Pursigidong inaapula ng mga bumbero ang apoy na tumutupok sa kabuuan ng Lucena City Public Market kung saan 37 stall holders and apektado sa naturang sunog. Ito ay naganap kaalinsabay sa selebrasyon ng “Pasayahan sa Lucena 2014”, Miyerkules ng gabi. Sa kabilang larawan, malungkot si Mayor Dondon Alcala na naganap. Samantala, sinigurado naman ng punong-ehekutibo sa 370 stall holders na apektado na magkakaroon sila ng tulong pinansyal at karampatang relokasyon. Contributed by Roy Sta. Rosa
ANG Hunyo 2 – Hunyo 8, 2014
IARYO NATIN D ADN Taon 13, Blg. 532
Facebook: Ang Diaryo Natin | Twitter: @AngDiaryoNatin
Alegasyon na wala ang mga guard ng Lucena Public Market sa kasagsagan ng sunog, pinabulaanan ni Francis Gilbuena,
L
UCENA CITY – Kaugnay ng nangyaring sunog kamakalawa ng gabi sa Public Market ng lungsod na kung saan ay natupok ang isang bahagi ng pamilihan,
ay pinabulaanan ng ilang mga market guards ng Public Market Office (PMO) ang mga lumalabas na alegasyon na wala sila noong kasagsagan ng pangyayaring ito. Base sa komento ng ilang mga maninindahan sa lugar,
ay hindi sila nakapasok sa kanilang mga tindahan upang maisalba ang kani-kanilang mga paninda at kagamitan, dahil sa nakakandado ang mga gate ng pamilihan nang magkasunog, at wala ang mga guwardiya na dapat
sanang magbubukas sa mga ito. Ayon naman sa isang panayam sa dalawang PMO guard na naka-duty noong gabing iyon na sina Augusto Dequilla at Francis Casaljay, ay sila anila ay nasa bisinidad
ng lugar nang masunog. Ayon sa mga guard ng palengke ay sila pa nga ang umalalay sa mga bumbero pagdating ng mga ito; at sinadya nilang huwag buksan tingnan ang SUNOG | p. 3
Cong. Kulit Alcala:
Hindi kami titigil sa paghahanap ng pondo para sa Lucena L ni Francis Gilbuena
UCENA CITY – “Hindi kami titigil sa paghahanap ng pondo para sa mga proyekto ng Lungsod ng Lucena.” Ito ang ipinahayag ni Quezon
2nd District Congressman Vicente “Kulit” Alcala sa isinagawang pagpapasinaya ng dalawang bagong high school building ng Barangay Ibabang Talim kamakailan.
Ayon sa kongresista, kasama ni Mayor Dondon Alcala, ay pareho silang patuloy na umiisip ng mga paraan upang tingnan ang PONDO | p. 3
Pagkontrol sa Cocolisap, patuloy na tinututukan ni Gov. Suarez ng Quezon PIO
L
ALAWIGAN NG QUEZON Ipinagbigay-alam ni Governor David C. Suarez sa mga mamamayan ng bayan ng Gumaca ang pagdalo nito sa isinagawang Senate Inquiry ng Senado tungkol sa problema ng
Quezon at mga karatig-lalawigan sa pesteng kulisap na dumadapo sa mga niyog na tinawag na Cocolisap o Coco Scale Insect. Ayon kay Governor Suarez na gumagawa na ng isang komprehensibong plano ang nasyonal na pamahalaan para masugpo ang mga pesteng
kulisap at sa bahagi naman ng pamahalaang panlalawigan ay noon pang nakaraang taon nagsimulang kumilos ang probinsya sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA). tingnan ang COCOLISAP | p. 3
Nagsagawa ng “occular inspection” nitong Hwebes ng umaga si Lucena City Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa isang bahagi ng palengke na tinupok ng apoy, kasama si Engr. Ronnie Tolentino ng City Engineering Office. Matamang pinag-usapan ng dalawang opisyal ang mga nararapat na gawin para mabilis na maisaayos ang lugar na pansamantalang lilipatan ng mga nasunugan. Tiniyak din ng alkalde na makakatanggap ng kaukulang tulong ang mga biktima ng sunog. Nasa itaas na larawan sina Mayor Dondon Alcala at Engr. Ronnie Tolentino habang sa ibaba ay itinuturo naman ni G. Romy Sajor, isa sa mga may pwesto sa palengke ang mga lugar na labis na pininsala ng sunog. Contributed by PIO-VVM
China’s Territorial Aggression
Tingnan ang buong dibuho sa pahina 4
THE NUMBER 1 NEWSPAPER IN QUEZON PROVINCE