4 minute read

BALATKAYONG KAASTIGAN

Ang bullying ay isang laganap na karahasang nakaaapekto sa mga mag-aaral sa ibaʼt ibang baitang ng komunidad ng Burauen Comprehensive National High School (BCNHS). Ito ay hindi lamang isang simpleng pang-aasar, pang-uuyam, o pagiging isa sa mga “cool kids”, kundi isang ʻdi makatarungang pag-uugaling nakaiimpluwensya sa holistikong kalusugan at pagganap ng mga biktima nito. Kung hindi mabibigyang-pansin, ang bullying ay magdudulot nang malubhang pinsala sa lipunan at hahantong sa isang walang imik at madugong labanan.

Alinsunod sa pag-aaral na isinagawa ng organisasyong National Center Against Bullying (NCAB), kabilang sa mga pangunahing uri ng bullying ay name-calling, verbal, at physical bullying na nakaugat sa diskriminasyon batay sa kapansanan, itsura, o kulay ng balat. Ito ay personal nang nasaksihan ng guidance counselor ng paaralan, si Bb. Minelyn Almodal. Aniyaʼy ang mga ganitong uri ng karahasan ay magdudulot ng kawalan ng tiwala sa sarili, depresyon, anxiety, at maging suicidal thoughts. Malaon nang nakaaapekto ng pagkawasak ang ganitong uri ng mga pangya- yari sa pundasyon ng kabutihan, na unti-unting nagpapalala sa kalagayan ng ating lipunan. Hindi biro ang ganitong mga insidente sa paaralan. Ito ay isang salot na sumisira rin sa pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga estudyante. Ayon sa datos ng UNICEF, anim sa bawat sampung Pinoy na kabataan ay nakararanas ng bullying sa paaralan, at karamihan sa kanila ay biktima rin ng “cyberbullying” o pang-aabuso sa internet. Dahil dito, marami ang walang imik na nawawalan ng gana sa pag-aaral, nagkakaroon ng mababang pagpapahalaga sa sarili, at nagdudu- lot ng pinsala sa kanilang pisikal at emosyonal na kalusugan. Ito ba ang gusto nating mangyari sa mga susunod na henerasyon? Kaya naman, mahalagang gumawa ng inisyatiba ang ibaʼt ibang sektor ng gobyerno upang ituro sa mga paaralan ang respeto at simpatya sa kapwa-tao, imbis na ituring na kutong-lupa ang “mas nakabababa” sa kanila. Gawing prayoridad ng Department of Education (DepEd) ang ligtas at masayang kapaligiran sa mga paaralan, kung saan ang lahat ay may pantay-pantay na karapatan at oportunidad. Katulad ng adhikaing itinataguyod ni

Advertisement

Ang Baso

Bb. Minelyn Almodal, kung saan bahagi ng landas na kaniyang nais tahakin ay ang pakikipag-ugnayan sa magulang, pagsasagawa ng follow-up meetings sa mga biktima at bully, at pagpapatupad ng “values integration” ng mga guro.

Bilang mga mamamayan, tayo ay may pananagutang pangalagaan at mahalin ang mga kabataan. Nawaʼy palakasin pa ang kakayahan at liderato ng mga kinauukulan upang makamit ang isang kinabukasang puno ng pagasa at oportunidad para sa lahat.

Kaya naman, mahalagang gumawa ng inisyatiba ang ibaʼt ibang sektor ng gobyerno upang ituro sa mga paaralan ang respeto at simpatya sa kapwa-tao, imbis na ituring na kutong-lupa ang “mas nakabababa” sa kanila.

7 sa 10 estudyante ang nakaranas ng pambubully.

Ang mahasa ang magkatimbang na kasanayan ng mga mag-aaral sa literasi at numerasi ang pangunahing hangad ng mga paaralan sa elementarya at sekondarya upang matiyak na sila ay magtatagumpay sa pag-aaral at makasasabay sa isang mundong bukas sa maraming mga posibilidad. Nararapat ding tugon sa mga posibilidad na iniiwasang mangyari sa kanila katulad ng mga kaganapan sa pelikulang

Abakada… Ina. Ito ay isang pelikulang idinirehe ni Eddie Garcia at pinagbidahan ni Lorna Tolentino na mabisang pamukaw-isipang ang kakulangan ng kaalaman ay isang malaking kawalan. Inilarawan dito ang realidad ng pag-iral na kapag hindi marunong magbasa, magsulat at magbilang ay malaking pasanin sa pang-araw-araw na buhay.

Bago pa man nangyari ang paglaganap ng COVID-19, nasasalat na natin ang krisis pampagkatuto sa ating bansa. Sa “new normal” ay higit na pinalala pa nito ang epekto ng pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat marami sa kanila ang nahihirapang umunawa ng aralin. Malaki rin ang kinalaman sa tagilid na kalagayang ito ng mga mag-aaral ang social media at online games. Marami sa kanila ang nahuhumaling sa mga ito at nakalilimutan na ang kanilang tungkulin sa paaralan. Ayon sa ulat ng Common Sense Media, umaabot sa 9 na oras sa isang araw ang inilalaan online ng mga kabataang lampas sa edad 8-12. Mahigit 90% ng mga kabataang edad 13-17 ay gumugugol nang sobrang oras sa mga social digital network.

Dahil dito, patuloy ang pagtataguyod at pagpapalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga programang magpapaunlad ng kakayahan ng mga magaaral sa pagbasa at pagbilang. Sa ipinalabas na press release noong Pebrero 02, 2023, inilahad na ang pagpapaunlad ng programa sa literasi at numerasi at ang pagsasama ng “peace competencies” ang ilan sa mga nangunguna sa listahan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasaayos ng K to 12 curriculum upang lumikha ng handa sa trabaho, aktibo at responsableng mamamayan. Kaya, sa pamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon, palagiang igalaw ang baso. Bilang kaagapay sa hakbang na ito ng Kagawaran ng Edukasyon, pinagtuunan nang pansin ng Burauen Comprehensive National High School sa pangunguna ng punong-guro na si Gng. Glendale B.Lamiseria ang usapin sa pagbasa at pagbilang. Ipinatupad niya sa paaralan ang sumusunod na pamamaraan: (1) Bago ang panimulang gawain ng bawat klase ay nagbibigay ang guro ng maikling tekstong babasahin at nagpapasagot pagkatapos ng limang katanungan mula sa binasa; (2) Binibigyan din ng panlunas na gawain (remedial activity) ang sinumang mag-aaral na nabibilang sa pagkabigong antas (frustration level) ng pagbasa at may kakapusan sa Matematika; at (3) nagdisenyo ng bawat guro sa wika at matematika ng interbensyong mabisang magagamit sa kanya-kanyang klase sa hikayat na rin ng punong-guro ng paaralan. Nagtaguyod ng kabi-kabilang mga pamamaraan o interbensyong sa paaralan upang tuldukan ang suliranin ng mga mag-aaral sa literasi at numerasi. Hangad ng paaralang matamo ang “zero non-literate” at “zero non-numerates”. Ganyan nga mga ahente ng pagbabago, patuloy na igalaw ang baso.

Sama-samang igalaw ang baso ng lahat ng bumubuo ng Kagawaran ng Edukasyon upang malunasan ang kakapusan sa litersi at numerasi. Lumikha nang mas konkretong hakbangin at pangmatagalang programa ukol dito, hindi “band-aid solution” at lalong walang puwang ang “ningas cogon” . At pangatawanan ang pagiging kabahagi sa isisilang na bagong anyo ng buhay (banyuhay) ng itinuturing na mga “inapo ng mga bayani”. Ika nga ng ating Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Edukasyon na si Sara Z. Duterte, “Our children are the children of heroes. They are the descendants of Dr. Jose Rizal, Gabriela Silang, Francisco Dagohoy, and Sultan Kudarat. Our children are bound for greatness”.

Lumikha nang mas konkretong hakbangin at pangmatagalang programa ukol dito, hindi “band-aid solution” at lalong walang puwang ang “ningas cogon”.

At pangatawanan ang pagiging kabahagi sa isisilang na bagong anyo ng buhay (banyuhay) ng itinuturing na mga “inapo ng mga bayani” .

KAILANGAN NAMIN ANG BOSES MO!

Sumali sa Opisyal na Publikasyon ng BCNHS at samahan kaming isulong ang inobatibo at makabuluhang pamamahayag

This article is from: