Banyuhay 10: Balintuna

Page 1

1


Ukol sa pabalat Kabaliktaran ang sumasalamin sa kasalukuyan. Ang bawat pamahiing tinahi ng nakaraan ay may layuning ibunyag ang reyalidad. Tayo ang magsisilbing mga kamay nito upang ituro ang tamang landas sa naliligaw na katauhan. Ang Balintuna ay simbolo ng sariling paniniwala. Ito ang kutsarang sasandok at magsusubo ng kamalayan sa nagugutom na lipunan . Muling pinulot upang mahadlangan ang nagbabadyang kahihinatnan at ‘di na maaliw pang salubungin ang bisitang mapanlinlang. Pabalat ni Esteven Combalicer

2


P a s a k a l y e Lumaki akong kasama sa iisang bubong ang binibihisang paniniwala habang kumakawala ito sa dakong sisikatan ng araw dahilan ng pagpasok ng makabagong yugto. Dalawang palapag kung saan pinagdurugtong ng marurupok na hagdang kahoy at isang hakbang, doo’y malalaman ang estado’t kapalaran – oro, plata,o mata. May gatas pa ako sa labi nang bihisan ako ng aking lola ng mga tinatahing paniniwala sa pamamagitan ng di-mapatid patid na paalala at matulis na karayom kung saan sinusundot ang aking konsensya kung hindi ko bubuksan ang magkabilang tainga. Tumitindig na balahibo mula sa aking nanlilimahid na sariwang balat sa tuwing di- sadyaing maibagsak ang kutsaritang magdidikta kung may darating kaming tsismis yung mala-bisita, daluyan pa ng malagkit na pawis mula sa maghapong paglalaro sa kalye kung saan nilalako ang mga reta-retasong salita na siyang patok sa lahat- kung saan suki ang aking lola. Ganito na ang aking buhay, panhik- panaog sa palapag ng di-malilimutang bilin ng kasaysayan bago ako lumiban sa kanyang huling hantungan. Takot na ako, hindi ko kailanman mahubad sa aking katawan ang binaliktad na kamiseta nang minsang maligaw ako sa mundong puno ng pagkukunwari at saplot ng pinagtagpi-tagping makukulay na salitang magiging sanhi ng pagkalito. Saan man magtungo’y buntot ang anino habang tahimik na bumubulong at kumukulbit ang nakaraan. Habang pinaglalamayan sa kasalukuyan ang binabaong dunong at kamuwangan, hindi ko magawang ipatak ang aking luha sapagkat tinututulan ako ng mga taong inaaliw pa ng samu’t saring kuru-kuro. Sumapit ang dapithapon nang bumalik sa akin ang lahat, sinimot at muling tinipon ang mga paniniwalang nakapanghihinayang at hindi dapat itapon. Nawa’y maging daan ang mga ito tungo sa malalim na pagkakaunawa. Hindi sana ito maglaho’t mawaglit sa pamamagitan ng paglalagay ng bawat bahagi sa ilalim ng unan. Sa ganitong paraan,maging totoo sana sa lahat ang dati’y panaginip lamang at mabigyan ng pagkakataong mabago ang balintunang katotohanan

Joseph Andrew L. Algarne Punong Patnugot

3


Talaan ng Nilalaman O R O Buwaya kung Magsaka | 7 Sunshine | 9 Hinaing ni Lily | 10 Golden Beating | 11 Bagabag | 13 Wedding Vows | 14

Sa Dako Paroon | 16 Unli Rice | 17 Naniniwalang hindi Mawawala | 19 Ahh.. Sawa | 20 Kahit ihulog ko ng Paulit-ulit | 21

P L A T A Balintunang Sanipilip | 23 When She Craved for Silver | 25 Nananariwa | 27 Bisita ni Nene | 28 Akala | 29 Lampipis | 31

Dr. Kwak Kwak | 32 Pintuan | 33 Kantunan | 35 Pompyang at Saklang | 37 Bisita ni Pepa | 38 Labingdal-awa | 39

M A T A Ligaw | 41 Di’ sapat ang Sisiw | 42 Banig | 43 Laglag | 45 Nang husgahan ako ng Larawan | 47 Baliw na Kapalaran | 49 Ako lamang ang sumunod sa pula | 50

Nang maligaw si Lilith | 52 I Stop Believing | 53 Naluto sabay ng Maling Paghahalo | 55 The Day you said Goodnight | 57 Wounded Heart, Dented Mind | 59 PIkit | 61 Halimuyak ng Kabayanihan | 62

4


24 71 75 5


Sino ba sa ating dalawa ang dapat na sisihin? Ang mga mapandaraya mong palatandaan, O ako? Ang makasalanan?

puso

kong

Sino ba ang dapat makulong?

,,

O ako na kinakagat ang iyong tulong?

Niña Bless Chavez

ORO


Buwaya kung Magsaka Ni: Jerome Landig

Dinaragsa ng buwayang kumukulo ang sikmura Ang hapag ng bagong saing na kanin Sa saliw ng masaganing ani’y Kalansingan ang kutsara’t tinidor, paulit-ulit. Simu’t sarap sa butil ng pag-asang Di mabubulunan,lasap ang lambot ng mumo Na tila susungkitin pa ng pangil at dilang matalas di-hahayaang paagaw sa may balak na tandang Di’ magkanda mayaw sa bawat sandok Ng pagkakataong sinusulit ang Linamnam na sa susunod ay pawang Wala ng ulit sa pakiki-kalabaw Sa hapag ng sinakang sarap. Luso’t na ang mga bitukang halang kung kaya’t naiwan ang nakapangalumbabang pagkakataon Sa gitnang mesa, kasama ang kaning lamig kung malasin pa’y tutong tambal kapeng namamarako. Dapit-hapon, dinatnan ang bukas Na paanyaya para sa lahat, walang natira. Sandaling hinugasan lamang malagkit na minadali Ng asin, pampabilis sa pag in-in ng kanin Di-matawarang hinagpis nang biglang Naglahong parang bula pinagpagurang gintong Maharlika, di lamang para sa may trono Kundi para sa nagtanim at nag-abono. San kakahig?, san’ tutuka ng Di birong itinanim, pinaghihimutok Ng iniwang naghain Ngunit iba ang nabusog sa kaning bahaw na ninakaw ng mala-buwayang nagkukuwaring kalabaw.

7


Sleeping Fate Hopwa Delicano

8


Sunshine

Ni: Kirsten Faith Flores

Been so long A long-lasting discourse Deepened and untold Scrutinized and unknown Step on the line Now scared to rely Keeping quiet ‘til end Never even done but gone Through thickened knot Blood running both in our veins Carry you while still young Left alone in a daze Had a bump, once I am Sent by him, then after, I was You went out on New Year My new and lighted beginning

9


Hinaing ni Lily Ni: Zhaira Lee Caponpon

Sabi nila eskwelahan daw ang pangalawang tahanan, Mapupuno ng saya’t tawanan Mga bagong kaibiga’y makikilala, Idagdag pa ang kaalaman na talagang patok sa masa Tiyak na gugustuhin mo kada segundo,bawat minuto Hindi tugma sa inaasahan kong mangyari Tila iba na ang kinahinatnan, Ang daling sabihin pero mahirap gawin. Lahat ng inakala ko puro lamang pala ilusyon, Buong akala ko pamilya ang mayroon dito, Ngunit bakit iba ang nahanap ko…parang bangungot, Na sana hindi ko na lamang naranasan at naramdaman. Bawat salita na lumalabas, bawat hiyaw na naririnig, bawat kilos na ginagaya Lahat may ibigsabihin, lahat may nais iparating, lahat may pinapalabas, Subalit kung ano, sila lang ang nakakaalam. Alin ba talaga ang nagpapahirap sa buhay ng estudyante, Yung mga leksyon ba na kailangang ipasa o yung nakakasama na kakaiba, Kakaiba ang tingin sa bawat hakbang na ihahakbang mo. Masama bang ipakita ko kung sino ako, masama bang ilabas ko ang sarili ko, masama bang magpakatotoo? Kasi kung oo, mas gugustuhin ko na lamang magsalamin sa basag na kahit kailanma’y hindi ako hinusgahan at sa kahit anong gawi’y hindi ako tututulan.

10


Golden Beating Ni: Marvie Baloloy

His father had beaten him again. He was used to it by now. He didn’t cry anymore, didn’t say a word. He knew, perhaps, he was at fault. His father told him not to pick up golden coins for the mean bad luck, but he still did, and look at what happened. Before his father could reprimand him for the ninth time, his mother intervened. “Time to eat!” she called. They both heaved a sigh, leaving their mobile phones f lashing a bag of gold his father had stolen from him in a multiplayer online role- playing game.

11


Play-vored Fortune Wilson Jake Onglengco

12


Bagabag

Ni: Jerome Landig

Gabi, kung saan tinatahi ko ang Tagpi-tagping makukulay na retaso, Ang nagpapatibay ng mga ala-alang kapag Nasisikatan pa ng init ng liwanag ay tila Natitiklap nang unti-unti ang sisidlan ng mithiin Bitbit sa tahimik na pakikibaka sa lansangan Amoy ang umaalingasaw na usok habang Nadarama ang masikip na espasyo para Sa isang munting abandonadong musmos Nang biglang hinablot ng kumakaripas Na mandurugas, hinatak ng malakas Na bisig, dahilan para matuling habulin At di hayaang maipuslit ang bag- yari sa goma Di mawari kung saan tutungo,nagmamadali. Hinahapo sa pagtakbong kailangang mabawi Ang pag eskapo ng huling alas na Gagamitin sa paglago ng sariling-luho. Laking panghihinayang, kaunti na lang Sana. Naalimpungatan sa higaang Sintigas ng natauhang ulo at tumatakas na ugong ng mga paroon at paritong sasakyan. Kung sakaling naabutan yaong Sisidlan na tinahi ng pagbubuwis-buhay Nagkaroon sana ng pagkakataong Mabuhay ang aking ina mula sa korap na lipunan.

13


Wedding Vows Ni: Gwenn Leynes

“As I reminisce our old years together, I can’t help but shed in tears knowing that this day, finally in my life, we will be totally one, bounded by God’s grace. Look my love, see how our beloved God brought us today after a long journey of long shots, from student to becoming an employee and from a dreamer into conqueror. We live our years together helping each one to grow, never depriving for the possible things one may encounter. And I still remember those days that we both don’t have enough sleep due to subjects in school. When we were both in our lowest points and still understood each one shortcoming. We cried so hard and yelled to our thesis defending success. We tossed our togas together and wave our diplomas to our parents on our graduation. The furious we were for the board exam results and the happiness we were as we shouted our names with prefix ‘engr’ finally. And I can still remember the nervous you have when you got your first interview for the company you have applied in and the same went for me. In here, I won’t tell the rest is history but rather memories, from that point to today and today onwards. And look now, where we are, with God as the center of our stand. And I will tell you today so listen carefully, you completed me, Hon. I am thankful every day to God for your life, for you choosing to spent the rest of yours

14


Coming Soon Alliza Keith Dela Cruz

with me. Today, as I take you as my lawfully wedded husband, with my family and yours who are both watching us with love and support, values that we both inherited from them. For them, we still have these plans for our parents, to take them to whatever or wherever they want to go. To bring them happiness as we let them see how in love we are and yet still successful in life. Maybe it is true, that somehow in my old life, I lived so kindly that God had given me a man like you. You are one of the purest persons I ever met. You are not just a knight in shining armor for me but a savior of faith. So, thank you, for letting me run the years with you and bringing me today wearing this promise you gave me. And from this day onwards, I swear to God that I will be the best wife that I can be. I will hand you home and shelter you with love and comfort every time you arrive from work. I promise to wear this ring for the rest of my life and never run away for problems we may encounter. I will be your best friend, buddy, lover and wife at all times. And I promise to love you in every aspect of life, as we go through this journey of being a married couple. You’re my first and my last. I love you.” I wrote this letter 5 years ago for my wedding bows to you, unfortunately you left me a night before our wedding when we just celebrated it early. Too sad we didn’t believe in superstition.

15


Sa Dako Paroon Ni: Gwenn Leynes

Marahan kong ipininid ang pinto ng aking kwarto katapat ang kabilang pinto. Sabik na muli akong mag-aral. Bukas ang enrolan sa paaralang napili ko. Sa wakas makakabalik na ako ng kolehiyo. Matulin kong inililigpit ang aking mga gamit, nakalagay sa isang maayos na envelope lahat ng kakailanganin ko bukas. Makalipas ang ilang sandali, tuluyan nang tumawid ang aking kamuwangan sa dako paroon. Doon, sabik akong bumiyahe dala ang mga bagong gamit na bihis ko sa Pandayan. Gustong-gusto ko talaga ang amoy at hugis ng mga bagong papel, para bang adiksyon ko ang mga ito. Nagising ako, panaginip na naman pala ito. Tatlumpu’t limang taon na nga pala ako, isang paralisado na kailanma’y hindi na kayang lumabas sa magkatapat na pinto ng kinabukasan.

16


Unli Rice Ni: Gwenn Leynes

“Jen, Mang Inasal tayo maya, dinner natin. Tara na, unli rice naman ‘don e.” “Di kaya bangungutin ka niyan, tiyak kakain ka naman ng sandamakmak e, lamon ka na naman panigurado mamaya.” Giit pa ni Jen habang kinukutya ako. “Sus, basta kain tayo maya.” Sambit ko pang ligalig na ligalig sa tuwa. “Okay, may magagawa ba ko? Di ba wala?” Sabay tawa nang bahagya. Pagkatapos naming kumain, bale siguro naka 6 akong salok ng kanin. Di na rin masama. Nabusog naman ako. Okay nang bangungutin atleast busog. Kaysa noong bata ako, di ako nabubusog pero nakapagtatakang binangungot ako – isang di makalilimutang hapunan. Kase naman, maliliit pa kami, anim na salok ng kanin ‘yon sakto. Isang hapunang anim na salok ng kanin para sa 9 na katao, di pa kasama si bunso.

17


Hilamos Ezekhyna Monteagudo Naval

18


Naniwalang hindi na maniniwala

Ni: Addie Yvonne Albong

Simula ngayon, wala na ‘kong paniniwalaang pamahiin, ‘di na ‘ko bata’t may sarili nang mithiin. Nagtungo sa paaralan at nadatnang lahat Saki’y nakangiti bumabati, Pagiging kampeonato akin raw napanatili. Silid ng punungguro’y aking tinungo, Upang kamtin ang medalya’t tropeyo. At sa aking pagpihit, Isang libong piso’y aking nabingwit. Swerte’t wala pa akong sweldo sa ngayon Wala na ngang mas papalad pa, Sa taong naglagay ng piso sa sapatos nya.

19


Ahh... Sawa Ni: Anna Luisa Flores

“Neng...” “Oh?” “Baka di na ako magka-asawa.” “Bakit naman?” “Pinagmismisan nila ako ng pinagkanan habang nakain pa” “Hala! Edi sana, nagpalipat-lipat ka ng bangko.” “Ha? Di ba bawal yon, dadami asawa.” “Oo nga, ayaw mo non. The more the merrier.”

20


Kahit ihulog ko nang paulit-ulit Ni: Gwenn B. Leynes

May pag asa pa kayang ika’y babalik? Sa bansang irog na nagnanais ng halik Ilang taon pa ba ang aking hihintayin? Upang ang puso kong ito’y hindi na bitayin Sabi mo, walang pag asa dito sa ating kinamalayan, buhay ay hihinto Di bale nang magpakasakit sa ibang ibayo, doon ay maglampaso Kesa makitang naaapi’t humihingi ng tulong Ngunit ina, puso koy nangungulila Taliwas sa bukas na iyong inaalala Presensiya mo’y ang tanging nais, yakap moy palaging madama Lamig ng panaho’y sumasabay, sana sa pasko’y ikaw ay kasama At ngayo’y buwan na lang ang aking bibilangin Sa pangako mong sana’y hindi basta habilin Sa paulit - ulit na kubyertos pahuhulugin Maibalik ka lang sakin Ngunit... Ina ko, bakit padala mo’y sarili mo sa loob ng balik bayan box?

21


Pagpitik ng pilak pahimpapawid,

Umaasang mapapatid. Kapalit bahid,

kapalara’y

katotohanang

di

walang

,,

Katauhang salat at nanlilimahid.

Jerome Landig

PLATA 22


Balintunang Sanipilip Ni: Jerome Landig

Ang dating malawak na patag na sakahan naging isang makatotohanang bulwagan.Tanghalan ng mga lahi ng salat sa katotohanan. Dito’y bida ang mahuhusay na aktor at aktres habang ang mga manonood humahanga sa kanilang tindig at malambing na tinig. Samantala, ang mga isdang noo’y sa tubig alat nananahan lumipat na sa aquarium na gatas ang laman. Ang mga magigiting na ibon sa bawat panahon humuhuni nang tahimik ,hindi na tumugon. Balita ko’y pinutulan ng tuka sa kabila ng pagiging dukha. Nakalulungkot namang isipin na ang mga may mata, pumipikit na at pilit na pinagagamit ng saklay ang mga taong hindi makatayo. Pilit na ring lumalangoy sa dagat ng pasakit at dugo. Samantala ang may bibig, nabaluktot na rin ang dila”. Nagising ako sa aking bangungot Tawag ni Lola sa aki’y nagpagising sa diwang takot. Malaki ang naging pagbabago ng Baryo Sanipilip, sariwang hangin sa isang iglap ay nabago ang ihip at nagmistulang isang pangitain sa aking malawak na higaan. Ninanais na gaya ng isang malambot na unan kung baliktari’ y mapipigilan ang patutunguhan. At hindi ko na kailanman maranasan ang baliktad na kababalaghan ng Baryo Sanipilip.

23


Impeccable Need 24

Wilson Jake Onglengco


When She Craved for Silver Ni: Marvie Baloloy

She often believed that if she would crave for someone beautiful, her baby would be born beautiful. And so, when a beauty queen moved to their neighborhood, she was delighted. She spent her time admiring the lady, staring at the depth of her silver eyes. They glistened brightly, coldly and metallic, rivaling the most excellently polished suit of an armor. They were pure. They were cold. They were beautiful. And she prayed hard for her baby to have them. Alas, the time of her birth came. Feeling a little anxious, she managed to break a grin as she waited for the nurse to deliver the baby inside her room. She was sure her baby would be born with eyes that rivaled ashes. But when she saw the baby girl wrapped in pink blanket with its tiny toes peeking out and two pools of onyx staring back, her smile vanished. Three hundred miles away, at the backstage of a recently concluded pageant, the beauty queen removed her contact lenses.

25


Saplot ng Alapaap 26

Adrian R. Cada


Nananariwa Ni: Kirsten Faith Flores

Masayahin, ‘yan ang wari nila sa’kin, laging ‘all out’ kumbaga. Bata pa lamang ako at ‘di mulat sa reyalidad ng buhay. Kaunting kibot, mayroong sasambot sa aking pagkakamali. Sanay ako sa maginhawang pamumuhay- kung minsan ay sobrasobra, ngunit di nagkulang kailanman. Ang sarap sariwain ng bawat panahong kay sagana ng aking emosyon, di kinakailangang ikubli at magtago. Ngayon, ako’y naliligaw. Bukambibig ni inay, “Sa tuwing ‘di mo alam ang daan pabalik, baliktarin mo ang iyong damit at ‘di ka maliligaw.” Natatawa ako sa isiping sumisinghot ako ng gamot habang inaalala si inay. Ngunit nakapagtatakang, kailanman hindi nya naituro sa akin kung paanong bumalik sa dating ako.

27


Bisita ni Nene Ni: Christian Carlo Viriña

Tinidor na pilak na nasa sahig ang aking nadatnan Isang gabing ako’y muling umuwi sa bahay Ng aking mga magulang mula nang ako’y umalis Upang mangibang-bayan “May darating na bisita, Lalaki!” sigaw ni Nene Bunso sa limang magkakapatid Apat na babae at isang lalaki, ako. Napalingon aking ina sa pintuan kung saan ako’y nakatayo. “Ay ang Kuya mo pala ang bisita Nene, halika anak at saluhan mo kami.” Maligayang anyaya ni Mama. “Ang galing, tama yung tinidor, lalaki nga ang bisita!” Manghang sambit ng aking kapatid. “Nagkataon lang iyon Nene, ‘wag kang maniwala sa ganoon, Hindi iyon totoo.” Nakangiti kong pahayag. Hindi yon totoo Nene, hindi lalaki ang dumating Dahil ang kuya mo’y bading.

28


Akala

Ni: Kirsten Faith Flores

Alapaap sa dilim, aking pilit na tinatanaw Mga gabing puno ng bituing Kay hirap matanaw Unti unting tinatangay ng mga mumunting tubig Na bumuo ng malaking balakid Sa aking pagsilay Tila ba pinagkakaitan Sarap pagmasdan ng liwanag na iyong bigay Ngunit kay pait isiping kagagawan ko ang iyong paglisan Isip ko’y puno ng kumpiyansa, noon Positibo at walang ibang pinaniniwalaan Kundi, ako’y ulap, namamalagi sa kung saan Sapagkat positibo ang aking mga pananaw Di tulad ng gaya mong isang bituin, May paniniwala sa lahat Kung susumahin, Bakit tayo pinagbuklod? Upang ako’y matuto? Maaari Mahilig akong magmalinis, lalo na kung gabi Maghugas kamay, at itaboy lahat ng negatibong bagay Ngunit, di kalaunan, aking napagtanto Sa halip na malas, ang swerte ko ang aking nawaldas.

29


Am...vision Adrian R. Cada 30


Lampipis

Ni: Anna Luisa Flores Maliit na kubo sa gitna ng parang ang unang beses na ginawa namin ang kababalaghan, dampi ng malamig na hangin sa aming mainit na balat ay sumakto sa aming paglabas. “Mahal gusto ko ng rubber shoes, yung 23 na may jordan, yung original sana” wika ni mark sa malambing na boses. Siya ang Mahigit isang buwan ko nang karelasyon. “Sige, mahal. Pagsuweldo ko.” Pangako ko. Sabay abot ng ube at orange na papel. “Salamat! Aasahan ko yan” walang kurap niyang wika sabay halik sa aking pisngi. “Sa isang darating na linggo na ang gamit non! Kaya sana...” Pahabol nito at tumango naman ako. Makalipas ang isang linggo. “Apo, ano yan?” Tanong ni lola sa kahon na aking binabalot sa pulang tela. “Sapatos po, la.” Sagot ko sabay ngiti ng pagkatamis-tamis. “Baka iwan ka niyan, pat.” Pabirong wika ni lola. Ngumuso ako at nagkibit balikat sa pag-alis. “Mahal! Buksan mo.” Habang abot ang kahon sa tela. Binuksan ito ni Mark at napatalon sa tuwa. “Wow! Salamat mahal.” Sinukat niya ito at bumaling muli sa akin “Original ba ito?” “Ahmm. Hindi e,” doon ay napawi ang kanyang ngiti. “Ang mahal kasi nung original, at hindi umabot doon ang suweldo ko. Hindi ko naman napagipunan dahil sabi mo ngayong linggo na ang gamit nito” paliwanag ko. “Alis na ako.” Malamig na tono ang ibinungad ng kanyang mga salita at saka ito tumalikod. “Happy monthsarry...” Pahabol ko na hindi niya narinig sa paglabas niya ng kubo. * “Sabi naman sayo at iiwan at tatakbuhan ka ng mga lalaki oras na bigyan mo sila ng sapatos o ano mang sapin sa paa!” Wika ni lola habang nakikita akong umiiyak dahil ilang araw na ang lumipas ay wala ni anino ni mark ang nagparamdam. “La naman, luma na yon e!” Pagmamatigas ko. “at isa pa, iba yung suot niyang sapatos nung napanood ko siyang maglaro sa liga!” Tumikom si lola at ilang sandali pa’y... “Binalewala mo ako, Pat.... Patrick.”

31


Dr. Kwak Kwak Ni: Carlo Martinez

Sa pagsakit ng kasu-kasuan marahil tabletang gamot at de-garapong pamahid ang hanap na lunas. Pero sa aming probinsya, dampi ng laway at malumanay na hilot ay sapat ng kasagutan. Minsan pa’y usok ang magtuturo ng dahilan at pinagmulan. Sa dinami raming siyentipikong termino sa mga sakit sa kahit anong parte ng katawan, sa amin ka lang makakarinig ng kakaiba, paniguradong maniniwala ka naman. Tulad na lamang kapag nabati ka ng isang gutom na tao ay labis na sakit at pamimilipit ang sasapitin, nakapagtatakang ganoon na lamang makapangyarihan ang isang gutom at dinamay pa ang kalamnan ng ibang tao. Ngunit nag-iba ang ihip ng hangin, napakaraming kumukulo ang sikmura kasalukuyan, ngunit tila wala silang laway na lunas. Napakaraming naluklok na manggagamot, ngunit ni isa sa kanila’y tila nais lamang kaluguran. Di nakapagtatakang ang mga manggagamot na ang may sakit kung kaya’t di magawang manggamot ng tunay na may sakit.

32


Pintuan

Ni: Gwenn Leynes

Sa puntong dahan-dahang umiikot ang kamay Ng orasan at aagos na ang luha mula sa mata ng Mga taong nagluwal sa akin. Sa himno ng temang awit, paniguradoy di na mapipinta, Mula sa kasabihang pilit na binubura Na kung hindi babaguhin, wala silang mapapala Ngunit matapang silang ‘di nagpatinag Ang simpleng barong- barong, pilit na itinatag Na may pintuang tila ba nagkukubli, sa paglatag ng bukang liwayway Na sa dami ng pumuna, samu’t saring kuro Sa panabing ang grasya’y di makakarating, ‘ni hindi kami dadalawin Dahil oras ay kapos, hindi nabigyan ng pansin Ama kong pinahahaba ang araw, pinaiiksi ang gabi Ina kong abala sa magdamagang pakikibaka Langit na sana ang duminig ng aking mga taimtim na hiling Sa di masusukat na pagkayod,paroot-parito Pagpasok sa pintong palaging nagkukubli Ni hindi naging balakid, para kami’y magsumikap Ngayo’y sigurado na akong ang kapalaran ay minamasa Hindi pintong nakatalikod sa liwayway ang magdidikta Sa grasya ng Diyos sa aming tahanan Ano ma’y hindi basehan Upang pigilan ang sariling may makamtam Patuloy akong papasok sa pintuang nagkukubli babaliin ang nakasanayan, pilit na isasantabi sa pintuang nakatalikod, ama’t inay ko’y sumalubong kapatid kong ngayoy degree holder na at sa susunod na taon paniguradong ako naman.

33


Hail Marie Craiza M. Rabutazo

34


Kantunan

Ni: Anna Luisa Flores

“Desi-otso ka na Nene!” “Diba’y iyo nang kaarawan” “Pakanton ka na!” “Pakain naman...” “Patikim naman sa gawa ng nanay at tatay mo” “Pancit! Pampahaba ng buhay iyon, sige na...” Ngumiti ako sa aking mga kaibigan. “Pasensiya na, ang araw na ito’y ordinaryo lamang, wala akong balak maghanda ng kahit na ano dahil…” “Tara dun na lamang tayo kela pasita” “Mabuti pa nga!” “Masarap don at kahit walang okasyon ay laging may handa” Tumalikod silang may ngiwi sa labi “ – Dahil si nanay ay may sakit, si tatay ay may malaking utang at walang kakainin ang mga kapatid ko sa mga susunod na araw kung ako’y maghahanda, at wala pa ako’ng disi-otso ay nasudlok na ako sa tinatawag nilang patay-sindi na sa umagay kantunan at sa gabi’y sundutan”

35


Ilalim ng Kubyertos Princess Plebiscite Tope

36


Pompyang at Saklang Ni: Niña Bless Chavez

“…And a happy new year…” Tinapos ko ang kanta nang Malaya at inabot ang ilang salapi ng may-bahay. “Saang ka ga nakatira?” “Diyan lang ho, sa pag labas ng bayan,” sagot ko sa kanya ngunit nakatitig pa rin siya sa akin, balik sa ulo at paa. “Sa susunod wag ka nang mangangaroling ha?” habang sinasara niya ang gate “Hindi bagay sa’yo neng. Dapat ay nagaartista ka,”. Nahiya ang mga bigay at hiram kong suot. Hindi ko na lamang pinansin iyon at patuloy na naglakad. “Humanap ka na ng pagasa sa langit, neng”. sigaw ng matandang pahabol. Alam kong sa paguwi ko ay mahihiya ang mga bilanggong numero sa lastilyas ng aking ina. Bababa ang taya ng mga kinobrahan niya dahil sa mga bituing nasilip ko sa isang paskong kalangitan. Hindi na rin tatama nang malaki ni pompyang pa ito o saklang. At mahihiya sila dahil sa batas, sa kulungan, dahil sa isa siyang hindi karangal-rangal.

37


Bisita ni Pepa Ni: Zhaira Lhee Caponpon

Ala una na ng madaling araw pero heto ako at nagmamadaling bumaba para makalabas ng bahay . Siguradong sermon ang abot ko sa aking ina at ate ,pag inabutan nila si George sa labas ng bahay. “Huy,George anong ginagawa mo dito?” pabebe kong tugon. “Hindi mo ba ko namiss Pepa , may pinuntahan kasi akong kaibigan. Dinalaw na din kita.” sabi ni George na may kasamang kindat pa. “Ah... Ganun ba . Ano pala yang dala mo, para sakin ba yan ?” filingera na kung filingera ,pero sana para sakin.. Hihihi.... “Alin ito ba. Oo para sayo to , sandwich at pansit , alam ko kasing paborito mo.” sabay abot ng dala niyang supot. Dahan dahan kong kinuha ang supot sa kanya “Wow naman, Salamat Ha! Hayaan mo kakainit ko agad to at hindi ako mamimigay kasi galing sayo.” sabay lagay ng buong sa tainga . “ O pano ba yan Pepa una na ko.Dumaan lang naman ako dito para magpagpag saka bawal daw mag-uwi ng pagkain galing sa patay. Eh,sayang naman to ,kaya binigay ko na lang sayo. Sige una na ko sa uulitin.”

38


Labingdal-awa Ni: Jerome Landig

Bata pa lamang ako’y nag- uumapaw Na ang basket sa gitnang bahagi ng mesa Ngunit ito’y labing- isang bilog na prutas lamang- magdidikta ng kapalaran. Ito ang laging kwento ni Nay Lourdes Sa akin kung saan binili niya noon pa Ang pang labingdalawang- swerte at siyang naging kasama niya Sa maghapong pagpipiga ng pawis Ngunit, tunay na ako’y mapalad Sapagkat pitong taong gulang Na ako ngayon simula noong ako’y Napasama sa ika-labindalawa niya Sapat ng nabuhay ako kapalit Ng sanlibong halaga; Sa halip ako’y swerte sa pamilya Ako ang kumumpleto sa swerte ng iba.

39


Kumakatok ang kapalaran, Nasa palad rin ang dahilan. Hindi ikaw! Hindi kultura. Kundi tayo, Isa ka lang pamahiin Na hindi dapat sisihin. Nagkakasala ang puso. At yun ay tao.

,,

Niña Bless Chavez

MATA 40


Ligaw

Ni: Kirsten Faith Flores Uuwi akong may ngiti matapos ang buong araw na pakikipagbakbakan sa init at alikabok sa daan, mga usok na kay tinding lumingkis sa aking panakip balat at ingay ng polusyon sa bawat sulok na aking daraanan. Bitbit ang isang supot ng lamang tiyan bilang pasalubong sa aking mga prinsesang nasa’ming tagpi-tagping kaharian. Napapahinto sa tuwing may daraan sa aking harapan, pinagbibigyan maging mga ligaw na hayop sa daan. ‘Di ko maikubli ang kinang ng aking mga mata matapos masilayan ang bukana ng aming tahanan. Dali-dali akong lumapit upang bumati sa aking pagbabalik ngunit isang kahanga-hangang pagbati ang aking natanggap. ‘Halina kayo, oras na ng pag-inom ng inyong gamot.’, wika ng doktor na nagpabalik sa aking ulirat. Walang buhay at kaharian, puro imahinasyon at panaginip lamang. Dumaan na ang swerte ko, ngunit binawi ng pusa sa parehong pagkakataon.

41


Di’ sapat ang sisiw Ni: Jerome Landig

Mailaw. Maraming palamuti. Maingay na bulungan. Isang piging na di ko malilimutan Puno ng mga ilaw na kayliwanag sa bawat gabi at araw Mga bulaklak na tila patuloy na dumarami kahit hindi ko hiniling At mga bisitang paroon at parito sa aking piling. Mga ngiting naaninag ko na lamang sa isang salamin Batid na kailanma’y hindi ko masusuklian Sapagkat sinlamig na ng yelo ang mainit kong ngiti Pinagkaitan ako na muling masulyapan ang bukas Na pinili kong ipaglaban Habang isinisigaw niya ng gabing iyon ang sarap Binalewala naman niya ang aking pagmamakaawa’t hirap Kung kaya’t ngayon isang sisiw na lang ang inaasahan Sa paghuni nito’y hiling ang hustisya’t kabayaran Kabayaran ng Ama kong sa aki’y nakinabang.

42


Banig

Ni: Anna Luisa Flores

Hinusgahan ang sarili Hinampas ng mga pagkakamali Hinagod ng kasinungalingna’ng tinupi Hinaya mo’t pinagtagpi-tagpi Hinikayat ng pariralang may hapdi. Hinilod ng bawat paghagod Hinapo sa aking pagod Hinilig ang buong tuhod Hinango ang katawang pudpod. Hilaw ang mga ngiti Hikaw ang tila palamuti Hila ang nakaraan sa kalupi Hinanap kita’t di isinantabi Hinalikan ang patak ng sakit sa di pagbalik. Hindi tayo itinandhana Hinain lamang tayo sa isat-isa Hinandog ang mga matang puno ng pagasang; Hinabi ng pagnanasa.

43


Luha ng Kasalukuyan Adrian R. Cada

44


Laglag

Ni: Arvie Joy Recto Natalo ka kaibigan Natupok ng apoy ang tangi mong sandata Ika’y tuluyang nabuwag at nahulog sa lupa Ngayo’y walang pagsidlan ang sakit na nadarama Natalo ka kaibigan Nagpadaig ka sa iyong damdamin, nagpadala sa matatamis na salita at nalason ng mga kasinungalingan na kanyang inihain Natalo ka ng pag-ibig kaibigan Hinayaan mong malaglag ka’t masaktan Ngayon bukod sa mga nasirang pangako, durog na puso ang tanging tangan Natalo ka ng pag-ibig kaibigan Nahulog sa maling tao’t nasawi ng tuluyan Pagkatapos durugin ang puso mo ika’y iniwan Tapos na ang laban, matulog ka na nang mahimbing kaibigan

45


Pic-torture Perfect Algie Mar Tiguelo

46


Nang husgahan ako ng larawan Ni: Hopwa Delicano

Ramdam parin ang hapding naiwan Sa araw at gabing nagdaan Ramdam parin ang kirot Mula sa hampas ng sinturong pumupulupot Sawa na sa mga salitang binibitawan At sa walang sawang pagsisigawan Sawa na sa mga kurot At sa buhay na puno ng lungkot Gusto ko ng tumakas Gusto ko ng makaalpas Tahimik at dahan dahan Unti unting binuksan ang pintuan Sabay takbo sa madilim na kalsada Kahit hindi alam Kung saan pupunta Naglalakad sa liwanag ng buwan Nang maalala kong bigla Nasa gitna ako sa huling larawan Sinundan ng tingin papalayo At biglang dumampi sa bibig ko ang panyo Nawalan ng Malay at biglang naglaho

47


Baliw na Kahapon Katrina Advento

48


Baliw na Kapalaran Ni: Andrei john Valdez

Bagsak ang katawang puhunan ng gabi kaya’t hinilurang maigi ang mga bakas mula sa nanlilimahid na salapi, palirit ng sanggol sa kariton ang gumising sa pagkakahimbing tila hindi namalayang ang buhok ay nababalot pa ng likido ng pagdadalamhati. Nakakabaliw daw ang likidong bumabalot sa bawat hibla nito, nanunuot sa anit ang lamig ng presensya ng ama’t ina at pilit pinaa-alala ang mga bilin nitong sinuway ng agresibong kahapon. Bitbit ang supling ng kasalanan sa unang pagkakataon ng pagdalaw sa libingan ng mga pangarap na hindi natupad kung saan kalong ang pagdadalamhati sa mga tanong na ‘paano’ at ‘kung sakali’. Sa unti-unting pagkaupos ng kandila sa puntod ay siya ring pag-iiba sa hulma ng lupang tinatapakan pabalik sa pinagmulan, ang mga magulang na tinalikuran. Galos ng kasalukuyan ang nakalatay sa balat nitong noo’y hindi magalusan, ngunit ngayo’y nasusugutan sa loob ng kaibuturan sanhi ang kaluluwang pinagmulan. Ni kapiranggot na salita ay walang namutawi sa mga labing naungusan ng hikbi ng pagsisising bitbit bilang alay sa kuwadradong sementong may malalim na nakaukit at sa bawat bigkas ng mga salitang “wala namang mangyayaring masama kung susundin mo,” ay tila binubulong ng boses ng pagsisisi.

49


Ako lamang ang sumunod sa pula Ni: Reniel Renz Gallardo

Medyo nasasanay na ako sa mataas na unan dahil sa mga notes na nasa ilalim nito habang nagbabalik aral ako para sa darating na pagsusulit upang makuha ang lisensya. Napasyalan ko na ang lahat ng grotto na maari kong pasyalan malapit sa aking tinitirhan partikular na si St. Jude upang masigurado na pinapatnubayan ako ng mga patron na kilala ko. Hindi naman siguro masama ang magpunta pa ako sa mga kakilala kong nakapasa na sa Licensure Examination for teachers upang magpatasa ng lapis at kunin ang pambura, pantasa at ballpen na pabaon ng aking mga kaibigan at kakilala. Nakapag-alay na ako ng mga itlog kay St. Claire pero dahil hindi ko sigurado kung ilang itlog ang dapat ialay, nag-iwan na ako ng isang tray.

50


Isinusulat ko na ang pangalan ko sa bawat reviewer na hawak na may karugtong na LPT o license professional teacher para naman handa na akong tawaging ‘sir’. Ang pinaka hindi ko malilimutan ay ang pagsusuot ng pulang brief, medyas na pula at sapatos na pula habang kumukuha ng pagsusulit. Hindi ito alam ng lahat ng kasamahan ko sa kwarto at hindi ko rin sinabi sa kanila sapagkat sinabi ni nanay na hindi raw dapat ipinagsasabi ang mga pamahiing pinaniniwalaan ko. Pagkalipas ng ilang buwang pag-aantay, kaharap ko na ang computer habang hinahanap ang lahat ng pangalan ng mga kasabay kong kumuha ng pagsusulit. Syempre sila muna ang hinanap ko dahil alam ko naman na pasa na ako. Sila kasi yung mga kaibigan ko na hindi naniniwala sa anumang kasabihan. Nanginginig ang kamay ko habang naghahanap dahil sa anim na kasama ko, lahat sila ay nakapasa na. Hindi naman pala ganoon kahirap sapagkat kinaya nga nilang ipasa, syempre pangalan ko na hinanap ko. Isang resulta ang hindi ko matanggap, ako lamang ang hindi kasama sa listahan ng mga pumasa. Ako lamang ang nakakuha ng kulay pulang resulta…FAILED.

51


Nang maligaw si Lilith

Ni: Alvin Cuevas

Sabi sa’kin noon ni Lola, “Baliktarin mo ang iyong damit nang ‘di ka maligaw – “ Iyon ay kung ako’y mawawala Sa karimlan at dilim ng mundong ibabaw. Hanggang ngayon, aking dala-dala. Mga pautos at bilin ni Lola. Idamay na rin ang kasabihan at mga munting paalala. – Iyon ay kung malayo ako at wala sa piling niya. Ngunit ngayon kasama ko ang aking pamilya. Si Inay, Itay at si kuya. Pamilya. Pamilya? Parang may mali at ako’y nagdududa. Kahit ako’y isang dalagita na, Inaaya pa rin akong maglaro ni kuya. Kasama ang mga kabarkada niya. Larong may bahay, ako lang daw ang ina. Ngunit parang may mali. – Lahat daw sila ang magiging ama. Wala akong nagawa. Puro takot at pagmamakaawa ang aking ginawa. Sa gubat ng kanilang libido at ngiting hindi nakakatuwa. Nakakatakot. Gubat nga ito. Gubat ng karimlan at kahalayan. Naalala kong muli ang unang kasabihan ni Lola. Baliktarin ko ang aking damit kapag ako ay nawawala. Ngunit iba ang kasabihan ni Kuya at ng mga kaibigan niya. Tanggalin ko raw ang aking saplot at sa’kin nga ay mawawala. Naligaw nga ata ako. Naligaw sa kamunduhan at malisya ng mundo. Totoo pala ang nangyayari kapag ikaw si Lilith; – Ikaw ang unang makakaranas sa kamay at haplos ng isang demonyo

52


I Stop Believing Ni: Addie Yvonne Albong

In the middle of the night I stare In the window open-wide and done To look upon the brightest star, Whom they said my relief on war. Lays down with wet-hair dripping, Arose and desist on daydreaming “It is bad to sleep with wet hair” My grandma told, For I’ll be crazy, I don’t think it would. I stood up to go upstairs, Only to stop in front of stairs One, two,three…I count, Excited what will be on the mount. In the last rung, I reckon, That it would be Mata I’m on Good fortune be on us So happiness won’t last Perplexedly I realized, Why would such beliefs be localized, The good in me that deserves, Restriction-free our life serves

53


Tuhog Almond Cherry Dominguez

54


Naluto sabay ng maling paghahalo Ni: Jerome Landig

“Heto ako ngayon nag iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim “ Noong bata pa ako damang dama ko ang awiting ito habang hawak ang maliit na sandok na pinapanghalo sa niluluto kong pinakbet. Bukod sa paborito namin ito, pampalamig rin sa mainit na ulo ni Nanay sapagkat pinipilit niya akong pumasok sa paaralan. Sunod-sunod na hataw naman ang aking natatanggap sapagkat bukod sa hindi ko na gusto mag aral ay di pa raw ako makakapag asawa sapagkat ang hilig kong kumanta habang nagluluto. *** Di nagtagal ay pumanaw na si Ina dulot ng katandaan. Ngayong nasa trenta anyos na ako, nagkaroon ako ng asawa at pagsisising gusto kong ibalik ang ikot ng sandok noon at makinig sa payo at bilin ng aking Ina na kailanma’y di na mangyayari. Huli na rin ang lahat, sapagkat talamak na ang likido sa paborito niyang ulam,luto na ang aking asawa sa isang mainit na kahon kasabay ng pagpatak ng aking mga luha at lubos na pagsisisi.

55


Ratify Katrina Advento

56


The day you said goodnight Ni: Niña Bless Chavez

Movie marathon. That’s what we always do during Saturdays. After the work at my column, I’m rushing to go home to see my daughter and my wife. “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?” We were watching Liza and Enrique’s movie. Mom was just seriously staring at the screen and my daughter was sleepy. “Ma, tama na yan,” “Ah ah, bakit? Last na. Maganda yan,” “Napanuod mo na yan e. Hanap tayong bago” I snatched the remote. “Ah ah, bakit naman?” “Ma,” I stared at her eyes. “Hindi ka kapalit-palit,” Then she just hugged me, together with her left arm lying with our daughter. “Onga. Tulog na tayo,” Before she bade goodnight, I told her I love her. I turned off the lightbulbs. When three am had passed, I need to go at the publication, just to finish the news coverage. Before I left, I tend to cover a blanket for my two beloveds. “I’ll see you in sunrise,”. Suddenly, while I was working on my office, some reporters walked near to me. Some of them were crying out so loudly. “Wala na sila. Nakatanggap kami ng balita. May minurder sa may Villa SanDiego. At ang mag-ina mo yon,”. That was five years ago. But I forgave the foot who stepped on our anthill, even without and excuse, “Tabi tabi po,”.

57


Ghosting Ezekhyna Monteagudo Naval 58


Wounded heart, dented mind Ni: Arvie Joy Recto

I’m in a dark room―staring at my own ref lection in the mirror―tracing my half bared body through; finding something that might be responsible for the pain in my chest. Disappointedly, I found nothing. Not even a single scratch. There are no wounds neither a visible scar yet my heart’s throbbing in so much pain. I sighed and stared at the wall beside my mirror and found the picture of the man I loved. Flashbacks from our last moments rushed into my mind. I was walking down the aisle while he’s waiting for me to reach him on the end of the path. Tears were streaming down my face but I chose to smile. Sure, meeting him was one of the best experiences I ever had. The very first time I saw him when I was 15, I was sure he’s the one for me. He’s the one who’ll bring brightness into my darkest nights, the one who’ll add color to my colorless mind. Until I stopped moving forward for a while when I realized he’s too near but it feels like I’m walking thousands miles onward to meet him. It’s so impossible, so untrue for me. And when I finally reached him, I cried, not because of so much happiness but because now I understand that what my mom just told me last night was true. I shouldn’t have stood so close to a dead person at all as my heart will not be completely healed forever.

59


Sweet Memoir Adrian R. Cada

60


Pikit

Ni: Shane Kieth Doria

Matamis na salita, sa malamig mong tinig Mga salitang humuhubog sa’king mga labi Dahan-dahang ngumingiti at napapaibig Kasiyahan ko’y di na maikukubli Sa araw ng ating pagkikita Puso ko ay hindi mapalagay Makailang ulit sa salamin ay humarap Minasdan ang tindig ng kasuotang kagabi pang iginayak Lumakad ng mabilis, sa yakap mo’y nanabik Di alintana ang mga sa kapaligaray nagbabadya Masilayan lamang ang mata mong mahiwaga Hawak ko ngayon ang iyong pisngi Minamasdan ang iyong mga pag titig Ulan sa iyong mga mata ay hiling na patilain Pasensya ka na kung akoy nakaputi Magandang nakahiga at nakapikit Hayaan mo sa susunod nasayo’y muling iibig Ibubulong ko sa kanyang ‘wag tutuloy kung sa daan ay may pusang itim

61


Halimuyak ng Kabayanihan. Ni: Jerome Landig

Sa bawat pag- tungo ko sa simbahan. Sinasalubong ako ng halimuyak ng mga kandila. Isang kaibigang tawagin kong “lola” ang may tangan nito habang suot ang kanyang paboritong bistida na sa tuwing paglagi ko dito’y ito ang kanyang bihis. Palagi rin niyang sambit saki’y “ kumusta ka iho?, hulaan ko iyong kaarawan? “ Hindi ko siya kilala simula pa noong una. Mahilig siyang magtanong kung anong araw ako ipinanganak At paulit ulit niya itong tatanungin. Bitbit ang mga tali ng mga iba’t ibang kulay ng kandila habang inaalok sa dumaraan. Usok ng kandila nya lamang ang kakaiba sa lahat. Sinabi kasi samin, kapag naamoy mo ang aroma nito, ito’y nangangangahulugan sa pagpanaw ng taong malapit sayo at hindi mapigilang tumaas ng aking mga balahibo at makaramdam ng takot. Ngunit ang halimuyak ng sa kanya ay kakaiba. Amoy ng busilak na pusong namamayani, mga ngiting sabik at kawili-wili na nagiging dahilan kung bakit siya ay maraming benta sa araw araw. Minsang bumili ako sa kanya, huling tali na. Dadalhin ko sana sa probinsya at ibibigay sa aking pamilya. Ngunit nagtataka lamang ako, nang aming sindihan ito’y nag iba na ang amoy at mabilis maubos. Makalipas ang ilang araw, sa aking pagbalik ,muli kong naamoy ang halimuyak nito. Laking gulat kong hindi na siya ang may hawak . Isang batang maliit na tila walang malay sa mundo . Tinanong ko siya, “nasaan ang Lola mo”? Tugon niya, “sabi ni Ina , limang taon na ang nakalilipas nang iligtas niya ang labinlimang Taong gulang na lalaki. Walang pag aalinlangan na buhay niya’y nagwakas. Dalawampung taon gulang na ako ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako At muling naamoy ang di malilimutang halimuyak ng Kasaysayan ni Lola . Habang bakas sa aking braso ang peklat ng alaala nang muntik ko ng pagpanaw noon.

62


L

a

r a w a

63

n


Fate for Sale Kobie Oracion

64


Glint of Fortune April Lian Albong

65


Owl of Sudden Josel Gabalones

66


Broken Dreams April Lian Albong

67


Sukob April Lian Albong

68


La Casa de Papel Carlos Deniel Camus

69


Pagsilip sa Hantungan April Lian Albong

70


El Viernes Trese Shane Kieth Doria

71


Snap Back Carlos Deniel Camus

72


Pass Through April Lian Albong

73


D

i

b

u

74

h

o


Bangungot 75

Adrian R. Cada


Beheaded 76

Almond Cherry Dominguez


Bewolf 77

Andrei John Valdez


Cramp Mentality 78

Almond Cherry Dominguez


Tooth Dreams 79

Craiza M. Rabutazo


True Lips 80

Adrian R. Cada


The GEARS

Patnugotan 2019 - 2020

University President: Mario R. Briones, Ed. D Campus Director: Engr. Manuel Luis Alvarez Consultant: Celeste C. Marquez, M.S.P

Coordinator: Susanna Rose A. Labastilla, MAED/LPT

Editor-in-Chief: Joseph Andrew Algarne Associate Editor: Ranz Irizh Enriquez Managing Editor: Christian Carlo Viriña

Circulation Manager: Arvie Joy Recto | News Editor: Christian Carlo Viriña | Features Editor: Darryl Peñaredondo | Sports Editor: Ranz Irizh Enriquez | DevComm Editor: Paul Andrei Lotereña| Chief Artist: Adrian Cada | Chief Photojournalist: April Lian Albong | Chief Layout Artist: Aron Dominic Malaga | Literary Editor: Jerome Landig Senior Photojournalist: Shien Rhoel Moral | Shane Kieth Doria | Alexandra Ramirez Senior Staff Writers: Niña Bless Chavez | Lenin Osio | Maria Michaela Casantusan | Jane Cabrera | Rodjon Gally Villanueva | Alvin Cuevas | Jonas Salvatierra | Gaudy San Jose | Esteven Combalicer | Kirsten Faith Flores | Hopwa Delicano | Princess Plebescite Tope | Ezekhyna Naval | Elexandra Labutap | Vince Villanueva | Jhane Lithrelle Austria

Staff Writers: Addie Yvonne A. Albong | Paul Andrei Lotereña | Carlo Martinez Jr. | Erika Laurence Ramos | John Raffy Realeza | Aldous Matienzo | Katrina Advento | Lorrein Onato | Lloyd Melvin Tonga | Angelika Romales | Yna Alyssa Villanueva | Micaella Cruz | Marvie Baloloy | Gwenn Leynes | Micah Ebreo | Kobie Oracion | Sochie Aban | Alliza Keith Dela Cruz | Carlos Deniel Camus | Paige Edward Reamon | King Laurenz Tesico | Algie Mar Tiguelo | Ira Castro | Zhaira Lee Caponpon | Almond Cherry Dominguez | Coleen Barcala | Andrei John Valdez | Russel Natividad | Danielle Rose Fallaria | Hannah Leah Musico | Craisa Rabutazo | Jorge Beltran | Vhic Luzano | Khyla Veridiano | Alexander Ferrer | Wilson Jake Onglengco | Ronnel Joe Oblepias Karapatang Ari © 2019

81


ANG BALINTUNA Naging palaisipan ang mga nagkalat at hubad na paniniwala sa lansangan na siyang pinulot ng mga manunulat at binihisan sa loob ng Banyuhay Dies. Nimaniobra sa pamamagitan ng tula, dagli ,prosa at sanaysay na nagbigay diin sa hinaharap. Hangad namin na maging tuwid ang mga buholbuhol na ideolohiya kung saan magigising ang bawat mambabasa sa pagkakahimbing sa natutulog nilang kamalayan at magkaroon ng pagkakataong baliktarin ang unan upang mapigilan ang kahihinatnan. Basag man ang salamin ngunit hindi ito hadlang upang hindi pagmasdan ang kasalukuyang maaring maging dahilan ng hindi pagtuloy sa kinabukasan. Kaya’t muling kilalanin ang mga palaboy na paniniwala at minsan na ring naging bahagi ng ating katauhan. Sa muling paglaglag ng kutsara sa sahig, sama-sama nating pulutin ang aral na tinataglay ng mga ito na siyang magtuturo ng tamang landasin sa baliktad na katotohanan ng buhay.

82


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.