3 minute read
DILEMANG MAHIMBING
may kapangyarihan. Magdadagdag din ito ng pasanin sa mga mag-aaral dahil kailangan nilang maglaan ng higit na maraming oras at pagsisikap sa pagsasanay sa halip na magtuon sa kanilang pag-aaral. Ito ay maaaring magdulot ng mas mababang marka at akademikong pagganap. Itoʼy sinang-ayunan ng ilan sa mga estudyante ng BCNHS tulad na lamang ni Crystal Taño. Aniya pa, “Ang mandatory ROTC ay mainam para sa ating bansa, ngunit mas maganda kung hindi sapilitan ang pagsali sa programa dahil maraming mamamayan lalo na ang mga kabataan ang nagnanais ng kalayaan.” Pag-ingatan sana ng pamahalaan ang bawat desisyong tinatahak dahil ito ang lililok sa kinabukasan ng mga kabataan. Bumuo rin ang Kagawaran ng Edukasyon nang malinaw na mga alituntunin at patakaran upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kabataang maituturing na mga bayani ng kinabukasan.
...tunay ring hamon ang pagpapatupad ng programang ROTC sa bawat paaralan. Mula sa kakulangan ng mga pasilidad, kakapusan ng mga kagamitan, at ang laging umiiral na banta ng katiwalian at pang-aabuso ng mga may kapangyarihan.
Advertisement
Pagpupuyat. Isang mapanlinlang na salaring umaabusoʼt pumipinsala sa ating kalusugan at kabuuang produktibidad. Ang paggamit ng mga cellphone at iba pang gadyet, pati na rin ang mga responsibilidad sa trabaho o paaralan, ay nagiging malaking salik sa ating pagtulog. Kung hindi natin bibigyan ng sapat na oras ang ating pagpapahinga, mahihirapan tayo sa pakikipaglaban sa mga hamon ng ating buhay.
Bagamaʼt alam ng karamihan sa atin ang kahalagahan ng “beauty rest”, hindi pa rin natin magawang tuparin ito nang wasto. Mapanupil na nga ba tayo sa hindi matapos-tapos na paggamit ng mga gadyet, panonood ng pinakabagong labas na Netflix series at paghihintay na mag-”Good night” sa atin ng ating mga crush? Kahit na nakasanayan na nating magmukmok sa kuwarto o ʻdi kayaʼy gumawa ng mga takdang aralin sa hatinggabi, mahalaga pa rin ang papel na ginagampanan ng pagtulog sa ating kalusugan. Bagay na hindi binibigyang-diin ng lahat, lalo na ng mga kabataan. Ayon sa mga pananaliksik ng Healthline at The Sleep Foundation, napakaimportante ng sapat na pagtulog upang mapabuti ang ating memorya at kakayahang mag-isip. Ito ay lubhang kailangan lalo na sa pag-aaral upang makapagpokus tayo sa mga leksyon ng ating mga guro. Kapag natutulog tayo, ang ating katawan ay nagkukumpuni rin ng nasirang tissues at naglalabas ng mga hormone na nakatutulong sa pagpapanatili ng ating kabuuang kalusugan. Bukod pa rito, nababawasan ang tsansa ng depresyon at nagiging malakas din ang ating resistensya laban sa stress. Kung hindi natin
Hilahang Lubid
bibigyan ng sapat na pansin ang oras ng ating pagpapahinga, maaaring magdulot ito ng ibaʼt ibang mga problema sa ating katawan, sa pisikal man o sa aspetong pangkaisipan.
Ilang beses na bang nasabi sa atin na kailangan nating magkaroon ng sapat na tulog? Anim hanggang walong oras na tulog kada gabi ang kailangan upang maging malusog ang isang tao. Mukhang mas nanaisin pa ng ibang magpuyat kakanood ng mga bidyo sa TikTok at walangsawang maki-chismis online. Tara na, higa tayo. Panahon na para ibalik ang disiplina sa ating mga buhay. Sa mundong puno ng mga responsibilidad at pagkabalisa, ang pagtulog ang susi para maging masigla at mabigyang hustisya ang bawat araw na ipinagkaloob sa atin.
Animoʼy hilahang lubid o “tug of war” ang labanan sa pagitan ng social media at pag-aaral sa mga kabataan. Hugot dito, batak doon. Higit na naging mahigpit ang paligsahan lalo na sa kasalukuyan dahil sa patuloy na pag-angat ng teknolohiya. Nakapanghihina ng loob na higit pang itinatangi ng mga mag-aaral ang nakakaakit na alok ng mga gadyet kaysa sa napakalaking oportunidad na maibibigay ng edukasyon.
Sa kasalukuyang panahon, hindi maikakaila ang malaking papel na ginagampanan ng social media sa ating pang-araw-araw na buhay. Dahil sa platapormang ito, mas nagiging madali ang komunikasyon at koneksyon sa mga taong malayo sa atin — mapa-Pilipinas o ibang bansa man iyan. Ayon sa pananaliksik ng Backlinko, halos 4 na bilyong katao sa buong mundo ang gumagamit ng social media. Sa Pilipinas, mahigit 84.45 milyon ang “active users” ng social media at ginagamit ito ng ilan para patalastas ang sariling negosyo. Tunay na malaking oportunidad ito para sa mga negosyante at naghahanap ng trabaho.
Gayunpaman, sa kabila ng pagiging instrumento upang mapabilis ang koneksyon sa pagitan ng mga tao sa buong mundo, kaakibat nito ang ilan sa mga hindi kaaya-ayang epekto sa kalusugan ng kabataaan.
Batay sa isang artikulo mula sa MedicalNewsToday, maaaring magdulot ng anxiety, depresyon, at iba pang psychological disorder ang labis na paggamit ng social media nang mahabang oras.
Bukod pa rito, ang stress na dulot nito ay magbubunga ng mga isyu sa pagtulog at posibleng magresulta sa pagbaba ng akademikong pagganap, at makaapekto sa asal at appetite ng bata.
Ang malaking katotohanan, nanaisin pa ng iba na magpatianud at sumugal sa buhay ng social media kaysa sa magsunog ng kilay sa ngalan ng pag-aaral.
Nasa kamay ng bawat isa ang desisyon kung saang panig nila hihilahin ang lubid. Ngunit mas mainam na hilahin ang lubid tungo sa direksyong maglalatag ng maraming oportunidad.
Balansehin ang paggamit ng mga gadyet at ang pag-aaral, sapagkat anumang sobra o kulang ay masama.
Ang malaking katotohanan, nanaisin pa ng iba na magpatianud at sumugal sa buhay ng social media kaysa sa magsunog ng kilay sa ngalan ng pag-aaral.