DAAN L E P A P E D I
s a n g A k ikon a d m e
gE
-
Po
rtf
olio
IN NI T A L U S A MG
Y N A F TIF N O Y A J CA
FILIPINO SA PILING LARANG: INTEGRATIVE OUTPUT #3
DAAN
DE PAPEL KOLEKSYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN [ REPLEKSIYON NG SARILI ]
Ipinasa ni:
TIFFANY E. CAJAYON - ABM24 Ipinasa kay:
BB. LARA G. LOPEZ Araw ng pasahan:
IKA-25 NG HUNYO 2022
O L G O O R P Ang “Daan de Papel” ay inspirado ng jargon sa Ingles na “paper road”, kung saan ang kalye o lansangan ay nakikilala sa mapa ngunit hindi pa naitatayo sa pisikal na anyo. Ito ay maaaring parte na ng kamalayan ng iilan, maging ng mga survey plan, ngunit wala pang tiyak na landas o purpose. Ang titulo ng portfolio na ito ay nagsisilbing metapora sa mga daan na tinatahak ng awtor. Habang nagtatagal ay kaniyang napagtatanto na, gaya ng papel, ang mga kapalaran ay umiiral sa iba’t ibang anyo—may iba’t ibang kayarian, texture, at silbi—na minsan ay tila nagugupit, napupunit, nalulukot, o natatapon, ngunit hindi lingid sa posibilidad na maaari itong matanim, makulayan, maguhitan, gawing pigura ng origami, o maging isang mosaik. Ang bawat isa ay nagsisimula sa blangkong piraso ng papel. Sa paglalakbay, ang sarili ay makatatagpo ng ibang mga kalsada at makasasalamuha sa mga may ibang klase ng ginagampanan, datapwat, ito ay may sariling aklat na susulatan ng sariling istorya. Ang mga piraso na dadaanan ay maaaring manatili at magsilbing parte ng kabuuan subalit, kung titingnan ang mas malaking larawan, ang gampanin ng bawat isa ay piliing kunin ang panulat at orihinal na sulatin ang bawat kabanata—at kung sakaling ito ay makaranas ng tila dead end o matinding kalabuan, ang tagasulat ay malayang kumuha ng panibagong papel at pagyamanin pa ang salaysay.
Bilang repleksiyon ng sarili, ang portfolio ay naglalaman ng mga akademikong sulating ginawa ng awtor para sa kanilang subject sa ika-12 na baitang na Filipino sa Piling Larang. Ito ay binubuo ng mga personal na komposisyon gaya ng bionote at piyesa ng talumpati, maging ng mga pangkatang gawain sa ilalim ng pagsasagawa ng isang panukalang proyekto. Nais ipahatid ng awtor ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakatulong upang maging posible ang pagbuo ng awtput na ito. Lalo na kay Bb. Lopez, hindi maipaliwanag ng mga salita ang labis na pasasalamat at galak ng awtor sa pagkakaroon ng tagapagturong katulad niya na hands-on at masigasig sa pagtuturo, at para sa kaniyang lubos na pagtiyatiyaga, pag-aasikaso, pagpapasensya, at pamamatnubay. Para naman sa mga nakatrabaho ng awtor sa pagbuo ng panukalang proyekto at pagsasagawa ng mga pagpupulong na sina CJ Arangozo, Karylle Bureros, Kristine Dumon, at Francheska Mapaye,
tunay
na
ikinaliligaya
ng
puso
ni
Tiffany
ang
kanilang
pagsusumikap at pakikiisa sa pagbuo ng “Proyektong Pag-asa”, kahit para lang muna sa mga layuning pang-akademiko, upang maipabatid ang adbokasiya at magawan ito ng kongkretong plano. At huli ngunit higit sa lahat, ikinapapanatag at ikinagagaan ng loob ng awtor ang patuloy na pagpapala ng Panginoon para sa kinakailangan nilang kaalaman, karunungan, at katapangan sa araw-araw. Ang patnubay at pagmamahal ng bawat isa ang naging daan upang mapunan ang papel na ito sa elektronikong pamamaraan.
TA LA AN NG
Bionote ng Personalidad ............................ 01 Panukalang Proyekto ................................. 03 Adyenda ng Pulong ...................................... 10 Katitikan ng Pulong .................................... 11 Piyesa ng Talumpati ................................... 16 Epilogo .......................................................... 17 Rubrik ............................................................ 18 Bionote ng Awtor ........................................ 19
d a d i l a n o s r e P g n Bionote
Si Maria Jessica Aspiras Caluag Soho ay nakapagtapos ng kolehiyo sa College of Mass Communication (CMC) ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman, kung saan pinarangalan siya ng “Gawad Plaridel for Outstanding Journalist award” (2018) matapos ang ilang dekadang pagseserbisyo sa industriya. Kamakailan ay natanggap din niya ang Honorary Doctorate Degree in Literature (2015) sa Unibersidad ng North Eastern Philippines (UNEP). Kilala bilang most awarded broadcast journalist sa Pilipinas, umabot na sa 300 na lokal at 30 na internasyonal ang kabuuan ng kanyang mga natanggap na parangal noong 2018. Kabilang sa mga ito ang ilang mga karangalang unang beses natanggap ng isang Pilipino katulad ng “British Fleet Journalism Award” (1998), “George Foster Peabody Award” (1999), at parehas na “Best Documentary” at “UNESCO Awardee” sa 2000 New York Film and Television Festival. Siya rin ang kauna-unahang nakatanggap ng “Ka Doroy Valencia award” mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, “Best Public Affairs Program Host” at “Best Magazine Program Host” mula sa Community Broadcasters’ Society (UPCBS) ng UP Los Baños noong 2009, at “Hall of Fame award” (2018) ng U.S.-based magasing Reader’s Digest bilang “Most Trusted TV Host for News and Current Affairs” magmula noong 2011.
1
Ang kaniyang palabas na “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) ay natamo ang pagkakakilanlan bilang pinakapaboritong panuorin ng mga pamilyang Pilipino tuwing Linggo (2018-kasalukuyan) ayon sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) ratings at programa sa telebisyong Pilipinas na may pinakamaraming followers sa Facebook (2021-kasalukuyan). Ginantimpalaan din ito ng “Most Development-Oriented Magazine Program” sa Gandingan 2009: UPLB Isko’t Iska's Broadcast Choice Awards, Philippine Social Media Week Icon Award (2019), Hall of Fame status sa Catholic Mass Media Awards bilang “Best News Magazine” (2020), at ang tansong medalya sa 2022 New York Festivals TV & Film Awards. Gayundin ay nagkaroon ng mahalagang papel ang KMJS at “State of the Nation with Jessica Soho” nang gawaran ang GMA News ng George Foster Peabody Award noong 2014. Sa kasalukuyan ay itinuturing si Jessica Soho bilang isang beteranong brodkaster at isa sa mga haligi ng kontemporaryong pamamahayag sa Pilipinas. Binansagan bilang “Asia’s Powerhouse Journalist”, sinasabing ang kamakailang isinagawa na “The Jessica Soho Presidential Interviews” ay nagtakda ng mataas na pamantayan para sa mga susunod na election special. Tangi sa roon ay patuloy siyang tumatayo bilang unang bise presidente para sa News Programs ng GMA News and Public Affairs.
2
Panukalang Proyekto PAMASKO PARA SA MENTAL HEALTH NG MGA PAMILYANG TAGA-METRO MANILA AT MGA GUMAGAMIT NG SOCIAL MEDIA
I. Titulo ng Proyekto Panukala: Isang linggong selebrasyon at edukasyon para sa kalusugang pangkaisipan Organisasyon: Proyektong Pag-asa Petsa at Lugar: Setyembre 1-Disyembre 10, 2022; La Consolacion College Auditorium - Mendiola, Manila; Facebook, YouTube, Google Meet II. Abstrak Simula nang maipatupad ang lockdown noong Marso 2020, dumami ang tumatawag at nagpapasaklolo sa National Center for Mental Health. Dahil dito isang panukalang proyekto ang ihahain upang makapagbigay ng karagdagang edukasyon at impormasyon sa mga nakakaranas ng mga sakit na may kaugnay sa pangkaisipan at sa mga pamilyang gustong madagdagan ang kanilang kaalamanan patungkol sa mental health problems. Pamumunuan ang proyektong ito ni G. Carl Jay Arangozo, tagapamuno ng organisasyong Proyektong Pag-asa. May kabuuan itong badyet na P200,000.00. Magsisimula ang pag-aasikaso para sa proyekto sa Setyembre 1 at inaasahang matapos sa Disyembre 10, 2022. Nakatakdang ilunsad ang isang linggong selebrasyon sa ganap na Disyembre 5 hanggang Disyembre 9, 2022. III. Katwiran ng Proyekto Noong huling bahagi ng Enero 2020, naitala ang unang kaso ng Covid-19 sa bansa. Ika-8 ng Marso, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela ng mga klase sa Metro Manila. Makalipas ang ilang araw inanunsyo na ang pagtupad ng bahagyang lockdown sa Metro Manila pati na rin ang pagsuspinde ng paglalakbay patungong Maynila mula Marso 15 hanggang Abril 14 2020. Ang buong Luzon naman ay sumabak na rin sa pagtupad ng lockdown noong Marso 16, 2020. Lubos na nagbago ang pamumuhay ng mga Filipino ng maimplementa ng gobyerno ang iba’t-ibang
3
quarantine at limitahan ang mga pwede at hindi pwede na mga aktibidad sa labas ng bahay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. Kaya naman bunga nito ay nagdulot ng labis na pangamba sa mga mamamayan dahil ito ay nagdulot ng malaking epekto sa aktibidad ng bawat isa at karamihan ang mga mamamayan ang nagdusa hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal. Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo, patuloy pa rin ang pag implementa ng lockdown sa bansa. Sa haba at walang tigil na pagbabalik ng lockdown, ito ay nagdulot ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaasahang aabot ng higit na 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho sa bansa at maaaring tumaas pa ito at magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. Dahil sa pangambang dulot ng pandemya at sa tumaas na bilang ng mga nawawalan ng trabaho, ang mga kalusugang pangkaisipan ng mga tao ay higit na naapektuhan na rin. Anxiety o depressive symptoms, problema sa pamilya, pag-ibig, at pag-aaral ang karaniwang sanhi ng pandemya sa kalusugang pangkaisipan ng mga tao. Ito rin ang karaniwang dahilan kung bakit tumatawag sa National Center for Mental Health (NCMH) ang mga nangangailangan ng tulong at gabay upang maiwasan ang pagpapakamatay at labis na kalungkutan. Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH) umabot sa 32 hanggang 37 ang mga tumatawag kada araw, na nagresulta sa katumbas na 876 na tawag kada buwan, mula noong Marso hanggang Agosto. Naitala na rin na higit na tumaas ang bilang ng mga tawag dahil mula noong Marso ng 2019 hanggang Pebrero ay 13 hanggang 15 lamang ang natatanggap. Napagkaalaman na ang mga karaniwang na tumatawag sa hotline ay mga kababaihan at mga edad na mula 18 hanggang 30 taong gulang. Mahalagang masolusyunan ang pagkakaroon ng labis na kalungkutan at pagtaas ng mga tumatawag sa National Center of Mental Health (NCMH) upang maiwasan ang sunod-sunod na mga namamatay. Ang pagresolba ng problemang ito ay higit na makatutulong sa ating relasyon sa ating kapwa pati na rin sa ating ekonomiya dahil sila ay mabibigyan ng lakas upang labanan ang pandemya na ating kinakaharap. Ito rin ay higit na makakatulong sa mga tao na hindi gaanong pinapansin at iniintindi ang sakit na ito sapagkat may iilan na itinuturing lamang itong kaartehan o kulang sila sa kaalaman patungkol sa sakit na ito. Kung kaya napagdesisyonan na gumawa ng isang proyekto kung saan ipapahayag ang mga impormasyon patungkol sa mental health upang mabigyan kaalaman ang lahat at para malaman ang mga dapat gawin upang
4
mapuksa ang sakit na ito. Magkakaroon din ng mga iba’t-ibang aktibidad upang mabaling ang atensyon sa ibang bagay at mabawasan ang kalungkutan na nadadama ng bawat isa. IV. Layunin Ang layunin ng proyektong “Pamasko para sa Mental Health ng mga Pamilyang Taga-Metro Manila at mga Gumagamit ng Social Media” ay makapagbigay ng karagdagang kaalaman at impormasyon patungkol sa mental health problems para sa mga nakakaranas ng mga sakit na may kaugnayan sa pangkaisipan at para sa mga pamilyang gustong madagdagan ang kanilang kaalamanan patungkol dito. V. Target na Benepisyaryo Ang target na benepisyaryo ng proyekto ay ang mga piling mamamayan ng lungsod ng Maynila, Mandaluying, San Juan, Makati, at Quezon na nakararanas ng mental health problems o sakit na may kaugnayan sa pangkaisipan tulad ng anxiety, depresyon, at iba pa dulot ng pandemya , pagkawala ng trabaho, o ng pag-aaral. Bukas din ang proyekto na ito sa mga kaanak ng biktima ng suliraning ito sapagkat maaari pang mabigyan ng karagdagang edukasyon at impormasyon hinggil sa mental health o kalusugang pangkaisipan para sa pag-unlad ng tahanan. Kasama na rin sa mga benepisyaryo ang mga online users sa plataporma ng Facebook at YouTube na nakararanas din ng mental health problems sapagkat mayroong mga aktibidad ang proyekto na ito na sa online setting gaganapin tulad ng mga webinar at pagnood ng mga maikling pelikula sa kompetisyon. VI. Implementasyon ng Proyekto A. Iskedyul
5
6
7
8
B. Badyet
C. Pagmomonitor at Ebalwasyon Pagkatapos maisagawa ang programa inaasahang mag-imbita ng mga propesyonal na may kaalaman sa mental health upang magbigay ng kanikanilang puna kung ano ang naging kalakasan at kahinaan ng buong programa. Maaaring ding magsagawa ng sarbey sa mga taong nakapunta o nakapanood ng programa pagkatapos ng ilang buwan upang obserbahan kung nakatulong ba ito sa kanila. Upang masukat kung natamasa ba ang layunin na nakakuha sila ng impormasyon galing sa mga aktibidad ay sa pamamagitan ng interview. Sa mga piling dumalo, tatanungin kung nagkaroon ba sila ng kaliniwan sa mga diskusyon at kung paano ito nakaapekto sa kanilang paniniwala ayon sa mental health. Ang makakalap na dokumentasyon mula sa programa ay puwede gawing batayan upang mapaunlad ang mga susunod na programa.
9
g n o l u P g n a d n e Ady Lokasyon: MS Teams Pangkat D Private Channel Petsa: Ika-1 ng Marso Oras: 5:55PM Tagapangasiwa: Lider ng Pangkat D - Carl Jay Arangozo I. Panalangin II. Pagtala ng mga Dumalo III. Pangunahing Adyenda 1. Diskusyon ng Panukalang Proyekto a. Katwiran b. Suliranin c. Layunin at mga Benepisyaryo 2. Mga Suhestiyon, Katanungan, at Finalization ng mga Plano a. Badyet b. Iskedyul c. Programa d. Pagtatalaga ng Gawain e. Pagmomonitor at Ebalwasyon 3. Mga Paalala a. Online Cloud Storage para sa mga file b. Mga deadline IV. Karagdagang Impormasyon 1. Mga susunod na pagpupulong V. Pangwakas na Salita
10
Katitikan ng Pulong Petsa Oras
: :
Marso 1, 2022 5:55n.h.-7:30n.g.
Mga Dumalo: G. Carl Jay Arangozo Bb. Karylle Joie Bureros Bb. Tiffany Cajayon Bb. Kristine Joy Dumon Bb. Ma. Francheska Dominique Mapaye Mga Lumiban:
Wala
Ang pulong ay nag-umpisa sa panalangin na pinangunahan ni Bb. Tiffany Cajayon
11
12
13
14
Natapos ang pulong sa ganap na 7:30n.g. Inihanda nina: Bb. Kristine Joy Dumon Tagapangasiwa ng Creatives Bb. Ma. Francheska Dominique Mapaye Tagapangasiwa ng Logistics Binigyang-pansin ni: G. Carl Jay Arangozo Tagapamuno ng Proyekto
15
Piyesa ng Talumpati
16
O L G I O P E “I am the master of my fate: I am the captain of my soul,” sabi nga ni William Henley sa kaniyang tulang “Invictus” (1875). Bilang isang manunulat sa ika-12 na baitang, ngayon ay mas napagtatanto na ni Tiffany ang parehas na struggle at oportunidad na taglay ng kapangyarihan ng pagsusulat. Siya ay napapabalik-tanaw sa sarili niyang karanasan kung saan hindi naman talaga madali para sa kaniya ang pagsusulat—sa katotohanan nga ay may mga pagkakataong umaabot nang ilang araw ang pagbuo ng isang sanaysay o kaya naman ay madalas magpa-extend ng oras kapag kumukha ng pagsusulit; madalas siya ay name-mental block; at, lalo na dati, nahihirapan siyang iparating nang kongkreto maski ang konsepto lamang ng kaniyang mga ideya, opinyon, o mindset gamit ang mga salita. Bagkus, sa tulong na rin ng kaniyang mga naging tagapagturo at ng kaniyang nanay na may hilig din sa pagsusulat, siya ay nagpursigi upang linangin ang kasanayan at nang maiparating na nang mas mabisa ang mga nais ipabatid. Ngayon ay patuloy na nagsasanay sa pagsusulat ang awtor hindi lamang para sa mga pagkakataon sa hinaharap ngunit, at maaaring lalo na, para makapagbigay rin ng inspirasyon at magandang impluwensiya sa iba. Sumasalamin sa layo ng narating ng kakayahan ng awtor sa kasalukuyan ang nilalaman ng nasabing portfolio. Bilang koleksyon ng mga akademikong sulatin ay maaari itong gawing future reference at/o makapagdulot ng optimismo sa iba pang mga manunulat, at maging sa nasabing awtor kapag kaniyang kailanganin. Sa pagkakaroon ng inisyal na layuning makapagpasa ng portfolio bilang parte ng requirements, napatunayan rin niya na bukod dito ito ay isa rin itong magandang paraan upang maibahagi ang sariling adbokasiya at subukang makagawa ng mas mahusay na awtput sa kasalukuyang antas ng kasanayan. Sa huli, ang “Daan de Papel” ay hindi lamang mananatiling isang awtput na ipinasa bilang isang assessment ngunit isang pangganyak upang panindigan ang papel ng buhay, kunin ang panulat, at dalhin ang kwento sa mas magandang tanawin.
ORGANISADONG PAGTATALA Mahusay na naitala ang mga mahahalagang akademikong sulating isinagawa gaya ng: a.) infographics, b.) bionote, c.) katitikan ng pulong, d.) adyenda, e.) talumpati.
GRAMATIKA Nagamit nang mabisa at mahusay ang wikang Filipino sa pagsulat ng portfolio.
10 puntos
10 puntos
NILALAMAN Kinakitaan nang pagpapahusay sa mga sulatin. Mahusay at maayos ang daloy ng nilalamang mga akademikong sulatin. Gayun din ang pagkakatala ng prologo at epilogo.
10 puntos
ANYO Mahusay na nakasunod sa wastong anyo ng isang portfolio. Kumpleto ang bawat elementong kahingian sa isang portfolio.
10 puntos
MALIKHAIN Malinis at mahusay ang pagkakapili ng mga disenyo. Kinakitaan ng kaisahan ang kabuuang produkto.
Kabuuang Puntos
10 puntos 50 puntos
R•
T A
• NG A R • TO ANG AWTOR W A G N NG AWTOR • A
TO
AW O
AW
NG
T W A
A • R
G N A
BIONOTE Si Tiffany “Tiff” E. Cajayon ay nakapagtapos ng kaniyang junior high school sa The Thomas Aquinas Institute of Learning, kung saan iginawad sa kaniya ang “Best in Writing” (2018-2020) pati na ang “Leadership Award” (2020).
Sa kaniyang pananalagi sa nasabing paaralan ay nagkaroon siya ng sapat na pagkakataon upang malinang ang kaniyang karunungan at kasanayan sa iba’t ibang larangan. Sa katunayan, napasama at naparangalan siya sa iba’t ibang kategorya kagaya ng naganap na Montessori School Administrators Association (MSAA) Essay Writing Competition kung saan nasungkit niya ang ikaapat na parangal (2017). Sa mga pasalitang patimpalak katulad ng sa Association of Private Schools in the City of Imus (APSCI) Extemporaneous Speaking Competition ay nakamit niya ang ikatlong parangal (2017), ikalawang pwesto (2017) naman sa MSAA Declamation Contest, at ang ikatlong parangal (2020) sa elocution contest ng kanilang paaralan. Sa larangan naman ng sining gaya ng pampaaralang poster and slogan making contest ay nasungkit niya ang ikalawang parangal (2018-2020). Aktibo rin siya sa pakikilahok sa mga akademikong quiz bee sa parehas na intra-school at inter-school na antas katulad ng APSCI Science Encounter kung saan nakamit niya ang ikalimang parangal (2016), una (2017) at ikalawang parangal (2017) naman sa palabaybayan at spelling bee ng paaralan, at ang ikalimang pwesto (2017) kung saan inilaban ang kanilang grupo sa Environmental Science Quiz Bee ng kanilang lalawigan sa Kabite. Kinilala rin ang kaniyang husay sa larangang pang-akademiko nang gawaran ng may karangalan (2017-2018) at mataas na karangalan (2019-2020), pati na sa pamumuno nang kalooban siya ng ranggong Corps S2 o Intelligence Officer (20192020) sa kanilang pampaaralang Citizenship Advancement Training (CAT). Sa kaniyang pagtungtong ng senior high school sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas ay nagawaran siya ng mataas na karangalan (2021). Nakabilang din siya sa mga organisasyong pampaaralan tulad ng Lasallian Peer Facilitators (LPF), Student's Extension of Resources through Voluntary Efforts (SERVE) High School, at The Lasallian Chorus (LSC), pati na ng Ministri ng Kabataan at Musika sa kanilang lokal na parokya kung saan siya ay patuloy na nagiging aktibo. Si Tiffany ay kasalukuyang nasa huling baitang na ng pag-aaral mula sa akademikong strand na Accountancy, Business and Management. Nais niyang tahakin ang kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management (BSBAFM) sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila. Bagkus ay isinasaalang-alang pa rin niya ang mga darating na oportunidad para sa larangan ng edukasyon, communications, performing arts, at psychology.
GINAWA GAMIT ANG CANVA. 2022.