4 minute read
“RAPE“, KINUNDENA NG MGA PROGRESIBONG GRUPO
Mariing kinundena ng mga progresibong grupo ang pahayag ng Korte Suprema hinggil sa teknikal na saklaw ng kasong panggagahasa dahil sa kawalang hustisya at inihahain nitong kapahamakan sa mga biktima.
Nag-ugat ito sa kamakailang paghatol ng statutory rape sa nakabinbing kaso ni Efren Agao noong 2014 matapos abusuhin ang 10 taong gulang na anak ng kanyang kinakasama, dahilan upang maglabas ang Korte Suprema ng paglilinaw tungkol sa hatol sa korte pagdating sa mga kaso ng panggagahasa.
Advertisement
Ang “rape” ayon sa Korte Suprema
Binigyang linaw ng Korte Suprema na anumang pagdampi o paghaplos ng ari ng lalaki sa ari ng babae ay maituturing nang panggagahasa.
“Mere introduction, however slight, into the cleft of the labia majora by a penis that is capable of penetration, regardless of whether such penile penetration is thereafter fully achieved, consummates the crime of rape,” paliwanag ng Korte Suprema.
Binigyang diin din ng Korte Suprema ang saklaw ng panggagahasa sa kaso ng mga biktimang nasa pre-puberty stage pa lamang.
“For child victims in the pre-puberty age, the genital contact threshold for a finding of consummated rape through penile penetration is deemed already met once the entirety of the prosecution evidence establishes a clear physical indication of the inevitability of the minimum genital contact threshold as clarified here,” dagdag pa ng Hukuman.
Inilahad ang mga sumusunod bilang batayan ng hukuman sa sakop ng nasabing krimen “(i) when the victim testifies she felt pain in her genitals; (ii) when there is bleeding in the same; (iii) when the labia minora was observed to be gaping or has redness, or otherwise discolored; (iv) when the hymenal tags are no longer visible; or (v) when the sex organ of the victim has sustained any other type of injury.”
Rape is rape
Binigyang diin ng General Assembly Binding Women for Reform, Integrity, Equality, Leadership and Action (GABRIELA) na hindi nakatutulong sa mga biktima ang mga teknikal na probisyon ng korte bagkus, mas pabor pa ito sa mga may sala.
“While providing greater protection for the accused, it potentially provides an even more agonizing prospect for victims who now will have to face the torment of debates over millimeters,” giit ng GABRIELA sa isang pahayag ilang araw matapos maisapubliko ang kapasiyahan.
Giit pa ng GABRIELA, ang kapasiyahang ito ang magtutulak sa mga biktima na manahimik at pipigil sa kanilang isuplong ang karanasan sa karahasan dahil sa mga teknikalidad na hinihingi upang mapuntanayan ang akto ng may sala.
“With this ruling, women would now have the added burden of very specifically demonstrating beyond reasonable doubt that her rapist penetrated ‘into her labia minora’ for the court to consider it to be rape. We have no doubts that there would be even more rape victims forced into silence following this decision,” pahayag ng organisasyon.
Pinuna ni Clarice Palce, Secretary General ng GABRIELA, ang digri ng rape at attempted rape mula sa pahayag ng korte na nakabatay sa lebel ng paglapat ng mga maseselang bahagi ng katawan at hindi sa pagyurak sa dignidad ng mga biktima nito.
“Rape is rape. No matter the nature or specifics, rape is a violation of a person’s humanity,” pagdiin ni Palce.
Ayon kay Palce, ang mga teknikal na pasiya ng Korte Suprema ay magdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa mga kababaihan, ngunit pati sa mga kabilang sa sektor ng LGBTQIA+ na biktima rin ng mga sekswal na karahasan.
“There are women who either do not possess vaginas as in the case of non-op transgender women, women with undeveloped genitals, intersex women, and more who face the reality of sexual violence,” ani Palce.
Dagdag pa nito, nagpapakita lamang ng kawalan ng Korte Supreme ng kakayahang maunawaan ang bigat ng panggagahasa bilang isang mapangahas na pagyurak sa karapatang pantao ng mga biktima nito.
“The Supreme Court’s decision reeks of the complete inability to grasp what makes rape a heinous crime: not an offense on ‘honor’ or ‘sanctity’ of a vagina, but an offense on consent of the woman as a human being—something that no amount of overdetailing on the nature of the act based on body parts and crass anatomy will ever capture,” pagwawakas nito.
Krimen sa dignidad
Nagpahayag din ng hindi pagsangayon si Senior Associate Justice Marvic Leonen sa paglilinaw ng korte at iginiit na pagmamaliit ito sa krimen ng panggagahasa na hindi lamang isang pagdungis sa dangal, kundi paglabag sa permiso ng isang indibidwal, gamit ang dahas.
“The prevalence of physical violence in many rape cases shows that sex is used as a weapon to assault a person. It is not so much a violation of chastity as much as it is a violation of dignity through degradation and humiliation that often results in ‘severe, long-lasting physical and psychic harm’,” pagbibigay diin ni Leonen.
Ayon kay Leonen, walang kinalaman ang digri ng paglapat ng ari ng lalaki sa ari ng babae upang tukuying ang lebel ng panggagahasang natamo ng biktima nito.
“There is no such thing as attempted rape. All rape is rape. All rape violates dignity. The finer points of the parts of the vagina touched by the penis is irrelevant,” dagdag pa nito.
Para sa Senior Associate Justice, hindi progresibong hakbangin ang kapasiyahan ng Korte Suprema at nagmimistulang pahintulot lamang sa pagtrato sa mga kababaihan bilang sexual objects na nakabatay ang halaga sa ari at sa pakinabang nito sa mga kalalakihan.
“I remain firm in my view that the reconceptualization of rape, and our more gender-sensitive laws and legal lenses, require us to examine human sexuality and sexual acts as more than just unwanted penile penetration,” dagdag pa ni Leonen.
“We urge the Supreme Court to remember that this ruling is set against the backdrop of a country where rape victims struggle as it is to find the courage to speak up and seek justice,” panawagan ng GABRIELA.