2 minute read
NLEC BILANG BUNGA NG HILAW NA BALIKESKWELA
Sa pagpasok ng taong panuruan 20222023, lubhang naisiwalat ang kakulangan ng kahandaan ng sektor ng edukasyon sa muling pagbubukas ng mga paaralan at pamantasan. Hindi mahihiwalay dito ang kasalukuyang danas ng masang PNUans buhat ng inilunsad ang Normale Lectures (NLec), ang bagong kurikulum na ipinataw sa mga first year students, bilang transisyon ng moda ng klase sa ilalim ng programang Kaway Aralan sa Bagong Kadawyan.
Kaltas badyet, kaltas kalidad
Advertisement
Kumpara sa normal na istraktura ng klase, binubuo ito ng mas maraming bilang ng estudyante sa isang silidaralan. Tinatayang 100 na mag-aaral ang inilagak sa bawat seksyon at naghahati-hati sa tigtatlong guro kada kurso. Ininda ng mga PNUans ang balibaliko at malabong panuntunan mula sa administrasyon na nagbunga ng sanga-sangang problema, gaya ng ‘di makataong bigat ng gawaing pangakademiko, pagkalito ng mga kaguruan, kakulangan ng organisasyon sa klase, at kompromiso sa pakikilahok at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Gayunpaman, hindi nalalayo ang laban natin sa kasalukuyang dagok na hinaharap ng Inang Pamantasan. Hindi lingid sa ating kaalaman ang pagtatapyas ng P10.9 milyong panukalang pondo ng estado sa institusyon na kung tutuusin ay kapos upang magampanan ang mandato nito bilang NCTE.
Libro, hindi bala
Ang NLec ay isang panandaliang tugon o band-aid solution sa lumulobong krisis pang-edukasyon at kawalang aksyon ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng sektor ng edukasyon. Ang nakaltas na milyong badyet ay malaking tulong upang matugunan ang mga suliraning kinakaharap ng masang PNUans, gaya ng pagpapatayo ng imprastraktura, pagdaragdag ng sahod sa mga kaguruan, pamamahagi ng mga learning materials, at pamimigay ng pinansyal na ayuda sa mga Iskolar ng Bayan.
Sa halip na gumasta sa mga makabuluhang proyektong pangedukasyon, pagbibigay subsidiya sa mga pampubliko at pampribadong paaralan, at pagtugon sa pangangailangan ng mga guro at mag-aaral nito, pilit na niraratsada ng gobyerno ang anti-demokratiko at anti-estudyanteng panukala gaya ng Mandatory ROTC, budget cuts, at militarisasyon sa mga paaralan.
Kagaya ng panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa DepEd na tumanggap ng 30,000 na guro kada taon, panawagan din itong dagdagan ang mga instructors sa institusyon upang makamit ang angkop na class size kada silid-aralan. Kung paglalaanan lamang ng gobyerno ang sektor ng edukasyon ng sapat na badyet, mas maraming maipatatayong imprastraktura na susuporta sa mas maraming bilang ng mag-aaral.
Pandemya ng neoliberal na edukasyon
Manipestasyon ito ng mas lumalalang krisis na pumapatay sa pangarap at kinabukasan ng bawat kabataang Pilipino. Sa umiiral na sistema ng Neoliberalismo, masisipat natin ang panggigipit ng pamahalaan sa mga state universities and colleges (SUCs) upang magbigay puwang sa
GELINE DESPABILADERAS pribatisasyon sa halip na palakasin ang mga batayang serbisyo gaya ng kalusugan, edukasyon, transportasyon, at pabahay. Pinananaig nito ang bulok na sistema ng pagtuturo at pagkatuto sa pamamagitan ng mga walang pakundangang patakaran, tambak na gawain, at kawalang malasakit sa tunay na danas ng sektor ng edukasyon. Bukod pa rito, itinuturing nitong makina ang mga mag-aaral at ikinukulong ang mga ito sa ilusyon ng masikhay na edukasyon habang gumagapang sa ngalan ng huwad na karangalan at walang katuturang kompetisyon.
Isang malaking hamon ang nakaatang sa Inang Pamantasan na suriin ang konkretong kalagayan ng masang PNUans, pakinggan ang kanilang panawagan, at humanay kasama ng mga ito. Bilang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro, nararapat lamang nitong tanganan ang responsibilidad na ipaglaban ang karapatan ng bawat mag-aaral, isulong ang dagdagsahod at benepisyo ng mga kaguruan, igiit ang Ligtas na Balik-Eskwela, at itaguyod ang libre, makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon.
KUHA NINA: ELI OCCEÑO
GELINE DESPABILADERAS
RUSSEN JAY REYES
YNA RAYMUNDO
ABBIE JOY SALON
ELVIA NICOLE AGUACITO