1 minute read

Arad� han Katam-isan

“Karasa nala! Maagain-again.”

Tikman mo. Papakin mo. Iuwi mo. Ibahagi mo, ha? Huwag kang magworry, nakakaumay free ang beauty ko.

Advertisement

Ako ang numero unong suki ng sugar industry. Talaga! Masarap akong tikman. Hindi naman ako kagandangn ngunit pinipilahan. Inis nga sila sa akin kasi suki na raw sila kay Mr. and Mrs. Dentista.

“Ate, tag-nine na gadla!” Iyan ang inda ng mga ultimate suki kong mabunganga.

Patok ako dahil sa mga dala kong nira-tira, pakumbo, umol, camote candy, cocObar, lawhit, lisgis at ang fave ni Manong Dayo, ang bukayo!”

“Kaibigan, saan ang punta mo?”

“Ha Arado, mapalit hin bukayo. Upod ka? Tara.”

Aligaga sa pagkakaupo. Sabik na sabik mapanood ang kanyang sinusubaybayang teleserye.

Inaabangan ang linyahan nina Mike Enriquez, Mel Tiangco at Vicky Morales na “...dahil hindi natutulog ang balita nakatutok kami 24 oras.”

Sa isang pitik ng daliri, nagmukhang kahapon ang kapaligiran sa screen. Ito ang mahikang bumabalot sa kaibuturan ng mga die-hard fans ng Maria Clara at Ibarra na umiiri tuwing alas otso ng gabi sa GMA Kapuso Network.

Isang lokal na serye ng dramang Pilipinong pumatok sa panlasa ng mga Gen Z kung saan karamihan sa kanilaʼy nilamon ng sistemang K-Drama. Itoʼy nagsilbing time capsule sa mga kabataan sapagkat animoʼy dinadala sa kanila sa sinaunang panahon.

Sa tulong ng magagaling na aktor at aktres na nagbigay-buhay sa mga karakter ng serye gaya ni Barbie Forteza (bilang Klay) kung saan ipinamalas niya ang kakuwelahan at kahusayan sa ginampanang katauhan. Minulat ang mga mata sa kasaysayan gaya ng pagmamahal sa kanyang bayang sinilangan.

Nandyan din ang karakter ni Maria Clara na ginagampanan ni Julie Anne San Jose na nagpapakita ng pagiging isang dalagang Pilipina. Mayumi, magalang, may respeto sa sarili.

At ang panghuli ay si Crisostomo Ibarra na ginampanan ni Dennis Trillo. Kay husay ng kanyang pagsasabuhay sa karakter na nagdagdag ng kulay sa kabuuan ng istorya.

Sa loob ng limang buwang pag-ere ng palabas sana nasagot na ang tanong ni Klay kay Mr. Torres kung ano nga ba ang pakialam niya sa Noli o sa kasaysayan at struggle ng bansa. At kagaya ng hinahangad ni Mr. Torres, nawaʼy mamulat ang isipan ng mga kabataan sa totoong itsura ng kasaysayan para maipagpatuloy ang labang inumpisahan ng ating dakilang bayani, si Gat Jose Rizal.

This article is from: