3 minute read

‘Sikad’ ng Ngayon

Sikad, pangkaraniwnag salita na ibig sabihin ay patuloy na pagusad, kung saan nangggaling ang salitang traysikad, behikulong de pedal na patuloy na pumipedal at nakikipagkarera sa mundo ng mga makina.

Ang pagiging sikad drayber ang hanapbuhay ni Mang Arvin, 50 taong gulang at may 2 anak. Ang mga anak niya ay nag-aaral sa Agusan del Sur National High School.

Advertisement

Ayon kay Mang Arvin, nalampasan niya ang bawat pagsubok sa buhay, napapakain

Mardy D. May-as

niya ng tatlong beses kada araw ang kaniyang mga anak, at sila ay nagaaral, may bahay silang natitirahan, dahil sa kaniyang hanapbuhay ang pagiging sikad drayber.

Ngunit ang sikad na nagsisilbing hanap buhay ni mang Arvin ay unti-unti nang nalilimutan ng karamihan sa atin.

“Nakakalungkot man isipin na karamihan sa mga tao ay di na kami pinapansin, ngunit nag papatuloy parin ang arangkada namin kada araw ibinahagi ni Mang Arvin.

Patuloy ang arangkada ng mga sikad sa kasalukuyan, ang pagpapanatili nito sa daan ay mahalaga upang magsilbing transportasyon ng mamamayan. Sa mundong puno ng makina, iisa lang ang behikulong maka masa na nagbibigay pagasa sa bawat pasahero at motorista.

Nagpapatuloy pa rin si Mang Arvin sa pagiging Sikad Drayber, ‘di niya pinapansin na unti-unti na silang kinakalimutan, sa halip ito ang nagsisilbing inspirasyon niya, na ipatuloy ang arangkada ng Sikad sa daanan ng Ngayon.

Hiwaga ng Paniniwala:

Kariktan ng Kalangitan tuwing Titingala

sa atmosphere ng mundo at tumatama sa buwan. Ito ang dahilan kung bakit ang total lunar eclipse ay kadalasan tinatawag na ‘Redmoon’.

bahagi ng Pilipinas, ito ay nangyayari dahil napapagitnaan ng Araw at ating planeta ang buwan, kapag nangyari ito hinaharangan ng buwan ang liwanag na patungo sa ating mundo.

Pinaniniwalaan na lumalabas si 'Laho'; isang serpentong makaliskis at mabangis, tuwing bilog ang buwan. Sa bawat pagkakataong lumitaw ang buwan sinisikap ni Laho na abutin ito sa kalangitan, upang maging malakas at makontrol ang lahat ng bagay sa kanyang mundong ginagalawan. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pulang buwan.

Research Proposal

Noong Nobyembre 8, 2022 nasaksihan ng buong mundo ang pulang buwan o tinatawag natin na 'Red moon'; Magaganap lang ang ito kapag mayroong isang lunar eclipse, sa panahon ng lunar eclipse ang tanging sikat ng araw na umaabot sa Buwan ay dumadaan sa atmospera ng ating Mundo na nagsasala sa karamihan ng kulay asul at nag-iiwan ng mapusyaw na pula. Tumatagos ang pulang ilaw na ito

Samantala, sa sinaunang panahon, pinaniniwalaan din ng mga Pilipino na lumalabas din si 'Sawa'; isang malaking ahas na sa halip na buwan ang kanyang puntirya, ito ay ang Araw. Napapahanga ito sa kagandahan at kariktan ng araw ito ang naging dahilan sa pag-usbong niya mula sa kagubatan, lumulutang papalapit sa kalangitan at kinakain ng buo ang araw na naging dahilan ng ‘Solar Eclipese', ngunit sa tuwing naririnig niya ang napapawing musika, mga tambol at hiyaw unti-unti niya itong linuluwa at tuluyang natutunaw.

Sa ika ng 20 ng Abril, isang partial solar eclipse ang nakita sa iba’t ibang

Maswerteng nasilayan ang bihirang pagkakataon na mga ito na inaasahang muling mangyayari sa susunod pang 3 taon o sa Marso 2025 at sa Hunyo 28, 2028.

Mga pangyayaring ito ay nagaganap lang paminsan-minsan, bigyan pansin, tuklasin at galugarin ang kagandahan na iniaalay ng kalangitan. Sa bawat paglitaw ng buwan sa kalangitan. Iwanan muna ang mga bagay na maaring maging hadlang, huwag hayaang malampasan ang ibat-ibang anyo ng buwan sa isang iglap lang.

‘Umalis

Walang Paalam’: Research Title, kinagigiliwan

Lysandra Kyle B. Quijada

aaliw ang mga panel sa ginawang pananaliksik ng mga Grade 12 na mga mag-aaral kamakailan sa kanilang Research Proposal, na pinamagatang

N

“Umalis nang Walang Paalam, Iniwan ang Pusong Luhaan: A Quantitative Study of the Impact of Ghosting in Mental Wellbeing of Senior High School Students”, ito ay isinagawa nina Jeyford Monteza, Shynalie Cahapon, Jesson Banluta, Raymond Bayon, Frederick Macarayo at Rico Remis, sa patnubay ni Gng. Josephine Cuizon.

Makikita palang sa pamagat, masasabing qualitative ito, qualitative na klase ng research, tila isang karanasan ng mga indibidwal. Gaya ng case study, kailangan niya ng indepth na pananaliksik kung ano nga ba talaga ang nangyari. Ang unang naging reaksyon ni Gng. Cuizon sa kanilang research.

Giit ni Monteza, ang titulo ng kanilang pananaliksik ay tungkol sa biglang paglaho ng isang karelasyon o ghosting. Ito ay nagawa nila upang mahanap, tulungan at payohan, ang mga kababatang nakararanas at nakaranas na nito.

“Nagawa namin ang research para maiwasan, at kung nakaranas na, malaman at maintindihan, kung ano ang iba’t ibang epekto na hatid ng ghosting. Para magkaroon ng kamalayan, para maiwasan.” Ayon kay Monteza

Mahalaga ang research upang matugunan ang isang partikular na problema, o puwang na nakita mo sa naunang isinagawang pananaliksik, dahil ito ang unang hakbang. May’ umiiral na mga problema at para matugunan ang mga problemang iyon, kailangang magsaliksik, di’ pwedeng magbigay ng solusyon ng walang katotohanan at ebidensya. Dapat may data at doon nakabase, kung kaya’t may research. Dagdag pa ni Ma’am Cuizon.

“Sabi nila research is the most challenging subject, karamihan ng mga estudyante ay 'di gusto ang research dahil mahirap ito. Ngunit sabi din nila, kailangan mo lang sabihan ang iyong sarili I love research, I love research, I love research parang kino-kondisyon mo lang ang sarili mo, nagagawa naman ng iba bakit hindi mo magawa, habang natututo ka sa konsepto unti unti mong maiintindihan ang research, unti unti mo rin itong mamahalin.” Taos pusong ibinahagi ni Ma’am Cuizon.

Ginagawa ang research o pananaliksik upang umunlad ngunit, di man namalayan ito pala ay nagdulot ng kasiyahan at pagmulat, pagmulat sa kung ano ang totoo at tunay na nangyayari sa mundo.

This article is from: