1 minute read
BAYANING PINAPANDAY
Ang pagtatalo tungkol sa pagbabalik ng mandatory ROTC (Reserve Officersʼ Training Corps) ay nagdulot ng hating opinyon sa mga mag-aaral ng Burauen Comprehensive National High School (BCNHS). Ang panukala ni Senador Dela Rosa na tanggalin ang exemption sa Senior High School na mga mag-aaral sa naturang programa ay nagmarka ng hindi maipintang mukha sa iilan, habang ang iba naman ay nasasabik sa potensyal na benepisyo ng programa. Ang tanong, tinatahak ba ng ROTC ang tamang landas upang makabuo ng mga bayani ng kinabukasan?
Matatandaang noong taong
Advertisement
2019, binigyan ng “green light” ng House of Representatives ang ROTC sa kolehiyo, ngunit ang panukalang batas ay nakabinbin pa rin sa purgatoryo ng Senado. Samantalang nakaraan lamang ay humiling si President Ferdinand Marcos Jr. sa kongreso na gawing mandatory ang programang ito sa Senior High School.
Ang hakbanging ito ay sinag ng pag-asang nababanaag sa mga mata ng mga hangad na isulong ang ROTC. Batid nila ang potensyal na benepisyo ng nasabing programa. Kabilang dito ay ang paghubog ng disiplina, paghahanda sa mga sakuna, at pagbubuklod ng mga kabataan para sa iisang layunin. Ngunit isang malaking katotohanang may posibilidad na magdala ito nang panganib sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Kung kayaʼt umuusbong ang tanong na, “Katumbas nga ba talaga ng tunay na pagiging bayani ang paglahok sa ROTC?”
Sa pahayag ni Senadora Risa Hontiveros, “May ibaʼt ibang paraan para mahalin at magsilbi kay inang bayan.” Bukod pa sa argumentong ito, tunay ring hamon ang pagpapatupad ng programang ROTC sa bawat paaralan. Mula sa kakulangan ng mga pasilidad, kakapusan ng mga kagamitan, at ang laging umiiral na banta ng katiwalian at pang-aabuso ng mga