P7
Philippine Charity Sweepstakes Office
War Drum Signal
tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
PIROUETTE GAMING CORPORATION
IARYO NATIN D
Daily Draw Results
ANG ADN Taon 12, Blg. 497
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Setyembre 30 – Oktubre 6, 2013
Stop quarrying at Mt. Banahaw contributed by Michelle C. Zoleta
L
UCENA CITY – An environmental advocate has sounded the alarm over quarrying activities in the Sariaya part of Mt. Banahaw.
Hobart Dator Jr., president of the Save Mt. Banahaw Movement, said Quezon authorities should stop the wanton quarrying on Mt. Banahaw and investigate and prosecute the operators. Four years ago, it
was Dator who alerted authorities on a huge dent caused by erosion in the Lucban side of Mt. Banahaw due to illegal cutting of trees and treasure hunting. “Dapat ipatigil na ng mga awtoridad sa Quezon ang mga gumagawa
Ocular inspection, isinagawa sa ilang quarry site sa Sariaya
kontribusyon ng Quezon PIO
A R I A Y A , QUEZON - Dumaan ngayong ika-19 ng Setyembre sa masusing pag-aaral ng Sangguniang Panlalawigan ang mga
ng Committee on Environment, personal nilang tinungo ang ilang quarrying site sa nabanggit na bayan kasama ang mga lokal na opisyal ng bayan ng Sariaya at kinatawan ng Provincial Mining and Regulatory Board upang
ilog sa bayan ng Sariaya na may mga isinasagawang quarrying operation. Ayon kay Bokal Gary Estrada, Chairman
matingnan kung papaano isasaayos ang ilang mga lugar dito. Base sa kanilang obserbasyon, hindi
S
imposibleng kung saan saang lugar dadaloy ang tubig at bato mula sa mga Ilog ng Lagnas at Hanagdong dahil hindi nakaayon sa flood control program ang operasyon ng mga quarry. Base sa rekomendasyon ng PMRB at ng lokal na pamahalaan ng Sariaya, kinakailangan munang isaayos o magsagawa ng proper delineation ang mga ilog na nasasakop ng protected
ng walang habas na pagka-quarry sa Sariaya at naaapektuhan ang Bundok Banahaw. Baka biglang magising at magalma na kagaya ng Mount Pinatubo ay kawawa tayong taga-Quezon,” said Hobart Dator, Jr., president of Save Mt. Banahaw Movement on a statement. Dator was referring to the Mount Pinatubo
in Central Luzon which erupted in June 1991 after 500 years of dormancy which he attributed to the years of indiscriminate military testing at the Clark Air Base facilities of the United States. “Ang Bundok Banahaw ay kagaya ng Mount Pinatubo na matagal na natutulog lamang ngunit dahil sa kauuga ng mga
nagsasagawa ng quarry operations sa paanan ng bundok ay baka magising ito at mag-alma,” said Dator who also alerted the authorities in Lucban town 4 years ago about the huge dent caused by erosion on the Lucban side of Mt. Banahaw apparently owing to stealthy illegal cutting of trees and alleged treasure hunting. ADN
1st City of Tayabas PTA Federation Summit to hold on October contributed by PIA-Quezon
T
AYABAS CITY The newly o r g a n i z e d Federation of ParentsTeachers Association of the City Schools Division of Tayabas will hold its maiden activity, the 1st
City of Tayabas PTA Federation Summit on October 4, 2013, 01:00pm (Friday) at Tayabas East Central School – 3 Covered Court, Tayabas City. With the theme “Implanting the Seeds of Collaboration: Nurturing Better Academic
Environment in the City of Tayabas”, this pioneering endeavor aims to acquaint participants with relevant DepEd’s policies/programs of great significance to the PTAs as well as to synergize potent partnership among stakeholders as part of the continuing efforts see 1ST CITY | page 5
tingnan ang OCULAR | pahina 5
Evangelical Mission ng Iglesia Ni Cristo, naantala
1 patay, 6 sugatan sa karambola ng 9 na sasakyan sa Tayabas kontribusyon ni Michelle C. Zoleta
LEADING BY EXAMPLE. Personal ng namahala ng trapiko si Lucena City Chief of Police Supt. Allen Ren F. Co sa 20kilometro ang pila ng mga sasakyan sa Maharlika Highway na nagmistulang parking lot dahilan sa aksidenteng idinulot ng trakna nawalan ng prenon sa bahagi ng Tayabas City, Quezon nitong nakaraang Biyernes ng umaga. Madel Ingles
T
AYABAS CITY Isa ang napaulat na patay habang
anim naman ang sugatan sa pag-araro ng isang trak sa hilera ng mga sasakyan sa Tayabas City, Quezon nitong nakaraang Biyernes ng
umaga. Batay sa inisyal na report ni Police Chief Inspector Manny Calma, hepe ng Tayabas PNP, alas-7:00 ng umaga
nang mawalan ng preno ang trailer truck na minamaneho ni Leonardo Felicida ng Meycauayan, Bulacan sa pababang bahagi ng Maharlika tingnan ang 1 PATAY | pahina 5
KARAMBOLA. Inararo ng trailer truck na ito ang hilera ng mga sasakyan sa bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Calumpang, Tayabas City nitong nakaraang Biyernes ng umaga na nagresulta ng pagkasawi ng 1 at pagkasugat ng 6 na iba pang sibilyan. Madel Ingles
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
2
ANG DIARYO NATIN
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
Mga epal na tarpaulin ng kandidato sa darating na Brgy. Election, naglipana nina Ronald Lim at ng PIO Lucena
L
UCENA CITY Tila mga kabuteng nagsulputan na ang mga tinatawag na EPAL na tarpaulin ng mga kandidato para sa darating na barangay elect--ion sa Oktubre. Hindi pa man naguumpisa ang itinakdang panahon para sa kampanya ay kitang-kita na sa mga lansangan ang mga tila
nagpapakilalang mga kandidato. Kapansin-pansin ang mga ito na naglipana sa iba’t-ibang lugar sa lungsod ng Lucena partikular na sa bahagi ng Brgy. Ibabang Dupay at Ibabang Iyam. Bukod sa ipinagbabawal pa ito ng Comelec dahil nga sa hindi pa panahon ng kampanya, ay lampas pa ito sa sukat na itinatakda ng nasabing tanggapan na 4x3 lamang.
Kung kaya naman ang tanong ng ilang mga Lucenahin, kung sa maliit na alituntunin na ipinatutupad ng Comelec ay hindi na kayang sundin ng mga ito, ay ano pa kaya kapag nakaupo na sila sa pwesto? Paalala naman ng Comelec na piliing mabuti ng mga botante ang kanilang iboboto upang makamtan nila ang tamang serbisyo na ibibigay ng mga ito. ADN
Batas sa pagparada sa mga pinalawak na lansangan, mahigpit nang ipatutupad ni Ronald Lim
L
UCENA CITY – Mahigpit nang ipatutupad ng Sangguniang Panlalawigan ang batas hinggil sa pagbabawal ng pagpaparada ng anumang uri ng sasakyan sa mga bahagi ng mga pinalawak na lansangan (widened road) sa alin mang parte ng lalawigan ng Quezon. Ito ang tinalakay sa Joint Committee Hearing na isinagawa sa Sangguniang Panlalawigan kamakailan na pinangunahan ni Hon. Victor A. Reyes na Chairman ng komitiba sa Transportasyon at komunikasyon. Alinsunod rin sa mga probisyon ng Section 23
ng Presidential Decree No. 17 o ang Philippine Highways Act na nagbabawal sa sino man na gamitin ang alin mang bahagi ng pampublikong highway, tulay o alin mang daan para sa sariling kapakanan o maglagay ng anumang obstruction o sagabal sa mga ito, ay naatasan rin sa kapulungan ang lahat ng District Engineer sa lalawigan na alisin o ipaalis ang lahat ng obstruction at mga ipinagbabawal na paggamit sa mga daanang ito na nakapaloob sa Right of Way o ROW ng lahat ng nasyonal na lansangan sa kani-kanilang mga hurisdiksyon. Napabilang sa mga ipaaalis ng mga tanggapan ng district engineers sa
mga national highways at national roads, bukod sa mga nakaparadang sasakyan, ay ang mga sagabal na sa daan tulad ng anumang istraktura na kinabibilangan ng mga gusali, tindahan, poste, tolda, pader, basketball court, basurahan at iba pa. Kasama rin sa mga obstruction na ipinagbabawal ang mga halaman at mga lalagyan nito, mga driveway at mga rampa, mga hump, mga construction materials, mga behikulo, mga equipment maging ang mga junk na sasakyang nakahimpil sa lansangan o sidewalk at ipinagbabawal rin ang pagkukumpuni ng mga sasakyan at pagtitinda sa mga right of way ng mga lansangan. ADN
TIAONG AGAINSTS DRUGS. Nagsagawa ng kampanya laban sa ilegal na droga ang Municipal Anti Drug Abuse Council (MADAC). Ayon kay Tiaong Mayor Ramon Presa, siya ay nanawagan sa mga magulangin na pangalagaan ang kanilang mga anak na huwag malulong at maligaw ng landas sa ipinagbabawal na gamot. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng mga guro mula elementarya hanggang kolehiyo at DepEd ng bayan ng Tiaong,Quezon. Raffy Sarnate
Investments, business opportunities unfold at Quezon ICON 2013 kontribusyon ni Charlie S. Dajao ng DTI-Calabarzon/PIA4A
L
UCENA CITY Business groups, industry experts, bankers and financing professionals converged at the 2-day Quezon Investment Conference, or Quezon ICON 2013 last September 11-12, 2013 at the Queen Margarette Hotel this city. Organized by the The Department of Trade and Industry (DTI) in Quezon in cooperation with the Balintawak Lodge No. 28 of the Free and Accepted Masons in the Philippines, the forum aims to impart to participants the insights, knowledge, technologies and the potential resources on investments and business opportunities. Department of Trade and Industry Regional Director Marilou Quinco-Toledo said that investments are the impetus to economic activities that will generate employment. “This is why DTI and its partners in government and in the private sector are working hard to mobilize prospective investors to take on the opportunities
Quezon has to present,” Toledo said. Toledo briefed participants on DTI’s current strategy for SME development and emphasized the importance of the industry cluster development via the value chain approach. “With this forum, we also aim to bridge and strengthen relationship among investors, industry sectors and government,” Toledo added. Industry experts discussed the business opportunities on the seven industry clusters promoted for investments by the province of Quezon. Noel Florido (Cocos Nucifera Pacific Corportion) discussed on the prospects of integrated coconut processing; Jack Sandique (Platinum Rubber Development, Inc., North Cotabato), on rubber; Salvio Valenzuela, Jr. (Chamber of Furniture Industries of the Philippines), furniture; Edgardo Manda (Philippine Bamboo Foundation, Inc.) on bamboo production and processing. Glen Baticados (Baycove International) talked about the opportunities
in pangasius production and processing, and fruit processing by Peter Sia, KLT Fruits. On the second day, Gillian Joyce Virata of the Information and Business Process Association of the Philippines (iBAP) briefed on the counts of prospects of ICT and ICT-enabled industries, among them the O-Desk (‘online desk’, an online workplace) which could be suitable as a start-up ICT business for Quezon. Opportunities in agribusiness were also discussed by Jose Reaño of Nestle Philippines, on coffee production, and Orlan Agustin of San Miguel Corporation, on cassava processing. The financing aspects were discussed by William Makalintal of SB Corporation; Abelardo Monarquia, Development Bank of the Philippines; and Alex Hinojosa of the Land Bank of the Philippines. D O L E - Q u e z o n ’s Raymond Ramos and Wilma Guinto of Peace and Equity Foundation talked on other livelihood opportunities and social enterprise development services, respectively. ADN
Wanted na rapist, naaresto sa Lucena ni Ronald Lim
L
UNGSOD NG LUCENA Nagtapos na ang matagal nang pagtatago sa batas ng isang wanted na rapist matapos na maaresto ito ng mga awtoridad sa Lungsod ng Lucena nitong nakaraang linggo. Batay sa ulat ng pulisya, pasado alas-diyes Exclusive interview ng mga mamamahayag kay Lucban Mayor Celso Olivier Dator at kay Hepe ng gabi nang maaresto PCInsp. Llego kaugnay ng mga lumalaganap na kaso ng nakawan at naglipanang drug pushers ng operatiba ng Lucena at users na ang karaniwang binibiktima ay mga estudyante. Raffy Sarnate City Police ang suspek
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
na si Darren Rioflorido alyas “Rhen,” 25 anyos, residente ng Turkish St. Pleasantville Subd. Brgy. Ilayang Iyam sa naturang lungsod. Nadakip nina SPO2 Tobias Carreon, SPO1 Norman Ayala, SPO1 Adonis Loterte at PO3 Ariel Cartago ang wanted na rapist sa kanto ng Quezon Avenue at Trinidad St sa Brgy. 2 dahil na rin sa ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Bienvinido
Magpaye. Bukod sa kasong rape, may kaso ring 2 counts of Grave Coersion at 3 counts ng Violation of RA 9262 ang manyakis na wanted person. Matatandaang taong 2009 ay pwersahang ginahasa ni Rioflorido ang biktimang itinago sa pangalang Joanna. Kasalukuyan ngayong nakaditine ang suspek sa Lucena City lock-up jail. ADN
ANG DIARYO NATIN
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
Mga gov’t agencies, dapat maging involve sa mahigpit na implementasyon ng Philippine Highways Act ni Ronald Lim
L
UCENA CITY Kinakailangang makasali ang iba’tibang ahensya ng gobyerno sa binabalak na paghihigpit sa pagpapatupad ng pagbabawal ng pagparada sa mga pinalawak na kalsada ng national highway. Ito ang iminungkahi ng bagong talagang OIC ng Quezon Police Prov’l Office na si PSupt. Ronnie Ylagan sa ginanap na hearing sa Sangguniang Panlalawigan kamakalawa hinggil sa nasabing isyu. Ang nasabing hearing ay tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng
nakapaloob sa Section 23 ng Presidential Decree No. 17 o ang Philippine Highways Act. Ayon kay Ylagan, kailangang makasama ang mga sangay ng gobyerno tulad ng LTO, PNP, DPWH, HPG at LGUs sa pagpapatupad nito. Dagdag pa ni PD Ylagan, hindi lamang ang mga nakaparadang sasakyan ang nagiging problema sa mga highways kundi maging ang paglalagay ng mga barikada sa mga tapat ng eskwelahan lalo na kapag araw ng pasukan. Bagamat hindi aniya ito maaring basta tanggalin dahil sa inilagay rin ito
NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS?
para sa kaligtasan ng mga estudyante, hiniling naman ni Ylagan na kung maari sa pagkakatapos ng klase ay alisin ito upang hindi naman makaabala sa mga motorista. Isa rin pa sa nakikita niyang problema ay ang mga maninindahan sa tabi ng kalsada na isang malaking hazard sa mga motorista. Ipinahayag naman ng Acting Prov’l Director na buo ang kaniyang suporta sa gagawing ito ng Pamahalaang Panlalawigan na higpitan pa ang pagpapatupad ng Presidential Decree No. 17 o ang Philippine Highways Act. ADN
District Engr. Cely Flancia, nagpasalamat sa pagtalakay sa PHA ni Ronald Lim
L
UCENA CITY Lubos na nagpasalamat si DPWH Quezon II District Engineer Cely Flancia sa mga miyembro ng Sanguniaang Panlalawigan, partikular kay 3rd District Board Member Victor Reyes, sa pagtatalakay ng Philippine Highways Act (PHA). Ang nasabing pagtatakay ay naganap noong nakaraang joint committee hearing ng Committee on Transportation and Communication sa gusali ng Sanguniaang Panlalawigan kamakailan. Ayon kay DE Flancia, matagal na niyang hinihintay ang ganitong
pagkakataon na matalakay ang pagbabawal sa pagparada sa mga highways lalo na sa mga pinalawak na kalsada. Iminungkahi rin ni Flancia na kung maari aniya ay hindi lamang sana ang mga pinalawak na kalsada ang pagbawalan sa pagpaparada ng mga sasakayan kundi maging ang mga kalsadang nasasakakop ng road right of way. Ang road right of way aniya ay ang nasasakop ng 20 metro mula sa national highway. Ayon pa rin sa district engineer, ang right of way ay sakop pa ng kalsada at ang mga daang ito ay mga busy road kung kaya ito ay pinagbabawal na paradahan.
Paliwanag pa ni DE Flancia, nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng mga road widening upang madecongest ang traffic sa mga kalsada at mabawasan ang mga aksidente at hindi upang gawing parking area ng ilang mga sasakyan. Samantala, ayon naman kay Board Member Vic Reyes, bagamat sa lahat ng lungsod at mga bayan sa buong pilipinas ay nagkakaroon ng suliranin sa trapiko, umiisip naman at gumagawa ng paraan ang mga miyembro ng Sanguniaang Panlalawigan ng upang masolusyunan ito, hindi lamang sa lungsod ng Lucena maging sa lahat ng bayan sa buong lalawigan ng Quezon. ADN
Pagbubukas ng tulay ng Pleasantville, personal na pinangasiwaan ng City Engr. kontribusyon ni Francis Gilbuena ng PIO Lucena
L
UCENA CITY Personal na pinangasiwaan ni OIC City Engineer Rhodencio “Ronnie” Tolentino ang pinakaaabangang pagbubukas ng tulay ng Pleasantville nitong nakaraang Huwebes ng hapon. Sa hudyat ni Engr. Tolentino ay nagsimula na ang mga tauhan nitong tanggalin ang mga barikada at barandillas na kanilang ihinarang sa magkabilang dulo ng naturang tulay upang hindi ito madaanan habang hinihintay na
mairaos ang “curing period” nito na sa una’y inaasahang magtatagal ng humigit-kumulang sa isang buwan. Ayon sa City Engineer, minarapat nilang buksan na ang tulay na ito nang mas maaga sa itinakdantg petsa, sa kadahilanang napasuri na nila ang tibay ng konkretong naipabuhos sa nasirang bahagi nito at ito ay pasado na at handa nang ipagamit sa publiko. Labis naman ang naging pasasalamat ng mga naunang makaranas ng pagdaan sa tulay na nabanggit, dahil sa ginhawang dala ng pagbubukas nito; at ang iba pa nga sa mga ito ay nagbigay ng kani-
3
kaniyang pasalamat at pagbati sa City Engineer. Paalala lang ni Tolentino, base sa istraktura ng naturang tulay, ay hindi dapat ito padaanan sa mga mabibigat na behikulo upang higit na magtagal pa ito. S a m a n t a l a , iminumungkahi ng Pamahalaang Panglungsod sa mga kinauukulang miyembro ng Sanggunian na magpalabas ng ordinansa na magpapagawa ng vertical clearance sa bahagi ng tulay ng Pleasantville upang tuluyan nang hindi madaanan ito ng mabibigat at malalaking sasakyan. ADN
1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA
0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City
Automated Weather Station, ilalagay sa bayan ng Atimonan kontribusyon ng Quezon PIO
A
TIMONAN, QUEZON Pormal nang ipinagkaloob sa lalawigan ng Quezon ang ikatlong automated weather station ng probinsya sa isinagawang turn-over at MOA signing ceremony sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Quezon Governor David “JayJay”C. Suarez, Therma Luzon Inc., Aboitiz Power at Weather Philippines Foundation kanina, September 24, 2013 sa tanggapan ng Punong Lalawigan. Ayon kay Prov. Administrator Rommel Edano, maituturing na makasaysayan ang naturang aktibidad sapagkat ito ay nagpapakita ng publicprivate partnership para sa kapakanan ng mga mamamayan at napakapalad ang Quezon dahil isa ito sa napagkalooban ng naturang programa.
Malaking tulong aniya ang naturang kagamitan para higit pang mapaghandaan ang anumang kalamidad dulot ng lagay ng panahon. Ayon naman kay Benjamin Cariaso, Jr., President and COO ng Therma Luzon Inc., ang naturang automated weather station ay bilang pagtupad nila sa pangako kay Governor Suarez. Ang ipinagkaloob na automated weather station na ilalagay sa bayan ng Atimonan ay pangatlo na sa lalawigan ng Quezon, ang dalawa ay matatagpuan sa lungsod ng Lucena. Sinabi naman ni Celso Caballero III, General Manager ng Weather Philippines Foundation na simulang tulong pa lang ito sa pamahalaang panlalawigan sa kanilang disaster risk reduction. Kasunod aniya nito ay ang pagsasagawa ng mga training para sa tamang paggamit ng automated weather station. Target ng Weather Philippines Foundation na
makapaglagay ng 1,000 automated weather station sa buong bansa hanggang sa katapusan ng taong 2013 upang makatulong sa disaster preparedness ng iba’t-ibang lugar. Sa pamamagitan ng naturang kagamitan ay malalaman ang mga impormasyon tungkol sa localized weather, solar radiation, lakas at galaw ng hangin, temperature, humidity at lakas at dami ng ulan sa isang lugar na maaaring makita sa www. weather.com.ph. Nagpasalamat naman si Mayor Jose Mendoza ng Atimonan dahil ang kanilang bayan ang malalagyan ng automated weather station at malaking tulong ito hindi lamang sa kanilang bayan pati na rin sa mga bayang nasa baybay-dagat tulad ng Perez, Alabat, Quezon, Quezon at Mauban na pangunahing hanapbuhay ay pangingisda. Sa pamamagitan aniya nito ay malalaman ang magiging panahon at maiiwasan ang anumang maaaring sakuna. ADN
Buntis na ginang, patay matapos magbigti dahil sa “problema sa pamilya” ni Ronald Lim
C
ATA N A U A N , QUEZON Nang dahilan sa problema sa pamilya at sa dinadalang sanggol sa kanyang sinapupunan, winakasan ng isang ginang ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng tahanan nito. Nakilala ang biktimang si Crisilda Señora,29 anyos, at residente ng Brgy. Madulao sa naturang
bayan. Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente bandang ala-una ng madaling araw sa tahanan nito. Nakarinig ng malakas na ingay sa loob ng tahanan ang tiyuhin ng biktima at nang tawagin niya ito ay hindi na ito sumagot. Agad na tinungo ng tiyuhin ang bahay ng ginang at laking gulat nito ng matagpuan si Señora na nakabigti gamit ang
isang lubid. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong patay. Ayon sa ilang kaanak ng ginang, may malaking problema ang biktima sa kaniyang pamilya hinggil sa live-in partner nito at napag-alamang buntis rin ito ng apat na buwan. Kasalukyan naman ngayong nakalagak ang labi ng biktima sa Funeral Jugno sa Brgy. 10 sa nasabing bayan. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
4
ANG DIARYO NATIN
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
editoryal
Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng Pasko. Kabi-kabila na naman ang mga dekorasyon. Ang karamihang mga establisyemento, may mga dekorasyong pampasko na. May mga ilang Christmas lights na nga sa paligid. Sadyang ang mga liwanag ng mga magagarang ilaw na ito ay nagpaparamdam sa atin na malapit na nga ang ating pinakahihintay na Pasko. Mapapanood at maririnig naman natin sa telebisyon ang mga patalastas na may himig-pamasko. Nandiyan din iyong mga nagsasagawa ng countdown. Binibilang ang mga natitirang araw bago sumapit ang araw ng Pasko. Sa ibang tao, maririnig natin ang mga salitang ganito: “Pasko na naman, pero parang ganun pa din!”……”Pasko na naman, wala pa ring biyenan!”… ..”Pasko na naman, wala pa ring pag-asenso sa buhay!”……”Pasko na naman pero wala pa ring kaginhawahan sa buhay!” at marami pang iba na maririnig tayo mula sa ibang tao. Ang mga ito ay mga pansariling kagustuhan. Gusto nating mga tao ay magkaroon ng pagbabago sa buhay tuwing sasapit ang Pasko. Lumabas naman tayo ngayon sa ating sarili. Tingnan natin ang mas malawak na lipunan, ang ating sambayanan. Malamang masasabi din natin ang ganito: “Pasko na naman, wala pa ring pagbabago sa lipunan!” Sabi ng iba, may mga pagbabago nang nagaganap pero bakit marami pa rin ang naghihirap? Bakit marami pa rin ang namamalimos? Bakit marami pa rin ang nagugutom? Bakit marami pa rin ang napapabayaan sa ating lipunan? Bakit marami pa rin ang walang trabaho at walang tirahan? Nasaan ang pagbabago? Nasaan ang sinasabing pagunlad? Sinasabi sa isang awiting pampasko ang ganito: “Pasko ay ang pagbabago, buhay ng tao”. Totoo, ito ang mensahe ng Pasko: ANG PAGBABAGO. Sa pagsapit ng Pasko, makita sana sa buhay natin ang pagbabago. Kung nais nating magkaroon ng pagbabago sa mas malawak na lipunan, magsimula sana ito sa ating sarili. Ang isang malaking adhikain ay nagsisimula sa isang munting pangarap. Ang pagbabago sa ating lipunan ay magsisimula sa pagbabago ng ating mga puso at kalooban. Ang ating mga tahanan ay nagbabagong-anyo tuwing sasapit ang kapaskuhan o bago pa man ito sumapit dahil sa mga dekorasyong pampasko. Mula sa isang tahanan, nagbabago din ang ating paligid, nagbabago ang mukha ng sambayanan dahil sa dami ng dekorasyong pampasko. Sa pagpasok ng panahon ng paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko, magkaroon din nawa ng pagbabago sa puso at kalooban upang magbago din ang mukha ng ating lipunan. Kung paanong nagbabagong anyo ang ating mga tahanan sa tuwing sasapit ang Pasko, magbagong anyo din sana ang ating puso at kalooban! ADN
Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher
criselda C. DAVID Editor-in-chief
sheryl U. garcia Managing Editor
darcie de galicia | bell s. desolo | lito giron beng bodino | boots gonzales mahalia lacandola-shoup | leo david wattie ladera | reymark vasquez | ronald lim joan clyde parafina | MADEL INGLES Christopher Reyes | RAFFY SARNATE Columnists/Reporters
MICHAEL C. ALEGRE Volunteer Reporter
TESS ABILA | MICHELLE OSERA Marketing Managers
Atty. Rey Oliver S. Alejandrino atty. ramon rodolfo r. zabella jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin DTI Cert. No. 01477125
dibuho ni arbeen acuna | www.bulatlat.com
Pagbabago ngayong Pasko
Marantan, et al. Dininig ni Hon. Judge Chona Fulgar-Navarro ang kasong inihain sa grupo ni Supt. Marantan sa Gumaca RTC Branch 61 noong nakaraang araw ng biernes. Ito ay makaraang maghain ng petisyon ang kapulisan matapos na magpalabas ng warrant of arrest laban sa 13 mga akusado sa kasong multle murder na inihain ng mga kaanak ng mga biktima. Kapagka kasi nagpalabas ng warrant ang hukuman, nangangahulugan ito na kelangang iprisinta sa nabanggit na hukuman ang mga akusado at dun sa nakatakdang piitan sila mamamalagi habang dinidinig ang kanilang kaso. Pinangunahan ng aking kaibigang si Police Chief Supt. Jessie Gatchalian na siyang namumunong Heneral ng kapulisan sa Rehiyon Calabarzon ang pagdating sa hukuman kasama sina Quezon Provincial Director SrSupt Ronaldo Ilagan, Gumaca PoliceChief, PCInsp Albacea at ang pamg rehiyong pinuno ng BJMP at ang puno ng District Jail ng Gumaca. Iisa ang argumento ng mga ito sa pagsasabi ng kanilang kahilingan na manatili na lamang sa Kampo Crame ang mga akusado. Security concerns ang kanilang katwiran, dagdag pa dito ang masyado ng nagsisikip na mga kulungan at kalabisan na kung mapapadagdag pa
D
ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso
dito ang 13 mga pulis. Una dito, nagparating na dn ng kanilang concern ang mga kaanak ng mga biktima o ang mga plaintiff sa naturang kaso. Ayon sa Abugado ng mga ito, hindi sila makakapayag na hindi makukulong dito sa Quezon ang mga akusadong pinamumunuan ni Supt Marantan. Ayon sa mga ito, matagal na umanong nasa kustodiya ng mga kapulisan ang mga akusado at dito din nakatakas mula sa kanilang pangangalaga si Supt Ramon Balauag at ang pulis na driver nito , na nagangahulugang maluwag ang pagtrato sa mga ito. Bukod umano dito, mas mahirap ang magging pagbabantay sa mga ito kung sa tuwing didinggin ang kaso ay mag ta travel pa sila mula kampo Crame patungo sa sundan sa pahina 7
Dalawang kahig, isang tuka
ela Cruz ay bumibigat pa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, singil sa kuryente at tubig. Ang pinakamsaklap pa ang ating mga maralitang lungsod na bumabalikat nito ay sila pang laging may malaking banta upang mawalan ng kabuhayanSa kasalukuyan, ang kalakhan ng mga mga pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz ay nakararanas mabuhay sa mas mababa pang kita na 104 na piso araw-araw. Sila ang nakararanas ng pang-araw-araw na matinding gutom at kahirapan. P172 ang sinasabi ng National Statistical Coordination Board upang masabing mabubuhay at makakain ang isang pamilyang Pilipino sa loob ng isang araw. Ngunit alam ng mga maralita, lalo na ng hanay ng mga kababaihang walang kita na walang katotohanan ang ipinamamalitang ito ng gobyerno ni Aquino. Paraan lamang nila ito upang ikundisyon ang isip ng ating mga maralitang manggagawa upang hindi na manawagan pa ng dagdag sahod. Mayroon ng 13,189,000 Pilipino ang walang trabaho sa ilalim ni Aquino. Sa halip na lumikha ng sariling industriya ay Labor Export Policy o ang paglikha pang maraming Overseas Filipino Workers ang polisiyang ipinatutupad ng gobyerno, 4,559 na ang Pilipinong umaalis araw-araw upang mangibang bansa. Tanging remittances ng ating mga kababayang OFW ang di umano ay bumubuhay sa ekonomiya
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
alimpuyo
Ni Criselda Cabangon ng ating bansa. Ngunit ang kapalit nman nito para sa ating mga kababayang Pilipino ay ang araw araw na bulnerabilidad para maabuso ngunit hindi naman mabigyan ng proteksyon ng gobyernong nagpadala sa kanila sa ibang bansa. Ang lahat ng suliraning ito ng isang Juan. Habang walang kabuhayan ang ating mga kababayan sa mga relokasyon, banta rin sa kanilang buhay ang mga substandard o walang kalidad na pagkakagawa ng kanilang bahay, hindi iilang pamilya ang nakaranas ng aksidente dahil sa kaunting ulan at baha lamang ay bumigay na ang kanilang bahay. At sa panahon ng demolisyon at kagutuman, maririnig nating kung kanino ang pinakamalakas na tinig ng pagtutol at pagtangis. Napakasahol na ng kalagayan ng ating mga maralita lalo na ng kababaihan at ng mga bata, gayon din ang ating mga kabataan. Sila ang kalakhang walang hanapbuhay at pinakamalaking porsyento ng biktima ng kahirapan. Higit kailanman, dapat ipagtanggol ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayang Pilipino. ADN
ANG DIARYO NATIN
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
OCULAR mula sa pahina 1
1 PATAY mula sa pahina 1 Highway sakop ng Barangay Calumpang, Tayabas City. Ang truck na putungong Lucena ay inararo ang mga nakaparadang sasakyan sa Grand Evangelical Mission ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa lugar. Nagkarambola pa ang anim na sasakyan kabilang ang isang trailer truck (PUR 371), JAM passenger bus (DFW 681), Manly Express bus (DVA 686), SKL bus (EVK 984), Sacred Heart Luxury bus (TYT 227), Mitsubishi Lancer (UPW 917), Fuzu Canter Closed Van (XBJ 394), Cianzar Transport (POD 504) isang Tamaraw FX. Naipit ng dalawang bus ang nasawing biktima na kinilala na si Delfin Velasco, 54-anyos ng Candelaria, Quezon. Ginagamot ang anim na sugatan sa dalawang magkahiwalay na ospital sa Lucena. Kinilala ang mga sugatan sa Quezon Medical
A
Center na sina: John Martoni ng Calumpang, maginang Mylene at Dominga Maala. Habang sina Ligaya Bayona, 60 at taga-Tiaong na kritikal ang kondisyon, anak nitong si Elyrose, 16, at isang Raymond Concepcion ay sa Lucena Doctors Hospital. Anila, umabot sa 20-kilometro ang pila ng mga sasakyan sa Maharlika Highway na nagmistula umanong parking lot. Nagpatupad namann ng re-routing para sa mga apektadong sasakyan mula Bicol. kabilang dito ang pagdaan sa Pagsanjan, Laguna o Sariaya, Quezon pa-Maynila. Bukod sa aktibidad ng INC, napilitan na ang mga kumpanya ng mga bus na kanselahin ang regular na oras ng biyahe pa-Maynila noong Biyernes. Resulta nito, dumagsa ang mga i-stranded na pasahero sa Lucena Grand Central Terminal dahilan sa matinding traffic. ADN
‘I Transform’! Young Leaders Convention
ng katuparan ng hangaring maitayo ang isang mapayapa, matatag at masaganang bansa ay nakasalalay nang malaki sa kamay ng sambayanang Pilipino, lalo na sa mga kabataan, sabi ng Pangulong Benigno S. Aquino III sa mensahe sa Philippine Society of Young Good Citizens. “Bilang mga lider ng kinabukasan, ang kabataan ay dapat gabayan upang maging responsable at masigasig na mga taong nakahandang gampanan ang kani-kanilang tungkulin sa lipunan,” pagbibigaydiin pa ng Pangulo sa pahatid-bating kaugnay sa ginanap na “I Transform! Young Leaders Convention: Believe, Excel, Serve, Transform! (B.E.S.T.) Mindanao Wave. Ang apat na araw na kumbensiyon ng Philippine Society of Young Good Citizens ay may paksang– diwang “United Nations Millennium Development Goals (UNMDGs): Global Action, Innovation, Peace ang Solidarity” na ginaganap sa Garden Oases ng Ritz Hottel sa Lungsod ng Davao. “Itinuturing ng inyong pamahalaan ang pakikibalikat ng kabataan sa mahalagang yugtong ito ng ating ibayong sigasig at malasakit na mahalagang sangkap na maaasahan natin patungo sa tuwid at tamang landas dahil sa kahilang ideyalismo at punyagi,” sabi pa ng Pangulo. “Harinawang ang pagdalo ninyo sa kapulungang ito ay maging daan upang lalong umalab at maging
mula sa pia
Edisyon Ni Lito Giron matatag ang inyong sama-samang pananagutang mapabuti ang kalagayan ng ating mga kababayan. Ang dangal, husay at alab ng damdaming patuloy na kasangkapan natin upang magtagumpay ang ating mga mithiin, nang sa gayon, maipamana sana natin sa mga susunod na saling-lahing Pilipino ang isang Pilipinas na higit na mainam, higit na laganap ang kasaganaan,” pagbibigay-diin pa ng Pangulo. Layuhnin ng aktibidad na ito na bigyan ang mga kabataang Pilipino ng landas upang ibahagi ang higit na makabuluhang paraan upang tugunan ang mga suliraning panlipunan sa tulong ng balangkas na nakasalig sa United Nations Millennium Development Goals. Ang kampanyang “I Transform…” ay inilunsad noong Setyembre 2012 sa Lungsod ng Tagbilaran sa Bohol na nilahukan ng 650 lider kabataang kumakatawan sa 130 kapisanan. ADN
Mga kapitan na tatakbo sa halalan, kilatisin muna
H
ay naku, malapit na ang halalang pambarangay! Handa na ba kayong mga botante na iboto ang mga kapitan na na nakakasakop sa inyong lugar? Aba’y kilatisin muna ninyo kung talagang bukal sa kanyang kalooban na manungkulan sa inyong barangay? Baka iyan ay napilitan lang ng dahil sa sulsul ng kanyang kabarangay na “ikaw na ang tumakbo, kayang-kaya mong talunin yang nakaupong Kapitan!” Merong ganyang isyu. Ay ‘di siyempre, matutuwa nga naman itong si Pedro, dahil mapera ito at negosyante. ‘Yon namang kabarangay na botante, bola rine, bola ro’n; sahod dine, sahod do’n. Ito namang banong tatakbong kapitan bigay rine, bigay ro’n; hindi nalamang siya’y inuuto lang! Oh my God! What kind of people are you naman? Kaya paalala sa ating mga botanteng kabarangay, iboto ang tunay na tao at hindi plastic ang pagkatao. Kamakailan mga suki kung tagasubaybay, nagsurvey ang inyong lingkod sa mga barangay at meron tayong na-interview na bago sa larangan ng halalang pambarangay; barangay Chairman ang kanyang tatakbuhan. Isa siyang negosyante na kilalang kilala sa barangay na noon ay magandang kausap at inamo natin ipa-publish sa local na diyaryo ang kanyang personality profile. Agad na pumayag siya, ibinigay ang kanyang cellphone number at sinabing “bumalik ka na lang next week at busing-busy pa ako.” Makaraan ang ilang araw, palitan kami ng text
5
tirador
Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com
at tawag sa bagong tatakbong kapitan. Aba’y kuruin mo nga suki nitong huling araw ay hindi na nareply ang kumag? Palpak pala itong kausap! Ganyan ba ang tatakbong barangay chairman, pati media ay iniindyan. Oh c’mon naman! As a matter of fact, mga suki dapat man lang ay sumagot siya sa text na hindi na ako interesado na ipublish ang personality profile ko! Ni ha! Ni ho! Ay hindi nagreply. Pambihira talaga! Ganyan ba ang tatakbong Brgy. Chairman? Balasubas kausap? Kaya dapat mga ka –barangay huwag ninyong iboto ang ganyang klase ng tao. Tubog sa ginto. Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng tubog sa ginto? Binabaeng kausap. Silahis. Kaya paalala lang sa ating mga botante: ‘wag paloloko sa kislap ng salapi! Konsensya ang pairalin, ‘wag ang tamis ng dila at taginting ng pilak na kanilang ipinamumukadkad. Matuto na tayong huwag pabola sa mga tatakbong kapitan na bulaan na’y bolero pa. Sige mga suki, good luck & see you there! Until next issue. God Bless you all! ADN
area ng Mt. Banahaw dahil sa naturang lugar pa lamang ay nakita na nila kung saan-saan dumadaloy ang tubig at bato na dapat sana ay sa naturang mga ilog lamang. Ayon pa kay Estrada, sa ngayon ay hindi na nila halos malaman kung alin ang mga ilog dahil sa dami na ng mga hukay. Kinakailangan aniya ay simulan ang pagsasaayos ng mga ilog mula sa ibaba hanggang pataas. Kailangan din umano na lagyan ng catch basin o retarding basin ang mga ito upang hindi bigla ang pagbuhos ng tubig at bato pababa sa naturang mga ilog. Ang rekomendasyon ng PMRB ay isinumite na sa Mines Rehabilitation Fund Committee na binubuo ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan. Ayon kay Danny Bernal, kinatawan ng PMRB, atas na lamang ng komite ang kanilang hinihintay para simulan ang pagsasaayos ng mga ilog na nasa nasa protected areas. Samantala, itinanggi naman ni Sariaya Mayor Boyet Masilang na ipinatigil nito ang operasyon ng quarry sa nabanggit na bayan. May mga isinagawa silang operasyon laban dun sa mga nagsasagawa ng iligal, at ito aniya ay bahagi ng kanilang ginagawang pag aaral kung papaano mare-regulate ang operasyon ng quarry. Ang suhestyon ni Masilang ay dapat na ibigay sa lokal na pamahalaan ang pamamahala o pagsasaayos ng mga ilog na nasasakop ng protected area sa Mt. Banahaw. ADN
1ST CITY from page 1 in reaffirming concerted commitment to quality and responsive education in the City of Tayabas. The target participants to this activity are PTA Officers and Board of Directors, Principals/Heads and Guidance Counselors of all public Elementary and Secondary Schools in the City Division of Tayabas. Registration fee of each participant is only Php 200.00 which covers afternoon snacks, dinner, cocktails, certificates and handouts. Proceeds will be used to help defray other incidental expenses. The deadline of payment remittance is on September 21, 2013 during the regular meeting for the month of the Federation. For confirmation and inquiries, participants may contact the PTA Federation President Farley L. Abrigo at mobile number 09225096817 or send email to abrigofarley@yahoo.com. ADN
Overloading na trucks, dahilan ng pagkasira ng ilang kalsada sa mga highways nina Ronald Lim at ng PIO Lucena
L
UCENA CITY - Isa sa nakikitang dahilan ng pagkasira ng kalsada sa mga highways ay ang overloading na mga trucks na dumadaan dito. Ito ang ipinahayag ni DPWH Quezon II District Engineer Cely Flancia sa isinagawang joint committee hearing ng Sanguniaang Panlalawigan kamakailan hinggil sa pagpapatupad ng Philippine Highways Act. Ayon kay DE Flancia, bukod sa mga pag-ulan at pagbaha na dahilan rin sa pagkasira ng mga nasabing daan, isa rin sa malaking dahilan ang overloading na mga trucks na dumadaan sa mga national highways. Dahil aniya sa bigat ng mga ito ay hindi nakakayanan ng mga kalsada ang capacity weight ng mga naturang sasakyan dahilan upang bumitak ito at tuluyan nang masira. Paliwanag pa ni Flancia, hindi pumapasok ang kanilang ahensya sa mga kontrata na nagsasagawa ng mga substandard na kalsada na katulad ng sinasabi ng iba, na nagiging dahilan ng maagang pagkasira ng mga ginawang daan. Dagdag pa ni Flancia na patuloy ang kanilang tanggapan sa paggawa ng paraan upang mawala na o kung hindi man ay mabawasan ang mga overloading na trucks na dumadaan sa mga national highways. ADN
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
6
ANG DIARYO NATIN
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
ano ba yan!!! Ni Johnny Glorioso
CONGRATS! Nagtamo ng ikatlong karangalan si Jaxynne Aleix Ann C. Alcala, anak nina Lucena City Senior Councilor Anacleto Alcala IIII at Orchid Alcala sa isinagawang 2nd Voice of Asia Extempo Reg’l Competition noong Biyernes, Sept. 27, sa Malvar Batangas. Dang Cabangon
EXTRA JUDICIAL SETTLEMENT AMONG HEIRS WITH WAIVER OF RIGHTS Notice is hereby given that the Savings Account No. 5183518103017 of the late SALVADOR JUNIO amounting to ONE HUNDRED TWENTY NINE THOUSAND THREE HUNDED FIFTY PESOS AND SIXTY TWO CENTAVOS (P129,350.62) with the Metro Bank, San Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region BRANCH 65 Infanta, Quezon IN RE PETITION FOR CORRECTION OF ENTRY ON THE CERTIFICATE OF LIVE BIRTH OF LEONEL SOLTURA ASTOVEZA INVOLVING THE YEAR OF HIS BIRTH FROM JULY 01, 1994 TO JULY 01, 1992 LEONEL SOLTURA ASTOVEZA, rep.’d by his mother, MERLITA S. ASTOVEZA Petitioner. SP.PROC NO.454-I -versus - THE LOCAL CIVIL REGISTRAR OF GEN. NAKAR, QUEZON Respondent ORDER THIS is a verified petition for the correction of entry in the Certificate of live birth of Leonel Soltura Astoveza, filed by his motherrepresentative Merlita S. Astoveza, which was issued by the Local Civil Registrar of Gen. Nakar, Quezon and/or National Statistics Office, praying that after due notice, posting, publication
Carlos, Pangasinan Branch had been subject Of Extra-Judicial Settlement among Heirs with Waiver of Rights as per Doc. No. 259, Page No. 95, Book No. 902, Series of 2012 and executed by Notary Public Atty. Antonio Borja Magtibay
2nd Publication September 30, 2013 ADN: Sept. 23, 30 & Oct. 7, 2013 and hearing, an Order be issued dirẻcting the concerned offices to correct petitioner’s date of birth from July 01,1994 to July 01,1992. Finding the petition sufficient in form and substance, the same is set for initial hearing on Ôctober 09, 2013 at 8:30 in the morning at the sala of this court at the Hall of Justice located at Brgy Pulo, Infanta, Quezon. Petitioner is hêreby ordered to publish this order once a week for three(3) consecutive weeks in a Newspaper of gẻneral circulation in Quezon Province and other Southern Tagalog Provinces. Let copies of thí petition, its annexes and this order be furnished the Office of the Solicitor General, Makati City, and the office of the Local Civil Registrar of Gen. Nakar, Quezon. SO ORDERED Infanta, Quezon, September 4, 2013 (SGD) ARNEL O. MESA Presiding Judge 3rd Publication September 30, 2013 ADN: Sept. 16, 23 and 30, 2013
Gumaca. Hindi naman nakapagdesisyon kaagad si Judge Navarro sapagkat ayon dito, naghain ng inhibition laban sa kanya ang Abugado ni Marantan sapagkat kinikuestiyon niyo ang mabilis niyang pagpapalabas ng arrest warrant samantalang kapapaghain lang ng mga ahenye ng NBI ng kaso. Dahil dito, unang didinggin ang inhibition laban sa huwes bago pa ito makagpalabas ng desisyon kung saan
LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRAJUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-213 Upon petition for extra-judicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filed by INSULAR LIFE ASSURANCE CO. LTD., with principal Office at Insular Life Corporate Centre, Insular Life Drive, Filinvest Corporate City, Alabang Muntinlupa City, against FLORENTINO L. ENVERGA, of legal age, Filipinos, with residence and postal address at No. 9 Yale Street, University Site, Lucena City, to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts as of July 2013 amounts to EIGHT HUNDRED SEVENTY NINE THOUSAND EIGHT HUNDRED FIFTY FOUR PESOS AND 03/100 (P879,854.03) inclusive of penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on NOVEMBER 11, 2013 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Building, Lucena City, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine currency the following property
with all its improvements to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T- 133417 A parcel of Land (Lot 1-I of the Subdivision plan, Psd-04-015463, being a portion of Lot 1, Blk. 13, (LRC) Pcs-11558, L.R.C. Record No. 202 & 205), situated in the Barrio Of Ibabang Dupay, Lucena City. Bounded on the SE., along line 1-2 by Road, Lot 9, Pcs-3777, on the SW., along line 2-3 by lot 1-H, NW., along line 3-4 by lot 1-M, on the NE., along line 4-1 by Lot 1-J, all of the subdivision plan x x x containing an area of FORTY EIGHT (48) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date: In the event public auction should not take place on said date it shall be held on NOVEMBER 18, 2013 without further notice. Lucena City, September 17, 2013. (Sgd) ARTURO T. ERUBIN Sheriff IV (Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC , Provincial Sheriff Noted: (Sgd) DENNIS R. PASTRANA VICE EXECUTIVE JUDGE 1st Publication September 30, 2013 ADN: Sept. 30, Oct. 7 & 14, 2013
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
ikukulong ang mga pulis na akusado. Wala pa namang itinatakdang araw ng pagdinig ng pagpapatuloy ng kaso at aabisuhan na lamang umano ang panig ng complainant at plaintiff. *** QUARRY OPERATORS, BINIGYANG BABALA BAGO BISITAHIN Zero, as in walamg nadatnang mga quarry operators ang tropa ng pamahalaang panlalawigan ng dalawin nito ang bayan ng Sariaya upang malaman king maynillegal quarrying operations na nagaganap sa bayang ito na matagal nang inirereklamo. P l a n o n g umanong manghuli ng mga illegalista ang Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Bokal Gary Estrada, subalit dahilan sa inianunsiyo nga, nakapaghanda ang mga illegalista kung kayat wala silang nadatnan. Bukod sa pinadalhan ng sulat, ibrinodkas pa umano sa radyo na darating sila dun upang magbisita. Eh sinong sira ang ulo ang magpapahuli sa ginagawang illegal na operasyong ito? Naging katawatawa tuloy ang nangyari na nagmistulang isang komedya. Walang dinatnan ang grupo, at siyempre pa! At siguradng pinagtawanan pa sila. Dagsa na kasi amg dumadating na mga reklamo hinggil sa malawakamg illegal quarry operations sa bayang ito kung kayat ipinasiyang bisitahin. Ayun, bokya tuloy! *** SELECTIVE JUSTICE IS INJUSTICE Ito ang paulit ulit na binibigkas ni Sen. jinggoy Estrada sa ginawa nitong Privilege Speech sa
...mula sa pahina 4 regular senate session noong isang araw. Bakit sila lag ganung halos lahat naman sila ay may ganun. Baka kaya nga lang ay sila ang may pinaka malaki ng halagang involve.Sa halip na itanggi at ipaliwanag ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa iskandalong dulot ng PDAF ay nagturo pa ito ng nagturo ng iba pang mga kasamahan na may ganito din umanong anomaliya. Wari bang inamin nito amg lahat kasabay ang pagsasabing “eh ano eh hindi naman ako lang diba? Pati na din sila” Kinuwestiyon ng Senador kung bakit sila lang nina Senador Enrile at Revilla ang na single out gayong halos naman lahat ay gumagawa nito? Tinanong din king bakit sa kabuuang 88 mga NGO’s ay tanging yung kay Napoles lang ang inimbestgahan. Ang sagot naman ng COA ay sapagkat sila lang tatlong Senador ang may pinaka malaki ang halagang napadawit na siya ngayong konukwestiyon. Ipinaliwanag din ng COA kung bakit ang walong NGO lamg napagaari ni Napoles ang iniimbestigahan. Ayon sa punong tagapagpatupad ng COA, tanging amg mga NGO lamg ni Napoles ay merong whistle blower kung kayat ito lang amg iniimbestigahan. Tama nga naman! Hintayin na lang natin ang panig nina Senador Enrile at Revilla na nananatiling tahimik. Si Enrile, taas baba ang presyon kung kayat naospital lalo na nang magsalita ang kanyang dating Chief of Staff na si Binibining Gigi. Si Revilla naman ay nananatiling tahimik maliban sa pagsasabing iimbestigahan niya kung peke mga ba o genuine ang mga pirma sa mga naglabasang papeles. Hay naku ayaw pa ring umamin. ADN For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzmm@yahoo.com
ANG DIARYO NATIN
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
7
Coastal clean-up, isinagawa sa Brgy. Dalahican ni Leo David, ulat mula sa Quezon PIO
L
UCENA CITY - Mahigit apatnapung sako ng mga hindi nabubulok na mga basura ang nakuha ng mga nakiisa sa isinagawang coastal clean ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) katuwang ang ABE International Business School at pamahalaang barangay ng Dalahican kanina, September 25, 2013 sa Purok 4, Brgy. Dalahican, Lucena City. Ayon kay Manny Calayag, Asst. PG-ENRO na ang naturang aktibidad ay kaugnay ng International Coastal Clean-up Month ngayong Setyembre. Ito ay resulta din ng
nilagdaang Memorandum of Understanding sa pagitan ng PG-ENRO, ABE at Brgy. Dalahican na pangangalagaan ang baybay-dagat na pinagtaniman ng mga bakawan noong Quezon’s 2 in 1 sa naturang barangay. Layunin nito na mapanatiling malinis ang baybay-dagat partikular kung saan nakatanim ang mga bakawan na itinanim para na din sa kapakanan ng mga naninirahan malapit dito na maprotektahan sa malalakas na alon at may mapagkukunang mga isda. Hiniling ni Calayag sa pamunuan ng ABE na magsagawa din ng information and education campaign sa mga naninirahan sa
naturang lugar dahil hindi mapapanatiling maayos at malinis ito kung ang mga naninirahan mismo sa paligid nito ay hindi makikiisa at makikipagtulungan. Nagpahayag naman ng suporta at commitment ang mga guro at mag-aaral ng ABE International Business School sa pangangalaga ng naturang lugar na itinalaga sa kanila base na din sa nilagdang kasunduan. Ang naturang coastal clean-up ay nilahukan ng mahigit dalawang daan na kinabibilangan ng mga kawani ng PG-ENRO, guro at mag-aaral ng ABE, miyembro ng 4Ps at pamunuan ng barangay Dalahican sa pamumuno ni Kap. Merdeline Bautista. ADN
Suspected gun for hire, nahuli ni Johnny Glorioso
C
ANDELARIA, QUEZON - Nadakip kaagad ng mga pulis na pinamumunuan ni Supt Francis Ebreo ang isang suspected gun hire makaraang matiyempuhan ito sa may bahagi ng Brgy. Mangilag Sur ng bayang ito. Ayon sa mga pulis isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap dakong alas-10 ng gabi hinggil sa isang kahina-
hinalang lalaki na paikotikot sa naturang lugar sakay ng isang motorsiklo na walang plaka. Kaagad na tinungo mg mga pulis ang nasabing lugar at makaraang mamataan ang target ay kaagad itong pinahinto. Nakuha mula dito ang isang 9mm Taurus pistol na may isamg magazine at sampung bala. Nakuha din mula sa suspek ang isag balisong, isang cellhone na naglalaman ng mga text messages na nagsasaad ng
Philippine Charity Sweepstakes Office
descriptionsino ang target nitong likidahin at kung nasaan ito. Nakuha din sa bulsa ng suot nitong jacket ang isang itim na bonnet. Kasalukuyang nakadetine na ang suspek na nakahandang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA 8294, at Batasang Pambansa Bilang 6. Ang mga nakuha naman mula dito ay ipinadala na sa Philippine National Police (PNP) Crime laboratory par sa kaukulang ballistic examination. ADN
Mahigit apatnapung sako ng mga hindi nabubulok na mga basura ang nakuha ng nakiisa sa isinagawang coastal clean ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) katuwang ang ABE International Business School at pamahalaang barangay ng Dalahican nitong nakaraang September 25, 2013 sa Purok 4, Brgy. Dalahican, Lucena City. Photo by PIO Quezon
PIROUETTE GAMING CORPORATION Daily Draw Results
Day | Date
Morning
Afternoon Evening
Saturday | September 21
10x32
17x8
32x20
Sunday | Sept. 22
15x26
23x14
28x35
Monday | Sept. 23
19x5
6x1 9
15x24
Tuesday | Sept. 24
34x2
35x26
37x6
Wednesday | Sept. 25
5x1 6
10x31
22x14
Thursday | Sept. 26
31x28
19x36
29x34
Friday | Sept. 27
1x30
25x1
20x25
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE
8
setyembre 30 - oktubre 6, 2013
IARYO NATIN D
ANG DIARYO NATIN
ANG
Setyembre 30 - Oktubre 6, 2013
ADN Taon 12, Blg. 497
Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Green raincoat with floral designs These green rubber boots will keep little feet dry and safe
Splash the bleak thoughts away with these rubber boots
Poncho Princess: A purple umbrella, a pink poncho and pink patterned rubber boots will surely make the little princess go dancing in the rain
Go all-out girly with floral lace-up boots
Leather buckled boots
Walk on those puddles in style with purple rubber boots Do a fun bunny hop in the rain with this pink raincoat
Rainy day blues: Blue rain coat, blue ruffled umbrella and floral boots
Walk on the wild side with a pair of lace-up leopard printed boots
Brighten up a rainy day with this bumblebee raincoat, yellow rubber boots and panda umbrella
This yellow panda umbrella is too cute to be left at home
This pink butterfly umbrella will keep the blues away
Adorable ladybug umbrella
Rainy Day Fun for Kids from the SM Store The rains have come, but everything is bright and fun with practical and stylish raingear from the SM Store. Banish away the stormy day blues with umbrellas with ruffle accents, graphic prints, and princess designs
for little girls. Animal friends – bunnies, bees, butterflies, pandas in raincoats and ponchos will also keep the little ones company and lift their spirits up. Keep little feet safe and stylish with fashionable rain boots
in solid colors and playful prints, as well as cool leather boots. Who said singin’ in the rain wasn’t fun? The collection is available at the Children’s Accessories and Children’s Shoes sections of the SM Store.
Photography by: RAYMOND CELESTINO of Edge of Light Studios | Hair and Make-up by: SHASHA TAGUD of Lowell Buenaventura Salon
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE