Ang Diaryo Natin (Taon 12, Blg. 507)

Page 1

Sen. Defensor-Santiago vs. Sen. Enrile Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG

IARYO NATIN D

Disyembre 9 – DIsyembre 15, 2013

ADN Taon 12, Blg. 507

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

HR groups cries foul; relief operation tailed by military elements contributed by KarapatanSouthern Tagalog (ST)

L

UCENA CITY Armed elements of the 41st Infantry Batallion under a certain Sgt. Guzman insisted on “helping”

the relief operation, but Karapatan-ST and volunteers of the Southern Tagalog Serve The People Corps decried the security threats. Four intelligence agents using cameras for surveillance have been

confronted by the groups. Barangay officials were also uninformed of the military presence and have been pressured by the AFP-PNP to produce “a list” of names of the organizers. Glendhyl Malabanan,

secretary general of Ka r a p a t a n - S o u t h e r n Tagalog, said that the groups are dismayed with how the military is acting, “We are not ignorant as to how the military takes advantage of our activities in order

Quezon ay nagkaroon ng pagsasanay tungkol sa Coco Fiber at Twine Production sa Tropical Prime Coir (TPC) sa bayan ng Padre Burgos at Cocos Nucifera Pacific Enterprises sa bayan ng Gumaca noong ika-27 at 29 ng Nobyembre, 2013. Naisakatuparan

ang pagsasanay sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor na pinamumunuan ni Roberto Gajo at mga dumalong lokal na pamahalaan ng bayan ng Guinayangan, Lopez, Atimonan, Alabat, San Antonio, Lucban,

Pagbilao at Padre Burgos. Ito ay isang programa ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura upang mas maitaas ang industriya ng niyog sa buong lalawigan. Kaugnay nito,

to profile activist leaders. This is the first step they do that usually leads to grave human rights abuses,” she said. M a l a b a n a n

recounted how slain leaders such as Eden Marcellana and Eddie Gumanoy in 2003 were see HR group | p. 3

Produksyon ng niyog sa Quezon, mas patataasin

nina Michael Alegre at Leo David, dagdag na mga ulat mula sa OPAInfo. & Training Unit, Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Upang mas mapataas ng Pamahalaang Panlalawigan ng ang produksyon ng niyog sa

tingnan ang NIYOG | p. 3

150 taong kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio, ipinagdiwang

kontribusyon ng PIO Lucena / Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA - Buong galak na pinasalamatan ng chairman ng pagdiriwang ng ika-150 taong kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio

na si Archie Ilagan ang lahat ng mga dumalo sa selebrasyon noong Sabado ng umaga sa Bonifacio Drive sa bahagi ng Pleasantville Subd. sa Brgy. Ilayang Iyam. Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan ay hindi napigilan ang mga

kawani ng pamahalaang panlungsod, mga sundalo, miyembro ng Task force Lucena, mga piling estudyante mula DLL at Calayan Educational Foundation sa pagsasagwa ng naturang aktibidad. Lubos rin ang

pasasalamat ni Mr. Ilagan kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa buong suporta nito sa mga programa ng LCCA sa pagsasagawa ng ganitong uri ng okasyon. Dumalo rin sa tingnan ang 150 | p. 3

Despite being “harrassed”, the relief operation pushed through with around 200 families given relief goods and medical supplies. Photos from Karapatan-ST

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

disyembre 9 - DISYEmbre 15, 2013

Medical and laboratory equipment, ipinagkaloob

kontribusyon ng Quezon PIO

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Ipinagkaloob sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan ng Quezon kabilang ang Quezon Medical Center ng mga medical at laboratory equipment na pinondohan ng Mauban at Pagbilao Coal Fired Power Plant sa bisa ng E.R. 1-94 na pinangunahan ni Quezon

Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa Quezon Medical Center Annex Lobby noong ika-4 ng Disyembre, 2013. Ayon kay Governor Suarez unang tulong pa lamang ito sa mga pampublikong pagamutan sa lalawigan ng Quezon ng Department of Energy mula sa Mauban at Pagbilao Coal Fired Power Plant na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon. Ang pagbibigay ng tulong

“No Return, No Exchange” Policy, ipinaliwanag ng DTI

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Ipinaliwanag ng pamunuan ng Department of Trade and Industry-Quezon kahapon ng umaga ang batas hinggil sa “No Return, No Exchange” policy na ipinatutupad ng ilang mga establisyimento. Sa naging panayam kay Leila Cabreros, Business Regulation and Consumer Welfare Division ng Dti-Quezon, sa programang Pag-usapan Natin ni Arnel Avila, sinabi nito na hindi pinahihintulutan ang pagbibigay ng pitong araw lamang na maaring ibalik ang mga nabiling produkto. Ayon pa kay Cabreros, hanggang sa defective o sira ang nabiling produkto ng mamimili ay maari itong maghain ng pagpapalit at pag-refund sa binilhang establisyemento. Dagdag pa nito na ayon sa RA 7394, may karapatang mag-file ng reklamo sa loob ng dalawang taon matapos maisagawa ang transaksyon, depende na lamang

saprodukto kagaya na lamang ng mga perishable goods o yung mga madaling mabulok ay nararapat na ipalit agad ito. Binigyang diin rin ng opisyal na “hindi dapat na ipinatutupad ang “No Return, No Exchange” ng kahit na anumang establisyemento. Nilinaw rin nito ang mga panuntunan sa pagbabalik ng mga nabiling paninda tulad ng hindi aniya maaring ibalik ang mga biniling item kung ang dahilan lamang ay ang pagpapalit ng isip at sinadyang sirain. Ayon pa kay Cabreros, maaring ireklamo angmga tindahang hindi pinapayagang magbalik o kundi man ay magrefund ng nasabing produkto sa kanilang tanggapan. Kinakailangang aniyang mayroong kaukulang resibo ang biniling paninda dahil sa ito ang magsisilbing ebidensya ng kanilang pagbili ditto at kung sakaling wala namang resibo ay kailangang lamang na patunayan na ito ay kanilang binili sa naturang establisyemento. ADN

ng Department of Energy ay sa bisa ng Energy Regulations No. 1-94 as amended Rules and Regulations implementing section 5(i) of Republic Act No. 7638 otherwise known as the Department of Energy Act of 1993. Ayon sa nasabing resolusyon, “the department shall devise ways and means of giving direct benefits to the province, city or municipality especially the community and people affected and equitable preferential benefit to the region that hosts the energy resource and-or the energy-generating facility: Provided, however, that the other provinces, cities, municipalities or regions shall not be deprived of their energy requirements.” Kabilang sa mga ipinagkaloob na mga medical at laboratory equipment para sa Alabat Island District Hospital sa Alabat, Quezon ay 2 unit ng Baxtel standby aneroid (mercury free) sphygmomanometer; 2 unit ng Baxtel desk/wall type aneroid (mercury free) sphygmomanometer; at 1 unit ng Geister Cautery Machine ESU-X200NT. Para naman sa Bondoc Peninsula District Hospital sa Catanauan, Quezon ay 3 unit ng Provita mobile lamp with gooseneck arm on mobile roller base; at 6 unit ng ERKA VARIO Basic stand aneroid adult. Sa Claro M. Recto Memorial District Hospital sa Infanta, Quezon ay 10 unit ng Oxygen gauge with humidifier, MEDITT; 4 unit ng ERKA VARIO Basic stand aneroid adult; 2 pcs ng Ambu bag pedia; 2

pcs ng Ambu bag adult; 1 unit ng ECG machine KENZ ECG 108, single channel digital electrocardiograph; 2 unit ng Huntleigh Doppler FDI, fetal heart display; 2 unit ng BEAM MECHANICAL Medical Scales TPRO 4500; 1 unit ng Heavy duty suction machine SU 510; at 1 unit ng Pulse oximeter, Schiller OXM SU 510. Sa Dona Marta Memorial District Hospital sa Atimonan, Quezon ay 4 unit ng Sphygmomanometer digital type with stand spirit brand; 2 unit ng Nebulizer heavy duty, devilbiss mode; 1 unit ng Suction Machine; 1 unit ng ECG machine KENZ ECG 108, single channel digital electrocardiograph; 1 unit ng Huntleigh Doppler FDI, fetal heart display; at 1 unit ng OR light 6 bulbs. Sa Gumaca District Hospital ay 2 unit ng Provita mobile lamp with gooseneck on arm on mobile roller base; 1 unit ng Reagent refrigerator; at 1 unit ng GEISTER Cautery Machine ESU-X200NT. Sa Magsaysay Memorial District Hospital sa Lopez, Quezon ay 1 unit ng Semiautomated chemistry analyzer, BTS 350; 10 unit ng Baxtel standby aneroid (mercury free) sphygmomanometer; at 1 unit ng Detecto weighing scale. Sa Maria L. Eleazar Memorial District Hospital sa Tagkawayan, Quezon ay 1 unit ng Semi-automated chemistry analyzer, BTS 350; 1 unit ng Baxtel standby aneroid (mercury free) sphygmomanometer; 1 unit ng Baxtel desk/wall type aneroid (mercury free)

sphygmomanometer; 1 unit ng Huntleigh Doppler FDI, fetal heart display; at 1 unit ng minor basic instrument set. Para sa Quezon Medical Center naman ay 3 unit ng Provita mobile lamp with gooseneck arm on mobile roller base; 16 unit ng Baxtel standby aneroid (mercy free) sphygmomanometer; 3 unit ECG machine KENZ ECG 108, single channel digital electrocardiograph; 4 unit ng Huntleigh Doppler FDI, fetal heart display integral probe protection and storage; 1 unit ng major surgical set made in Germany with additional set of instrument ELSON brand by Technomed International Inc.; 1 unit ng Foreign body extractor for adult with all sizes; 1 unit ng Foreign body extractor for pedia with all sizes; 1 unit ng CT Scan developer INEO multi-function paper printer Konica; 1 unit ng GE CAREPLUS 2000 double wall infant incubator made in USA; at 1 unit ng heavy duty suction machine SU 510. Samantala, ipoinagbigayalam ni Governor Suarez na malapit nang magbukas ang Claro M. Recto District Hospital sa bayan ng Infanta na mabibiyayaan ng serbisyong medikal ang bahagi ng REINA area. Ayon pa sa gobernador ng ating lalawigan, pangunahing layunin ng pagpapatayo ng mga district hospital ay para matulungan ang mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon sa aspeto ng kalusugan kung kaya’t tinututukan niya ang pag-i-improve ng mga kagamitang medikal at serbisyo. ADN

DTI-Quezon, nagpagsampa ng kaso sa 4 tindahan sa Lucena ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Mayroon ng ilang tindahan ang sinampahan ng kaso ang DTI-Quezon hinggil sa hindi pagsunod sa kanilang ipinatutupad na paglalagay ng mga tunay na ICC sticker sa kanilang mga paninda. Bagamat hindi na pinangalanan ni Alfonso Luce, Senior Specialist II ng DTiQuezon, ang mga tindahang ito, sinabi naman nito na mayroon na silang apat na tindahan ang nasampahan ng kasong administratibo. Ayon pa kay Luce, ang hakbang na ito na kanilang ginawa ay dahilan sa hindi paglalagay o kung hindi man ay may mga pekeng ICC sticker ang nakalagay sa mga paninda ng mga tindahang ito.

Dagdag pa ng senior specialist nasa unang paglabag nito ay hindi nila ito kayang ipasara dahilan sa wala silang kapangyarihan tungkol dito at ang ipinapataw lamang nila ay ang pagsasampa ng administrative case. Ngunit paliwanag pa nito na sa pangalawa at pangatlong paglabag ng mga ito ay maari na nila itong ipasara. Ang patuloy na inspeksyon na ginagawa ng naturang tanggapan ay upang mapanatili at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili na masiguro na ligtas at tanging mga awtorisado lamang na may tunay na tatak ng ICC stickers at kinauukulang lisensya ang maaring magtinda na sinasakop ng kanilang pamantayan. ADN

“No one is born hating another person because of the colour of his skin,or his background or his religion. People learn to hate, and if they can learn to hate, they can be taught to love, for love comes more naturally to the human heart than its opposite.” -NELSON MANDELA (RIP)

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


ANG DIARYO NATIN

DISYEmbre 9 - DISYEmbre 15, 2013

3

NIYOG mula sa p. 1 nito, namahagi ang pamahalaang panlalawigan at tanggapan ng agrikultor ng mga kagamitan o tulong pangkabuhayan tulad ng labing-isang (11) twining machine, dalawang (2) twisting machine at dalawang (2) weaving table na makakatulong sa paggagawa ng mga bagay o produktong yari o nagmula

sa bunot. Ito ang magsisilbing panimula o puhunan ng mga benepisaryo. Ang technical assistance, marketing at lahat ng kaalaman sa paggagawa ng mga produkto ay magmumula naman sa TPC sa pamamahala ni Jesus Galan, TPC President at Cocos Nucifera Pacific Enterprises na pinamumunuan ni Edwin

Gulferica katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng tanggapan ng pambayang agrikultor. Ayon sa Panlalawigang Agrikultor Roberto Gajo na ang gawaing ito ay para sa mga magsasaka at nakasalalay ang tagumpay ng programa sa sipag at tiyaga ng bawat isang magniniyog sa Quezon. ADN

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

HR GROUP from p. 1 reportedly being followed throughout their fact-finding mission in Mindoro before they were abducted and found dead. “The AFP-PNP has nothing better to do than instill fear to the people who are extending whatever help they can give

to the victims of Yolanda,” Malabanan said. Despite the military harassment, the relief operation pushed through with around 200 families given relief goods and medical supplies. Contributed by Karapatan Quezon. ADN

150 mula sa p. 1 nabanggit na okasyon ang mga konsehal na sina Vic Paulo, Amer Lacerna, Felix Avillo, Third Alcala, mga kapitan ng barangay tulad nina

Hermilando Alcala, Gerry Dela Cruz, Bartolome Comia, Jack Maligalig, Edwin Menor, Nilo Villapando at marami pang iba. ADN

Pangmatagalang hanapbuhay, sagot sa mga babaeng “naliligaw” ni Ronald Lim

Bilang itinuturing na Human Rights Month ang Disyembre, nakiisa ang SILAYAN (Sining Kalayaan) Quezon sa paggawa ng effigy ni PNoy na inihalintulad sa “Wrecking Ball” upang ilantad ang kawalan ng pangil ng kasalukuyang administrasyon sa walang habas na paglabag sa karapatang tao sa ating bansa. Sheryl Garcia / Larawan mula sa Artist Arrest

Siyam na kaso ng robbery sa Quezon, napatala sa blotter ng pulisya ni Johnny Glorioso

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Sa pagpasok pa lang ng buwan ng Disyembre ay siyam na kaso na ng mga nakawan ang napaulat sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Quezon nito lang nakaraang linggo. Sa lungsod ng Tayabas unang napaulat ang pagkahuli ng isa sa apat na mga suspek habang nasa aktong nilolooban ang isang malaking tindahan. Pinasok naman at pimagnakawan din amg bahay ni Atty. Walfredo Sumilang dating alkalde dito at nakunan mg mga mahahalagang kagamitan. Sa bayan naman ng Atimonan, sa kisame dumaan ang hindi nakilalang suspek at napasok ang bahay ni

Maria Rossana Ballesteros at nilimas ang gadget ng biktima. Isa namang menor de edad ang nadakip at nabawi dito ang ilang mahahalagang kagamitan na ninakaw nito mula sa biktima. Samantala isa namang ten wheeler truck na kargado ng mga relief goods na dadalhin sa Tacloban City ang nakunan ng dalawang malaking kahon habang nakaparada ito sa gilid ng highway. Napasok din naman at napagnakawan ang bahay ni Roque Lakian sa Brgy. Tabing Dagat, Gumaca, Quezon. Kinilala amg suspek na si Wowie Nunez subalit nakatakas ito at pinaghahanap pa makaraang matangay ang bag ng asawa ng biktima na naglalaman ng pera, atm card mga ID at cellphone.

At sa lungsod ng Lucena, isang 17-taong gulang na estudyante na sakay ng motorsiklo ang hinarang at sapilitang kinuha ang mga mahahalagang gamt nito pati na ang motorsiklo. Isa namang kotseng Ford Everest ang binasag ang salamin habang nakaparada sa parking lot ng Pacific Mall. Natangay ang mga damit at mahahalagang kagamitan ng mayari nito na kinilalang si Nenita Herrera. At sa Gumaca pa rin, isang Toyota Fortuner naman na pag-aari ni Geordiel Castillo ang binasag ang salamin habang nakaparada sa parking lot ng Gumaca Cathedral. Nakuha mula sa loob nito ang ladies bag na naglalaman ng 15 libong piso, USB, ATM, mga susi at iba’t-ibang mga ID. ADN

L

UNGSOD NG LUCENA Isa sa mga seryosong problema na tinututukan ngayon ng pamahalaang panglungsod ay ang kaso ng prostitusyon. Sa naging talumpati ni Councilor Third Alcala sa ginanap na sesyon noong nakaraang lunes sa Sanguniaang Panglungsod ay ang tungkol sa kaso ng prostitusyon sa Lucena na aniya ay matagal nang suliranin maging noong mga nakaraang administrasyon. Kung kaya naman iminungkahi ni Councilor Wiiliam Noche na bigyan ang mga babaeng nasasangkot sa naturang kaso ng pangmatagalang alternatibong hanap-buhay. Inihalintulad ni Konsehal Noche ang prostitusyon sa greek mythology na “Pandora’s Box” dahilan sa aniya ay malawak ito at kung titingnan ay saka malalaman ang ugat ng problemang ito. Ilan sa sinasabing sanhi kung bakit nasasangkot ang ilang mga kababaihan dito ay ang kahirapan sa buhay, kawalan ng trabaho at uri o kalagayan ng pamumuhay kaya nasasadlak ang mga babaeng ito. Ayon kay Konsehal

Noche, maging noong siya ay naglilingkod pa bilang kapitan ng Brgy. 4, kung saan karamihan sa mga babaeng sangkot dito ay namamalagi sa kahabaan ng naturang barangay, ay maka-ilang ulit na nilang hinuhuli ang mga ito at dinadala sa himpilan ng pulisya. Ngunit sa tuwing nahuhuli anila ang mga ito ay saka magiiyakan at magmamakaawa at ang mas nakakalungkot pa ditto aniya ay madalas pang sila ang hinihingian ng pambili ng kanilang pagkain para sa kinabukasan. Dagdag pa ni Noche, nararapat na mag-isip ang mga kinauukulang ahensya pangmatagalang alternatibong hanapbuhay na ibibigay sa mga kababaihang ito upang hindi na muli pang masadlak sa nasabing trabaho. Ayon pa sa konsehal, ang kaso ng prostitusyon ang pinakamatandang hanapbuhay sa lansangan dahil noon pa ay mayroon na nito maging sa panahon pa ni Kristo. Nanawagan rin si Konsehal Noche sa lahat ng kinauukulang ahensya na ipatupad ang mga batas upang masugpo o kung hindi man ay mabawasan ang mga naglipanang mga kababaihan na ito na nagbebenta ng panandaliang aliw. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

disyembre 9 - DISYEmbre 15, 2013

editoryal

Wala nang hihigit pa sa pagdiriwang ng Kapaskuhan kundi dito sa ating bansa. Tunay ito, sapagkat sa kabila ng dami ng problemang dinaranas natin taun-taon, may kakaibang ngiting namumutawi sa mga labi ng bawat taong makakasalubong mo sa kalye, sa eskuwela o di kaya’y sa opisina. Manyapa’y sadyang kakaibang sigla ang naidudulot ng simoy ng Pasko sa ating mga Pilipino, saang sulok ka man nandoon. Ang Pasko ay maituturing na isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Pilipinas at sa ibang panig na mundo kung saan Katoliko ang pangunahing relihiyon. Ang Pasko ay kinikilala ng karamihan bilang pagdiriwang ng pagmamahalan, pagbibigayan, pagpapatawaran at pagkakaisa. Ito ang panahon kung saan nagdidiwang tayo ng kasiyahan at kapayapaan. Sadyang maaari nga na pwede lamang ito gawin sa pang-araw-araw na buhay ng pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruzes ngunit dahil sa tradisyon, ito ay nakasanayan na ng mga pamayanan sa ating bansa. Para sa karamihan, ang diwa ng pasko ay nagsisilbing “bonding,” muling pagkikita-kita at pagsasama-sama ng pamilya, kaibigan, kapatid at iba pang mga mahal sa buhay. Sa iba’t-ibang mga bansa, mataas ang pagkilala sa diwa ng pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas. Sa artikulo ni Sarah Brown na “The Philippines shows the world how to celebrate Christmas”, inisaisa nito kung bakit mas masaya at tunay ang diwa ng Pasko sa bansa. Kinikilalang pinakamahaba sa buong mundo ang pagdiriwang ng Pasko sa Pilipinas na nagsisimula Setyembre 1 pa lamang. Mula sa naggagandahang pailaw, paputok at mga pagkain gaya ng puto bumbong at bibingka hanggang sa pagsasalo-salo ng pamilya sa noche buena, bidangbida ang makulay at kakaibang Paskuhan sa bansa. Pero bukod dito, sinabi rin sa artikulo na habang abala ang maraming bansa sa komersiyalisasyon na dulot ng Kapaskuhan, hindi nakakalimutan ng mga Pilipino ang pagsisimba bilang pagpapahalaga sa nakagisnan nilang relihiyon. Isang malaking pagdiriwang talaga ang Pasko sa Pilipinas at isa itong malaking bahagi ng ating kultura at pagiging Kristyanong bansa na ating maipagmamalaki sa buong mundo. Maipagmamalaki mong isa kang Pilipino dahil ang pagdiriwang ng Pasko sa ating bansa ay sadyang namumukod-tangi at walang kapantay ang saya. Isa rin ito sa mga bagay na maipagpapasalamat natin sa Maykapal dahil ang Pasko ay isang malaking regalo para sa lahat ng mga Pilipino dahil sa pamamagitan ng likas na kabutihang naidudulot ng diwa nito,malaking pagbabago ang makikita sa ugali ng karamihan. Sabi nga sa isang awiting pamasko, “Ang pag-ibig naghahari.” Sa lahat ng Pilipino sa loob at labas ng bansa at sa mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon, mauuna na sa pagbati ng isang makabuluhang Pasko mula sa management at reportorial team ng Ang Diaryo Natin sa Quezon! ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Publisher Criselda C. David Editor-in-chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra | Wattie Ladera | Ronald Lim Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers

Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants Ang Diaryo Natin ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa No. 52 A. Bonifacio St., Brgy 5. Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

dibuho mula sa www.manilatimes.net

Pasko sa Pilipinas

The Four Wives in Our Lives I found this story rewritten by F.J.Kong so amusing so I decided to have this one reproduced with the same title. There was a rich merchant who had four wives. He loved the fourth the most and adorned her with rich robes and treated her to delicacies. He took great care of her and gave her nothing but the best. He also loved the third wife very much. He’ very proud of her, and he always wanted to show her off to his friends. However the merchant is always in great fear that she might run away with some other men. He also loves his second wife She’s very considerate person, always patient and, in fact, the merchant’s confidante. Whenever the merchant faced some problems, he always turned to his second wife, and she would always help him out and tide him through difficult times. Now the merchant’s first wife is a very loyal partner, has made contributions in his wealth and business as well as in taking care of the household. However the merchant did’nt love the fist wife, and although she loved him deeply, he hardlt took notice of her. One day, the merchant feel ill. Before long , he knew that he was going to die soon. He thought of his luxurious life and told himself. “Now I have four wives with me . But when I die, I will be alone. How lonely I will be.” Thus he asked the fourth wife. I loved you most, endowed you with the finest clothing and showeted great care over you. Now that I’m dying, will you follow me and keep me company? “No way!” replied the fourth wife, and she walked away without another word. The answer cut like a sharp knife right into the merchants heart . The sad merchant then asked the third wife.i have

A

Ni Johnny Glorioso

loved you so much for all my life. Now that I am dying,, will you follow me and keep me company? “No “ repled the third wife. Life is so good over here, I am going fo rmarry when you die”. The merchants heart sank and turned cold. He then asked the second wife, I always turned to you for help, and you’ve always help me out. Now I need your help again. When I die, Will you follow me and keep me company? I am sorry, I can’t help you out this time, replied the second wife, at the very most, I can only send you to your grave. The answer came like a bolt of lightning and the merchant became devastated. Then a voice called out, “ I will leave with you I will follow no matter where you go. The merchant looked up and there was his first wife. She was so skinny, almost like she suffered from malnutrition. Greatly grieved, the merchant said, “ I should have taken great care of you while I coyld have. Actually, we all have four wives in our lives. The fourth wife is our body, no matter how much time and effort we lavish in making it look good it will

tingnan ang ANO BA YAN??? | p. 6

PPP, dapat pag-aralan

yon sa mga miron, nanganganib umano ang 35 pampublikong hospital sa buong bansa sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) ni Noynoy Aquino. Mantakin mo naman kasing nakakda umanong malusaw ang dating kakarampot na umanong inilalaan ng gobyerno sa serbisyong pangkalusugan ng mga pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruzes. Kung ating matatandaan, pinirmahan ni PNoy ang pagsasapribado ng Philippine Orthopedic Center (POC) sa halagang P5.7B noong Setyembre, 2012. Ang nasabing bagong POC ay itatayo sa loob ng compound ng National Kidney and Transplant Institue (NKTI) at patatakbuhin ito ng 25 years ng kapitalistang mananalo sa bidding. Ito ay malinaw na hakbangupang tuluyan ng maisapribado ang Orthopedic Center. K a p a g nagtagumpay, nanganganib ang iba pang 35 public hospital sa ating bansa. Ang siste, nanganganib din umanong matanggal ang mga manggagawa sa POC. Mandin kasi’y ang kasalukuyang gusali ng POC ay gagawin na lamang pagawaan ng mga prosthetics at rehabilitation center. Ani pa ng mga miron, ang programang ito ni Aquino sa mga hospital ang lalo pa umanong magbubulid sa mamamayang Pilipino sa tiyak na

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ano ba yan!!!

alimpuyo

Ni Criselda C. David

kamatayan at kahirapan. Sa pagtaaas at ‘di kakayaning gastusin sa hospital, tinatayang malulusaw ang kakarampot na tinatamasa ng mga mahihirap na pasyente tulad na pagpapa-confine at kaunting gamot. Napipinto din sa PPP ang pagsasapribado at pagtaas sa mga batayang serbisyo tulad ng tubig, kuryente at edukasyon. Ang lagay kasi, nagtitipid ang gobyerno sa gastusin para sa serbisyong panlipunan. Bunga nito, handang talikuran ng gobyerno ang kanyang obligasyon para sa mamamayan, matiyak lamang nitong makabayad sa utang sa World Bank at iba pang dayuhang bangko. Sa ganitong kalagayan, nararapat na pag-aralan ang pagsasapribado sa mga pampublikong hospital sa ating bansa upang tunay na mapagyaman ang libreng serbisyo sa kalusugan ng mga mamamayan. Dapat ngang matamang pag-aralan. ADN


ANG DIARYO NATIN

N

DISYEmbre 9 - DISYEmbre 15, 2013

Andres Bonifacio

oong November 30, 2013 pormal na binago ang pangalan ng First Street sa Pleasantville Subdivision sa Barangay Ilayang Iyam, Lucena City na tinawag na Bonifacio Drive bilang pagpaparangal sa ika-150 taong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio. Kasabay nito ang pagbasbas sa rebulto ni Bonifacio na nakatayo din sa nabanggit na lugar. Pinangalanan din ng Bonifacio Bridge ang tulay na nag-uugnay sa Barangay 1 at Pleasantville Subdivision. Bago ito, ay nagkaroon muna ng isang linggo exhibit sa SM City-Lucena na dito ay itinanghal ang mga naiambag ni Bonifacio sa kasaysayan ng bansa. Ayon kay Lilibeth Azores, area public relation manager ng SM malls, na isa ang Lungsod ng Lucena sa nakiisa sa pagdiriwang ng kabayanihan ni Bonifacio at ang SM ang naging lugar sa pagsasagawa ng

mula sa pia

Edisyon Ni Lito Giron exhibit. Nauna rito, nagsagawa rin ng assembly ang mga piling mag-aaral sa Quezon upang ituro ang buhay at kabayanihan ni Bonfacio na ginanap din sa SM City Lucena. Ang pagkakaroon ng aktibidad tulad ng pagtatayo ng bantayog ni Bonifacio at pagpapangalan sa kalsada at tulay ay pinangunahan ni Konsehal Benny Brizuela sa pamamagitan ng ordinansa na ipinasa sa

Masayang-malungkot ang Araw ng Pasko Kayo ba mga suki kong tagasubaybay, masaya ba o malungkot ang inyong Pasko? Ang sabi nga ng mga matatanda mabuti pa kayo, masaya ang Pasko, sa amin. “Paskong-tuyo.” Doon sa mga hindi dinaanan ng kalamidad, masaya ang kanilang Pasko, pero dito sa kabisayaan ay siguradong malungkot. Kaawa awa naman ang mga taga Bohol, Ormoc na nilindol. Samar at Tacloban ang sinuyod ng bayong Yolanda at iba pang parte ng Kabisayaan. Sa Zamboanga City naman ay karahasan ang nangyari ng magkaroon ng kaguluhan duon ng mga MILF sa pamumuno raw diumano ni Nur Misuari. Malungkot rin ang kanilang Pasko roon. Sa Central Luzon at Metro Manila ay binagyo rin pero hindi gaanong malala kaya lang sila man ay binaha na may ilan din nating kababayan ang mga nasawi roon. Masuwerte nga tayong mga taga Calabarzon at hindi tayo naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad. Kaya nga ang dapat ay pangalagaan natin ang kalikasan ng hindi tayo parusahan. Katulad din ng tao na kapag nasugatan ay lalong tumatapang, pag nagigipit sa patalim kumapit, kaya dapat mahalin natin ang

B

tirador

Ni Raffy Sarnate Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

kalikasan kapag hindi ninyo ito minahal matinding ganti ang inyong mararanasan. Girian nina Defensor at Enrile Ang isa pang hindi maganda kaya tayo dinadagsa ng kalamidad ay bangayan ng mga politiko ang partikular ang beterana at beterano na sina Sen. Santiago at Enrile na nagkakapersonalan ang kanilang mga banatan. Tama nga ang sabi ni Sen. Osmeña na dapat ay hindi sa Senado inihahayag ang kani-kanilang baho. Dapat ay hindi ikino-cover ng mga Media ang bangayan. Tahasang sinabi ni Sen. Miriam Santiago

Wrong Number, Myanmar

isita ng bansa noon pang Huwebes ang Pangulo ng Myanmar (dating Burma) na si Thein Sein para sa ilang bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at ng huli. Isang red-carpet na pagsalubong ang inihanda ng Malacañang sa nasabing pangulo. Positibo ang aking impresyon sa pagdalaw na ito ni Sein, nangangahulugan ito ng mutwalismo sa pagitan ng dalawang bansa – kasunduan at pakikinabang sa isa’t isa sa maraming aspetong pang-estado. Nakakamangha rin na isipin na may mga bansang lumalapit sa ating bansa upang magoffer ng mutwalismong katulad ng ganito. Ilan sa mga kasunduang napabalita ay ang pagpasok ng mga Pilipino sa Myanmar kahit walang visa at pagpapalawak ng kooperasyon ukol sa renewable energy. Ang unang nabanggit na kasunduan ay may malaking epekto sa parehong bansa, una – ang kalayaan ng mga Pilipinong mamuhunan at magtrabaho sa Myanmar, at ikalawa – ang pagtaas ng lakas-paggawa ng Myanmar dahil sa sipag at talino ng mga Pilipino. Malaking salik sa ekonomiya naman ang pangalawa – ang usaping renewable energy. Sa pagdaan ng panahon, susubukin natin ang katatagan ng samahan at pag-unlad ng Myanmar at Pilipinas ayon sa pag-uusap ni Pinoy at Sein Isa lang ang hindi kaiga-igayang tanawin sa pagdalaw ng lider ng Myanmar na si Sein – ang balitang “tutulungan” ng pangulong Aquino ang Myanmar nang humingi ito ng suporta sa pagpapataas ng mga adhikaing may kaugnayan sa repormang pampamahalaan, pagtatayo ng Komisyon ng Karapatang Pantao, pagsasanay ukol sa agrikultura,

KONEKSYON

Ni Byron Cuerdo pagnenegosyo, pangisdaan, eko-turismo, gender issues, at capacity building, sa tatlong araw na state visit ng huli sa noong nakaraang huwebes – ayon ito sa ulat ng AFP. Wrong number, Myanmar. Oo nga’t kababago pa lang tumatayo ang Myanmar bilang isang nagpapanibagong demokrasyang bansa, at ang Pilipinas ay matagal nang demokrasyang estado na umani ng maraming paghanga sa maraming bansa dahil sa pagbangon mula sa kolonyalismo at diktadura, mukhang maling lider sa maling sitwasyon ang nalapitan ni Sein. Bakit hindi ang Singapore? Bakit hindi ang Malaysia? Bakit hindi ang Amerika? Saang banda, ikako, matutulungan ng Pangulong Aquino ang Myanmar pagdating sa mga usaping inihanay ni Pangulong Sein samantalang hindi pa niya napupunuan ang hapag ng sarili niyang pamahalaan ng mga konkretong patunay na may mga reporma na siyang naisagawa? Hindi kaila sa lahat ng mga Pinoy ang kadustaan ngayon ng sitwasyon ng bansang Pilipinas, at masasabi nating tunay na hindi ganoon katatag ang kalalagayan ng bansa ayon sa pamamahala ng administrasyong Aquino. Mukhang nagsi-selfie (self-glorification) si Pnoy, na batong panulukan ang apelidong Aquino sa pagbangon ng Pilipinas mula sa diktadurya at sa pagbangon ng bansa sa batas-militar matapos mapatay ang kaniyang amang si Ninoy, na nagpaging-

5

Sangguniang Panglungsod. Nakakatuwa dahil suportado ni Lucena City Mayor Roderick Alcala ang pagdiriwang simula sa pagbubukas ng exhibit hanggang sa paglalalantad sa publiko ng rebulto ni Bonifacio. Gayundin ang SM City na todo ang ginawang pagsuporta sa pagdiriwang ng kabayanihan ni Bonifacio. Katulong din sa pagdiriwang ang Lucena City Council of Culture and the Arts. Hangad natin na kung ano ang pagkakilala natin kay Bonifacio at sa kanyang kabayanihang ginawa ay sana ay maging panuntunan ng ating mga opisyal sa pamahalaan. Ang rebulto ni Bonifacio na araw-araw na makikita ng mga commuters ay sana ay maging inspirasyon din ng maraming mamamayan sa pagtulong sa pagunlad ng lungsod. Si Andres Bonifacio na bayani na pagiging tunay na makabayan at ang kasalukuyang henerasyon ang magpapatuloy ng kanyang kabayanihan. ADN na hinahamon niya si Enrile ng Debate sa UP na kung saan ay duon sila nagtapos ng kolehiyo. Sabi naman ng ilang pulitiko na ayaw ipabanggit ang pangalan na daw pagkatapos ng kanilang debate ay kapwa rin mag-oblition na katulad ng studyante na bago magtapos ng college ay tumakbo ng naka hubad at nakapiring ang mata. Palagay natin ay kapwa hindi magagawa nina Enrile at Santiago ang mga bagay na yan. Tiyak na sasabihin ni Miriam Santiago sa mga estudyante lang yon ginagawa sila ni Enrile ay “senior citizen” na. Dapat ang ganyang public servant, lalo pa’t sila ay halal ng bayan, ay magpasa ng batas at hindi personal nilang buhay ang inilalantad sa publiko. H hindi magandang huwaran ng mga kabataan. Kung ako naman kay Sen. Enrile ay hindi ko na papatulan ang kanyang inaanak na hindi siya iginagalang. Ito namang si Sen. Defensor ay masyadong pikunin, ‘di na niya iginalang ang kanyang Ninong na wala na raw asim. Ang sagot naman ni Enrile hindi naman siya naasiman kay Miriam. Ang dapat sa dalawang ‘yan na laging nagbabangayan sa Senado ay tumahimik na lang at nakakahiya sa publiko at buong mundo ang kanilang mga sekreto sa kanilang personal na buhay. ADN dapat namang maitatag muli ang demokrasya sa bansa matapos mailuklok bilang pangulo ang kaniyang inang si Cory. Ano ang koneksyon? Wala akong makitang malinaw na koneksyon kumbakit si Pinoy ang naisipang hingan ng payong-kapatid ni Sein. Ang korapsyon ay laganap pa rin simula pambansa hanggang pambarangay na lebel at kahit nga ang mga sumaklolong dayuhan sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda ay walang katiwa-tiwala sa mga lider ng bansa nang magbigay sila ng relief sa mga kawawang nilalang dahil sa kilalang corrupt ang mga nanunungkulan sa pamahalaan. Tutok na tutok sila sa pamemerang ibinigay at kinailangan pang kumuha ng mapagkakatiwalaang czar sa katauhan ni dating senador Panfilo Lacson upang masigurong maayos na mapa-facilitate ang pagbangon ng Tacloban at mga kalapit na lalawigan. Usapin pa rin ang Hacienda Luisita, ang mga krimen na naganap dito na hindi pa nalulutas, ang mga lupang hindi pa naipamamahagi ng sapat. Ang sinasabing capacity building ay kitangkitang kabaligtaran sa mga senador at kongresistang nagbabangayan. Ang balitang katamaran at palaasa ng pangulo ng Republika ng Pilipinas ay hindi magandang reperensya ukol sa kanya. Aling aspeto ng “payo” ni Pinoy, kung gayon, ang makatutulong sa Myanmar kung ang siya mismo na lider ng bansang ito ay hindi nakareresolba ng mga usaping kaniyang ipapayo? Maaring gawing reperensya ng Myanmar ang kasaysayan ng Pilipinas ayon sa ginugol na buhay at paraan ng mga mamamayan upang bumangon at kamtin ang demokrasya, ngunit hindi ang lider na wala pang suliraning nalulusutan. Wrong number, Myanmar. Please dial again. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

iRun Charity Drive for Leyte, isinagawa sa San Francisco ni Bai Cuerdo

S

ANG DIARYO NATIN

disyembre 9 - DISYEmbre 15, 2013

AN FRANCISCO, QUEZON Daan-daang mamamayan ng San Francisco ang nakiisa sa 8-kilometrong charity drive na pinamunuan ng mga dating kasapi ng Student Catholic Action of the Philippines at Buklod Diwa ng Kabataan noong ika-1 ng Disyembre 2013 upang makakalap ng pondo para sa mga survivors ng Yolanda super typhoon. Ang nasabing fund raising na tinaguriang iRun Charity Drive ay bilang pagtugon ng mga mamamayan ng nasabing munisipalidad sa pangangailangan ng mga nasalanta ng nakaraang kalamidad na agarang nakalikom ng pondong laan para sa layunin nito. May dalawampung sako ng bigas, daan-daang lata ng canned goods, noodles, at hygiene kits ang

mabilis na napaglagakan ng kinitang pondo ng drive. Samantala, matapos ang gawain, agad namang nai-turn over ng mga organizer sa simbahan ang relief goods upang maibyahe kasama ng iba pa sa Tacloban at Leyte bago matapos ang buwan ng Disyembre. Ang first-time iRun drive na ito ay pinangunahan ng mga dating liderkabataan na si Byron Aloysius Cuerdo (DepEd), Julius Ramirez (DILG), Gaylen Limbo-Ramirez (DepEd), Jordan Aguila (SB), Ryan Malapit, Jayson Quinto, Alvin Victa (COMELEC), at Angilyn AlayonCuerdo (DepEd) na dinaluhan ng mga kawani ng pribado at pampublikong sektor, mga guro at mag-aaral, at iba pang mga mamamayang indibidwal mula sa bansa at sa ibang bansa na nakiisa sa panawagang tumulong sa pangangailangan sa dinaanan ng kalamidad. ADN

ANO BA YAN??? mula sa p. 4 never live with us when we die. Our third wife is our possession, status and wealth. When we die, they will all go to others. The second wife is our family amd friends. No matter how much they had been there for us when we are alive,, the farthest that they can stay by us is up to the grave. The fjrst wife is, in fact our soul, often neglected in our pursuit of material things and sensual pleasure. Guess what? Its actually the only thing that follows us wherever we go. Perhaps its a food idea to cultivate amd strengthen it now rather than to wait until we are on our deathbed to lament. For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo. com. ADN

LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Lucena City OFFICE OF THE EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-250 Upon petition for extrajudicial foreclosure sale of real estate mortgage under Act. 3135 as amended by Act. 4118, filed by the NATIONAL HOME MORTGAGE FINANCE CORP. (NHMFC), of 104 Amorsolo St., Legaspi Village, Makati City, against Mortgagor/s, SPS. EDUARDO HERRERA AND MAGDALENA HERRERA, of Orgas Subd. Lot 6 Gulang-Gulang, Lucena City, to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to Eight Hundred Thirteen Thousand Three Hundred Sixty Eight Pesos & 02/100 (Php. 813,368.02), including interest, penalty, fire and MRI as per statement of account as of October 15, 2013, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on January 13,2014 (Monday) at 10:00 o’clock in the morning, at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff of Quezon, Regional Trial Court Building, Lucena City, to the highest bidder, for cash or manager’s check and in Philippine Currency, the following property/ies with all its improvements, to wit: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO./ T-56557 “A parcel of land (Lot 6 of the consolidation-subdivision plan Pcs-04-004203, being a portion of consolidation of lots 13, 12, Psd-61522, Lot 2, Psd-27694, L.R.C. Record.) LOCATION: Barrio of Gulang-Gulang, City of Lucena BOUNDERIES: NW., along lines 1-2-3 by Road lot 10 (10.00m. wide); Psd- 27694; on the NE., along line 3-4 by Lot 5; on the SE., along Line 5-1 by road Lot 7, (10.00 m. wide); Psd-27694. AREA: One Hundred One (101) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on January 20, 2014 (same time), without further notice. Lucena City, Philippines, November 20, 2013. (Sgd) JOSEPH HENRY E. CONSTANTINO Sheriff-in-Charge

Ang mga organizers ng iRun Charity Drive na sina Byron Aloysius Cuerdo (DepEd), Julius Ramirez (DILG), Gaylen Limbo-Ramirez (DepEd), Jordan Aguila (SB), Ryan Malapit, Jayson Quinto, Alvin Victa (COMELEC) at Angilyn Alayon-Cuerdo (DepEd). Lahat sila ay mga dating kasapi ng Student Catholic Action of the Philippines at Buklod Diwa ng Kabataan. Bai Cuerdo

Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region Province of Quezon Lucena City Branch 58 Office of the Executive Judge IN RE: PETITION FOR RENEWAL OF APPOINTMENT AS NOTARY PUBLIC FOR AND IN LUCENA CITY AND QUEZON PROVINCE UNDER THE JURISDICTION OF THIS COURT ATTY. RODEL L. AMBAS, Petitioner. X===========================X NOTICE OF HEARING Notice is hereby given that a summary hearing on the petition for notarial commission of ATTY. RODEL L. AMBAS shall be held on DECEMBER 11, 2013 at Branch 58 at 9:00o’clock in the morning. Any person who has cause or reason to object to the grant of the petition may file a verified written opposition thereto, received by this Office before the date of summary hearing. (Sgd) ELOIDA R. DE LEON-DIAZ Executive Judge 1st Publication December 9, 2013 ADN: December 9, 2013

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

(Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA Officer-in-Charge/Clerk of Court IV

NOTED: (Sgd) ELOIDA R. DE LEON DIAZ Executive Judge 2nd Publication December 9, 2013 ADN: December 2, 9 & 16, 2013 Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region OFFICE OF THE PROVINCIAL SHERIFF Lucena City NOTICE OF EXTRA-JUDICIAL SALE E.J. CASE NO. 2013-240 Upon petition for extrajudicial sale under Act 3135, as amended by Act 4118, filled by HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND OR PAG-IBIG FUND, with Branch Office at Lucena Grand Central Terminal, Ilayang Dupay, Lucena City, against PETRA R. GABIS, single of legal age, Filipino citizen, with residence and postal address at Lot 10, blk. 10, Joel St., Lovely Village I, Brgy. Wakas, Tayabas, Quezon to satisfy the mortgage indebtedness which per statement of accounts as of September 20, 2013 amounts to TWO MILLION SIX HUNDRED THIRTY TWO THOUSAND EIGHT HUNDRED EIGHTY TWO PESOS AND 73/100 (P2,632,882.73) inclusive of penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclosure, the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on JANUARY 6, 2014 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial court, Building, Lucena city, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine currency the following property with all its improvements to wit: TRANSFER CERTICATE OF TITLE NO. T- 269991 A parcel of land Lot 10, blk. 10 of the subdivision plan Psd-04-029018, being a portion of Lot 4570-C-3-B-2-B, Psd-04-001566, L.R.C. Record No. ), situated in the the Barrio of Wakas, Municipality of Tayabas, Province of Quezon, Island of Luzon. Bounded on the NW., along line 1-2 by Lot 9, Blk. 10, on the NE., E, SE., along lines 2- 3-4-5 by Road Lot 10, both of the subdivision plan, and on the SW., along line 5-1 by lot 4570-C-3-B-2-A, Psd-04-001566. Containing an area of ONE HUNDRED FIFTY THREE (153) square meters. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date: In the event public auction should not take place on said date be held on January 13, 2014 without further notice. Lucena City, November 11, 2013.

(Sgd)ARTURO T. QUERUBIN Sheriff IV

(Sgd) TRISTAN JIFF B. CLEDERA OIC, Provincial Sheriff

NOTED:(Sgd) DENNIS R. PASTRANA VICE EXECUTIVE JUDGE 3rd Publication December 9, 2013 ADN: November 25, Dec. 2 & 9, 2013


ANG DIARYO NATIN

DISYEmbre 9 - DISYEmbre 15, 2013

Tatlong Baril at droga, nakuha sa 2 suspek ni Johnny Glorioso

P

AGBILAO, QUEZON - Huli habang nasa aktong pinaglalaruan pa ng dalawang suspek ang kanilang baril ng datnan ito ng mga pulis na nagresponde dahil sa sumbong na panggugulpi laban sa mga ito nitong nakaraang linggo. Ayon kay Police CInsp Jun Von Nuyda, tinungo nila ang bahay ng suspek na si Paul Bryan Manuel sa Brgy. Silangang Malicboy, Pagbilao, Quezon makaraang gulpihin ng suspek ang kanyang live in partner na nagreklamo sa himpilan ng pulisya.Nagaway ang dalawa makaraang makita ng babae na may ibang

kalaguyo ang suspek. Sa pagdating ng mga pulis, nakuha ng mga ito ang tatlong short firearms na tinangka pang itapon ng suspek at kasamahan nitong si Roy Gariguez, 18 taong gulang ng Atimonan, Quezon. Nadatnan din ng mga pulis ang nakakalat na mga drug paraphernalia. Dalawang kalibre 38 at isang 22 caliber smith and wesson ang nakuha ng mga pulis na dinala na sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory. Bukod sa kasong violence against women and children kakasuhan din ang mga suspek ng illegal possession of firearms and prohibited drugs. ADN

7

AID FOR YOLANDA VICTIMS. Officers of Quezon Coconut Farmers & Traders Association (QCFTA) headed by its chairman, Rhocel Paraon (3rd from right) donate P300,000 to victims of typhoon ‘Yolanda’ in Tacloban through the Philippine Red Cross main office. Paraon said aside from a portion of the group’s fund, some of them also shared personal money as part of their charitable mission and civic action which they regularly do. He said the QCFTA is also set to donate an initial 10,000 coconut seedlings from their nurseries to coconut farmers affected by the typhoon. Receiving the checks from the group is the Red Cross representative. Photo by Gemi Formaran

The Saint Niklauses of McDonalds, Quezon Avenue, Lucena City. Photo by Johnny Glorioso

Congratulations, Anna Riella Margarita Alcala Banta for passing the 2013 Licensure Board Examination for Civil Engineers! From: Your Family

Conductor, dispatcher, patay sa tangkang panghoholdap ni Johnny Glorioso

L

ALAWIGAN NG QUEZON Isang pampasaherong bus na pagaaring ng Raymond Passenger bus na galing Naga patungo ng Manila ang iniulat na hinoldap ng dalawang hindi nakilalang kalalakihan habang nananakbo sa kahabaan ng Maharlika highway sakop ng Brgy. Concepcion Sariaya, Quezon nitong nakaraang linggo. Ayon kay PCInsp Joel de Mesa, ang dalawang suspek ay sumakay sa Lucena Grand Central Terminal at nagpanggap na mga pasahero.

Pagsapit sa Brgy. Concepcion, tumayo ang dalawang suspek at nagdeklara ng hold-up. Inatasan ng mga ito ang driver na ihinto ang bus at nilapitan ang konduktor upang hingin ang koleksiyon nito. Nang tumanggi ang komduktor na kinilalang si Francisco Camacho Pedrajeta, 24 ng ligao city, Albay ay kaagad binaril ito sa ulo na ikinasawi nito kaagad. Ang bus dispatcher naman na si Leovino Mercader Lizano 56 na taong gulang ng San Jose Tagkawayan ,Quezon na katabi ng biktima ay tinamaan din sa ulo at namatay noon din. ADN

PACUCOA Annual Assembly at the Century Park Hotel Manila, 06 December 2013. Enverga University bagged the following Awards: 2nd place, national level, HEIs with the highest number of accredited programs; regional level, HEIs with the highest number of accredited programs. Photo credits: Dr. F. Mercado

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

ANG DIARYO NATIN

disyembre 9 - DISYEmbre 15, 2013

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 12, Blg. 507

Disyembre 9 - Disyembre 15, 2013

NSO Quezon, muling pinarangalan

kontribusyon ni Alma C. Padua, NSO Quezon

L

ALAWIGAN NG QUEZON Itinanghal bilang ika-apat sa mga nangungunang NSO Provincial Offices ang NSO Quezon sa isinagawang 2013 Field Awards na ginanap noong Nobyembre 26, 2013 sa Century Park Hotel, Manila. Ang nasabing parangal ay bahagi ng isinagawang 2014 National Planning Workshop (NPW). Taunang isinasagawa ng pamunuan ng National Statistics Office ang Field Awards kung saan binibigyang parangal ang bawat probinsiyang nagpakita ng katangi-tanging pagganap sa tungkulin. Base sa resulta ng 2013 NSO Field Awards, ang

mga sumusunod na probinsiya ang tinanghal na nangunguna sa buong Pilipinas:

PROVINCE Leyte Mountain Province Southern Leyte Quezon Biliran Abra Rizal NCR 5 La Union NCR 6 Oriental Mindoro Marinduque Capiz Eastern Samar Catanduanes

RANK 1st place 2nd place 3rd place 4th place 5th place 6th place 7th place 8th place 9th place 10th place 11th place 12th place 13th place 14th place 15th place

Sa nasabing Field Awards, sinusukat and kakayahan ng bawat probinsya sa pag-ganap ng iba’t-ibang gawain. Dagdag

pa sa pagiging pang-apat sa panlalawigang kategorya, ang NSO Quezon ay nagpakita rin ng mahusay na pagganap sa mga sumusunod: 1st placePagbabahagi ng Impormasyon, 5th place- Pangkalahatang Pangangasiwa, 7th placePakikipagsosyo at Ugnayan, at 8th place- Talaang Sibil; dahilan kung bakit muli siyang pinarangalan. Matatandaan na sa nakalipas na tatlong magkakasunod na taon ay nakamit ng Quezon ang Unang pwesto kaya gayon na lamang ang pasasalamat ni Provincial Statistics Officer (PSO) Airene Pucyutan at kabuuan ng kanilang tanggapan sa mga taong tumulong at sumuporta sa lahat ng gawain at programa ng NSO. ADN

2 kaso ng pagpapatiwakal, naitala sa magkahiwalay sa Quezon ni Ronald Lim

L

ALAWIGAN NG QUEZON - Dalawang kaso ng pagpapatiwakal ang naitala ng mga awtoridad sa magkahiwalay na bayan sa lalawigan ng Quezon nitong nakaraang linggo. Unang naitala ang nasabing insidente sa bahagi ng Brgy. Ayuti sa bayan ng Lucban, Quezon. Ayon sa ulat ng Lucban Police, bandang alas syete ng umaga nang matagpuan ang wala ng buhay ng biktima na nakilalang si Jennelyn SalayoVeluz, 41 anyos, vendor, at

residente ng Nañawa Subd sa naturang barangay. Ayon sa salaysay ng bayaw ng biktima, nagtungo ito sa tahanan ng biktima upang kunin ang tricycle na pag-aari ng vendor. Ilang beses umano itong sumigaw ngunit walang sumasagot dito. Nang sa pagsilip niya sa nakabukas na pintuan sa likuran ng bahay ay nakit nito ang hipag na nakabigti sa kusina gamit ang nylon rope. Sa pagsisiyasat naman ng SOCO ay natagpuan nito ang dalang ¼ na pahina ng papel na naglalaman ng mga problemang pampamilya ng

biktima. Sunod namang naitala ang isa pang insidente ng pagpapakamatay sa bayan ng Alabat, Quezon kung saan ang biktima ay isang magsasaka. Sa imbestigasyon ng pulisya, pasado alas diyes ng gabi ng matagpuan ang bangkay ng biktimang si Rodel America Jr., 23 anyos, residente ng Brgy. Balungay sa nasabing bayan. Bago pa maganap ang krimen ay nakipag-inuman pa ang magsasaka sa mga kaibigan nito at umuwi ito bandang alas nueve ng gabi. makalipas ang kalahating

Masayang nagpakuha ng Larawan habang kinakapanayam ng Kolumnista ng Tirador si,Quezon Provincial National food Authority Mgr.Nestor C.Balina kamakailan.Ayon kay Balina patuloy ang Supply ng Bigas dito sa Quezon na manggagaling sa Calapan Oriental Mindoro na Fifty Thousand Bags na bigas na (50,000.00).Dadag pa niya na meron pang silang Stacks na Bigas sa Bodega na Fifteen Thousand(15,000.00) na sako. Raffy Sarnate

Most wanted person ng Tagkawayan, Quezon nadakip ni Johnny Glorioso UCENA CITY - Hindi nakapalag ang most wanted person ng Quezon province na si Willie Puntava Agravante, makaraang masakote ito ng pinagsanib na mga elemento ng Regional Intelligence Unit ng Calabarzon PNP, Quezon PNP, Tagkawayan at Baggao Police Office sa pinagtataguan nitong hideout sa bulubunduking sakop ng Sityo Tabuan, Brgy Moccag, Baggao, Cagayan nitong

nakaraang linggo. Si Agravante ay wanted sa kasong double murder at may warrant of arrest na nilagdaan ni Hon. Judge Mariano Morales ng 4th Judicial Region, RTC Branch 63 ng Calauag, Quezon at walang nakalaang piyansa para dito. Ang akusado ay kasama sa Memorandum Circular ng DILG Blg 2005-97. Kasalukuyang nakakulong na ito ngayon sa piitan ng bayan ng Baggao, Cagayan at nakatakdang ilipat sa Tagkawayan, Quezon ADN

oras ay nagtungo sa kwarto ang kapatid nito upang kumuha ng unan ngunit laking gulat nito ng matagpuan ang kapatid na nakabigti sa kisame ng kwarto gamit ang sinturon.

Pinaniniwalaang ang pagkakasermon ng ina ng biktima ang sinasabing naging dahilan ng pagpapatiwakal nito matapos na tawagin itong batugan. ADN

L

Naging matagumpay ang “For The Kids 2” ng Guni-Guri (Gu-Gu) Collective nang dagsain ng mga tao ang FiXup Bar sa Lucena noong ika-7 ng Disyembre. Taliwas sa nakasanayan sa mga bar sa Quezon, nagkaroon ng eksibisyon ng mga sining biswal ang mga miyembro ng Gu-Gu at kultural na pagtatanghal tulad ng pag-awit at pagbabasa ng tula. Ang isandaang porsyento ng kinita sa nasabing aktibidad ay nakatakdang mapunta sa mapipiling komunidad sa lalawigan ng Quezon kung saan pangunahin sa benipisyaryo ay ang mga bata. Michael C. Alegre / Mga larawang kuha ni Aaron Bonette

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.