Ang Diaryo Natin (Taon 13, Blg. 520)

Page 1

Dennis Cunanan, The Latest Witness Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4

ANG Marso 10 – Marso 16, 2014

IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 520

Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

Dahil sa “pagpatay” sa rebeldeng “hors de combat”

85 IPBA, nakatakdang kasuhan th

ng pamilya at ng grupong Karapatan kontribusyon ng KarapatanSouthern Tagalog (ST)

L

ALAWIGAN NG QUEZON – Nakatakdang kasuhan ng human rights watchdog na grupo ng Karapatan (Alliance for the Advancement of Human Rights) at ng pamilya ng namatay na rebelde ang 8th Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa Lopez, Quezon. Ito’y dahilan umano sa “walang awang pagpatay” ng mga sundalo ng naturang batalyon kay Roberto Campaner, isang rebeldeng nasa estado na ng hors de combat o kawalan na ng kakayahang lumaban.

HORS DE COMBAT. Kasalukuyang nakalagak sa punerarya ang mga labi ni Roberto Campaner, alyas “Ka Brando”. Inaantay pang maawtopsiya ang bangkay bago ito tuluyang mailibing upang malaman kung may foul play nga bang naganap. Michael Alegre / kontribusyong larawan ng Karapatan-Quezon

Si Campaner, alyas “Ka Brando” ay kasapi ng New People’ s Army (NPA) ay

sumuko na sa mga sundalo sa isang lehitimong engkwentro nitong nakaraang Marso 1, 2014 sa Brgy. Sto. Niño Ibaba, Lopez, Quezon, bandang alas9:00 ng umaga. Ayon kay Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Tagalog, si Campaner ay wala nang kakayahang lumaban at sumusuko na umano sa mga sundalo subalit patuloy tingnan ang 85TH IPBA | p. 3

GRAPHICS BY AARON BONETTE

Lucenahins took home two Gandingan Awards 2014–again kontribusyon ng PIA-Quezon/CEFI

M

uling nakopo DWLC Radyo Bayan-Lucena

GRAPHICS BY SHERYL GARCIA

(Visit WWW.GUNIGURICOLLECTIVE.WORDPRESS.COM for original version of this poster)

ng ng ang

Most Development-Oriented Community AM Program para sa documentary program nilang “Pulso Publiko” sa taunang Gandingan Awards ng

University of the PhilippinesLos Baños na ginanap noong ika-25 ng Enero, 2014 sa UPLB. Kaalinsabay nito, naiuwi rin ng mga mag-aaral ng Mass Communication ng CEFI ang Most Development-Oriented Radio Plug para sa radio plug nilang “Pilipino Ako” na naisahimpapawid sa nasabing radio station. Ang Gandingan Awards ay ang prestihiyoso at nagiisang award-giving body sa buong UP system kung saan binibigyang-parangal ang mga natatanging personalidad at programa sa larangan ng telebisyon at radyo sa buong Pilipinas. Ang mga pinararangalan ay dumaan sa masusing pagpili ng mga estudyante at pamunuan ng UP-Los Baños. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


2

ANG DIARYO NATIN

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

Four men rob Sariaya fuel station of cash, gasoline CONTRIBUTED NEWS

S

ARIAYA, QUEZON - A group of gas station robbers has a new style of perpetrating a heist. Four pistol-wielding men aboard a tanker robbed a gas station not only of its day’s earnings but also of its petroleum products in Bgy. Guis-Guis, here at dawn Friday. Reports reaching the Quezon Police Provincial Office disclosed that two of the suspects barged into Maxx Gas Station at 4 a.m. and at gunpoint, took its P6,000 cash earnings from Joseph Latagan, the station caretaker. The gas station is owned by Boy Pardilla of Pagbilao, Quezon, while its franchise holder is Shirley Dalida of

Lucena City. Seconds later, the two other suspects aboard an elf tanker with no plate number arrived and quickly started filling the tanker with 1,487 liters of diesel and 1,800 liters of gasoline amounting to P 213,000, the reports said. After fully loading the tanker at around 5:30 a.m., the suspects fled toward the direction of San Juan, Batangas, leaving Latagan unharmed. In a phone interview, Pardilla said that right after the robbers left the gas station, Latagan rushed to the nearby Police Action Center some 100 meters away and manned by two policemen, identified as SPO1 Erald Cristobal and PO1 Ireneo Alivio, and sought their

Magsasaka ng Silangang Mayao, nagsagawa ng asembleya kontribusyon ni Gigi Lafuente

S

ILANGANG MAYAO, Lungsod ng Lucena – Masigasig na tinipon ng Sangguniang Barangay ng Silangang Mayao ang sektor ng mga magsasaka ng kanilang barangay nitong nakaraang Enero 22 sa pamamagitan ng isang General Assembly na isinagawa sa Brgy. Hall ng naturang barangay. Sa pangunguna ng kanilang punongbarangay na si Nieves T. Maaño, layunin ng nasabing pagtitipon na mailahad ang mga kasalukuyang suliraning kinakaharap ng mga magsasaka. Gayundin, nagbuo ng pangkalahatang pamunuan ng mga magsasaka sa barangay na ginabayan ng mga panauhin mula sa National Irrigation Administration (NIA) at ng kinatawan mula sa City Agriculturist Office ng ating Pamahalaang Panglunsod. Samantala, kasabay ng aktibidad ay personal na ring ipinagkaloob ni

Mayor dondon alcala ang kanyang tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kagamitan sa pagsasaka tulad ng hand tractor, grass cutter at mga sprayers. Ito ay pormal na tinanggap ni Joaquin Ilocario, tumatayong tagapangulo ng Irrigators Association ng Purok Rosal at ni Damaso Oriola, pangkalahatang pangulo ng farmers association sa nasabing barangay. Samantala, lubos namang ikinatuwa ng mga magsasaka ang aniya’y sadyang malaking tulong na ipinagkaloob sa kanila at kasabay nito, nagkakaisang ipinabatid ng mga delegado ang kanilang taus-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Panglunsod sa ilalim ni Mayor Dondon Alcala. Sa kasalukuyan, inaasahang maraming magsasaka pa ang makikinabang sa mga kagamitang ito, gayundin sa mga susunod pang proyekto at programang pang-agrikultura handog ng pamahalang lokal. ADN

HAPPY FACES. Matapos maibigay ng pamahalaang lokal sa pamumuno ni Kapt. Nieves Maano ang mga kagamitan sa pagsasaka ay masayang nagpakuha ng larawan ang mga delegado ng General Assembly ng mga magsasaka na isinagawa sa Brgy. Mayao Silangan nitong nakaraang linggo. Leo David

assistance. But Pardilla said the two policemen did not react immediately. “Sa halip na habulin iyong tanker ay iimbestigahan daw muna nila ang insidente. Kung hinabol nila iyon ay malamang nahuli dahil hindi naman makakatakbo ng napakabilis ang tanker,” said Pardilla. He said it was already 6:53 when Alivio reported the incident to the police station. It was not the first time that such incident happened in the gas station, said Pardilla. He said that it was on July 25, 2013 when the establishment was first robbed by armed men using the same elf tanker. Pardilla said the fact that Cristobal and Alivio were the same cops who were on duty at that time, make them suspect

that the duo are in cahoots with the robbers. “And with that, we have filed administrative charges against those cops before the PNP-Internal Affairs Service,” he said. Upon learning of the incident, town police commander Supt. Joel de Mesa promptly relieved the two policemen from their posts and ordered them to explain why administrative charges should not be filed against them. “My initial findings show that there was negligence on the part of the two policemen, so I had them relieved and investigated,” said De Mesa in a phone interview. He assured the complainants that the

investigation on the two cops will be fair and square. “I assure Mr. Pardilla and Ms. Dalida that I will not tolerate any wrongdoing committed by any of my personnel. However, we always observe due process,” said De Mesa in a phone interview. ADN

BOY PARDILLA

“BHW ng Isabang, ‘di matawaran ang sipag”

“Brgy. Isabang, Tigdas-free na” –Kapt. Melo Robles

kontribusyon ni Benito Maranan

I

SABANG, Lungsod ng Lucena – “Kung dati ay nangunguna ang Brgy. Isabang sa mataas na bilang ng may tigdas sa ating syudad, ngayon ay buong-pagmamalaki kong ipinahahayag na “Tigdasfree” na ang aming barangay.” Ito ang pahayag ni Kapt. Melo Robles sa panayam ng DBL matapos nitong papurihan ang ulat na natanggap niya mula sa kanilang bagong halal na kagawad at in-charge sa Committee on Health ng kanilang barangay na si Kgd. Gomercindo “Gomer” Ramboyong at Head ng

kanilang Barangay Health Worker na si Gng. Denia C. Alitao. Ani Robles, isa lamang itong patunay na lubos ang suporta ng mga opisyales, administrative staff at mga barangay workers ng Isabang sa mga programa ng administrasyon ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala. Ayon naman kay Kgd. Ramboyong, hindi iniinda ng mga barangay health workers ang paglalakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw para maisakatuparan lang umano ang programang ito ng kanilang barangay. Sa kabila umano ng kakulangan

sa sasakyan para sa kanilang mga barangay health workers, handa umano sila sa anuman para maisagawa ng maayos ang kanilang mga tungkulin. Dahilan dito, lubos naman ang pasasalamat ng punong barangay at mga residente ng isabang sa mga barangay health workers sa ipinakikitang kasipagan at commitment ng mga ito sa kanilang mga trabaho. Sa kasalukuyan, patuloy rin ang pagbibigay ng mga barangay health workers ng mga vitamins, gamot para sa “filariasis” o elephantism at pagtitimbang para sa mga sangol at mga bata. ADN

LCFPTA, nagsagawa ng team-building at LTS kontribusyon ni Jun Sadia

I

BABANG TALIM, Lungsod ng Lucena – “Pagsasanay at Pagkakaisa tungo sa isang Matibay na Pamumuno.”Iyan ang naging tema ng isinagawang kauna-unahang team building and leadership training seminar ng pamunuan ng Lucena City Federation of Parents Teachers Association (LCFPTA) nitong nakaraang buwan na isinagawa sa Ibabang Talim Elementary School. Ang pagsasanay ay pinangunahan ng panimulangmensahe mula sa host barangay, Kapt. Rolando “Rolly” Ebreo, na malugod na tumanggap sa grupo at mga bisitang naroroon. Itinampok sa nasabing pagsasanay ang pagsasagawa ng lektura hinggil sa Basic Parliamentary Rules and Procedure na ibinigay ni Senior Councilor Atty. Rey Oliver “Boyet” Salamat

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Alejandrino, samantalang Basic Leadership naman ang tinalakay ni Coundilor Atty. Sunshine Abcede. Nandoon din ang kinatawan ng DepEd-Lucena City na si Dr. Manuel Traquena na nagpaliwanag ng nilalaman ng mga Rules and Regulations ng Kagawaran ng Edukasyon. Bilang kinatawan ni Mayor Dondon Alcala, pinangunahan ni EA III Totoy Traquena ang PTA logo contest na nilahukan ng karamihan, gayundin ang masaganang tanghalian ng grupo sa pamamamagitan ng masayang “boodle fight.” Sinundan ito ng mga palarong lubos na nakapagpasaya sa lahat. Ani Jun Sadia, sadyang layunin ng gawaing ito na mapalawak at mapagtibay pa ang ugnayan ng mga guro at magulang ng Lungsod ng Lucena, para umano higit pang mapaghusay ang kanilang paggampan ng kanilang

tungkulin para sa “Bagong Lucena.” Ang pederasyon ay binubuo nina Gaspar “Jhun” Sadia, Jr. (President), Alfredo de los Reyes (Vice-President), Analyn Hugo (Secretary,Teacher), Bernadette de la Paz Hugo (Secretary, Parent), Christine Jaca (Treasurer), Anna Marie Ebreo (Auditor), Myrna Reglos at Raul Soriano (Business Managers), Josefa Sequerra/ Jonathan Leop (PIO) at Annabelle Quinto, Liezel Dagos, Reycee Babaran, Lucrecia Riano at Adoracion Remo bilang mga Board of Directors (BOD). Samantala, malugod na nagpasalamat naman ang pamunuan sa umano’y palagiang suportang ibinibigay ng Pamahalaang Panglunsod ng Lucena sa pangunguna ni Mayor Dondon Alcala sa mga gawain at proyekto ng kanilang pederasyon. ADN


ANG DIARYO NATIN

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

Walang awang pagpatay ng 85th IBPA sa isang NPA na Hors de Combat, kakasuhan ng pamilya at KARAPATAN-ST kontribusyon ng Karapatan-ST

K

inukundena ng kaanak at KARAPATAN-Southern Tagalog ang walang awang pagpatay ng mga sundalo sa ilalim ng 85th Infantry Batallion Philippine Army kay Roberto Campaner na kasapi ng New People’ s Army noong Marso 1, 2014 sa Brgy. Sto. Niño Ibaba, Lopez, Quezon, bandang alas-9 ng umaga. Si Roberto Campaner na may alyas na Ka Brando ay wala ng kakayahang lumaban at sumusuko na sa mga sundalo subalit patuloy pa rin na pinagbabaril ng sundalo. Buhay pa si Campaner matapos ang labanan at nagtamo siya ng tatlong tama ng baril sa katawan. Subalit anim na oras siyang pinabayaang nakabilad sa initan, hindi binigyan ng agarang lunas at pagdating sa Magsaysay Hospital sa Lopez, Quezon ay deklarado na itong patay dulot ng siyam na tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ayon kay Glen Malabanan, pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-Southern Tagalog, “Batay sa ginagawa naming Fact Finding Mission sa kasalukuyan, malinaw ang ginawang paglabag ng

mga sundalo ng 85th IBPA sa internasyunal na makataong batas. Ang Violation of the Rights of Hor de Combat o ang katayuang wala ng kakayahang lumaban o sumusuko na ay tahasang ginawa ng mga sundalo kay Campaner. Ayon na rin ito sa mga nakuha naming sinumpaang salaysay ng mga testigo, ang mismong maybahay sa pinangyarihang lugar ay nagsasabing binabaril pa rin ng mga sundalo kahit ito ay natumba na at sumusuko na. Nakita rin ng testigo na 3 tama lang ng bala ang tinamo ni Campaner subalit pagdating sa ospital ay siyam na ang kanyang tama ng baril. Pinabayaan din ng mga sundalo si Campaner ng halos 6 na oras na hindi nilapatan ng pangunahing lunas at iniinteroga pa ito kahit sugatan na. Ito ay Denial of Medical Attention na paglabag sa international na makataong batas”. “Kakasuhan namin ang 85th IBPA sa ginawa nilang paglapastangan at paglabag sa international na makataong batas sa lahat ng korte hanggang sa Commission on Human Rights, Department of Justice at maging sa International Criminal Court. Kahit sinong tao, NPA man o

anumang katayuan sa buhay ay tao pa rin na may karapatan na dapat pinoprotektahan. Nakakalungkot na mula sa ahensya ng gubyerno, ang AFP, ang lumalabag sa mga karapatang ito. Napakahaba na ng listahan ng paglabag sa karapatang pantao ng AFP lalu na noong ipinatupad ni Noynoy Aquino ang kanyang kontrainsurhensiyang programa ng Oplan Bayanihan”, paliwanag pa ni Malabanan. “Ang ibinabalita ngayon ng 85th IBPA sa kanilang pahayag na si Campaner ay nanlaban at may mga kasong kidnapping at murder ay malinaw na pagtatakip sa malalang paglabag na ginawa. Nanlaban man o may kaso, kaduda-duda ang ginawa nilang pagpatay gayong may mga testigo na nahuling buhay si Campaner. Ngayon na lamang nila inilabas na may kaso si Campaner. Malinaw na gawa-gawa ito para bigyang dahilan ang ginawa nilang pagpatay. Lalung paglabag ito sa karapatan pantao, dahil kung may kaso man ay dapat nilang sundin ang proseso ng batas at hindi nila dapat pinatay ang isang Hors de Combat na buhay pa nang kanilang mahuli”, dagdag pa ni Malabanan. ADN

Mayao Parada, handa sa kaunlaran kontribusyon ni Evelyn Ramos

M

AYAO PARADA, LUCENA CITY – Handa na sa higit pang kaunlaran ang mga mamamayan ng Brgy. Mayao Parada, lungsod na ito. Ito’y matapos na muling mabiyayaan ang mga tagaroon partikular ang mga residente ng Purok Maabo 2 sa barangay na ito ng panibagong proyektong pathway sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala. Katatapos lang nitong nakaraang Pebrero, ang naturang proyekto ay naisagawa rin sa pamamagitan

ng pakikipagtulungan ni Kon. Vic Paulo na siya umanong pangunahing nagmungkahi sa punong-ehekutibo ng naturang proyekto. Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga dating opisyal ng barangay katulad nina dating Kgd. Pedro Dapol, Marceliano Calapit, Edgardo Ederon, Pedro Dapol at Evelyn Ramos sapagkat dahil umano sa proyektong ito, mapapadali na ang pabngaraw-araw na pamumuhay ng mga taga-Maabo dahil sa maayos na ang daan. Anila, dati ay kadalasan itong pinuproblema ng mga

mamamayan naninirahan dito, lalo na ang mga kabataangestudyante dahil marami umano ang nadidisgrasya sa madulas na daan dili nama’y madalas na natitilamsikan ng putik ang kanilang mga suot. Samantala, matiim namang ipinahatid ni Mayor Dondon Alcala ang kanyang mensahe sa taga-Maabo na hindi umano niya sasayangin ang mandatong pinagkaloob ng mga Lucenahin sa kanya, bagkus tutumbasan n’ya ito ng mga proyektong kinakailangan ng bawat barangay. ADN

NAIS MO BANG MAGLAGAY NG ADS? 1 whole page Php 20,000.00 1/2 page 12,000.00 1/4 page 7,000.00 1/8 page 4,000.00 1 year subscription 1,440.00 Contact person: TESS ABILA

Mobile: 0907-622-6862 E-mail Ad: teresitaabila@yahoo.com.ph Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City

85TH IPBA mula sa p. 1 pa rin umanong pinagbabaril ng sundalo. Buhay pa umano si Campaner matapos ang labanan at nagtamo siya ng tatlong tama ng baril sa katawan. Ani Malabanan, anim na oras umano si Campaner na pinabayaang nakabilad sa initan, hindi binigyan ng agarang lunas at pagdating sa Magsaysay Hospital sa Lopez, Quezon ay deklarado na itong patay dulot ng siyam na tama ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ayon pa kay Malabanan, “Batay sa ginagawa naming Fact Finding Mission sa kasalukuyan, malinaw ang ginawang paglabag ng mga sundalo ng 85th IBPA sa internasyunal na makataong batas. Ang Violation of the Rights of Hor de Combat o ang katayuang wala ng kakayahang lumaban o sumusuko na ay tahasang ginawa ng mga sundalo kay Campaner. Ayon na rin ito sa mga nakuha naming sinumpaang salaysay ng mga testigo, ang mismong maybahay sa pinangyarihang lugar ay nagsasabing binabaril pa rin ng mga sundalo kahit ito ay natumba na at sumusuko na. Nakita rin ng testigo na 3 tama lang ng bala ang tinamo ni Campaner subalit pagdating sa ospital ay siyam na ang kanyang tama ng baril. Pinabayaan din ng mga sundalo si Campaner ng halos 6 na oras na hindi nilapatan ng pangunahing lunas at iniinteroga pa ito kahit sugatan na. Ito ay Denial of Medical Attention na paglabag sa international na

makataong batas”. “Kakasuhan namin ang 85th IBPA sa ginawa nilang paglapastangan at paglabag sa international na makataong batas sa lahat ng korte hanggang sa Commission on Human Rights, Department of Justice at maging sa International Criminal Court. Kahit sinong tao, NPA man o anumang katayuan sa buhay ay tao pa rin na may karapatan na dapat pinoprotektahan. Nakakalungkot na mula sa ahensya ng gubyerno, ang AFP, ang lumalabag sa mga karapatang ito. Napakahaba na ng listahan ng paglabag sa karapatang pantao ng AFP lalu na noong ipinatupad ni Noynoy Aquino ang kanyang kontrainsurhensiyang programa ng Oplan Bayanihan,” paliwanag pa ni Malabanan. “Ang ibinabalita ngayon ng 85th IBPA sa kanilang pahayag na si Campaner ay nanlaban at may mga kasong kidnapping at murder ay malinaw na pagtatakip sa malalang paglabag na ginawa. Nanlaban man o may kaso, kaduda-duda ang ginawa nilang pagpatay gayong may mga testigo na nahuling buhay si Campaner. Ngayon na lamang nila inilabas na may kaso si Campaner. Malinaw na gawa-gawa ito para bigyang dahilan ang ginawa nilang pagpatay. Lalong paglabag ito sa karapatan pantao, dahil kung may kaso man ay dapat nilang sundin ang proseso ng batas at hindi nila dapat pinatay ang isang Hors de Combat na buhay pa nang kanilang mahuli,” dagdag pa ni Malabanan. ADN

Brgy. Chairman at ABC President na utol ng Mayor sa Plaridel, inaresto ni Johnny Glorioso

P LAGING HANDA. Handa pa sa higit na pag-unlad ang mga mamamayan ng Brgy. Mayao Parada, partikulor sa Purok Maabo na nabiyayaan kaagad ng proyektong pathway para sa kanilang lugar. Kontribusyon ni Evelyn Ramos

3

LARIDEL, QUEZON - Inaresto ng mga pinagsanib na elemento ng Plaridel Police Office at mga tauhan ng National Bureau of Investigation mula sa National Capital Region ang

ABC President na kapatid ng nanunungkulang Mayor. Kinilala ang suspek na si Victor Vergara Tumagay, chairman ng Brgy Tumagay. Ang pag-aresto ay ginawa sa bisa ng isang arrest warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court ng Quezon City na may

petsang 2002 pa. Ayon kay PSI Michael Inciong, hepe ng pulis sa bayang ito, hindi nila alam na may standing warrant of arrest ang ABC President sa kasong may kinalaman sa illegal drugs dahil ilang ulit din itong nahalal sa kanyang posisyon. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


4

ANG DIARYO NATIN

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

EDITORYAL

Sayaw sa Bubog

Ang Diaryo Natin Sandigan ay Katotohanan, Walang Kinatatakutan Johnny G. Glorioso Founding Publisher Reynaldo V. Gonzales Publisher Criselda C. David Editor in Chief Sheryl U. Garcia Managing Editor Michael C. Alegre | Beng Bodino | Leo David | Darcie De Galicia Bell S. Desolo | Lito Giron | Boots Gonzales | Madel Ingles-Guevarra Ronald Lim | Joan Clyde Parafina | Christopher Reyes Raffy Sarnate | Mahalia Lacandola-Shoup | Reymark Vasquez Columnists/Reporters Tess Abila | Michelle Osera Marketing Managers Atty. Rey Oliver S. Alejandrino | Atty. Ramon Rodolfo R. Zabella Jr. Legal Consultants ANG DIARYO NATIN ay inilalathala tuwing Lunes at may opisina sa Broadcast Village, Channel 8, Red-V, Lucena City Tel. No. (042) 710-3979 Email: diaryonatin@yahoo.com Facebook: Ang Diaryo Natin Twitter: @AngDiaryoNatin Downloads: www.issuu.com/angdiaryonatin DTI Cert. No. 01477125

DIBUHO MULA SA WWW.MANILATIMES.NET

A

ng kasalukuyang pamumuhay ng pangkaraniwang Juan at Juana dela Cruz sa ating bansa ay masasabing, ayon na rin sa isang kanta ng bandang The Jerks, pagsayaw sa bubog. Hayaang pigura ang magsabi. Una, isang malaking kahangalan ang pagtantya ng National Statistical Coordination Board na P 172 cost of living allowance na umano’y halagang kailangan ng pamilyang Pilipino upangn mabubuhay at makakain sa loob ng isang araw Alam at nauunawaan ng mga maralita, lalo na ng hanay ng mga kababaihang walang kita na walang katotohanan ang ipinamamalitang ito sa masang naghihirap. Kagaya ng pagkondisyon ng mga noontime at drama shows sa telebisyon, Paraan lamang nila ito upang ikundisyon ang isip ng ating mga maralitang manggagawa upang hindi na manawagan pa ng dagdag sahod. Sa kasalukuyan ay mayroon ng 13,189,000 Pilipino ang walang trabaho sa ilalim ni Aquino. Sa halip na lumikha ng sariling industriya ay Labor Export Policy o ang paglikha pang maraming Overseas Filipino Workers ang polisiyang ipinatutupad ng gobyerno, 4,559 na ang Pilipinong umaalis arawaraw upang mangibang bansa. Idagdag pa ritong tanging remittances ng ating mga kababayang OFW ang di umano ay bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa. Ngunit ang kapalit nman nito para sa ating mga kababayang Pilipino ay ang araw araw na bulnerabilidad para maabuso ngunit hindi naman mabigyan ng proteksyon ng gobyernong nagpadala sa kanila sa ibang bansa. Ang lahat ng suliraning ito ng isang Juan Dela Cruz ay bumibigat pa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, singil sa kuryente at tubig. Ang pinakamasaklap pa ang ating mga maralitang lungsod na bumabalikat nito ay sila pang laging may malaking banta upang mawalan ng kabuhayan. Pangalawa, habang walang kabuhayan ang ating mga kababayan sa mga relokasyon, banta rin sa kanilang buhay ang mga substandard o walang kalidad na pagkakagawa ng kanilang bahay, hindi iilang pamilya ang nakaranas ng aksidente dahil sa kaunting ulan at baha lamang ay bumigay na ang kanilang bahay. Pangatlo, sa panahon ng demolisyon at kagutuman, maririnig nating kung kanino ang pinakamalakas na tinig ng pagtutol at pagtangis. Napakasahol na ng kalagayan ng ating mga maralita lalo na ng kababaihan at ng mga bata, gayon din ang ating mga kabataan. Sila ang kalakhang walang hanapbuhay at pinakamalaking porsyento ng biktima ng kahirapan. Ngayon, pigura na talaga ang makapagsasabi. Higit sa lahat, ito na rin ang magsisilbing driving force ng mayoridad ng mamamayang Pilipinong aktwal na nakararanas ng kahirapan upang ipagtanggol ang buhay at kabuhayan ng mga bawat isa. ADN

H

Hindi lang dapat buwan ng Disyembre

indi lang dapat buwan ng Disyembre ginugunita at isinasapraktika ang Internasyunal na Makataong Batas (International Humanitarian Law), lalo pa ng mga tao at institusyong ng inatasang mangalaga sa buhay at karapatan ng mamamayang Pilipino. Reedukasyon ang kailangan? Baka nga naman kinulang sila o sadyang nakalilimutan ang noo’y pag-adopt ng United Nations General Assembly noong Disyembre 10, 1948 sa Universal Declaration of Human Rights (UDHR) na nagtakda ng pagkilala ng lahat ng mga pamahalaan at lipunan sa buong mundo sa mga karapatan ng bawat tao sa serbisyong panlipunan, kultura, relihiyon, edukasyon, paggawa, pagpapahayag ng damdamin, pulitika at iba pang aspeto ng pamumuhay. Basically, human rights are the supreme inherent and inalienable rights to life, to dignity, and to selfdevelopment, encompassing the areas of civil, political, economic, social and cultural aspects of each person’s existence. Ito ay nakadambana mismo sa Konstitusyon ng ating bansa partikular sa Section 11, Article II (the State values the dignity of every human person and guarantees full respect for human rights…) at sa Section 1, Article XIII (Congress shall give priority to

M

Ni Criselda C. David

the enactment of measures that protect and enhance the right of all the people…). Pero sa kabila aniya nito ay laganap pa rin ang “human rights violation” sa bansa, at napakarami pa ring insidente ng paglabag sa karapatang pantao kung saan ang karaniwang biktima ay ang masa o maralita lalo na yung mga nasa malalayo at maliliit na bayan at komunidad. Sa kaso ng engkwentro sa pagitan ng mga militar at rebeldeng grupo nitong nakaraang linggo sa Lopez, Quezon, ipinamamarali ng militanteng grupong Karapatan ang lansakang paglabag umano ng una sa karapatang-pantao ng isang rebeldeng namatay sa katauhan ni Roberto Campaner. Bakin? Si Campaner umano ay wala ng kakayahang tingnan ang ALIMPUYO | p. 6

Mayor Silang, et al.

arami na akong naririnig na reklamo laban kay Mayor Silang pero hindi ako umiimik. Ang katuwiran ko, ang lahat ay may katapusan, naniniwala akong lahat ng ginawa mo ay babalik din sa yo, un ang Carmic law na kung sa Tagalog pa ay Karma. Ang resolusyong ipinalabas ng Deputy Ombudsman for Luzon at ng Ombudsman mismo na kapwa inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ay isang maliwanag na ganti sa di makatuwirang pagabuso sa kapangyarihan. Sa pagtatalaga ng labag sa batas kay Atty Salvacion na paulit ulit na ginawa kahit paulit ulit ding hindi pinahintulutan ng Commission On Audit ay tahasang pagyurak sa ating batas. At ang higit na kawawa dito ay ang ilang mga opisyal ng lungsod na walang ginawa kundi ang pikit matang sumunod sa lahat ng kagustuhan ng Alkalde. Malaki ding halaga ang tinanggap ng naturang abugado mula sa kabang yaman ng Tayabas subalit bale wala ito kung ikukumpara sa posibleng kapinsalaan na kakamtin niya sa paglabag sa Code of Conduct ng Integrated Bar of the Philippines kung sakaling mapatunayang siya ay nagkasala. Ibenase ng mga opisyal na duminig ng kasong ito ang reklamong inihain na nakapaloob sa complaints nina Dalida et al;

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ALIMPUYO

For your comments, suggestions or reactions, email me at mjdzm@yahoo.com.

ANO BA YAN?!! Ni Johnny Glorioso

Reynoso et al; at dalawa pang gumamit at nagpakilala lamang sa pangalang Jose Abad Santos. Ang rekomendasyon sa isang kaso ay suspension sa loob ng anim na buwan at isang araw o kalahating taon at isang araw. At sa pangalawa ay ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kina Mayor Silang, Venerando Rea, Luzviminda Cuadra, Abelardo Abrigo, Macario Reyes , Rex Abadilla at Roy Oabel. Ang pinakamasakit nito, kung sakaling mapatunayan ng korte na sila ay nagkasala, hindi na sila puedeng humawak ng anumang government position habang nabubuhay. Dadalhin nila ang kasalanang ito, dahil magkakarun sila ng criminal record at habang panahon ding tataglayin ito ng kanilang mga anak. tingnan ang ANO BA YAN??! | p. 6


ANG DIARYO NATIN

A

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

Witchekels Kalimutan ang Wika

no ba ang unang salitang binanggit mo noong ikaw ay bata pa? Malamang ito ay “Nanay,” “Mama” or any sort of derivation from it. Natural na natural ang paggamit natin ng mga salita upang maipaunawa natin ang ibig sabihin. Ito raw ang kahulugang bumubuo sa ating pagkatao. Sa halimbawang scenario, napahi lahat ng salita sa mundo. Ano ang magiging konsepto natin sa kapaligirang ating ginagalawan? Ang bawat salita at bawat tunog na nagmumula sa ating mga bibig ay may simbolohiyang kaakibat. Kahit na ang mga letrang nababasa ay senyales ng ating pagkakaintindi sa mga bagay sa kapaligiran. Ayon sa isang theorist na si David Bleich, dalawang siit o sangay ang pagkakahulugan sa isang bagay—ang malawakang katotohanan ng bagay na ipinagkakahulugan at ang symbolic objects o ang kapalit na ibig sabihin ng isang bagay dahil may attached feelings, experience, at emotions na tayong itinali sa salitang ito. Halimbawa, sa mga hindi taga-Quezon, ang salitang “papanaog” ay nangangahulugang bababa ang isang tao sa hagdanan—ito ang malawakang pagkakaunawa ng mga taga sa atin. Dahil ginagamit natin ang salita ito kaysa sa bababa ay nagsisimbolo ng ating attached regional identity of language—ito ang ating kinagisnan at narinig sa ating mga lolo at lola. Ganon din ang paggamit ng salitang “ripinado” kaysa sa asukal, at “nagdadayag” kaysa sa naghuhugas ng pinggan.

N

anawagan ang Malacanang sa lahat ng namamasukang kawani at mga samahan ng propesyonal na makiisa sa ginagawang pagsisikap para maisulong pa ang pangkalahatang kaunlarang pangkabuhayan sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis. Sinabi ni Kalihim Herminio “Sonny” Coloma, Jr. ng Presidential Communications Operations Office na pinag-iibayong lalo ng Kawanihan ng Rentas Internas ang pagsisikap na mapaabot sa 16 hanggang 18 porsiyento ang tax-to-GDP (Gross Development Product) ratio pagsapit ng 2016. “Ang mga buwis ang dugong pambuhay ng ekonomiya. Pag-alinsunod sa pakay ng Philippine Domestic Program, pinagbubuti ng BIR ang kampanya upang mapaabot sa 16 to 18 porsiyento ang tax-toGDP ratio pagdating ng 2016. Hanggang noong 2013, ang tax-to-GDP ratio ng bansa ay umabot sa 136 porsiyento, subali’t ito ay mababa sa 17 porsiyentong natala bago nagkaroon ng krisis pinansiyal sa Asya,” paliwanag ni Coloma. Idinugtong niya na sa pagsisikap na matamo ang target, naninindigan ang pamahalaan na dapat lamang pag-ibayuhin pa ang pagsisikap sa paniningil ng buwis nang makaagapay sa mga kapuwa bansang ASEAN. Batay sa ulat ng World Bank, ang pagsisikap ng

P

Makikita natin ang penomenang ito sa isang batang lingwahe ng internet. Sige nga, isipin mo ng madalian kung ano ang ibig sabihin ng LOL, YOLO, HT o H/T, Msg, Inet, BRB, GBU, hashtag#kahit-anongmaisip, at napakaraming iba pa. Kung sa listahan ay may nahulaan kang dalawa pataas, ibig sabihin ay madalas na sinasabi mo ito at natatanggap ito sa text o sa chat. Pero kung titingnan mo, puro letra lamang itong mag-kakalapit at minsan sa baguhan ay napaka-hirap intindihin. Kita mo nga, napakabilis mag-dagdag at mag-bago ang bokubolaryo ng isang pangkat ng ating lipunan. Do you recognize any of these: GL ganda lang (libre), OPM oh promise me (sinungaling), PG pa-girl (parang babae kung kumilos), atbp. Ang sabi raw ni Noam Chomsky, isang pilosopo sa pagtatamo ng wika, na likas na sa tao ang matuto ng isang wika o lingwahe. Hindi dahil alam na niya ang mga salita mula sa sinapupunan pero para bang may ukit na sa ating isipan na kung makarinig tayo ng isang salita, maari itong dumaloy mula sa tenga, isip, emosyon, at bibig. Ayon naman kay Konsehal Darwin Conchada ng Agdangan, Quezon, “ang wika ay parang Bibliya at politika ito ay nasa transkripsion, kudlit, kuwit, at pagtanggap ng society sa mga naiimbento salita at sabi nga kung ito’y tanggap at naiintindihan ng madami tanggap ito ng lipunan.” Malawak ang maabot ng iyong mensahe kung may pag-unawa tayo sa iba’t ibang lingwahe at wika ng populasyon. Ibig sabihin ay “very plastic” ang ating mga

5

LUMANG BAYONG Ni Mahalia Lacandola Shoup

utak. Plastic na hindi yung kakilala mong ngingiti sa iyo tapos galit pala. Plasticity—yun bang madaling maunat at hubugin. Kaya naman kahit na gaano ka man katanda, talagang matututo at matututo ka rin kapag palagi mo itong naririnig o nababasa. Patunay rin na kung sa isang komplikadong bagay na tulad ng banyagang lingwahe: jejemon, bekimon, foreign o local, internet o taglish, matutunan rin natin yan kung pag-aaralan. Kung ating iuugnay, maraming bagay ang benepisyo ng maraming kaalaman. Mulat sa katotohan at tunay na pansarili at panlipunang isyu. Di dahilan ang confusion, pagiging batugan, o kawalan ng oportunidad. If one acquires the language of knowledge, it symbolizes that the words he/she retains and uses can create a ripple effect where influence reaches a wider audience. Kaya nga kahit gaano na tayo katanda or very out of sync, basta gising-gising lang, basa-basa lang, at masid-masid lamang, sigurado kang may matutunan. Pramis! ADN

Magbayad ng Tamang Buwis Thailand, Malaysia at Singapore sa paglikom ng buwis ay nananatili sa 17.6 %; 16.1% at 13.8 %. “Nananawagan kami sa lahat ng mga samahan ng propesyonal na kausapin ang lahat ng mga kasapi nila na magbayad ng tamang buwis upang matulungan ang pagsisikap na ginagawa ng bansa tungo sa pangkalahatang kaunlarang pangkabuhayan. Samantala, tiniyak ng Malacanang na magpapatuloy ang reporma sa lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) kahit tapos na ang petsang saklaw nito. Ilang grupong nasa sektor ng reporma sa lupa ang nagtatanong tungkol sa pagpapatupad ng CARPER na nakatakda nang magtapos sa darating na Hunyo. Sinabi ni Kalihim Coloma, Jr., na ipagpapatuloy ang reporma sa lupa sa kabila ng pagtatapos ng petsa nito lalo na sa mga lupaing ang may-ari ay hindi pa nakatatanggap ng mga patalastas ukol sa terminasyon o pagtatapos nito. Ang mga taong may nais malaman tungkol sa mga isyu ng CARP at CARPER ay maaaring makipagugnayan sa Department of Agrarian Reform (DAR) na laging nakahandang tumulong sa madla. Hinggil naman sa pagtulong sa mga benepisyaryo ng reporma sa lupa, sinabi ni Coloma na ang DAR

MULA SA PIA

EDISYON

Ni Lito Giron ay lumikha ng isang grupo na ang pagtutuunan lamang ay ang support services. Ang grupong ito ang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na gaya ng Land Bank of the Philippines at Cooperatives Development Authority upang tulungan ang mga benepisiyaryo na magtayo ng sarili nilang mga kooperatiba. “Sa taon ngang ito na 2014, lumalahok ang ating bansa sa International Year of the Family Farm. Ang ibig sabihin, hinihimok na talaga ang pagpapalago at pagkakaroon ng family farms o bukirin ng mag-anak upang higit na marami pang Pilipino ang lumahok sa pagsasaka,” wika pa ni Coloma. “Salig sa ulat ng Kagawaran ng Pagsasaka ang karaniwang edad ng magsasakang Pilipino ay 55 taong gulang o higit pa rito kaya kailangang dagdagan pa ang mga magsasaka sa bansa at isama ang mga mababa ang edad,” dugtong pa ni Coloma. ADN

Manager ng QMWD, Kapit-tuko raw sa Gobernador

ambihira talaga! Aba’y ayon sa ating nakalap na impormasyon ay overstaying na raw ang Manager ng Quezon Metropolitan Water District (QMWD) na si Enrico Pasumbal. Wala raw balak magresign at kapit-tuko raw sa Gobernador? Hindi kaya nagsasawa nang kauupo sa kanyang opisina si Mgr. Pasumbal? Ipaubaya mo na sa iba ang iyong pwesto, Mgr. Pasumbal, at ilang taon ka na raw pala riyan sa QMWD. Aba’y mahiya ka naman sa balat mo. Grabe ka naman! Ang isa pa, mga Mare at Pare ko, kung hindi ako nagkakamali, nagkaroon ‘yan ng kaso sa isa naming kasamahan sa hanapbuhay na ang iba’y nagrally pa nga riyan sa harapan ng QMWD. Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng reporter na ito dahil sa palagay ko’y nabasura na sa korte ‘yong kaso. Sa ganang akin naman, bakit hanggang ngayon ay nagtitiyaga pa rin at nananatiling nakaupo sa pwesto ang Mgr. ng QMWD? Anong meron ba riyan sa QMWD? Parang may nangyayaring kababalaghan riyan kaya siguro nagtatagal si Mgr. Enrico Pasumbal! Aba’y kaibigan natin ito. Hindi po ba, Sir? Ewan ko

lang kung natatandaan ako niyan, pero sa palagay ko’y hindi na dahil one time ko lang siyang na meet sa kanyang opisina noong palitan siya ng dating Mgr. Blue-blue Cadavillo, kung ‘di ako nagkakamali. Simula noon ay hindi na ako napapasyal diyan sa QMWD. Alam n’yo, mga Mare at Pare ko, kaya ko naungkat itong QMWD ay dahil tungkol sa nangyaring sunog diyan sa Pretty 99 na wala raw tubig ang Fire Hydrant at ang susi ay nasa QMWD ayon sa Bureau of Fire Protection. Ayon naman sa ating nakalap na impormasyon, kaya raw hindi ipinagkatiwala ng QMWD ang susi ay dahil ang tubig daw ay ibinebenta ng Bureau of Fire Protection sa mga bara-barangay. Susko ko! Hindi ko malaman kung sino ba sa dalawang ahensyang ‘yan ang nagsasabi ng totoo. Baka gusto ninyong mag-text o mag-email sa kolum na ito para malaman natin kung alin sa dalawang ahensya na ito ang nagsasabi ng totoo. Kasi, riyan sa parteng ‘yan ay wala tayong pinapanigan at kinakampihan at patas tayo sa pamamahayag. Antay ko ang inyong kasagutan tungkol sa isyung ito, Mgr. Pasumbal at

Para sa mga reaksiyon, suhestyon, reklamo at sumbong magtext sa 09212820262 o mag-email sa raffysarnate@yahoo.com

TIRADOR

Ni Raffy Sarnate ang Hepe ng Bureau of Fire Protection na bagong talaga raw riyan sa Ahensya ng Pamahalaan. Kaya hindi natin binabanggit ang pangalan ng Hepe ng tanggapang ‘yan ay hindi nga natin kilala pa siya at hindi ko nahaharap nang personal. Sige, good luck sa inyong dalawa at sana maayos na ang isyung ito. Paunawa: Mga umiinom ng tubig, paunawa, ‘wag muna kayong uminom ng tubig na galing LUPATA dahil may nakuhang patay do’n. Salamat. +63 910 781 ++++. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


6

ANG DIARYO NATIN

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

DA-BFAR awards fishing boats to fisherfolk-beneficiaries, starts phase 2 of rehabilitation plan contributed by BFAR News Bureau

A

nd together we rise… In less than three months since it was launched, the Ahon! Rehabilitation Initiative has surpassed its target of 10,000 units of fishing boats for the Yolanda-affected fisherfolk, the Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) said. In a culminating ceremony in Tacloban City, BFAR national director Asis Perez announced the start of phase 2 of Ahon! which raises the initial goal of 10,000 boats to 20,000 units which brings in a total of 30, 000 units of both repaired and newly built fishing boats by the end of the initiative. Perez was joined by Agriculture Secretary Proceso Alcala and Former Akbayan Partylist Representative Risa Hontiveros-Baraquel in one of the highlights of the ceremony wherein more than 500 units of newly repaired Ahon! fishing boats were paraded by fisherfolk beneficiaries from the municipalities of Sta. Rita, Basey, Palo, Tanauan, Tolosa and Tacloban towards the beachfront of the Tacloban City Amphitheater in Brgy. 25. “We have already brought down 10,500 worth of boat materials to the affected fisherfolk in MIMAROPA, Western, Central and Eastern Visayas. This, however, comprises only 1/3 of the total number of fishing boats destroyed and damaged by the typhoon and still leaves thousands of fisherfolk without fishing boats,” Perez said. BFAR is optimistic that again it will be able to cover its target through the partnership it has formed with other government agencies, private corporations and individuals who have contributed to Ahon!s successful turn out. Perez stressed that the greater contribution nevertheless came from the side of the fisherfolk whose counterpart were the salvaged hull of their damaged banca, rudder or propeller and labor. Donor-representatives from the private sector also flew in to Tacloban City to witness the turn-over of the boats and to meet their beneficiaries. ADN

ANO BA YAN??! mula sa p. 4 Bunga ito ng pinagsamasamang pagdinig sa mga kasong isinampa nina Dalida et al; Reynoso et al; at dalawa pang sibilyan na nagpakilala lamang sa pangalang Jose Abad Santos et al. Subalit hindi pa din dito nagtatapos ang lahat, sapagkat napakarami pang kasong nakahain laban sa mga ito. Andiyan ang di makatwirang pagbili ng mga heavy equipment at mga piyesa nito, ang di maipaliwanag na nawawalang pondo para sa One Town, One Product, at ang diumano ay paglalagay ng pondo ng bayan sa personal na account. Ang dami na ding mga kababayan natin ang lumalapit sa inyong lingkod at nagsusumbong subalit ayokong masyadong pagtuunan ng pansin sa dahilang ayaw kung maisip ng ibang tao na pinepersonal ko ang ating mga opisyal. Ginagamit daw ng Alkalde sa kanyang ipinagagawang subdibisyon sa Brgy Potol ang mga heavy equipment ng Tayabas, at siyempre pa kasama na dito amg sueldo ng operator at ang krudo ng heavy equipment na ito. Hinahakot din daw sa ipinagagawang parang tore sa kanyang lupa ang mga nahuhukay na mga adobe, pati na din ang mga construction materials na ginagamit sa mga ginagawang kanal, tulad ng semento at buhangin. Mahirap magbintang, pero ito ay mga sumbong lang ng mga taong mismo umanong nakakakita nito. Umaasa pa din ako na maaaprubahan na ang FREEDOM OF INFORMATION BILL upang malaya naming makukuha amg lahat ng kinakailangang impormasyon tulad ng kanilang mga SALN, Income Tax Returns at itinatagong yaman at mga ariarian ng sa ganun ay malaman na natin ang buong katotohanan. Kung minsan, naiisip ko na lang na imbitahan si “ HONESTO” at pahawakan ang kamay ni Mayor upang malaman ng lahat kung anuba talaga ang pinag gagawa nito ADN

LEGAL & JUDICIAL NOTICES Republic of the Philippines Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 59 Lucena City IN THE MATTER OF THE CORRECTION OF THE DATE OF BIRTH OF JULIANA SANGALANG YASON FROM“ NOVEMBER 12, 1953” TO “MAY 14, 1951” AND THE CORRECTION OF THE SURNAME OF HER MOTHER FROM “SANGGALANG” TO “SANGALANG” IN HER CERTIFICATE OF LIVE BIRTH JULIANA SANGALANG YAZON, Petitioner, -versusSPEC. PROC. CASE NO. 2014-06 THE LOCAL CIVIL REGISTRAR OF CANDELARIA QUEZON and NATIONAL STATISTICS OFFICE, LUCENA CITY Respondents, x-----------------------------------x ORDER A verified petition for correction of entry in the Certificate of Live Birth of Juliana Sangalang Yason has been filed by said petitioner, praying that an order be issued directing the Local Civil Registrar of Candelaria, Quezon and National Statistics Office to correct the entries in the petitioner’s Certificate of Live Birth, as to her birth date from “November 12, 1953 to “May 14, 1951” and all surname of her mother

from SANGGALANG to SANGALANG. Finding subject petition sufficient in form and substance, it is hereby ordered that the instant petition be set for hearing on May 26, 2014 at 8:30 o’clock in the morning. Notice is hereby given that any person having claim or interest in this petition, whose correction/ cancellation is sought may, within fifteen (15) days from notice of the petition, or from the last date of publication of such notice, file his/her opposition thereto. Let this Order be published once a week for three (3) consecutive in a newspaper of general circulation in this province, at the expense of the petitioner. Finally, let copies of this Order and the Petitionbe sent to the Office of the Solicitor General; said office is directed to submit its Notice of Appearance and/ or grant of authority to the Provincial Prosecutor of Lucena City, as the case may be within ten (10) days from receipt hereof.

Republic of the Philippines REGIONAL TRIAL COURT Fourth Judicial Region Office of the Provincial Sheriff, Lucena City

SO ORDERED. Lucena City. February 3, 2014

AFFIDAVIT OF CLAIM WITH WAIVER OF RIGHTS

(sgd) ROMEO VILLANUEVA Pairing Judge

L.

3rd Publication Mar. 10, 2014 Feb. 24, Mar. 3 & 10, 2014

ERRATUM

NOTICE OF E.J. SALE NO. 2014-20 Upon Extra-Judicial Foreclosure of Real Estate Mortgage under Act 3135 as amended by Act 4118 filed by RURAL BANK OF SAN ANTONIO (QUEZON), INC. San Antonio Branch, with address at San Antonio, Quezon against MARITES GONZALES MAPALAD married to JUANITO BEHIR resident of Brgy. Poblacion, San Antonio, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness which amounts to TWO HUNDRED TWENTY NINE THOUSAND ONE HUNDRED SEVENTY PESOS and 53/100 ONLY (P229,170.53) Philippine Currency inclusive of interest and penalties and other expenses per statement of account dated January 24, 2014, the undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on April 28, 2014 (MONDAY) at 10:00 o’clock in the morning at the main entrance of the Office of the Provincial Sheriff Regional Trial Court Building,

Notice is hereby given that the property of the late SESINANDO C. CABILE, Saving Deposit Account with the PHILIPPINE VETERANS BANK, Camp Aguinaldo Branch under Account No. 0002407119-10, had been subject

Lucena City, the following described property/ies with all improvements thereon: TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE NO. T-360889 A parcel of land (lot 261-A of the subd. plan, Psd04-118282, being a portion of lot 261, Cad -611-D, San Antonio, Cadastre, LRC Rec. No.) situated in the Brgy. ofPoblacion, Mun. of San Antonio, Province of Quezon. Containing an area of EIGHT HUNDRED FIFTY FIVE (855) SQUARE METERS. All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above stated time and date. In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on May 12, 2014 without prior notice. Lucena City, February 3, 2014 ELSA O. SALUMBIDES Sheriff-in-Charge TRISTAN JIFF B. CLEDERA Officer-in-Charge NOTED: ELOIDA R.DE LEONDIAZ Executive Judge 3rd Publication Mar. 10, 2014 Feb. 24, Mar. 3 & 10, 2014 of “AFFIDAVIT OF CLAIM WITH WAIVER OF RIGHTS” by all heirs on February 3, 2014 before notary public ATTY. RODOLFO ZABELLA as per doc. No. 72; page no. 16; Book no. 149 series of 2014. 2nd Publication Mar. 10, 2014 Mar. 3, 10 & 17, 2014

In the Affidavit of Claim with Waiver of rights of Ester C. Cabile and Eusebio P. Cabile published on page 6 of ADN Issue 517, 518 & 519, the Doc. Number should be No. 71 instead of 72 as published. Our apologies.

ALIMPUYO mula sa p. 4 lumaban (hors de combat), sumusuko na umano subalit patuloy pa rin umanong pinagbabaril ng sundalo. Ayon sa Rule 47 ng International Humanitarian Law, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-atake sa mga taong nasa estado na ng Hors de Combat o kawalan ng kakayahang lumaban. Ayon sa IHL: Rule 47. Attacking persons who are recognized as hors de combat is prohibited. A person hors de combat is: (a) anyone who is in the power of an adverse party; (b) anyone who is defenseless because of unconsciousness, shipwreck, wounds or sickness; or (c) anyone who clearly expresses an intention to surrender; provided he or she abstains from any hostile act and does not attempt to escape. Prohibited. Forbidden. Banned. Other synonyms – illegal. Samakatwid, kung totoo man ang paratang na ito, malaki ang pananagutan na dapat harapin ng Armed Forces of the Philippines sa ilalim ng namumuno sa 85th Infantry Battalion. Sibilyan o NPA man, may karapatan. Sa kalagayang ito, nakatakda umanong magsampa ng kaso ang grupo ng Karapatan gayundin ang pamilya ng biktima. Ayon pa kay Glen Malabanan, “kakasuhan namin

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

ang 85th IBPA sa ginawa nilang paglapastangan at paglabag sa international na makataong batas sa lahat ng korte hanggang sa Commission on Human Rights, Department of Justice at maging sa International Criminal Court. Kahit sinong tao, NPA man o anumang katayuan sa buhay ay tao pa rin na may karapatan na dapat pinoprotektahan.” Open po ang ating panig sa anumang komunikasyon sa ating mga kapatid na militar. Sa ganang atin, espesyal na biyaya ang buhay na ibinigay ni Allah sa atin dahil Siya lamang ang nakapaghahandog ng paghinga, paggalaw at pagiisip sa tao. Samakatwid, dahil dito, dapat bigyan natin ng espesyal na pangangalaga, paggalang at pagmamahal ang buhay. Ipaglaban ang karapatan natin o ipahayag ang ating saloobin. Kung naaapakan ang karapatang pantao natin, harapin ang nang-api at linawin sa kanya/kanila ang ginawa niya. Kasama ng iba pang Pilipinong mapagmahal sa kalayaan, ang inyong lingkod kasama ng iba pa naming kasamahan sa pamamahayag at kaibigang mapagmahal sa kalayaan ay nananawagan ng paggalang sa karapatan ng bawat mamamayan ng ating bansa. Kasama na rito ang paniniwalang iiral lamang ang tunay na demokrasya at kalayaan sa bansa kung ang wawakasan na ang kultura ng kawalang-pakialam at kawalang-galang sa karapatang-pantao ng kanyang mga mamamayan, sa pamamagitan ng pag-aksyon ng mismong gobyerno natin. ADN


ANG DIARYO NATIN

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

7

Mga nawalan ng tahanan sa Marketview, binigyang-suporta

kontribusyon ni Baby Glorioso

M

ARKETVIEW, LUNGSOD NG LUCENA – Binigyang-suporta ni Mayor Dondon Alcala ang siyam (9) na pamilyang nawalan ng tahanan nitong nakaraang linggo sa Greenhills Phase 3, Brgy. Marketview sa lungsod na ito. Ito’y matapos ang demolisyon ng nasabing mga kabahayan matapos matalo sa kasong taong 1991 pa lamang dinidinig na. Ayon pa sa mga tagaroon na tumangging magpabanggit ng pangalan, ang nasabing demolisyon umano ay sadyang mahirap na tanggapin para sa kanila subalit hindi naman talaga umano ito maiwasan at hindi rin naman mapipigilan, kung kaya labag man umano sa kanilang kalooban ay kanilang susundin. Dahilan dito, binigyang-ayuda ng

punong-lungsod, Mayor Dondon Alcala ang mga pamilyang naapektuhan ng insidente sa pamamagitan ng tulongpinansyal at kaukulang relokasyon sa Brgy. Mayao Silangan. Isinagawa ang pamimigay ng tulong-pinansyal nitong ika-18 ng Pebrero taong kasalukuyan, ganap na ika-10 ng umaga na sinaksihan nina Kapitan Edwin Napule kasama sina Kgd. Joven Gunday, Erick Enriquez, Nestor Delizo at Obeth Pedernal. Sinaksihan din ito ng mga kawani ng City Dept. of Social Welfare and Development Office at Executive Assistant III Rogelio “Totoy” S. Traquena. Ayon kay Mayor Alcala, maging siya man ay sadyang nalulungkot sa nangyari at sa kanya umanong termino pa inabot ang nasabing demolisyon, subalit aniya, dapat sadyang sumunod sa legal na proseso ng ating batas na maluwalhati namang sinang-ayunan ng karamihan. ADN

Fil- Canadian held by CIDG for ‘twin guns’ in Lucena kontribusyon ni Gemi Formaran UCENA CITY - For keeping two pistols with similar serial numbers and only one license, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) operatives on Thursday arrested a Filipino-Canadian during a search operation inside his residence in Employees Village, Bgy. GulangGulang, here. CIDG-Quezon head Chief Insp. Alvin Consolacion said Rodel de Chavez, 52, threw one of the “twin pistols” in a garbage can to the house backyard but it was “smelled” by one of his operatives during search conducted at 10 a.m. De Chavez, who has a dual citizenship, belongs in a prominent family in Tiaong, Quezon where he manages a farm. Consolacion said the raiders were armed with a search warrant issued by

L

Bukod sa relokasyon sa paninirahan ay nagbigay din ng tulong-pinansyal si Mayor Dondon Alcala sa mga apektado ng demolisyon sa Brgy. Marketview, lungsod na ito. Ang aktibidad ay inaksihan nina Kapitan Edwin Napule kasama sina Kgd. Joven Gunday, Erick Enriquez, Nestor Delizo at Obeth Pedernal. Sinaksihan din ito ng mga kawani ng City Dept. of Social Welfare and Development Office at Executive Assistant III Rogelio “Totoy” S. Traquena. Leo David

Mga Lucenahing mag-aaral ng SLSULucena, nakatakdang makatanggap ng scholarship program mula kay Mayor Dondon Alcala kontribusyon ng PIO Lucena/R.Lim

Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 27 Judge Cynthia MarinoRicablanca and accompanied by Barangay Chairman King Abrencillo. The raid yielded a Colt high capacity cal. .45 pistol and a Colt cal. .45 pistol with the same serial numbers, a cal. 380 pistol, four magazines, two holsters and 24 live bullets. Consolacion said the cal. 380 pistol has a license but the two pistols have only one license. He said they are also looking for a Baby Armalite rifle and a machine pistol but they could not find it. “His other firearms could have been kept in his farm house in Tiaong, Quezon,” said Consolacion. De Chavez was taken locked up to CIDG detention cell and was charged with violations of Comprehensive Firearms and Ammunition Act. ADN

L

UNGSOD NG LUCENA - Sa pagnanais na matulungang makatapos ng pag-aaral ang mga estudyanteng Lucenahin, binabalak ngayon ng pamahalaang panglungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na bigyan ng scholarship program ang mga mag-aaral ng Southern Luzon State University-Lucena Campus. Inihayag ni Mayor Dondon Alcala ang magandang balita na ito sa isinagawang ika-18 taong anibersaryo ng naturang pamantasan kasabay na rin ang blessing ng bagong gusali nito sa Brgy. Ibabang Dupay. Ayon kay Mayor Alcala, pinag-

uusapan na nila ng pamunuan ng SLSU ang paglalaan ng pamahalaang panglungsod ng pondo para sa scholarship program ng mga estudyanteng Lucenahin sa SLSU. Ayon pa rin sa alkalde, kinakailangan rin na kausapin ang mga magulang ng mga estudyanteng ito hinggil naman sa tinatawag na “Parenting Guidance Counseling” upang tulungan at hindi pabayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pag-aaral nito. Labis naman ang tuwa ng mga estudyanteng Lucenahin na nag-aaral sa SLSU sa magandang balita na ito ni Mayor Dondon Alcala dahil anila malaking tulong ito sa kanila upang makatapos sila sa kanilang pag-aaral. ADN

Ekstorsyonista na nagpangap na mga CIDG arestado ni Johnny Glorioso

M

AUBAN, QUEZON - Dalawang suspek na kapwa nagpakilalang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang naaresto ng mga pulis sa bayan ng Mauban sa pamumuno ni PSInsp Jaytee Tiongson, habang ang mga ito ay nasa aktong nangongotong sa isang negosyante sa bayang nabanggit. Ayon kay PSSupt Genaro Ylagan, Quezon PNP Provincial Director, ang dalawang suspek ay kinilalang sina Danilo Rosales Cedeno, 37 ng Siniloan, Laguna at Nelmor Villate Ledesma, 46, tubong Lopez, Quezon at residente

ng Siniloan, Laguna. Sa salaysay ng biktimang si Romeo Cianananco, isang negosyante sa brgy Concepcion Mauban, ang dalawa ay nagpakilalang mga ahente ng CIDG at hinihingan siya ng pera mula negosyo nitong buy and sell ng coco lumber. Matapos maireklamo sa pulisiya mabilis na nadakip ang dalawang suspek . Nakuha mula sa pagiingat ni Danilo Cedeno ang isang homemade caliber 38 revolver na may anim na bala, mga ID ng media at notebook na may listahan ng mga taong kinokotongan. Kasalukuyang nakakulong na ang dalawa sa piitan ng Mauban habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga ito. ADN

Suspek sa pagpatay sa isang pulis-Batangas, huli ni Johnny Glorioso

A Quezon police director, Senior Supt. Ronaldo Ylagan (2nd from left) briefs the 50 newly graduated Police Officers 1 as they render their courtesy call at the provincial headquarters in Camp Guillermo Nakar, Lucena City. The 50 rookie cops were sent by the PNP Regional Public Safety Battalion to the province to augment with different Police Assistance Centers scattered in the province under Quezon Provincial Public Safety Company (QPPSC). Supt. Ranser Evasco (at Ylagan’s left), the QPPSC commander said the additional personnel will boost his office’ Internal Security Operation and anticriminality campaign. Contributed by Gemi Formaran

LABAT, QUEZON - Sa bisa ng isang search warrant, sinalakay ng mga pinagsanib na elemento ng Batangas Police Office at mga pulis sa islang bayan ng Alabat ang isang suspek sa pagpatay sa isang pulis Batangas noong nakaraang taon. Hindi na nakapalag ang suspek na kinilalang si Constancio Ruadilla, 49, isang magsasaka ng Brgy. Gordon,

Alabat, Quezon. Armado ng isang arrest warrant na ipinalabas Hon. Judge Dorcas Ferriols-Reyes ng Regional Trial Court Branch 84 sa mga kasong Murder at Frustrated Murder, si Ruadilla ay isa sa itinuturong prinsipal na suspek sa pagpatay kay PO3 Willie de Torres Hernandez noong September 2013 sa Balagtas, Batangas City. Pansamantalang nakakulong ito ngayon sa piitang bayan ng Alabat. ADN

THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE


8

ANG DIARYO NATIN

MARSO 10 - MARSO 16, 2014

DIARYO NATIN

ANG

Email: diaryonatin@yahoo.com | Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin

ADN Taon 13, Blg. 520

Marso 10 - Marso 16, 2014

Gawad Dondon Alcala, umaarangkada nina Leo David at Romy Paz

L

UNGSOD NG LUCENA – Bilang pagbibigay-pugay sa mga natatanging estudyante sa iba’tibang mga pampubliko at pampribadong paaralan na nagpamalas ng natatanging galing sa pag-aaral, umaarangkada pa rin ang paghahanap ng natatanging mga estudyante na tatanggap ng Mayor Dondon Alcala Academic Excellence Award. Ang punongehekutibo ng Lungsod ng Lucena, Mayor Roderick “Dondon” Alcala ay kasalukuyang isa sa pinakabatang lingkodbayan hindi lang sa lalawigan kundi maging

sa Timog Katagalugan. Bilang kanyang pagkilala sa mahalagang papel ng mga kabataang-Lucenahin na nagsusumikap maging dangal ng kanilang pamilya at ng bansa, ang taunang aktibidad na ito ay inilulunsad sa iba’tibang mga pribado at pampublikong paaralan ng lungsod. Tulad ng sinabi ng ating pambansangbayani, Gat. Jose P. Rizal, ang mga kabataan ang pagasa ng ating bayan. Ang mga ulirang magaaral na ito ang mga natatanging halimbawa ng kagalingan at kahusayan ng mga kabataang-Lucenahin. Ang mga katatangitanging lider-mag-

aaral na ito ay nagsisilbing mabuting halimbawa sa bawat estudyanteng Lucenahin na magsumikap at magpakahusay sa kanilang pag-aaral. Sila ang salalayan at sandigan ng isang tunay na makatao at makabayang Lucenahin. Ang Mayor Dondon Alcala Academic Excellence Award ay bukas sa lahat ng mga mahuhusay at ulirang mag-aaral na nagtamo ng pinakamataas na grado sa kanilang klase (hal. Unang Karangalan at Balediktoryan). Ang paggawad sa mga natatanging lider-mag-aaral na to ay gaganapin sa araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral. ADN

ABANGAN!

KALBARYO 2014

Krus ng Katarungan at Kapayapaan, sagot sa Kalbaryo ng Mamamayan Isang dula ng pagsariwa sa buhay ni Kristo noong unang panahon na siya ring masasalarawan sa buhay ng mamamayan sa kasalukuyan na patuloy na inaapi at pinahihirapan.

Abril 2014

WWW.ISSUU.COM/ANGDIARYONATIN THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE

Inihahandog ng: BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN-TIMOG KATAGALUGAN


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.