Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 517)

Page 1

Phil. Figure Skater Michael Martinez Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG Pebrero 17 – Pebrero 23, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 517

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Gabriela Youth-MSEUF with Filipino human rights advocates escalate efforts to demand justice in OBR 2014

conributed by Alexandrea Pacalda

In such years, the struggle for the plight of women and children are unstoppable and get even stronger, because until violations against

them are ubiquitous, they will fight for the rights they deserved.

L

UCENA CITY – The GABRIELA Youth (GY)-Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF)

Chapter–daughter organization of GABRIELA, a women’s organization that upholds women and children’s rights–which organized by female students that distinctly see OBR 2014 | p. 2

ONE BILLION RISING (OBR) FOR JUSTICE 2014. Pinangunahan ng GABRIELA Youth-MSEUF Chapter, daughter-organization ng GABRIELA ang aktibidad na ito nitong nakaraang Araw ng mga Puso na naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa kalagayan ng mga kabababaihan sa buong mundo na nakararanas ng hindi kaaya-ayang kondisyon dulot ng kanilang kapaligiran at maging ng estado mismo. Michael Alegre and Kirsten Dae Tolentino

Sa Lungsod ng Lucena

Mga pasaway na tricycle driver, ‘bilang’ na ang araw ni Ronald Lim, mga ulat mula sa PIO Lucena/F. Gilbuena

L

ALAWIGAN NG QUEZON Isa sa paiigtingin na kampanya ng P a m a h a l a a n g Panlalawigan ng Quezon

ay ang pagpapatupad ng batas sa karagatang nasasakupan nito. Ito ang ipinahayag ni Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez sa kakatapos pa lamang na Provincial Peace and Order Council Meeting (PPOC) noong ika-7

ng Pebrero 2014 na ginanap sa Bulwagang Kalilayan, Lucena City. Dinaluhan ang nasabing pagpupulong nina Brigadier General Alex Capiña, Police Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac, Department of Interior

KASAMA SA BAGONG LUCENA. Kasama ni Mayor Dondon Alcala ang mga scavenger sa landfill matapos ang isinagawang pagpupulong hinggil sa pagsasaayos ng kabuhayan ng mga ito. Ang ginawang pagbisita na ito ni Mayor ay upang alamain na rin ang kalagayan ng mga ito at kung ano ang maibibigay na ayuda ng pamahalaang panglungsod sa mga ito. Photo by PIO-Lucena

and Local Government Regional Director Josefina Castilla-Go, Board Member Victor Reyes, chief of police ng bawat bayan, at ang mga miyembro ng PPOC. Batay sa impormasyon na ibinahagi ng ilang mga punong bayan sa teritoryo ng Tayabas Bay, Lamon Bay at Ragay Gulf, may ilang lumalabag parin na mga mangingisda sa mga ipinapairal na batas pangkalikasan. Ayon kay Perez Mayor Pepito Reyes, dumarami ngayon ang mga butanding o whale shark na nakikita sa mga bayan na sakop ng Lamon Bay. Ikinakatakot niya na baka madamay at masaktan ang mga

Si Quezon Gov. David Suarez, kasama ang Municipal Admin ng Sariaya na si G. Allan Loria (kaliwa) sa isinagawang bamboo planting activity sa Brgy. Castañas, Sariaya nitong February 12, 2014. Contributed by Quezon PIO

tingnan ang TRICYCLE | p. 2

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

Gabriela Youth Campus Rising: The triumph of the worldwide dance for the people’s rights

conributed by Alexandrea Pacalda

T

he GABRIELA Youth (GY)MSEUF with students, media practitioners and government officials who actively participated in the victory of ONE BILLION RISING 2014 happened in Perez Park, Lucena City, last February 14. The One Billion Rising for Justice is a way of expressing the legitimate demands and interests of different

sectors–such as peasants, workers, students, and women & children – in the world, particularly in our country. Different organizations in the university partakes in the triumph of the Rise for Justice such as MSEUF Banyuhay Dance Troupe, Guni-Guri Collective, Bahaghari, Quezon Reels, MSEUF ROTARACT Club, LIFEBOX, as well as high schools, the Quezon, Gulanggulang and Dupay National High School. Government

officials in Lucena City also unite in flash mob dance to show that they support the event conducted. The OBR2014 is just the other way to convey our legitimate demands, particularly on justice, and until human rights violations are prevalent in the country, the GY-MSEUF together with organizations of the same advocacy will continue to rise, release and fight for people’s rights. ADN

Kilos-protesta isasagawa sa Tayabas kontra sa pagtataas ng buwis

ni Johnny Glorioso

N

akatakdang magsagawa ng kilos protesta ang mga mamamayan ng lungsos ng Tayabas ngayong araw upang tutulan ang diumano ay hindi makatuwirang pagtataas ng buwis. Napagalaman na nakatakdang ipasa ng sangguniang panglungsod ng Tayabas ang isang ordinansa na magtataas ng mga bayaring buwis ng mahigit isang libong porsiyento. Tapos na umano ang limang taong

grace period na pumigil sa pagtataas ng amilyar at dapat nang ipatupad ang batas na magtataas ng mga bayaring buwis upang matugunan ang pangangailanagan ng lungsod. Ayon naman sa mga mamamayan, sa loob ng nakaraang limang taon ay hindi kinakitaan ng pagasenso ang lungsod at wala ding mga bagong negosyo ang napalagay na dapat ay magbibigay ng dagdag na kita ng mga mamamayan. Hindi umano kinakitaan ng pagsulong ang lungsod

sapagkat walang pumasok na mga bagong negosyo na magbibigay ng trabaho dahil sa magiging kakumpetensiya lang ang mga ito sa negosyo ng mga nanunungkulan. Napagalaman na ang di makatuwirang pagtataas ng amilyar ay gagawin upang matugunan ang mga requirements ng mga lending companies dahil sa planong panghihiram ng lungsod ng malaking puhunan na gagamitin sa pagpapatayo ng malaking commercials establishments..ADN

6,000 kawayan, itinanim sa castanas river kontribusyon ng Quezon PIO

S

ARIAYA, QUEZON Pinangunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagtatanim ng mahigit anim na libong (6,000) kawayan sa halos dalawang kilometrong baybay-ilog na sakop ng Brgy. Castanas sa bayan ng Sariaya noong ika12 ng Pebrero, 2014. Ang pagtatanim ng mga kawayan sa baybayilog ng Sariaya ay bahagi ng programang Climate Change Mitigation and Disaster Risk Reduction Measure ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pakikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Sariaya. Ayon ay kay Allan Loria, Sariaya Municipal Administrator na hindi lamang nakasalalay sa kaalaman at kakayahan ang paghahanda para maging ligtas ang buhay at maging isang malusog na pamayanan ang isang lugar, ito ay nakasalalay din sa

katangiang kalalagayan ng kalikasan. patuloy aniya ang pagkikipagtulungan ng pamahalaang bayan ng Sariaya sa pamumuno ni Mayor Boyet Masilang sa pamahalaang panlalawigan sa mga programang may kaugnayan sa disaster risk reduction at climate change mitigation tulad ng matagumpay na Quezon’s 2 in1. ayon naman kay Governor Suarez na ang isinagawang pagtatanim ng kawayan ang bahagi ng programang matagal ng sinimulan ng probinsya para sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran, ang Securing Quezon’s Future kabilang ang programang Plant and Grow 1 Million Trees, Quezon’s 2 in 1 na nakapagtanim ng mahigit dalawang milyong bakawan sa loob lamang ng isang araw. Buong pagmamalaki ding inihayag ni Governor Suarez na magsisilbing modelo ang lalawigan ng Quezon

pagdating sa Global Warming Disaster Mitigation programs sa pamamagitan ng pagtulad ng ibang probinsya sa mga programang ginagawa ng Quezon. Para naman masiguro ang paglago at paglaki ng mga itinanim na kawayan ay nagkaloob ang gobernador ng halagang P60,000.00 at mga kagamitan tulad ng pala, kalaykay, piko, atbp. sa Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) – Sariaya Chapter na samahang mangangalaga sa mga kawayan. Kabilang sa mga nakiisa sa pagtatanim si Vice-Governor Sam Nantes, mga executive assistant ni Governor Suarez, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Provincial Administrator Rommel Edano, mga miyembro ng iba’t ibang grupo sa bayan ng Sariaya tulad ng KALIPI, 4Ps, MOVE, PNP, AFP, MDRRMO, Bantay ng Bayan, at opisyal ng iba’t ibang barangay. ADN

D O W N L O A D S ?

WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

GRAPHICS BY AARON BONETTE

OBR 2014 from p. 1 deal with the problems of students, women as women, women and children who experienced aggravation under and from oppressive state, as well as the fight to end all forms of human rights violations, have its 1st ONE BILLION RISING for Justice 2014. Based on many evidences, women and children in this country still experiencing aggravation from such individuals and state forces. In the record of One Billion Rising organization, one in three women on the planet will be raped are beaten in their lifetime – that is one billion women. These showed that we, together with different sectors; youth, workers, peasants, professionals, media practitioners, and human rights defenders, have to take action for the wanted justice who are victims of oppressions and repressions by the state. In the university, in spite of discarding to conduct the organization of this kind of event, nobody can impede the worth Rise, Release and Dance of the people who want justice for those aggravated. Students and individuals

help out to pursue the university president Naila E. Leveriza but despite of having officially permitted papers and gone through the legal process, they reject the organization to conduct the event inside the university, which, according to them, the reason for not permitting the event is will cause heavy traffic, noise and disturbance. On the other hand, until impunity, militarization, corruption, violations against women and children as well as negligence on student rights in quality and accessible education are ubiquitous, they will fight for the rights they deserved, wherever the place will be. That is why, GYMSUEF together with different individuals and sectors with the same advocacy continue the battle for the demand of justice. The OBR #CAMPUSRISING 2014 held on Perez Park, Lucena City, Quezon, February 14, 2014 at 3pm together with different sectors; youth, professionals, media practitioners and human rights defenders. WE WILL RISE, RELEASE & DANCE FOR JUSTICE! ADN

TRICYCLE from p. 1 ito gawa ng illegal fishing dahil ginagawa umanong palatandaan ng mga mangingisda ang mga ito kapag nanghuhuli. Sinabi naman ni Quezon Gov. Jayjay Suarez na dapat ang mga mangingisda ang unang nangangalaga sa mga likas na yaman ng karagatan, dahil sila rin naman ang makikinabang dito. Dagdag niya, kung mapangangalaagaan at higit na dumami ang mga butanding sa lalawigan, malaki ang posibilidad na dayuhin ito ng mga turista. Madadagdagan ngayon ng pagkakakitaan ang

mga mangingisda dahil sila mismo ang magsisilbing mga tour guide. Inatasan din ng gobernador ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) at Provincial Tourism Office na alamin ang territorial identification ng mga butanding sa posibilidad na maging tourist attraction nga ang mga ito. Buong pwersa naman na tumugon ang mga miyembro ng pulisya na paiigtingin nila ang pagbabantay sa karagatan katuwang ang mga bantay-dagat. ADN


ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

3

Laang-pondo para sa pagawaing-bayan

162M sa Tiaong at 22M sa San Antonio, Quezon, handog ni Cong. Kulit Alcala

contributed by Michelle C. Zoleta and Roy Sta. Rosa

T

AYABAS CITY - Tinatayang aabot sa mahigit 162-milyong piso ang nakalaan para sa bayan ng Tiaong samantalang mahigit sa 22 milyon naman para sa San Antonio, Quezon ang alokasyon sa mga pagawaing bayan. Ito ang punto ng mensahe na ikinatuwa ng mga tagaTiaong at San Antonio, Quezon sa pahayag ni Quezon 2nd District Representative Vicente “ Kulit” Alcala na nakiisa sa isinagawang blessing at inauguration ng Lalig Bridge sa Tiaong at Tents’ distribution na isinagawa sa municipal hall Brgy. Poblacion, San Antonio, Quezon nitong nakaraang Huwebes, ika-13 ng Pebrero ng taong ito. Sa pakikipag-ugnayan ni Quezon 2nd District Representative Vicente “ Kulit” Alcala sa lokal at

nasyunal upang makakalap ng alokasyon sa mga halagang nabanggit, isasagawa na umano ang mga konstruksyon ng mga pagawaing bayan na hiniling ng ilang mga kapitan at sa kasalukuyan ay mayroon na umanong pondo na nakalaan para dito. Ang mga proyekto para sa Tiaong na ipapatupad sa pamamagitan ng Department of Public Works and Highways ay nagkakahalaga ng P115, 418,000.00 at mula naman sa National Irrigation Administration (NIA) ito ay nagkakahala ng P46 901, 604 na may kabuuang P 162, 319, 604. Samantala, malugod naman ang pasasalamat nina San Antonio Mayor Eric Wagan at vice mayor Jay Veslino sa mga proyektong imprasktraktura na umabot sa mahigit na 22M na ipinagkaloob ni Cong. Alcala sa kanilang bayan. Anila, tuloy-tuloy ang

pagpapagawa ng mga municipal health centers gayundin ang road widening sa mga main roads kung kaya’t ang layunin na maging gateway ng Quezon dahilan sa ito ay malapit sa Batangas ay unti-unti na umanong makakamtam. Ayon kay Alcala ang pagkakaroon ng magagandang pasilidad, kalsada at tulay ay magdudulot ng progresibong bayan kung saan papasukin ang bayan ng Tiaong at San Antonio ng madaming investors na magbibigay ng kabuhayahan sa mga tagarito.

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

0907-622-6862- (042) 710-3979(8am-5pm) e-mail add: teresitaabila@yahoo.com.ph #52 Bonifacio St., Brgy. 5, Lucena City

Nagpakuha ng larawan sina Cong. Vicente “ Kulit” Alcala, Mayor Eric Wagan at Vice-mayor Jay Veslino at mga kapitan matapos ipamahagi ang 20 tents para mga barangay na sakop ng bayan ng San Antonio, Quezon noong Huwebes. Roy Sta. Rosa

Sa tala ng DPWH, may 15 linear meters ang naturang tulay at aabot sa mahigit 10 milyong pondo ang nailaan dito. Dumalo sa naturang programa si Tiaong Mayor Ramon Preza gayundin ang nagbendisyon ng tulay na si Rev. Fr. Gerald Garcia ng St. John the Baptist, Tiaong at mga kapitan ng naturang bayan. Ayon kay Preza, noong panahon na kasagsagan ang isinasagawang konstruksyon ng naturang tulay, paralisado umano sila pagdating sa takbo ng ekonomiya. Kung kaya’t kanyang ikinatuwa na madadaanan na muli ito ng kanyang mga kababaryo gayundin ang mga taga-ibang lugar. Aniya, tahanan na ng pamilya Alcala ang bayan ng Tiaong kung kaya’t sa kanyang pakikipagtulungan nais niya na mabago ang sistema ng pamumuhay ng mga tagaTiaong. Ani pa, lahat ng proyekto na pwedeng itulong ay ibinigay na umano ng Alcala, nariyan ang ; rehabilitation of canals, road widening, at irrigation program. Sa pananalita naman ni Cong. Alcala, mapalad umano ang bayan ng Tiaong sa pagkakaroon ng katulad ni Mayor Preza na punongbayan sapagkat bibihira umano ang mayroon puso na walang hinangad kungdi kaunlaran sa kanyang nasasakupan.

LALIG BRIDGE SA TIAONG, QUEZON.

Pinangunahan ni Quezon 2nd District Congressman Vicente “Kulit“ Alcala ang inagurasyon at blessing ceremony ng Lalig Bridge na magdudugtong sa dalawang barangay-ito ay ang Poblacion 2 at Lalig noong nakaraang Huwebes. (February 13, 2014). Dumalo sa naturang programa si Tiaong Mayor Ramon Preza gayundin ang nagbendisyon ng tulay na si Rev. Fr. Gerald Garcia ng St. John the Baptist, Tiaong at mga kapitan ng naturang bayan. Roy Sta. Rosa

Lalig Bridge sa Tiaong Pinangunahan ni Quezon 2nd District Congressman Vicente “ Kulit “ Alcala ang inagurasyon at blessing ceremony ng Lalig Bridge na magdudugtong sa dalawang barangay-ito ay ang Poblacion 2 at Lalig noong nakaraang Huwebes.

Panawagan pa ni Alcala sa bumubuo ng Sangguniang Bayan ng Tiaong sa pangunguna ni Vice-Mayor Tom Ilao na magsama-sama at iwaglit na umano ang kaisipang-pulitikal kung ang kapakanan naman ng karamihan ang nakataya. Sinabi pa ni Alcala na ang Lalig Bridge ay magsisilbing paalala na ito ay iniaayos ng lokal na pamahalaan para sa pangkalahatang kapakinabangan ay kaligtasan ng mga dumaraan dito. Tents para sa San Antonio Matapos ang inagurasyon ng tulay, namahagi ng nasa 20 tolda si 2nd District Congressman Vicente “ Kulit “ Alcala para sa mga barangay na sakop ng bayan ng San Antonio bandang alas 12:30 ng hapon sa municipal hall Brgy. Poblacion, San Antonio, Quezon Sa naturang seremonya, sinabi ni Alcala na ang naturang tolda ay maaaring gamitin ng taong-bayan sa mga malalaking pampublikong okasyon o mga seminars. Binigyang diin pa ni Alcala ang kataga na “ Tuloy ang Bangi, Kahit Wala na ang Bunot”, ito ay patungkol pagpapatuloy ng mga biyaya na ibinibigay niya sa kanyang nasasakupan kahit wala na ang pondo mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF). ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

EDITORYAL

uwing buwan ng Pebrero, lagi na lang espesyal ang ika-labing-apat na araw. Ito nga naman kasi ang bukod-tanging araw sa mundo na inilaan upang bigyang-parangal si San Valentino, isang pari noong ikatlong siglo sa Rome na nakulong dahilan sa paglabag ng kautusan ng emperador na huwag siyang magkasal sa mga magsusundalo at mga nobya nito. Marami ang naniniwala na ang Valentine’s Day (o Araw ng mga Puso) ay idinaraos sa kalagitaan ng Pebrero. May mga nagsasabi na nais ng Simbahan na gawing Kristiyano ang Lupercalia – isang paganong kapistahan ng pagkamayabong – na ipinagdiriwang tuwing Pebrero 15 bilang parangal kay Faunus, ang Romanong diyosa ng agrikultura, at sa mga nagtatag ng Roma na sina Romulus at Remus. Ang kapistahan ng Lupercalia ay sinasabing napapalooban ng pagpares sa isang dalaga at isang binata. Noong panggitnang mga siglo, naniniwala ang France at England na sa Pebrero 14 nagsisimula ang panahon ng pagpapares ng mga ibon, kung kaya ginawa itong araw ng romansa. Noong 498 AD, idineklara ni Pope Gelasius ang Pebrero 14 bilang St. Valentine’s Day. Mga bulaklak, kalimitang pulang rosas, cards na may emosyonal na pitak; mga regalo; token ng pagmamahal tuladng mga tsokolateng hugis-puso at mga Kupido ay mga simbolong iniuugnay sa Valentine’s Day. Ayon sa mga alamat, ang mga bulaklak at mga regalo ay naging mga simbolo ng Valentine’s Day nang nagpadala si San Valentino ng unang pagbating “Valentine” sa isang dalaga na bumisita sa kanya. Binigyan niya ito ng isang liham na kanyang isinulat: “Mula sa iyong Valentino,” isang pagpapahayag na nauuso pa rin magpahanggang ngayon. Nagsimula ang mga pagbati tuwing Valentine’s Day noong gitnang bahagi ng ika-18 siglo nang magpalitan ang mga magkakaibigan at magkakasintahan ng mga isinulat na mensahe. Mahigit isang bilyong card ang ipinadadala bawat taon, kung kaya ang Valentine’s Day ang pangalawa sa pinakamalaking card-sending holiday ng taon, kasunod ng 2.6 bilyong card sa panahon ng Pasko. Ang pinakamatandang Valentine Card ay naka-display sa British Museum, samantalang ang pinakamatandang tulang pang-Valentine na isinulat ni Charles, ang Duke of Orleans noong 1415 sa kanyang maybahay, ay nasa koleksiyon ng British Library. Ipinagdiriwang ngayon ng mga Pilipino ang Valentine’s Day bilang mahalagang romantikong okasyon upang ipahayag ang kanilang pag-ibig at pagpapahalaga sa kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan. Kung anuman ang sagisag na kanilang gagamitin upang iparating ang kanilang pagmamahal, ang pagalaala at pagpaparamdam ang pinakamahalaga. Sa reyalidad na ito ng buhay, walang masama sa paniniwala at pagsunod sa mga okasyon at tradisyong ito. Anu’t-ano man, ipinapaalala sa atin ng araw na ito na ang pag-ibig ay marapat lang na araw-araw dapat ipadama sa ating mahal sa buhay, sa ating kapwa at higit sa lahat, sa mas mataas na antas, ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kalayaan ng bawat isa sa atin. Mula sa patnugutan ng Ang Diaryo Natin sa Quezon, pagbati ng maligayang Buwan ng mga Puso sa ating lahat! ADN

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor

Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra Wattie Ladera | Ronald Lim | Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 | Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

DIBUHO MULA SA WWW.MANILATIMES.NET

T

Araw-araw ay Balentayn

M

Batas Trapiko

alaki na ang iniunlad ng lungsod ng Lucena at sa ngayon ay malaking sakit na ng ulo ang pagpapanatili ng kaayusan ng trapiko sa lungsod. Kapansin-pansin ang pagdami ng bilang ng mga traffic enforcers subalit sabihin na nating sa ngayon ay isang matinding sakit ng ulo pa rin ito sa kabila ng pagsisikap ng mga taong nasa likod ng pagpapanatili ng kaayusan na mapanatili ang ang ayos na daloy ng trapiko. Isang malaking factor ang kawalan ng disiplina lalo na sa bahagi ng mga pampasaherong mga sasakyan. Sa kabila ng pagkakaro’n ng mga loading ang unloading zones ay nababalewala ito, ganung hindi naman sa lahat ng oras at pagkakataon ay makakaya itong mabantayan ng sangkaterba nang mga taong nagmamando ng batas trapiko. Ang bawat minutong lumilipas dahilan sa maling pagsasakay at pagbababa ay kaagad na lumilikha ng mahabang pila ng mga sasakyan at maraming mga batas pa din ang nababale wala. Marahil kung maglalagay ng mga CCTV cameras sa kahabaan ng main streets at sa mga matrapik na intersection na mamanduhan ng mga technical na mga tauhan ay makatutulong ng malaki lalo na kung mahiglit ang gagawing pagpapatupad. Dapat istrikto ang pagpapatupad ng mga violations na imomonitor ng mga CCTV. Mapapadalhan kaagad ng mga traffic citations ang mga violators na madaling makikita sa camera at sa pagkakataong ito ay ang mga mayari ng sasakyan ang padadalhan ng ticket sapagkat di

N

ANO BA YAN?!! naman makikita sa camera ang pangalan ng drivers. Maging ang mga hindi gumagalang sa mga pook tawiran na sinadyang ginawa upang pagbigyan ang mga pedestrians ay maipapatupad din ng maayos at tumpak. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang aksidente at pakikipagpatintero ng mga pedestrians sa mga sasakyan, subalit kelangang maiparating sa mga ito ang batas kung meron man sa tamang pagtawid sa mga lansangan Sa umpisa ay waring mahirap at dagdag na gastos pa din, subalit kung ito lang ang makakatulong ay bakit nga ba hindi. Puede ding magsagawa ng regular na workshop o seminar sa lahat ng drivers sa pamamagitan ng mga jeepney at tricycle drivers and operators association. Malaki din ang maitutulong ng paggamit ng mga loud speakers sa bawat busy intersections upang manduhan ang mga drivers at pedestrians at dapat lang na mahigpit na ipatupad ang mga loading and unloading areas, ganundin ang tingnan ang ANO BA YAN?!! | p. 7

Bukod sa “Feb-ibig”

gayong buwang ito, bukod sa ipinagdiriwang nating “Feb-ibig” ay nakatakda rin nating gunitain ang tagumpay na tinamo sa EDSA, ika-25 ng Pebrero. Sa araw na ito ay muling manunumbalik ang alaala ng makasaysayang araw na nagpatunay sa kapangyarihan ng kolektibong pagkilos upang magkaroon ng reporma at pagbabago sa ating lipunan. Napakahalaga sa ating kasaysayan bilang isang bansa ang aral na dulot ng EDSA. Pagkakaisa at pagmamahal sa bayan, ilan lamang iyan sa mga mahahalagang bagay na sama-sama nating naranasan sa EDSA. Sa EDSA natuto tayong tumayo at lumaban sa katiwalian. Sa EDSA muli nating natuklasan ang kapangyarihan ng pananalig at pagtitiwala sa ating mga sarili bilang isang lipunan at bilang isang bansa. Sa EDSA muli nating ipinaglaban ang ating karapatan para sa malinis at mahusay na pamamahala. Sa darating na pagdiriwang muli nating isabuhay ang mga katangiang ito. Patuloy tayong magsumikap para sa ating mga sarili, pamilya, komunidad at pamayanan at para sa ating bansa. Huwag nating hayaang masayang ang magandang

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ALIMPUYO Ni Criselda C. David simula na ipinaglaban natin sa EDSA. Napakaganda ng ating nasimulan, huwag nating hayaan na ang EDSA ay maging alaala lamang ng kadakilaan at katapangan natin, subalit sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ay gawin natin itong inspirasyon. Tandaan sana ng bawat isang Juan at Juan dela Cruzes sa ating bansa na ang tunay na diwa ng EDSA ay hindi lamang ang pagpapatalsik sa isang diktadura at pagtapos sa pagmamalabis ng isang rehimeng tumalikod sa kapakanan ng sambayanan. Ang tunay na diwa ng EDSA ay ang pagsamasama ng lahat ng Pilipino, mayaman man o mahirap, anumang antas ng kabuhayan, upang muling bumangon. Pagbangon mula sa pagkalugmok upang sa ganoon ay mangibabaw sa mga puso ng bawat isang mamamayang Pilipino pagmamahal sa bayan at pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat isa. ADN


ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

5

2016 Presidential Elections, nalalapit na; mga pulitiko nagpaparamdam na!

H

ay naku! Ang buhay nga naman ng mga pulitiko kung minsan nasa ilalim, kung minsan nasa ibabaw. Ang sabi ni Erap, “weder-weder” lang yan. Ang nangyari sa akin ay mangyayari rin sa mga nakaupo. Tama nga naman. Itong dating nakaupo sa nakaraang administrasyon Gloria Macapagal Arroyo (GMA) naka ospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil sa kasong electoral sabotage at plunder case. Si Erap naman ngayon ang nakaupo bilang Alkalde ng Maynila. Ang buhay ay talagang ganyan parang “life,” may kanya-kanya tayong hangganan. Bagama’t nakaraan na yan ng mga nakalipas na panahon, ay hindi na nagbabalik ang dating kahapon. Ang ating harapin ang pangkasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Tama po ba, mga mare at pare ko? Bagamat unti-unti ng nalalapit ang halalang pangPanguluhan ay meron tayong naobserbahan sa mga kapaligiran ng mga Politikong nagpaparamdam. Muling nanunuyo yan sa mga botante, bobolahin yan!

Papangakuan ng kung ano-anong pangako na pag nanalo na at na pwesto ang pangako ay mapapako na. Ganyan ang buhay ng mga pulitiko. Mabait sa mga botante, pag nanalo na hindi ka na kilala. At ang katwiran ng pulitikong nanalo, wala daw siyang dapat tanawin ng utang na loob dahil siya raw ay nagbayad ng limang-daang piso kapalit ng kanyang boto. Diyos ko po naman!. Yan ang sinasabi ko eh, mga mare at pare ko. Ilang araw mong gagastusin yang limandaang piso? Siguro maghapon lang yan. Ilang kilong bigas yan at ilang kilong isda yan , pagkaubos na niyan ay hindi ka na muling makakalapit sa ibinoto mong pulitiko at babauyin ka na naman. Samantalang kung hindi ka tumanggap ng bayad na limang daan na kapalit ng boto mo, segurado hanggat nakaupo ang ibinoto mo kahit magpabalik-balik ka sa kanya ay bibigyan ka ng tulong dahil ibinoto mo siya eh! O di po ba mga mare at pare ko? Ganyan ang buhay ng mga pulitiko. Siya nga pala saglit muna nating iwanan yang isyung pampulitika. Kamakailan

QSHS Students to Represent CALABARZON in National Science Quest

contributed by Eva Palma/Quezon PIO

LUCENA CITY - Five students from Quezon Science High School (QSHS) will compete as the official representatives of Region IV-A CALABARZON in the National Science Quest on February 10-12, 2014, Teacher’s Camp, Baguio City. Spearheaded by the Association of Science Educators of the Philippines (ASEP), the National Science Quest is bent on

promoting academic excellence in science and technology. Joining the nationwide competition are Christine Loui V. Araña, the 1st place winner in the Essay Writing category, and Elmer Christian Angelo Merto who placed 2nd in the Quiz Bee category in the Regional Science Quest held last November 16-17, 2013 at Antipolo National High School. Meanwhile, the QSHS team led by Earl Etchel I. Caraga, Raniel A. Parco, and Amreed A. Lingcoran

will compete with their Science Investigatory Project (SIP) titled “Gas Leak Ignition Prevention Device,” which bagged 3rd place in SIP-Applied Team category in the DepEd Regional Science and Technology Fair held last October 4-5, 2013 in Morong National High School, Rizal. QSHS is the premiere science hub which offers specialized curriculum in Mathematics and Science to Quezon Province’s future scientists and leaders for free. ADN

Mayor Dondon Alcala, naghatid ng magandang balita sa mga estudyante ng LMSTC

contributed by PIO Lucena/F.Gilbuena

L

UCENA CITY – Sa pagpapatawag ng general assembly na isinagawa kamakalawa sa city hall annex compound ay naghatid si Lucena City mayor Roderick “Dondon” Alcala ng magandang balita para sa mga estudyante ng Lucena Manpower Skills Training Center (LMSTC). Sa pagsalita ng alkalde sa harapan ng humigit-kumulang sa 600 mag-aaaral ng nasabing institusyon ay ipinaalam nito na simula sa araw na iyon ay ipagbabawal na para sa LMSTC ang anumang kontribusyon, pangongolekta o paniningil ng kahit na ano pa mang uri nang

bayarin sa mga estudyante nito. Ayon kay Mayor Alcala, kaya nga isinusulong ang mga programa ng LMSTC ay para aniya makatulong na iangat ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan at hindi upang pahirapan pa ito ng anumang paniningil. Dagdag pa ng punong lungsod, pipilitin ng pamahalaang panglungsod na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng LMSTC sa pamamagitan ng mga supplies o equipment na karaniwa’y ginagamit sa pagsasagawa ng mga training sa iba’t-ibang larangan dito. Ayon pa sa alkalde, magandang balita rin para sa mga estudyante dito ang matutuloy

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

TIRADOR

Ni Raffy Sarnate ay meron tayong natanggap na text messages mula sa Quezon Provincial Jail na nakuha niya ang cellphone no. ko sa (ADN) Ang Diyaryo Natin. Ito ang mga isinasaad ng kanyang text message bagamat late na sa Valentines Day. Magandang umaga kuya Raffy, isa po ako sa nakakulong dito sa Provincial Jail, gusto ko lang po iparating sa inyo na ito po ay hawak ng BJMP at para sa kaalaman ninyo tuwang-tuwa po sila dahil tuloy ang ligaya nilang makapagpasok ng alak, shabu. Totoo po yan lalo’t bukas ay Valentines. Tiyak ang dami na naman po ditong lasing bukas. 11:34 AM Feb. 13, 63946******* ADN

ANO BA YAN?!! mula sa p. 4 mga No Parking signs, at higpitan ang panghuhuli sa mga kulorum. Subukan kaya natin at baka sakaling mag-improve ang daloy ng trapiko sa mga lansangan na sadyang maliit na para sa dumadaming bilang ng mga sasakyan Sa huli, dapat din naman marahil na bigyang pagkilala yung mga traffic enforcers na nagtatrabaho ng maayos, yung mga hindi alintana ang init ng araw at yung talagang masisipag. Dapat marecognize sila ng local government upang lalo pang maging masipag at maging isang huwaran ng kanyang mga kasamahan. ADN

Mayor Alcala, suportado ang katahimikan ng Segunda Distrito ng lalawigan LMSTC contributed by PIO Lucena/F.Gilbuena

L

UCENA CITY – Nagpakita ng suporta sa pagsasaayos ng Peace and Order situation sa kabuuan ng segunda distrito ng lalawigan ng Quezon si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala nitong nakaraang linggo. Sa pagdalo ng alkalde sa isinagawang Peace and Order Summit kamakailan sa District Office, DPWH Compound, lungsod na ito, ay binanggit nito sa kaniyang pagsalita na mahalaga nga ang naging pagtitipon-tipon ng lahat ng mga pamunuan ng barangay at mga tanod ng mga ito mula sa Segunda Distrito sapagkat kapag magkakakilala aniya ang mga ito, ay mas mabilis na matutugunan ang anumang problema hinggil sa naturang usapin. Ayon pa ka Mayor Alcala, kapag alam ng mga kinauukulan at kilala ang kanilang pupuntahan sa iba’t-ibang bayan o lungsod ay mas maayos at mas mabilis ang magiging aksyon sa pagpuksa o paghuhuli sa mga nakapagsasagawa ng anumang uri ng kriminalidad. Isa ang peace and order sa mga pangunahing usapin na pinagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Panglungsod ng Lucena sa pamumuno ni Mayor Alcala, at katulad ng lahat ng umuunlad na siyudad ay kinakailangang mapanatili ito upang magpatuloy ang magandang takbo ng lugar tungo sa karagdagan Panglungsod, at ilalagay bahagi pang kaunlaran. ADN ng diversion road sa Brgy. Ilayang Brgy. Mayao Castillo. ng Pamahalaang Dupay. Ang bagong city hall Panglungsod na sa Ayon pa sa Punong Lungsod, hindi na ring mapipigilan at ay pinlanong ipatayo kasalukuyan ay hiwapuwede nang ipagyabang ang hindi lang upang maging hiwalay; at ang mga ng industrial park naman pagpapatayo naman ng industrial representasyon park sa bahagi ng Brgy.Ibabang lungsod, kundi para ay upang makapagTalim at Brgy. Salinas; at kapag p a g s a m a s a m a h i n generate ng maraming binwenas naman aniya ay isa pang na rin ang lahat ng trabaho para sa mga tanggapan mamamayan. ADN tulad nito ang ipapatayo naman sa ahensiya’t

nang pagpapatayo ng mga industrial park sa lungsod ng Lucena sapagka’t ang pag-aaral sa LMSTC ay bilang paghahanda sa maaaring pagpasok sa mga ito ng mga magsisitapos ng kurso o pagsasanay sa institusyong binanggit. Sa ngayon ay 13 mga kurso ang ang ihinahandog ng LMSTC para sa mga mamamayan ng lungsod at kabilang sa mga ito ay ang hairdressing & beauty care, reflexology, electronics technology, driving and troubleshooting, welding, basic computer, computer tech, auto diesel mechanics, dressmaking, baking, auto wiring at building electrician. ADN

Pagpapatayo ng Bagong City Hall at Industrial Park, tuloy na tuloy na sa Lucena

contributed by PIO Lucena/F.Gilbuena

L

UCENA CITY – Tuloy na tuloy na at hindi na mapipigilan pa ang pagpapatayo ng bagong city hall at mga industrial park sa lungsod ng Lucena. Ito ang ipinahayag ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa pagsalita nito bilang panauhing pandangal sa

isinagawang Peace and Order Summit sa District Office sa compound ng DPWH kamakailan. Ayon kay Mayor Alcala, sadyang mabilis na ang pag-unlad ng Lungsod ng Lucena at kaakibat nito ay ilan panahon nalang ay sigurado na at 100% nang pasisimulan ang pagpapatayo ng bagong city hall na isa sa mga ihinandang plano ng Pamahalaang

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

LEGAL & JUDICIAL NOTICE Republic of the Philippines Tayabas City. S.S. AFFIDAVIT OF CLAIM WITH WAIVER OF RIGHTS WE, Ester C. Cabile, Eusebio P.Cabile,both of legal age, Filipino, and residents of 39 Baltazar ast., Brgy San Roque, Zone 2, Tayabas City, after having been duly sworn in accordance with law hereby depose and state, that: 1. We hereby declare that we are the only surviving heirs of the deposed depositor, SESINANDO C. CABILE, who died on Sept. 26, 2013, a copy of the Certificate of Death is hereto attached as Annex “A”. Likewise, we further state under pain/penalty of perjury, punishable by imprisonment under the Revised Penal Code, that we do not know any other heirs of the deceased; furthet decedent des not have any knkwn debts or obligations unpaid at the time of his/her death; 2. At the time of his/her death, he/ she left Savings Deposit Accounts with the Philippine Veterans Bank, Camp Aguinaldo Branch, under Savings Account Numbet 0002407119-10 with a balance of P65,175.27; 3. The aforestated deposit is the only property/asset of the said deceased depositor; 4. We hereby request the Philippine Veterans Bank, Camp Aguinaldo Branch, to release the balance of the said deposit account in favor of Ester Cabile and/or to transfer the balance of said deposit account to

an account in his/her name, we, his/her co-hers, having waived our rights over the said deposit account in his/her favor. 5. We hereby hold the Philippine Veterans Bank free and harmless from any claim/suit that may be brought against it by reason of the release of The said amount in favor of Ester C. Cabile and we hereby undertake to indemnify the said bank in the event it suffers damages should any heir or creditor should any heir or creditor subsequently claim deprivation of any rights by virtue of this release and settlement. FURTHER AFFIANT SAYETH NAUGHT. (SGD) ESTER C. CABILE. Competent ID 3739493 (SGD) EUSEBIO P. CABILE. Competent ID 98877 SUBSCRIBED AND SWORN to before me on this 3rd day of Feb. 2014 affiants exhibiting to me their Community Tax Certificate numbers indicated below their names. Doc. no. 72. Page No. 16. Book No. 149. Series of 2014. (SGD) RODOLFO ZABELLA Notary Public Until Dec. 31, 2014 PTR No.5569972 01-02-14 Tay. City Roll of Attorneys 13240 02-27-58 2nd Publication February 10, 2014 ADN: Feb. 10 & 16, 2014

Kooperatiba at pabahay, pinagtuunan ng pansin

Mayor Dondon Alcala pinulong ang mga mamamayang nasa Landfill

ni Ronald Lim with reports from PIO Lucena

L

UNGSOD NG LUCENA – Upang maisaayos na ang kalalagayan ng mga naninirahang mga mamamayan sa bahagi ng landfill area sa Brgy. Silangang Mayao ng lungsod, ay personal na sinadya ng maagangmaaga ni Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang mga pamilyang naninirahan at namumuhay dito upang pulungin nitong nakaraang linggo. Sa pagpulong na isinagawa ng punong lungsod, ay ipinarating nito sa mga namumuhay sa lugar na ito bilang mga scavenger, ang pagnanais niyang maisaayos na ang mga nakasanayang gawain na kada may darating na trak ng basura ay pinagkakaguluhan ang mga ito ng nagdadamihang nangongolekta ng mga basurang naidala upang gawing kalakal, na siya namang hanapbuhay ng karamihan sa mga naninirahan sa paligid ng landfill sa barangay na nabanggit. Ayon kay Mayor Alcala, nais

niyang baguhin ang magulong sistemang nakasanayan na, at isa sa mga solusyong angkop dito aniya ay ang pagtatatag ng isang kooperatiba para sa mga taong ito nang mapangalagaan na rin ang kapakanan ng mga magiging miyembro. Ayon pa sa alkalde, upang maiwasan na rin ang pagpasok ng mga mangangalakal mula sa ibang lugar na makababawas sa kikitain ng mga naninirahan ditto ay mas magandang magkaroon ang mga ito ng ID o pagkakakilanlan. Ayon pa rin punong lungsod, kaniya aniyang ipaaayos ang pagkakatambak sa landfill na ito, at maglalaan ng pondo sa pagpapatayo ng Materials Recovery Facility (MRF) nang maging maganda ang operasyon ng tambakan at nang gumanda rin ang hanapbuhay dito. Dagdag pa ni Mayor Alcala, ay nakalaan rin para sa mga taga-rito ang proyektong pabahay na binabalak ring ipadaan nito sa Gawad Kalinga upang magkaroon ng mga tirahan ang mga scavenger at kani-kanilang pamilya. ADN

NEW BUILDING. The Southern Luzon State University (SLSU) Lucena Campus new building was inaugurated, as Dr. Roberto Licup Sr. SLSU board of regent member (2nd right) who represented for Commission on Higher education (CHED) commissioner Dr. Alex Brillantes cuts the ceremonial ribbon with president Dr. Cecilia N. Gascon, (left) Dr. Carmen Baron and Lucena City government Executive Assistant IV Jose Colar, yesterday, at barangay Ibabang Dupay, Lucena City. Contributed by Danny J. Estacio

Alinsunod sa utos ni Mayor Dondon Alcala

Mga “middle man” na bumibili ng kalakal ng mga scavenger sa land fill, bawal na

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Mahigpit na ipagbabawal na ng pamahalaang panglungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala ang mga tinatawag na “middle man” na bumibili ng kalakal sa mga scavenger sa landfill na nasa Brgy. Silangang Mayao. Ayon kay Mayor Dondon Alcala hindi na nila papayagan ang mga nakuha ng mga kalakal na ito na binibili lamang sa mababang presyo na nagdudulot ng malaking

kawalan sa kita ng mga scavengers. Dagdag pa ni Mayor Alcala, hindi makikiaalam ang pamahalaang panglungsod pagdating sa pamimili ng mga kalakal basta’t maiayos lamang ang sistema sa pagbebenta at pamimili ng mga ito. Isa sa suhestiyon ng alkalde pagdating sa pagbebenta ng mga kalakal ay ang pag-iipon muna sa mga ito at sa oras na ito ay maipon na, ang mga opisyal ng kanilang samahan ang

bahalang makipagkasundo sa kung sinuman ang makakabili ng mga kalakal na ito sa pinakamataas na halaga. Ayon pa rin kay Mayor Dondon Alcala, sasamahan pa mismo ng kaniyang tauhan ang mga opisyal na ito upang makahanap ng mga bibili ng kanilang kalakal sa pinakamataas na presyo upang matulungan ang mga ito na kumita ng maayos na hindi kinakailangang mabawasan pa ang kanilang kinikita dahil lamang umano sa nasabing mga “middle man.” ADN

RETURN TO LAW. Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Caesar Ronnie F. Ordoyo welcomes the two New People’s Army (NPA) rebels Ka Jerry and Ka Ben, operating in Quezon for almost 18 years as they turned over two M16 rifles and received P20, 000.00 each while Brig. Gen Alex Capiña of the 201st Infantry Brigade looks on, February 12, 2014 at Camp G. Nakar in Lucena City. Contributed by Danny J. Estacio

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

7

Mayor Dondon Alcala, nakiisa sa isinagawang pagdiwang ng 2014 Civil Registration Month ng NSO

kontribusyon ng PIO Lucena/F.Gilbuena

L

UCENA CITY – Bilang pagsuporta sa mga programa ng National Statistics Office at sa Quezon League of Civil Registrars, ay nakiisa si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isinagawang pagdiriwang ng 2014 Civil Registration Month

sa bahagi ng Pacific Mall kamakailan. Sa pagiging host city ng Lungsod ng Lucena, ay pinangunahan ng punong lungsod ang pagtanggap sa mga civil registrars at mga tanggapan nito na nagmula pa sa 33 munisipalidad at 2 lungsod sa buong lalawigan ng Quezon. Ang programa ay

nagsimula sa isang motorcade, na kung saan ay sumama rin si Mayor Alcala upang sumabay sa mga civil registrar na maisagawa ang layunin ng mga ito na maipaalam sa mga mamamayan ang halaga

ni Ronald Lim

L

UNGSOD NG LUCENA Nagbabalak ngayon ang mga kapitan ng barangay na magpasa ng isang resolusyon sa Sangguniang Panglungsod hinggil sa pagkakaroon pa ng mga pulis na kagaya ni PO3 Marzo SamAniego upang maisaayos ang daloy ng trapiko sa Lucena. Sa pamamagitan ng kanilang presidente na si Brgy. Cotta Chairman Hermilando Alcala, na isa ring konsehal ng lungsod sa pagiging ex-officio member nito, ay magbubuo sila ng isang resolusyon hinggil sa nasabing usapin. Ang konseptong ito ay nabuo noong nagsagawa ng buwanang pagpupulong ang lahat ng kapitan ng barangay kamakailan na kung saan ay naging bisita dito ang Action Officer ng Traffic Management Council of Lucena na si Arnel

kontribusyon ni Teo Marasigan ng Pinoy Weekly

A

no ang posibilidad na si Noynoy Aquino ay maharap sa isang malawak at malakas na kampanya para patalsikin siya sa pwesto? Tulad ng mga sinundan niyang sina Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada? Tulad ni Ferdinand Marcos na sinundan ng nanay niyang pinagkukunan niya ng bango, kumbaga, sa pangamoy ng mga tagasuporta niya, lalo na sa iyung nasa panggitnang uri? Malaki ang posibilidad, at tyempo na lang siguro ang hinihintay para ito ay lumabas at lumantad. Simula kampanya sa pagkapangulo hanggang sa unang tatlong taon sa pwesto, hawak ni Aquino ang suporta ng pinakamalalaki sa mga naghaharing uri sa bansa. Matapos niyang patalsikin si dating Chief Justice Renato Corona, nahawakan din niya ang buong gobyerno. Hawak din niya ang suporta ng pinakamalalaking midyang mainstream, na ginamit niya na instrumento ng panloloko.

Avila. Sa kanilang pagpupulong ay napag-usapan dito ang isyu ng trapiko sa Lucena at kung ano ang maaring maitulong ng mga kapitan ng barangay pagdating sa nabanggit na usapin, lalo’t higit ang mga naapektadong barangay ng isinasagawang experimental traffic re-routing. Agad namang sinangayunan ng mga barangay chairman ang ipapasang resolusyon para sa karagadagang pulis na katulad ni PO3 Samaniego. Si PO3 Marzo Samaniego ay isa lamang sa apat na mga deputized ng LTO na mag-isyu ng tiket sa mga pasaway na driver ng jeep at tricycle na lumalabag sa anumang batas trapiko sa Lucena, bukod pa dito ang pagiging mahigpit nito sa pagpapatupad ng mga ipina -iiral na batas. ADN

sa lokal na civil registrar sa katauhan ni G. Cristina Javierto at pinuri ito sa maayos na serbisyong ibinibigay nito sa mga mamamayan ng lungsod. ADN

2 Brgy Chairman huli sa tupada sa Sariaya; isa, nakunan ng ‘di lisensiyadong baril

“Kagaya ni PO3 Marzo Samaniego”

Karagdagang pulis, hihilingin ng ABC sa Sangguniang Panglungsod

ng tamang pagpaparehistro sa kani-kanilang mga civil registrar. Sa kaniyang pagsalita bilang panauhing pandangal ay ipinahayag ni Mayor Alcala ang kaniyang buong pagsuporta

ni Johnny Glorioso

A

nim katao kabilang na ang dalawang brgy captain ang nadakip ng mga pulis sa Sariaya,Quezon makaraang i-raid ang nagaganap na tupada sa Brgy. Tumbaga, Tayabas City. Kinilala ang dalawang brgy. captain na sina Renato Ilao Bascoguin, chairman ng

Brgy. Tumbaga at Dioscoro Idea Alcala chairman ng Brgy. Morong. Bukod sa apat na iba pa, nadakip din ang isang Alvin Perez na may ilegal na pasugalan sa nasabing lugar. Samantala si Kapitan Bascoguin na siya umanong umaaktong maintainer ng tupada ay nakunan ng isang kalibre 45 baril na may isang magazine na may pitong bala.

Wala namang maiprisintang lisensiya ang chairman para sa naturang baril. Ang mga nadakip ay nakakulong na ngayon sa piitang bayan ng sariaya at sasampahan ng kasong violation of RA 9287. Karagdagang kasong paglabag naman sa RA 10591 ang isasampa laban kay chairman Bascoguin. ADN

Grade 1 Pupil na tumatawid sa Pedestrian lane Nasagasaan, Patay

ni Johnny Glorioso

P

atay na nang idating sa Tayabas Community Hospital sa lungsod ng Tayabas ang 7 taong gulang na bata makaraang masagasaan ng isang trak habang tumatawid sa pedestrian lane sa harap mismo ng eskwelahang pinapasukan bilang grade one. Kinilala ang biktima na si

John Michael Sales Belarmino ng Brgy Lita Phase2, Tayabas City. Ayon kay PSupt. Giovanni Caliao, hepe ng pulis sa bayang ito, dakong alas onse y medya ng umaga ng mabundol ng trak na minamaneho ni Sandro Arellano Masilang ng Brgy Sto Kristo, Taysan, Batangaa. Galing umano sa Teresa, Laguna at patungo ng Lucena ang trak na minamaneho ng

35 taong gulang na suspek ng maganap ang aksidente. Mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima subalit ideneklara itong dead on arrival dahilan sa dami ng tinamong sugat sa ulo at katawan. Kaagad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek na nakatkdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homecide. ADN

Kapirasong Kritika: Pagmumuni sa Pagpapatalsik Laban sa mga maralita at kritiko, hawak din niya ang militar at pulisya na ginamit niya na instrumento ng panunupil. Kung tutuusin, bukodtangi ang kapangyarihang tinatamasa ni Aquino pagkatapos ni Marcos. Ang nanay niya, bagamat naupo matapos ang popular na pagaalsa, ay maagang niyanig ng mga kudeta at protesta. Si Fidel Ramos, hindi lubos ang hawak sa gobyerno. Si Estrada, mabilis na naharap sa kampanya ng pagpapatalsik at napatalsik nga. Si Arroyo, matapos maagang humarap sa mga pag-aalsang pinamunuan ni Estrada at ng ilang militar, ay kinamuhian at nilabanan ng napakaraming Pilipino. Sa madaling salita, napakalaki ng kapangyarihang hawak ni Aquino, kaiba sa mga nauna sa kanya. Pero katulad ng mga nauna sa kanya, ginamit ni Aquino ang kapangyarihan hindi sa pakinabang ng nakakaraming mamamayang naghihirap, kundi para sa mga naghaharing uri, pangunahin ang sariling

paksyon niya. Ang masama pa, naging arogante siya sa pagsusulong sa interes ng mga naghaharing uri, habang mulat niyang pinabayaan ang kapakanan at kahilingan ng nakakarami sa bansa. Sa larangan ng ekonomiya, tunay siyang tagapagmana ni Arroyo. Para siyang sipsip na estudyante ng kanyang propesor sa ekonomiks. Artipisyal ang “pag-unlad” na ipinagyayabang niya, “hindi ramdam” ng nakakarami sa bansa. Wala pa ring lupa ang mga magsasaka, at itinataboy pa sila sa lupang sinasaka. Napakarami ng walang trabaho. Marami sa mga trabaho, kontraktwal at barat ang sahod. Nagmamahalan ang mga serbisyong panlipunan, na ang marami pa’y isinasapribado. At para bang naghihintay lang ng hudyat, naglabasan, matapos ang kalahating termino ni Aquino sa pwesto, ang mga isyung nagpalawak ng galit sa kanya. Ang isyu ng pork barrel, na idinisenyo niya para pagmukhaing antikorupsyon siya at pasamain

ang mga kalaban niya sa pulitika, ay bumwelta sa kanya na Pork Barrel King. Nalantad ng pagtama ng superbagyong Yolanda ang kasinungalingan, kayabangan, kapabayaan at katarantaduhan niya sa harap ng mahigit 10,000 Pilipinong namatay. Ngayon, lahat na lang ng singilin sa mga mamamayan, gusto niyang taasan. Sa harap ng malawak na karalitaan, hindi bumebenta ang mga paliwanag niya at ng mga kasabwat niyang malalaking kapitalista. Nahaharap siya sa protesta laban sa pagtataasan ng presyo, at napupwersa ang midyang mainstream na ibalita. Karugtong ng isyu ng pork barrel, nalalantad ang malawak na kahirapan habang yumayaman ang iilan. Karugtong ng isyu ng Yolanda, nalalantad ang mulat na pagpapabaya ni Aquino. Bakit siya papatalsikin? Bakit ba pinatalsik at sinikap patalsikin ang mga naunang pangulo? Para kamtin ang katarungan sa matitinding krimen niya sa bayan, sa mismong pagtanggal sa

pwesto at sa pagkakaso pagkatapos. Para matigil, kahit pansamantala, ang pamamahala at mga patakaran niyang nagpapatindi ng kahirapan at pagdurusa. Para igiit ang paghahangad natin ng mas mabuting pamahalaan at mas magandang kinabukasan. Para tipunin ang lakas ng mga mamamayan para rito. Tiyak na maraming magsusulputang tanong tungkol sa pagpapatalsik kay Aquino. Tiyak na sasagutin ang mga ito, pero nang mulat sa iskema ng US at mga naghaharing uri laban sa pagpapatalsik, muli, ng pangulo: ang umano’y “People Power Fatigue” o pagkapagod daw nating mga mamamayan sa mga pag-aalsang Edsa. Mahalagang ulitin: Hindi ito obhetibong kalagayan, kundi kalagayang sinisikap ipataw ng mga naghahari. Gusto nilang pagurin tayo, maging pesimistiko tayo. Ang dapat igiit: Buhay ang diwa ng Edsa Uno, Edsa Dos at Anti-Gloria sa maraming mamamayan! Sobrang pambababoy! Patalsikin si Noynoy? ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

IARYO NATIN D

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 517

Pebrero 17 - Pebrero 23, 2014

Bagong Modified Tuition Fee Scheme ng SLSU, inalmahan ng maraming estudyante

kontribusyon ng Scrap Annual ITR Alliance-SLSU

I

ANG DIARYO NATIN

PEBRERO 17 - PEBRERO 23, 2014

nalmahan ng mga estudyante ang inilabas na bagong kautusan ng Guidance Office ng Southern Luzon State University (SLSU) ukol sa Modified Tuition Fee Scheme (MTFS) para sa taong 2014-2015 na inaprubahan ng Office of the Student Affairs (OSA). ‘Di tulad sa mga nakalipas na mga taon, tanging ang mga bagong pasok lamang sa pamantasan o ang mga nasa unang taon na mga estudyante sa kolehiyo ang magpapasa

ng Income Tax Return (ITR) ng kanilang mga magulang. Ngunit nagpatupad ng bagong batas ang SLSU alinsunod sa inilabas na bagong kautusan ukol sa MTFS ng unibersidad,. Nakapaloob dito ang bagong proseso ng pagpapasa ng ITR ng mga magulang ng mga estudyante ng SLSU at isa rito ang taunang pagpapasa ng ITR ng parehong magulang dagdag pa ng electric bill at water bill, tax exemption na kailangan ng joint affidavit, barangay clearance at certificate from the Municipal Assessor at Treasurers Office. Sa pagpapatunay na walang

binabayarang buwis ang magulang ng estudyante, ‘di tulad kung mag-a-avail ng Scheme C ay kailangan lamang ng waiver. ITR ang nagsisilbing batayan ng SLSU upang kategoryahin ang mga estudyanteng magbabayad ng tuition fee at kung hindi makakapagpasa ng ITR ay otomatikong maiilagay ang estudyante sa may pinakamataas na iskema, na hinahati sa A,B at C ang scheme na binabayaran sa SLSU, bukod pa ang miscellaneous fees. Scheme A- 100/unit

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Scheme B- 175/unit Scheme C- 250/unit “Kung ayaw n’yong sumunod, edi umalis ka [sa SLSU]” ‘yan ang tugon ng Guidance Office sa Scrap Annual ITR Alliance - SLSU, isang alyansang kontra sa taunang pagpapasa ng ITR, matapos ang isang request na pagpupulong sa naturang opisina ukol sa usapin sa bagong polisiya na inilabas. Base sa Scrap Annual ITR Alliance - SLSU, ito ay malaking pasakit sa mga mag-aaral ng SLSU bukod sa kumukonsumo ito ng oras, pera at dagdag na isipin sa pag-aasikaso ng mga papeles na kinakailangan sa MTFS dahil kailangan pa ng SLSU ng matibay na katibayan para lamang mapatunayang mahirap ang isang estudyante at isa rin itong hakbangin upang magkaroon ng tuition fee increase. Naging malaking usapin din ang nangyaring biglang pagbabago ng scheme level ng 50 estuyante ng SLSU noong nakaraang semestre. Paliwanag ng Guidance Office, naglunsad ng random background checking ang administrasyon sa 200 estudyante noong nakaraang Pebrero 2013. Paliwanag nila, rumenta ng imbestigador ang admin para rito ngunit naging kapansin-pansin na ang lahat ng 50 estudyanteng ito ay tumaas ang iskema mula A tungong B, A tungong C at B tungong C kung kaya’t inalmahan ito ng mga estudyanteng naapektuhan dahil noong finals ng unang

semestre lamang nila nalaman na nabago na pala ang kanilang iskema bunsod ng kakulangan ng pormal na pa-abiso sa mga ito. Dagdag ng Scrap Annual ITR Alliance - SLSU, kung magkakaroon daw ng background check ang administrasyon, bakit pa pinagpapasa ng ITR ang mga estudyante ng SLSU. Kaya masigasig na isinusulong ng naturang alyansa ang pagbasura sa taunang pagpapasa ng ITR dahil ang SLSU ay isang pampublikong paaralan kaya’t dapat na magkaroon na lamang ng iisang babayarang matrikula ang mga estudyante. Nagdaos ng porum ang Scrap Annual ITR Alliance - SLSU noong ika-12 ng Pebrero 2014 na may temang “Truth About Education 2.” Nilaman nito ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa bansa at tinalakay ang taunang pagpapasa ng ITR sa SLSU Freedom Park kung saan mas madaling puntahan ng mga estudyante ngunit hindi pumayag ang Head Security Office ng SLSU na roon idaos ang naturang aktibidad dahil sa mayroon daw Board of Regent Meeting sa kasabay na araw sa pangambang maaaring magbunsod ng gulo at tensyon sa Board of Regent at mga estudyante kaya’t pinahintulutan na lamang na idaos ito sa Audio Visual Room (AVR) na nasa ikatlong palapag ng Kolehiyo ng Inhinyeriya kung saan hindi raw masyadong mapapansin ang naganap na porum. ADN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.