4 minute read

KINADENANG BAHAGHARI

Advertisement

Marami ang nangangalandakang mas maayos at mas maganda diumano ang henerasyon ngayon dahil pantay-pantay ang mga tao. Ngunit, makatotohanan nga ba ang sinasabing pagkakapantay-pantay kung ito ay pabor lamang sa tradisyunal na pagkakakilanlan ng kasarian at hindi sa mga itinuturing na bahaghari ng lipunan? Ang hindi makatarungang pagtanggap sa mga miyembro ng LGBTQ+ ay malaon nang nangyayari sa lahat ng sektor ng lipunan.

Sa mga nakalipas na taon, lubos na nagpakita ng pagbabago ang komunidad ng LGBTQ+ hindi lamang sa larangan ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay, pati na rin sa siyensiya. Ayon sa American Psychological Association, ang mga bata na pinalaki ng magulang na may parehong kasarian ay “walang pagkakaiba sa kanilang pangkalahatang katalinuhan, psychosocial adjustment, gender identity, o sexual orientation.”

Sa pagsusuri naman ng Williams Institute sa UCLA School of Law, napagtanto na ang tamang suporta at pagbibigay ng karapatan sa mga miyembro ng LGBTQ+ community ay may malaking epekto sa kanilang kalagayan. Ayon dito, mayroong 14% na pagbaba sa bilang ng mga pagtatangka ng pagpapakamatay sa mga indibid- wal na LGBTQ+ na indikasyong tumataas ang tamang pagkilala at pagbibigay karapatan sa kanila sa lipunan. Ito ay patunay na ang pagbibigay ng suporta at respeto sa kanilang mga karapatan ay may positibong epekto sa kanilang buhay at kalagayan.

Ang pagsulong ng mga organisasyon tulad ng Cannot Live in a Closet (CLIC), Lesbian Equality Alliance (LeA), at Akbayan Citizenʼs Action Party ay nagpapakitang determinado silang labanan ang diskriminasyon. Gayunpaman, hindi pa rin sapat ang kanilang mga pagsisikap dahil laganap pa rin ang diskriminasyon at pagtanggi ng ilang sektor ng lipunan na tanggapin sila. Ayon sa FBI, halos 19 porsyento ng mga hate crime incidents na naitala noong 2018 ay may kaug-

EH, KASI NENE

nayan sa anti-LGBTQ bias. Sa mga insidenteng ito, ang mga gay na lalaki ang pinakamadalas na target (60 porsyento), samantalang ang mga lesbian naman ay may 12 porsyento. Sa buong mundo, hindi bababa sa 67 bansa ang may mga batas na nagpaparusang kriminal sa mga homosekswal na aktibidad. Mula sa multa, panghabang-buhay na pagkakakulong, hanggang sa kamatayan.

Ang lahat ng ito ay nag-ugat sa iisang rason — pagmamahal sa kapwa nila kasarian. Ipinaglalaban nila ang kanilang pagmamahal at karapatan na maging malaya, kahit pa hindi ito makatutugon sa mga pangkaraniwang pananaw ng karamihan. Ang karapatang ito ay hindi nararapat na ikait sa kanila dahil lamang sa makitid na pag-iisip at pagkakaiba-iba. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagtrato at pagmamahal, ano man ang kasarian.

Ang bahaghari ay hindi lamang isang magandang tanawin ng ibaʼt ibang kulay, kundi simbolo ng pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa ibaʼt ibang bahid ng kasarian sa lipunan. Sa pagsulong ng usaping ito, ang unang hakbang ay buksan ang ating isipan at unawain hindi lamang ang ating sariling kapakanan, kundi pati na rin ang kapakanan ng LGBTQ+. Hindi lamang ito tungkol sa pagbibigay ng respeto, kundi pagiging bukas sa pag-unawa at pagtanggap sa kanilang karapatan bilang kabahagi ng nilikhang nilalang ng Diyos sa mundong ibabaw.

Ang karapatang ito ay hindi nararapat na ipagkait sa kanila dahil lamang sa makitid na pag-iisip at pagkakaiba-iba. Ang lahat ay may karapatan sa pantay na pagtrato at pagmamahal, ano man ang kasarian.

Isa sa mga malalaking suliranin ng ating lipunan ay ang tumataas na bilang ng kaso nang maagang pagbubuntis. Kahit may pagsisikap na ang ibaʼt ibang sektor ng lipunang gampanan ang kanilang papel upang maiwasan ang mga salik na kaakibat ng problemang ito, ang bilang ay nananatili pa ring nakababahala. Hindi naaayon ang ganitong hakbang na mabilisan at wala sa plano dahil masisira ang pag-aaral at ang pagkakataon ng mga kababaihang maranasan ang pagiging dalaga.

Sulyap pa lamang sa datos ng Commission on Population and Development (Popcom) ay makikitang mataas ang bilang ng mga kababaihang edad 15 hanggang 29 na nabubuntis. Hindi na bago ang balita tungkol dito at masakit mang amining bunga ito ng kakulangan ng kaalaman sa proteksyon at responsableng pagpaplano ng pamilya. Hindi pa handa ang katawan ng mga batang ito sa maagang pagbubuntis at sa responsibilidad ng pagiging magulang. Kaya naman, maaaring maging banta ito sa kanilang kalusugan at kina- bukasan. Tulad ng kasabihang, “Prevention is better than cure,” mahalaga ang pagbibigay sa kanila nang sapat na edukasyon at suporta upang maiwasan ang teenage pregnancy. Sa ganitong paraan, higit na gaganda ang hinaharap ng ating mga kabataan at maging nang buong lipunan. Bukod sa kakulangan ng edukasyon, isa pang dahilan ay ang mga kultural na paniniwala. Sa kultura ng Pilipinas, minsaʼy pinipilit ang mga kabataang magpakasal sa murang edad upang maging tagapagtatag ng pananalapi, ngunit hindi ito ang tamang solusyon upang umahon sa kahirapan.

Ilan sa mga proteksyong paraan ay ang paggamit ng condom at mga contraceptive pills. Ito ay hindi lamang nagbibigay ng proteksyon sa pagbubuntis kundi pati na rin sa pagkalat ng mga sexually transmitted diseases (STDs). Isa itong napakahalagang aspeto ng edukasyon tungkol sa kalusugan at produktibong hindi nabibigyang-diin. Ito rin ang dahilan kung bakit ang karunungan ay nagsisilbing sandata upang labanan ang kahit anong suliranin

Bayanihan ang sigaw nating mga mamamayan upang isalba ang mga bagong sibol na kababaihan sa ating lipunan. Para sa pamahalaan, palakasin pa ang kampanya laban sa maagang pagbubuntis. Para sa pamilya, tuloy-tuloy na ipamulat ng mga magulang na ang pagtatalik ay sagrado. At para sa katulad nating mga nene kung ituring, umiwas sa tukso at panganib sa landas ng kabataan at patunayang tayo ay mayuming dalagang Pilipinang

Liham Sa Patnugot

Mahal naming Tagapatnugot, Nakaranas ang aming klase ng isang nakapanlulumong kompetisyon. Sa halip na magtulungan at magkaisa upang matuto, ang ilan sa aming mga kasamahan ay nagiging mapanuri at mapanghusga. Nalulunod na ako sa mga tuntunin at hindi na kayang maging masaya pa. Anuman ang aking nagawa, hindi sapat para sa kanila at sa kanilang mga mata. Hindi ako sapat.

Bilang isang Tagapatnugot, hinihiling ko ang inyong opinyon tungkol sa isyu na ito. Ano ang maaaring gawin upang lutasin ang suliraning ito?

may mararating. upang

Sa iyo, Henrietta, Laganap ang ganitong uri ng kompetisyon sa maraming paaralan at lugar sa mundo, ngunit huwag kang mawalan ng pag-asa. Una, bigyang halaga muna ang iyong sarili at huwag pumayag na masira ng mga mapanghusga na pananaw ang pagtingin mo sa iyong sarili. Ikalawa, maghanap ng mga taong tutulong at magbibigay ng positibong suporta sa iyo. At higit sa lahat, huwag kang mawalan ng pag-asa at patuloy na magpakatatag sa kabila ng mga hamon. Tandaan, “Pag-aralan mong mahalin at yakapin ang sarili, dahil tanging ikaw ang makapagsasabi ng iyong tunay na halaga.” sa kanilang buhay. sa mga numero na respondente

Panukalang SOGIE Bill sa 125

77.6% 16% 6.4% sang-ayon hindi sang-ayon neutral

DATOS MULA SA: ANG KALAPATI ESTATISTIKO

At para sa katulad nating mga nene kung ituring, umiwas sa tukso at panganib sa landas ng kabataan at patunayang tayo ay mayuming dalagang Pilipinang may mararating.

This article is from: