2 minute read
Balik sa Kinagisnan
Ibayong ginahawa para sa nakararami ang panukalang ibalik ang lumang akademikong kalendaryo. Kung sasariwain ang nakalipas na dalawang binagong akademikong kalendaryo, ito ay umani ng kaliwaʼt kanang hinaing mula sa mga guro, magulang at mag-aaral sapagkat wala sa dating talatakdaan ang pagbubukas ng klase at di napag-aralang mabuti ang mga salik na makaaapekto lalo na ang usapin sa klimang naaayon sa pag-aaral. Ang isinusulong na panibagong mungkahing ito ay mainam na hakbang upang hanapan ng solusyon ang napakainit na panahon at mapag-ingatan ang pisikal na kagalingan ng lahat.
Matatandaang ang dating Hunyo hanggang Marso na talatakdaan ay matagal nang ginagamit ng mga paaralan sa bansa, ngunit nang hampasin ang mundo ng COVID-19, opisyal na kinupkop ng gobyerno ang panibagong school calendar na Agosto hanggang Mayo upang makahabol ang mga mag-aaral. Malinaw na hindi ito naging madali para sa mga guro at estudyante. Mas limitado ang oras ng mga guro na magturo at magbigay ng sapat na atensyon sa bawat mag-aaral, habang ang mga mag-aaral ay madalas nang nakararamdam ng “burn-out” batay sa isang pananaliksik ng American University sa dami ng mga gawain at aktibidad na dapat tapusin sa maikling panahon,
Advertisement
Punong Patnugot dagdag pa ang temperatura ngayong panahon ng tag-init. Sa pagtahak sa landas ng kinabukasan, isang tinig ang kumakatok sa puso ng bayan — ang tinig ni Senador Win Gatchalian. Ayon sa kaniya, dapat nang ibalik ang dating kalendaryo ng paaralan upang magbigay ng pahinga sa mga mag-aaral sa panahon ng tag-init.
Ang panawagang ito ni Senador Gatchalian ay may katuturan at pinagtutuunan ng pansin. Ang pagbabalik sa dating kalendaryo ng paaralan ay magdadala ng samuʼt saring biyaya para sa mga mag-aaral at kanilang mga pamilya. Una, batay sa mga pag-aaral na sinuportahan ng Alliance of Concerned Teachers
T.P. 2022-2023 sa SciTech
Patnugot sa Isports
(ACT), malinaw na hindi angkop sa konteksto ng Pilipinas ang kasalukuyang akademikong kalendaryo dahil sa hindi kaayaayang mga kondisyon ng kilma. Pangalawa, ito ay magpapakita ng paggalang sa mga tradisyunal, kultural at pampamilyang gawain tulad ng mga bakasyon, piyesta, at mga pagtitipon ng pamilya, na karaniwan nang sinusunod at pinahahalagahan ng mga magulang at pamilya. Higit sa lahat, sambit pa nga ng mag-aaral ng ikalabing-isang baitang na si John Michael Petronio, “May ʻsense of normalityʼ at kasiguraduhan ang mga estudyante, guro, at magulang na sanay na sa dating school calendar.”
Nasaan na ang pangako ng sa mga numero
Kagawaran ng Edukasyon na bibigyang prayoridad nila ang malasakit sa kalusugan, kaligtasan, at kagalingan ng mga mag-aaral, guro, at kawani? Nawaʼy hindi ito mapasama sa listahan ng mga pangakong napapako.
Sa kabila ng pagtutulak ng naunang opsyon sa pagbubukas ng klase, siguraduhing balanse ang pagbibigay sa pagitan ng dekalidad at mapagkalingang edukasyon. Yakapin din natin ang “bagong normal” nang may kahabagan at sensibilidad upang ang pag-aaral ay hindi maging isang banta sa mga mag-aaral, guro, iba pang manggagawa, at mga magulang, sa halip ay maging mabisang bakuna sa gitna ng krisis.
Nasaan na ang pangako ng Kagawaran ng Edukasyon na bibigyang prayoridad ang malasakit sa kalusugan, kaligtasan, at kagalingan ng mga mag-aaral, guro, at kawani?
60.4%
100 NA RESPONDENTE ANG PABOR SA PAGBABALIK NG DATING TAONG PANURUANG KALENDARYO DATOS MULA SA: ANG KALAPATI ESTATISTIKO
SIPING EDITORYAL AT LAYUNIN
“Ang papel ng mamamahayag ay maging boses ng bayan at maghatid ng katotohanan.”
— Jessica Soho
Mga
Glendale B. Lamiseria Gillian Ysabelle Costa
Sa bawat pahina ng “Ang Kalapati”, ang inyong tinig at damdamin ay mabibigyang-buhay. Hindi lamang ito basta pahayagan, ito’y isang espasyong naghahasik ng pagbabago sa puso’t isipan ng bawat mambabasa. Dalawang adhikain ang nagsisilbing pundasyon ng “Ang Kalapati”: makabuluhan at inobatibong pamamahayag. Ito ay naglalayong magbigay ng sariwang perspektiba, pagpapahalaga sa orihinalidad, at pagtataguyod ng kabutihang-asal sa ating lipunan.
TAPATAN GILLIAN YSABELLE COSTA