1 minute read

ACT, HINIKAYAT ANG DEPED PAIKLIIN ANG SCHOOL DAYS AT ISULONG ANG SUMMER BREAK

estudyante at kaguruan ang nakakaranas ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at pagdurugo ng ilong dahil sa init.

Matatandaang isinugod sa ospital ang mahigit 100 na estudyante sa Cabuyao, Laguna matapos ang isang biglaang fire drill kung saan ilan sa kanila ay nawalan ng malay dulot ng matinding gutom at pagkauhaw.

Advertisement

Natukoy din sa survey na ang karamihan sa mga silid-aralan ay naglalaman ng mahigit-kumulang 50 na estudyante na gumagamit lamang ng bentilador upang maibsan ang init dito.

Idinagdag din ng ACT na hindi sapat ang blended learning bilang tugon sa problema ng kakulangan sa silidaralan dahil ipinapasa lamang nito ang suliranin sa mga magulang.

“Is the government willing to provide gadgets and internet support to every learner? It is not exactly an efficient solution to classroom shortage as it would cost about P280 billion to provide the 28 million learners with tablets alone, which are likely to malfunction in two to three years. Such amount is better invested in the construction of 140,000 classrooms.

We really cannot see the logic behind this proposal,” pagtindig ni Quetua.

Matapos magsagawa ng imbentaryo ng mga silid-aralan, matatandaang naunang nagpahayag si Epimaco Densing III, pangalawang kalihim ng DepEd, ng suliranin sa kakulangan ng itinatayang 91,000 na silidaralan, hindi pa kasama ang mga nangangailangan ng pagkukumpuni.

Iginiit ng ACT na walang basehan ang pahayag ng DepEd na ang taunang pagtatayo ng 50,000 na silid-aralan ay imposible dahil mahigit 100,000 ang silid-aralan na naitayo mula 2014 hanggang 2016.

“From 2014 to 2018, the budget allocations for classroom construction ranges from P39 billion to P109 billion yearly. It has been done and it can be done if only the current administration was sincere in addressing the classroom crisis,” dagdag pa ni Quetua.

Ang DepEd ay nakatanggap ng P710.6 bilyon na budget ngayong taon, ngunit P15.6 billion lamang ang itinalaga para sa pagtatayo ng mahigitkumulang 6,000 na bagong silid-aralan. Bukod pa sa mga nabanggit nang suliranin, ang panukala ng grupo ay naglalayon ding bigyan ng karampatang pahinga ang mga guro.

“Our proposed schedule also ensures two months of school break for teachers and learners, which have been increasingly shortened in recent school years, depriving teachers of their right to ample rest and time to recuperate from the grueling work for more than ten straight months without sick leave nor vacation leave benefits,” paliwanag ni Quetua.

Dagdag pa nito, hindi na kaya pang ipagpatuloy ang pagpasok sa paaralan kasabay ng tag-init dahil naaapektuhan na nito ang kalusugan ng mga mag-aaral at kaguruan.

“We cannot afford to stick to the current schedule that we have right now as it is affecting the health and welfare of our teachers and learners, consequently impacting negatively as well to learning outcomes,” giit ni Quetua.

This article is from: