1 minute read

Sana noon pa

Next Article
Padayon

Padayon

58

SANA NOON PA

Advertisement

Yaretzi

Animo'y bumaybay pabalik sa nakaraan, sa unang araw na nasilayan ang iyong mukha Naging mapusok at umibig lamang ako bigla, ngunit 'di lubos na mawari ng aking sapantaha

Nahihibang, huli na ang siyang pagdatal ng pag-unawa sa aking windang na diwa Nakaraan natin na bunga ng nasawing pag-iibigan, hanggang ngayon ang yaring sugat ay sariwa

Napapikit na lang habang ang masagang mga luha ay siyang nag-uunahang makatakas, makawala Kung maaari ko lang, ikutin pabalik ang panahon nang tayo’y mapagkalooban ng panibagong simula?

Kalungkutan ay muling kumukob sa aking mundo, bahagyang pait at papagsisisi sa puso'y nag-alsa Siguro dapat noon hinayaan na kita, ‘di na dapat pa naging sakim sa pag-ibig na alay sayo’y pagdurusa.

This article is from: