
4 minute read
kinatawan
no sapagkat sa kabila po ng inyong pagiging abala bilang senador ng bansa ay naisingit niyo po kami sa inyong maraming gawain. At higit sa lahat, makatatanggap pa ang isang libong kababayan ko ng tulong-pinansyal galling sa inyong butihing tanggapan,” pahayag ng alkalde.
Binigyang-diin naman ni Sen. Marcos na may pusong Burawanon siya dahil ang kaniyang lolo na si Justice Norberto Romualdez, Sr. ay nanirahan din sa bayan ng Burauen.
Advertisement
Kanya ring binisita ang itinayong memorial park ni Justice Norberto Romualdez, Sr. na matatagpuan sa tabi ng Immaculate Conception Parish.
Nagpahayag naman ang senador ng kanyang positibong layunin sa pagbisita at hangarin para sa bayan.
“Nawaʼy ang makabuluhang kaganapang ito ay magsilbing simula sa magandang ugnayan at mas marami pang tulong ang maibabahagi ko sa bayang ito,” ayon pa kay Sen. Marcos.
ng Rehiyon VIII
Kaugnay sa pagdiriwang ng World Thinking Day, kabilang si Cadet Girl Scout Ryzah Dupay, mag-aaral sa Grade 11 ng Burauen Comprehensive National High School sa mga kinatawan ng Leyte Council, Region VIII na ginanap sa Baguio City nito lamang Pebrero 24-26.
Itinuring ni Dupay na isang karangalan ang mapili at maipadala ng Leyte Council bilang isa sa mga representante ng rehiyon.
Ayon kay Dupay, ang mga napulot niyang aral at karanasan ay hindi mangyayari kung hindi siya pinagkatiwalaan at sinuportahan ng paaralan kasama na ang mga taong malapit sa kanya.
“Marami akong natutunan sa loob ng tatlong araw na iyon sa Baguio tulad ng pag-utilize namin ng banana leaves bilang plates. Lubos po akong nagpapasalamat sa suportang natanggap ko mula sa mga taong nagtiwala sa aking kakayahan. Kay Tita V na nagguide sa akin through the camp, and ʻyung mga Titaʼs sa school, saka ang Council Board,” pasasalamat ni Dupay.




Nakaangkla ang nasabing selebrasyon batay sa temang
“Our World, Our Peaceful Future”.
142 blood donors, nakibahagi sa bloodletting
Umabot sa 142 ang nagbahagi ng kanilang dugo at 121 indibidwal ang nagparehistro sa ginanap na Bloodletting Activity na pinangasiwaan ng Burauen Rural Health Unit at sa pakikipagtulungan ng Eastern Visayas Regional Medical Center (EVRMC) nito lamang Pebrero 20 sa Burauen, Leyte.
Nagsimula ang nasabing donation drive mula 8:00 ng umaga hanggang 4:20 ng hapon na pinamunuan ni Dr. Felino Gualdrapa, EVRMC Chief.

Isa itong hakbangin ng pamahalaan upang makatulong sa mga kababayang nangangailangan ng dugo gaya ng mga biktima ng aksidente, pasyenteng may kanser, at iba pa sa panahon ng krisis at biglaang pangangailangan.
Ayon kay Dr. Gualdrapa, hindi matatawaran ang tulong na ipinaabot ng mga taong patuloy na naghahandog ng donasyon at sumusuporta sa nasabing gawain.
“Malaki ang naiambag ng mga blood donors natin. Hindi lamang nila natutulungan ang kanilang kapwa, ngunit nakatutulong din sila sa buong komunidad. Salamat sa suporta ng LGU ng Burauen sa pagpapatuloy ng ganitong aktibidad,” mariing sabi ni Dr. Gualdrapa. Dagdag pa nito, mahalagang magpacheck-up bago magdonate ng dugo upang masiguro ang kaligtasan ng nagbibigay ng dugo at ng taong tatanggap nito.
Batay naman sa datos ng Department of Health (DOH), mahalaga ang regular na bloodletting activity upang mapanatili ang suplay ng mga blood products para sa mga nan-


Pisay Research Team, nag-ambag kaalaman sa Project STILTS
Upang mapalawak ang kaalaman at mapalago ang kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng pananaliksik, nagsagawa ng intensibong pagsasanay ang paaralan na pinaunlakan ng Pisay Training Team ang imbitasyon hinggil sa Proyektong STILTS o Science and Technology Idea Laboratory for Teachers and Students nito lamang Pebrero 15-17.

Sa pangunguna ng Research Head ng Pisay na si Gng. Janeth Morata-Fuentes at kaniyang Research Team, tinalakay nila ang mga kaligiran at uri ng SIP, ibaʼt-ibang dulog at teknik ng pananaliksik, at iba pang kaugnay na paksa.
Nilahukan ang nasabing seminar ng mga guro sa Science Department at mga mag-aaral sa
Kahandaan sa sakuna, lindol, pinaigting
Bilang tugon sa National Disaster Consciousness Month, isinakatuparan ng Burauen Comprehensive National High School noong Marso 9 ang isang pagsasanay upang maging handaʼt alerto sa oras ng sakuna at lindol.
Pinamahalaan nina Gng. Glendale B. Lamiseria, Prinsipal IV at G. Arwyn Abuyot, School Watch Team Coordinator ang nasabing gawain sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga ahensyang kasapi sa programa.
Naimbitahan ang mga ahensya ng BFP, PNP, DRRM at Burauen District Hospital.
Bago pa man marinig ang hudyat sa pagsisimula ng dril, tinalakay ng mga gurong-tagapayo sa mga mag-aaral ang ilang pangunahing kaalaman at paghahanda sa harap ng sakuna.
Nagsilbing hudyat ang wang-wang upang lisanin ng mga guroʼt mag-aaral ang
PAGBIBIGAY-DIIN kanilang klasrum at hanapin ang ligtas na lugar bilang evacuation area.
Ginampanan din ng mga opisyal ng Supreme Student Government (SSG) at Active Lifesavers and Emergency Response Team (ALERT) ang kanilang tungkulin sa naturang aktibidad.
Science Technology and Engineering.
Ikinalugod ng mga guro ang pagsasakatuparan ng naturang pulong sapagkat rin ay nakinabang sa ibinahaging dunong at mga impormasyon.
“Maswerte tayo na nandito ang Pisay Research team sa ating paaralan upang mas malinang ang kaalaman natin sa pananaliksik.
Hindi lamang para sa mga magaaral, kaming mga guro rin ang makikinabang,” pahayag ni Bb. Jeanny Mae Renomeron, guro sa klase ng STE.
Ayon naman kay Erika Mae Borlaza ng STE 8-Aristotle, marami siyang natutunan sa loob ng tatlong araw na iyon, lalo naʼt inaasahan silang makagagawa ng SIP sa klase.
Kampanya sa Substance Abuse at Adolescent Health Care, inilunsad ng SK Federation
Sa pamumuno ng SK Federation President ng Burauen, G. Frances John R. Fernandez, kasama ang Local Youth Development Officer, Bb. Yiftah T. Raga, nailunsad ang dalawang araw na kampanya para sa Substance Abuse Awareness at Adolescent Sexual at Reproductive Health Care nito lamang Marso 3-4 na ginanap sa Executive at Legislative Building ng Burauen.
Nilahukan ang nasabing kampaya ng ilang piling magaaral ng Burauen Comprehensive National High School, Hibunawan National High
School, TAU GAMMA PHI at ng mga out-of-school youth. Sa unang araw, ibinahagi nina Police Captain John Rey R. Layog at SB Member Vincent G. Ener- lan ang kanilang kaalaman at mensahe sa mga kalahok ukol sa masamang epekto ng paggamit ng droga.
Samantala, nakatuon naman ang paksa hinggil sa adolescent mental at reproductive health care na inilahad ni Bb. Aime Grace Cagara, resource speaker para sa ikalawang araw.