinasabing pugad pa naman ng mga bayani at rebolusyunaryong tao, may polisiya kasi ang self proclaimed revolutionary man na si Gov. ayong Maliksi na “No Union No Strike (NUNS) Policy” kung saan pinagbabawal sa Cavite sa ilalim ng kanyang administrasyon na magtayo at mag-organisa ng mga unyon upang makahimok daw ng mas maraming dayuhang kapitalista.
Silang mga mararamot sa kapwa HINDI ko naiwasang matawa ng malakas noong isang gabing nanunuod ako ng balita. Tatlo kasing kalalakihan ang dinakip kasunod sa sum-bong at report na isang dyip ang hinoldap ng dalawang kalalakihang armado ng mga patalim. Nung una pa lang ay nagtataka na ako kung bakit tatlo ang hinuli sa likod ng dalawa lang naman ang sinasabi ng mga biktimang nangholdap. Kaya naisip kong baka look-out ang isa. Pero nagkamali ako. Ininterbyu ang isa ng reporter at ayon sa kanya di naman daw sya kasama sa dalawang nangholdap, nag-iinom daw sya sa kanila ng dumating ang dalawa at nakipag-inuman at hindi daw nagtagal ay may nagdatingan na lang daw na mga pulis at kasama siyang dinakip, kakamot-kamot na paliwanag ng isa na kapwa nakaposas kasama ng dalawang totoong holdaper na gitil na pinahahampas ng isa nilang biktimang babae. Noong mabuo ang katipunan sa pamumuno ni Supremo Andres Bonifacio, masasabing ang samahang ito ay walang kasaping masasabing may kaya sa buhay o mayaman, maliban sa iilang kagaya Emilio Aguinaldo na isang Kabitenyo, ni Emilio Jacinto na kaibigang matalik ng Supremo, at Dr. Pio Valenzuela na makalipas ng isang buwan ay sumuko na rin sa may mga kapangyarihan. Kaya noong una’y sina-
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
Capricorn Hindi ka lulubayan ng taong kinaiinisan mo. Huwag na lang itong pansinin para di masira ang araw mo. Lucky days: Tuesday/Friday Aquarius Wag maghangad ng sobra para di madismaya. Makuntento muna sa mumunting bagay hangga’t di pa nangyayari ang ninanais. Lucky days: Monday/ Wednesday Pisces Ibigay mo ang iyong pagtitiwala
Mga dayuhang kapitalista na nagtatayo ng mga negosyo, produkto at kompanya sa ating bansa na silang pumapatay sa mga negosyo, produkto at kompanya ng ating mga kapwa-Pilipino. Nalaman ko rin na isa palang ginagawa ng ating gobyerno na pang-akit sa mga dayuhang kapitalistang ito ay ang free taxes o hindi pagbabayad ng buwis sa ating bansa sa sinumang dayuhang kompanya na nagnanais na magnegosyo sa ating bansa. Hindi patas ang patakarang ito dahil kapag kapwa Pilipinong kompanya, produkto at negosyo ay nagbabayad ng mga karampatang buwis pero kapag dayuhang kompanya, produkto at negosyo ay hindi pagbabayarin ng gobyerno ng buwis at ang pagdidiskitahang pagbayarin ng kakulangang ito ay ang mga kinawawang manggagawa na maliit na nga at hindi sapat ang sahod ay sila pang huhuthutan ng sari-saring buwis ng gobyerno. Lintik talaga eh, pwe!!!
sa taong karapat-dapat upang wala kang pagsisihan. Lucky days: Thursday/Friday Aries Walang kasalanan ang kahit sino kundi ikaw ang may pagkukulang sa paglayo ng iyong mahal sa buhay. Lucky days: Monday/Sunday Taurus May makakausap kang kaibigan na magbibigay sa iyo ng payo. Sundin mo ang payo nila at makakatulong ng malaki sa iyong prob-
lema. Lucky days: Wednesday/Friday Gemini Makakadama ka na darating na sa buhay mo ang matagal mo ang inaasahang pagbabago ng takbo ng iyong mundo. Ito ay totoo kaya magpasalamat ka at magpuri sa taas. Lucky days: Saturday/Sunday Cancer Alam na alam ng iyong karelasyon na muli at muli mo siyang mapapatawad kaya nasasayang lang ang iyong mga salita. Ngayon ipakita mong matigas ang loob mo upang siya’y matauhan. Lucky days: Thursday/ Sunday
sabing ang katipunan ay isang grupo na binubuo ng mga mahihirap, mangmang, at ng walang gaanong pinag-aralan. Kung kaya naman sa pinakitang kawalan ng loob ng mayayaman o may-kaya sa di pagbibigay ng tulong sa mga nanghihinging naghihimagsik, gumawa ng paraan sina Bonifacio at Jacinto upang maturuan ang ilang mayayaman ng magagandang aral. Ang magkaibigang si Andres B. at Emilio J. ay gumawa ng isang talaan kung saan nakasulat ang pangalan ng mga mayamang Pilipino, at ginaya nila ang pirma ng mga ito. Ang listahan ay inilagay nila sa lugar kung saan madaling makikita o matutuklasan ng mga maykapangyarihan, kung saan doo’y nakasulat na diumanoy ang mayayamang ito ay nakikiisa sa katipunan at nagsipag-ambag. Sa ganung paraan nakaganti si Bonifacio at Jacinto sa mga mayayamang magagaling magsuhol sa mga prayle at pinuno, pero di makapagbigay ng maski-piso sa katipunan. Ang dalawa sa mga naging biktimang mayayaman nina Bonifacio at Jacinto ay sina Francisco L. Roxas at Luis R. Yangco. Kung saan si Francisco L. Roxas na pamangkin ni Don Pedro Roxas na may ari ng pagawaan ng serbesa San Miguel noong araw ay hinuli at binaril sa Bagumbayan ng nakatalikod, sa kabila ng pagiging isa sa mga matataas na tagapayo ng noo’y Gobernador-Heneral Ramon Blanco. Leo Kabilang ka sa mga susuwertihin kaya ano pang hinihintay mo? Sugod na. Lakasan mo ang loob mo. Huwag magalinlangan. Itinakdang tumanggap ka ng magandang kapalaran. Lucky days: Thursday/Friday Virgo Ito ang araw na kung kalian ay lulunurin ka ng mga malalaking pangarap. Wag kang papayag at magpakatotoo ka. Kung ano lang ang kaya mo ay yun ang iyong unahin. Lucky days: Wednesday/ Friday Libra Huwag kang masisiraan ng loob. Uma-sa
kang susuwertihin ka dahil itinakdang bumaba sa iyo ang ulap na may dalang magandang kapalaran. Lucky days: Wednesday/friday Scorpio Isang bagong pag-ibig ang nakatak-dang dumating sa iyo. Sa ngayon inihahanda na ng langit ang aktuwal na pagkikita ninyo. Lucky days: Friday/Sunday Sagittarius Isang malaking gulo ang dumating sa buhay mo na di mo makakali-mutan dahil mabibisto ka sa paglalaro ng apoy. Lucky days: Wednesday/Thursday
SEPTEMBER 20-26, 2009
Nardong Putik MAY halong saya at pait ang pagkakaibigan nina Nardo at Mang Lureng. Ilang ulit sinubok ng tadhana ang kanilang magandang samahan. Isa sa mga mapapait na karanasan sa kanilang pakikipagkaibigan ay noong mapagbintangan si Mang Lureng bilang utak sa pagpaslang sa kaniyang kapit-bahay na si Gregorio Sangalang, na isang nakaririwasang mangangalakal. Napag-alamang isang tanghaling tapat nang barilin ni Nardo si Sangalang sa tapat mismo ng kanyang bahay sa kalye Juan Luna sa Hen. Trias, ilang metro lamang ang layo mula sa bahay ni Mang Lureng. Hindi lingid sa kaniyang mga kapitbahay na siya ay malapit na kaibigan ni Nardo kung kaya siya ay pinagbintangang may kinalaman sa pangyayaring pagpatay. Hinuli at kinasuhan siya ng kapwa miyembro ng Philippine Constabulary. Binalikan ni Mang Lureng ang alaala ng kanyang paghihirap sa kamay ng mga kapwa konstabularyo. Malinaw na malinaw pa rind aw sa kanyang alaala ang pagpapahirap sa kanya sa loob ng bilangguan ngunit kahit gaano pa man ang pagpapahirap sa kanya ay hindi niya idinamay ang kaibigang si Nardo kahit pa alam niyang ang kaibigan nga ang tunay na pumatay kay Sangalang. Mas minabuti niyang pahalagahan ang pakikipagkaibigan kay Nardo sa dahilang parang magkakapatid na ang kanilang samahan (utol nga ang tawagan nila sa isa’t isa). Nang lumaon ay napawalang sala siya sa pangyayaring pagpatay na iyon. Nagpatuloy ang ugnayan ng magkaibigan. Si Mang Lureng ang tagahingi sa mga kaibigang doctor ng mga gamut na ipinamamahagi ni Nardo sa mga mahihirap na maysakit. Ayon sa kanya, tunay na si Nardo ay may mabuting puso, lamang ay nagpapaalala sa kanya ang matinding galit sa mga magnanakaw na pumapatay din ng mga inosenteng mamamayan. Alam ni Mang Lureng ang puno’t dulo ng pagiging taong-labas ni Nardo. Talos niya ang ugali ng kaibigan dahil tunay na naging malapit ito sa kanya. Alam niya ang personal na dahilan nito kung bakit naging kalaban ito ng batas, kung bakit inilagay ng kaibigan sa sariling kamay ang hustisya sa hindi makatarungang pagkawala ng pinakamamahal na ama. Pinatay ang ama ni Nardo matapos na pag-
Alejandro G. Abadilla Modernista ng Panulaang Tagalog, anak ng Rosario
SA mga hindi nakakakilala sa kanya, isa lamang siyang ordinaryong lalaki. May taas na limang piye, payat, mas habaan kaysa bilugan ang kanyang mukha, maliit ang mga matang hindi naman singkit, bahagyang manipis ang mga kilay, mababa lamang ang tangos ng ilong, at katamtaman ang kapal ng labi,. Mabilis may sagsag ang kanyang lakad, at daglian kung magsalita na laging may kumpas. Sa karamihan ng mga tao sa Plaza Sta. Cruz noon na dikalayuan sa Escolta, madali siyang makaligtaan ng paningin. Siya siAlejandro Garcia Abadilla. Hindi siya pangkaraniwang lalaki lamang. Isa siyang manunulat at isang makata sa Tagalog. De kalibre. Kilala siyang rebelde sa kanyang mga akda. Siya ang unang modernistang pinintasan, ngunit minahal at iginalang
Ikat-3 bahagi
nakawan ng alagang kalabaw kung kay gumanti ito at pinagpapatay din ang mga kinilalang salarin. Galit si Nardo sa mga taong magnanakaw ng kalabaw dahil nagpapaalala ito sa kanya sa malungkot na sinapit ng ama. Naniniwala siyang ang natatanging kaparusahan sa mga ito ay kamatayan din. Inilarawan din ni Mang Lureng si Nardo na sa kabila raw ng pagiging matapang at matigas ang loob., ang kanyang kaibigan ay mahinahon sa pakikipag-usap sa kapwa. Matikas din daw tumindig at manumit si Nardo. Sa mga pagkakataong may kasiyahan sa tahanan
My bestfriend Dear Ate Bebang, Pupunta na sa Canada ang aking best friend. Doon na siya maninirahan. Paano po ako makakapag-adjust kapag wala na siya? Claire ng Habay I, Bacoor, Cavite
Mahal kong Claire, Alam mo, naranasan ko din noon ang nararanasan mo ngayon. Tatlong taon na nga sa Australia ang best friend kong si Eris at ang kanyang pamilya. Kahit malayo siya, siya pa rin ang pinakamatalik kong kaibigan. Pero alam mo, advanced ang iyong isip. Tutal nandito pa naman siya sa Pinas, samantalahin mo na muna ang pagkakataon. I-check mo ang iskedyul niya at gawin mo ang lahat ng makakaya mo para makasama siya sa oras na libre kayong dalawa. Manood kayo ng pelikula, samahan mo siyang
sa Panulaang Tagalog. Sa maraming kaibigan, siya si AGA. ANG SIMULA Hindi alam ni Aga ang tiyak na petsa at buwan ng kanyang kaarawan, ngunit sinasabi ng ama niyang si Agustin Abadilla na isinilang siya noong 1905 sa Rosario (Salinas), Cavite. Sa opisyal na ensayklopidya ng Cultural Center of the Philippines, ang nakatala sa ensayklopidya na sa Sapa Barrio School siya nagelementarya at sa isang pampublikong haiskul siya nagtapos. Sa panahong iyon, ang kilalang tanging mataas na paaralan sa lalawigan ay ang Cavite High School sa Caridad, Cavite Puerto. Panganay si Aga at kapatid niya sa unang asawa ng kanyang ama sina Martin at Victoria. Sa pangalawang asawa ng kanyang ama isinilang sina Edmundo, Virginia, Nicanor, Rosario, at Agustin. Mababang lugar ang nayon ni Mang Andoy, ang tawag sa kanya ng mga kabataang manunulat. May sapa roon na puno ng mga punong bakawan na may mga baluktot na ugat at madaling lumubog kapag tumataas ang tubig sa kaharap n a dagat. Mababa rin ang mga karatig-baryo nito, ang Aplaya at ang Wawa, ngunit sagana sa isda dahil ang bayang iyon ay sentrong barahan ng mga bangkang pangisda. Kung gabi’y matatanaw sa pagkakahilera ang larawan na parang mailaw na pader sa laot ng Look ng Maynila. Marahil, ang topograpiya ng bayang iyon ang nakapagtutulak sa kabataan upang lumayo at maglagalag. Parang itinulak sa tabing-dagat ang Salinas, ang orihinal na tawag sa bayang ito. Sa
9
nina Mang Lureng, sinisiguro niyang hindi mag-aabot ang mga kapwa niya alagad ng batas at ang grupo ng kaniyang kaibigang si nardo. Batid niyang isang malaking gulo kung mag-aabot ang dalawang grupo na parehong may armas at hindi posibleng dumanak ang dugo kung mangyayari ito. Iniiwasan naman noon ni Nardo ang makaengkwentro ang mga kasamahang alagad ng batas ni Mang Lureng dahil nirerespeto siya nito bilang kaibigan. Ngunit dahil sa pera o reward na nakapatong sa ulo ni Nardo, hindi masiguro ni Mang Lureng ang sasapitin ng kaibigan sa kamay ng kaniyang mga kasamahang pulis. Sa huling yugto ng panayam ay tinanong si Mang Lureng ng may-akda kung pinanood niya ang pelikula ni Nardong Putik. Hindi raw niya pinanood ito. Naniniwala siya na ang pelikulang ipinalabas tungkol kay Nardo ay maraming dagdag at useless daw na panoorin dahil kilala naman daw niya si Nardo sa totoong buhay. Nabanggit din ni Mang Lureng na noong namatay ang kaibigan ay hindi man lamang niya ito nasilip. Sa pagsasaliksik ay napag-alamang iilan na lamang ang mga kaibigan ni Nardo na tulad ni Mang Lureng na nabubuhay pa. Si Mang Lureng na sa unang bahagi ay bantulot na magsalita tungkol sa kanyang kaibigan na pinapaksa sa saliksik. Maaaring dahil sa maraming mabi-bigat na pangyayari sa kasaysayan ng pulitikang kinasangkutan ni Nardo sa lalawigan ng Kabite kung kaya nag-iingat si Mang Lureng na mapag-usapan ang kanyang matalik na pakikipagkaibigan kay Nardo. mamili ng mga kailangan niya sa Canada , puntahan mo siya sa bahay at pagplanuhan ninyo kung paano kayo makikipagusap sa isa’t isa kapag nasa malayo na siya. Pag alis niya, tiyak na malulungkot ka. Pero normal iyon. Ang hindi normal ay kapag paulit-ulit mong ipakikita sa best friend mo na malungkot ka dahil malayo siya. Malulungkot din siya kapag ganon at magi-guilty. Ang pinakamagandang paraan ay makipagkaibigan uli sa iba. Hindi ko sinasabing palitan mo na ang best friend mo. Pero makakatulong sa iyo na maging mas
masaya at masigla kapag napapaligiran ka ng mga kaibigan, bago man o luma. Sigurado akong matutuwa rin ang best friend mo kapag nalaman niyang masaya ka kahit malayo kayo sa isa’t isa. Mag-isip ka ng activities at isagawa ang mga ito: blogging, paggawa ng sudoku, scuba diving, museum-hopping, storytelling at iba pa. Bukod sa magiging busy ka ay madaragdagan pa ang iyong husay. Higit sa lahat, may bago ka pang maibabahagi sa iyong best friend. Alam mo, maraming pagkakataon na nami(Sundan sa P. 11)
Silangan nito, may maliit na lagay ng lupang tinatamnan ng tubong matataba – pinapangos, hindi tubong patpating ikinakarga sa mga kariton upang dalhin sa tarapitsihan na lumiligis ditto para maging matamis (asukal) – panutsa, pilipit, bagkat, at iba pang panghimagas sa tanghalian at hapunan. Sa kabila ng tubuan, malayo na sa kabayanan, tanaw ang malawak na kabukirang umaabot sa hangganan ng Noveleta at Imus, ang una’y pinakamaliit na bayan sa Cavite at ang huli’y isa sa mga pinakamalaki. Sa Hilaga ng Salinas ang dagat na kung tanawin ay abot sa bundok ng Bataan at Corregidor. Sa dalampasigan, pasilangan na humahangga sa Ligtong na kilalang gawaan ng tinapang lawlaw at bangus, ay mga ilang minuto lamang ang layo sa Noveleta. Sa kanluran naman nito, sa Wawa, may di-kaluwangang-ilog na patawid sa bayan ng Tanza. Doon nakahilera ang mga nakabarang mahahaba’t matatabang bangka na kung umaga’y dinadagsa ng mga namamakyaw na naghahatid ng tiklis-tiklis na mga isda hanggang sa malayong bayan ng Cavite, tulad ng Indang, Silang, Alfonso, Maragondon, at Magallanes, mga bayang malapit na sa may hilaga ng Batangas. Sa talpukan ng tubig, hindi lamang amoy ng mga bilasang isdang itinatapon sa paligid o lansa ng maliliit na lawlaw na binabakal (hinihingi) ng mga bata ang nakalutang sa hangin kundi pati na aroma ng mga “kalabisan” ng mga taong ugali ng tumalungko (Sundan sa P. 10)
10
SEPTEMBER 20-26, 2009
ni eros atalia
Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006) (Ika-3 labas)
W
alwal! Kisay tayo, Mang Amor
Ay! Digrasyaw bo. Nagpasya silang tignan ang natitirang tatlong bila ni Mang Amor sa laot. Madalas napapatawad ng alig ang laot. Di na nito kayang malason ang malayo sa pampang. Malakas na ang alon doon at nadadala ng ragasa ng tubig ang peste. May kalayuan nga lang ang pwesto ni Mang Amor. Mangangalay sila sa kakasagwan at baka hindi nila mailigtas ang pwede pang mailigtas. Binilinan ng matanda si Intoy na maghintay na lang sa lunday at babalikan sya ng amo gamit ang bangkang de motor at saka hihilahin ang lunday
sa laot. Nakisabay na lang pauwi ang matanda sa isang kinawayang kapwa mangingisda para maidaan sa kanyang pantalan. Mailigtas pa ang tahong kung maiaahon agad ito. Ang palatandaan, kapag sa pagsisid ay nakabuka ang mga ito ngunit kapag ginalaw ay kusang magsasara. Maibebenta pa kahit sambot-puhunan man lang. Sinamantala iyun ni Intoy. Pandalas syang gumaod papunta sa kanyang pwesto. Mga dalawandaang metro ang layo noon sa pwesto ng kanyang amo. Wala syang palatandaan sa kanyang baklad di tulad ng iba na may mga bandila o boyang
Bagwis.. mula p. 9 roon sa madaling-araw at tabunan ng buhangin ang mga labi ng kabusugan nila sa nakalipas na magdamag. Tanging pasilangan, lampas sa may tinapahan sa may Ligtong, ang pihit ng paa ng mga taga-Salinas na kapag tumatawid-bayan sa Noveleta ay humahantong sa lungsod ng Cavite na katanawan ang marikit na Maynila sa silangan. Hindi pakanluran ang takbuhan ng mga tao – malapit nga ang hangganan ng Tanza, ngunit ang susunod na bayan ng Naic ay napakalayo na noon, pababa sa bukana ng Look at patimogpataas na bundok ng Ternate na waring sasakyang malapit ng mabulid sa batuhang baybayin ng China Sea (tinatawag ngayong Philippine Sea)., Kung patrimog naman, lalong mahahabang mga landas sa bukid at parang ang tatalaktakin patungo sa San Francisco de Malabon o Malabon Trias (Hen. Trias ngayon), paakyat sa lalong malayong Indang at Tagaytay na padahilig wari sa lawa at bulkan ng Taal.
Sisid... mula p. 5 Kaskasero…Biyaheng impyerno…Lasing na, nagmamaneho pa! Isang araw sumakay ako sa isang baby bus, katabi ko ang batang-batang driver. Maiinis ka ng husto kung nasa likod ka nito. Mayayamot ka sa klase ng pagmamaneho na di alam kung kanino natuto ng ganitong klaseng pagmamaneho ang mga damuhong ito. Bata pa man, sanay na sanay na sa ganitong maling klaseng pagmamaneho. Kaya di ako magtataka, kung bakit kay agang namuti ang buhok sa inyo ni SPO2 Estoy Jr., mga pasaway… Para maiayos ang ganitong problema sa Cavite City, ipatupad sa lahat ng samahan ang pagkakansela ng lisenya sa lahat ng mga abusadong driver. Hinahamon ko ang lahat ng namumuno ng mga bus driver, huwag kunsintihin ang mga abusado nilang miyembro. Huwag ninyong ilagay sa peligro ang buhay ng mga pasahero ninyo. Masarap ang magmaneho na walang pagaalinlangan.
malalaki. Basta’t kinabisa nya na lang kung san iyon . Di halatang may tahungan sa kanyang piniling pwesto, kasi nga, di nakausli ang mga kawayan. Malilit na kawayan lang ang kanyang ginamit. Di pansinin kumbaga. Sobra lang ang mga iyon sa kanyang mga pinagtrabahuhan. Sinabi nya na lang na gagawa sya ng balsa-balsang kawayan. Isang bila lang iyun. Iilang tumpok ng semilya ang kanyang nilagay doon buhat na rin sa isang nagpatanim. Sobra ang semilya, kapos sa kawayan. Wala nang pabitin at palutang. Magastos sa straw, styrofoam at plehe ang mga iyon. Puro tali na lang sa bila ang ginawa nya. Sya lang ang gumawa ng lahat ng iyon. Natutunan nya yun simula noong sya’y nwebe anyos pa lang. Sa pamamagitan ng pagsama-sama sa mga nagtatali, naglilinis, nagbabaon, nag-aahon at kung anu-ano pang trabahong may kinalaman sa pagtatahong. Masasabing isa na sya sa batikan sa larangan ng pagtatahungan. Wala nga lang sapat na kapital para makapagtanim nang malakihan. Sa gulang na lima natuto na syang lumangoy nang itulak sya ni Bertong Baka palabas ng pantalan. Tawanan ang mga kalaro nya. Sina Yeyeng Tikol,
Boyet Bagol at Doray Langaw. Narinig nya ang tawanan ng lahat kahit pa na sisinghap-singhap sya. Yaaah! Si Intoy Kuting, di makalangoy. Kantyaw ni Bertong Baka. Kuting! Kuting! Kuting! ang sigaw nina Boyet Bagol at Yeyeng Tikol. Kuting pa noon ang bansag kay Intoy. Tatay nya kasi si Landong Pusa. Mahilig manghuli ng pusa para gawing pulutan. Namatay ito nang tumalon mula sa pantalan dahil sa sobrang
INILIBING na noong Ika-12 ng Setyembre, 2009 sa Indang, Cavite ang state witness sa Dacer-Corbito murder case na si Jimmy Lopez. Magugunitang tinatad ng bala ang kanyang katawan noong madaling araw ng Setyembre 2, 2009 sa kanyang bahay sa Bgy Inocencio, Trece Martires City. Ipinanganak noong Agosto 14, 1959, si Jimmy Lopez ay dating barangay captain ng Bgy. Buna Lejos sa Indang, Cavite. Taong 2000 nang maging ahente siya ng PAOCTF. Ayon sa kanyang asawa na mas kilala sa tawag na Ate Inday at isang guro sa pampub-likong paaralan. Ayon sa kay Ate Inday, mahusay makisama si Jimmy sa kanyang mga kanayon. Madali itong lapitan ng sinumang nangangai-langan at kung minsan ay nag-aambag pa ng sariling pera kapag kinukulang ng pambayad sa koryente ang barangay na nasasakupan. “Napakatapang ng asawa ko. Talagang magkakamatayan kung lala-banan siya nang harapan. Kilala ni Jimmy ang pumatay sa kanya. Walang palatandaang nasira ang seradura ng bahay namin sa Trece. Kung narito siya sa aming bahay sa Buna, baka hindi siya napatay!., ang sabi ni Ate Inday. Nang tanungin kung sino ang inaakala niyang suspek sa pagpatay sa kanyang asawa, binanggit niya ang isang kilalang pulitiko sa Cavite na posibleng nag-utos na patahimikin ang asawa niya. “Marami pang alam si Jimmy kaya siya ginanyan!” ang dagdag pa ni Ate Inday.
kalasingan. Tuhog ang leeg at tagos sa balakang ang tulos na kawayan ang eksenang tumambad isang umaga sa pantalan. Pagkalibing ng tatay nya ay nawala ang ina. Balita’y sumama na sa isang drayber ng bus at iniuwi ng probinsya. Tumigil sa pagtawa si Doray nang mapansing hindi na yata makakawag ang kalaro. Baka nalulunod na si Intoy. Uy, ang langaw, nagaalala sa kuting. Alaska
ni Yeyeng Tikol. Pag namatay ang kuting, lalangawin naman. Hirit ni Boyet. Sinagip din sya ng mga kalaro. Bagamat umiiyak si Intoy at nagtatawanan ang kalaro, nakuha pa rin nilang magbiruan. ’Tang ‘na ka, Kuting ka kasi kaya takot ka sa tubig, si Boyet uli. Sa dami ng nainom mong dagat, mamaya, pati utot mo at dighay, amoy dagat. Alaska ni Yeyeng Tikol.
“Kahit nasangkot siya sa ganyang gulo ay hindi naman niya kami pinababayaan. Minsan nga ay ipinagtanggol pa niya si Raymond (isa sa anak ni Jimmy) nang tutukan ito ng baril ng isang pulis sa bayan. Mabuting ama at asawa si Jimmy.” Magugunitang si Jimmy Lopez, ang kanyang kapatid na si William at isa pang nagngangalang Alex Diloy ay tumayong state witness sa pagpatay sa publicist na si Bubby Dacer at sa drayber nitong si Emmanuel Corbito. Kap-wa pinatay sina Dacer at Corbito ng mga pinaghi-hinalaang ahente ng PAOCTF noong Nobyem-bre 2000. Nakatakda sanang muling dumalo sa hearing ng kaso si Jimmy Lopez noong Setyembre 3, 2009 kung hindi siya pinatay. Tungkol sa usapin sa droga ay walang nasabi ang kanyang asawa. “Kung gumagawa man siya nang ganun ay hindi na niya ipinapaalam pa sa amin.” Alas tres ng hapon, araw ng Sabado nang ilibing si Jimmy Lopez at kung ang dami ng nakilibing ang sukatan ng kabuluhan ng buhay ay masasabing naging makabuluhan ang buhay ni Jimmy para sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan at kababaryo. Samantala, ang kanyang kamatayan ay isa na namang dagdag sa humahabang listahan ng mga karahasan sa bansa na naghahahanap ng katarungan.
Si Jimmy Lopez sa mata ng kanyang pamilya
SEPTEMBER 20-26, 2009
Dagling Gunita sa Nasyonalismo Ni Goldy Baroa NOONG nakaraang 16 at 17 ng Septyembre, isa ako sa dalawang mag-aaral ng aming paaralan na pinalad na makadalo sa 16th National Public Relations Congress na ginanap sa Manila Hotel. Ang nasabing kongreso ay dinaluhan ng mga delegado ng iba’t-ibang paaralan sa Pilipinas at ng mga CEO ng ilang malalaking kumpanya sa bansa. Naglalayon itong ipamulat sa mga PR Practitioners at sa mga nais pumasok sa propesyong ito ang kahalagahan ng Public Relations o PR sa panahong ito at sa papaanong paraan ito makakatulong sa pagsulong ng pagbabago. Ang propesyong Public Relations ay marahil isa sa mga larangan na hindi malinaw sa kaisipan ng nakararami at kadalasan itong naihahalintulad sa Advertising at Human Relations. Ngunit ano nga ba ang Public Relations? Ang Public Relations ay ang pagbuo ng imahe ng isang produkto o ng isang kumpanya. Hindi ito tulad ng Advertising na ang layunin ay ipakita o iendorso ang isang produkto sa pamamagitan ng telebisyon, radio at print, upang tangkilikin ng mga mamimili. Ang PR ay ang paghubog sa layunin ng isang produkto at ng isang kumpanya hindi lang bilang isang aspeto sa pangangailangan ng mga mamimili, gayundin, ang importansiya ng isinusulong nitong adhikain para sa nakararami. Ang ilang halimbawa ng mga aktibidad na pang-PR sa panahong ito ay ang mga campaigns gaya nang, Ako Mismo, Boto mo, I-Patrol mo ng ABSCBN, Tatakbo ka ba? ng GMA7, SM Cares Program at iba pa. Sa loob ng isang kumpanya, ang isang PR Practitioner ay hindi lamang pinag-aaralan ang mainam na pakikitungo sa mga empleyado ng kumpanya ng gaya sa Human Relations, gayundin, isinasaalang-alang ng PR ang pagtatatag ng mainam na relasyon ng kumpanya sa medya, sa gobyerno, sa iba pang kumpanya at sa iba pang nasasakupan ng mga operasyon nito. Sa panahon na ang reputasyon ng kumpanya ay mapasaalanganin, ang responsibilidad ng isang PR ay alamin ang epektibong pamamaraan upang ayusin ang suliranin nang sa gayon ay masigurong mapapanatili ang maa-yos na imahe ng kumpanya sa harap ng publiko. Sa National Congress na aking dinaluhan, tinalakay
rito na ang mga Pilipino ay hindi lamang dapat makuntento sa imaheng ipinapakita natin sa ibang mga tao. Dapat nating alalahanin na kaakibat ng ilang magagandang bagay na ipinapakita natin sa ibang nasyon, ay ang mga negatibong balitang na naririnig nila mula sa atin. At dahil sa mga ito, nadudungisan ang reputasyon na-ting mga Pilipino. Mahalaga ang reputasyon ng isang bansa o ng isang tao. Ang magandang reputasyon ay naghihikayat ng maraming magagandang uportunidad at posibilidad sa pag-unlad. Sa isang magandang reputasyon makakapagtatag tayo ng matibay na saligan ng mainam na pakikipagkapwa-tao at pundasyon sa ating paglago. Bilang mga Pilipino, mainam sanang maging sensitibo tayo sa interpretasyong naidudulot natin sa ibang mga lahi. At patuloy na magsumikap upang tayo man ay tingalain at kilalanin sa ating mga kapasidad at abilidad. Ani nga ng isang speaker sa kongresong iyon, WE ARE FILIPINOS, WE DESERVE THE BEST.
Ate Bebang mula P. 9
miss ko ang best friend kong si Eris. Ang ginagawa ko ay ine-email ko siya, kinukuwentuhan ko siya tungkol sa trabaho ko, sa mga sinusulat kong akda, sa mga bago kong kaibigan sa eskuwelahan, sa bagong TV commercial ni Kris Aquino at ang nabalitaan kong janitress na nakapulot ng
pera at nagsoli nito sa may-ari. Kapag walang computer o internet, kinakausap ko si Eris sa isip ko. Kaya kapag nag-e-email ako, madaling madali ko nang mai-chika sa kanya ang lahat. At para na rin siyang nasa tabi. Sana ay nakatulong ako, Claire. Hangad ko ang iyong kaligayahan. Ako pa rin, Ate Bebang
Kung may tanong o suliranin ukol sa pagibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverly-siy@gmail.com.
Lintik lang ang walang ganti
MARAMING mga empleyado ngayon ang napagbubuntunan ng galit ng kanilang mga amo. Paano, ganitong matamlay ang ekonomiya, matamlay din syempre ang performance ng mga kumpanya. At natural, sisisihin ng mga amo ang kanilang mga empleyado kung bakit bumabagsak ang sales, humihina ang output at di lumaki ang tubo. Hahanapan ng butas ng mga bos-sing ang rutinaryong gawain ng kanilang mga mangagagawa. Pagdidiskitahan ang chat, texting, friendster, facebook pati coffee break at lunch break. Bakit kanyo, nauubos daw ang oras sa mga ito. Kaya,
hindi nasusulit ng kumpanya ang ibinabayad sa mga manggagawa dahil sa kung anu-anong inaatupag ng mga ito. Naku, asahang sisilipin ang mga late, nagha-half day at nag-a-undertime. Magpaparinig na kung pwedeng mag-overtime kahit walang bayad para lang mailigtas sa pagkalugi ang kumpanya. Magpaparinig na kung pwede, kahit naka-maternity leave ay magtrabaho pa rin. O kung pwede wag na munang magpabuntis. O, baka pwede namang iksian ang coffee break at lunch break. Sa sobrang pagmamahal ng mga bossing amo sa kanilang kumpanya na nakakaligtaan na mas mahalaga ang tao at buhay kesa sa kapital, alam na natin na laging magkakatensyon sa loob ng mga opisina. At nagiging Satanas-saLupa ang mga bossing amo. Sarap sa-nang gilitan ng leeg ang mga ito
gamit ang kalawanging tansan. Sarap sanang gripuhan ang lalamunan nito gamit ang baradong ballpen. Kaya lang, mahirap naman humimas ng rehas sa matagaltagal na panahon. Sarap din sana murahin ang mga ito Kaso, siguradong sibak ka sa trabaho. Hirap pa naman makahanap ng trabaho lalo na ngayon. Kaya naman, nakaisip ako ng paraan paano makagaganti sa mga bosing amo natin. Ganito yun: 1.Tuklasin ang cellphone number ng amo. Ibigay ito sa tabloid. Ganito ang nakasulat: Wanted Textmates (preferably matrona/DOM). Hot in bed. Text me during office hours please. I will reply promise. ‘Yan, paniguradong dadagsain ng text ang amo. Mapupundi ito sa kakasagot o bura ng text sa mismong oras ng trabaho. 2. Pwede mo ring ilagay ang cellphone number ng amo mo sa mga
poste. At nakalagay: Professional Tubero, Tagalimas ng Pozo Negro, Meastro Karpintero: Libre ang Trabaho. 3. Humanap ka ng picture ng amo mo. Tapos gawan mo ng friendster account. Tapos, humanap ka ng mga pictures ng top Philippines 100 Most Wanted Criminals. Gawan mo rin ng account ng ito. Tapos ipadala sa NBI. 4. Gamitin ang picture ng amo mo. Idikit sa mga poste. Ilagay: Missing. Tapos, ilagay sa baba ng picture ang cellphone number ng amo mo. Ilagay na may reward nang kaunti sa makapagtuturo kung nasaan ang amo mo. O di ba, kung pinanggigigilan ka ng amo mo, wag mag-alala. May paraan pa. Mahalin ang trabaho dahil kailangan natin ito. Mahalin ang mga amo, dahil kailangan natin sila, para tayo ay mapaglilibangan.
11
Parang awa n’yo na... kulamin n’yo ko! KULAMIN nyo ko please… kung sino man sa inyo ang marunong mangkulam o may kilalalang mangkukulam, pakulam nyo naman ako por pabor. Mas mainam kung barang ang padapuin nyo sa ‘kin. Kung kakailanganin ang DNA sample; buhok, laway, dugo, damit o picture willing akong magpadala sa inyo. Ayoko ng kulam na para lang ako nagkakabag o nagka-migraine. Gusto ko yung tipong hindi maipapaliwanag ng kasalukuyang siyensya. Yung tipong mauulol ang docktor at maglulumuhod sa altar. Kaya mas mainam kung barang. Payag akong sumuka ng ipis, langaw, gagamba o anumang insekto. Kahit pampinale eh umebak ako ng dinosaur. No prob! Magkaalaman lang na tunay nga ang barang at kulam na matagal na panahon nang dapat ay binura sa paniniwala ng lipunang ito. Kung umepekto ang hokus-pokus, dedo ako! Pero wala kayong dahilan upang ma-guilty. Una, dahil sa inyong pagmamagandang loob na tulu-ngan akong alamin ang katotohanan sa likod ng misteryo “daw” na ito, magkakaroon tayo ng matibay na katibayan u-pang iwasto ang agham. Mantakin nyo ba naman kung madodokumento natin ang pangingitlog ko ng anaconda hindi pa ba sapat na dahilan yun upang busisiin at kwestyunin ang mga pinagpalagay nating mga katotohan ng agham? Pangalawa, gagaang ang pakiramdam ng milyong Pilipino at maari na silang lumantad sa kanilang mistikong paniniwala. Marami sa atin ang hindi daw naniniwala sa kulam ngunit naniniwala sa usog at bati. Hindi na nila ito ikakahiya. Sa kasalukuyan kasi’y pagkaraming beses mong maririnig yung linyang..” hindi ako naniniwala dyan, pero wala namang ma-wawala kung blah blah blah “ … pero meron, akala mo lang wala pero meron. Ibinabasura natin ang lohika at siyensya… pinapalo pa ni magulang ang kawawa si estudyante para lang mapilitang pumasok sa eskwela ngunit anong saysay ng mga karungungang ito kung hindi isasabuhay? Walang dapat ika-guilty o ikababahala ang sinuman na magtatangkang ipakulam ako. Itinataya ko ang lahat ng maari kong itaya para rito. Pagkat ang lohika ay katiyakan. Maraming na rin akong nakausap na maghahatid daw sa akin sa mangkukulam ngunit sa huli, tsismis lang pala ang pagiging mangkukulam ng dapat ay sasadyain o kaya’y hindi “hard core” mangkukulam. Tipong gayuma lang pala ang forte o yung mga style na alam mong hindi ka nakatitiyak kung may kulam ngang naganap. Meron pa nga akong nakausap na isang history aficionado, ihaharap daw ako sa mambabarang at syento por syento raw na makukumbinse ako ora mismo dadalhin nya ko at dito lang daw yun sa Cavite. nung sinabi kong tena’t kukuha ako ng video cam, aba’t umayaw. Nagbago ang isip at hindi raw sapat ang intension ko upang iharap ako sa dakilang mambabarang. Di ko ma-piga ang kukote ko sa kung anong “intensyon” ang sasapat para maging karapat-dapat ka sa isang session ng barangan. Kaya parang awa nyo na… email nyo ko kung ipababarang nyo ko. Pinapangako ko naman na hindi ako papatawag ng albularyo para kontrahin ang talab. Nais ko lang maidukumento ang bisa nito. Baka itong kulam na ang hinahanap nating solusyon laban sa mga sindikato natin sa gobyerno. (Kung mayroon kayong beripikadong impormasyon o makakapagtuturo ng mangkukulam/ mambabarang makipag-ugnayan po lamang sa Responde Cavite email: ulat@res-pondecavite.com Telepono: 527-0092. Iingatan po namin at pananatili-hing lihim ang inyong pagkakilanlan. Di namin kayo papakulam)
Cavite City – Nadakip ng buong pwersa ng kapulisan ng Cavite City ang diumano’y most wanted no. 2 sa nasabing lunsod. Nakilala ang nasabing wanted na si Hernan Ruiz, 43, residente ng Brgy. 36M, Calumpang Bagong Pook, Caridad Cavite City. Sa ipinasang report ni SPO4 Barricuatro Jr kay P/Supt. Simnar Gran; Chief of Police at kay P/Insp. Angelica Starlight L. Rivera; Deputy Chief ng nasabing istasyon, nadakip nila ang mailap na suspek noong Sept. 18, 2009, sa humigit kumulang alas10 ng umaga. Sa pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa Responde Cavite “matagal na nila itong sinusubaybayan, subalit sadyang napailap ng taong ito. Kaya pinagsanib naming ang aming grupo upang madakip na
ang taong ito,” pagsasalaysay ni SPO4 Barricuatro Jr.;hepe ng Intelligence Division. Nakuha kay Ruiz ang humigit 10 gramo ng shabu, isang basong marijuana, at iba’t ibang sangkap sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang Cavite City Police na nanguna sa pagkakadakip sa suspek ay sina SPO4 Barricuatro Jr, SPO4 Estrella, PO2 Agabin, PO2 Nabos, PO1 Balberan, PO1 Monzon, PO3 Jonathan Barricuatro, PO2 Andaya, PO3 Manzano, PO1 Alcarez, PO2 Sto. Domingo, PO3 Cabatan, PO2 Agudo, PO2 Pillega, PO1 Almazan, PO2 Lapidario, PO1 Cinco, at PO3 Riego De Dios.
Ang mga ebidensiyang nakalap ng pulisya.
NO. 2 MOST WANTED SA CAVITE, NASAKOTE NG KAPULISAN
Ang suspek ay kasalukuyang nakahimpil ngayon sa kapulisan at ihihahanda ang kasong drugs. (Section 5)
Sundot...mula P. 4
Senior... mula P.5 Isang magandang halimbawa ang angkan ng Aguinaldo. Sa pangalawa at pangatlong salinlahi ay nagkaroon ng isang Prime Minister Cesar Virata, Supreme Court Associate Justice Ameurfina Melencio-Herrera, at Mayor’s Bautista, Poblete, at Aguinaldo ng Kawit. Sa Kawit pa rin, patuloy na nagpapakabayani sa kanilang mga iba’t ibang pamamaraan ang mga kilalang pamilya Tria Tirona, Maskardo, Montoya, at Ilano. Sa Imus ay tanyag pa rin ang mga pamilyang Benitez, Paterno, at Tirona. Sa General Trias ay natural na sikat ang pamilya Trias. Pati na ang mga di kilalang pamilya na ang paglilingkod ng mga ninuno sa “Revolution of 1896” ay patuloy na ipinamamalas sa pamamagitan ng mga kaanak sa pagtataguyod ng
Maunlad at Makabagong Cavite. Ang “Second Revolution of Cavite” ay pinamahalaan ng isang matikas na anak ng Imus. Ang dalawang dekadang (1960-1980) paglilingkod ni Gob. Juanito Remulla ay hitik na hitik sa mga proyekto at programang pangkabuhayan. Mga hangaring “Industrilization, Agricultural Modernization, Tourism Development and Rapid Urbanization” ang binigyaang diin ng Remulla Administration. Sa katunayan, umunlad ang “Cavite Export Processing Zone” sa Rosario upang maging pinakamalaki at matagumpay sa buong bansa. Sinundan ito ng pagkakatatag ng “Carmona Industrial Estate” at “First Cavite Industrial Estate” sa Dasmariñas. Napaayos ang “sup-
port facilities” gaya ng patubig, kuryente, komunikasyon, at iba pang sangkap sa pagpapaunlad ng pagsasaka at pangingisda. Mahalaga din ang “Coastal Road” na nagkabit ng Cavite sa Metro Manila. “Beacon of Light” ang Pamana sa sumunod na pamamahala ni Gob. Ayong Maliksi. Sangayon sa “Official Report” ng Pamahalaang Panlalawigan, nakamit ng Cavite sa taong 2006 ang mga sumusunod ng karangalan: 1. Mataas na Kaunlarang Pantao mula sa Human Development Network ang United Nations Development Programme. 2. Cooperative Capital of the Philippines mula sa Cooperative Development Authority. 3. Citation for Small and Medium – Scale Enterprise Development and Business – Friendly Local Government Unit – Philippine Chamber of Commerce.
4. First Province Initiator of an Organized Informal Sector – Department of Labor and Employment. 5. Presidential Award for Comprehensive Health Programs – Philippine Hospitals Association. Ang Pamana ay isang panghabang-panahong hamon sa mga magigiting na Caviteño na manatiling nagkakaisa, nagtutulungan, at naglilingkod sa kapakanan ng bayan. Isang paalaala na iwaksi ang masamang gawing pulitika; ibaon sa limot ang mga matandang alitan ng mga angkan at pag-ibayuhin ang dakilang adhikain na tulungan ang masang naghihikahos, naapi, at nanatiling namumuhay sa madilim na sulok ng daigdig. IKAW CAVITEÑO ANG MANINGNING NA PAMANA SA LAHING PILIPINO!
sa kanilang kamatayan. Ang mga multong ito sa kalsada, ang pinepeste nila ay yung wala naman talagang kinalaman sa kanilang kalagayan. Mananatili tambay sila sa mga lugar na hindi naman sila kailangan at welcome. Ni walang pasintabi. Ni walang abiso. At mambwiwisit. Dyaran! Tama kayo dyan, belabed riders. Sila ang mga baby bus driver. Multong lilitaw na lang sa harapan po dahil ayaw magpauna sa mapupulot na pasahero. Multong bigla na lang mawawala, dahil kapag mag-o-over-take ka na, bigla naman silang aandar. Pepestehin nila ang buhay mo kahit wala ka naman talagang tuwirang kinalaman sa buhay nila. Tatambay sila sa mga kanto-kanto na nakabalagbag. Kahit anong busina mo, hindi sila matitinag. Hindi marunong tumabi. Hindi marunong magpasintabi. Hindi marunong mag-abiso. Magbababa at magsasakay ng pasahero sa gitna ng kalsada. Gaya ng mga multo, dadaaan at titigil sa iyong harapan, manggugulo kahit hindi mo sila kailangan. Hindi naman natin nilalahat. Pero karamihan, mga multong pasaway. Dapat sa mga multong ito, ma-exorcise. oOo May mga nag-aasal multo rin sa munisipyo. Yun bang hindi mo naman sila inaano, sila pa ang galit. Yun bang pinatay sila ni ganito, pero si ganyan ang mumultuhin. Tapos kapag sinita mo, sila pa ang galit. Yun bang paglapit mo pa lang sa pwesto nila o pagtawag mo pa lang sa telepono, galit na agad kahit hindi mo alam kung ano dahilan. Gaya na lang na may isang balahura’t ugaling multo na empleyada sa Munisipyo ng Rosario, Cavite na di umano ay hindi marunong sumagot ng telepono, mag-entertain ng bisita at mag-handle ng trabaho. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Yolly Iglesia (Budget Office). Marami na po ang natatanggap nating reklamo sa taong ito. At ang katwiran, kaya nya raw hindi maharap ang mga tao at tawag, marami syang ginagawa. Abababababaa… Aling Yolly, mas mahalaga ba ang papel kaysa sa tao? Kaya may papel kang inaayos dahil sa tao. Makapaghihintay ang papel, pero hindi ang tao. Mabuti na lang at magaling magexorcise ng multo sina Mayor Nonong Ricafrente at Vice Mayor Jhing Jhing Hernandez. At least hanggang maaga, napapatahimik ang mga asal multo sa kanilang tanggapan.