2
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
Dahil sa talangka at plastik
MGA PASLIT, TINANGAY NG BIGLANG PAGBAHA
APAT na bata ang tinangay sa biglaang pagtaas at pagragasa ng tubig baha mula sa karatig ilog noong ika21 Setyembre, bandang 2:30 n.h. samantalang nakatakas sa tiyak na kamatayan naman ang limang bata. Batay sa impormasyong ibinigay ng mga nakaligtas, syam (9) na menor de edad mula Paliparan 3, ang lumusong sa kalapitilog habang naghahanap ng talangka, plastic at basyo ng mineral water bilang kalakakal. Ang kikitain sana ng mga ito ay pandagdag sa pagkain at baon.
Bangkay na nang matagpuan ang apat na tinangay. Sa gayon ding pagkakataon, sa Barangay IV, pitong menor de edad naman na taga-Bahay Pangarap Subdivision ang nagsamantala sa bakasyon at lumusong sa ilog na naghanap ng talangka na mapaglalaruan. Bigla ring tinangay
ang mga paslit at isa ang namatay samantalang anim ang nakaligtas sa tulong ng isang napadaang magsasaka. Rumesponde ang Philippine Navy Rescue and Recovery Team upang hanapin ang mga batang tinangay ngunit noong ika-22 na ng Setyembre natagpuan ang mga biktima.
NI SID SAMANIEGO Nakipag-ugnayan ang Provincial Disaster PDCC at Social Workers mula PSWDO ang nakipag-ugnayan sa barangay ng Paliparan III at opisyal ng PNP upang makapangalap ng impormasyon samantalang mga kamag-anakan naman ng biktima sa Bgy. Sampaloc IV ang nagbigay ng detalye.
Pinarangalan kamakailan ang batang may angking talino sa katauhan ni Iana T. Famy ng Manuel Rojas Elem. School. Nakamit niya ang Inventory Sales Champion na ginanap saJulian Felipe Elem. School noong Sept. 10, 2009 at Champion ng Math Olympiad, Division Level noong Sept. 23, 2009. Ang batang ito ay siyang kasalukuyang President of Supreme Pupil’s Government at pinakabatang “Radio Anchor” sa local Radio Station tuwing Linggo sa 91.9 D’ Bomb FM. (Musika at Balitang Pambata) Kasalukuyang inaayos ang magiging unang proyekto ng SPG ang Modelong Ginto, Tuklas Talino 2009. Layunin ng proyektong ito na masubukan ang kakayahan ng mga batang may abilidad sa kanyang sarili. Maging ang kapatid ng nasabing bata ay may ganito ring katangian. Si Leonard Famy III ay nag-champion sa First Math and Science Camp na ginanap sa Pansol, Laguna. Ang magkambal na Lianah at Zianah ay nakamit naman ang 3rd Place. Inihahanda na ni Famy ang laban sa Regional Level sa susunod na buwan.
An open letter to Mayor Totie Paredes Sampalataya sila kay mayor ISA po ako sa mga magulang na may nag-aaral na anak sa isang pampublikong paaralan sa lunsod ng Cavite Pero hindi po ako aktibo kaya hindi ako updated sa mga pangyayari. Most of the time kasi ay nasa trabaho ako. At kung anuman ang aking obligasyon ay ipinapadala ko na lang. Hanggang isang araw, hindi ako pumasok dahil kasali ang aking anak sa isang quiz bee. Naobliga akong pumunta ng Divion Office (DO)
dahil sa ilang requirements at katanungan na kakailanganin namin sa quiz bee, at doon ko natuklasan na wala palang kuryente ang nasabing tanggapan. Nalaman ko mula sa tao doon na ninakaw pala ang kuntador ng kanilang kuryente. At hindi pa sila makabitan ng panibago dahil sa ilang problema pang dapat ayusin sa city hall na hindi naman binanggit kung ano. Medyo natagalan ang pag-aasikaso sa amin,
kasi nga ay wala silang computer na tumatakbo. Hindi mapagana ang mga printer at hirap sila sa mga parte ng opisina na madilim. Nalaman kong medyo matagal na daw ang problemang ito, halos taon na raw yata. Ganun na ba kabagal ang serbisyo ng Meralco? Pero napag-alaman kong hindi sa Meralco ang problema kundi may problemang hindi mapagkaisahan ng city hall at DO. Sa nakita kong sit-
wasyon, sa ganitong kalalang sistema na sa tingin ko naman ay simple lang ang solusyon ay hindi magawang masolusyunan ng DO at city hall. Malaki ang idinudulot na epekto nito larangan ng edukasyon sa ating lunsod. Hindi nagiging productive ang mga nagtatrabaho. Bukod kasi sa hindi sila komportable sa pagtatabaho ay hindi nila magamit ang mga pasilidad para mapabuti ang serbisyo at pagsasaayos
ng ilan. Sana, sa pamamagitan ng malaganap ninyo pahayagan ay maiparating sa ama ng ating lunsod ang suliraning ito. Kung hindi maresolbahan ng DO, alam naming na kay Mayor Totie Paredes ang lahat ng paraan at kapangyarihan upang mapabuti ang edukasyon. Higit sa lahat, pag-aaral kasi ng mga bata ang higit na apektado. Kaya sa ngalan ng edukasyon at mga batang nagnanais na matu-
to (alalahanin sana natin na iilan na lang ang batang ganito at dapat mapangalagaan ng estado) ay nananawagan kami kay Mayor Totie Paredes na personal n’ya nang asikasuhin at harapin ang prolemang ito sa edukasyon. Alam naming at umaasa kaming may malasakit siya sa mga bata. At higit sa lahat, nasa kanya ang lahat para maisaayos ang simpleng problema. Maraming-maraming salamat po.
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
SC STOPS COMELEC FROM IMPLEMENTING DECISION IN CAVITE CITY POLL CASE The Supreme Court en banc issued a temporary restraining order yesterday (August 25) directing the Comelec to cease and desist from implementing its resolution proclaiming Dhino Carlo Chua as the winner in the May 14, 2009 election for Vice-Mayor of Cavite City over incumbent Vice-Mayor Romeo Ramos. The resolution likewise directed Chua to cease and desist from claiming, assuming or performing the duties and functions of the said office. In a petition filed by his lawyer, Romulo Macalintal, Ramos assailed the August 17, 2009 resolution of the Comelec on the ground that the Comelec committed grave abuse of discretion in declaring Chua the winner after invalidating Ramos’ 6,888 ballots for having been allegedly ‘written by one
person’ and close to 2,000 ballots for being ‘stray votes’ there being two other candidates bearing the same name, surname and nickname of Ramos. During the election, Ramos was credited with 23,061 votes against Chua’s 15,019 votes or a difference of 8,042 votes in favor of Ramos. There was no protest or objections raised by any parties at the precinct level that the Comelec declared that the election in Cavite City was honest, peaceful and orderly. Not satisfied with the said results, Chua filed an election protest and contested all the ballots of Ramos. Comelec First Division and Comelec En Banc resolved the protest in favor of Chua whom they declared the ‘winner’ by some 500 votes after invalidating the said ballots of Ramos. In his petition, Ramos told the Supreme Court that it was too arbitrary
and whimsical for the Comelec to invalidate his 6,888 ballots for having been allegedly ‘written by one person’ when there was no evidence submitted by Chua to prove the same. “The restoration alone of these ballots in my favor is enough to overcome the illegal lead of 500 votes so arbitrarily given by Comelec to my rival”, Ramos told the court. If 6,888 of my ballots were written by one person, it means that 6,887 voters were not able to vote. And yet, Chua never presented any single voter who complained that he was not able to vote. It would have created a pandemonium of sort if 6,888 ballots were written by one person on Election Day”, Ramos said in his petition. Ramos also questioned how Comelec Commissioner Armando Velasco, the ponente in the First Division, could have decided the said
election protest for a record time of three (3) months from December 2008 to March 2009. He said that Velasco “was appointed only in December 2008 and was so busy attending to his confirmation before the Commission on Appointments, hence, it was physically impossible for him to review and rule on more than 28,000 ballots and came up with such findings that 6,888 were written by one person.” Ramos also assailed
the Comelec En banc for saying that they examined the ballots when he filed a motion for reconsideration. “This is impossible because since March 2009 when I filed that motion until today that I filed this petition before the Supreme Court, the ballots involved in this case are with the Senate Electoral Tribunal in connection with the election protest of Koko Pimentel vs Senator Migs Zubiri”. The Supreme Court directed Chua and the
OBITUARY Si Rowena “Chaling” Repetti ay pumanaw na nong Setyembre 23, 2009 sa edad na 73 Ang kanyang labi ay nakahimlay sa # 530 S. Nicolas St. San, Antonio, Cavite City
3
Comelec to file their comments of Ramos’ petition within a non-extendible period of ten days from notice and required Ramos to post a bond in the amount of P100,000.00 within five days from notice for the issuance of the temporary restraining order. Source: Atty. Romulo B. Macalintal Counsel of Vice-Mayor Romeo Ramos PAID ADS
4
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
Ang epekto kapag hindi natuloy ang redistricting Part 2 NAKAHABOL sa pangalawang pagbasa sa Senado ang pagre-redistricting ng lalawigan ng Cavite. Pipilitin daw gawin ang ikatlo sa katapusan ng buwan ng Setyembre. At kung saka-sakaling matuloy ngang biyakin ang tatlong distrito, at ito’y maging pito, sa ating palagay, at sa tingin ko’y sa palagay din ng nakararaming Caviteño ay mas naisasaayos ang lalawigan. Sa kasalukuyan kasi ay may ratio na isang milyong mamamayan ang kinakatawan ng bawat kongresista. Pinagkakasya rin lang ang P210 milyong congressional fund o P70 milyon bawat distrito. Na katulad nga ng ating nasabi dati na lubhang napakaliit na halaga para sa napakalaking populasyon. At kakambal din ng pagdami ng distrito ang pagkakataon sa iba na makapaglingkod sa distritong kinabibilangan nila. Kahit pa sabihing sa paningin ng iba na kaya ginawa o isinulong ang redistricting ay para magkaroon ng kanya-kanyang teritoryo ang mga pulitiko, papabor pa rin ito sambayanan ng lalawigan. Kailangan nga lamang ay wastong paghahatihati ng mga bayan upang walang mapag-iwanan, habang ang ibang distrito ay nangangagtamasa. Gayundin, lalakas ang boses ng Caviteño sa Kamara de Representante kapag mayroon tayong isinusulong. Ganunpaman, tiyak na may mga kampon ni Le-ar na gagawa at gagawa ng paraan upang maiantala ang panulang redistricting, at nawa’y ngayon pa lamang ay kunin na sila ni Lord.
eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario
nadia dela cruz
3rd district coordinator
2nd district coordinator
melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relation consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 5270092.
Intrega at Intriga SIKAT na sikat na po ang Responde Cavite. Hindi dahil sinusubaybayan na tayo ng maraming mambabasa, kritiko at politiko, hindi rin dahil tayo lang yata ang lingguhang community newspaper sa Cavite na may sariling website, hindi dahil kwalipikado, premyado at respetado ang mga manunulat (hindi haw shaw o kung sino na lang), hindi dahil nakikita ang ating dyaryo sa bangketa, opisina at tahanan, kundi… dyandayararan! Iniintriga na naman po tayo. Kamakailan, may nagpapakalat ng intriga na ang Responde Cavite daw ay hawak ng mga politiko… ng isang malaking politiko. Eh, kupal pala itong nagpapakalat na hawak tayo ng politiko. Di sana, isang politiko o isang partido lang ang laging laman ng ating dyaryo. Kita nyo naman mga suki (kaunting yabang lang po), sa bawat paglabas ng ating mga balita lalo na ang inaabangang banner story na laging nasa
panggitnang pahina (center spread), lahat ng panig ay ating kinakausap. Pinakikinggan, binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Kung ayaw, sinsabi natin na hindi tayo pinauunlakan. Sa nagdaang mga isyu, litaw na litaw ito mga suki. Sana, hndi na rin tayo tumatanggap ng ads sa iba. Tandaan po natin dear readers, walang naiinggit sa pangit. Hindi iniintriga ang hindi kilala. Bwahahahaha! Eto kasing mga kupal na intrigerong ito, puro intrega ang nasa isip. Gusto nya, mag-intrega nang regular sa kanya ang mga politico at lider. Sa ilang ulit naming paglilibot sa mga munisipyo at nitong huli ay sa kapitolyo para mag-interview, ang unang salubong sa amin ay… “Iinterbyuhin nyo ako? Magkano” Harharhar! Nang sabihin po naming “libre po, ni singko po, wala kayong babayaran” Gustong maiyak sa tuwa ng kawawang politiko na madalas gatasan ng di umano’y alagad ng media. Mangyari po kasi, tuwing may midya-midyahan na nag-iinterbyu sa isang politiko, nakasahod ang kamay. Sundan sa pahina 11
Katayuan ng mga opisyal ng gobyerno tatakbo sa eleksyon MARAMI ang nagtatanong at gustong malaman tungkol sa mga maaaring mangyari sa mga Senador, Kinatawan, Gobernador, Mayor, Bise Alkalde, at mga Konsehales. Mga katanungang hahawi ng ulap ng alinlangan sa mga posibleng katayuan lalo na sa lunsod ng Cavite at iba pang hawig sa pangyayari dito sa naturang lunsod. Ayon sa “Omnibus Election Code”, section 67, “Candidates holding elective office. Any elective official whether national or local, running for any office other than the one which he is holding in a permanent capacity, except to President and the Vice President, shall be considered IPSO FACTO RESIGNED from his office upon filling his Certificate of Candidacy.” Marami ang interesado sa katanungang ito sapagkat may mga ispekulasyon kung ano at sino ang papalit kay Mayor Paredes kung tuloy na nga siya bilang kandidato ng Congressman ng 1st District. Bukod pa rito, sino naman ang papalit sa kanya kung maituturing ba na siya ay “resigned” kapag nag-file na siya COC. Si Ohmee Ramos ba kung siya pa ang bise o si Dino kaya pagdating ng panahon. Kung si Ohmee na papalit ay tatakbo bilang Mayor, di “resigned” din siya. Gayundin si Dino. Si Edmund Tirona ba bilang unang Konsehal? Mga katanungan sasagutin ng sumusunod na ba-
tas: Ayon sa R.A. 9006, pinagtibay noong Feb. 12, 2001, section 14. Repealing Clause – Section 67 and 85 of the Omnibus Election Code (Batasang Pambansa blg. 881) x x x x x are hereby repealed. Ang batas na naunang (section 67 na nasa itaas) nabanggit ay B.P. 881 na siyang nasusugan at hindi na ipinaiiral. Kung kaya’t ang pagtakbo ni Mayor Paredes bilang Kinatawan, hindi siya ituturing na nagbitiw sa pagka-Mayor ng lunsod ng Cavite, gayundin ang mga opisyales na lokal na parehong katayuan. Hanggat wala pang ibang batas, ito ang masusunod. Kaya’t sa mga mapangharaping opisyal na nais umakyat ng pwesto na hindi bibitiw sa pwestong kinalalagyan, ito na ang pagkakataong mangarap. Tutal, libre naman ito. Dagdag pa sa Fariñas vs Executive Secretary, COMELEC et als. Dec. 10, 2003 na ang petisyon na ituring ang mga opisyales na nag-file ng CoC na “resigned” ay hindi pinagbigyan kung kaya’t ang mga opisyales ng gobyerno ng halal ng bayan na naghain ng kanyang kandidatura na iba sa puwesto kung saan siya naihalal ay hindi ituturing na nagbitiw sa kanyang tungkulin. SUNDAN SA PAHINA 11
Hide-out ng mga estudyante sa inuman…kalampagin AYAW mo na bang magaral dahil mas gusto mo pang magbolakbol o mag-inom na lang. Eto may reklamong ipinarating sa atin ng ilan nating mga masusugid na mambabasa, sa lahat ng mga suking estudyante ng HIDE-OUT na para sa inyo ang kolum na ito. Hindi natin papangalanan ang establisimentong kinasasangkutan ng reklamong ito sa atin, nais nating bigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang mayari nito. Pero hayaan nyo pong ikwento ko sa inyo kung anong mayroon sa loob ng hide-out na ito sa oras ng pag-aaral sana ng mga estudyante. Na base na rin sa mga idinaing ng mga magulang na sangkot ang kanilang mga anak sa kalakarang ito. Anong panama ng mga tindahan na hindi lantad ang pagbebenta ng ALAK o maging ng SIGARILYO sa mga bata. Dito sa ating inirereklamo, akala mo ang titino ng mga naka-upong estudyante, ang hindi mo alam nasa ilalim pala ng kanilang mesa ang alak na
sinasabi nilang magbibigay “TAPANG” o anuman sa kanila. Ayon sa kwento sa atin ng isang magulang, isang araw diumano ay umuwi ang kanilang anak na pulang-pula ang mukha nito. Mapungay ang dalawang mata nito, at pilit na umiiwas sa kanila. Hindi na sana nila ito mabibisto kung hindi lang sumuka. Ayun, nabulgar tuloy na LASING pala ang kanilang anak. Galing sa inuman na inakala nilang sa paaralan. Ang nakakapagtaka nga lang, ang tagal na palang nagsasagawa ng ganitong KALOKOHAN ang establisimentong ito kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring ginagawang aksyon ang mga nakakasakop dito. Sa pamunuan ng Cavite National High School, mga Security Guard, mga alagad ng Barangay, sa ating kapulisan, at sa ahensya ng ating syudad na nakakasakop dito, isang simpleng bagay lang ito na kailangan ninyong aksyunan. Kung hindi ninyo ito maaayos posibleng lumala. Di ko alam kung gaanong kalakas ang may-ari nito sa mga kinauukulan? Kung bakit patuloy pa rin ang OPERASYONG kinasasangkutan ng reklamong ito. Isama na natin ang mga Computer Shop na in-na-in sa mga bata ang mga Computer Games. SUNDAN SA P.12
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
Marikit na Kapitolyo Mula sa Malikhaing Kaisipan ng batikang Mambabatas, Senador Justiniano S. Montano, at sa tulong ni kinatawan Jose T. Cajulis, ang Batas Pambansa Blg. 981 ng May 24, 1954 ay sinangayunan ng dating Pangulong Ramon Magsaysay kaya natatag ang lunsod ng Trece Martires. Marami ang nagulat kung bakit ang kabisera ay nalipat sa Trece mula sa Cavite City. May tsismis ang isa naming lolo na gusto kong ibahagi, totoo man ito o hindi: “Magaling ang ulo ng pinsang Tano. Nais niyang mapatahimik ang lugar na nagiging pugad ng mga panaguan.” Mukha may kaunting katotohanan ang tsismis. Kasi noong panahong yaon, ang may kaduguang pulitika ng Cavite ay papalit-palit na pinaghaharian ng dalawang magkabanggang tropa – ang Montanista ng Tanza at Camerinos ng Imus. Kung si Gob. Camerino ang may hawak ng kapangyarihan, ang matatapang na kaalyado ni Sen. Montano ay nagsisikanlong sa Trece. Gayundin, kung ang maka-Montano ay nasa poder, ang mga sigang tagasunod ng Camerino ang siyang nanahanan sa Trece. (Hindi nakasulat ito ng formal sa kasaysayan ng Cavite. Hindi na rin naman natin matatanong ang mga taong may kinalaman sa problemang ito ng pulitika sapagkat yumao ng lahat, kasama na ang aming ninuno na noon ay abala tuwing sasapit ang eleksyon.) Ang mahalaga na dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang katahimikan na nakamit ng Trece na naging sentro ng kaunlaran patungo sa apat na sulok ng Cavite. Ang sinimulan ni Gob. Delfin Montano na isang gusaling pamahalaan, isang Andres Bonifacio Hospital at isang kulungan ng mga nahatulang criminal ay isa na ngayong maipagkakapuring lunsod. oOo Ano na nga ba ang maipagmamalaki ng Kapitolyo? Ano nga ba ang nakapaloob sa “Capitol Complex” na masinop na pinayabong ni Gob. Johnny Remulla at higit na maunlad ni Gob. Ayong Maliksi? Sa kasalukuyang panahon, ay mamasdan ng balana ang bunga ng pagsisikap ni Gob. Ayong na maging tampok ang Kapitolyo at huwaran ng mga kasamahang lalawigan ng Pilipinas. Ika nga ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan Jose De Castro, “One-Stop” na tutugon sa maraming pangangailangan ng mamamayan ng Cavite. Mula sa Silangan, ay sasalubong sa iyo ang pinaganda at pinatibay na estatuwa ng nakasakay sa kabayo ni pangulong Emilio Aguinaldo. Sumunod dito ang pinalaki at pinabubungang entablado na may tatak ng letrang “M”. Ang “Executive Building” ay lalo ng naging kapansin-pansin at kaaya-aya na para bagang nagaanyaya sa lahat na pumasok kayo at makadaumpalad si Gob. Ayong, sampu ng mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan. Pati na ang mga “Security” ay magalang na magtatanong sa bawat panauhin kung ano ang kailangan at mag-aayos ng pilahan sa dumadagsang bisitang taga-Cavite o taga labas man. May sari-sariling gusali ang “General Services Office”, “Department of Agriculture”, “Cavite Cooperative Development”, Bahay Sanayan ng DSWD, “Cavite Councilors League at Register of Deeds”, at Federation of Senior Citizens Association”. Tanda ko pa ang resolution ni Bokal Strike Revilla (Mayor ngayon ng Bacoor) na maglalayon na magkaroon ng gusali ang Sangguniang Panlalawigan at opisina ang mga lokal. Nakatayo na ngayon ang modernong “Legaslative Building na may Session Hall”, ilang “Conference Room”, Secretariat and Vice Governors Office”. Sa wakes, nakisuno na rin ang Panlalawigang aklatan matapos itong manirahan ng mahabang panahon sa Noveleta. SUNDAN SA PAHINA 12
MGA KWENTO NG MAGAGAWANG KABUTIHAN PARA SA ATING MGA SARILI NAKAKAKONSENSYA ang lagi kong nakikita sa mga bungad ng fast food restaurant at supermarket sa aming lugar: mga batang babae at lalaki, edad otsodose na alas dies ng gabi’y naroon pa at nagtitinda ng kinwintas na mga buko ng sampaguita. Minsan, bumili ako ng ilang kwintas at tinanong ko ang isang batang babae. “Di ka na ba pumapasok? Ba’t narito ka pa?” Nag-abot siya sa akin ng sampaguita. “Pumapasok ho? Tinutulungan ko ho’ng tatay ko sa hanapbuhay.” “Tumutulong ka sa gastos n’yo sa bahay?” Binayaran ko ang ibinigay niya. “Oho, nag-iipon ho ako ng baon ko sa school para sa isang linggo.” Naisip ko: nagbebenta ang batang babae ng sampaguita para libre na sa gastos sa baon ang kanyang mga magulang. “Paano mo pa magagawa ang assignment mo?” “Pagdating ko ho mula school, nag-aaral na ho ako’t ginagawa ang assignments. Pag marami nang nag-uuwiang tao sa kalye, magbebenta na kami ng barkada ko ng sampaguita.” Ang barkada niya ay ang nakikita kong ibang mga batang lalaki at babae, nagbebenta rin ng sampaguita. Tutok-sunod at sila’y yao dito’t doon, nangungulit hanggang sa bilhan mo ng ilang kwintas ng mga buko ng bulaklak. Napigil ko ang aking hininga. Nagunita ko ang nanay ko na gustung-gustong isasama ako sa mga handaan at iba pang kaabalahan sa tahanan ng aming mga kamag-anak. Nanunulungan, ika nga. Gustung-gusto ko rin naman. Masarap ang amoy ng ulam. Masarap din ang kumain sa kusina. Sasandok ka na lamang ng makakain: tanghalian, miryenda at kung magtagal pa roon, hapunan. At pag-uuwi na kami ng nanay, aabutan ako ng
5
kamag-anak namin ng mga sensilyo (barya)— aking-akin lang ang mga iyon. Pambaon sa iskwela. Siguro, mayroon din para kay nanay. Ang masarap nito, lalo na kung piyesta, pauuwian pa kami ng ulam. ‘Yon bang iinitin kinabukasan at kung hindi pa maubos, iinitan pa uli sa susunod na araw. Magkakadurug-durog na ang ulam (karaniwang mitsado), ngunit habang papaubos na, lalo iyong sumasarap. Nang mag-aral ako ng haiskul sa Maynila, kasyang-kasya lang ang baon na ibinibigay sa akin ng aking tiya. Sa kanya ako tumira dahil narinig niya mula sa nanay ko na gusto kong mag-aral sa Maynila. Inalok nga ako na sa kanya tumira. Nakaririwasa sila sa buhay ng kanyang asawa (at wala silang anak!). Masisipag pa sila. Pero sabi niya sa akin, sagot niya ang baon ko sa araw-araw, pasamahe at iba pang “kailangang-kailangan” sa iskwela. Pero may bisyo na ako noon: ang magbasa ng Liwayway linggu-linggo. Nang sabihin ko ang bagay na iyon sa tiya ko, sinabi niya sa akin: labas na iyon sa kargo ko sa iyo. Hindi nga niya ako binigyan ng pambili ng Liwayway linggu-linggo. Pero talagang bisyo ko ang magbasa ng magasin. Gumawa ako ng paraan. Dahil 30 sentimos ang Liwayway noon, naglakad ako pauwi sa Kalookan mula Ascarraga (Recto ngayon) tatlong beses sa isang linggo kapag uwian na. May mga kasama naman akong barkada hanggang sa Manuguit Subdivision. Mula roon hanggang 7th Avenue at hanggang sa 7th Street pa, nag-iisa na ako sa paglalakad. Sa buong pag-aaral ko sa haiskul, naitaguyod ko ang pagbili ng Liwayway linggu-linggo. SUNDAN SA PAHINA 12
Doon Lang
(Ang Kalakaran ng Buhay Ngayon) ABALA ang lahat sa kani-kanilang gawain. Maging ito ay hanap-buhay, libangan, kwentuhan, laro, at pag-aaral; may kani-kaniyang rason ang mga taong ito. Di maaaring husgahan dahil may mga katuwirang nakaantabay o kaya’y tugon sa pagiging tama at matuwid. Sa kasalukuyang panahon, kailanagng may ginagawa ka sa takbo ng buhay. ( Bawal ang tamad. Bawal ang nakasimangot dito. Bawal magkasakit.) Go forward! Start a new! Sa kalakaran ng mundo ngayon, palaging may kasalungat ang bawat kilos, isip, at damdamin. Palagiang may dahilan sa bawat paanyaya; palaging maraming paraan sa pakikipaglaban sa hamon ng buhay at palagiang may lusot sa bawat gusot. Kaya’t nararapat na tayo ay bukas, matatag, at di pwedeng matinag ng kahit sino; kahit saang laban! Lusob at handang sagupain ang drama ng makulay ng daigdig ng tao. Sa ganitong paraan, maipapalabas natin ang mga nakatagong damdamin. Para bang panaginip na ayaw mo nang magising; parang usapin na di dapat tapusin at parang musika na ayaw mong ihinto sa ganda ng himig at mensahe. Lalo ngayon, dapat lang na ikaw ay updated at may know how sa technology. Di na uso ang loveletter na gagamitan ng stationery, pati “mail”, bihira na ang radio, tv, dvd, camera, pwede ng bitbitin at dalhin kahit saan ka pumunta, instamatic pa. Ang landline pang negosyo na lamang , kasi lahat ng tao ngayon if able may cellphone na. Pwede kang magtext o tumawag; resulta’y simbilis ng kidlat. Nandyan pa ang e-mail, broadband, facebook at iba pa, in just a winks of an eye may sagot agad. Ang coffee, noodles, ulam, sa ilang minuto lamang kakainin mo na, ang instant di
ba? Kakaunti na rin ang nagluluto sa bahay dahil present na ang mga food chain at karinderia, kahit saan. Pati mga research works, nakakagulat! Di mo na kailangan ang mga books sa library, ang 24 volumes of encyclopedia at dictionary para matapos ‘to, isang click lang sa computer – kumpleto na ang studies at research paper mo. Submit mo na agad. Sa ngayon, uso na rin ang mga tutorial at training centers. Isa na itong necessity. Kapag ang bata’y nasa Honor Roll, dapat niya itong i-maintain. Kailangan ng Tutor para matutukan at di bumaba ang grades. Kapag may interview para sa work at embassy, humahanap ka ng tagapagturo ng English para masanay ka sa pagsasalita nito at buong husay mong maipasa ito. At, as usual, kapag slow at low ka sa pag-aaral, automatic, ang kasagutan dito’y extratime for studies kasama mo ang “tutor” nga na laging nasa tabi mo after school for remedial at follow-up. Pati nga pala mga schools, dumagsa na rin dito sa probinsya ng Cavite. Dinayo na rin tayo ng mga exclusive at kilalang pamantasan. Narito na ang LYCEUM, San Sebastian College, DeLa Salle University, at mga La Salle Supervised Schools, PCU, TUP, IS, British Academy, Elizabeth Seton School at may State U pa. Ang leveling ng pag-aaral ay pareho pa rin. May standard, ika nga. Ang mga “courses” na gusto mong kuhanin ay mayroon na rin. Kasama na ang mga ladderized program na 2 or 3 year courses at mga short term courses. Laganap na ang “Bagong Buhay; Bagong Pag-asa” na programa ng TESDA. Ito na raw ang sagot sa mga di kayang mag-aral ng 4 years degree courses. Sandali lamang ito, in just a required member of days per course; kapag naipasa mo ang assessment test, mayroon ka ng TESDA Certificate at tutulungan ka pang humanap ng trabaho. SUNDAN SA PAHINA 10
6
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
Habilin at tagubilin ni Gob. Ayong sa mamamayan ng Cavite...
H’WAG MAGKAMALI SA SUSUNOD NA LIDER
RC: KUMUSTA NA PO ANG CAVITE? GOB. MALIKSI: Sa kabila ng pandaigdigang krisis pang-ekonomiya, ang Cavite, nananatiling matatag at maunlad. Sa katunayan, naungusan na natin ang mga kapitbahay nating rehiyon pagdating sa laki ng budget. Kinilala tayong pinakaprogresibong lalawigan sa buong bansa. Dahil ‘yan sa dami ng mga entrepreneur, investor at kapitalista na nagpupunta sa ating lalawigan. Bunga nyan, nabigyan pa nga tayo ng isang building sa Cavite State University, sa Imus, sa kondisyon na ilalaan lamang ito sa business and entrepreneurship. Sa record ng DTI, Cavite ang may pinakamaraming investors sa kung ihahambing sa ibang lalawigan.
Yung United Nations Development Program, Human Development Network at Human Development Index, consistent ang Cavite na isa sa mga nangunguna. Nangyayari ang lahat ng ito hindi dahil sa akin, kundi dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan at samahan dito sa ating lalawigan. Naiayos na ang
ating kapitolyo, mga gusali, paaralan, pabahay tulad ng Pamayanang Maliksi para sa mga mahihirap na Caviteño, maging ang mga informal settlers… nabigyan natin ng pansin at kaayusan. Napakaraming pumupunta sa atin, humihingi ng tulong medical at edukasyon, wala tayong tinatanggihan, basta’t kaya natin.
susunod na henerasyon. Sa ganito ring paraan gusto kong maalala ako ng sating mga kabababayan. Isantabi ang politika, bayan dapat ang mauna.
RC: ANO PO ANG MAITUTURING N’YONG GREATEST ACHIEVEMENT O LEGACY? GOB. MALIKSI Sa kabila ng magiting at dakilang kasaysayan ng ating
tong mag-invest sa atin dati. Gaya na lamang ng nangyari noon sa Rosario. Hand sana maglagay ng planta ang MERALCO noon. Handang gastusan at ayusin ang Rosario. Pero pinolitika,
lalawigan, nagkaroon ito ng lamat dahil sa pagkakawatak-watak ng ating mga mamamayan. Sobrang politika ang sanhi nyan. Sa ating panunungkulan, pilit kong binuwag ang dibisyon o pagkakahati-hati. Pinilit kong pagkaisahin ang Caviteño. Nagpakita tayo ng halimbawa. Pag may pumupunta dito, humihingi ng tulong, pabor o kung anu pa man, hindi ko na inaalam kung tao ko ba sya, kakampi ba o kapartido. Basta’t sya’y Caviteño, tutulungan natin. Para sa akin, ang labis na politika ang sumisira sa dapat sana’y maayos na pamamahala. Dahil sa labis na politika, walang gus-
ginulo. Isipin na lamang sana natin kung gaano kalaking income, trabaho at industriya ang maibibigay sana ng MERALCO plant sa
RC: ANO PO ANG INYONG HABILIN AT TAGUBILIN SA SUSUNOD NA LIDER NG CAVITE AT SA MGA MAMAMAYAN NITO? GOB. MALIKSI Hindi na dapat magkamali pa ang Cavite muli. Never again. Sa labsi na pamumulitika, nagkakapangkatpangkat ang mga tao, nagkakagulo, walang asenso, walang progreso. Sa mga susunod na lider at tagasunod sa mga lider na ito, sana, matuto na tayo. Pati na rin sa mga taga-media, wag sanang magpagamit sa mga politiko. Napakarangal ng propesyong pama-
ating lalawigan. Napilitan tuloy lumipat ang MERALCO sa Sucat. Kaya naging aral sa akin kung gaano kasama ang labis na pamumulitika. Ito ang gusto kong ipamana sa
mahayag, wag sanang ipagbili ang integridad ng pahayagan. Napatunayan na natin ‘yan. Iisang bangka tayo. Pag lumubog ang Cavite, damay tayong lahat.
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009 ANG Tsunami ay sunodsunod na dambuhalang alon na karaniwang likha ng lindol na nagmumula sa ilalim ng dagat.Ang taas nito ay maaaring humigit pa sa 5 metro.Ang tsunami ay napagkakamalang tawagin “Tidal Wave” at kung minsan ay iniuugnay sa alonng likha ng bagyo (“storm surge”).Ang tsunami ay nangyayari kung ang pinagmulan ng lindol ay mababaw at sapat ang lakas upang magalaw ang ilalim ng dagat at matinag ang tubig na nasa ibabaw nito. Lokal na Tsunami Ang mga baybaying dagat ng Pilipinas,lalo’t higit ang mga lugar na nakaharap sa karagatan ng Pacific,at mga mga dagat ng South China, Sulu, at Celebes ay maaring maapektuhan ng mga tsunami na maaaring likhain ng mga lindol na mangmumula sa kalapit na lugar. Noong ika-17 ng Agosto 1976, isang lindol na may lakas na M7.9 sa Moro Gulf ang lumikha ng tsunami na sumalanta sa timog kanlurang baybayin ng Mindanao,kumitil ng 3,000 buhay,at higit-kumulang sa 1,000 tao ang nawala. Mahigit din sa 1,000 tao ang nawala. Mahigit din sa 8,000 katao ang nasugatan at tinatayang 12,000 mag-anak ang
nawalan ng tirahan dulot ng mahigit 5 metrong taas na alon. Ang lindol na naganap sa Mindoro noong ika-15 ng Nobyembre 1994 ay lumikha din ng tsunami na nag iwan ng 78 patay. Ang unang alon ng mga tsunami na ito ay nakarating sa pinakamalapit na baybayin mula sa episentro sa loob ng 2 hanggang 5 minuto matapos ang lindol.Ang mga tsunami na ito ay parehong malapit ang pinagmulan o “locally generated”.Walang sapat na panahon upang makapagbigay babala kung ang tsunami ay “locally generated”. Mga Tsunami na Malayo ang Pinagmulan Ang tsunami ay maaari ding manggaling sa malayong lugar,tulad ng mga bansang nakapalibot sa karagatan ng Pacific gaya ng magmumula sa bansang Chile,Alaska sa USA at Japan (far field tsunami). Ang tsunami noong ika-2 ng Mayo 1960 na likha ng malakas na lindol sa Chile ay kumitil ng 61 buhay sa Hilo,Hawaii habang 20 katao ang inulat na namatay sa Pilipinas.Higit na mataas (1 hanggang 24 oras) ang paglalakbay ng mga tsunami na galing sa malalayong lugar bago umabot dito.Dahil dito, may sapat
Madyik
NI PAMELA MARANCA, CAVITE YOUNG WRITERS ASSOCIATION, INC. MINSAN pa lang akong bumoto. Walo o siyam na taon na ang nakararaan. Antagal na. Kaya siguro hindi ko na maalala kung sino-sinong mga pangalan ang naisulat sa papel. Ang alam ko lang, bumoto ako dahil ayokong ma ‘op’ sa mga kakilala at kaibigan ko. Gusto kong makapagmayabang. Ang ganda kasing pakinggan ng mga salitang “bumoto na ‘ko, ikaw?” Parang may madyik, may kakaibang lakas. Tulad din ng “kaya kong lumakad sa baga, ikaw, kaya mo? Pagkatapos ng eleksyon, balik sa ‘wala lang’ na buhay. Bahala na sila dyan sa puli-pulitika nila, basta ako kumakain tatlong beses isang araw. Nagaaral. May uniform na hindi butas. Plantsado. Nalungkot ba ako na natalo ang manok ko sa eleksyon? Parang. Pero hindi ko na maalala talaga. Kulang-kulang isang dekada matapos ang pagkamulat ko sa kawalang pakialam sa mundo, naramdaman kong nakakasawa rin pala. Nakakapagod nang magkibit-balikat, ah. Subukan mong maghapong itaas-baba ang balikat mo. Nakakangimay. Nakakaparalisa. Pagkatapos nun parang gusto mo na lang ipagpag nang husto yung mga kamay mo para dumaloy ulit nang tama ang dugo. Ngayon ko na lang naisip na walang laman ang tanong ko noon. Walang madyik. Maraming tao na rin pala ang nakalakad sa baga nang hindi napapaso. Walang ekstraordinaryo doon. Pero kailan na nga ba ulit ang eleksyon? Di bale, sasabihin naman sa tv kapag malapit na. Sa umaga ako pupunta. Bahala na kung siksikan sa ganoong oras. Naaakit akong makita ang pagsasama nang napakaraming tao. May hiwaga.
7
NI NADIA DELA CRUZ
na panahon para makapagbigay ng babala ang Pacific Tsunami Center (PTWC) at Northwest Pacific Tsunami Advisory Center (NWPTAC). MGA LIKAS NA PALATANDAAN NG ISANG PADATING NA “LOKAL NA TSUNAMI” 1.Lindol na may lakas upang maramdaman 2.Kakaibang pagbabago sa antas ng tubig dagat: biglaang pagbaba o pagtaas. 3.Dagundong na likha ng papalapit ng alon. Kahandaan at Kaligtasan kung may Tsunami .Sa pag urong ng tubig dagat,kakatuwang tanawin ang kadalasang masasaksihan.Ang mga isda ay maaaring maiwan sa buhanginan na makaaakit sa mga tao upang ito ay kunin. Ang mga “sandbars at “coral flats”
ay maaarong malantad. Ang mga ito’y makahahalina sa mga tao upang magtipon sa tabing dagat na lalong maglalagay sa panganib sa higit na nkararaming tao. 1.Huwag mananatili sa mabababang lugar sa malapit sa dagat pagkatapos ng isang mala-
kas na lindol.Agad magtungo sa higit na mataas ng lugar. 2.Kung makapansin ng kakaiba sa dagat tulad ng biglaang pagbaba ng tubig, kaagad lumikas patungo sa mataas na lugar.3. Huwag bumaba sa dalampasigan upang panoorin ang tsunami.
Kapag abot-tanaw na ang mga alon, labis ka ng malapit upang maiwasan pa ito. Babala: Lumayo sa mapanganib na lugar hangga’t hindi naglalabas ng hudyat na “ligtas na” o “all clear” mula sa mga kinauukulan.
The provincial officers of SAMAHANG MAGDALOCavite Chapter: MR. FERNANDO PAGAL JR. & MRS. JULIE PAGAL -Area Coordinators of Molino Bacoor Cavite; MR. MELCHOR LOPEZ -Area Coordinator of Cavite City; MR. REX DEL ROSARIO Area Coordinator of Indang Cavite; MR. MALVIN Chapter President of General Trias Cavite; MR. PERLADO -Retired Police; MR. NOMER BAYAS Retired Marines; BRGY. CAPT. TEODORICO REMULLA -Chapter President of Dasmarinas Cavite; MR. ISABELO NAVALES -Area Coordinator of 2nd District of Cavite; 2Lt GREGORIO RESTRIVERA Chapter President of Carmona Cavite; LEA BORDAMONTE -Active Member of NCR; and 1Lt DANNY CANAVERAL Coordinator At Large of Samahahang Magdalo.
8
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
Sali na sa Samahang Magdalo…para sa Pagbabago!
ANG inyong lingkod ay kasalukuyang organizer ng samahang ito at kasalukuyan ding municipal coordinator sa aming bayan sa Indang. Ang Samahang Magdalo ay isang pambansang kilusan, subalit kaakibat din nito ang pagiging sibiko. Ito ay binuo at itinatag upang magbukas ng pinto sa mga sibilyan at mamamayang Pilipino na nagnanais na maging kabahagi ng Magdalo nina B/ Gen. Danilo Lim, Sen. Antonio Trillanes at Lt.Sg. James Layug. Ang Samahang Magdalo ay nasa patnubay ng Magdalo at ito ay kinikilalang legal na organisasyon na pinamumunuan naman ni Capt. Gary Alejano at
HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT
CAPRICORN – Alinmang bagay ay mapag-uusapan. Maaayos ang lahat kung ang bawat isa ay bibigyan ng pagkakataong makapag-salita. Lucky days – Tuesday/Sunday AQUARIUS – Makakasama ka sa isang kasiyahan na kailanman ay di makakalimutan dahil doon mo makikilala ang taong magpapatibok ng sarado mong puso. Lucky days – Wed/Fri PISCES – Hindi mo dapat iasa sa iba ang kapalaran. Pagtrabahuhan at paghirapan mo ang alinmang bagay na sa iyo ay magpapa-unlad. Lucky days – Thurs/ Sat. ARIES – Ito ang tamang panahon na ipagtapat ang nasasaloob baka maunahan ka pa ng iba. Lucky days – Mon/Sun. TAURUS – Hindi mo masasabi ang kapalaran. Idalangin sa Maykapal ang kahihinatnan ng bawat desisyong gagawin. Siguradong maiiwasang gumawa ng maling pasya. Lucky days – Tues/Wed. GEMINI – May swerte ka sa negosyo. Huwag ipagkatiwala sa iba. May posibilidad na di magtatagumpay. Lucky days – Fri/Sat. CANCER – Huwag magtiwala sa isang kaibigan na nagmamagandang loob sa iyo. Dahil may maitim na balak ito. Lucky days Fri/Sun. LEO – Hindi mo nalalaman na nasasaktan mo na pala ang kanyang damdamin, maging sensitibo sa iba. Bigyan ng panahon at oras ang pag-uusap. Lucky days – Mon/Wed. VIRGO – Galit ka sa kasinungalingan, di mo ba alam na ikaw ay ubod din ng sinungaling diba? Lucky days – Fri/Sat. LIBRA – Naglilihim ka sa iyong minamahal dahil umiibig ka sa iba. Alalahanin mo na walang lihim na di nabubunyag. Lucky days Tues/Fri. SCORPIO – Magiging mabilis ang mga pangyayari sa iyong harapan. May palatandaang hindi mo na rin makukuhang mag-isip pa ng husto kaya pinagiingat ka sa mga manloloko. Lucky days – Sat/Sun. SAGITTARIUS – Kakaibang sigla at sigasig ang madarama mo sa ngayon., dahil ang gusto ng langit ay magsimula kang kumilos para sa iyong tuluyang pag-asenso. Lucky days – Mon/Tues.
Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipaguganayan kay Dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 504-0872 / 0916-1215880
may rehistro sa Security & Exchange Commission (SEC) bilang CN200803760. Sa ngayon ay patuloy po ang mabilis na paglawak at paglakas ng samahang ito sa loob at labas ng Pilipinas. Kung kaya kami ay patuloy na nanawagan sa lahat ng Pilipino na naniniwala pa sa katotohanan, katarungan at kawastuhan na kayo ay sumama at makibahagi sa amin. Narito ang ilan sa mga impormasyon ng aming samahan: The Magdalo The Magdalo is a national movement that advocates good governance and social justice. Its vision is to have a peaceful, progressive and prosperous Country with a united Filipino citizenry. The Magdalo was founded by a group of reformist officers and men of the Armed Forces of the Philippines who upheld their Constitutional mandate as the protector of the people and the state, and bravely fought the corrupt and oppressive Gloria Macapagal-Arroyo regime. The group’s members were eventually incarcerated for their convictions. However, even after several years of detention, they remain steadfast in their belief that the Filipino people deserve a better government. Today, the Magdalo symbolizes courage in the face of adversity; honesty and integrity in public service; and high sense of patriotism and nationalism.
The Samahang Magdalo The Magdalo believes that the only way towards its vision is to have a united, responsible and empowered citizenry. To this end, the Magdalo decided to open its doors to people from all walks of life, who share the same dreams and aspirations for our Country. Thus, the Samahang Magdalo was born. The Vision SAMAHANG MAGDALO envisions an empowered, responsible and enlightened Filipino citizenry as a vanguard for societal change and ultimately as a main pillar of a strong democracy. The Mission SAMAHANG MAGDALO is a volunteer organization that intends to promote the MAGDALO principles and advocacies and instill the MAGDALO Core Values to its members. Sa susunod na labas ng pitak na ito ay patuloy nating tatalakayin ang Samahang Magdalo upang maipakilala ito ng husto sa lahat ng Pilipino sa loob at labas ng ating minamahal na bansa. Hinihimok din natin na sumali at makiisa ang lahat ng naniniwala sa prinsipyo ng aming samahan. Sasagutin din natin sa susunod na linggo ang mga tanong na bakit ako sasali, sino ang maaaring sumali, ano ang responsibilidad ng isang Magdalo at ano ang magagandang katangian na dapat isabuhay ng mga aanib ng Samahang Magdalo
Armas ng kalaban WALA pang isang taon ang lumilipas isang Sarhento ng Marine na kapwa ko Kabitenyo ang aking nakausap ng makasibay ito sa aming sasakyan mula sa kanilang kampo na aming pinuntahan. Nabuksan namin ang usapan tungkol sa mga gamit nilang armas at ang isyung pumutok noon, ang pagbebenta ng mga armas sa mga kalabang MNLF, MILF, NPA at Abu Sayaff na kinasasangkutan ng mga mismong matataas na opisyal ng kasandaluhan (?). Maingat at may lumbay ang sagot sa akin ni Sarhento sa tanong ko kung anong masasabi nya sa isyung iyon. “Mahirap magsalita, ang problema kasi kami mismong mga marine ang laging nasa una e, kaya sa amin lagi ang unang nalalagasan, ang masakit pa, bala at mismong baril na dapat sa amin ang siyang lumalagas sa mga ka-brod ko...” Taong 1896-1898, kasagsagan ng pakikipaglaban ng ating mga kababayang katipunero laban sa mga kastila. Sinasabing mga gulok at sibat ang pangunahing armas ng mga naghihimagsik noon, pero iyon ay simula lamang at hindi nagtagal, sa kadahilanang marami ng labanan ang naipanalo ng mga naghihimagsik at simula una pa lamang ay nakaugalian na ng mga naghihimagsik ang tinatawag na agaw armas o pulot armas. Kaya hindi nagtagal ay gumagamit na rin ng baril ang katipunan sa pakikipaglaban. Kung noong una’y mga matataas na tao lamang gaya ng, Illustrado o Elitista at mga opisyales ang humahawak ng baril hindi nagtagal ay maging mga ordinaryong sundalo’y nagkaroon na rin ng mga ito. Ang nagbigay linaw sa mga klase ng baril na hawak ng katipunan ay noong panahong nililitis si Supremo Andres Bonifacio, kung saan iniharap sa korte ang mga klase ng baril na nakuha sa kanya at kanyang mga kasama sa pagdakip na ginawa sa Limbon, Indang. Ilan sa mga kasama sa listahan ay dalawang Mauser kung saang ang isa ay may nakaukit na A.B (Anak ng Bayan o Andres Bonifacio?) at may numerong L 2798, ang isa naman ay may numerong K 2894 na kapwa din natuklasang may nakaukit na A.B.
Bukod sa dalawang Mauser na iyon ay labing apat pang Remington na binubuo ng eskopeta at shotgun na may isahang labasan ng bala at dalawahang labasan ng bala ang di umanoy nasulimbat. Ang hindi lang naging malinaw sa akin ay sa kung paanong paraan nila iyon ginagamit, marunong kayang gumamit ang mga pilipino ng baril noon, kung saan nalaman ko pang ginagamit pala ng mga pilipino ang kanilang mga baril ng walang praktis-praktis o ensanyo dahil na rin sa pagtitipid ng bala. Ako man kasi sa aking sarili’y aminadong hindi ganung kadali ang paggamit ng baril o pagiging asentado, ano pa’t pagdating sa totoong labanan at hindi na lata o ibon ang binabaril ko, kung hindi mga kalaban na alam mong tutuluyan ka talaga pag di mo naunahan. Pero gaya na lamang ng aking nabasa na ayon daw sa utos ni Heneral Emilio Aguinaldo, bawal daw ang magpaputok ng baril kapag wala pa sa dalawampung piye ang lapit ng kalaban sa mismong kinatatayuan. Isang patunay na hindi ganung kagaling ang ilang naghihimagsik sa paggamit ng baril kung kaya’t kulang na lang na iutos na ipukpok na lang ang baril sa mga kalaban pagmalapit na. O, maaaring isa pa sa dahilan ay kawalan na ng mga baril na ito sa tamang sight dahil nga ang ilan dito ay may mga sira na dahil maaring liko na ang iba, wala ng sipatan at may sira ang gatilyo, may depekto ika nga ng iba. Gaya na lang ng isa pang utos na binigay ni Heneral Emilio Aguinaldo sa mga sundalong nasa Malolos noong 1899, sa kanyang sulat ay kanyang sinabi na iwasan daw magpapuputok ng medyo mataas ang pagkakatutok dahil lumalabas daw ang magandang resulta pag medyo mababa ang pagkakatutok sa kalaban. Wala daw sa dami ng naiputok ang ikapapanalo sa laban pero nasa magandang resulta ng naiputok. Gaya ng mga Marine ngayon, ganun din kaya ang nararamdaman ng mga kastila noong panahon ng himagsikan? Kung saan mga sarili nilang baril ang pumapatay sa kanila. Bakit kaya di gawin ng mga sundalo ngayon na ang ibenta sa mga kalabang NPA, Abu Sayaff, MNLF at MILF ay ang mga baril na may depekto? O baka naman ayaw talaga ng gobyernong matapos ang gulo.
SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
Nardong Putik
Kuwentong Antinganting: Sa wakas ay napagusapan din ang tungkol sa mga iniingatang anting-anting ng kanyang ama. Ayon sa kanya, mayroon daw kasabihan ang mga matatanda na ang mga anting-anting ay hindi dapat mahipo o mahawakan ng babae dahil nawawalan ito ng bisa. Isang kalmen ang natatandaan at napansin niyang nakadikit sa kuwelyo ng damit ng kanyang ama. Isang araw ng Biyernes ay nahipo niya ang nasabing kalmen sa pagaakalang umalis na ang ama at nakalayo na ito sa kanilang tahanan. Walang anu-ano’y lumitaw ang ama at kinuha ang kanyang kalmen. Matapos ang dalawang araw, Linggo noon at kapapanganak pa lamang ni Esther, namatay si Nardo kung kaya’t malakas ang kanyang paniniwala na totoo ang kasabihang bawal hipuin ng mga babae ang mga anting-anting. Alaala ng isang Ama Naniniwala si Esther na naging mabuting ama din si Nardo sapagkat sinubukan nitong bigyan ng maganda at masaganang buhay ang kanyang
pamilya. Maganda rin daw ang naiwang alaala ng kanyang ama lalo na sa mga kapwa Kabitenyo sapagkat marami itong natulungang kababayan. Ang lahat ng kabutihang ginawa ni Nardo ay pinaniniwalaan nina Esther na nasuklian ng magandang kapalaran nilang magkakapatid. Mayroon na silang mga sariling pamumuhay – mga ulilang lubos, ngunit hindi naiwang kaawa-awa bagama’t kung minsan ay nakararanas ng kakulangan sa pananalapi. Sa huli ay naihabol ni Esther ang alaala ng napakaraming taong nakiramay sa pagkamatay ng ama, isang eksenang nagpakilala sa kanilang ama bilang isang tipikal na Kabitenyong may mahusay na pakikipagkapwa. Matapos ang paanyaya kay Esther ay hinanap naman ng may-akda ang puntod ni Nardong Putik sa sementeryo ng bayan ng Dasmariñas. Hindi ito mahirap matunton sapagkat madali itong naituro ng isang matandang nagtitinda ng mais sa tabi ng munisipyo. Sa Piling ni Bating: Panayam sa Pangalawang Babaing Minahal ni Nardo Likas dawn a palikero si Nardong Putik. Maraming kwento tungkol sa kanyang mga pkikipagrelasyon sa ilang kababaihan, sa katunayan, isa ito sa mga ipinakita sa pagsasapelikula ng kan-
Anak ng Imus: Tomas Tirona (Makata)
SASABIHIN ng sino mang kabataang may malalim na kamalayan sa pinagdaanang mga unos at daluyong ng kasaysayan ng Pilipinas. Mapalad ang mga taga-Cavite dahil nasaksihan nila ang himagsikan. Isasagot naman ng matatandang Caviteño: Tunay ngang mapapalad kami dahil ang maging saksi lamang ng himagsikang iyon ay isa nang dakilang tatak sa amin ng pagiging makabayang Pilipino. Nagdaan sa paningin ni Tomas Tirona (1879 – 1900), ang makata ng Imus, ang maraming mga pangyayari sa kanyang bayan at mga karatig niyon noong huling dekada ng ika-19 na dantaon. Nahigop siya ng mga kaganapang iyon hanggang sa matuklasan niyang saksi nap ala siya ng rebulusyon mula sa kanyang sinilangang bayan hanggang sa pinakakubling silid ni Heneral Emilio Aguinaldo sa tahanan nito sa Kawit. Nakaharap niya ito, nakasalamuha, maaaring pinagtiwalaan ng ilang lihim dahil nag-
Ikat-4 bahagi
yang bahay. Isang tunay na pagiging kilabot sa mga kababaihan ni Nardo ang pagkakaroon ng mga kinasamang babae sa iba’t ibang bayan ng Kabite noong mga panahong ito ay nagtatago pa sa mga alagad ng batas. Ayon pa sa usap-usapan, maraming kababaihan ang nagmamalitang isa sila sa mga naanakan ni Nardo, nguni’t marami rin sa kanila ang hndi nagsasabi ng totoo. Sa kung anumang dahilan kung bakit ninanais nilang nilang magkaroon ng ganitong pagkakakilanlan
PASAWAY Dear Ate Bebang, Palaging magulo ang bahay namin. Kaya hindi kami nagkakasundo-sundo ng aking mga kasambahay. Palaging nagagalit ang aming nanay pero kasama rin siya sa nagkakalat. Cora ng Bendita, Magallanes, Cavite
9
Ay mahirap mawari. Parang kuwento ni Elvis Presley, isang alamat na rock and roll singer ng Estados Unidos, na maraming babaeng naghahabol dahil naanakan daw sila nito.Ang likas na karisma marahil at kasikatan o pagiging popular sa lalawigan ang nagbunsod sa mga babaeng naghahabol kay Nardo. Isa sa mga tunay na nakasamang babae ni Nardo na siya ring ipinakilala sa pelikulang kanyang buhay ay si Beatriz Monton Magsino isang biyudang nakatira sa Purok 12, Bacao, Heneral Trias, Kabite. Pinatoto-
hanan ni Esther ang pagkakaroon ng relasyon ng kanyang ama kay Aling Bating. Siya pa nga ang nagsabi kung saang pook makikita ang tirahan ng pangalawang babae ni Nardo. Marahil ang labis na pangungulila ni Nardo sa kanyang pamilya sa panahon ng kanyang pagtatago sa mga liblib na lugar sa Kabite ang nagtulak sa kaniya upang humanap ng babaing mamahalin at pakikisamahan. Sa kabila ng kanyang naiwang pamilya sa Dasmariñas, muling umibig si Nardo sa isang biyudang tagabayan ay isinilang noong Hunyo 17, 1929. Si Aling Bating ay maliit (tila 4 na talampakan lamang), may kayumang-
ging balat at medyo may kapayatan, nguni’t mapapasin malakas pa rin ang pangangatawan. Simple lamang ang uri ng kanyang pamumuhay. Kadalasan ang kanyang panahon ay ginugugol na lamang niya sa pamamasyal sa mga anak na kapitbahay lamang niya at sa pag-aalaga ng mga apo. Bilang tanda ng paggalang ay tinawag siyang Nanay Bating ng mayakda sa panahon ng panayam. Katanghaliang tapat at napakainit ang panahon noon, kasing init ng naging kuwentuhan. Narito ang buod ng panayam kay Beatriz “Bating” Magsino, ang pangalawang babaing minahal ni Leonardo Manicio.
Mahal kong Cora, Naku, mahirap ‘yan. Pati pala si Nanay, pasaway. Pero, pero, pero maganda ring unawain natin si Nanay. Baka naman sobrang pagod na siya sa trabaho o iba pang gawain kaya hindi na niya inaasahan na siya pa ang magliligpit ng kanyang mga kalat. Kung ito ang sitwasyon, maging mabait na lang kay Nanay. Ikaw na ang mag-ayos o magligpit ng kalat niya. Ikaw din, di ba, pag pagod ka, laking tulong kung iba ang nag-aayos o nagliligpit ng kalat mo? Pero kung hindi at palakalat lang talaga siya at ang iba mo pang kasambahay, problema nga iyan. Kasi alam mo, Cora, wala tayong magagawa para baguhin ang ibang tao. Ang kaya
lang nating baguhin ay ang sarili natin. Kailangan kasi, para magbago ang isang tao, ay ginusto niya talaga ang magbago. Kung magbabago siya dahil sa iba o dahil sa sabi ng iba, tiyak na hindi magtatagal ang pagbabagong iyon. Babalik at babalik siya sa dating siya. Magulo ba? O, ganito ‘yan: kung ang mga kasama mo sa bahay ang dahilan kung bakit magulo ang bahay ninyo, wala kang magagawa diyan. Kahit pakiusapan o utusan o pagsabihan o sermunan mo sila maghapon magdamag, wa epek. Ibig sabihin, kailangan mong magtiis na magulo ang bahay ninyo. Ngayon, kung hindi mo matiis, ikaw talaga ang aaksiyon. Ayusin mo ang
bahay ninyo. Magligpit ka. Ang resulta niyan: aayos ang bahay at gaganda ang pakiramdam mo. Maaari ring mahiya nang magkalat ang mga kasambahay mo. Maaari ring maisip nilang maganda pala ang bahay ninyo kapag walang kalat kaya maaaring gayahin nila ang ginawa mo. At kapag ito ang nangyari, ang resulta niyan: everybody happy. At wala ‘yang ibang dahilan kundi ang aksiyon mo. Okey, di ba? Good luck sa iyo, Cora. Nawa’y mapasaiyo ang tahanang kalat-free! Ako pa rin, Ate Bebang *** Kung may tanong o suliranin ukol sa pagibig, seksuwalidad at relasyon, mag-email sa beverlysiy@gmail.com
ing ayuda siya sa mga gawain nito bilang heneral ng rebulusyon. Magiging ganap sana siyang malikhaing heraldo ng mga sumunod pang mga kabanata ng ating kasaysayan kundi lamang siya maagang binawian ng buhay. Marahil, angkop na parangal para sa kanya ang sinulat niyang pinakahuling mga taludtod: Paalam, mga bayani’t magbalik sa langit Huwag nang tumingin sa lupang may bahid ng kulo ng dugong sa diwa natigis… ng pumanaw nating kasama’t kapatid. Kaisipa’y naisigaw sa sandali ng pagpanaw ng sakdal-putting rosal ng lupaing Malay aakyat sa langit, wari’y hamog na malinaw ang hiling ko sa Diyos, sa Bathalang minamahal Katubusang ganap igawad sa abang bayan. Ngunit, sino si Tomas Tirona? Kung siya’y makata ng Imus, bakit hindi siya naririnig sa hanay ng mga kabataang sumunod sa kanyang henerasyon? Bakit wala ang mga bakas niya sa alinmang pahina ng mga librong laganap sa mga paaralan, pribado o publiko man? Mismong ang mga manunulat ng Cavite, malikhain man o mamamahayag ay walang kabatiran tungkol sa kanya. Ang sagot ay nakasalig sa sistema ng promosyon ng edukasyon at kultura ng kasalukuyan, na ang prayoridad aya nakagapos sa ganitong kaayusan: pandaigdig, panrehiyon, pambansa, panlalawigan, at pambayan. At ni walang banggit sa mga nayon at sityo. Nakalulungkot isiping nakakatapos ng mga kurso hanggang sa kolehiyo at paaralang gradwado ang
isang estudyanteng Pilipino na hindi na “nakababalik” ang kanyang kamalayan sa kanyang pinagmulang lalawigan, bayan, nayon, at sityo. Pagkaraan ng kapos na pag-aaral tungkol sa kanyang bansa, ang babalingan na’y ang mga bagay-bagay na panrehiyon at pandaigdig tulak ng rahuyo ng paghahanap ng ikabubuhay. Sa layo ng kanyang “narrating” sa pag-aaral sa ganitong sistema ng edukasyon at pagpapalaganap ng kultura, malamang ay naging tiwalag o malayo na siya sa kanyang lupang sinilangan. Kaya wala na sa kanyang isip ang tungkol sa kung sino ang taong nakapangalan sa mismong kalyeng kinatitirikan ng kanilang tahanan; kung sinusino ang nagpasimula ng mga gusali’t istruktura sa kanyang paligid tulad ng simbahan, liwasan, unang paaralan, at iba pa; kung ano at bakit naganap ang mga pangyayaring pinaghanguan ng mga salaysay, tula, at kantahin ng kanilang bayan. Isang trahedya n gating panahon na ang mga residente ng isang bayan ay isinisilang, nag-aaral, at naghahanapbuhay, umaalis at bumabalik sa kanyang tinubuang lupa, yumayao’t nalilimot nang hindi na nabigyangpagkakataong mabatid ang mahahalagang bagay sa kanyang kapaligiran: kasaysayan, literature, kultura’t tradisyon ng bayan at iba pa. Ngunit darating din siguro ang panahon, na aalamin at pagaaralan muna ang mga local na bagay, na hahantong, halimbawa, sa pagtuturo ng tungkol kay Tomas Tirona sa mga paaralang elementarya at sekundarya sa Imus, kasama ng iba pang mga bayani at personalidad na nagmula rito at naging bahagi ng isang dakilang panahong nakalipas.
10 SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
ni eros atalia
Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006) (Ika-4 SIMULA noon, palihim na nag-aral lumangoy si Intoy. Sa una ay pakuyakuyapit pa sya sa mga poste sa silong ng mga bahay. Hanggang sa poste ng pantalan. Hanggang sa magpalipat-lipat na sya ng poste ng mga pantalan. Hanggang sa kaya nya na talagang lumangoy. Hanggang sa kaya nya nang makipaghagaran-taya sa mga
labas) kalaro. Sya ang laging panalo sa karera sa paglangoy. Sya ang pinakamatagal sumisid. Di baleng makainom sya ng tubig at magkasugat-sugat sa mga nakausling kawayan o poste, basta’t doon man lang ay ituring syang magaling, sa paglangoy at pagsisid. Sa kanilang magkakaibigan, si Berto ang pinakamalakas. Punggok
Good Morning Teacher
MULA SA PAHINA 5
Dito sa Cavite, asenso ng matatawag at maituturing. Naglipana na kasi ang mga multi national corporation at foreign companies. Di mo na kailangang lumayo pa o pumasyal ng Maynila para magrelax, magtrabaho at mag-aral. Mismo dito sa sarili mong bayan, masisiyahan ka na. Andiyan na ang Jollibee, Mc Donalds, Chowking, Pizza Hut, Mister Donut, Dunkin Donut, Mercury Drug Store, 7 Eleven, Western Union, LBC, Robinson’s at SM. Ang mga beauty parlors, spa, at massage; in pa rin dito. Pinasok na rin ng mga kilalang beauty expert gaya nina Ricky Reyes, James Cooper, David Salon, Carlo Reyes, Edmond Samot at Famy Serran. Pati mga beauty products endorsed by Belo, Calayan, HBC, Avon ay nandito na rin. Of course, di pa rin nawawala at nagpapatalo ang mga computers shop na in-na-in sa mga students. (Sad nga ako dito, sa pangyayaring ito!) mga bangko tulad ng MetroBank, PNB, PS Bank, BPI, RCBC at syempre ang Rural Banks. Mga fine Dine-in Restaurant gaya ng Servando’s, Josephine’s, Aurora’s, Cheefu, at Chibugan. Sikat na sikat pa rin ang Island Cove. Mount Sea, Picnic Grove at Mushroom Burger. Join pa rin ang mga flower shops, barber shops, at pawnshops; di pa rin pahuhuli ang mga gas station; Caltex, Shell, Petron. Nagsulputan na rin ang mga drinking water station gaya ng Water Coast at Aqua 2599. Higit sa lahat, may mga diyaryo pa ring binabasa ang mga tao. Lumalaban na sa dami ng nagbabasa ang pinakabago at pinakamainit na pahayagan ng Masang Kabitenyo, ang “Responde Cavite”; bukod sa mga de-kalibreng manunulat, mahusay na tagapamahala nito, siksik na balita at lathalain, makatotohanang pagsusulat at tiyak na kapupulutan ng aral, ang pahayagang ito ay magiging instrumento ng pagpapanibago ng Sambayanang Kabite – Palaban, Responsible at Risonable. Wow galling! Pasulong na ngang tunay ang probinsya ng Cavite. Tuluy-tuloy na ito sa pag-unlad at pagbabago. Panatilihin at Kapit-kamay pa ring magkaisa para sa ating Liping Caviteño. At huwag sana nating makaligtaan na ang lahat ng ito’y, utang at gawa ng ating Poong Maykapal. Tayo ay magpasalamat at magbigay papuri para sa Kanyang Biyaya sa ating lahat. Hayaan nating, tayo’y gabayan at basbasan ng Kanyang Awa’t habag. Doon Lang! Let’s go! Ang still, let God takeover! oOo Good Morning Teacher! Ang palagiang pagbati ng Umagang Kayganda at bagong Pag-asa. Edukasyon…Kahit saan…Kahit kailan…Katuwang sa Karunungan at Kaunlaran. PAHABOL: Sa mga nabanggit na establishment, libre na ADS po ito ha? Ok po ba? Sa susunod, papasyal po ako at kung nais ninyong magpa-advertise, pagusapan po natin. Salamat po!
na malaki ang katawan. Bato-bato. Tagaigib ba naman ng tubig-tabang sa buong isikinita nila kung hindi lumaki ang katawan at mapunggok. Tinawag itong baka dahil atungal baka si Berto pag pinapalo nang kanyang nanay. Gala, malakas ang loob at may kakulitan. Kasama nya ngayon ito sa inuupahang maliit na bahay-bahayan sa tabing dagat. Kasalukuyang tagahugas ng bus. Madaling araw ang pasok, bago magtanghali ang uwi. Si Boyet ay binansagang bagol kasi nahuli itong nangungupit ng bagol sa tindahan. Bata pa lang daw kumakana na. Ewan kung likas na malikot ang kamay. Naging batikang manananggal (ng sinampay, gamit, bisekleta) sa kanilang baranggay at pinagkakaisahang gulpihin ng taong bayan. Hanggang sa hindi na makita. Ang huling balita ay nakakulong daw ito ngayon sa Maynila. Si Yeyeng Tikol sana ang matalino sa kanilang lahat. Ito lang ang nakatuntong ng mataas-taas na pinag-aralan kung hindi lang nagkaletse-letse. Matapos maglimang taon sa Saudi ang kanyang ama, umuwi itong una ang ulo at isinunod na lang ang katawan. Noong maliliit pa sila, pirming nakapasok ang kamay ni Yeye sa loob ng shorts. Nagtitikol daw. Nang
magbinata, di na sya tinawag na Yeye Tikol, Ariel na (ito ang tunay nyang pangalan), di na raw pwede ang tikol. Malaki na kasi kaya Ariel Burat na sya ngayon. Nahilig magaral kahit walang laman ang bulsa at tyan, natutong mag-shabu. Kaya’t si Yeyeng Tikol o Ariel Burat ay madalas nasa kanto ng Kalye Marino, nagtatawag ng mga dalagitang naglalakad habang ipinakikita ang pagbuburat. Si Doray Langaw… ano ba ang kadalasang kwento ng lumaki sa iskwater na walang pinagaralan, na iniwan ng mga magulang at tumayong
ina’t ama sa dalawang nakababatang kapatid, na may itsura naman kahit papaano basta’t maliligo lang at magsisipilyo, magpulbos ng kaunti at lipstik? E, di puta. Di naman. Di naman puta si Doray Langaw. Pakangkang lang daw ito sa mga mambabasnig. Ang basnig ay malaking bangka na tumatagal nang ilang linggo sa dagat. Sari-saring isda ang huli ng mga ito. Pagkadaong sa katihan o barahan, magbebenta ng isda ang mga mambabasnig sa namamakyaw sa pandawan. At dadayo doon si Doray. Tilapya naman nya ang
kanyang ibebenta. Huhugasan sa hapon para maagang mabenta. Mabilis kasi itong mabilasa sa gabi. Kasi naman, kahit disisyete pa lang ang kanyang tilapya, para na itong kwarenta ‘y singko anyos na galunggong. Kung malakas ang benta, maagang gagarahe si Doray. May pambili na ng pagkain at bigas. Kung mamalasin at babaratin ang kanyang tilapya, palitisda na lang. Okay pa rin. Ibebenta na lang nya kinaumagahan ang isdang ipinambayad sa kanyang inilakong tilapya noong nakaraang gabi. ITUTULOY
MAAYAP aabak mga abe at kabalen. Ako po ay ang days. Noong po 1962 ay ako ang nanguna sa pagtatinaguriang “POOR BOY FROM LUBAO”, wala pong iba kundi si Diosdado Macapagal. Ipinanganak po tangkang maibalik bilang bahagi ng Pilipinas ang ako noong Setyembre 28, 1910 at ako din po ang pulo ng Sabah. E ngayon, pinapauwing sapilitan ang mga kababayan nating nakatira sa Sabah e atin ngaikasiyam na pangulo ng Pilipinas. ng lupain iyon e. Pinabayaan na ng anak ko. Anu-ano po ba ang nagawa ko para sa bansa? Isa lang ang nais ko. Nilinis ko po ang banMaalala ng mga Pilipino sa sa katiwalian sa panaang mga mabuti kong nahon ng panunungkulan gawa. ko. Nakakalungkot lang at Kahit di na ako bigyan kabaligtaran ang ginagapa ng parangal sa Dioswa ng anak kong si GMA. dado Macapagal Avenue. Ako din po ay nagsaAyaw ko pong madungigawa ng programa sa san ng pangungurakot pagpapaunlad ng Wiang pangalan ko. Pakisakang Filipino. Ewan ko ba Talumpati ni Diosdado Macapagal bi po sa anak ko at sa asasa anak ko at ang kam(na angkop isaulo at bigkasin ng isang grade two) wa niya. panya niya ay English Marangal ang angkan Speaking Policy. Ako din po ang naglipat ng pagdiriwang ng Araw ng Macapagal. Ako po, ang POOR BOY FROM LUBAO ng Kalayaan natin mula July 4 sa petsang June 12. ay isang marangal na tao na sana ay pamarisan ng Iyan po siguro ang dahilan kung bakit mahilig din mga kabataan. Maraming salamat po. ang anak ko na sa paglilipat ng petsa ng mga holi-
TRIPLE R
PR SPECIALIST
For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209
11 Pagtaas ng tubig dagat sa Cavite, 1-3 metro ang ilalalim SETYEMBRE 27 -OKTUBRE 03, 2009
GLOBAL WARMING
Noon… Dumaan sa Cavite ang Bagyong Sening noong Oktubre 10-15, 1970. Nakapagtala ang PAGASA ng 275 kph na lakas ng bagyo at pagtaas ng tubig-dagat sa 3-5 metro dahil sa palo ng hangin (Storm Surge). Ayon sa ilang residente ng Cavite City na nakakaalala, nag-iba ang mga kabahayan sa ta-
bing dagat, at ang mga bangka ay tinangay hanggang kalsada. Nalalos ang mga pantalan sa Calle Marino. Nagbabangka ang mga tao sa kalye. Isa ang bagyong Sening sa naitalang pinakalamakas na bagyong dumaan sa Cavite City. Ngayon… Kung sa Cavite City ka ipinanganak at nakatira
SUNDOT LAPIROT Mula sa p.4 Sila yung laging nakadisplay ang mga karakas sa munisipyo, mas malaki pa ang ID sa kanilang makakapal na mukha at handang bumanat at pumuri kapalit ng pera. Pwe! May isa ngang nag-aasta ring media ang nagsasabing “Aanhin mo ang disenteng dyaryo, wala ka namang pera.” Hoy, salaulang baboy, kaya nga, malayo ka pa lang, nagtatakbuhan o nagtataguan na ang mga politiko sa iyo, mangyari, puro ka hingi, puro ka orbit. Kasi nga, kapag hindi binabasa ang dyaryo, wala itong integridad. Nagdadalawang isip ang mga naglalagay ng ads. Kapag ang dyaryo hindi binabasa, mas may silbi pa ang pambalot ng tinapa. Bwahahaha! Kung sakali pong kahit isa sa mga reporter, staff o editor ng Responde Cavite ay nanghihingi, nang-oorbit… ipagbigay alam nyo po sa inyong lingkod. Tinitiyak ko po, sa susunod na isyu, kakalusin natin sya. O malamang, pati mga tauhan ng Responde Cavite, pinipirata. Kaya, pinapayo po natin, wag na wag na wag po kayong magbibigay. Dahil hindi namin kinakalakal ang aming panulat at kaluluwa. Dahil ito kami; Responde Cavite: Risonable, Responsable. proletaburgesya@yahoo.com / 09228197576
sa baybaying bagat, tinatayang nakaranas ka na ng 18 bagyo pagtuntong mo ng elementarya. Paggraduate mo ng elementarya, ang bahay nyo ay dinaanan na ng 36 na bagyo. Pag-graduate mo ng high school, nakaraos ka na sa 48 na bagyo Sapagkat ang Cavite City ay dinadaan ng 3 bagyo kada taon sa layo nito mula sa Sangley Point na 200km radius at. 2 bagyo kada 5 taon sa mas malapit na 50 km radius at ito ang mas delikado. Ang Probinsya ng Cavite ay ikalima sa Typhoon risk area at rainfall change! Bukas o baka
mamaya…o matapos ang daang taon? Hindi maiiwasan at tiyak ang pagtaas ng tubig sa malapit na hinaharap at tinatayang aabutin ito ng 1 hanggang 3 metro. Kung 1 metro ang itataas ng tubig, ang Sangley Point at Fort San Felipe ay malulubog sa dagat. Ang 35 barangay o 49% populasyon ng Cavite City ay malulubog sa tubig dagat. Pinangangambahang mabubura sa mapa ang 60% ng lupa ng Cavite Ang mga lugar na malimit bahain ay tuluyan ng kakainin ng dagat. Kung tataas naman ng 3 metro ang tubig, mabubura sa mapa
In a nutshell
shall be considered ipso facto resigned from office upon the filling of his Certificate of Candidacy. Kaya’t narito ang kaibhan ng mga opisyales na halal ng bayan at ang mga nahirang (appointed) lamang ng mga nakakataas sa kapangyarihan. Sana’y magliwanag ang mga lumalabong kaisipan sa pagbanggit ng mga nararapat na batas.
mula P. 4
Tungkol naman sa mga opisyales na nahirang (appointed) ng nakatataas. Section 66, B.P. 881. Candidates holding appointive office or position, including members of the Armed Forces of the Philippines and offices and employees in the government – owned-or controlled corporations,
Ano Ang Pagkakatulad ng Durugista at Relihiyoso?
HEAVEN! ‘Yan ang parehas na gustong marating ng sinumang durugista at relihiyoso. Maraming mga mangangaral ng relihiyon na gustong maakit ang sambayanan na sumali sa kanilang sekta. Marami rin namang durugista na gustong matutong magdurog ang buong sambayanan. Paano naman kaya kapag 80% ng mga mamamayan sa bansa ay nalulong na rin sa droga? Ano naman kaya ang magiging papel ng relihiyon? Hmmm. Ganito kaya? Preacher 1: Mga kapatid, ginagamit ng langit ang droga upang tayo’y
makalimot sa ating problema. Pinapagaang ng droga ang bigat ng buhay. At binibigyan tayo ng linaw ng pag-iisip. Kung magbibigay kayo ng ikapu, titiyakin ko, ang bawat usok na inyong masisinghot sa shabu at marijuana, sa bawat tableta ng ecstacy na lalaklakin, sa bawat heroine, cocaine at iba pang anyo ng droga na gagamitin… babalik ang tama sa inyo ng drugs ng siksik, liglig at umaapaw. Preacher 2: Mga minamahal na tagasunod ng bahay-sambahan na ito, kung gagamit lang tayo ng droga, maiiwasan nating mag-isip ng masama sa ating kapwa, gumawa ng mga kahalayan at mga buktot na gawain dahil ang droga ay nakapagpapakalma ng ating isipan, katawan at kaloban. Dahil kung ang trip natin ay lagging okay, laging solve, lagging heaven… tinitiyak ko,
kasama nyo ang dyos sa mga sandaling iyon. Kaya’t kung lalakihan nyo ang abuloy sa ating gawain, titiyakin ko na hihipuin ng dyos ang mga puso ng mga gumagawa ng shabu at iba pang drugs, tatapangan nila ang timpla para kahit kaunti lang… malkas na ang tama. Preacher 3: Kinausap ako ng dyos kagabi mga kapatid… ako ang hinirang nyang makabagong sugo sa ating panahon. Sabi nya, sa akin na kayo bumili ng drugs, dahil lahat ng drugs na gagamitin nyo na magmumula sa akin ay may lakip na pagpapala. Maliligtas ang inyong mga kaluluwa mula sa apoy ng impyerno dahil lagi kayong nasa langit kapag gumamit kayo ng drugs mula sa akin. Preacher 4: Mga kapatid, binigyan ako ng mensahe ng dyos kaga-
bi. Hinirang nya ako na kanyang anak na syang mamamahala sa ibinigay nyang manna mula sa kalangitan. Ang mannang ito ay magbibigay sa inyo ng kapanatagan at katiwasayan. Hindi na kayo magugutom. Lagi kayong masaya. Laging payapa. At ang manna na iyon ay walang iba kundi… mga droga. Sa murang halaga, ang bawatd roga ay may kalakip na panalangin na kaligtasan ng inyong mga kaluluwa. At ang mabibitin, may libreng pray over para maradaman nyo ang kanyang presensya. O ayan mga kapatid, talagang kumpleto na ang ating bansa. Politika at droga. Relihiyon at droga. Malayo-layo na ang mararating ng lupang hinirang. Duyan ng mga praning. Wow pare… heaven talaga!
ang Lungsod ng Cavite. Gaano Ito katotoo #1 Magtanong ka sa sinumang taong nakatira sa tabing dagat mula pa noong Martial Law, at papatunayan nya sa yo na tumaas ang dagat ng humigit kumulang ng 1 metro. Ayon sa National Mapping and Resource Information’s (NAMRIA) Oceanography Division, mula taong 1972 hanggang 2000, nakaitala sa Manila Bay ang pagtaas ng tubig na 0.90 M sa loob ng 29 na taon. At sa kasalukuyang bilis ng pag-init ng temperature ng daigdig at pagkatunaw ng mga yelo, sinasabing mas bibilis pa ang paglaki ng tubig kaysa dati nang naranasan. Ito ang Accelerated Sea Level Rise (ASRL). Gaano Ito katotoo #2 Ang pagtaas ng 1 metro ng tubig dagat ay ayon sa pag-aaral ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) noong 2007. Sinasabi rin ng IPCC na maaaring sa mas malubhang senaryo ay umabot ito sa 2 metro Tinitiyak na sa 2100, mas mataas na ng isang metro ang tubig dagat. Ngunit sa kasalukuyang bilis ng pagtaas ng tubig dagat, maaring lumubog ang mga baybayin ng mga tropical na bansa sa daigdig tulad ng Pilipinas. Ang International Congress on Climate Change naman ay may mataas na prediction na 3 metro. Gamit ang pinakabagong satellite images at ground observations iniulat ng kongreso nuong Marso 10, 2009 ang mas mataas at mas mabilis na pagbabago sa dagat. Kailan? Ang pagtataya sa magiging kalagayan ng Lun-
sod ng Cavite sa hinaharap ay inilahad ni Ramon Faustino Sales Jr. Phd. nuong pang 2008 sa EEAPSEA Conference on Climate Change sa Bali, Inodnesia. Ayon kay Leonora Lava, Area Manager ng Philippine Rural Reconstruction Movement, nararanasan na ng Kabitenyo ang Climate Change “Nag bago na ang typhoon pattern dati rati, hangin lamang ay alam na ng mangingisda kung papalaot ba sila o hindi, ihip lang ng hangin natataya na nila kung may paparating na bagyo, hirap na silang tantyahin ang panahon. Naapektuhan ang mga magsasaka sa pagbabago ng season upang bagayan ng uri ng pananim. Dumadalas ang sea water intrusion (dulot ng storm surge at high tide) na sisira sa lupa ng pananiman at tubig sa ilalim ng lupa. Bagamat nuong mga unang panahon binabagyo ang probinsya ng Cavite, ngunit simula nitong siguro’y nagdaang limang taon, hindi tayo naapektuhan na bagyo na kasing lala kumpara ng ng naransan sa simula noong bagyong Milenyo. First time naranasan ng Ternate ang flooding na lagpas bahay. Mula sa bundok nasaksihan ng iba ang pagragasa ng tubig. Binaha ang Naic. First time kinailangang ilikas ang mga mamayan ng ilang bahagi ng Rosario. Grabe ang epekto! Ilan lamang ito sa mga indikasyon ng Climate Change na nakakaapekto sa tin sa lokal na konteksto.” ITUTULOY
2 patay, 1 sugatan sa magkahiwalay na aksidente Ni Treles Mandarian
ISANG taong-grasa ang natagpuang sugatan at duguan na gumagapang sa tabing kalsada ng Barangay Amuyong sa bayan ng Alfonso, Cavite. Ayon sa report ni SPO1 Teodoro P. Malimban ang taong-grasa ay hinihinalang biktima ng hit-andrun. Ang taong grasang di pa nakikilala hanggang ngayon ay agad na isinugod sa General Emilio Aguinaldo Hospital pero idineklarang dead on arrival. Samantalang sa Bayan naman ng Dasmariñas, isa ang patay at isa ang sugatan matapos ang salpukan ng isang pampasaherong jeep na may plakang UPF 238 at isang motorsiklo.
Ayon sa mga nakasaksi sa nangyari ang salpukan ay naganap sa
kahabaan ng Governor’s Drive at Molino Paliparan Road ng Barangay Pali-
paran, kung saan sa lakas ng salpukan ay tumilapon ang katawan ng
SISID
LUBAK-LUBAK NA DAAN- Walang kasiguraduhan ang tricycle na ito kung makakarating siya sa kanyang paroroonan. Ang ganitong sitwasyon, tulad ng kanyang dinadaanan ay likaw-likaw at batbat ng panganib. Ang nakapagtataka parang sinadya ang pagkakaputol ng pagsesemento rito na halos 250 metro lamang sa Bunga, Tanza Cavite. Sistema ba o ang taong nagpapatakbo dito?
MULA SA PAGE 3
Sa mga may-ari nitong inirereklamo, huwag naman po ninyong samantalahin ang mga bata. Huwag ninyong abusuhin ang kamangmangan nila. Alalahanin ninyong may mga anak din kayo. Huwag sanang mangyari ito sa inyo. Alak…..babaha ng alak! Ang problema ang inaakala mong nag-aaral na anak ay di pala. Kailangan ng mabilisang aksyon para dito. Kaya ang panawagan natin sa magiting na hepe ng kapulisan ng Cavite City na si P/Supt. Simnar Gran, sir paki bisita nga po ang lahat ng establisimentong malapit sa High School.
www.respondecavite.com
DITO PO SA AMIN
MULA SA PAHINA 5
First year college na ako nang maintindihan ko ang kahulugan niyon sa aking buhay. Sinasabi lagi kasi ng nanay ko, “mabuti ‘yon, maaga kayong magbabanat ng buto!” At dudugtungan pa iyon: “kung may gusto kayong isang bagay, magtrabaho kayo, ‘wag tatamadtamad!” Gustung-gusto ko kasi noon ang maghugas ng pinggan. At hanggang sa ngayon, iyon ang gustunggusto kong gawin sa kusina. Malamig kasi ang tubig sa kamay. At pakiramdam ko, lagi akong malinis. Pero ‘yon palang itinuturing kong “laro” at “libangan” ay mabuting disiplina sa kasipagan. Hindi ko sinasabing masipag ako. Pero naging ugali ko na magtrabaho at magtatrabaho pa at kung walang matrabaho sa bahay, naghahanap ako ng trabaho. Hindi ako mayaman, pero kahit papaano, di ako nawawalan ng pera. Hindi ko sinasabing maghugas kayo ng pinggan, o manulungan sa mga kamag-anak o mag-abang ng lumabis na mga pagkain sa mga handaan. Ang sinasabi ko lamang, huwag bigyan ng pagkakataon ang inyong sarili na magtamad. Dahil walang ibinibigay sa inyong trabaho o wala kayong makitang trabaho, di na kayo kikilos. Mag-isip pa kayo ng magagawa, kahit kaunting oras o kapirasong trabaho, basta kikita kayo kahit papaano. Imposibleng kahit kaunti ay hindi kayo kikita. Naisip ko rin ang mga batang nagkukudkod ng
niyog sa palengke (noong wala pang makina na ginagamit). Isinasama kasi ako ng asawa ko sa palengke (tagabitbit ng basket o tagabantay ng mga binili namin). Naaawa ako dahil alam ko na nakasasakit ng likod at balikat ang pagkukudkod ng maraming niyog, na naranasan ko rin noong nagkakalamay ang lola ko. Sasabihin ng lolo ko na katulong ng lola ko: “Hoy! Mga bata, magkudkod kayo ng niyog! Di kayo makatitikim nito kundi mababatak ang inyong mga ugat!” Kapag tumulong nga kami, sasabihin ng lola ko pag naluto na ang kalamay: “O, tikman n’yo na.” Pero hindi lang namin titikman ang hinalo naming kalamay. Lalantakin namin yon ng kain! Kaya nga ang masasabi ko, hindi tayo aasa na lalapit sa atin ang grasya. Hinahanap, pinagtatrabahuhan iyon. At sa paghahanap, pagtatrabaho, kahit maliit ang kita o pakinabang, huwag tayong titigil. Darating din ang pagkakataon na ang maliit na kita o pakinabang ay magiging malaki rin. Tandaan: Ang maliit ay nagiging malaki basta pinagbubuhusan natin ng pawis. Habang naghihintay tayo ng pagbabago (sa darating na eleksyon), huwag maghintay ng ibabato sa atin. Minsan lang sa tatlong taon ang eleksyon. Kung aasa sa “darating” sa eleksyon, minsan nga lang iyon. Kung tatrabahuhin natin ang gusto nating makuha o maabot, hindi minsan lang darating ang grasya. Magpapatuloy iyon. Ganyan ang biyaya ng trabaho! (Sa susunod: Iba Pa Nating Magagawa Habang Naghihintay ng Pagbabago)
driver ng motorsiklo na si Joselito Laurora at ng angkas nitong si Sophia Laurora na parehong taga Barangay Hukay, Silang, Cavite. Agad na sinugod sa San Jose Hospital ang dalawa pero idineklara ng dead on arrival si Joselito samantalang ang angkas naman nitong si Sophia ay malubhang nasaktan. Ang driver naman ng
pampasaherong jeep ay agad na sumuko sa mga pulis na nakilalang si Moises V. Esculta, 41, ng 1406 Bangkal street, Carmona, Cavite. Sa report ng mga pulis lumalabas na ang Taong-grasa at si Joselito Laurora ay pangsiyam at pangsampu ng namamatay sa mga aksidenteng naganap sa kalakhan ng Cavite sa nakakalipas na sampung araw.
SENIOR CITIZENS...
MULA SA PAHINA 5
Kasalukuyan ngayong tinapos ang tinatapos ang tinatawag na “Enterprise Building na nakalaan sa mga sangay na Pamahalaang nasyonal na ngayo’y nakakalat sa Trece at handa naming magbayad ng upa para naman matustusan ang pagmementene ng napakalaking gusaling ito. Hindi naman nakaligtaan ang pangangalaga ng kalusugan ng mamamayan. Sa katunayan, bukod sa pagpapaayos at pagdadagdag ng mga kasangkapan para sa iba’t ibang serbisyo ng Emilio Aguinaldo Hospital (dating Andres Bonifacio), patuloy naman ang paninilbihan ng “Korea-Philippine Friendship Hospital” na may de-kalidad na kagamitan at doctor kaya lamang, may kamahalan ang singil na hindi na kaya ng mga karaniwang mamamayan. Kung magagawa nga lamang na pababain ang “service fee” ay di lalong maganda. Mistulang “Pasyalan” ang paligid ng Kapitolyo. Nakatayo pa rin ang luntian at matatandang puno ng akasya na sinasalitan ng mga luntian ding damo at pinagduduktong-duktong ng mga konkretong “pathways” na sa panabi ay may sementado ding upuan na pahingahan ng mga kababaihan, kabataan, at Senior Citizens. Inalis ang mga tindahan ng pagkain at inilipat sa isang maayos na “Food Court” na ang mga presyo ay tamang-tama sa kakayahan ng mga kawani ng pamahalaang lokal. Sa mga kabataang mahilig sa palakasan, naririyan ang “Cavite Gymnasium”. Bukod sa mga “Sport’s Festival”, pwede rin itong p[agdausan ng “Mass Meetings” at “Political Rallies”. Sa pakiwari ko ay ginagawang lahat ng makakaya ng probinsya upang tumingkad ang ganda at halina ng Kapitolyo. Ang Kapitolyo na maningning na sagisag ng isang marangal at maunlad na Sambayanang Caviteño. oOo Bagamat ayos na ayos na ang aspetong pisikal at pangkabuhayan, may makikita pa ring kakulangan sa larangan ng sining at kalinangan. Sa mapanuring mata ng bayan, ay hindi nalilingid ang maselang na ??????????? ng Provincial Library na siyang pinaglalagakan ng kasaysayan ng Liping Caviteño. Medyo malungkot ang istorya ng Panlalawigang Aklatan. Naitatag ito noong July 29, 1976 sa panunungkulan ni Gob. Dominador Camerino. Dito natayo sa Noveleta, sa kagandahang loob ni Mayor Jose Salud at nagpalipat-lipat ng tirahan sa “ABC Hall, Munisipyo, Tribunal, at Noveleta Elementary School” sa loob ng may tatlumput-isang taon. Sa kasamaang-palad, dinalaw ang Cavite ng bagyong Reming (Oct. 28-29, 2000), Seniang (Nov. 3-4, 2000), at Milenyo (Sept. 28, 2006). Ang aklatan ay napasama sa kalamidad na dulot ng mga bagyo, kaya libong mga libro at babasahin, computers office files, cabinets, chairs, at desks at mga supplies ang sinira ng baha at dala nitong putik. Sa kabutihang-palad, nabigyan ng espasyo ang Aklatan sa natapos na “Legaslative Building”. Natural lamang ito sapagkat simula pa lamang, ang Aklatan ay napailalim sa pamamahala ng Bise Gobernador. Sariwa pa sa aking alaala ang hininging tulongpinansyal ng ilang Board Members kay Senador Ramon Revilla, Sr. sa halagang P5 milyon ay maipapagawa ng isang kumpletong gusali ng Aklatan sangayon sa disenyong pinagpaguran ng isang Architect/ Planner na taga-UP. (Kung nanaisin ni Vice Gov Osboy Campaña maluwag na ituloy ang proyektong ito para sa Aklatan at makapaglaan ng pondo habang pinag-uusapan pa ang “Budget Proposal” ng taong 2010.)