vol2_cavite_2

Page 1

CMYK

CMYK


2

SETYEMBRE 12 - 18, 2010

Law officer, pinatay ISANG sheriff ang binariL at namatay ng di kilalang lalaki sa Noveleta, Cavite noong Biyernes, ika-3 ng Setyembre. Kinilala ang biktima na si Hernan Rodelas, 44-anyos. Nagtamo si Rodelas ng ilang tama ng baril sa ulo at katawan. Natagpuan ng pulisya ang isang kalibre 45 na rebolber sa pinangyarihan ng krimen. Si Rodelas ay nakadestino sa Office of the Clerk of Court sa Regional Trial Court sa Cavite City. Ayon kay Senior Supt. Danilo Maligalig, Cavite Police Director, nakasakay sa kanyang motorsiklo si Rodelas nang siya ay inambush sa Coastal Bay Subdivision sa Barangay San Rafael bandang 12:30 ng tanghali. Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa krimeng ito. E. PEÑALBA

Sekyu patay, 2 sugatan, sa nakawan sa Dasma ISANG security guard ang napatay habang dalawang katao ang sugatan nang limang armadong kalalakihan ang umatake at niluoban ang isang mall sa Dasmarinas City noong Lunes ng umaga, ika-6 nang Setyembre. Ninakawan ng mga suspek ang Banco de Oro na nasa basement ng nasabing gusali bandang 10:50 ng umaga. Dalawang security guard na dapat ay maglalabas ng pera mula sa automated teller machine ang nabaril ayon kay Senior Supt. Maligalig. Ayon sa inisyal na report, ang mga

armadong kalalakihan ay nakasakay sa isang L300 van. Ilang motorsiklo ang nasa likod ng van habang pinapasok nito ang basement ng mall. Bandang 1:50 ng hapon ding iyon, ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla ay idineklara na ang lugar na pinangyarihan ng insidente ay ligtas na.

Anti-crime movement, inilunsad BILANG pagdiriwang para sa ika-16 na National Crime Prevention Week sa Cavite, pinasinayaan nina Senior Supt. Danilo L. Maligalig, kasama ang ilan pang opisyal, ang caravan sa mga bayan ng Bacoor at Imus. Naganap ito noong Miyerkules, unang araw ng Setyembre, ganap na ika-9 ng umaga sa Camp General Pantaleon Garcia sa Barangay Poblacion IV-A, Imus. Dinaluhan ang nasabing caravan ng iba’t ibang motorista. “Maisasakatuparan at magiging matagumpay lamang ang kampanya ukol sa pag-iwas sa mga krimen kung susupotahan ito ng mga tao” ani Maligalig. Ang tema ng naturang kampanya ay “Komunidad at Pulisya, Magkasama Tungo sa Pag-unlad ng Bayan.” Hindi lamang caravan ang isasagawa ng mga pulisya. Ayon kay Maligalig, magkakaroon din ng mga seminar ukol sa crime prevention na gaganapin sa iba’t ibang police stations sa Cavite.

Lani Mer cado Mercado cado,, pinar ang alan pinarang angalan ni Go v. R em ulla Gov Rem emulla PINURI ni Gob. Jonvic Remulla Jr. si 2nd District Representative Lani Mercado-Revilla, panauhing pandangal at pangunahing tagapagsalita, at hinirang na 2010 Outstanding Nutrition Program Implementer sa Cavite sa ginanap na flag raising ceremonies sa kapitolyo sa Trece Martires City. Bilang pinakaunang kongresista sa distrito ng Bacoor, inisa isa niya ang mga batas na ipinasa niya sa 15th Congress na kinabibi-

langan ng House Bill No. 521, ‘ batas upang gawing lungsod ang bayan ng Bacoor’; House Bill No. 522, ‘batas na naglulunsad sa pagsasagawa ng 25-bed district hospital sa Barangay Habay 2 na tatawaging Bacoor District Hospital’; House Bill No. 523, ‘ batas upang magawa ang Molino 4 National High School’; at House Bill No. 524, ‘ batas na naglulunsad ng open high school system sa Pilipinas’.

Pinaniniwalaang kaagarang umalis ang mga salarin matapos gawin ang krimen. Ayon din kay Remulla, walang holdup na naganap. Kaagarang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan ang mga security guards ng bangko. Natagpuan ang isang motorsiklo na ginamit ng mga suspek sa isang lugar sa Dasmarinas. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin alam ang eksaktong bilang ng salaping nanakaw. Patuloy namang pinaghahanap ng autoridad ang mga suspek. JUN ISIDRO

R E L P TRI PR SPECIALIST

For your comics, AVP, survey and image packaging needs please contact 09062013587 / 09282312501


SETYEMBRE 12 - 18, 2010

3

84 mangingisda, arestado! WALUMPU’T APAT na pinaghihinalaang ilegal mangingisda ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) umaga noong Martes, ika-7 ng Setyembre. Ang mga mangingisda ay napag-alamang nagsasagawa ng ilegal trawling o pamamalakaya. Ayon kay Lieutenant Commander Armando Balilo, isang opisyal ng PCG, ilang myembro ng Coast Guard Intelligence and Investigative Force ay nagsagawa ng surveil-

lance operations sa Sangley Point, Cavite City bandang alas kwatro ng umaga noong Martes nang mayroon silang mamataang 13 bangka sa nasabing lugar.

Dahil dito ay nagsagawa sila ng inspeksyon sa mga bangka at napagalamang nagsasagawa ang mga mangingisda ng ilegal na pamamalakaya.

Binata, arestado matapos hawakan ang 13-anyos sa balikat ARESTADO ang isang 21-anyos na construction worker matapos itong ihabla ng isang 13-anyos na babae dahil sa paghawak ng binata sa balikat nito. Ayon kay PO3 Win Sagrada ng Quezon City Police District, kahit anong pagdampi ng kamay ng isang lalaki sa babae, kung hindi maganda ang dating nito sa babae, ito ay maaaring kasuhan. Kinilala ang suspek na si John Rosete, 21-anyos,

residente ng Cavite City na isang manggagawa sa isang construction site sa Barangay Bagong Buhay, Quezon City. Ayon sa biktima, nagulat siya nang bigla siyang hinawakan ni Rosete dahil hindi naman sila magkakilala. Agarang nagsumbong ang dalagita sa kanyang mga magulang at sa tulong ng mga barangay volunteers sa kanilang lugar, nadakip ang suspek bandang ika-11 ng gabi.

Ang suspek ay nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness. ERWEL PEĂ‘ALBA

Ang mga bangkang nahulihan ay ang F/B Pamela Irish, F/B Joswyn Brooks, F/B Eman Elizabeth, F/B Prince Heart, F/B Princess Diwan, F/B Joswyn Je Shawn, F/B Chelsea, F/B Five Brother, F/B Lucila, F/B Super Michael, F/B Romnick, F/B Ali, at F/ B Marieta. Ang mga ito ay kinumpiska ng autoridad at dinala sa Coast Guard Station sa Sangley Point. Alinsunod sa Republic Act 8550, kilala rin bilang Fisheries Code of the Philippines, ilegal ang gawaing ito at makakasuhan ang mga mangingisdang nahuli. WILLY GENERAGA

PANAWAGAN

CAMPUS PATROL Ang Responde Cavite (Risonable, Responsable) ay nagbubukas ng bagong pitak para sa mga magaaral sa kolehiyo, high school at elementary upang magbigay ng kuru-kuro, palagay, saloobin o pagtingin sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw nilang buhay bilang mag-aaral. Buhay sa loob at labas ng

paaralan ang maaring paksain sa nasabing pitak. Kinakailangang magpasa ang mag-aaral ng hindi hihigit sa 2 pahina doubled space, 12 fonts, times new roman o arial ang font na pitak. Kinakailangang maglakip din ng 2x2 na larawan at maikling talambuhay kabilang ang detalye hinggil sa paaralang pinapasukan at iba pa. Ang mapipiling mailathala ay makakatangap ng munting regalo mula sa aming publikasyon. Ipadala ang inyong artikulo sa ulat@respondecavite.com at responde_cavite@yahoo.com. Bisitahin din ang aming website para maging pamilyar sa nilalaman ng aming pahayagan.


4

SETYEMBRE 12 - 18, 2010

D’ Captains

HAYY! Ilang hinga na lang ay sunud-sunod na naman ang okasyon. Mauuna siyempre ang Todos Los Santos na siya na ring nagsisilbing family reunion (na sa sementeryo nga lang nagkikita-kita ang pamilya). Ang pinaka-aabangan na Pista ng Cavite. Teka, inaabangan pa nga ba? At siyempre, ang Pasko at Bagong Taon. Pero bago ang mga ‘yan, dadaaan muna tayo sa isang mahalagang okasyon— ang barangay elections. Marami sa atin na nag-aakalang basta ganun na lang ang barangay elections. Hindi binibigyan ng importansiya. Pero sa reyalidad, ito ay mahalagang bahagi ng ating lipunan. Idagdag pa na tayo lang yata sa mundo ang may barangay. Ang barangay kasi

ang siyang pinakamaliit na istraktura ng pamahalaan. Siya ang namamahala sa kumunidad. Takbuhan ng magkakapit-bahay at pinakamalapit na sasaklolo sa ‘yo sa anumang oras. Mula sa dating katawagan na tinyente del barrio o tininte del baryo, naging barangay chairman, ngayon ay barangay captain na na siyang nagsisilbing ama ng kumunidad. Kaya dapat lang na may malasakit sa kanyang nasasakupan ang ating iluluklok na kapitan ng barangay. Pero masakit din isipin na sinasawsawan ito ng mga pulitiko. Na ang dapat na barangay captain ng kanyang kumunidad ay nagiging barangay captain o lider kumunindad ng mga nasa posisyon. Karaniwan ng nanaig ang gusto ng politiko kaysa sa gusto ng kanyang nasasakupan. Kaya kung magkakamali tayo ng ihahalal na ama ng ating kumunidad, wala tayong nagagawa kundi pagmasdan na lamang ang kanugnog nating barangay sa magagandang proyekto at kaunlaran ng kanilang nasasakupan.

eros s. atalia editor-in-chief rommel sanchez managing editor jun isidro shella salud acting chief reporter 1, 2 district coordinator nadia cruz rex deldela rosario

rex del rosario

3, districtcoordinator coordinator 6, 7 district coordinator 6, 4, 75 district

melvin ros wilfredo generaga circulation manager digital media director goldie baroa erwell peñalba advertising officer bus. dist. coordinator efren abueg, ph.d. editorial consultant prof. freddie silao community & extension relations consultant Ang Responde Cavite ay inilalathala Linggu-Linggo ng Think N Print Publishing House na may tanggapan sa 125 J. Miranda St., Sta. Cruz, Cavite City. Tel # (046) 4319290,(046) 6862982, 09228197576, Email: ulat @res pondecavite. com, responde_cavite@yahoo.com

DAGAT NG BASURA AT BASURA NG DAGAT MINSANG kinilala ang baybayin ng Cavite hindi lang dahil sa naging paborito ito noong araw na maging bagsakan ng mga kontrabando (smuggled goods) partikular ng sigarilyo noong dekada 60 at 70 ngunit dahil na rin sa malinis nitong dalampasigan. Madalas na pag-shootingan ang beaches ng Cavite ng di na mabilang na pelikula noon. Takbuhan ng taga-Maynila at kanugnog na lugar ang karagatan ng Cavite upang pagliguan noon. Noon ‘yun. Iba na ang kwento ngayon. Basura ang tumatakip sa dating puting buhanginang dalampasigan. Nakahapay ang mga dampang bahay sa mga tabing dagat. At sa ilalim ng mga tahanang ito ay ang basurang sumisimbolo sa mas malalim at masalimuot na sakit hindi lang ng Cavite kundi ng buong bansa. Halos hindi na masabing may lehitimong Caviteño pang nanaig sa mga lugar na ito dahil sa kung saan-saan nanggaling ang mga taong nakipagsapalaran sa Cavite mula saang lupalop ng bansa. Tanda ito ng kawalan ng oportunidad sa bawat lugar na pinagmulan. Ang pagkapal ng mga dampang bahay na ito ay indikasyon ng kakapusan ng malinaw na programa sa pabahay at ang paglobo ng populasyon habang hindi natutugunan ang makabuluhan at makahulugang oportunidad para sa mga mamamayan. Dahil kumapal ang tao’t iginiit ang karapatang mabuhay, dumami ang bahay na mas lamang ang bintana sa dingding at mas malawak ang sahig kaysa sa aktwal na nasasakupan ng bubong na kalawangin. Sa simoy ng hangin mula sa sugatang Maynila, nilalanghap ng mga tagatabing dagat ang pi-

naghalong polusyon sa hangin at singaw ng basura mula sa ilalim ng kani-kanilang tahanan. Nanunuot ito hindi lang sa ilong kundi nanahan na rin sa kanilang sensibilidad at pangmalas sa daigdig. Nasanay sa amoy ng marahas na mundo at along walang katiyakan kung amihan o habagat na magdadala ng pinsala sa kani-kanilang pamumuhay at bahay. Hindi dinadamdam ang karaniwang dinaramdam at hindi rin dinaramdam ang karaniwang dinadamdam ng karamihan. Kailangang mabuhay. Tulad ng taliptip sa kawayan, kayasin mo mang pilit, may naiiwang bakas ng pagsusumikap na mabuhay. Hindi redtide o alig, hindi habagat o amihan, hindi sigwa o high tide ang papatay sa diwa ng mga Caviteñong mabuhay sa paraang iniisp nilang tama at naayon lamang sa kanilang kalagayan at mamayahan. Ang mga tagatabing dagat na pilit na sinisisi sa pagdumi ng karagatan ay mas biktima kaysa sa salarin. Hindi dudumihan ng mga Caviteño ang sarili nilang bahay kung may pagkakataon silang makahanap ng mapagtatapunan ng kanilang basura. Tulad ng asong nakakulong at nakakadena, hindi ito tatae sa kanyang sariling kulungan kung hindi ito bilanggo sa sarili nyang kaprasong bahay. Lilinis din ang dagat ng Cavite kung uunahing alisin sa eksena ang mga nagtulak at nagdiin sa mga taong ito na masadlak sa kasalukuyan nilang kalagayan. Totoong may pananagutan ang mga nagkakalat sa dagat. Pero sa tingin ko, mas malaki ang pananagutan ng mga lumilikha ng mga nagkakalat sa dagat.

WANTED: PINOY NA LIDER AT IBA PA ITO ang mga salitang maaaring makapaglarawan sa mga pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa iba’t ibang paaralan – pampubliko o pribado man. Bakas ang tatak Pinoy at Kulturang Pilipino sa mga paligsahan at palabas na nakatuon sa pagkilala at paglinang sa Wikang Pilipino at Kalikasan. Nakakatuwang isipin na di pa rin naglalaho ang mga ganitong kaisipan kahit na naririto na tayo sa makabago at computer age. Di pa rin natin nalilimutan ang mga ito; gawa na rin sa pananalaytay ng dugong makabayan, makaDiyos at maka-kalikasan sa ating mga puso at diwa. Gaya lang ng Cognoscere Academy na kng saan ang inyong lingkod ang Punong Guro dito. Sa SM City Rosario Event Center ito isinagawa. Masaya ang kinahitnan nito. Pati ang Presentation ng bawat Level; lumutang at nakakaaliw. Karapat –dapat ang mga nagwagi at higit na napatunayan ng buong paaralan ang nag-iisa at katangi-tanging diwa ng Buwan ng Wika – Sa pagpapahalaga sa wika at kalikasan; wagas na pagmamahal; talagang kailangan.” (tema) Ang presensya nina Kgg. Dino Chua, Provincial Board Member – 1st District of Cavite; Ms. Mimie Hernandez, may bahay ni Vice Mayor Jhing Jhing ng Rosario, Cavite at mga hurado tulad nina Ma’am Rosanni Recreo Sarile, Ma’am May Mojica- kapwa taga-DLSU-Dasma; G. Yves Climaco taga Amadeo, Cavite at ang mag-asawang Romy at Belen na galing pa sa San Pedro, Laguna ay buong-buo ang mga pagtatanghal at pagdiriwang. Panalo sa lahat ng anggulo. Muling nangibabaw ang tunay na konsepto ng pagmamahal sa Wikang Pinoy. Salamat sa lahat ng magulang, guardians, mga guro at mga mag-aaral sa kanilang pakikibahagi sa naturang

pagdiriwang. At sa lahat ng mga nanalo, Congratulations! Muli po akong naanyayahan ng mga estudyante ng TUP-Manila noong nakaraang Linggo upang bigyang suporta at pagkilala para sa aking advocacy. Di pa rin nila malimutan ang aking naibahaging lecture para sa kanilang pag-aaral ng Module Writing pati na rin ang pagkilos upang turuan ang mga batang kalye, out of school youths at mga anak ng tinder ng tinapa sa aming bayan ng Rosario, Cavite. Naghandong sila ng mga tuloong pinansyal para sa kapakinabangan ng mga ito. Lubos po ang aking pasasalamat sa inyong pagtulong sa amin. Sana’y magsilbi rin kayong inspirasyon at magandang halimbawa sa iba upang maipagpatuloy ang ganitong pagkilos para sa isang bayang tahimik, masaya at maunlad. At sa inyo, Dr. Apolo Portez at Dr. Lenard Tabaranza, mga propesor ng nasabing pamantasan. Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal at Maraming Salamat Po! Para po sa up-date ng Pedicab Classroom, nais po naming ipaalam sa lahat ang skedyul ng klase. Ito po ay isinasagawa tuwing Sabado at Linggo, 4pm sa kalye Evangelista. Inaanyayahan na rin po ang lahat ng mga interesado na matutong bumasa at sumulat. Gayundin po sa lahat ng nagnanais tumulong upang lalong maipagpatuloy ang pagkilos ng pagkatuto sa mundo. Magsadya lamang po o kaya’y bumisita, mag text, tumawag sa inyong lingkod upang masagot ko ang inyong mga katanungan at agam-agam. Bukas po ang aking pintuan para sa inyo. Hihintayin ko po kayo sa lugar ng mga taong walang naisin kundi matuto at di manatiling mangmang. Contact No.: 0919-3679377


SETYEMBRE 12 - 18, 2010

5

Bangk eta, Salamin Bangketa, ng Maunlad na Bayan

Happy Eid ul-Fitr sa mga kapatid na Muslim. Isang malaking tulong bilang isang sidewalk vendor ang magkaroon ng puwang sa dyaryong Responde Cavite na kinikilalang number one na local news paper sa Lalawigan ng Cavite upang mailahad ang pang lokal na kalagyan ng mga taong ang naging sandigan ay bangketa. Ang mga nagpatatag sa mga tulad naming nabubuhay sa laylayan ng lipunan na ating ginagalawan. Di lingid sa ating kaalaman na ang Cavite City ay isang mistulang bedroom city na lamang. Inuwian tuwing gabi at nililisan bago sumikat ang araw para maghanap buhay sa ibang bayan. Tandang tanda ko pa ang sinabi ng isang bagong hlal na mayor sa Lalawigan ng Cavite, noong

Come and experience La Piel! located at 5530 A Paterno St. Caridad Cavite City

araw daw, paggaling ka ng Cavite City, wow! Sikat ka at pinagmamalaki nilang sila’y namasyal sa Cavite City. Ngunit ngayon ay wala tayong mga pabrika tulad ng Rosario, Cavite. Wala tayong Yazaki tulad ng Imus. Wala rin tayong bakanteng lote para pagtayuan ng istruktuta o maging hanap buhay na bawat Caviteùo. Meron na lamang tayong dagat at bangketa na siyang sasalamin sa ating pag-unlad. Bakit di natin simulan ag pag-unlad sa bangketa. Bangketa ang salamin ng isang maunlad na bayan. Ako ay personal na nagpapasalamat kay Mr. Oca sabater na bagong hirang na Executive Assistant to the Mayor (peace and Order, Security Affairs) na siyang tumutulong sa tulad naming naging sandigan ay ang bangketa. Sa pamamagitan ng tulong-puhunan na walang tubo kahit singko. Mern pa palang taong katulad ni kuya Oca na nagmamalasakit sa kapwa Caviteùo at bayan. Mabuhay si kuya Oca. Tuloy ang laban!


6

SETYEMBRE 12 - 18, 2010

BILANG alay sa nalalapit na kapistahan ng patron ng Lunsod ng Cavite na Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga de Cavite Puerto, bilang bahagi ng anibersaryo ng Responde Cavite at pasasalamat ng Lumagui Amusement sa mamamayan ng Lunsod ay inilunsad ang programang ‘Libreng Sakay sa Chubibo’. Ang libreng sakay ay magkatuwang na binuo ng Responde Cavite at Lumagui Amusement para sa pagtangkilik ng mamamayan ng Lunsod ng Cavite sa dalawang kompanya. Pang apat na taon na ito ng Lumagui Amusement sa Lunsod ng Cavite na siyang nagbibigay kasiyahan sa mamamayan ng Lunsod lalo na sa mga bata.

mang ito. Ayon kay Edgar Lumagui, proprietor ng Lumagui Amusement, isang paraan aniya ito ng pagbabahagi ng kasiyahan sa mga Caviteño. “Pang-apat na taon na kong tinatangkilik ng Lunsod, kaya naman bilang pasasalamat ay panahon na para ibalik ko naman sa kanila ang bahagi ng biyaya kong natatanggap.” sabi ni

aniya ay limitado ito sa mga batang mahihirap ng Rosario at ng lunsod ng Cavite. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang ito partnership ng Responde Cavite at Lumagui Amusement, kundi pagkakataon na rin na maibalik sa tao ang para sa tao, lalong lalo na sa mga batang walang pera o magulang na gustong gustong

Alay sa Pista ng Nstra Sñra De Porta Vaga

LIBRENG SAKAY SA CHUBIBO! Samantalang unang taong anibersaryo naman ng Responde Cavite. At bilang pasasalamat ng dalawang kompanya sa Lunsod ng Cavite sa kanilang mainit na pagtanggap ay naisipan nilang ilunsad ang progra-

Lumagui. Sinabi naman ni Responde Editor-inChief Eros S. Atalia na last year pa nasimulan ng Responde Cavite at Lumagui Amusement ang ganitong programang libreng sakay. Kaya lamang

makasakay ngunit pinipigilan ng kanilang kasalukuyang kalagayan. Sa pamamagitan ng dalawang kumpanya, mabibigyan katuparan ang munting pangarap ng mga bata na makasakay sa alinmang ride sa nasabing amuse-

ment park. MECHANICS: Ang isyu ng

Alay sa Kapistahan ng Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga de Cavite Puerto Sa pakikipagtulungan ng

Lumagui Amusement Park at Responde Cavite 3 coupons= 1 ride Maaari lamang gamitin sa Sept 28, 2010.

(Vol. 2 issue 2)

Responde na Vol. 2 issue 2, Vol. 2 issue 3 at Vol. 2 issue 4 ay maaring gamitin sa Sept 28, 2010. Samantalang ang Vol. 2 issue 5, Vol. 2 issue 6 at Vol. 2 issue 7 ay magagamit sa October 19, 2010. Kinakailangang makaipon ng tatlong (3) coupon para magamit bilang passes sa isang (1) sakay lamang. Nakasulat sa coupon kung anong petsa ito maaaring gamitin. PANAWAGAN Kaugnay nito, nanawagan sina

Lumagui at Atalia na kung hindi rin lang naman gagamitin ang mga kupon na matatagpuan sa Responde Cavite o may kakayahan naman ipasyal ang kanilang mga anak, maaaring nilang ipamigay o ipamahagi ang kupon sa kung sinumang nais nila lalong lalo na sa mga kapos palad na pamilya upang kahit minsan sa isang taon ay makaranas ng simpleng kaligayahan para sa mga bata alay sa Mahal na Patron.



8

SETYEMBRE 12 - 18, 2010

Hasaan 2010: UST Pambansang Seminar Worksyap sa Wika at Panitikang Filipino Pambansang Seminar-Worksyap sa Pagpapaigting ng Kadalubhasaan sa Wika at Panitikang Filipino Oktubre 18 – 20, 2010 (Lunes – Miyerkules) Benavides Auditorium, High School Department, Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila Iniimbitahan ang lahat ng mga nagpapakadalubhasa, nagtuturo at nananaliksik sa wika at panitikang Filipino gaya ng mga guro sa lahat ng antas, mag-aaral na digradwado at gradwado, mga mananaliksik at mga tagapamahala at kawani ng mga ahensyang nauugnay sa Filipino sa: “HASAAN 2010: Pagpapalalim ng Kahusayan sa Pagtuturo, Pagsasalin at Pagsulat Tungo sa Pagpapataas ng Pansariling Kadalubhasaan at Pagpapayabong ng Disiplinang Filipino” RASYUNAL: Upang matugunan ang pangangailangang maitaas ang antas ng kadalubhasaan sa Filipino sa bansa, itinatampok ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas ang isang seminar-worksyap na tatalakay sa mga sumusunod na larangan: · pagpaplano ng kurikulum; · pagsasalin; · pagsulat ng mga akdang iskolarli at paglil-

Axel el Pinpin Ax (Indang, Cavite) Kabilang si Alex Pinpin sa kontrobersyal na Tagaytay 5 noong panahon ni Pang. Joseph Estrada. Ikinulong si Pinpin upang busalan ang kanyang pagmamalasakit sa mga nasa laylayan ng lipunan partikular sa buhay ng mga Caviteño. Matapos lumaya, ipinagpatuloy ni Pinpin ang kanyang adbokasiya at mga ipinaglalaban. KAPENG KABITENYO Hindi ko piho ang pagkakaiba ng aroma ng Robusta, Barako, Tagalog at Arabica; napagkamalan ko pa ngang aratilis ang pula-kahel-lungti-itim na kapeng nakabilad sa harapan ng kapitbahay na taga-Buna Lejos. Ang pagnanasa’t pakinabang nitong dila sa kanyang pait at tapang ay di-lumampas sa pangontra-hilong silbi niya tuwing umagang bumabaligtad ang aking sikmura sa pakla’t pait na hatid ng serbesa. Hanggang makasalo ko ang mga taga-Amadeo, Silang at Tagaytay sa bingaw na losang pinapawisan sa bagong-sulak na kape. Napapaghiwalay ko na ngayon ang singhaya ng kainaman, lasang-nangka, pait na nakakagising, init na pang-alis-gutom at dugong hinigop sa magtatanim ng kape. Pebrero 27, 2008 Salubong ang kilay na sumalubong sa balanggot mong pinakupis at pinakupas ng mahahabang dismenoriya ng panahon ang inaasahan mong tanong. Amoy La Campana ang iyong tugon. Di nga lamang dumadagundong bagkus ay mahinahon. (Syanga po, dala ko ang kwentada)

imbag; · pagkatha ng mga malikhaing akda; at · paglahok sa mga samahan, palihan o timpalak-pampanitikan. MGA LAYUNIN: 1. Malinang ang kahusayan ng mga delegado bilang guro ng wika at panitikang Filipino, tagaplano ng kurikulum, tagasalin, iskolarling manunulat at malikhaing manunulat sa pamamagitan ng intensibong talakay at worksyap o pakitang-turo; 2. Mapataas ang antas ng pagkatuto ng Fili-

pino sa mga paaralan at makapagbunga ng mga bagong saliksik, salin at literatura na magpapayabong sa larangan ng Filipino sa mga lokalidad at sa bansa, sa pangkalahatan; 3. Maipakilala ang Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas sa kaguruang nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa at mapatatag ang tayo nito bilang isa sa mga pangunahing institusyong nagtataguyod ng kapakanan ng wika at nag-aambag sa pagpapataas ng kalidad nito. LUGAR NG SEMINARWORKSYAP: Sa Benavides Auditorium, High School Department, Unibersidad ng Santo Tomas, España, Maynila magaganap ang seminar worksyap. Kinikilala ang Unibersidad ng Santo Tomas bilang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang tatlong national heritage sites tulad ng Main Building, Arch of the Centuries at UST Seminary. Para sa detalye basahin ang balitang ito: http://lifestyle. inquirer.net/artsandbooks/artsandbooks/ view/20100125-249246/ UST- l a n d m a r k s - d e clared-National-Treasures PROGRAMA AT PORMULARYO NG PAGPAPATALA: Para sa kabuuang programa at pormularyo ng paglahok, bisitahin

ang sumusunod na website: http://www.scribd. com/doc/36890323/ Pambansang-SeminarWorksyap KOPYA NG DEP ED MEMO BLG. 340 S.2010: Maaaring makakuha ng kopya ng memorandum ng Departamento ng Edukasyon sa sumusunod na link: h t t p : / / w w w . deped.gov.ph/cpanel/ uploads/issuanceImg/ DM%20No.% 20340s.% 202010.pdf ANG TAGAPAMAHALA: Ang pambansang seminar worksyap ay pinapangasiwaan ng Departamento ng Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila. Ang gawaing ito ay bahagi ng pagdiriwang ng UST ng ika-400 taon ng kanyang pagkakatatag. Ito rin ay malugod na ineendorso Kagawaran ng ng Edukasyon sa pamamagitan ng DepEd Order No. 340 s. 2010 at ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon. REHISTRASYON: Ang bayad sa rehistrasyon ay PhP 2, 800.00 para sa tatlong (3) pananghalian at anim (6) na meryenda, lugar na pagdarausan ng gawain, seminar kit, honoraria ng mga tagapagsalita, mga sertipiko at iba pang kaugnay na gastos. Bukas ang pagpapatala hanggang sa unang araw ng pambansang semi-

Ginaygay ng mala-tsorisong gulamot ng kwartahera ang lista ng iyong prenda. Dalwa't kalahating arya ng Robusta, pinya at saba. Tatlong matsura at isang bulugan. Dalawang patik at isang gulok na garing ang puluhan. Ipinatas mong tila salansan ng kalakal ang mukha ni Roxas at Osmeña. Pang-ibabaw ang animo'y pikong manibalang at malutong na imahe ng Senador na nakahalumbaba. Umis at tighim. (Narito na po ang kabayaran.) Nalaglag muna ang panga ng usurera saka nito hinagod ang maitim na taling sa may ilong na tinubuan ng tatlong mahahabang bulbol. Tinahak ng iyong busilig ang balingusan ng Donya. At nagpanagpo ang iyong pagtataka at ang kanyang pagtatangkang tuwirang tawaran ang putik sa iyong sakong. Kurap ng kanyang mata ay remata. Pintig ng iyong gatil ay galit. (Ginang, naitu na ang katubusan!) Dinampot ng Ale ang talaksan ng iyong pagpupundar. Niluwagan mo ang tangan sa iyong panaklayan. (Salamat po, Diyos ko.) Kumuhit-guhit ang daliri ng pirming pirma ng iyong kaharap sa parihabang papel. Dinoble ang halaga ng iyong katubusan at iniilalim sa iyong sambalilo ang kartong di mo tiyak kung maaaring pasuklian sa isang kahang La Campana. (Puta! Ako'y manunubos. Manunuba!) Tutop mo sa dibdib ang iyong balanggot nang ikaw ay lumisan. (Manawari'y tanggapin ng tindera ang aking salapi maski ito'y duguan.) Agosto 28, 2007 Talasalitaan: * balanggot, sambalilo - sumbrerong yari sa buli * La Campana - lokal na sigarilyong walang filter * kwartahera, usurera - kapitalista at/o nagpapautang ng pera sa mga sakahan * gulamot - daliri * arya - sukat ng lupa na ang katumbas ay 1000 metro kwadrado, 1 ektarya : 10 arya * Robusta - variety ng kapeng manipis ang balat * matsura - inahing baboy na maraming beses nang nakapanganak * bulugan - barako/lalakeng baboy * patik - mattock * busilig - mata * balingusan - nose bridge * panaklayan - kaluban ng itak na kawit/karit

nar-worksyap bagamat makatitiyak ng slot ang maagang makapagpapasok ng kanilang mga pangalan. MGA KATANUNGAN AT KARAGDAGANG DETALYE: Para sa karagdagang mga detalye, maaaring makipag-ugnayan kina

Prop. Alvin Ringgo C. Reyes (09178621216), Prop. Zendel M. Taruc (09195667779) o G. Ronald Manalastas (749 9779) o lumiham sa alvin ringgoreyes@gmail.com., maaari ring bumisita sa facebook account na: UST Pambansang Seminar-Worksyap 2010


SETYEMBRE 12 - 18, 2010

9

Enviromental Education Forum sa Cavite ANG Asian Studies Society sa pakikipagtulungan ng Community Development Program ng Faculty of Arts and Letters ng University of Santo Tomas at Cavite City Government ay magsasagawa ng Environmental Education Forum ngayong Sabado,

Septyembre 11, 2010 sa Sta. Cruz Elementary School, Cavite City. Layunin ng nasabing talakayan na maibahagi sa mga taga-Cavite City, partikular na ang mga tagaBrgy. 10-A, Aplayang Munti, Sta. Cruz, Cavite City bilang partner communi-

ty ng Faculty of Arts and Letters ng UST, ang kahalagahan ng pangangalaga ng kalikasan. Kabilang sa mga pangunahing taga-pagsalita ay sina Prof. Junie Quilatan at Dr. Arlene Ancheta mula sa Mother Earth Foundation, Inc. na magbabahagi ukol sa Kasalukuyang Kalagayan ng Kalikasan ng Pilipinas at ang tungkol na rin sa Global Warming. Samantala, si Dr. Loida Terrado naman ng Cavite City Health Office ay tatalakayin ang tungkol sa “Implikasyong Pangkalusugan ng Maruming Kapaligiran.” Kabilang din si Kag. Cage Filoteo, Chairman ng Committee on Enviromental Protection at Health and Sanitation ng Cavite City sa mga tagapag-salita kung saan ay ilalahad naman niya ang kasalukuyang programa ng Pamahalaang Panglunsod ng Cavite ukol sa Environmental Management. Inaasahang dadalo ang mga opisyales ng Brgy 10A, at mga karatig barangay nito sa Aplayang Munti. Kabilang na rin dito ang mga lider at miyembero ng iba’t ibang sektor ng pamayanan partikular na ang mga kasapi ng Samahang Kababaihan at Magdaragat

ng Apalayang Munti. Sa dakong hapon naman ay magkakaroon ng isang Community Planning na naglalayong bumuo ng isang komprehensibong Coastal Enviroment Management Program na isasagawa ng mga residente ng Brgy. 10A sa pakipagtulungan ng Asian Studies Society ng UST mula Setyembre hanggang sa Pebrero 2011. Kauganay nito, magsasagawa rin Coastal Clean Up sa nasabi ring barangay sa darating na ika-25 ng Setyembre bilang pagsisimula ng pagsasakatuparan ng mabubuong plano mula sa nasabing Community Planning. Inaasahan ding makakatuwang ng mga tagaUST ang lokal na pamahalaan ng Cavite City hindi lamang para sa nabanggit na proyekto kundi sa maraming iba pa, kaugnay ng AB Community Development Program na mas lalong kilala bilng ABCD Program ng UST. Ang pahayagang Responde Cavite ay katuwang din ng Asian Studies Society at ng ABCD Program sa pagpapatupad ng kanilang mga proyekto sa Brgy 10A, Aplayang Munti, Sta. Cruz, Cavite City. BONG DOMA

Piling mga duktor sa Cavite, itinalaga TRECE MARTIRES CITY - Matapos ang limang linggong pagsisiyasat, pag-aaral, at konsultasyon sa mga itinalagang administrador ng pamahalaang panlalawigan, masayang ibinalita ni Gob. Jonvic Remulla sa harap ng mga kawani ng kapitolyo sa Trece Martires City ang pagtatalaga at promosyon ng mga taong kanyang mapagkakatiwalaan upang paigtingin ang kampanya ukol sa kalusugan ng mga Kabitenyo. Kabilang sa tumanggap ng promosyon si Dr. Godwin Bernardo na hinirang na overall head sa provincial strategy on public health. Inaasahan ng gobernador na makakasama niya si Dr. Bernardo sa susunod na sampung taon upang bumuo ng mga programa na magbibigay prayoridad sa mahihirap na Kabitenyo. Pinuri din ng gobernador ang kasipagan ni Dr. George Re-

pique at itinalaga bilang chief of hospitals na siyang mamamahala sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital at Korea Philippines-Friendship Project Hospital. Samantala, inatasan naman ni Gob. Remulla si Dra. Vilma Diez na mamahala sa pag-

sasaayos ng mga pagamutan sa Bacoor at GMA . Sinabi din ng gobernador na manatili sa kanyang puwesto si Dra. Cecilia Francisco bilang tagapangasiwa ng KPFP. Inaasahan ng gobernador na sa pagkakatalaga ng mga nabanggit na kinatawan na hahawak

ng pinakaimportanteng posisiyon sa Provincial Health Office, mas matututukan ang paglalaan ng serbisyong pangkalusugan at masosolusyunan ang suliranin ukol dito sa pampublikong pagamutan sa lalawigan. ni Michelle Vale Cruz

GREETINGS To: Dr. Apollo P. Portez Wishing you 12 months of happiness, 48 weeks of gratitude 365 days of success 8,760 hours of good health 525,600 minutes of blessings and prosperity 31,536,000 seconds of peace and love. HAPPY BIRTHDAY ! (September 11, 2010) From: MS FAMILY AND CIRCLE OF FRIENDS oOo Happy 18th Birthday to Lot-lot ng koy-Koy Sarisari Store. Greetings from Mommy Luving and Responde Cavite oOo

Happ 53rd B-day Dadad! (August 17, 2010) from Mommy, Eric, Che-che 1, Che-che 2, Alex, Alexa, Chico, Andrei at mga Kapitbahay! oOo Happy 2nd Birthday Sheana Alexa Angcaya (August 18, 2010) from: Mama and Papa, Mommy, Dadad, Tata, Mama Be, Chico, Andrei, Nanay Zeny, Mommy 2, Mommy Luvy and Ninong Eros oOo Happy birthday to Henry Labasbas. Greetings from Mammoy Luvy, Mamang Zeny, Kuya Wel at Rose.

Happy 17th Birthday to Sarah May P. Andres on Sept 9, 2010. Greetings from Papa and Mama

Happ B-day to Joshua Montoya on August 23, 2010. Greeting from: Mama, Papa Jaret, Wesley and Ashley

Happy 2nd Birthday to Sharmaine Rose S. Dumo (September 9, 2010). Greetings from Daddy Llord Anthony M. Dumo and Mommy Shalimar S. Dumo


10

SETYEMBRE 12 - 18, 2010

Nahihirapang mag-ipon ngayon

Binibining Bebang, Noon ay nadadalian akong mag-ipon. Ngayon, tuwing pupunta ako sa mall, gustong-gusto ko mamili kahit konti na lang ang pera ko. Ang ipon ko ay napupunta sa mga bagay na hindi ko naman talaga kailangan. Joaquin ng Congressional Road, Phase 3, Burol I, Dasmarinas, Cavite Mahal kong Joaquin, Ganyan din ako noon, Joaquin. ‘Yong pera ko, inipon ko nang four months, mga P4,000 din yata ‘yon. Tapos dinaladala ko sa bag araw-araw. Tuwing may makita akong tsitsirya, bili. Pag nakyutan sa isang pony tail, bili. Mauhaw lang nang konti, Zagu Grande na. Kapag nakakita ng lakatan o latundan, bili para pasalubong kahit walang tao sa bahay. Kapag nakakita ng sidecar kahit malapit ang pupuntahan at hindi mainit ang panahon, sakay, bayad. Pagsilip ko sa bag ko, asus, konti na lang ang natira. Halos ubos ang pera. Mahirap mag-ipon, ‘kala mo ba? Katakottakot na disiplina ang kailangan. Kaya nga hanga ako sa ‘yo dahil nagawa mong makaipon. Dagdagan na lang natin ‘yan, dagdagan natin ng isa pang disiplina. Disiplinang hindi gastusin ang naipon. Heto ang ilang steps: 1. Learn from me. Huwag dalhin ang perang naipon. Bukod sa takawdukot-holdap-kidnap-carnap-hijack, pampabigat pa ‘yan ng bag. Iwanan na lang sa safe na lugar. Huwag sa bulsa ng nanay mo. Hindi safe diyan. Pinakamapanganib pa nga kamo. 2. Ibangko ang pera. ‘Yong may passbook. HUWAG MAG-ATM. Takaw-withdraw lang ‘yon. Siguruhin na ang perang ilalagay sa passbook ay sobrang pera, ‘yong hindi kailangan agad-agad at hindi pangemergency. 3. Kapag may nakitang gustong bilhin, halimbawa, sapatos, mag-

window shop muna. Pumili ka nang pumili. E, ano kung magmukha kang paruparo sa kadadapo sa mga sapatos? Basta pumili ka lang. Libre naman ‘yon. Magsukat ka na rin. Libre din. (Madalas kong gawin ‘to. Promise.) I’m sure mapapagod ka. At mawawala sa isip mo ang pagnanasang bumili ng sapatos. Dahil ang maiisip mo ay ang umuwi na lang. Ka-ching! Another “nakatipid” day. 4. Bawasan na ang pagpunta sa mga shop ng abubot. Sa totoo lang, China lang naman ang kumikita diyan. Mabubuhay naman tayo kahit wala tayong bolpen na hugis-injection, key chain

na may picture ni Christine Reyes, barahang Naruto at salamin sa mata na wala namang grado, di ba? Hindi mo ikamamatay o kahit ikapapayat man lang ang pagiwas sa mga ganitong shop. Kung twice a month ka napapagawi sa ganito noon, gawin mong once a month na lang ngayon. 5. Bago bumili, itanong ito sa sarili: wala bang mas murang ganito? Wala ba akong mahihiraman nito? Magagamit ko pa ba ‘to after three months? Kailangan ko ba talagang makiuso? May iba pa bang makikinabang dito o ako lang? 6. Kapag may pumipilit sa ‘yo na bilhin mo

Patent para sa Layout Design ng Integrated Circuits ANG mga orihinal na likhang nagmula sa isip ng tao ay tinatawag na Intellectual Property o IP. Ang dalawang sangay nito ay ang copyright at ang industrial property. Sa ilalim ng industrial property, ay may karapatan na kung tawagin ay patent. Ito ay karapatang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga imbentor. Ano ang nag-uugnay sa mga electronic gadget gaya ng Playstation, cellphone, at laptop sa fuel injected na kotse, PCOS machines, at space shuttle sa isa’t isa? Lahat ng mga nabanggit ay gumagamit ng microchips. Ang microchips o integrated circuits o IC ay ang mga piyesang nagpapatakbo sa nabanggit na electronic gadgets at machines. Bago ang microchips, maraming vacuum tubes ang ginagamit para gumana ang isang gamit tulad ng TV. Butingtingin mo ang TV ng biyenan mo at makikita mo ang mga tubo sa loob nito. Mabilis uminit at malakas sa kuryente ang vacuum tubes kaya pinalitan ito ng mas maliit na transistors. Ang mga piyesang ito ay

parang maliliit na uod na makulay ang katawan. Butingtingin mo naman ang radyo ng biyenan mo at makikita mo ang malauod na transistors. Ang pagsasamasama o integrasyon ng transistors sa isang maliit na chip ang siyang nag-

pabago nang tuluyan sa electronic gadgets at machines. Ang isang chip na kasinlaki ng selyo ay maaaring maglaman ng milyon-milyong transistors. Ito ang dahilan kung bakit ang isang pagkaliitliit na cellphone ay nagagamit sa pagtawag sa ibang telepono, sa pakikinig ng radyo, sa panonood ng video, sa pag-plus, minus, times at divide bilang calculator at sa pagkuha ng pictures. Kaya din ng cellphone na maglaman ng maraming datos tulad ng pangalan, mensahe, retrato, video, audio, at iba pa. Binibigyan ng patent

ang produkto niya, ngitian mo siya at sabihin mo, hindi po, salamat po. At tumalikod ka na. Magagalit siguro siya, oo. Pero I promise you, gusto lang niyang makabenta. Hindi personal ang galit na ‘yon. Maya-maya lang, naglalako na naman ‘yon. Kapag nagtagal ka sa isang shop, huwag kang mahiyang lumabas nang wala kang binibili. Marami namang ganyan. Hindi lang ikaw. ‘Tsaka isa pa, karapatan mong tumingin-tingin. Hindi kasalanan sa Diyos na busugin ang mata sa pagtingin-tingin. Pag nagawa mo ang six steps na ‘yan, sana sulatan mo ako. Pakilaang disenyo ng IC na may bisa ng sampung taon. Ang pagkakalatag o disenyo ng IC ang siyang nagbibigay ng kakaibang performance sa gadget o mga gamit. Mahaba ang buhay ng microchips at matipid pa sa pagkonsumo ng kuryente. Sa loob ng sampung taon ang may-ari lamang ng patent ang awtorisadong gumawa nito. Maaari ding ibigay niya sa iba ang awtorisasyon na gumawa nito. Pero ang patent para sa disenyo ng mga IC ay hindi na maaaring i-renew paglampas ng sampung taon. Maaari na itong gamitin o kopyahin ng iba. Dahil sa mga IC, tuluyan nang nagbago ang ating mundo. Naging mabilis at laganap ang impormasyon at komunikasyon. (Pati na rin ang maling impormasyon at miscommunication.) Dahil sa cellphone, natipon ang mga tao sa EDSA para mapabagsak ang isang pamahalaang bulok. Dahil sa mga bagong gadget, maraming trabaho ang nalikha at maraming pamilya ang nakinabang. Dahil sa PCOS machines, naging mabilis at kapani-paniwala ang resulta ng halalan sa bansa. Ilan lamang ito sa kayang gawin ng mga IC. Ang patent para sa mga bagong uri ng halaman naman ang tatalakayin natin sa susunod na isyu ng Buhay na Titik. Kung may tanong hinggil sa tinalakay na paksa, mag-email lamang sa filcols@ gmail.com.

gay na rin kung magkano ang natipid at naipon mo. Magse-celebrate tayo. Sa pamamagitan ng shopping Joke lang. Ka-ching! Hangad ko ang kalusugan ng passbook mo. Paipon-ipon din, Binibining Bebang oOo

Maligayang kaarawan, EJ. Sana ay maging successful ka paglaki mo. Mahal kita! oOo Kung may suliranin sa pag-ibig, seksuwalidad at relasyon, magemail sa beverlysiy@gmail.com.

Tatlong Akda ni Maria Pamela Maranca (Bacoor, Cavite) Ama, Sumulat ako upang sabihing ayos lang kami rito. Wala pa namang mga suicide bombers katulad ng sa Israel. Wala pa ang anthrax na nagpakurap sa Estados Unidos. Wala pa ang nakalalasong gas na pumilay sa mga Hapon. Ngunit paumanhin kung kailangan ko nang magpaalam agad. Malimit mawalan ng kuryente ngayon, baka abutan ako ng dilim sa labas. Sa daan malapit sa bukid natin kayraming sulat ang nagkalat. Kay Mang Pidong nasa Saudi, ama ni Jimmy, kay Elsang nasa Hongkong na ate ni Abel, kay Carlos na hindi nakasaad ang address, tiyuhin ni Junior. Kailangan ko na itong tapusin ngayon. Paalam. Nagmamahal, J PS Wala na nga pala tayong Brgy. Capt. simula nang magdatingan ang mga militar. Sila na raw ang bahala. Paalam. PPS Mag-aasul na t-shirt ako ngayon. Gabi Akala ng lahat ang gabi ay hindi marunong mangarap sapagkat siya ay tagaakay lamang kung saan matatagpuan ang nagbabangong mga pangitaing pinagpupunyagiang supilin. Ang hindi alam ng malaon nang nahimbing, habang sila’y nakikipagtunggali sa mga dragong hindi mapatay kung gising, ang gabi’y matiyagang naghihintay, nagnanasa na huwag magpakitang-gilas ang araw, kahit minsan lang. Sa Pangingibang Bayan Sa muli mong pagalis hindi maitatago ang bitbit na mukha ng takot. Kayraming maiiwan. Gayon pa man buo kang lilisan. Pagkarating mo sa banyagang bayan, isang tawag sa telepono ang sasalubong. Bago magapi ng nagbabadyang balita, isang samo ang pakakawalan, Wala na sanang papanaw Muli habang malayo ako.


SETYEMBRE 12 - 18, 2010

Kelan hindi dapat isagawa ang isang kudeta

Ber months na naman. Maingay ang bulong-bulungan na dismayado at mababa ang moral ng AFP at PNP sa bagong administrasyon. At dahil sa bagsak na ekonomiya, abot-abot na kahihiyan ng PNP, AFP at POEA/OWWA at hindi pa pagssampa ng kaso sa mga dapat managot sa Fertilizer Scam (hindi pa kasama yung kay Jun Lozada), truth commission, maingay na maingay din ang alingasngas na may nilulutong Kudeta. Naku, malapit na yata tayo maging Kudeta at Pipol Pawer Kapital op da word. Kung matatandaan natin, mga ganitong buwan din nangyari ang Kudeta at iba pang pakulo para pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan ng pag-aalsa ng mga militar. Kaso, payo ko sa mga nagpuputok na butseng militar na ibagsak na ag gobyernong ito, wag muna ngayon. Matutong bumasa ng panahon at

kapaligiran. Wag na wag maglulunsad ng kudeta (na dapat ay may ayuda ng mamamayan) sa ganitong paraan: Hindi ba’t sa simula ay mga militar muna ang magtitipon-tipon sa isang lugar. Wag na wag pipili ng mga de primerang hotel. Napakaelitista kasi ng dating ng hotel. Hindi alam ng masa ang bigating hotel. Ang alam ng masa na hotel ay yung mga biglang liko na may

tribal room, gym room videoke room at kalesa room. Hindi tuloy alam ng masa kung seryoso ang mga militar sa intension. Mantakin nyo, mga militar, dapat sanay sa gubat at bundok, tapos pipili ng mamahaling hotel na kanlungan. Ano gagawin nila sa hotel, magbabakasyon? Magsho-short time? Wag din pipili ng ganitong buwan. Sabi ng PAGASA, may apat na bagyo

pang paparating. Kahit sinong Poncio Pilato o Heneral ng mga Bakulaw ang magpatawag ng pagaaklas tapos bumabagyo, umuulan o umaambon man lang… naku, sipunin ang Pinoy. Ayaw nyang nababasa. Kapag nag-uulan, gusto ng Pinoy na nasa bahay, nanonood ng tv, nakikinig ng radio o naglalabinglabing habang humihigop ng mainit na sabaw. Lalo na kapag, sem break. Walang estudyan-

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Tutulungan mo siyaupang makalimot siya sa kanyang mapait na nagdaan sa buhay. Patuloy mo siyang suportahan sa mga panahong ito. Lucky days /nos./ clor=Tuesday/Friday=1121-18-26-30-38=red. AQUARIUS (Enero20 – Pebrero 18) – Huwag pairalin ang init ng ulo. Hindi ito makakabuti sa sitwasyon na kinahaharap mo sa kasalukuyan. Mareresolba din ang lahat. Lucky days/nos./c olor=Monday/Wednesday=7-9-10-27-3240=blue PICES (Pebrero 19 – Marso 20) – Huwag agad bumitiw kahit pakiramdam mo ay nahihirapan ka sa iyong kasalukuyang kinalalagyan, may mga dahilankung

bakit nagkakaroon ng ilang sagabal ang ibang bagay sa iyong buhay. Lucky days/nos./color= Wednesday/Thursday=19-26-31-324-45=pink ARIES (Marso 21 – Abril 19) – Abutin man nang matagal ang mga plano mo ay ituloy mo pa rin. Magtiyaga upang maging matagumpay sa hinaharap. Lucky days/ nos./color=Thursday/ Sunday=10-18-21-36-3946=black TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Suwerte ka ngayon, at ang iyong suwerte ay makikitang tila nagmamadali na magsidapo sa buhay mo na para bang ikaw ang kanilang napiling tahanan. Lucky days/nos./color= Saturday/Sunday=3-8-1424-29-30=green GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) – Masarap pa-

kinggan pero ang pahabolna payo ay nagsasabing kailangan mong makipaglaban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Lucky days/nos./ color=Monday/Tuesd a y = 11 - 1 5 - 2 7 - 3 0 - 4 0 42=blue CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) – Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Kung sa akala mo ay talunan ka ay nagkakamali ka. Ipakita mo ang iyong anking talent. Lucky days/ nos./color=Thursday/ Sunday=6-8-17-29-3444=yellow LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Ilabas mo ang totoo mong kulay. Huwag kang magkubli sapagkat ikaw din ang siyang mahihirapan, maging totoo. Lucky days/nos./color= Monday/Wednesday=915-18-22-45-46=white VIRGO (Agosto 23 –

teng present. Kahit aktibista, humihingi rin ng pamasahe sa mga magulang. At mahigpit ang patakaran ng mga magulang, no pasok, no baon. Papalapit na rin ang Araw ng mga Patay. Abala ang lahat sapagpipinta ng nitso. Pagbili ng bulaklak. At ang iba, uuwi pa ng probinya. Kahit galit ako sa gobyerno, hindi ako luluwas ng Maynila para lang makisali sa Kudeta ‘no? Mahal kaya ang pa-

11

masahe? Next month, November na. Sa ganitong buwan din, may mga kumpanya nang nagbibigay ng 13th month pay at X-mas bonus. Marami nang pera ang tao. Hindi na sya galit sa mundo. Busy sa shopping. Kabi-kabila ang kainan at party. Aabot ang pagkahibang na ito hanggang unang linggo ng Enero. Ikalawang linggo ng Enero, walang pera ang tao. Mainit ang ulo ng tao. Hmmm. Bahala na kayo sa buhay nyo!

HOROSCOPE NI MIDNIGHTJT Setyembre 23) – Bilis ng isip ang wag mong pababayaang mawala sayo. Dahil gaya ng mga palaisipan na may limitasyon ang oras, ang mga suwerte ay mabilis ding daraan sa iyong harapan. Lucky dyas/nos./color= Wednesday/Friday=6-915-24-34-39=purple LIBRA (Setyembre 24 – Oktubre 23) – Marami kang hinahangad na magandang bagay para sa iyong pamilya. Hindi ka titigil hanggat hindi mo ito natutupad. Lucky days/ nos./color=Tuesday/ Thursday=11-19-21-3638-44=brown SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 22) – Ito

ang araw na bibiruin ka ng iyong kapalaran. Makakaranas ka ng ayaw mong mangyari pero may mga kakambal na mga suwerte na labis mong ikagugulat. lucky days/nos./color= Monday/Tuesday=6-1226-30-37-42=peach SAGITARIUS (Nobyembre 23 – Disyembre 21) – Kakambal mo ngayon ang mismong suwerte mo. Ibig sabihin, kahit pa mamamali ka o medyo malihis ng landas, ang suwerte mo ay gagana pa rin at ikaw ay bubwenasin. Lucky days/nos./color= Tuesday/Sunday=2-8-22-3638-40=cream

ANG MGA SOLUSYON UPANG MAPANGALAGAAN ANG ATING WIKA AT KALIKASAN

SETYEMBRE na at tapos na ang Buwan ng Wika ngunit may huling hirit pa na nais kong bigyang pansin sa pangangalaga ng ating wika at kalikasan. Magkaugnay ang ating suliranin sa wika at sa ating kalikasan. Habang namamatay ang bawat salita sa ating wika sanhi ng kolonyal na sistema ng edukasyon at ng impluwensiya ng mass media ay patuloy rin naming nawawasak ang ating kalikasan sa ngalan ng industriyalisasyon na bitbit ng globalisasyon. Magsisimula pa rin ang pagbabago sa sistema ng pagtuturo. Kailangang ipawalang bisa ng pamahalaan ang E.O. No. 210

at lalo pang paunlarin ang pagtuturo ng Filipino sa tulong ng Komisyon sa Wikang Filipino, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at maging ng National Historical Institute Araling Panlipunan at HEKASI upang mapangalagaan ang mga katutubong wika habang pinapaunlad rin ang wikang Filipino. Kalimitan kasi, inaaakala ng mga hindi Tagalog na namamatay ang katutubo nilang wika dahil sa wikang pambansa. Ang kasaysayan ay dapat ituro sa bawat lugar sa (NHI). Dapat gamitin ang mga vernacular na wika sa pagtuturong bansa gamit ang wikang ginagamit ng

mga tao sa lugar na iyon. Sa kurikulum ng Filipino, kailangang maisama ang pakikinig at pagsusuri sa mga awit ng mga makabayang musikero gaya nina Heber Bartolome, Joey Ayala, Paul Galang, Noel Cabangon, Lolita Carbon, Popong Landero at marami pang ibang progresibong mga mang-aawit. Ang pagsusuri sa kanilang mga awit ay makapapagpayaman ng talasalitaan ng kabataan at makapagpapatalas nga kanilang isipan. Magagamit rin ang mga awit halimbawa ng ASIN sa pagsusuri ng mga pangunahing isyung panlipunan at makapagpapalalim ng kamalayan ng mga mag-aaral hinggil sa nagaganap sa ating bansa. Kailangang pagsikapang gamitin ang wikang Filiupino sa pagtuturo ng iba pang aralin gaya ng Math, Science, Religion at iba pa.

Dapat ring alisin ang mga karatula sa mga gusali ng paaralan na nagsasaad na dapat magsalita sa English ang sinumang naroroon. Isa itong paglabag sa karapatang pantao at patunay ng pag-iral ng kolonyal na sistema ng edukasyon. Hindi dapat ipilit ang pagsasalita ng English bagamat dapat rin itong pag-aralan. Kung tutuusin, hindi lang English ang wikang pwedeng pag-aralan kundi maging ang ibang wika tulad ng French, Spanish, Korean, Nipponggo at iba pa. Pagdating sa kolehiyo, bayaang mamili ang estudyante ng wikang dayuhan na nais niyang pag-aralan. Ang mga musikero ay dapat lumikha ng matinong awit at ang mga manunulat ay dapat lumikha ng mahusay na akda gamit ang wikang Filipino. Ang iskrip sa mga telenobela at peliku-

la ay dapat pagbutihin upang makatulong sa pagpapaunlad ng kamalayan ng mga mamamayan. Dapat ring maging responsable ang mga tv stations sa pagpapalabas at ipagbawal ang mga pagtatanghal na walang katuturan. Ang gobyerno ay kailangang maging seryoso sa paglikha ng hanapbuhay para sa mga mamamayan upang hindi na sila lumisan pa ng Pilipinas. Dapat ring maging makatarungan ang pasahod sa mga kawani ng pamahalaan at sa mga manggagawa upang magkaroon ng motibasyon ang lahat na magtrabaho nang matapat at hindi nakukuha sa suhol.Ang mga foreign investors ay dapat piliing mabuti at ang DENR ay kailangang maging mapagmatyag sa mga kompanyang posibleng maging sanhi ng pagkasira ng mga ilog,

dagat, kabundukan at iba pang likas-yaman ng bansa. Ang internet, bilang pinagkukunan ng kaalaman ay dapat magamit sa pagtataguyod ng Wikang Filipino at sa pangangalaga ng kalikasan. Maaaring magamit ang facebook sa paglalathala ng mga akdang sinulat ng mga mag-aaral at mga tulang mapakikinabangan sa pag-aaral ng Filipino. Kailangang dumami ang mga websayt na may kinalaman sa pag-aaral ng kasaysayan at panitikan. Maaring magpakontes ang KWF at NCCA sa pagbubuo ng makabuluhang sayt sa Filipino, patimpalak sa pagsulat at pagbigkas ng tula at balagtasan at paglikha ng mga makabuluhang kantang makabayan at makakalikasan upang mahikayat ang mga manunulat na lumikha ng makabuluhang akda.


CMYK

CMYK

Pakistani, asawa, nahulihan ng droga

NI JUN ISIDRO

ISANG Pakistani, kasama ang kanyang Filipinang asawa, ang naaresto matapos mahulihan ng marijuana at ilang pakete ng shabu na dapat ay dadalhin sa Bacoor, Cavite noong Martes ng umaga, ika-31 ng Agosto. Ayon kay Supt. Redrico Maranan, hepe ng pulisya ng Bacoor, ang intelligence report ang nagtulak sa kanila na hulihin ang gray Nissan Sentra na sasakyan na may plakang ZWD 234. Ang nasabing sasakyan ay pag-aari ng Pakistani national na si Sohel Solaiman, 42-anyos, at ang asawa nitong si Roselyn. Nahuli ang mga sus-

pek sa Barangay Talaba 6 bandang alas dos ng

madaling araw. Mapahanggang ngayon ay hindi pa rin kilala kung kanino dapat dalhin ang mga nahuling ilegal na droga. Kasalukuyan namang nakakulong sa Bacoor police station ang magasawa.

Puyat, dahilan sa mga aksidente sa daan AYON sa Institute for Occupational Health, Safety and Development (IOHSAD), isa sa mga dahilan na nagsasanhi ng mga aksidente sa daan ay ang kakulangan ng tulog. Ang kakulangan sa tulog ng mga drayber ng mga pampasaherong sasakyan, tulad na lamang ng bus, ay dahil

Bacoor, nais ng sariling SWAT team BACOOR, CAVITE— Nagnanais na bumuo ng sarili nitong Special Weapons and Tactics (SWAT) team ang bayan ng Bacoor na may 697, 000 na populasyon ay na siyang maghahawak ng mga insidenteng tulad ng hostage-taking.

Naglaan ng 300,000 piso ang nasabing bayan bilang panimulang pondo para sa training ng bubuuing grupo. Ang Bacoor ang kauna-unahang bayan na magkakaroon ng sariling SWAT unit.

Karaniwang mga siyudad lamang ang may kakayanang makapagbuo ng sarili nitong SWAT unit. Ayon kay Supt. Redrico Maranan, bago pa man naganap ang hostage-taking sa Quirino Grandstand noong

sa mga patakaran ng mga kumpanya. Ang mga ito ay nagtatakda ng mga oras ng byahe ayon sa dami ng makukuhang pasahero at hindi ayon sa kalusugan at kaligtasan ng drayber at mga komyuter. Ayon kay Noel Colina, executive director ng IOHSAD, ang mga

ika-23 ng Agosto, niluluto na ang planong ito. Dahil sa mga pinakahuling insidente ng hostage-taking, inaprubahan na ng mayor ng Bacoor, Strike Revilla, ang naturang petisyon para sa pondo na ilalaan sa SWAT training. WILLY GENERAGA

drayber ay kalimitang walang tamang iskedyul ng trabaho at pahinga na nagsasanhi ng fatigue o matinding pagod. At isa ito sa mga nagiging sanhi o dahilan ng mga aksidente. Dahil dito ay inabisuhan ni Colina ang LTFRB na isuspinde ang mga kumpanya na hindi susunod sa work-rest iskedyul para sa mga drayber. Magpapatupad din ng mga patakaran ang Department of Labor and Employment at Bureau of Working Conditions ukol sa work-rest iskedyul ng mga drayber. Isa sa may pinakaabalang lalawigan ay ang Cavite dahil karamihan sa mga mamamayan nito ay sa Metro Manila pa nagtatrabaho at kadalasan ay madaling araw na umuuwi. EWEL PEĂ‘ALBA

Paalala sa mamamayan ng Rosario

BANTAY DAPAT SA BAHAY!

B

INIBIGYANG babala ng pamahalaang lokal ng Rosario, Cavite ang lahat ng mamamayan nito na dapat itali o ikulong ang kanilang mga alagang aso mula ngayong Lunes (Sept. 13, 2010) alinsunod sa ordinansa na naipasa ng Sangguniang Bayan.

Sa pakikipagtulungan ng Association of Barangay Captains (ABC) at mga barangay council, layunin ng nasabing batas na ikulong o itali ng mga may-ari ang kanikanilang aso upang hindi makapaminsala sa kapwa. Kasabay nito ang pagpapakalat sa lahat ng barangay na nasasakupan ng Rosario, Cavite ng mga babasahin kung anu-ano ang mga dapat gawin sakaling makagat ng aso o askal. Ayon sa datos ng pamahalaang bayan ng Rosario, Cavite umaaabot sa 1,400 taun-taon ang nabibiktima ng kagat ng aso na isang malaking perhuwisyo sa kapwa. Gayundin, malaking mahalaga sa kaban ng

bayan ang nauubos ng pamahalaang lokal sa sabsidiya sa pagpapainiksiyon sa mga nabibiktima. Sa target na zero

dog bite sa susunod na taon, mapopondohan ang pagbabakuna ng

anti-rabbies sa lahat ng aso sa bayan ng Rosario at magagamit pa sa ibang mas makabuluhang proyekto ang salapi. Kaugnay pa rin ng bagong ordinansang ito, mag-

kakaroon ng isang team at hot line

ang pamahalaang lokal kung saan maaaring magtxt o tumawag ang sinumang nagmamalasakit na mamamayan na makakita ng askal at huhulihin ito. Ipinapabatid din ng pamahalaang lokal sa mamamayan nito, na ang sinumang lalabag sa nasabing batas o mahuling hindi nakatali o nakakulong ang kanilang aso ay pagmumultahin ito ng halagang P500 sa unang pagkakataong, P2,500 naman sa pangalawa at pagkakabilanggo sa may-ari ng aso sa pangatlong pagkakataon. Hinihikayat pa ng pamahalaang bayan ng Rosario, Cavite ang mamamayan nito na maging active at hindi reactive.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.