9 minute read
ANG PAGBUNGKAL NG MAPAGPALAYANG PAKIKIBAKA
Deka-dekadang paghihirap ang patuloy pa ring sinusuong ng sektor ng agrikultura sa kasalukuyan bunga ng pyudal na sistema ng pamamahala. Kinakaharap pa rin ng mga magsasaka ang malawakang problema sa kanilang lupang sakahan, kasama ang mga patong-patong na isyu ng panggigipit, paglabag sa karapatang pantao, at mga kapabayaan ng estado ukol sa tunay na repormang agraryo.
Sa kasalukuyan, kumikirot na rin ang buong sambayanan sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin sa merkado. Ang simpleng mga sangkap ng pang araw-araw na putaheng pinoy ay nagmamahalan katulad ng sibuyas at bawang. Sa isang pahayag ng IBON Foundation, sinabi nilang walang binigay na makabuluhang solusyon ang gobyerno sa nararanasang pagtaas ng presyo ng mga produkto sa bansa. Sa halip, ang naging tugon ng gobyerno rito ay ang agarang pag-angkat ng mga nasabing produkto upang pataasin ang suplay, na siyang nagpahina naman sa presyo ng lokal na produksiyon.
Advertisement
At sino muli ang pinakaapektado dito? Ang ating mga magsasaka at manggagagawang bukid.
Sa pagsapit ng Global Day of the Landless na pinapangunahan ng malawak na alyansa ng Asian Peasant Coalition, muli nating kilalanin ang malakas na pwersa ng mga uring magsasaka sa patuloy na pagtataguyod ng panawagan para sa tunay na hustisya sa lupa, pagkain, at katarungan sa klima kahit sa gitna pa ng tumitinding opresiyon ng estado.
Ugat Ng Bungkalan
Mula sa pananamantala na naranasan ng ating mga magsasaka, nagbinhi ang isang uri ng pakikibaka sa porma ng bungkalan. Ang bungkalan, na isang kolektibong gawaing agrikultural, ay uri ng pagkilos upang panatilihin ang karapatan ng mga magsasaka sa lupang kanilang ipinaglalaban. Ito ay isang anyo ng reklamasyon o sapilitang paglilinang sa lupang sa kanila naman talaga na patuloy ipinagkakait ng estado at mga panginoong maylupa.
Simula pa man ng panahong kolonyal kung saan ang sistemang pyudal ay namamayani, hawak ng mga imperyalistang bansa ang produksyong agrikultural at mga inangking sakahan. Ginawang alipin ang mga magsasakang gusto lamang ipagpatuloy ang pag-aararo sa mga katutubong lupain, patuloy lamang silang ibinaon sa hirap. Nang umalis kuno ang mga imperyalista, umusbong naman ang mga lokal na panginoong maylupa sa bansa na parehas lang ang sistemang pinairal, sakanila pa rin ang kalakhan ng kita at ang mga magsasaka’y hindi pa rin nababayaran nang wasto at wala pa ring pinagmamay-aring sakahan.
Naka-ugat ang kasalukuyang bulok na repormang agraryo sa pagpapatuloy ng kontrol ng mga naghaharing-uri. Bigo ang gobyerno sa pangako nitong ibigay sa mga pesante ang lupang nararapat sa kanila dahil ang pamahalaan mismo ang siyang nagpanatili ng pyudal na sistema.
Upang makaiwas sa mandato ng Presidential Decree 27 sa panahon ng rehimeng Marcos Sr., na nag-uutos na mailipat ang pagmamay-ari ng mga sakahan na may pangunahing tanim na palay at mais sa mga magsasakang lumilinang nito, marami sa mga panginoong maylupa ang sapilitang binago ang nakatalagang tanim sa kanilang mga lupain. Hindi napigilan ang ganitong sistema, dahil sa mga lantarang limitasiyon mismo ng polisiya. Nagsilbng huwad ang nasabing batas dahil wala rin itong naging makabuluhang tulong sa sektor ng mga magsasaka. Bunga naman ng patuloy na korupsiyon at hindi malinaw na implementasiyon, bigo rin ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na tugunan ang sentralisadong pamamahagi ng lupa, at suportang agrikultural sa sektor ng mga magsasaka. Tatlong dekada na ang nakalipas ng maisabatas ito, malabo pa rin ang pagtugon at sistema ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan (DAR) sa kanilang mandato na ayusin ang mga ganitong isyu sa mga lupang agrikultural, kasama ng kakulangan ng pagtingin at suporta ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa kanilang mga magsasaka. Sa kasalukuyan, dinaranas pa ng maraming komunidad sa kanayunan ang masidhing red-tagging sa pangunguna ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict
Day Of The Landless March 29
#NoLandNoLife #TunayNaRepormaSaLupa #UringMagsasakaPangunahingPwersa
The Day of the Landless, which is held annually on March 29 under the leadership of the Asian Peasant Coalition (APC) since 2015, brings together landless rural peoples’ movements and land advocates to highlight the struggles for land in the Global South.
(NTF-ELCAC) at matinding panghaharas mula sa mga pwersa ng estado dahil sa mga protesta at mga reklamasyon na kauri ng bungkalan na kanilang isinusulong. Patunay ang mga ito na huwad ang aksiyon ng gobyerno sa pagbibigay ng lupa sa sektor, dahil nangingibabaw pa rin ang kanilang personal na interes at ganansiya.
Lumalago At Lumalaban
Sa kabila ng pagkitil ng mga pwersa ng estado sa uring magsasaka, umusbong at patuloy na lumalago ang pakikibaka nila. Higit na ipinapakita ng ating magsasaka na handa silang lumaban at tumindig para sa kanilang kabuhayan at karapatan.
Matatagpuan sa gitna ng urbanisasyon sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite ang 372 ektaryang lupain na mas kilala bilang Lupang Ramos (LR). Ilang dekada nang hinaharass at inaabuso ang mga magsasaka at manggagawang bukid sa LR sa ilalim ng pamilyang Ramos na namamahala ng sakahan. Kaya naman, umusbong ang kolektibong pagbawi sa lupa ng mga magsasaka sa pagkabuo ng Katipunan ng mga Lehitimong Magsasaka at Mamamayan sa Lupang Ramos (KASAMA-LR) bilang punong organisasyon ng komunidad, na nanguna sa paglunsad ng malawakang bungkalan noong 2017.
Matapang silang nagtayo ng kubol upang ganap nilang mabakuran at maprotektahan ang komunidad mula sa paggambala ng mga pwersa ng estado na patuloy sa panggigipit sa kanila para angkinin ang nasabing lupa. Ngunit hindi naging madali para sa mga magsasaka ng LR ang pagsasagawa ng bungkalan dulot na rin ng kakulangan ng kagamitan at pag-uusig ng ilan sa kanilang mga mismong kasamahan na mas piniling iwanan ang kanilang pagkilos. Isa ito sa pinakamasakit na pagsubok ng komunidad, ang iwanan ng ilan sa kanilang mga kasama dulot na rin ng walang katapusang hirap na kanilang dinaranas.
Sa ngayon, buhay at matatag pa rin ang kubol kung saan ito’y boluntaryong binabantayan ng kanilang komunidad. Masasabing matagumpay ang bungkalan dahil nakakapag-ani na sila ng sapat na pagkain at para na rin maibenta sa merkado, at ang lumalakas na pwersa ng pag-oorganisa ng kanilang komunidad. Sa isang panayam ng Perspective sa mga nagbabantay ng kubol sa LR, ipinahayag ni ‘Mang Sergio’ ang lalim ng bolunterismo sa kanilang komunidad, “ang pagbabantay po namin dito ay upang maprotektahan [ang] Lupang Ramos na aming ipinaglalaban; hangga’t kami’y nakakatayo hindi namin titigilan itong pagbabantay.”
Sa kasalukuyan, ang kaso ng LR ay nakahain pa rin sa korte na tila walang katiyakan sa resulta, dahil na rin sa sa pangigipit ng estado at ng mga negosyanteng nakikipagkumpitensyang makuha ang sakahan. Sa kabila nito, klaro sa halos tatlong dekada nilang pag-oorganisa na buo ang kanilang kapasyahan na hindi sumuko sa kanilang ipinaglalaban.
Hindi rin nalalayo ang karanasan ng mga pesante sa Hacienda Yulo na matatagpuan sa bayan ng Calamba, Cabuyao, at Sta. Rosa, Laguna, kung saan matinding intimidasyon at karahasan ang ipinamamayani ng gobyerno at mga korporasiyon nagnananais na agawin ang sakahan.
Taong 2010, ang mga tauhan mula sa Land Estate Development Corporation at San Cristobal Realty Development Corporation (SCRDC) na pagmamay-ari rin ng mga Yulo ay nanguna sa mga gawang pananakot at pagkulong sa ilang magsasaka, mga residente at mga estudyantedng menor de edad kung saan ang ilan pa sa kanila ay sinaktan at aktwal na binugbog. Ipinapakita ng korporasyon ang kapangyarihan nila upang intimidahin at pwersadong paalisin ang komunidad para sa personal nilang layunin sa lupa. At nitong nakaraang Agosto 2020, isang kaso na naman ng pang-haharass ng mga armadong gwardya sa mga kababaihang pesante ang naitala, kung saan nanira at nagsunog pa sila ng tatlong bahay sa nasabing lugar. Dahil sa karahasan at mga pananamantalang ito, binakuran na ng mga residente ang sitio bilang proteksiyon na rin sa kanilang kabuhayan at komunidad. Nakakatakot kapag dahas na ang ginagamit ng estado at ng mga korporasiyon, ngunit patunay na matapang ang mga residente at magsasaka ng Hacienda Yulo dahil nanatili sila sa kanilang lupa sa gitna man ng ganitong opresiyon.
Sa probinsya naman ng Tarlac sa Hacienda Tinang, lumalago rin ang kultura ng bungkalan sa kalakhan ng mga magsasaka roon. Bunga rin ito ng panghihimasok ng mga pulisya at militar, na tila ba pagpapatigil sa nagiging organisado nilang komunidad. Nakikita man ang mga balakid na ito na hinarap ng mga magsasaka, ganap ang pagsama ng kolektibong pwersa ng masa sa kanila.
Sinasalamin ng ilang mga kasong ito, ang pangkalahatang kondisyon at mahabang kasaysayan ng pagbabaka ng sektor, sa kabuuan. Ang mga kuwento ng kanilang pakikibaka, katatagan, at walang tigil na pag-asa sa kanilang minimithi ay inspirasyon sa pagsupil sa pyudal na sistema. Sa ganitong paraan pinapakita ng uring magsasaka na handa at kaya nilang tumindig para sa tunay na kalayaan ng kanilang lupa.
Bunga Ng Bigkisan
Ilang dekada nang tinitiis ng masang anakpawis ang patong-patong na karahasan at pang-aapi mula sa iba’t ibang pwersang nananamantala. Ngunit, ilang dekada na rin nilang pinapatunayan na hinding hindi sila magpapatinag sa ganitong karanasan.
“Until now big landholdings exist. Tingnan mo ang Hacienda Luisita, tingnan mo ang Negros, ‘di naman talaga na distribute iyan, tingnan mo ang Coron. Marami pa, despite may sinasabi na CARP, they were never distributed,” mga pahayag ni Angie Ipong ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) sa isang panayam ng CNN Philippines ukol sa masidhing ugat ng kanilang malakas na panawagan ng tunay na pagbabagong agraryo. Mababatid na dito umusbong ang iba’t ibang porma at anyo ng pagtindig ng mga magsasaka mula sa bungkalan patungo sa pagtatayo ng kubol, pag-oorganisa, pagmomobilisa ng mga kasama, hindi sila naduduwag sa pag-intimida ng ilehitimong pwersa ng estado.
Iba’t ibang mga progresibong agrikultural na organisasyon gaya ng UMA at Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo (SAKA) ay suportado at isinusulong na rin ang malawakang bungkalan sa maraming agrikultural na lugar sa kanayunan. Naniniwala sila na sa gitna ng pambansang krisis sa sektor ng agrikultura, isa ang bungkalan sa pangunahing pagkilos na maaring magamit ng ating mga magsasaka upang ipaglaban ang kanilang karapatan na matagal ng nayuyurakan.
Ang kolektibong pagpapaunlad ng mga ipinaglalabang lupa tungo sa isang organikong pamamaraan ng pagsasaka ay kapwa adbokasiyang pangkalikasan at matapang na protesta para sa tunay na agraryong reporma.
HIGIT SA PAGKAKAROON NGSEGURIDADSA
PAGKAINAT
IKABUBUHAY, SIMBOLO
ANGBUNGKALANNG
TAGUMPAY NG MGA NAGKAKAISA, NAGBUBUKLOD, AT NAGBIBIGKISANG
KOMUNIDAD.
Buwagin man ang bawat kubol, ipatigil man ang pagbubungkal, sunugin man ang mga tahanan, at magbuwis pa ng buhay ang iilan, pinapatunayan ng kolektibong aksyon ng masang anakpawis na sisibol at magbubunga pa rin ang mapagpalayang pakikibaka ng mga magsasaka, pesante, at manggagawang bukid. At sa bawat bungkal ng lupa at pagbabayanihan ng sektor, sumama tayong masa sa pagasang aani rin sila ng tagumpay na katapat ng kanilang dugo, pawis, at hirap na iniaalay para sa bayan. [P]
Related Stories
READ: Plight of the peasants
READ: Buhay ng mamamayan, nakasalalay sa kapakanan ng agrikultura
READ: In a state of the landed: land is power, (and the landed refuse to give)
It’s time to answer the call.
As PANANAW XVI celebrates its 16th issue with the theme “Ugnayan sa Marahang Pagningas”, we tackle the power of the collective and the political capacities of rest in a time of fatigue, weariness and collapse of spirit.
Sa
mamamayang Pilipino laban sa matinding kahirapan at kagutuman.
Ang mabilis na pagtaas presyo ng mga bilihin at ang nanatiling mababang sahod ay naguudyok sa mas mahirap na buhay para sa mga manggagawang Pilipino. Tumataginting na 8.1% ang inflation rate sa Pilipinas noong Disyembre 2022. Ito ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na 14 taon mula noong Nobyembre 2008. Tandaan na nababawasan ang halaga ng sinasahod ng mga manggagawa tuwing may pagtaas sa antas ng inflation sa bansa.
Ayon sa IBON Foundation, para sa isang pamilyang may limang-myembro na nakatira sa NCR, dapat Php 1,140 kada araw ang kinikita upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Sa kasalukuyan, Php 570 lamang ang daily minimum wage na ‘di hamak na mas maliit sa nirerekomendang sahod.
Ang tanong, paano pinagkakasya ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng mga nasa laylayan, ang kanilang sahod laban sa mahal na mga bilihin? Paano nila natutustusan ang kulang na kita para ipambayad sa mga gastusin? Madalas na sagot dito ay “nasa kaniya-kaniyang diskarte lang naman iyan.” Bago ang Pasko, niregaluhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ng sakit sa ulo ang mga Pilipino matapos maglabas ng “price guide” para sa handa ng Noche Buena. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, kasyang kasya ang Php500.00 dahil “dapat kung magluluto, mayroon ka namang bawang, sibuyas, at mantika na.”
Dito palang ay makikita na kung gaano kawalang-alam ang gobyerno sa estado ng kanilang pinagseserbisyuhan. Kahit na may krisis sa sahod at bilihin sa Pilipinas, tinutulak pa rin sa mga tao ang pagiging matatag (resiliency) at diskarte sa halip na magpahayag ng hindi pagsang-ayon o pagtutol sa kasalukuyang pamamalakad ng administrasyon.
PAGSUSURI SA “DISKARTE”
Ang diskarte ay walang direktang kasingkahulugan sa Ingles, ang pinakamalapit na pagsasalin dito ay strategy o approach. Ginagamit ang diskarte sa iba’t-ibang konteksto tulad ng sa panliligaw, mga negosasiyon, at sa paglutas ng mga problema.
Sa loob ng dalawang taon ng pandemya, maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa mga pinairal na lockdowns. Sa kabila ng mga problema at pagsubok na kinakaharap, nagagawan pa rin ng paraan ng mga Pilipino na makahanap ng ibang mapagkakakitaan. Nauso ang mga live-selling at may mga nanghihingi ng tulong pinansiyal sa mga social media platforms para pambayad sa ospital o pambili ng gadyet para makapagpatuloy sa pag-aaral.
Ang salitang diskarte ay may iba’t-ibang implikasyon; maaaring ito ay isang saloobin o pananaw sa buhay. Ang diskarte ay kadalasang