3 minute read
ANGMITONG DISKARTE
NI HANALIT ZAFRA
ating mga mamamayan para lamang mairaos ang kanya-kanyang pamilya, kung ano-anong mga gimik at raket ang pinapatulan upang malampasan ang kahirapan. Mga trabahador na sumusweldo ng minimum wage o mas mababa pa ay kumakayod araw-araw habang ang mga kapitalista ay mas lalong lang nagpapayaman.
Advertisement
Ang pahayag ni Donnalyn Bartolome tungkol sa back to work matapos ang bakasyon ay isang manipestasyon ng nakakalasong pag-iisip dala ng kapitalismo. Hindi lahat ng tao ay may pribelihyo upang itigil ang pagtatrabaho o may kakayahang makapaghanap ng alternatibo. Sa simula pa lang, wala na silang resources upang matugunan ang mga ito. Kamakailan lamang, tumanggap ng batikos ang (DTI) dahil sa kanilang iminungkahi na noche buena sa Pasko na nagkakahalagang Php 500.00 na umano’y sapat na para sa pamilya na may limang miyembro. Ginamit na naman dito ang diskarte bilang solusyon sa problema ng pagtaas presyo ng mga bilihin. Sa ganitong sitwasyon, hugas-kamay ang mga dambuhalang negosyante, korap na politiko, at mga panginoong may lupa sa kanilang mga pananamantala. Binabaling ng mga kapitalista ang kanilang mga kalapastanganan sa mga uring manggagawa at pinaparating na kulang o wala silang diskarte sa buhay kaya hindi umuunlad ang kanilang kalagayan sa buhay.
Nabulag ang mga Pilipino sa totoong dahilan kung bakit talamak ang kahirapan, kagutuman, at hindi pagkakapantay-pantay dahil tinuruan tayong sisihin ang ating mga sarili kung bakit hindi tayo umuunlad. Sa katotohanan, walang kakayahan ang ating gobyerno na makapagbigay ng solusyon sa intergenerational poverty na dinaranas ng halos lahat ng pamilyang Pilipino. Walang kahit ano mang diskarte ang magbibigay sa lahat ng pantay-pantay na kaginhawaan sa buhay.
Panandaliang Solusyon Sa Sistemikong Problema
pinaparangalan bilang isang asal (cultural behavior) kung saan ang isang tao ay may sariling paraan para maiwasan ang anumang hadlang para mapagaan ang pamumuhay. Ang isang madiskarte na tao ay maaaring mailarawan bilang mapamaraan (resourceful) o street smart. Sa kasamaang palad, napipilitan ang ilan sa mga mamamayan na dumiskarte sa hindi legal na paraan katulad na lamang ng pagsingit sa linya, pandaraya sa pagsusulit, pagamit ng fixers, palakasan sa mga opisyal ng gobyerno, at panunuhol tuwing na-ticketan sa daan. Ang iba ay humahawak pa sa patalim—pagbebenta ng droga o kaya nama’y pagnanakaw—para lamang may mapangkain.
Mayroon namang iba na puhunan ang kanilang kasanayan katulad ng pagtayo ng community pantries sa kasagsagan ng lockdown, pagiging part-timer habang nag-aaral, pagbebenta ng mga handicrafts, pagkokomisyon ng mga artworks, pangangalakal, pagiging labandera, at iba pa.
Mabuti man o masama, hindi natin mapagkakaila na ang mga gawing diskarte ay bunga ng kapabayaan ng estado sa pamamahala at kabiguang magbigay ng sapat na mga serbisyong pampubliko. Sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan, ang tagumpay ay madalas na sinusukat sa karangyaan ng pamumuhay. Iniuugnay natin sa taong matagumpay ang pagiging masipag, matiyaga, at determinado. Lubos na mauunawaan ang diskarte ng isang indibidwal kung alam natin ang kanilang personal at panlipunang kalagayan na nag-udyok sa paggamit nito.
Pagiging Madiskarte Sa
Pilipinas
Ayon sa naitalang datos noong Nobyembre 2022, mayroong 21.5 milyong manggagawa ang napapabilang sa impormal na sektor, kung saan binubuo nila ang 43.2% ng mga employed. Salungat sa pahayag ng gobyerno, ang pagtaas ng employment rate dahil sa mga part-time at impormal na mga trabaho ay hindi pahiwatig ng pagbabalik lakas ng ating ekonomiya. Ang pag-giit ng gobyerno sa isang malakas na labor market base lamang sa employment rate ay pagbabalewala sa pagdami ng mababang kalidad na trabaho, na pinipilit lamang ng mga Pilipino na subukan ang mga ito para lamang may maipangtawid sila sa kanilang pangaraw-araw na gastusin. Ang diskarte ay nagmumula sa hindi pantay na ugnayang panlipunan, isang direktang resulta ng kapitalismo. Kapit sa patalim ang
Mayroong 19.99 milyong indibidwal ang nabubuhay sa ilalim ng poverty threshold o 18.1% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ang hindi nakakatanggap ng sapat na sahod para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan. Ang walang pagkakapantay-pantay sa oportunidad ng paggawa, trabaho, at edukasyon ang nagtatakda kung paano nalilikha at nagagamit ang mga “diskarte”. Ang taong madiskarte ay karaniwang nanggagaling sa mababang posisyon sa lipunan.
Ang diskarte ay ginawang panandaliang solusyon sa ating sistemikong problema sa bansa. Inilipat nito ang sisi mula sa kawalan ng kakayahan ng gobyerno na bigong makapagbigay sa mga mamamayan ng sapat na serbisyong pampubliko na nararapat na matamasa ng mga mamamayang Pilipino. Nakakalusot ang mga korap na opisyal sa gobyerno sa kanilang mga katiwalian dahil namanipula nila ang sambayanang Pilipino sa pag-iisip na ang kalagayan nila sa buhay ay umaasa lamang sa diskarte nila.
Kailangan ng panagutin ang mga kapitalista sa kanilang mga paniniil sa sambayanan. Ipagpatuloy at mas paigtingin ang pangangalampag laban sa mapagsamatala at pasistang awtoridad. Panahon na upang ang gobyerno naman ang dumiskarte upang makapaglahad ng konkretong solusyon at tunay na tulong sa mga uring manggagawang Pilipino at mahihirap. [P]