FRONT COVE R
Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimugang LuzonKolehiyo ng Inhinyeriya, Lucban, Quezon 1/F MHDP Bldg., College of Engineering Southern Luzon State University Lucban, Quezon 4328 Philippines thespark.slsu@gmail.com www.thesparkslsu.wordpress.com
ng
an
|P
gP
AL
-a am R ri ro ese ng m pa ma du rb g Ka nit y n ksy ad a g o r a o ak ika ap as n at ang wa ata ula nn pa lah ay n tn g ng g Th a p gam at n ana P na atn -a ah e i g int t sa kara tili r Sp u i Š ulo an pa sa g uta ar t m um tan kan k ng ula ang ka i-k Di s a 20 se an am nil sa ny yo a an 1 m 3on ay g a n Al 20 gp ha t pa a an mg jin a 14 w g r a Pi Ch a t b a k a a ala kn na ri n m ara ga ln sC l t g i p ka alib ata kha a p . M DIs ni A ra ag ag en ljin pa an k n sa . wa si yo tan u wa no ng Chr g- ng sto | Jo mg is C ar i . a h . ni M Jo n Ma pah ag mm rk ina sin el I. P nin o C. a Da erez nd o
ET
A Pr es sC
gM JC
sn
ina
ilip
ba gs aP
lim
Ini
re p
p.
ati
or
Ka ra p
AP TO RI MO L Lik 2014 3 h
May panahong magduda at magtanong Ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong Pagtatanong ay walang katapusan. —Awit ng Peti-burges
a ngalan ng S lipunan, narito tayo bilang tao, indibidwal, mamamayan, kritiko. Tayong nagngangalan sa kanya ay binibigyang ngalan din nito. Ang mga karanasang ito ang uukit sa mapa ng ating pamumuhay.
nagtitiis,
nakikibaka,
kumikilos,
nagmumulat
Sa pagkakataong ito, iniluwal ng Paleta ang marahas nitong tema —ang walang katapusang tunggalian lampas sa kagalang-kagalang na lipunan. Ang mga kaganapang inilalahad nito ay bahagi ng siklo —muli’t muling bubuwagin at ihuhulma para sa iniingatan nitong imahen. Ang rebolusyonaryong damdamin ng masa ang nagpapatingkad ng kabuluhan kung bakit siya nagtitiis, nakikibaka, kumikilos, nagmumulat at umiibig. Ang tinig nati’y magkakawangis, hindi pareho’t iisa. Ang tao ay patuloy na maglalakbay at makikisangkot sa lipunan, ano pa ang panitikan?
at
umiibig.
Faith P. Macatangay Patnugot sa Panitikan
Langit, Lupa, Impiyerno Doble-Kara Muntik Pa Kitang Magahasa [Mis]relaxed Sa Pagpula ng Gabi KLSP Sa Lungsod ng Pag-asa Medalya’t Bihon Hindi Pala Ako ang Mahal Mo Liham ng isang Tibak Pagtugon sa Liham ng Isang Tibak
Dula
Tula
Liham Pag-ibig Ganito Kami Sasalakay Hindi ‘Yan Bago sa Mata A Faint Light Fill in the Dark Kamalayan: Isang Tanaga Sipat ni Maricon Montajes Sandata Pasko sa Buwan ng Pebrero Double Dead
Korapsyon Kasalanan Ko Ba?
Kinulob na Hamog Magsasaka Diklap Kriminalidad at Lipunan 69 Green I Ought Ikapitong Sundang: Mantitigbas Hindi Sapat ang Pluma Foundation Huling Pabibo
Nilalaman
Maikling Kuwento
Tularawan Sandalangin Near to End Buhay-Bata Kultura Lapag Unsweetened Home On This Site Knot with a Burning Hope Lights, Bicameral, Action Coincide
Sanaysay
Gising Appear, Disappear, One-half, One-fourth Pasaliwa Education for Sale Chop and Change Ako’y May Narinig Palit-bihis Bringing Hell to Heaven
Sining-Tula Dagli Zambo Kalam Durungawan Biktima No Jaywalking Para Kay K
Whistle Nahulog na Bituin Kalahating Oras ng Vice City Para sa Bayan Hindi sa Katahimikan Nagtatapos ang Digmaan Akala’y Maling Akala
Whistle
“Sumasaliw sa himig ang bawat hakbang.�
Sipol pa! Sipol pa! Sabay sa kanta ni FloRida. Pinakanta ng konsensya. Pinaputak ng kasalanan. Sumasaliw sa himig ang bawat hakbang. Sumasayaw papunta sa masalimuot na bilangguan.
Ang akdang ito ay isang dagli. Ang dagli ay maituturing na isang maikling maikling kuwento.
Malinaw pa sa labing nagbigkas. Hindi matinag ng kahit anong lakas. Sa bintana ng kaluluwa nakadungaw ang bukas.
durungawan
Ano ang hanap? Sapat ba ang aking sikap? Sa bintana ng kaluluwa Abot-kamay ang pangarap.
Liham pag-ibig
Sasabihin na ang lahat sa pamamagitan ng sulat, Para maiwasan ang madalas kong pagkakalat, Ipahahayag ang bawat damdaming nais ipagsambulat, Para ang matamis mong sagot ay masilat. Gusto talaga kita, At gusto ko sana maging tayong dalawa, Kaya sana ito ay iyong mabasa, At nang ang pag-ibig ko ay iyong madama. Pinag-isipang mabuti, bawat salitang ipasasabi, Bawat ideya ng pag-ibig ay pinagtagpi, Lahat sa iyo ipamumulat, Pero papaano ‘yon kung hindi ako maalam magsulat? Kalimutan na lang ba natin ang lahat?
*Alam mong para sa ‘yo naman talaga ito.
“Alam kong isa ka sa amin.�
Gising
Malapit na akong mag-isang taon sa kolehiyo. Ang dami nang pagbabago ang nagdaan. Sa kilos, gawi, kaibigan, pakikitungo, pag-iisip at pananaw sa buhay. Dito ako natuto magisip ng totoo at kung ang totoo ba ang nasa isip. Dito kinalimutan ang sarili para sa pag-ibig. Pag-ibig na nagpaikot ng mundo at nagpapatuloy ng buhay. Subalit ang pinakamahalagang natutunan ko sa unang taon ay ang realidad ng lipunan. Ang realidad na hindi ko nasaksihan sa mga nakaraang taon ng pagdadamot ng pag-ibig ko sa sangkatauhan. Ang masalimuot na katotohanang ang mundo ay isang paraiso. Isang masalimuot at mapanlinlang na paraiso. Akala ko, sa apat na sulok ng unibersidad lang iikot ang diwa ng pagkatuto ngunit sa labas pala nito ay nakaabang ang mas malaking paaralang hinulma ng pagsubok at walang-hanggang aral na kailanma’y hindi sinubukang ituro sa mga eskwelahan. Mula sa kahirapan
kong nakagapos at namanhid ay dinaluyan ng lakas para pumiglas.
hanggang sa karangyaan; mula sa sakit patungo sa sarap; mula sa pangakong tuwid na landas papunta sa tuwid nga ngunit malubak. Sinundan ng mga walang kwentang mandaraya at mamamayang tapat ngunit ginulay ang pagkatao. Sa mga kababaihang lumalaban at mga kalalakihang nagpapalaki lamang ng tiyan at “pag-aari.” Mga pamilyang inuulan ng barya noon, ngunit ngayon ay binabagyo na ng kwarta. Paano na ang dukhang dating ulam ay tuyo at kamatis na ngayo’y asin na lamang? Ito ang isinampal sa akin ng unang taon. Ang bulag kong mata ay iminulat ng panahon. Ang bibig kong may busal ay kinalagan ng pagkakataon. Ang mga kamay
Marami tayo. Oo, hindi ako nag-iisa. Ang “kami” ay hindi kami lang. Alam kong galit kayo sa mga mukhang naka-tarpaulin na nangako pero napako. Hindi ba sila ang dapat ipako? Alam kong sawa ka na sa mabagal na patakaran at mapapasigaw ka na lang ng “tang ina!” Alam kong isa ka sa humahanap ng refund sa scholarship na hindi mapakinabangan dahil mas late pa ito sa prof ninyong uugod-ugod. Alam kong isa ka sa mga nagrereklamo sa mahal na librong-parang-hindi-libro dahil pina-photocopy lang sa tig-sisingkwenta sentimos at pina-bookbind. Tubong goto-mami! Alam kong isa ka sa amin. Alam kong natatakot ka, katulad ko dati. Kung paiiralin ang pagkatakot, sinong lalaban? Kung paiiralin ang karuwagan, sinong babangon? Ang mali ay parang bata, dapat hindi kinokonsinti. Dahil kapag lumaki, mahirap nang pigilan. Kasi kapag hindi napigilan, ang pinalaki mo at pinabayaan ay siya ring lalamon sa ‘yo.
T a k b u h a n.
B
Hiyawan. o m ba h a n. Putuka----------------n. Palitan ng lakas. Pag-------likas.
T a k b u h a n.
Zambo
Hiyawan. o m ba h a n. Putuka----------------n. Duguan. Kamatayan. Paglu h a. B
Lupa, Langit, , Impiyerno
“Akala mo’y kung sinong butihin gayong mapangabuso din namang tunay.“
LUPA —Langit, lupa, impyerno! Im-im-impyerno. Unang nataya si Mark. Nagtakbuhan ang kanyang dalawang kalaro papalayo sa kanya. Sunod siyang kumaripas para habulin ang mga ito.
Pilit na nagmamadali si Jordan sa paggawa ng report dahil na-deadline nang i-submit ito isang oras mula ngayon. Baka magalit na naman ang kanyang amo at pagsisigawan siya ng masasakit na salita. Kailangan pa man din niya itong ma-impress kasi araw ng pags’weldo ngayon. Umaasa siyang pwede siyang mabigyan ng bonus kapag nagawa niya nang maayos ang trabahong binigay sa kanya. Kung sakali, ipambibili niya ang pera ng laruan para sa kanyang anak. Subalit taliwas sa kanyang kakayahan at iniisip na mangyari, masyadong marami ang iniatas na gawain sa kanya. Hindi naman siya pinakinggan noong nagreklamo siya. —Kaya ko ‘to, sambit niya sa sarili. LANGIT Mabilis na naabutan ni Mark ang makupad na si Chris. Sumampa si Chris sa ibabaw ng isang mababang bakod.
—Hop, hindi mo ko pwedeng tayain, nasa langit ako. Nag-umpisang magbilang si Mark, simula isa hanggang sampu. Dapat bumaba si Chris sa langit sa katapusan ng bilang. Kung hindi, matataya siya. —Ano ba ‘yan! Ang bagal mo naman. Bilisan mo nga Manong! Sisisantihin kita diyan e, hiyaw ni Ozward sa drayber ng kanyang bagong kotse. Walang nagawa ang lalaki maliban sa sumunod sa amo. Maya-maya’y isang motor na sumisirena ang nakasunod sa kotse. Isang pulis ang nagbalak tiketan ang sasakyan dahil sa over speeding. Kinatok niya ang tinted na bintana. Ibinaba ito ni Ozward. Masama ang titig niya sa pulis. —Aba, aba! Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo ba ako nakikilala? Kaibigan ko ang chief ng kapulisan dito. Baka hindi mo alam? —Sorry po, Vice. Hindi ko po alam na ikaw ‘yan, mangiyak-ngiyak at napahiyang bigkas ng sumita sa kanya. Pinakaripas muli ng tsuper ang kotse. Ilang minuto pa’y nakarating sila sa kumpanyang pagmamay-ari ng amo. Bumaba ng kotse si Ozward. IMPIYERNO Hingal na hingal si Boyet dahil sa pagtakbo. Buti na lang at si Chris na
tumungo sa ibang direksyon ang hinabol ng kanyang kalaro. Kumirot ang dibdib ng bata. —Malayo naman si Mark sa akin. Makaupo muna. Nakabilad sa sikat ng araw ang katawan ng matandang gitarista. Sa tulong ng talento niya ay namamalimos si Isko para may pambili siya ng pagkain ng kanyang apo. Buhat ng magkasakit sa baga ang anak ng kanyang namayapang panganay ay hindi na niya ito isinasama sa panlilimos. Wala siyang kakayahang sustentuhan ang pagpapagamot ng apo kaya tanging pagkain at pag-aaruga lang ang naibibigay ni Isko sa kanyang inaalagaan. LANGIT-LUPA —Ano ba! ‘Wag mo nga akong bilangan. Hindi na kita ililibre, bulyaw ni Chris sa taya.
—Ang daya mo talaga, tanging nasambit ni Mark, sabay layo sa kalaro. —Ano ‘to ha? Bakit ito lang ang nagawa mo? Napakawalang kwenta mo talaga, panduduro ni Ozward kay Jordan. —A…e…sir, sobrang dami po kasi ng ibinigay n’yo, kulang pa sa oras. Sinabi ko naman po na napaka-alanganin po ng pinagagawa n’yo sa akin, ‘di ba? —Ako pa ngayon ang may kasalanan! Ang lakas din ng loob mo. Sumasagot ka pa! Baka nakakalimutan mong empleyado lang kita. Matuto kang lumugar! Pinagpupupunit ng amo ang mga ginawang report, kinuyumos at inihampas sa mukha ng kaharap. —Umalis ka nga sa paningin ko! Ide-delay ko ang sweldo mo. Wala kang kwenta. Naaalibadbaran ako sa ‘yo. Layas!
LUPA-IMPIYERNO Tinungo ni Mark ang direksyon ni Boyet. Napansin ni Boyet ang paglapit ng taya kaya bagama’t humihingal pa ay agad itong tumayo at tumakbo. Takbo. Langit. — Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu. Takbo. Abot. Nataya si Boyet. Malungkot na lumabas ng gusali si Jordan. Wala siyang maiuuwing pasalubong para sa anak. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa kantong laging pinup’westuhan ng isang ka-barangay niyang namamalimos. —Mang Isko, kumusta? Tara na po uuwi. Napahinto sa pagtugtog ang lalaki. —Maagap ka ata ngayon, utoy. —Napag-initan po ako ni Vice. Hindi nga po ako pinasweldo. Nagpanting ang tainga ni Isko. Naalala niya ang panahong pinagkaitan din siya ng tulong ng taong iyon noong kailangang magpa-check-up ng kanyang apo. —‘Yang mga mayayaman at makapangyarihan, madalas nagpapanggap lang sa harap ng publiko. Akala mo’y kung sinong butihin gayong mapang-abuso din namang tunay. Kapwa sila napabuntong-hininga. —Siya, sige. Ingat utoy. Ako’y kailangan pang kumita. ‘Wag kang mag-alala, darating din ang araw nila. Kilala ko ‘yang si Ozward.
IMPIYERNO-LANGIT Sa pagkakataya ni Boyet ay si Chris ang napili niyang habulin. Kasabay ng kanyang pagtakbo ay ang pagsikip ng kanyang dibdib. Hirap man ay pilit pa rin niyang binalak tayain ang madayang kalaro. Sinubukang takutin ni Chris si Boyet ngunit hindi ito umubra. Walang nagawa si Chris kundi bumaba sa langit hanggang sa maabutan siya ni Boyet at siya’y mataya. Ilang ulit na tinawagan ni Ozward ang kanyang drayber ngunit hindi ito sumasagot. Malapit nang gumabi, kailangan niyang pumunta sa isang resto sa kabilang bayan sapagkat may date sila ng kanyang kabit. Nag-iinit ang kanyang ulo dahil hindi siya makaalis. Kalahating oras na siyang huli. Malayo ang sakayan ngunit kailangan na niyang maglakad at mag-commute. Sinita niya ang isang guwardiya at nagpasama rito. Bang! Bumulagta sa harap niya ang kanyang kasama matapos mabaril sa ulo pagsapit nila sa isang kanto. Nagulat siya sa bilis ng pangyayari. Tinutukan siya ng baril ng isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang salarin. Nakilala niya ito —ang matandang gitaristang nakatira sa iskwater na bahagi ng kanilang barangay. Tatlong putok ang nagpatumba sa kanya. Sumibat ang suspek patungo sa eskinita. Walang ibang tao sa kantong iyon. Walang makakatulong sa kanya. Binawian ng buhay si Ozward.
LANGIT-LUPA-IMPIYERNO Umiiyak na umuwi si Chris. Nabatsog siya sa laro. Sa pag-uwi niya, sumalubong ang masamang balita na namatay ang kanyang ama dahil sa tama ng tatlong bala. Ang pagkamatay ni Ozward ay naging umpisa ng trahedya ng kanilang pamilya. Sunud-sunod na lumabas ang baho ng kanyang mga ginawa noon upang matamo ang yaman at kapangyarihan. Bumagsak ang kanyang ipinundar na kumpanya at naghirap ang kanyang mga naiwan. Lumipat ng trabaho si Jordan. Dahil sa b’wenas at sipag ay umasenso ang ama ni Mark. Ipinagamot niya ang apo ni Isko na si Boyet. Langit, lupa, impiyerno. Habambuhay nang taya si Chris.
sandalangin
Mahinang humihikbi, bumubulong, umuusal Tugon sa bawat paghihirap ay dasal Hanggang kailan kami magpapakasakit? Nakikinig kaya ang Diyos sa langit? ‘Sandaang maliliit na tinig, Sandal sa pang-aapi’t kahirapan, Dala’y tanging pag-asa’t pananampalataya, O, diyos ko! Nawa’y dinggin mo’t tug’nan Ang aming mga dalangin.
Ganito Kami
Sasalakay
Sapat na ang kapirasong kataga upang lumaya, upang lumaban, upang manindigan, upang humaplos ng diwa. Sapat na ang pag-ibig, ang alab, ang tibok sa pakikidigma. Libu-libong kaluluwa ang ating gabay, libu-libong laman ang ating sandata, iminoldeng pandigma, iminolde para sa pakikibaka, pinakulo sa pusong umaalab, pinatalim, pinatapang ng nasugatang kalamnan, nadarang sa kumukulong asupre ng mga kataga binabad sa sanlibong pawis, hinasa ng diwa.
Ganito kami sasalakay, libu-libong laman, libu-libong makata. Ganito kami maghahanda, laksa-dosenang kataga, laksa-dosenang diwa. Ganito kami babangga, ‘sintibay ng aspalto, ‘sintibay ng bakal.
Appear
“Sana ang laro ng buhay na nagsimula sa appear, disappear, one-half, one-fourth ay magpatuloy sa pabalik na paraan.” Alam n’yo ba kung ano ang tinatawag na enforced disappearances? Kung sa sarili n’yo pa lang ba ay wala na kayong pakialam, malamang ay hindi n’yo nga ito alam. Pero sa sandaling ito, subukan n’yong mangialam sa mga inilalahad ng artikulong ito: Ayon sa Article II ng United Nations Convention Against Torture, enforced disappearance is the arrest, detention, abduction or any other form of deprivation of liberty by agents of the State or by the persons or groups of persons acting with authorization, support or acquiescence of the State, followed by the refusal to acknowledge the deprivation of liberty or by concealment of the fate or whereabouts of the disappeared person, which place such as a person outside the protection of law. Sa mas simpleng pagpapakahulugan, ang enforced disappearance ay ang pagdakip sa isang indibidwal upang maglaho siya sa mata ng publiko na maaaring magresulta sa pagpatay o pagdukot na walang kasiguraduhan ang kanyang muling pagbabalik. Appear Iba’t-ibang personalidad ang lumalantad sa publiko at media, may mga kaugnayan sa batas, may posisyong politikal
Onefourth Marahil, para sa mga taong dinukot, ikinulong at lubusang pinahirapan, one-fourth na lang ng kanilang kabuuang pagkatao at diwa ang natitira nilang pag-asa. Walang katiyakan at kasiguruhan ang hinihintay nilang kinabukasan. Pag-asang makapiling muli ang mga mahal nila sa buhay; pag-asang maipagpatuloy at maisakatuparan ang kanilang mga nasimulan; may pag-asa pa nga ba? Habang binabasa n’yo ang artikulong ito, kasabay ang mga sandaling may humihinga pa mula sa madilim na pagkakakulong, sana ang laro ng buhay na nagsimula sa appear, disappear, one-half, onefourth ay magpatuloy sa pabalik na paraan – one-fourth, one-half, disappear, appear.
One-fourth
One-half
Disappear
o nakikibaka para sa karapatan at katotohanan. Subalit sa panahon ngayon, nakalulungkot isipin na unti-unti na silang nauubos. Kung sila man ay napapanood mo ngayon sa telebisyon o nabasa sa ilang kolum ng pahayagan, baka bukas ay bigla na silang mawala. D i s a p p e a r Sunod-sunod na pagkawala ng ilang personalidad at mga natatagpuang bangkay ang kasalukuyang realidad sa ating lipunan. Ang hindi maipaliwanag na pagkawala nila ay madalas nang nangyayari. Kung ang aso ‘pag nawala ay hinahanap, ‘yon pa kayang tao ang hindi hahanapin. Ngunit, gaano ba kalaki ang posibilidad na sila’y matagpuang muli? One half Sa bawat oo, may hindi. Sa bawat posible, may imposible. Sa bawat tama, may mali. Parati tayong namimili sa dalawang bagay o sitwasyon. Sa ating mga ginagawang alam nating tama at may idudulot na mabuti, handa tayong magsakripsyo kahit alam dinnating may kapalit na masama o may mangyayaring mali para sa ‘ting mga sarili. Anuman ang ating layunin, hindi natin ito bastabasta makakamit nang ‘sandaang porsyento bagkus ay hanggang sa kalahating bahagdan lamang.
Biktima
Paano haharapin ang buhay na kay pait kung ang hustisyang hinahangad ay hindi makamit? Tila nalimot ang kahapong kay sakit. Mga luhang natigang sa malalim na balon. Katarungan nga ba’y tinangay ng hangin? Tila ang pag-asa’y malabo sa amin. Masakit na kahapon paano lilimutin kung ang nasasakdal ay malaya pa rin?
Doble-
Kara
“Humarap ka sa salamin, malalaman mo ang kasagutan.”
Nais kong simulan ang aking kwento sa isang pagpapakilala at magtatapos sa isang pagpapakilala rin. Ako si Alexa, maganda, matalino at higit sa lahat lapitin ng mga kalalakihan sa kadahilanang ako’y mapera. Nag-aaral ako sa isang pamantasan, tulad n’yo—sa mga nakakabasa nito. At dahil dito, nakilala ko si Gardo. Sino siya? Makikilala ninyo mamaya. Mahal ko ang aking mga magulang, mga kapatid, kasintahan at s’yempre kayong mga kaibigan ko. Oo, kaibigan kita. Kasi ako, kahit sino ako. Malamang lamang may kakilala kayong tulad ko. Kinitil ko ang sarili kong buhay. Oo, patay na ‘ko. At dito iikot ang kwento ng buhay ko. Ang kwento ng pag-ibig ko. Ang kwento kung bakit hindi ko na natiis pa ang doblekarang buhay mayro’n ako. Lahat tayo’y umibig, naging tanga. Sabi nga nila, pantay lang ang lahat sa pag-ibig at sa g’yera. Nagmahal ako, umibig, nahulog, nagmistulang baliw at minsan na ring nag-
ing bobo. Inibig ko si Gardo — maputi, matikas at gwapo. Pero, ‘di iyon ang nagustuhan ko sa kanya. Ano? Ang mga ngiti niya. Kung susuriing mabuti, sa pangalan pa lang niya mahahalata mo na ang antas ng kanyang pamumuhay – mahirap. Oo, mahirap, mas mahirap pa sa daga. Minsan kong dinala si Gardo sa amin upang ipakilala sa nanay kong makolorete, sa tatay kong walang ibang inisip
kung ‘di ang pera, at sa mga kapatid kong ang tingin sa mga magulang namin ay isang malaking ATM, mag-wi-withdraw kung kailan nila magustuhan. —‘Ma, ‘Pa, si Gardo po. Walang imik mula sa kanila. Katahimikang nakakabingi. —‘Toy, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo, marahang banggit ng aking ama kay Gardo. Malumanay na umalis si Gardo. —‘Pa, ano ‘yon? —Pinauwi ko. Tanga ka? ‘Di mo narinig? Bingi? —Pero… bakit? —Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha ng lalaking iyon e, alam ko na ang gusto niya… pera! Sino ba naman ang papatol sa isang katulad mo? —Pa’no ka naman nakasigurado? —Humarap ka sa salamin, malalaman mo ang kasagutan. Tumakbo ako sa aking kuwarto at hinagilap ang salamin. Pinagmasdan ko ang aking mukha, katawan hanggang sa umabot na ito sa may pagitan ng aking mga hita. Sumambulat sa akin ang hubad na katotohanan. Katotohanang nagsisiwalat sa doble-kara kong mundo. Agad kong itinapon ang salamin sa
dingding. Unti-unting tumulo ang mga luha sa aking mga mata, kasabay ng pagbagsak ng mga nagmistulang malilit na kristal at ngayo’y pirapiraso nang salamin. Nagngingitngit ako sa galit. Ang sarap manisi kung bakit ba ako ganito. Kung bakit hindi kami maaari ni Gardo. Dahil ba kanino? Dahil ba sa mapangutyang lipunang mayro’n tayo? Dahil ba sa mga taong tinututulan ang mga ganitong relasyon? Sino? Sino? Pinulot ko ang kapirasong salamin na kanina’y isang bilog na umaaninag sa aking sarili. Pinulot ko ang kapirasong basag na salamin at ginamit itong sandata upang tapusin na ang miserable kong buhay. Tutal walang tumatanggap sa akin. Tutal walang tumatanggap sa amin. Pinutol ko ang isa sa mga dahilan kung bakit ‘di maaaring maging kami ni Gardo, ayon sa lipunang ginagalawan namin–ang tanging “pagmamayari” ko mula pa nang ipinanganak ako sa mundo. Bumulwak ang dugo nito, ang dugo ko. Sumunod kong pinaglalaslas ang aking pulso. Bumulwak na naman ang maraming dugo,
dugong halos pumuno sa sahig ng aking kwarto. Untiunting lumalabo ang paligid. Ang dating maganda kong paningin ay nagmistulang mata ng isang matandang malapit nang mabulag, hanggang sa tanging liwanag na lang ang aking nakikita. Patay na pala ako. Patay na ang mga pangarap ko. Ako si Alexander Reyes. Umibig, nagmahal, at hindi tinanggap ng mapanghusgang lipunan. Ako si Alexander Reyes, isang bakla.
A Faint Light
Waiting in solitude; the fortitude of an awaited fate. Will someone be saved or perish their demise in confinement? A purpose to light and inspire. A single chance to be flicked, then burned. I’ll illuminate, be a bearer of light and delight for some. It was nothing but a delusion. In thought of being an aid— to burn and suffer, turn to ash. My demise of being placed again in this box— forgotten. Those unburned, unpicked, anxiously await their fate. Uncontinuously, we are but trained to be a tool— replaceable, disposable. Don’t doubt or be shaken my friend. Like me, you are being trained into a matchstick.
Porn star si Marimar, no’ng magme-menopause ay umanib sa partido liberal. Langib na pilit tinatakpan Upang maging pasado sa harap ng mamamayan.
Fill in the Dark
In a cold black regular night, Nag-iinit ang dugo ng mga lalaking berde ang utak, Mamutla-mutlang nagkukulong sa silid, Nag-e-enjoy sa mga babaeng makinis sa youjizz. Ando’n si Marimar na brunette. Nakasuot s’ya ng nighties na violet. Tumikim sa kanya’y makararating sa bughaw na langit.
Magahasa
Muntik Pa Kitang
“Sinubukan niyang labanan ang nararamdaman subalit tila mas malakas ito sa kanyang mga inuusal na panalangin.” —Ahhh, Uhhhh… Hmm… Ahh… Isang impit na halinghing ang kumawala sa isang pasahero ng bus na bumabagtas sa kahabaan ng highway sa Bondoc Peninsula bandang ala-una ng madaling araw. Buti na lang at may mellow music na pinatutugtog ang kundoktor na siyang nagtatakip sa mga ungol. Patay ang ilaw sa loob at tulog ang mga pasahero. Tanging si Maritess at ang katabi nitong lalaki ang nananatiling aktibo sa mga oras na iyon. Sa terminal nagsimula ang pangyayari, sa bandang likod ng bus. Nakapwesto sa gilid ng bintana si Maritess nang dinatigan siya ng isang binata. Terry ang pangalang pakilala ng lalaki kay Maritess. Schoolmates ang dalawa kaya madaling nakapalagayang-loob ng dalaga ang binata. Mga bagay tungkol sa eskwelahan at iba pang common interest ang pinag-istoryahan ng dalawa. Nagkwentuhan sila hanggang sa makaramdam ng antok ang babae nang sumapit ang bus sa bayan ng Pagbilao.
Mahigit kalahating oras ang lumipas, naalimpungatan ang dalaga. Isang kamay ang naramdaman niyang dumampi sa kanyang hita. Nakamaikling shorts lang siya noong mga pagkakataong iyon kaya kita ang kanyang kaputian. Dahandahang dumidiin ang pagkakapatong ng palad sa kanyang kutis. Gusto niyang imulat ang kanyang mga mata at manlaban subalit tila may kakaibang kiliti na nagpaiba sa kagustuhan ng kanyang damdamin. Nagpaubaya si Maritess sa nagyayari at nagpanggap na tulog. Saglit lang na nagpatong ang kamay ni Terry sa katabi at untiunti itong gumalaw pahaplos sa hita ng dalaga. Binalot ng kuryente ang katawan ni Maritess. Marahang hinaklit ng kamay ang laylayan ng shorts ng babae upang makagala ang palad sa buong kutis nito. Napakagat-labi si Maritess, bumibilis ang kanyang paghinga at buong pigil siyang napapasinghap. Namalayan ni Terry na gising na ang kanyang katabi subalit sa halip na huminto ito sa kanyang kalaswaan ay hindi pa rin ito tumigil, bagkus sinamahan pa niya ng paghimas ang kaninang paghagod. Batid ni Maritess ang mas pinabuting
paggalaw ng lalaki. Higit na lumikot ang pagkilos ng palad at mga daliri ng binata na tila ba minamasahe nang sobrang sarap ang dalaga. Kasabay pa nito’y padikit nang padikit ang siko ni Terry sa dibdib ng karatig. —Hmmm… Ahh… Ohh… Isang impit na ungol ang nabitawan ng isang pasahero ng bus. Sa saliw ng tugtog mula sa DVD player ay parang sumasayaw ang siko at kamay ng binata sa entablado nitong si Maritess. Umiinit na ang pakiramdam ng babae. Nakatingin si Terry sa labas ng bintana habang patuloy sa ginagawang kamanyakan. Hindi niya alam kung papaano siya nahantong sa ganoong gawain. Isang relihiyoso at honor student na umiiwas sa masamang gawi buong buhay niya. Paano nga ba siya pinangibabawan ng libog? Papaanong nadaig ng kasalanan ang nagpapakabuti? Sinubukan niyang
labanan ang nararamdaman subalit tila mas malakas ito sa kanyang mga inuusal na panalangin. Hindi niya makontrol ang tawag ng laman. —Panginoon, tulungan mo ako, hindi ko na kaya. Patawarin niyo ako, hindi ko na mapigilan pa, sambit ng isip niya. At nagpatuloy siya sa pagkiskis ng kanyang balat. —Ahh… Uhh… Hmm…, muling bigkas ni Maritess, at tuluyang nalaman ang katinuan ng dalaga. Napamulat siya at napayakap sa braso ng binata. Saglit namang napapikit si
Terry, ninanamnam ang pangyayari. —Para! Sa pagmulat ni Terry, natanaw niya ang simbahan sa tapat ng bus. Nasa bayan na sila ng Agdangan. Natauhan siya. Isang malalim na buntong hininga ang naghudyat ng pagkakatakas ng kanyang kaluluwa sa kamunduhan. Kumalas siya sa kanilang pagkakalingkis, binitbit ang bagahe at diretso baba ng bus. —Salamat po, tanging nasabi niya. Student leader. Buong pusong pinaglalaban ang karapatan ng kapwa niya mag-aaral. Dalagang nang-i-inspire at tumutulong sa mga kapwa niya kabataan. Naiwang tulala si Maritess sa loob ng bus. Takangtaka siya sa kung anumang bagay ang sumapi sa kanya dahilan upang siya’y bumigay. Nanumbalik siya sa katinuan. Napaluha siya. Pumikit muli at nag-antanda.
Ako’y isang manikang basahan, [6] biktima nitong tadhana nating mapaglaro. [7] Sinasakal. [8] Nabulag sa paghihinagpis. [9] Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit [10] wala ring mararating. [11] Sigurado [12], hindi magtatagal mararanasan mo. [13] Wala tayong pagkakaiba. [14] Wala nang bukas. [15] Isa lang ang lunas. [16] Kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan. [17] [1] “Kunwari” – Gloc 9, Kamikazee ft. Biboy Garcia & Manuel Legarda [2] “Sirena” – Gloc 9 ft. Ebe Dancel [3] “Kung Wala Ka” – Hale [4] “Ligaw” – Moonstar 88 ft. Chito Miranda [5] “Ikot ng Mundo” – Bamboo [6] “Segundo” – Dong Abay [7] “Sana ‘Di na Lang” – Dello [8] “Alapaap” – Eraserheads
[9] “Langit” – Slapshock [10] “14” – Silent Sanctuary [11] “Bago Mahuli ang Lahat” – Never the Strangers [12] “Burado” – Rico Blanco [13] “Tuloy” – Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Someday Dream [14] “Tao Lang” – Loonie [15] “Huling Sayaw” – Kamikazee [16] “K.P.L.” – The Oktaves
Hindi ' Yan Bago sa Mata[1]
Simula pa no’ng bata pa ako, [2] heto nakatulala sa mundo. [3] Iniipon ko lahat ng aking mga tanong. [4] Nasaan, kung mayro’n man, simpleng sagot? [5]
Kamalayan: Isang Tanaga
Mga mata ay buksan, Malasin ang lipunan. Tingnan bawat anggulo. Huwag nang magpaloko!
*Ang tanaga ay isang porma ng tula na may istrukturang apat na taludtod at pitong pantig kada taludtod.
near to end
Not all statements ends with a period. Not all stories ends with a happy ending. Not all conflicts ends with reconciliation. Not all wars ends with a silence.
Ano kaya ang nasipat ni Maricon mula DSLR hanggang video cam— larot na larawang hindi matakpan ng kolorete at SFX?
Sipat ni Maricon Montajes
Hindi sapat ang silip at sipat sa lenteng maaaring malabo o mabasag kaya lumapit si Maricon sa kanyang subject, hinipo ang butas sa barung-barong na laging natutulog nang gutom, binakas ang pilat ng mga anak-dalita. Ay, ang mga luha ng marungis na bata ay tumiim sa kanyang sining: naging mas malinaw at matalim! Sa loob man ng kulungan, hindi makakayang gibain!
* Binasa ang tulang ito sa Salang: Poetry Jam ng Tanghalang Bayan ng Kulturang Kalye (TaBaKK) noong February 26, 2013 sa Freedom Bar, Quezon City
“Minsan sa pagsunod nating ito, pinahihirapan natin ang ating sarili. ”
Pasaliwa
Aminin man o hindi, sa tuwing tayo’y gumagawa ng isang desisyon, mas binibigyan natin ng importansya ang sasabihin ng iba kaysa ang kahihinatnan nito sa ating sarili. Minsan sa pagsunod nating ito, pinahihirapan natin ang ating sarili. Bakit iniaayon ang kulay sa kasarian ng tao? Kung ang lalaki’y nagsuot ng kulay fuschia na damit, kabadingan na ba itong maituturing? Bakit hindi pwedeng magsuot ng matingkad na kulay ang mga taong may kaitiman? Dahil natatakot siyang mapintasan? Bakit inoobliga ng mga Pilipino ang kanilang sarili na magdiwang nang magarbo sa tuwing may okasyon? Halos kalahati o higit pa sa isang buwang sahod ang katumbas ng isang araw lang na selebrasyon. Ang iba naman ay umuutang pa para lang may maihanda at hindi mapahiya sa mga kapitbahay at bisita. Sa tuwing sumasapit naman ang Pasko, may mentalidad tayo na dapat may bagong damit o anumang materyal na gamit. Ang iba naman ay nagbibigay ng aguinaldo ngunit hindi bukal sa loob o kaya’y hindi napaglaanan. Taliwas ang mga ito sa esensyali-
dad ng pagdiriwang ng Pasko. Hindi responsibilidad ng isang balikbayang OFW na magbigay ng pasalubong o magpainom sa barangay. Ngunit, napipilitan pa ring magbigay, manlibre o magpahiram ng pera. Dahil kung hindi, maakusahan kang malakihin o maramot. May mga taong kaibigan ka lang kapag may maibibigay kang pabor sa kanila. Nasaan ba sila noong ika’y nangangailangan? Hindi nila alam ang hirap na tiniis mo, kumita lang ng salapi. May mga desisyon din na mas
pinahahalagahan natin ang mga bagay na hindi naman dapat kaysa sa mas higit nating kailangang gawin. May mga mag-aaral na nagrereklamo dahil kulang ang ibinibigay na allowance sa kanila. Hindi raw ito sasapat; sa gastusin pa lang sa paaralan. Magluluto na lang ng noodles at iinom ng kape para makatipid. Ngunit, bakit mas pinaguukulan pa nila ang pambili ng anumang luho o bisyo ng katawan? Bakit nahihirapan kang ibalik ang hiniram mong pera? Puro palusot ang iyong isinusukli sa tuwing ika’y sinisingil. Simple lang, mas pinaglalaanan mo ang ibang bagay na hindi naman kailangan sa buhay kaysa ang bayaran ang taong nagpahiram sa iyo noong ika’y nangangailangan. Bakit marami pa ring may mabababaw na pananaw? Bakit marami pa ring tila puppet na sinusunod ang ikinaliligaya ng iba? Buksan at palawakin ang isipan. Hindi sa lahat ng panahon ay kailangang sumunod sa idinidikta ng paligid. Isaalangalang din ang mga salik na makakaapekto sa anumang desisyong iyong gagawin. Limitado ang oras. Hindi mo ikaliligaya ang pagpatol sa mga negatibong ibinabato nila sa iyo. Mas masayang mabuhay nang walang pagpapanggap sa sarili at walang inaagrabyadong tao.
“Masaya ako ‘pag nakikita kong bumabagsak ang iba.”
Nahulog na Bituin
Isang gabi. Isang gabing nababalot ng kadiliman. Puno ng bituin ang kalangitan. Ako’y nakatingala sa kalawakan, nakatulala sa kawalan habang papauwi sa aming tahanan. Sa aking paglalakad habang nasa malalim na pag-iisip, may biglang bumusina, —Ineng, tingin sa daan at baka masagasaan ka, ang sabi ng mamang driver na mukha namang mabait. Sa sandaling iyon lang ako napatungo at pagkaraka’y tumingala na naman. Sa pagpapatuloy ko, may isang bagay na maliwanag ang biglang bumagsak mula sa kalangitan. Isang kometa? Meteorite? Ah … bulalakaw! O mas trip kong tawaging “nahulog na bituin.” Kung ano man ang tawag doon, natuwa ako ng mga sandaling makita ko iyon. Ang bagay na inaabangan ko— kung bakit ako nakatingala—ang bagay na inaasahan kong
makita. Ang sa una’y hindi maipinta kong mukha ay napalitan ng sobrang kagalakan. Masaya ako ‘pag nakikita kong bumabagsak ang iba. Oo, nakakatuwa. Nakakatuwang makitang bumagsak ang ibang tao habang ika’y nagpapakasaya. Hindi pa ako nakuntento, gustong makakita ng isa, dalawa, o higit pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakatingala. Hindi ko namalayan na nasa
gitna na ulit ako ng kalsada. May bigla na namang bumusina at paglingon ko sa kanan, maliwanag na ilaw ng humaharurot na sasakyan ang aking nasilayan. Ang liwanag na iyon ang huli kong nakita bago ko malaman na ako’y nakahiga na matapos tumilapon sa kung saan. Tanging ang usapan na lang ng mga taong nakaputi at ang wangwang ng ambulansya ang aking huling narinig.
Tumunganga
Mangulit Mag sulat Magbasa
Mangarap Kumain Matulog M a g k a la t Maglaro Sana bata na lang ako.
buhay-bata
Tumawa Tumakbo Tumingala
Kalahating Oras ng Vice City
“Pahingi akong lima!�
Muling kumalabit sa aking braso ang isang marungis na daliri. Isang musmos ang makulit na hinaharangan ang paningin ko ng kanyang gusgusing hitsura. Pilit niyang kinukuha ang atensyon ko mula sa pagmamasid sa mga nadaang chikkas sa may tapat ng 7-Eleven. Isa, dalawa, tatlo pang kalabit mula sa bata. Sinubukan kong magpanggap na tulala at magkunwaring hindi ko s’ya napapansin ngunit itinambad niya sa mga mata ko ang kanyang palad dahilan para mapakurap ako saglit. Isa, dalawa, at sunod-sunod pang mga kalabit mula sa kanya. —Hoy! Pahingi akong lima! Limang piso
lang e, ang damot mo! Dali na! Gutom na ako! Edwin daw ang tunay n’yang pangalan pero Nemic ang ibinansag sa kanya ng mga kakilala n’ya. Marahil dahil ito sa mabilog at kalbo niyang ulo at kunuting noo na naghahawig sa kanya sa isang uri ng nilalang sa palabas na Dragon Balls. Nasa edad pito hanggang walong taon; si Nemic ay may dalawang linggo nang nagagawi rito sa may school. Ayon sa bali-balita, nakatakas daw siya sa kamay ng mga sindikatong namamahala sa mga namamalimos sa kabilang bayan. Malayo raw ang nilakad niya upang makarating siya rito, para lang hindi siya mahanap ng dati niyang boss. Tatlong taon pa lang daw s’ya noong dukutin siya ng kawatan sa Maynila. Hindi na niya tanda ang eksaktong pangalan ng magulang at address nila. Heto si Nemic ngayon, namumuhay sa pamamalimos at nananahan sa kalsada —Hoy pahinging lima, aba! sabay ang mahigpit niyang kapit sa laylayan ng polo ko. —‘Pag hindi ka nagbigay, hahatakin ko ‘to nang todo! pagbabanta niya. Tsk, tamo nga naman ang malas na dala ng pagkakaroon ng mukhang pang-totoy, ako pa napagdiskitahan ni Nemic ngayon.
Kumapkap ako sa bulsa ko. Sampung piso na lang ang barya ko. —Ipangkain mo ‘yan ha! sabi ko nang may pagkabarino. Inabot ko ang diyes pesos sa bata. Kinapitan niya ito ng mahigpit pagkatapos ngumisi na parang aso. Tumatawa siyang lumayo sa akin. Tinanaw ko ang kanyang pupuntahan. Nadismaya ako sa aking nakita –isang computer shop.
[Mis]reLaxed
“Hindi naman ako ang may gawa nito, e. Sarili ko nga lang din ang niloloko ko rito.�
Ito na ang pinakahinihintay kong sandali. Malaki na ang naisakripisyo ko para sa pagkakataong ito. Hindi pwedeng mabigo. Ayokong magsisi. Malamig. Ansarap sa pakiramdam ng hangin. Para akong nasa langit. Ulan? Tama. Umuulan. Wala pala ako sa langit. Nasa apartment nga pala niya ako. Pero okay lang. Dinaig pa ang parang nasa langit. Heto na. Nagtagpo na ng landas ang aming mga mata. Nababasa ko ang pagsusumamo na tanggalin ang kalungkutan mula sa kanyang puso. Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya. Ngayon ko lamang siya nakita sa ganitong view. Sobrang lapit na. Naririnig ko na ang kanyang paghinga. Ang bango ng samyo ng kanyang mga buhok. Ramdam ko na ang tibok ng kanyang puso. Ito na ang pinakahihintay kong sandali.
Ayokong magsisi. —Bogs, gising na. 6:30 na. Tang’na naman oh. Kahit sa panaginip, hindi pa rin pwede? Hindi maaari. Pwede pa siguro. Kaya ko pang matulog. —‘Ge. 5 minutes lang. Ayoko pang tumayo. Ang sarap ng hangin ni Lucban. Makakatulog akong muli. Maibabalik ko pa ang eksena kanina. Mind over matter daw dapat. Imagine lang. Kaya pa ‘yan. Heto na naman. Dito mismo naputol. Ang ganda niya talaga. Ang bango. Ang kanyang mga labi. —‘Tol, bangon na. 7:15 na. Midterm n’yo ngayon sa Thermo ‘di ba? Oo nga pala, exams nga pala ngayon. Akala ko ba 6:30 lang? Bakit ba ang bilis ng oras pag pumikit ka ulit mula sa pagkagising? Anong gagawin ko? Hindi na ako kakain. Diretso na. Inat. Bangon. Upo. Hikab. Tayo. Maliligo o hindi? Ligo o hindi? Malamig. ‘Wag na lang. Toothbrush. Hilamos. Basa ng buhok. Ayos na ‘to. Hindi na halata. Maliligo na lang ako mamaya. Bihis. Labas. Lakad. Nag-review naman ako kaso hindi ko na maalala kung kailan. Kung bakit ba kasi sumama pa ako kagabi pero sayang naman kasi. Siya pa mismo ang nag-aya. Nakakahiyang tumanggi. At saka, pagkakataon na ‘yon e. Ang exams naman
kasi, tatlong beses isang sem. ‘Yong kagabi, once in a lifetime lang. Okey lang. Masaya naman. Relax lang Bogs. Relax ka lang. Mukhang sisitahin pa ng guard. Peste, sa’n ang ID ko? ‘Di bale na. Diskarte na lang. Diretso lang ang lakad. No eye-toeye contact… Ayos. Lusot. 7:28. Abot pa. Sakto ako. Wala pa si Sir. —‘Tol, puno na sa loob. —Ah, ‘ge. Mas okay rito sa labas. Walang bantay. Pagaya ako ha. —D.L. ang nasa unahan ko. Hintayin mo lang mamaya. —Heto bond paper o. Tago mo lang. Sulat mo riyan ang sagot. Sinusuwerte ata ako. Late na nga, napaganda pa ang pwesto ko. Mukhang bad mood si Sir, agang-aga. Delikado ‘to. —P’re, five raw. —Limang piso?! Tatlong page, limang piso!
Lokohan? Grabe naman. Pati exam, negosyo na rin? Akala ko sa mga manual lang ‘to eh. Okay lang. Relax Bogs. Relax. Pabayae na. Name. Section. Date. … … …
Shit. Ano ‘tong number two? … Number three…four…five... Dale, wala akong maintindihan. Ayos lang. Matalino ang nasa unahan. Relax Bogs. Relax lang. Hinga nang malalim. Given na lang. Baka sakaling magbigay ng consideration. Sabi ko pa naman, sa third year ay mag-aaral na ako. Tapos ngayon, gano’n pa rin. Hindi pa ako nadala no’ng Prelim. Muntikan nang bumagsak. Babawi raw ng Midterm. Tapos ngayon, puro given lang. Asa sa kaklase. ‘Ayun, ipinasa na ang ‘scratch’ ko. Yes. Number three. Buti sa loob nagbabantay si Sir. Sulat lang. —Eyes on your paper! Baka mahalata. Pindot sa calcu. Tulala nang kaunti. Parang nag-iisip din naman. ‘Yon, pumasok na. Sulat na. … Okay, may isa na. Ayos pala ang ganito. Relax lang pala dapat lagi, kahit hindi na mag-review. Intay–intay epek lang, papasa na! —Tol, four at five o. —‘Ge. Salamat. Ayos ‘to. Three over five na. Papasa na. Good din naman pala maging asa. Pero, grabe, parang wala ring kwenta. Pumapasa nga, nagkaka-grade nga, hindi naman akin. Hindi naman ako ang may gawa
nito, e. Sarili ko nga lang din ang niloloko ko rito. Tunay nga naman ang sinasabi ng mga teacher ko no’ng elementary at high school. Corny lang pakinggan pero totoo naman. —P’re, number two? —Ay, oo nga pala. Saglit. —Ampota. Kinalimutan pa ako. Okay lang. Nakatatlo na naman, e. Relax lang Bogs. —‘Tol. —‘Ge. ‘Lamat. ‘Yong number one ba? —Mahirap. Hindi raw niya masagutan. —Ako nga rin. Kanina ko pa ‘to pinag-iisipan. Yabang ko nga rin, ano? Nag-iisip daw, naghihintay lang naman. Tang ’na. Parasite ako. Nasa’n ang pride ko? Makapagsulat na lang. … —Ano ‘yan? —Sir? Alin Sir? Test paper po at calcu. —Patingin ng kamay mo. —Ballpen po sir. —‘Yang sa ilalim ng test paper mo? —Scratch ko po, Sir. —Akin na... Scratch mo? Sign pen ang pinangsulat tapos ballpen ang gamit mo. Palusot ka pa. Relax lang Bogs. Relax ka lang.
Education for Sale
“Darating din talaga ang panahon kung saan pati mismong hangin na ating hinihinga ay magkakaroon na rin ng katapat na presyo.”
Naglalakad ako pauwi galing eskwelehan. Umuulan kaya ayaw ko sanang maglakad pero dahil walang tricycle na dumaraan, napilitan na rin akong maglakad. Malapit lang naman. Habang naglalakad, napansin kong may kasabay pala akong bata. Siguro ay grade two ‘yon o grade three. Basang-basa na ito dahil wala siyang dalang payong kaya pinasukob ko. Nakakaawa naman. —Bata, sukob ka na dito. Baka magkasakit ka, alok ko. —Salamat po, sagot naman niya sabay sukob na sa payong ko. —Bakit ka naglalakad? Ang lakas ng ulan, a. Karaniwan kasi sa mga estudyanteng elementary sa lugar
namin ay mayroong sundo o service para hindi na mahirapang sumakay pa lalo na kung malakas nga ang ulan. —Wala po kasi akong pamasahe. —E, bakit ka naglalakad sa ulan? Dapat nagdadala ka ng payong para hindi ka mabasa. —Wala po kasi kaming pambili ng payong. Noon ko na-realize na mayroon pala talagang mga estudyanteng napakalaki ng isinasakripisyo, makapagaral lang. Sabi nila, ang pagaaral daw ay karapatan ng isang bata. Pero sa mga panahon ngayon, ang pahayag na iyan ay maituturing na lang natin na isang alamat. Maituturing pa nga ba nating karapatan ang edukasyon kung kakaunting porsyento na lamang ng kabataan ang nakarararanas na makatapak sa isang silid aralan? Dala na rin ng kahirapan ng buhay, maraming magulang ang napipilitang magpatigil ng kanilang mga anak sa pag-aaral. Hindi kasi nila kayang punan ang mga gastusin ng isang estudyante.
Wala na nga silang pambili ng pagkain, pambili pa kaya ng gamit sa paaralan? Pero hindi naman talaga dapat ito nangyayari kung mayroon lang na epektibong mga programa at inisyatibo ang ating pamahalaan. Maaaring hindi nga tamang sisihin nang direkta ang gobyerno pero ang ugat ng problema sa edukasyon ng ating bansa ay ang mga problema rin na matagal nang pilit na pinupuksa ng mga nagdaang administrasyon ngunit hindi nagtatagumpay.
Korapsyon. Iyan ang pinakaunang suliranin kung bakit patuloy na naghihirap ang ating bansa at hindi makaahon sa kumunoy na kinalubugan. Kung mismong mga opisyal ng gobyerno ang magnanakaw sa kaban ng bayan, mayroon pa kayang patutunguhan ang bansa natin maliban sa direksyong kasalukuyan nitong tinatahak? Hindi ko naman siguro kailangan pang ipaalala ang Pork Barrel Scam para lamang patunayan ‘yan. Sa pagdami ngayon ng mga paraan para kumita nang malaki ang isang tao, aakalain mo bang pati pagpapatayo ng mga eskwelahan ay nagiging uso na rin sa kadahilanang nasa kalakarang ito ang malaking tubo? Naaalala
ko pa ‘yung mga panahong libre raw ang edukasyon. Kailan nga ba yun? Hindi ko na matandaan. Siyempre, hindi naman ako naniniwala na libre talaga ang edukasyon. Kung hindi ako nagkakamali, napakaraming bayarin noong high school na hindi raw sapilitan ang pagbabayad pero hindi ka makakakuha ng exam o kaya naman ay hindi mo makukuha ang iyong card kung hindi mo mababayaran. May mga field trips na hindi naman daw required pero may karagdagang marka kapag ika’y nakasama. Dapat pala ay sinamahan ko na lahat ng mga field trips na pwede kong samahan. Balediktoryan sana ako kung nagkataon. Pagdating ko naman sa kolehiyo, alam ko naman na marami talagang bayarin na naghihintay sa akin. Pero kapag pala sinabing marami, sobrang dami talaga. Akala ko kaya ako pumapasok sa kolehiyo ay para mag-aral pero bakit napakarami yatang aktibidades sa loob ng unibersidad na wala namang kaugnayan sa kung bakit pumapasok tayo sa paaralan. Karamihan sa mga aktibidades na ito ay hindi ka naman pinipilit na sumama. ‘Yun nga lang, sapilitan ang pagbabayad. Mas mahalaga kasi ‘yung bayad kaysa do’n sa nagba-
bayad. Idagdag pa natin ang mga bayaring animo’y mga multong hindi mo naman talaga alam kung saan napapapunta. Kung may overpricing nga sa mga normal na negosyo, ano namang dahilan para hindi rin ito gawin ng mga nagpapatakbo ng mga kolehiyo? Siguro nga ay magkakaiba tayo ng interpretasyon sa kung bakit tayo pumapasok sa isang paaralan. Baka ‘yung iba, para lang magsaya. At ‘yung iba, lingid sa kaalaman nila ay pinagkakakitaan na pala sila. Darating din talaga ang panahon kung saan pati mismong hangin na ating hinihinga ay magkakaroon na rin ng katapat na presyo. Pero hahayaan na lang ba natin na dumating ang oras na iyon kung ngayon pa lang ay mayroon na tayong pwedeng gawin? Siguro, kung magkakaroon lang ng pagbabago sa sistema ng ating bansa, maraming buhay rin ang mababago. Wala nang batang magpapalabuy-laboy pa sa lansangan. Wala nang batang mamamalimos sa kalye para lang may
makain. Wala nang batang mangangarap na lang dahil magkakaroon na sila ng kakayahan na tuparin ang mga ito. Pero hanggang mga siguro na lang yata ang mga ito. Hindi natin malalaman kung posible nga ba ang mga bagay na ito hangga’t may mga buwayang nagkalat sa paligid, na naghihintay lang ng pagkakataon para mangagat. Sana maisip din ng mga nakaupo sa kumportable nilang mga trono kung anong kinabukasan ang inaagaw nila sa mga kabataan dahil lang sa kanilang pansariling kapakinabangan.
kultura
Ina ng tinalikdang kabanata Kabanatang iniluwal ng kasaysayan Kasaysayan ng mapanupil na lipunan Lipunang nagkait ng pagyabong ng supling Supling ng kulturang nabubuhay sa limos ng ina.
Tumanda. Tumamad.
Tumaob. Tumusok.
Tu
Tumul o.
ib m ok.
Tumigil.
No Jaywalking
Tumapang. Tumawid. Tumama. Tum um ba.
Tahimik ang gabi. Malamig ang simoy mula sa silangan. Nakahiga sa ilalim ng mga bituin. Kinakalinga ng mga damo.
Basang-basa tayo ng pawis. Hinahabol ang hininga. Ako’y nakatitig lamang sa’yo, puno ng pag-asa. Hinawakan mo ang aking kamay. at gumanti sa aking titig. Pinakawalan ang tahimik na luha nang ginamit mo sa ‘kin ang iyong sandata.
Sandata*
Napangiti na lamang ako. Tinanggap ang kapalaran. Sa pagdiin mo nito sa ‘king katawan ay siya namang pag-agos ng buhay. “Patawarin mo ako,” sambit mo sa ‘kin. Puso ko’y napuno ng awa. Hinawakan ko ang iyong pisngi at sinabing, “alam kong napag-utusan ka lamang.” Sa pagkawala ng aking ulirat, napaisip na lamang. Ang lumalaban para sa bayan ay sa sundang na lamang ba mamamatay? *Alay sa mga biktima ng extrajudicial killings.
“It’s about living the right way.”
Chop and Change
I felt like every day is just a reminder of how lame my life is. I suck at Algebra. My mother always reprimand me for doing this instead of that. My classmates are so boring. When I say boring, I really mean it. There’s no thrill at all! Sometimes, it makes more sense that I am surrounded by a bunch of stupid second graders rather than by a group of college students. Hey, don’t get me wrong! They’re pretty cool sometimes which is not so often. Fair enough. The funny thing, though, is that I don’t really care. Maybe there’s some glitch in my brain that isn’t supposed to be there. But whatever it is, well, I don’t care. Does it make sense? Today is just like the rest of my whole life, maybe a little unusual. When I walk out the door and into the street, I catch some of the morning conversations of my neighbors about certain things that, in my opinion, are none of their business. Why are people like that?
My mother told me once that I can’t do a thing about it. It’s just how the way it is. So, it’s normal for people to pry in other’s lives just because it’s how the way it is. I won’t ever understand that way. On the way to school, I passed on some angry mob carrying posters and shouting inaudible words. When I get closer enough to understand what they are say-
ing, I found out that they are protesting the pork barrel and other issues that I can’t even comprehend the connection between them. Ever since I can remember, I am never in favor of those rallies and protests that many groups are organizing. I can’t see the logic how shouting and exhausting yourself all day long can help improve the condition of our country. Maybe they can capture the attention of the officials of the government, but does it mean that those officials will take action to fulfill their wishes? I think not. I guess I’m just being too pessimistic. You can’t really blame me. I have witnessed so many bloodbath—if you’ll allow me to use that word—but the only thing that changed is the politicians’ style of corruption. Perhaps if the next generation of politicians who will lead our country will be truly honest, we may have a chance. But that’s the problem. They never will. And that makes me really sad. I took my usual seat in the classroom. It’s still early so I let my mind wander. There
are things in life that I’m not ready to face, let alone to think about. In few years’ time, I’ll graduate from this university and it will be my turn to conquer my fears and uncertainties. But that’s not what bothers me. I know it’s too early to think about those things yet, but that is a part of human existence so I guess there’s nothing wrong in pondering about death. I don’t fear death as most people do. For me, it’s just another chapter of human life. It does give me the creeps, though. The thought of the unknown is much more terrifying than death itself. Sometimes, it makes me wonder which is worse –not knowing what comes after or you think you know, but you’re wrong. Maybe if you ask someone, he’ll tell you that you’ll either go to heaven for your good deeds or go to hell for your sins. Ironically, that’s how human mind works. We use the concept of heaven and hell for an assurance to what is really waiting for us on the other realm of this world. We deny the fact that we’re afraid to die. I am not making any sense to you, am I? That’s the funny thing about denial. I’m sorry to bother you with these thoughts of mine. I just want someone to
talk to. I spent this whole day talking to nonsense people whose only concern is how they can live their lives to the fullest. Again, another excuse for being self-indulgent. I don’t think life is always about living to the fullest (though it seems to work for some). It’s about living the right way. I’m not saying that I’m living my life the right way. That is why I envy those people who had found their own purpose in this lifetime. I wonder how that feels, knowing that you’re living your life the way it should be. Not wasting it, but rather making the most out of it. I’m more than willing to feel as much. Maybe you’re wondering what kind of life I have, aren’t you? Of course, you have a pretty good idea about it. I can’t say that I have a perfect life. Being a teenager and all, it’s really hard blending and socializ-
ing. I really thought at first that the whole point of being a teenager is abou fitting in. I was very much wrong. No one wrote a rule that you should be good enough for other people. The real point is you should be good enough for yourself. You should feel good enough of yourself that you can stand up and be unique. It really feels sad that you have to
be somebody else when you’re in front of other people. Another thing, I used to blame other people for the failures I had in my life. But then again, we could sit around and feel bad about each other and blame other people for what they did or didn’t do. But would that change anything? Anything at all? I could blame him, and he could blame her, and she could blame anyone because it’s what a normal person should do. I did some blaming for a while but then I just couldn’t anymore. Because that was childish. Because that was wrong. Because that wasn’t getting me anywhere. Because that wasn’t me. Well, I’ve changed a lot lately. For the better, I must say. It was like remolding myself. Like chopping some wood and then changing it into a beautiful sculpture. I hope people will chop their own wood and will commence changes on their lives, too. Start making decisions for themselves; not just going with the flow; not just because it’s how the way it is. It will really make me happy. (Not that anyone cares if I’m happy.)
Napunit ang sutla. Lumapot ang dugo. umirit ang tsaa. Kumatas sa ulo. Tulad ng C2, Pinihit, Umapaw ang bula, Dinilig ang impyerno. Hilaw na isip Sa ampao nabuo. Dinuguan. Nang si Santa Claus ay dumating Sa buwan ng Pebrero.
Pasko Sa Buwan ng Pebrero
Pasko sa buwan ng Pebrero. Aginaldo, Mansanas ng Diablo.
Double-dead
Pamatay. Nakakasira ng tiyan. Nakabalandra sa tabi. Mukhang normal lang . Masarap tingnan, malinamnam bang tikman? Paano ako mapapanatag pera ko’y ‘di masasayang? Ipinuslit. Ipinilit. Sangkatutak na sebo nakapagkit. Maling-mali, puno nang bahid. Mapapakinabangan pa ba ang baboy sa bariles kung ito’y walang dudang double dead?
lapag
Basta’t may kanin, Basta’t may ulam… Ako’y sisigalmak ‘Di baleng walang hapag.
Sa Pagpula ng Gabi
“Ligtas na kami, ‘yon ang akala ko.”
“Takbo…takbo…takbo…” ‘Yan ang mga salitang paulit-ulit na umaalingaw sa bawat sulok ng aking katinuan. Hindi ko na alam kung alin ba ang totoo at alin ba ang produkto na lang ng imahinasyon. Pilit kong nilulunod ang madilim na kahapon, na sa bawat araw na dumaraan ay nakahahanap ng mga kahinaan sa proteksyong ibinalot ko sa aking sariling kamalayan. Ang alam ko lang, isa akong mahinang nilalang. Isang nilalang na puno ng takot, hinagpis at pagdurusa. Gabi—ang pinakanakakatakot sa lahat. Dahil sa oras na dumating ang kadiliman, wala na akong nagagawa pa kundi bumalik sa lugar kung saan ko nasaksihan ang pagkawala ng kulay sa aking paligid. Kung saan ko nasaksihan ang simula ng pagpula ng aking mga gabi—ang pagkawala ng buo kong katauhan. Kasabay ng paghigop ng kadiliman sa aking kamalayan ay ang pagbalik ng mga imaheng pilit kong iwinawaksi sa aking isipan. Narinig ko ang mga nagmamadaling yabag mula sa hindi kalayuan. Dalawang posibilidad ang maaaring dala ng may-ari ng
mga yabag na ‘yon—nangyari na ang kinatatakutan namin o humupa na ang gulo sa aming bayan. Bumungad sa pintuan ng munti naming bahay ang hapis na mukha ni Itay. Pinilit kong basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha ngunit hindi ko matagpuan ang aking hinahanap. Wala ang tuwa at katapangang aking inaasahan bagkus ay bakas sa mga mata ni Itay ang takot at pag-aalala. Inutusan niya kami na mag-impake ng mga gamit na kailangan namin. Agad namang kumilos si Nanay dahil alam niyang ang bawat segundo sa ganitong pagkakataon ay mahalaga. Ngunit, hindi pa man kami ni Inay nangangalahati sa pagsisilid ng mga gamit sa bayong ay nakarinig kami ng sunud-sunod na putok ng baril sa labas ng aming bahay. Nararamdaman ko ang paggapang ng takot sa aking dibdib. Dito na matatapos ang lahat. Nakita kong sumilip sa maliit na siwang ng aming dingding si Itay. Nagliwanag ang ekspresyon ni Itay sa kanyang nakita. Nalito ako. Pag-asa ba ang nakikita ko sa mga mata niya? Dalidaling lumabas ng bahay si Itay kaya naman sinundan namin siya. Nang makita ko kung sino ang mga nasa labas, na-
dama ko rin ang kanina’y siguradong nadama rin ni Itay—pagasa, kaligtasan. Dahil ang bumungad sa aming paningin ay ang mga unipormadong sundalo ng hukbong sandatahan. Ligtas na kami, ‘yon ang akala ko. Lumapit si Itay sa grupo ng mga sundalo. Hindi ko inaasahan ang sumunod na mga pangyayari. Tinutukan ng mga sundalo ng baril si Itay habang isinisigaw ang mga katagang ‘espiya’. Hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ng mga sundalo hanggang marinig ko ang salitang
rebelde. Doon ko naunawaan kung ano ang ginagawa ng isang grupo ng mga sundalo sa harapan ng aming bahay. Pinagbibintangan nilang kasapi ng mga rebelde ang aking itay. —Takbo… takbo…takbo… sigaw ni Itay habang pilit na nagpupumiglas mula sa mga sundalong kumakaladkad sa kanya. Ngunit bago pa ako nakatakbo ay isang malakas na putok ang pumailanlang sa katahimikan ng gabi. Napako ako sa aking kinatatayuan dahil sa mga oras na iyon. May mapulang likido na umaagos mula sa dibdib ni Itay kung saan tumagos ang bala ng baril. Nabahiran ng pula ang kadiliman ng gabi. At bago pa tuluyang lamunin ng kawalan ang aking ulirat, narinig ko ang panaghoy ni Inay habang tumatak-
bo sa kinabagsakan ni Itay. At minsan pa, isang malakas na putok ang umalingawngaw sa kailaliman ng gabi. Ang mga eksenang ito ang pilit na humahabol sa akin mula sa nakaraan. Pagkatapos mailibing ni Inay si Itay, tinanong ko ang mga kamag-anak namin kung totoo ba ang mga ibinibintang nila sa aking mga magulang. Walang nais sumagot sa aking mga katanungan. Pero ayon sa mga ekspresyon ng mga mukha nila, hindi ko maitatangging totoo ang lahat ng narinig ko no’ng gabing iyon. Hindi ko alam kung alin ba ang mas masakit, ang malamang kasapi sina Inay sa isang samahang nagdudulot ng takot sa mga tao o ang mapatay sila nang walang kalaban-laban ng mga taong dapat sana’y nagpapanatili ng kapayaaan. Naaalala ko pa ang mga sinabi ni Inay noon sa akin, “Hindi masama ang gumawa ng mga bagay na alam mong makatutulong sa inaasam mong pagbabago. Ang masama ay ang kawalan ng nararapat na aksyon at patuloy kang magbubulag-bulagan sa mga nangyayari sa paligid na alam mong mali.” Hindi ko alam na ang pagtayo mo sa iyong paninindigan ay sapat nang dahilan para tratuhin ka na parang isang pesteng namumugad sa lipunan.
Lumalakad nang walang patutunguhan. Palingon-lingon sa panahong maalinsangan. Hirap sa bawat paghakbang. Nagsisisi sa kahapong nasayang. Hinahanap mga nakaupo sa itaas. Nagtatanong, bakit winaldas? Kaunting limos inaasahan. Sinusuyod bawat basurahan.
Kalam
Baon ay sikmurang kumakalam. Nais nang sa liwanag ay mamaalam. Lumalakad nang walang patutunguhan. Humandusay sabay sambit “paalam.�
Kinulob na Hamog
Buwan ay tanikala Sa kanluran na malamig. Hilaw mang ituring o maputla, Bulong ng puyog ay hindi maaaring magsilbing kundiman. Ang ulan ay hindi magiging maginaw. Ang gato kailanma’y hindi mabubulok. Lumpo ngunit hindi aatras. Inutil ngunit hindi papayag na mabusalan. Bulag ang mata, pipi man ang bibig o bingi ang mga tainga, Gumagapos ang liwanag ng bukas.
“Kapag ba ginagawa sa ibang bansa, ibig sabihin ‘yon ang tama?”
KLSP
Marahil hindi pa tayo malaya. Linggo ng hapon nang bumiyahe ako patungong Lucban. Habang ipinaghehele ako ng awit ng makina ng sasakyan, sumakay ang isang dalaga. Nakita niya agad ang isang kakilala at agad silang nagkumustahan. Sa ingay ng dalawa, nawala ang antok ko kaya’t nagdesisyon na lang akong maki-usyoso sa kanila. Kwentuhan dito, kwentuhan doon, hanggang sa mapag-usapan ang mga padala ng mga kamag-anak nilang nasa ibang bansa. Ang tanging tumatak sa ‘kin mula sa usapan nila ay kung paanong ang step-in mula sa Hong Kong ay mas maganda raw kaysa sa gawang Marikina. Parang hindi ko ata ‘yon matanggap. Sa tinagal-tagal na sinakop tayo ng iba’t-ibang lahi at lumaya noong 1898 ay naka-kulong pa rin pala tayo. Ganito na lang ba talaga ang mga isip ng mga Pinoy ngayon? Basta galing sa ibang bansa ay mas maganda na kaysa dun sa galing dito sa Pilipinas? Kapag ba dinikitan mo ng salitang imported ang isang bagay ay mas tumataas ang kalidad nito kaysa sa mga lokal na produkto? Kapag ba ginagawa sa ibang bansa, ibig sabihin ‘yon ang tama? Kapag ba tagaibang bansa, mas magaling agad? Hindi ba pwedeng Pinoy naman?
Kapag pinag-usapan ang ugali, isang bagay pa lang ang hinahangaan ko sa kanila—ang kanilang pag-ibig sa sariling bansa. Na-obserbahan ko kung paano nila mahalin ang kanilang pinagmulan. Taas-noo kung bitbitin ang pangalan ng kanilang bayan. Hindi kaya ito ang sikreto kung bakit sila maunlad? Subukan mo rin kayang mahalin ang sarili nating bansa? Sa halip na tumambay, subukan mong maghanap ng trabaho para hindi ka mapabilang sa mga taong miyembro nga ng labor force ngunit wala namang pakinabang. Tapos habang naghahanap ka ng trabaho, maiinip ka sa pila. Bibili ka muna ng kendi. Imbes na Rigley’s Doublemint, Maxx ng Jack ‘n Jill, na sariling atin, ang bilhin mo. At ang balat nito ay itago muna sa bulsa, kung walang malapit na basurahan, para hindi maging katulad ng ibang basurang nanganganak ng baha. At dahil nabawasan na ng isang balat ng kendi, mababawasan din ang
sanhi ng pagbaha. At kung wala ng baha, hindi na gagawa pa ng Project Linis-Baha ang congressman n’yo. Ibig sabihin, hindi na rin niya ito manenegosyo. At kung ganoon, hindi mababawasan ang kaban ng bayan. Magagamit ito ng mga government official na hindi corrupt. (Oo, maniwala ka. May mga tao sa gobyerno na hindi naman corrupt.) Pagagandahin nila ang isang lugar dito sa ‘Pinas upang maging tourist destination. Madaragdagan ang mga turista dito na maaaring maging investors sa hinaharap. Mas aangat na ang ekonomiya natin. Mas yayaman na ang bansa natin. Nag-a-apply ka pa lang niyan. Pa’no na kung natanggap ka pa at marami pang Pinoy ang nakaisip nang ganoon? Lahat ng bagay ay may koneksyon sa bawat isa. Bawat kilos mo, kahit gaano kaliit, ay may pangmalawakang epekto. Kaya mas mabuting pag-isipan natin ang bawat kilos natin. Hindi man natin maramdaman agad ang epekto nito sa ating bansa, isipin na lang natin na ang ginagawa natin ay para sa mga magiging anak at apo natin upang hindi na nila kalakhan ang mga problemang pinagdurusahan natin ngayon. Marahil ito lang talaga ang problema ng bansa natin, kulang lang sa pag-ibig.
unsweetened home
Hunger is tasteless. Sarcasm is sour. Fate is bitter. Welcome home ! To our... Home unsweet home.
Magsasaka
Sandamakmak na dugo’t pawis ang pumatak. Hindi makikitaan kahit isang latak. Silang nagtanim, silang umani. Pero maski isang butil sila pang napagdadamutan. Alinsabay sa tirik na araw, Sa bukirin binababad ang pagal ng katawan. Hindi alintana ang init na dumadampi sa balat. Tinitiis ang pagod para sa pamilyang nagugutom. Kung sipag at tiyaga ang pag-uusapan, Walang tatalo sa kanila. Kung sipag at tiyaga ang pag-uusapan, Dapat mayaman na sila. Silang mga magsasaka na kakarampot ang kita. Silang dahilan kung bakit may pagkain tayo sa mesa. Pero bakit sila pa ang inaapi? Pero bakit sila pa ang ginigipit? Sino ang may problema? ‘Yung mga nangangamkam. Sinong mga pasimuno? ‘Yung nakaupo.
“Baon niya sa kanyang puso na minsa’y magiging bayani siya ng kanyang pamilya.”
Sa Lungsod ng Pag-asa
Mag-a-alas-dos pa lamang ng madaling araw, gumising na si Dodong. Isa siyang Cebuano, ngunit nasa kalayuan pa rin ng modernisasyon. Hindi kasi siya nakapagaral, bunga ng kahirapan sa buhay. Napatitig siya sa kapirasong damit na nakalagay sa isang bayong. Inisip niya ang magiging kapalaran niya pagsapit sa lungsod ng pag-asa—ang Maynila. Siya lang kasi ang inaasahan ng kanyang pamilya. Ang kanyang nanay at kapatid ay pawang ‘di rin magkandaugaga sa pagsasaka sa isang hacienda samantalang ang kanyang tatay ay naglalangoy sa kalawakan ng dagat-alak at patuloy na sinisira ang moral sa bisyo. —Pagdating ko sa Maynila, mag-uuwi ako ng maraming pasalubong. Kakain ako ng masasarap na ulam at bibilhan ko si Inday ng magandang manika. Agad siyang tumayo at dumiretso sa sulok ng kwarto. Kinuha niya
ang martilyo at winasak ang alkansya. —Sa tingin ko kasya na itong naipon ko bilang pamasahe. Ang alkansyang iyon ang bunga ng buong buhay niyang paglilinang sa hacienda ni Don Pepe, ang panginoong may-lupa sa baryong iyon. Ito rin ang saksi sa mga bugbog na natamo niya mula sa kanyang tatay, maibigay lang ang luho nito. Alas-sais ng umaga, sandaling kinain niya ang natira nilang kamote mula pa noong gabi at ininom ang kalahating tasa ng tablea upang maging lakas niya sa buong araw niyang pagbiyahe sa Maynila. Ang sandaling ito ay naging pansamantalang pagkakataon upang makita niya ang kanyang nanay at si Inday. —Anak, mag-iingat ka. ‘Wag mo kaming
alalahanin. Mahal na mahal ka namin. Hindi siya kaagad nakapagsalita at sumang-ayon na lang. Niyakap nang mahigpit at hinalikan ang kanyang pamilya. Ang totoo, ayaw niyang lumuha subalit ‘di rin niya ito napigilan. —Lumayas ka na! Ang dami n’yong drama, bulyaw ng tatay. Ang luha ni Dodong ay napalitan ng galit at kirot sa dibdib. Sumakay na si Dodong sa bus, dala ang kaunting gamit. Baon niya sa kanyang puso na minsa’y magiging bayani siya ng kanyang pamilya. Matapos ang ilang araw na biyahe, dumampi ang kanyang talampakan sa kalupaan ng Maynila. Huminga siya nang malalim na animo’y nakarating ng abroad. Nagpagala-gala at ‘di alam ang pupuntahan. Ang pagiging no read, no write niya ang unang naging dagok sa pagsapit n’ya sa lungsod. Hindi niya alam ang kanyang pupuntahan. Nagpagala-gala siya hanggang sa kinupkop siya ng isang nagngangalang Erikson. Namalagi siya sa Maynila at nakapagtrabaho. Malaki ang utang na loob niya kay Erikson dahil siya’y kinupkop,
pinakain at binihisan. Nagtrabaho si Dodong sa pinapasukan ni Erikson. Ito ang nagbigay sa kanya ng magandang kita at ‘di siya nabigo rito. Palibhasa’y walang pinagaralan, ‘di niya alam na ilegal ang trabaho niya. ‘Di niya ito ininda dahil masaya siyang nakatanggap ng una niyang sahod. —Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganito kakapal na pera! Naging maayos ang kanyang trabaho: nakapagpapadala ng pera; nakapagpagawa ng magandang bahay; nakabili ng sasakyan; at higit sa lahat tinupad niya ang pangakong ibibili niya ng magandang manika si Inday. Ang kan’yang tatay ay binawian ng buhay subalit matigas ang puso ni Dodong. Hindi siya bumalik sa kanila, bagkus ay ikinatuwa pa ang nangyari. —Mabuti, namatay na siya. Pinapatay ng Diyos ang masasamang damo! Hanggang isang gabi, gabi nang kalagim-lagim, habang naglalakad sa kahabaan ng kalye ay hinarang siya ng sampung kalalakihan na pinagdududahang kalaban nila sa bentahan ng shabu. Pinagsusuntok, binugbog at binalot ng pasa ang buong katawan ni Dodong. Hi-
nampas din siya ng tubo sa ulo at ang dugo ay umagos sa kanyang katawan. Ang perang nalikom ni Dodong ay hinablot mula sa kanya. Unti-unting nawalan ng malay. Napatitig siya sa kalangitan. Naalala niya ang alkansya, ang kapirasong damit, manika ni Inday, ang kan’yang nanay,ang kan’yang tatay na ‘di niya pinatawad at higit sa lahat ang lungsod ng pag-asa. Sa kalaliman ng gabi, siya’y bumulagta. Ang putok ng baril ang pumutol sa pising nag-uugnay sa kanya at sa lungsod ng pag-asa.
Gabi, sa bahay namin. Umuulan na naman sa labas. Bumabagyo sa loob. Lumalaki na talaga ang sira ng bubungan namin, Mistulang posong iniigiban sa lakas ng tulo. Sahod dito, sahod doon.
diklap
Kayang-kaya nang pumuno ng isang pool. Nakakapagod na rin ang ganitong senaryo tuwing umuulan. Pero kaunting sakripisyo lang naman ang kailangan. Para akong puno na sumisipsip ng tubig. Hindi maaaring tumigil dahil baha ang kahahantungan ng lahat. Nakakangalay na dahil sa taas ng nakasahod. Upuan‌kailangan ko ng upuan. Habang papalakas nang papalakas ang ulan, papalakas na rin ng papalakas ang sigaw ng langit. Parang isang hindi makontrol na galit. Saglit pa’t nakakakuha na rin ako ng bangkito. Mainam na tapakan at maabot ang napupuno nang pansahod. Ilang malalakas na kulog pa ang narinig ko nang biglang bumigay ang pundasyon ng aming bubungan at tuluyan nang nahalit ang yero nito. Sa totoo lang, natatakot na ako.
Kitang-kita ko ang malalakas na ilaw na nagkikislapan sa langit. Tila ba’y kinukuhanan ako ng litrato, kaya nga lang ay hindi nakapagbibigayngiti sa labi. Mga ilang minuto ring natigil ang pag-aalma ng panahon. Kampante na ako’t mapada dali na rin ang lahat sa wakas. Humina na rin ang ulan. Sinubukan kong takpan ang yero at nahalit ang yero, umakyat ako at…
Liwanag…. Baga… Apoy… Sabog… Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa basang sahig. Ganito ba talaga kahirap ang buhay para sa aming mahihrap, na ang tanging kulang ay maayos na bubong at tirahan? Paano na kaya ang mga taong wala sa maayos na bansa? Ano na lang kaya ang sasapitin nila?
Para sa Bayan
“Mahal na mahal niya ito tulad ng pagmamahal niya sa bayan.”
—Kasamang Gabriel, kamusta na? mahinang bulong ng kasamahang si Ading habang papalapit ito sa kinatatayuan niya. —Ayos naman kasamang Ading, sagot naman nito. Sabay sindi ng sigarilyong magiging pampalipas oras kasabay ng isang kwentuhang minsan lang mangyari. Isang yosi na nagmistulang maliit na alitaptap sa malawak na kabundukan. —Anong balita sa lungsod? —Gano’n pa rin daw—magulo. Mga mangmang ang hindi naghahangad ng kalayaan. —‘Di naman siguro. Pagbabago pa rin naman ang kanilang kagustuhan. —Pagbabago ba talaga? Silang mga sumasang-ayon sa mga imperyalistang ‘Kano! Mga tanga! —‘Wag kabulalas ng damdamin, kasama, baka mamatyagan tayo. —Pasensya na. Ilang segundong katahimikan ang sumunod na mga sandali. Papatay na ang yosing kanina pa sinindihan, humugot si Gabriel ng isa
pang yosi at binuhay ito sa paghithit sa papatay ng upos ng patapon nang sigarilyo. Isang putok ang kanilang narinig sa di kalayuan. Isa pang putok. At isa pa. Hanggang sa sunud-sunod na ito. Sa ‘di kalayua’y isang engkwentro na ang nagaganap. Sabog dito, sabog doon. Mga nakabibinging pagsabog, mga nakasisilaw na sunog ang kanilang natatanaw mula sa kinatatayuan nila. Papalapit nang papalapit ang mga putok at pagsabog na kanilang naririnig. Mabilis ang mga pangyayari. Sinukbit ni Gabriel ang alagang matagal na niyang iniingatan, medyo makalawang na pero nagagamit pa. Mahal na mahal niya ito tulad ng pagmamahal niya sa bayan. —Kasamang Ading tara na! Tulungan natin ang samahan, sigaw ni Gabriel. Walang sagot. Lumingon si Gabriel ngunit wala siyang nakita kundi ang isang bangkay na nakahandusay sa kanyang tagiliran. Si Ading. Tinamaan ng mga balang galing sa kaaway. Sa puso, sa ulo at sa mga hita nito. Lumuhod si Gabriel sa nakahandusay na si Ading at hinagod ng mga nanginginig nitong mga daliri ang mga mata nito hanggang sa ito’y tuluyan nang maisara. Itinaas ni Gabriel ang kanyang kaliwang kamay habang ito’y nakakuyom at isinigaw ang mga salitang… —Para sa bayan! At sumugod ito kasama ang minamahal na alaga. Kasama ang pagasang maitutuwid ang mga kamalian ng bayan.
on this site
Ang parang ng sakahan, Pinag-interesan at sinukatan, Pinagkasunduan at binenta sa dayuhan, Papatayuan at titirahan, Pagkakakitaan.
“Magkwento ka muna.”
Tagpuan:
Masukal na gubat
Unang Eksena: Nagtagpo sa gitna ng masukal na gubat si Mama Mayan at Kora Korap. Kora Korap: Mama Mayan: Kora Korap: Mama Mayan:
Gusto mo ng malaking pera? Sinong aayaw? Sige. Magkwento ka muna. Ito ang kwento…
Pangalawang Eksena: Naglalahad na ng kwento si Mama Mayan. Mama Mayan: Isang araw, nagtagpo sa gitna ng kagubatan si Mama Mayan at Kora Korap. (Umasta siya bilang si Kora Korap:) Gusto mo ng malaking pera?
Korapsyon
Mga Tauhan: Kora Korap Mama Mayan
Mama Mayan: Kora Korap: Mama Mayan:
Sinong aayaw? Sige. Magkwento ka muna. Ito ang kwento…
Pangatlong Eksena: Nagkwento muli si Mama Mayan. Mama Mayan: Isang araw, nagtagpo sa gitna ng kagubatan si Mama Mayan at Kora Korap. Kora Korap: Gusto mo ng malaking pera? Mama Mayan: Sinong aayaw? Sige. Kora Korap: Magkwento ka muna. Mama Mayan: Ito ang kwento… Patuloy sa pagkwekwento si Mama Mayan hanggang sa siya’y napagod.
*Ang sonata ay isang porma ng tula na may istrukturang labingapat na magkakatugmang taludtod.
Kriminalidad at Lipunan : Isang Sonata
Mula noon hanggang sa kinabukasan, may isang bagay na ginagalawan, sangkatauhan ay karamay. ‘Pagkat dito buong nananalaytay mga bubuo sa sistema. Ngunit may kahalong sa eksena’y sisira. Kriminalidad at paglabag ay talamak. Sa bawat isa, tiyak na pahamak. Sino pa ang kakapitan mo kung lahat nama’y wala nang sinasanto? Natatakot ka pa ba sa Diyos kahit nagkasala ka na nang lubos? Tanikala ng masamang utak ay kalas kaya ano pa ngayon ang magagawa ng batas?
69
Umpisa ng katapusan Paghinga na pumawi sa kamalayan Humagulhol nang unti-unti, naghudyat ang disgrasya Naulol hanggang ipinilit ang paraan na nag-iisa Paslit ang mabubuo na hindi na batid Langit basta sa kaluluwa, balak na maihatid Marupok siya’y… natuluyan at bumigay Napasubok na aksidente, gumawa ng buhay Kabanata na bago ang nauupos Simula ng pagtatapos Pagtatapos ng simula Nauupos ang bago na kabanata Buhay ng gumawa, aksidente na napasubok Bumigay at natuluyan… siya’y marupok Maihatid na balak, kaluluwa sa basta langit Batid na hindi na mabubuo ang paslit Nag-iisa na paraan ang ipinilit hanggang naulol Disgrasya ang naghudyat, unti-unti nang humagulhol Kamalayan sa pumawi na paghinga Katapusan ng umpisa
“Sinubukan niyang ikuyom ang kaliwang palad nito na nakalapat sa ibabaw ng kaliwang dibdib”
Hindi sa Katahimikan Nagtatapos ang Digmaan
Lumangitngit ang pinto ng bahay na yari sa sawali. Lumusot sa maliit na siwang ang ulo ni Pedring. —Tapos na! Sa wakas ay umalis na sila! namamalat na wika niya. —Salamat sa Diyos!— Maluha-luhang sabi naman ni Melba habang nakasiksik sa sulok ng madilim na silid at yakap sa mabubuto niyang mga braso ang anak. —Nasa’n si Tonyo? Kumusta siya? Hindi nagsalita si Pedring bagkus ay tumungo lamang siya. Noon na nagsimulang pumalahaw si Melba at mabilis na tumakbo palabas. Natagpuan ang duguang katawan ng wala nang buhay na asawa kasama ang ilan pang mga bangkay. Mga magsasakang ipinaglaban ang kanilang mga karapatan laban sa mga mapagsamantala. Mga magsasakang kinailangan pang makipaglaban upang hindi maagaw ang kanila mismong mga sariling munting sakahan. Nilapitan ni Melba ang bangkay ni Tonyo. May bahagya pang init ang mga kamay nito. Sinubukan niyang ikuyom ang kaliwang palad nito na nakalapat sa ibabaw ng kaliwang dibdib kung saan tumama ang bala. Dahan-dahan at buong tapang niyang itinaas ang kaliwang kamao nito.
Ako'y May Narinig
“…...hindi mo na malalaman kung sino ba talaga ang may pakialam at kung sino ang nakikialam lang.”
Kahit saan ako pumunta, hindi nawawala sa usapan ng mga tao ang usapin sa Pork Barrel Scam. S’yempre, kanya-kanya silang opinyon kung sinu-sino ba talaga ang mga guilty as charged. May mga nagagalit dahil ninakawan daw sila. Mayroon din namang mga naggagalit-galitan lang kasi nakikiuso. Mayroon din namang mga nakikitsismis lang para may magawa. At ‘yong iba naman, naipit lang sa usapan. Ganyan ang mga Pinoy, basta may bago, may pag-uusapan. Sa panahon ngayon, hindi mo na malalaman kung sino ba talaga ang may pakialam at kung sino ang nakikialam lang. Karamihan naman kasi sa mga tao ay may pakialam na
lang sa mga bagay na direktang nakaaapekto sa kanila o kaya naman ay sa mga bagay na inaakala nilang “worth to tell around”. Kung ako nga lang ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang maging isang nobody kaysa naman maging sentro ng lahat ng mga usap-usapan. Sa panahon ngayon, kapag naging sentro ka ng atensyon ng madla, siguradong wala kang kawala sa mga pambabatikos na ibabato sa iyo ng mga tao, inosente ka man o hindi. Naiisip ko rin tuloy minsan kung paano kaya hinahawakan ng mga politiko ang lahat ng mga pag-uusig na kanilang kinakaharap. Siguro’y stressed na stressed si Pangulong Aquino sa lahat ng mga balitang lumalabas laban sa kanya. Depende na rin siguro sa pagiging inosente o hindi ng isang tao ang pagharap niya sa lahat ng mga batikos. May dalawang uri lang naman ng politiko sa Pilipinas: ‘yung guilty at ‘yung magaling umarte. I wonder kung mayroon pang mga inosenteng politiko. Itanggi man natin, mapanghusga talaga tayong mga Pilipino. Hindi pa nga nahahatulan ng husgado ang isang akusado, may kanya-kanya nang opinyon ang mga tao tungkol sa nagaganap na kaso. Idagdag pa ang pagkahilig natin sa mga balitang wala namang katotohanan,
maliban na lang siguro do’n sa mga balitang tungkol sa korapsyon ng mga buwayang politiko, kasi do’n, karaniwang tama lahat ng mga tsismis na kumakalat. May mga bagay talagang dumaan man ang maraming panahon, hindi na nababago dahil naging parte na ito ng kultura natin bilang mga Pilipino, kahit ito man ay ang paggawa ng mga malikhaing kwento.
Knot of Burning Hope
Init na dala ng mga nag-aalab na damdamin Sa apoy ng pag-asa nagmumula. Ang mitsa’y ang iisang mithiing Hustisya nawa’y makamtan.
“Mukhang malas ang araw na ‘yon para sa kanya.”
Magsisiyam na taong gulang na ang anak ni Bernadette. Isang pakete ng bihon ang nakaplanong lulutuin niya para sa nalalapit na kaarawan ng kanyang munting dalaga. Bumili na rin siya sa panaderya sa kabayanan ng isang balot ng monay para may kaulam ang kanilang espesyal na pagsasaluhan sa susunod na araw. Nakangiting naghugas ng bigas na isasaing ang nanay habang iniisip ang gagawing selebrasyon ng kanilang pamilya. Dalawang araw na lang at birthday na ng anak niya. Siguradong matutuwa ito kapag nalamang may handa sa kanyang kaarawan. Patakbong tinatahak ng isang batang babae ang pilapil na daan pauwi sa kanilang bahay. Dala niya ang isang medalyang ginto na kaloob sa kan-
Medalya’t Bihon
Nakahiga’t nag-iisip nang malalim. Ang kanyang paningi’y nakatitig sa maagiw na kisame ng kwartong kinalalagyan niya. Nag-umpisang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi alam ni Brandon kung ano na ang kahihinatnan ng kanyang mag-ina.
tulungin at mahusay na anak. Sagad ang pagkakangiti ni Bea dahil sa lubos na pagkasabik na maipakita sa ama’t ina ang natamong parangal. Sa kanyang pagtingin sa bukas na bintana ng bahay, kita ni Bernard mula sa bakuran ang babaeng kanyang hinahangaan sapol noong kanyang pagkabata. Dahan-dahan niyang binuksan ang gate ng bakuran. Plano niyang gulatin ang babae. Tumahol ang asong nakatali sa puno ng santol, sa harap ng bahay. Abala ang mga tao sa loob sa pagluluto kaya’t hindi niya pinansin ang mga batok ng alagang aso. Umikot si Bernard papunta sa pinto ng likodbahay. Doon niya naisip dumaan upang mas masorpresa ang kanyang natitipuhan.
ya ng kanilang paaralan bilang parangal sa kanyang naipanalong quiz bee sa matematika. Sa murang edad ay alam niya kung paano pahalagahan ang pag-aaral bilang anak ng isang magsasaka. Laking pasasalamat at swerte ng mga magulang ng bata dahil sa kabila ng mahirap nilang kalagayan sa buhay ay pinagkalooban sila ng Panginoon ng mabait, ma-
Dapit-hapon na ngunit hindi pa rin tapos mamituo sa tubigan ang isang lalaki. Marami pa siyang gagawin pagkatapos. Kailangan pa niyang tabasan ang paligid ng kanyang sinasaka. Malapit na ang panahon ng pagpapatanim ng may-ari ng palayan. Dapat masigurado niya na maganda ang pagkakatrabaho niya sa tubigan upang matuwa ang kanyang amo. Saglit siyang nagpahinga.
Nagsisigaw si Bully matapos may makitang kaduda-dudang tao. Bagama’t kilala niya ang tao ay bigla siyang nagkaroon ng masamang kutob. Hindi siya mapakali dahil sigurado siyang may hindi kanais-nais na mangyayari. Gusto niyang umaksyon upang mapigilan ito subalit wala siyang magawa kundi humiyaw. Sa kasamaang palad, hindi siya napapansin. Sa pagpasok ni Bea sa kanilang bahay, nakita niya sa mesa ang lutuing bihon at isang supot na tinapay. Naalala niyang malapit na pala ang kanyang kaarawan. Higit na sumaya ang pakiramdam ng bata. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kwarto para batiin ang ina subalit wala siyang nadatnan. Naglakad siya patungo sa banyo. Wala ring tao. Nagtaka ang bata. Hindi pa nangyaring umuwi siya na walang tao sa bahay. Nagsimula siyang mapanglaw at mag-alala. Humikbi siya nang kaunti. Sabik pa man din siyang ipagyabang ang medalyang natamo. Makailang beses niyang isinisigaw ang pangalan ng ama’t ina. Walang tumutugon. Nag-umpisa na ang kanyang pag-iyak. May bumukas ng pinto. Pilit na nagpumiglas si Bully at sa wakas nagkaron siya ng pagkakataon.
Humarurot siya likod ng bahay. na nakapasok kaaway. Hatak nito isang taong impor-
papunta sa Ngunit agad ang kanyang ang katawan ng tante kay Bully.
Alas-sais y medya na ng gabi nang nag-umpisa siyang maglakad pauwi. Pagod sa maghapong trabaho si Brandon. Malayo pa ang munting tahanan nila. Halos kinse minutos pa siyang maglalakad sa masukal na linang upang marating ang patutunguhan. Tangan ang lamparang gabay niya, maingat niyang binabagtas ang daan. Biglang gumalaw ang mga talahib sa kanyang tagiliran. Isang ahas ang sumulpot. Agad niyang binunot ang dalang itak. Mukhang malas ang araw na ‘yon para sa kanya. May tumagas na dugo sa kanyang braso.
Medyo naliliyo pa siya. Ang hu-
ling tanda niya’y lumabas siya sa likod ng bahay pagkatapos magsaing upang pumuti ng kalamansi sa bakuran. Nagising si Bernadette sa mga malalakas na batok mula sa labas ng bahay. Pagdilat ng kanyang mga mata, nasa loob na siya ng kanilang kwarto. Punit ang damit ni Brandon nang makarating siya sa gate ng kanilang bakuran. May bendang gawa sa sirang tela ang kanyang kaliwang braso. Tatagain na niya ang ahas kanina subalit aksidente siyang natalapid at dumaplis ang matalim na bahagi ng gulok sa kanya. Buti na lamang at gumapang ang ahas at hindi na siya tinuklaw. Ngunit, pag-uwi niya’y bigla siyang kinabahan. Kakaibang pakiramdam ang nakapagpatayo ng kanyang balahibo pagpasok ng bakuran. Napansin niyang nakaalpas sa pagkakatali si Bully. Tahol
nang tahol ang aso. Inikot ni Bernadette ang kanyang paningin. Makalat sa paligid. Sa sulok ng kwarto ay nakita niya si Bea na walang malay, may sugat sa ulo, tila napabagok. Sisigaw na sana siya subalit may busal ang kanyang bibig. Nakagapos ang mga kamay at paa ng hubad na ina. Sa kabilang parte ng kwarto ay nakangisi sa kanya ang isang pamilyar na mukha. Lumapit ito sa kanya. Malapit na sanang magtagumpay sa kanyang plano si Bernard. Paglabas ni Bernadette kanina ay agad niya itong hinablot at tinakpan ng panyong may pampatulog ang kanyang bibig. Inihiga niya ang magandang babae. Mag-uumpisa na niya itong pagsamantalahan ngunit may narinig siyang mga sigaw sa loob ng bahay. Pumasok siya at nakita niya si Bea na umiiyak. Nagulat ang bata at tumakbo papuntang kwarto. Hinabol siya ni Bernard at naabutan. Pumalag ang bata ngunit tumama ang ulo sa sahig. Nawalan ito ng malay. Bumalik sa labas si Bernard. Itinuloy na niya ang maitim na balak pero naantala muli ito noong mapansin niyang nakaalpas ang malaking aso na si Bully. Napilitang mu-
ling pumasok sa loob ng bahay ang lalaki. Hindi siya makaalis dahil sa takot sa galit na aso. Kaya, doon na lang niya itinuloy ang plano. Dinala niya sa kwarto ang babae. Itinali at binusalan matapos hubaran. Matagal na siyang may pagnanasa kay Bernadette. Hindi na inisip ni Bernard ang alanganin niyang sitwasyon at higit na pinairal ang libog. Pinagparausan niya ang katawan ng asawa ni Brandon. Nakahiga’t nag-iisip nang malalim. Ang kanyang paningi’y nakatitig sa maagiw na kisame ng kwartong kinalalagyan niya. Nagumpisang mangilid ang luha sa kanyang mga mata. Hindi alam ni Brandon kung ano na ang kahihinatnan ng kanyang mag-ina. Matapos maabutan ang hayop niyang kababata sa aktong panghahalay sa kanyang asawa at makitang walang malay ang kanyang anak, buong pwersa niyang pinaghahabas ng itak si Bernard hanggang sa mapatay niya ito. Sunod niyang pinakawalan sa pagkakabihag ang kanyang kabiyak at ginamot ang sugat at hinihintay na magkamalay ang anak. Niyakap ni Brandon ang kanyang pamilya. Ilang minuto silang
nag-usap at pagkatapos ay muling nagyakapan habang umiiyak. Nagpaalam ang ama at tumungo sa istasyon ng pulis sa kabayanan upang sumuko. Nagsimulang pumatak ang luha ng ama. Iniwas niya ang mga mata sa pagtitig sa maagiw na kisame sa seldang pinagkukulungan niya. Bagama’t may kaunting pagaalala sa kanyang pamilya, alam niyang ligtas ang kanyang asawa’t anak. Mahimbing siyang makakatulog.
Lights, Bicameral, Action
Gumapang ang liwanag sa malawak na bulwagan— piping saksi sa mga kaganapan. Mga solon—dumating, lumagda sa talaan Ng mga nagsidating upang mapatunayan Na dumalo sa pulong kahit na ang katotohanan Sa likod ng kamera, ay matutunghayan Mga tinambakang mesa, mga bakanteng upuan kanilang nilimot ang tungkulin sa bayan.
“subalit isipin ninyo rin na sa galaw ng bawat isa ay apektado rin ang iba”
Panahon at Tagpuan: Mula pa noon hanggang ngayon at maging sa darating na kinabukasan, sa isang lugar na ginagalawan ng sangkatauhan. Politika: Kasalanan ko ba kung bakit hindi maayos ang sistema ng edukasyong tinatamasa ng mga mag-aaral? Edukasyon: Ikaw ang may kapangyarihan tungo sa anumang magiging sistema kong ipinapatupad sa ating bansa. Ikaw ang siyang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. Ikaw rin ang naglulunsad ng iba’t ibang programa para sa akin. Ngunit, nakalulungkot isipin na tila hindi naging maganda ang naging pagpapalakad mo sa edukasyon ng mga mag-aaral. Hindi ito naging sapat upang makasabay ang mga posibleng pinuno ng kinabukasan sa pandaigdigang kompetisyon
Kasalanan Ko Ba?
Mga Tauhan: Politika – ang pangunahing tauhan Edukasyon, Agrikultura, Paggawa, Ekonomiya, Kalikasan, Katarungan, Ugnayang Panlabas – mga kapatid ni Politika Lipunan – ina ng magkakapatid
at pamumuhay. Ngayon, gagamitin mong istratehiya ang pakikigaya sa kung anong mayroon ang ibang bansa para lang masabi mong makasasabay na tayo. Hindi iyon katanggap-tanggap para sa akin. Politika: Kasalanan ko ba kung bakit hindi nakakamit ng mga nasa sektor ni agrikultura ang dapat ay para sa kanila? Agrikultura: Tulad din ng nabanggit ni Edukasyon, nais ko ring bigyang diin na bilang ikaw ang may kapangyarihan sa ating magkakapatid, nakapanlulumong isipin na tila napababayaan mo na ang mga bagay na ating pangunahing pinagkukunan sa araw-araw, lalo na ang pagkain. Hindi mo rin nabibigyan ng pribilehiyo ang mga nagsasakripisyo at nagbubuwis ng pawis at dugo sa mga lupang sinasaka, sa mga
hayop na pinapastol, sa mga bundok na minimina at sa mga karagatang sinisisid. Ang mga karapatan sa pagmamay-ari ng sariling lupa, at wasto at nararapat na sahod ay nakalilimutan na. Ang pagkamkam sa mga bagay na dapat ay tinatamasa nila ang siyang nangingibabaw. Politika: Kasalanan ko ba na hindi natatamasa ng mga manggagawa ang kanilang mga karapatan at pribilehiyo? Paggawa: Kaugnay pa rin sa mga naging hinaing ni Agrikultura, lahat ng manggagawa, sa sektor ng agrikultura o hindi, propesyonal man o hindi, sa ibang bansa man o hindi, nagsasawalangkibo ka at nagtataingang-kawali sa kanilang mga pangangailangan. Nakalilimutan mo nang tugunan ang kanilang mga hinaing at reklamo at napababayaan na sila kaya ang kanilang mga karapatan ay madaling naaabuso. Pakaisipin mo sana. Politika: Kasalanan ko ba na hindi umaangat ang estado ni ekonomiya? Ekonomiya: Korapsyon, aking kapatid. Korapsyon ang nakapagdudulot ng malaking pasakit sa akin bilang daluyan ng pamumuhay at ikabubuhay ng mga mamamayan. Lingid
sa iyong kaalaman, may malaki kang kontribusyon sa kung anong nagaganap sa akin bilang ikaw ay isa sa mga katuwang ng mga pribadong sektor sa pagpapalakad sa akin, ito man ay mabuti o masamang pagbabago. Puro pang-ekonomiyang isyu, eskandalo at krisis ang naibibigay mo sa akin na nagpapasakit sa akin. Labis kong idinadalangin na nawa’y makamit mo na ang tunay na pagbabago na maghihilom sa mga sugat na nakaaapekto sa aking sistema. Politika: Kasalanan ko ba kung bakit napababayaan na si kalikasan? Kalikasan: Malaki ang aking ginagampanan sa buhay ng tao, kina agrikultura at ekonomiya, turismo at iba pa. Nasadlak ang aking kinahinatnan matapos ang mga ilegal na gawain na sa halip ay bigyang aksyon, ay nasilaw na sa salapi. Sa pagmimina, nasisira ang mga kabundukan. Sa pagtotroso at pagkakaingin, nakakalbo ang mga kagubatan. Sa paggamit ng dinamita sa pangigisda, napipinsala ang karagatan pati na ang mga hayop na naninirahan dito. Sa mga makinang inilulunsad, nasisira at nagkakaroon ng polusyon ako. Balewala ang mga ito sapagkat ang tanging nasa isip ng mga halang na kaluluwa ay ang
pagkamkam sa salapi, kasikatan at kapangyarihan. Politika: Kasalanan ko ba kung bakit nagiging laganap ang sakit sa mga mamamayan at napababayaan ang kalusugan lalo’t higit sa mga kabataan at may edad na? Kalusugan: Sa halip na bigyang solusyon ang mga problemang ito, mas pinipili mong ipatupad ang mga bagay na lalabag sa moralidad ng tao. Ang mga contraceptives na sa
tingin mo ay lulutas sa lumalaking populasyon at mga kaakibat nitong problema ngunit mali ka kapatid. Malnutrisyon ng kabataan, kalusugan ng kababaihan at mga matatanda—mga simpleng isyu ngunit may malaking epekto sa bayan. Sana mapansin mo na ang mga bagay na ito bago pa man ang mga bagay na hindi naman talaga mabuti para sa nakararami. Politika: Kasalanan ko ba kung hindi na nakakamit ang katarungan sa bansa? Katarungan: Katarungan ba kamo? Matagal na akong barado sa iyo. Iimik pa lang ako, nabara mo na ako. Ikaw ang makapangyarihan, ikaw ang nasusunod. Pumatay, magnakaw, gumahasa, mandaya, ikaw lang ang makahuhusga kung tama man o mali. Matagal mo na akong inirehas. Wala na yatang hustisya sa bokabularyong ikaw mismo ang may katha.
Politika: Kasalanan ko ba kung bakit hindi na nagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan mula sa ibang bansa? Ugnayang Panlabas: Matagal na ring walang magandang imahe ang ating ina dahil sa iyo. Maging ang tingin sa iyo ng ibang bansa ay ganoon na lamang kababa. Sa sobra mong dungis ay tila hindi ka man lang naturuang linisin ang iyong sarili. Sa totoo lang ay nakararamdam na ko ng panghihina. Marami na ang humihiwalay at kumakalas sa akin sapagkat ang tingin nila’y maaapektuhan din sila dahil sa iyo. Magbago ka na, parang awa mo na, mahal naming kapatid. Politika: Kasalanan ko po ba, ina kong lipunan, taglay ang lahat ng bagay kasama ang politika bilang bahagi ng dumadaloy na sistema, kung ano ang mga nagaganap ngayon sa bayan? Lipunan: Aking anak, mahal ko kayong aking mga anak. Lahat kayo ay dumadaloy at umaagos sa aking sistema at nagpapatuloy upang mabuhay at manatili ito. Lahat kayo ay mahalaga subalit isipin ninyo rin na sa galaw ng bawat isa ay apektado rin ang iba. Dahil dito, kayong lahat ang makapagsasabi ng mga mangyayari sa ating bayan at sa magiging hinaharap nito.
Rain falls for some reason. Flood flows to your home. How will everybody know? Blaming yourself is up to the bone. Whirling wind whispers. It’s good to live life much better. I screamed, blew. When will I be heard? For some concern case, it may have been or not your intuition. Please lend a toddler’s smile for a land’s resurrection.
Green I Ought
Wandering face to global carbon emission. All through its dominance, still the help is an illusion.
Akala’y Maling Akala
Inakala kong isang ordinaryong araw lamang ito. Araw-araw ko naman siyang nakakasalubong, ngunit ngayon, nginitian niya ako. Gumanti ako ng ngiti. Kumaway siya. Kumaway rin ako. Nagsimula siyang lumakad papalapit sa akin kung kaya’t nagtungo rin ako sa kanyang direksyon. Nagulat na lamang ako nang bigla siyang yumakap… …sa lalaking nasa aking likuran. Tama ang akala ko. Ordinaryong araw nga lang ito dahil mali na naman ang aking inakala.
[coin]cide
Ang patung-patong kong problema, Sana’y nagi’ nalang mga barya, Sino ang yayaman sa tira-tira? Huwag mo na sanang pabigatin pa, Dahil mahirap ilakad ang mabigat at makalansing na bulsa.
Palit-bihis
“ ‘di ko talaga maintindihan ang dahilan kung bakit ang hirap maging masaya para sa sarili ko”
Tacio, Kumusta ka na? Kung ako tatanungin mo, hindi talaga sigurado. Gra-graduate na ako, a. Punta ka sa handa ko, ha? Ang dami sa ‘king bumabati. Kaya panay ang pasalamat ko sabay tunghay ng pineke kong ngiti para hindi naman ako magmukhang suplado. Tapos minsan, aalukin nila akong tumambay, magkape o kaya kumai. O kaya, aakitin nila akong lumabas o uminom. Gusto ko talaga laging tumanggi, pero inaabot talaga ako ng hiya. Ngayon lang din naman kasi talaga nangyayari sa ‘kin ‘to e. ‘Di ba, hindi naman talaga tayo pansinin? Kaya ‘ayun, pinipili ko nalang tumugon ng oo, o kaya sige, tara, tanggapin ang alok at sumama. Kailangan magmukhang masaya, kaya dapat isuot ko ang maskarang nakangiti. Dumadami pala talaga ang atensiyon sa ‘yo kapag gra-graduate ka na ‘no?
Madami talagang tao ang nagsasabing masaya raw
sila para sa ‘kin, pero ‘di ko talaga maintindihan ang dahilan kung bakit ang hirap maging masaya para sa sarili ko. E, kasi siguro, lagi ko kayo naiisip ng mga kalaro natin no’n. ‘Di ba lagi tayong naglalaro no’n sa dagat? Tapos manghuhuli tayo ng isda at iuulam sa nilabong kamoteng kahoy na kinuha natin sa bodega ni Mang Erwin. Tapos paunahan tayong umakyat ng puno o kaya pabilisan maglangoy. Tayo lang lagi ang magkakasama kasi ‘di tayo pinapansin ng mga sosyal nating kaklase. ‘Di ba ang saya saya talaga natin no’n? Kahit na ayaw sa ‘tin ng iba kasi daw ang dudungis at ang dudugyot natin. Nasa’n na kaya ‘yong iba nating kalaro ‘no? Pero ngayon, ibang-iba na. Gustong gusto nila ako kahit halos di naman nagbago itsura ko. Bakit kaya? Dahil ata magiging inhinyero na kasi ako ‘no? Nagmamahal,
P.S.
Kiko
Sana makarating ‘tong sulat ko sa ‘yo. Nasa’n ka na nga rin ba ngayon?
HINDI SAPAT ANG PLUMA
Hindi sapat ang pluma Sa pagsakop ng mananakop sa sasakuping isla Ang perlas ng silangan Ang minamahal na bayan Hindi sapat ang pluma Hindi sapat ang pluma Kapalit ng pamumuhay at kultura Kapalit ng simpleng masaganang buhay Hindi sapat ang pluma Hindi sapat ang pluma Sa galon. Timba. Basong dugong dumanak Sa libong pusong tumigil sa pagtibok Sa hindi mabilang na ulong napugot Hindi sapat ang pluma Hindi sapat ang pluma Kailangan nang kumilos ng punyal Kailangan nang tumayo ng mga sibat. Ang mga bolo ay muling kikitil Para sa kalayaan, para sa kinabukasan, para sa Pilipinas.
Umaawit ang sundang ng mantitigbas kapag nahihipo ang puluhan. Sumisingasing maging ang mga pingas habang hinuhugot sa kaluban.
Umaawit ang sundang ng mantitigbas sa sandali ng pananambang. Nilalagok ang dugo ng mga limbas sa ngalan ng sambayanan.
* Binasa ang tulang ito sa Salang: Poetry Jam ng Tanghalang Bayan ng Kulturang Kalye (TaBaKK) noong February 26, 2013 sa Freedom Bar, Quezon City
Ikapitong Sundang : Mantitigbas
Gabud at danas ang siyang nagpapatalas sa sukbit na patalim sa baywang. Sapagkat ilang niyog na ang nabiyak, ilang damuhan na ang nahawan.
Para kay K
Binasa ko ang isang manunulat. ‘Di ko talaga sigurado kung ano ang gusto niyang ipagsambulat sa mga mambubuklat; kung para sa’n talaga ang kanyang pinagsususulat. ‘Yon ba talagang sumulat para magmulat? O sumulat para bigyang tingkad ang kanyang balat at ipagpilitan na isa siyang magaling na manunulat na mahilig magpasikat at magpanggap. Mahirap magmulat ang pikit.
“Malapit ko na s’yang tuluyang makalimutan nang minsang...”
Hindi Pala Ako ang Mahal Mo
Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na nakilala ko si Bong. Unang taon ko pa lang sa kolehiyo noon. Noong una ko s’yang nakita ay nakaramdam na kaagad ako ng matinding paghanga. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang katulad niya— gwapo, matikas, matalino at sikat na lider-estudyante sa pamantasan? Lalo pang tumindi ang aking paghanga at lakas ng loob nang lumapit s’ya sa akin upang kunin ang aking cellphone number. Naging palagian kaming magkapalitan ng text messages at madalas na magkatawagan sa telepono. Nagkapalagayan agad kami ng loob. Hanggang sa paminsan-minsan na kaming lumalabas upang manood ng sine at mamasyal. Minsan, kumakain kami sa labas nang bigla na lamang siyang magpaalam matapos makatanggap ng isang mensahe. Matapos noon, hindi ko na s’ya muli pang nakausap. Ni isang text message o simpleng pangungumusta ay hindi na ako nakatanggap. Wala na akong naging balita sa kanya noon. Napuno ng pagtatanong ang aking isipan. Hindi naman ako makapagtanong sa kanyang mga kaibigan o kamag-anak dahil ni isa sa mga iyon ay wala siyang ipinakilala. Malapit ko na s’yang tuluyang makalimutan nang minsang makita ko ang kanyang mukha sa telebisyon. Dala-dala ang isang malaking streamer na nagpapahayag ng isang makabayang damdamin. Nagkamali ako. —Hindi pala ako ang mahal mo.
Foundation
Ang foundation— isang araw na kaguni-gunita. Unang tapak mo sa panibagong buhay. Sa pagkakaposisyon mo sa piling ng maraming tao. Nakipagkilanlan ka… araw na nabuo ang samahan. Ang foundation— grupong magkakasabay at magkakasamang tumatahak Sa landas na tutukoy sa hinaharap. Nag-umpisa, nangangakong magiging matatag. Tumagal ka… subalit rumurupok ang katibayan. Ang foundation— haliging sumusuporta sa gusaling matayog. Kumakapit at nagbubuhat sa samahan. Ikaw na nagtatag, ‘di naglaon ay umalog. Bumibigay ka… ngunit hindi mo maipakita ang lamat. Ang foundation— palamuting nagtatakip sa tunay na pagmumukha. Hindi na maipagkakaila na nagpapanggap na lang. Pekeng tagapagdala, ngayon alam na ng lahat. S’ya nga pala, bawal ang plastic sa Lucban.
“most things are not yet done, not yet finished but it does not end there.�
Bringing Hell to Heaven
Clouds to flames. Cotton to ashes. Scattered bodies. Deeply rooted on the ground. Chopped into pieces. Mercy is not an option, not even a piece of chance. Breaking the silence, the land of Maguindanao trembles the whole archipelago. Bloody flesh of innocent souls (politicians, mediamen and other civilians) were mixed with the soil. Grief became the next episode. Death of many innocent people occurred due to the existence of brutal minds in connection with a greedy political desire. On their way for the filing of candidacy, the scythe of merciless killing came their way, changed the most momentous event into a horrifying one, and ended all their lives. This was considered as the deadliest single attack or massa-
cre in the country. The Satan of all evil, the one who had drawn the whole plan for this epic mass death to happen, was jailed but still finds himself as not guilty. Although evidences strongly point him out, he still refuses to tell the truth. Where have his conscience gone? How can one sleep while having a nightmare of souls twhispering for justice? Justice, when will it prevail? As we reminisce the Maguindanao massacre after three years, most things are not yet done, not yet finished but it does not end there. The killings took place in just a moment but why does it need so many years to pass before the search for justice and truth to happen? Only one blood runs through our veins. We are Filipinos and we are interconnected with each other. Everything that happens affects everyone. Responsibility is enough to sense and take into actions the duties that lie in each bare hand. After those people who suffered from the fires of hell during their death, save them from the fires of hell during their death, pray for them to be delivered through the clouds leading to the kingdom where they should belong after their long journey on earth. Dirty politics, brutal killings, delay of justice, not again, not anymore.
“...patuloy na manganganak ang bawat salitang binitiwan natin...”
Isinulat ko ang liham na ito nang bukal sa aking pusong nagpupumiglas at isipang kumakawala. Nawa’y namnamin mo ang bawat salitang ibinulwak ng pluma sa papel. Noong una tayong nagkita, alam kong natanto mo na ako’y nahulog sa iyo. Ang hindi ko inaasaha’y umibig ka rin sa akin. Alam ko na noong una pa man ay isa ako sa mga pinakawirdong taong nakilala mo. Unang-una kasi, aktibista ako, palasama sa rally, dala-dala ang plakard habang isinisigaw ang layunin ng organisasyon. Pangalawa, dahil sa iba-iba kong pananaw sa buhay at sa mundo. Halos itakwil ako ng relihiyoso mong pamilya nang makita ako sa TV habang ipinaglalaban ko ang pagsang-ayon sa RH at Divorce Bill. Ngayong nasa likod ako ng rehas na bakal, na pumipigil sa aking makapiling ka, nangungulila ako sa yakap mong pantanggal sa init ng ulo na dulot ng mga tiwaling pamamahala ng gobyerno at sa halik mong dinaig pa ng mga pagkagat ng buwayang pinuno. Gayunpama’y nararamdaman ko pa rin ang katapatan mo at nais kong malaman mo na tapat din ako sa ‘yo. Ang bawat titik sa liham na ito’y hindi lamang buga ng puso bagkus ito’y ideya ng katoto-
Liham ng isang tibak
Iska,
hanan at katapatan ko sa iyo. Baka mamaya’y may lubid nang nakatali sa aking mga kamay at hindi ko na mahawakan ang iyong malalambot na palad. Baka bukas ay nakasilid na sa sako ang aking ulo at hindi ko na masulyapan ang ganda ng mundo at ang yumi ng iyong mukha. Baka sa susunod tumigil na ang puso ko sa pagtibok bagkus ang pagsigaw nito sa pangalan mo kailanma’y hindi hihinto. Hindi man tayo nagbunga ng mga bagong henerasyon sa ating lahi subalit patuloy na manganganak ang bawat salitang binitiwan natin na magbubunga ng mga makaturangang salinlahi. Hindi ko hinangad na paniwalaan mo na wala akong sala dahil tulad mong umiintindi sa akin, nais kong maniwala ka sa pinaniniwalaan ng iyong puso at diwa at higit na intindihin ang sarili mo kaysa sa akin. Hindi ko man mapatahan ang mata mo sa pagluha, hindi ko man mapangiti ang labi mong malungkot, sana’y takpan mo ang iyong mga mata sa sandaling ako’y lumisan sa masalimuot na mundo na panandalian mong ginawang isang paraiso. Dahil sa pag-akyat ko sa langit o pagbaba ko sa mainit na impyerno, kahit sandali’y hindi ko ninais na makitang may tumulong luha sa iyong mga mata. Basta’t iyong tandaan na sa lahat ng pagbabagong hinangad ko, pag-ibig mo ang hindi ko ginustong magbago. Sa lahat ng adhikain ko, puso mo ang aking ninais at sa lahat ng ipinaglalaban ko, ikaw ang iniisip ko. Ito ay para sa ‘yo, sa bayan, sa mga mahal natin sa buhay at sa susunod pang mga henerasyon. Adios.
Lucio
Nagmamahal,
Talababa: tibak -aktibista
[1]
“...mabuti na ‘yong dinala tayo sa paraang gusto natin...”
Nang aking mabasa ang liham mo ay agad na huminto ang takbo ng isip kong nakatuon sa kawalan. Bumagal ang bawat sandali at tila ang luhang pumapatak sa tinubuang lupa ay magdudulot ng mga magagandang bulaklak. Aking minamahal, kung iyo lamang nababatid na sabik na akong makita ka at madama muli ang alab ng ‘yong pagmamahal. Nais kong muling matikman ang tamis ng iyong mga labi at makadaupang-palad ang iyong kamay. Subalit o aking sinta, pilit kong inaalis ang aking pagkakagapos sa malupit na lipunan. Wala akong magawa. Wala akong maisip na paraan. At kung nalalaman mo lamang, pilit akong inilalayo sa ’yo ng aking mga magulang. Matindi ang galit nila sa katulad nating mga tibak ‘pagkat ayaw nila sa panukalang RH at Divorce Bill bunga ng relihiyosong paniniwala ng aming angkan. Ngunit hindi maikakaila na sa pagiging banal nila ay nakakubli ang lobong maninila. Ang bawat sahod ng mamamayan, ang kanyang pinaghirapan at tinipon ay napunta lamang sa bulsa ng aking ama. Ang aking ina naman ay walang ibang ginawa kung hindi makipaghimasan sa baraha at
pagtugon sa Liham ng isang tibak
Ka Lucio,
makipaglaplapan sa bote ng alak. Patuloy na tumitindi ang mga katampalasanan ng ating pamahalaan. Patuloy nilang pinapatay ang pangarap ng ating mga kabataan at inaalisan ng karapatan ang bawat mamamayan. At dahil dito aking sinta, agad na nabuo sa aking sarili at damdamin ang pagkamakabayan, ang rebolusyon. Nabuhay ang aking diwa at kaluluwa na handa nang maging kalaban ng kasamaan at kabulukan. Ilang tao na ang nahihirapan. Ilang tao na ang hindi makapagpagamot sa doktor dahil sa mahal na bayad sa ospital. Ilang tao na ang napagbintangan. Ilang tao na ang nakitil ang buhay. Ilang kabataan na ang nasira ang pangarap. O aking sinta, tama ka na ang rebolusyon ang tanging solusyon sa kabahuan ng nasyon. Hindi tayo lalaban gamit ang baril, itak o ang sibat sapagkat ang pluma at panulat ay may walang-hanggang lakas sa paghingi ng katarungan at kalayaan. Sinta ko, sama-sama tayo, sa langit man o impyerno. Hindi tayo matatakot, masisindak o manlulupaypay man. Bakit tayo titikom kapag may busal na ang ating bibig, bagkus pilitin nating maihiyaw ang hinaing ng mamamayan. Tayo ang boses nila. ‘Wag tayong titigil sa paggawa kahit may posas sa ating kamay dahil nasa atin ang paggawa tungo sa pagbabagong ating hinahangad. Ikaw ang inspirasyon ko sa paglaban kong ito. Pantay-pantay tayong lahat. Walang mahirap o mayaman. Lahat tayo’y may karapatan. Aktibista ka, aktibista na rin ako, katulad ng mahal kita at mahal mo ako. Kung ano ang hinihiyaw ng puso at damdamin mo, gano’n din ang sigaw ng sa akin. At kung dalhin tayo ng kamatayan sa ating patutunguhan, mabuti na ‘yong dinala tayo sa paraang gusto natin, sa paraang ipinaglaban ang dapat ipaglaban, sa paraang ibinulalas ang dapat isambulat. Hindi natin sila gagantihan ng isa pang kasalanan dahil ang Diyos na ang huhukom sa kanila. Lubos na Sumasaiyo,
Iska
Do’n marami nang may paborito Ng kanyang El bimbo. Nakasisindak. Nakapaninindig. Sabayan pa ng elektronikong mga ilaw— Pula, puti, dilaw. At paningin ko’y umitim. Tangay sa kamay Ang basag na bote ng branded-beer. Ngayon, si Paraluman Nakatingala sa poste ng ilaw— Ng kaligayahan.
Huling Pabibo
Natandaan ko pa si Paraluman. Bata pa kami’y kasunod na ng kanta Ang kanyang mga braso at baywang. Ngunit siya’y lumayo at nagtungo Sa nakakabulag na siyudad.
May-akda
Ang mga
Kaye Ann E. Jimenez Hindi ako naniniwalang galit ‘yang nararamdaman mo sa kaaway mo. Takot ‘yan. Natatakot ka na baka matalo ka niya. Hindi sa Katahimikan Nagtatapos ang Digmaan | Hindi Pala Ako ang Mahal Mo|Lights, Bicameral, Action|Unsweetened Home
Mikhail Andrew O. Lozada You can love your country without loving your government. –feeling irritated. Doble-Kara|Magsasaka|Para sa Bayan
John Ryan L. Banaag The writer and artist is the engineer of the human soul.
Melody D. Lunario H‘wag mong hayaang umikot ang mundo mo sa iisang tao dahil maraming moon ang Jupiter. Green I Ought
Zambo* |Kalam*| Durungawan
Carlo Olyven H. Bayani
w
Iba ‘yong totoo sa tama, katulad ng pagkakaiba ng tawa sa tuwa—at Apartment sa Circle. Gising|Korapsyon|Hindi Sapat ang Pluma
Jommel C. Dando Madali lang naman talaga magsulat. Para ka lang nalulunod. [Mis]relaxed|No Jaywalking|Sandata|KLSP
Edilberto R. Fuerte I believe that everyone is beautiful/handsome. A strong belief, an even stronger imagination. #artistaako Coincide*
Judith R. Garcia It’s nice to see a complete sentence, rather than seeing a phrase that’s completely hanging and doesn’t make any sense. Biktima
Faith P. Macatangay Mataas ang pader sa paligid, munting pagasa lang ang natatanaw. Hindi ‘Yan Bago sa Mata|Pasaliwa |Kinulob na Hamog
Aljin Chris C. Magsino Ang kadakilaan ng sining ay nababatay sa uri ng digmaang kanyang binubuhay. Pasko Sa Buwan ng Pebrero|Kultura| Biktima*|Korapsyon*| No Jaywalking*|Para kay K*
Jeric M. Mirandilla I’m not weird, I’m just too gifted. Education For Sale|Chop and Change|Sa Pagpula ng Gabi|Ako’y May Narinig
Rammel F. Mistica
Your worth is more than what people think of you.
Buhay Bata*|Lights, Bicameral, Action*
Danna Marie R. Obmerga
*art/photo
Beauty is something that you appreciate when you look at the mirror — feeling pretty. Near to End*|Kultura*|On This Site* |Knot of Burning Hope*
Jomari L. Padillo
May mga bagay talaga na tanging ang mga salitang walang tinig at kilos na hindi galaw ang makapagpapaliwanag. — feeling deep. # bakitampogiko Sandalangin|Lapag*|Unsweetened Home*
Justine A. Panganiban My attitude is the result of your action. So, if you don’t like my attitude BLAME YOURSELF! #ANNOYED Diklap
John Mark I. Perez
May tamang panahon sa lahat ng bagay, kaya kasama talaga sa buhay ang maghintay at magtiis. Liham Pag-ibig|Palit-bihis|Para kay K|Buhay-Bata|On This Site|[Coin]cide
Ross Emmanuel B. Pinili
Rich, genius, playboy, philanthropist. Rich? Sa friends at blessings, oo. Genius? Average I.Q. lang e. Playboy? Torpe nga, NGSB pa! Philanthropist? Yeah, trying hard to be one. Kamalayan: Isang Tanaga|Knot of Burning Hope|Durungawan*
Marvin R. Rivere Pwede ‘yon, ayaw mo lang. — feeling sleepy. Langit, Lupa, Impiyerno|Muntik Pa Kitang Magahasa|Lapag|69 |Kalahating Oras ng Vice City|69|Medalya’t Bihon|Foundation
Kristine C. Rodriguez Last night, I lost the world and gained the universe. [Mis]relaxed*
Maria Carmela R. Sinag
Anung pinagkaiba ng RICH KID at POOR KID? #Paki-explain. Labyu! Nahulog na Bituin
Kayper E.Subeldia I don’t care if someone is against me, I care about my choices. Shame on you. I’m not accepting any of your garbs. A Faint Light
Mark Angelo M. Tiusan
There are those who say fate is something beyond our command that destiny is not our own. But our fate lives within us. You only have to be brave enough to see it.
Appear Disappear One-half One-Fourth|Kriminalidad at Lipunan: Isang Sonata|Kasalanan Ko Ba|Bringing Hell to Heaven
John Paul R. Villaverde Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito... Quit playing games with my heart. — feeling sexy Whistle|Double-Dead|Sa Lungsod ng Pag-asa|Pagtugon sa Liham ng Isang Tibak
Mga Kontribyutor
Mark Angeles Danael Z. Saberola Genesis O. Soriano Jayven Q. Villamater
Ikapitong Sundang: Mantitigbas Sipat ni Maricon Montajes Fill in the Dark Ganito Kami Sasalakay Huling Pabibo
beinte
the Spark
“Magsulat ka tungkol sa mga alam mo pero hanapin mo roon ang hindi mo pa alam.” — Ricky Lee
Mula sa damdaming nag-aalab sa ideyalismo at uhaw sa katotohanan ng mga kabataang-lider, iniluwal ang publikasyong TheSpark sa panahong bago pa lang umuusbong ang mga bagong larangan sa Kolehiyo ng Inhinyeriya. Kung babalikan, matutunghayan ang naging mabilis na pagbabago at pagtaas ng antas ng kamalayan ng mga inilalathala ng publikasyon mula sa mga usaping umiikot sa mga emosyon at buhay ng pagiging mag-aaral hanggang sa paglabas nito sa lipunan. Naging dramatiko ang mga yugto ng pagbabagong ito. Tulad ng isang anak na nagising mula sa pagkakahimbing sa mga bisig ng isang Ina, ang TheSpark ay namulat sa realidad ng mundo at nagnais ng pagbabago. Bumurak ang malapot at mulat na tinta at tinugpa ang malayang pagpapahayag. Natutong magsiyasat, kumilos at manindigan; sumulat at nagpahayag sa pamamagitan ng mas palaban at mas may nilalaman na mga likhang sining, larawan, at mga akda. Hinanap ang hindi pa nalalaman. Doon umusbong ang mga katotohanan na siyang tumighaw sa uhaw ng mga naunang Sparkista. Makalipas ang dalawang dekada, ang publikasyon ang naging saksi at instrumento sa pagmumulat ng mga kabataan sa kanilang tungkulin sa bayan. Ito rin ang naging daan upang makilala ang kanilang kakayanan na mabago ang takbo ng lipunan na ating ginagalawan. At sa kabila ng mga naging balakid sa pag-abot sa mga adhikaing nais matamo, hindi ito sumuko. Sa ngayon at sa susunod pang mga dalawampung taon, ang TheSpark, na siyang nagsisilbing opisyal na progresibong publikasyon ng mga mag-aaral sa Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon – Kolehiyo ng Inhinyeriya, ay mananatiling NAGTITIS, NAKIKIBAKA, KUMIKILOS, NAGMUMULAT KAYE ANN E. JIMENEZ at patuloy na IIBIG. Punong Patnugot
Patnugutang2013 - 2014
on
z Lu Opisyal na Progresibong Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimuga ng
The
Spark | Nagsisiyasat.Naninindigan.Kumikilos
ADDRESS: Publication Office, 1/F MHDP Bldg., Southern Luzon State University, Lucban, Quezon 4328 Philippines EMAIL: thespark.slsu@gmail.com WEBLOG: www.thesparkslsu.wordpress.com
KAYE ANN E. JIMENEZ, Punong Patnugot ALJIN CHRIS C. MAGSINO, Kapatnugot at Tagapamahala ng Sining MIKHAIL ANDREW O. LOZADA, Tagapamahalang Patnugot JOMMEL C. DANDO, Patnugot sa Pagwawasto DANNA MARIE R. OBMERGA, Tagapamahala sa Opisina at Sirkulasyon MARK ANGELO M. TIUSAN, Patnugot ng Balita at Isports MARVIN R. RIVERE, Patnugot sa Lathalain at Kultura FAITH P. MACATANGAY, Patnugot sa Panitikan RAMMEL F. MISTICA, Direktor ng Larawan at Bidyo JOHN MARK I. PEREZ, Direktor ng Disenyo ng Pahina JOMARI L. PADILLO, Direktor ng Onlayn na Pamamahayag EDILBERTO A. FUERTE|MARYVINEY F. NAVARRO JUSTINE A. PANGANIBAN|KAYPER E. SUBELDIA Mga Kawani KRISTINE C. RODRIGUEZ Katuwang na Kawani Allyzha Mae T. Anday|John Ryan L. Banaag Carlo Olyven H. Bayani|Neil Aldren V. Dator Judith R. Garcia|Melody D. Lunario|Jeric M. Mirandilla Ross Emmanuel B. Pinili|Maria Carmela R. Sinag John Paul R. Villaverde Mga Baguhang Kawani ENGR. MARIA CORAZON B. ABEJO|ENGR. MAURINO N. ABUEL Mga Teknikal na Tagapayo ENGR. GERARDO B. GONZALES Dekano, Kolehiyo ng Inhinyeriya Member: College Editors Guild of the Philippines (CEGP)
Inhinyeriya ng iyo h ole -K
The
Spark
Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon - Kolehiyo ng Inhinyeriya