7 minute read

PANGIL NG PAHAYAGAN Hindi mapayapa ang EDSAI.

Next Article
Defining the terms

Defining the terms

Noong elementarya, ang EDSA People Power I ay itinuro bilang simbolismo ng kapayapaan. Nakahahalinang mapakinggan na minsan sa kasaysayan ay nagkaisa ang mga Pilipino para sa isang “mapayapang protesta”. Hindi raw ito naging bayolente – nagdarasal ang mga madre at nagkapit-bisig ang mga tao. Ngunit hindi halos naituro ang mga istorya ng pagdanak ng dugo at pagyurak sa karapatan na siyang nagtulak sa rebolusyong ito. Binubura ng naratibong “payapa ang EDSA I” ang mga tagpo ng madugong pakikibaka sa mahabang taong pamumuno ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. noong Martial Law. Ang apat na araw na pagkilos noong Pebrero 22-25, 1986 ay nakaugat sa mahigit 20 taong paghihirap sa ilalim ng mapanupil na rehimen. Ang pagkahon sa EDSA I sa imaheng “mapayapa” ay tila rin pagsantabi sa mapait na mga tagpong pinag-ugatan ng pagkilos. Walang “payapa” sa 75,730 biktima ng human rights violations, 70,000 ikinulong ng walang basehan, 34,000 na tinorture, at 3,240 biktima ng extrajudicial killings.

Lalo’t higit ay hindi kailanman payapa ang dinanas ng mga mamamahayag na tinanggalan ng boses sa ilalim ng Batas Militar.

Advertisement

Ilang mamamahayag ang pinatahimik at pinatay habang ang mga progresibong pahayagan at istasyon ng radyo ay ipinasara na kabilang sa mekanismo ng rehimen upang pigilan ang pagsiwalat ng katotohanan. Sa panahon ni Marcos Sr., binansagang mosquito press ang mga pahayagan na kayang-kayang kitilin ng estado sa isang iglap. Ngunit sa kabila ng banta, sila ay kumilos at patuloy na kikilos na tila mga lamok – maliliit ngunit matalas sa pagsuri ng lipunan, mapanganib laban sa mapangapi, at kayang kumitil sa kasinungalingang ipinalalaganap ng huwad na rehimen.

Pagbabalik Ng Pamilya Marcos Sa Malaca Ang

Bagama’t napabagsak ng EDSA I ang paghahari ni Marcos Sr., hindi nito tuluyang nawasak ang pagnanasa ng sakim na pamilya. Nagbalik sa pwesto ang pamilya Marcos matapos manalo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nakaraang eleksyon sa pagkapangulo. Hindi naiiba si Marcos Jr. sa kanyang diktador at pasistang ama. Parehong bumulusok pababa ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng kanilang rehimen na nagresulta sa paghihirap ng mga Pilipino. Umabot sa 7.8% ang inflation rate sa bansa noong ikaapat na kwarter ng 2022 na siyang pinakamataas sa buong Timog Silangang Asya. Ayon sa IBON Foundation, ang isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro ay nangangailangan ng P830 hanggang P1904 kada araw. Ngunit nananatili pa ring P350 hanggang P570 ang minimum wage sa bansa sa kabila ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pangunahing serbisyo. Hindi ito nalalayo sa malalang kahirapang dinanas ng 27 milyong Pilipino o 49% ng populasyon sa ilalim ng administrasyong Marcos Sr., kung saan lumubog sa utang ang Pilipinas, bumaba ang sahod, at napilitang mangibang bansa ang mga manggagawang Pilipino.

Hindi rin maikukubli ang pananamantala ng mag-ama sa kanilang posisyon upang mangulimbat sa kaban ng bayan. Kamakailan lang ay isinusulong ng kasalukuyang administrasyon ang Maharlika Sovereign Wealth Fund upang mamuhunan sa mga proyekto gaya ng infrastracture projects at foreign currencies na lulutas umano sa krisis pampinansyal na kinahaharap ng bansa. Ito ay may kabuuang P250 bilyon at ilang porsyento nito ay manggagaling sa buwis na binabayaran ng mga Pilipino. Malaki ang pondong nais ilaan sa nasabing panukala ngunit kakarampot ang kayang ibigay para sa mga isyung mas kinakailangan ng agarang pansin gaya ng krisis sa transportasyon, implasyon, at edukasyon. Ang ganitong estilo ng pananamantala sa kaban ng bayan na itinatago sa wangis ng mga mapagpanggap na proyekto ay hindi nalalayo sa mekanismo ng kanyang ama. Lumobo mula $599 million noong 1965 hanggang $28.3 billion noong 1986 ang utang ng Pilipinas dahil sa umano’y “Golden Age of Infrastructure” na siyang ginamit ni Marcos Sr. upang mangulimbat para sa sariling interes. Kung gaano kalakas ang loob ng mag-ama sa mga maanomalyang mekanismo, ganoon naman kabahag ang kanilang buntot pagdating sa mga mamamahayag. Sa ilalim ng kanilang administrasyon, saksi ang lipunan sa walang habas at karumaldumal na pambubusal sa mga mamamahayag na silang nagsisiwalat sa baho ng estado. Isa si Percival Mabasa o kilala bilang Percy Lapid sa walang awang pinaslang sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., habang si Primitivo Mijares naman ay isang mamamahayag sa ilalim ng Martial Law na hanggang ngayon ay nawawala pa rin. Kapwa nila ginamit ang kapangyarihan ng peryodismo upang magsalita laban sa anomalya sa gobyerno, ngunit ito rin ang nagdala sa kanila sa kapahamakan. Ilan lamang sila sa marami pang peryodistang kinitilan at patuloy kinikitilan ng karapatan ng estado.

PAPEL NG MGA MAMAMAHAYAG SA PAG-ULIT NG KASAYSAYAN

Sa paggunita ng EDSA People Power Revolution, kinikilala rin ang naging gampanin ng midya partikular na ang mosquito press sa tagumpay ng pag-aalsa at panghahamig.

Sa ilalim ng deklarasyon ng Martial Law, ipinasara ni Marcos Sr. ang mga pahayagang tumuligsa sa mga polisiya hindi makatao at makatarungan. Isinama rin sa “National List of Target Personalities” ng Armed Forces of the Philippines ang ilang mamamahayag mula sa the Manila Times, The Daily Mirror, The Philippines Herald, The Manila Chronicle, The Philippine News Service, The Evening News at Taliba. Ang mga pahayagang pinahintulutan lamang sa ilalim ng kaniyang rehimen ay yaong pinatatakbo ng kaniyang kaalyansa na siyang nagpapabango sa kaniyang ngalan – sa madaling salita ay mga pahayagan na kontrolado ng estado.

Dahil sa tahasang pambubusal na ito, umusbong ang mosquito press na itinaguyod ng mga alternatibong midya upang pigilan ang paghahari ng kasinungalingan sa bayan. Sa kabila ng banta ay tumindig ang mga pahayagan gaya ng Ang Pahayagang Malaya, kasama ang mga pahayagang pangkampus sa ilalim ng College Editors Guild of the Philippines, kabilang na ang UPLB Perspective. Ginamit ng mga mosquito press ang peryodismo upang ibasura ang mga kasinungalingan ng administrasyon tungkol sa krisis sa ekonomiya, extrajudicial killings, at iba pang porma ng paglabag sa karapatang pantaong pilit pinagtatakpan ng pamahalaan.

Sa kasalukuyang panahon kung saan tila nauulit ang kasaysayan habang may Marcos muli sa Malacañang at ginigipit na naman ang mga mamamahayag, nananatili ang tungkulin ng midya upang maging tagapagtanggol ng masa at tagatuwid ng mga baluktot na kasinungalingan ng estado. Sa kabila ng nagbabadyang “Mosquito Press 2.0”, kung saan tahasan ang media censorship at patuloy na ginagamit ang state funded media para sa makasariling propaganda, patuloy pa rin sa paglaban ang mga pahayagang humaharap sa mga makabagong hamon sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. Sa mas bumibilis at lumalawig na agos ng modernisasyon, nagsisilbing malaking hamon sa midya ang paglaban sa mga pekeng balita at pagbaluktot sa kasaysayan na nagkalat sa mga onlayn na plataporma gaya ng Facebook. Isa sa mga makinarya ng pamilya Marcos ay ang pagkakalat ng mga istoryang puno ng kasinungalingan upang mapabango ang kanilang pangalan at upang makabalik ang pamilya sa Malacañang. Ngayong nagtagumpay ang taktika ng ganid na pamilya, mas lumalaki ang pangangailangan sa malakas na puwersa ng progresibong pahayagan na hindi lamang simpleng nakatayo sa gitna ng mga isyu, bagkus ay nakatindig sa panig ng masa – kritikal na nagsusulat at nag-uulat at kahanay ng mga Pilipino sa pakikibaka.

Hamon Ng Edsa I Sa Progresibong Pamamahayag

Ang taunang pag-alala sa EDSA People Power Revolution ay hindi lamang basta pagbabalik-tanaw sa isang malawakang protesta noong dekada 80. Kaakibat ng pagbibigay pugay sa libu-libong Pilipinong nakiisa sa EDSA I ay ang paggunita sa libu-libo ring Pilipinong inabuso, pinatahimik, at pinatay habang nakikipaglaban sa diktadura. Ngayong ika-37 anibersaryo ng EDSA I, malaki ang papel ng midya upang mapanatiling buhay at hindi nababaon sa limot ang mga kwento mula sa makasaysayang rebolusyon. Hindi lamang ang mismong mga tagpo sa pagkilos kung hindi maging ang mga karumaldumal na istorya sa mahabang panahon ng Martial Law na siyang pinag-ugatan ng kilusan at paglaban. Saksi ang madugong kasaysayan sa pagpapatahimik ng mga Marcos sa mga progresibong pahayagan. Ngunit saksi rin ito sa kung paano lumaban, lumalaban, at patuloy pang lalaban ang mga peryodista para sa sinumpaang tungkulin sa bayan. Bagama’t nagpapatuloy pa rin ang pambubusal ay mas lumalakas na ang puwersang sumusulong para sa karapatan ng mga mamamahayag at mas lumalawak ang plataporma ng mga pahayagan upang magsiwalat ng katotohanan. Mananatiling patay na mga datos ang mga numerong nakalatag sa madugong yugto ng kasaysayan kung hindi ito bubuhayin sa anyo ng patuloy na paglalathala ng mga kwento sa likod ng mga numerong ito. Ang EDSA People Power I ay humihimok sa mga Pilipino upang magkaisa at manindigan. Gayundin, ito ay nagpapaalala sa mga mamamahayag na may makapangyarihang pakikibaka sa labas ng kalsada. Gaya ng mga lamok na may nakabibinging alingawngaw at kagat na nagmamarka, ang mga pahayagan sa panahon ng diktadurya ay mananatiling maingay at may pangil sa pagsisiwalat ng katotohanan. [P]

LAYOUT BY ARIANNE MER PAAS

It may be a sentence so overused many do not even acknowledge it but, indeed, everything is political. Even the most mundane scenarios like riding a jeepney and paying the minimum fare, that specific event alone reflects the existing socio-economic situation that our country is facing. We see that the situation of the country’s jeepney drivers—low pay and unfair jeepney phaseout—is a lived and shared experience among their sector.

Because of this, multisectoral groups mainly composed of jeepney drivers, union leaders, and transport organizations conducted a week-long transport strike to resist the government’s questionable jeepney modernization program.

This recent act of resistance shows that the spirit of the EDSA People Power is still alive and well 37 years later. And now that the son of the ousted dictator sits in Malacañang, the people power’s spark must prevail.

DEBUNKING THE “BLOODLESS REVOLUTION”

Commemorating the EDSA Uprising always comes with the notion that it brought something new to the world: that change is possible without taking arms. Traditional history books occasionally state that it was through bloodless means that Marcos Sr. was ousted. Unfortunately, the scenarios which took place before the actual uprising were bloody with all the state-sponsored harassments, illegal arrests, torture, and extra-judicial killings against innocent citizens and progressive activists who were resisting the dictatorship.

In a series of interviews by UPLB Perspective on Martial Law survivors, Rolando Santos, former Managing Editor of Perspective, recalled the unjust experience his father, who was a fisherfolk, had to encounter. He was arrested and tortured in Camp Crame by the Philippine Coast Guard. He was accused of being with the New People’s Army without any clear evidence. His sister was also brought to Crame with the same allegations, where she was also tortured and raped.

This article is from: