2 minute read
ASNHS SF Kickers, tatadyak sa Palarong Pambansa 2023
Djaharah Cyril Marie A. Ombajin itbit nila Ashleigh Sevilla, Jestyn Cabardo, at Dan Recitas ng Agusan del Sur National High School (ASNHS)
SF Kickers Taekwondo Gym ang 3 gintong medalya sa ginanap na Taekwondo Championships ng 2023 Caraga Athletic Association – Regional Sports Competition (CAA-RSC) sa Butuan
Advertisement
Maaliwalas na ibinandera ni Recitas ang nagniningning na medalya nang matagumpay niyang napangunahan ang Kyorugi-Feather Weight Category ng laro.
Pakikilahok ng mga Transgender Athletes sa Competitive Sports
79
WOMEN’S VOLLEYBALL CHAMP
Samantala, maiging naiselyo ni Cabardo ang dagdag na tagumpay matapos durugin ang mga katunggali sa Poomsae Individual – Boys.
Hindi naman nagpapahuli si Ashleigh Sevilla na ipamalas ang kanyang angking galing sa Poomsae Individual – Girls na siyang nagresulta ng kaniyang pamamayagpag.
Sapat na ang 3 ginto upang maisiguro ang kanilang pwesto para sa Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City ngayong Hulyo 29 hanggang Agosto 5.
2023 Agusan del Sur Division Athletic Meet
SAFROBUN, nagwagi sa kampeonato; pasok sa Regionals
SAN FRANCISCO, Agusan del Sur –
Nasikwat ng Cluster 2 San Francisco Rosario Bunawan (SAFROBUN) ang gintong medalya kontra Cluster 4 Trento Sta. Josefa Veruela (TRESJOVER) at nakapagtala ng 2-0 (25-17, 25-20) sa isinagawang Men’s Volleyball Championship sa Alegria Covered Court, Marso 5.
Umikot ang malalakas na hiyawan ng mga manlalaro at manonood nang matagumpay na naiselyo ng SAFROBUN ang 8 puntos na lamang sa huling sandali ng laro.
Dala-dala ng Cluster 2 ang kanilang maiigting na depensa na siyang kumontra sa cross court attacks mula sa katunggali, 10-8.
Naglapag ng 5 blocks ang TRESJOVER ngunit nagpaulan ng 3 aces, 3 kills, at 4 na service aces ang mga balibolista ng SAFROBUN upang itakda ang panapos ng unang set, 25-17.
Patuloy na ipinakitang-gilas ng ikaapat na cluster ang kanilang blocks at maiinit na spikes at lumamang ng 3 puntos at sa pag-asang mapasakamay ang ikalawang bahagi ng laro, 12-9.
Naisiguro naman ng TRESJOVER na itala ang 16-16 na tie at mabilis na nagpaulan ng 3 aces upang ipantay sa 1-1 ang set score subalit makapangyarihang depensa at atake mula SAFROBUN ang kumandado sa set sa iskor na, 25-20.
Sasabak ang mga manlalaro sa 2023 Regional Athletic Meet na siyang gaganapin sa Butuan City ngayong Abril 24-28.
SAFROBUN, nagkampeon sa Women’s Volleyball; bibida sa Regionals
John Rodge Sevilla
maaliwalas na pagdiwang.
Lumipad agad ang 2 aces at 1 block ng SAFROBUN at kumamada puntos sa unang mga sandal ng unang set, 5-2.
Nagpaulan naman ng mga 4 na nagbabagang cross court attacks ang Cluster 4 upang maitala ang 5 puntos na lamang, 12-17.
Ipinatikim naman ng SAFROBUN ang 3 blocks at 2 spikes subalit nagresulta ito sa net errors kasabay ang 3 service aces ng TRESJOVER na siyang nagresulta pagkakabigo ng Cluster 2 sa set, 17-25.
TRESJOVER at pumoste ng 3 puntos subalit tuluyang nagdomina ang SAFROBUN at mabilis na ibinuhos ang 3 kills, 2 digs, at 1 service ace upang bawiin ang pagkatalo sa unang set, 25-21.
Nakabibinging hiyawan ng mga manonood ang nagpapalibot sa court nang mas bumigat ang tensyon ng magkatunggaling koponan.
SAN FRANCISCO, Agusan del Sur - Naangkin ng Cluster 2
San Francico Rosario Bunawan (SAFROBUN) ang nagniningning na gintong medalya 2023 Agusan del Sur Division Athletic Meet Championship Game matapos durogin ang
Cluster 4 Trento Sta. Josefa Veruela (TRESJOVER), 2-1 (17-25, 25-21, 25-23) sa Alegria Covered Court, Marso 5.
Ipinalasap ng SAFROBUN ang kanilang husay sa sets at ace loob ng court na siyang sanhi ng kanilang
Hindi naman nagpakita ng kahinaan ang SAFROBUN at binitawan ang kanilang angking galing sa cross court attacks at aces upang pantayan ang puntos sa 9-9 sa pagbubukas pa lamang ng ikalawang set.
Nagpakawala ng spikes ang
Kumawala ng maiinit na aces at matitinding blocks ang Cluster 4 sa pag-asang ibulsa na nang tuluyan ang panalo bilang kampeon subalit naging mahirap na para sa kanila ang pag kontra sa maliliksing spikes at 3 mahihigit na blocks mula sa SAFROBUN na naging dahilan upang maiuwi ng Cluster 2 ang maaliwalas na tagumpay, 25-23.
Lalaban ang mga nagkampeon sa gagawing Regional Athletic Meet sa Butuan City ngayong Abril 24-28.