5 minute read

Learning imbis suspensyon, tugon ng DepEd

Napapasubok na lumusong sa baha ang mga mag-aaral ng Agusan del Sur National High School(ASNHS) dahil sa kasalukuyang nararanasan na palagiang malakas na pagbuhos ng ulan sa San Francisco Agusan del Sur na humantong sa pagkabaha ng iilabf barangay sapagkat naapektohan nito ang pag—aral ng mga estudyante sa nasabing institusyon.

Base sa mandato ng Department of Education (DepEd), kapag mataas na ang tubig sa lugar, ang solusyon nila sa ganitong problema ay ang pagpapatupad ng blended learning na kung saan ang mga estudyanteng apektado ay hindi na kailangan pumunta sa paaralan ngunit dapat pa class o magpasa ng modyul/gawain.

Advertisement

Dagdag pa dito, ang mga local chief executives o Local Government Unit(LGU) ng munisipyo ang mag dedesiyon sa class suspension kung ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) ay mag deklara na ng Yellow Warning.

Ngunit sinabi naman ni Municipal Mayor Grace Bravo-Paredes, “kung hindi pa nakakatanggap ng Orange Rainfall Warning at maraming lugar na ang nakaranas ng pagbaha, nasa Punong Guro pa rin ang desisyon kung ano ang nararapat gawin sa mga estudyanteng apektado”.

Ipinaliwanag din niya na bumabase lamang ang munisipyo sa anunsyo ng (PAGASA) kaya responsibilidad ng Punong Guro ng mga paaralan ang desisyon upang makaiwas sa kapahamakan.

“Kapag nakaranas na ng pagbaha ang estudyante sa kanilang lugar, dapat ipaalam nila ito sa kanilang mga guro para maisali sila sa blended learning at hindi sila mahuli sa kanilang talakayin”, paliwanag ni Punong Guro ng ASNHS, Marilou P. Curugan.

Nananawagan din sya sa mga guro na dapat konsiderahin ang mga mag-aaral lalo na sa ganitong panahon at makinig sa kanilang mga paliwanag.

“Nais kong ipaabot sa ating Local

Government Unit (LGU) na wag na sana nilang hintayin na bumaha sa mga lugar bago nila ideklarang walang pasok dahil may mga estudyanteng katulad ko na malayo pa ang lalakarin upang makapunta sa paaralan”, ayon pa kay April Verano mag-aaral ng ASNHS. Sinabi pa ng estudyante na sana hindi na maulit ang nangyari dati na baha na sa kanilang lugar ngunit pinilit pa rin niyang pumasok at pagdating niya sa paaralan dineklarang wala na palang pasok.

Sa kasalukuyan, sinusunod pa rin ng ASNHS ang Deped Order No. 37, S. 2022 na kapag ang Munisipyo ay nasa Orange Rainfall Warning na, wala na talagang pasok ang mga paaralan.

Public Display of Affection, higit na ipinagbabawal, kinadidismaya ng pamunuan ng paaralan

Binigyang diin ng Agusan Del Sur National High School (ASNHS) ang isyu tungkol sa Public Display Affection (PDA) ng mga mag-aaral na maaring makagambala sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagpapatupad ng polisiyang “No PDA Policy”.

“Nakasaad sa student’s handbook na ang kissing, holding hands, hugging at pag-upo sa kandungan ay isa sa mga minor offense at hindi naman ito binibigyan ng mabigat na parusa ngunit’ 'di ibig sabihin na malaya na nila itong gagawin lalo na sa loob ng paaralan”, ayon kay Guidance Councilor, Rosa Goloran.

Dagdag pa niya kapag may isyung katulad nito ay binibigyang aksyon kaagad ng mga guro sa pamamagitan ng pagbibigay abiso at pagpapatawag ng mga magulang.

Modular Learning Modality, tugon ng ASNHS sa mga Mag-aaral na Nagdadalang-tao

Hinihimok ng paaralang Agusan del Sur National High School ang mga magaaral na nagdadalang-tao na ipagpatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral ayon sa bagong ipinalabas na school policies ng paaralan sa S.Y. 2022-2023.

Naitalang isa sa bawat 10 mag-aaral ang nabubuntis at humihinto na sa pag-aaral dahil sila ay nagdadalang-tao ayon sa datos ng Guidance Office ng paaralan.

“Hinihikayat natin ang mga estudyanteng buntis na ipagpatuloy pa rin ang kanilang pag-aaral sa kabila ng kanilang sitwasyon. Kaya ay may mga ipinatupad na Learning Modalities ang paaralan na magsisilbing tulong sa mga mag-aaral na hindi komportableng pumasok sa paaralan habang sila ay buntis.” pahayag ni Gng. Rosa Goloran, Guidance Counselor.

“Bilang mag-aaral at babae, nasiyahan ako sa nagawang desisyon at polisiya ng paaralan na huwag patigilin ang mga magaaral na nabuntis sa taong panuntunan na ito, dahil karapatan pa rin naming mga babae ang makapag-aral kung gustuhin namin.” ani ni Precious Monic B. Milar, magaaral sa Grade 11.

Gamit ang Modular Learning Modality ang mga kumpirmadong mag-aaral na nagdadalang-tao ay maaaring mag-aral lamang sa loob ng kanilang bahay, Printed man o Digitized, at patnunubayan ito ng kanilang tagapayo.

Sa ngayon, kinikilala na ng mga tagapayo ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang silid-aralan ang mga kumpirmadong nagdadalang-tao at ipapasa ang mga datos sa Guidance Office upang mabigyan ng gabay para sa susunod nila na hakbangin.

“Sa kasalukuyan, isa ito sa problemang hinaharap namin ngayon at kabilang dito, may isang pangyayari na pinatawag naming ang magulang ngunit di siya naniwala sa ginawa ng kanyang anak kaya nahirapan kaming solusyonan ang isyu” pahiwatig ni Grade 10 Chairman Grace N. Alburo.

Patuloy pa niya na sa 10 kaso nito sa Junior High ay wala pang napatawag sa Guidance office dahil lahat ay napag usapan at naayos sa pagitan ng mga guro at magulang ng estudyante.

“Bilang student leader, pinapaala ko talaga sa kanila na alamin ang mga limitasyon lalo na kapag nasa publiko kasi kadalasan na sa atin dito ay minor de edad pa lamang , maging angkop tayo na mag aaral at magsilbing mabuting modelo sa iba,” ani ni Supreme Student Government(SSG)

President, Drix Nicolas P. Concepcion.

“Pinapaabot ko sa mga magulang na maaring patuloy pa rin nilang paalalahan ang kanilang mga anak sa mga bagay-bagay dahil alam naman natin na ang mga kabataan ngayon ay mahilig mag-explore , wag tayong magkulang sa paggabay”, sabi pani SSG Adviser Arnino L. Suat.

Sinabi rin nya na okay lang magkaroon ng relasyon habang nag aaral ngunit siguraduhing mabalansi ang oras para sap ag-aaral, sarili, pamilya at iba pang mga top priorities.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin paggabay ng mga guro at pamunuan ng paaralan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng Homeroom Guidance Program at iba pang programa ng paaralan.

Kakulangan sa silid-aralan, upuan, binigyang-aksiyon ng ASNHS, PTA

Nireresolba ngayon ng Agusan del Sur National High School (ASNHS) ang kanilang pangunahing problema na kakulangan ng mga silid-aralan at upuan dahil alinsunod sa inilabas na DO No. 34 S. 2022, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-antala sa klase ng mga estudyante kung kaya’y napawalang-bisa ang shifting of classes na naging solusyon ng paaralan sa krisis na ito bago nagkapandemya.

“Kinakailangan na sa silid-aralan, nasa 40-45 lamang ang bilang ng mga estudyante. Ngunit, dahil sa pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa ASNHS, nakukulangan na ng upuan at silid-aralan ang ating paaralan,” pahayag ni ASNHS Property Custodian Rolly Q. Palacio.

Tinatayang nasa 1,500 na ang bilang ng upuan at 30 na silid-aralan ang kulang sa naturang paaralan.

Ayon pa kay Palacio, “Nakahanda na ang isang Site Development Plan kung saan ipinapahayag kung saang mga lugar sa loob ng kampus ang maaaring pagtayuan ng mga gusali na gagamitin upang madagdagan ang mga silidaralan.”

Idinagdag pa ni Gng. Analisa Tuble, PTA President, na sa kasalukuyan ay may mga paaralan o institusyon na nagbigaydonasyon sa nasabing paaralan, ang Southway College of Technology (SOCOTECH), St. Francis Xavier College, at ang dating STI College at nagbigay ng mga upuan upang magamit ng mga mag-aaral.

“Kinakailangan na maresolba ang problemang ito sa lalong madaling panahon kaya binibigyang-aksiyon na ng paaralan ang tungkol dito upang magkaroon na ng komportable at maayos na lugar ang mga mag-aaral para mag-aral” ani ni Gng. Marilou P. Curugan, School Principal.

Sa kasalukuyan, naghahanap pa rin na iba pang solusyon ang pamunuan at patuloy ang pag-aaral sa loob ng paaralan.

This article is from: