1 minute read

MGA KABABAIHAN, NANGUNA SA PAGMAMARTSA BILANG PAGGUNITA SA IWWD

ELVIA NICOLE AGUACITO

Nagmartsa ang iba’t ibang sektor at unyon ng mga kababaihan mula Liwasang Bonifacio patungong Mendiola sa pangunguna ng Women Workers United upang gunitain ang pandaigdigang araw ng kababaihang anakpawis, ika-8 ng Marso.

Advertisement

Pinasinayaan ang programa sa Liwasang Bonifacio na pinangunahan ng mga kababaihan sa iba’t ibang sektor bitbit ang panawagang “Sahod, Trabaho, Pampublikong Serbisyo, at Karapatan” bilang hamon sa pagtugon ng administrasyong Marcos, Jr. sa patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at ang pagsupil sa mga kababaihang manggagawa sa karapatang mag unyon.

“This year’s International Working Women’s Day is a challenge for us to push these issues in the front and center, to confront the Marcos administration to address our demands as working women,” pagtindig ni Clarice Palce, Secretary General ng Gabriela.

Binigyang diin ng mga progresibong sektor na sa kabila ng taunang paggunita ng ika-8 ng Marso ay nananatili pa rin ang paglaganap ng hindi makataong kondisyon at pagtrato sa kababaihang manggagawa sa bansa.

“Even if women make up half of the country’s workforce, their labor participation remains low, at 53.3 percent compared to 74.9 percent for their male counterparts. This means that their role in running the economy is still not acknowledged,” giit ni Jacq Ruiz, tagapagsalita ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan.

Bilang karagdagan, binanggit ng

Gabriela ang kinakaharap ng mga kababaihan sa ilalim ng pamamalakad ng administrasyong Marcos, Jr. kung saan laganap ang red tagging at panliligalig sa kabila ng kanilang pagtindig laban sa inhustisya na kanilang kinakaharap.

Ipinanawagan din ang paglaya ng mga kababaihang bilanggong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Marcos, Jr. kung saan tinatayang nasa 160 ang bilanggong pulitikal na iligal na ikinulong at pinatawan ng mga gawa-gawang kaso sa iba’t ibang mga bilangguan sa bansa. “There are many other women who have been victimized as they suffered economic and social dislocation due to aerial bombings, artillery attacks, militarization and the demolition of their communities,” pahayag ng Karapatan.

Sa kalagitnaan ng pagmamartsa ng mga progresibong sektor ay agad itong hinarangan ng kapulisan. “Tabi, tabi, dadaan kami,” ang naging kolektibong sigaw ng mga kababaihan sa patuloy na pagmamartsa hanggang sa matiyak nito ang daan patungong Mendiola.

This article is from: