Jeepney Press 103 January-February 2020

Page 20

2020 Ang Panibagong Siglo

Minnasan, akemashite omedetou gozaimasu!

Bagong taon na naman po, panibagong pag-asa, panibagong pakikibaka at panibagong siglo. Bawat araw ay maituturing nating isang biyaya. Bawat gising ay isang preparasyon sa mga hamon na ating kinakaharap. At sa bawat pagharap natin ng anumang buhay mayroon tayo ay isang indikasyon o patunay na tayo ay buhay at kailangang mabuhay. Maraming bagay sa mundo ang nagbabago at pabago-bago nang hindi natin kontrol o mapigilan. Tulad ng pagmamahal na kapag ikaw ay tinamaan, handa mong gawin ang lahat para sa taong nais mo ito sa kanya iparamdam. Mga trahedya, aksidente o sakuna na kung minsan kahit pilit natin itong iniiwasan at kahit sobrang pag-iingat ay nangyayari. At kasabay ng pagbabago ng mga araw ng bagong siglo araw-araw din may nagbabago maging sa damdamin at sitwasyon nating mga tao. 2020 na at marami ng naganap sa iba't-ibang sulok ng mundo. May nakakatuwa, nakakapanlumo at kahindik-hindik. May maligaya, may nagdadalamhati at nawalan ng mga mahal sa buhay at kabuhayan. At tila ba ang gulo-gulo na ng mundo. Kalamidad dito, kalamidad doon. Bangayan dito, bangayan doon. Kailan kaya matatapos ang ganitong kaganapan at nang mamuhay naman tayo ng mapayapa at maayos dito sa mundong ito. Sa pagpasok ng siglong ito, mapapansin natin na sunod-sunod ang kalamidad na nangyayari sa bansang Pilipinas at sa ibat-ibang sulok ng mundo. Malapit na nga ba ang paghuhukom at darating na ba ang ating tagapagligtas? At sa dami-dami nang naglipanang mga sugo ng Diyos "kuno", sino sa kanila ang dapat

2o

paniwalaan at sundin upang mas mapalapit tayo sa Diyos na makapangyarihan sa lahat at nang tayo ay maligtas? Minsan nakakapagtaka na kung ang Diyos ay makapangyarihan. Bakit tayo hinayaang magkasala at mahirapan? May isang kwento akong ibabahagi sa inyo, hindi ko alam kung ito ba ay kathang-isip lamang o totoo. At kayo na po ang bahalang mag-analisa kung ito ba ay makatotohanan o hindi nga. Sa sagot ng huling tanong kung bakit tayo pinababayaan ng Diyos na magkasala at mahirapan gayung siya naman ang makapangyarihan. Dahil ang Diyos "daw" at si Satanas ay may kasunduang hahayaan ng Diyos na subukan ni Satanas ang pananalig nating tao sa Kanya. At yun ang dahilan kung bakit tayo may kakayahang mag-isip kung tama ba o mali na ang ating ginagawa. At aminin man natin o hinde, ang hirap magpakabuti. Dahil kahit sa simpleng dahilan at pamamaraan, tayong mga tao ay nagkakasala na kung minsan hindi naman natin ito sinasadya. Ngunit napakabuti ng Diyos, dahil handa Niya tayong tanggapin kahit na tayo ay makasalanan sa paraang bukal sa ating loob at isipan na tayo ay nagsisisi sa mga kasalanang ating nagawa. Sa bagong siglong ito, maraming mga bagay na kaabang-abang at pag-uusapan ng lahat. Gaya na lamang ang 2020 Olympic na gaganapin sa Japan. Marami ang natulungang magkatrabaho dahil sa preparasyon para dito. Naway lahat ng gaganapin o magaganap ay may positibong resulta. At makakapagbigay pag-asa sa buong mundo. Kaya mga kababayan, sama-sama tayong manalangin na nawa'y maging mapayapa at makabuluhan ang lahat ng magaganap sa siglong ito. Nawa'y matapos na ang mga hindi kanais-nais at nagpapahirap sa mga kababayan natin. Nawa'y manaig ang kapayapaan at kabutihan para sa lahat ng mamamayan saang sulok man ng mundo. Hanggang sa muli po! Have a blessed 2020 to everyone and GOD bless us all.

JANUARY - FEBRUARY 2020


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.