Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 493)

Page 1

P7

Philippine Charity Sweepstakes Office

Daang Palusot

tingnan ang buong larawan sa pahina 4

PIROUETTE GAMING CORPORATION

IARYO NATIN D

Daily Draw Results

ANG ADN Taon 12, Blg. 493

Setyembre 2 – Setyembre 8, 2013

QUEZON, ISUSULONG BILANG AQUACULTURE OPERATOR SA BANSA LUCENA CITY Isinusulong na ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa ilalim ni Gobernador David “Jayjay” Suarez at ni dating Congressman Danilo Suarez ang pagiging Aqua-culture Operator ng Quezon sa buong bansa. Naniniwala ang dating mambabatas na sa tulong ng nasabing aktibidad, liliit pa sa 28% ang bilang ng mga nagugutom, naghihirap at walang hanapbuhay sa

ni Leo David

lalawigan kumpara noong 2006 – kung saan umabot sa 36% ang mga naghihirap at walang hanapbuhay base sa datos ng National Statistics Office. Matapos na simulan ang operasyon ng Unisan Hatchery nito lamang nakalipas na buwan ng Hunyo, agad na nagbigay ng mga pagsasanay sa cage fishing ang mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang mga

sundan sa pahina 3

mangingisda, municipal agriculturist officer, at mga mayor sa Quezon. Ayon kay Suarez, kinakailangan lamang na maging responsable ang lahat ng gustong maging operator ng cage fishing para matiyak ang tagumpay. Sa kasalukuyan, ang Unisan Hatchery ang kauna-unahan sa bansa na mag-aalaga at magpaparami ng isdang pompano at seabass na

Experimental Traffic Scheme, malapit nang isagawa sa Paglalagay ng mga “safety nets” sa Lungsod ng Lucena

Iprinisinta ni Quezon Governor David C.Suarez sa audio-visual presentation (AVP) ang planong Quezon Special Economic Zone (QSEZ) sa unang pagkakataon sa mga miyembro ng Sangguniang panlalawigan, panglungsod, pambayan at sa publiko na isang susi upang ganap na mapaunlad ang lalawigan sa kaniyang State of the Province Address (SOPA), kamakailan sa Quezon Convention Center (QCC), Lucena City. Contributed by Danny J. Estacio

LUCENA CITY – Isasagawa na sa susunod na mga buwan ng Traffic Management Council of Lucena (TMCL) ang isang experimental traffic scheme sa lungsod na inaasahang tuluyan nang magpapaganda ng daloy ng trapiko. Bunsod ng ilang matagumpay na pagpupulong ng naturang konseho, ay napagkaisahan ng mga bumubuo nito na ipunin lahat ng mga magagandang suhestiyon at opinion

upang mapag-aralan agad at nang makagawa ng mga karampatang hakbang sa lalong madaling panahon. Ayon sa Action Officer ng TMCL na si G. Arnel Avila, handa na ang TMCL na baklasin muna ang mga traffic signages na kasalukuyang makikita sa iba’t-ibang bahagi ng ating mga lansangan at ipaisantabi muna ang mga naipasa nang mga ordinansa ukol sa trapiko at nang maumpisahan na ang experimental sa susunod na mga buwan

kung naaayon sa batas. Ayon naman kay City Legal Officer Atty. Ghandir Alejandrino na isa rin sa mga bumubuo ng TMCL ay walang masasagasaang legalidad ang isasagawang experimentasyon basta’t may siguradong takdang oras at panahon na kung kailan ito isasagawa; at kung maayos ang kalalabasan nito ay maari na itong masusugan ng Sangguniang Panglungsod at magawan na ng karampatang ordinansa. QPIO

bagong itatayong gusali, mahigpit na ipinatutupad ng City Eng’g Office

LUCENA CITY Mahigpit na ipinatutupad ng City Engineering Office, sa pamumuno ni OIC City Engineer Ronnie Tolentino, ang paglalagay ng mga “safety nets” sa itatayong bagong gusali sa lungsod. Ayon kay Engr. Tolentino, mahigpit ang kanilang tagubilin sa paglalagay nito dahil ito ay nakasaad

aniya ito sa batas. Ito rin aniya ay upang makaiwas sa disgrasya ang mga taong magdadaan sa gilid ng itatayong establisyemento sa mga debris o mga bagay na maaring malaglag dito at maging sa mga gumagawa rito. Nanawagan rin si Tolentino sa mga nagnanais na magtatayo ng mga gusali sa lungsod na maglagay

ng kagamitang ito upang mapanatili ang kaligtasan sa paligid nito at makaiwas na rin sa kinauukulang multa sa paglabag dito. Matatandaang ilang mga itinatayong building sa lungsod ay tinungo ng kanilang mga tauhan at binigyan ng kaukulang aksyon hinggil sa hindi paglalagay ng mga safety nets. Johnny Glorioso

“Alkansya project” ng Social Security System, suportado ng City Government of Lucena

Si Ms Miled Ibias na pinarangalang natatanging kawani ng Lucena nitong nakaraang pagdiriwang ng Araw ng Lucena na isinagawa sa Queen Margarette Hotel sa naturan ding lungsod. Raffy Zarnate

LUCENA CITY– Nagpahayag ng malaking pasasalamat ang pamunuan ng Social Security System (SSS) sa pamahalaang panglungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick Dondon Alcala dahil sa umano’y malaking suporta nito sa Alkansya Project ng SSS.

Kamakailan lamang, sinabi ni Mrs. Victoria Liwanag, Branch Manager ng SSS Lucena na dumalo ang alkalde sa inilunsad nilang programa kung saan ang mga nasa sector ng transportasyon ang una nilang tinawagan para sa proyektong ito. Malaki rin kasi aniya ang paniniwala

ng local na pamahalaan na sa pamamagitan ng proyektong ito, ang mga Tricycle Operators & Drivers Association o TODA at ang Jeepney Operators & Drivers Operators ay magkakaroon ng pagkakataon na maging miyembro ng SSS sa mas pinadaling pamamaraan o paghuhulog ng P10 kada

araw sa kanilang mga alkansya. Binigyang diin ni Mrs. Liwanag na hindi dapat na ituring ng sinuman na ang paghuhulog sa SSS ay gastos o expenses mula sa kanilang bulsa kundi isa itong investment na may malaking pakinabang pagdating ng panahon. QPIO

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.