9 minute read

Tres Marias ng Elbi: Sa loob at labas ng kusina

Tanyag ang komunidad ng Los Baños, o mas kilala sa ngalan na Elbi, bilang isang munisipalidad na matatagpuan sa paanan ng Bundok Makiling – isang tulog na bulkang hinehele ni Maria Makiling, ang diwatang bantay ng nasabing kabundukan. Nagsilbing mukha ng kababaihan ng Los Baños si Maria Makiling – mula sa logo seal ng munisipalidad, kay Mariang Banga na matatagpuan malapit sa Molawin Creek, hanggang sa iskultura ng The Rose of Marya: Service through Excellence sa dulo ng Freedom Park.

Advertisement

Ngunit higit pa kay Maria Makiling, ang Elbi ay binubuo rin ng mga Mariang naging inspirasyon at malaking parte ng komunidad. Sila ang mga kababaihang nagsilbing tanglaw, pundasyon at, higit sa lahat, huwaran na nanay ng mga residente ng Elbi.

Kilalanin at tunghayan ang mga kwentong itinampok ng ilan sa mga kababaihan na bumuo at patuloy na bumubuo ng kasalukuyang komunidad ng Elbi – sa loob at labas ng kusina.

Maria Ng Pagmamahal At Pundasyon

Palubog na ang araw, ngunit hindi pa

SUSAN CADAPAN

R.M. Cadapan’s Canteen rin humuhupa ang mga nakapilang estudyante nang puntahan namin ang malaking karinderya sa gitna ng Ruby Street sa Raymundo – ang R.M. Cadapan’s Canteen. Inabutan namin doon si Nanay Susan Cadapan, nakangiti habang inaabot ang barya-baryang sukli sa kanyang customer.

Si Nanay Susan Cadapan, 60 anyos, ang ina ng patok na Cadapan’s Canteen sa Elbi. Ngunit sa kabila ng katanyagan nito, lingid sa kaalaman ng mga tao ang matamis na istorya kung paano ito nabuo.

Bagama’t dalawang dekada na ang nakalipas, sariwa pa rin sa alaala ni Nanay Susan kung paano naging pundasyon ang pagmamahalan nilang mag-asawa upang maitaguyod ang karinderyang bumubuhay sa mga estudyante ng UPLB.

“Ako, nagtrabaho ako [dati] sa Ellen’s Fried Chicken… Dalaga pa ako nun, doon ako nagtrabaho. After 4 years, nag-asawa na ako. ‘Yung napang-asawa ko, pamangkin ng may-ari ng Ellen’s. 2003 kami nag-umpisa ng Cadapan,” kwento ni Nanay Susan habang bakas ang ngiti sa kanyang mga labi.

Dalaga pa lamang, umikot na ang buhay ni Nanay Susan sa pagluluto at paghahain ng mga pagkain. Dito na rin niya nakilala ang lalaking tutuwang sa kanya – sa hirap man o sa ginhawa. Sa kusina nagsimula ang kanilang pagmamahalan at ito rin ang siyang nagpatibay sa kanila nang buuin nila ang Cadapan’s. Inamin ni Nanay Susan na hindi naging madali ang pagbuo nila ng sariling kainan. Ito na marahil ang pinakamalaking hamon na kanyang kinaharap bilang babaeng negosyante. Ngunit kagaya ng kanilang pagmamahalan, nagsilbing inspirasyon din ang mga estudyante ng UPLB sa kanilang karinderya.

“Malaki ang naitulong ng Elbi sa amin. Lalo na ‘yung mga estudyante. Kung walang mga estudyante, wala rin kami, e. Mga customer namin, nakakatuwa. Kapag may kumain na isa, pagbalik may kasama na ulit na ilan. Hangga’t sa ayun, nakilala na kami [Cadapan’s Canteen],” sambit ni Nanay Susan. Kilala ang Cadapan’s sa mga inihahain nitong masasarap at abot-kayang lutong alam na putahe. Higit sa lahat, labis na tinatangkilik ng mga estudyante ang paghahain nila ng “half serving” o kalahating ulam, pati na rin ang free soup. Ayon kay Nanay Susan, ito ang sikreto kung bakit patok na patok ang karinderya nila sa mga taga-Elbi. Tunay ngang ang pagiging isang babae ay hindi lamang nalilimita sa pagiging ilaw ng tahanan. Pinatunayan ni Nanay Susan na nagsisilbi ring pundasyon ang kababaihan sa kung anuman ang kanilang gustong itaguyod sa buhay.

Maria Ng Kalinga At Aruga

“Sa akin, bilang ano, kumbaga marami kasi akong naalagaang estudyante… Siguro ‘yong puso ko, para kayong mga anak ko na rin.” Bagama’t napaliligiran ng kabi-kabilang mga cafe at eatery, nangingibabaw ang munting pwesto ng H2 Cafe dahil sa taglay nitong makulay, maliwanag, at mala-tahanan na ambiance.

Tanghaling tapat at abala ang mga tao nang bumisita kami sa H2 Cafe. Ngunit sa kabila nito, nangingibabaw pa rin ang liwanag sa mga ngiti ni Victoria Morales o mas kilala sa ngalan na Mommy Vicky.

Tubong Los Baños at ilang dekada nang nagnenegosyo si Mommy Vicky sa Elbi, kung kaya’t kilala na ang kanyang pangalan bilang isa sa mga kababaihang bumuo ng komunidad. Bago pa man mabuo ang H2 Cafe, ilang mga kainan na ang naitaguyod ni Mommy Vicky. Ilang taon bago mangyari ang pandemya, kilala si Mommy Vicky sa kanyang mga breakfast meals na tinangkilik ng mga estudyante dahil sa malalaking servings at abot-kayang presyo ng mga ito.

Dahil sa dagok ng pandemya, napilitang magsara sina Mommy Vicky. Ngunit sa kabila ng pagsubok na ito, hindi siya natinag at nagpatuloy pa rin siyang magnegosyo sa pamamagitan ng online selling upang suportahan ang kanyang pinakamamahal na pamilya.

Nang magbalik na ang face-to-face classes sa UPLB, nagdesisyon si Mommy Vicky at ang kanyang pamilya na itaguyod ang H2 Cafe na ipinangalan sa kanyang dalawang babaeng anak na sina Hannah at Hosannah.

“Ito kasi, itong lugar na ‘to, ito daw ay parang bodega noong una. Actually, ayoko na sana mag-put up ulit ng ganito. (…) Nag-start kami [mag-open ay] September 28, 2022. So ‘yong soft opening namin, 6:00 in the evening, ninenerbyos ako noon.”

Bukod sa busog na kalamnan, nabubusog din ni Mommy Vicky ang puso ng bawat customer na dadayo sa H2 Cafe dahil sa kanyang pag-aaruga. Kilala si Mommy Vicky mula noon bilang “nanay” ng ilang mga estudyante dahil sa kanyang kalinga na parang isang tunay na ina. Bilang karamihan sa mga estudyante ng Elbi ay malayo mula sa kani-kanilang mga pamilya, napakalaking bagay na magkaroon ng isang nanay sa isang mala-estrangherong komunidad.

Mula sa kanyang mga meals na ika nga ay close to home kagaya ng kape, pastries, at pasta meals, hanggang sa kanyang pag-aalaga sa kanyang mga customer – patunay si Mommy Vicky na iba magmahal ang isang babae, higit sa lahat, ang isang nanay.

“Sa akin, bilang ano, kumbaga marami kasi akong naalagaang estudyante.

‘Yong mga malalapit sa’kin, mga [galing sa] broken family. At natutuwa ako kasi kahit graduate na sila, napunta pa rin sila. (…) Siguro ‘yong puso ko, para kayong mga anak ko na rin.”, sambit ni Mommy Vicky habang nangingilid ang kanyang mga luha.

Saksi ang buong komunidad ng Elbi kung paano tumayong nanay si Mommy Vicky sa kanyang mga anak-anakan at customer mula pa sa kanyang mga food establishment noon hanggang sa H2 Cafe ngayon.

“Iba kasi ang babae talaga (…) at saka iba ‘yung malasakit ng babae. (…) [Para] sa akin, sa mga kababaihan, kung gusto niyo gamitin ‘yong talent niyo, gamitin niyo.”, mensahe ni Mommy Vicky para sa mga kababaihan.

Bakas sa kanyang mukha ang pagtangis habang inaalala niya ang motorcycle accident na siyang nagpabago ng agos ng kanilang buhay.

“…Dead on the spot po ‘yung asawa ko. Kumbaga po, ‘yong scenario na ‘yong anak ko ay nagma-march sa school [graduation] nila, siya lang mag-isa. Tapos ako po that time ay 50:50 tapos ‘yong tatay po nila ay nakaburol.”, ani Tita Mervyn sa pagitan ng mga hikbi.

Bilang ina at babae, naging matapang si Tita Mervyn sa pagharap ng matinding pagsubok na kinaharap ng kanyang pamilya. Sa kabila ng trahedyang ito, hindi naging hadlang ang kanyang mga saklay sa pagpapatuloy ng takbo ng kanyang buhay. Buong tapang na bumangon si Tita Mervyn, sa kabila ng pagkadurog ng kanyang sarili – pisikal at emosyonal.

“Ang hirap mag-move on, ang hirap tanggapin ‘yong mga bagay. (…) Ang daming mga physical na sakit ang talagang tiniis ko para lang maitayo ito. Ngayon, tatanungin nila ako kung masakit. Wala pong word na pwedeng mag-describe sa sakit.”

Saksi ang pandemya sa kung paano sinimulan ni Tita Mervyn ang munting Mommy Lode Restobar. Mula sa walong libong pisong puhunan, napalago ni Tita Mervyn ang kanyang negosyo, sa tulong na rin ng kanyang mga butihing staff.

Sa kabila ng pagkadurog, nabuo ang munting restobar na patuloy na tinatangkilik ng mga taga-Elbi – mula sa mga estudyante at propesor, hanggang sa mga residente ng nasabing lugar. Sino nga bang mag-aakala na ang restobar na nabuo mula sa kwento ng isang trahedya ay nakakubli sa pagitan ng kaliwa’t kanang mga bars sa LB Square?

Patunay si Tita Mervyn, o mas kilala bilang Mommy Lode, na ang mga kababaihan ay nagtataglay ng katapangan at determinasyon ano man ang pagsubok na dumaan sa kanilang buhay. Isang tunay na idolo, isang tunay na lodi.

Sa Labas Ng Kusina

Tulad ng pananaw ni Mommy Vicky, ang lugar ng kababaihan ay hindi lamang nakakulong sa apat na sulok ng tahanan. Hindi lamang pusong mamon o talento sa kusina ang kayang ipamalas ng isang babae. Natural na para sa isang babae ang magmalasakit – kadugo man o hindi. Iba ang pagmamahal ng isang babae, lalo’t higit ng isang nanay. Saludo sa mga kababaihan gaya ni Mommy Vicky na tumayong nanay ng ilang mga estudyante ng Elbi na nangungulila sa kalinga ng isang tunay na tahanan.

Maria Ng Katapangan At Pagbangon

Ikinuwento naman ni Lettie, dating ma“Ang hirap mag-move on, ang hirap tanggapin ‘yong mga bagay. Ngayon, tatanungin nila ako kung masakit. Wala pong word na pwedeng mag-describe sa sakit.”

Sa aming pagtahak sa pasikot-sikot na daan ng LB Square, natagpuan namin ang munting restobar ni Tita Mervyn, o mas kilala bilang Mommy Lode. Tanghaling tapat at kasabay ng maalinsangan na panahon ay ang nag-aalab na emosyon sa mga mata ni Mervyn Mercado, 43 anyos at ang mukha sa likod ng Mommy Lode Restobar sa Elbi.

Higit dalawang taon pa lamang nang maitaguyod ang nasabing kainan sa loob ng tanyag na LB Square, ngunit hindi matutumbasan ng kahit ilang taon ang kwento kung paano nabuo ang Mommy Lode. Dama sa mga mata at mga kilos ni Tita Mervyn ang pighati at pagkaulila habang ibinabahagi niya ang kwento sa likod ng Mommy Lode.

“Actually po, tinayo po itong restaurant dahil gusto ko maka-move on sa pinagdaraanan sa buhay. Parang ginawa ko po siyang outlet para makalimot.”, madamdaming pahayag ni Tita Mervyn habang nangingilid ang kanyang mga luha.

Taong 2019, bago pa man maitayo ang Mommy Lode Restobar, mapait na trahedya ang sumapit sa pamilya nina Tita Mervyn.

Tampok sa mga estudyante ng Elbi ang mga rice meals sa sizzling plates ni Mommy Lode na abot-kaya – mula limampu hanggang isangdaang piso. Nang tanungin si Tita Mervyn tungkol sa mga student-friendly meals na kanyang inihahain, damang dama sa kanyang mga pahayag ang puso ng isang babae, at higit sa lahat, ang alaga ng isang nanay.

“Bilang isang negosyante at nanay, ganun ko tinuring [ang] mga customer namin. Syempre po, ‘pag pamilya turing mo sa kanila, ‘di ka po magbibigay ng sobrang taas na interes. Pangalawa, hindi po namin inaalis sa isip namin na ang mga customer po namin ay mga estudyante.”

“‘Wag po natin sanayin ‘yong sarili natin sa comfort zone. Always po natin i-encourage ‘yong sarili natin na lumabas sa comfort zone.”, mensahe ni Mommy Lode para sa mga kababaihan.

Sinasalamin ng kwento nina Nanay Susan, Mommy Vicky, at Mommy Lode kung paano nagsilbing instrumento ang kusina upang maitaguyod ng kababaihan ang komunidad ng Los Baños. Ngunit ito ay isa lamang sa napakaraming paraan na kayang gawin ng isang babae. Sa labas ng kusina, malaki rin ang gampanin ng kababaihan sa ginagalawang lipunan. Patuloy ang paglaban ng mga babae sa opresibo at patriyarkal na sistema upang makamit ang pantay na oportunidad. Ang International Women’s Day o IWD ay isang pandaigdigang selebrasyon tuwing ika-walo ng Marso upang kilalanin ang karapatan ng mga kababaihan at isulong ang gender equality. Nagsimulang ipagdiwang ang IWD sa nasabing araw dahil sa malaking kontribusyon ng kababaihan sa anyo ng pakikibaka taong 1917.

Nagkaroon ng “Peace, Land, and Bread Movement” sa Russia noong Marso 8, 1917 – isang malawakang kilusan na pinaniniwalaang nagpasiklab ng Russian Revolution. Naging makasaysayan ito sapagkat nanguna ang libo-libong kababaihan mula sa iba’t ibang sektor upang magmartsa papuntang Petrograd, Russia.

Ngunit sa kabila ng mga tagumpay, malaki pa rin ang pasanin na bitbit ng mga babae dahil sa umiiral na patriyarkal na sistema ng lipunan. Noong kasagsagan ng pandemya, tumaas ang mga kaso ng violence against women sa Pilipinas. Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) taong 2021, pumalo sa higit-kumulang 8,000 ang kaso ng mga karahasan sa kababaihan sa bansa. Samantala, higit 5,000 ang naiulat na kaso noong first half ng 2022.

Nakararanas din ng hindi pantay na pagtrato sa lugar ng trabaho ang mga babae. Sa katunayan, nagsagawa ng diyalogo ang International Labour Organization (ILO) noong ika-16 ng Marso upang talakayin kung paano mapabubuti ang working conditions ng kababaihan sa Pilipinas. Samantala, mailap din ang hustisya para sa mga kababaihan. Nito lamang ika-15 ng Marso, hinatulang nagkasala ang babaeng human rights worker na si Alexa Pacalda sa isinampang gawa-gawang kaso laban sa kanya. Inaresto rin si Pacalda nang walang warrant taong 2019 habang nagsasagawa ng seminar tungkol sa karapatang pantao sa General Luna, Quezon.

Patunay sina Nanay Susan, Mommy Vicky, at Mommy Lode na malaki ang papel ng kababaihan sa komunidad na kanilang ginagalawan sa kabila ng pag-iral ng mga inhustisya at diskriminasyon. Tunay nga ang kasabihang, “Dalawa lang ang babalikan mo sa Elbi: ang lugar at ang mga tao”. Kagaya na lamang ng Tres Marias ng Elbi na isinasabuhay ang diwa ng pagiging babae at ina – nagmamahal, nag-aaruga, at bumabangon. [P]

This article is from: