UPLB Perspective Vol. 48, Issue 3 (May 4, 2022)

Page 2

2

N E WS F E A T U R E

A P R I L- M A Y 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G

Mga progresibong grupo, pahayagan, kinondena ang pag-redtag, pagbulabog ng militar sa medical mission sa Quezon Matapos ang panggugulo sa isinagawang medical mission ng KASAMA-TK noong ika-10 ng Abril, tahasang ni-red-tag ng militar ang UPLB Perspective at mga progresibong grupong nagbalita ng insidente. NI ALEXANDRA GRACE DELIS CONTRIBUTOR “Ang pag-atake sa aming karapatang makapagpahayag ay katumbas ng pagsupil sa aming tungkuling ilantad ang mga inhustisyang patuloy na umiiral sa lipunan. Hindi lamang mga mamamahayag ang minamaliit sa lantarang panghaharas ng estado, ipinagkakait din nito ang tapat at totoong impormasyon na kailangan ng mamamayan para sa mapanuri at demokratikong pag-iisip.” Bahagi ito ng inilabas na opisyal na pahayag ng UPLB Perspective noong ika-15 ng Abril bilang tugon sa pag-red-tag ng 201st Infantry “Kabalikat” Brigade, Philippine Army sa nasabing pahayagan at iba pang mga progresibong grupo. Kabilang sa mga grupong ito ang Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), Kabataan Partylist, at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Laguna, na binansagan ng 201st Infantry Brigade bilang front organizations ng Communist Party of the Philippines - New People’s Army - National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Matapos ang akusasyon, naglabas ng opisyal na pahayag ang UPLB University Student Council (USC) noong ika-14 ng Abril, kung saan kinundena nila ang tahasang pagred-tag ng militar sa opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng UPLB at maging sa iba pang mga progresibong grupo. “The red-tagging of our official school publication is a clear attempt of the state forces to silence and target the media. Our campus journalists, and most importantly, our constituents are not terrorists,” diin ng UPLB USC. [“Ang pag-red-tag sa aming opisyal na pahayagan ay malinaw na pagtatangka ng mga pwersa ng estado na patahimikin at atakihin ang midya. Ang aming mga mamamahayag, at higit sa lahat, ang aming mga estudyante ay hindi terorista.”] Ang insidente ng red-tagging na ito ay bunsod ng pagbabalita ng UPLB Perspective tungkol sa isinagawang libreng medical mission ng KASAMA-TK para sa mga magsasaka at mamamayan ng Agdangan, Quezon noong ika-10 ng Abril, kung saan nanggulo ang mga militar ng 85th Infantry Battalion, 2nd Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ayon sa Kabataan Partylist Southern Tagalog (ST), binulabog ng militar ang aktibidad at ipinagpilitang kaisa sila sa naganap na medical mission. Naglagay rin ang militar ng tarpaulin na may nakasaad na mga katagang “Joint Medical Mission of Kasama-TK and 85IB, 2ID,PA”, kahit na mariing itinanggi kalaunan ng KASAMA-TK ang kaugnayan ng mga pwersa ng militar sa kanilang proyektong tulong-medikal. Bagamat tinangkang tanggalin ito ng mga organisador ng medical mission, pinagmatigasan umano ng mga sundalo na ikabit ang nasabing tarpaulin. Sa isang pahayag na kaniyang ibinahagi sa UPLB Perspective, mariing nilinaw ni Jerry Luna, taga-pangulo ng KASAMA-TK, na hindi kailanman makikipagtulungan ang kanilang organisasyon sa militar para maisagawa ang tulong-medikal.

“Hindi kami makikipagtulungan sa berdugong AFP na pumatay sa isang daan na mga magsasaka, lalo na ang 201st [Infantry] Brigade,” aniya. Maliban sa pagkakabit ng tarpaulin, kinuhanan din ng mga militar ng bidyo ang mga volunteers at medical personnel, pati na rin ng litrato ang listahang naglalaman ng pribadong impormasyon ng mga pasyenteng kabilang sa tulong-medikal. Kwento pa ni Luna, pinagtawanan umano ng militar ang isang pasyenteng kinakailangang isugod sa emergency room dahil may malubha itong karamdaman. “Kung paano ipinagyayabang ang malalaking baril, pinagtatawanan [nila] ang ER patient,” saad niya. Dagdag pa ng KASAMA-TK, nagkaroon din umano ng checkpoint sa Agdangan, Quezon matapos ang medical mission, kung saan binabantayan ng militar ang mga organisador at mga boluntaryong lumahok sa aktibidad. Anila, binisita rin ng mga sundalo ang mga bahay ng mga magsasaka upang interogahin sila tungkol sa nangyaring medical mission.

Pagputok ng mga akusasyon

Bagamat unang iginiit ng militar na “joint” ang nasabing medical mission, kalaunan ay naglabas naman ng pahayag ang 201st Infantry Brigade na nagsasabing expired umano

MGA LARAWAN MULA SA KASAMA -TK

Resibo ng mga gamot na binili ng KASAMA-TK. MGA LARAWAN MULA SA KASAMA-TK / FACEBOOK

ang mga gamot na ipinamahagi sa programa. “Ayon sa mga mamamayan, ng Agdangan, Quezon, imbes na magbibigay ng pangunahing serbisyo para sa mga mamamayan ng Agdangan, mga expired na gamot at vitamins ang ipinamahagi ng nasabing grupo,” ani ng 201st Infantry Brigade sa isang Facebook post. Sa kabila ng pahayag na ito ng militar, makikitang naglabas ng Facebook video ang 85th Infantry Sandiwa Battalion noong ika-10 ng Abril, kung saan makikitang nagpapasalamat ang isang babae dahil “na-check up” ang kaniyang mga anak at nabigyan ng mga

kinakailangang gamot, “sa pamamagitan ng KASAMA [TK] kasama ang Philippine Army”. Sa kabila ng mga pahayag ng 201st Infantry Brigade ukol sa anila’y mga “expired” na gamot, agad namang inihain ng KASAMA-TK ang mga resibo ng biniling gamot mula ika-9 ng Abril hanggang sa araw na ginanap ang medical mission. “Patunay ito na bagong bili ang mga gamot. Hindi galing sa medical mission ng Kasama-TK, ng mga pribadong donor at kabahaging organisasyon ang mga pinalulutang na mga ‘expired na gamot’ sa Facebook post ng


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.