3 minute read

PATULOY NA BINABANTAYAN

ng Agutaya sa Palawan ang langis na tumagas mula sa MT Princess Empress.

Mahigit isang buwan na ang nakalipas nang lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress na nagdulot ng oil spill sa Oriental Mindoro at sa ilang karatig probinsya. Ano na ang kalagayan ng Oriental Mindoro? Narito ang timeline ng mga kaganapan mula nang lumubog ang nasabing oil tanker.

Advertisement

FEBRUARY

Lumubog ang MT Princess Empress na may laman na 800,000 litro ng industrial fuel sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), galing sa Limay, Bataan ang motor tanker na may sakay na dalawampung tauhan at patungo ito sa Iloilo nang mag-overheat ang makina nito sa Balingawan Point.

MARCH

Idineklara ng PCG na tuluyan nang lumubog ang MT Princess Empress batay sa isinagawa nilang aerial search. Kaugnay nito, ipinadala ng PCG ang BRP Melchor Aquino na mayroong oil spill boom at ang CGH-1451, isang airbus helicopter, upang rumesponde sa MT Princess Empress. Sa kabila nito, nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Oriental Mindoro sa RDC Reield Marine Services, kompanyang mayari ng nasabing barko, upang

MARCH

MARCH 06

Nagbanta si Mayor Jennifer Cruz na kakasuhan nila ang opereytor ng oil tanker na nagdulot ng oil spill sa kanilang bayan. Ayon kay First District Rep. Arnan Panaligan, posibleng paglabag sa Oil Pollution Compensation Act at iba pang batas na may kaugnayan sa kalikasan ang isasampang kaso laban sa RDC Reield Marine Services.

MARCH 10

Ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard, umabot na sa baybayin ng Taytay, Palawan ang oil spill, 295 kilometro mula sa pinagmulan nito sa Oriental Mindoro. Humigit kumulang 14,000 na mangingisda at mga indibidwal na apektado ng oil spill ang target bilang mga benepisyaryo ng cash-for-work ng gobyerno na ipapatupad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

MARCH 14

Inuri ang oil spill bilang Tier 2 na nangangahulugang mas malaki ang lugar na apektado nito at nangangailangan ng agarang tugon mula sa gobyerno. Bilang tugon, P20 milyon ang naipamahagi bilang cash aid permit o Certificate of Public Convenience (CPC) ang RDC Reield Marine Services Inc. na nagbibigay pahintulot para makapaglayag ang MT Princess Empress. Ayon kay MARINA Administrator Hernani Fabia, hindi pa nailalabas ang aplikasyon ng RDC dahil kulang pa ang mga dokumento para amyendahan ang kanilang CPC. Ikinabahala ito ng senado dahil mahihirapan silang makakuha ng kompensasyon sa insurance company na gagamitin para sa mga apektadong residente.

MARCH 20

Kinumpirma ng PCG na umabot na sa isla ng Verde sa Batangas ang oil spill. Bagamat walang bakas ng langis sa dagat base sa aerial inspection ng PCG, tatlong barangay ang nananatiling apektado ng insidente. Batay sa datos ng gobyerno, mahigit 32,000 na pamilya o 149,000 na mamamayan ang apektado ng oil spill habang 189 na residente ang nagkasakit.

MARCH 21

Kinumpirma ni Oriental Mindoro

Governor Humerlito Dolor na ang MT Princess Empress ay natagpuan na sa pamamagitan ng survey ng remotely operated vehicle (ROV) mula sa Japan, na nagsimula ng operasyon nito noong Lunes.

MARCH 24

Humingi ng tulong ang PCG sa International Oil Pollution Compensation Funds (IOPCF) upang palakasin ang clean up operation ng bansa sa nangyaring oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro. Ayon sa pahayag ng PCG, ang tulong mula sa IOPCF ay binubuo ng dalawang organisasyon, ang 1992 Fund at ang Supplementary Fund, na nagbibigay ng tulong pinansyal para sa pinsala dulot ng mga tanker oil spill, ay makatutulong na mapabilis ang pagkuha ng mga ROVs upang gamitin sa cleaning operation ng mga apektadong lugar.

MARCH 25

Sa naganap na pagpupulong sa Camp Aguinaldo, napagplanuhan ng National Disaster Risk Reduction

MARCH 27

Umabot na sa 176,000 na indibidwal ang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Binahagi ng NDRRMC na ang pinakamalaking bilang ng mga apektadong residente ay mula sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan) Region na mayroong 138,043, na sinundan ng Western Visayas na mayroong 27,145, at ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon Province) na may naitalang 7,740. Kaugnay nito, nasa 9,463 na litro ng langis at 115 na sako ng mga kontaminadong materyales na ang nakolekta ng PCG sa kanilang cleanup operations.

MARCH 29

Nanawagan ang Stop the Oil Spill (SOS) Coalition sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng Bureau of Customs, MARINA, Philippine Coast Guard, at Office of the Civil Defense, ng transparent at agarang aksyon para mapigilan ang oil spill. Ayon sa SOS, nais nilang panagutin ang mga responsable sa oil spill na patuloy na kumakalat sa mga apektadong lalawigan at masigurado na mayroong sapat na kompensasyon at plano sa pagpapabuti ng mga apektadong komunidad at biodiversity. Binubuo ang bagong koalisyon ng mga kinatawan ng Protect VIP (Verde Island Passage) Network, Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), Oceana Philippines, Greenpeace Philippines at ng mga apektadong komunidad sa Oriental Mindoro at Batangas.

MARCH 30

Dahil sa malawak na pinsala mula sa Oriental Mindoro oil spill, maaaring hindi maging sapat ang insurance coverage ng lumubog na MT Princess Empress oil tanker upang bayaran ang lahat ng claim na may kaugnayan sa kalamidad. Sa ilalim ng 1992 Civil Liability Convention (1992 CLC) at ng International Oil Pollution Compensation Fund 1992 (1992 Fund) ang mga biktima ng polusyon sa langis ay may karapatan na

MARCH

This article is from: