Philippine Charity Sweepstakes Office
P7
Disaster: Corruption Issues tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
PIROUETTE GAMING CORPORATION
IARYO NATIN D
Daily Draw Results
ANG Oktubre 14 – Oktubre 20, 2013
Sanggunian Day
at 100 days ng mga Konsehal, ipinagdiwang kontribusyon ng PIO Lucena
L
UCENA CITY – Ipinagdiwang kamakalawa ng Sangguniang Panglunsod ng Lucena ang Sanggunian Day kasabay ng ika-100 araw ng mga nahalal na Konsehal. Matapos ang pag-uulat nina Konsehal Vic Paulo, Felix Avillo, Amer Lacerna, Anacleto Alcala III, Atty. Sunshine Abcede, Benny Brizuela at William Noche na dumalo sa nasabing selebrasyon, inisa-isa ni Vice Mayor at Presiding Officer Philip Castillo ang mga naging accomplishment ng 16th Sangguniang Panglungsod na aniya’y sadyang kakaiba kumpara tingnan ang SANGGUNIAN | pahina 3
Bigas sa Quezon, ADN Taon 12, Blg. 499
sapat ayon sa NFA ni Ronald Lim, ulat mula sa Quezon PIO
L
UCENA CITY – “Sapat ang bigas sa lalawigan ng Quezon,” ganito ang ginawang pagtiyak ng pamunuan ng National Food Authority (NFA) na nakabase sa lungsod na ito kasunod na rin ng mga alingasngas hinggil sa diumano’y kawalan ng sapat na suplay ng bigas sa bansa. tingnan ang BIGAS | pahina 5
Mayor Dondon Alcala, lubos
ang pasasalamat sa mga miyembro ng SP-Lucena kontribusyon ng PIO Lucena
L
UCENA CITY – Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Lucena City Mayor Roderick Dondon Alcala sa mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod dahil sa umano’y pakikipagkaisa ng mga ito sa kanyang administrasyon. Masayang masaya ang alkalde dahil sa aniya’y 12-0
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
votes na ibinibigay ng mga ito sa mahahalagang resolusyon at ordinansa kabilang na dito ang Executive Legislative Agenda, Annual Investment Plan, gayundin ang ordinansa sa local Seniors Citizens Act. Ibinahagi din ng alkalde na pasok din sa mga miembro ng SP ang planong pagtatayo ng bagong City Hall Building at ang ipinagkaloob nila na libreng edukasyon sa mga kabataang tingnan ang MAYOR | pahina 3
BRGY. AYUTI COVERED COURT. Pinasinayaan nitong ika-11 ng Oktubre, 2013 ang groundbreaking ng isang covered court handog ni Quezon Gov. David Suarez sa Sitio San Lorenzo ng Brgy. Ayuti, Lucban. Dinaluhan onya ni Provincial Administrator Rommel Edaño at sinaksihan nina Punong Barangay Sonia Veloro, kasama ang ilang opisyal ng barangay at munisipyo. Photos contributed by PIO-Quezon
Automated Weather Station, inilagay sa SM City Lucena kontribusyon ni Reygan Mantilla ng Quezon PIO
L
UCENA CITY - Upang makatulong sa pagiging handa ng mga komunidad sa anumang kalamidad na dumating dulot ng sama ng panahon ay naglagay ang lahat ng SM malls sa buong bansa ng automated weather station at
isa dito ang SM City Lucena na pormal na inilunsad kahapon, October 10, 2013. Ayon kay Engr. Russell Alegre, Asst. Mall Manager, nagkaroon ng kasunduan ang SM Investment Corporation at Weather Philippines Foundation upang magkaroon ng automated weather station ang 47 SM mall sa buong
bansa sapagkat napakahalaga ng pagkakaroon nito dahil sa ngayon na nararanasan nating climate change ay lubha itong nakakaapekto sa agrikultura, imprastraktura, negosyo at buhay ng tao. Ipinaliwanag naman ni Engr. Ramona Villaverde, Building Admin Officer ang kahalagahan at paggamit ng tingnan ang AUTOMATED | pahina 5
Mga lumang sidecar ng tricycle na pumapasada sa Lungsod ng Lucena, bilang na ang mga araw ni Ronald Lim
L STAND WITH THE POOR. Bingi o nagbibingi-bingihan lamang ang hindi makakarinig sa kalembang ng kampana sa panaghoy at panawagan ng bayan para alisin ang pork barrel system, paglalaan ng pondo sa serbisyong panlipunan at pagpapanagot sa may sala. At tungkulin ito ng nakaupo sa Malakanyang at lahat ng namumuno sa bayan.Contributed photo by Promotion of Church People’s Response (PCPR)
UCENA CITY - Nalalapit na ang araw ng mga tricycle na may lumang sidecar na namamasada sa lungsod ng Lucena dahil sa inihaing resolusyon ni Councilor William Noche sa Sangguniang Panlungsod nitong nakaraang linggo. Sa nasabing resolusyon, na may pamagat na “Regulating
the design and specifications of sidecars of tricycles for hire and the manufacture and/or fabrication of the same within the territorial jurisdiction of the City of Lucena,” nakasaad dito ang papayagang tamang sukat ng sidecar sa mga pumapasadang tricycle sa syudad. Kabilang rin aniya sa resolusyong ito ang pagbabawal na sa mga lumang sidecar ng tricycle dahil sa maaring
makapagdulot ito ng pinsala sa mga pasahero. Ayon kay Konsehal Noche, ginawa niya ang draft resolusyon na ito upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga riding public at dahil na rin sa mga reklamong naipararating sa kaniyang tanggapan. Dagdag pa ng konsehal na magkakaroon muna ng isang public hearing sa mga transport sector hinggil sa naturang tingnan ang MGA LUMANG | pahina 3
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE