2 minute read
SIRANG TULAY NGUNIT DI SIRANG PANGARAP
Pansamantalang pagsasara ng Marabong Bridge, doble-hamon sa mga estudyante
Panibagong hamon sa mga mag-aaral ng BCNHS ang tuluyang pagkasira ng Marabong Bridge matapos bumagsak ang pundasyon ng tulay dala nang walang tigil na pag-ulan, nito lamang buwan ng Marso.
Advertisement
Maliban sa pagkadismaya, ikinabahala ng ilang mga residente lalo na ng mga estudyante sa karatig–bayan na nag-aaral sa poblasyon.
Ayon pa sa estudyanteng mula pa sa Brgy, Mahagnao, malaking abala sa pagpasok sa paaralan ang pagsasara nito.
“Kinakailangan pa po naming maglakad nang malayo at magabang sa mahabang pila ng mga motorsiklong magtatawid sa amin,” giit ni Michael Coranes. Dahil sa mahabang pila ng sakayan, naaantala sila sa pagpasok sa paaralan.
“Kahit po mas inagahan ko na ang paggising sa umaga, madalas pa rin po akong mahuli sa pagpasok sa klase. Kumakain nang malaking oras ang pagtawid sa tulay,” pahayag naman ni Neil Redoña ng Brgy. San Esteban.
Umaasa naman ang mga magaaral sa agarang pagkukumpuni ng nasabing tulay.
“Sana naman po, aksyunan agad ang pagpapaayos nito para hindi na kami nagkakandaugaga sa aming mga dalahin. Minsan po kasi, muntikan nang mahulog ang proyekto namin,” ani Justine Seno ng Brgy. Calsadahay.
Kaartehan o pag-iinarte. Ito minsan ang paglalarawan ng iba pagdating sa salitang “mental health”. Kung tutuusin ay wala itong kaibahan sa pisikal na kalusugan na kung nasusugatan o masama man ang pakiramdam ay normal lamang na magpatingin sa doktor, subalit kapag mental health na ang pinag-uusapan, sasabihing nababaliw o may sayad na kaagad ang utak. Nakadidismayang isipin na para sa ilan, ang pag-aalaga ng kanilang sariling mental na kalusugan ay nakahihiya at itinuturing pa rin na “stigma”.
Korona sa mga numero
Umabot sa 96.5% ng mga mag-aaral ang nabakunahan laban sa COVID-19 ngayong taong panuruan sa halos 3,624 sa kabuuang bilang nito, kung saan mas mataas ito kumpara sa porsiyentong nakalkula noong nakaraang taon.
Siniguro naman ng mga guro at school nurse na mabakunahan ang natitirang porsiyento ng mga magaaral, laloʼt tuloy-tuloy na ang daloy ng face to face classes matapos ang halos dalawang taong pandemya. “Kinukumbinsi namin ang mga mag-aaral sa school na magpabakuna na, dahil para ito sa kaligtasan ng lahat,” ani Gng Geraldine Salcedo, clinic-in-charge ng paaralan.
Inilatag din ni Gng.Salcedo ang impormasyon na ang pagpapabakuna sa mga estudyante ay ligtas at epektibo at ang bentahe nito sa kalusugan kontra COVID-19. Samantala, ang mga mag-aaral na hindi pa nabakunahan ay nag-aalinlangan dahil sa kumplikasyong maaaring makuha sa sakit at hindi pagpayag ng kanilang mga magulang.
Gayunpaman, may mga hakbang ang paaralan upang masigurong malalaman ng mga estudyante ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa pamamagitan ng information drive na isinasagawa ng school nurse.
“Importante ang bakuna sapagkat nakatutulong ito upang masanay ang natural na panlaban ng katawan laban sa virus at maiiwasan ang pagkalat o pagkahawaan ng sakit. Higit sa lahat, maprotektahan din ang bawat isa sa mga panganib na maaari nitong maidulot,” giit ni Gng. Claude Aujero, nars ng paaralan.
Bilang ng Bakunadong Estudyante 96.5%