Philippine Charity Sweepstakes Office
P7
P10 MRT-LRT Wage Hike!
tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
PIROUETTE GAMING CORPORATION
IARYO NATIN D
Daily Draw Results
ANG ADN Taon 12, Blg. 495
Setyembre 16 – Setyembre 22, 2013
Amoy-pulitika pa rin?
Pondo ni Cong. Alcala Para sa ni Ronald Lim Quezon medical center, sundan sa pahina 5
tinanggihan CONG. KULIT ALCALA
L A L AW I G A N NG QUEZON Pagkadismaya ngayon ang nararamdaman ni 2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala matapos na tanggihan ng pamunuan ng Quezon Medical Center ang inilalagak nitong pondo
para sa mga mamamayan ng segunda distrito na mangangailangan ng tulong medikal. Isinalaysay ni Congressman Alcala sa programang Pag-usapan Natin ni Arnel Avila, na nang minsang nagtungo ang isa niyang staff sa QMC upang magdeposito ng halagang P1 milyong
piso para sa medical assistance ng mga mamamayan ng ikalawang distrito ng lalawigan, ngunit nang makaharap aniya ng kaniyang tauhan ang isang nagngangalang “Mr. Watson” ay sumagot ito ng “hindi nila ito maaring tanggapin sapagkat kinakailangan raw muna na ipadaan ito
Libreng Gamutan sa Brgy. IX. Handog ni Brgy. Captain Gerry Dela Cruz at Sangguniang Brgy. IX ang libreng gamutan sa nabanggit na barangay nitong nakaraang linggo. Sa pakikisisa ni Mayor Dondon Alcala, matagumpay na nabigyan ng libreng serbisyong-medical ang nasa 300 mamamayan ng nasabing barangay. Photo by Abby Holgado
Pagkakaroon ng sariling water system ng lungsod, panahon na ayon kay Kon. Benny Brizuela LUCENA CITY - Napapanahon na umano para magkaroon ng sariling water system ang lungsod ng Lucena, sa prebelihiyong pananalita ni KOnsehal Benito J. Brizuela, na may titulong Towards A Sustainable Water Integrated Management o SWIM in Lucena City 2013 and Beyond, binigyang-diin ng opisyal na may legal na batayan na ang Pama-
halaang Panglungsod para maisakatuparan ang malaon ng minimithi ng mga Lucenahin. Kabilang na dito ang pagkakaroon ng isang mura at ligtas na tubig inumin. Nakasaad kasi aniya sa Local Government Code of 1991, ng RA 7160, section 16,17,457,458 na ang Sangguniang Panglungsod ay maaaring magpasa ng mga ordinansa, mag-apruba ng mga resolusyon at
maglaan ng pondo para sa pagkakaroon ng efficient waterworks system para isuplay sa mga naninirahan sa lugar. Noong 2011, ang Supreme Court aniya ay nagkaroon ng kaso at ito ay ang Tawang Cooperative vs. La Trinidad Benguet Water District at idineklara ng korte na dapat ay walang exclusivity sa franchise ang alinmang ahensya ng gobsundan sa pahina 55
QUEZON INVESTMENT CONFERENCE. (LEFT) Inilahad ni Lucena City Roderick “Dondon” Alcala sa kanyang pambungad na pananalita ang maayos at malinis niyang pakikipag-ugnayan sa mga negosyante na nais magtayo ng negosyo sa Lungsod ng Lucena, kabilang na dito ang pagsasaayos at pagpapabilis sa proseso ng business permit na normal na proseso na ng Pamahalaang Panglunsod ng Lucena. (RIGHT) Kasamang nagpakuha ng larawan ng magiting na mayor sina 1st District Board Member Alona Obispo, 3rd District Board Member Lourdes “ Bunso” de Luna-Pasatiempo, SM Southern Luzon PR Manager Lilibeth Azores at iba pang mga opisyales ng lalawigan. Photo by Abby Holgado
Scholarship program, itutuloy ko kahit walang pork barrel ni Darcie de Galicia –Cong. Kulit Alcala LALAWIGAN NG QUEZON - “Edukasyon ang susi para maiahon natin ang mahihirap nating kabuhayan sa bansa at sa lalawigan ng Quezon kaya hindi ko pwedeng pabayaan ang mahihirap nating kababayan, lalo’t higit ang mga estudyante na umaasa sa aking scholarship program kahit wala ng pork barrel fund.” Ito ang mariing idineklara ni 2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala sa panayam ang ADN sa kabila ng malawakang protesta at panawagan ng ating mga kababyan para buwagin na ng kongreso ang pork barrel na na nagyon ay Priority Development Assistance Fund o PDAF.
Naniniwala umano si Cong. Kulit na kahit wala na ang PDAF ay hindi dapat mawala at hindi mahinto ang tulong sa daan-daan gastos scholar sa segunda distrito at lalawigan ng quezon. Aniya, Vice-Governor pa lamang siya ay may mga tinutulungan na siyang mga estudyante na hindi kaya ng magulang na magbayad ng matrikula sa kolehiyo kaya ginagastusan na hindi kinuha sa pondo ng bayan. Kauganay nito, may mga hakbang na si “Kulit” bilang bagong Kongresista at pina-”plantsa” na umano ng kanyang opisina ang paraan para mabigyan ng direktang tulong-edukasyon ang mga estuyante sa kolehiyo na salat sa
pantustos sa kanilang pagaaral. Sinabi rin ni Alcala na nakikipag-ugnayan na rin siya sa Commission on Higher Education (CHED) gayun di sa Department of Budget and Management (DBM) kung ano ang mga rekusitos para dito. Si Alcala ay Pabor din umano para tanggaalin na ang pork barrel. Katunayan umano nito ay isa siya sa mga nangunang kongresista na pumirma sa isang position letter upang iparating kay Speaker Sonny Belmonte na sumasangayon sa pagbuwag sa pork barrel Dahil ito umano ang kagustuhan ng milyon nating kababayan ay hindi siya pwedeng sumuway sa boses ng taong bayan, sundan sa pahina 5
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE