4 minute read
BALITA
SA PAHINA 1
Pansamantalang pagsasara ng Marabong Bridge, dobleng hamon sa mga estudyante
Advertisement
Subalit ayon kay Justine, hindi niya ito itinuturing na isang hadlang sa kanyang pagaaral.
“Sayang po kung liliban ako sa klase dahil lamang sa suliraning iyon. Ilang buwan na lamang po at kami ay magtatapos ng pag-aaral bilang Senior High Student. Pangarap ko pong makagraduate,” mariing sabi ni Justine.
Matatandaang noong Oktubre nang nakaraang taon, nagdulot ng malawakang pinsala sa probinsya ng Leyte, kabilang na ang Marabong Bridge, ang
Bagyong Paeng na umabot pa sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.
Sa kasalukuyan, pinapayagan ng mga awtoridad ang pagdaan ng mga two-wheeler vehicle tulad ng motorsikloʼt biseklata upang mabawasan ang pagkaantala ng mga biyahero.
Simula nang opisyal na ipasara ang Marabong Bridge, pinayuhan ang lahat ng mga residente na dumaan sa alternatibong ruta na BurauenJulita-Dulag-Mayorga road section upang maiwasan ang pagkaantala.
“Hinihingi namin ang inyong pang-unawa dahil sa abalang maidudulot ng pagsasara ng tulay, ngunit ito ay para sa mas ligtas na daanan sa hinaharap,” paalala ni Konsehal
Vincent Enerlan sa mga residente.
Ika-77 na anibersaryo, idinaos ng BCNHS
Sa kabila ng mga nakalatag na protocol at restriksyong dulot pa rin ng pandemya, hindi isinantabi ang pagdaraos ng ika-77 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng paaralan nito lamang Pebrero 27-28, kaugnay sa temang”Empowering Excellence”.
Pinangasiwaan ang selebrasyon ng BCNHS Faculty Club kung saan inumpisahan ang gawain sa pamamagitan ng isang Walk for a Cause.
Ipinahayag ni G. Marlon G. Gayanes, Pangulo ng nasabing organisasyon, ang kabuluhan ng pagdiriwang sa kabila ng pananatili pa ng dandemya.
“Mahigit dalawang taon ding pinid at tahimik ang kampus natin dahil sa Covid. Sanglit, pangagrayhak kita kay aadi kita yana natindog ngan waray
TATAK WORLD-CLASS nagpapirde han pandemya,” mariing sabi ni G. Gayanes.
Kanya ring pinaalalahanan ang mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan.
“We are reminiscing the past at maisaisip ng mga kabataan na it was then a long journey since our school was founded,” saad pa ni G. Gayanes.
Isang playground demonstration ang itinampok ng bawat grado bilang isang kompetisyon.
Itinanghal na kampyeon ang Grade 11, pumangalawa ang Grade 9 habang nakuha ng Grade 12 ang pangatlong pwesto.
Natapos ang gabi sa unang araw ng pagdiriwang sa pamamagitan ng isang patimpalak na Mr. & Ms. Campus Bet. Samantala, isinagawa ang Literary/Musical Contests at mga Laron ng Lahi sa huling araw ng pagdiriwang.
Armasen National High School, magbubukas na
Matapos hindi paburan ng regional office ang pagbubukas ng panibago at panlimang paaralang sekundarya, nakatakda na ring buksan ito sa susunod na taong panuruan 2023-2024 bilang Armasen National High School sa Barangay Malabca, Burauen, Leyte.
Pumangatlo sa patimpalak-internasyunal ng SEAMEO INNOTECH TIKTOK kahusayan sa larangan ng paglikha ng mga bidyo.”
CHALLENGE si Bb. Jeanny Mae Renomeron, guro sa Grade 8 ng BCNHS na iginawad sa pamamagitan ng birtwal na seremonya noong Nobyembre 2022.
Dagdag pa aniya, ang pagkakahirang sa kanya ay hindi niya inaasahan sapakat 117 mga gurong-kalahok ang kanyang makakatunggali.
“Hindi ko sukat akalain na akoʼy mapapabilang sa mga mananalo dahil napakarami po naming kalahok at sa ibaʼt-ibang panig pa ng mundo ang makakalaban ko.”
Kabilang ang mga bansang Thailand, Myanmar, Indonesia at ilan pang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang nakipagsabayan sa pandaigdigang patimpalak.
Ayon sa ipinalabas na Panrehiyong Memorandum ng DepEd noong Pebrero 28, 2023, ang Armasen National High School ay bubuuin ng tatlong silid-aralan at limang gurong magtuturo sa mga mag-aaral.
Magtatalaga rin sa nasabing paaralan ng OIC o Punong Guro, guidance counselor, EMIS Coordinator, librarian, property custodian at ilang utility workers.
Nauna nang pinangasiwaan ni G. Marlon G. Gayanes, nakatakdang Officer-In-Charge ng ANHS, ang mga dokumentong hinihingi at ilang pang kinakailangan para sa ganap na pagbubukas nito.
“Sa pagkakaroon ng paaralan sa inyong lugar, hindi na kinakailan- gang magcommute at magbayad ng malaking halaga ang mga estudyante para sa gasolina at upa ng bahay. Inaasahan ding maiiwasan ang pagliban sa klase at ang pagtigil sa pag-aaral dahil sa kakulangang-pinansiyal,” pahayag ng alkalde.
Magmumula naman sa lokal na pamahalaan ang mga pundong kakailanganin sa pagbubukas ng paaralan, kasama na ang pagpapatayo ng gusali, lote, mga kagamitan sa silid-aralan at kagamitang pampagtuturo, allowance para sa mga guro, at iba pang pangangailangan ng paaralan.
PAGTUGON SA MALNUTRISYON
Gulayan sa Paaralan, muling ipinagpatuloy
Muling ipinagpatuloy ang programang Gulayan sa Paaralan sa pangunguna ni Gng. Rosario Comora, GSP koordineytor na una nang itinaguyod noon pang taon 2012 bilang isang inisyatibo ng paaralan.
Ilan taon na ring nahinto ang nasabing programa kasabay ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya.
Layunin ng programa ang magudyok ng kooperasyon sa pagitan ng paaralan at komunidad upang maibsan at maagapan ang malnutrisyon ng mga severely wasted na mga-aaral.
Nanggagaling sa gulayan ang mga pagkaing inihahanda sa tuwing nagsasagawa ng Feeding Program.
Bukod sa pagbibigay ng masustansyang pagkain, ang programa ay nakatutulong din sa karagdagang kita ng pangkat sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga inaning gulay.
Sinabi ni Gng. Comora na mali- ban sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mag-aaral, napalalakas din nito ang ugnayan ng mga magulang, komunidad at ng paaralan.. “Ang pagbabalik-muli ng programang itoʼy hindi lamang nakatutulong sa pagpapababa ng bilang ng mga mag-aaral na dumaranas ng malnutrisyon, kundi nakakatulong rin sa pagpapalakas ng samahan sa pagitan ng paaralan, mga magulang at magaaral,” ani Gng. Comora.
Katuwang ni Gng. Comora ang mga magulang na nabibilang sa 4 Pʼs gayundin ang ilan pang miyembro sa labas ng paaralan sa tuwing may pintakasi o araw ng anihan.
Tulong-pinansyal, ipinamahagi ni Sen. Marcos
Kaakibat ng Programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), dumating si Senador Imee R. Marcos sa bayan ng Burauen upang magpaabot ng kanyang tulong-pinansyal sa mga residente nito lamang Abril 1.
Pinangasiwaan ng Pamahalaang Lokal ng Burauen ang pagtanggap kay Sen. Marcos sa pangunguna ng Alkalde Juanito E. Renomeron, kasama ang kanyang Bise-alkalde Noel P. Alpino, maging ang Presidente ng Liga ng mga Barangay, Fe S. Renomeron at ilan pang miyembro ng Sangguniang Bayan.
Pinasalamatan ni Mayor Renomeron ang senador sa kanyang pagpapaunlak na bisitahin ang bayan gayundin ang pagbibigay ng tulong sa mga Buraueno.
“Napakapalad po ng mga Buraue-
Pagpapaganda ng kampus, prayoridad ng paaralan -Destajo
“Dahil sa pandemya, unti-unting napabayaan ang kagandahan at kalinisan ng ating paaralan. Kaya ito naman ang bibigyang-prayoridad natin.”
Ito ang mariing sabi ni Gng. Natividad E. Destajo, itinalagang Cleanliness & Beautification
Coordinator sa kanyang panayam sa harap ng Pangalawang Punong Patnugot, Daphne Lyn Grape Aguirre.
Ipinahayag ni Gng. Destajo ang kanyang agam-agam sa pagkakatalaga sa kanya ni Gng. Glendale B. Lamiseria, punong guro sa panibagong gawaing kanyang pangangasiwaan.
“Hindi biro ang kahaharapin kong gawain sapagkat napakalawak ng ating kampus. Isa pa, ilan taon ding napabayaan ang kalin- isan at kagandahan ng paaralan dahil sa pandemya.”
Sinabi naman niyang malaki na ang pinagbago at ikinaganda ng paaralan dahil sa pagbibigay-prayoridad ng punongguro sa School Projects and Beautification.
“Mabuti na lamang at hands-on din ang ating punong-guro sa pagbabagong-bihis na ito. Pati ang utility workers natin ay masigasig sa kanilang mga gawain mapaganda lamang ang paaralang ito.”
Ani Gng. Destajo, ipagpapatuloy pa ang pagpapaganda at pagsasaayos sapagkat lalahok