Responde Cavite Isyu Number 5

Page 1


2

OKTUBRE 04 - 10, 2009 Pangulo, Samahang Pangkasaysayan ng Cavite at dating Punong Ministro ng Pilipinas

PARANGAL KAY CEZAR E. A. VIRATA

Si Cezar E.A. Virata habang tinatanggap ang kanyang parangal mula sa Cavite Historical Society

DE LA SALLE, DASMA – Pinarangalan noong Sept. 26, 2009 ang dating Prime Minister na si Cezar E. A. Virata dahil sa kanyang makasaysayang pagkakaambag sa kasaysayan ng Cavite. Si Prime Minister Ce- parangal at plake ng pag- Sta. Maria, isang kilalang zar Virata ay apo sa pa- papakilala sa dating mananaliksik; Emmanmangkin ng dating Pa- Punong Ministro ay di- uel F. Calario, Phd, isang ngulong Gen. Emilio Agui- naluhan ng mga kilalang Dekano – Kolehiyo ng tao sa pangunguna nina Malayang Sining, Kasapi naldo. Kinilala na isang Retired Justice Justo at Lupon ng mga Direkng Samahang modelo sa larangan ng Torres, Pangalawang tor makasaysayang pag- Pangulo ng Samahang Pangkasaysayan ng Cavsusulat ukol sa bayan ng Pangkasaysayang ng ite. Aquino I. Garcia, Cavite. Instrumento ng la- Cavite. Felice Prudente Direktor –Sentro ng Paghat ng sulok sa kasaysayang panitikan ng lahing Caviteño. Naging Adopted Son ng bayan ng Naic noong May 1, 2008 dahil sa malaking ambag sa makasaysayang Casa Hacienda de Naic. Ang paggawad ng

aaral sa Cavite. Ang palatuntunan ay pinamahalaan ng Tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, Pamahalaang Lokal ng Imus, Tanggapan ng Pangulo ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas, Campus Ministry Office, Cavite Historical Society, Inc., at ni Bb. Violy Torres. W. GENERAGA

Si ABS-CBN Anchor Korina Sanhcez, kasama ang Pedicab Teacher na si Prof. Arnel Laparan sa episode na And the Winner Is… kasama ang mga batang lansangan na tinuturuan nito.

TRIPLE R PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 0929-8581636 / 0922-2268209


OKTUBRE 04 - 10, 2009

Binalikan ang naiwang diaper…

NABAGSAKAN NG PADER, PATAY

SALCEDO I, NOVELETA – Habang nananalasa ang bagyong Ondoy kamakailan isang lalaki ang namatay dulot ng pagkakadagan ng gumuhong pader. Kinilala ang biktima sa pangalang Archie Perez, 28 taong gulang, walang trabaho, residente ng Salcedo I ng nasabing bayan. Base sa isinumiteng report ni PO2 Allen A. Padilla, imbestigador, kay P/ Insp Torralba naganap ang pangyayari noong Sept. 26, 2009 sa humigit kumulang alas 10:00 ng gabi sa kasagsagan ng bagyong Ondoy. Pinilit ng biktima na balikan ang ilang mga kagamitan ng kanyang anak tulad ng “Diaper” subalit sa di inaasahang pangyayari ay gumuho ang pader na malapit sa kanyang kinatatayuan na

kaagad niyang ikinamatay. Isang tawag mula kay Mayor Boy Alvarez ang natanggap ng istasyon ng kapulisan sa oras na iyon

upang humingi ng Police Assistance hingil sa pagkamatay ng biktima at upang alamin ang pangyayari. Kaagarang pinunta-

han ng mga kapulisan ang lugar at dito nga ay natagpuan na nilang isa ng malamig na bangkay ang biktima. SID SAMANIEGO

CAVITE CITY – Dalawang pinaghihinalaang mga holdaper ng mga pasahero ng Mini Bus na biyaheng Cavite ang nasakote ng mga alagad ng kapulisan. Sa unang insidente kinilala ng unang holdaper na si Jeffrey Quijano, 34 taong gulang, binata, walang trabaho, residente ng Yagit St., Caridad, Cavite City, Brgy. 36. Sa salaysay ng biktimang si Yessa C. Warit, 24 taong gulang, mayasawa, residente ng 583 T. barrios St., Brgy. 53M, San Antonio. Noong ika29 ng Sept. taong 2009 sa ganap na ika-1:30 ng

umaga ang biktima ay sumakay ng bus papuntang Cavite City, pagdating ng Cabuco St. sa tapat ng Iglesia Independiente Church at tinutukan ng baril ang biktima sa leeg at pilit na hinahablot ang kanyang bag. Sa pagkakataong ito pinilit na makarating ng biktima sa harap ng driver upang humingi ng tulong ngunit ang inaasahan niyang tutulong sa kanya ay siya pang humawak upang pigilin sa tangka niyang pagtakas. Pinilit ng biktima na tumalon ng babybus at sa kanyang pagtalon ay pilit na hinablot at nagsisigaw ang biktima

na “Tulong... tulong naholdap ako!” Habang nagpapatrol ang dalawang alagad ng pulis na sina PO3 Jonathan Baricuatro at PO1 Paul Alcarez ay nakatawag pansin sa kanila ang sigaw ng babaeng humihingi ng tulong. Kaya’t kaagad na kumilos ang dalawa upang habulin at kilalanin ang mga suspek. At doon ay nasakote ang suspek na si Jeffrey Quijano. Samantala sa pangalawang insidente, naaresto rin ang isang hinihinalang suspek na si Arnel S. Tirona, 30 taong gulang, may-asawa, residente ng Brgy. 36 Bagong Pook, Calumpang Caridad, Cavite City. Ang biktima ay nakilala sa pangalang Joey Bartolome, 26 taong gulang, empleyado ng SM Bacoor, residente ng 937 E. Mariano St., San Roque, Cavite. Sa salaysay na ibinigay ng biktima kay PO2 George Lapidario, naga-

Dalawang kilabot na holdaper, nasakote sa magkahiwalay na insidente

3

P A N A W A G A N Nananawagan ang The Fraternal Order the Chevaliers, Inc. sa lahat ng may mababang loob na magkaloob ng tulong sa biktima ng bagyong ‘Ondoy’. Anumang uri ng donasyon ay maaring tanggapin ng Chevaliers sa kanilang Operation Ondoy. Maaaring makipag-ugnayan kay Engr. Edwin Timtiman (0917 880 2873) o kay Tor Hilario (0908694 18 48). nap ang pangyayari noong Sept. 29, 2009 sa humigit kumulang alas 11:00 ng gabi habang siya ay lulan ng kanyang sinasakyang mini-bus. Galing ang biktima sa bayan ng Rosario, habang binabaybay ang rutang Cavite City ay nakaupo ang biktima sa ikalawang hanay sa kanang bahagi ng bus ng bigla siyang tabihan ng suspek at ng dumating sila sa parte ng Long Beach, Noveleta medyo naasiwa ang biktima dahil medyo sinisiksik siya nito. Dahil pareho lang silang pasahero ay hindi niya na lang pinansin ang suspek ngunit laking gulat na lamang niya ng bigla siyang tutukan ng isang matulis na bagay sa kaniyang kaliwang tagiliran at nagsabing ibigay daw niya ang kanyang hawak na cellphone dahil kung hindi niya ibibigay ito ay papatayin diumano siya ng suspek. Nang makuha ng sus-

pek ang kanyang cellphone ay kaagad na bumaba ito sa Pulo, Dalahican at mabilis na tumakbo papasok sa looban ng nasabing lugar. Mabilis na ipinagbigay alam ng biktima sa kapulisan ang pangyayari na nirespondehan nina SPO3 Luis Janohan at PO2 Reyes. Pagdating nila sa lugar na pinangyarihan sa bungad ng lugar kung saan pumasok ang suspek ay naaktuhan nila ang isang papalabas na lalaki na agad naming nakilala ng biktima na siyang humoldap sa kanya at sa aktong iyon ay nagulat itong suspek ng makita ang dalawang pulis at ang biktima at sa kalituhan ay inihagis ang hawak nitong cellphone na kinuha sa biktima. Ang mga hinihinalanang holdaper ay kasalukuyang ngayong nakahimpil sa kapulisan at nahaharap sa kasong Robbery. SLS

RBS Security Agency 197 Rizal St. Muzon 2, ext. Office New Market Rosario, Cavite Are now hiring license security guard. 5’7" in height for posting in Sm Rosario Look for Gilbert Potante (0915 194 3 88)


4

OKTUBRE 04 - 10, 2009

Ugaling Pinoy sa gitna ng kalamidad ANG Pinoy, likas na masiyahin. Likas na palatawa at palabiro kahit na sa oras ng kalamidad. ‘Yan ang eksena sa halos lahat ng dako ng bansa na apektado ng nagdaang bagyong si ‘Ondoy’. Kaya naman siguro kahit anong dagok pa ang dumating ay nalalampasan natin dahil sa kahanga-hangang ugali ng Pinoy. Tulad ng ating mga napapanood sa mga news coverage sa telebisyon, nagkakawayan, nagkakantiyawan, nakangiti at kung minsan pa ay nagtatawanan ang mga apektadong mamamayan habang naka-on- air ang TV reporter. Sa ganito ring panahon, lumalabas sa atin ang dugong bayani, kaibigan, kakilala, hindi kakilala o maging magkakaaway pa ay nagtutulungan, nagdadamayan sa panahon ng kalamidad. Kapit-bisig at hawak-kamay na nilalabanan ang ngitngit ng kalikasan. ‘Yung iba naman ay sa halip na magmumok at sisihin ang kasikasan at Diyos ay sinamantala ang pagkakataon upang kumayod, may gumawa ng bangka, mga mangangalakal. Pinagtiyagaan ang mga inanod ng bahang mga sirang kagamitan o natiklop na yero upang may maipambili ng makakain habang nag-aantay ng tulong ng pamahalaan. ‘Yan ang positibong ugali nating Pinoy sa trahedya. Samantalang ang mga kampon naman ni Le-ar ay sinamantala ang pagkakataon. May mga nakikihakot na yun pala ay tuloy sa timbangan ng junk shop. Kunwari ay nagmamagandang-loob ‘yun pala ay may masamang balak. Ang Pinoy nga naman.

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor sid luna samaniego jun isidro chief reporter 1st district coordinator rex del rosario

nadia dela cruz

3rd district coordinator

2nd district coordinator

melvin ros wilfedo generaga circulation manager digital media director goldie baroa advertising officer efren abueg, ph d editorial consultant prof. freddie silao community & extension relation consultant atty. dan filoteo legal counsel Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 232 Garcia St., Caridad, Cavite City at telepono blg.(046) 5270092.

Hindi tungkol sa bagyo at baha dahil kay ‘Ondoy’ ang kolum na ito OO, mahirap tanggapin, pero lahat tayo ay naging biktima ng nagdaang bagyo, tuwiran man o hindi. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hirap bumangon mula sa guho at kawalan. Kaya naman, kayraming naghihintay ng tulong mula sa mga NGO, gobyerno, foundation at iba’t ibang samahan at indibidwal. Kaya lang, lumitaw na naman ang mga bwitre at oportunista sa mga ganitong panahon. Naku po, yung mga di umano’y lingkod bayan (o sya, sya, sya… politiko na kung politiko) umeksena na naman. Ma’no ba naman, pumunta doon sa lugar na maraming nabiktima, tapos mamimigay ng mga supot-supot na tulong habang nakadisplay sa napakalaking tarpaulin ang kanilang pagmumukha samantalang sa mga supot, nandoon ang kanilang pangalan, sa loob ng supot, nandoon ang kalendaryo na nakabandera pa rin ang kanilang pagmumukha.

Kilabutan naman sana ang mga taong ito. Hindi ba pwedeng tumulong na lang nang kusa? Bakit kinakailangang pang ipamukha sa kapwa at ipagsigawan sa mundo ang ginawang pagtulong? Alam natin ang hinihinging kapalit ng mga ibinibigay nilang tulong sa atin. Ang ating mga boto. Kung ganoon, hindi bukal sa loob ng mga mababait na ito ang pagtulong sa kapwa. Nakikinabang pa ang mga hinayupak na ito sa pagtulong sa mga nasalanta. Kaya, mga kapwa ko Caviteño, suggestion lang… kapag lumapit ang mga ito na may ngiting aso, asahan mong nananalangin pa ang mga ito na sana, araw-araw… may bagyo. *** Patronage politics pa rin ang namamayani sa ating bayan. Ibig sabihin, dapat iboto ang isang kandidato dahil may malaking pabor syang nagagawa sa iyo. Sa kabilang banda dapat ligawan lagi ng mga politiko ang tao dahil may malaking pabor na nakukuha ang politiko sa mga mamayan. Sundan sa pahina 7

Pagtutuos: Plaridel at Lani? ILAN na nga ba ang supling ni Lani? Bagamat may ilan ng taglay at sa pagka-makatang binibigkas ay ginawang inahin ni Bong ang maalindog na si Lani. Nasa kabila ng panahong lumipas ay taglay pa man din ang kislap ng kanyang mga mata, ang namumurok niyang pisngi, ang di napabayaang pamumula ng kanyang mga labi, ang kahina-halinang kabuan ng kanyang pagkatao, ang siyang maipagmamalaking katangian niya sa balana. Parang isang dumalaga na taglay ang kanyang kagandahan na panabay na iniikutan ng mga makikisig at matitikas na sasabungin na kanya-kanyang payabangan ng sari-sariling katangian. At sa ngayon, sa halip na magagarbong mga manok, ay makikisig na mamamayan ang humihiling na ilikas ang dati ng kaalaman at ibuhos naman sa paglilingkod sa bayan. Walang sino pa man, sa Cavite o sa buong kapuluan, na ang pamilya Revilla ay ‘malapit’ sa kabisera kung nasaan ang tanggonggong. At lalo walang sasalungat na sa kabila ng karamdamang tinataglay sa kasalukuyan ni Peping o Ramon Revilla o mas kilalang tawag na Don Ramon, sa Malakanyang. Ang hindi lang matanto ay kung gayundin kaya ang magiging kalakaran sa pagpalit ng taong uukupa sa Palasyo maka-eleksyon. Kung sakaling matiwalag ang Bacoor at maging isang distrito sa lalawigan, may malaking sapantaha, at ito’y walang pagdududa, na ang matandang Abaya ang muling papailanlan sa pagka-kinatawan. Matatandaang tatlong terminong sunod na nanalo matapos matalo kay Jun Nazareno sa unang paghaharap. Pagkatapos ng unang dagok, tuluy-tuloy na hanggang

kay Jun Abaya. Maraming nais maging ‘congressman’ sa Distrito ng Bacoor. Parang halo-halo, ngunit, higit na mas marami ang sahog. Isa rito, ang may bahay ni Bong, si Lani. Ang totoo, matagal ng may balak si Lani na pumasok sa pulitika. Umuong noon na kakandidato siya sa pagka-bise gobernador, ngunit naudlot. Sa pagka-alkalde ng Bacoor, umingay din. Subalit ‘spare’ lang siya, nasingitan ni Strike. Sa nalalapit na pagtutuos, ang banggang Revilla at Abaya ay wala ng iwas. Hindi na maaawat. Tanging pagalingan na lang ang ipakikita upang maihalal ng tao. Sa pagdami ng mga kandidatong maglulunsad ng kani-kaniyang kandidatura, dalawang lamang ang lumalabas sa tawas. Ang mahigpit na magtutunggali, si Plaridel Abaya at si Lani Revilla. Sa kasalukuyan, halos lahat ng pulitiko sa ikalawang distrito ay umaamin na mahirap banggain si dating kinatawan Abaya sa hinaharap na halalan. Anuman ang dahil kung bakit may kabigatang labanan ang dating kongresista, maging siya ay magaling bilang isa sa mga huwarang opisyal ng gobyerno o malalim ang bulsa o sa anumang kadahilanan ay siya pa rin ang taong tanging iisipin na talunin. At sa ngayon, malalaman na kung sino talaga ang magaling. Ang manugang ba ni ‘Nardong Putik’ o ang anak ng Ilocos Sur, si Plaridel?

Ang epektong dulot ng bagyong ‘Ondoy’ at ang nakaalpas na troso sa kumpanyang Wu-Kong TAKOT at pangamba ang personal nating nasaksihan sa nakaraang bagyong “Ondoy”. Ang buong bayan ay nasalanta ng di pangkaraniwang bagyo. Walang sinantong lugar. Walang sinuman ang makapagsasabing mangyayari ito sa atin. Matapos ang ilang araw, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nakalubog sa tubig-baha. Tulala pa rin hanggang ngayon ang ilan sa kanila. Hindi makapaniwala sa sinapit na trahedya. Ang ilan sa mga bayan ay wala pa ring kuryente at tubig. Maging ang signal ng mga telepono at cellpone ay wala pa rin. Nakalubog pa rin ang dalawang paa sa makapal na putik. Ang masangsang na amoy dulot ng mga patay na

hayop at nagkalat na basura ay patuloy pa ring nararanasan. Naging palaisipan tuloy sa atin kung bakit ito nangyari, marami kasing bayan ang dati-rati’y di naman inaabot ng ganitong pangyayari. Ang resulta, marami ang nalunod sa rumaragasang tubig at walang humpay na pagtaas ng tubigbaha sa maraming lugar. Hindi na nakayanan ang ngitngit ng bagyong ito na halos lumamon ng maraming tahanan. Nawa’y matuto ang mga kinauukulan na magbigay ng sapat na detalyadong impormasyon at magbigay ng napapanahong babala sa mamamayan. Di sana ito sasapitin kung nabatid sana ng mas maaga ng taumbayan ang masungit ng panahon. oOo Pero may mas nakatawag pansin sa akin na mas kailangan nating gisingin at kalampagin ang taong may kinalaman sa pangyayari. SUNDAN SA P. 7


OKTUBRE 04 - 10, 2009

Lumuluha ang Inang Kalikasan (1) SA aklat ng “Genesis” ng Banal na Bibliya nakatala ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lupa at langit. Unang araw na ang kadiliman ay binigyan ng liwanag sa pamamagitan ng paghihip ng hangin sa ibabaw ng tubig. Ang liwanag ay tinawag na araw at ang kadiliman ay tinawag na gabi. Sa ikalawang araw ay nalalang ang kalawakang naghahati sa tubig sa ibaba at tubig sa itaas. Sa salita ng Diyos, pinagsama-samaang tubig upang lumitaw ang lupa at tinawag itong daigdigang natitirang tubig ay pinagsama sama din at siyang naging karagatan. Pinatubo sa lupa ang lahat ng uri ng halamang nagbubunga, at natapos ang ikatlong araw. Ang ikaapat na araw ay ginugol sa paglikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Si “Brother Sun” ang tumanglaw sa maghapon at si “Sister Moon” at ang mga bituin ang nagbigay ng liwanag kung gabi. Pinuno ang tubig ng maraming bagay na may buhay at sabay na nilagyan ng lahat ng uri ibon ang himpapawid. Naganap ang mga ito sa ika limang araw. Sa wakas nilalang ng Diyos ang pinakatampok sa lahat, ang tao ayaon sa sarili niyang larawan. Ang tao na siyang mamamahala sa daigdig. Lubhang kasiya siya ang paglalang sa inang kalikasan na handog ng Divine Creator” sa mga taong kalarawan niya at maglilingkod at magmamahal sa kanya habang sila ay naglalakbay sa daigdig patungo sa kabilang buhay na walang hanggan. Dahilan sa kanilang pagkakasala napalayas sa hardin ng Eden si Eva at Adan. Winika ng Diyos sa kanila: “humayo kayo at magparami” datapwat ang angkan ni Adan ay kinakailangang magbungkal ng lupa at mag alaga ng kapaligiran bago makuha ang mga bagay na tutugon sa kanilang mga “Basic Needs”. Sa mga nagdaang panahon, na bulid ang mga tao sa mga bagay na pang mundo. Na masdan ni Yahweh na labis ang kasamaan ng tao. Sa mga nilalang niya, tanging si Noe lamang ang matuwid na namumuhay na kasama niya. Nagpasiya si Yahweh na lipulin na ang mga tao at lahat ng bagay na kanyang nilikha, maliban kay Noe. Kaya inutusan niya si Noe na yumari ng isang dambuhalang daong (Noah’s Ark) na paglalagyan ng kanyang angkan at tig-iisang pares ng lahat ng uri ng ibon at hayop na gumagapang sa lupa. At naganap ang una at kagulat-gulat na baha na tumagal sa loob ng apat na pung araw at gabi. Si Noe ang nagtatag ng bagong sangkatauhan pagkatapos ng delubyo. Sa kasalukuyang panahon, muling natanghal ang kahindik hindik na baha na regalo ni odong at ilan pang sinundang bagyo. Matinding hihip ng hangin at walang patid na pagulan ang gumalaw sa kalikasan at nagsimulang maghasik ng lagim na pumuti sa maraming buhay at sumalanta sa mga pamayanan. Para bagang nakasundo ang langit, lupa at dagat upang sabay sabay na pawalan ang kanilang naimbak na tubig, pagsanibin ito at tulung-tulong na yumari ng isang pambihira at malaganap na baha. Napakalaking pinsala ang idinulot ng baha sa lahat ng sulok ng kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan sa Luzon. Sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog at pagtulin ng agos nito ay nagmistulang dagat dagatan ang mga “Exclusive Subdivision” sa Marikina, Pasig, Cainta, Quezon City, Pasay at Makati. SUNDAN SA PAHINA 10

Iba pang magagawa sa sarili

5

(Habang naghihintay ng pagbabago) PAANO ba kayo nakikilala sa inyong komunidad? May tinatawag na REPUTASYON ang isang tao sa kanyang lugar. Base iyon sa pagkakilala sa kanyang pamilya, pagdadala ng sarili (personalidad at kilos), at ginagawa (bukod sa hanapbuhay) para sa iba. May natatandaan ako noong araw na isang pulitiko ng Cavite, taga-Bacoor, na wala na sa pwesto ay nakatutulong pa sa kanyang mga kababayan. “Malakas” siya sa mga opisina ng gobyerno—hindi sa pambabraso kundi sa pakikitungo sa mga opisyal at empleyado doon. Wala akong narinig na basta qualified, na hindi naipasok. Hanggang sa kasalukuyan, naririnig ko pa ang kanyang pangalan. Isang pulitiko naman sa Naic ang sinasabing “nagpatahimik” sa mga sakop ng bayang iyon ng Cavite. Noong araw, uso sa probinsya ang holdap ng pampasaherong mga sasakyan, tulad ng mga bus ng Saulog, Halili at Medina. Lahat kinukuha sa mga pasahero—hanggang sa damit na suot (karsonsilyo lang ang itinitira). Hindi naman minomolestya ang mga babae, kinukuha lang ang kanilang mga gamit. Sa kanyang termino, paminsan-minsan na lang kundi man ganap na nawala ang holdap. Ngunit may isang makapangyarihang pangalan sa kanilang panahon sa Cavite na nakilala, kinatakutan at diniyos ng mga taga-probinsya. Nakarating din ang kanyang reputasyon sa Kongreso ng Pilipinas. Natatandaan kong nakakorto (naka-short) ako noon at naglalakad sa highway na tipak-tipak na ang mga aspalto at tumatagilid ang sasakyan kapag pumarada sa tabi. Mga dekadang gayon ang kalagayan ng mga lansangan sa Cavite at kahit bata pa ako (elementary), naisip kong paurong ang Cavite. Sa panahon lamang nina Remulla at Malicsi waring gumising

ang Cavite. Wala nang bakas ang makapangyarihang iyon sa Cavite at hindi na maalaala ng daanglibo pang orig (di migrate) ng lalawigan. May isang taga-Rosario naman na wala nang inatupag kundi ang silipin sa opisina ng Bureau of Lands ang mga lupang walang titulo o kwestiyonable ang titulo. Karaniwang inookupa ito /sinasaka/ pinamamahayan ng mga maralita. Dahil friar lands ang nasabing ari-arian, “unahan” sa pag-aaplay sa pagpapatitulo. Siyempre, nagaral ito at may mga kaibigan sa Bureau of Lands, nauunahan nito sa pag-aaplay ang mangmang ng mga umuukupa ng lupa. At siyempre naman, sa tulong ng padulas, napatitituluhan niya ang mga lupang gayon. Bukambibig ang pangalan niya sa Bureau of Lands noon. Nabubuhay at namamatay sa ganyang reputasyon ang isang tao. Kung kayo’y kamag-anak ng mga ito, alam na ninyo ang inyong magiging reaksyon. Kung naging masama ang reputasyon ng inyong kamaganak, di na lang kayo kikibo. Pero kung mabuti ang ginawa nito, isa kayo sa magmamalaki sa “matamis” niyang gunita. Magkukwento kayo tungkol sa kanya at sa pagdami ng mga nagkukwento tungkol sa kanya, ang inyong kamag-anak ay nagiging ALAMAT. Tingnan ninyo ang nangyari kay Cora, at sa asawa niyang si Ninoy. Bukambibig sila ng bayan (kahit may ilang sektor sa lipunan na pumipintas sa kanilang mga kakulangan) at nagbebenipisyo ang kanilang mga anak (tulad ni Noynoy). SUNDAN SA PAHINA 12

Kay Ganda ng Ating Musika (Himig Pinoy sa Panahon ng Panaghoy) HUMAGUPIT ang bagyong undoy. Grabe! Isa na nanamang kasaysayan ang naitala ng pinsalang taglay ng bagyong ito noong nakaraang Sabado. Walang tigil ang buhos ng ulan. Kung kayat ilang oras lamang ay bigla ng tumaas ang Baha; partikular sa Maynila at ilang lalawigan sa Luzon ang apektado dito. Nakakagulat ang di inaasahang pangyayari. Hanggang sa mga oras ng pagsusulat nito ay may mga balita paring pagbaha sa mga probinsya, Marikina, Rizal, Cainta, Quezon City, at iba pa. Laganap ang kawalan ng pagkain, kuryente at komunikasyon. Marami naring mga gamit at ari-arian ang napinsala. May mga buhay na binawian sanhi ng pagkalunod, pagbaon sa lupa sakit at gutom. Ngunit sa gitna ng trahedyang ito, makikita mo parin ang tunay na larawan ng mga Pilipino. Samasama sabay-sabay walang unahan, walang iwanan. Lumalabas ang nagkakaisang diwa ng sambayanang Pinoy. Sa mga panawagan sa radyo, tv at internet, rumagasa ang mga tulong suporta para sa mga biktima ng bagyo. “Rescue to the max” ang ating mga kababayan. Nakakatuwang isipin nasa panahong ito, nag-aalab ang pusong Pilipino na handang dumamay sa isat-isa wika nga ng isang tv station, lumalabas ang pagkakaisa pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa. Sa aking obserbasyon, dinadaan din sa awit, sayaw at pagtawa na lamang ang suliraning ito. Pinapagaan ng bawat Pinoy ang lungkot at kawalan ng pagasa sa pamamagitan ng mga himig ng musikang naririnig at nadarama. Sa pagsasagawa ng operation linis, sagip kapamilya at kapusong tulong, mabilis na malulunasan ang problemag hatid ng bagyong undoy. Kung ating pakakaisipin, mga material na bagay lamang ang mga ito, madaling kuhanin at kamtin. Ang

mahalagay BUHAY na nailigtas sa sakunang naganap. Buhay mong taglay, alay ng maykapal sa musikang Pinoy wala itong katulad himig at mensahe, puno ng buhay yan ang yaman at tatak pinoy na pinoy. Marahil ito narin ang hudyat ng ating muling pagkalinga sa ating kalikasan. Ang mga puno at halaman, alagaan at palaguin; ang mga basura ay ligpitin at itapon sa tamang kinalalagyan. Ang ilog at dagat ay dapat naring bigyan pansin. Di ito basurahan at palikuran. Yamang taglay nito ay alalahanin sa pagkat dito tayo kumukuha ng mga pagkaing masustansya para sa ating katawan. Ang paligid ay bantayan! Ang mga tao na nasa paligid, turuan at sawayin para di makalimot sa kanyang gampanin at pananagutan. Madali tong gawin kung tulung-tulong tayong lahat sa pagsagip ng isang kahalihalinang kapaligiran para sa kinabukasan. Tapat ko, linis ko. Gusot mo, lusutan mo. Kalat mo, itapon mo. Bakuran mo, alagaan at bantayan mo. Iñong kalikasan, muling pagyamanin kung hindi ay panganib ang susuungin, sa karanasang nangyari dapat matuto at tupadin ang mga alintun tunin dapat alalahanin at sundin. Magaan ang buhay para sa mga taong palaging nagdarasal at kumakapit sa biyaya ng diyos. Para sa pamilya gagawin, gagawin ang lahat ng kayang gawin, mabigyan lamang ng ginhawa at sarap sa buhay. Para sa bayan, kakalimutan ang kulay, di papansinin ang pulitika, babalewalain ang galit at inggit. At sa panahon ng kalamidad at kagipitan,nananalaytay ang dugong Pinoy at liping Pilipino na nararapat magkaisa at magtulungan para sa ikatatagumpay ng lahing maka diyos, maka Pilipino at makakalikasan. SUNDAN SA PAHINA 9


6

OKTUBRE 04 - 10, 2009

STATE OF CALAMITY!

UMABOT sa 15 munisipalidad at dalawang siyudad ang nakaranas ng ngitngit ng bagyong si ‘Ondoy’ na nagiwan ng mahigit sa isang daang libong pamilyang apektado, dalawang patay, sugatan at mga nawawala. Ayon sa opisyal na talagaan ng Provincial Disaster Coordinating Council na ipinadala sa tanggapan ng Responde Cavite, may kabuuang 339 barangay ang apektado sa buong lalawigan. Sa unang distrito ng lalawigan, sa bayan ng Bacoor, 68 barangay ang apektado, 44, 509 isa ang patay at isa ang sugatan; Cavite City, 84 barangay ang apektado, 12,000 pamilya ang apektado; Rosario, 20 barangay 10, 000; Ka-

wit, 23 barangay, 12,076 pamilya ang apektado; Noveleta 18 barangay at 8,084 pamilya ang naapektuhan at dalawa ang patay. Sa ikalawang distrito; Tanza, 12 barangay, 354 pamilya; Gen. Trias 22 barangay, 426 pamilya at dalawang ang sugatan at 12 kabahayan ang sinira; Carmona, 6 barangay, 488 pamilya ang apektado; Imus; 35 barangay, 7,118 pamilya, isang bahay ang sinira; Dasmariñas, 9 na barangay at 405 pamil-

Cavite Young Writers Association Inc., 6 na taon na

(kabataang manunulat at mga guro, inaanyayahan)

Ni Lester Dimaranan IPINAGDIWANG noong ika- 28 ng Setyembre 2009 sa opisina ng Responde Cavite ang ika-6 na taong anibersaryo ng Cavite Young Writers Association Inc. Dinaluhan ang nasabing okasyon ng mga datihan at baguhang kasapi sa pangunguna ni Ronald Verzo na kasalukuyang pangulo at advisers na sina Prop. Efren Abueg at Prop. Eros Atalia. Binalikan ng grupo ang mga naisagawang lecture, workshop, seminar at forum na may kinalaman sa panitikan, kultura, kasaysayan at malikhaing pagsulat sa Lalawigan ng Cavite. Pinagplanuhan din sa nasabing okasyon ang isasagawang General Assembly sa unang linggo ng Disyembre sa taong ito na kung saan ay isasabay na rin ang paglulunsad ng aklat na antolohiya ng mga manunulat na Caviteño na may tentatibong pamagat na “Tangway at Tagaytay.” Napagkasunduan din sa pagititipon na magbibigay ng lecture ang ilang National Artist for Literature at ang pag-oorganisa ng mga kabataang manunulat sa iba’t ibang paaralan, kolehiyo at unibersidad sa buong lalawigan gayundin ang mga moderator/adviser ng iba’t ibang school organ/ publication. “Malaki ang naiambag ng mga Caviteño sa pambansang panitikan, kultura at kasaysayan. Kaya’t sana, sa pamamagitan ng CYWA, maipagpatuloy ang dakilang pamana,” wika ni Abueg. Sa kabataang manunulat at mga adviser/ publication ng mga school organ/publication, maaari nang makipag-ugnayan kay Ronald Verzo sa mga sumusunod: 09151156738, poyverzo@yahoo.com, rverzo@gamail.com, www.cavyoung.org

ya; GMA; 8 barangay, 61 pamilya ang apektado at dalawang ang sugatan at 20 kabahayan ang iniwang sira. Samantalang sa ikatlong distrito—Silang; 12 barangay, 381 pamilya ang apektado, apat na bahay ang sira, Maragondon; 13 barangay at 1,642 pamilya at 30 bahay ang sinira, Ternate, 9 na barangay, at 2,500 pamilya ang naapektuhan samantalang 61 bahay ang iniwang sira, Naic; 3 barangay at 466 pamilya, 22 bahay ang sira, Gen. Aguinaldo 1 barangay at 2 pamilya at dalawang bahay ang iniwang sira. Bukod sa mga sinirang bahay, halos lumubog din ang 68 barangay sa Bacoor sa baha. Sa bayan ng Kawit ay umabot mula sa tatlo hanggang anim na talampakan ang lalim ng baha. Samantalang umapaw naman Ylang-ylang River sa bayan ng Noveleta na siyang dahilan ng paglubog ng buong bayan na umabot sa 34 na talampakan ang taas. Inilikas naman sa lunsod ng Cavite ang mga residente ng Brgy. 5 at 7 sa Dalahican Elementary School. Higit na apektado na-

NI NADIA DELA CRUZ

BAGYONG PEPENG

man ang mga naninirahan sa Coastal Area sa bayan ng Rosario na nasalanta ng mataas na alon na umabot mula 47 talampakan. Umabot naman sa 58 talampakan ang baha sa Brgy. Buhay na Tubig at inilikas naman ang mga residente ng Dasmariñas na naninirahan sa tabing-ilog. Sa Gen.Trias, 690 pamilya ang inilikas mula sa pitong barangay samantalang 26 pamilya naman sa MA at 125 sa Carmona ang inilikas din. Dalawampung pamilya naman ang inilikas sa bayan ng Naic, 50 pamilya naman ang inilikas sa Ternate , 30 sa Maragondon ang inilikas. Samantalang Nagdulot naman ng landslide sa lunsod ng Tagaytay ang hagupit ni ‘Ondoy’ sa Talisay Road. Tinatayang 1,867 hektarya naman ng pa-

nanim ang pininsala na halos umabot sa halagang tatlong milyong piso. Kanya-kanya naman ng pagsasagawang relief operation at nagtulong

sa kani-kanilang mga nasasakupan ang mga lokal na pamahalaan ng buong lalawigan. Kasabay ng pagdedeklara ng State of Calamity.

PANAWAGAN Sa mga NGO, Civic Organization at iba pang organisasyon na ibig maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng pagsali sa DIYARYO PATROL na magsisilbing mata, tenga at tinig ng bayan mangyaring makipaguganayan kay Dating Kapitan Roberto ‘Obet’ Catalan sa numero 5040872 / 0916-1215880

Serbisyo Medical sa Cavite City, handog ng SEED MULING mag-aalay ng serbisyo sa darating na Oktubre 13, 2009 sa Cavite Sports Center sa Dra. Salamanca Rd. San Antonio Cavite City kalakip sa libreng serbisyong ipagkakaloob ay Medical, Dental and X-ray services. Ang SEED Center Phils. Inc. na Non Government Organization (NGO).

Ito ay itinatag noong Setyembre 2005, na ang pangunahing layunin ay matulungan ang ating mga maliliit na negosyante sa probinsiya ng Cavite. Ito ay organisasyong pang-komunidad na maymisyong pangunahan ang mga mahihirap tungo sa sariling pagsisikap at pag-unlad sa kani-kanilang negosyo sa

Dinaluhan ng iba’t ibang samahan, opisyal ng barangay, lider ng iba’t ibang NGO ang pagdiriwang ng kaarawan ni Tanza Mayor Marcus ‘Kuh-kuh’ Arayata na ginanap sa Arayata Sports Complex.

pamamagitan ng tinatawag na “Hollistic Ap-

proach”. OBET CATALAN


7 Pagtaas ng tubig dagat sa Cavite, 1-3 metro ang ilalalim OKTUBRE 04 - 10, 2009

GLOBAL WARMING (2)

Bagyo, Storm Surge, Tubig Alat, at Tagtuyot Dadalas ang bagyo, lalakas at mas maraming dalang ulan… Sisirain ng hangin, ulan at alon ang maraming kabahayan at istruktura ng lunsod. Sa panahon naman ng tag-

init ay higit na iinit at titindi ang tagtuyot. Hindi na mapapakinabangan ang mga deep well na pinagkukunan ng tubig tabang dahil sa paghalo ng tubig alat at paghalo ng putik. Magiging lubhang mahirap ang mabuhayan

ng pananim. Lilikas ang mga naninirahan sa tabing dagat at maaaring magsisikan ang karamihan sa kinalahating lunsod ng Cavite. Mas magmamahal ang bilihin. Mawawalan ng tirahan, hanap buhay at pagkain ang malaking

populasyon. Ano na ang mga paghahandang kinakailangan ng pamahalaan at NGO’s? Ang Global Warming ay pandaigdigang phenomenon at upang pigilan ito ay kinakailangan din ng pandaigdigang aksyon. Sa lokal na level, maliban sa kasalukuyang ginagawa ng pamahalaan kapag may kalamidad, (gaya ng relief, medical at emergency response, etc.) ang maaaring epektibo upang pangalagan ang coastal area ng lunsod ay ang pagbubuo ng breakwater o seawalls. Ngunit ang 2 kilometrong rockwall sa Manila bay ay inabot ng 15 taon bago nabuo. Mahalaga ito upang hindi agad gumuho ang lupa sa baybayin at depensa sa malalakas na alon. Kinakailangan gumugol ang pamahalaang lokal ng Php 106 M kada 1 kilometro. Ang PRRM ay nagsasagawa ng Mangrove reforestration na sinimulan ng grupo sa Rosario, susunod sa Naic, Ternate at Maragondon. Permanenteng proyekto ang Information/Education drive

Ne w Adiks on D Bloc k New Block

ISA sa mga avid reader natin (09164037...) ang nagpadala ng reklamo tungkol sa mga adik sa kanilang lugar sa Calumpang. Sabi ng ating nagmamalasakit na reader ay astigin daw ang mga adik dito. Kasi sa kalsada sumisinghot ng marijuana. Hindi daw maaksyunan ng mga pulis o barangay official dahil may kapit daw sa itaas di umano ang nanay ng adik na ito. At ang mas masaya, nag-invite pa ito ng ka-jamming na mga bata. Naku ha? Parang friendster na na nag-iimbita pa. At may pwesto daw sa palengke ang adiktos na ito. Paano daw sya matutulungan ng kolum na ito?

Naku, hindi po ako nanawagan sa mga di umano’y inutil na kapulisan at barangay official dyan sa nasabing lugar na sawatain o sawayin ang mga adik sa inyong nasasakupan. Naku pow, kung ako ang tatanungin nyo, ituloy nyo lang po ang pagdededma sa kanila. Bakit kanyo? Aba’y mainam yatang maraming adik sa mga kanto! Ganito kasi yun: 1. Kapag may adik sa mga kanto, nakakatipid ang gobyerno sa pagpapasweldo sa mga barangay tanod. 2. Dahil ayaw ng adik na maliwanag ang mga kanto at lansangan, binabasag nila ng mga ilaw sa poste. Kapag ganito nang ganito, bababa ang konsumo sa kuryente ng local government 3. Dahil panay marijuana at shabu ang pinauusok ng mga ito sa kalsada, hindi na kailangan pa ng fogging operation ng gobyerno para mai-

taboy ang lamok at iba pang insekto. Di, hindi na nga naman magkakadengue, malaria at iba pang sakit ang mga mamamayan. 4. Dahil sa takot ng mga mamayan sa mga adiktos sa kanto, kalsada at iskinita, mapipilitang umuwi nang maaga ang mga bata, kababaihan maging ang mga taga-call center, GRO, mambabalot at iba pang panggabing trabaho. Nangangahulugan ito na mas takot ang mga tao sa adik kesa sa ipinatutupad na curfew ng gobyerno, sa ganito ring paraan, kakaunti ang tao sa lansangan. Kakaunti ang tao sa lansangan, kakaunti ang mahoholdap, marerape o mapagtritripan.. 5. At dahil sa mga new adiks on the block, tiyak na maging ang mga mananangal, aswang at iba pang masasamang pwersa ng kasamaan ay magdadalawang isip kung lulusubin ang isang

lugar. Mantakin nyo, hindi naman mga engkanto o demonyo pero takot sa liwanag, hindi naman kapre pero nagpapausok, hindi naman mga dwende pero ang hihina ng boses (dahil nagbubulungan), hindi naman mga white lady pero lumulutang sa alapaap ang mga diwa at hindi naman mga aswang pero mahilig mambiktima. Dis is da rison belabed riders, kung bakit gustong gusto kong dumami pa ang mga adiktos sa ating mga lugar. Kaya kung may mga kilala kayong adik sa inyong lugar… wag na kayong magsusumbong pa sa mga pulis o barangay (baka adik na pulis o barangay pa ang mapagsumbungan nyo… lalo pa kayong nadisgrasya), ipanatag ang kalooban. Pasalamatan natin ang presensya ng… New Adiks on the Block

NI MELVON ROS

ukol sa Gobal Warming at kaugnay nitong Climate Change. Ang Fish Sanctuary ni Mayor Nonong Ricafrente ay patuloy naman sa Rosario katulong ang mga samahang mangingisda na tulad ng reforestration ay nakakapagpababa ng

greenhouse gases na nagpapainit ng temparatura ng mundo. “Kulang na kulang pa rin ang mga konkretong pag-aaral upang alamin at tugunan ang mga suliranin ng Climate Change sa lokal na konteksto.” Ani Lava . “Upang magkaroon ng konkretong aksyon ang pamahalaan, kinakailangan ng masusing research upang itugma ang mga action plan.”

SUNDOT LAPIROT MULA SA 4 Sa prinsipyo, ang tunay na kapangyarihan ay nasa mamamayan. Dahil binibigyan ng kapangyarihan ng sambayanan ang politiko na kumakatawan at mamuno para sa kanila. Pero sa katotohanan, kapag taglay na ng politiko ang ibinigay na kapangyarihan, nagkakandaletse-letse na. Parang mga aliping sagigilid, timawa o aliping kanin ang kaawaawang madla, nanlilimos ng tulong at awa. Mula sa simpleng baon sa eskwelahan hanggang sa pagpapalibing, mula sa yero ng bahay hanggang sa tulay… inihihingi natin ng tulong/limos. Sabi nga ng Philosopher na si Nicolo Machiavelli, “sanayin mo sa tinapay ang tao araw-araw, para kapag minsan mo lang sila bigyan ng karne, siguradong matutuwa sila nang husto sa iyo.” Ganyan ang ginagawa nila sa atin. Unti-unti, kapra-kapraso ang ibinibigay. Para lagi nga naman natin sila kakailanganin, para lagi natin silang lalapitan. Ang kaprasong nakukuha natin sa kanila, ipagpapasalamat natin hanggang langit. Kaya naman, natuto na tayo (kahit papaano). Tuwing makikita natin sila, pipilitin nating makahingi kahit ano, kahit barya… basta’t makahingi. Kasi alam natin, bukas-makalawa, mahirap nang lapitan ang mga ito. Saka alam natin, ang kaprasong hinihingi natin ay galing naman talaga sa atin at para talaga sa atin. Ito namang si politiko, sa lahat ng pagkakataon na maisingit ang sarili, mai-promote ang sarili, maidisplay ang sarili… kesihodang tumambling at magala cartoon kapag kampanya, kesihodang ipangako ang langit at bituin… makamit lang ang matamis nating boto. *** Parang gusto kong maiyak nang sabihin ng mga taga-Malacañang na ibibigay nila ang dalawang buwan nilang sweldo para maitulong sa mga naging biktima ng Bagyong Ondoy. Naku kahit huwag nyo na pong gawin ‘yan… ibigay nyo na lang po ang talagang para sa bayan, okay na!

SISID MULA SA PAHINA 4 Sa baryo ng Sta. Rosa I, Exodus at ilang bahagi ng Ligtong 3, Rosario, Cavite na sobrang binaha at napinsala ng bagyong “Ondoy”. Gabahay ang taas ng tubig, kaya ganun na lamang ang pagkamangha ng mga residente dito na ikinasawi pa ng isang buntis. Sa di inaasahang pagkakataon, mga ‘Troso” na ang inaanod kasabay ng pagbuhos ng malakas na agos. Nang sumalpok sa kabahayan, sira kaagad! Kung saan galing ang nasabing “Troso”, iisa ang sinabi: Sa Wu-Kong galing ang mga trosong iyan. Kung paano nakawala ang mga troso, iyan ang ating aalamin? Sa pamunuan ng kumpanyang Wu-Kong higit sa mga kaibigan nating “Hapon” basahin ninyo po ito ng sabay-sabay: “KAISHA WU-KONG NO SACHO MINASAMA WA, FIRIPIN NI SITUATION WA HONTONI MUSUKASHI DESUKEREDEMO ASSISTANCE GA ITADAKIMASEN KA?” Domo Arigatou Gozaimasu! Sa magiting na Kapitan Del Baryo ng Ligtong III, Kap. Onad Victor, sir maraming salamat sa agarang pag-aksyon sa iyong mga nasasakupan. Saludo po kami sa iyo!


8

OKTUBRE 04 - 10, 2009

Samahang Magdalo sa Cavite patuloy na lumalakas at lumalawak

INDANG - Matapos ang mutiny ng mga magigiting at makabayang sundalo sa Oakwood noong 2002 at Manila Peninsula noong 2007 para sa pakikipaglaban sa katiwalian, korapsyon at pandaraya at para sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan at kawastuhan ay patuloy na lumalakas at lumalawak ang Magdalo nina B/ Gen.Danilo Lim, Sen. Antonio Trillanes, Lt.James Layug at Capt.Gary Alejano. Higit pang dumami ang naniniwala at tagasunod nila ng ideklara nila ang kanilang bagong serye ng pakikibaka sa pamamagitan ng pagsali sa eleksiyong 2010 at ng buksan nila sa mga sibilyan o mamamayang Pilipino ang citizens sector ng Magdalo, -ito ang Samahang Magdalo. Mabilis ang paglakas at paglawak ng pagtatatag ng mga chapters ng Samahang Magdalo sa loob at labas ng bansa. Sa lalawigan naman ng Cavite ay ang mga bayan ng Bacoor, Noveleta, Rosario, Gen. Trias, Imus, Dasmariñas, GMA, Carmona, Silang , Ternate at mga lungsod ng Trece Martirez at Cavite ay may chapters na. Samantala pormal namang nailunsad ang Samahang Magdalo at naisagawa ang basic

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT

CAPRICORN: Huwag sayangin ang oras. Isang oportunidad sa trabaho ang kakatok. Mag focus sa ginagawa pero bigyan din ng oras ang love life. Lucky days: Wednesday / Friday. AQUARIUS: Makukumpleto ang araw mo sa tuwing siya ang nakikita nanatili siyang inspirasyon mo lalo na sa iyong pagtratrabaho. Mapapansin ka din niya. Lucky days: Saturday / Sunday. PISCES: Harapin mo ang suliraning darating sa inyong relasyon. Sadyang kaakibat ang pagtatalo at tampuhan dito. Kailangan mo lamang tatagan ang loob. Lucky days: Tuesday / Wednesday. ARIES: Ito ang araw na malaki ang posibilidad ng di pagkakaunawaan sa pagitan mo at ng iyong mahal. Kaya ang payo, mas mabuting di muna kayo magkita. Lucky days: Monday / Wednesday. TAURUS: Susuwertihin ka ngayon! Kahit saan ka magpunta, kahit ano ang gagawin mo. Susundan ka ng magagandang kapalaran at bibigyan ka ng kagalakan sa puso at damdamin. Lucky days: Thursday / Friday. CANCER: Malakas ang iyong loob para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay, tatagan mo ang iyong loob at huwag susuko sa hamon ng buhay. Lucky days: Friday / Saturday. LEO: Magpasalamat sa mga biyayang natatanggap ngayon, ikaw ay mabuting tao na handing tumulong sa pangangailangan ng iba. Lucky days: Tuesday / Sunday. VIRGO: Gamitin mo ngayon ang iyong tapang, hindi sa mga kaaway o kaibigan, dapat sa paghakbang na pupunta sa iyong pinakamalaking ambisyon, malayo ang iyong mararating. Lucky days: Monday / Wednesday. LIBRA: Isang taong masayahin, palabiro at ang mga ngiti niya ay nakakahawa siya ang ipinadala sa iyo ng iyong tadhana bilang kasagutan sa minsang hiniling na makasama ang iyong tuwa at ligaya. Lucky days: Friday / Sunday. SCORPIO: Lumapit at dumikit sa mga masasaya, layuan ang mga walang kibo at mahiyain upang makatiyak ka na mababahagian ka ng mga magagandang kapalarang mahuhulog mula sa langit. Lucky days: Tuesday / Thursday. SAGITARIUS: Wala sa mga malalayong lugar ang nilalang na magpapaligaya sayo, luminga ka dahil ang taong yon ay malapit na malapit lang sa inyong tirahan. Lucky days: Wednesday / Saturday.

orientation meeting nito sa Indang, Cavite noong Agosto 16, 2009 na pinangunahan ng may 20 makabayang mamamayan ng Indang sa pangunguna ng inyong lingkod at ako ay naitalaga nina Gen. Lim at Capt. Alejano bilang Municipal Coordinator dito at Organizer sa iba pang lugar. Dumating din at nagbigay ng kanyang makabuluhang mensahe si 1Lt. Danny Cañaveral (PM) na siyang tumatayong Provincial Coordinator ng Samahang Magdalo sa lalawigan ng Cavite. Si Cañaveral ang isa sa magigiting na kawal Pilipino na nanguna sa Oakwood Mutiny noon at kasamang naibilanggo ng kasalukuyang rehimen dahil sa pakikipaglaban para sa interes at kapakanan ng mamamayan at bansa. Siya ay kasama sa napalaya noong 2007 subalit ayon sa kanya ay mananatili na lamang muna siyang ordinaryong mamamayan na tagasuporta ng Samahang Magdalo. Kung bibigyan muli ng pagkakataon ay babalik lamang siya umano sa serbisyo kapag nagpalit na ng administrasyon sa 2010. Sa kabilang banda ay naganap naman noong Setyembre 13, 2009 ang makasaysayan at pinakaunang provincial meeting ng lahat ng coordinators, leaders at presidents ng Samahang Magdalo ng Cavite sa Brgy. Manggahan, Gen.Trias na dinaluhan nina Mr.Fernando Pagal Jr. at Mrs.Julie Pagal (Bacoor), Mr.Melchor Lopez (Cavite City), Mr.Malvin (Gen.Trias), Brgy.Capt.Teodorico Remulla (Dasmariñas), 2Lt.Gregorio Restrivera (Carmona), Mr.Isabelo Navales (2nd District, Cavite), Mr.Perlado (Retired Police), Mr.Nomer Bayas (Retired Marines), Ms.Lea Bordamonte (NCR), 1Lt. Danny Cañaveral (National) at ng inyong lingkod (Indang at 3rd District, Cavite). Narito naman ang kasagutan sa nakaraang tanong noong isang linggo na bakit dapat sumali, sino ang dapat sumali at ano ang responsibilidad at mga magagandang katangiang dapat isabuhay at isagawa ng isang kasapi ng Magdalo. Why join? It will be an opportunity for everyone to be a catalyst and become part of a group aspiring for a CHANGE; with a common goal and interest: A Just and Corrup-

tion-free country. Who can join? The following are the basic qualifications to become a member of the Samahang Magdalo: • Filipino citizens • 18 years old and above • Must be willing to adhere to the principles and advocacies of the Magdalo What are the responsibilities of a member of Samahang Magdalo? 1. Be a productive and law-abiding citizen. 2. Support the activities of the Magdalo. 3. Observe the Samahang Magdalo Code of Conduct. Samahang Magdalo Code of Conduct 1. I will love my God, my Country and my People. 2. I will love my family. 3. I will love my environment. 4. I will help those in need, most especially a fellow Magdalo. 5. I will participate in elections; I will not sell my vote. 6. I will pay my taxes. 7. I will not bribe or be bribed. 8. I will be a good example to my fellow man.

Kapag bata ang gumawa CHILD LABOR ang isa sa mga problemang hindi agad matugunan ng gobyerno sa ngayon. Apat na kaibigan kong menorde edad ang nakalusot at kasalukuyang nagtatrabaho sa isa sa mga Export Processing Zone dito Cavite, di ko sila masisisi dahil na rin sa hirap ng buhay ngayon. Ang masama, kalimitan at karamihan ng mga kabataang biktima nitong Child Labor ay sa mga illegal pa napapasabak, gaya ng prostitusyon at mga kasong sangkot sa droga. Illegal na nga ang child labor, illegal pa din ang trabaho. Sa dinami-dami ng mga nabasa kong libro sa historya ng Pilipinas at pagpunta-punta sa mga lugar na may mga panulukang bato o historical marker dito sa Cavite, wala akong makitang katibayan ng naging malaking papel ng mga bata noong panahon ng himagsikan. Maliban na lamang sa ilang tala na, ang mga bata daw noong araw ay tumutulong sa himagsikan. Pero sa paanong paraan? Iniisip kong maaaring sa pakikipaglaban, pero hindi ba masyadong delikado sa kanila? At payagan naman kaya sila ng kanilang pamilya? Mula sa isang libro ni Mr. Ambeth Ocampo binangit niya sa isang maikling pangungusap na, “The bigger problem was that even if they had guns, they (mga naghihimagsik) did not have sufficient ammunition. This explains the numerous orders, sometimes even to children, to return to a battle site and gather empty cartridges.” Malaking patunay ang pangungusap na iyon na (1) kinakapos sa bala ang mga naghihimagsik, (2) at malaking papel ang ginagampanan ng mga kabataan noon sa himagsikan.

Parang ang daling isipin na yun lang ang silbi o trabaho ng mga bata noong panahong iyon ng himagsikan, pero kung iisipin hindi madali ang pagsunod sa utos na iyon na bumalik sa lugar kung saan katatapos lang ng labanan. Dahil kung iisipin delikado ang gawain na iyon dahil maaring may mga buhay pang kalaban na naiwan doon at hindi biro ang magpulot ng mga basyo at bala sa isang lugar na katatapos lamang ng giyera, kung saan wala kang magandang tanawing makikita kung hindi mga patay na naliligo sa mga sariling dugo. Nang panahong dinakip si Heneral Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela, Sumigaw ito na itigil ang pagpapaputok ng baril dahil sayang ang bala, sa pagaakalang nagkakatuwaan ang kanyang mga kasama dahil sa katatapos lang ng kanyang kaarawan, kaya naman laking gulat ng Heneral ng mapansing sa kanilang direksyon napunta ang bala. Iyon na ang ang huling utos na nabitawan ni Heneral Emilio Aguinaldo bago siya tuluyang madakip ng mga Amerikano, ang magtipid ng bala. Kung iisipin talaga malaking hirap ang dinaranas ng mga naghihimagsik noon dahil sa problemang wala silang gawaan ng armas at wala din silang gawaan ng bala. Tumugon ang mga Intsik sa problemang iyon, dahil hindi lang pala mga batang pilipino ang namumulot ng basyo kung hindi ang mga Intsik, at ibinebenta(raw) sa murang halaga sa mga naghihimagsik (at hindi raw yun smuggled). Pero gaya ng una kong sinabi wala tayong gawaan ng bala, ibig sabihan wala o hindi pa abot ng kamalayan ng mga Pilipino noong pagkakataong iyon ang paggawa ng pulbura. Kung kaya’t ang mga sangkap lamang na ginagamit nila ay ang pinaghalong uling, sulphur at salitre (pangunahing sangkap ngayon sa paggawa ng tocino) sa tulong na rin ng mga bata.


OKTUBRE 04 - 10, 2009

Nardong Putik

MAAGANG na byuda si aling Bating sa asawang si damaso Fajardo. Pinatay ang kanyang asawa ng isa nitong kaaway. Mayroon silang dalawang anak at sila ay nakatira sa bahay ng kanyang mga biyenan. Liblib at malayo ang lugar na iyon mula sa kabayanan. Pagtatanim ng palay ang kanyang hanapbuhay na siyang ginaMahal kong Bebang, Naiinis ako sa ex ko. Hindi kami kasal pero nagkaanak kami. Baby pa lang ang anak namin nang maghiwalay kami. Naiinis ako sa kanya kasi bigla na lang sumusulpot sa bahay na tinitirhan namin ng anak ko. Walang pasabi. Bigla na lang magdo-doorbell doon. Huli niyang ginawa ito, alas-onse ng gabi at patulog na kami. Bigla tuloy napabangon ang anak namin, lumabas ng bahay at sinilip ang gate. Pinagbuksan pa siya at kinausap nang mga 30 minuto. Hindi na ako lumabas. Pinasunod ko na lang ang kasambahay namin para may makasama ang bata habang kausap ang tatay. Hindi ba nakakainis ang ganitong lalaki? Ano ba ang dapat kong gawin? May Narke ng Imus Market Rd., Imus Market, Aguinaldo H’way, Cavite Mahal kong May, Naku, May, naka-

mit niyang paraan ng pagtataguyod nang mag-isa sa kanyang mga anak. Sa unang pagpapakilala pa lamang ng isang kasamahan ni Nardo kay Aling Bating ay hindi na kaagad pumasa sa kanya ang nasabing lalaki. Napag-alaman niya kaagad ang ilang mga bagay tungkol kay Nardo tulad ng kaya nagtitigil doon ang lalaki ay dahil pinaghahanap ito ng mga alagad ng batas at mayroon na itong sariling pamilya sa Dasmariñas. Batid niyang hindi magiging maayos ang kanyang buhay pati na ng kanyang mga anak.

Ikat-5 bahagi

Masugid Manligaw si Nardo Bago pa nanligaw si Nardo ay mayroon nang masugid na manliligaw so Aling Bating matapos na siya ay mabiyuda. Isa itong matandang binata na sinuyo ang lahat ng kanyang mga nakatatandang kapatid para lamang pumayag siyang pakasalan nito. (ulila na sila sa mga magulang noon.) lahat ng tulong ay ibinigay ng nasabing manunuyo ngunit tumakas siya sa kanilang bahay noong malapit na ang takdang araw ng kaniyang muling

pagpapakasal. Umuwi siya noon sa bahay ng mga magulang ng kanyang asawang namatay. Doon nga ay nagtagpo ang landas nila ni Nardong Putik. Sa simula pa lamang ay tinapat na ni Aling Bating kay Nardo na walang maaasahan sa kanya ang lalaki dahil nga sa kalagayan nito na alam niyang magiging isang sakit ng ulo. Subalit hindi siya tinigilan ni Nardo sa panliligaw, ilang ulit itong nanuyo sa kanya sa pamamagitan ng pagdadala ng maraming tauhan upang tumulong sa pag-

Muling pagkikita kainis nga siya. Ang dating kasi ay hindi niya nirerespeto na may pribado ka nang buhay pagkatapos ng pagsasama ninyong dalawa. Pakiramdam niya ay kanya ka pa rin at ang anak mo at may karapatan siyang pumunta anumang petsa at oras na gustuhin niya. Dapat itong ituwid lalo at nagrereklamo ka na. Kausapin mo muna ang iyong anak. Sabihin mo ang nararamdaman mo sa ginagawa ng tatay niya. Sa tingin ko ay okey lang naman sa’yo ang pagbisita, hindi ba? Ang mali lang ay iyong pabigla-bigla at wala sa oras na pagsulpot sa bahay ninyo. Sabihin mo sa anak mo na kakausapin mo ang tatay niya. Pagkatapos, kausapin mo ang tatay nang kayong dalawa lang. Iwasang sa harap ng bata. Ipakita sa ex mo na pinapahalagahan mo ang pag-

Anak ng Kawit: Carlos V. Ronquillo (Man un ula t/R ebulusy onar yo) (Manun unula ulat/R t/Re ulusyonar onary

SA mga manunulat na sangkot sa Rebulosyon sa Cavite, si Carlos Valdez Ronquillo (1877-1941) ang may pinakamahabang paglilingkod na pagkamakabayan. Hindi lamang siya nakapagtala ng napakaraming datos sa kanyang aklat na Ilang Talata tungkol sa Paghihimagsik nang 1896-1897 (Medina, 1998) kundi nagpatuloy pa siya sa pagtutuwid ng mga itinuturing niyang kakulangan o kamalian sa

bisita niya sa bata at natutuwa kang nagkikita silang mag-ama. Pero banggitin mo ring hindi ka komportable sa ginagawa niya. Linawin mong hindi mo siya tinatanggalan ng karapatang bumisita sa anak ngunit ipakadiin mo na maaari lamang niya itong gawin kapag may permiso mo. Ibig sabihin, kailangan muna niyang magpaalam sa iyo kapag pupunta o makikipagkita siya sa anak ninyo anumang oras at petsa. May sarili ka na kasing iskedyul. May iskedyul din ang bata. Hindi maganda sa kanyang kalusugan at pag-aaral ang ganyang pabigla-biglang bisita lalo na kung malapit nang maghatinggabi. Maaaring nawawala ang antok ng bata at gabing gabi na siya tuluyang makatulog. Ang batang puyat ay hirap mag-concentrate sa inaaral kina-

aani ng palay sa mga bukirin kanyang pinagtatrabahuhan. Masugid daw talgang manligaw si Nardo kung kaya’t minsa’y nahihiya siya sa kanyang mga biyenan. Ayaw niyang isipin ng mga ito na sadyang siyang nagpapaligaw dito. Ang “panggagabot” kay Aling Bating Nahihiya na siya sa kanyang mga biyenan kung kaya inisip niyang magpaalam sa mga ito upang bumalik na lamang sa kanyang dating tirahan. Ipinaliwanag niya sa mga matatanda na nais niyang makaiwas sa masalimuot na buhay – ang maging asawa ng isang kaaway ng batas. Noong umaga ng kanyang pag-alis nakasalubong ni Aling Bating at ng kaniyang mga biyenan si Nardo. Nang tanungin sila ng lalaki kung saan sila pa-

9

roroon ay sinabi nilang sila ay magtatanim lamang sa bukid. Nagduda si Nardo na itatakas si Aling Bating ng kanyang biyenan, kung kaya binalaan ni Nardo ang mga matatanda na baka magkakasubukan sila kung iaalis doon ng mag-asawa ang kanilang manugang. Walang nagawa ang mga ito kung hindi ang magbalik sa kanilang bahay. Matapos ang ilang araw ay sapilitang tumira si Nardo sa pamamahay ng biyenan ni Aling Bating upang kasamahin siya nito. Sa takot sa lalaking kilalang makapangyarihan at nasasandatahan ay pikit matang tinanggap na lamang niya ang sinapit na kapalaran. Ito ang panggagabot, ang sapilitang pakikisama ng lalaki sa isang babaeng nakursunadahan.

GOOD MORNING TEACHER mula sa pahina 5

Para sa panitikan, para sa bayan 09193175708 / 3814592 bebang_ej@yahoo.com bukasan. Isa pa, maaaring siya naman ang magulat at manghinayang sa biglaang pagbisita (pamasahe, pagod at iba pa) kung kayo pala ng bata ay wala sa bahay at naglakwatsa. Pinakamainam talagang nagpapaalam sa iyo. Isang text lang naman kamo. O, May, huwag ka nang mainis. May solusyon ang lahat. Ako pa rin, Ate Bebang

pagsasalaysay ng mga tunay na nangyari sa himagsikang Pilipino laban sa kastila. Ginawa niya ito pagkaraang magtagumpay si Hen. Aguinaldo sa pagpapabagsak ng rehimeng Kastila sa Pilipinas. Halimbawa’y ayon kay Hen. Artemio Ricarte, ang dakilang pulong sa Tejero ay naganap noong ika-12 ng Marso, 1897; sinalungat ito ni Ronquillo na nagsabing naganap ito noong Marso 21, 1897. sa palagay din ni Ricarte, ang KKK ay nangangahulugan ng Kataastaasan, Kamahalmahalanan ng Katipunan…, pero kay Ronquillo ang wasto ay Kagalanggalangang kataastaasang Katipunan. (Renacimiento Filipino, Setyembre 14, 1911). Ikalawa’y isa siyang peryodista hanggang nang siya’y nagsulat sa Muling Pagsilang, seksyong tagalong ng kapus-palad na El Renacimiento (19051907), saka naging pangunahing manunulat ng Taliba (1910-1914) bago siya naging patnugot nito (19141928) at pinangasiwaan niya ito hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Sa mga pahayagang ito lumabas ang Palipas, katipunan ng mga pamahiin, sabi (kasabihan), salawikain at kaugaliang Tagalog (1910-1911); Mga Makatang-bayan (1912) at Hiwaga

SA radyot telebisyon, din a maitago ang kalunos-lunos na pangitain na dulot ng bagyong ito sa kisapmata marami ang nawalan ng bahay at buhay. Pati na ang kabuhayan, kasunod ang mga kagamitan at mga ariarian. Sa tulong narin ng media, artista at musika, humihinahon ang taong bayan. Sa pakikiisa ng bawat Pilipino maging material at ispiritwal na pangangailangan muli na naman nating napatunayan ang People power. Ito ay ang Bayanihan at kabayanihan ng nagkakaisang Pinoy Mabuhay ang Liping Kabitenyo. Mabuhay ang Lahing Kayumanggi. Mabuhay ang Sambayanang Pilipino. Kay ganda ng ating musika Tunay na alay sa panahon ng pighatit kalamidad Yan ang Pinoy Sa awit kumakapit Kahit humagupit ang bagyong nagpupumilit Di aatras sa labang kay higpit dala’y pag-asa at laging paalala “Don’t Quit” Good Morning, Teacher ang palaging pagbati ng umagang kay ganda at bagong pag-asa. Edukasyon. Kahit saan… kahit kailan, katuwang sa karunungan at kaunlaran. ng Puso at Alaala ng Nagdaan (1913); at iba pang katha. Naging aktibo rin siya sa iba’t ibang samahang pangwika at pampanitikan, tulad ng Panitik sa Cavite (siya ang naging pangulo), itinatag ng Estados Unidos ang sistema ng basikong edukasyon para sa lahat, nagkaroon ng kontrobersya ukol sa kung anong wikang panturo ang gagamitin sa mga paaralan. Tagalog ang isa sa mga wikang ipinaglalaban ng mga dating rebulusyonaryo na kasama ni Ronquillo. Gayunman, sa dakong huli’y Ingles ang iniutos na gamiting wikang panturo sa mga paaralang-bayan. Dahil sa walang puknat niyang pagtataguyod sa Tagalog bilang wikang pambansa, tinawag siyang “Maginoo ng Wikang Tagalog” (Medina). Si Marcelo P. Garcia, isang manunulat na naging kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa at dating may pinakamalawak na koleksyon ng mga babasahin tungkol sa wika, panitikan, at kulturang Pilipino ay nagsabing “utang kay Carlos Ronquillo ang kasiglahan ng panitikan na nakaakit sa kabataan at sa bayan dahil sa (mga) sinulat sa kanyang pitak (kolum) sa Taliba mula 1910 hanggang 1918.”


10

OKTUBRE 04 - 10, 2009

ni eros atalia

Unang Gantimpala Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006) (Ika-7 GAYA ng inaasahan ni Intoy, lalos din ang kanyang tahong. Sa kalkula nya, maibebenta nya sa pakyawan nang tatlong daan ang laman ng kanyang tahungan. Sya at ang mga tulad nya na naghintay ng anim hanggang pitong buwan, na namuhunan ng sipag mula sa pagtatanim, pagbisita kada ilang araw, paghihigpit sa mga taling maluluwag, pagtatanggal ng mga kumapit na basura, pagluluwag ng mga sobrang sikip na pagkakatali. Malamang, mga kinseng galon sa beynte pesos bawat isa. Matatapos na sana ang kanyang paghihintay. Nagkaayos na sana sila ni Doray. Agad syang bumalik sa lugar na pinag-iwan-

labas) an sa kanya ni Mang Amor. Maya-maya pa ay dumating na ang amo. Hila-hila ng bangkang de motor ang kinasasakyan nyang lunday. Tumataas na ang araw. Sumisilaw na sa kanyang mata ang repleksyon nito sa dagat. Wala sa loob nya ang paglimas ng tubig sa lunday. Saan sya kukuha ng pera? Paano na ang usapan nila ni Doray? Pwede kayang bumale na agad sa kanyang mga lilinisan? Toy, kung talagang kursunada mo ang tilapya ni Inday, dapat bayaran mo rin ‘yun. Kahit pa magkakaibigan tayo, abay bisnis is bisnis, sabi nga ng titser natin sa H.E., si Bertong Baka. Ulol! ‘Tang ‘nang ‘to, sama ng isip. Wala pa sa isip ko yung iniisip mo.

SENIOR CITIZENS... MULA SA P. 5 Sa tantiya ng MMDA, aabutin ng isang buwan ang rehabilitasyon ng mga nasirang patubig, komunikasyon, gusali, kubo, at mga iba pang kalat, kalat na kasiraan sa matinding galit na ipinamalas ng kalikasan na naging sanhi ng kahmbal hambal na kalagayan ng kalakhang Maynila. Ay nagpapakita naman ng pagtutulungan ang pamahalaan at pribadong sektor na kinabibilangan ng negosyante relihiyoso, mamahayag, artista, propesyonal na estudyante mamamayang mayaman at mahirap. “Good Luck and God Bless all of You” Iwanan muna natin ang pangyayari sa kalakhang Maynila at pagtuunan natin ng pansin ang sarili nating lalawigan. Bagamat hindi grabe ang naging problema ng Cavite sa ngayon, maari naman itong tumindi sa mga susunod na pagkakataon kundi natin susuriin ang mga kadahilanan kung bakit naging mapanganib at mapaminsala ang baha at ito ay paghandaan. Ang Cavite ay nahahati sa tatlong bahagi sang ayon sa sa dahilip (Slope, more or Less) ang kaitaasan ay binubuo ng labing tatlong bayan na kinabibilangan ng nasa tuktok ng Tagaytay, Magallanes at Maragondon. Ang kalagitnaan ay may pitong bayan na pinangungunahan ng DasmarIñas, Imus at Gen, Trias. Ang kababaan, na humahalik sa Manila Bay, ay may limang bayan na binubuo ng Cavite City, Bacoor, Kawit, Noveleta at Rosario. Samakatuwid pag umulan todo-todo ang tubig na mula sa itaas ay dadaloy pa ibaba sa pamamagitan ng mga ilog na dumadaan sa gitnang bahagi at dudusdos hanggang sumaliw sa maalat na tubig ng Maynila Bay. Kung tuluy-tuloy ang pag-ulan at sabayan ng hightide” ng dagat, kaawa-awa ang Rosario, Noveleta, Kawit at Bacoor na nagiging isang maluwang na “Flood Plain” alin ko pa ang Cavite na ang malaking bahagi ay mababa o kasing taas ng Manila Bay. Idagdag pa natin ang walang habas na pagpuputol ng mga punong kahoy na siya sanang pamigil sa marahas na bulusok ng tubig paibaba. Ito paring tuloy na pagpuputol ng mga punong kahoy, sang-ayon sa proseso ng “Global Warning” ay pupunit sa “Luntiang Lambong” sa nabilad at nagkulay kayumangging lupa na nawalan ng silbi bilang sisidlan ng “Evaporation” kung tag init “ (El Niño). MAY KARUGTONG

‘Yan ang napapala mo sa pakikiusyoso sa kwentuhan ng mga drayber at konduktor. Eh, kung kuskusin din kaya kita tulad ng pagkuskos ko sa bus? Di ka pa kasi nakakatotkans kaya ka ganyan magsalita. Totoy ka pa! Tagal na nating tule, totoy ka pa rin! At ikaw… matanda na? Buwan lang ang itinanda mo sa akin ‘no? Row por ka talaga! Palkups ka talaga! Apat na ang natotkans ko. Si Jenny Kikay, nilibre ko lang ng Mc Do at ibinili ng t-shirt sa ukay ukay, nakalaykay ko na ang kiki ni Kikay. Kaya lang amoy ukay-ukay din ang puday ni Kikay. Maluwag na rin. Si Che-che Tatse, niyari ko nang patuwad sa pantalan ni Mang Amor. A, yun, syinota ko talaga muna. Ako nakauna dun. Si Neneng Bayag, syinota ko rin. Pero pakiramdam ko, ako ang syinota. Dito ko sa ‘tin kinana ‘yun. At ang di ko maka-

kalimutan… si Selyang Kuto. ‘Yun ang dumonselya sa akin. Napatigil si Intoy sa paghihimay ng straw na pagbabalutan ng similya. Inusisa ang sinabi ng kaibigan. Kilala kasi si Selyang dating star ng beerhouse. Halos nagbibinata’t

nagdadalaga na ang mga anak nito at napabalitang kinukuto. Di nya alam kung inaabatan lang sya ng reaksyon ng kasama sa bahay na washer nang bus. Baka nga nagbibiro ang kaibigan. O !, lalong lumalaki ang mata mo, Lalo kang

nagmumukhang lasing na syokoy. Wala nang kuto ‘yun. Magaling na nung kinana nya ako. At por yur inpurmesyun, di ko binayaran ‘yun. Sya pa ang nagpainom. Kursunada siguro ako. Pabertdey nya raw sa akin. Sya ang nakaberdyin sa akin sa edad kinse.

GEN. LUCIANO SAN MIGUEL HIGHWAY MATAGAL na panahong itinago sa atin ng kolonyal na edukasyon ng mga Amerikano ang kabayanihan ng maraming Pilipinong nagbuwis ng buhay sa ngalan ng kalayaan. Inakala ng maraming Caviteño na si Gen. Emilio Aguinaldo na ang pinakadakilang bayaning naimbag ng lalawigan ng Cavite sa ngalan ng pakikipaglaban para sa kalayaan. Bukod kay Gen. Julian Montalan at Col. Cornelio Felizardo, isa sa dapat nating dakilain at bigyan ng wastong pagkilala at pagdakila ay si Gen. Luciano Sa Miguel. Noong Ika-28 ng Marso, 1903, kasama ang may 200 tauhan ay nagbuwis ng buhay si Gen. Luciano San Miguel sa madugong sagupaan sa Corral na Bato, Antipolo, Rizal laban sa pwersa ng mga mananakop na Amerikano na sinuportahan ng mga sundalong Macabebe. Marangal na nakipaglaban si Gen. San Miguel at pinatunayan ang kanyang pagiging tunay na Katipunero hanggang sa huling patak ng kanyang dugo (“Bandoleros” ni Ochosa p.45). Kabaliktaran naman ito nang ginawa ni Gen. Emilio Aguinaldo na matapos mahuli ng mga Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela (sa tulong rin ng mga sundalong Macabebe ) ay agad nangampanya sa mga rebolusyunaryong patuloy na lumalaban na magsisuko na rin sa mga Amerikano. Kung multong patuloy na isinusumbat ng kasaysayan sa pagkatao ni Gen, Emilio Aguinaldo ang pagkamatay nina Andres Bonifacio noong Mayo 10, 1897 at ni Gen. Antonio Luna noong Hunyo 5, 1899, kadakilaan naman ang pinatunayan ni Gen. Luciano San Miguel nang buhayin nito ang Katipunan at magtangkang ipagpatuloy ang rebolusyon laban sa America noong panahong karamihan sa mga pinuno ng pag-aaklas ay tumalikod na sa paghahangad ng kalayaan. Ipinanganak si Gen. Luciano San Miguel noong Enero 7, 1875 sa Noveleta, Cavite. Siya ang panganay at nag-iisang anak na lalake ng mag-asawang

Regino San Miguel at Gabriela Saklolo. Nakapagtapos siya sa Ateneo de Manila at nakahanda nang magpakasal sa kasintahan niyang si Maria Ongcapin nang pumutok ang himagsikan noong 1896 kung kaya sa edad na 21 taong gulang ay sumapi siya sa pangkat ng mga Magdiwang sa Nobveleta na kinabibilangan nina Artemio Ricarte, Diego Mojica at Mariano Alvarez. Nabigyan ng ranggong Colonel si San Miguel at namuno sa pakikipaglaban ng mga Katipunero sa Nasugbu, Batangas . Ika-25 ng Marso, 1897 nang sumanib si San Miguel sa pangkat nina Gen. Artemio Ricarte at Gen. Emilio Aguinaldo sa Imus upang salakayin ang mga Kastila sa Cavite Viejo at San Francisco Malabon. Hindi naisakatuparan ang pagsalakay subalit nang sinundang araw ay pinamunuan ni San Miguel kasama ang mga tauhan ni Andres Bonifacio at Gen Julian Montalan ang mga sundalong Kastila sa barrio Bacao, San Francisco de Malabon. Nang isuko ng mga Magdalo ang pakikipaglaban sa mga Kastila kay Gobernador Heneral Primo de Rivera noong Disyembre, 1897 ay ipinagpatuloy pa rin ni Gen Luciano San Miguel ang pakikipaglaban. Pinamunuan niya ang pangkat ng mga rebolusyunaryo sa Gitnang Luzon hanggang nang muling magbalik si Gen. Aguinaldo upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Kastila. Tauhan ni Gen. San Miguel ang unang napatay sa tulay ng San Juan nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano noong Ika-4 ng Pebrero, 1899. Ipinagpatuloy ni Gen. Luciano San Miguel ang pakikipaglaban sa mga Amerikano kahit pa isa-isa nang nagsisuko ang mga pinuno ng rebolusyon gaya nina Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Vicente Lukban at Gen. Miguel Malvar. Binuo ni Gen. San Miguel ang “Bagong Katipunan” magmula 1902 na naglalayong ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang sa makamit ang kalayaan. SUNDAN SA PAHINA 12



PUMATAY Suspek nakunsensya …. SA BRGY. KAG, SUMUKO NA CAVITE CITY – Naresolba ng kapulisan ang isang kahindik-hindik na krimen na naganap kamakailan sa lunsod na ito, sa pakikipagtulungan na rin ng mga ilang residente. Sa isinumiteng report ni PO1 Artemio Cinco Jr., kay P/Supt Simnar Gran at kay P/Insp. Angelica Starlight L. Rivera, kinilala ang suspek na si Romano G. Ramirez, alyas “Dindo”, 41 taong gulang, binata, walang trabaho, residente ng 438 F. Dela Cruz St., Caridad. Magugunitang naganap ang pangyayaring krimen noong Agosto 21, 2009 sa sariling tahanan ng biktima na natagpuang nakahandusay at naliligo sa sarili niyang dugo na may nakaturok pang gunting sa gawing likuran ng kanyang katawan. Base sa salaysay ng suspek kay PO1 Cinco, at PO2 Mavert Sto. Doningo

Ni Sid Luna Samaniego na noong Agosto 20, 2009 siya ay nasa kanto ng F. Dela Cruz kung saan dumating ang isang alyas ‘Roroy” na ang tunay na pangalan ay Froilan Eugenio ay isinama siya sa pamamasada ng tricycle at sila ay pumila sa Jollibee sa may palengke. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang isang alyas Dennis at doon ay kinausap nito si Roroy na nagsabing: “kanilang didiskartihan si Kag. Noel dahil bagong sweldo raw ito. Dahil sa pagkakataong iyon na nangangailangan din ito ng pera ay kinausap sila na kung

maaari ay isama nila ito sa kanilang lakad”. Pumayag naman ang dalawa na isama si Dindo, at doon ay pinag-usapan nila kung paano nila madidiskartehan si Kag. Noel Asahan. Napagkaisahan nilang palalabasin ni Roroy na mangungutang si Dindo ng pera kay Kag. Noel at kapag nakita na nila ang pera ng kagawad ay kanila itong nanakawan. Bandang alas 12:00 ng madaling araw ng Agosto 21, 2009 ay dumating muli si Dennis doon sa may Jollibee kung saan naghihintay si Roroy, sinabi nitong na-

roon na si Noel. Umalis si Dennis at ang dalawa ay pumarada sa gilid ng Jollibee at iniwan ang tricycle upang maglakad na lang sa isang eskinita papunta sa bahay ni Noel. Nang kanilang katukin ang pinto ni Noel ay pinagbuksan naman ito at kusang pinatuloy. Tinanong sila ni Noel kung bakit sila naparoon. Sumagot na mangungutang lang sila ng pera dahil medyo bitin lang sa panginom. Sa mga sumunod na pangyayari, nakita na lamang duguan ang kagawad at iniwanang may naturok pa ng gunting sa kanyang gawing likuran ng katawan. Ang suspek ay kasalukuyan na ngayong nakakulong sa kapulisan habang hinihintay na ang kasong pagpatay laban sa biktima.

DULOT NG BAGYO

MULA KAMPAY NG RABAY SA PAHINA 10 Bandolero o tulisan ang itinawag sa kanya ng mga Amerikano. Magiting niyang ipinagpatuloy ang pagapalaya ng bayan kahit pa karamihan sa mga datihan niyang kasama ay nagsisuko na at nakipagsabwatan na sa mga Amerikanong mananakop. Kasabay ng kanyang pakikipaglaban ang iba pang bayaning itinago ng mga history books na sinulat ng mga Amerikano gaya ng kabayanihan nina Macario Sakay, Felipe Salvador at ng dalawa pang Caviteñong sina Gen. Julian Montalan (na tagaGen. Trias) at si Col. Cornelio Felizardo (na tagaAniban, Bacoor. Sumapit ang wakas ng pakikipaglaban ni Gen. Luciano San Miguel noong Ika-28 ng Marso, 1903. Habang nagsasalimbayan ang putok ng baril at isaisang nanlalagas ang mga tauhan ni Gen. Luciano San Miguel ay narinig siyang sumisigaw nang “Ialay ang buhay para sa Inang Bayan! Ang kalayaan ay ang tunay na kaligayahan at karangalan”! Tatlong bala ang sunud-sunod na tumama sa kanyang katawan at kumitil sa magiting na Caviteñong heneral. Nang ang punit-punit at tadtad ng balang watawat ng Katipunan ay natagpuan ng mga sundalong Amerikano ang iba’t ibang kasulatan na nag-uugnay sa paghihimagsik ni Gen. San Miguel at ng mga taga-suporta niya sa Maynila (“A Past Revisited”, Constantino p.259) Marahil, kung tulad ni Gen. San Miguel ay namatay sa digmaan si Gen. Emilio Aguinaldo ay walang dudang siya na ang kikilalaning pambansang bayani ng kasalukuyang henerasyon. Subalit ang ginawa ni Gen. Aguinaldo na pagsuko sa mga Kastila sa Kasunduan sa Biac na Bato noong Disyembre 14, 1897 na inulit niya sa mga Amerikano noong Marso 23, 1901 ang nagpapababa sa kanyang pedestal bilang bayani. Ang kanyang pagdalo sa “Araw ng Kalayaan” noong Oktubre 14, 1943 “kalayaang” ipinagkaloob ng mga Hapones ay ang pangatlong pagkakataon ng kanyang pakikipagsabwatan sa mga dayuhan. Malayung-malayo ang kabayanihan ni Gen. Luciano San Miguel sa naiambag ng Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Hindi kaya panahon nang kilalanin si Gen Luciano San Miguel at panahon na ring ipangalan sa kanya ang mahabang kalsadang tumatagos mula Coastal Road hanggang sa may boundary ng Tagaytay at Nasugbo? Maligayang paglalakbay sa Gen Luciano San Miguel Highway!

DITO PO SA AMIN

HINDI nakaligtas maging ang mga residente ng Palico, Imus, Cavite sa baha hatid ng hagupit ng bagyong ‘Ondoy’. kuha ni SID SAMANIEGO

www.respondecavite.com

MULA SA PAHINA 5

Kaya habang naghihintay ng pagbabago na maaaring idulot ng eleksyon 2010, tingnan ang inyong sarili. Ano ba ang reputasyon ninyo sa inyong komunidad. May tainga naman kayo at imposibleng di ninyo marinig iyon. Maipagmamalaki ba ninyo ang inyong reputasyon? O dapat iyong pag-isipan. Sabi nila, nakikilala ang isang bansa sa mga katangian nito. Positibo/negatibo ang mga katangian. Kung kilala ninyong mabuti ang inyong reputasyon, kabilang kayo sa isa sa milyun-milyong mga mamamayan na maaasahang magbibigay ng magandang imahe ng reputasyon ng inyong bansa. Nabubuo ang magandang imahe ng bansa mula sa isang mabuting mamamayan. Kayo iyon. Kayo ang simula. Kung hindi maganda ang reputasyon ninyo sa komunidad, siguro, ito na ang pagkakataon para baguhin iyon. Ang pagkakataon ay ang mga krisis na nangyayari sa ating bansa ngayon. Sampol na lang ang matinding pagbaha na dulot ng bagyong si Ondoy. Kumilos kayo. Mangolekta kayo ng donasyon (magsama ng iba pa para maging kolektiba ang aksyon).Ilagak sa lehitimong ahensya, pribado o pampubliko man, at mangumbinsi pa ng iba na gawin ang ginagawa mo. Sa ganyang paraan, kung hindi maganda sa komunidad ang inyong imahe, magkakaroon ng himala. Maaaring hindi kayo maging bayani, pero sa paningin ng mga kakilala sa inyong paligid, nadantayan na kayo ng ningning ng kabayanihan. Malaki o maliit man ang inyong nagawa, magbabago ang tingin sa inyo ng inyong komunidad. KUMILOS AT PAGANDAHIN ANG INYONG REPUTASYON!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.